579. Pagdating sa Bethany.

Marso 18, 1947.

Maaaring sila ay tumigil sa kalahatian ng haba ng daan ng kanilang paglalakbay mula Jericho hanggang Bethany sapagkat, noong sila ay nakarating sa unang mga bahay sa Bethany, ang huling mga patak ng hamog ay natutuyo na sa mga dahon at mga tangkay sa mga parang at ang araw ay tumataas pa sa kalangitan.

Ang mga magbubukid sa lugar ay binitiwan ang kanilang mga kagamitan at nagmadali sa palibot ni Jesus, Na dumaraan pinagpapala ang mga tao at mga tanim, katulad na ito ang ipinipilit na kahilingan ng mga magbubukid. At ang ilang mga babae at mga bata ay lumalapit sa Kanya dala ang unang mga almendras nababalot pa sa platang-berdeng pelpa ng mga bunot, at ang huling mga bunga ng atrasadong mga namumungang-punungkahoy. Napuna ko, gayunpaman, na dito, sa lugar ng Herusalem, baka dahil sa kataasan ng lugar, o dahil sa mga hangin na umiihip mula sa pinakamatataas na tuktok ng bundok ng Judaea, o hindi ko alam para sa kung anong rason, baka dahil din sa ang mga punungkahoy ay iba’t iba, maraming mga punungkahoy ang namumulaklak pa at nagmumukha silang puting-rosas na mga ulap nakabitin sa itaas ng berdeng mga parang. Ang mura pang mga dahon ng baging ay nanginginig sa ilalim ng matataas na katawan ng mga punungkahoy katulad ng malalaking paruparo ng isang mamahaling kulay ng esmeralda, nakatali sa magaspang na mga usbong ng baging.

Habang si Jesus ay tumitigil sa pontanya, na nakalugar kung saan ang kabukiran ay nagtatapos at ang nayon ay nagsisimula, at Siya ay magalang na binabati halos ng buong populasyon ng Bethany, si Lazarus at ang kanyang mga kapatid ay dumating at ipinagpatirapa ang kanilang mga sarili sa harapan ng Panginoon. Bagamat mahigit lamang nang kaunti sa dalawang araw ang nakaraan mula ng si Maria ay iniwan ang kanyang Guro, tila siglu-siglo nang hindi niya Siya nakita, lubos na walang kapaguran ang kanyang paghalik sa maalikabok na mga paa Niya sa loob ng Kanyang mga sandalyas.

«Halikayo, aking Panginoon. Ang aming tahanan ay naghihintay sa Inyo upang magbunyi sa Inyong presensya» sabi ni Lazarus nakatayo sa tabi ni Jesus, habang nagpapatuloy sila nang unti-unti, ayon sa kung napahihintulutan sila ng pulutong na makalakad. Ang mga tao sa katunayan ay nagsisiksikan sa paligid Niya at ang mga bata ay nakakapit sa Kanyang mga damit at naglalakad sa harapan Niya, na ang kanilang mga ulo nakatingala sa Kanya, kung kaya't sila ay natatalisod at nagagawa Siyang gumiray, kung kaya't una si Jesus at pagkatapos si Lazarus at ang mga apostol ang kumarga sa maliliit na bata, upang makapaglakad nang mas mabilis.

At sa isang sangahan ng mga daan na may isang lakaran patungo sa bahay ni Simon Zealot, ay naroon si Maria at ang Kanyang hipag, si Salome at si Susanna. Si Jesus ay tumigil upang batiin ang Kanyang Ina, at pagkatapos nagpatuloy Siya hanggang sa layo ng isang malaking malapad na nakabukas na geyt kung saan sina Maximinus, Sarah at Marcella ay naroroon, at sa likuran nilang lahat ang maraming mga katulong ng bahay, nagsisimula sa mga nagtatrabaho sa bahay at nagtatapos sa mga nagtatrabaho sa mga bukid. Silang lahat ay nasa ayos, napakasaya at nananabik sa kanilang lugod na namumutok sa mga hosana, habang winawagayway nila ang kanilang mga pantakip sa ulo at mga belo at nagtatapon sila ng mga bulaklak at mga dahon ng mirto at laurel, ng mga rosas at mga hasmin, na nagniningning sa araw sa pamamagitan ng kanilang magagandang korola o nakakalat katulad ng puting mga bituin sa maitim na lupa. Ang halimuyak ng pinitas na mga bulaklak at natapakan ng mga aromatikong dahon ay tumataas mula sa lupa na napainitan ng araw. Si Jesus ay dumaraan sa matamis na nangangamoy na alpombra.

