584. Ang Sabbath Bago ang Pagpasok sa Herusalem. Ang Hapunan sa Bethany.

Marso 28, 1947.

Ang hapunan ay ganap na naihanda na sa loob ng puting bulwagan kung saan si Jesus ay nagsalita sa mga babaeng disipulo. Ang buong puting bulwagan ay nagniningning at malaplata na may pinong kaibahan na hindi napaka kaputiang-niyebe at malamig, gawa ng repleksiyon ng mga bungkos ng mga sanga ng puno ng mansanas o ng peras, o ng iba pang namumungang mga punungkahoy, na kasing puti ng niyebe, ngunit may gayong kulay ng rosas na nagagawa ang isa na isipin ang tungkol sa niyebe na medyo nasisinagan ng isang malayong pagsikat-ng-araw. Ang mga sanga ay umuusli mula sa bilugang mga plorera o mula sa balingkinitan na platang mga amphora, nakapatong sa ibabaw ng mga patungan, at sa mga kaban at mga aparador na nakalagay sa tabi ng mga pader ng bulwagan. Ang mga bulaklak ay nagbibigay ng tipikong amoy ng mga pamumulaklak ng namumungang mga punungkahoy sa bulwagan, ang sariwang mapait-pait na amoy ng purong tagsibol...

Si Lazarus ay pumasok sa bulwagan naglalakad sa tabi ni Jesus. Sa likuran nila, sa dalawahan o sa mas malalaking grupo, ay ang mga apostol. Sa huli ay ang dalawang kapatid ni Lazarus kasama si Maximinus. Hindi ko nakikita ang mga babaeng disipulo. Kahit na si Maria.  Baka mas ginusto pa nilang manatili sa loob ng bahay ni Simon kasama ang namimighating Ina.

Ang araw ay nagiging dapit-hapon. Ngunit ang huling mga sinag ng araw ay nagniningning pa rin sa lumalagaslas na mga dahon ng ilang puno ng palmera sa isang grupo mga ilang metro ang layo mula sa bulwagan, at sa tuktok ng isang napakalaking laurel kung saan ang ilang mga pipit ay nag-aaway-away bago magpahinga. Sa kabila ng mga palmera at ng laurel, sa kabila ng mga bakod na mga tanim na rosas at mga hasmin at ng mga hilerang taniman ng mga liryo ng lambak, ng iba pang mga bulaklak at mababangong tanim, ay naroon ang isang maputing lugar na may mga banayad na berde ng maaagang dahon ng isang grupo ng huling mga puno ng peras o ng mansanas ng lootan. Nagmumukha itong isang ulap na napapunta sa magkakasabid na mga sanga ng mga puno.

Si Jesus dumaraan malapit sa isang amphora na punó ng mga sanga ay nagwika: «Mayroon na kaagad sila ng unang maliliit na bunga. Tingnan! Sa mga tuktok ay may mga pamumulaklak, samantalang sa mas ibaba pa ang mga bulaklak ay nalalaglag na at ang mga pistilo ay namimintog.»

«Gusto ni Maria na pitasin sila. Nagdala rin siya ng bungkus-bungkos nito sa Inyong Ina. Gumigising siya sa pagsikat-ng-araw, sa palagay ko, dahil kung palalampasin pa ang isang araw mabubulok ang maseselan na korola. Nalaman ko ang pagkabulok ng mga ito kani-kanina pa lamang. Ngunit hindi ako galit na galit tungkol dito katulad ng mga katulong na magbubukid. Hindi, bagkus, naisip ko na iyon ay baka upang maialay lamang ng sangnilikha ang mga kagandahan na iyon sa Inyo, ang Hari ng lahat na mga bagay»

Si Jesus ay naupo sa Kanyang lugar ngumingiti at tinitingnan si Maria, na kasama ang kanyang kapatid ay naghahanda na upang magsilbi na tila siya ay isang katulong na babae sa bahay, dinadala ang mga kalis ng puripikasyon at ang mga tuwalya, pagkatapos nagbubuhos ng alak sa mga kalis at naglalatag ng mga trey ng pagkain sa mesa, habang ang mga katulong ay dinadala ang mga ito mula sa kusina o iniaabot ang nahiwang mga karne.

Natural na, kung sinisilbihan ng magkapatid nang may-kabaitan ang lahat na mga panauhin, ang kanilang atensiyon ay nakatuon lalo na sa dalawang pinakamalapit sa kanilang mga puso: si Jesus at si Lazarus.

Sa isang sandali si Pedro, na ganadung-ganadong kumakain, ay nagsabi: «Tingnan ninyo, napupuna ko pa lamang ito! Ang lahat na pagkain ay katulad ng mga pagkain sa Galilee. Sa palagay ko... Siyempre! Ako ay tila nasa isang pag-aalmusal sa isang kasalan. Ngunit walang pagkabitin sa alak dito katulad sa Cana.»

Si Maria ay ngumingiti pinupuno ulit ang kalis ng apostol ng malinaw na kulay-ambar na alak. Ngunit hindi siya nagsasalita ng kahit na ano.

At si Lazarus ay nagpapaliwanag: «At iyan sa katotohanan ang gusto ng magkapatid, at lalo na si Maria: ang magbigay ng isang hapunan na magbibigay sa Guro ng pakiramdam na Siya ay nasa Galilee, isang hapunan na, bagama't di-perpekto, ay kailangan na mas maganda pa kaysa sa kinasanayan dito...»

