581. Ang Biyernes Bago ang Pagpasok sa Herusalem. Pagpapaalam sa mga Babaeng Disipulo at ang Engkuwentro sa Isang Di-masayang Bata.

 

Marso 22, 1947.

Ang magandang bulwagan – ang isa sa mga ginagamit para sa mga bangkete, na may puting mga pader at kisame, mabibigat na puting mga kurtina, puting mga tapiseriya na nagtatakip sa mga upuan at may mga mika o alabastro bilang oha ng bintana at mga bintanilya – ay puno ng mga nagdadaldalan na mga babae. Ang mga labinlimang kababaihan na nag-uusap-usap ay hindi isang maliit na bagay. Ngunit nang kaagad si Jesus ay lumitaw sa pintuan, hinahawi sa tabi ang mabigat na kurtina, nagkaroon ng lubos na katahimikan habang silang lahat ay tumatayo at yumuyuko na may lubos na paggalang.

«Kapayapaan sa inyong lahat» sabi ni Jesus nang may kabaitan na ngiti... Ang unos ng kapighatian na kakakalma pa lamang ay walang naiwang bakas sa Kanyang mukha, na maliwanag, maningning, mapayapa, na tila walang malalang bagay ang nangyari o mangyayari sa ganang nalalaman Niya.

«Kapayapaan sa Inyo Guro. Kami ay naparito. Nagpahatid Kayo ng salita: “hangga't sa rami ng mga babae katulad nila kay Johanna”, at sinunod ko Kayo. Si Eliza ay nakatirang kasama ko. Pinanatili ko siyang kasama ko sa loob ng mga araw na ito. At ang babae rin na ito, na nagsasabi na siya ay Inyong tagasunod, ay kasama ko. Siya ay dumating hinahanap Kayo, dahil alam na alam na ako ay ang inyong masayang disipulo. At si Valeria rin ay kasama ko sa aking bahay mula noong ako ay dumating sa aking mansiyon. Kasama ni Valeria ay si Plautina, na pumunta upang bisitahin siya. At ang babaeng ito ay kasama nila. Si Valeria ay magsasalita sa Inyo tungkol sa kanya. Si Annaleah ay dumating pagkatapos, noong mapakinggan niya ang Inyong kahilingan, kasama ang bata-pang babae na ito, na sa aking palagay ay isang kamag-anak niya. Inayos namin na kami ay pumunta rito at hindi namin kinalimutan si Nike. Napakagandang pakiramdaman na kaming lahat ay magkakapatid sa loob ng isang pananampalataya lamang sa Inyo... At upang umasa na pati ang mga na ngayon ay nasa isang natural lamang na pagmamahal para sa Inyo ay sana makataas pa, katulad ng ginawa ni Valeria» sabi ni Johanna tumitingin nang patago kay Plautina na... nananatili sa natural na pagmamahal...

«Ang mga diamante ay napoporma nang unti-unti, Johanna. Maraming panahon ng nakatagong apoy ang kinakailangan... Ang isa ay hindi kinakailangan na magmadali, hindi kailanman... At ang isa ay hindi dapat na mawalang ng pag-asa kailanman, Johanna...»

«At kung ang isang diamante ay maging... mga abo muli?»

«Iyan ang indikasyon na hindi pa iyan isang perpektong diamante. Tiyaga at apoy ay kinakailangan pa rin. Ang isa ay kinakailangan na magsimula ulit, umaasa sa Panginoon. Kung ano ang lumalabas na isang kabiguan sa unang pagkakataon ay kadalasan nagiging isang pananagumpay sa ikalawang pagkakataon.»

«O sa ikatlo o sa ikaapat na pagkakataon, at kahit mas mahigit pa. Ako ay isang kabiguan nang maraming beses, ngunit sa wakas nagtagumpay Kayo, Rabboni!» sabi ni Maria ng Magdala sa kanyang magandang tinig mula sa dulo ng bulwagan.

«Si Maria ay masaya sa tuwing pinababába niya ang kanyang sarili sa pagsasariwa ng kanyang nakaraan...» sabi ni Martha nang may pagbuntung-hininga, na gusto ang bawat pagsasariwang iyan na makansela sa bawat puso.

«Totoo nga, kapatid, ito ay ganyan! Masaya ako sinasariwa ang aking nakaraan. Ngunit hindi upang pababáin ang aking sarili, katulad ng sinasabi mo, bagkus upang makataas nang mas mataas pa, inuudyukan ng ala-ala ng masamang nagawa at ng pasasalamat sa Kanya Na nagligtas sa akin. At upang ang sinuman din na nag-aalinlangan para sa kanyang sarili o para sa taong mahal sa kanya ay sana magkaroon ng lakas-ng-loob at makarating sa pananampalatayang iyan na sinasabi ng aking Guro na makapagpapagalaw sa mga bundok.»

«At mayroon ka niyan! Ikaw na pinagpalang babae! Hindi mo nalalaman kung ano ang takot...» sabi na may pagbuntung-hininga ni Johanna na napaka mapagpakumbaba at mahiyain, at tila siya ay lumalabas na mas mahigit pa diyan kung ikukumpara siya ng isa kay Maria ng Magdala.

«Hindi, hindi ko alam kung ano ang takot. Iyan ay wala kailanman sa aking pagkatao. Ngayon na ako ay pag-aari na ng aking Tagapagligtas, ni hindi ko napapansin iyan sa aking espirituwal na pagkatao. Ang lahat ay nagsisilbi upang madagdagan ang aking pananampalataya. Maaari ba ang isang tao na nakapanumbalik katulad ko at nakita ang kanyang kapatid na bumangon mula sa kamatayan, magkakaroon ng pagdududa tungkol sa kahit ano? Wala nang makapagpapaduda pa sa akin ulit.»

«Habang ang Diyos ay kasama mo, ibig sabihin, ang Rabbi ay kasama mo... Ngunit sinasabi Niya na malapit na Niya tayong iwanan. Ano ang mangyayari sa ating pananampalataya pagkatapos? Ibig sabihin, ang inyong pananampalataya, sapagkat ako ay hindi pa nakakalampas sa pantaong mga hangganan...» sabi Plautina.

«Ang Kanyang materyal na presensya o ausensiya ay hindi makapagpapahina sa aking pananampalataya. Hindi ako matatakot. Hindi ako nagiging mapagmalaki. Kilala ko ang aking sarili. Kung magkakatotoo ang pananakot ng Sanhedrin... hindi ako matatakot...»

«Hindi ka matatakot ng ano? Na ang Makatarungang Isa ay makatarungan? Ni ako ay hindi rin matatakot niyan. Pinaniniwalaan natin iyan mula sa maraming marurunong na tao na ang kaninong karunungan ating kinalulugdan, sasabihin ko nagpapalusog sa atin ang buhay ng kanilang kaisipan, pagkaraan ng matagal na panahon pagkatapos ng kanilang kamatayan. Ngunit kung ikaw...» sabi ni Plautina nang mapilit.

«Ni hindi ako matatakot para sa Kanyang kamatayan. Ang Buhay ay hindi maaaring mamatay. Si Lazarus, na isang kaawa-awang tao, ay bumangon mula sa kamatayan...»

«Hindi siya bumangon nang sarili niya, bagkus tinawagan ng Guro ang kanyang espiritu mula sa kabilang buhay. Isang gawain na tanging ang Guro lamang ang makagagawa. Ngunit sino ang tatawag sa espiritu ng Guro, kung mapatay ang Guro?»

«Sino? Siya. Ibig sabihin, ang Diyos. Ang Diyos ay ginagawa Niya ang Sarili ng Sarili, maibabangon ng Diyos ang Sarili ng Sarili.»

«Ang Diyos... oo... ayon sa iyong pananampalataya ang Diyos ay ginawa ang Sarili ng Sarili. Mahirap na para sa amin na tanggapin iyan, dahil alam namin ng ang isang diyos ay bumababa mula sa isa pa sa pamamagitan ng dibinong pagmamahal.»

«Sa pamamagitan ng masagwang di-totoong pag-iibigan, kailangan mong sabihin» sabi ni Maria ng Magdala may kagaspangan na pinuputol siya.

