575. Ang Ikatlong Propesiya Tungkol sa Pasyon. Ang Hiling ng mga Anak ni Zebedeo.

Marso 8, 1947.

Ang araw ay halos hindi makapagsimula sa bukang-liwayway at mahirap pa ring maglakbay nang si Jesus ay umalis sa Doco, na natutulog pa rin. Ang pagkaluskos ng mga paa ay tiyak na hindi naririnig ng sinuman sapagkat sila ay naglalakad nang maingat at dahil ang mga tao ay mga natutulog pa rin sa kanilang mga bahay. Walang sinuman ang nagsasalita hanggang sa sila ay nakalabas na sa bayan, sa kabukiran na nagigising nang unti-unti sa malabong liwanag at na kaaya-ayang sariwang tingnan pagkatapos na mabasa ng hamog.

Ang Iskariote pagkatapos ay nagsabi: «Isang walang-kabuluhang paglalakbay na walang pahinga. Mas mabuti pang hindi na lamang nagpakalayu-layo.»

«Ang kakaunting mga tao na ating natagpuan ay hindi tayo naabala nang masama! Nawalan sila ng kanilang tulog sa gabi upang makinig sa atin at madala ang kanilang mga may-sakit na tao mula sa kabukiran. Sa kabaligtaran, totoong mabuting bagay na tayo ay napunta rito. Sapagkat ang mga na, dahil sa sakit o sa iba pang ibang mga rason, hindi makakaasa na makita ang Panginoon sa Herusalem, ay nakita Siya rito at napaginhawahan nakukuha muli ang kanilang kalusugan o napaginhawahan sa pamamagitan ng iba pang mga grasya. Alam natin na ang iba pa ay nakaalis na patungong Herusalem... Hangga’t maaari, kaugalian natin na umalis mga ilang araw pa bago ang kapistahan» sabi ni Santiago ni Alfeo nang may-kabaitan, sapagkat siya ay laging magiliw, ang pinaka kabaligtaran ni Judas ng Kerioth na, kahit na kung siya ay nasa kanyang mabubuting sandali, ay laging marahas at mapagmataas.

«Sa dahilan lamang na tayo ay papunta rin sa Herusalem, wala nang kabuluhan na pumunta pa rito. Mapapakinggan din naman tayo at makikita roon...»

«Ngunit hindi ang mga babae at ang mga may-sakit na tao» tugon ni Bartolomeo sinusuportahan si Santiago ni Alfeo.

Si Judas ay nagkukunwaring hindi niya sila napapakinggan at sa pagpapatuloy sa kanyang sinusundan na talumpati sinabi niya: «Akala ko man lamang tayo ay pupunta sa Herusalem, bagama't hindi na ako nakatitiyak pagkaraan ng pakikipagusap sa pastol na iyon...»

«At saan mo inaasahan na tayo ay pupunta kung hindi tayo pumunta roon?» tanong ni Pedro.

«Sino ang nakaaalam! Hindi ko alam. Ang lahat na ating ginagawa sa huling mga buwan na ito ay labis na hindi makatotohanan, labis na hindi inaasahan, labis na kontra sa sentido-komun at sa katarungan din, na...»

«Hoy! Nakita kitang uminom ng gatas sa Doco, gayunpaman nagsasalita kang katulad ng isang lasing! Saan ka nakakita ng mga bagay na kontra sa katarungan?» tanong ni Santiago ni Zebedeo na may mga matang nangangako ng gulo. At upang siya ay maintindihan nang mas maliwanag dinagdag niya: «Tama na ang paninita sa Makatarungang Isa! Naintindihan mo ba na iyan ay sapat na? Wala kang karapatan na sitahin Siya. Walang sinuman ang may karapatan na gawin iyan, sapagkat Siya ay perpekto, at tayo... Wala sa atin ang may-karapatan, at ikaw ay mas higit pang walang-karapatan kaysa sino pa man.»

«Oo! Kung hindi maganda ang pakiramdam mo, alagaan mo ang iyong sarili, ngunit huwag mo kaming inisin ng iyong mga reklamo. Kung ikaw ay sinusumpong, ang Guro ay nasa banda roon. Hingin sa Kanya na pagalingin ka at tigilan mo iyan!» sabi ni Tomas na nawalan na ng kanyang pasyensiya.