Si Maria ng Magdala, na sumusunod kay Jesus nakatingin sa lupa, ay yumuyuko, sa bawat hakbang, nagmumukhang katulad ng isang naghihimalay na nakasunod sa taong nagtatali sa mga bungkos, upang pulutin ang mga dahon at mga korola at ang mga pinitas din na mga petalo na nayapakan ng mga paa ni Jesus.

Si Maximinus, upang maisara niya ang geyt at mabigyan ng kapayapaan ang mga panauhin, ay inutusan ang mga katulong na magbigay ng mga keyk, na naihanda na, sa mga bata. Isang praktikal na paraan upang mailayo ang atensiyon ng mga bata mula sa Panginoon at sa ganoon mapauwi sila nang hindi nakagagawa ng mga reklamo. At ang mga katulong ay isinagawa ang utos nagdadala sa kalsada ng mga basket na puno ng maliliit na keyk na may dekorasyon ng puting kulay-kapeng mga almendras.

At habang nagsisiksikan doon ang mga bata, ang ibang mga katulong ay tinutulak nang paatras ang mga adulto, na sa pagitan nito ay naroroon pa rin si Zacchaeus at ang kanyang apat na mga kaibigan – sina Joel, Judas, Eliel at Elkanah – at iba pang hindi ko kilala, sapagkat silang lahat ay natatakpan pa rin ng mga belo, upang maprotektahan ang kanilang mga sarili sa alikabok na naitataas ng isang kung baga mabigat na hangin at sa araw, na malakas na ang sikat.

Ngunit si Jesus, Na malayo na sa unahan, ay tumalikod at nagsabi: «Sandali! May isang bagay Akong sasabihin sa ilan sa inyo.»

At pumunta Siya patungo sa mga kapatid na lalaki ni Johanna at dinala Niya sila sa tabi nagsasabing: «Pakiusap na pumunta kay Johanna at sabihin sa kanya na makipagkita sa Akin kasama ang lahat na mga babae na kasama niya at kasama si Annaleah, ang disipulo mula sa Ophel. Sabihin sa kanya na pumunta bukas, sapagkat ang Sabbath ay magsisimula paglubog ng araw bukas at gusto Kong gugulin ito kasama ang aking mga kaibigan ng Bethany. Sa kapayapaan.»

«Sasabihan namin siya, Panginoon. At siya ay pupunta.»

Si Jesus ay pinakawalan sila at pumunta Siya kay Joel: «Sasabihin mo kina Jose at Nicodemus na naririto na Ako at na sa araw pagkatapos ng Sabbath papasukin Ko ang bayan.»

«O! Mag-ingat, Panginoon!» sabi ng mabuting eskriba nang kinakabahan.

«Lakad. At maging malakas. Siya na sumusunod sa katarungan at naniniwala sa Aking katotohanan ay hindi kailangan na matakot. Bagkus siya ay kailangan na magbunyi sapagkat ang kaganapan ng lumang Pangako ay mangyayari na.»

«Ah! Lalayas ako sa Herusalem, Panginoon. Ako ay isang tao na maselan na ang kalusugan, katulad ng nakikita Ninyo, at ako ay pinagtatawanan dahil diyan. Hindi ko na matagalan ang kahit...»

«Ang iyong anghel ay gagabayan ka. Humayo sa kapayapaan.»

