582. Ang Sabbath Bago ang Pagpasok sa Herusalem. Ang Parabula Tungkol sa Dalawang Lampara at ang Parabula Inukol sa Himala kay Shalem.

Marso 26, 1947.

Ang panahon ay lumiwanag pagkaraan ng nakaraang mga basang araw at ang isang matingkad na araw ay sumisinag sa napakaliwanag na kalangitan. Ang lupa, nalinisan ng mga pag-ulan, ay kasing linis ng atmospera. Ito ay sariwang-sariwa at malinis na tila ito ay kalilikha pa lamang mga ilang oras pa lamang ang nakararaan. Ang lahat ay maningning at ang lahat ay umaawit sa maliwanag na umaga.

Si Jesus ay naglalakad nang dahan-dahan sa tabi ng pinakamalayong mga landas sa hardin. Tanging isang kakaibang hardinero lamang ang nagbabantay sa nangungulilang paglalakad sa kaagahang mga oras ng umaga. Ngunit walang sinuman ang nanggagambala sa Guro. Sa kabaligtaran sila ay umaalis nang walang-ingay upang mapabayaan Siyang nag-iisa. Higit pa rito ito ay araw ng Sabbath, ang araw ng pagpapahinga, at ang mga hardinero ay hindi nagtatrabaho. Ngunit sa pamamagitan ng kinaugalian na kasing tagal na katulad ng kanilang pamumuhay, sila ay nasa labas tinitingnan ang mga tanim, mga bahay-pukyutan, mga bulaklak, para kung saan ay walang Sabbath, at ang mga ito ay nangangamoy, lumalagaslas at humuhugong sa ilalim ng sikat ng araw at sa loob ng ihip ng hangin ng Abril.

Pagkatapos ang hardin ay unti-unting naging abalá. Ang unang lumitaw ay ang mga katulong na ang kaninong mga trabaho ay sa loob ng bahay, pagkatapos ang mga katulong na babae, pagkatapos ang mga apostol at ang mga babaeng disipulo, at si Lazarus ang huli. Si Jesus ay sinamahan sila binabati sila sa pamamagitan ng Kanyang pangkaraniwang pagbati.

«Gaano katagal na Kayong naririto, Guro?» tanong ni Lazarus, hinahawi ng kanyang kamay ang ilang mga patak ng hamog mula sa buhok ni Jesus.

«Mula bukang-liwayway. Ang iyong mga ibon ay tinawag Ako upang papurihan ang Diyos. At lumabas Ako rito. Ang pagnilayan ang Diyos sa kagandahan ng Sangnilikha ay ang parangalan Siya at ang manalangin na may isang naantig na espiritu. At ang Lupa ay maganda. At sa maaagang oras na ito ng araw, noong isang araw katulad ng isang ito, lumilitaw ito sa atin na kasing luntian katulad ng mga unang araw ng pagkakalikha nito.»

«Tunay na Paskuwang panahon. At ito ay mas gumanda. Ito ay tatagal sapagkat lumiwanag ito sa loob ng unang pagbabago ng buwan na may magandang hangin» sabi ni Pedro.

«Natutuwa akong mapakinggan iyan. Ang Paskuwa na may ulan ay malungkot.»

«Mas malala pa, ito ay makasasama sa mga produkto. Ang mga butil ay nangangailangan ng sikat ng araw, ngayon na ang pag-ani ay lumalapit na» sabi ni Bartolomeo.

«Masaya akong naririto sa kapayapaan. Ito ay ang Sabbath at walang kahit sino ang darating. Wala tayong makakasámang estranghero» sabi ni Andres.

«Nagkakamali ka. May isang panauhin, isang bata-pang panauhin. Siya ay natutulog pa, Guro. Ang isang malambot na kama at isang punóng tiyan ay pinatutulog siya nang matagal. Pumasok ako upang tingnan siya. Si Naomi ay binabantayan siya» sabi ni Lazarus.

«Ngunit siya? Kailan siya dumating? Sino ang nagdala sa kanya? Sapagkat kayo ay nagsasalita na tila ito ay isang bata» nagtatanong kapwa ang mga lalaki at mga babae.

«Ito ay isang batang lalaki. Isang kaawa-awang batang lalaki. Ang kanyang pamimighati ay nadala siya rito. Siya ay nandoon sa banda roon, nakakapit sa mga baras ng geyt at nakatingin sa bahay. At ang Guro ay dinala siya sa loob.»

«Wala kaming nalalaman tungkol dito... Bakit?»

«Sapagkat ang bata ay nangangailangan ng kapayapaan» tugon ni Jesus, at ang Kanyang hitsura ay napapunta sa malalim na pag-iisip habang Siya ay naghihinuha: «At sa loob ng bahay ni Lazarus nalalaman nila kung papaano manahimik.»

Ang isang katulong ay dumating upang sabihin kay Martha ang kung anong bagay at pagkatapos umalis, ngunit bumalik ulit may kasamang iba pang mga katulong may dalang mga trey na may mga galong ng gatas, mga tasa, at tinapay na may mantikilya at pulot. Nagkusa ang lahat na maupo sa mga upuan na nakakalat dito at doon.

Pagkatapos gusto na uli nila na mag-umpuk-umpukan sa paligid ng Guro at hinihingi sa Kanya sa magkuwento Siya ng isang parabula, «isang magandang parabula» sabi nila «kasing payapa katulad ng araw na ito ng Nisan.»