Si Jesus sa katunayan ay nasa likuran, kasama si Judas ni Alfeo at si Juan, at tinutulungan nila ang mga babae, na bilang hindi sanay sa paglalakad sa medyo madilim, ay nagpapatuloy nang may kahirapan sa isang magaspang na daan, na mas madilim pa kaysa sa mga bukid, dahil ito ay tumatakbo sa mga taniman ng punong-olibo. At si Jesus ay nagsasalitang masigasig sa mga babae, hindi nagmamalay kung ano ang nangyayari sa unahan Niya at maririnig din ng mga nakakasama Niya, sapagkat kung ang salita ay nakararating nang mahirap-maintindihan, ang kanilang tono ay nagpapahiwatig na ang mga salita ay hindi may-kabaitan, bagkus ang tunog nito ay kung baga pala-away.

Ang dalawang apostol, sina Tadeo at Juan, ay nagkatinginan... ngunit wala silang sinasabi na kahit ano. Tiningnan nila sina Jesus at Maria. Ngunit si Maria ay balot-na-balot sa Kanyang manta na ang Kanyang mukha ay halos hindi mo makita, at si Jesus ay hindi lumalabas na Siya ay may napakinggan. Ngunit nang Siya ay makatapos sa pagsasalita – pinag-uusapan nila ang tungkol kay Benjamin at ang kanyang kinabukasan, at pinag-uusapan din nila si Sarah, ang balo ng Aphek, na naninirahan na sa Capernaum at isa siyang mapagmahal na ina hindi lamang sa bata ng Giscala bagkus pati sa mga anak ng babae mula sa Capernaum na, pagkatapos na siya ay magpakasal para sa ikalawang beses, ay hindi na minahal ang mga anak ng kanyang unang kasal, at pagkatapos siya ay umabot «sa gayong masamang katapusan na ang mga tao ay tiningnan ang kanyang kamatayan na isang dibinong kaparusahan» sabi ni Salome – si Jesus ay umuna kasama si Judas Tadeo upang samahan ang mga apostol at nang iniiwan ang grupo sinabi Niya: «Makapananatili ka, Juan, kung gusto mo. Pupunta Ako upang tumugon sa di-mapakaling isa at maghatid ng kapayapaan.»

Ngunit si Juan, pagkatapos na makapaglakad ng kaunting mga hakbang kasama ang mga babae, nakikita na ang landas ay ngayon malapad na at mas mahawan na, ay tumakbo at sinamahan si Jesus Na nagsasabing: «Kung gayon, makatiyak, Judas. Tayo ay walang gagawin, katulad na wala tayong ginawa, na di tunay. Kahit na ngayon wala tayong ginagawang kahit anong hindi inaasahan. Ito ang panahon kung kailangan maaasahan na ang bawat totoong Israelita, na hindi napipigilan ng sakit o ng napaka malalang mga rason, ay aakyat sa Templo. At tayo ay aakyat sa Templo.»

«Ngunit hindi lahat tayo. Napakinggan ko na si Manaen ay hindi mapupunta roon, Siya ba kaya ay may sakit? Bakit hindi siya pupunta? Sa palagay ba Ninyo maipapalit Ninyo sa kanya ang Samaritano?» ang tono ni Judas ay mabigat pakinggan...

Si Pedro ay bumubulong: «O Maykapal, pigilan ang aking dila kaagad, dahil ako ay isang tao!» at idinidiin niya nang mahigpit ang kanyang mga labì upang hindi na makapagsalita ng ano pa man. Ang kanyang mga mata, na kung baga ay malalalim, ay lubos na nakakaantig, napakalinaw ang pagsisikap ng mamâ na mapigilan ang kanyang galit at paghihirap naririnig si Judas na nagsasalita nang gayon.

