573. Si Jesus Tinanggihan ng mga Samaritano. Kasama si Judas ng Kerioth.

Marso 5, 1947.

Ang Tirzah ay labis na napalilibutan ng mayayabong na mga taniman ng mga punong-olibo, na kinakailangan na maging napakalapit sa bayan upang makita na ito ay naroroon. Ang isang paikot na hilera ng magagandang matatabang hardin ng mga gulay ay ang huling nakapagtatakip sa mga kabahayan. Sa mga pangkusinang-hardin ang atsikorya, ang mga ensalada, ang mga legumbre, ang bata-pang mga tanin ng mga kalabasino, mga namumungang mga punungkahoy at mga balag, ay pinaghahalo at pinagsasala-salabid ang kanilang iba't ibang mga kulay at ang kanilang mga pamumulaklak nangangako ng bunga o ang maliliit na prutas nangangako ng mga kasiyahan. Ang mga baging at ang maaagang punong-olibo, hinihipan ng isang kung baga malakas na ihip-ng-hangin, ay pinalililiman ang kanilang maliliit na mga bulaklak nagwiwisk sa lupa ng mala-berdeng-maputing niyebe.

Mula sa likuran ng humaharang na mga tambo at mga willow, na mga tumubo malapit sa isang tuyong kanal na ang ilalim nito, bagama't basa pa, ay lumitaw ang walong mga apostol na mga pinauna, nang kanilang marinig ang pagkaluskos ng mga bagong dating. Sila ay hayag na balisa at malungkot at kanilang sinenyasan ang mga bagong dating na tumigil. Sila ay kasabay na nagmadaling lumapit. Nang sila ay sapat na malapit na upang marinig na hindi sumisigaw, sinabi nila: «Huwag lumapit! Lumayo! Bumalik tayo, patungo sa kabukiran. Hindi posibleng pumasok sa bayan. Halos binato nila kami. Lumayo tayo, patungo sa palumpungan na iyon, at tayo ay mag-uusap...» At nagmamadaling katulad nila na makalayo nang hindi nakikita, tinutulak nila si Jesus, ang tatlong apostol, ang bata at ang mga babae sa tabi ng tuyong kanal at sinabi nila: «Ayaw namin na makita rito. Tayo na! Tayo na!»

Walang mangyari sa pagsisikap nina Jesus, Judas at ng dalawang anak ni Zebedeo na malaman kung ano ang nangyayari. Walang mangyari silang nagtatanong: «Ngunit papaano si Judas ni Simon? Papaano si Eliza?» Ang walo ay hindi nakikinig sa kanila. Naglalakad sa magkakasalabid na mga tangkay at mga tanim-tubig, ang kanilang mga paa nasusugatan ng mga lubog-na-damo, ang kanilang mga mukha nasasaktan ng mga willow at ng mga tambo, nadudulas sa putik sa ibaba, humahawak sa mga tambo, naghahanap ng makakapitan sa mga gilid at natitilamsikan ng mga putik, sila ay lumalayo, itinutulak mula sa likuran ng walong apostol na nagpapatuloy na ang kanilang mga ulo halos nakalingon upang tingnan kung may sumusunod sa kanila na mula sa Tirzah. Ngunit walang sinuman sa daan bagkus ang araw, na nagsisimula nang lumubog, at isang payat na ligaw na aso.

Sa katagal-tagalan sa wakas malapit na sila sa isang malaking bunton ng mga palumpong na nagiging isang hangganan ng isang ari-arian. Sa likuran ng mabababang punungkahoy ay may isang bukid ng lino na ang mahahabang tangkay nito, umaalon sa ihip ng hangin, ay nagsisimula nang magpakita ng kanilang asul-kalawakan na mga bulaklak.

«Dito, sa loob dito. Kung mauupo tayo rito, walang sinuman ang makakakita sa atin at kapag dumilim na tayo ay aalis...» sabi ni Pedro pinupunas ang kanyang pawis.

«Saan?» tanong ni Judas ni Alfeo. «Ang mga babae ay kasama natin.»

«Pupunta tayo kung saan man. Maging ano pa man ang mga parang ay puno ng dayaming pinutol kamakailan pa lamang. Puwede na iyan maging higaan. Gagawa tayo ng mga tolda sa pamamagitan ng ating mga manta para sa mga babae at tayo ay magbabantay.»

«Oo. Sapat na ang di makita at pagkatapos makababa patungo sa Jordan sa pagsikat ng araw. Tama Kayo, Guro, sa hindi Ninyo pagkagusto na kunin ang daan na dumaraan sa Samaria. Para sa mga kaawa-awang tao katulad natin, ang mga mandarambong ay mas mabuti pa kaysa sa mga Samaritano...» sabi ni Bartolomeo, na naghihingalo pa.

«Ngunit ano ang nangyari, sa isang salita? Si Judas ba ay may ginawang ilang...» sabi ni Tadeo.

Si Tomas ay pinutol siya nagsasabing: «Si Judas ay tiyak na nabugbog. Nalulungkot ako para kay Eliza...»

«Nakita ba ninyo si Judas?»

«Hindi. Ngunit madaling maghula nang tama. Kung sinabi niya na siya ay Inyong apostol, siya ay tiyak na tumanggap ng isang pambubugbog. Guro, ayaw nila sa Inyo.»

«Oo. Lahat sila ay nagrebelde laban sa Inyo.»

«Sila ay tunay na mga Samaritano.»

Lahat sila ay nagsasalita nang sabay-sabay.

Si Jesus ay nagpapataw ng katahimikan at nagsabi: «Gawin na isa lamang ang magsalita. Ikaw, Simon Zealot, dahil ikaw ang pinaka kalmante.»

Panginoon, ito ay masasabi kaagad. Pinasok namin ang bayan at walang nagbigay sa amin ng problema hanggang nalaman nila kung sino kami, habang ang alam nila kami ay mga peregrinong nagdaraan. Ngunit nang itinanong namin – at kinailangan namin na magtanong! – kung ang isang bata-pa, kayumanggihin na lalaki, nakasuot ng isang pulang manta at isang bandana na may puti at pulang mga hilera, at isang maedad na payat na babae, na may halos maputi nang buhok at may madilim na kulay-abong mga damit na pumasok sa bayan at naghahanap para sa Galilean na Guro at sa Kanyang mga kasamahan, doon sila nagalit kaagad... Baka kami ay hindi dapat nagsalita ng tungkol sa Inyo. Tiyak na kami ay nakagawa ng isang pagkakamali... Ngunit sa ibang mga lugar kami ay tinanggap ng napakaganda na... Hindi namin maintindihan kung ano ang nangyari! Ang mga tao na noong tatlong nakaraang mga araw pa lamang ay napaka magalang sa Inyo, ay ngayon katulad ng mga ahas!...»

Si Tadeo ay pinutol siya: «Ang gawa ng mga Judaean...»