«Ngunit upang maramdaman Niya iyan, si Maria ay kailangan na nasa mesang ito. Siya ay nasa Cana. Ang himala ay nangyari sa pamamagitan Niya» wika ni Santiago ni Alfeo.

«Iyon ay maaaring isang napaka sarap na alak!»

«Ang alak ay ang simbolo ng kasiyahan at kailangan na maging simbolo rin ng pertilidad, dahil ang alak ay ang katas ng matabang bagging. Ngunit hindi sa aking palagay naghasik ito nang labis. Si Susanna ay walang anak» sabi ng Iskariote.

«O! anong klaseng alak iyon! Naghasik iyon sa aming mga espiritu...» sabi ni Juan, medyo nangangarap, katulad na siya ay laging ganito kapag pinagninilayan niya sa sarili ang mga himalang ginawa ng Diyos. At nagtatapos siya: «Iyon ay ginawa sa kapakanan ng isang birhen... at ang impluwensiya ng kadalisayan ay bumaba sa mga nasiyahan nito.»

«Ngunit sa palagay mo ba si Susanna ay isang birhen?» tanong ng Iskariote tumatawa.

«Hindi ko sinabi iyan. Birhen ang Ina ng Panginoon. Ang pagkabirhen ay lumalabas mula sa lahat na ginawa alang-alang sa Kanya. Lagi kong tinitingnan kung gaano ka-birhen ang lahat kapag pinangyari para sa Kanya...» at siya ay nangangarap muli ngumingiti sa kung anong bisyon kaya.

«Pinagpalang bata! Sa aking palagay ni hindi na niya naaalaala pa ang mundo ngayon. Tingnan ninyo siya» sabi ni Pedro tinuturo si Juan na, nakahiga sa kanyang maliit na kama, nawawala sa pag-iisip, ay pinaglalaruan ang maliliit na piraso ng tinapay nakakalimutan nang kumain.

Si Jesus ay yumuko rin nang kaunti upang tingnan si Juan na naroroon sa isang mga sulok ng korteng “U” na mesa, kung gayon nasa likuran nang kaunti ng Panginoon, Na nasa gitna ng panggitnang tabi, kasama ang Kanyang pinsan na si Santiago sa Kanyang kaliwa at si Lazarus sa Kanyang kanan; pagkatapos ni Lazarus ay naroon ang Zealot at si Maximinus, at pagkatapos ni Santiago ay naroon ang isa pang Santiago at pagkatapos si Pedro. Si Juan, sa halip, ay nasa pagitan nina Andres at Bartolomeo, pagkatapos ay naroon si Tomas, na sa harapan niya ay sina Judas, Felipe, Mateo at Tadeo, na nasa kanto, sa pagsimula ng mahabang panggitnang mesa.

Si Maria ay iniiwan ang bulwagan habang si Martha ay naglalagay sa mesa ng mga trey na puno ng maaagang berdeng igos, mga berdeng tangkay ng fennel, bagong binalatan na mga almendras, mga istroberi o raspberry, hindi ko alam, na mas lalo pang nagmumukhang mapula sa pagitan ng maputlang esmeraldang-berde ng mga fennel at ng mga igos at ng maputing mga almendras, ng maliliit na pakwan o iba pang mga prutas na katulad nito... sa palagay ko nagmumukha silang berdeng mga pakwan ng dakong timog ng Italya, at kulay gintong mga dalanghita.

«Ang mga bungang ito na kaagad? Hindi pa ako nakakita ng kahit anong hinog na mga bunga kahit saan» sabi ni Pedro idinidilat ang kanyang mga mata at itinuturo ang mga istroberi at ang mga pakwan.

Ang ilan sa kanila ay nanggaling sa mga baybayin sa ibayo ng Gaza kung saan mayroon ako ng hardin ng mga produktong ito, at ang ilan ay mula sa maaaraw na mga terasa sa bahay, ang patubúan ng mas maseselan na tanim na kailangan maprotektahan sa namuong-hamog. Ang isang kaibigan na Romano ang nagturo sa akin kung papaano sila patubuin... Ang tanging mabuting bagay na itinuro niya sa akin...» Si Lazarus ay naging malungkot. Si Martha ay nagbuntung-hininga... Ngunit si Lazarus ay kaagad naging ang perpektong punong-abalá na hindi nagpapalungkot sa kanyang mga panauhin. «Ito ay kalat na kalat na kaugalian sa mga villa sa Baia at Syracuse at sa tabi ng look ng Sybaris na magpatubo ng gayong mga kinasisiyahan sa pamamagitan ng pamamaraan na iyon upang magkaroon ng maagang mga bunga. Kainin sila: ang huling mga prutas ay ang mga dalanghita mula sa Libya, ang maaaga ay ang mga pakwan ng Ehipto pinatubo sa mga solarium at ang mga Latinong prutas na ito at ang puting mga almendras ng ating amangbayan, ang malalambot na malalapad na bins, ang nakakain na mga tangkay na naglalasang anise... Martha, nakita mo ba ang batang lalaki?»

«Oo, tiningnan ko ang lahat. Si Maria ay labis na naantig naaalaala ang Ehipto...»

