578. Ang Propesiya sa Israel. Mga Himalang Pinangyari sa Loob ng Paglalakbay Mula Jericho Patungong Bethany.

Marso 17, 1947.

Ngayon ay bukang-liwayway at ang pagka-puti nito ay nagiging ang maagang kulay rosas ng pagsikat ng araw. Ang sariwang katahimikan ng kabukiran ay nasisira nang mas na mas pa at napapasinayahan ng mga pakatal na tinig ng mga nagigising na mga ibon.

Si Jesus ang unang lumabas sa bahay ni Nike. Tahimik Niyang itinalagang laging nakabukas nang kaunti ang pinto at naglakad Siya patungo sa berdeng lootan na puno ng tunog ng malilinaw na nota ng mga blackcap at ng mga katulad-ng-plautang awit ng mga blackbird.

Ngunit bago Siya nakarating doon apat na tao ang nanggaling doon papalapit sa Kanya. Apat na mga tao na kasama ng di-kilalang grupo kahapon at na mga hindi kailanman nag-alis ng takip sa kanilang mga mukha. Nagpatirapa sila sa lupa, at sa utos ni Jesus at sa tanong na itinanong Niya sa kanila, pagkatapos na mabati sila ng Kanyang kapayapaan: «Tumayo kayo! Ano ang kailangan ninyo sa Akin?» sila ay tumayo, isinablay ang kanilang mga manta sa kanilang mga balikat at itinulak nang paatras ang kanilang mga linen na pantakip sa ulo, na kanilang ginamit upang matakpan ang kanilang mga mukha, katulad ng ginagawa ng mga Bedouin.

Nakikilala ko ang manipis na maputlang mukha ni Joel ni Abijah, ang eskriba na nakita sa bisyon ni Sabea. Hindi ko kilala ang iba hanggang binanggit nila ang kanilang mga pangalan: «Ako, si Judas ng Beth-Horon, ang huli sa totoong mga Hasidaean, ang mga kaibigan ni Mattathias ang Asmonaean»; «Ako, si Eliel, at ang aking kapatid na si Elkanah mula Bethlehem sa Judah, ang mga kapatid na lalaki ni Johanna, ang Inyong disipulo, at wala kaming mas malaki pang titulo kaysa diyan. Wala kami noong Kayo ay malakas, naririto na kami ngayon na Kayo ay inuusig»; «Ako, si Joel ni Abijah, na ang kaninong mga mata ay matagal nang naging bulag, ngunit ngayon ay bukas na sa Liwanag.»

«Kayo ay akin nang pinauwi. Ano ang kailangan ninyo sa Akin?»

«Upang sabihin sa Inyo na... kung kami ay may takip, iyon ay hindi dahil sa Inyo, bagkus...» sabi ni Eliel.

«Sige! Magsalita!»

«Ngunit, Joel, mabuti pang magsalita ka, sapagkat ikaw ang pinaka nasabihan.»

«Panginoon kung ano ang nalalaman ko ay napaka... nakakatakot... Ni ayaw ko kahit na ang mga tigkal ng lupa na makarinig, upang malaman kung ano ang akin nang sasabihin...»

«Ang mga tigkal ng lupa ay totoong magugulat, ngunit Ako ay hindi. Sapagkat alam Ko kung ano ang gusto mong sabihin. Ngunit magsalita ganoon pa man...»

«Kung alam Ninyo... huwag pangatalin ang aking mga labì sinasabi ang gayong nakakatakot na bagay. Ito ay hindi na sa palagay ko Kayo ay nagsisinungaling nagsasabi na alam Ninyo at na gusto Ninyo akong magsalita upang masabihan Kayo, bagkus dahil lamang...»