«Hindi Ko kayo bibigyan ng isa, bagkus dalawa. Makinig.

Ang isang lalaki ay nagpasya isang araw na magsindi ng dalawang lampara upang parangalan ang Panginoon sa isang kapistahang araw. Kung kaya't kumuha siya ng dalawang plorera na magkapareho ang laki, naglagay siya sa bawat isa ng magkaparehong dami at kalidad ng langis, magkaparehong mitsa, at sinindihan niya sila nang magkasabay, upang sila ay sana magdasal habang siya ay nagtatrabaho, katulad na siya ay pinahihintulutan. Pagkaraan ng ilang oras siya ay bumalik at nakita niya na ang isang lampara ay umaapoy nang matingkad, samantalang ang isa ay may napakaliit na apoy lamang, na halos hindi makapagbigay ng liwanag sa sulok kung saan ang dalawang lampara ay umaapoy. Naisip ng lalaki na baka ang mitsa ang may diperensiya. Iniksamin  niya ito. Hindi, ang mitsa ay walang problema. Ngunit hindi ito magningas nang kasing sayá katulad ng isang lampara, na ang ningas ay pumapagaypay katulad ng isang dila at tila bumubulong ng mga salita, napakasaya nito, at nagniningas ito nang bigay-na-bigay na ito ay mayroon pa ngang isang aliw-iw. “Ang lamparang ito ay tunay na inaawit ang mga papuri sa Kataastaasang Panginoon!” sinabi niya sa kanyang sarili. “Samantalang ang isang ito! Tingnan mo ito, kaluluwa ko! Tila nahihirapan itong magpuri sa Panginoon, dahil napakaliit ang kasigasigan nito sa pagpupuri!” at bumalik siya sa kanyang trabaho.

Bumalik siya muli pagkaraan nang matagal-tagal. Ang ningas ng isa ay tumaas pa, at ang isa ay mas lumiit pa at mas nagniningas nang tahimik at walang galaw, habang mas nanginginig ang isa sa katingkaran. Bumalik siya ulit sa ikalawang beses. Ganoon pa rin ang sitwasyon. Sa ikatlong beses, ganoon pa rin. Ngunit noong siya ay bumalik sa ikaapat na beses, nakita niya ang silid na puno ng maitim na masamang-amoy na usok, at tanging ang maliit na apoy na lamang ang maaaninag sa makapal na usok. Pinuntahan niya ang patungan na kinalalagyan ng mga lampara, at napuna niya na ang isa na dati nagniningas nang napakaliwanag ay ganap nang naubusan ng langis at umitim na, at napaitim din ng ningas nito ang puting pader. Ang isa, sa halip, ay nagpapatuloy sa pagpaparangal sa Panginoon sa pamamagitan ng di-nagbabagong liwanag nito. Reremedyuhan na sana niya ang problema nang ang isang tinig ay narinig malapit sa kanya: “Pabayaan ang mga bagay kung ano sila. Bagkus pagnilayan sila, dahil sila ay isang simbolo. Ako ang Panginoon”. At ang lalaki ay pinagpatirapa ang sarili sa sahig at na may malaking takot naglakas-loob siyang magsabi: “Ako ay tanga. Ipaliwanag sa akin, o Karunungan, ang simbolo ng mga lampara, kung saan ang isang tila mas aktibo sa pagpaparangal sa Inyo ay siyang nakagawa ng kapinsalaan, samantalang ang isa ay nagpursige sa pagbibigay ng liwanag”.

«Oo, gagawin Ko. Ang mga puso ng mga tao ay katulad ng dalawang lamparang iyon. May mga tao na ang ningas sa simula ay matingkad at hinahangaan ng mga tao, sapagkat ang kanilang ningas ay tila perpekto at di-nagbabago. At may mga tao na ang kaninong mga liwanag ay banayad, hindi nakakakuha ng atensiyon ng sinuman at sila ay tila maligamgam sa pagpaparangal sa Panginoon. Ngunit pagkatapos ng una o pangalawang pagningas, o sa ikatlo, sa pagitan ng ikatlo at ng ikaapat na pagningas nakakagawa sila ng pinsala at pagkatapos ang apoy ay mawawala, na may kapinsalaan pa, sapagkat ang kanilang liwanag ay hindi maaasahan. Gusto nilang magningning pa alang-alang sa mga tao hindi alang-alang sa Panginoon, at ang kanilang pagmamalaki ay tinutupok sila sa loob ng napakaikling panahon, sa gitna ng makapal na usok na nagpapalabo din sa ere. Ang iba ay may iisang di-nagbabagong kalooban lamang: ang parangalan ang Diyos; at nang hindi pinapansin kung ang mga tao ay pinararangalan sila, inuubos nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng isang matagal na malinis na ningas, walang usok at amoy. Gayahin ang di-nagbabagong liwanag, sapagkat iyan lamang ang isang kinagigiliwan ng Panginoon”.