«Hindi sa palagay ko. Hindi sa palagay ko dahil sa kung ano ang kanilang sinabi noong kinagalitan at tinakot nila tayo. Sa palagay ko... Hindi lang, bagkus, nakatitiyak ako, nakatitiyak kami na ang katotohanan na tinanggihan ni Jesus ang kanilang alok ng proteksiyon ay ang dahilan ng pagngangalit na mga Samaritano. Sila ay sumisigaw: “Layas! Lumayas kayo, kayo at ang inyong Guro! Gusto Niyang umalis at magsamba sa Moria. Bueno, hayaan Siyang umalis at sana Siya at ang lahat ng Kanyang mga tagasunod ay mamatay. Walang lugar sa pagitan namin para sa mga hindi kaibigan ang tingin sa amin, bagkus mga katulong lamang.  Ayaw namin ng karagdagang problema maliban may kita diyan bilang kompensasyon.  Mga bato, hindi tinapay para sa Galilean. Ang aming mga aso ay kailangan na dumugin Siya, sa halip na ang aming mga tahanan ay tanggapin Siya”. Iyan, at kahit mas mahigit pa diyan, sinasabi nila. At sa dahilan na kami ay namimilit na malaman man lamang kung ano ang nangyari kay Judas, pumulot sila ng mga bato upang ibato sa amin at talagang kinuha nila ang kanilang mga aso para sa amin. At sila ay nagsisigawan sa isa’t isa: “Magbantay tayo sa lahat ng mga entrada. Kung Siya ay dumating ipaghihiganti natin ang ating mga sarili”. Kami ay tumakbo. Ang isang babae – lagi may isang mabuting kaluluwa sa pagitan ng masasamang tao – ay itinulak kami papaloob sa kanyang pangkusinang-hardin at pagkatapos pinadaan kami sa isang landas sa gitna ng mga hardin ng gulay patungo sa kanal, kung saan walang tubig dahil sila nagpatubig sila bago ang Sabbath. At itinago niya kami. Pagkatapos nangako siya na bibigyan niya kami ng balita tungkol kay Judas. Ngunit siya ay hindi na ulit bumalik. Ngunit kami ay kailangan na maghintay para sa kanya rito, sapagkat sinabi niya na kung hindi niya kami matagpuan sa kanal. Siya ay pupunta rito.»

«Maraming mga komentaryo. Ang ilan ay patuloy na inaakusahan ang mga Judaean. Ang ilan ay sinisisi si Jesus nang kaunti, isang paninisi na nakatago sa kanilang mga sinasabi: «Nagsalita Kayo nang napakalinaw sa Shechem at pagkatapos umalis Kayo. Sa loob ng tatlong araw na iyon nagpasya sila na walang kabuluhan ang lokohin ang sarili at gumagawa ng kapinsalaan sa sarili para sa isa na hindi nagpapasaya sa kanila... at pinalayas nila Kayo...» Si Jesus ay tumugon: «Hindi Ko kinalulungkot ang pagsasalita ng katotohanan at ang paggawa ng Aking tungkulin. Hindi nila naiintindihan sa kasalukuyan. Maiintindihan nilang malapit na ang Aking hustisya at mas sasambahin pa Ako nang lalo kaysa kung hindi Ako nagkaroon ng hustisya o kung ito ay naging mas mahigit pa kaysa sa Aking pagmamahal para sa kanila.»

«Ayon! Ayon ang babae sa daan. Siya ay napakatapang na ilantad ang kanyang sarili...» sabi ni Andres.

«Hindi niya tayo ipagkakanulo, gagawin ba niya?» sabi ni Bartolomeo nang nagsosospetsa.

«Siya ay nag-iisa!»

«Ngunit siya ay baka sinusundan ng mga tao nagtatago sa canal...» Ngunit ang babae, na papalapit may dalang isang basket sa ibabaw ng kanyang ulo, ay patuloy ang paglalakad sa mga bukid kung saan si Jesus at ang mga apostol ay naghihintay, pagkatapos kinuha niya ang isang makipot na landas at nawala... lumilitaw muli nang biglaan sa likod ng mga naghihintay at mga tumalikod na halos natatakot nang kanilang marinig ang pagkaluskos ng mga tanim.

Ang babae ay nagsasalita sa walong mga lalaki na kilala niya: «Naririto ako! Patawarin ninyo ako na nagawa ko kayong maghintay nang napakatagal... Ayaw kong may makasunod sa akin. Sinabi ko na ako ay pupunta sa bahay ng aking ina... Alam ko... At nagdala ako ng ilang pagkain para sa inyo. Ang Guro... Alin ang Guro? Gusto ko Siyang pagpitaganan.»

«Iyon ang Guro.»

Ang babae, na nailapag na ang kanyang basket, ay pinagpatirapa ang sarili nagsasabing: «Patawarin ang kasalanan ng aking mga kababayan. Kung walang nang-udyok sa kanila... Ngunit marami ang nagsamantala sa Inyong pagtanggi...»

«Wala akong sama-ng-loob, babae. Tumayo ka at magsalita. Mayroon ka bang balita tungkol sa Aking apostol at sa babaeng kasama niya?»

«Oo, mayroon. Pinalayas katulad ng mga aso, sila ay nasa labas ng bayan, sa kabilang tabi, naghihintay ng gabi. Gusto nilang bumalik, pagawing Enon, sa paghahanap para sa Inyo. Gusto nilang pumunta rito, dahil alam nila na ang kanilang mga kasamahan ay naririto. Sinabi ko sa kanila na huwag gawin iyon, at manatiling tahimik dahil dadalhin ko kayo sa kanila. At gagawin ko iyan  kaagad kapag dumilin na. Mabuti na lamang ang asawa ko ay nasa malayo, kung kaya't libre akong iwanan ang bahay. Dadalhin ko kayo sa isa sa aking mga kapatid na babae na may-asawa sa kapatagan sa ibaba. Matutulog kayo roon, nang hindi nagsasalita kung sino kayo, hindi dahil kay Merod, bagkus dahil sa mga lalaki na kasama ng babaeng iyon. Sila ay hindi mga Samaritano, sila ay nanggaling sa Decapolis at nakatira rito. Ngunit lagi nang mabuti...»

«Pagpalain ka nawa ng Diyos. Ang dalawa bang disipulo ay nasugatan?»