«Mayroon kaming ilang mga tanim sa aming abang pangkusinang-hardin. Sa loob ng maiinit na araw kalugud-lugod na ilubog ang mga pakwan sa bubon ng aming kapitbahay, dahil malalim iyon at malamig, at kainin sila sa gabi... Naaalaala Ko... Nagkaroon Ako ng isang matakaw na kambing at kinailangan namin na bantayan siya sapagkat gustung-gusto niya ang malalambot na tanim at mga prutas...» Si Jesus, Na nagsasalita na ang Kanyang ulo ay medyo nakatungo, ay itinataas ito at tinitingnan ang mga puno ng palmera... Sa tuwing nakakakita Ako ng mga puno ng palmera nakikita Ko muli ang Ehipto, ang dilaw na mabuhanging lupa nito na sandaling tangayin ng hangin, at sa malayo ang mga piramide na nanginginig sa napanipis na hangin... at ang matataas na katawan ng mga palmera... at ang bahay kung saan... Ngunit walang kabuluhan ang magsalita ng tungkol sa kanila. Ang bawat panahon ay may kanyang kabalisahan... At ang lugod nito kasama ang kabalisahan nito... Lazarus, maaari bang abutan mo Ako ng ilan ng mga prutas na iyon? Gusto Kong dalhan nito sila Maria at Matthias. Wala ng kahit ano nito sa palagay Ko si Johanna.»

«Wala siya. Iyan ang sinabi niya kahapon at nagbabalak siyang magtanim ng ilan sa Bether at magtayo ng solarium. Ngunit hindi ko ibibigay sa Inyo ang mga ito ngayon. Namitas ako nang hangga't mapipitas ko at sa loob ng matagal-tagal na mga araw walang matatagpuan na hinog. Ipadadala ko ang mga ito sa Inyo o ipadadala ko mga Huwebes. Maghahanda kami ng isang magandang basket ng mga ito para sa mga batang iyon. Tama ba iyon, Martha?»

«Oo, kapatid. At magdadagdag tayo ng ilang maliliit na liryo ng lambak na gustung-gusto ni Johanna.»

Si Maria ng Magdala ay bumalik sa loob. May hawak siyang isang may manipis-na-leeg na amphora, na nagtatapos sa isang maliit na labì, kasing ganda ng leeg ng isang ibon. Ang alabastro ay may kulay ng isang mamahaling malarosas na dilaw, katulad ng kutis ng ilang mga Olandes. Ang mga apostol ay tinitingnan siya, baka iniisip, na nagdadala siya ng ilang pambihirang makakain. Ngunit si Maria ay hindi pumupunta sa gitna, sa loob ng korteng “U” na mesa, kung saan naroroon ang kanyang kapatid na babae. Pumupunta siya sa likuran ng mga upuang-kama at tumigil sa pagitan ng upuang-kama ni Jesus at ni Lazarus at ng dalawang Santiago.

Inaalisan niya ng pasak ang alabastrong plorera at inilalagay niya ang kanyang kamay sa ilalim ng maliit na labì upang tanggapin ang kaunting patak ng malapot na likido na dumadaloy nang unti-unti mula sa bukás na amphora. Ang isang malakas na amoy ng mga tuberose at ng iba pang mga esensiya, isang napakalakas na kaaya-ayang amoy ang kumalat sa bulwagan. Ngunit si Maria ay hindi nasisiyahan sa kaunting daloy ng pabango. Siya ay tumungo at sa pamamagitan ng isang biglang hampas sa kanto ng maliit na upuang-kama ni Jesus nabali niya ang leeg ng amphora. Ang manipis na leeg ay bumagsak sa sahig nagkakalat ng mabangong mga patak sa marmol na sahig. Ang amphora ngayon ay nagkaroon na ng isang malaking bunganga sa pamamagitan nito kung saan malalaking daloy ang bumubulwak.

Si Maria ay pumuwesto sa likuran ni Jesus at ikinakalat ang makapal na langis sa buhok ng kanyang Jesus, winiwisikan niya ang lahat na buhol ng Kanyang buhok, inilaladlad ito pagkatapos binabalik sa ayos sa pamamagitan ng suklay na galing sa kanyang sariling buhok, pinagaganda ito sa ibabaw ng sinasambang ulo. Ang magandang mapulang buhok ni Jesus ngayon ay kumikinang katulad ng isang madilim na ginto at napaka tingkad pagkatapos ng paglalagay ng langis. Ang liwanag ng tsandelyer, na sinindihan ng mga katulong, ay nasasalamin sa magandang buhok ni Jesus katulad ng isang kulay-tanso na bronse na helmet. Ang amoy ay nakakapagpasigla. Mula sa ilong ito ay tumataas sa ulo at, dahil kumakalat nang hindi mapigilan, napakalakas nito na halos nakakatulad nito ang nakapagpapabahing na pulbos.