Ang lalaki ay itinaas ang kanyang ulo... Ang ere ay napadalisay na sa usok at ang tala ng tapat na lampara ay ngayon nagniningning nang nag-iisa, dalisay, di-nagbabago, nagpaparangal sa Diyos, ginagawa ang metal ng lampara na magningning na tila ito ay purong ginto. At tinitingnan niya itong nagniningning, walang paandap-andap kailanman, sa loob ng maraming mga oras at maraming oras pa, hanggang sa may-kagiliwan, walang usok o amoy, hindi narurumihan ang sarili, ang apoy ay nawala sa isang iglap at tila ito tumataas patungo sa kalangitan upang manirahan doon kasama ang mga bituin, pagkatapos na may-karapatan niyang maparangalan ang Panginoon hanggang sa pinakahuling sandali ng buhay nito.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na marami ang mga nagniningas sa simula at nakakakuha ng paghanga ng mundo na ang nakikita lamang nito ay ang pangibabaw ng mga aksiyon ng mga tao, at pagkatapos mawawala sila bilang natupok ng apoy at nanghahawa ng kanilang maasim na usok. At sasabihin Ko sa inyong totoo na ang kanilang pagningas ay hindi pinapanood ng Diyos, sapagkat nakikita Niya itong nagniningas nang mapagmalaki para sa mga pakay na pantao. Pinagpala ang marurunong gumaya sa ikalawang lampara at hindi natutupok ng apoy, bagkus tumataas sa Langit hanggang sa huling pagtibok ng kanilang di-nagbabagong pagmamahal.»

«Anong kakaibang parabula! Ngunit totoo! Maganda! Gusto ko iyan! Gusto kong malaman kung tayo ang mga lampara na tumataas sa Langit.» Ang mga apostol ay nagpapalitan ng kanilang mga nararamdaman.,

Si Judas ay nakakita ng pagkakataon na makakagat. At ang kanyang nangangagat na mga salita ay nakatuon kay Maria ng Magdala at kay Juan ni Zebedeo: «Mag-ingat, Maria, at ikaw, Juan. Kayo ang lumalagablab na mga lampara sa pagitan natin... Wala sanang kasamaan ang dumating sa inyo!»

Si Maria ng Magdala ay sasagot na sana sa kanya ngunit kinagat niya ang kanyang mga labì upang hindi masabi ang mga salitang tumaas mula sa kanyang puso. Tinitingnan niya si Judas. Tinitingnan niya lamang siya. Ngunit ang kanyang panlilisik ay gayon na lamang na si Judas ay tumigil sa pagtawa at pagtitig kay Maria.

Si Juan, na ang kaninong puso ay mapagpakumbaba ngunit umaapoy sa pagmamahal, ay may-kabaitan na nagsabi: «At maaaring mangyari iyan, kung titingnan kung gaano ako kawalang kakayahan. Ngunit umaasa ako sa tulong ng Panginoon, at umaasa ako na tatagal akong magniningas hanggang sa huling patak ng langis at hanggang sa huling sandali upang maparangalan ang Panginoong ating Diyos.»

«At ang isa pang parabula? Nangako Kayo ng dalawa» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Naririto ang Aking pangalawang parabula. Ito ay malapit nang dumating...» at itinuturo Niya ang pintuan ng bahay, kung saan ang kurtina na nakatakip dito ay pauguy-ugoy sa hangin, at pagkatapos hinawi ng isang kamay ng isang katulong upang papasukin ang matandang si Naomi. Siya ay nagmadali sa paanan ni Jesus nagsasabing: «Ngunit ang batang lalaki ay magaling na! Hindi na sira ang porma ng kanyang katawan! Pinagaling Ninyo siya noong gabi. Siya ay nagising at inihahanda ko ang pampaligo upang mapaliguan siya bago isuot sa kanya ang tunika at ang damit na aking tinahi noong gabi ginagamit ang pinaglumaang ni Lazarus. Ngunit noong sinabi ko sa kanya: “Halika, bata” at inalis ko ang mga blanket, nakita ko na ang kanyang maliit na katawan, masyadong wala sa porma kahapon, ay hindi na ganito. At ako ay sumigaw. Si Sarah at si Marcella ay nagmadaling pumasok, ngunit ni hindi nila alam na ang bata ay natutulog sa aking kama at iniwan ko sila doon, at tumakbo ako rito upang sabihin sa Inyo...»

Ang pag-usyoso ng lahat ay napukaw. Mga tanong, pananabik na may makita. Si Jesus ay pinakakalma ang pagbubulungan sa pamamagitan ng isang senyas. Sinabi Niya kay Naomi: «Balikan mo ang bata. Hugasan siya, damtan at dalhin siya rito sa Akin.»

Pagkatapos Kanyang kinakausap ang mga disipulo:

