574. Ang Bata-pang Mayaman na Lalaki.

Marso 7, 1947.

Ito ay isa pang magandang umaga ng Abril. Ang lupa at ang kalangitan ay pinakikita ang lahat ng kanilang tagsibol na mga kagandahan. Ang isa ay malalanghap ang liwanag, mga awit, mga amoy, tigmak na tigmak ang ere ng kaningningan, ng mga tinig ng lugod at ng pagmamahal, ng halimuyak. Maaaring umulan noong gabi dahil ang mga daan ay maitim at walang alikabok, ngunit hindi ito maputik, at ang mga tangkay at mga dahon nahugasan ng ulan ay ngayon nanginginig, lahat maningning at malinis, sa loob ng isang banayad na hanging umiihip pababa mula sa mga bundok patungo sa matabang kapatagan na ito na magpapakita sa Jericho.

Ang mga tao ay patuloy ang paglabas mula sa mga pampang ng Jordan; sila ay sumakay ng balsa mula sa kabilang pampang o sinundan nila ang daan na tumatakbo sa tabi ng ilog, at nakarating sa isang ito na maghahatid nang tuwiran sa Jericho at Doco, katulad ng sinasabi ng mga tanda sa daan. At kasama ng maraming Hudyo na mula sa lahat ng mga lugar ay patungo sa Jerusalem para sa ritwal, ay ang mga mangangalakal mula sa iba't ibang lugar at mga pastol na may nag-iingay na mga kordero, nakatalaga para sa mga sakripisyo, ngunit hindi nag-aalam ng kanilang kahihinatnan.

Marami ang nakakakilala kay Jesus ay binabati Siya. Sila ay mga Hudyo mula sa Perea at sa Decapolis at kahit sa mga lugar na mas malalayo pa. Mayroon isang grupo mula sa Caesarea Paneas. Sila ay mga pastol, na mga namumuhay nang kung baga pagala-gala, ay may nalalaman tungkol sa Guro, bilang nakasalubong Siya o nakapakinig tungkol sa Kanya mula sa mga disipulo.

Ang isang pastol ay pinagpatirapa ang sarili at nagsabi sa Kanya: «Maaari ba akong mag-alay sa Inyo ng isang kordero?»

«Huwag mong pagkaitan ang iyong sarili niyan, mamâ. Iyan ay iyong kita.»

«O! iyan ay aking pasasalamat. Hindi Ninyo ako naaalaala, ngunit naaalaala ko Kayo. Ako ay isang pinagaling Ninyo noong nagpagaling Kayo ng marami. Pinagaling Ninyo ang buto ng aking hita na walang nakaaalam kung papaano pagalingin at nagawa akong isang imbalido nito.  Bibigyan ko Kayo ng isang kordero nang kusang-loob. Ang pinakamaganda. Ang isang ito. Para sa bangkete ng kaluguran. Alam ko na para sa sakripisyo Kayo ay bibili ng isa. Ngunit para sa kaluguran! Binigyan Ninyo ako ng labis nito. Kunin Ninyo ito, Guro.»

«Oo, kunin Ninyo. Iyan ay pera na ating itatabi, O kung baga, magagawa tayo niyan na makakain sapagkat gawa ng lahat ng ating kabulagsakan wala na akong perang naiwan pa» sabi ng Iskariote.

«Kabulagsakan? Mula pa nang umalis tayo sa Shechem hindi tayo gumastos ng isang sentimos!» sabi ni Mateo.

«Bueno, wala na akong pera. Binigay ko ang huli kay Merod.»

«Makinig, mamâ» sabi ni Jesus sa pastol upang matapos ang mga salita ng Iskariote. «Hindi pa Ako pupunta sa Herusalem ngayon at hindi Ko madadala ang kordero. Kundi’y tatanggapin Ko ito upang maipakita sa iyo na kinalulugdan Ko ang iyong regalo.»

«Ngunit pagkatapos pupunta Kayo sa siyudad. Titigil Kayo roon para sa mga kapistahan. Tiyak na magkakaroon Kayo ng isang lugar na titigilan. Sabihin Ninyo sa akin kung saan ito, at ibibigay ko ito sa Inyong mga kaibigan...»