«Ayon sa gusto mo...» sabi ni Plautina sa mapagkasundong tono, at tatapusin na sana niya ang kanyang pangungusap, ngunit inunahan siya muli ni Maria ng Magdala at nagsabi: «Ngunit ang Tao, ang ibig mong sabihin, ay hindi Niya maibabangon ang Sarili ng Sarili. Ngunit sa dahilan na ginawa Niya ang Sarili na Tao sa pamamagitan ng Kanyang Sarili, sapagkat walang imposible sa Santo ng mga Santo, kung kaya't sa pamamagitan ng Sarili uutusan Niya ang Sarili na bumangon mula sa kamatayan. Hindi mo maintindihan. Hindi mo nalalaman ang mga tao sa aming kasaysayan ng Israel. Siya at ang Kanyang mga kababalaghan ay nasa sa kanila. At ang lahat ay mangyayari katulad ng ito ay sinabi. Naniniwala ako nang abante na, Panginoon. Pinaniniwalaan ko ang lahat. Na Kayo ay ang Anak ng Diyos at ang Anak ng Birhen, na Kayo ay ang Kordero ng kaligtasan, na Kayo ay ang Kabanalbanalang Mesiyas, na Kayo ay ang pansansinukuban na Tagapagtubos at Hari, na ang Inyong Kaharian ay hindi magkakaroon ng katapusan o hangganan, at panghuli ang kamatayan ay hindi mangingibabaw sa Inyo, sapagkat ang buhay at kamatayan ay nilikha ng Diyos at napaiilaliman Niya katulad ng lahat ng iba pang mga bagay. Naniniwala ako. At kung malalim ang aking magiging kapighatian sa makikita Kayong binabale-wala at minamaliit, mas malaki ang aking magiging pananampalataya sa Inyong eternal na Pagiging Kayo. Naniniwala ako. Pinaniniwalaan ko ang lahat na sinabi tungkol sa Inyo. Pinaniniwalaan ko ang lahat na sinabi Ninyo. Naniwala din ako ng tungkol kay Lazarus, ako lamang ang tanging sumunod at naniwala, ang tanging isa na lumaban sa mga tao at sa mga sitwasyon na ginusto akong makumbinsi na huwag maniwala. Tanging sa katapusan lamang, patungo sa katapusan ng pagsubok, ako ay nalito... Ngunit ang pagsubok ay umabot nang napakatagal... at inakala ko na pati Kayo, pinagpalang Guro, ay hindi makakalapit sa sepulkro pagkaraan ng napakaraming araw mula sa kanyang pagkamatay... Ngayon... hindi na ako magdududa muli kahit na kung, sa halip na mga araw, ang isang sepulkro ay kailangan na buksan upang isauli ang biktima nito pagkatapos na ito ay mapunta sa loob nito nang maraming mga buwan. O! aking Panginoon! Kilala ko kung sino Kayo! Ang dumi ay nakilala ang Bituin!» si Maria ay naningkayad sa Kanyang paanan, sa marmol na sahig, hindi na nagngangalit, bagkus mapagpakumbaba, na may ekspresyon ng pagsamba sa kanyang mukhang nakatingala kay Jesus.

«Sino Ako?»

«Siya na Siya nga. Iyan kung ano Kayo. Ang is pang bahagi, ang pagkataong tao, ay ang damit, ang kinakailangan na damit na inilagay sa Inyong kaningningan at Inyong kabanalan, upang iyan ay sana makapunta sa pagitan namin upang iligtas kami. Ngunit Kayo ay Diyos, aking Diyos.» At itinapon niya ang kanyang sarili sa sahig hinahalikan ang mga paa ni Jesus, at tila hindi niya maalis ang kanyang mga labì sa mga daliri ng paa na nakausli mula sa mahabang linen na tunika.

«Tumayo ka, Maria. Laging kumapit nang maigi sa iyong pananampalataya. At itaas itong katulad ng isang tala sa mabagyong mga oras upang ang mga puso ay sana matitigan ito at umasa sana, iyan man lamang...»

Siya pagkatapos ay tumalikod sa lahat na mga babaeng disipulo at nagsabi:

«Pinatawag Ko kayo sapagkat sa loob ng mga susunod na araw hindi tayo maaaring magkita-kita nang madalas at mapayapa. Ang mundo ay mapapasa-paligid natin. At ang mga lihim ng mga puso ay magiging mas mahiyain kaysa sa mga lihim ng mga katawan. Ngayong araw Ako ay hindi ang Guro. Ako ay ang Kaibigan. Hindi lahat sa inyo ang may mga pag-asa o mga takot na sasabihin sa Akin. Ngunit lahat kayo ay ibig na makita Akong muli sa kapayapaan. At pinatawag Ko kayo, kayo na siyang ang pinakamabubuti ng Israel at ng bagong Kaharian, at kayo, pinakamabubuti ng mga Hentil, na mga iniiwan ang lugar ng kadiliman upang pasukin ang Buhay. Itago ito sa inyong mga puso para sa susunod na mga araw: na ang karangalan na binigay ninyo sa inuusig na Hari ng Israel, sa inakusahan na Inosente, sa Guro Na hindi pinakikinggan, ay nagpapagaan sa Aking kapighatian.

Hinihingi Ko sa inyo na maging lubos na nagkakaisa, kayo ng Israel, kayo na nagpunta sa Israel, kayo na pupunta sa Israel. Magtulungan sa isa’t isa.

Gawin na ang mas malalakas ang espiritu ay tulungan ang mas mahihina. At gawin na ang mas marurunong tulungan ang mas kakaunti ang nalalaman o wala man lamang nalalaman, at nananabik lamang para sa bagong karunungan, upang ang kanilang pagkataong mithiin ay sana maging isang sobrenatural na mithiin ng Katotohanan, sa pamamagitan ng pangangalaga ng kanilang mas naka-aabanteng mga kapatid. Maging maawain sa isa’t isa. Gawin na ang mga kapatid, na maporma sa katarungan gawa ng kanilang matagal na karanasan sa dibinong batas ay maging mapagbigay sa mga pinalaki sa ibang pamamaraan ng Hentilismo. Ang mga kaugaliang moral ay hindi kaagad mababago katulad ng sa pagitan ng ngayon at bukas bagkus sa namumukod na mga kaso, kapag ang dibinong kapangyarihan ay nakialam upang trabahuhin ang pagbabago upang mapaboran ang napakabuting kalooban. Huwag magtaka kung sa mga disipulo na nagmula sa ibang mga relihiyon ay mapuna ninyo ang mga pagtigil sa pag-unlad at mga pagbalik sa dating mga pamamaraan. Alalahanin ang asal ng Israel mismo sa Akin, at huwag asahan mula sa mga binibining Hentil ang kaamuan at birtud na hindi nagkaroon ang Israel at ayaw na magkaroon magpatungkol sa Akin. Tingnan ang inyong mga sarili na magkakapatid, magkakapatid na kinalap ng kapalaran sa paligid Ko, sa huling panahon ng Aking mortal na pamumuhay... Huwag umiyak! At kinalap kayo kinukuha kayo mula sa iba’t ibang mga lugar, kung kaya't ang iba’t ibang mga wika at mga kaugalian, na ginagawa kayong mahirap na magka-intindihan ayon sa pantaong pananaw. Ngunit, sa katotohanan, ang pag-ibig ay may iisang wika lamang, na siyang ito: ang gawin kung ano ang itinuturo ng minamahal at gawin ito upang bigyan siya ng parangal at lugod. Sa gayon kayong lahat ay magkakaintindihan at gawin na ang mas naka-iintindi ay tulungan ang iba na makaintindi.

Pagkatapos... sa hinaharap, sa loob ng mahigit kumulang na malayong hinaharap at sa ilalim na iba't ibang sirkunstansiya, kayo ay paghihiwa-hiwalayin muli sa mga rehiyon ng Lupa, at ang ilan ay babalik sa kanilang lupang tinubuan, at ang ilan ay pupunta sa pagkakatapon na hindi magiging mahirap na batahin, sapagkat ang mga daraan sa pagsubok ay narating ang perpeksiyon na iyon ng katotohanan, na sa pamamagitan nito maiintindihan nila na ang pagkakatapon mula sa tunay na Amangbayan ay wala sa kung ang isa ay nadala rito o doon. Sapagkat ang Langit ay ang totoong Amangbayan. Sapagkat ang mga nasa katotohanan ay nasa Diyos at nasa loob nila mismo ang Diyos. Sila ay nasa Kaharian na ng Diyos, at ang Kaharian ng Diyos ay walang mga hangganan, at ang mga dinala mula sa Herusalem, halimbawa, patungo sa Iberia, o sa Pannonia, o sa Gaul, o sa Illyria, ay hindi iniiwan ang Kaharian na iyan. Kayo ay laging nasa Kaharian kung lagi kayong mananatili kay Jesus, o kung kayo ay pumunta kay Jesus. Ako ay naparito upang pagsama-samahin ang lahat na tupa. Ang mga tupa ng paternal na kawan, ang mga tupa na kasama sa ibang mga sambayanan, at pati na rin ang mga tupa na walang pastol, ang mababangis na tupa, ang mga tupa na mas naliligaw kaysa mababangis, napalubog sa gayong kadiliman na hindi man lamang sila makakita kahit na isang munting tuldok, ng hindi lamang ng dibinong batas bagkus ng moral na batas din. Mga di-kilalang tao na naghihintay na makilala sa oras na itinalaga ng Diyos para diyan, na pagkatapos ay magiging bahagi ng kawan ng Kristo. Kailan? O! ang mga taon at mga kapanahunan ay magkakatulad kompara sa Eternal!