«Makikita ko pa rin ba... Kayo, Panginoon?»

«Siyempre, makikita mo pa Akong muli. Ngunit hanggang sa makita mo Akong muli isipin na ang iyong pagmamahal ay nakapagbigay sa Akin ng labis na lugod sa mga oras ng kapighatian.»

Si Joel ay kinuha ang kamay na ipinatong ni Jesus sa kanyang balikat at idiniin ito sa kanyang mga labì; lampas sa manipis na belo ng kanyang pantakip sa ulo mga halik at mga luha ay bumababa sa kamay ni Jesus.

Si Joel pagkatapos ay umalis at si Jesus ay pumunta kay Zacchaeus: «Nasaan ang iyong mga kaibigan?»

«Nananatili sila sa pontanya, Panginoon. Sinabi ko sa kanila na manatili roon.»

«Samahan sila at pumuntang kasama sila sa Bethpage kung saan naroroon ang Aking mga pinaka-una at pinakamatatapat na mga disipulo. Sabihin kay Isaac, ang kanilang hepe, na kumalat sa bayan at sabihan ang lahat ng mga grupo ng mga disipulo na sa umaga pagkatapos ng Sabbath, mga ikatlong oras, daraan Ako sa Bethpage at papasok sa Herusalem at aakyat Ako sa Templo sa isang solemneng paraan. Sabihin kay Isaac na ang impormasyon na ito ay para sa mga disipulo lamang. Maiintindihan niya kung ano ang ibig Kong sabihin.»

«Naiintindihan ko rin, Guro. Gusto Ninyong masorpresa ang mga Judaean upang hindi nila mahadlangan ang pagpasok Ninyo.»

«Eksakto. Kung kaya't kumilos katulad ng sinabi Ko sa iyo. Tandaan na pinagkakatiwalaan kita ng isang malihim na gawain. Ginagamit kita at hindi si Lazarus.»

«At iyan ay nagsasabi sa akin na ang Inyong kabaitan sa akin ay hindi mapapantayan, Pinasasalamatan ko Kayo, Panginoon.» Hinahalikan niya ang kamay ng Guro at umalis.

Si Jesus ay babalik na sana sa Kanyang mga mayhanda. Ngunit mula sa geyt mula kung saan ang huling mga tao ay lumalabas, tinutulak ng mga katulong, ang isang bata-pang lalaki ay umalis at tumakbo patungo kay Jesus, itinatapon ang sarili sa Kanyang paanan at sumisigaw: «Isang pagpapalà, Guro! Nakikilala ba Ninyo ako?» tinataas ang kanyang ulo, na hindi nakatakip.

«Oo. Ikaw ay si Jose pinangalanang Barnabas, ang disipulo ni Gamaliel, at tinagpo mo Ako malapit sa Giscala.»

«At matagal ko na Kayong sinusundan nang maraming araw na. Ako ay nasa Shiloh, sa aking paglalakbay mula sa Giscala mula kung saan ako nanggaling kasama ang rabbi habang Kayo ay wala, at kung saan ako nanatili pinag-aaralan ang mga rolyo hanggang sa buwan ng Nisan. Ako ay nasa Shiloh noong Kayo ay nagsalita, at sinundan ko Kayo sa Lebonah at sa Shechem, at naghintay ako para sa Inyo sa Jericho, sapagkat napakinggan ko na Kayo...» Siya ay biglang tumigil na tila napuna niya na sasabihin na niya kung ano ang hindi niya dapat mabanggit.

Si Jesus ay ngumiti nang may-kabaitan at nagsabi: «Ang katotohanan ay namumutok nang may-kapusukan mula sa mga sinsirong labì, at ito ay kadalasan umaapaw sa mga dike na inilalagay ng kahinahunan sa harapan ng mga bunganga ng mga tao. Ngunit bubuuin Ko ang iyong iniisip... “sapagkat napakinggan mo mula kay Judas ng Kerioth, na nanatili sa Shechem, na Ako ay patungo sa Jericho upang samahan ang Aking mga disipulo at bigyan sila ng Aking mga tagubilin”. At ikaw ay pumunta roon upang hintayin Ako nang hindi nag-aalala na may makakita sa iyo, mag-aksaya ng panahon at mapalayo sa iyong guro na si Gamaliel.»