Si Lazarus, na ang kanyang ulo nakalingon, ay ngumingiti pinapanood kung gaano kaingat ni Maria pinapahiran ng langis at inaayos ang mga buhol ng buhok ni Jesus upang ang Kanyang buhok ay magmukhang malinis pagkatapos ng marahang pagmamasahe, habang hindi niya inaalaala ang tungkol sa kanyang sariling mga tirintas, na, dahil wala ang sumusuportang malaking suklay, ay pababa nang pababa na bumabagsak sa kanyang leeg, at halos malugay na nang lubos sa ibabaw ng kanyang mga balikat. Si Martha rin ay tinitingnan siya ngumingiti. Ang iba ay nag-uusap-usap sa mabababang tinig na may iba't ibang ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Magdalene anoint jesusNgunit si Maria ay hindi pa nasisiyahan. Marami pang natitirang langis sa basag na plorera. At ang buhok ni Jesus, bagama't makapal, ay tigmak na dito. Si Maria pagkatapos ay inuulit ang mapagmahal na ginawa niya noong gabi ng matagal nang araw. Siya ay lumuhod sa paanan ng upuang-kama, kinakalag niya ang mga hibilya ng mga sandalyas ni Jesus at inaalis ang mga ito, at inilulubog ang mahahabang daliri ng kanyang magandang kamay sa loob ng plorera, kumukuha siya nang hangga't makukuha niya ng malapot na langis at ikinakalat niya ito sa walang-saplot na mga paa ni Jesus, sa bawat daliri, pagkatapos sa mga talampakan at mga sakong, pagkatapos pataas, sa mga bukungbukong, na inaalisan niya ng takip sa pagtulak sa linen na tunika ni Jesus paatras, at panghuli sa mga bubong ng mga paa, nagtatagal siya sa metatarsi, na siyang lalagusin ng mga pako, nagpupumilit siya hanggang wala na siyang makitang balsamo sa hungkag na plorera. Pagkatapos binasag niya ito sa sahig at sa pamamagitan ng kanyang mga kamay na ngayon libre na tinatanggal niya ang kanyang malalaking pang-ipit sa buhok, mabilis niyang nilugaygay ang kanyang mabibigat na tirintas at sa pamamagitan ng kulay-ginto, maningning, malambot, umaalon na bungkos ng buhok na iyon pinupunas niya ang sobrang langis mula sa mga paa ni Jesus na basang-basa nito.

Si Judas, na magpahanggang ngayon tahimik pinanonood nang may mahalay na naiinggit na mga mata ang magandang babae at ang Guro Na ang Kaninong ulo at mga paa ay kanyang nilalangisan, ay itinaas ang kanyang tinig, ang tanging tinig ng hayagang paninita; ang ilang tinig ng iba pa, hindi lahat sila, ay bumulong-bulong ng isang bagay o napakilos ng mga pagka-sorpresa ngunit ng kalmanteng pagsalungat din. Ngunit si Judas, na tumayo upang makita nang mabuti ang langis na ikinakalat sa mga paa ni Jesus, ay nagsalita nang may masamang ibig-sabihin: «Anong walang-kabuluhan na paganong pag-aaksaya! Bakit gawin iyan? At pagkatapos inaasahan natin ang mga Hepe ng Sanhedrin na huwag magsalita ng tungkol sa pagkakasala! Iyan ay mga gawain ng isang mahalay na kortesano at hindi sila nagiging ang bagong buhay na iyong pinakikita, babae. Napakalakas nila na pagsasariwa ng iyong nakaraan!»

Ang pag-insulto ay gayon na lamang na ang lahat ay natulala. Iyon ay gayon na lamang na ang lahat ay nabalisa, ang ilan ay bumangu’t naupo sa mga upuang-kama, ang ilan ay napatayo, ang lahat ay tinitingnan si Judas, na tila siya ay bigla na lamang nasiraan ng ulo.

Si Martha ay nagwala. Si Lazarus ay tumayo sinusuntok ang mesa at nagsabi: «Sa loob ng aking pamamahay...», pagkatapos tiningnan niya si Jesus at pinigilan ang kanyang sarili.

«Oo, lahat ba kayo ay ako ang tinitingnan? Kayong lahat ay bumulong-bulong sa loob ng inyong mga puso. Ngunit ngayon na pina-alingawngaw ko ang inyong mga salita at hayagan na sinabi ko ang inyong iniisip, lahat kayo ay nakahandang magsabi na Ako ay mali. Uulitin ko kung ano ang sinabi ko. Hindi ko ibig sabihin na si Maria ay ang mangingibig ng Guro. Ngunit sinasabi ko na ang ilang mga pagkilos ay hindi nagiging Siya o siya. Iyon ay isang padalus-dalos na pagkilos. At isang di-makatarungan. Oo. Bakit gayong pag-aaksaya? Kung gusto niyang masira ang mga alaala ng kanyang nakaraan, binigay niya sana sa akin ang plorera at ang langis. Iyon ay mga isang libra man lamang sana ng purong nard! At mataas ang halaga. Naipagbili ko sana ito ng tatlong daang dinari man lamang, dahil iyan ang bentahan ng ganyang kalidad na nard. At naipagbili ko sana ang plorera, na maganda at mamahalin. Naibigay ko sana ang pera sa mahihirap na nagsisiksikan sa atin. Hindi tayo kailanman nagkaroon ng sapat. At ang mga hihingi ng mga limos bukas sa Herusalem ay magiging napakarami.»

«Iyan ay totoo» sabi ng iba sumasang-ayon. «Ginamit mo sana ang kaunti para sa Guro at ang iba...»

Si Maria ng Magdala ay tila bingi. Nagpapatuloy siya sa pagpunas sa mga paa ni Jesus sa pamamagitan ng kanyang nakalugay na buhok na ngayon, sa mga dulo, ay mabigat na rin gawa ng langis at mas madilim na kaysa mga buhok sa tuktok ng kanyang ulo. Ang mga paa ni Jesus ay makinis at malambot sa kulay nito na lumang garing, na tila natatakpan ang mga ito ng bagong balat. At isinusuot na muli ni Maria ang mga sandalyas sa mga paa ng Kristo, hinahalikan ang bawat paa bago at pagkatapos maisuot ang sandalyas, bingi sa lahat na hindi pagmamahal para kay Jesus.