«Wala Ako ng ganyan... Ngunit mayroon Akong isang kaawa-awang matandang kaibigan sa Nob. Makinig sa Akin nang mabuti: sa araw pagkatapos ng Paskuwang Sabbath pupunta ka sa Nob sa pagsikat ng araw at sasabihin mo kay Juan, ang Nakatatanda ng Nob (masasabi sa iyo ng kahit sino kung saan siya nakatira): `Si Jesus ng Nazareth, ang iyong kaibigan, ay pinadadala sa iyo ang korderong ito, upang sana maipagdiwang mo ang araw na ito na may isang bangkete ng kaluguran, sapagkat para sa totoong mga kaibigan ng Kristo walang mas malaki pang kaluguran kaysa sa kaluguran ng araw na ito`. Gagawin mo ba iyan?»

«Kung iyan ang gusto Ninyo, gagawin ko iyan.»

«At magagawa mo Akong masaya. Hindi bago sa araw pagkatapos ng Sabbath. Tiyakin na maaalaala mo iyan. At alalahanin ang mga salitang sinabi Ko sa iyo. Lakad na, ngayon, at ang kapayapaan ay mapasaiyo. At patatagin ang iyong puso sa kapayapaan na iyan sa mga araw na darating. Alalahanin din iyan, at magpatuloy sa paniniwala sa Aking Katotohanan. Paalam.»

Ilang mga tao na ang lumapit sa kanila upang makinig sa kanilang pag-uusap at naghiwa-hiwalay lamang nang ang pastol, pinangungunahan ang kanyang kawan, ay napilitan silang maghiwa-hiwalay. Si Jesus ay sinundan ang kawan sinasamantala ang libreng espasyong naiwan nito.

Ang mga tao ay nagbubulung-bulungan: «Kung gayon Siya nga ay talagang pupunta sa Herusalem? Hindi ba Niya nalalaman na Siya ay pinagbabawalan?»

«Hoy! Walang makapagbabawal sa isang anak ng Batas na ipresenta ang sarili sa Panginoon sa Paskuwa. Siya ba ay may nagawang isang krimen sa publiko? Wala. Sapagkat kung mayroon man, naipaaresto na sana Siya ng Prokonsul, katulad ng ginawa niya kay Barabbas.»

At ang iba ay nagsasabi: «Napakinggan ba ninyo? Siya ay walang mapupuntahan o mga kaibigan sa Herusalem. Lahat ba sila ay iniwanan na Siya? Pati ba ang tao na Kanyang ibinangon mula sa kamatayan? Gaanong siyang mapagpasalamat!»

«Manahimik. Ang dalawang babaeng iyon doon ay ang mga kapatid ni Lazarus. Ako ay nanggaling sa kabukiran ng Magdala at kilalang-kilala ko sila. Kung ang kanyang mga kapatid ay kasama Niya ang ibig sabihin nito ang pamilya ni Lazarus ay tapat sa Kanya.»

«Baka hindi Siya maglalakas-loob na pasukin ang bayan.»

«Tama Siya.»

«Ang Diyos ay patatawarin Siya kung Siya ay mananatili sa labas.»

«Hindi Niya ito kasalanan kung hindi Siya makaakyat sa Templo.»

«Siya ay tamang nagiging mahinahon. Kung Siya ay mahuli ang lahat ay matatapos bago ang Kanyang oras.»

«Siya ay talagang hindi pa handa na maiproklamang ating hari, at ayaw Niyang mahúli.»

«Sinasabi nila na noong malaman na Siya ay nasa Ephraim, pumunta Siya kung  saan-saan, kahit hanggang sa mga galáng tribu, upang ihanda ang mga tagasunod at mga sundalo at maghanap ng proteksiyon.»

«Sino ang nagsabi sa iyo?»

«Ang dáting mga kasinungalingan. Siya ay ang banal na Hari at hindi ang hari ng mga sundalo.»

«Baka ang Kanyang ipagdiriwang ay ang pangkaragdagan na Paskuwa, kung saan mas madaling hindi ka mapansin. Ang Sanhedrin ay naghihiwa-hiwalay pagkatapos ng mga kapistahan at ang lahat na mga miyembro ay umuuwi para sa panahon ng pag-aani. Hindi sila magkikita-kita muli hanggang Pentekostes.»