«Oo, sapagkat iyan ay isang bagay na sumisigaw sa Panginoon. Ngunit babanggitin Ko iyan upang makumbinsi ang lahat na nalalaman Ko ang mga puso ng mga tao. Ikaw, isang miyembro ng Sanhedrin at napanalunan ng Katotohanan, ay may natuklasang isang bagay na hindi mo makakayanang tanggapin nang ikaw lang mismo, sapagkat ito ay napakalaki. At pumunta ka sa tatlong totoong mga Judaean na ito na ang kaninong mga espiritu ay mabubuti lamang, upang konsultahin sila. Nagawa mo ang tamang bagay, bagama't ito ay magiging walang kabuluhan. Ang huli sa mga Hasidaean ay nakahandang ulitin ang ginawa ng kanyang mga ninuno upang mapaglingkuran ang totoong Libertador. At hindi lamang siya ang nag-iisa. Ang kanya ring kamag-anak na si Barzillai ay gagawin iyan at marami pa siyang makakasama. At ang mga kapatid din na lalaki ni Johanna alang-alang sa Akin at alang-alang sa kanilang kapatid na babae, at sa kanila ring Amangbayan, ay sasamahan siya. Ngunit Ako ay hindi mananagumpay sa pamamagitan ng mga sibat at mga espada. Pasukin ang Katotohanan nang ganap. Ang Aking pananagumpay ay isang selestiyal na pananagumpay. Ikaw – at ito ay magagawa kang mas maputla at payat katulad ng dati – alam mo kung sino ang nagprisinta ng mga saksi para sa pang-uusig laban sa Akin, mga saksi na, habang huwad sa kanilang mga espiritu, ay makatotohanan magpatungkol sa materyal na ibig-sabihin ng kanilang mga salita, sapagkat nalabag Ko ang Sabbath noong kinailangan Kong umalis, dahil ang Aking oras ay hindi pa dumarating, at noong Aking iniligtas ang dalawang inosente mula sa mga mandarambong sa daan, at masasabi Ko na ang pangangailangan ay nagbigay katwiran sa mga aksiyon katulad na ang pangangailangan ay nagbigay katwiran kay David sa pagkain niya sa konsagradong tinapay. Totoo na nanilungan Ako sa Samaria, bagama't, nang dumating ang Aking oras at ang mga Samaritano ay iminungkahi na Ako ay manatiling kasama nila bilang kanilang Pontipise, tinanggihan Ko ang mga parangal at kaligtasan upang manatiling tapat sa Batas, kahit na kung ang ibig sabihin nito ay iabot Ko ang Aking Sarili sa mga kamay ng Aking mga kaaway. Totoo na minamahal Ko ang mga makasalanan at mga puta hanggang sa sukdulan na mapigtas Ko sila mula sa kasalanan. Totoo na tinuturo Ko ang pagkasira ng Templo, kahit na kung ang mga salita Kong ito ay walang iba bagkus ang pagpapatotoo ng Mesiyas sa mga salita ng Kanyang mga propeta. Siya na gumagawa ng mga akusasyon na ito at ng iba pang mga akusasyon at ginagawa rin ang mga himala na maging mga akusasyon, at gumamit ng lahat sa Lupa upang masubukan na makagawa Ako ng kasalanan at makapagdagdag pa ng mga akusasyon sa mga dati na, ay isa sa Aking mga kaibigan. Iyan din ay sinabi ng hari na propeta, mula kung kanino Ako ay bumaba sa pamamagitan ng Aking Ina: “Siya na bumabahagi sa Aking tinapay ay nagtaas ng kanyang sakong laban sa akin”. Alam Ko. Mamamatay Akong dalawang beses kung magagawa Ko, hindi upang mapigilan siyang magawa ang krimen – sa ngayon – ang kanyang kalooban ay sumuko na sa Kamatayan, at ang Diyos ay hindi gumagawa ng karahasan sa kalayaan ng tao – ngunit kung man lamang – o! kung ang pagpapahirap man lamang ng nakatatakot na gawain na pinangyari ay magagawa siyang magsisi sa paanan ng Diyos... Iyan kung bait ikaw, Judas ng Beth-Horon, kahapon ay pinakiusapan si Manaen na manahimik. Sapagkat ang ahas ay naroroon at baka napinsala niya ang disipulo, sa tabi ng Guro. Hindi. Tanging ang Guro lamang ang mahahampas. Huwag matakot. Hindi dahil sa Akin na kayo ay magkakaroon ng mga paghihirap at mga kasawiang-palad, bagkus dahil sa krimen ng isang buong populasyon mapapasainyo ang lahat na sinabi ng mga propeta. O! Ang Aking miserableng Amangbayan! Miserableng lupa na daranas ng kaparusahan ng Diyos! Miserableng mga naninirahan at mga anak na Aking ngayong pinagpapala at gusto Kong mailigtas, at mga, bagama't inosente, kapag maging mga adulto, ay paghihirapan ang pagpapahirap ng pinakamalaking kasawiang-palad. Tingnan ang lupain ninyong ito: yumayabong, maganda, luntian at mabulaklak katulad ng isang magandang alpombra, kasing tabâ ng Eden... Iukit ang kagandahan nito sa inyong mga puso, at pagkatapos... kapag Ako ay naroroon na mula kung saan Ako nanggaling... tumakbo. Tumakbo kayo habang magagawa ninyo, bago ang lagim ng pagkasira, katulad ng isang mala-impiyernong pagngangalit, ay kumalat dito nanggigiba at naninira, ginagawa ang lahat na baog at nanununog nang higit pa kaysa sa nangyari sa Gomorrah, mahigit pa kaysa sa nangyari sa Sodom... Oo, mas mahigit pa roon, kung saan doon ay walang iba bagkus mabilis na kamatayan. Dito... Joel, naaalaala mo ba si Sabea? Para sa huling pagkakataon hinulaan niya ang kinabukasan ng sambayanan ng Diyos na ayaw sa Anak ng Diyos.»

