587. Mula Bethany Hanggang Herusalem.

Marso 3, 1945.

Si Jesus ay naglalakad sa gitna ng mga lootan at mga taniman ng mga olibo lahat nasa pamumulaklak. Kahit na ang malaplatang mga dahon ng mga punong-olibo ay nagmumukhang mga bulaklak, natatampukan katulad nila ng mga hamog, na kumikinang sa unang liwanag ng bukang-liwayway, dahil ang mga dahon ay nanginginig sa malumanay na mabangong hangin. Ang bawat madahon na sanga ay tila isang gawa ng isang platero ng ginto at tinitingnan ito ng isa hinahangaan ang kanilang kagandahan. Ang mga puno ng almendras, na lubos na natatakpan ng kanilang berdeng kadahunan, ay nangingibabaw sa maputing-malarosas na masa ng iba pang mga namumungang-punungkahoy, at sa ilalim nila ang baging ay pinakikita ang kanilang murang mga dahon, napakaningning at malaseda na nagmumukha silang napaka maninipis na mga kaliskis ng esmeralda o ng maliliit na piraso ng seda. Sa itaas, ang kalawakan ay katulad ng madilim na turkesa, malinis, walang-tigatig, solemne. Ang mga awit ng mga ibon at ang mga amoy ng mga bulaklak ay nasa lahat na lugar. Ang sariwang hangin ay nakapagpapanibago at nagagawa ang mga tao na maging masaya. Ang kaluguran ng Abril ay totoong ngumingiti kahit saan.

Si Jesus ay nasa gitna ng Kanyang labindalawang apostol. At Siya ay nagsasalita.

«Pinauna Ko na ang mga babae sapagkat gusto Kong makausap kayo nang mag-isa. Noong mga unang araw na nakasama Ko kayo sinabi Ko sa inyo, sa mga naroroon na kasama Ko: “Huwag balisahin ang Aking Ina sinasabihan Siya tungkol sa masasamang gawa labang sa Kanyang Anak”. Ang mga gawang iyon ay tila malalala... Ngayon, kayong tatlong mga saksi sa mga gawang iyon na siyang ang simula ng tanikala na sa pamamagitan nito ang Anak ng tao ay pasusundin patungo sa kamatayan – ikaw, Juan, ikaw, Simon, at ikaw, Judas ng Kerioth – ay makikitang maliwanag na sila ay maikukumpara sa isang butil ng buhangin na bumabagsak mula sa itaas, sa pagkumpara sa malaking bato, malalaking bato, katulad ng kasalukuyang mga gawa. Ngunit noon, kayo, ang Aking Ina at Ako ay di-handa para sa pagkataong kasamaan. Sa Kabutihan at sa Kasamaan ang tao ay hindi nagiging supremo nang bigla na lamang. Bagkus siya ay tumataas o lumulubog nang unti-unti. Ganyan din ang nangyayari sa kapighatian. Ngayon, kayo na mabubuti, ay nakataas sa Kabutihan at nakikita ninyo nang hindi naiiskandalo katulad na kayo ay maaaring naiskandalo sana noon, kung hanggang sa anong punto ng kalisyaan naibababa ng tao ang kayang sarili, kapag siya ay naging isang dimonyo, katulad na katulad na ang Aking Ina at Ako ay nabábatá ang lahat na kapighatian na nanggagaling sa tao, nang hindi namamatay dito. Napalakas natin ang ating mga kaluluwa. Lahat tayo, Sa kabutihan, sa Kasamaan o sa Kapighatian. At hindi pa natin nararating ang taluktok. Hindi pa natin nararating ang taluktok... Kung nalalaman lamang ninyo kung ano at gaano kataas ang taluktok ng Kabutihan, ng Kasamaan, ng Kapighatian! Ngunit inuulit Ko sa inyo ang mga salitang sinabi Ko noon. Huwag ulitin sa Aking Ina ang sasabihin na sa inyo ng Anak ng tao. Siya ay mamimighating labis na labis. Siya na malapit nang patayin ay iniinom niya ang punó-ng-awa na halô na magpapamanhid sa kanya, na magagawa siyang mahintay niya ang oras ng pagpapahirap, nang hindi siya manginginig sa bawat sandali. Ang inyong pananahimik ay magiging katulad sa punó-ng-awa na inumin na iyon para sa Kanya, ang Ina ng Tagapagtubos! Ngayon gusto Kong ipaliwanag sa inyo ang ibig sabihin ng mga propesiya, upang sana wala nang maging malabo pa sa inyo. At hinihingi Ko sa inyo na maging napakalapit sa Akin. Sa loob ng buong araw Ako ay magiging pag-aari ng lahat. Nakikiusap Ako sa inyo na makasama Ko kayo sa gabi, sapagkat gusto Kong makasama kayo. Kailangan Kong maramdaman na Ako ay hindi nag-iisa..»