«At kapag ang mga miyembro ng Sanhedrin ay nakaalis na, sino sa palagay ninyo ang gagawa sa Kanya ng pananakit? Sila ang mga asong-gubat!»

«H’m! Posible ba para sa Kanya na maging napaka mahinahon? Iyan ay masyadong-masyadong taong-tao. Siya ay mahigit pa kaysa sa isang tao at hindi Siya magmamahinahon nang may karuwagan.»

«Duwag? Bakit? Walang makapagsasabi na siya na pinananatili ang sarili na buháy para sa kanyang misyon ay isang duwag.»

«Siya ay lagi nang nagiging duwag, sapagkat ang bawat misyon ay mas imperyor kaysa sa Diyos. Kung kaya't ang pagsamba sa Diyos ay kailangan na siyang maging pinakauna sa lahat na iba pa.»

Iyon ang mga salita na palipat-lipat mula sa isang bunganga patungo sa isa pa. Si Jesus ay nagkukunwaring hindi Niya ito naririnig.

Si Judas ni Alfeo ay tumigil upang hintayin ang mga babae at nang sila ay makarating – kasama nila ang bata, mga tatlumpung hakbang sa likuran – sinabi niya kay Eliza: «Nakapagbigay kayo ng malaking halaga ng pera sa Shechem pagkaalis namin!»

«Bakit?»

«Sapagkat wala nang naiwan kay Judas kahit na isang sentimos. Ang iyong mga sandalyas, Benjamin, ay tila hindi na mangyayari. Ito ay nakatalaga na noon na magiging ganito. Hindi posibleng pasukin ang Tirzah, at kahit na kung tayo ay nakapasok, dahil wala tayong pera, wala rin tayong mabibiling kahit na ano... Kailangan na pumasok ka sa Herusalem katulad na kung ano ka ngayon...»

«Nariyan ang Bethany bago ang Herusalem» sabi ni Martha nang may isang ngiti.

«At bago iyan, nariyan ang Jericho at ang aking bahay» sabi ni Nike, may isang ngiti rin.

«At ako ay bago ang lahat. Nangako ako at gagawin ko iyan. Nagkaroon tayo ng magagandang karanasan sa loob ng paglalakbay na ito! Naranasan ko kung ano ang ibig sabihin ng di magkaroon ng isang drachma. At ngayon mararanasan ko kung ano ang pakiramdam kapag ang isa ay kailangan na magbenta ng isang bagay dahil sa pangangailangan» sabi ni Maria.

«At ano ang gusto mong ipagbili, kung hindi ka na nagsusuot ng mga alahas pa?» si Martha ay tinatanong ang kanyang kapatid.

«Ang aking malalaking platang mga pang-ipit sa buhok. Marami ako nito. Ngunit upang mapanatiling nasa ayos ang walang-silbing pabigat na buhok na ito, ang bakal na mga pang-ipit ay magiging sapat na.

«Ngunit, kapatid!»

«Ano? Naiiskandalo ka ba na baka ako tingnan na napakahirap na kinailangan kong ipagbili ang aking mga platang pang-ipit? O! Sana lagi akong nagkaroon ng ganyang mga iskandalo sa iyo! Mas lalo pang malala ito noon kung kailan, nang wala man lamang pangangailangan, pinagbili ko ang aking sarili sa bisyo ng ibang mga tao at akin.»

«Manahimik! Nariyan ang bata, na hindi nag-aalam!»

«Wala pa sa ngayon siyang nalalaman. Baka hindi niya nalalaman na ako noon ang makasalanan. Bukas siya ay masasabihan ng kung sino na napopoot sa akin dahil ako ay hindi gayon ngayon, at nang may mga detalye na hindi magpatungkol sa aking kasalanan, na, bagama't, ay lubhang malala. Kung kaya't mas mabuti nang siya ay masabihan ko, upang sana makita niya kung ano ang nagagawa ng Panginoon, Na tumanggap sa kanya: binabago ang isang makasalanan na maging isang nagsisising kaluluwa; binabago ang isang patay na tao na maging isang nabuhay-na-muling tao; ako, patay sa aking espiritu, si Lazarus, patay sa kanyang katawan, ginawa Niyang dalawang buháy na nilalang. Sapagkat iyan kung ano ang ginawa ng Rabbi sa amin, Benjamin. Laging itanim iyan sa isip at mahalin mo Siya nang buong puso mo, sapagkat Siya nga ang Anak ng Diyos.»