Ngunit pangungunahan ninyo ang mga maglalakad na kasama ang hinaharap na mga Pastol upang ipunin ang mga tupa at mga kordero sa Kristiyanong pagmamahal upang madala sila sa dibinong mga pastulan. Ang batang langay-langayan na itinataas ang mga pakpak nito upang lumipad ay hindi kaagad isinusubo ang sarili sa mga pakikipagsapalaran. Nagsusubok muna itong lumipad mula sa mga gilid ng alulod patungo sa mga baging na nagbibigay lilim sa terasa. Pagkatapos bumabalik ito sa pugad nito at lilipad muli patungo sa ibang terasa, at babalik. At pagkatapos sa mas malayo... hanggang sa maramdaman nito na ang mga ugat ng mga pakpak nito ay malakas na at ang pagtanda tungkol direksiyon ay ligtas na, pagkatapos ito ay makikipaglaro sa hangin at sa espasyo at ito ay paparoo’t parito humuhuni, nanghahabol ng mga insekto, hinahapawan ang mga tubig, tumataas patungo sa araw, hanggang na sa tamang oras ibubukas nito ang mga pakpak nito para sa paglipag nang matagal patungo sa mas maiinit na mga sona na mayaman sa bagong pagkain. At bagama't ito ay napakaliit, hindi ito natatakot na tawirin ang mga dagat, isang tuldok ng pinakintab na asero sa pagitan ng dalawang asul na mga dulo ng dagat at kalangitan, isang tuldok na walang-tigil ang pagkilos nang walang-takot, samantalang noong dati ito ay natatakot ng maikling paglipad mula sa mga gilid ng alulod patungo sa madahon na usbong ng baging, isang ninenerbiyos na perpektong katawan na humahati sa ere katulad ng isang palaso, at hindi malaman kung ang hangin ang mapagmahal na humahaplos sa maliit na hari ng ere, o ito ay ang maliit na hari ng ere na mapagmahal na siyang bumubutas sa mga nasasakupan nito. Nakikita ang ligtas na paglipad nito na sinasamantala nito ang mga hangin at ang kasiksikan ng atmospera upang makalipad nang mabilis, sino ang mag-iisip ng tungkol sa unang lampang papaga-pagaypay na natatakot na paglipad nito? Ganyan din ang mangyayari sa inyo. Gawin na iyan ang mangyari sa inyo. Sa inyo at sa lahat na mga kaluluwa na gagaya sa inyo. Ang isa ay hindi nagiging magaling nang bigla na lamang. Ang isa ay hindi dapat na mawalan ng lakas-ng-loob dahil sa unang mga pagkatalo, o maging mapagmalaki dahil sa unang mga pananagumpay. Ang unang mga pagkatalo ay nagsisilbi na maging mas magaling sa susunod na pagkakataon. Ang unang mga pananagumpay ay nagsisilbi bilang isang panundot upang maging mas magaling sa hinaharap at upang makumbinsi ang isa na tinutulungan ng Diyos ang mabubuting kalooban.

Laging magpailalim sa mga Pastol magpatungkol sa kung ano ang pagsunod sa kanilang payo at mga utos. Maging laging katulad ng mga kapatid na babae sa kanila magpatungkol sa kung ano ang tulong sa kanilang misyon at suporta sa kanilang gawain. Sabihan din ang mga wala ngayon dito. Sabihan ang mga darating sa hinaharap.

At ngayon at lagi maging katulad ng mga anak na babae sa Aking Ina. Gagabayan Niya kayo tungkol sa lahat na bagay. Magagabayan Niya ang mga bata-pang babae pati mga balo, mga asawa pati mga ina, dahil nalaman Niya ang lahat na konsekwensiya ng bawat katayuan sa pamamagitan ng Kanyang sariling karanasan sa pamamagitan din ng sobrenatural na karunungan. Magmahalan sa isa’t isa at mahalin Ako kay Maria. Hindi kayo kailanman babagsak dahil Siya ay ang Puno ng Buhay, ang buháy na Kaban ng Diyos, ang porma ng Diyos kung saan ang Karunungan ay gumawa ng luklukan Nito at ang Grasya ay naging Laman.

At ngayon na Ako ay nakapagsalita na sa inyo nang sa pangkalahatan, ngayon na nakita Ko na kayong lahat, gusto Kong makinig sa Aking mga babaeng disipulo at sa mga siyang pag-asa ng mga babaeng disipulo sa hinaharap. Lakad. Ako ay mananatili rito. Gawin ang gustong makipagusap sa Akin na lumapit sa Akin. Sapagkat hindi na muli tayo magkakaroon ng isang sandali ng kapayapaan ng kalooban katulad ng sa kasalukuyang pagkakataon.»

Ang mga babae ay nagkukunsultahan sa isa’t isa. Si Eliza ay lumabas kasama si Maria at si Maria ni Clopas. Si Maria ni Lazarus ay nakikinig kay Plautina na ibig na kumbinsihin siya tungkol sa isang bagay, ngunit si Maria ay tila hindi sumasang-ayon, dahil iniiling niya ang kanyang ulo nang may-katiyakan sa pagtanggi at pagkatapos umalis iniiwan ang kanyang kausap, at nang dumaraan kinuha niya ang kanyang kapatid at si Susanna nagsasabing: «Magkakaroon tayo ng panahon na makausap Siya. Pabayaan natin ang mga disipulong ito na kasama Siya, dahil kailangan nilang umalis.»

«Halika, Sarah. Tayo ang lalapit na huli» sabi ni Annaleah.

Lahat sila ay lumabas nang unti-unti maliban kay Maria Salome na nananatiling di-makapagpasya sa pintuan.

«Halika rito, Maria. Isara ang pinto at halika rito. Ano ang ikinatatakot mo?» sabi ni Jesus sa kanya.

«Ang katotohanan ay... na ako ay laging kasama Ninyo. Napakinggan ba Ninyo si Maria ni Lazarus?»

«Napakinggan Ko. Ngunit halika rito. Ikaw ay ang ina ng Aking unang mga disipulo. Ano ang gusto mong sabihin sa Akin?»

Ang babae ay nilalapitan Siya nang may kabagalan ng isang tao na may isang malaking bagay na hihingin at hindi malaman kung magagawa niya ito.

Si Jesus ay pinalalakas ang kanyang loob sa pamamagitan ng isang ngiti at nagsasabing: «Ano? Hihingi ka ba sa Akin ng ikatlong lugar para kay Zebedeo? Ngunit siya ay marunong. Tiyak na hindi ka niya pinadala para sabihin mo sa Akin iyan! Kung kaya't magsalita...»

«Ah! Panginoon! Ito ay tungkol lamang sa lugar na iyan na gusto ko Kayong makausap. Kayo... ay nagsasalita sa isang pamamaraan... Na tila Kayo ay iiwanan na Ninyo kami. At bago Ninyo gawin iyan gusto kong sabihin Ninyo sa akin na talagang pinatawad na Ninyo ako. Wala akong kapayapaan iniisip na nainis ko Kayo.»

«Hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa iyan? Hindi mo ba iniisip na minamahal kita katulad ng dati at mas mahigit kaysa sa dati.»

«O! oo, Panginoon. Ngunit sabihin Ninyo sa akin ang salita ng pagpapatawad, na sana masabi ko sa aking asawa kung gaano Kayo naging napakabuti sa akin.»

«Ngunit wala nang pangangailangan para sa iyo, babae, na sabihin ang isang pagkakamali na napatawad na.»

«Siyempre sasabihin ko sa kanya! Sapagkat, kita Ninyo? Si Zebedeo, nakikita kung gaano Ninyo minamahal ang kanyang mga anak, ay baka mahulog din sa parehong pagkakasala ng nagawa ko at... kung iwanan Ninyo kami, sino ang magpapatawad sa kanya? Gustong kong lahat kami ay makapasok sa Inyong Kaharian. Pati ang akin ding tao. At ako ay hindi sa palagay ko nagiging di-makatarungan sa paghiling na ito. Ako ay isang kaawa-awang babae at wala akong nalalaman tungkol sa mga aklat. Ngunit kapag ang Inyong Ina ay binabasa o sinasabi sa amin na mga babae ang mga pasahe ng mga Iskriptura, madalas Siyang nagsasalita tungkol sa piniling mga babae ng Israel o ng tungkol sa mga pasahe na kami ang tinutukoy. At sa mga Salawikain, na gustung-gusto ko, ito ay sinasabi na ang puso ng asawang lalaki ay may kompiyansa sa kanyang malakas na asawa. Sa palagay ko tama na ang isang babae ay kailangan na magbigay ng kompiyansa sa kanyang asawa, tungkol din sa selestiyal na mga bagay. Kung maikukuha ko siya ng isang ligtas na lugar sa Langit, pinipigilan siyang magkasala, sa palagay ko nakagagawa ako ng isang mabuting bagay.»

