585. Pagpapaalam kay Lazarus.

Marso 2, 1945.

Si Jesus ay nasa Bethany. Ngayon ay gabi. Isang mapayapang gabi ng Abril. Mula sa malalapad na bintana ng silid-kainan makikita ng isa ang hardin ni Lazarus lahat nasa pamumulaklak, at sa kabila nito, ang lootan ay nagmumukhang katulad ng isang ulap ng magagaang mga petalo.

Nakaalis na si Jesus sa mesa at tinitingnan ang isang rolyo ng pergamino na pinakita sa Kanya ni Lazarus. Si Maria ng Magdala ay umiikot sa silid... nagmumukha siyang isang paruparo na nakukuha ang atensiyon ng liwanag. Wala siyang magawa bagkus ang umikot sa kanyang Jesus. Si Martha ay pinapanood ang mga katulong na nag-aalis sa magagandang mahahalagang gamit sa ibabaw ng hapag-kainan.

Iniladlad ni Jesus ang rolyo sa ibabaw ng isang mataas na tabing-patungan na gawa sa pinakintab na itim na kahoy na may kalupkop ng garing, at nagsabi: «Lazarus, halika sa labas. Kailangan Kong magsalita sa iyo.»

«Kaagad, Panginoon» at si Lazarus ay tumayo mula sa kanyang upuan malapit sa bintana at sinusundan si Jesus patungo sa hardin, kung saan ang huling liwanag ng araw ay humahalo sa unang napakalinaw na sinag ng buwan.

Si Jesus ay naglalakad binabaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa kabila ng hardin, kung saan naroroon ang sepulkro na pinaglibingan ni Lazarus at kung saan sa walang-takip na bunganga nito ay naroon ang mga tanim na rosas na lahat nasa pamumulaklak. Sa itaas nito, nakaukit sa medyo nakatagilid na bato ay ang mga salitang: «Lazarus, lumabas ka!» Si Jesus ay tumigil dito. Ang bahay ay hindi na maaaring makita pa, naitatago katulad nito ng mga punungkahoy at mga halamang bakod. Naroon ang lubus-lubusang katahimikan at absulutong pag-iisa.

«Lazarus. Aking kaibigan» nagtatanong si Jesus nakatayong nakaharap sa Kanyang kaibigan at nakatingin nang may bahagyang ngiti sa Kanyang mukha, na napakanipis at maputla pa kaysa karaniwan. «Lazarus. Aking kaibigan, kilala mo ba kung sino Ako?»

«Kayo? Kayo ay si Jesus ng Nazareth, aking magiliw na Jesus, aking banal na Jesus, aking makapangyarihan na Jesus!»

«Iyan ay sa ganang sa iyo. Ngunit sa ganang sa mundo, sino Ako?»

«Kayo ay ang Mesiyas ng Israel.»

«At pagkatapos?»

«Kayo ang Ipinangakong Isa, ang Hinihintay na Isa... Ngunit bakit Ninyo itinatanong iyan sa akin? Pinagdududahan ba Ninyo ang aking pananampalataya?»

«Hindi, Lazarus. Bagkus ibig Kong ipagtapat sa iyo ang isang katotohanan. Walang sinuman, maliban sa Aking Ina at sa isa sa Aking mga apostol, ang nakaaalam nito. Ang Aking Ina, sapagkat nalalaman Niya ang lahat. Ang isang apostol, sapagkat siya ay bumabahagi sa bagay na ito. Sa loob ng tatlong taon na ito sinabihan Ko nang maraming beses ang iba pa na nakakasama Ko. Ngunit ang kanilang pagmamahal ay naging nepenthes at pinigilan ang katotohanan na Aking binunyag. Hindi nila maintindihan... At iyan ay isang mabuting bagay na hindi nila naintindihan, kundi’y, upang mapigilan ang isang krimen, nakagawa sana sila ng isa pa. Isang walang kabuluhang krimen, sapagkat kung ano ang mangyayari ay kailangan na mangyari pa rin, sa kabila ng kahit ano pa mang ibang pagpatay. Ngunit gusto Kong sabihin sa iyo.»

«Nagdududa ba Kayo na hindi ko Kayo minamahal nang labis katulad ng ginagawa ko? Anong krimen ang Inyong sinasabi? Anong krimen ang mangyayari? Sa ngalan ng Diyos, magsalita!» si Lazarus ay balisa.

«Oo, magsasalita Ako. Hindi Ko pinagdududahan ang iyong pagmamahal. Labis-labis kung kaya't ipinagkakatiwala Ko at ipinagtatapat Ko sa iyo ang Aking kalooban...»

«O! aking Jesus! Ang isang malapit nang mamatay ang gumagawa niyan! Ginawa ko iyan noong mabatid ko na Kayo ay hindi na darating at ako ay kailangang mamatay.»

«At Ako ay kailangang mamatay.»

«Hindi!» si Lazarus ay napasigaw ng isa pang ungol.