Ang apat na lalaki ay hindi makapagsalita. Ang takot sa kinabukasan ay nagagawa silang pipi. Si Eliel sa wakas ay nagsalita: «Ano ang maipapayo Ninyo sa amin na dapat gawin?...»

«Oo. Lakad. Walang matitira rito na may kabuluhan sa pagpipigil sa mga anak ng sambayanan ni Abraham. Sa kabilang dako, kayong mga kilala ng sambayanan lalo na, ay hindi maiiwan dito... Ang malalakas nagawang mga preso ay magpapaganda sa pananagumpay ng panalunan. Ang bago at inmortal na Templo ay pupunuin ng sarili nito ang Lupa at ang bawat tao na naghahanap para sa Akin ay kakamtin Ako, sapagkat naroroon Ako saan man ang isang puso ay minamahal Ako. Lakad. Ilayo ninyo ang inyong mga babae, mga anak at matatanda... Nag-aalok kayo sa Akin ng kaligtasan at tulong. Pinapayuhan Ko kayo na iligtas ninyo ang inyong mga sarili, at tinutulungan Ko kayo sa pamamagitan ng payong ito... Huwag ninyo itong balewalain.»

«Ngunit ngayon... anong mas mahigit pang kapinsalaan ang magagawa ng Roma sa atin? Tayo ay napaghaharian. At kung ang batas ng Roma ay isang matigas na batas, totoo rin na ang Roma ay nakapagtayo muli ng mga bahay at mga bayan at...»

«Talaga, mas mabuti pang malaman mo na wala kahit isang bato ang matitirang buo sa Herusalem. Ang apoy, mga panggibang-troso, mga katapulta, mga sibat ay pababagsakin ng mga ito, bubuwagin, sisirain ang bawat bahay at ang banal na Siyudad ay magiging isang yungib, at hindi lamang ito ang mag-iisa... Ang ating Amangbayan ay magiging isang malaking yungib. Ang pastulang lupa ng mga layas na hayop at ng mga asong-gubat, katulad ng sinasabi ng mga propeta. At hindi para sa isang taon o mahigit pa, o sa siglu-siglong panahon, bagkus magpakailanpaman. Ang disyerto, ang katigangan, ang kabaugan... Iyan ang kapalaran ng lupang ito! Ang larangan ng mga tunggalian, ang lugar ng pahirap, ang lugar ng pangangarap ng pagtatayong-muli na laging nasisira ng isang di-mababaluktot na sentensiya, ang lugar ng mga pagtatangka sa muling pagkabuhay na pinatay sa kapanganakan. Ang kapalaran ng Lupain na tumanggi sa Tagapagligtas at nagkagusto ng isang hamog na apoy sa mga may-kagagawan.»

«Kung gayon... hindi na ba ulit magkakaroon ng isang Kaharian ng Israel? Hindi na ba tayo muli magiging kung ano ang ating pinapangarap?» tanong ng tatlong kilalang mga Hudyo sa naghihingalong mga tinig. Si Joel, ang eskriba, ay umiiyak...