Ang presensya ni Jesus ay pumipigil sa lahat ng mga dila. Siya lamang ang nag-iisang nagsasalita at nang may tunay na dibinong kakalmahan sinabi Niya: «Halika sa unahan nang kaunti, upang ang mga babae ay hindi sana tayo marinig. Sa loob ng ilang mga araw nagkaroon Ako ng gustong masabi sa iyo. Isang bagay na pinangako Ko sa iyo sa kabukiran ng Tirzah. Ngunit gustong kayong lahat ay naririto upang mapakinggan Ako. Ngunit hindi ang mga babae. Atin silang iwanan sa kanilang abang kapayapaan... Ang sasabihin Ko sa inyo ay magpapaliwanag kung bakit si Marjiam ay hindi natin makaksama, at ganito rin ito tungkol sa iyong ina, Judas ng Kerioth, at sa iyong mga anak na babae, Felipe, at sa mga babaeng disipulo ng Bethlehem sa Galilee kasama ang batang babae. Hindi para sa lahat na batahin ang ilang mga bagay. Ako, ang Guro, ay alam kung ano ang mabuti para sa Aking mga disipulo at kung ano ang kanilang matatagalan o hindi. Ni kayo ay hindi sapat na malakas upang matagalan ang pagsubok. At magiging isang grasya para sa inyo na maipaliban. Ngunit kayo ay kailangan na maipagpatuloy Ako, at kailangan na malaman ninyo kung gaano kayo kahina, upang sa hinaharap kayo ay sana maging maawain sa mahihina. Kung kaya't hindi kayo maaaring maipaliban sa nakakatakot na pagsubok na ito na magbibigay sa inyo ng sukat kung ano kayo, kung sa ano kayo nanatili  pagkatapos na makasama Ko kayo sa loob ng tatlong taon, at kung naging ano kayo pagkatapos ng tatlong mga taon  na makasama ninyo Ako. Kayo ay labindalawa. Kayong lahat ay pumunta sa Akin nang halos magkakasabay. Hindi ang kaunting mga araw sa pagitan ng Aking pagkakatagpo kina Santiago, Juan at Andres at ang araw kung kailan ka tinanggap sa pagitan namin, Judas ng Kerioth, o ang araw kung saan ikaw, Aking kapatid na Santiago at ikaw, Mateo, ay pumunta sa Akin, ang makapangangatwiran sa labis na kaibahan sa inyong pagiging perpekto. Kayo, kayong lahat, Aking may-pinag-aralan na Bartolomeo, at kayo, Aking mga kapatid, ay labis na di-perpekto, absulutong di-perpekto magpatungkol sa kung ano ang perpeksiyon sa Aking doktrina. Hindi, bagkus, ang inyong edukasyon, na mas mabuti kaysa sa edukasyon ng iba pa sa pagitan ninyo sa doktrina ng lumang Israel, ay isang sagabal sa inyong pagiging perpekto sa Akin. gayunpaman wala sa inyo ang labis na nakaabante nang sapat upang madala kayong lahat sa isang lugar. Ang isa ay narating ito, ang iba ay malapit na dito, ang iba pa ay mas malayo dito, ang iba pa ay labis na mas malayo sa likuran, ang iba pa... oo, kailangan Ko rin sabihin ito, sa halip na paabante, ay napaatras. Huwag tingnan ang isa’t isa! Huwag subukan na malaman kung sino sa inyo ang una at sino ang huli. Siya na, baka, iniisip na siya ang una at tinitingnan na siyang ang una, ay kailangan pa ring dumaan sa pagsubok. Siya na iniisip na siya ay huli, ay malapit nang magningning sa kanyang perpeksiyon katulad ng isang bituin sa kalangitan. Kung kaya't, sa muli sinasabi Ko sa inyo: huwag manghusga. Ang mga pangyayari ay maghuhusga sa pamamagitan ng mga ebidensiya nito. Sa pansamantala hindi ninyo maiintindihan. Ngunit malapit na, napakalapit na, maaalaala ninyo ang mga salita Kong ito at maiintindihan ninyo ito.»

«Kailan? Nangako Kayong sasabihin Ninyo sa amin, na ipaliliwanag Ninyo sa amin kung bakit ang Paskuwa ng Puripikasyon ay magiging iba sa taon na ito, ngunit hindi Ninyo kailanman sinabi sa amin» sabi ni Andres nagrereklamo.

«Ito ay tungkol lamang diyan na gusto Kong magsalita sa inyo. Sapagkat kapwa ang mga salitang iyon at ito ay pareho din, dahil sila ay nakaugat sa isa lamang na prinsipyo. Tayo ay patungo na ngayon sa Herusalem para sa Paskuwa. At ang lahat na hinulaan na mga bagay ng mga propeta tungkol sa Anak ng tao ay magkakaroon ng katuparan doon. Totoo, na katulad na nakita ito ng mga propeta, katulad na ito ay nasabi sa utos na binigay sa mga Hebreo sa Ehipto, katulad na si Moses ay inutusan sa disyerto, ang Kordero ng Diyos ay malapit nang isakripisyo at ang Kanyang Dugo malapit nang ipahid sa mga hamba ng pintuan ng mga puso, at ang anghel ng Diyos ay daraan nang hindi ginagalaw ang mga tao na may-pagmamahal na nagkaroon sa kanilang sarili ng Dugo ng isinakripisyong Kordero, na malapit nang itaas sa halang ng krus, katulad ng mahalagang metal na ahas, upang maging ang tanda para sa mga nasugatan ng makadimonyong ahas, upang maging ang kaligtasan ng mga titingala dito nang may pagmamahal. Ang Anak ng tao, ang inyong Guro na si Jesus, ay malapit nang iabot sa hepeng mga pari, sa mga eskriba at sa mga nakatatanda, na hahatol sa Kanya ng kamatayan at mag-aabot sa Kanya sa mga Hentil upang Siya ay pawalang-kabuluhan. At Siya ay masasampal, mabubugbog, duduraan, kakaladkarin sa mga kalsada katulad ng isang maruming basahan, at pagkatapos ang mga Hentil, pagkatapos na hagupitin Siya at koronahan ng mga tinik, ay sesentensiyahan Siya na mamatay sa krus na nakatalaga para sa mga kriminal, katulad ng nag-ipun-ipon na mga Hudyo sa Herusalem na gugustuhin ang Kanyang kamatayan sa lugar ng kamatayan ng isang magnanakaw, at Siya ay papatayin nang ganyan. Ngunit katulad ng nababanggit sa mga tanda ng mga propesiya, pagkaraan ng tatlong araw Siya ay babangon muli. Iyan ang pagsubok na naghihintay para sa inyo. Ang pagsubok na magpapamulat sa inyo ng inyong pag-abanteng espirituwal. Sasabihin Ko sa inyong totoo, sinuman ang nag-iisip na siya ay napaka perpekto na kanyang hinahamak ang mga hindi kasali sa Israel, at hinahamak kahit ang marami sa ating sarili mga tao, sasabihin Ko sa inyong totoo na kayo, ang piniling bahagi ng Aking kawan, kapag ang Pastol ay hinuli na, ay mahihintakutan at kayo ay magtatakbuhan na tila ang mga lobo, na kakagat sa buong katawan Ko, ay tila kayo ang tinatangka. Ngunit, sinasabi Ko sa inyo, huwag matakot. Hindi kayo masasaktan nang kahit kaunti man. Magiging sapat na Ako upang magpakabundat ang mababangis na lobo...»