«Ang lalaki, kaunti. Ang babae, wala. At ang Kataastaasan ay tiyak na pinagsanggalang siya sapagkat siya ay matapang at pinagsanggalang niya ang kanyang anak sa pamamagitan ng kanyang sariling katawan noong ang mga mamamayan ay nagsimulang pumulot ng mga bato. O! anong isang malakas na babae! Siya ay sumigaw: “Ganyan ba kung manakit kayo sa isang lalaki na hindi nanakit sa inyo? At hindi ba ninyo ako igagalang, na siyang nagsasanggalang sa kanya at na isang ina? Kayo ba ay walang mga ina, sa dahilan na hindi kayo nagbibigay galang sa isang ina? Kayo ba ay pinanganak ng mga lobo o kayo ba ay gawa sa putik o sa mga dumi ng hayop?” at kanyang tinitingnan ang mga nanunugod hawak ang kanyang manta nang malapad na nakabuka upang maipagsanggalang ang lalaki, at siya ay umaatras kasabay na tinutulak ang lalaki palabas sa bayan... At kahit na ngayon pinagiginhawahan niya siya nagsasabing: “Harinawang ang Kataastaasan ay ipagkaloob, o aking Judas, na ang dugo na iyong pinadanak para sa Guro ay sana maging ang balsamo para sa iyong puso”. Ngunit iyon ay isang maliit na sugat. Baka ang lalaki ay mas natatakot kaysa sa nasaktan. Ngunit kumain na kayo ngayon nang kaunti. Narito ang ilang bagong gatas, para sa mga babae, at tinapay, keso at prutas. Hindi ako makapagluto ng kahit anong karne. Mahuhuli na ako. At narito ang ilang alak para sa mga lalaki. Kumain habang dumidilim. Pagkatapos sa tabi ng ligtas na mga daan pupuntahan natin ang dalawang disipulo at pagkatapos ang bahay ni Merod.»

«Harinawang gantimpalaan ka ng Diyos muli» sabi ni Jesus, at inaalay at hinahati-hati Niya ang pagkain, nagtatabi ng ilan para sa dalawa na wala roon.

«Huwag. Nagtabi na ako para sa kanila, dahil nagdala ako para sa kanila ng mga itlog at tinapay, na aking itinago sa ilalim ng aking mga damit, at ilang alak at langis para sa mga sugat. Ito ay para sa inyo. Kumain na ngayon, dahil babantayan ko ang daan...»

Sila ay kumakain, ngunit ang mga lalaki ay kinakain ng galit at ang mga babae ay hindi mapakali gawa ng kalungkutan. Kung sa lahat, maliban kay Maria ng Magdala, ito ay takot o lumbay kay Maria ito ay katulad ng alak na nanggigising sa mga nerbiyo at katapangan. Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa galit habang kanyang tinitingnan ang malupit na bayan. Tanging ang presensya lamang ni Jesus, Na nakapagsabi na na Siya ay walang sama-ng-loob, ang nakapagpipigil sa kanya na magbitaw ng malulupit na salita. At sa dahilan na hindi siya makapagsalita o makaakto, pinararaos niya ang kanyang galit sa pagpipiraso nang biglaan sa kanyang inosenteng kapirasong tinapay sa gayong makahulugan na pamamaraan na hindi maiwasan ng Zealot na magsalitang ngumingiti sa kanya: «Masuwerte na lang para sa mga taga-Tirzah na hindi sila nahulog sa iyong mga kamay! Nagmumukha kang isang mabangis na hayop na nakakadenahan, Maria!»

«Ako nga. Tama ka. At sa mga mata ng Diyos, ang pagpipigil na ito sa aking sarili na huwag pumunta roon, katulad na ito ang karapat-dapat sa kanila, ay mas malaki ang halaga kaysa sa aking nagawa na magpahanggang ngayon ng pagbabayad-sala.»

«Maging mabuti, Maria! Ang Diyos ay pinatawad ka ng mga kasalanan na mas grabe pa kaysa ng sa kanila.»

«Iyan ay totoo. Sinaktan nila Kayo nang minsan, aking Diyos, at sa pamamagitan ng panunulsol ng ibang mga tao. Ako maraming beses... at sa pamamagitan ng aking sariling kalooban...... at hindi ako maaaring maging walang-pasyensiya at mapagmalaki...»

Si Martha ay ipinatong ang kanyang kamay sa lapi ng kanyang kapatid nagsasabi sa kanya sa isang mababang tinig: «Ang Diyos ay pinatawad ka na. Huwag ka nang panghinaan ng loob pa... Alalahanin kung ano ang nagkaroon ka: ang ating Lazarus...»

«Ito ay hindi kalumbayan. Ito ay pagtingala ng kagandahan-loob, Ito ay emosyon... At ito ay ang pag-alam din na ako ay wala pa rin ng awa na aking tinanggap nang napakarami... Patawarin Ninyo ako, Rabboni!» sinasabi niya itinataas ang kanyang magagandang mata kung saan ang kababaang-loob ay naibalik nitong muli ang kabaitan.

«Ang kapatawaran ay hindi kailanman ipinagkakait sa mga taong may mapagpakumbabang mga puso, Maria.»

Ang gabi ay bumabagsak kinukulayan ang ere ng isang maselan na naglalahong biyoleta. Ang mga bagay din na hindi malalayo ay nakakalito. Ang mga tangkay ng lino, dati makikita sa kanilang kagandahan, ay humalo sa pagiging isang pantay-pantay na maitim na masa. Ang mga ibon sa pagitan ng madadahon na mga sanga ay naging tahimik. Ang unang mga bituin ay nagsisimula nang magningning. Ang unang kuliglig ay humuhuni sa damuhan. Ngayon ay gabi na.

«Makakalakad na tayo. Dito, sa mga bukid, hindi tayo makikita. Halikayo nang hindi natatakot. Hindi ko kayo pagtataksilan. Hindi ko ito ginagawa para magantihan. Hinihingi ko lamang sa Langit na maawa sa akin, dahil lahat kami ay nangangailangan ng awa» sabi ng babae na may isang pagbuntung-hininga.

Sila ay tumayo  at lumakad pagkatapos niya. Inikutan nila ang Tirzah nang pinananatiling malayo sila, dumaraan sa mga bukid at sa medyo madilim na mga hardin ng mga gulay, ngunit hindi napakalayo na hindi nila makita ang mga lalaking nakapaligid sa mga siga ng mga apoy sa mga entrada ng mga raan...

«Sila ay nananatiling naghihintay para sa atin...» sabi ni Mateo.

«Isumpa!» pasipól na sabi ni Felipe sa pagitan ng kanyang mga ngipin.

Si Pedro ay hindi nagsasalita ngunit inaalog niya ang kanyang mga kamay patungo sa kalangitan sa isang tahimik na panawagan o protesta.

Ngunit sina Santiago at Juan ni Zebedeo, na kanina pa nagsasalita sa isa’t isa nang may pakaway-kaway ng mga kamay, nasa unahan nang kaunti ng iba, ay bumalik at nagsabi: «Guro, kung ayaw Ninyong gumamit ng parusa gawa ng Inyong perpektong pagmamahal, maaari bang kami na lang ang gumamit nito? Sasabihin ba namin sa apoy ng langit na bumaba sa mga makasalanan na ito at tupukin sila? Sinabi Ninyo sa amin na magagawa namin ang lahat na hihingin namin nang may pananampalataya at...»