«Naka-obserba na ba kayo kailanman ng isang matandang punungkahoy na ang kaninong medulla ay nasira ng sakit? Sa loob ng maraming taon ito ay nabuhay nang may kahirapan, nang may labis na kahirapan na ito ay hindi namumulaklak o namumunga. Tanging pambihirang mga dahon lamang sa gastadong mga sanga ang nagpapakita na may maliit na limpa pa rin na umuusbong... Pagkatapos sa Abril ito ay namulaklak nang mahimala. Natakpan ito ng siksik na mga kadahunan at ang may-ari, na nangalaga dito sa loob ng maraming mga taon nang hindi nakatatanggap ng kahit anong bunga, ay nagbunyi iniisip na ito ay nakapanumbalik at naging mayabong pagkatapos ng labis na pagkagapok... O! panlilinlang! Isang biglaang pagkamatay ang sumusunod sa gayong kalabisan na silakbo ng buhay. Ang mga bulaklak, mga dahon at ang maliit na prutas ay babagsak, habang ang mga ito ay tila nakakapit na sa mga sanga nangangako ng isang masaganang pag-ani, at sa pamamagitan ng biglaan na bagsak ang punungkahoy, na bulok na ang ilalim, ay bumagsak sa lupa. Iyan ang gagawin ng Israel. Pagkaraan ng baog na nakakalat na pagtubo, ito ay mag-iipun-ipon sa matandang puno nito at magkakaroon ito ng hitsura ng pagtatayong-muli. Ang napaghiwa-hiwalay na Sambayanan ay napagsama-sama na muli sa wakas. Napagsama-sama at napatawad. Oo. Ang Diyos ay maghihintay para sa oras na iyan upang tapusin ang paglakad ng mga panahon.. Pagkatapos ang panahon ay mawawala na, maliban sa eternidad lamang. Pinagpala ang mga na, bilang napatawad na, ay siyang magbubuo ng sandalian na pamumulaklak ng huling Israel na, pagkaraan ng napakaraming mga panahon, ay magiging ang sambayanan ng Kristo, at mamamatay na natubos, kasama ang lahat na mga tao ng Lupa, pinagpala kasama ang mga na, sa pagitan nila, ay hindi lamang nalaman ang Aking pagdating, bagkus niyakap ang Aking Batas bilang ang batas ng kaligtasan at búhay. Napapakinggan Ko ang tinig ng Aking mga disipulo. Lakad bago sila dumating...»

«Ito ay hindi gawa ng karuwagan, Panginoon, na nagsisikap kaming manatiling di-kilala, bagkus upang mapaglingkuran Kayo, ang makapaglingkod sa Inyo. Kung malaman na kami, lalo na ako, ay pumunta sa Inyo, kami ay hindi isasama sa mga resolusyon sa hinaharap...» sabi ni Joel.

«Naiintindihan Ko. Ngunit tandaan na ang ahas ay tuso. Ikaw, lalo na, Joel. Maging maingat...»

«O! gawin nilang patayin nila ako! Mas gugustuhin ko pa ang aking kamatayan kaysa ang sa Inyo! Upang hindi ko na makita ang mga araw na Inyong binanggit sa amin! Pagpalain ako, Panginoon, upang mapalakas ako...»

«Pinagpapala Ko kayong lahat sa ngalan ng Diyos Iisa at Sang-tatlo at sa ngalan ng Salita na Nagkatawang-Tao upang maging kaligtasan para sa mga tao na may mabubuting kalooban.» Pinagpapala Niya sila nang magkakasama nang may isang malapad na pagbuka ng mga kamay at pagkatapos ipinapatong Niya ang Kanyang kamay sa bawat isa ng apat na ulo na nakayuko sa Kanyang paanan. Pagkatapos sila ay tumayo, tinatakpan nilang muli ang kanilang mga mukha at nawala sila sa pagitan ng mga punungkahoy ng lootan at sa mga halamang-bakod ng mga blackberry, na naghihiwalay sa mga puno ng peras mula sa mga puno ng mansanas at ang huli mula sa iba pang mga punungkahoy. Sa tamang oras lamang, sapagkat ang labindalawang apostol ay lumabas mula sa bahay sa isang grupo naghahanap para sa Guro, upang makaalis na.

At si Pedro ay nagsabi: «Sa harapan ng bahay, pagawi sa bayan, ay may isang malaking pulutong ng mga tao, na aming pinipigilan nang may kahirapan, upang Kayo ay makapagdasal. Gusto nilang sundan Kayo. Wala sa mga taong Inyong pinauwi ang umalis. Sa kabaligtaran, marami ang bumalik at marami ang kararating pa lamang. Pinagalitan namin sila...»