«Hindi niya ako kagagalitan kapag malaman niya na naantala ako upang makasunod sa Inyo. Dadalhin ko sa kanya ang Inyong mga salita bilang isang regalo...»

«O! Ang rabbi na Gamaliel ay hindi nangangailangan ng mga salita. Siya ay ang marunong na rabbi ng Israel!»

«Oo. Walang ibang rabbi ang makapagtuturo sa kanya ng kahit na ano na antigo, wala, sapagkat nalalaman niya ang lahat na antigo. Ngunit magagawa Ninyo. Kayo ay may bagong mga salita, puno ng sariwang buhay ng kung ano ang bago. Ang Inyong salita ay katulad ng katas ng tagsibol. Iyan ang sinasabi ni Gamaliel, at sinasabi pa niya na ang karunungan na ngayon natatakpan na ng mga alikabok ng mga panahon, at kung gayon tuyo at malabo, ay nagiging masigla at maningning kapag ito ay ipinaliliwanag ng Inyong salita. O! Dadalhin ko sa Kanya ang Inyong mga salita.»

«At ang Aking mga pagbati. Sabihin sa kanya na buksan niya ang kanyang puso, ang kanyang katalinuhan, ang kanyang paningin, ang kanyang pandinig; at ang kanyang mahigit nang dalawampung taon na katanungan ay masasagot. Lakad. Ang Diyos ay mapasaiyo.»

Ang binata ay yumuko ulit upang halikan ang mga paa ng Guro at umalis.

«Nangahas na Akong anyayahan ang mga babaeng disipulo dito para bukas» sabi ni Jesus nakatayo sa tabi ni Lazarus sa kung kaninong balikat ipinatong Niya ang Kanyang braso.

«Ginawa Ninyo ang tamang bagay, Panginoon. Ang aking bahay ay sa Inyo, katulad ng alam Ninyo. Ang Inyong Ina ay mas ginusto na tumuloy sa bahay ni Simon. At iginalang ko ang Kanyang mithiin. Ngunit umaasa ako na tutuloy Kayo sa ilalim ng aking bubungan.»

«Oo, tutuloy Ako. Bagama't... ang isang bahay na iyon ay iyong bubungan. Ang isa sa iyong mapagkaloob ng mga aksiyon sa kapakanan ng Aking mga kaibigan at kapakanan Ko. Gaano karami ng ganito ang iyong ginawa, Aking mahal na kaibigan!»

«At umaasa ako na makapagpapatuloy ako na gawin iyan nang matagal na panahon. Bagama't iyan ay ang maling salita, marunong ng Guro. Hindi ako nagiging mapagkaloob sa Inyo. Kayo ay nagiging mapagkaloob sa akin. Ako ang may utang. At kung sa harapan ng mga kayamanan na ibinigay Ninyo sa akin, naglatag ako ng isang sentimos para sa Inyo, ano ba ang Aking kaawa-awang regalo kompara sa Inyong mga kayamanan? “Magbigay at iyan ay ibibigay sa iyo” sinabi Ninyo. “Isang inalog at siniksik na sukat ang ibubuhos sa iyong lapi at tatanggap ka na isang sandaang-ibayo ng kung ano ang iyong naibigay” sinasabi Ninyo. Ako ay tumanggap ng isang sandaang-ibayo ng isang sandaang-ibayo kahit na noong wala akong naibigay sa Inyo na kahit ano. O! naaalaala ko ang ating unang pagkikita! Kayo, ang Panginoon at Diyos, kung Kanino ang serapin ay di-karapat-dapat na lumapit, ay pumunta sa akin, noong ako ay nag-iisa at naghihirap... nakasara dito, sa aking kalungkutan, pumunta Kayo kay Lazarus, ang tao na iniiwasan ng lahat, maliban kina Jose at Nicodemus at ng aking tapat na kaibigan na si Simon, na mula sa kanyang sepulkro ng isang buháy na nilalang ay hindi tumigil sa pagmamahal sa akin... Ayaw Ninyo na ang aking lugod sa pagkakita sa Inyo ay magambala ng naka-aagnas na mga tilamsik ng panunuya ng mundo... Ang ating unang pagkikita! Mauulit ko ang lahat na mga salitang Inyong sinabi noon... Ano ba ang aking naibigay sa Inyo pagkatapos, kung Kayo man ay aking nakita kailanman, na ako ay dapat na tumanggap sa Inyo, kaagad, ng isang sandaang-ibayo ng isang sandaan na ibayo?»

