583. Ang Sabbath Bago ang Pagpasok sa Herusalem. Ang mga Peregrino at mga Judaean sa Bethany.

Marso 27, 1947.

Ang pagmamahal at ang poot ay nauudyukan ang maraming mga peregrino na naipon sa Herusalem, pati na rin ang maraming naninirahan sa Herusalem, na magpunta sa Bethany nang hindi na hinihintay ang katapusan ng paglubog-ng-araw. Sa kabaligtaran, nagsisimula pa lamang na lumubog ang araw nang ang unang mga bisita ay dumating sa bahay ni Lazarus. At sa dahilan na si Lazarus, noong siya ay tinawag ng mga katulong, ay nasorpresa sa gayong paglabag sa Sabbath, dahil ang unang mga dumating ay ang mga kilalang-kilalang pinaka-istriktong mga Judaean, ibinigay nila sa kanya ang tunay na pam-pariseo na tugon na ito: «Mula sa Sheep Gate hindi na namin makita ang kabilugan ng araw, kung kaya't kami ay lumakad, iniisip na tiyak na hindi namin masosobrahan ang pinanutong distansiya bago makalubog ang araw sa likuran ng mga simboryo ng Templo.»

Isang may-panunuyang ngiti ang lumitaw sa payat na mukha ni Lazarus, sapagkat siya ay malusog at magandang-lalaki,  ngunit tiyak na hindi mataba. At tumugon siya nang may-kabaitan sa kanila, ngunit medyo may-panunuya: «At ano ang gusto ninyong makita? Nirerespeto ng Guro ang Sabbath. At Siya ay nagpapahinga. At upang malaman na ang pagpapahinga ay tapos na, hindi Siya nasisiyahan na hindi lamang makita ang kabilugan ng araw, bagkus naghihintay Siya na mawala ang huling mga sinag ng araw upang sabihin: “Ang Sabbath ay tapos na”.»

«Nalalaman namin na Siya ay perpekto! Alam namin! Ngunit kung kami ay nakagawa ng isang pagkakamali, iyan ay isa pang dahilan para makita Siya. Sa isang sandali lamang, upang kami ay Kanyang maabsulbihan.»

«Ikinalulungkot ko, ngunit hindi ko magagawa. Ang Guro ay pagod at nagpapahinga. Hindi ko Siya maiistorbo.»

Ngunit mas marami pang mga tao ang dumarating mula sa kung saan-saan, na nakikiusap at namimilit na makita si Jesus. Ang mga Hebreo ay kahalo ang mga Hentil, at ang mga proselito kasama ang huli. Nakatingin sila at pinag-aaralan si Lazarus, na tila siya ay isang bagay na di-tunay.  At si Lazarus ay tinitiis ang di-kanais-nais na pang-iinis ng pagiging isang idolo matiyagang tumutugon sa kanilang mga katanungan. Ngunit hindi niya inuutos sa mga katulong na buksan ang geyt.

«Kayo ba ang tao na ibinangon mula sa kamatayan?» tanong ng isa na, sa pamamagitan ng kanyang hitsura, ay tiyak na mestiso sapagkat mayroon lamang siya ng tipikong kung baga malaking baluktot na ilong ng mga Hudyo, samantalang ang kanyang punto at estilo ng pananamit ay nagpapakita na siya ay isang banyaga.

«Ako nga, upang mabigyan ng kaluwalhatian ang Diyos Na nagbangon sa akin mula sa kamatayan at upang ako ay maging isang lingkod ng Kanyang Mesiyas.»

«Ngunit yon ba ay totoong kamatayan?» tanong ng iba pang mga tao.

«Tanungin ang mga kilalang-kilalang mga Hudyong iyon. Dumating sila sa aking paglilibing at marami ang naroroon sa aking resureksiyon.»

«Ngunit ano ang iyong naramdaman? Ano ang iyong ikinamatay? Talaga bang magaling ka na ngayon? Wala ka na ba ng mga marka ng mga sugat?»