Si Jesus ay ipinagtatanggol siya ipinapatong ang Kanyang kamay sa kanyang ulo na nakayuko sa huling paghalik at nagsasabing: «Pabayaan siyang mag-isa. Bakit mo siya iniinis at binabalisa? Hindi mo naiintindihan kung ano ang kanyang ginawa. Nagawa ni Maria ang isang gawain na tama at mabuti magpatungkol sa Akin. Ang mahihirap ay lagi ninyong makakasama. Ako ay malapit nang umalis. Lagi ninyo silang makakasama, ngunit malapit na Akong mawala sa inyo. Lagi kayong makapagbibigay ng mga limos sa mahihirap. Hindi na magtatagal na sa Akin, sa Anak ng tao kasama ang mga tao, ay hindi na magiging posibleng ang magbigay ng kahit na anong pagpaparangal, sa pamamagitan ng kalooban ng mga tao, at dahil ang oras ay dumating na. Ang pagmamahal ay liwanag para sa kanya. Sa pakiramdam niya malapit na Akong mamatay at ibig niyang isagawa nang nauuna na ang pagpapahid ng langis sa paglilibing para sa Aking katawan. Sasabihin Ko sa inyong totoo na saan man ipahahayag ang Mabuting Balita, ang propetikong ginawa niyang ito ng pagmamahal ay maaalaala. Sa buong mundo. Sa buong mga panahon. Sana gawin ng Diyos ang bawat tao na maging isa pang Maria na hindi nagpapahalaga sa mga bagay, na hindi ikinakabit ang sarili sa kahit ano, na walang itinatanging kahit anong alaala ng nakaraan, bagkus sinisira at tinatapakan ang lahat na siyang laman at mundo, at binabasag at kinakalat ang kanyang sarili, katulad ng kanyang ginawa sa nard at sa alabastro, sa kanyang Panginoon at dala ng pagmamahal para sa Kanya. Huwag umiyak, Maria. Sa oras na ito uulitin Ko sa iyo ang mga salitang Aking sinabi kay Simon ang Pariseo at sa iyong kapatid na si Martha: “Ikaw ay pinatawad sa lahat, sapagkat nagmahal ka nang lubusan”. Pinili mo ang mas mabuting parte. At ito ay hindi aalisin sa iyo. Humayo sa kapayapaan, Aking mabuting maliit na tupa na natagpuan na muli. Humayo sa kapayapaan. Ang mga pastulan ng pagmamahal ay ang iyong magiging pagkain magpakailanman. Tumayo ka. Halikan din ang Aking mga kamay na nagpatawad at nagpala sa iyo... Gaano karaming mga tao ang pinatawad, pinagpala, pinagaling, tinulungan ng mga kamay Kong ito! Subalit sasabihin Ko sa inyo na ang mga taong Aking tinulungan ay naghahanda ng pagpapahirap para sa mga kamay na ito...»

Nagkaroon ng nakapangingilabot na katahimikan sa ere na maalinsangan sa matapang na amoy. Si Maria, ang kanyang lugaygay na buhok natatakpan ang kanyang mga balikat at mukha, ay hinahalikan ang kanang kamay na inabot ni Jesus sa kanya at hindi ito matikalan ng kanyang mga labì...

Si Martha, lubos na naaantig ang damdamin, ay nilalapitan siya at inaayos ang kanyang nakalugay na mga buhok, na tinitirintas niya hinahaplos siya, at pagkatapos pinupunas ang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi pinagsisikapan na matuyo ang mga ito...

Wala nang ginaganahan na kumain pa... Ang mga salita ng Kristo ay nagawa silang mag-isip.

Si Judas ni Alfeo ay ang unang tumayo. Nagpaalam siyang makaalis. Ang kanyang kapatid na si Santiago ay ginaya siya at sina Andres at Juan ay sumunod din. Ang iba pa ay nananatili, ngunit sila ay tumatayo na, upang gawin ang puripikasyon ng kanilang mga kamay sa platang mga palanggana na inabot sa kanila ng mga katulong. Si Maria at si Martha ay ito rin ang ginagawa sa Guro at kay Lazarus.

Ang isang katulong ay pumasok at siya ay yumuko upang magsalita kay Maximinus, na, pagkatapos na mapakinggan siya, ay nagsabi: «Guro, may ilang mga tao na ibig na makita Kayo. Sinasabi nila na sila ay nanggaling sa malayo. Ano ang ating gagawin?»

Si Jesus ay tinawag sina Felipe, Santiago ni Zebedeo at si Tomas at nagsabi sa kanila: «Lakad, mag-ebanghelyo, magpagaling, kumilos sa ngalan Ko. Sabihin sa kanila na Ako ay aakyat sa Templo bukas.»

«Mabuti ba na sabihin sa kanila iyan, Panginoon?» tanong ni Simon Zealot.

Walang kabuluhan na maging tahimik tungkol diyan, sapagkat nabanggit na iyan sa Banal na Siyudad, mas ng mga kaaway kaysa ng mga kaibigan. Lakad!»

«H’m! Hangga't ang mga kaibigan ang nakaaalam... nalalaman natin. Ngunit sila ay hindi nagtataksil. Hindi ko alam kung papaano ang iba paaalamin.»