«Ang inyong mga panalangin sa ating Kataastaasang Ama. Ang atin, Lazarus. Ang Akin. Ang Iyo. Ang Akin bilang ang Salita at bilang Tao. Ang iyo bilang tao. Noong ikaw noon ay nananalangin nang may labis na pananampalataya, hindi mo pa ba noon binibigay sa Akin ang iyong buong sarili? Kung kaya't makikita mo na, sa dahilan na ito ang makatarungan, binigyan kita ng isang sandaan na ibayo ng kung ano ang ibinibigay  mo sa Akin.»

«Ang Inyong kabutihan ay walang-hangganan, Guro at Panginoon. Ginagantimpalaan Ninyo nang abante, at nang may dibinong kagandahang-loob, ang mga tao na sa Inyong kaisipan ay kinikilala Ninyong Inyong mga lingkod kahit bago pa man nila malaman na sila ay gayon.»

«Aking mga kaibigan, hindi Aking mga lingkod. Sapagkat, sa katotohanan, ang mga gumagawa ng kalooban ng Aking Ama at sumusunod sa Katotohanan na Kanyang pinadala, ay Aking mga kaibigan, hindi Aking mga lingkod. Kahit mas mahigit pa: Aking mga kapatid, dahil Ako ang unang gumawa ng kalooban ng Ama. Kung kaya't sinuman ang gumagawa ng kung ano ang Aking ginagawa ay Aking kaibigan, sapagkat tanging isang kaibigan lamang ang gumagawa nang kusa kung ano ang ginagawa ng kanyang kaibigan.»

«Harinawang maging ganito ito sa pagitan Ninyo at ako, Panginoon. Kailan Kayo pupunta sa bayan?»

«Sa umaga pagkatapos ng Sabbath.»

«Pupunta rin ako.»

«Hindi. Hindi ka sasama sa Akin. Sasabihin Ko sa iyo kung bakit. Mayroon Akong ibang mga bagay na hihingin sa iyo...»

«Ayon sa gusto Ninyo, Guro. Kailangan ko rin makipagusap sa Inyo...»

«Tayo ay mag-uusap.»

«Mas gusto ba Ninyong palampasin ang Sabbath nang tayu-tayo lamang, o maaanyayahan ko ang kapwa mga kaibigan natin?»

«Pakiusap na huwag mag-anyaya ng sinuman. Nananabik Akong gamitin ang mga oras na ito sa mahinahong mapayapang pakikipagkaibigan sa inyo lamang, nang walang kahit anong pagpipigil ng isip o pormalidad, sa loob ng may-kabaitang kalayaan ng isa na nasa pagitan ng mahal na mga kaibigang ganyan upang maramdaman ang pagiging nasa sariling bahay.»

«Ayon sa ibig Ninyo, Guro. Sa katunayan... ganyan ang gusto ko. Ngunit akala ko ako ay nagiging makasarili sa aking mga kaibigan. Lahat sila ay imperyor sa pagkakaibigan sa Inyo, aking tanging Kaibigan, ngunit napakamahal pa rin. Ngunit kung iyan ang ibig Ninyo... Baka Kayo ay napapagod, Panginoon. O nag-iisip...» si Lazarus ay  tinatanong ang kanyang Kaibigan at Guro mas ng kanyang mga mata kaysa ng kanyang mga salita, at si Jesus ay tumugon sa kanya sa pamamagitan lamang ng Kanyang kung baga malungkot at medyo nakakalimot na mga mata at may kaunting ngiti ng Kanyang mga labì.