«Siyempre, Salome. Naibukas mo na ang iyong bunganga sa mga salita ng karunungan at ang batas ng kabutihan ay nasa iyong dila.  Humayo sa kapayapaan. Mahigit pa sa Aking pagpapatawad ang nasa iyo. Ang iyong mga anak, ayon sa aklat na labis mong gusto, ay ipuproklama kang pinagpala, at ang iyong asawa ay aawit ng iyong mga pagpuri sa Amangbayan ng makatarungan. Humayo nang mapanatag. Humayo sa kapayapaan. Maging masaya.» Pinagpapala Niya siya at pinahahayo.

Si Salome ay umalis na natutuwa.

Ang matandang si Anna ng bahay malapit sa Merom ay pumasok hawak sa kamay ang dalawang batang lalaki at isang mahiyain na maputlang maliit na batang babae na sumusunod sa kanya nang nakayuko, at kumikilos nang katulad ng isang maliit na ina na ginagabayan ang isang maliit na batang lalaki na halos hindi makapaglakad.

«O! Anna! Kung gayon gusto mo ring makipagusap sa Akin? At ang iyong asawa?»

«Siya ay may sakit, Panginoon. May sakit. Natatakot ako na hindi ko na siya ulit makikita...» mga luha ang dumaloy pababa sa kanyang  matanda-nang kulubot na mukha.

«At ikaw ay naririto?»

«Oo, naririto ako. Sinabi niya: “Hindi ako makakapunta. Maaari kang pumunta para sa Paskuwa at tingnan ang ating mga anak...» Ang kanyang pag-iyak ay lumalô at pinipigilan siya sa pagsasalita.

«Bakit ka umiiyak nang ganyan, babae? Tama ang iyong asawa sa pagsasabing: “Tiyakin na ang ating mga anak ay hindi kontra sa Kristo para sa kanilang eternal na kapayapaan”. Si Judas ay isang makatarungan na tao. Siya ay mas nag-aalala tungkol sa kabutihan ng kanyang mga anak kaysa ng kanyang sariling buhay at ang kaginhawahan na matatanggap nito mula sa iyong pangangalaga. Sa loob ng mga oras bago ang kamatayan ng makatarungan, ang mga belo ay itinataas at ang mga mata ng espiritu ay nakikita ang Katotohanan. Ngunit ang iyong mga anak ay hindi nakikinig sa iyo, babae. At ano ang magagawa Ko kung Ako ay kanilang tinatalikuran?»

«Huwag Ninyo silang kapootan, Panginoon!»

«Bakit Ko gagawin iyan? Magdarasal Ako para sa kanila. At ipapatong Ko ang Aking mga kamay sa mga batang ito, na mga inosente, upang mailayo sa kanila ang kapootan na pumapatay.  Halikayo sa Akin. Ano ang pangalan mo?»

«Judas, katulad ng ama ng aking ama» sabi ng pinakamalaking bata, at ang pinakamaliit, na hawak sa kamay ng kanyang kapatid na babae, ay lumukso at sumigaw: «Ako, ako, Judas!»

«Oo, pinarangalan nila ang kanilang ama nang nagbibigay ng mga pangalan sa kanilang mga anak. Ngunit hindi tungkol sa iba pang mga bagay...» sabi ng matandang babae.

«Ang kanyang mga birtud ay mabubuhay muli sa mga batang ito. Maliit na batang babae, halika rin dito. Maging kasing buti at dunong katulad ng babaeng nagdala sa iyo rito.»

«O! si Maria ay mabait. Sa dahilan na ayaw kong mag-isa, dadalhin ko siya sa Galilee kasama ko.»

Si Jesus ay pinagpapala ang mga bata pinananatiling nakapatong ang Kanyang kamay nang  matagal-tagal sa ulo ng maliit na batang babae na mabait. Pagkatapos nagtanong Siya: «Hindi ka ba humihingi ng kahit ano para sa iyong sarili, Anna?»

«Na sana matagpuan ko ang aking Judas na buháy at na magkaroon sana ako ng lakas na magsinungaling upang sabihin na ang kanyang mga anak...»

«Hindi. Huwag magsinungaling. Huwag kailanman. Ni kahit upang magawang mamatay sa kapayapaan ang isang namamatay na tao. Sasabihin mo kay Judas: “Sinabi ng Guro na pinagpapala ka Niya at kasama mo pinagpapala Niya ang iyong dugo”. Ang mga inosenteng mga batang ito ay iyo ring dugo at pinagpala Ko sila.»

«Ngunit kung kanyang itanong kung ang aming mga anak...»

«Sasabihin mo: “Ang Guro ay nagdasal para sa kanila”. Si Judas ay magpapahinga sa katiyakan na ang Aking panalangin ay makapangyarihan, at ang katotohanan ay masasabi nang hindi pinanghihina ang sinuman na namamatay. Sapagkat magdadasal din Ako para sa iyong mga anak. Makakahayo na rin kayo sa kapayapaan, Anna. Kailangan kayo aalis sa bayan?»

«Sa araw pagkatapos ng Sabbath, upang hindi mapatigil sa daan dahil sa Sabbath.»

«O sige. Natutuwa Ako na ikaw ay mapupuna rito pagkatapos ng Sabbath. Manatiling lubos na nakakaisa nina Eliza at Nike. Lakad. At maging malakas at tapat.»

Ang babae ay halos na sa pintuan na nang tinawag ulit siya ni Jesus nagsasabing: «Makinig. Matatagalan sa iyo ang maliliit na bata, hindi ba?»

«Sila ay laging kasama ko, habang ako ay nasa bayan.»

«Sa loob ng mga araw na ito, iwanan sila sa bahay, kung lalabas ka upang sundan Ako.»

«Bakit, Panginoon? Natatakot ba Kayo ng pang-uusig?»

«Oo. At mas mabuti na kung ang mga inosente ay hindi nakakarinig o nakakakita...»

«Ngunit... ano sa palagay Ninyo ang mangyayari?»

«Lakad, Anna. Lakad na.»

«Panginoon kung... kung gagawin sa Inyo ang mga sabi-sabi, ang aking mga anak ay tiyak... at pagkatapos ang bahay ay magiging mas malala pa kaysa sa kalye...»

«Huwag umiyak. Maglalaan ang Diyos. Ang kapayapaan ay sumaiyo.»

Ang matandang babae ay umalis umiiyak.

Sa loob ng kaunting sandali walang sinuman ang pumapasok; pagkatapos si Johanna at si Valeria ay pumasok nang sabay. Sila ay humahangos. Lalo na si Johanna. Yung isang babae ay maputla at siya ay nagbubuntung-hininga, ngunit siya ay malakas.

«Guro, si Anna ay natakot kami. Sinabi Ninyo sa kanya... O! ngunit iyan ay hindi totoo! Si Chuza ay maaaring di-makapagpasya, maaaring siya ay... tuso. Ngunit siya ay hindi isang sinungaling! Tiniyak niya sa akin na si Herodes ay walang intensiyon na saktan Kayo... Hindi ko alam ang tungkol kay Poncio...» at tinitingnan niya si Valeria na nananahimik. Pagkatapos siya ay nagpatuloy: «Ako ay umaasa na may maintindihan mula kay Plautina, ngunit wala akong maintindihan na labis...»

«Wala, ang dapat mong sabihin, maliban sa siya ay hindi nakaabante ng isang hakbang mula sa limit kung nasaan siya dati. Ni hindi rin siya nagsalita sa akin. Ngunit, kung hindi ako nagkakamali, ang kawalang-pakialam ng Roma, na laging napakalakas kapag ang isang pangyayari ay hindi makakaapekto sa kanilang Amangbayan o sa kanilang mga kaakuhan, ay masamang napamanhid ang mga na noong minsan ay gustung-gustong mahikayat mismo. Ang kanilang kawalang-pakialam, ang katamaran ng kanilang mga espiritu, napaka... ibang-iba na ngayon kompara ng sa akin, ay naihihiwalay kami, katulad ng isang bitak na naghihiwalay sa dalawang tigkal na dati iisa, mahigit pa sa katotohanan na nilapitan ko ang sinagoga. Sila ay masaya. Sila ay masaya sa kanilang pamamaraan... Ang pagkataong kaligayahan ay hindi nakakatulong na mapanatiling matalas ang isip ng isang tao.»

«At magísing ang espiritu, Valeria» sabi ni Jesus.