Si Jesus ay malungkot na malungkot. Ang mga apostol ay napuna ito at nag-aalala. Nag-ipun-ipon sila sa paligid Niya. Si Judas din ay sumisiksik sa Guro, na tila siya ang pinaka mapagmahal sa lahat ng mga disipulo.

Si Jesus ay hinahaplos sila at nagpapatuloy: «Sa loob ng oras na ito na ipinagkakaloob pa sa Akin, ibig Kong kumpletuhin ang kaalaman tungkol sa Kristo sa inyo. Sa simula ginawa Kong malaman ni Juan, ni Simon at ni Judas ang tungkol sa katotohanan ng mga propesiya tungkol sa Aking kapakanan. Ang mga propesiya ay naisalarawan Ako nang mas mabuti kaysa sa magagawa ng pinakamagaling na pintor, mula sa pagsimula ng Aking buhay hanggang sa katapusan nito. Hindi, bagkus, ang pagsimula at katapusan na iyan ay ang dalawa lamang na mga panahon na pinaka-maliwanag na naipakita ng mga propeta. Ngayon ang Kristo Na bumaba mula sa Langit, ang Makatarungang Isa na ibinaba ng mga ulap sa Lupa, ang dakilang Usbong, ay malapit nang patayin. Dudurugin katulad ng isang puno ng sintunis na tinamaan ng kidlat. Kung kaya't pagusapan natin ang tungkol sa Kanyang kamatayan. Huwag magbuntung-hininga, huwag iiling ang inyong mga ulo. Huwag bumulong-bulong sa loob ng inyong mga puso, huwag isumpa ang mga tao. Iyan ay magiging walang silbi.

Tayo ay aakyat sa Herusalem. Ang Paskuwa ay nalalapit na. “Ang buwan na ito ay magiging para sa inyo ang unang buwan ng taon”. Ang buwan na ito ay magiging para sa mundo ang simula ng isang bagong panahon. Ito ay hindi kailanman magtatapos. Magiging walang kabuluhan na paminsan-minsan ang tao ay magsisikap na magtalaga ng bagong mga panahon. Ang mga gustong magtalaga ng isang bagong panahon nagtataglay ng kanilang ma-idolatrang mga pangalan, ay patatamaan ng kidlat. Mayroon bagkus isang Diyos sa Langit at isang Mesiyas sa Lupa: ang Anak ng Diyos, si Jesus ng Nazareth. Dahil binibigay Niya ang Kanyang buong Sarili, mamimithi Niya ang lahat, at Kanyang inilalagay ang Kanyang maharlikang tatak hindi sa kung ano ang laman at dumi, bagkus sa kung ano ang panahon at espiritu.

“Sa ika-sampung araw ng buwan na ito ang bawat tao ay kukuha ng isang kordero, isa para sa bawat pamilya, isa para sa isang sambahayan. At kung ang bilang ng mga tao sa sambahayan ay hindi sasapat para ubusin ang buong kordero, ang isang tao ay maaaring isama ang pamilya ng kanyang kapwa, upang maubos sana nila ang buong kordero”. Sapagkat ang sakripisyo at ang biktima ay kailangan na maging kumpleto at maubos. Ni hindi kahit isang maliit na piraso nito ang kailangan na maiwan. Walang dapat na maiwanan. Napakarami ang malapit nang kumain sa kordero. Isang di mabilang na mga tao, para sa isang bangkete na walang limitasyon sa oras, at wala nang apoy ang kakailanganin pa upang ubusin ang tira, sapagkat walang tira. Ang mga bahagi na inialok at tinanggihan ng poot ay uubusin ng pinaka apoy ng Biktima, ng Kanyang pagmamahal. Minamahal Ko kayo, mga tao. Kayo, Aking labindalawang mga kaibigan, na Aking mismong personal na pinili, kayo kung kanino nariyan ang labindalawang mga tribu ng Israel at ang labintatlong mga ugat ng Sangkatauhan. Inipon Ko ang lahat sa inyo at ginawa Kong maipon ang lahat sa inyo... Lahat.»

«Ngunit sa mga ugat ng katawan ni Adan ay naroon din ang ugat ni Cain. Wala sa amin ang nagbúhat ng kanyang kamay laban sa kanyang kasamahan. Kung gayon nasaan si Abel?» tanong ng Iskariote.

