577. Kasama ang Ilang Di-Kilalang mga Disipulo.

Marso 15, 1947.

Ang isang malaking bilang ng mga tao ay nagsisiksikan sa mga parang ni Nike, kung saan ang mga dayami ay natutuyo sa ilalim ng araw. At dalawang mabigat na nakatagilid na bagon ang naghihintay malapit sa mga parang. At nalaman ko kung bakit sila naghihintay nang makita ko ang lahat na mga babaeng disipulo na dinadala patungo sa mga bagon at sumakay dito pagkatapos na sila ay pagpalain at pauwiin ng Guro. Ang Banal na Birhen din ay umalis kasama ang iba pang mga babaeng disipulo, at ang bata-pang lalaki mula sa Enon ay sumama sa kanila, habang maraming mga disipulo ang inilagay ang kanilang mga sarili sa mga tabi ng mga bagon at, nang ang huli ay lumakad sa mabagal na lakad ng mga baka, ang mga disipulo ay umalis din. Ang mga apostol, si Zacchaeus at ang kanyang mga kaibigan ay nanatili sa mga parang kasama ang isang maliit na grupo ng mga personahe, lahat nakabalot sa kanilang mga manta, na tila ayaw nilang makilala.

Si Jesus ay unti-unting binalikan ang Kanyang dinaanan patungo sa gitna ng parang at naupo sa ibabaw ng isang tambak ng medyo tuyo-nang dayami, na malapit nang dalhin sa bahay-tambakan nito. Siya ay nakalubog sa pag-iisip, at ang lahat ay ginagalang ang Kanyang pag-iisa, nananatiling nasa loob ng tatlong magkakaibang grupo, nasa tabi Niya nang kaunti at sa isa’t isa.

Ang pagninilay ay napahaba at gayon din ang paghihintay. Ang araw ay lumakas nang lumakas at umaapoy pababa sa parang na nangangamoy nang malakas ng tuyong mga tangkay. Ang mga naghihintay ay nanilungan sa mga gilid ng parang, kung saan ang huling mga punungkahoy ng taniman ay nagbibigay ng nakapagpapaginhawang lilim.

Si Jesus ay nananatiling nag-iisa. Nag-iisa sa ilalim ng araw na malakas na, lahat puti sa Kanyang linen na tunika at sa ilalim ng panakip-sa-ulo na gawa sa magaan na byssus na wumawagayway sa magaan na ihip ng hangin. Baka ito ay isa sa hinabi ni Syntyche. Ang dahan-dahan na madaing na pag-atungal ng mga baka ay maririnig mula sa isang kalapit na establero, at ang pagsiyap ng mga sisiw mula sa mga sanga ng mga punungkahoy sa taniman at mula sa mga giikang-sahig: and pagsiyap ng mga inakay at ang paghuni ng mga sisiw. Ang buhay na patuloy na pinapanibago sa bawat panahon ng tagsibol. Ang mga kalapati ay umiikot sa itaas, bago bumalik nang may mabilis na paglipad sa kanilang mga pugad. Hindi ko alam kung malapit sa bahay ni Nike, o sa ilang bukid, ang isang babaeng umaawit ng pang-alo, at ang matining na tinig ng isang bata, na sa una ay isang tili at panginginig, katulad ng paghuni ng isang kordero, na humihina at pagkatapos nawala...

Si Jesus ay nag-iisip. Siya ay nagninilay-nilay pa rin. Lagi. Hindi napapansin ang araw. Madalas kong napupuna ang pambihirang tigas ng ating banal na Jesus sa mga kalupitan ng mga panahon. Hindi ko kailanman maintindihan kung nakararamdam Siya ng init o ng matinding ginaw at tinitiis ito nang hindi nagrereklamo, dala ng espiritu ng pagpipigil, o kung, dahil napaghaharian Niya ang di-makontrolan na mga elemento, napaghaharian din Niya ang matinding init at lamig. Hindi ko alam. Ang alam ko ay, bagama't nakita ko na Siya na basang-basa sa malalakas na pag-ulan at basà ng pawis sa matitinding araw, hindi ako nakapuna kailanman ng kahit anong di-magandang pagkilos Niya dahil sa init o lamig, o hindi ko Siya nakita na ginagawa ang mga pampasiguro na madalas gawin ng mga tao laban sa mga kalabisan ng init o ng nagyeyelong hamog.