Si Lazarus ay sinisikap na matugunan ang lahat nang mapasensya. Ngunit kung madali para sa kanya na sabihin na siya ay talagang magaling na at na ang mga marka ng mga sugat ay nawala na ngayon, sa loob ng mga buwan na dumaan mula nang siya ay ibinangon mula sa kamatayan, hindi niya masabi kung ano ang kanyang naramdaman at kung papaano siya ibinangon. At siya ay tumugon: «Hindi ko alam. Natagpuan ko ang aking sarili na buháy sa loob ng aking hardin, kasama ang aking mga katulong at mga kapatid. Noong ako ay nakalaya na sa mga bendahe nakita ko ang araw, ang liwanag, ako ay nagugutom, kumain ako ng ilang pagkain, kinalugdan ko ang búhay at ang dakilang pagmamahal na mayroon ang Rabbi para sa akin. Ang mga taong naroroon ay mas alam pa ang ibang mga bagay kaysa sa akin. May tatlo sa banda roon na nag-uusap-usap. At dalawa sa mga iyon na dumarating.» (Ang huli ay sina Juan at Eleazar, ang mga miyembro ng Sanhedrin, samantalang ang tatlong nag-uusap-usap ay dalawang eskriba at isang Pariseo na sa katunayan nakita ko sa resureksiyon ni Lazarus, ngunit ang mga pangalan nila ay hindi ko maalaala.»

«Hindi sila makikipagusap sa amin, sapagkat kami ay mga Hentil!  Sa dahilan na kayo ay mga Judaean, makakalakad kayo at tanungin sila... At ikaw... ipakita sa amin ang sepulkro kung saan ka naroroon noon.» Pamimilit nila.

Si Lazarus ay nagpasya. May sinabi siya sa mga katulong, pagkatapos nagsalita siya sa pulutong: «Maglakad sa daan na iyan na tumatakbo sa pagitan ng bahay na ito at ng isang bahay kong iyon. Pupunta ako upang tagpuin kayo upang dalhin kayo sa sepulkro, bagama't walang makikita roon maliban sa isang butas sa bato.»

«Hindi bale! Tayo na!»

«Lazarus! Tigil! Makakasama rin ba kami? O ipinagbabawal sa amin kung ano ang ipinahihintulot sa mga estranghero?» tanong ng isang eskriba.

«Hindi. Archelaus. Makakasama ka, kung sa akala mo hindi ka mahahawahan ng paglapit sa isang sepulkro.»

«Hindi kami mahahawahan nito sapagkat wala roong patay na katawan.»

«Ngunit may nahawahan para sa apat na araw. Ang isa ay tiningnan na di-malinis para sa mas kulang pang mga araw sa Israel! Sinasabi ninyo na ang isa ay di-malinis kung ang kanyang damit ay nasagi ang isang tao na nakahipo ng isang bangkay. At ang aking sepulkro ay nangangamoy pa ng kamatayan, bagama’t naging bukas na ito nang gayong katagal na panahon.»

«Hindi na bale. Padadalisayin namin ang aming mga sarili.»

Si Lazarus ay tinitingnan sina Juan at Eleazar, ang dalawang Pariseo, at sinabi sa kanila: «Kayo din ba ay sasama?»

«Oo, sasama kami.»

Si Lazarus ay pumunta nang mabilis patungo sa tabi na may mga halamang bakod na kasing taas at kapal ng mga pader, at binuksan niya ang isang geyt na nasa loob ng isa sa mga ito, at tinitingnan niya ang daan na nagpapatungo sa bahay ni Simon, kinakawayan ang mga naghihintay na lumapit sa kinaroroonan niya. Pinasunod niya sila patungo sa sepulkro. Ang mga tanim na rosas na nasa pamumulaklak ay naka-arko sa ibabaw ng entrada, ngunit hindi ito sapat na matakpan ang takot na nagmumula sa nakabukas na libingan. Sa nakasandal na bato sa ilalim ng mabulaklak na arko mababasa ng isa ang mga salitang: «Lazarus, lumabas ka!»

Ang may masasamang-kaisipan na mga bisita ay nakita ang mga salitang ito kaagad: «Bakit mo pina-ukit ang mga salitang iyan diyan? Hindi mo sana ginawa iyan!»

«Bakit? Sa loob ng aking pamamahay ginagawa ko ang gusto ko, at walang makapag-aakusa sa akin ng kasalanan kung ipinasya kong itatak sa bato, upang di-mabubura, ang mga salita ng dibinong sigaw na nagbigay ng buhay ulit sa akin. Kapag ako ay mapunta na diyan, at hindi ko na maipagdiriwang ang mahabaging kapangyarihan ng Rabbi, gusto kong nababasa pa iyan ng araw sa bato, at matutunan ito ng mga tanim mula sa mga hangin, mga ibon at mga bulaklak upang haplusin ito, ipinagpapatuloy kung gayon sa katauhan ko na pagpalain ang sigaw ng Kristo Na nagbangon sa akin mula sa kamatayan.»

