576. Pakikipagkita sa mga Disipulo na Pinangungunahan ni Manaen at ang Pagdating sa Jericho.

Marso 11, 1947.

Ang puting mga pader ng mga bahay ng Jericho at ang mga puno ng palmera nito ay nangingibabaw na sa kaligiran ng malalim na ceramic o enamel na kaasulan ng kalangitan, nang, malapit sa isang palumpungan ng gusot na mga tamarisk, ng maseselan na mga mimosa, ng hawthorn na may napakahabang mga tinik, ng iba pang tanim na karamihan ay matitinik, na tila itinapon doon mula sa magaspang na bundok sa likuran ng Jericho, natagpuan ni Jesus ang isang malaking grupo ng mga disipulo na pinangungunahan ni Manaen. Sila ay tila mga naghihintay. Sa katunayan sila nga, at sinabi nila ito pagkatapos na mabati ang Guro, nagsasabing ang ilan pa ay baka kinuha ang ibang mga rota upang makakuha ng impormasyon, dahil ang pagkaantala nang buong gabi sa pagdating sa Jericho ay nagpapaalala sa kanila.

«Pumarito ako kasama ang mga ito. At hindi ko na Kayo iiwanan pa hanggang makita ko Kayong ligtas kasama si Lazarus» sabi ni Manaen.

«Bakit? Mayroon bang peligrong anuman?...» tanong ni Judas Tadeo.

«Kayo ay nasa Judaea... Nalalaman ninyo ang dekreto. At ang tungkol sa kanilang kapootan. Kung kaya't kailangan na katakutan natin ang lahat» tugon ni Manaen at hinaharap si Jesus siya ay nagsabi: «Dinala ko ang pinaka malalakas na tauhan sapagkat kung nahuli nila Kayo, inakala namin na dito Kayo daraaan. At tinitingnan ang aming kahalagahan bilang mga disipulo at mga tauhan, nagtitiwala kami sa panggugulat sa masasama at sa gawin Kayong igalang.»

Sa katunayan kasama niya roon ang dating mga disipulo ni Gamaliel, si Juan ang pari, si Nicolaus ng Antioch, si Juan ng Ephesus, at iba pang malalakas na lalaki na sa kalakasan ng kanilang pamumuhay, mga mas maginoong tingnan kaysa sa pangkaraniwan na mga tao, na mga hindi ko kilala. Si Manaen ay pinakilala ang ilan sa kanila nang mabilis, habang hindi niya pinakikilala ang iba pa. Sila ay mga tao mula sa lahat ng mga rehiyon sa Palestina, at sa pagitan nila ay may dalawang mula sa korte ni Herodes Philip. Kung gayon ang mga pangalan ng pinakalumang mga pamilya sa Israel ay maririnig sa daan malapit sa gusot na palumpungan, kung saan ang mga dahon ng mga mimosa ay nanginginig sa hangin at ang mga hawthorn ay yumuyuko ang mga bagong usbong nito.

«Tayo na. Wala bang naiwan sa mga babae, sa bahay ni Nike?» tanong ni Jesus.

«Ang mga pastol. Lahat sila, maliban kay Jonathan na naghihintay para kay Johanna sa mansiyon sa Herusalem. Ngunit ang Inyong mga disipulo ay dumami nang labis-labis. Mga limandaan silang naghihintay para sa Inyo kahapon sa Jericho. Iyan kung bakit ang mga katulong ni Herodes ay naging balisa at pinaalam siya. At hindi niya malaman kung siya ay dapat na manginig o mawalan ng awa. Ngunit siya ay di pinatatahimik ng alaala ng tungkol kay Juan at hindi na siya maglakas-loob na itaas ang kanyang kamay laban sa kahit sinong propeta...»

«Mabuti! Iyan ay hindi sa Inyo makagagawa ng kapinsalaan!» bulalas ni Pedro at kinukuskos niya ang kanyang mga kamay nang natutuwa.

«Ngunit siya ang isang mas kakaunti ang kahalagahan. Siya ay isang estatuwa na magagalaw ng kahit sino ayon sa kagustuhan niya, at ang mga humahawak sa kanya ay alam kung papaano siya pagalawin.»

«At sino ang may hawak sa kanya? Si Pilato kaya?» tanong ni Bartolomeo.

«Si Pilato ay hindi nangangailangan kay Herodes upang makagalaw. Si Herodes ay isang utusan. Ang malalakas ay hindi lumalapit sa mga utusan» tugon ni Manaen.

«Sino, kung gayon?» tanong ni Bartolomeo.