«Sa pagitan ng maraming mga kaibigan ay laging may ilang mga kaaway, Simon ni Jonas. Ngayon ang mga kaibigan ay... napakarami at sila ay tinatanggap na mga kaibigan nang napakadali. Kapag iniisip ko kung gaano ako katagal na kinailangan na maghintay at magdasal!... Ngunit iyon ay ang unang mga araw at ang isa ay nag-iingat. Pagkatapos ang mga pananagumpay ay pinapanlabo ang ating mga paningin at hindi na tayo nag-iingat. At iyon ay mali. Ngunit nangyayari ito sa lahat na mga panalunan. Ang mga pananalo ay napipigilan ang isa na makakita nang maliwanag at pinahihina nito ang kahinahunan sa pag-akto. Ako ay nagsasalita ng tungkol sa ating mga disipulo, siyempre, hindi ng tungkol sa Guro. Siya ay perpekto. Kung tayo ay nanatiling labindalawa lamang, hindi sana tayo pinanginginigan sa takot tungkol sa mga pagtataksil!» sabi ni Judas ng Kerioth nagsisinungaling nang hindi nahihiya.

Imposibleng mailarawan ang sulyap ng Kristo sa manlolokong apostol. Isang sulyap ng babala at walang-hangganang kapighatian. Ngunit hindi ito binibigyan ng pansin ni Judas. Dumaraan siya sa tabi ng mesa upang lumabas... Si Jesus ay sinusundan siya ng Kanyang mga mata at nang makita Niya siya na lumalabas, tinanong Niya siya: «Saan ka pupunta?»

«Sa labas...» tugon ni Judas nang may-pag-iwas.

«Sa labas ng silid na ito, o sa labas ng bahay?»

«Sa labas... Upang... Para maglakad nang kaunti.»

«Huwag lumabas, Judas. Manatiling kasama Ko, kasama namin...»

«Ang Inyong mga kapatid ay lumabas kasama sina Juan at Andres. Bakit hindi ako dapat lumabas?»

«Hindi ka magkakaroon ng kapahingahan katulad nila...»

Si Judas ay hindi tumutugon, bagkus lumabas siya nang may-katigasan ng ulo. Wala ni isang salita ang binigkas sa bulwagan. Si Lazarus at ang kanyang mga kapatid at ang apat na apostol na mga nanatili: sina Pedro, Simon, Mateo at Bartolomeo, ay nagkakatinginan.

Si Jesus ay tumitingin sa labas. Siya ay nakatayo na at pumunta sa isang bintana upang sundan ang mga kilos ni Judas at nang makita Niya siya na lumabas sa bahay nakasuot ng kanyang manta at naglalakad patungo sa geyt, na hindi nakikita mula rito, tinawag Niya siya sa malakas na tinig: «Judas! Maghintay sa Akin. May sasabihin Ako sa iyo» at magiliw na pinakawalan Niya ang Kanyang sarili kay Lazarus, na dahil nakita ang Guro na namimighati niyakap niya Siya sa baywang, at si Jesus ay iniiwan ang bulwagan, sinasamahan si Judas, na nagpapatuloy sa paglalakad bagama't nang mas mabagal.

Inabutan Niya siya sa ikatlong bahagi ng distansiya sa pagitan ng bahay at ng pader ng hardin, malapit sa isang palumpungan ng mga tanim na may makakapal na dahon na nagmumukhang berdeng tumigas na mga dahon-na-putik na may maliliit na bulaklak, ang bawat bulaklak ay isang maliit na krus na may mabibigat na petalo na tila sila ay gawa sa dilaw na waks, na may malakas na amoy. Hindi ko alam ang pangalan nila. Hinila Niya siya sa likuran ng palumpungan at hinahawakan siya nang mahigpit sa kanyang mga braso, tinanong Niya siyang muli: «Saan ka pupunta, Judas? Pakiusap na manatili rito!»

«Sa dahilan na nalalaman Ninyo ang lahat, bakit Ninyo ako tinatanong? Ano ang pangangailangan para Kayo ay magtanong, sa dahilan na nababasa Ninyo ang mga puso ng mga tao? Nalalaman Ninyo na ako ay pupunta sa aking mga kaibigan. Hindi Ninyo ako pinahihintulutan na makapunta roon. Pinipilit nila akong pumunta roon. At ako ay pupunta.»

«Iyong mga kaibigan! Kailangan na sabihin mo iyong kasiraan! Iyan kung saan ka pupunta. Pupunta ka sa iyong totoong mga mamamatay-tao. Huwag kang pumunta, Judas! Huwag kang pumunta! Makagagawa ka ng isang krimen.... Ikaw...»