Ang mga apostol, habang si Jesus ay nagsasalita, ay nagmumukhang katulad ng mga tao na pinauulanan ng mga bato. Payuko pa nga sila nang payuko habang patuloy si Jesus sa pagsasalita. At nang Siya ay nagtatapos nagsasabing: «At ang sinasabi Ko sa inyo ay namiminto na. Hindi ito katulad ng sa ibang mga pagkakataon, kung saan may panahon pa bago ang oras. Ang oras ay ngayon dumating na.  Ako ay iaabot sa Aking mga kaaway at isasakripisyo para sa kaligtasan ng lahat. At ang buko ng bulaklak na ito ay hindi pa mawawalan ng mga petalo nito pagkatapos na makapamukadkad at Ako ay patay na», ang ilan ay itinatago ang kanilang mga mukha sa loob ng kanilang mga kamay at ang ilan ay umuungol na tila sila ay nasugatan. Ang Iskariote ay namumutlang kulay-abo, lubos-na-lubos na nangingitim-ngitim...

Ang unang nakapanumbalik sa sarili ay si Tomas na nagproklama: «Iyan ay hindi mangyayari sa Inyo sapagkat ipagsasanggalang namin Kayo o kami ay mamamatay kasama Ninyo, at maipakikita namin kung gayon na narating na namin Kayo sa Inyong perpeksiyon at na kami ay perpekto sa pagmamahal sa Inyo.»

Si Jesus ay tinitingnan siya nang hindi nagsasalita.

Si Bartolomeo pagkaraan ng isang matagal na nag-iisip na katahimikan ay nagsabi: «Sinabi Ninyo na Kayo ay iaabot... Ngunit sino ang makapag-aabot sa Inyo sa Inyong mga kaaway? Iyan ay hindi binanggit sa mga propesiya. Hindi, iyan ay hindi binanggit. Ito ay lubos na nakakatakot kung ang isa sa Inyong mga kaibigan, isa sa Inyong mga disipulo, isa sa Inyong mga tagasunod, kahit na ang huling tagasunod, ang mag-aabot sa Inyo sa mga napopoot sa Inyo. Hindi! Walang sinuman na nakarinig na sa Inyo nang may pagmamahal, kahit minsan man lamang, ang makagagawa ng krimen na iyan. Sila ay mga tao, hindi mababangis na hayop, hindi mga dimonyo... Hindi, aking Panginoon. At ni hindi ang mga napopoot sa Inyo ang makagagawa nito... Sila ay natatakot sa mga tao, at ang lahat ng mga tao ay mapupunta sa paligid Ninyo!»

Si Jesus ay tinitingnan din si Natanael ngunit hindi nagsasalita ng kahit ano.

Si Pedro at ang Zealot ay nag-uusap nang masigasig. Si Santiago ni Zebedeo ay kinagagalitan ang kanyang kapatid sapagkat nakikita niya na siya ay hindi nababahala at si Juan ay tumugon: «Ito ay dahil nalalaman ko na iyan sa loob ng nakaraang tatlong buwan» at dalawang luha ang dumaloy sa kanyang mukha. Ang mga anak ni Alfeo ay nagsasalita kay Mateo na iniiling ang kanyang ulo nang nawawalan ng pag-asa.