«Ang Templo» tugon nang may-katatagan ng isang kasama ni Manaen.

«Ngunit si Herodes ay anathema sa Templo» Ang kanyang kasalanan...»

«Sa kabila ng iyong natutunan at ng iyong edad, ikaw ay walang kamuwang-muwang, Bartolomeo! Kung gayon hindi mo nalalaman na ang Templo ay nananagumpay sa marami, napakaraming bagay upang makuha ang tinatangka nito? Iyan kung bakit hindi na iyan karapat-dapat na manatili pa» sabi Manaen na may pagpapakita ng lubos na paghamak.

«Ikaw ay isang Israelita. Hindi ka dapat kailangan magsalita nang ganyan. Ang Templo ay laging ang Templo para sa atin» sabi ni Bartolomeo sa isang nagpapayong pagsasalita.

«Hindi. Iyan ay ang labì ng kung ano iyan dati. At ang isang labì ay nagiging isang di-malinis na bulok-na-hayop kung iyan ay matagal nang patay. Iyan kung bakit pinadala ng Diyos ang buháy na Templo. Upang sana ipagpatirapa natin ang ating mga sarili sa harapan ng Panginoon nang hindi gumagawa ng di-malinis na mga kilos ng pagpapakita lamang.»

«Manahimik!» bulong kay Manaen ng isa pang lalaki na kasama niya, habang nagsasalita siya nang napakalinaw. Siya ay ang isa sa mga hindi pinakilala at siya ay ganap na nababalot ng kanyang manta.

«Bakit ako kailangan na manahimik, kung ang aking puso ay nagsasalita nang ganyan? Sa palagay mo ba ang aking mga salita ay baka nakapanakit sa Guro? Kung ganito ito, ako ay mananahimik. Ngunit hindi para sa iba pang rason. Kahit na kung ako ay kanilang isumpa sasabihin ko: “Iyan ang aking naiisip at huwag parusahan ang sinuman bagkus ako.»

«Tama si Manaen. Tama na ang pananahimik dahil sa takot. Panahon na para sa bawat tao na ideklara ang kanyang opinyon pabor o laban sa Guro at ibunyag kung ano ang nasa loob ng kanyang puso. Ako ay pareho ng iyong opinyon, kapatid kay Jesus. At kung iyan ay maghahatid ng ating kamatayan, mamamatay tayong magkakasama pinapahayag pa rin ang katotohanan» sabi ni Stephen nang may bugso ng damdamin.

«Maging mahinahon! Maging napaka mahinahon!» sabi ni Bartolomeo pinapayuhan sila. «Ang Templo ay laging ang Templo. Maaaring makagawa ito ng mga pagkakamali, ito ay tiyak na hindi perpekto, bagkus ito ay... ito ay... Ngunit pagkatapos ng Diyos wala nang mas dakila pang tao, wala nang mas malaki pang kapangyarihan kaysa sa Mataas na Pari at sa Sanhedrin... Nangangatawan sila sa Diyos, at kailangan na makita natin kung ano ang kanilang pinangangatawanan, hindi kung ano sila. Mali ba ako, Guro?»

«Hindi ka mali. Sa bawat establesimyento kailangan na tingnan ng isa ang pinagmulan nito, sa kasong ito ang Eternal na Ama, Na siyang bumuo sa Templo at sa mga herarkiya, ang mga ritwal at ang awtoridad ng mga tao na itinalagang mangangatawan dito. Kailangan na ibigay natin ang paghuhusga sa Ama. Nalalaman Niya kung kailan at kung papaano makikialam, at kung anong aksiyon ang dapat na gawin upang ang kurupsiyon, sa pagkalat nito, ay hindi sana makahawa sa lahat na mga tao at magawa silang pagdudahan nila ang Diyos… At tama si Manaen magpatungkol diyan, dahil nakita niya ang rason para sa Aking pagdating sa kasalukuyang oras. Kinakailangan din para sa iyo, Bartolomeo, na bawas-bawasan mo ang iyong labis na pagka-konserbatismo sa pamamagitan ng mapagparaang espiritu ni Manaen, upang ang pagsukat ay sana maging makatarungan at ang mga pakiramdam perpekto. Ang bawat kalabisan ay laging nakasasama: sa kanya na gumagawa nito, at sa kanya na ipinaghihirap ito, o sa kanya na bilang naiiskandalo nakakapuna nito at, kung siya ay hindi isang tapat na kaluluwa, ginagamit ito upang makaalam ang madla laban sa kanyang mga kapatid. Ngunit iyan ay isang gawain ni Cain, at hindi gagawin ng mga anak ng Liwanag, dahil iyan ay ang gawain ng Kadiliman.»