Nasabi sa akin isang araw na sa Palestina hindi kinaugalian na gumala na walang takip ang ulo at dahil diyan nagkakamali ako sa pagsasabi na ang walang-takip na magandang ulo ni Jesus ay nagniningning sa sikat ng araw. Maaaring totoong-totoo na sa Palestina hindi posibleng gumala na walang takip ang ulo. Hind pa ako kailanman napunta roon at hindi ko alam. Ang alam ko si Jesus kadalasan ay walang takip sa ulo. At kung sa pagsimula ng paglalakbay mayroon man Siyang takip sa ulo, maya-maya ito ay Kanyang inaalis, na tila hindi Siya mapakali ng may mga pang-sagabal sa katawan, at dinadala Niya ito sa Kanyang kamay, ginagamit ito, nang higit pa kaysa sa ano pa man, upang punasin ang alikabok at pawis mula sa Kanyang mukha. Kapag umuulan, tinatakpan Niya ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng gilid ng Kanyang manta. Sa loob ng malalakas na sikat ng araw, lalo na kung Siya ay patungo sa kung saan na lugar, naghahanap Siya ng lilim ng nakahilerang mga punungkahoy, kahit na kung ang mga puno ay hindi magkakalapit, upang maprotektahan ang Kanyang sarili sa mga sinag ng araw. Ngunit halos hindi Siya nagsusuot ng isang magaan na pantakip sa Kanyang ulo katulad ng Kanyang ginagawa ngayong araw. Ang komentaryo na ito ay tila walang-kabuluhan sa ilang mga tao, ngunit ito ay bahagi rin ng aking nakikita at binanggit ko ito habang si Jesus ay nag-iisip...

«Makakasakit sa Kanya na manatili diyan nang napakatagal!» bulalas ng isa sa mga kasama ng isang grupo na hindi ang apostoladong grupo o ang grupo ni Zacchaeus.

«Tayo na at sabihan ang Kanyang mga disipulo... Mahigit pa diyan... ayaw kong... Ayaw kong maantala pa nang napakatagal» tugon ng isda pang lalaki.

«Eh! Oo. Ang mga bundok ng Adummim ay hindi ligtas-na-ligtas sa gabi...»

Sila ay pumunta sa mga apostol at nagsalita sa kanila.

«O sige. Pupunta ako at sasabihin ko sa kanila na gusto ninyong umalis» sabi ng Iskariote.

«Hindi. Hindi ganyan. Gusto namin na mapunta man lamang sa En-Shemesh bago dumilim.»

Si Judas ay umalis ngumingiting mapanuya.

«Pupunta Ako... Iniisip Ko... Tama sila» at si Jesus ay tumayo.

«Lahat, maliban sa akin...» pabulung-bulong ng Iskariote.

Si Jesus ay tiningnan siya at nananahimik. Pumunta silang magkasama patungo sa mga lalaki na tinawag ni Judas na mga Hudyo.

«Pinauuwi Ko na kayong lahat. Sinabi Ko sa inyo kahapon. Magsasalita lamang Ako sa Herusalem...»

«Iyan ay totoo. Ngunit ang katotohanan ay gusto namin Kayong makausap, kami na... Magsasalita kami sa Inyo nang tayu-tayo lamang.»

«Pagbigyan sila. Natatakot sila sa amin, o, mas lalo na, sa akin» sabi ulit ni Judas ng Kerioth, kasama ang kanyang nakalalason na ngiti.

«Hindi kami natatakot sa sinuman. Kung gugustuhin namin alam naming protektahan ang aming kapanatagan. Ngunit hindi pa sila lahat duwag sa Palestina. Kami ay mga inapo ng matatapang na tauhan ni David, at kung ikaw ay hindi pa hinamak at isang alipin, kailangan na magbigay ka ng pagpitagan sa aming lahi, ang una sa lahi namin sa banal na hari, ang una sa lahi namin sa ng mga Macabeo. At ang una kahit na ngayon, kapag ang karangalan at payo ay kailangan na ibigay sa Anak ni David. Sapagkat Siya ay dakila. Ngunit ang bawat nilikha, kahit na kung gaano pa man siya naging kadakila, ay baka mangangailangan ng isang kaibigan sa mahahalagang oras ng buhay» tugon nang madamdamin ng isa na nararamtan ng lahat linen, pati ang kanyang manta at pantakip sa ulo, na nagtatakip sa halos lahat ng kanyang mahigpit na mukha.