Si Jesus, Na naglalakad na ang Kanyang ulo nakatungo, na tila Siya ay napapagod, ay biglang itinuwid ang sarili at tiningnan sila nang nakakalantang mga tingin dahil ang Kanyang mga mata ay kumikislap sa liwanag ng buwan. Ang dalawa ay umalis at naging tahimik, natakot katulad nila sa Kanyang mga tingin. Si Jesus, ang Kanyang mga mata laging nakatingin sa kanila, ay nagsabi: «Hindi ninyo nalalaman kung anong mga espiritu ang nasa loob ninyo. Ang Anak ng tao ay hindi naparito upang mawalan ng mga kaluluwa, bagkus upang iligtas sila. Hindi ba ninyo naaalaala ang Aking sinabi sa inyo? Sa parabula tungkol sa trigo at sa dawag ay sinabi Ko: “Sa pansamantala pabayaan ang trigo at ang dawag na lumagong pareho. Sapagkat kung susubukan ninyo na paghiwalayin ang dalawa ngayon baka mabunot din ninyo ang trigo kasama ang dawag. Kung kaya't pabayaan sila nang ganyan hanggang sa anihan. Sa panahon ng anihan sasabihin ko sa mga taga-gapas: ipunin ang dawag ngayon at talian ito nang bungkus-bungkos upang sunugin, pagkatapos ipunin ang mabubuting trigo sa loob ng aking kamalig”.»

Nabawasan na ni Jesus ang Kanyang galit sa dalawa na, dala ng galit na naibunsod ng kanilang pagmamahal para sa Kanya, humihingi kanina na parusahan ang mga taga-Tirzah at ngayon nakatayo na nakatungo ang kanilang mga ulo sa harapan Niya. Kinuha Niya sila sa kanilang mga siko ng tigkabilang kamay Niya at nagpapatuloy Siya sa paglalakad, pinasusunod sila nang gayon at nagsasalita sa lahat, dahil sila ay lahat nagkaipun-ipon sa paligid Niya nang Siya ay tumigil. «Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang panahon ng pag-ani ay malapit na. Ang Aking unang pag-ani. At para sa marami magkakaroon ng isang ikalawang pag-ani. Ngunit, ating purihin ang Kataastaasan para dito – ang ilang mga tao na hindi naging mga tainga ng mabubuting butil sa panahon Ko, pagkatapos ng puripikasyon ng Sakripisyo ng Paskuwa, ay ipanganganak muli na may bagong mga kaluluwa. Hanggang sa araw na iyan hindi Ako magiging walang awa sa sinuman... Pagkatapos nito magkakaroon ng hustisya...»

«Pagkatapos ng Paskuwa?» tanong ni Pedro.

«Hindi. Pagkatapos ng panahon. Hindi Ako nagsasalita ng tungkol sa mga taong ito ng kasalukuyan. Ako ay nakatingin sa hinaharap na mga panahon. Ang tao ay patuloy na pinaninibago katulad ng mga butil sa mga bukid. Ang mga pag-aani ay nagkakasunuran. At mag-iiwan Ako ng kung ano ang kinakailangan para sa hinaharap na mga henerasyon upang maging mabuting trigo. Kung ayaw nilang gawin iyan, sa katapusan ng mundo ang Aking mga anghel ay ihihiwalay ang dawag mula sa mabuting trigo. Pagkatapos iyan ay magiging ang eternal na Araw ng Diyos lamang. Sa kasalukuyan sa mundo ito ay ang araw ng Diyos at ni Satanas. Ang Una ay naghahasik ng Kabutihan, ang huli nagtatapon ng kanyang isinumpang dawag, ng kanyang mga iskandalo, ng kanyang kasamaan, ng kanyang mga binhi na pumupukaw ng kasamaan at mga iskandalo, sa pagitan ng mga binhi ng Diyos. Dahil laging mayroon na mga nanghihikayat sa mga tao laban sa Diyos, katulad dito, sa mga taong ito, na talagang walang masyadong kasalanan kaysa sa mga nanghihikayat sa kanila na gumawa ng mali.»

«Guro, taun-taon pinadadalisay natin ang ating mga sarili sa Paskuwa ng Walang-Lebadurang Tinapay, ngunit lagi pa rin kaming nananatiling kung ano kami dati. Ito ba ay magiging iba sa taon na ito?» tanong ni Mateo.

«Ibang-iba.»

«Bakit? Ipaliwanag sa amin.»

«Bukas... Bukas, o kapag tayo ay nasa daan na, at si Judas ni Simon ay kasama na natin, sasabihin Ko sa inyo.»

«O! oo. Sasabihin Ninyo sa amin at kami ay magiging mas mabuti... Sa pansamantala patawarin kami, Jesus» sabi ni Juan.

«Talagang tinawag Ko kayo ng tamang pangalan, ngunit ang kulog ay hindi nakakapinsala. Ang kidlat, oo, nakakapatay. Ngunit ang kulog ay kadalasan isang babala ng mga kidlat. Ganyan din ang nangyayari sa mga hindi nag-aalis sa kanilang mga espiritu ng bawat kawalang-kaayusan na laban sa pagmamahal. Ngayong araw humihingi sila ng kapahintulutan na makapagparusa. Bukas sila ay magpaparusa nang hindi humihingi ng kapahintulutan. Sa araw pagkatapos ng bukas sila ay magpaparusa nang walang kahit anong rason. Madali ang bumaba... Iyan kung bakit Ko sinasabi sa inyo na hubaran ang inyong mga sarili ng kahit na anong kagaspangan laban sa inyong kapwa. Gawin kung ano ang ginagawa Ko at makatitiyak kayo na hindi kayo makagagawa kailanman ng mali. Nakita na ba ninyo kailanman na ipinaghiganti Ko ang Aking Sarili sa mga nagpapamighati sa Akin?»

«Hindi, Guro. Kayo...»

«Guro! Guro! Naririto kami. Si Eliza at ako. O! Guro, gaano kami nag-aalala tungkol sa Inyo! At gaano ako natatakot na mamatay...» sabi ni Judas ng Kerioth lumalabas mula sa likuran ng hilera ng mga bagging at tumatakbo patungo kay Jesus. Ang kanyang noo ay may bendahe. Si Eliza ay sinusundan siya nang mas kalmante.

«Naghirap ka ba? Natakot ka bang mamatay? Ang buhay ba ay napakamahal sa iyo?» tanong ni Jesus pinalalaya ang Kanyang sarili kay Judas na yumayakap sa Kanya umiiyak.

«Hindi ang buhay. Ako ay natakot sa Diyos, na mamatay na hindi Ninyo napatatawad... Lagi ko Kayo nasasaktan. Nasasaktan ko ang lahat. Ang babae rin na ito... At siya ay kumilos katulad ng isang ina sa akin. Naramdaman ko na ako ay nagkasala at natakot ako ng kamatayan...»

«O! isang may benepisyong takot, kung magagawa ka nitong isang santo! Ngunit lagi kitang pinatatawad, alam mo iyan, kung lagi ka lamang nagsisisi. At ano ang tungkol sa iyo, Eliza? Pinatawad mo ba siya?»