Isang sagabal sa daan ang nagpatigil kay Jesus at sa mga apostol, at ang mga babae ay sumama sa kanila. Si Jesus ay nagsabi sa mga babae: «Mauna na kayo, patungong Jericho, at pasukin ang bayan, kung ibig ninyo. Pupunta Ako sa Dugo kasama ang mga apostol. Paglubog ng araw makakasama ninyo Ako.

«O! Bakit pinaaalis Ninyo kami? Kami ay hindi pagod» sabi ng lahat na mga babae nagpoprotesta.

«Sapagkat ibig Ko sa inyo, o ang ilan man lamang sa inyo, na sabihan ang mga disipulo na pupunta Ako sa bahay ni Nike bukas.»

«Kung iyan ang kaso, Panginoon, pupunta kami. Halika, Eliza, at ikaw Johanna, at kayo Susanna at Martha. Ihahanda natin ang lahat» sabi ni Nike.

«At ang bata at ako. Gagawin natin ang ating pamimilí. Pagpalain Ninyo kami, Guro. At dumating Kayo kaagad. Mananatili ba Kayo, Ina?»

«Oo, kasama ang Aking Anak.»

Sila ay naghiwalay. Tanging ang tatlong Maria lamang ang nanatiling kasama ni Jesus: ang Kanyang Ina, ang Kanyang tiya na si Maria ni Clopas, at si Maria Salome. At iniwan ni Jesus ang daan ng Jericho at kinuha ang sekundaryong daan na nagpapatungo sa Doco.

At hindi pa Siya nagtatagal dito nang mula sa isang karabana na dumarating mula sa kung saan na hindi ko alam – isang marangyang karabana na tiyak na nanggaling sa malayo, sapagkat ang mga babae ay mga nakasakay sa mga kamelyo, nakasarado sa pakiling-kiling na mga palangkin na nakatali sa umbok na mga likod, at ang mga lalaki ay mga nakasakay sa masisiglang kabayo o iba pang mga kamelyo – ang isang bata-pang lalaki ay humiwalay at, ginagawa niyang lumuhod ang kanyang kamelyo, siya ay nagpadalusdos mula sa kanyang siyá at naglakad patungo kay Jesus. Ang isang katulong, na lumapit sa kanya, ay hinawakan ang hayop sa mga renda nito.

Ang bata-pang lalaki ay nagpatirapa sa harapan ni Jesus, at pagkatapos ng kanyang malalim na pagbati, sinabi niya sa Kanya: «Ako ay si Philip ng Canata, ang anak ng totoong mga Israelita na mga nanatiling gayon. Ako ay isang disipulo ni Gamaliel hanggang sa ang kamatayan ng aking ama ay inilagay ako sa uluhan ng kanyang negosyo. Napakinggan ko Kayong nagsalita nang higit pang minsan. Nalalaman ko ang tungkol sa Inyong mga gawa. Pinagsisikapan ko ang isang mas mabuting pamumuhay upang magkaroon ng eternal na pamumuhay na tinitiyak Ninyo na kakamtin ng mga lumilikha ng Inyong Kaharian sa loob ng kanilang mga sarili. Kung kaya't sabihin sa akin, mabuting Guro, ano ang kailangan kong gawin upang magkaroon ng eternal na buhay?»

«Bakit tinatawag mo Ako na mabuti? Diyos lamang ang mabuti.»

«Kayo ay ang Anak ng Diyos, kasing buti ng Inyong Ama. O! sabihin sa akin kung ano ang kailangan kong gawin.»

«Upang mapasok ang eternal na buhay sundin ang mga kautusan.»

«Alin, aking Panginoon? Ang lumang mga kautusan o ang Inyo?»