«Bakit? Hayaan silang sundan Ako! Sana ang lahat ay iyan ang gagawin! Tayo na!» At si Jesus, pagkatapos na maisuot ang manta na iniabot sa Kanya ni Juan, inilagay ang Kanyang Sarili sa unahan ng mga apostol, narating Niya ang bahay, nilampasan Niya ito, kinuha Niya ang daan patungong Bethany at sinasahimig ang isang salmo sa isang malakas na tinig.

Ang mga tao, isang tunay na pulutong, ang mga lalaki muna, pagkatapos ang mga babae at mga bata, ay sinundan Siya, umaawit kasama Niya... Ang bayan ay naiiwanan sa likuran sa loob ng kaberdehan na bakuran nito.

Ang daan ay abala sa mga peregrino. At sa tabi ng daan maraming mga pulubi ang itinataas ang kanilang madaing na mga tinig upang maantig ang pulutong na maawa at tumanggap ng malalaking limos. Mga pilay, baldado at bulag na mga tao... Ang pangkaraniwan na miserableng mga tao na, sa bawat edad at sa bawat rehiyon, ay kaugalian na na mag-ipun-ipon kung saan naroon ang mga pulutong na nabubuo ng isang kapistahan. At kung ang mga bulag ay hindi nakikita ang mga dumaraan, ang iba ay nakikita ito at dahil nalalaman nila kung gaano kabait ang Guro sa mga mahihirap, ginagawa nila nang mas malakas ang kanilang mga sigaw, upang makuha ang pansin ni Jesus. Ngunit hindi sila humihingi ng mga himala. Humihingi lamang sila ng mga limos, at si Judas ay binibigyan sila ng mga limos.

Ang isang nagmumukhang may-kaya na babae ay pinatigil ang asno, na kanyang sinasakyan, malapit sa isang malakas na punungkahoy na nagbibigay lilim sa isang sangahan ng mga daan at naghihintay para kay Jesus. Nang si Jesus ay malapit na, nagpadalusdos siya mula sa kanyang sinasakyan at ipinagpatirapa ang sarili, nang may kaunting kahirapan, sapagkat hawak ng kanyang mga kamay ang isang maliit na bata, na ganap na hindi gumagalaw, itinaas niya ito nang walang sinasabing isang salita. Ang kanyang mga mata at nahihirapan na mukha ay nananalangin. Ngunit si Jesus ay napaliligiran ng mga tao na nagiging isang harang at hindi Niya nakikita ang kaawa-awang ina na nakaluhod sa tabi ng daan.

Ang isang lalaki at isang babae, na tila lumalabas na kasama ang namimighating ina, ay nakikipagusap sa kanya at ang lalaki iniiling ang kanyang ulo ay nagsabi: «Wala para sa atin.» At ang babae ay nagsabi: «Sinyora, hindi kayo Niya nakita. Tawagin mo Siya nang may pananampalataya at mapapakinggan Niya ang iyong panalangin.»

Ang ina ay nakikinig sa kanya at siya ay sumigaw, sa malakas na tinig, upang matalo ang ingay ng mga awit at mga yapak: «Panginoon! Maawa sa akin!»

Si Jesus, Na mga ilang metro sa unahan, ay tumigil at tumalikod hinahanap ng tingin ang tao na sumigaw, at ang katulong ay nagsabi: «Sinyora, hinahanap Niya kayo. Kung kaya't tumayo at pumunta sa Kanya at si Fabia ay mapapagaling» at tinutulungan niya siyang tumayo at pinasunod siya patungo sa Panginoon Na nagsabi: «Sinuman ang nanawagan sa Akin, ay kailangan na lumapit sa Akin. Ngayon ay panahon ng awa para sa mga makakaasa sa awa...»

Ang dalawang babae ay ipinipilit ang kanilang daan sa gitna ng pulutong, ang katulong sa harapan inihahanda ang dadaanan ng ina na nakasunod sa kanya, at malapit na silang makarating malapit kay Jesus, nang ang isang tinig ay sumigaw: «Ang aking patay na braso! Tingnan! Pagpalain ang Anak ni David. Ang aming laging malakas at banal na totoong Mesiyas!»