«Naririto ang ikalawang parabula, at ito ay matatawag: “Ang totoong hustisya ay hindi naghihiganti at hindi gumagawa ng pagkakaiba-iba”.  Ang isang tao, hindi, bagkus, ang Tao, ang Anak ng tao, ay may mga kaibigan at mga kaaway. Kakaunting mga kaibigan, maraming mga kaaway. At alam Niya ang kapootan ng Kanyang mga kaaway, at nalalaman ang kanilang iniisip at mga kalooban, na hindi mag-aalinlangan na gumawa ng kahit anong hakbang, gaano man ito nakakatakot. At ang tungkol diyan sila ay mas malalakas kaysa sa Kanyang mga kaibigan, kung kanino ang pagkadismaya o kabiguan, o kalabisan ng kompiyansa, ay nagiging isang panggibang troso na dumudurog sa kanilang muog. Ang Anak ng tao na may maraming mga kaaway at sinisisi para sa maraming mga bagay na hindi totoo, kahapon ay nakatagpo ng isang kaawa-awang bata, at pinaka nangungulila sa lahat na mga bata, ang anak ng isa sa Kanyang mga kaaway. At ang bata ay sira ang porma ng katawan at pilay at humiling ng isang kakaibang grasya: ang mamatay. Ang lahat ay humihingi ng mga karangalan at lugod, kalusugan at buhay, sa Anak ng tao. Ang kaawa-awang batang ito ay humihingi na mamatay upang hindi na muling maghirap. Naranasan na niya ang lahat na mga kapighatian ng laman at ng puso, sapagkat ang taong naging ama niya, at napopoot sa Akin nang walang kahit anong dahilan, ay kinapopootan din ang di-masayang kaawa-awang sawing-palad na kanyang anak. At pinagaling Ko siya upang hindi na sana siya maghirap, at bilang karagdagan sa pisikal na kalusugan marating sana niya ang espirituwal na kaligtasan. Ang kanya ring mura pang kaluluwa ay may sakit. Ang kapootan ng kanyang ama at ang panunuya ng mga tao ay nasugatan ito at napagkaitan ito ng pagmamahal. Naiwanan lamang siya ng pananampalataya sa Langit lamang at sa Anak ng tao at hinihingi niya sa kanila na siya ay mamatay. Naririto siya. Ngayon mapapakinggan ninyo siyang magsalita.»

Ang bata, maayos at malinis sa kanyang bagong puting delanang tunika na ginawang madali ni Naomi para sa kanya noong gabi, ay lumalapit hawak sa kamay ng matandang yaya. Siya ay maliit, bagama't, hindi na baluktot at pilay, mas matangkad siyang tingnan kaysa kahapon. Ang kanyang mukha ay iregular at medyo luyloy, tipiko sa isang bata na napaaga ang pag-edad gawa ng kapighatian. Ngunit siya ay hindi na wala-sa-porma. Ang kanyang walang-saplot na mga paa ay nakakapaglakad nang matatag nang wala nang patigil-tigil na kilos na makikita sa may-pílay na mga tao, at ang kanyang mga balikat, bagama't payat na payat, ay tuwid. Ang kanyang balingkinitan na leeg ay nangingibabaw sa mga ito at nagmumukhang mahaba kompara kahapon, noong ito ay nakalubog sa pagitan ng di-magkaparehong mga balagat.

«Ngunit... ngunit ito ay ang anak ni Annas ni Nahum! Anong isang pag-aksaya ng himala! Sa palagay ba Ninyo sa paggawa niyan magiging kaibigan Ninyo ang kanyang ama at si Nahum? Magagawa Ninyo silang mas maramdamin! Sapagkat gusto lang nilang makita na mamatay ang batang ito, ang resulta ng walang-suwerteng kasalan» bulalas ni Judas ng Kerioth.

«Hindi Ako gumagawa ng mga himala upang magkaroon ng mga kaibigan, bagkus dala ng awa sa mga tao at upang maparangalan ang Aking Ama. Hindi Ako kailanman gumagawa ng mga pagkakaiba-iba o mga kalkulasyon kapag kinaaawaan Ko ang mga paghihirap ng tao. Hindi Ko ipinaghihiganti ang Aking Sarili sa mga nang-uusig sa Akin...»

«Si Nahum ay titingnan ang Inyong ginawa na isang paghihiganti.»

«Wala Akong nalalaman tungkol sa batang ito. Ni hindi Ko alam ang kanyang pangalan.»

«Tinatawag nila siyang Mathusala o Mathusalem dala ng panunuya.»

«Ang aking ina ay tinawag akong Shalem. Minahal niya ako. Siya ay hindi masama katulad mo at katulad ng mga napopoot sa akin» sabi ng bata, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa liwanag ng pinipigilang galit na mayroon ang mga tao at mga hayop kapag sila ay napahirapan nang napakatagal.

«Halika rito, Shalem. Dito sa Akin. Masaya ka ba na ikaw ay napagaling na?»

«Oo... ngunit mas gusto kong mamatay. Hindi pa rin ako mamahalin. Mas maganda sana kung ang aking ina ay buhay pa. Ngunit kahit ganyan!... ako ay laging magiging di-masaya.»

«Tama siya. Nasalubong namin ang batang ito kahapon. Tinanong niya kami kung Kayo ay nasa Bethany, sa bahay ni Lazarus. Gusto namin siyang bigyan ng ilang limos, sapagkat akala namin siya ay isang pulubi. Ngunit ayaw niya kahit anong limos. Siya ay nasa gilid ng isang bukid...» sabi ng Zealot.

«Hindi rin ba ninyo siya kilala? Iyan ay nakapagtataka» sabi ni Judas ng Kerioth.

«Mas nakapagtataka pa nga na alam na alam mo ang ganyang mga bagay. Nakakalimutan mo ba na nasa pagitan ako na mga inuusig na tao at pagkatapos ng mga ketongin, hanggang sumama ako sa Guro?»

«At nakakalimutan mo ba na ako ay isang kaibigan ng kaibigan ni Nahum, na siyang katiwala ni Annas? Hindi ko kailanman itinago iyan sa inyo.»

«Bueno! Bueno! Iyan ay hindi bale. Ang mahalaga ay ang malaman kung ano ang ating gagawin sa batang ito. Ang kanyang ama ay hindi siya minamahal, iyan ay totoo. Ngunit siya ay lagi nang may karapatan sa kanya. Hindi natin makukuha ang kanyang anak sa kanya, kung gayon, nang hindi siya sinasabihan. Dapat mag-ingat tayo at huwag silang mabalisa, dahil sila ay tila mas maganda ang pakikitungo sa atin» sabi ni Natanael.