«Huwag sumigaw. Gawin na walang makarinig sa atin. Kailangan Kong magsalita sa iyo lamang. Lazarus, Aking kaibigan, nalalaman mo ba kung ano ang nangyayari sa pinaka sandaling ito na nakakasama kita, sa matapat na pakikipagkaibigan na ipinagkaloob mo sa Akin mula sa unang sandali, at hindi kailanman nabalisa para sa kung anuman na rason? Ang isang lalaki, kasama ang iba pang mga lalaki ay pinag-uusapan ang presyo ng Kordero. Nalalaman mo ba ang pangalan ng Korderong iyan? Ang pangalan niyan ay Jesus ng Nazareth.»

«Hindi! Mayroon mga kaaway, totoo iyan. ngunit walang sinuman ang makapagbebenta sa Inyo! Sino? Sino ito?»

«Isa sa Aking mga apostol. Ito ay maaaring bagkus ang isa sa Aking mga nabigo nang husto at na, pagod na sa kahihintay, gusto nang pakawalan Siya Na ngayon ay wala nang iba bagkus isang personal na panganib. Sa kanyang pamamaraan ng pag-iisip, sa pakiramdam niya makukuha niya ulit ang kanyang magandang reputasyon sa malalakas sa mundo. Siya sa halip ay kasusuklaman kapwa ng lahat na mabubuting tao at ng lahat na mga kriminal. Siya ay napagod na sa Akin, sa kahihintay sa kanyang pinagsisikapan na makamit sa pamamagitan ng bawat pamamaraan: pantaong kadakilaan, na kanyang inaasam una sa Templo, pagkatapos naniwala siya na makukuha niya sa Hari ng Israel, at ngayon hinahanap niya itong muli sa Templo at sa pagdulog sa mga Romano... Umaasa siya... Ngunit ang Roma, kung alam nito kung papaano magbigay ng gantimpala sa matatapat na katulong nito... alam din nito kung papaano durugin nito ang mga espiya nang may panunuya. Siya ay pagod na sa Akin, nang kahihintay, pagod na ng pabigat ng pagiging mabuti... Para sa mga masasamâ, ang maging, ang mangailangan na magkunwari na mabuti, ay isang napakabigat na pasanin. Madadala ito nang matagal-tagal... pagkatapos... hindi na ito matitiis... at ito ay pakakawalan ng isa upang maging malaya. Malaya? Iyan ang akala ng masasamâ. Iyan ang kanyang iniisip. Ngunit ito ay hindi kalayaan.  Ang mapasa-Diyos ay kalayaan. Ang maging laban sa Diyos ay ang mapasa-kulungan na may mga dalahin at mga tanikala, may mga pabigat at mga hagupit, katulad na wala pang alipin sa galera, katulad na wala pang alipin na nagtatrabaho sa konstruksiyon ang naghirap sa ilalim ng panghagupit ng tagapagpahirap.»

«Sino ito? Sabihin sa akin. Sino ito?»

«Wala itong kabuluhan.»

«Oo, may kabuluhan ito... Ah! Ito ay walang iba bagkus siya: ang lalaki na lagi na lamang isang batik sa Inyong grupo, ang lalaki na kani-kanina pa lamang ay nanakit sa aking kapatid. Ito ay si Judas ng Kerioth!»

«Hindi. Ito ay si Satanas. Ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Akin: si Jesus. Si Satanas ay nagkatawang-tao sa kanya: si Judas ng Kerioth. Isang araw... isang napakalayong araw... dito, sa loob ng hardin mong ito, pinaginhawahan Ko ang mga luha at pinagpasyensiyahan Ko ang isang espiritu na bumagsak nang napakababa. Sinabi Ko na ang panlulukob ay ang panghahawa ni Satanas na nagtatanim sa tao ng kanyang mga katas at inililigaw ang kalikasan nito. Sinabi Ko na iyon ay ang kasal ng isang espiritu kay Satanas at sa kahayupan. Ngunit ang panlulukob ay isa pa ring maliit na bagay kompara sa pagkakatawang-tao. Ako ay panlulukuban ng mga santo at sila ay panlulukuban Ko. Ngunit tanging kay Jesucristo lamang ang Diyos katulad na Siya ay nasa Langit, sapagkat Ako ang Diyos Na naging Laman. Iisa lamang ang dibinong Engkarnasyon. Gayon din naman si Satanas, si Lucifer, ay mapupunta sa isa lamang, katulad na siya ay nasa kanyang kaharian, sapagkat si Satanas ay nagkatawang-tao lamang sa tagapagpatay ng Anak ng Diyos. Habang Ako ay nagsasalita sa iyo dito, siya ay nasa harapan ng Sanhedrin at nakikipagtawaran at itinataya ang sarili upang Ako ay mapatay. Ngunit ito ay hindi siya, ito ay si Satanas. Makinig ngayon, Lazarus, Aking tapat na kaibigan. Hihingi Ako sa iyo ng ilang mga pabor. Hindi mo Ako kailanman pinagkaitan ng kahit na ano. Ang iyong pagmamahal ay naging napakadakila na, nang hindi lumalampas sa paggalang, ito ay naging laging aktibo sa tabi Ko, sa pamamagitan ng di mabilang na mga tulong, nang may labis na kahinahunan na tulong at may-karunungang payo na lagi Ko itong tinatanggap, sapagkat nakikita Ko sa iyong puso ang tunay na mithiin para sa Aking kapakanan.»