«Ah! Natatakot Kayo?! Natatakot ba Kayo sa wakas?! Nabatid Ninyo sa wakas na Kayo ay isang tao! Kayo ay isang tao! Walang iba bagkus isang tao! Sapagkat tao lamang ang natatakot ng kamatayan. Ang Diyos ay nalalaman na hindi Siya maaaring mamatay. Kung naramdaman Ninyo na Kayo ay Diyos, malalaman Ninyo na Kayo ay hindi maaaring mamatay at hindi Kayo matatakot. Sa dahilan na ngayon nararamdaman na Ninyo na ang kamatayan ay malapit na, natatakot Kayo katulad ng lahat na mga tao at nagsisikap Kayo sa pamamagitan ng lahat ng pamamaraan na mapigilan ito at nakakakita Kayo ng panganib kahit saan at sa lahat na bagay. Nasaan na ang Inyong banal na katapangan? Nasaan na ang Inyong makumpiyansang mga pagprotesta na Kayo ay masaya at nananabik na mapangyari ang Sakripisyo? Ni wala nang natira kahit alingawngaw ng mga ito sa Inyong puso! Akala Ninyo ang oras na ito ay hindi na kailanman darating, kung kaya't nagkukunwari Kayo ng kapangyarihan, kabutihang-loob at nagsasalita Kayo ng solemneng mga pangungusap. Lumayas Kayo! Kasing sama Ninyo ang Inyong mga kinagagalitan bilang mga mapagkunwari. Kami ay Inyong hinikayat at pinagtaksilan. Iniwan namin ang lahat para sa Inyong kapakanan! At dahil sa Inyo kami ay kinapopootan! Nagdala Kayo sa amin na aming kasiraan...»

«Tama na iyan. Lakad! Layas! Hindi pa nagtatagal kung kailangan sinabi mo sa Akin: “Tulungan Ninyo akong makapanatili. Ipagsanggalang Ninyo ako!”. Ginawa Ko iyan. Para sa anong kabuluhan? Sabihin mo sa Akin ang isang bagay pa, at isipin ito bago mo sabihin sa Akin. Ito ba ang iyong sinsirong kalooban? Ang pumunta sa iyong mga kaibigan, ang mas gustuhin sila kaysa sa Akin?»

«Oo, ito. Hindi ko kailangan na pag-isipan ito, sapagkat matagal nang wala akong ibang gusto bagkus iyan.»

«Kung gayon lakad. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng karahasan sa kalooban ng tao» at si Jesus ay tinalikuran siya at pumuntang unti-unti sa bahay.

Noong Siya ay malapit na dito itinaas Niya ang Kanyang ulo, nakukuha ang Kanyang pansin ng mga mata ni Lazarus, na nakatayo sa kanyang kinalalagyan kanina, ay nakapirmi ang tingin sa Kanya. Ang mukha ni Jesus ay isang napaka putlang mukha na nagsisikap na ngumiti sa matapat na kaibigan.

Siya ay bumalik sa bulwagan kung saan ang apat na apostol ay nakikipagusap kay Maximinus, habang si Martha at si Maria ay pinangangasiwaan ang ginagawa ng mga katulong, na naglilinis ng bulwagan inaalis ang mga pinagkainan at ang mga mantel na ginamit sa bangkete.

Si Lazarus ay pumunta sa pintuan at muling niyakap ang baywang ni Jesus, at dumaraan malapit sa isang katulong sinabi niya sa kanya: «Dalhin sa akin ang rolyo na nasa ibabaw ng mesa sa aking silid-aralan.»

Dinadala niya si Jesus patungo sa isa sa malalapad na upuan sa mga uka ng mga bintana, upang Siya ay sana makaupo. Ngunit si Jesus ay nananatiling nakatayo, nagsisikap na maasikasong pakinggan kung ano ang sinasabi ni Lazarus sa Kanya... ngunit halatang-halata na ang Kanyang isip ay nasa ibang lugar at ang Kanyang puso ay nalulungkot, bagama't nang Kanyang nadama na ang mga apostol ay tinitingnan Siya, ngumiti Siya upang mawala ang pagsospetsa ng mga lumapit sa Kanya pinalilibutan Siya at nagbubulung-bulungan sa isa’t isa, kumikindat tinuturo ang Guro.

Ang katulong ay bumalik dala ang rolyo at si Pedro, nakikita na ang mga pergamino ay naglalaman ng mga bagay na mas mataas kaysa sa maiintindihan ng kanyang ulo, ay umalis nagsasabing: «Ang mga isda ay hindi kinakagat ang ilang mga pain. Mas mabuti nang makipagusap kay Maximinus tungkol sa mga tanim at mga pagbubukid.»

Si Martha ay nagpapatuloy sa kanyang ginagawa. Si Maria, bagama't tahimik, ay sumasama sa pakikipagusap ni Lazarus, na pinakikita ang ilang mga pasahe ng mga pergamino sa Guro, ay nagsasabing: «Hindi ba’t ang paganong ito ay may taglay na isang pambihirang pag-unawa? Nang higit pa sa marami sa amin. Baka... kung siya ay nanatili rito, habang Kayo ay aming Guro, siya ay naging isa sa Inyong mga disipulo, at isa sa pinaka magagaling. At baka naintindihan Niya Kayo katulad na ang marami sa amin ay hindi Kayo naintindihan. At anong isang tula ang maaaring nabuo ng kanyang katalinuhan sa pamamagitan ng kanyang paghanga sa Inyo! Ang Inyong mga salita ay inipon at pinanatili ng isang espiritu na magaling bagama't ito ay pag-aari ng isang pagano! Ang Inyong pamumuhay isinalarawan ng bukás at malinaw na katalinuhang ito! Wala na tayong mga manunulat at mga makata. Pinanganak Kayo nang huli na. Nang ang pagkamakasarili ng búhay at ang panrelihiyong-panlipunan na kurupsiyon ay pinatay nito ang mga tula at ang henyo sa pagitan namin. Kung ano ang naisulat ng marurunong na tao at mga propeta tungkol sa Inyo, nang hindi Kayo nakikilala, ay hindi nakatagpo ng isang alingawngaw sa buháy na tinig ng isa sa Inyong mga tagasunod. Ang Inyong mga tagasunod, ang Inyong matatapat na tagasunod ay karamihan mga taong walang edukasyon. At ang iba... Hindi. Wala na kaming isa man na Qohelet na magbababa sa mga pulutong ng Inyong karunungan at ng Inyong pigura. Wala na sa amin ang mga ito sapagkat ang espiritu at kalooban ay nagkukulang nang mas pa kaysa ang kakayahan na gawin ito. Ang makatao na mas pinipiling bahagi ng Israel ay kasing bingi ng sirang trumpeta, at hindi na maawit nito ang mga kaluwalhatian at mga kababalaghan ng Diyos. Ang pag-aalala ko ay baka mawala ang lahat o ito ay mahaluan ng hindi maganda, sa pamamagitan bahagya ng kawalang-kakayahan, at sa pamamagitan bahagya ng masamang kalooban...»