«Ang lumang mga kautusan ay naglalaman na ng Akin, ang Akin ay hindi nito binabago ang lumang mga kautusan. Sila ay laging pareho din: sambahin ang Tanging totoong Diyos at igalang ang mga batas ng kulto, huwag pumatay, huwag magnakaw, huwag mangalunya, huwag magsaksi ng kasinungalingan, igalang ang inyong ama’t ina, huwag manakit ng inyong kapwa bagkus mahalin siya katulad ng inyong pagmahal sa inyong sarili. Sa paggawa nang ganito magkakaroon ka ng eternal na buhay.»

jesus_richman

«Guro, nasunod ko ang lahat ng mga kautusan na iyan mula pa nang aking pagkabata.»

Si Jesus ay binigyan siya ng isang mapagmahal na sulyap at may-kabaitan na nagtanong: «At sa palagay mo ito ay hindi pa sapat?»

«Hindi, Guro. Ang Kaharian ng Diyos ay isang malaking bagay sa amin at sa kabilang buhay. Ang Diyos Na binibigay ang Kanyang Sarili sa amin ay isang walang-hangganang regalo. Nararamdaman ko na kung ano ang aming katungkulan ay napakaliit kompara sa Ganap na Walang-Hangganang na Siya Na binibigay ang Kanyang Sarili sa amin, at sa palagay ko kailangan na makamit namin Siya sa pamamagitan ng mga bagay na mas malaki pa kaysa sa mga ipinag-uutos na iyon, upang hindi mapahamak at maging kaayun-ayon sa Kanya.»

«Tama ka. Upang maging perpekto nagkukulang ka ng isang bagay pa. Kung gusto mong maging perpekto katulad ng kung ano ang gusto ng ating Amang nasa Langit, lakad, ipagbili ang lahat na mayroong ka at ibigay ito sa mahihirap, at sa Langit magkakaroon ka ng isang kayamanan na magagawa kang mamahal ng Ama Na nagbigay ng Kanyang kayamanan sa mahihirap ng Lupa. Pagkatapos halika at sundan Ako.»

Ang bata-pang lalaki ay naging malungkot at nag-iisip. Siya pagkatapos ay tumayo at nagsabi: «Aalalahanin ko ang Inyong payo...» at siya ay umalis na malungkot.

Si Judas ay ngumingiti nang may-panunuya at bumulong: «Hindi lamang ako ang mag-isang nagmamahal sa pera!»

Si Jesus ay tumalikod at tinitingnan siya... pagkatapos tiningnan Niya ang labing-isang mga mukha sa paligid Niya at nagsabi nang may isang buntung-hininga: «Gaano kahirap para sa isang mayaman na tao na makapasok sa Kaharian ng Langit, na ang geyt nito ay makipot, at ang daan ay matarik, at ang mga kargado ng malalaking dalahin ng mga kayamanan ay hindi makakaraan dito at makapasok dito! Upang makapasok sa itaas doon tanging ang di-materyal na mga kayamanan lamang ng birtud ang kinakailangan at ang isa ay kailangan na makakahulagpos sa lahat ng pagkakakabit sa mga bagay ng mundo at sa banidad.» Si Jesus ay malungkot na malungkot...

Ang mga apostol ay nagkakatinginan nang patago sa isa’t isa...

Si Jesus, tinitingnan ang karabana ng mayaman na bata-pang lalaki na lumalayo, ay nagsabi: «Sasabihin Ko sa inyong totoo na mas madali pa para sa isang kamelyo ang makapasok sa isang butas ng karayom kaysa para sa isang mayaman na tao na makapasok sa Kaharian ng Diyos.»

«Sino ang maliligtas, kung gayon? Ang kasalatan ay madalas na nagagawa ang isa na magkasala, sa pamamagitan ng inggit at ng pagkukulang ng respeto para sa pag-aari ng ibang mga tao, at sa pamamagitan ng pagkukulang ng kompiyansa sa Maykapal... Ang mga kayamanan ay isang hadlang sa perpeksiyon... Kung gayon? Sino ang maliligtas?»