«O! Aking Panginoon! Ngunit iyon ay aking lugod na ilaan ko ang aking sarili sa Inyo! Ano na ang aking gagawin ngayon, kung hindi ko na kakailanganin na ilaan ang aking sarili sa aking Guro at Panginoon? Pinahintulutan Ninyo ako na gumawa ng napakaliit, napakaliit nang husto! Ang aking pagkakautang sa Inyo, na nagbalik kay Maria sa aking pagmamahal at karangalan, at ako sa búhay, ay gayon na lamang na... O! bakit pa Ninyo ako tinawag mula sa kamatayan upang pamuhayan ang oras na ito? Sa ngayon nalampasan ko na sana ang lahat na kilabot ng kamatayan at ang lahat na paghihirap ng espiritu, na tinakot ni Satanas sa pamamagitan ng panunukso noong sandali kung kailan ihaharap na nito ang sarili sa Eternal na Hukom, at doon ay may kadiliman!... Ano ang nangyayari sa Inyo, Jesus? Bakit Kayo nanginginig at mas namumutla kaysa sa kung ano Kayo dati? Ang Inyong mukha ay mas maputla kaysa sa puting mga rosas na ito na nalalanta sa ilalim ng sinag ng buwan. O! Guro! Ang Inyong dugo at búhay ay tila tinatalikuran Kayo...»

«Ako, sa katunayan, ay nagmumukhang katulad ng isang tao na namamatay na ang kanyang mga ugat ay hiniwa. Ang buong Herusalem, at ang ibig Kong sabihin ang “lahat na mga kaaway Ko sa pagitan ng malalakas sa Israel” ay inilagay ang kanilang matatakaw na bunganga sa Akin at sinisipsip ang Aking búhay at ang Aking dugo. Ibig nilang patahimikin ang Tinig na sa loob ng tatlong taon, habang nagmamahal sa kanila, ay nagpahirap sa kanila;... sapagkat ang bawat salita Ko, kahit na kung ito ay isang salita ng pagmamahal ay isang panggulat na nag-aanyaya sa kanilang mga kaluluwa na gumising, at ayaw nilang mapakinggan ang kanilang mga kaluluwa, dahil naitali nila ang mga ito ng kanilang tatlong ibayong kahalayan. At hindi lamang ang malalakas... Bagkus ang buong Herusalem ay sisiklab na sa pagngangalit sa Inosente at hihingin ang Kanyang kamatayan... at kasama ng Herusalem ang Judaea rin... at kasama ng Judaea ang Perea rin, ang Idumaea, ang Decapolis, ang Galilee, ang Syrophaenicia... ang buong Israel na naipon sa Zion para sa “Pagdaan” ng Kristo mula sa búhay hanggang sa kamatayan... Lazarus, sa dahilan na ikaw ay namatay at nabuhay muli, sabihin sa Akin: ano ang kamatayan? Ano ang naramdaman mo? Ano ang naaalaala mo?»

«Ang namamatay?... Hindi ko maalaala nang eksakto kung ano iyon. Ang aking mapait na paghihirap ay nasundan ng isang mabigat na pananamlay... Ako ay tila hindi na ulit naghihirap pa at ako lamang ay antok na antok... Ang liwanag at mga ingay ay pahina nang pahina at pawala nang pawala at papalayo nang papalayo... Ang aking mga kapatid at si Maximinus ay nagsasabi na nagpapakita ako ng mga tanda ng matinding paghihirap... Ngunit hindi ko maalaala...»

«Siyempre. Ang awa ng Ama ay pinamamanhid ang katalinuhang mga pandama ng namamatay na mga tao, upang ang kanilang laman lamang ang maghihirap, sa dahilan na ito ay kailangan na mapadalisay ng aguniya bago pa ang purgatoryo. Ngunit Ako... At ano ang naaalaala mo tungkol sa kamatayan?»

«Wala, Guro. Ito ay isang madilim na espasyo sa aking espiritu. Isang walang-laman na lugar. May isang pagtigil sa takbo ng aking buhay at hindi ko alam kung papaano ito punuan. Wala akong maalaala na kahit ano. Kung titingnan ko ang ilalim ng maitim na balon na iyon na humawak sa akin nang apat na araw, bagama't noon ay gabi at ako ay isang anino roon, kung makakakita ako, mararamdaman ko ang mahalumigmig na kalamigan na tumataas mula sa mga bituka nito at umiihip sa aking mukha. Ito, pagkatapos ng lahat, ay isang pakiramdam. Ngunit kung iisipin ko ang tungkol sa apat na araw na iyon, wala ako kahit ano. Wala. Iyan ang salita.»