«Siya ay isang malaking maligalig na bata. At maaari akong maging mapagpalayaw.»

«Ikaw ay naging matapang, Eliza. Alam Ko.»

«Kung siya ay naging wala roon, hindi ko alam kung nakita ko pa Kayong muli, Guro!»

«Kung gayon nakikita mo na siya ay nanatiling kasama mo dala ng pagmamahal, hindi dala ng kapootan... Ikaw ba ay nasugatan, Eliza?»

«Hindi, Guro. Ang mga bato ay bumagsak sa paligid ko nang hindi ako natatamaan. Ngunit ang aking puso ay nasa pagdurusa iniisip Kayo...»

«Ang lahat ay tapos na ngayon. Ating sundan ang babae na gusto tayong dalhin sa isang ligtas na bahay.»

Naglakad silang muli sa daan na namumuti sa loob ng sinag ng buwan at nadala sila nito nang pasilangan.

Si Jesus ay inakay si Judas at umunang kasama siya. Siya ay nagsasalita sa kanya nang may-kabaitan. Sinusubukan Niyang trabahuhin ang kanyang puso na nababalisa ng kanyang kamakailan pa lamang na takot sa mga paghuhusga ng Diyos: «Nakikita mo, Judas, kung gaano kadaling maaaring mamatay ang isa. Ang kamatayan ay laging nakatingin sa paligid natin. Nakikita mo kung gaano ang tila walang dapat ikabahala kapag tayo ay punó ng buhay ay nagiging importante, nakakatakot na importante kapag ang kamatayan ay pinahahagingan tayo. Ngunit bakit ang isa ay kailangan na magkaroon ng ganyang mga pagkatakot, bakit kailangan na likhain ito ng isa upang ito ay nandiyan sa sandali ng kamatayan, kung sa pamamagitan ng isang banal na pamumuhay maaaring hindi pansinin ng isa ang takot sa namimintong dibinong paghuhusga? Sa palagay mo ba hindi sulit ang mamuhay nang isang makatarungang buhay upang magkaroon ng isang mapayapang kamatayan? Judas, Aking kaibigan. Ang dibinong maka-amang awa ay pinahintulutan iyan na mangyari, upang ito ay sana maging isang pakiusap sa iyong puso. Ikaw ay nasa oras pa rin, Judas... Bakit ayaw mong bigyan ang iyong Guro, Na malapit nang mamatay, ng malaki, isang napakalaking lugod na malaman na ikaw ay bumalik na sa Kabutihan?»

«Ngunit mapatatawad pa rin ba Ninyo ako, Jesus?»

«At kakausapin ba kita nang ganito kung hindi? Gaano kaliit mo pa rin Ako nakikilala! Kilala kita. Alam Ko na ikaw ay katulad ng isang napapaluputan ng isang higanteng pugita. Ngunit kung gugustuhin mo, mapapalaya mo pa rin ang iyong sarili. O! ikaw ay tiyak na maghihirap. Masakit ang maghulagpos mula sa mga tanikalang iyon na nagpapahirap at nanlalason sa iyo. Ngunit pagkaraan, gaanong lugod, Judas! Natatakot ka ba na baka wala kang sapat na lakas na lumaban sa mga nang-iimpluwensiya sa iyo? Mapatatawad kita nang abante sa kasalanan ng paglabag sa ritwal ng Paskuwa... Ikaw ay may sakit. Ang Paskuwa ay hindi sapilitan para sa mga may sakit na tao. Walang may sakit na mas mahigit pa kaysa katulad mo. Katulad mo ang isang ketongin. Ang mga Ketongin ay hindi pumupunta sa Herusalem, habang sila ay ganoon. Kailangan na madama mo, Judas, na ang pagharap sa Panginoon nang may di-malinis na espiritu, katulad ng mayroon ka, ay hindi nagpaparangal sa Kanya, bagkus nakapananakit sa Kanya. Una kinakailangan na...»

«Bakit hindi Ninyo ako pinadadalisay at pinagagaling, kung gayon?» tanong ni Judas, at tila ang tunog niya ay matigas at di na maamo.

»Hindi kita pagagalingin! Kapag ang isang tao ay may sakit gusto niya mismong mapagaling ang kanyang sarili, maliban kung ito ay isang bata o isang tanga na nawalan ng kapangyarihan ng kalooban...»

«Tratuhin Ninyo ako na ganyan. Tratuhin Ninyo ako bilang isang tanga at Kayo na ang bahala, nang hindi ko ito nalalaman.»

«Hindi ito magiging makatarungan sapagkat magagamit mo ang kapangyarihan ng iyong kalooban. Alam mo kung ano ang mabuti at kung ano ang masama para sa iyo. At ang pagpagaling sa iyo ay magiging walang kabuluhan kung wala ang iyong kalooban na mamalaging magaling.»

«Ibigay din Ninyo sa akin ang ganyang kalooban.»

«Ibigay sa iyo ito? Kung gayon kailangan Ko bang ipilit ang isang mabuting kalooban sa iyo? At papaano ang iyong malayang kalooban? Ano ang mangyayari diyan? Ano ang mangyayari sa iyong kaakuhan ng isang tao, ng isang malayang nilikha? Dinidiktahan?

«Katulad na ako ay napaghaharian ni Satanas, maaari din akong pagharian ng Diyos!»

«Gaano mo Ako sinasaktan, Judas! Tinutusok mo ang Aking puso! Ngunit pinatatawad kita sa ginagawa mo sa Akin... Pinaghahari ni Satanas, sinabi mo. Hindi Ko ibig sabihin ang ganyang nakakatakot na bagay...»

«Ngunit iyan ang iniisip Ninyo sapagkat alam Ninyo na iyan ay totoo, at dahil nalalaman Ninyo ang tungkol dito, kung totoo na nababasa Ninyo ang mga puso ng mga tao. Kung iyan ay totoo, nalalaman Ninyo na ako ay hindi na malaya na gawin ang gusto ko... Nahawakan niya ako at...»