«Kami ay nasa Kanya bilang mga kaibigan. Ganyan na kami sa Kanya sa loob ng tatlong taon, mula pa noong Siya...»

«Hindi namin Siya kilala noon. Kami ay madalas maloko ng huwad na mga Mesiyas upang paniwalaan kaagad ang bawat pagsasabi na ang isa ay ang Mesiyas. Ngunit ang huling mga pangyayari ay napaliwanagan kami. Ang Kanyang mga gawain ay ang mga gawain ng Diyos, at sinasabi namin na Siya ay ang Anak ng Diyos.»

«At sa inyo bang palagay Siya ay may pangangailangan sa inyo?»

«Bilang ang Anak ng Diyos, hindi. Ngunit bilang ang Tao, oo. Siya ay naparito upang maging ang Tao. At ang Tao ay laging nangangailangan ng mga tao, Kanyang mga kapatid. Maging ano pa man, bakit ka natatakot? Bakit ayaw mong kami ay magsalita? Sabihin sa amin.»

«Ako? Magsalita! Maaari kayong magsalita! Ang mga tao ay mas nakikinig sa mga makasalanan kaysa sa makatarungan na mga tao.»

«Judas! Akala Ko ang ganyang mga salita ang pakiramdam ay magiging katulad ng apoy sa iyong mga labì! Anong lakas-ng-loob mo na manghusga kung ang iyong Guro ay hindi nanghuhusga? Ito ay nakasulat: “Kung ang iyong mga kasalanan ay katulad ng iskarlata, iyan ay magiging kasing puti ng niyebe, at kung iyan ay kasing pula ng crimson, iyan ay magiging kasing puti ng lana”.»

«Ngunit hindi Ninyo nalalaman na sa pagitan ng mga ito...»

«Manahimik! Hayaan silang magsalita...»

«Panginoon, nalalaman namin. Ang akusasyon laban sa Inyo ay nakahanda na. Inaakusahan nila Kayo ng paglabag sa Batas at sa mga araw ng Sabbath, ng pagmahal sa mga tao ng Samaria nang higit pa kaysa sa amin, ng pagsasanggalang sa mga publikano at sa mga puta, ng paglapit kay Beelzebub at sa ibang masasamang kapangyarihan, ng mahika blanca, ng pagkapoot sa Templo at ng kagustuhan na masira ito, ng...»

«Sapat na iyan. Kahit sino ay makagagawa ng mga akusasyon, ngunit mas mahirap na patunayan ang akusasyon.»

«Ngunit sa pagitan nila ay may mga sumusuporta dito. Sa palagay ba Ninyo sila ay makatarungan doon?»

«Tutugon Ako sa inyo sa pamamagitan ng mga salita ni Job, na siyang ang pigura ng Taong Mapasyensiya na siyang Ako: “Malayo sa akin ang kaisipan na tingnan kayong lahat na makatarungan. Ngunit pangangatawanan ko ang aking pagka-inosente hanggang sa katapusan, hindi ko bibitiwan ang aking katwiran na aking nasimulan, sapagkat ang aking konsiyensya ay hindi ako sinisisi para sa kahit ano sa buong buhay ko”. Ngayon, ang buong Israel ay makapagpapatunay, sapagkat hindi Ko bibigyan ng katwiran ang Aking Sarili sa pamamagitan ng mga salita na masasabi rin ng isang sinungaling, ang buong Israel ay makapagpapatunay na lagi Kong tinuruan ang mga tao na igalang ang Batas, hindi lamang, bagkus, mas mahigit pa diyan: nagawa Kong perpekto ang pagsunod sa Batas, at ang mga araw ng Sabbath ay hindi Ko nalapastangan... Ano ang gusto ninyong sabihin? Magsalita! Gumawa kayo ng pagkilos at pagkatapos kayo ay tumitigil. Magsalita!»

Ang isa sa... misteryosong maliit na grupo ay nagsabi: «Panginoon, noong huling pagpupulong ng Sanhedrin binasa nila ang isang pag-aakusa laban sa Inyo. Iyon ay nanggaling sa Samaria, sa Ephraim, kung saan Kayo nagpunta, at sinasabi doon na iyon ay napatunayan na nalabag Ninyo ang Sabbath nang makailang beses at...»