«Siyempre. Ang mga bumabalik ay hindi makapagsasabi... Ang misteryo ay binubunyag sa tuwing pagkakataon sa sinuman na pumapasok. Ngunit Ako, Lazarus, alam Ko kung ano ang Aking ipaghihirap. Alam Ko na Ako ay maghihirap na ganap na buo ang Aking kamalayan. Hindi magkakaroon ng kahit na anong pampaginhawang inumin o pananamlay upang hindi maging nakakatakot ang Aking aguniya. Mararamdaman Ko na Ako ay namamatay. Nararamdaman Ko na ito... Ako ay namamatay na, Lazarus. Katulad ng isang naghihirap gawa ng di-mapagagaling na sakit, Ako ay patuloy na mamatay sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon na ito. At ang kamatayan ay binilisan ang takbo nito nang mas lalu’t lalo pa habang nalalapit Ako sa oras na ito. Sa una namamatay lamang Ako dahil sa kaalaman na Ako ay pinanganak upang maging ang Tagapagtubos. Pagkatapos ito ay ang kamatayan niya na nakikita ang kanyang sarili na kinokontra, inaakusahan, pinagtatawanan, inuusig, hinahadlangan... Gaanong nakakapagod! Pagkatapos... ang kamatayan na mapunta sa Akin, nang papalapit nang papalapit, hanggang sa Ako ay kanya nang sinasakal katulad ng pagsakal ng isang higanteng pugita sa isang taong nasa tubig nakawala sa lumulubog na barko, siya na magiging ang Taksil sa Akin. Gaanong nakasusuka! At ngayon Ako ay namamatay sa pagpapahirap ng pangangailangan na magpaalam sa Aking pinakamamahal na mga kaibigan at sa Aking Ina...»

«O! Guro! Kayo ay lumuluha?! Alam ko na Kayo ay lumuha rin sa harapan ng aking sepulkro, sapagkat minamahal Ninyo ako. Ngunit ngayon... Kayo ay lumuluha muli, Kayo ay naninigas. Ang Inyong mga kamay ay kasing lamig na ng mga kamay ng isang bangkay. Kayo ay naghihirap... Kayo ay naghihirap nang labis!...»

«Ako ang Tao, Lazarus. Hindi lamang Ako Diyos. Nasa Akin ang pagkamaramdamin at mga damdamin ng mga tao. At ang Aking kaluluwa ay naghihirap iniisip ang Aking Ina... gayunpaman, sinasabi Ko sa iyo, ang pagpapahirap ng tinitiis Ko ang pagkakalapit ng Magtataksil sa Akin ay naging napakalaki, pati na rin ang batahin Ko ang maladimonyong kapootan ng isang buong mundo, at ang pagkabingi ng mga tao na, kung hindi napopoot, ay hindi rin makapagmahal nang aktibo, sapagkat ang magmahal nang aktibo ay ang magtagumpay sa pagiging kung ano ang ibig at tinuturo ng minamahal na tao, samantalang dito!... Oo, marami ang nagmamahal sa Akin. Ngunit sila ay nanatiling “kung ano sila dati”. Hindi sila makapag-anyo ng iba pang kaakuhan alang-alang sa Akin. Nalalaman mo ba kung sino, sa pagitan ng Aking pinaka málapít na minamahal, ang nakapagbago ng kalikasan upang maging katulad ng kalikasan ng Kristo, katulad ng gusto ng Kristo? Isa lamang: ang iyong kapatid na si Maria. Nagsimula siya mula sa ganap na nalilisyang kahayupan upang makarating sa isang anghelikal na espirituwalidad. At nakamit niya ito sa pamamagitan lamang ng kapangyarihan ng pagmamahal.»

«Tinubos Ninyo siya.»

«Tinubos Ko silang lahat ng Aking salita. Ngunit siya lamang ang nagbago nang ganap sa pamamagitan ng aktibong pagmamahal. Ngunit sinasabi Ko kanina: at ang Aking ipinaghihirap sa lahat na mga bagay na ito ay napakalaki, na wala na Akong ibang minimithi pa bagkus ang makita ang lahat na mangyari na. Ang Aking lakas ay binibigo Ako... Ang krus ay hindi magiging napakabigat katulad ng pagpapahirap na ito ng espiritu at ng mga damdamin...»

«Ang krus?! Hindi! O! hindi! Ito ay napakalupit! Labis itong kahiya-hiya! Hindi!» Si Lazarus, na matagal-tagal nang hinahawakan ang malalamig na kamay ni Jesus ng kanyang sariling mga kamay, nakatayo sa harapan ng kanyang Guro, ay binitiwan ang mga ito at pinanghinaan na bumagsak sa malapit na batong upuan at tinatakpan ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay umiiyak nang hindi mapigilan.