«Ganyan iyan, Guro. Ako... mayroon pang isang bagay... Nakita ba Ninyo ang isa pang babaeng iyon na kasama namin? Siya ay kasama sa aking pamilya. Siya ay isang balo at nalulungkot, at siya ay pinadala ng aking mga kamag-anak upang kumbinsihin ako na bumalik sa Italia. O! na maraming mga pangako ng hinaharap na mga katuwaan! Ito ay mga katuwaan na hindi ko na nakikita ang kahalagahan at kung gayon hindi ko na nakikita na mga katuwaan, at kinasusuklaman ko ito. Hindi ako pupunta sa Italia. Dito Kayo ay nasa akin, nasa akin ang aking maliit na anak na babae na Inyong nailigtas para sa akin, at naituro Ninyo sa akin na aking mamahalin para sa kanyang kaluluwa. Hindi ko iiwanan ang mga lugar na ito... Si Marcella... Isinama ko siya sa akin upang makita niya Kayo at maintindihan na hindi ako mananatili rito para sa isang kahiya-hiyang pagmamahal para sa isang Hebreo – ito ay kahiya-hiya para sa amin – bagkus sa Inyo nakatagpo ako ng kaginhawahan sa aking kapighatian ng isang hiniwalayan na asawa. Si Marcella ay hindi máyayamutín. Siya ay naghirap at naiintindihan niya. Ngunit hindi pa niya maintindihan ang aking bagong relihiyon. At kinagagalitan niya ako nang kaunti, sapagkat akala niya ang aking relihiyon ay isang guniguni.  Ito ay walang anuman. Kung gugustuhin niya, makakarating siya kung nasaan na ako ngayon. Kung hindi, maninirahan ako rito kasama si Tusnilde. Ako ay malaya. Ako ay mayaman. Magagawa ko kung ano ang gusto ko. At hindi gumagawa ng mali. Gagawin ko kung ano ang gusto ko.»

«At kapag ang Guro ay wala na rito?»

«Ang Kanyang mga disipulo ay mananatili. Sina Plautina, Lydia at kahit na si Claudia, na, pagkatapos ko, ay ang siyang sumusunod sa Inyong doktrina at mas nagpaparangal sa Inyo, ay hindi pa naiintindihan na hindi na ako ang babae na dating kilala nila at iniisip pa rin nila na kilala nila. Ngunit natitiyak ko na kilala ko na ang aking sarili ngayon. Kilalang-kilala ko na sasabihin ko na, kung mawawalan ako nang labis sa pagkawala ng Guro, hindi sa akin mawawala ang lahat, sapagkat ang pananampalataya ay mananatili. At ako ay mananatili kung saan ito pinanganak. Ayaw kong dalhin si Fausta kung saan walang nagsasalita ng tungkol sa Inyo. Dito... ang lahat ay nagsasalita ng tungkol sa Inyo, at tiyak na hindi Ninyo kami iiwanan na walang gumagabay sa amin, dahil nagpasya kaming sundan Kayo. Bakit kailangan na ako, ang Hentil, ay magkaroon ng ganyang mga kaisipan, habang ang marami sa inyo, at ikaw, din, ay nagmumukhang tila kayo ay nadidismaya iniisip ang araw kung kailan wala na sa atin ang Guro?»

«Sapagkat, Valeria, nasanay na sila sa loob ng napakahabang panahon sa walang-paggalaw. Akala nila ang Kataastaasan ay naroroon, sa Kanyang Bahay, sa itaas ng di-nakikitang altar, na tanging ang Mataas na Pari lamang ang nakakakita sa solemneng mga okasyon. Nakatulong iyan sa kanilang paglapit sa Akin.  Nakakalapit na rin sila sa wakas sa Panginoon. Ngunit ngayon kinakabahan silang isipin na mawawala na ang Kataastaasan sa Kanyang kaluwalhatian, o ang Salita ng Ama sa pagitan nila. Kinakailangan na maging mapagbigay... At itaas ang espiritu ng isa, Johanna. At Ako ay mapapasainyo. Tandaan iyan. Ako ay aalis. Ngunit hindi Ko kayo iiwanan na mga ulila. Mag-iiwan Ako ng isang bahay Ko: ang Aking Simbahan. Ang Aking salita: ang Ebanghelyo. Ang Aking pagmamahal ay maninirahan sa inyong mga puso. At panghuli iiwanan Ko kayo ng isang mas dakilang regalo na magpapalakas sa inyo sa pamamagitan Ko at magagawa Akong mapasapagitan ninyo at sa loob ninyo, hindi lamang sa espiritu. Gagawin Ko iyan upang mabigyan kayo ng kaginhawahan at lakas. Ngunit ngayon... si Anna ay labis na namimighati dahil sa mga bata...

«Nagsalita siya sa amin tungkol sa kanila nang namimighati...»

«Oo. Sinabi Ko sa kanya na ilayo sila sa mga pulutong. Iyan din ang sinasabi Ko sa iyo, Johanna, at sa iyo, Valeria.»

«Ipapadala ko si Fausta kasama si Tusnilde sa Bether bago ang itinakdang oras. Sila ay pupunta pagkatapos ng Kapistahan.»

«Hindi ako hihiwalay sa mga bata. Pananatilihin ko sila sa bahay. Sasabihan ko si Anna na papuntahin ang mga bata roon. Ang babaeng iyon ay may masasamang anak, ngunit mapararangalan sila ng aking paanyaya at hindi nila sasalungatin ang kanilang ina. At ako...»

«Gusto Kong...»

«Ano, Guro?»

«Gusto Kong kayo ay labis na nagkakaisa sa mga araw na ito. Pananatilihin Kong kasama Ko ang kapatid ng Aking Ina, si Salome at si Susanna at ang mga kapatid ni Lazarus. Ngunit gusto Ko kayong maging nagkakaisa, labis na nagkakaisa.»

«Ngunit hindi ba kami makakapunta kung nasaan Kayo?»

«Sa loob ng mga araw na ito Ako ay magiging katulad ng kidlat na kikislap nang maningning at mawawala. Ako ay aakyat sa Templo sa umaga at pagkatapos Ako ay lalabas ng bayan. Makikita lamang ninyo Ako tuwing umaga sa Templo.»

«Noong nakaraang taon Kayo ay nasa akin...»

«Ngayong taon hindi Ako titigil sa kahit kaninong bahay. Ako ay magiging katulad ng kidlat na dumaraan...»

«Ngunit ang Paskuwa...»

«Gusto Kong kanin ito kasama ang Aking mga apostol, Johanna. Kung iyan ang gusto ng iyong Guro, tiyak na gusto Niya iyan para sa isang makatarungan na rason.»

«Iyan ay totoo... Kung gayon ako ay mag-iisa... Sapagkat ang aking mga kapatid na lalaki ay nagsabi sa akin na gusto nilang maging libre sa loob ng mga araw na ito, at si Chuza...»

«Guro, aalis na ako. Umuulan na. Pupuntahan ko ang mga bata dahil naririnig ko silang nagsama-sama sa ilalim ng balkonahe» sabi ni Valeria at siya ay mahinahong umalis.

«May malakas din na pag-ulan sa loob ng iyong puso, Johanna.»

«Iyan ay totoo, Guro. Si Chuza ay napaka... kakaiba. Hindi ko na siya maintindihan. Isang patuloy na kontradiksyon. Baka may mga kaibigan siya na nakaka-impluwensiya sa kanyang isip... o baka siya ay tinakot... o natatakot siya para sa kanyang kinabukasan.»

«Hindi lamang siyang mag-isa. Hindi, bagkus, sasabihin Ko ang ilan, na malungkot at nakakalat dito at doon ay ang mga na, katulad Ko, hindi natatakot para sa kanilang kinabukasan at sila ay paunti nang paunti. Maging napakabait at mapagtiis sa kanya. Siya ay isang tao lamang...»

«Ngunit siya ay tumanggap nang labis mula sa Diyos, mula sa Inyo, na siya ay kailangan na...»

«Kailangan niya! Oo. Ngunit sino ang hindi tumanggap mula sa akin sa Israel? Natulungan Ko ang mga kaibigan at mga kaaway, Ako ay nagpatawad, nagpagaling, nagpaginhawa, nagturo... Makikita mo, at mas maliwanag mo pang makikita kung gaano ang Diyos hindi nagbabago, gaano kaiba ang mga reaksiyon ng mga tao, at gaano kadalas na siya na tumanggap ng mas marami ay ang pinaka may gustong siyang humampas sa kanyang may-kaloob. Totoo ngang masasabi na siya na bumahagi sa Aking tinapay kasama Ko ay nagtaas ng kanyang paa sa Akin.»

«Hindi ko gagawin iyan, Guro.»

«Hindi mo gagawin. Ngunit marami ang iyan ang gagawin.»

«Ang akin bang asawa ay baka isa sa kanila? Kung isa siya, hindi ako babalik sa aking bahay ngayong gabi.»

«Hindi. Hindi siya kasama sa mga ito, ngayong gabi. Ngunit kahit na kung siya ay isa sa kanila, ang iyong lugar ay doon. Sapagkat kung siya ay nagkakasala, ikaw ay hindi dapat na magkasala. Kung siya ay nag-aalinlangan, kailangan mo siyang suportahan. Kung ikaw ay kanyang tapakan, kailangan na patawarin mo siya.»