Si Andres ay nagsabi sa Iskariote: «Sa dahilan na marami kang kaibigan sa Templo...»

«Si Juan ay niya mismo si Annas» tugon ni Judas at siya ay naghinuha: «Ano ang ating magagawa? Ano ang magagawa ng salita ng isang tao kung iyan ay nakatalaga?»

«Sa palagay mo bang talaga?» tanong nang magkasabay nina Tomas at Andres.

«Hindi. Hindi ako nag-iisip ng kahit na ano. Iyan ay walang-kabuluhan na mga pagkatakot. Tama si Bartolomeo. Ang lahat na mga tao ay mapupunta sa paligid ni Jesus. Nakikita na ninyo iyan sa ikinikilos ng mga taong ating nasasalubong. At ito ay magiging isang pananagumpay. Makikita ninyo na iyan ang mangyayari» sabi ni Judas ng Kerioth.

«Kung iyan ang kaso bakit Niya...» sabi ni Andres tinuturo si Jesus Na tumigil naghihintay sa mga babae.

«Bakit sinasabi Niya iyon? Dahil Siya ay naapektuhan... at dahil gusto Niya tayong subukan. Ngunit walang mangyayari. Maging ano pa man pupunta ako...»

«O! oo. Lakad at tingnan!» sabi ni Andres nangungusap.

Sila ay naging tahimik sapagkat si Jesus ay sinusundan silang muli, naglalakad sa pagitan ng Kanyang Ina at ni Maria ni Alfeo.