Si Jesus ay nilalapitan siya, ipinatong ang isang kamay sa mga balikat na nayayanig ng mga hikbi, at nagsabi: «Ano? Ako ba, Na malapit nang mamatay, ay magpapaginhawa sa iyo, na buháy? Aking kaibigan, Ako ay nangangailangan ng lakas at tulong. At ito ay Aking hinihingi sa iyo. Ikaw lamang ang mayroon Ako na makapagbibigay ng mga ito sa Akin. Mas mabuti kung hindi ito nalalaman ng iba. Dahil kung nalaman nila... dadanak ang dugo. At ayaw Ko na ang mga kordero ay maging mga lobo, ni kahit na para sa kapakanan ng Inosente. Ang Aking Ina... o! gaano nakadudurog ng puso ang magsalita tungkol sa Kanya!... Ang Inay ay labis nang naghihirap ang kalooban! Siya rin ay namamatay nang hapo na... Siya rin ay namamatay na sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon, at Siya ngayon ay isa nang malaking sugat, katulad ng biktima ng isang napaka malupit na pagpapahirap. Sinusumpa Ko sa iyo na naglalaban ang Aking isip at ang Aking puso, ang Aking pagmamahal at katwiran, upang magpasya kung makatarungan na paalisin Siya, na pabalikin Siya sa Kanyang bahay, kung saan lagi Niyang pinananaginipan ang tungkol sa Pag-ibig  na siyang dahilan kung bakit Siya naging Ina, kung saan kinalulugdan Niya ang tamis ng halik na apoy ng Pag-ibig, Siya ay nagsisimula sa nagtatalik na kasiyahan ng alaalang iyan, at sa pamamagitan ng mga mata ng Kanyang kaluluwa lagi Niyang nakikita ang hangin na magiliw na gumagalaw, pinakikilos ng isang  pagkislap ng anghel. Ang balita tungkol sa Aking kamatayan ay makararating sa Galilee sa halos gayon ding sandali kung saan magagawa Kong masabi sa Kanya: “Inay. Ako ang Mananakop!”. Ngunit hindi Ko magagawa, hindi, hindi Ko magagawa iyan. Ang kaawa-awang Jesus, napabibigatan ng mga kasalanan ng mundo, ay nangangailangan ng aliw. At ang Aking Ina ay maibibigay iyan. At ang mas kaawa-awa pang mundo ay nangangailangan ng dalawang Biktima. Sapagkat ang lalaki ay nagkasalang kasama ang babae; at ang Babae ay kailangan na manubos, katulad na ang Lalaki ay nanunubos.. Ngunit hanggang sa dumating ang oras, ngingiti Ako sa Aking Ina nang naniniyak... Siya ay nanginginig... Alam Ko. Nararamdaman Niya na ang Pagpapahirap ay lumalapit. Alam Ko. At itinutulak Niya ito gawa ng natural na pagkamuhi at ng banal na pagmamahal, katulad na itinutulak Ko ang Kamatayan dahil Ako ay isang “nabubuhay na nilalang” na kailangang mamatay. Ngunit nakapangingilabot kung ito ay Kanyang malaman sa loob ng limang araw... Mamamatay Siya bago ang panahon na iyan, at gusto Ko Siyang buháy upang makakuha ng lakas mula sa Kanyang mga labì, katulad na tinanggap Ko ang buhay mula sa Kanyang sinapupunan. At gusto ng Diyos na Siya ay kasama Ko sa Kalbaryo upang ihalo ang tubig ng Kanyang mga luhang birhen sa alak ng Aking dibinong Dugo at maipagdiwang ang unang Misa. Nalalaman mo ba kung magiging ano ang Misa? Hindi mo alam. Hindi mo malalaman. Ito ay magiging ang Aking kamatayan na gagamitin para sa magpakailanman sa mga buháy o sa mga naghihirap na sangkatauhan. Huwag umiyak, Lazarus. Siya ay malakas. Siya ay hindi umiiyak. Siya ay umiyak na sa buong buhay Niya ng isang Ina. Hindi na Siya umiiyak pa ngayon. Naipako na Niya ang Kanyang ngiti sa Kanyang mukha... Napuna mo ba kung naging ano ang Kanyang mukha katulad ng mga huling araw na ito? Ipinako Niya ang Kanyang ngiti sa Kanyang mukha upang mapaginhawahan Ako. Hinihingi Ko sa iyo na gayahin ang Aking Ina. Hindi Ko na maitatago sa Aking sarili lamang ang lihim. Ako ay tumitingin-tingin sa paligid na makakita ng isang sinsirong maaasahan na kaibigan. Natagpuan Ko ang iyong tapat na mga mata. Sinabi Ko: “Ipagtatapat Ko ito kay Lazarus”. Noong ikaw ay may mabigat na dalahin sa loob ng iyong puso, nirespeto Ko ang iyong lihim at pinagsanggalang Ko ito kahit laban sa natural na pagka-usyoso ng mga puso. Hinihingi Ko sa iyo na magkaroon din ng gayong respeto para sa Aking lihim. Pagkatapos... pagkatapos ng Aking kamatayan, gagawin mong malaman ito. Babanggitin mo ang pag-uusap na ito. Na sana malaman ng mga tao na si Jesus ay pumunta sa kanyang kamatayan nang alam na alam ang sitwasyon, at sa Kanyang nalalaman na mga pagpapahirap idinagdag din Niya ito, na alam Niya ang lahat, kapwa ang magpatungkol sa mga tao at sa Kanyang kahihinatnan. Na sana malaman na habang maaari pa Niyang mailigtas ang Kanyang Sarili, ayaw Niyang gawin ito, sapagkat ang Kanyang walang-hangganang pagmamahal para sa mga tao ay walang ibang minimithi bagkus ang tapusin ang sakripisyo para sa kanila.»