«Ang sinabi mo ay totoo. Sa mga ugat ng katawan ni Adan ay naroon din ang ugat ni Cain. At Ako ang Abel, ang mapagpakumbabang Abel, ang pastol ng mga kawan, kaaya-aya sa Panginoon sapagkat inialay niya ang kanyang unang mga bunga at kung ano ang walang kapintasan, at ang kanyang sarili muna bago ang lahat ng kanyang mga alay. Minamahal Ko kayo, mga tao. Kahit na kung hindi ninyo Ako minamahal, minamahal Ko kayo. Ang pagmamahal ay minamadali at kinukumpleto ang gawain ng mga tagapag-sakripisyo.

“Ito ay kailangan na isang kordero na walang kapintasan, isang lalaki isang taon ang gulang”. Wala panahon para sa Kordero ng Diyos. Siya ay Siya. Pareho sa huling araw katulad na Siya ay sa unang araw ng Lupa na ito. Siya Na katulad ng Kanyang Ama ay walang pagtanda sa Kanyang dibinong kalikasan. At ang Kanyang katauhan ay isang katandaan lamang ang mayroon at isang kapaguran lamang: ang kabiguan na pumunta nang walang kabuluhan para sa napakarami. Kapag malaman ninyo kung papaano Ako pinatay – at ang mga mata na makakakita sa pagbabago ng kanilang Panginoon sa pagiging isang ketongin na natatakpan ng mga sugat ay magniningning na sa mga luha sa tabi Ko, at hindi na makita ng mga ito ang kaaya-ayang burol na ito dahil binubulag sila ng likidong belo ng mga luha – masasabi ninyo: “Hindi Siya namatay dahil diyan. Namatay Siya dahil Siya ay naging di-kilala sa Kanyang mga pinakamamahal at Siya ay tinanggihan ng napakaraming mga tao”. Ngunit kung ang Anak ng Diyos ay walang limitasyon sa oras, at kung gayon naiiba sa kordero ng ritwal, Siya ay kapareho nito sapagkat Siya ay walang kapintasan at isang lalaki na sagrado sa Panginoon. Oo. Walang kabuluhan na ang mga tagapagpatay, ang mga papatay sa Akin sa pamamagitan ng mga armas, o ng kanilang kalooban o ng kanilang pagtataksil, ay magsisikap na ipuwera ang kanilang mga sarili nagsasabing: “Siya ay nagkasala”. Walang sinuman na sinsiro ang makapag-aakusa sa Akin ng pagkakasala. Magagawa ba ninyo?

Humaharap tayo sa kamatayan. Ako. Ang iba rin ay humaharap. Sino? Ibig mo bang malaman kung sino, Pedro? Lahat. Ang kamatayan ay lumalapit oras-oras at kinukuha ang mga mas hindi nag-aakala nito. At ang mga may mahaba pa ring buhay na pamumuhayan, ay nasa harapan ng kamatayan bawat sandali, sapagkat ang panahon ay isang kislap kompara sa eternidad, at dahil sa sandali ng kamatayan kahit na ang pinakamahabang buhay ay nagiging wala, at ang mga ginawa noong napakatatagal nang mga taon, kahit na noong pang unang kabataan, ay bumabalik nagsisiksikan nagsasabing: “Bueno, ginagawa mo ito kahapon”. Kahapon! Ito ay laging kahapon kapag ang isa ay namamatay! At ang mga parangal at ginto  na labis na minimithi ng mga tao ay laging alikabok! At ang bunga na kinababaliwan ng isa ay nawawala ang lahat na lasa! Mga babae? Pera? Kapangyarihan? Siyensiya? Ano ang naiwan? Wala! Tanging ang konsiyensya lamang ng isa at ang paghuhukom ng Diyos, sa harapan Nino kung saan ang konsiyensya pumupunta, kaawa-awa at hinubaran ng pantaong proteksiyon at kayamanan, at dala lamang ang kanyang mga ikinilos.

“Ang ilan sa dugo ay kailangan na kunin at ipahid sa mga hamba at katangan ng pintuan, at ang Anghel na dumaraan ay hindi hahampasin ang mga bahay na markado ng dugo”. Kunin ang Aking dugo. Huwag itong ipahid sa patay na mga bato, bagkus sa patay na mga puso. Iyan ang bagong pagtutuli. At tinutuli Ko ang Aking Sarili sa katauhan ng buong mundo. Hindi Ko sinasakripisyo ang walang-silbing bahagi, bagkus tinatanggal Ko ang Aking  napakaganda, nakabubuti, purong pagkalalaki, sinasakripisyo Ko ito nang ganap, at kinukuha Ko ang Aking dugo mula sa Aking pinutol na mga galamay at mula sa bukás na mga ugat at gumagawa Ako ng mga pabilog ng kaligtasan ng Sangkatauhan, mga pabilog ng eternal na kasalan sa Diyos Na nasa Langit, sa Ama Na naghihintay, at sinasabi Ko: “Tingnan. Ngayon hindi na Ninyo sila matatanggihan pa, sapagkat matatanggihan Ninyo ang Inyong dugo”.