Si Maria ay ngumingiti nang bahagya sapagkat ang Kanyang hipag ay pinakikita sa Kanya ang ilang mga binhi, na hindi ko alam kung saan kinuha, at nagsasabi sa Kanya na gusto niya iyong itanim sa Nazareth, pagkatapos ng Paskuwa, doon mismo sa maliit na gruta na mahal-na-mahal ni Maria: «Noong Ikaw ay isa pa lamang maliit na bata, lagi Kitang naaalaala na may dala ng mga bulaklak na ito sa Iyong maliliit na kamay. Tinatawag mo silang ang mga bulaklak ng Iyong pagdating. Sa katunayan noong Ikaw ay pinanganak ang Iyong hardin ay puno nito, at noong gabing iyon nang ang buong Nazareth ay dumating upang tingnan ang anak na babae ni Joachim, ang mga kumpul-kumpol ng maliliit na mga bituin na ito ay nagmumukhang mga brilyante dahil sa tubig mula sa kalangitan at ng huling sinag ng araw na nagpapaningning sa kanila habang lumulubog, at sa dahilan na ang Iyong pangalan ay “Bituin”, ang lahat ay nagsasabi tinitingnan ang munting nagniningning na mga bituin na iyon: ”Ang mga bulaklak ay inadornohan ang kanilang mga sarili upang mabigyan ng masigabong pagsalubong ang bulaklak ni Joachim, at ang mga bituin ay iniwan ang kalangitan upang pumunta sa Bituin”, at lahat sila ay ngumingiti, masaya dahil sa pangitain at sa lugod ng Iyong ama. At si Jose, ang kapatid ng aking asawa, ay nagsabi: “Ang mga bituin at ang mga pagbaba. Siya ay totoong Maria!” Sino ang makapagsasabi sa kanya noon na Ikaw ay ang kanyang magiging bituin? Noong siya ay bumalik mula sa Herusalem, pagkatapos na mapili bilang Iyong esposo? Ang buong Nazareth ay ibig na ipagdiwang ang pangyayari kasama siya, sapagkat malaki ang karangalan na dumating sa kanya mula sa Langit at dahil sa kanyang  kasal sa Iyo, ang anak ni Joachim at ni Anna, at ang lahat ay ibig na mamiyestang kasama siya. May kabaitan ngunit may-katatagan niyang tinanggihan ang lahat na mga pagdiriwang, pinamamangha ang lahat. Sapagkat sinong tao, na nakatalaga sa gayong may-karangalang kasal at sa pamamagitan ng isang dekreto ng Kataastaasan, ang hindi ipagdiriwang ang kaligayahan ng kanyang kaluluwa, laman at dugo? Ngunit madalas niyang sabihin: “Isang mahigpit na paghahanda ang kinakailangan para sa isang dakilang pakikipagtipan”. At na may matipid na paggamit ng mga salita at pagkain, sapagkat nagsasanay siya lagi sa lahat na iba pang pagpipigil, pinalipas niya ang panahon na iyon nagtatrabaho at nagdarasal, sapagkat naniniwala ako na ang bawat bagsak ng martilyo, bawat tama ng sinsel ay nagiging isang panalangin, kung posible na magdasal habang nagtatrabaho. Ang kanyang mukha ay nasa lubos na kaligayahan. Madalas akong pumunta upang linisin ang bahay, magtina ng mga pansapin at lahat na iba pang mga bagay na naiwan ng Iyong ina at nanilaw na sa tagal, at madalas ko siyang panoorin na gumagawa sa pangkusinang-hardin at sa loob ng bahay, ginagawa silang maganda na tila hindi sila kailanman napabayaan, at madalas din akong makipagusap sa kanya... ngunit siya ay nakababad sa kanyang isip. Madalas siyang ngumiti. Hindi sa akin o sa sino pa man na ibang tao, bagkus sa isang naiisip niya, na hindi ang naiisip ng bawat lalaki na malapit nang ikasal. Ibig sabihin isang ngiti ng kapilyuhan... Siya... ay tila ngumingiti sa di-nakikitang mga anghel ng Diyos, at nakikipagusap sa kanila at kinukunsulta sila... O! Natitiyak ko na sinabi nila sa kanya kung papaano Ka niya tatratuhin! Sapagkat pagkaraan – at ito ay nagpamangha sa lahat sa Nazareth at halos ikinainis ng aking Alfeo – inantala niya nang matagal ang kasal hangga’t maaari, at hindi namin maintindihan kung bakit bigla na lamang siyang nagpasya na idaos ang kasal bago ang itinakdang oras. At noong mapakinggan namin na Ikaw ay isa nang ina, gaano nasorpresa ang Nazareth sa kanyang pinipigilan na tuwa!... Ang akin din na Santiago ay medyo ganyan. At siya ay nagiging ganito nang lalu’t lalo pa. Ngayon na akin siyang pinagmamasdan nang mabuti – hindi ko alam kung bakit, ngunit mula nang tayo ay dumating mula sa Ephraim siya ay tila nagbago nang ganap – nakikita ko siya na ganyan – katulad lamang ni Jose. Tingnan Mo siya kahit ngayon, Maria, ngayon na siya ay tumatalikod muli upang tingnan tayo. Hindi ba’t mayroon siya ng nag-iisip na aktitud na ugaling-ugali na ng Iyong esposong si Jose? Siya ay ngumingiti, ngunit hindi ko alam kung ang kanyang ngiti ay malungkot o di-mawaring ngiti. Siya ay tumitingin, ngunit siya ay tila nakatingin sa malayo, lampas sa atin, katulad ng ginagawa ni Jose nang madalas. Naaalaala Mo ba kung papaano siya tuksuhin nang madalas ni Alfeo? Madalas niyang sabihin: “Kapatid, nakatingin ka pa rin ba sa mga piramide?”. Iiiling niya ang kanyang ulo nang hindi nagsasalita, mapasensya at nakalubog sa pag-iisip. Hindi siya kailanman madaldal. Ngunit nang nakabalik Ka mula sa Hebron! Ni hindi na siya ulit mismo pumupunta pa sa pontanya, katulad ng kanyang madalas gawin at katulad ng ginagawa ng lahat. Siya ay kung hindi Ka kasama, siya ay nasa trabaho. At maliban sa mga araw ng Sabbath, kapag siya ay nasa sinagoga, o kung siya ay pumupunta sa kung saan lugar para sa isang inaasikaso, walang makapagsasabi na nakita nila si Jose na paista-istambay sa paligid sa loob ng mga buwan na iyon. Pagkatapos kayo ay umalis... Gaanong nakababahala na walang mabalitaan tungkol sa inyo pagkatapos ng pagpatay sa mga bata na iyon! Si Alfeo ay pumunta sa kasing layo ng Bethlehem... “Sila ay umalis” sabi nila. Ngunit papaano namin sila mapaniniwalaan, kung sila ay may mortal na galit sa iyo sa bayan, kung saan ang inosenteng dugo ay mapula pa at ang mga labí ay umuusok pa at sinisisi ka nila para sa dugo na pinadanak? Siya ay pumunta sa Hebron pagkatapos sa Templo, sapagkat iyon ay oras na ni Zacharias. Si Elizabeth ay walang naibigay sa kanya bagkus ang kanyang mga luha, si Zacharias tanging mga salita lamang ng pampaginhawa. Kapwa sila nag-aalala tungkol kay Juan at dahil kinatatakutan ang bagong mga pagmamalupit, itinago nila siya at sila ay nanginginig para sa kanya. Sila ay walang balita tungkol sa inyo at si Zacharias ay nagsabi kay Alfeo: “Kung sila ay patay, ang kanilang dugo ay nasa akin, sapagkat kinumbinsi ko sila na manatili sa Bethlehem”. Ang aking Maria! Ang aking Jesus napakaganda noong Paskuwa pagkatapos ng Kanyang kapanganakan! At ang hindi magkaroon ng balita tungkol sa Iyo nang matagal! Ngunit bakit wala man lamang kahit anong balita?