Si Judas ay napatawa nang mapanuya, ngunit hindi pinaliliwanag ang kanyang pagtawa.

Si Jesus, Na nailagay ang bata sa pagitan ng Kanyang mga tuhod, ay nagsabi nang dahan-dahan: «Haharapin Ko si Nahum... Ako ay hindi kapopootan nang mas lalo dahil dito. Ang kanyang poot ay hindi maaaring lumaki. Iyan ay hindi posible. Iyan ay kumpleto na.»

Si Annaleah, na hindi kailanman nagsalita, lubos na nasa kanyang mga naiisip na nagpapasaya sa kanya, ay nagsabi: «Kung nanatili ako rito, nagustuhan ko sanang makasama siya. Ako ay bata pa, ngunit mayroon akong puso ng isang ina...»

«Ikaw ba ay aalis? Kailan?» tanong ng mga babae.

«Malapit na.»

«Nang permanente? At saan ka pupunta? Sa labas ng Judaea?»

«Oo. Malayo. Napakalayo. Nang permanente. At masayang-masaya ako.»

«Ang ibang mga babae ay magagawa kung ano ang hindi Ninyo magagawa, kung ibigay siya ng kanyang ama sa amin.»

«Sasabihin ko kay Nahum, kung iyan ang gusto ninyo. Siya ang taong kailangan na masabihan. Higit pa sa ama ng bata. Sasabihin ko sa kanya bukas» nangangako si Judas ng Kerioth.

«Kung ngayon ay hindi ang Sabbath... mapupuntahan ang Josiah na iyon kung kanino ipinagkatiwala» sabi ni Andres.

«Upang tingnan kung sila ay nalulungkot na siya ay nawala?» tanong ni Mateo.

«Sa palagay ko mas mababalisa sila kung ang isa sa kanilang mga pukyutan ay mawala...» bulong ni Maximinus sa pagitan ng kanyang mga ngipin na nakalapit na sa kanila nang matagal-tagal.

Ang bata ay hindi nagsasalita. Siya ay kumakapit kay Jesus pinag-aaralan ang mga mukha sa paligid niya sa pamamagitan ng matatalas na mga mata na madalas makikita sa mga taong masasakitin at sa mga taong namuhay nang mamiserable. Tila pinag-aaralan niya ang mga kaluluwa sa halip na mga mukha, at nang si Pedro ay natanong sa kanya: «Ano kami sa iyong palagay?» ang bata ay tumugon sa paglagay ng kanyang kamay kay Pedro nagsasabing: «Ikaw ay mabuti», pagkatapos itinatama niya: «Kayong lahat ay mabuti. Ngunit... sana hindi ako nakilala. Natatakot ako...» at kanyang tinitingnan si Judas ng Kerioth.

«Ikaw ay natatakot sa akin, hindi ba? Na baka ako magsalita sa iyong ama?  Tiyak na kailangan kong magsalita, kung hihingin ko sa kanya na pabayaan ka sa amin. Ngunit hindi ka niya kukunin!»

«Alam ko. Ngunit iyan ay ibang bagay... Gusto kong mapalayo, malayung-malayo, kung saan pupunta ang babaeng iyan... Sa bayan ng aking ina. May isang asul na dagat doon napaliligiran ng ganap na berdeng mga bundok. Makikita ito ng isa sa ibaba, na maraming puting mga panlayag na lumilipad dito at magagandang bayan sa paligid. At sa mga bundok ay maraming gruta kung saan ang ligaw na mga pukyutan ay gumagawa ng napakatamis na pulot. Matagal na akong hindi nakakakain ng kahit anong pulot mula noong mamatay ang aking ina at ipinagkatiwala ako kay Josiah. Sina Felipe, Jose, Eliza at iba pang mga bata ay nakakakain. Ngunit hindi ako. Kung kanila lamang itinatago ang plorera ng pulot sa lugar na maaabot ko nakapagnakaw sana ako, dahil takaw na takaw na akong makakain ng kaunti. Ngunit itinatago nila iyon sa mas matataas na mga patungan, at hindi ako makaakyat sa mga mesa, katulad ng nagagawa ni Felipe. Gustung-gusto ko nang makakain ng ilang pulot!»

«O! kaawa-awang bata! Lalakad ako at dadalhan kita ng hangga't sa gusto mo!» sabi ni Martha, lubos na naaantig, at siya ay tumakbong umalis.

«Ngunit saan nanggaling ang kanyang ina?» tanong ni Pedro.