“At si Moses ay nagsabi: ‘... at pagkatapos maglubog ng isang tangkay ng hisopo sa dugo at wisikan nito ang mga hamba ng pintuan’ “. Kung gayon ang dugo ba ay sapat na? Hindi ito sapat. Ang inyong pagsisisi ay kailangan na maidugtong sa Akin dugo. Kung wala ang mapait na may-benepisyong pagsisisi, mamamatay Ako para sa inyo nang walang-kabuluhan.

Iyan ang unang salita sa Aklat tungkol sa Nanunubos na Kordero. Ngunit ang Aklat ay puno nito. Katulad na sa bawat bagong pagsikat-ng-araw ang mga pamumulaklak ay pakapal na nang pakapal sa mga sangang ito, kung gayon, dahil sa ang isang bagong taon ay sinusundan ang isang lumang taon at ang panahon ng Panunubos ay lumalapit na, diyan ang pamumulaklak yayabong na nang yayabong.

At ngayon sa pamamagitan ni Zachariah sinasabi Ko sa inyo, sa inyo sa Herusalem: “Naririto ang Hari Na dumarating punó ng kababaang-loob nakasakay sa isang asno at bisiro. Siya ay mahirap”. Ngunit paghihiwa-hiwalayin Niya ang malalakas na naniniil sa mga tao. Siya ay mapagpakumbaba, datapwa't ang Kanyang kamay na itinaas upang magpala ay tatalunin nito ang dimonyo at kamatayan. “Ibabalita Niya ang kapayapaan, sapagkat Siya ay ang Hari ng kapayapaan”. Bagama't ipinako sa krus, paaabutin Niya ang Kanyang paghahari tatawid ng mga dagat. “Siya na hindi sumisigaw, Na hindi namumutol, Na hindi pumapatay ng apoy ng hindi liwanag bagkus usok, ng mga hindi lakas bagkus kahinaan, ng mga karapat-dapat ng lahat na paninisi, gagawan Niya ng katarungan ayon sa katotohanan”. Ang inyong Mesiyas, o siyudad ng Zion, ang inyong Mesiyas, o sambayanan ng Panginoon, ang inyong Mesiyas, o sambayanan ng Lupa.

“Nang hindi nalulungkot at nagiging maligalig”, at makikita ninyo kung papaano wala sa Akin ang matampuhin na kalungkutan ng natatalo, o ang mahinanakitin na kapighatian ng nalilisya, bagkus ang kaseryusuhan lamang ng isa na nakakakita sa kung hanggang saan ang panlulukob ni Satanas sa mga tao umaabot, at makikita ninyo kung gaano sa loob ng tatlong taon walang-tigil Kong inuunat ang Aking mga kamay inaanyayahan ang lahat na magmahal, at ang Aking mga kamay ay muling iuunat at sila ay masusugatan, bagama't magagawa Kong maging mga abo ang Aking mga kaaway at ikalat sila sa pamamagitan ng isang simpleng pagkilos ng Aking kalooban! “Nang hindi nalulungkot o nagiging maligalig magtatagumpay Ako sa pagtatatag ng Aking Kaharian”. Ang Kaharian na iyan ng Kristo kung saan naroroon ang kaligtasan ng mundo.

Ang Eternal na Panginoong Aking Ama ay nagsabi sa Akin: “Tinawag Kita, inakay Kita, nagtalaga Ako sa Iyo ng alyansa sa pagitan ng mga sambayanan at ng Diyos, ginawa Kitang ang liwanag ng mga nasyon”. At Ako mula noon ay naging liwanag, Liwanag upang mabuksan ang mga mata ng bulag, salita upang mabigyan ng pagsasalita ang bingi, susi upang mabuksan ang nasa ilalim-ng-lupa na mga kulungan sa mga nasa kadiliman ng pagkakamali. At ngayon, Ako na Ako ang lahat na iyan, ay patungo sa Aking kamatayan. Papasukin Ko ang kadiliman ng kamatayan. Kamatayan, naiintindihan ba ninyo?... Ang unang mga bagay na binalita, ay ngayon pinangyayari na, sinasabi Ko rin kasama ang mga propeta. Sasabihin Ko sa inyo ang iba pa bago ang Dimonyo ay paghiwalayin tayo.