Sila ay nag-iisa na lamang ngayon malapit sa pontanya, na ang tunog ng kaninong tilandoy ng tubig ay katulad ng isang awit... Ang lahat na iba pa ay nakapasok na sa bahay at maririnig ng isa ang mga tinig at ang ingay ng mga kagamitan pangkusina...

Si Maria ng Magdala ay dalawa o tatlong ulit na idinungaw ang kanyang magandang ulo sa pintuan na protektado ng isang mabigat na kurtina na wumawagayway nang kaunti sa hangin na lumalakas nang lumalakas, habang ang kalangitan ay medyo makulimlim gawa ng mga ulap na pakusot nang pakusot at dumidilim.

Si Lazarus ay itiningala ang kanyang ulo pinag-aaralan ang kalangitan. «Sa palagay ko magkakaroon tayo ng bagyo» sabi niya. At idinagdag niya: «Matutulungan nito ang matitigas-ang-ulo na mga buko na magbuka, dahil sila ay labis na nahihirapan na magbuka sa taon na ito... Baka ang nahuling katindihan ng panahon ay naka-antala sa mga usbong. Ang akin ding mga puno ng almendras ay naghirap at labis na bunga ang nawala. Sinasabi sa akin ni Jose na ang isa sa kanyang mga pangkusinang-hardin sa labas ng Judicial Gate  ay tila ganap na walang bunga sa taon na ito. Pinipigilan ng mga puno ang mga buko, na tila sila ay naisumpa. Ganyan na lamang ito na siya ay hindi makapagpasya kung kailangan niyang pabayaan na lamang sila o ipagbili bilang panggatong. Wala. Wala ni isang bulaklak. Sila ngayon ay eksaktong katulad nang sila ay ganito sa loob ng buwan ng Tebeth. Munting mga ulo ng buko, napakatigas at sarado na hindi kailanman lumubo. Totoo na ang hanging hilaga ay napakalakas doon at patuloy ang ihip nito sa loob ng taglamig. Ang mga bunga rin ng aking pangkusinang-hardin sa kabila ng Kidron ay nasira. Ngunit kung ano ang nangyayari sa pangkusinang-hardin ni Jose ay kakaibang-kakaiba na maraming tao ang pumupunta upang tingnan ang lugar na iyon na ayaw gumising sa tagsibol.»

Si Jesus ay ngumingiti...

«Ngumingiti ba Kayo? Bakit?»

«Dahil sa pagiging parang-bata ng mga tao, ang eternal na mga bata. Sila ay nagagayuma ng lahat na lumalabas na kakaiba... Ngunit ang lootan ay mamumulaklak. Sa tamang oras.»

«Ang tamang oras ay nakaraan na, Panginoon. Kailan hindi namulaklak ang maraming mga punungkahoy sa isang lugar sa buwan ng Nisan? Gaano pa katagal maghihintay ang lugar na iyon para sa tamang sandali?»

«Kapag panahon na na magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pamumulaklak.»

«Ah! alam ko na! Pupunta Kayo doon upang pagpalain ang lugar na iyon, alang-alang kay Jose, at iyon ay mamumulaklak nagbibigay ng bagong kaluwalhatian sa Diyos at sa Kanyang Mesiyas sa pamamagitan ng bagong himala! Iyan ay ganyan! Kayo ay pupunta roon. Masasabi ko ba kay Jose kung makita ko siya?»

«Kung sa palagay mo na kailangan mong sabihin sa kanya... Oo. Mapupunta Ako roon...»

«Kailan, Panginoon? Gugustuhin ko rin na mapunta ako roon.»