«O! iligtas Ninyo ang Inyong Sarili, Guro! Iligtas Ninyo ang Inyong Sarili! Magagawa kong makatakas Kayo. Sa pinakang gabing ito. Minsan Kayo ay tumakas sa Ehipto! Tumakas din ngayon. Halikayo, tayo na. Kunin at isama natin si Maria at ang aking mga kapatid, at umalis na tayo. Wala sa aking mga kayamanan ang nakakakuha ng Aking pagtingin, katulad ng nalalaman Ninyo. Kayo ang aking kayamanan at ni Maria at ni Martha. Tayo na.»

«Lazarus, Ako ay tumakas noon sapagkat hindi pa iyon ang Aking oras. Ngayon ito na ang oras. At mananatili Ako.»

«Kung gayon sasama ako sa Inyo. Hindi ko Kayo iiwanan.»

«Hindi. Mananatili ka rito. Sa dahilan na siya na nasa loob ng distansiya ng isang paglalakad sa Sabbath ay pinahihintulutan na kanin ang kordero sa loob ng kanyang bahay, kakanin mo ang iyong kordero dito, katulad ng lagi mong ginagawa. Ngunit gawin na makasama ang iyong mga kapatid... Para sa Aking Ina... O! ano ang itinago ng mga rosas ng dibinong pagmamahal sa Iyo, o Martir! Ang kalaliman! Ang kalaliman! At mula dito ay ngayon tumataas na ang mga apoy ng Kapootan at nagmamadaling pumunta sa Iyo upang ngatngatin Ka, puso! Ang magkapatid na babae, oo. Sila ay malakas at aktibo... at ang Inay ay mag-aaguniya, nakayuko sa Aking patay na katawan. Si Juan ay hindi sasapat. Si Juan ay pagmamahal. Ngunit siya ay bata-pa. O! Siya ay magkaka-edad at magiging isang lalaki sa pagpapahirap sa mga darating na araw. Ngunit ang Babae ay mangangailangan, ng mga babae para sa Kanyang nakapangingilabot na mga sugat. Ibibigay mo ba sila sa Akin?»

«Ibibigay ko sa Inyo ang lahat, lagi ko nang binibigay sa Inyo ang lahat nang malugod, at ikinalulungkot ko lamang na napaka kaunti ang ibig Ninyo!...»

Katulad sa nakikita mo, hindi Ako tumanggap mula sa sino pa mang iba kung ano ang pinayagan Kong tanggapin mula sa Aking mga kaibigan sa Bethany. Iyan ang isa sa mga akusasyon na ginawa laban sa Akin ng di-makatarungang tao nang higit pa sa minsan. Ngunit dito, sa pagitan ninyo, nakatagpo Ako ng sapat upang mapaginhawahan ang Tao sa lahat ng Kanyang kapaitan bilang isang tao. Sa Nazareth iyon ay ang Diyos noon Na nakatagpo ng kaaliwan malapit sa Pambihirang Kasiyahan ng Diyos. Dito ito ay noon ang Tao. At bago pumunta sa Aking kamatayan pinasasalamatan kita, Aking tapat, nagmamahal, mabait, maalalahanin, nagpipigil, may-pinag-aralan, mahinahon, mapagbigay na kaibigan. Pinasasalamatan kita para sa lahat. At ang Aking Ama, pagkatapos, ay gagantimpalaan ka...»

«Nasa akin na ang lahat sa pamamagitan ng Inyong pagmamahal at ng katubusan ni Maria.»

«O! hindi. Makatatanggap ka ng mas labis pa. At mapapasaiyo ito. Makinig. Huwag kang masyadong malungkot. Makinig nang mabuti sa Akin na masabi Ko sana sa iyo kung ano ang gusto Kong hingin sa iyo na gawin mo. Mananatili ka rito naghihintay...»

«Hindi, hindi iyan. Bakit si Maria at si Martha, at hindi ako?»

«Sapagkat ayaw Kong ikaw ay marumihan dahil ang lahat na mga lalaki ay marurumihan. Ang Herusalem sa susunod na mga araw ay magiging marumi katulad ng hangin sa palibot ng isang nabubulok na labí ng isang hayop na bigla na lamang sumabog gawa ng yapak ng isang hindi tumitingin na nagdaraan. Nahawahan at nanghahawa. Kahit na ang mga tao na hindi napakalupit, kahit na ang Aking mga disipulo ay mababaliw ng sigaw nito. Sila ay tatakbo. At saan sila pupunta sa kanilang kalituhan? Sila ay pupunta kay Lazarus. Ilang beses, sa loob ng tatlong mga taon na ito, dumating sila naghahanap ng tinapay, mahihigaan, proteksiyon, masisilungan, at para sa kanilang Guro!... Babalik sila ngayon. Katulad ng mga tupa na ikinalat ng mga lobo na humuli sa pastol, tatakbo sila sa isang kulungan. Ipunin sila. Palakasin ang loob nila. Sabihin sa kanila na pinatatawad Ko sila. Ipinagkakatiwala Ko sa iyo ang gawain na patawarin sila sa katauhan Ko. Hindi sila patatahimikin ng kanilang konsiyensya sa kanilang pagtakbo. Sabihin sa kanila na huwag silang mapunta sa mas malaking pagkakasala sa pag-iisip na hindi Ko sila mapapatawad.»