«Hindi. Nilalapitan ka niya, tinutukso ka niya, sinusubukan ka niya, at tinanggap mo siya. Walang panlulukob kung sa simula ay walang pagsang-ayon sa ilan sa maka-dimonyong panunukso. Ang ahas ay pinasisilip ang kanyang ulo sa pagitan ng mga baras na magkakalapit na inilagay upang maipagsanggalang ang mga puso, ngunit hindi niya ito mapapasok kung hindi paluluwangin ng tao ang daraanan upang hangaan ang nang-aakit na aspekto ni satanas at pakinggan at sundan siya... Diyan lamang ang tao mapaghaharian, malulukuban, sapagkat gusto niya ito. Ang Diyos din ay pinakakawalan Niya ang pinakamabait na mga liwanag ng Kanyang maka-amang pagmamahal mula sa mga kalangitan, at ang Kanyang mga liwanag ay pinapasok tayo. O kung baga: ang Diyos, Kung Kanino ang lahat ay posible, ay bumababa sa mga puso ng mga tao. Ito ay Kanyang karapatan. Sa dahilan na nalalaman ng tao kung papaano maging isang alipin na pinaghaharian ng Nakakatakot na Isa, bakit hindi niya alam kung papaano maging isang lingkod ng Diyos, hindi, bagkus, maging isang anak ng Diyos, at pinalalayas niya ang kanyang Kabanalbanalang Ama? Hindi ka ba tumutugon sa Akin? Hindi mo ba sasabihin sa Akin kung bakit gusto mo si Satanas at mas gusto mo siya kaysa sa Diyos? gayunpaman, nasa oras ka pa upang mailigtas mo pa ang iyong sarili! Nalalaman mo na Ako ay mamamatay. Walang sinuman ang mas naka-aalam pa kaysa sa iyo... Hindi Ako tumatangging mamatay. Pupuntahan Ko ito. Pupuntahan Ko ang kamatayan sapagkat ang Aking kamatayan ay magiging Buhay para sa marami. Bakit ayaw mong maging isa sa kanila? Tanging para lamang ba sa iyo, Aking kaibigan, Aking kaawa-awang may-sakit na kaibigan,  na mamamatay Ako nang walang kabuluhan?»

«Ang Inyong kamatayan ay magiging walang kabuluhan para sa napakarami, huwag Ninyong lokohin ang Inyong sarili. Mas mabuti pang tumakbo na Kayo at mamuhay sa napakalayo mula rito, kinasisiyahan ang Inyong buhay at nagtuturo ng Inyong doktrina, sapagkat ito ay isang magandang doktrina, ngunit nang hindi isinasakripisyo ang Inyong Sarili.»

«Ituro ang Aking doktrina! Anong katotohanan ang Aking maituturo, kung ginagawa Ko ang kabaligtaran ng kung ano ang Aking itinuturo? Anong klaseng Guro Ako magiging kung itinuturo Ko ang pagsunod sa kalooban ng Diyos at hindi Ko ito sinusunod, at ang pagmahal para sa mga tao at hindi Ko sila minamahal, ang talikdan ang laman at ang mundo at minahal Ko kapwa ang laman at ang mga parangal ng mundo, ang huwag magpasimula ng mga iskandalo at naiskandalo Ko hindi lamang ang mga tao, bagkus pati mga anghel, at ganito patuloy pa? Si Satanas ay nagsasalita sa iyo ngayun-ngayon pa lamang. Katulad na siya ay nagsalita sa Ephraim. Katulad na siya ay nagsalita at kumilos maraming beses sa pamamagitan mo, upang balisahin Ako. Nakilala Ko ang lahat na ganyang mga aksiyon ni Satanas, pinangyari sa pamamagitan mo, at hindi kita kinapootan, hindi Ako napagod sa iyo, bagkus nalungkot lamang Ako, lubos na nalungkot. Katulad ng isang ina na pinagmamasdan ang progreso ng isang sakit na siyang magiging dahilan ng kamatayan ng kanyang anak, napagmasdan Ko ang progreso ng kasamaan sa iyo. Katulad ng isang ama na walang pinanghihinayangan na kahit ano maliban na makita niya ang magpapagaling para sa kanyang may-sakit na anak, wala Akong pinanghinayangan upang mailigtas ka, tiniis Ko ang pagkasuklam, galit, kapaitan, kalungkutan... Katulad ng isang nangungulilang ama at ina, bigo sa lahat ng makalupang kapangyarihan, na bumabaling sa Langit upang makuha ang buhay ng kanilang anak, ganyan Ako dumaing at dumadaing pa rin nangungusap ng isang himala na baka makapagligtas sa iyo, baka makapagligtas sa iyo, baka makapagligtas sa iyo sa bingit ng kalaliman na nagsisimula nang gumuho sa ilalim ng iyong mga paa. Judas, tingnan mo Ako! Bago magtagal ang Aking dugo ay padadanakin para sa mga kasalanan ng mga tao. Wala ni isang patak ang maiiwan sa Aking mga ugat. Ang mga tigkal ng lupa, ang damo, ang mga damit ng Aking mga taga-usig at Akin... ang kahoy, ang bakal, ang mga lubid, ang mga tinik ng nabaca... at ang  mga espiritu na naghihintay ng kaligtasan ay iinom nito... Ikaw lamang ang ayaw na uminom nito? Ibibigay Ko ang lahat ng Dugo Kong ito para sa iyo lamang. Ikaw ay Aking kaibigan. Gaano kagusto ang isa na mamatay para sa kanyang kaibigan! Upang mailigtas siya! Ang isa ay nagsasabi: “Ako ay mamamatay. Ngunit ako ay patuloy na mabubuhay sa kaibigan na aking binigyan ng buhay”. Katulad ng isang ama, katulad ng isang ina, na patuloy na nabubuhay sa kanilang mga anak pagkaraan na sila ay yumao. Judas, nakikiusap Ako sa iyo! Wala Akong ibang hinihingi sa bispiras ng Aking kamatayan na ito. Ang isang sentensiyado ay pinagkakalooban ng isang huling na grasya ng kanyang mga hukom at ng kanya ring mga kaaway, at ang kanyang huling hiling ay tinutupad. Hinihingi Ko sa iyo na huwag kang mapahamak. Hindi Ko hinihinging labis sa Langit katulad na hinihingi Ko sa iyo at sa iyong kalooban... Isipin ang iyong ina, Judas. Ano ang mangyayari sa iyong ina pagkatapos? At ang pangalan ng inyong pamilya? Nakikiusap Ako sa iyong pagmamalaki, na kasing tapang kailanpaman, na ipagsanggalang ka sa kahihiyan. Huwag mong ipahiya ang iyong sarili, Judas. Isipin: mga taon at mga panahon ay daraan, mga kaharian at mga imperyo ay babagsak, ang mga bituin ay mawawalan ng kanilang ningning, ang kaayusan ng Lupa ay magbabago, at ikaw ay mamamalaging si Judas, katulad na si Cain ay laging si Cain, kung magpupumilit ka sa iyong kasalanan. Ang panahon ay magtatapos, at tanging ang Paraiso at ang Impiyerno lamang ang matitira. At sa Paraiso at sa Impiyerno, para sa mga tao na ibinangon mula sa mga patay at tinanggap para sa magpakailanman kasama ang kanilang mga kaluluwa at mga katawan sa kung saan tama lamang na sila ay mapunta, ikaw ay laging magiging Judas, ang isinumpang pinakamalaking nagkasala, kung hindi mo babaguhin ang iyong mga pamamaraan. Ako ay bababa upang palayain ang mga espiritu mula sa Limbo, pasusundin ko ang multitud sa kanila palabas ng Purgatoryo, at ikaw... hindi kita madadala kung saan naroroon Ako... Judas Ako ay mamamatay, pupuntahan Ko ito nang masaya, sapagkat ang oras na matagal Ko nang hinihintay nang libu-libong mga taon ay dumating na: ang oras na maipagkasundo ang mga tao sa kanilang Ama. Hindi Ko maipagkakasundo ang marami sa kanila. Ngunit ang bilang ng mga maililigtas, na Aking pagninilayan habang namamatay, ay pagiginhawahan Ako para sa pagpapahirap ng namamatay nang walang kabuluhan para sa napakarami. Ngunit, sinasabi Ko sa iyo, nakakatakot ang makita ka, Aking apostol at kaibigan, na kasama ng huli. Huwag mong ibigay sa Akin ang isang ganyang malupit na kirot!... Gusto kitang iligtas, Judas. Tingnan mo. Tayo ay bababa patungo sa ilog. Bukas sa pagsikat-ng-araw, kapag ang lahat ay natutulog pa, tatawirin natin ito, dalawa tayo, at ikaw ay pupunta sa Bozrah, sa Arbela, sa Aera, saan man ang gustuhin. Alam mo ang mga bahay ng mga disipulo. Sa Bozrah hanapin sina Joachim at Maria, ang babaeng Aking pinagaling sa ketong. Bibigyan kita ng isang kapirasong sulat para sa kanila. Sasabihin Ko na ang isang tahimik na pagpapahinga sa ibang hangin ay kinakailangan para sa iyong kalusugan. Iyan ang katotohanan, sa kasawiang-palad, sapagkat ang iyong espiritu ay may sakit at ang ere sa Herusalem ay makakasama sa iyo. Ngunit iisipin nila na may sakit ang iyong katawan. Mananatili ka roon hanggang kunin kita. Ako ang bahala sa iyong mga kasamahan... Ngunit huwag pumunta sa Herusalem. Kita mo? Ayaw Kong pumunta ang mga babae, maliban sa pinaka malalakas sa kanila, at ang mga bilang mga ina ay may karapatan na mapalapit sa kanilang mga anak.»