«At tumutugon Ako muli sa inyo sa pamamagitan ni Job: “At ano ang pag-asa ng hipokrita kung siya ay nagnanakaw gawa ng kasakiman, at hindi ng Diyos pinalalaya ang kanyang kaluluwa?” Ang kaawa-awang sawing-palad na ito, na pinakikita ang isang mukha at may ibang puso at gustong gawin ang malaking pagnanakaw dala ng inggit sa Aking kagalingan, ay nasa daan na patungo sa Impiyerno, at wala nang kabuluhan para sa kanya ang magkaroon ng pera, at umasa pa para sa mga karangalan, at mangarap na makataas kung saan ayaw Kong pumunta, upang hindi mapagtaksilan ang banal na dekreto. Kailangan ba nating abalahin ang ating sarili sa kanya, sa halip na magdasal para sa kanya?»

«Ngunit ang Sanhedrin ay pinagtawanan Kayo nagsasabing: “Naririto ang pagmamahal ng mga Samaritano para sa Kanya! Inaakusahan nila Siya upang mapabuti ang kanilang mga sarili sa atin”.»

«Nakakatiyak ba kayo na ang mga salitang iyon ay isinulat ng kamay ng isang Samaritano?»

«Hindi. Ngunit ang Samaria ay naging napakahigpit sa Inyo sa loob ng mga nakaraang araw...»

«Sapagkat ang mga mensahero ng Sanhedrin ay sinira ang pananalig ng mga tao at niligalig sila sa pamamagitan ng huwad na payo, nanunulsol ng katangahang mga pag-asa na kinakailangan Kong maalis. Maging ano pa man ang kaso ito ay sinasabi magpatungkol sa Ephraim at Judah, at masasabi ito magpatungkol sa bawat lugar, sapagkat pabagu-bago ang puso ng tao na nakakalimot sa mga pabor at bumibigay sa mga pananakot: “Ang iyong kabutihan ay katulad ng ulap sa umaga, katulad ng hamog na nawawala sa umaga”. Ngunit hindi iyan nagpapatunay na sila, ang mga Samaritano, ay ang mga nag-aakusa sa Inosente. Ang isang maling pagmamahal ang nakagawa sa kanilang magalit sa Akin, ngunit ang pagmamahal ang nahihibang. Anong iba pang katibayan ang nagpapatunay sa akusasyon ng pagpili para sa mga Samaritano?»

«Kayo ay inaakusahan ng pagmamahal sa kanila nang labis na lagi Ninyong sinasabi: “Makinig, Israel”, sa halip na sabihin: “Makinig, Judah”. At hindi Ninyo masisisi ang Judah...»