«Sila bang lahat ay tatakbo?»

«Lahat sila maliban kay Juan.»

«Guro. Hindi Ninyo hihingin sa akin na tanggapin si Judas? Gawin akong mamatay na pinahihirapan, ngunit huwag Ninyong hingin sa akin iyan. Maraming beses na ang aking kamay, nanggigigil katulad na ito ay noon na patayin ang kahihiyan ng pamilya, ay nanginginig sa paghipo sa aking espada. Ngunit hindi ko kailanman ginawa ito sapagkat ako ay hindi isang marahas na tao. Natukso lamang ako na gawin iyon. Ngunit sinusumpa ko sa Inyo na kung makita ko ulit si Judas, lalaslasin ko ang kanyang lalamunan, katulad ng isang sangkalan na kambing.

«Hindi mo na ulit siya makikita. Sinusumpa Ko ito sa iyo.»

«Siya ba ay tatakbo? Hindi na bale. Ang sinabi ko: “Kung makita ko ulit siya”. Ngayon sasabihin ko: “Hahanapin ko siya, kahit na kung siya ay nasa katapusan ng mundo, at papatayin ko siya”.»

«Hindi mo dapat mithiin iyan.»

«Gagawin ko iyan.»

«Hindi mo magagawa iyan, sapagkat hindi ka makakapunta sa kinaroroonan niya.»

«Sa sinapupunan ng Sanhedrin? Sa loob ng Banal ng mga Banal? Kukunin ko siya kahit na doon at papatayin ko siya.»

«Hindi siya mapupunta roon.»

«Sa palasyo ni Herodes? Papatayin nila ako, ngunit papatayin ko siyang una.»

«Makakasama niya si Satanas. At hindi mo kailanman makakasama si Satanas. Kalimutan ang pagpatay na intensiyon na iyan kaagad, kundi’y iiwanan kita.»

«O! o!... Ngunit... Oo, para sa Inyo... O! Guro! Guro! Guro!»

«Oo. Iyong Guro... Tatanggapin mo ang mga disipulo, pagiginhawahan mo sila. Dadalhin mo silang muli sa kapayapaan. Ako ang Kapayapaan. At pagkatapos din... Pagkatapos tutulungan mo sila. Ang Bethany ay palaging magiging Bethany, hanggang maghalungkat ang Kapootan sa tahanang ito ng pagmamahal, iniisip na mapapatay nito ang mga apoy nito, samantalang ikakalat nito ang mga ito sa buong mundo upang paapuyin ito. Pinagpapala kita, Lazarus, para sa lahat na ginawa mo at para sa gagawin mo...»

«Wala, wala. Ibinalik Ninyo ako mula sa kamatayan, at hindi Ninyo ako pinahihintulutan na ipagsanggalang ko Kayo. Kung gayon ano ang aking nagawa?»

«Binigay mo sa Akin ang iyong mga bahay. Kita mo? Iyon ay ang ating kapalaran. Ang unang tirahan sa Zion sa lupa na pag-aari mo. At ang huling isa din sa isa sa mga pag-aari mo. Iyon ay Aking kapalaran na Ako ay maging iyong Panauhin. Ngunit hindi mo Ako maipagsasanggalang sa kamatayan. Sa simula ng pag-uusap na ito tinanong kita: “Kilala mo ba kung sino Ako?” Ngayon Ako ang tutugon: “Ako ang Tagapagtubos”. Ang Tagapagtubos ay kailangan na gawin ang sakripisyo hanggang sa huling paghihirap. Maging ano pa man, maniwala sa Akin. Siya na itataas sa krus at ilalantad sa mga mata at sa panunuya ng mundo ay hindi magiging buháy, bagkus patay. Ako ay patay na, pinatay bago pa man at mas pa gawa ng kakulangan sa pagmamahal kaysa gawa ng pagpapahirap. At isang bagay pa, Aking kaibigan. Bukas pagsikat ng araw pupunta Ako sa Herusalem. At mapapakinggan mo ang mga tao na magsasabi na ang Zion ay pinapalakpakan ang mapagpakumbabang Hari nito bilang isang panalunan, habang pinapasok Niya ang bayan nakasakay sa isang maliit na asno. Huwag kang paloko sa tagumpay na iyan at huwag mong gawin ito na gawin kang isipin na ang Karunungan na ngayon nagsasalita sa iyo ay hindi marunong sa mapayapang gabing ito. Ang pabor ng mga tao ay maglalahong mas mabilis pa kaysa sa isang bituin na gumuguhit sa kalawakan at mawawala sa di alam na mga espasyo, at sa loob ng limang araw, sa gabing katulad ng oras na ito, ang pagpapahirap sa Akin ay magsisimula na may isang mapagdayang halik na magbubukas sa mga bunganga, umaawit ng mga hosana bukas, patungo sa pagiging isang koro ng nakapangingilabot na mga panunumpa at malulupit na humahatol na mga tinig.