«Siya ay may mga bahay at lupa malapit sa Saphet. Ang nag-iisang anak na babae, ulila at tagapagmana, matanda na, pangit at medyo pilay. Ngunit napakayaman. Sa pamamagitan ng tulong ng matandang Sadoc, na siyang umaktong tagapamagitan, ang anak ng minamahal na Annas ay nakuha siyang mapakasal... Isang kontrata ng totoong hindi magandang kasunduan, lahat kalkulasyon, walang pagmamahalan. Pagkatapos na maipagbili ang ari-arian ng kanyang asawa, nagsasabing napakalayo niyon dito, maliban sa isang maliit na bahay na dating pag-aari ng katiwala, na tinanggap nito bilang regalo mula sa dating may-ari para sa kanyang sarili at sa kanyang mga eredero hanggang sa ikaapat na henerasyon, nilustay niya ang lahat na pera sa walang-suwerte mga pakikipagsapalaran. Ngunit... hindi ko pinaniniwalaan iyan. Sapagkat alam ko na may pag-aari siya ng magagandang lupa malapit sa baybayin... at dati siya ay wala nito... Pagkatapos, pagkaraan ng ilang mga taon ng buhay may-asawa, nang ang babae ay hindi na masyadong malakas, ang batang ito ay pinanganak... at ito ay ginawang dahilan upang mapalayas ang babae at mag-asawa ng iba mula sa kapatagan ng Sharon, bata-pa, maganda at mayaman. Ang hiniwalayan na babae ay nanilungan sa lumang bahay ng katiwala at namatay doon. Hindi ko alam kung bakit ang batang ito ay hindi kinupkop. Ang akala ng ama siya ay patay na» paliwanag ng Iskariote.

«Sapagkat si Juan at si Maria ay patay na, at ang kanilang mga anak ay nagtrabaho sa ibang lugar bilang mga katulong. At sino ang magkukupkop sa akin, kung ako ay hindi nila anak at hindi ako makakapagtrabaho? Ngunit sina Michael at Isaac ay mabubuti, at si Esther at Judith din. At sila ay mababait. Kapag dumarating sila para sa mga kapistahan, dinadalhan nila ako ng mga regalo, ngunit kinukuha ito ni Josiah upang ibigay sa kanyang mga anak.»

«Ngunit ayaw nila sa iyo» tugon ni Judas.

«Ngayon na ako ay tuwid na at malakas gugustuhin nila ako. Sila ay mga katulong! Katulad ng sinabi nila, hindi nila masabi sa kanilang panginoon: “Kunin ninyo ang may-sakit na pilay na ito”. Ngunit ngayon masasabi nila.»

«Ngunit kung ikaw ay lumayas kay Josiah, papaano ka nila makikita?» sabi ni Bartolomeo upang mag-isip siya.

Ang bata ay nagulat ng makatarungan na winika at siya ay nag-iisip, sapagkat ang kanyang naging sakit ay maagang nagawa siyang adulto sa isip, katulad na ang kanyang mukha ay napaagang naging adulto, at nagsabi si nang pinanghihinaan ng loob: «Iyan ay totoo. Hindi ko naisip iyan.»

«Bumalik ka doon. Sila ay darating sa susunod na mga araw...»

«Doon? Hindi. Hindi ako babalik doon. Ayaw kong bumalik doon. Mas gugustuhin ko pang patayin ko ang aking sarili!» Siya ay pinanginginig ng isang mabangis na galit, pagkatapos ibagsak niya ang kanyang sarili sa mga tuhod ni Jesus umiiyak at nagsabi: «Bakit hindi Ninyo ako pinabayaan na mamatay?»

Si Martha na pabalik pa lamang na may dalang isang plorera ng pulot, ay nagulat sa labis na kapanglawan, at si Bartolomeo ay nalulungkot  na siya ang nagdala nito at siya ay humihingi ng paumanhin: «Akala ko nagbibigay ako ng isang magandang payo. Mabuti para sa lahat. Para sa bata, para sa Inyo, Guro, para kay Lazarus... Wala sa inyo, at wala sa atin, ang nangangailangan ng bagong kapootan...»

«Iyan ay totoo! Isang tunay na problema!» bulalas ni Pedro, at iniisip ang kaso, gumawa siya ng kanyang sariling kongklusyon, nagtatapos sa kanyang kilalang malambot na sipol, na nagpapakita ng kanyang pág-iisíp sa harapan ng isang mahirap na malalang mga problema na kailangang mabigyan ng sulusyon.

Ang ilan ay gumagawa ng ganitong mungkahi, at ang iba iyon. Ang pumunta kay Nahum. Ang pumunta kay Josiah at sabihin sa kanya na ipadala sina Michael at si Isaac kay Lazarus, o sa saan mang lugar, saan man mapunta ang bata, sapagkat tama na si Lazarus ay huwag kapootan, nang higit pa sa siya ay kinapopootan na gawa ng kanyang pagkakaibigan kay Jesus.

Si Judas ng Kerioth ay hindi nagsasalita. Hindi, bagkus, tila hindi siya interesado sa pinag-uusapan. Pinaglalaruan niya ang mga palawit ng kanyang tunika, sinusuklay at kinukusot sila ng kanyang mga daliri.

Si Jesus ay hindi rin nagsasalita. Pinakakalma at hinahaplos Niya ang bata at tinataas Niya ang kanyang ulo inilalagay ang plorera ng pulot sa mga kamay ng bata.

Si Shalem ay isang batang lalaki, isang kaawa-awang bata na laging naghirap, ngunit siya ay laging isang bata, kahit na kung ang kapighatian ay pinatanda siya kaagad, at noong makita ang gayong dami ng pulot, ang kanyang huling mga luha ay naging nagtatalik-sa-galak na kasiyahan. Itinataas ang kanyang mga mata, ang kanyang tanging kagandahan, napaka kulay-kape, malalaki at matatalino katulad nila, at pasalit-salit ang tingin kina Jesus at Martha, siya ay nagtanong: «Ilan ang maaari kong kainin? Isa sa mga kutsarang ito o dalawa?» at tinuturo niya ang bilugang platang kutsara na kanyang dahan-dahan na nilulubog sa nagkukulay-gintong pulot.