«Ikaw ay isang pagano! Ikaw ay isang lapastangang tao! Tinutungayaw mo ang ating Diyos. Inaawit mo ang mga papuri ng panggagaway ng anak ni Beelzebub. Mag-ingat Lazarus!»

«Pinaaalalahanan ko kayo na ako ay nasa loob ng aking pamamahay at na kayo ay nasa loob ng aking pamamahay, at na kayo ay nagpunta, nang hindi inaanyayahan, at para sa walang kabuluhang mga pakay. Kayo ay mas malalala pa kaysa sa mga taong ito, na mga pagano, ngunit nakakikilala sila ng isang Diyos sa tagabuhay-muli.»

«Anathema! Katulad ng Guro ang katulad ng disipulo. Gaanong nakakatakot! Lumayo tayo sa di-purong butas na nito. Tagapagparumi ng Israel, ang Sanhedrin ay tatandaan ang iyong mga salita.»

«At ang Roma ang inyong mga pakikipagsabwatan. Layas!» Si Lazarus, na laging banayad, ay naalaala na siya ay ang anak ni Theophilus, at pinalayas niya sila katulad ng isang pangkat ng mga aso.

Ang mga peregrino na mga nanggaling sa bawat bayan ay nananatili at sila ay nagtatanong, at tumitingin, at nakikiusap na makita ang Kristo.

«Makikita ninyo Siya sa bayan. Hindi ngayon. Hindi ko magagawa.»

«Ah! ngunit Siya ba ay pupunta sa bayan? Talaga? Hindi ka ba nagsisinungaling? Siya ba ay pupunta kahit na kung kinapopootan nila Siya nang labis?»

«Siya ay pupunta. Lakad na at huwag mag-alala. Kita ba ninyo kung gaano kapayapa ang bahay? Wala ni isang tao ang makikita, wala ni isang tinig ang maririnig. Nakita na ninyo kung ano ang gusto ninyong makita: ang tao na nabuhay na muli at ang lugar ng kanyang paglilibing. Lakad na ngayon. Ngunit huwag hayaan na ang inyong pag-uusyoso ay hindi mamunga. Harinawang ang katotohanan na ako ay inyo nang nakita, ang buháy na ebidensiya ng kapangyarihan ni Jesucristo, ang Kordero ng Diyos at ang Kataastaasang Mesiyas, ay madala kayong lahat sa Kanyang daan. Dahil sa pag-asang ito natutuwa ako na ako ay ibinangong muli mula sa kamatayan, sapagkat umaasa ako na ang himala ay sana makapukaw sa nagdududa at makumberti ang pagano, kinukumbinsi silang lahat na isa lamang ang totoong Diyos at isa lamang ang totoong Mesiyas: si Jesus ng Nazareth, ang banal na Guro.»

Ang mga pulutong ay naghiwa-hiwalay nang nag-aalinlangan, at kung ang isa ay umalis, sampu pa ang dumarating, sapagkat bagong mga tao ang patuloy na dumarating. Ngunit sa tulong ng ilang mga katulong nagtagumpay si Lazarus sa pagtulak sa lahat at pagsara sa mga geyt.

Aalis na sana siya nagsasabing: «Tiyakin na hindi nila pupuwersahin ang mga geyt o aakyatin ito. Mamaya lamang ay madilim na at sila ay pupunta na sa kanilang mga tinutuluyan» nang makita niya sina Eleazar at Juan na lumabas mula sa likuran ng isang palumpong ng mirto. «Ano? Hindi ko kayo nakita at akala ko...»

«Huwag mo kaming paalisin. Nagtago kami sa likuran ng makakapal na palumpong upang hindi makita. Kailangan namin na makausap ang Guro. Pumunta kami dahil kami ay hindi labis na mapagsususpetsahan katulad nina Jose at Nicodemus. Ngunit ayaw namin na makita kami ng sinuman, maliban mo at ng Guro... Ang iyo bang mga katulong ay mapagkakatiwalaan?»

Sa loob ng pamamahay ni Lazarus ang kaugalian ay ang tingnan at pakinggan lamang kung ano ang kaaya-aya sa maybahay, at ang walang malaman para sa mga estranghero. Ngunit halikayo sa landas na ito sa pagitan ng dalawang mga halamang-bakod na mas madilim pa kaysa sa isang pader.» At pinasunod niya sila sa landas na tumatakbo sa pagitan ng dobleng di-malalampasan na harang ng mga kahon at laurel. «Maghintay dito. Dadalhin ko si Jesus.»