Oo, sa wakas, o bayan ng Zion, o sambayanan ng Israel, mapupunta na sa iyo ang Kordero ng Paskuwa! Mapupunta na sa iyo ito sa ritwal na malapit nang gawin. Naririto ito. Ito ay ang Biktima na naihanda sa loob ng napakatagal na panahon. Ang Pag-ibig ang lumikha Nito, bilang nakapaghanda ng isang imakuladang sinapupunan na siyang ang nupsiyal na silid nito. At ang Pag-ibig ay pinakikinabangan ito. Naririto ito. Ito ang may-malay na Biktima. Hindi katulad ng kordero na habang hindi nagmamalay ay nanginginain sa parang o idinidiin ang kulay-rosal na nguso nito sa bilog na utong ng nanay nito, habang ang magkakátay ay naghahasa ng isang kutsilyo para sa gagawing pagkatay dito. Ngunit Ako ang Kordero na nagmámaláy na nagsasabi: “Paalam!” sa buhay, sa Kanyang Ina, sa Kanyang mga kaibigan, at pumupunta sa tagapagsakripisyo at nagsasabi: “Naririto Ako!” Ako ang pagkain ng tao. Si Satanas ay ginawa ang mga tao na magutom at ang kanilang pagkagutom ay hindi kailanman nabigyan ng kasiyahan. At ito ay hindi kailanman mabibigyan ng kasiyahan. Isang pagkain lamang ang makapagpapakontento rito, sapagkat inaalis nito ang kanilang pagkagutom. At naririto ang pagkain na iyan, tao. Naririto ang iyong alak. Kainin ang iyong Paskuwa, o Sangkatauhan! Tawirin ang iyong dagat, na pinapula ng maladimonyong mga apoy. May bahid ng Aking Dugo tatawirin mo ito, o lahi ng tao, nang hindi naaapektuhan ng apoy ng impiyerno. Matatawid mo ito. Ang Langit, na dinidiinan ng Aking mithiin ay nabubuksan na nang kalahati ang eternal na mga tarangkahan. Tingnan, o mga kaluluwa ng mga patay! Tingnan!, mga kaluluwa ng mga buháy na mga tao! Tingnan, o mga kaluluwa na mga isasama sa hinaharap na mga katawan! Tingnan, o mga anghel ng Paraiso! Tingnan, o mga dimonyo ng Impiyerno! Tingnan, o Ama; tingnan, o Paraklito! Ang Biktima ay ngumingiti. Hindi na ito umiiyak...

Ang lahat ay nasabi na. Paalam, Aking kaibigan. Ikaw ay ni hindi Ko rin makikita, bago Ako mamatay. Magpalitan tayo ng halik ng pagpapaalam. At huwag maging nagdududa. Ang mga tao ay magsasabi sa iyo: “Siya ay isang baliw! Siya ay isang dimonyo! Isang sinungaling! Siya ay namatay habang nagsasabi na Siya ay ang Búhay”. Tumugon sa kanila at lalo na sa iyong sarili: “Siya noon at ngayon ang Katotohanan at ang Búhay. Siya ang Tagalupig ng kamatayan. Alam ko. At hindi Siya maaaring ang eternal na Patay na Isa. Hinihintay ko Siya. At ang lahat na langis sa lampara, na pinananatiling nakahanda ng Kanyang kaibigan upang makagawa ng liwanag para sa mundo, na inanyayahan sa kasal ng Panalunan, ay hindi mauubos, bago Siya, ang Nobyo, makabalik. At sa panahon na ito hindi na kailanman posibleng patayin ang apoy”. Paniwalaan iyan, Lazarus. Sundin ang Aking mithiin. Naririnig mo ba kung papaano ang ruwinsensor na ito umaawit pagkatapos na maging tahimik dahil sa bugso ng iyong mga luha? Ganyan din ang gawin. Pagkatapos ng di-mapipigilan na mga luha sa Biktima, gawin ang iyong kaluluwa na awitin ang di-nagkakamaling awit ng iyong pananampalataya. Pagpalain ka nawa ng Ama, ng Anak, ng Banal na Espiritu.»

--------------------

Gaano ako naghirap! Nang buong gabi, mulang 11:00 ng hapon noong Huwebes, Marso 1 hanggang 5:00 ng umaga ng Biyernes.  Nakita ko si Jesus sa isang kalagayan ng kalungkutan mas kulang lamang nang kaunti sa naging kalagayan sa Gethsemane, lalo na noong Siya ay nagsalita sa Kanyang Ina, tungkol sa traydor, at naipakikita ang Kanyang pagkamuhi sa kamatayan. Sinunod ko si Jesus na isulat ito sa hiwalay na notebook upang magkaroon ng mas detalyadong Pasyon,  Nakita ninyo ang aking mukha ngayong umaga... isang mahinang larawan ng kung ano ang aking pinaghirap... at hindi ako nagsasalita ng kahit ano pang iba, sapagkat may mga di-mapananaigan na aspekto ng kahinhinan.

300612

 

 



Sunod na kabanata