Naroon ang Zion sa banda roon. Lakad at kunin ang asno at ang bisiro. Sabihin sa mamâ: Ang Rabbi na si Jesus ay kailangan sila”. At sabihin sa Aking Ina na Ako ay parating na. Siya ay nasa itaas doon, sa dalisdis na iyon, kasama ang mga Maria. Siya ay naghihintay sa Akin. Ito ay pantaong pananagumpay... Gawin ito na maging Kanyang pananagumpay. Laging magkasáma-sáma. O! magkasáma-sáma!...»

At sino ang puso ng isang ayena na sa pamamagitan ng kanyang pangalmot winawasak niya ang puso ng isang ina: Ako, ang Kanyang Anak? Isang tao? Ang bawat tao ay pinanganak ng isang babae. At sa pamamagitan ng instinto at moral na konsiderasyon hindi siya maaaring maging walang-awa sa isang ina, sapagkat iniisip niya ang “kanyang sarili”. Kung gayon hindi ito isang tao. Sino, kung gayon? Isang dimonyo. Ngunit ang isa bang dimonyo ay masasaktan niya ang Panalunan na Babae? Kailangan na hipuin niya Siya upang masaktan niya Siya. At si Satanas ay hindi kailanman natatagalan ang pambirhen na liwanag ng Rosas ng Diyos. Kung gayon? Sino ang masasabi ninyo na siya ito? Hindi ba kayo nagsasalita? Kung gayon sasabihin Ko sa inyo. Ang pinakatusong dimonyo ay humalo sa pinaka naging-maruming tao, at katulad ng lason na nasa mga ngipin ng isang ahas, ang dimonyo ay malapit sa kanya na makalalapit sa Babae at sa gayon matuklaw Siya nang patraydor. Isumpa ang hibridong halimaw na siyang si Satanas at tao! Isusumpa Ko ba ito? Hindi. Hindi iyan ang salita ng isang Tagapagtubos. Kung gayon sasabihin Ko sa kaluluwa ng hibridong halimaw na ito kung ano ang sinabi Ko sa Herusalem, ang halimaw na siyudad ng Diyos at ni Satanas: “O, kung sa loob ng oras na ito na ipinagkakaloob pa rin sa iyo, makakapunta ka sa Tagapagligtas!”

Walang pagmamahal na mas dakila pa kaysa ng sa Akin! Ni wala rin ng mas dakila pang kapangyarihan. Ang Akin ding Ama ay sumasang-ayon kung sabihin Kong: “Gusto Ko”, at Ako ay makapagsasalita lamang ng bagkus maawaing mga salita para sa mga bumagsak at iniuunat ang kanilang mga kamay patungo sa Akin mula sa kanilang kalaliman. O kaluluwa ng pinakamalaking makasalanan, ang iyong Tagapagligtas na nasa pintuan ng kamatayan ay niyuyukuan ka sa iyong kalaliman at inaanyayahan ka na kunin mo ang Kanyang kamay. Ang Aking kamatayan ay hindi mapipigilan... Ngunit ikaw... ngunit ikaw... ay maliligtas, ikaw na Akin pa ring minamahal, at ang kaluluwa ng iyong Kaibigan ay hindi mahihintakutan  na isipin na nalalaman Niya ang kilabot ng kamatayan at ng gayong kamatayan sa pamamagitan ng gawa ng kanyang kaibigan...»

Si Jesus ay tahimik... napagod...

Ang mga apostol ay bumubulung-bulong sa isa’t isa at sila ay nagtanong: «Ngunit sino ang Kanyang sinasabi? Sino ito?»

At si Judas, nagsisinungaling nang walang-hiya, ay nagsabi: «Ito ay tiyak na isa sa mga huwad na mga Pariseo... Sa palagay ko ito ay maaaring si Jose o si Nicodemus, o si Chuza at si Manaen... Ang bawat tao ay nananabik na mailigtas ang kanyang buhay at ang kanyang ari-arian... Alam ko na si Herodes... At alam ko na ang Sanhedrin. Pinagkakatiwalaan Niya sila nang labis! Alam ninyo na kahit kahapon sila ay wala rito?! Wala silang lakas-ng-loob na harapin Siya...»

Si Jesus ay hindi siya napapakinggan. Siya ay nauna na at sinamahan na ang Kanyang Ina, Na kasama ang mga Maria at kasama si Martha at si Susanna. Tanging si Johanna ni Chuza lamang ang wala sa grupo ng banal na mga babae.

050712

 

 



Sunod na kabanata