«Talaga? Hindi ba’t doon kung saan ang karunungan ng mga rabbi ay nawala? Ako ba ay hindi ang Sanga ng katarungan na sumibol mula kay David at sa pamamagitan nito, katulad ng sinasabi ni Jeremiah, ang Judah ay maliligtas? Ang Propeta ay nahulaan na ang Judah, higit sa lahat ang Judah, ang pagkatapos mangangailangan ng kaligtasan. At ang Sanga na ito, sabi ulit ng Propeta, ay tatawaging ang Panginoon, ating Makatarungang Isa “sapagkat, sinasabi ng Panginoon, si David ay hindi kailanman magkukulang ng isang lalaking inapu na uupo sa trono ng sambahayan ng Israel”. Kung gayon ano? Ang Propeta ba ay nagkamali? Siya ba noon ay lasing? Lasing sa ano? Tiyak na sa pagpepenitensiya at wala nang iba pa. Sapagkat walang makapaninindigan na si Jeremiah ay isang manginginom, upang maakusahan Ako. gayunpaman sinabi niya na ang Sanga ni David ay ililigtas ang Judah at uupo sa trono ng Israel. Kung gayon kailangan sabihin ng isa na ang naliwanagan na Propeta ay nakita na ang Israel sa halip na ang Judah ang mapipili, na ang Hari ay pupunta sa Israel, at na magiging isang grasya kung ang Judah ay tatanggap lamang ng kaligtasan. Kung gayon ito ba ay tatawagin ang Kaharian ng Israel? Hindi. Ito ay tatawagin ang Kaharian ng Kristo. Kaharian Niya Na siyang nagdudugtung-dugtong sa nakakalat na mga bahagi at nagtatayong muli sa Panginoon, pagkatapos na, ayon sa isa pang Propeta, sa loob ng isang buwan – ano ba ang sinasabi Kong sa isang buwan? – sa loob ng wala pang isang araw, husgahan at hatulan ang tatlong huwad na mga pastol at isara ang Aking puso sa kanila sapagkat ang kanilang mga kaluluwa ay nanatiling nakasarado sa Akin, at bagama't minimithi nila Ako sa pigura hindi nila Ako minamahal sa Kalikasan. Ngayon Siya Na nagpadala sa Akin at nagbigay sa Akin ng dalawang mga pamugbog ay sisirain ang dalawang ito, upang ang Grasya ay sana mawala para sa malupit na sambayanan, at ang Panghahagupit ay manggaling sana sa mundo, hindi sa Langit. At walang mas masakit pa kaysa sa mga panghahagupit na ginagamit ng mga tao para sa mga tao. Iyan ay magiging ganyan. O! ganyan! Ako ay mahahampas at dalawang-ikatlo ng mga tupa ay maikakalat. Tanging ikatlo lamang, laging ang ikatlo lamang, ang maililigtas at magpupursige hanggang sa katapusan. At ang ikatlong bahaging ito ay daraan sa apoy kung saan Ako ang mauunang dumaan, at ito ay mapapadalisay at masusubukan katulad ng plata at ginto, at masasabi tungkol dito: “Kayo ang Aking sambayanan” at magsasabi ito sa Akin: “Kayo ang aking Panginoon”. At magkakaroon ng magtitimbang sa tatlumpung shekel, ang halaga ng nakakatakot na gawain, ang maruming bayad. At hindi na ito makakabalik ulit sa pinanggalingan nito, sapagkat ang mga bato rin ay sisigaw nang may takot nakikita ang mga shekel na iyon, nalagyan ng dugo ng Inosente at ng pawis Niya Na pagmamalupitan ng pinaka marahas na desperasyon, at ito ay magsisilbi, katulad na ito ay sinabi, na pambili ng bukid para sa mga banyaga mula sa mga alipin ng Babylon. O! ang bukid para sa mga banyaga. Kilala ba ninyo kung sino sila? Ang mga tao ng Judah at Israel, ang mga tao na malapit na, sa loob ng mga panahon, na hindi na magkakaroon pa ulit ng amangbayan. Ni ang lupa ng kanilang lumang lupa ay hindi sila tatanggapin. Isusuka sila nito kahit na kung sila ay patay na, sapagkat gusto nilang layuan ang Buhay. Gaanong nakakatakot!...»

Si Jesus ay naging tahimik, na tila Siya ay sinisiil, na ang Kanyang ulo nakatungo. Pagkatapos it lay Kanyang tinaas, tumingin sa paligid, nakita Niya ang mga naroroon: ang mga apostol, ang lihim na mga disipulo, si Zacchaeus at ang kanyang mga kaibigan. Siya ay nagbubuntung-hininga na tila Siya ay kagigising pa lamang mula sa isang masamang panaginip. Sinabi Niya: «Ano pa ang inyong sinasabi? Ah! na Ako ay inaakusahan ng pagmamahal sa mga publikano at mga puta. Iyan ay totoo. Sila ay may sakit, sila ay namamatay. Ako, ang Buhay, ay binibigay Ko ang Aking Sarili sa kanila bilang búhay. Halikayo, Aking natubos na kawan» sabi Niya kay Zacchaeus at sa kanyang mga kaibigan. «Halikayo at makinig sa Aking utos. Sa marami, na mas mapuputi pa kaysa sa inyo, sinabi Ko: “Huwag pumunta sa Herusalem”. Sa inyo sinasabi Ko: “Halikayo”. Ito ay tila hindi nagiging makatarungan...»

«Ito nga ay ganyan» sabi ng Iskariote pinuputol Siya.