Ang lalaki na balot-na-balot, na tanging ang kanyang madilim na buhay-na-buhay na mga mata lamang ang nakikita at siyang nagbabala kay Manaen na huwag magsalita nang labis, ay lumuhod at kinuha ang kamay ni Jesus nagsasabing:«Kayo ay mabuti, Guro. Nakilala ko Kayo nang huli na, o Salita ng Diyos! Ngunit nasa oras pa rin upang mahalin Kayo katulad ng nararapat sa Inyo, kung hindi ang mapaglingkuran Kayo hanggang sa gusto ko, katulad na iyan ang gusto ko ngayon.»

«Hindi kailanman huling-huli para sa oras ng Diyos. Dumarating ito sa tamang sandali. At nagkakaloob ito ng labis na panahon upang mapaglingkuran ang Katotohanan ayon sa mithiin ng kalooban ng isang tao.»

«Ngunit sino siya?» bulong ng mga apostol sa isa’t isa, at tinatanong nila ang mga disipulo, ngunit walang mangyari. Walang nakaaalam kung sino siya o, kung alam nila, ayaw nilang magsalita.

«Sino siya, Guro?» tanong ni Pedro nang siya ay nagtagumpay sa paglapit kay Jesus Na naglalakad sa gitna ng grupo, kasama ang mga babae sa likuran Niya, ang mga disipulo sa unahan Niya, ang Kanyang mga pinsan sa tabi Niya at ang mga apostol sa paligid Niya.

«Isang kaluluwa, Simon. Wala nang mas mahigit pa diyan.»

«Ngunit, mapagkakatiwalaan ba Ninyo siya, kung hindi Ninyo nakikilala kung sino siya?»

«Kilala Ko kung sino siya. At alam Ko ang kanyang puso.»

«Ah! ganoon ba! Katulad na katulad ng Nakatalukbong na babae sa Clear Water... Hindi na ako magtatanong ng iba pa...» at si Pedro ay masaya sapagkat si Jesus, lumalayo mula kay Santiago, ay kinabig siya papalapit sa Kanya.

Sila ay nasa Jericho na ngayon. Ang isang pulutong ng mga tao umaawit ng mga hosana ay nagmadaling lumabas sa geyt at si Jesus ay makapagpapatuloy nang may kahirapan nang pagtawid sa bayan patungo sa bahay ni Nike, na nasa labas ng Jericho sa kabilang tabi. Ang mga tao ay nakikiusap sa Kanya na magsalita. Ang mga bata ay itinataas na tila upang makagawa ng isang buháy na hindi-madadaanan na harang, umaasa sa pagmamahal ni Jesus para sa maliliit na bata. Ang mga tao ay sumisigaw: «Makapagsasalita na Kayo. Siya ay lumayas na patungo sa Herusalem» at sa pamamagitan ng mga salitang iyon mga senyas ang ginagawa patungo sa magandang palasyo ni Herodes, na ngayon ay malapit na.

Pinatototohanan ni Manaen: «Iyan ay totoo. Lumayas siya noong gabi, nang tahimik. Siya ay natakot.»

Ngunit walang nagpapatigil kay Jesus. Siya ay nagpapatuloy nagsasabing: «Kapayapaan! Kapayapaan! Gawin ang mga naghihirap o namimighati na pumunta sa bahay ni Nike. Gawin ang mga may gustong makarinig sa Akin na pumunta sa Herusalem. Ako ang Peregrino dito. Katulad lamang ninyong lahat. Ako ay magsasalita sa bahay ng Ama. Kapayapaan! Kapayapaan at mga pagpapalà! Kapayapaan!»

Iyon ay isa nang maliit na pananagumpay, isang pambungad sa pagpasok sa Herusalem, na ngayon nasa malapit na.

Ako ay nagtataka sa pagkawala ni Zacchaeus hanggang nakita ko siya nakatayo sa pamasukan ng ari-arian ni Nike sa pagitan ng kanyang mga kaibigan kasama ang mga pastol at ang mga babaeng disipulo. Lahat sila ay tumakbo patungo kay Jesus at pinagpatirapa ang kanilang mga sarili, pagkatapos sinabayan nila Siya habang Siya, pinagpapala sila, ay nagpapatuloy dumaraan sa taniman ng mga punungkahoy patungo sa mapag-arugang bahay.

300512

 


Sunod na kabanata