«O! tapakan ako, hindi! Minamahal niya ako. Ngunit gusto ko siyang maging mas disidido. Maiimpluwensyahan niya si Herodes nang labis. Gusto ko siyang makapigá ng isang pangako mula sa Tetrarka sa pabor Ninyo. Katulad na si Claudia ay pinipigá ito mula kay Pilato. Ngunit nagawa lamang ni Chuza na madalhan ako ng walang-katiyakan na mga salita mula kay Herodes... at ang matiyak sa akin na si Herodes ay walang ibang gusto mula sa Inyo bagkus ang makita Kayong gumagawa ng ilang mga himala at na Kayo ay hindi niya uusigin... Umaasa siya kung gayon na mapatahimik ang pangungutya ng kanyang konsiyensya para kay Juan. Sabi ni Chuza: “Ang aking hari ay laging sinasabi: ‘Kahit na kung ako ay utusan ng Langit, hindi ako magtataas ng kamay, natatakot ako nang husto’!”.

«Nagsasalita siya ng katotohanan. Hindi niya itataas ang kanyang kamay laban sa Akin. Marami sa Israel ang hindi iyan gagawin, sapagkat marami ang natatakot na Ako ay kanilang isumpa sa materyal na pananaw. Ngunit sasabihin nila sa ibang mga tao na gawin ito. Na tila sa ilalim ng mga mata ng Diyos ay may kaibahan sa pagitan niya na humahampas, naudyukan ng kalooban ng mga tao, at niya na ginagawa ang isa na siyang humampas.»

«O! ngunit ang mga tao ay minamahal Kayo! Dakilang mga selebrasyon ang inihahanda para sa Inyo. At si Pilato ay ayaw ang mga kaguluhan. Dinagdagan niya ang mga tropa sa mga araw na ito. Labis akong umaasa na... hindi ko malaman kung ano ang aking inaasahan, Panginoon.  Umaasa ako at nawawalan ako ng pag-asa. Ang aking mga naiisip ay pabagu-bago katulad ng panahon sa mga araw na ito, na ang pagsikat ng araw at ang pag-ulan ay nagpapalit=palitan...»

«Magdasal, Johanna, at maging mapayapa. Laging tandaan na hindi mo kailanman napamighati ang iyong Guro at na iyan ay naaalaala Niya., Lakad.»

Si Johanna, na naging maputla at payat sa loob ng mga huling araw na ito, ay umalis na nag-iisip.

At ang magiliw na mukha ni Annaleah ay lumitaw.

«Pasok ka. Nasaan ang iyong kasamahan?»

«Nasa loob doon, Panginoon. Gusto niyang umalis, paalis na sila. Naintindihan ni Martha ang aking hinihiling at pananatilihin niya ako rito hanggang sa paglubog ng araw bukas na gabi. Si Sarah ay uuwi na, upang ipahatid na ako ay titigil dito. Gusto niya ang Inyong pagpapalà sapagkat... Ngunit mamaya ko na sasabihin sa Inyo.»

«Gawin siyang pumasok. Pagpapalain Ko siya.»

Ang dalaga ay lumabas at bumalik kasama ang kanyang kasamahan, na pinagpatirapa ang sarili sa harapan ni Jesus.

«Kapayapaan sa iyo at harinawang dalhin ka ng Panginoon sa daan kung saan dinala Niya ang batang ito na nauna na sa iyo. Maging madamdamin sa kanyang ina at pagpalain ang Langit na iniiwas ka sa pagkakatali at sa mga kapighatian upang ikaw ay mapasa-Kanya nang lubos. Lakad.»

Ang dalaga ay umalis na lubos na naaantig.

«Nasabi Ninyo sa kanya kung ano ang inaasahan niyang marinig. Ang mga salitang iyon ay ang kanyang panaginip. Laging sinasabi ni Sarah: “Gusto ko ang kinahinatnan mo, bagama't ito ay labis na hindi kilala sa Israel. Gusto ko rin iyan. Sa dahilan na wala na ang aking ama, at ang aking ina ay kasing tamis ng isang kalapati, hindi ako natatakot na hindi ko masundan ito. Ngunit upang mapangyari ito at upang ito ay sana maging banal para sa akin, katulad na ito ay para sa iyo, gusto kong marinig ito mula sa Kanyang mga labì”. Ngayon nasabi na Ninyo sa kanya. At ako ay may kapayapaan na rin. Sapagkat kung minsan natatakot ako na ako ay  baka nakapang-ingganyo ng isang puso...»

«Mula pa kailan mo siyang nakasama?»

«Mula pa noong... Nang ang utos ng Sanhedrin ay dumating sinabi ko sa aking sarili: “Ang oras ng Guro ay dumating na, at kailangang ihanda ko ang aking sarili na mamatay”. Sapagkat hiningi ko sa Inyo, Panginoon... Ngayon pinaaalalahanan ko Kayo... Kung Kayo ay pupunta sa Sakripisyo, I, biktima, isama Ninyo.»

«Matatag ka bang iyan pa rin ang gusto mo?»

«Oo, Guro. Hindi ako mabubuhay sa isang mundo kung saan wala Kayo... at hindi ko matatagalan ang pagpapahirap sa Inyo. Ako ay labis na natatakot para sa Inyo! Marami sa pagitan namin ang niloloko ang kanilang mga sarili... Hindi ako! Sa pakiramdam ko ang oras ay dumating na. Ang kapootan ay napakalakas... At umaasa ako na tatanggapin Ninyo ang aking handog. Mayroon lamang ako bagkus ang aking buhay na maibibigay sa Inyo, sapagkat ako ay mahirap, katulad ng nalalaman Ninyo. Ang aking buhay at ang aking kadalisayan. Iyan kung bakit kinumbinsi ko ang aking ina na ipatawag ang kanyang kapatid na babae. Na sana siya ay hindi mag-iisa... Si Sarah ay magiging isang anak na babae niya sa lugar ko, at ang ina ni Sarah ay pagiginhawahan siya. Huwag Ninyong biguin ang aking puso, Panginoon! Ang mundo ay walang atraksiyon sa akin. Ito ay katulad ng isang kulungan. Kung saan maraming bagay ang teribleng nakapagpapasuka sa akin. Ito ay baka dahil ang isang napapunta na sa pintuan ng kamatayan ay nakaintindi na kung ano ang kaluguran para sa maraming mga tao ay bagkus kawalang-laman na hindi nakapagpapakontento. Tiyak na wala akong gusto bagkus sakripisyo... at ang mauna sa Inyo... na sana hindi ko makita ang kapootan ng mundo na ginagamit sa aking Panginoon katulad ng isang armas ng pagpapahirap, at upang makatulad Kayo sa kapighatian...»

«Kung gayon ihihiga natin ang pinutol na liryo sa Altar kung saan ang Kordero ay isinakripisyo. At ito ay magiging pula sa Dugo ng panunubos. At tanging ang mga anghel lamang ang makaaalam na ang Pag-ibig ay ang taga-sakripisyo ng ganap na maputing babaeng –kordero, at imamarka nila ang pangalan ng unang biktima ng Pag-ibig, ng unang tagapagpatuloy ng Kristo.»

«Kailan, Panginoon?»

«Panatilihin na nakahanda ang iyong lampara at isuot ang iyong damit pangkasal. Ang Nobyo ay nasa pintuan. Makikita mo ang Kanyang tagumpay, ngunit hindi ang Kanyang kamatayan, ngunit mananagumpay kang kasama Niya pinapasok ang Kanyang Kaharian.»

«Ah! Ako ang pinakamasayang babae sa Israel! Ako ay isang reyna may korona ng Inyong girnalda! Bilang ganito, maaari ba akong humiling ng isang grasya Ninyo?»

«Alin?»

«May minahal akong isang lalaki, katulad ng nalalaman Ninyo. hindi ko na siya minamahal bilang aking esposo, sapagkat ang isa pang mas dakilang pagmamahal ay nakuha ako, at hindi na niya ako minamahal sapagkat... Ngunit ayaw kong maalaala ang kanyang nakaraan. Hinihiling ko sa Inyo na tubusin ang pusong iyon. Maaari ko bang hilingin? Hindi isang kasalanan, habang ako ay nasa pamasukan ng Buhay, na maalaala siya na aking minahal, upang bigyan siya ng eternal na Buhay, hindi ba?»

«Hindi iyan isang kasalanan. Iyan ay upang dalhin ang pagmamahal sa banal na katapusan ng sakripisyo para sa ikabubuti ng minamahal.»

«Pagpalain ako, kung gayon, Guro. Absulbihan ako ng tungkol sa lahat ng aking mga kasalanan. Ihanda ako para sa kasalan at para sa Inyong pagdating. Sapagkat Kayo ito Na darating, aking Diyos, upang dalhin ang Inyong abang lingkod at gawin siyang Inyong nobya.»

Ang dalaga sumisinag sa lugod at kalusugan, ay yumuko upang halikan ang mga paa ng Guro habang pinagpapala Niya siya, nagdarasal sa itaas niya. At ang bulwagan, kasing puti na tila ito ay nilagyan lahat ng dekorasyon ng mga liryo, ay totoong ang karapat-dapat na kapaligiran para sa ritwal na ito, at bumabagay nang maganda sa mga protagonista, na bata pa, maganda, nakadamit ng puti, nagniningning sa anghelikal at dibinong pagmamahal.