Si Jesus ay tinitingnan sila at nagsabi: «Ang kung ano ang imposible para sa mga tao, ay posible para sa Diyos, sapagkat ang lahat ay posible para sa Diyos. Sapat na para sa tao na tulungan ang kanyang Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mabuting kalooban. At ito ay mabuting kalooban na kunin ang payo na binibigay at pagsikapan na maabot ang kalayaan mula sa mga kayamanan. Ang kamtin ang ganap na kalayaan, upang masundan ang Diyos. Sapagkat ito ang totoong kalayaan ng tao: ang masundan ang mga tinig na binubulong ng Diyos sa kanyang puso, at ang Kanyang mga kautusan, ang hindi maging ang alipin ng kanyang sarili, o ng mundo, o ng pagrespeto sa opinyon ng publiko, at samakatuwid hindi maging ang alipin ni Satanas. Ang gamitin ang magandang malayang kalooban na binigay ng Diyos sa tao upang hilingin lamang ang Kabutihan at nang may kalayaan, at kung gayon kamtin ang napakaningning, malaya at kaliga-ligayang eternal na buhay. Ang tao ay kailangan na hindi maging alipin ng kanyang sariling buhay, kung upang kalugdan ito kakailanganin niyang labanan ang Diyos. Sinabi Ko sa inyo: “Siya na nawawalan ng kanyang buhay alang-alang sa Akin at upang mapaglingkuran ang Diyos ay mapananatili ito magpasawalanghanggan”.»

«Bueno! Iniwanan namin ang lahat upang sundan Kayo, kahit na kung ano ang ipinahihintulot. Kung gayon ano ang tungkol sa amin? Mapapasok ba namin ang Inyong Kaharian?» tanong ni Pedro.

«Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga sumunod sa Akin nang ganyan at ang mga sumusunod sa Akin – sapagkat laging may panahon upang gumawa ng pagsasatama para sa katamaran at para sa mga kasalanan na nagawa magpahanggang ngayon, laging may panahon habang ang tao ay nasa Lupa at laging may mga araw sa harapan niya sa loob ng mga araw na ito kung saan maitatama niya ang mga kamalian na nagawa – sila ay makakasama Ko sa Aking Kaharian. Sasabihin Ko sa inyong totoo na kayo, na sumunod sa Aking sa paglilikhang-muli, ay mauupo sa mga trono upang husgahan ang mga tribu ng Lupa kasama ang Anak ng tao Na uupo sa trono ng Kanyang kaluwalhatian. At sa muli sasabihin Ko sa inyong totoo na walang sinuman na sa Aking Pangalan ay iniwan ang tahanan, mga bukid, ama, ina, mga kapatid, asawa, mga anak upang palaganapin ang Ebanghelyo at ipagpatuloy ang Aking gawain, na hindi tatanggap ng sandaang-ibayo sa kasalukuyang panahon at sa eternal na buhay sa mundong darating.»

«Ngunit kung mawala sa amin ang lahat papaano namin pararamihin nang ganyan kung ano ang mayroon kami?» tanong ni Judas ng Kerioth.

«Uulitin Ko: kung ano ang imposible para sa mga tao ay posible para sa Diyos. At ang Diyos ay magbibigay ng sandaang-ibayo ng espirituwal na lugod sa mga na mula sa pagiging mga tao ng mundo ay naging mga anak ng Diyos, ibig sabihin espirituwal na mga tao. Kalulugdan nila ang tunay na kaligayahan, kapwa dito at sa kabila ng Lupa. At sasabihin Ko rin sa inyo na hindi lahat na tila silang nauna, at kailangan na maging ang mauuna bilang nakatanggap nang mas marami kaysa sa lahat, ang magiging ganyan. At hindi lahat na tila sila ang náhuli, at mas kulang pa sa nahúhuli, dahil tila hindi sila lumalabas na Aking mga disipulo o kasali sa piniling Sambayanan, ang mahúhuli. Tunay na tunay, marami na náuna ang mahúhuli, at marami na náhuli, pinakahuli, ang maúuna... Ngunit nariyan na ang Doco sa banda roon. Mauna na kayong lahat, maliban kay Judas ng Kerioth at kay Simon Zealot. Lakad at ibalita Ako sa mga maaaring nangangailangan sa Akin.»

At si Jesus kasama ang dalawang apostol na Kanyang pinigilan ay naghihintay para sa tatlong Maria, na mga sumusunod sa kanila nang mga ilang metro sa hulihan.

270512


Sunod na kabanata