«Gawin na walang makaalam!...»

«Huwag matakot.»

Iyon ay isang maikling paghihintay. Si Jesus, ganap na puti sa Kanyang tunika, ay kaagad lumitaw sa landas na napadilim ng magkakasalabid na mga sanga ng punungkahoy, at si Lazarus ay tumigil sa dulo ng landas, na tila siya ay nagmamasid, o dala ng kahinahunan. Ngunit si Eleazar ay nagsabi sa kanya, o kung baga sumenyas sa kanya: «Halika.» Si Lazarus ay nilalapitan sila habang si Jesus ay binabati ang dalawa na nagpapaabot ng kanilang pinakamalalim na paggalang sa Kanya.

«Guro, at ikaw, Lazarus, makinig. Nang kaagad ang balita na Kayo ay naparito at naririto, ang Sanhedrin ay nagtagpo sa bahay ni Caiaphas. Ang lahat na kanilang ginagawa ay mapagmalabis... At sila ay nagpasya na... Huwag paniwalaan ang mga ilusyon, Guro! Maging mapagbantay, Lazarus! Huwag hayaan ang pagkukunwang kapayapaan o ang tila kaantukang ng Sanhedrin na maloko ka. Ang lahat ay pagkukunwari, Guro. Isang pagpapakita upang maengganyo Kayo at mahuli Kayo nang hindi nababalisa ang mga pulutong at maghanda ito na maipagsanggalang Kayo. Ang Inyong kapalaran ay napagpasyahan na at ang pasya ay hindi babaguhin Bukas o sa loob ng isang taon  ito ay gagawin. Ang Sanhedrin ay hindi kailanman kinalilimutan ang mga paghihiganti nito. Sila ay naghihintay, alam nila kung papaano maghintay para sa paborableng pagkakataon, ang pagkatapos!... At ikaw din, Lazarus. Gusto nila na mawala ka, mahuli ka at masiil ka, sapagkat sa kagagawan mo napakarami ang umaalis sa kanila upang sundan ang Guro. Katulad na nasabi mo ang tamang salita, ikaw ang ebidensiya ng Kanyang kapangyarihan. At gusto nila na masira ito. Ang mga pulutong ay nakakalimot kaagad, at nalalaman nila ito. Kapag ikaw at ang Rabbi ay mawala na, maraming masisimbuyong damdamin ang mawawala.»

«Hindi, Eleazar! Sila ay lalagablab!» sabi ni Jesus.

«O! Guro! Ngunit ano ang mangyayari kung Kayo ay patay? Para sa anong kapararakan na ang pananampalataya para sa Inyo ay lumagablab, kahit na kung ito ay mangyari, kung Kayo ay patay? Ako ay umaasa na masabi lamang sa Inyo ang isang masayang bagay at maanyayahan Kayo: ang aking asawa ay malapit nang manganak para sa isang batang lalaki na nabubuo sa pamamagitan ng Inyong hustisya, dahil nagdala Kayo ng kapayapaan muli sa dalawang masalimuot na puso. Siya ay maipanganganak sa araw ng Pentekostes. Ibig ko Kayong pumunta at pagpalain siya. Kung Kayo ay nasa ilalim ng aking bubungan, walang kasawiang-palad ang kailanman darating sa Inyo» sabi ni Juan ang Pariseo.

«Binibigay Ko sa iyo ang Aking pagpapalà ngayon na...»

«Ah! Ayaw Ninyong pumunta sa akin! Hindi Kayo naniniwala na ako ay tapat! Tapat ako, Guro!  Nakikita ako ng Diyos!»

«Alam Ko. Ang katotohanan ay... hindi na ninyo Ako makakasama sa Pentekostes.»

«Ngunit ang bata ay ipapanganak sa bahay sa bukid...»

«Alam Ko. Ngunit hindi Ako mapupunta roon. Ngunit sa kabila nito, ang iyong asawa, ang di-pa pinanganganak na bata, ang mga anak na mayroon ka na ngayon, ay pinagpapala Ko. Salamat sa inyong pagpunta. Humayo na ngayon. Dalhin sila sa landas sa kabila ng bahay ni Simon. Upang sila ay hindi makita... Babalik na Ako sa bahay. Kapayapaan sa inyo...»

220612

 

 


Sunod na kabanata