Si Jesus ay iniwan ang babae roon, buong pag-iisip na nasa kanyang kaluguran, at lumabas nang tahimik upang puntahan at pagpalain ang mga bata, na mga nagsisigawan sa tuwa sa pagmamadali patungo sa bagon at sumakay dito nang masasaya, kasama ang mga babae na aalis. Si Eliza at si Nike ay nanatili upang ibalik sa bayan si Annaleah sa susunod na araw. Ang ulan ay tumigil na at ang kalangitan, kung saan kanina ay may nakakalat na mga ulap, ay pinakikita ngayon ang malinaw na asul nito, at ang sinag ay bumababa upang pakislapin ang mga patak ng ulan. Ang isang magandang bahaghari ay nakakurba mula Bethany sa itaas ng Herusalem. Ang bagon ay umaalis lumalangitngit at lumabas sa geyt. Ito ay nawala sa paningin.

Si Lazarus, na malapit kay Jesus, sa dulo ng balkonahe, ay nagtanong: «Nabigyan ba Kayo ng lugod ng mga babae?» at kanyang tinitingnan ang Guro.

«Hindi, Lazarus. Lahat sila, maliban sa isa, ay ibinigay sa Akin ang kanilang mga kapighatian at ilan din na mga kabiguan, kung malilinlang Ko ang Aking Sarili.»

«Ang mga binibining Romano, ang ibig Ninyong sabihin, ang nagpalungkot sa Inyo? Nagsalita ba sila sa Inyo tungkol kay Pilato?»

«Hindi, hindi sila nagsalita.»

«Kung gayon kailan kong magsalita. Umaasa ako na sila ay magsasalita sa Inyo tungkol sa kanya.  Iyan kung bakit ako naghintay. Tayo na sa nangungulilang silid na ito. Ang mga babae ay umalis kasama si Martha upang gawin ang kanilang gawain. Si Maria, sa halip, ay kasama ang Inyong Ina, sa kabilang bahay. Ang tagal ng Inyong Ina kasama si Judas, at ngayon isinama Niya siya... Maupo, Guro... Kagagaling ko pa lamang sa Prokonsul... Ako ay nangako at ginawa ko ito. Ngunit si Simon ni Jonas ay hindi masyadong kontento tungkol sa aking misyon!... Mabuti na lamang, si Simon ay hindi na iniisip ang tungkol dito. Ang Prokonsul ay pinakinggan ako at siya ay tumugon nagsasabing: Ako? Kailangan ko Siyang asikasuhin? Wala ako ni kahit pinakamalayo at pinakamaliit na intensiyon na gawin iyan! Sasabihin ko lang ito: na hindi dahil sa Tao-Diyos, na Guro bagkus dahil sa lahat na problema na nakukuha ko dahil sa Kanya, matatag na ipinasya ko na hindi na ako makikialam pa tungkol sa Kanya, para sa mabuti o sa masama man. Hinuhugasan ko ang aking mga kamay nito. Dadagdagan ko ang guwardiya sapagkat ayaw ko ng mga istorbo. Mabibigyan ko ng kasiyahan kung gayon ang Caesar, ang aking asawa at ang aking sarili. Ibig sabihin, ang tanging mga tao na aking sagradong pinangangalagaan. At ang tungkol sa iba pa hindi ako magtataas ng kahit isang daliri. Ang mga pag-aaway ng mga taong ito na hindi nabibigyan ng kasiyahan magpakailanman. Nililikha nila ito, kinalulugdan nila ito. Ang tungkol sa Tao, hindi ko Siya pinapansin bilang isang tagagawa ng masama, hindi ko Siya pinapansin bilang isang mabirtud na tao, at hindi ko Siya pinapansin bilang isang marunong na tao. At gusto ko Siyang huwag pansinin. At ipagpatuloy ang hindi pagpansin sa Kanya. Sa kasamaang-palad, bagama't ayaw ko Siyang pansinin, nahihirapan akong gawin ito, sapagkat ang mga lider ng Israel ay nagsasalita sa akin ng tungkol sa kanilang mga reklamo tungkol sa Kanya. , si Claudia tungkol sa kanyang mga pagpuri, ang mga tagasunod ng Galilean tungkol sa kanilang mga akusasyon laban sa Sanhedrin. Kung hindi lang kay Claudia, naipaaresto ko na sana Siya at naiabot ko na sana Siya sa kanila upang matapos na nila ang usapan at kami ay hindi na makakarinig pa ng tungkol dito. Ang Tao ay ang pinakamapayapang nasasakupan sa buong Imperyo. Ngunit sa kabila ng lahat na iyan, nabigyan Niya ako ng labis na problema na gusto ko ng isang sulusyon... Na may ganyang katatawanan, Guro...»

«Ang ibig mong sabihin na tayo ay hindi maaaring maging ligtas. Ang isa ay hindi kailanman ligtas sa mga tao...»

«Ngunit ako ay nasabihan na ang Sanhedrin ay mas kalmante. Hindi nila ulit pinatawag ang pangkat ng mga sundalo, ang mga disipulo ay hindi na ulit niyayamot. Ang mga pumunta sa bayan ay babalik at malalaman natin... Lagi nila Kayong sasalungatin. Gagawa ba sila ng aksiyon?... Ang mga pulutong ay minamahal Kayo nang labis na sila ay hamunin nang walang-kahinahunan.»

«Tayo ba ay pupunta sa daan, patungo sa mga bumabalik?» mungkahi ni Jesus.

«Tayo na.»

Sila ay lumabas patungo sa hardin at sila ay nasa kalahatian na ng daan nang si Lazarus ay nagtanong: «Ngunit kailan Kayo nagkaroon ng makakain? At saan?»

«Noong unang oras.»

«Ngunit ngayon ay paglubog na ng araw. Tayo ay bumalik.»

«Hindi. Hindi sa palagay Ko iyan kinakailangan. Mas gusto Kong pumunta. Nakakakita Ako ng isang kaawa-awang bata sa banda roon, kumakapit sa geyt. Baka siya ay nagugutom. Ang kanyang damit ay sira na at siya ay maputla. Kanina Ko pa siya pinagmamasdan. Siya ay naroroon na nang ang bagon ay umalis., at siya ay tumakbo upang hindi makita at baka pinalayas. Pagkatapos siya ay bumalik at nakatingin sa atin nang mapilit at sa bahay.»

«Kung siya ay nagugutom mas mabuti pang lumakad ako at kumuha ng ilang pagkain. Magpatuloy Kayo, Guro. Sasamahan ko Kayo kaagad» at si Lazarus ay tumakbong pabalik habang is Jesus ay binibilisan ang Kanyang paglakad patungo sa geyt.

Ang batang lalaki, isang masasakiting-tingnan na lisya-sa-hugis ang mukha, kung saan tanging ang mga mata lamang ang nagniningning nang maganda at buháy, ay tinitingnan Siya.

Si Jesus ay ngumingiti sa kanya at habang inaalis ang panara ng geyt sinabi Niya sa kanya nang may-kabaitan: «Sino ang hinahanap mo, bata?»

«Kayo ba ang Panginoong Jesus?»

«Ako nga.»

«Hinahanap ko Kayo.»

«Sino ang nagpadala sa iyo?»

«Wala. Ngunit gusto kong makausap Kayo. Maraming tao ang pumupunta upang kausapin Kayo. Ako ay nagpunta rin. Pinasasaya Ninyo ang maraming tao. Ako rin.»

Si Jesus ay naitaas na ang panara at tinatanong Niya ang bata na alisin ang kanyang maninipis na kamay sa mga baras, upang maibukas sana Niya ang geyt. Ang bata ay tumabi at sa pagtabi, habang gumagalaw ang kanyang kupas na damit sa kanyang wala-sa-pormang katawan, makikita ng isa na siya ay isang kaawa-awang pagiwang-giwang na bata, na ang kanyang ulo nakalubog sa kanyang mga balikat dahil sa pag-usli ng isang kakubaan, at ang kanyang di-mapanatiling mga paa magkalayo. Isang tunay na kaawa-awang sawing-palad. Siya ay maaaring mas matanda kaysa sa maiisip ng isa tinitingnan ang kanyang taas, na taas ng isang bata na mga anim na taong gulang, habang ang kanyang mukha ay isa nang pagmumukha ng isang mamâ, na medyo luyloy, na may nakausling babâ, halos mukha ng isang matandang lalaki.

Si Jesus ay yumuko upang haplusin siya at nagsabi: «Kung gayon sabihin mo sa Akin kung ano ang gusto mo. Ako ay iyong kaibigan. Ako ang kaibigan ng lahat na mga bata.» Gaanong may pagmamahal na kabaitan na kinukuha ng Kanyang mga kamay ang nangayayat na mukha at hinahalikan ang kanyang noo!