«Ikaw ba ay isang eternal na bata rin?» si Jesus ay ngumingiti nang mas masarap iniiling ang Kanyang ulo nang may kabutihan sa kausyosohan ng Kanyang kaibigan na bumubulalas: «O! masaya ako na napasaya ko Kayo, Panginoon. Nakikita ko na muli ang Inyong maningning na mukha na may ngiti, katulad na hindi ko nakita nang matagal-tagal! Kung gayon... pupunta ba ako?»

«Hindi, Lazarus. Kakailanganin kita rito sa araw ng Preparasyon.»

«O! Ngunit sa araw ng Preparasyon inaasikaso lamang natin ang Paskuwa! Kayo... Guro, bakit gusto Ninyong gawin ang isang bagay para sa kung saan Kayo ay pagsasabihan? Pumunta Kayo roon sa ibang araw...»

«Mapipilitan Akong pumunta roon sa araw ng Preparasyon lamang. Ngunit hindi lamang Ako ang gagawa ng isang bagay na hindi sa paghahanda para sa lumang Paskuwa. Ang pinakamahigpit na mga tao rin sa Israel, katulad nila Helkai, Doras, Simon, Sadoc, Ishmael at kahit pati si Caiaphas at si Annas ay gagawa ng ganap na bagong mga bagay...»

«Kung gayon ang Israel ba ay nababaliw?!»

«Nasabi mo ito.»

«Ngunit Kayo... O! naririto na ang ulan. Tayo ay pumasok sa bahay, Guro. Ako... ay nag-aalala... Hindi ba Ninyo ipaliliwanag sa akin...»

«Oo. Bago iwanan ka sasabihin Ko sa iyo... Naroon ang iyong kapatid dumarating may dalang mabigat na tela, dahil natatakot siya na baka tayo mabasa... O! Martha! Ikaw ay laging mapaglaan at aktibo. Ngunit ito ay hindi malakas na ulan.»

«Aking mahal na kapatid! Hindi, bagkus, aking mga kapatid. Sila ngayon ay katulad na ng dalawang murang mga batang babae walang alam ng malisya, kapwa si Maria at ang isang ito. At nang si Maria ay dumating mula sa Jericho noong araw bago kahapon, siya ay talagang nagmumukhang katulad ng isang bata-pang babae, na ang kanyang mga tinirintas na buhok nakabitin sa kanyang katawan, dahil pinagbili niya ang kanyang mga pang-ipit sa buhok upang makabili ng mga sandalyas para sa isang batang lalaki, at ang maninipis na bakal na mga pang-ipit ay hindi sapat na malakas upang mahawakan ang kanyang buhok. Siya ay tumatawa at sa pagbaba mula sa bagon sinabi niya sa akin: “Aking mahal na kapatid, naranasan ko kung ano ang ibig sabihin ng magbenta upang makabili, at natutunan ko kung gaano kahit na ang pinakasimpleng mga bagay mahirap para sa mahihirap, katulad ng kailangang mapanatiling maayos ang buhok sa pamamagitan ng mga pang-ipit, na ang dalawampung piraso nito ay nagkakahalaga ng isang didrachma. Kailangan kong tandaan iyan upang maging mas maawain sa mahihirap na tao sa hinaharap”. Gaano Ninyo siya nabago, Panginoon!»

Ang babae na ang tungkol kanino sila ay nagsasalita habang pumapasok sa bahay ay naroroon na may mga amphora at mga palanggana upang pagsilbihan ang kanyang Panginoon. Ayaw niyang isuko ang karangalan ng pagsisilbi sa Kanya sa kahit sino, at siya ay hindi kontento hanggang maibalik niya ang mga galamay at gana ng kanyang Guro at makita Siyang lumakad, nakasuot ng bagong mga sandalyas, patungo sa silid na itinalaga sa Kanya at kung saan ang Kanyang Ina ay naghihintay para sa Kanya na may bagong linen na damit nangangamoy araw pa...

040612


Sunod na kabanata