Si Jesus ay nagkunwaring hindi Niya siya napakinggan. Siya ay nagpapatuloy sa pagsasalita kay Zacchaeus at sa kanyang mga kasamahan nagsasabi sa mga nakabalot sa kanilang mga manta: «Ngunit sinasabi Ko sa inyo: halikayo, sapagkat kayo ay mga tanim na mga nangangailangan ng hamog nang higit pa kaysa sa iba, upang ang inyong mabuting kalooban ay sana matulungan ng Malakas na Ama at kayo ay sana lumagong malaya sa Grasya. Magpatungkol sa ibang mga bagay... ang Langit mismo ang tutugon sa pamamagitan ng di-mapagkakamalang mga tanda. Ang buháy na Templo ay baka maaari ngang talagang masisira, at maitatayong muli pagkaraan ng tatlong araw, at sa magpakailanman. Ngunit ang patay na Templo, na maaalog lamang at iisipin na ito ay nanalo, ay mawawala nang hindi na muli makakabangon. Lakad! At huwag matakot. Maghintay para sa Aking araw, gumagawa ng pagtitika, at ang bukang-liwayway nito ay dadalhin kayo sa Liwanag nang tiyak.» Pagkatapos sinabi Niya kay Zacchaeus: «Kayong lahat ay mabuti pang pumunta na rin. Ngunit hindi ngayon. Maging nasa Herusalem sa bukang-liwayway ng araw pagkatapos ng Sabbath. Sa tabi ng mga makatarungan gusto Kong naroroon ang mga naibangon muli, sapagkat sa Kaharian ng Kristo ay napakaraming mga upuan. Kasing dami ng mga tao na may mabubuting kalooban.» At Siya ay lumakad patungo sa bahay ni Nike dumaraan sa makapal na malilim na taniman ng mga punungkahoy.

Ang isang maliit na landas ay katulad ng isang manilaw-nilaw na ribon sa berdeng lupa at ang isang kumukurukok na inahin na manok ay tinatawid ito kasama ang kanyang may-gintong kulay na mga sisiw, at ang matatakutin na inahin, sa presensya ng napakaraming mga estranghero, ay nagyuyumukyok at ibinubuka ang kanyang mga pakpak upang ipagsanggalang ang mga sisiw kumukurukok nang mas malakas, kinatatakutan ang panganib para sa kanyang maliliit na sisiw. At sila ay nagmadali at nagtago sa ilalim ng maternal na mga balahibo sumisilip hanggang ang pakiramdam nila ay ligtas na, at ang peligro ay tila wala na...

Si Jesus ay tumigil upang pagnilayan ang inahin... at mga luha ang dumaloy mula sa Kanyang mga mata.

«Siya ay umiiyak! Bakit Siya umiiyak? Siya ay umiiyak!» lahat sila ay bumubulong: ang mga apostol, mga disipulo at ang natubos na mga makasalanan. At si Pedro ay nagsabi kay Juan: «Tanungin mo Siya kung bakit Siya umiiyak...» At si Juan, sa kanyang dating aktitud, ay medyo yumuko dala ng paggalang, tumitingin nang pataas sa Kanya, at nagtanong: «Bakit Kayo lumuluha, aking Guro? Baka dahil sa kung ano ang sinabi sa Inyo at kung ano ang Inyong sinabi dati?»

Si Jesus ay ginising ang Kanyang Sarili, ngumingiti Siya nang malungkot at tinuturo ang inahing manok, na pinoprotektahan pa nito ang mga sisiw nito nang may pagmamahal. Sinabi Niya: «Ako rin, kaisa ng Ama, ay nakita Ko ang Herusalem, katulad ng sinabi ni Ezekiel, na ito ay hubad at nakakahiya. Nakita Ko siya at dumaan malapit sa kanya, at nang dumating ang panahon, ang panahon ng Aking pagmamahal, ibinuka Ko ang Aking manta sa kanya at tinakpan ang kanyang kahubaran. Gusto Ko siyang gawing reyna pagkatapos ng pagiging kanyang ama, at protektahan siya, katulad na pinoprotektahan ng inahin na iyon ang kanyang mga sisiw... Ngunit, habang ang mga sisiw ay nagpapasalamat para sa atensiyon ng kanilang ina at naninilungan sa ilalim ng kanyang mga pakpak, ang Herusalem ay tinatanggihan ang Aking manta... Ngunit magpupursige Ako sa Aking plano ng pagmamahal... Ako... ang Aking Ama, pagkatapos, ay kikilos ayon sa Kanyang kalooban.» At si Jesus ay pumunta sa damuhan upang hindi magambala ang nag-aalagang manok at Siya ay dumaan sa tabi, at mga luha muli ang dumaloy sa Kanyang maputlang nalulungkot na mukha

Lahat sila ay ginagaya Siya, sinusundan ang Kanyang mga hakbang at bumubulong hanggang nakarating sila sa pamasukan ng bahay ni Nike. Tanging si Jesus lamang ang pumasok kasama ang mga apostol at ang iba ay nagpatuloy sa kanilang mga pupuntahan...

010612

 


Sunod na kabanata