«Ang akin din?»

«Hindi. Si Maria ay hindi mapupunta sa Herusalem...»

«Siya ay ang ina rin ng isang apostol, at lagi niya Kayong pinararangalan.»

«Oo. At may karapatan din siya katulad ng iba na mapalapit sa Akin, Na kanyang minamahal nang may perpektong katarungan. Ngunit sa dahilan lamang niyan hindi siya mapupunta roon. Sapagkat sinabi Ko sa kanya na huwag pumunta, at alam niya kung papaano sumunod.»

«Bakit hindi siya kailangan na mapunta roon? Saan siya naging iba kaysa sa ina ng Inyong mga kapatid at sa ina ng mga anak ni Zebedeo?»

«Ikaw. At nalalaman mo kung bakit Ko sinasabi ang ganito. Ngunit kung makikinig sa Akin,  kung pumunta ka sa Bozrah, magpapasabi Ako sa iyong ina at gagawin Ko siyang mapunta sa iyo, dahil bilang napakabuti, baka matulungan ka niya na makapanumbalik. Maniwala sa Akin, kami lamang ang nakapagmamahal sa iyo nang ganyan, nang walang limitasyon. May tatlong nagmamahal sa iyo sa Langit: ang Ama, ang Anak, ang Espiritu Santo, Na pinagnilayan ka at naghihintay para sa iyong pasya upang maging ang batong-hiyas ng Panunubos, ang pinakamalaking biktima na inagaw mula sa Kalaliman; at tatlo sa Lupa: ang iyong ina, ang Aking Ina at Ako. Gawin mo kaming masaya, Judas! Kapwa kami sa Langit at kami sa Lupa, na nagmamahal sa iyo nang may totoong pagmamahal.»

«Nasabi Ninyo ito: tatlong lamang ang nagmamahal sa akin; ang iba ay hindi...»

«Hindi katulad ng ginagawa namin. Ngunit minamahal ka nila nang labis. Si Eliza ay pinagsanggalang ka. Ang iba ay nag-alala tungkol sa iyo. Noong ikaw ay malayo sa amin, ikaw ay nasa puso ng lahat at ang iyong pangalan ay nasa mga labì ng lahat. Hindi mo nalalaman ang lahat na pagmamahal na nakapaikot sa iyo. Ang iyong maniniil ay itinatago ito sa iyo. Paniwalaan mo ang Aking salita.»

«Naniniwala ako sa Inyo. At magsisikap ako na mabigyan ko Kayo ng kasiyahan. Ngunit gusto kong gawin ko iyan sa pamamagitan ko mismo. Nagkamali ako sa pamamagitan ng aking sarili, sa pamamagitan ng aking sarili kailangan kong makapanumbalik mula sa kasamaan.»

«Ang Diyos lamang ang makakakilos sa pamamagitan ng Kanyang Sarili. Ang iyong naiisip ay isang kaisipan ng pagmamalaki. Sa pagmamalaki ay naririyan pa rin si Satanas. Maging mapagpakumbaba, Judas. Kumapit sa kamay na ito na inaabot sa iyo sa isang mapagkaibigan na pamamaraan. Manilungan sa loob ng pusong ito na nagbubukas upang protektahan ka. Dito, kasama Ko, si Satanas ay hindi sa iyo makagagawa ng kapinsalaan.»

«Nasubukan ko na na makasama Kayo... Ako ay bumaba nang bumaba pa lalo... Walang kabuluhan ito!»

«Huwag mong sabihin iyan! Huwag mong sabihin iyan! Labanan ang pagkasira ng loob. Nagagawa ng Diyos ang lahat. Kumapit sa Diyos. Judas! Judas!»

«Manahimik! Kung hindi ang iba ay baka makarinig...»

«At nag-aalala ka tungkol sa iba, ngunit hindi tungkol sa iyong espiritu? Kaawa-awang Judas!...»

Si Jesus ay hindi na nagsasalita pa. Ngunit nananatili Siya sa tabi ng apostol hanggang sa ang babae, na mga ilang metro ang layo sa kanila, ay pumasok sa isang bahay na lumitaw sa loob ng isang makapal na taniman ng mga punong-olibo. Si Jesus pagkatapos ay nagsabi sa Kanyang disipulo: «Ako ay hindi matutulog ngayong gabi. Ako ay magdarasal at maghihintay para sa iyo. Harinawang ang Diyos ay magsalita sa iyong puso. Makinig sa Kanya... Ako ay mananatili rito, sa kinaroroonan Ko ngayon, upang magdasal. Hanggang sa pagsikat ng araw... Tandaan iyan.»