«Iyan ay hindi mangyayari. Kapag ang Espiritu ng Panginoon ay naninirahan sa mga puso, uulitin nito ang Aking mga salita at ipaliliwanag ang ibig sabihin nito. Ang Espiritu ng Diyos ang nagsasalita sa pamamagitan ng mga labì ng Kristo. Pagkatapos... Pagkatapos ito ay magsasalita nang diretso sa mga espiritu at sasariwain ang Aking mga salita.»

«O! sana mangyari na iyan kaagad! Kaagad, sapagkat napaka kaunti ang kanilang pakikinig sa Inyong mga salita at mas maliit pa ang kanilang naiintindihan. Sa palagay ko ang atungal ng Espiritu ay magiging kasing marahas katulad ng lumalagablab na apoy upang maiukit nang may-karahasan sa mga isip ng mga tao kung ano ang hindi nila tanggapin dahil iyon ay mabait at malumanay. Sa palagay ko ang lumalagablab na Espiritu ay susunugin ang malahininga o inaantok na mga konsiyensya sa pamamagitan ng apoy Nito, sinusulat ang Inyong mga salita sa kanila. Ang mundo ay kakailanganin na mahalin Kayo! Iyan ay ang kalooban ng Kataastaasan! Ngunit kailan ito mangyayari?»

Kapag Ako ay matupok na sa Sakripisyo ng pagmamahal. Pagkatapos ang Pag-ibig ay darating. Ito ay magiging katulad ng magandang apoy na tumataas mula sa sinakripisyong Biktima. At ang apoy na iyon ay hindi kailanman mawawala, sapagkat ang Sakripisyo ay hindi kailanman matatapos. Kapag ito ay napangyari na, ito ay tatagal sa buong panahon ng Lupa.»

«Ngunit kung gayon... Kayo nga ba ay talagang kailangan na isakripisyo upang iyan ay sana mangyari?»

«Iyan ay ganyan» Si Jesus ay ginagawa ng Kanyang dating pagpapakita ng pangangapit sa Kanyang sariling patutunguhan. Inuunat Niya nang papalabas ang Kanyang mga kamay at itinútungo ang Kanyang ulo. Pagkatapos Kanya itong tinataas ulit upang ngumiti sa nalulungkot na Lazarus at nagsabi: «Ngunit ang di-materyal na tinig ng Espiritu ay hindi magiging kasing marahas katulad ng isang atungal, bagkus ito ay magiging kasing tamis ng pag-ibig, na kasing banayad ng ihip ng hangin sa Nisan datapwa't kasing lakas ng kamatayan. Ang di-mailalarawan na ministeryo ng Pag-ibig! Ang kapupunan, ang kabuuan ng Aking ministeryo. Ang perpeksiyon ng Aking ministeryo bilang Guro... Hindi Ako natatakot, katulad mo, na may mawawala sa Aking naibigay. Sa kabaligtaran, sasabihin Ko sa iyong totoo na mga sinag ng liwanag ay mapupunta sa Aking mga salita at makikita mo ang kanilang mga espiritu. Aalis Ako nang matiwasay sapagkat ipinagkakatiwala Ko ang Aking doktrina sa Banal na Espiritu at ang Aking espiritu sa Aking Ama.»

Ibinababa Niya ang Kanyang ulo nang nag-iisip, pagkatapos, matapos na mailatag ang rolyo, na siyang pinagsimulan ng pag-uusap, sa ibabaw ng isang klase ng mataas na aparador o baul ng ebony, o iba pang maitim na kahoy, lahat may-kalupkop ng manilaw-nilaw na garing, na ipinasok ng apat na katulong mula sa katabing silid, at na sa loob nito kung saan inaayos ni Martha ang mas mahahalagang gamit ng hapag-kainan, Siya ay nagsabi: «Lazarus, halika sa labas. Gusto kitang makausap!»

«Kaagad, Panginoon» at si Lazarus ay tumayo mula sa upuan ng kanyang inuupuan at sinundan si Jesus sa hardin, kung saan nagsisimula nang dumilim, dahil ang huling sinag ng araw ay naglalaho na sa kalawakan, at ang maagang sinag ng buwan, na nagsisimula pa lamang na lumitaw, ay napakahina pa.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus: «Ilalagay mo rito ang bisyon na may petsang Marso 2, 1945: “Pagpapaalam kay Lazarus”, nagsisimula sa punto: “Si Jesus ay naglalakad binabaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa kabila ng hardin kung saan naroroon ang sepulkro na pinaglibingan ni Lazarus”.»

270612


template button