Nagkaroon ng ilang pagkakagulo sapagkat maraming tao ang bumalik at paikut-ikot nang may pagkalito, gumagalaw katulad ng magkasalungat na mga alon sa paligid ni Jesus. Ang lahat ay gustong makaalam, makakita... Tinatanong nila ang isang matandang lalaki na ikinakaway ang kanyang kanang kamay na tila iyon ay isang watawat at siya ay tumutugon: «Siya ay tumigil, nagtagumpay akong mahawakan ko ang Kanyang manta at matakpan ko ang aking sarili nito, at may isang katulad ng apoy at búhay ang tumakbo sa aking braso, at naririto ito ngayon: ang aking kanang braso ay katulad ng aking kaliwang braso, dahil lamang nahipo nito ang Kanyang damit.»

Sa pansamantala tinatanong ni Jesus ang babae: «Ano ang gusto mo?» Ang babae ay itinaas ang kanyang anak at nagsabi: «Siya rin ay may karapatan na mabuhay. Siya ay inosente. Hindi niya hiningi na mapunta sa isang lugar o sa isa pa, magkaroon ng dugo ng isang lugar o ng ibang dugo.

«Umaasa ka ba na ang awa ng Diyos ay mas malaki pa kaysa sa awa ng mga tao?»

«Umaasa ako, Panginoon. Naniniwala ako. Alang-alang sa akin at sa aking anak kung kanino umaasa ako na ibibigay Ninyo ang kalinawan ng pag-iisip at paggalaw. Kayo ay ang sinabing siyang ang Buhay...» at siya ay umiiyak.

«Ako ang Buhay at ang mga naniniwala sa Akin ay mapapasakanila ang buhay ng espiritu at ng kanilang mga katawan. Gusto ko ito!»

Si Jesus ay isinigaw ang mga salitang iyo nang malakas, at ngayon ipinapatong Niya ang Kanyang kamay sa walang-galaw na bata na napupukawan ng damdamin, ngumingiti at nagsasabi ng isang salita: «Inay!»

«Siya ay gumagalaw! Siya ay ngumingiti! Siya ay nakapagsalita! Fabius! Sinyora!» Ang dalawang babae ay nasaksihan ang mga pangyayari ng himala at naiproklama ito nang malakas. At natawag nila ang ama na isinisiksik ang sarili na makaraan sa pulutong at nakarating malapit sa mga babae noong sila ay nasa paanan na ni Jesus umiiyak, at noong ang katulong ay nagsasabi: «Sinabi ko na sa inyo na may awa Siya sa lahat!», at ang ina nagsasabing: «At ngayon patawarin din Ninyo ako ng aking kasalanan.»

«Hindi ba pinakikita ng Langit sa iyo, sa pamamagitan ng grasya na pinagkaloob sa iyo, na ang iyong pagkakamali ay napatawad na? Tumayo at maglakad. Sa bagong daan, kasama ang iyong anak na babae at ang lalaki na pinili mo. Humayo. Ang kapayapaan ay mapasainyo. At sa iyo, maliit na batang babae. At sa iyo, tapat na Israelita. Dakilang kapayapaan sa iyo, para sa iyong katapatan sa Diyos at sa anak na babae ng pamilyang iyong pinaglilingkuran at pinananatili mong malapit sa Batas sa pamamagitan ng iyong puso. At kapayapaan sa iyo, lalaki, na naging mas magalang sa Anak ng tao, kaysa ang marami sa Israel.»

Iniiwan Niya sila habang ang pulutong, pagkatapos na iwanan ang matandang lalaki, ay nagkaka-interes sa bagong himala para sa paralisadong walang-imik na batang babae, baka ito ay dahil sa meningitis, at na ngayon ay masayang paluksu-lukso, sinasabi ang tanging mga salita na alam niya, baka ang mga salita na nalalaman niya noong bago siya magkasakit at na ngayon nagugunita niya na naroroon pa sa kanyang kaisipan: «Ama, inay, Eliza. Ang magandang araw! Ang mga bulaklak!...»

Si Jesus ay paalis na sana, ngunit mula sa sangahan ng mga daan na ngayon nalampasan na, dalawa pang madaing na mga sigaw ang maririnig sa tipikong Hudyong punto, nanggagaling sa lugar kung saan ang mga asno ay iniwan ng mga tao na tumanggap ng himala: «Jesus, Panginoon! Anak ni David, maawa sa akin!» At sa muli, sa isang mas malakas na tinig, upang matalo ang mga sigaw ng pulutong na nagsasabing: «Manahimik. Pabayaan na makaalis ang Guro. Ang daan ay mahaba, at ang araw ay palakas na nang palakas. Hayaan Siyang marating Niya ang mga burol bago maging mainit», sila ay sumigaw: «Jesus, Panginoon, Anak ni David, maawa sa akin.»