Si Judas ay hindi tumutugon sa kanya. Ang iba pang mga apostol at ang mga babae ay nakarating na at lahat sila ay tumigil nang magkakasabay hinihintay ang babaeng Samaritano na makabalik. Siya ay bumalik kaagad. Siya ay may kasamang isa pang babae, na katulad niya, at bumabati sa kanila nagsasabing: «Ako ay maraming silid sapagkat ang mga taga-pungos ay naririto na ngayon nagtatrabaho sa mga punong-olibo. Ngunit ako ay mayroong isang malaking kamalig na mayroong maraming dayami sa loob. Mayroon akong silid para sa mga babae. Halikayo.»

«Lakad! Mananatili Ako rito upang magdasal. Kapayapaan sa inyong lahat» sabi ni Jesus. At habang umaalis ang iba, pinigilan Niya ang Kanyang Ina nagsasabi sa Kanya: «Ako ay mananatili upang magdasal para kay Judas, Inay. Matutulungan din ba Ninyo Ako?»

«Oo, tutulungan Kita, Anak. Ang kanya bang mabuting-kalooban ay nagkakaroon ng buhay?»

«Hindi, Inay. Ngunit kailangan nating kumilos na tila... Ang Langit ay magagawa ang lahat, Inay!»

«Oo. Malilinlang Ko pa rin ang Aking Sarili. Ngunit hindi Mo malilinlang ang Iyong Sarili, Anak. Aking Banal na Anak! Ngunit lagi Kitang gagayahin. Humayo nang mapayapa, Aking mahal! Kahit na kung hindi Ka na makapagsalita sa kanya, sapagkat iniiwasan Ka niya, magsisikap Akong maibalik siya sa Iyo. At kung ang Kabanalbanalang Ama ay pakikinggan lamang ang Aking kapighatian... Papayagan Mo ba Akong makasama Ka, Jesus? Magdarasal tayong magkasama... at mapapasaakin Ka nang Akin lamang sa lahat ng mga oras na iyan...»

«Oo, manatiling kasama Ko, Inay. Maghihintay Ako para sa Inyo rito.»

Si Maria ay umalis nang mabilis, at Siya kaagad ay nakabalik. Naupos sila sa ibabaw ng kanilang mga sako, sa ilalim ng mga punong-olibo. Sa loob ng walang-laman na katahimikan maririnig ng isa ang pagbulukbok ng ilog hindi sa malayo at ang paghuni ng mga kuliglig ay nagmumukhang mas malakas sa katahimikan ng gabi. Pagkatapos ang mga ruwinsensor ay nagsimulang umawit. Ang isang kuwago ay humuhuni at ang isang nakauwi na kuwago ay tumitili. At ang mga bituin ay gumagalaw nang dahan-dahan sa papawirin, kasing ningning katulad ng mga reyna, ngayon na ang buwan ay nakalubog na at hindi na sila natatalo sa kaningningan. Pagkatapos ang isang tandang ay sinira ang kalmadong ere sa pamamagitan ng isang matalas na pagtilaok. Sa mas malayo pa ang isang tandang ay tumugon, halos hindi marinig. Pagkatapos ang katahimikan ay nasira muli ng mga bagsak ng hamog mula sa mga tisa ng kapitbahay sa lakaran na nakapaligid dito. Pagkatapos ang isang bagong paglagaslas ng madahon na mga sanga tinatanggal ang kabasaan ng gabi, at ang nakahiwalay na sigaw ng isang ibon na gumigising, at kasabay nito ang isang pagbabago sa kalangitan at ang pagdating ng liwanag. Pagsikat na ng araw. Ngunit si Judas ay wala pa...

Si Jesus ay tinitingnan ang Kanyang Ina, kasing puti ng isang liryo sa kaligiran ng madilim na punong-olibo at sinabi Niya sa Kanya: «Nakapagdasal na tayo, Inay. Gagamitin ng Diyos ang ating dasal...»

«Oo, Anak. Ikaw ay kasing puti ng kamatayan. Ang Iyong lakas ay nakalabas nang ganap sa loob ng gabi, itinutulak ang mga geyt ng Langit at ang mga dekreto ng Diyos!»

«Kayo ay maputla rin, Inay. Malaki ang Inyong pagkapagod.»

«Malaki ang Aking kapighatian dahil sa Iyong kapighatian.»

Ang pinto ng bahay ay binuksan nang maingat... Si Jesus ay nagitla. Ngunit iyon ay ang babae na nagdala sa kanila roon, na lumalabas nang walang-ingay. Si Jesus ay nagsabi nang may pagbuntung-hininga: «Ako ay umaasa na baka nagkakamali Ako!»

Ang babae ay lumalapit dala ang kanyang walang-laman na basket. Nakita niya si Jesus. Binati niya Siya at aalis na sana. Ngunit tinawag siya ni Jesus. Sinabi Niya sa kanya: «Harinawang gantimpalaan ka ng Diyos para sa lahat. Gusto kitang gantimpalaan din, ngunit wala Akong dala kahit ano.»

«Wala akong gusto kahit ano, Rabbi. Ayaw ko ng kahit anong gantimpala, ngunit bagama't ayaw ko ng pera, may isang bagay na gusto ko. At maibibigay Ninyo ito sa akin!»

«Ano, babae?»

«Na ang puso ng aking asawa ay magbago. At magagawa Ninyo iyan, sapagkat Kayo talaga ang Banal na Tao ng Diyos.»

«Humayo sa kapayapaan. Iyan ay magagawa sa iyo ayon sa hiling mo. Paalam.»

Ang babae ay umalis nang mabilis patungo sa kanyang tahanan na maaaring talagang isang malungkot na tahanan.

Si Maria ay nagwika: «Isa pang di-masayang babae. Iyan kung bakit siya ay mabuti!...»

Ang gusot na ulo ni Pedro ay lumitaw mula sa kamalig, sinusundan ng maningning na ulo ni Juan, at pagkatapos ng mahigpit na hitsura ni Tadeo, ang nagkukulay-kapeng mukha ng Zealot, at ang manipis na mukha ng binatang si Benjamin... Lahat sila ay gising na. Si Maria ng Magdala ang unang babae na lumabas ng bahay, at sinusundan ni Nike at pagkatapos ng iba pa.

Noong sila ay magkakasama na at ang babaeng nagbigay sa kanila ng ospitalidad ay nakapagdala na ng isang balde ng gatas na mabulâ pa, ang Iskariote ay lumitaw. Ang kanyang ulo ay wala nang bendahe, ngunit ang pasâ ng tamâ ay nakukulayan ang kalahati ng kanyang noo at ang kanyang mata ay nagmumukhang mas malungkot sa loob ng biyoletang pabilog. Si Jesus ay tinitingnan siya. Si Judas ay tinitingnan si Jesus, pagkatapos ibinaling niya ang kanyang ulo tumitingin sa ibang lugar.

Si Jesus ay nagsabi sa kanya: «Bayaran sa babae anuman ang maibibigay niya sa atin. Kami ay uuna na. Samahan kami.»

At si Jesus, pagkatapos na batiin ang babae, ay umalis. Lahat sila ay sumunod sa Kanya.

250512

 


Sunod na kabanata