«Hanggang sa gusto mo, aking bata. Hanggang sa gusto mo. Kakainin mo ang matitira saka na, bukas. Lahat na iyan ay sa iyo!» sabi ni Martha hinahaplos siya.

«Lahat sa akin!!! O! Hindi pa ako nagkaroon ng labis na pulot! Lahat sa akin! O!» At kanyang magiliw na dinidiin ang plorera sa kanyang dibdib, na tila ito ay isang tagong-kayamanan.

Ngunit pagkatapos kanyang nabatid na kaysa sa plorera, ang pagmamahal na siyang nagbigay nito ang mahalaga, at ipinatong niya ang maliit na plorera sa mga tuhod ni Jesus at itinaas niya ang kanyang mga kamay dahil gusto niyang yakapin ang leeg ni Martha, na nakayuko na sa kanya, at halikan siya. Iyon lamang ang lahat na maibibigay ng kanyang pagpapasalamat, isang kaawa-awang sawing-palad, na walang maibibigay na iba.

Ang iba ay tumigil sa paggawa ng mga plano upang panuurin ang eksena. At si Pedro ay nagsabi: «Ang bata ay mas di-masaya kaysa kay Marjiam, na mayroon man lamang ng pagmamahal ng kanyang lolo at ng iba pang mga magbubukid! Totoo na laging may mas mabigat pang kapighatian kaysa sa mga kapighatian na ating tinitingnan na napakabigat!»

«Oo. Ang kalaliman ng kapighatian ng tao ay hindi pa natataruk. Gaano karaming lihim pa ang itinatago nito... At gaano karami pa ang itatago nito sa hinaharap na mga panahon?» sabi ni Bartolomeo?» sabi ni Bartolomeo nag-iisip.

«Kung gayon wala kang pananampalataya sa Ebanghelyo! Hindi mo ba iniisip na mababago nito ang mundo? Iyan ay sinabi ng mga propeta. At inuulit ito ng Guro. Ikaw ay hindi naniniwala, Bartolomeo» sabi ng Iskariote na may kaunting halo ng panunuya.

Ang Zealot ang tumugon sa kanya: «Hindi ko makita kung ano ang nilalaman ng di-paniniwala ni Bartolomeo. Ang doktrina ng Guro ay magbibigay aliw sa lahat ng kasawiang-palad, babaguhin pa nga nito ang kalupitan ng mga kaugalian at mga kinasanayan, ngunit hindi nito maalis ang kapighatian. Gagawin ito nito na makakayanan sa pamamagitan ng dibinong mga pangako ng mga kaluguran sa hinaharap. Upang maalis ang kapighatian, o kung man lamang ang malaking bahagi nito, kakailanganin na ang lahat na mga tao ay magkaroon ng puso na mayroon ang Kristo, ngunit...»

Ang Iskariote ay pinutol siya nagsasabing: «Iyan sa katotohanan ay dapat mangyari. Kung hindi ano ang silbi ng pagpunta ng Mesiyas sa Lupa?»

«Sabihin na natin na iyan ay ang kailangan na mangyari. Ngunit, sabihin sa akin, Judas, iyan ba ay nangyari sa pagitan natin? Tayo ay labindalawa, at sa loob ng tatlong taon tayo ay namuhay na kasama Siya, kinuha natin ang Kanyang doktrina katulad ng hangin na ating sinisinghot. Kung gayon? Tayo bang labindalawa ay lahat mga santo? Ano ba ang ating ginagawa na iba sa ginagawa ni Lazarus, sa ginagawa ni Stephen, ni Nicolaus, ni Isaac, ni Manaen, ni Jose at ni Nicodemus, ng mga babae at ng ginagawa ng mga bata? Ako ay nagsasalita ng tungkol sa makatarungang mga tao ng ating Amangbayan. Lahat sila, maging sila man ay marurunong at mayayaman, o mahihirap at mga mangmang, ginagawa kung ano ang ginagawa natin: kaunting mabuti, kaunting masama, ngunit nang hindi pinaninibago nang ganap ang kanilang mga sarili.  Hindi lamang, bagkus, sasabihin ko sa iyo na nalalampasan tayo ng marami sa kanila. Oo. Nalalampasan tayo ng maraming tagasunod, tayo, na mga apostol...At umaasa ka ba na ang buong mundo ay magkaroon ng mga puso na katulad ng sa Kristo, kung tayo, Kanyang mga apostol ay hindi ito nagawa? Napaunlad natin kahit na papaano humigit kumulang ang ating mga sarili... iyan man lamang ay asahan natin, sapagkat sa may-kahirapan lamang nakikilala ng tao ang kanyang sarili at ang kapatid na nabubuhay sa tabi niya. Ang belo ng laman ay napaka di-malampasan-ng-liwanag at napakakapal, at ang isip ng tao ay labis na iniiwasan nito na may makapasok, para maintindihan ng tao ang tao. Kung iniiksamin natin ang ating mga sarili o ang ibang mga tao, lagi tayong hanggang sa ibabaw lamang, sapagkat kapag iniiksamin natin ang ating mga sarili ayaw nating masaktan ang ating kaakuhan o maghirap na tayo ay kailangan na magbago, at kapag iniiksamin natin ang ibang mga tao, ang ating pagmamalaki ng mga taga-iksamin ay nagagawa tayong di-makatarungan na mga hukom at ang pagmamalaki ng taong ating iniiksamin ay nasasaraduhan siya, katulad ng isang talaba na isinasara ang kabibi nito» sabi ng Zealot.