Si Jesus ay tumigil muli nagsasabing: «Lakad at kunin ang mga sumisigaw at dalhin sila dito sa Akin.»

Ang ilan na nagkusa ay pumunta. Narating nila ang dalawang bulag at nagsabi: «Halikayo. May awa Siya sa inyo. Tumayo sapagkat gusto Niya kayong pagbigyan. Pinapunta Niya kami rito upang tawagin kayo sa ngalan Niya.» at sinubukan nilang gabayan ang dalawang bulag na lalaki sa gitna ng pulutong.

Ngunit kung ang isa sa kanila ay pinababayaan na siya gabayan nila, ang isa pa, na as bata pa at baka mas malaki ang pananampalataya, ay nauna na sa mga intensiyon ng mga nagkusa at kumilos nang papalapit nang sarili niya mismo, sa pamamagitan ng kanyang patpat na nakaturo nang paharap at may tipikong ngiti at aktitud ng bulag na mga tao sa pagtitingala ng kanilang mga mukha na naghahanap ng liwanag... at nagpapatuloy siya nang napakabilis at nakatitiyak sa sarili na tila siya ay pinasusunod ng kanyang anghel. Kung ang kanyang mga mata ay hindi kulay puti, hindi siya magmumukhang bulag.

Siya ang unang nakarating sa harapan ni Jesus Na nagpatigil sa kanya nagtatanong: «Ano ang gusto mong gawin Ko para sa iyo?»

«Na sana ako ay makakita, Guro. O Panginoon, gawin ang aking mga mata at ang mga mata ng aking kasamahan mabuksan.» Ang isa pang bulag ay nakarating at ginawa nila siyang lumuhod malapit sa kanyang kasamahan.

Si Jesus ay ipinatong ang Kanyang mga kamay sa kanilang nakatingalang mga mukha at nagsabi: «Mangyari ang ayon sa inyong hiling. Humayo! Ang inyong pananampalataya ay nailigtas kayo!»

Inalis Niya ang Kanyang mga kamay at dalawang sigaw ang lumabas mula sa kanilang mga labì: «Nakakakita ako, Uriel!»; Nakakakita ako, Bartimaeus!» at pagkatapos magkasabay: «Pinagpala Siya Na naparito sa ngalan ng Panginoon! Pinagpala Siya Na nagpadala sa Kanya! Kaluwalhatian sa Diyos! Hosana sa Anak ni David» at pinagpapatirapa ang kanilang mga sarili na ang kanilang mga mukha nasa lupa hinahalikan nila ang mga paa ni Jesus. Pagkatapos sila ay tumayo at ang isang nagngangalang Uriel ay nagsabi: «Panginoon, aalis ako upang makita ako ng aking mga kamag-anak, pagkatapos babalik ako at susunod sa Inyo.» Si Bartimaeus sa halip ay nagsabi: «Hindi ko Kayo iiwanan, magpapahatid ako ng salita sa kanila. Ito ay laging magiging malaking tuwa. Hindi ako hihiwalay sa Inyo. Binigay Ninyo sa akin ang aking paningin. Kinokonsagra ko ang aking buhay sa Inyo. Maawa sa hiling ng pinakamaliit sa Inyong mga lingkod.»

«Halika at sumunod sa Akin. Ang mabuting kalooban ay nagagawa ang lahat na mga katayuan na maging magkakapareho, at siya lamang ang dakila na siyang nakaaalam kung papaano mapaglingkuran ang Panginoon sa mas mabuting pamamaraan.»

At si Jesus ay kinukuha na muli ang daan sa gitna ng mga hosana ng pulutong, at si Bartimaeus ay humahalo sa mga tao at habang naglalakad umaawit siya ng mga hosana nagsasabing: «Ako ay naparito para sa isang piraso ng tinapay at natagpuan ko ang Panginoon. Ako ay mahirap, ngayon ako ay isang ministro ng banal na Hari. Kaluwalhatian sa Panginoon at sa Kanyang Mesiyas»...

030612

 


Sunod na kabanata