«Sapagkat mas mabuti nang maging tahimik. Sa aming kinaroroonan, ay maraming mga Maria at mga Jose, at mas mabuti nang tingnan bilang isang normal na mag-asawa» tugon nang tahimik ni Maria, pagkatapos nang may pagbuntung-hininga sinabi Niya: «At kahit na sa kalungkutan ng mga araw na iyon, iyon ay masasayang mga araw. Kung bilang mga tao kami ay nagkukulang ng napakaraming bagay, ang aming mga espiritu ay busog sa lugod na Ikaw, Aking Anak, ay nasa amin!»

«Nasa Iyo na ang Iyong Anak kahit na ngayon, Maria. Si Jose ay wala na ngayon sa Iyo, iyan ay totoo!! Ngunit si Jesus ay naririto at kasama ang Kanyang ganap na pagmamahal ng isang adulto» wika ni Maria ni Alfeo.

Si Maria ay tinataas ang Kanyang ulo upang tingnan si Jesus. Bagama't ang Kanyang mga labí ay ngumingiti nang bahagya, ang Kanyang mga mata ay nagbubunyag ng Kanyang paghihirap. Ngunit hindi na Siya nagbibigkas ng isa pang salita.

Ang mga apostol ay tumigil naghihintay para sa kanila at sila ay nag-ipun-ipon nang magkakasama, kasama na rin sina Santiago at Juan na nasa likuran kanina kasama ang kanilang ina. At habang sila ay nagpapahinga pagkatapos ng kanilang mahabang paglalakad at ang iba ay kumakain nang kaunting tinapay, ang ina nina Santiago at Juan ay nilalapitan si Jesus Na hindi kailanman naupo, nananabik katulad Niya na makaalis na muli, at pinagpatirapa ang kanyang sarili sa harapan Niya.

Dahil sa ang kanyang mithiin na humingi ng isang bagay ay halatang-halata, si Jesus ay tinanong siya: «Ano ang gusto mo, babae? Sabihin sa Akin.»

«Pagkalooban Ninyo ako ng isang grasya bago Kayo umalis, katulad ng sinasabi Ninyo.»

«Alin?»

«Isaayos para sa dalawa kong anak na ito, na mga iniwanan ang lahat alang-alang sa Inyo, na makaupo ang isa sa Inyong kanang kamay at ang isa sa Inyong kaliwa, kapag Kayo ay nakaupo na sa Inyong kaluwalhatian, sa Inyong Kaharian.»

Si Jesus ay tinitingnan ang babae at pagkatapos ang dalawang apostol at sinabi Niya: «Iminungkahi ninyo ang hiling na ito sa inyong ina, napagkakamalan ang mga pangako na Aking ginawa kahapon. Hindi ninyo tatanggapin sa loob ng isang kaharian sa Lupa ang sandaang ibayo ng inyong iniwanan. Kung gayon kayo rin ba ay nagiging sakim at tanga? Ngunit ito ay hindi ninyo kasalanan. Ang nakalalasong takip-silim ng kadiliman ay umaabante na at ang maruming ere ng Herusalem ay lumalapit at pinarurumi at binubulag kayo... Sinasabi Ko sa inyo na hindi ninyo nalalaman kung ano ang inyong hinihingi! Maiinom ba ninyo ang kalis na Aking iinumin?»

«Maiinom namin, Panginoon.»

«Papaano ninyo masasabi ang ganyan kung hindi ninyo naintindihan ang kapaitan ng Aking kalis? Hindi lamang ito magiging kapaitan na Aking pinaliwanag sa inyo kahapon, ang kapaitan ng Tao ng lahat ng mga kapighatian. Magkakaroon ng mga pagpapahirap na hindi ninyo maiintindihan kahit na kung Akin itong ipaliwanag sa inyo... gayunpaman, oo, bagama't kayo ay dalawang maliliit na bata pa rin na hindi nalalaman ang halaga ng kanilang sinasabi, dahil kayo ay dalawang makatarungan na espiritu na nagmamahal sa Akin, tiyak na iinom kayo ng Aking kalis. Ngunit ito ay hindi para sa Akin na magkaloob sa inyo na maupo sa Aking kanan o sa Aking kaliwa. Ito ay ipinagkaloob para sa mga kung kanino ito inihanda ng Aking Ama.»

Ang ibang mga apostol, habang si Jesus ay nagsasalita pa, ay napakatalas ang pamimintas nila sa hiling ng dalawang anak ni Zebedeo at ng kanilang ina.