«Alam ko. Iyan kung bakit ako pumunta. Kita Ninyo kung papaano ako? Gusto kong mamatay upang hindi na maghirap muli. At hindi na muli mapunta sa kung sinuman... Sa dahilan na pinagagaling Ninyo ang napakaraming mga tao at binabangon mula sa kamatayan, gawin akong mamatay, dahil walang nagmamahal sa akin at hindi naman ako kailanman nakakapagtrabaho.»

«Wala ka bang mga kamag-anak? Ikaw ba ay isang ulila?»

«Mayroon akong ama. Ngunit hindi niya ako minamahal, sapagkat ako ay ganito. Inayawan niya ang aking ina, binigyan niya siya ng kasulatan ng diborsiyo, at pinalayas niya ako kasama siya, at ang aking ina ay namatay. Iyon ay kagagawan ko, sapagkat ako ay sirang-sira ang porma.»

«Ngunit kanino ka tumutuloy?»

«Nang mamatay ang aking ina ang mga katulong ay ibinalik ako sa aking ama. Ngunit nag-asawa siyang muli at nagkaroon ng magagandang anak, at pinalayas niya ako. Binigay niya ako sa ilan sa kanyang mga magbubukid. Ngunit ginagawa nila kung ano ang ginagawa ng kanilang panginoon, upang sila ay lumakas sa kanya... at ginagawa nila akong maghirap.»

«Hinahagupit ka ba nila?»

«Hindi. Ngunit mas inaalagaan pa nila ang mga hayop kaysa sa akin, at tinutuya nila ako, at sa dahilan na ako ay madalas may sakit, nagsawa sila sa akin. Ang aking hitsura ay pasama nang pasama ang porma, at ang kanilang mga anak ay tinutuya ako at ginagawa nila akong bumagsak. Walang nagmamahal sa akin. At noong nakaraang taglamig, nang nagkaroon ako ng masamang pag-ubo at nangailangan ako ng gamot, at aking ama ay ayaw na gumasta ng pera at nagsabi na ang tanging mabuting gawin lamang ay ang ako ay mamatay. Mula noon ako ay naghihintay na para sa Inyo upang sabihin sa Inyo: “Gawin Ninyo akong mamatay”.»

Si Jesus ay kinakarga siya, hindi pinakikinggan ang mga salita ng bata na nagsasabi: «Ang aking mga paa ay maputik at gayon din ang aking tunika, sapagkat naupo ako sa daan. Marurumihan ko ang Inyong mga damit.»

«Nanggaling ka ba sa malayo?»

«Mula sa malapit sa bayan, sapagkat ang tao na tumitingin sa akin ay nakatira doon. Nakita ko ang Inyong mga apostol na dumaraan. Alam ko na sila iyon, sapagkat ang mga magbubukid ay nagsabi: “Naririto ang mga disipulo ng Galilean na Rabbi. Ngunit Siya ay hindi nila kasama”. At ako ay pumunta rito.»

«Ikaw ay basa, Aking bata. Kaawa-awang bata! Magkakasakit ka muli.»

«Kung hindi Ninyo ako pakikinggan, sana ang sakit man lamang ay magawa akong mamatay! Saan Ninyo ako dinadala?»

«Sa loob ng bahay. Hindi ka makapananatili rito nang ganyan.»

Si Jesus ay bumabalik sa hardin kasama ang sira-ang-porma na bata sa mga bisig Niya at sumigaw Siya kay Lazarus, na dumarating: «Isara ang geyt, pakiusap. Karga Ko ang maliit na batang ito, na basang-basa.»

«Ngunit sino siya, Guro?»

«Hindi Ko alam. Ni hindi Ko alam ang kanyang pangalan.»

«Ni hindi ko sasabihin sa Inyo. Ayaw kong makilala. Gusto ko ang sinabi ko sa Inyo. Ang aking ina ay madalas sabihin sa akin: “Anak, aking kaawa-awang anak. Ako ay namamatay na, ngunit sana mamatay kang kasama ko, sapagkat sa susunod na mundo hindi ka na magiging masyadong sira ang porma upang maghirap sa iyong mga buto at sa iyong puso. Ang mga pinanganak na kaawa-awang sawing-palad ay walang nanunuyang mga pangalan doon. Sapagkat ang Diyos ay mabuti sa inosente at di-masasayang tao”. Maaari ba Ninyo akong ipadala sa Diyos?»

«Ang bata ay gustong mamatay. Ito ay isang malungkot na kasaysayan...»

Si Lazarus, na nakatitig sa maliit na bata, ay nagsabi nang bigla na lamang: «Ngunit hindi ba’t ikaw ay ang anak ng anak ni Nahum? Hindi ba’t ikaw ang bata na laging nakaupo sa ilalim ng araw malapit sa puno ng sycamore na nasa dulo ng mga punong-olibo ni Nahum, at siyang ipinagkatiwala sa kanyang magbubukid na si Josiah?»

«Oo, ako. Ngunit bakit ninyo sinabi?»

«Kaawa-awang bata! Hindi upang pagtawanan ka. Maniwala sa akin, Guro, ang kapalaran ng isang aso sa Israel ay hindi napakalungkot kompara sa kapalaran ng batang ito. Kung hindi siya bumalik sa bahay mula kung saan siya nanggaling walang maghahanap para sa kanya. Ang mga katulong ay katulad ng kanilang mga panginoon. Mga walang-pusong mga tao. Alam na alam ni Jose ang kuwento. Ito ay nakagawa ng pagkagulo. Ngunit noong mga panahon na iyon ako ay abalang-abala tungkol kay Maria... Ngunit noong namatay ang di-masayang asawa at ang batang ito ay napunta kay Josiah, madalas ko siyang makita kapag dumaraan ako... Siya ay pinabayaan sa sahig ng giikan isa ilalim ng araw o ng hangin, sapagkat nagsimula siyang maglakad nang huling-huli na... at laging napakakaunti. Hindi ko alam kung papaano siya nakarating nang napakalayo ngayon. Hindi ko alam kung gaano siya katagal sa daan!»

Mula nang si Pedro ay dumaan doon.»

«At ngayon? Ano ang gagawin natin?»

«Hindi ako babalik sa bahay. Gusto kong mamatay, ang makalayo. Grasya at awa sa akin, Panginoon!»

Sila ay pumasok sa bahay at si Lazarus ay tinatawag ang isang katulong at sinasabi sa kanya na magdala ng isang blanket at sabihan si Naomi na asikasuhin ang bata, na kulay-asul na sa ginaw sa kanyang basang mga damit.

«Ang anak ng isa sa Inyong pinakamatinding mga kaaway! Isa sa pinakamasama sa Israel. Ilan taon ka na, bata?»

«Sampung taon.»

«Sampu! Sampung taon ng kapighatian!»

«At iyan ay tama na!» sabi ni Jesus sa isang malakas na tinig binababa ang bata.

Siya ay totoong nawala sa porma! Ang kanyang kanang balikat ay mas mataas kaysa sa kanyang kaliwa, ang kanyang dibdib ay umuusli nang labis, at kanyang manipis na leeg ay nakalubog sa pagitan ng kanyang nakataas na mga buto sa puno ng leeg, ang kanyang mga nakakurbang palabas na mga paa mula sa baywang!...

Si Jesus ay tinitingnan siyang nahahabag habang hinuhubaran siya ni Naomi at pinatutuyo siya bago siya balutin ng isang mainit na blanket. Si Lazarus ay tinitingnan din siya nang awang-awa.

«Ilalagay ko siya sa aking kama, Panginoon, pagkatapos na mabigyan ko siya ng mainit na gatas» sabi ni Naomi.

«Ngunit hindi ba Ninyo ako gagawin na mamatay? Maawa sa akin? Bakit pabayaan akong mabuhay na maging ganito at maghirap nang labis?» at naghihinuha siya: “Ako ay umaasa sa Inyo, Panginoon.» May paninisi at kabiguan sa kanyang tinig.

«Maging mabait. Maging masunurin, at ang Langit ay pagiginhawahan ka» sabi ni Jesus at yumuyuko Siya upang haplusin siyang muli, magiliw na hinihimas ng Kanyang kamay ang kanyang kaawa-awang wala-sa-pormang katawan.

«Dalhin siya sa kama at bantayan siya. Pagkatapos... makikita natin.»

Ang bata ay inaalis habang siya ay umiiyak.

«At sila ang mga tao na akala nila sila ay mga banal!» bulalas ni Lazarus iniisip si Nahum...

Si Pedro ay napakinggan tinatawag ang kanyang Guro...

«O! Guro! Naririto ba Kayo? Ang lahat ay maayos. Walang problema. O! sa kabaligtaran labis na kakalmahan. Walang sinuman ang nangambala sa amin sa Templo. Si Juan ay nakatanggap ng mabuting balita. Ang mga disipulo ay pinabayaan sa kapayapaan. Ang mga tao ay naghihintay para sa Inyo nang masasaya. Ako ay natutuwa. At ano ang Inyong nagawa, Guro?»

Umalis silang magkakasama nagsasalita, habang si Lazarus ay pumupunta kung saan tinatawag siya ni Maximinus.

130612


Sunod na kabanata