«Tamang-tama ka! Simon, talagang nakapagsalita ka ng mga salita ng karunungan!» sabi ni Judas Tadeo sumasang-ayon. At ang iba sabay-sabay na sumasang-ayon.

«Kung gayon bakit Siya naparito, kung walang dapat na baguhin?» tugon ng Iskariote.

Si Jesus ay nagsimulang magsalita: «Marami ang kailangan na baguhin. Hindi lahat. Sapagkat sa hinaharap sasalungat din sa Aking doktrina kung ano ang aktibo na ngayon: ang kapootan ng mga hindi nagmamahal sa Liwanag, Sapagkat laban sa lakas ng Aking mga tagasunod ay mapupunta ang kapangyarihan ng mga tagasunod ni Satanas. Gaano karami! Sa gaano karaming mga hitsura! Gaano karaming mga bagong erehiyang doktrina ang laging kokontra sa Aking doktrina, na di-mababago, dahil ito ay perpekto! Gaano karaming kapighatian ang mabubuhay mula sa mga ito! Hindi mo nalalaman ang hinaharap. Tinitingnan mong napakalaki ang kapighatian na naririto na ngayon sa mundo... Ngunit Siya Na nakaaalam, ay nakikita ang mga katatakutan na hindi maiintindihan kahit na kung ipaliwanag Ko ito sa iyo... Anong sakuna kung Ako ay hindi naparito! Kung hindi Ako naparito upang mabigyan ang hinaharap na mga henerasyon ng isang batas na pipigil sa mga instinto sa mas mabubuting tao at naglalaman ng isang pangako ng kapayapaan sa kinabukasan! Gaano magiging nakakatakot ito kung ang tao ay hindi nagkaroon, sa pamamagitan ng Aking pagdating, ng espirituwal na mga elemento na magpapanatili sa kanyang “buháy” sa búhay ng espiritu at magtitiyak sa kanya ng isang gantimpala!... Kung Ako ay hindi naparito, sa katagalan, ang Lupa ay baka naging isang malaking makalupang impiyerno, at ang sangkatauhan ay baka nagkapira-piraso na at nawala na na isinusumpa ang Tagapaglikha...»

«Ang Kataastaasan ay nangako na hindi na muli kailanman magpapadala ng mga kaparusahan, katulad ng Baha. Ang isang pangako ng Diyos ay hindi kailanman pumapalso» sabi ni Judas.

«Oo, Judas ni Simon. Iyan ay totoo. At hindi na muli magpapadala ang Kataastaasan ng pansansinukuban na mga kalamidad katulad ng Baha. Ngunit ang mga tao mismo ay lilikha ng mga pagpapahirap na magiging mas na mas pang nakakatakot, kompara sa baha at ang ulan ng apoy na gumunaw sa Sodom at Gomorrah ay mahabagin pa rin na mga kaparusahan. O!...»

Si Jesus ay tumatayo na may hitsura ng ganap na paghihirap ng kalooban at awa para sa hinaharap na mga tao.

«O sige! Alam Ninyo... Ngunit sa pansamantala ano ang ating gagawin para sa kanya?» tanong ng Iskariote tinuturo ang bata na sinasarapan sa kanyang pulot na kinakain nang unti-unti at masaya.

«Ang bawat araw ay may kanyang sariling problema. Ang búkas ang magsasabi. Walang kabuluhan ang mag-alala ng tungkol sa búkas, kung ni hindi natin nalalaman kung sino pa ang buháy bukas.»

«Hindi ako sang-ayon sa Inyong opinyon. At sasabihin ko na kailangan natin na malaman kung saan tayo tutuloy, saan natin kakainin ang Hapunan. Napakaraming bagay. Kung magpapatuloy tayo sa paghihíntay, ang bayan ay mapupuna na. At saan na tayo pupunta? Hindi sa Gethsemane. Hindi sa bahay ni Jose ng Sephoris. Hindi sa bahay ni Johanna. Hindi kay Nike.  Hindi kay Lazarus. Saan kung gayon?»

«Kung saan maghahanda ang Ama ng isang matutuluyan para sa Kanyang Salita.»

«Sa palagay ba Ninyo gusto kong makaalam upang maiulat ito?»

«Sinasabi mo iyan. Wala Akong sinabi na kahit ano. Halika, Shalem. Alam ng Aking Ina ang tungkol sa iyo, ngunit hindi ka pa Niya nakikita. Halika, at dadalhin kita sa Kanya.»

«Ngunit ang Inyo bang Ina ay masama ang pakiramdam?» tanong ni Tomas.

«Hindi. Siya ay nagdarasal. Siya ay nasa malaking pangangailangan ng pagdarasal.»

«Oo. Siya ay naghihirap nang husto. Siya ay umiiyak nang labis. At si Maria ay walang iba bagkus panalangin upang mapaginhawahan Siya. Lagi ko Siyang nakikitang nagdarasal nang labis. Sa mga sandali ng pinakamatinding kapighatian Siya ay nabubuhay sa panalangin, masasabi ko...» paliwanag ni Maria ni Alfeo, habang umaalis si Jesus hawak ang bata sa kamay at nasa kabilang tabi si Annaleah, na Kanyang inanyayahan na sumama sa Kanya papunta kay Maria.

200612

 


Sunod na kabanata