Si Pedro ay nagsabi kay Juan: «Paano mo nagawa iyan? Hindi na kita makilala pa kung ano ka dati!»

At ang Iskariote na may kanyang mala-dimonyong ngiti ay nagsabi: «Totoo nga ang una ay ang huli! Mga sorpresa at mga tuklas sa mga araw ngayon...» at tumatawa siya sa maling tabi ng kanyang bunganga.

«Tayo kaya ay sumunod sa ating Guro upang maparangalan?» tanong ni Felipe nang may-paninita.

Sa halip na tumugon sa dalawang apostol, si Tomas ay kinakausap si Salome nagsasabing: «Bakit ginawa mong mapahiya ang iyong dalawang anak? Sana nag-isip ka muna tungkol sa bagay na iyan at naiwasan ang lahat na ito, kung sila ay hindi.»

«Iyan ay totoo. Ang aming ina ay hindi magagawa iyan» sabi ni Tadeo.

Si Bartolomeo ay hindi nagsasalita, ngunit ang kanyang hitsura ay nagpapatunay ng kanyang di-pagsang-ayon.

Upang mapakalma ang galit ng lahat, si Simon Zealot ay nagsabi: «Tayong lahat ay nakagagawa ng mga pagkakamali...»

Sina Mateo, Andres at si Santiago ni Alfeo ay hindi nagsasalita ng kahit ano, ngunit sila ay maliwanag na naghihirap dahil sa nangyari na sumisira sa magandang perpeksiyon ni Juan.

Si Jesus ay sumenyas upang iutos ang katahimikan at nagsabi: «Ano? Ang isa bang pagkakamali ay magdadala ng marami? Kayo, na naninita nang may galit, hindi ba ninyo nakikita na nakagagawa rin kayo ng kasalanan? Pabayaan ninyo nang mag-isa ang mga kapatid ninyong ito. Ang Aking pagsasalita ay sapat na. Ang kanilang pagkapahiya ay kitang-kita, at ang kanilang pagsisisi ay mapagpakumbaba at taos-puso. Kailangan na magmahalan kayo sa isa’t isa, sinusuportahan ang isa’t isa. Sapagkat wala pa sa inyo ang perpekto. Hindi ninyo dapat na gayahin ang mundo at ang mga tao ng mundo. Sa mundo, katulad ng nalalaman ninyo, ang mga prinsipe ang naghahari sa kanilang mga nasyon at ang kanilang malalakas tao ay ipinipilit ang kanilang kapangyarihan sa ngalan ng mga prinsipe. Ngunit iyan ay hindi dapat na mangyari sa inyo. Hindi kayo dapat na manabik na maghari sa mga tao at sa inyong mga kasamahan. Sa kabaligtaran, ang sinuman na gusto maging dakila sa pagitan ninyo, ay kailangan na maging inyong utusan, at sinuman na gusto maging una sa pagitan ninyo, ay kailangan na maging utusan ng lahat. Eksaktong katulad ng ginawa ng inyong Guro. Ako ba ay pumunta upang maghari sa Sambayanan at siilin sila? O pagsilbihan? Tiyak na hindi. Ako ay nagpunta upang maglingkod. Kung gayon, katulad na ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, bagkus ang maglingkod at ibigay ang Kanyang buhay bilang pantubos para sa marami, kailangan na ganyan din ang inyong gawin, kung gusto ninyong maging katulad Ko at mapunta sa kinaroroonan Ko. Lakad na ngayon. At maging nasa kapayapaan sa isa’t isa katulad na Ako ay nasa kapayapaan sa inyo.»

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus sa akin:

«Gawin ang sumusunod na pangungusap na napakalinaw: “...tiyak na iinom kayo ng Aking kalis”. Sa pagsasalin nababasa ninyo: “Aking kalis”. Ang sinabi Ko: “ng Aking kalis”, hindi “Aking kalis”. Walang tao ang makakainom sa Aking kalis. Ako lamang, ang Tagapagtubos, ang kailangan na umubos sa Aking kalis. Ang Aking mga disipulo, ang mga taga-gaya Ko at mga mangingibig Ko, ay tiyak na pinahihintulutan na makainom ng kalis na iyon mula kung saan Ako uminom, magpatungkol sa patak na iyon, sa sipsip o sa mga sipsip na iyon, na ipinagkaloob ng kagustuhan ng Diyos sa kanila na makainom. Ngunit walang sinuman ang kailanman uubos sa kalis katulad ng ginawa Ko. Kung gayon tama na sabihin “ng Aking kalis” at hindi “Aking kalis”.»

280512


Sunod na kabanata