588. Si Jesus Pinapasok ang Herusalem.

Marso 30, 1947 (Linggo ng Palaspas).

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus: «Ilalagay mo rito ang bisyon: “Mula Bethany Hanggang Herusalem” (may petsang Marso 3, 1945). At ngayon: tumingin!»

--------------------

Si Jesus ay niyayakap ng Kanyang bisig ang mga balikat ng Kanyang Ina, Na tumayo nang si Juan at si Santiago ni Alfeo ay narating Siya upang sabihin sa Kanya: «Ang Inyong Anak ay parating», at pagkatapos sila ay bumalik upang samahan ang kanilang mga kasamahan na nagpapatuloy nang dahan-dahan, nagsasalita, habang si Tomas at si Andres ay nagmadali patungo sa Bethpage upang hanapin ang asno at ang bisiro at dalhin sila kay Jesus.

Sa pansamantala si Jesus ay nagsasalita sa mga babae. «Naririto na tayo malapit sa siyudad. Pinapayuhan Ko kayo na lumakad. At lumakad nang hindi natatakot. Pasukin ang bayan bago Ko pasukin ito. Ang lahat na mga pastol at ang pinakamatatapat na mga disipulo ay nasa malapit sa En Rogel. Sila ay nasabihan na samahan at protektahan kayo.»

«Ang katotohanan ay na... Nagsalita kami kay Aser ng Nazareth at kay Abel ng Bethlehem sa Galilee at kay Solomon din. Sila ay pumunta hanggang sa layong ito upang magbantay para sa Inyong pagdating. Ang pulutong ay naghahanda ng isang malaking selebrasyon. At gusto naming makita... Nakikita ba Ninyo kung papaano ang mga tuktok ng mga punong-olibo mauuga? Hindi ang hangin ang umuuga sa kanila nang gayon. Bagkus ito ay ang mga tao na kumukuha ng mga sanga upang ikalat ito sa daan at protektahan Kayo sa araw. At sa banda roon?! Tingnan sa banda roon, inaalisan nila ang mga puno ng palmera ng kanilang hugis-pamaypay na mga dahon. Nagmumukha silang mga langkay at sila ay mga tao na umakyat sa mga puno upang kumuha ng maraming marami pa... At, sa mga dalisdis, makikita Ninyo ang mga bata yumuyuko upang mamitas ng mga bulaklak. At ang mga babae ay tiyak na namimitas ng mga korola sa mga hardin at ng mga mababangong yerba upang kalatan ang Inyong daan ng mga bulaklak. Gusto naming makita... at gayahin ang ginawa ni Maria ni Lazarus, na pumulot sa lahat na mga bulaklak na tinapakan ng Inyong mga paa noong Kayo ay pumunta sa mga hardin ni Lazarus» sabing nangungusap ni Maria ni Clopas sa katauhan ng lahat.

Si Jesus ay hinahaplos ang pisngi ng Kanyang matandang kamag-anak, na nagmumukhang katulad ng isang maliit na batang babae na nananabik na makakita ng isang palabas, at sinabi Niya sa kanya: «Hindi ka makakakita ng kahit ano sa gitna ng malaking pulutong. Magpatuloy ka, sa bahay ni Lazarus, ang isa na ang namamahala ay si Matthias. Dadaan Ako roon at makikita mo Ako mula sa itaas.»

«Anak... at lalakad Ka ba nang ganap na nag-iisa? Hindi ba Ako maaaring málapít sa Iyo?» tanong ni Maria, tinataas ang Kanyang napakalungkot na mukha at tinititigan sa pamamagitan ng Kanyang asul-kalawakan na mga mata ang Kanyang mapagpakumbabang Anak.

«Makikiusap Ako sa Inyo na manatiling nakatago. Katulad ng isang kalapati sa loob ng pitak ng isang bato. Kaysa sa Inyong presensya, Aking pinakamamahal na Ina, kailangan Ko ang Inyong panalangin!»

«Kung gayon, Anak, magdarasal kami para sa Iyo.»

«Oo. At pagkatapos na makita Ninyo Siyang dumaan, sasama Kayo sa akin sa aking mansiyon sa Zion. At magpapadala ako ng mga katulong sa Templo, nang may mga tagubilin na sundan ang Guro sa lahat nang oras, upang madala nila sa aming ang Kanyang mga utos at ang balita tungkol sa Kanya» sabi ni Maria ni Lazarus nang disidido, laging mabilis na makaunawa kung ano ang pinakamabuting bagay na gawin at magawa ito nang walang pagka-antala.

«Tama ka, kapatid. Bagama't namimighati ako na hindi Siya masundan, naiintindihan ko na iyan ay isang makatarungan na utos. Maging ano pa man sinabi sa amin ni Lazarus na huwag salungatin ang Guro sa kahit anong bagay, at na sundin Siya kahit sa pinakamaliit na mga bagay. At gagawin natin iyan.»

«Lakad, kung gayon? Kita Mo? Ang mga daan ay nagiging abalá. Ang mga apostol ay malapit na Akong samahan. Lakad. Ang kapayapaan ay sumainyo. Ang Diyos ay kasama natin.» Hinahalikan Niya Siya at pinalalakad. At ang mga masunuring mga babaeng disipulo ay umalis nang mabilis.

Ang sampung apostol ay sinamahan si Jesus. «Pinauna na ba Ninyo sila?»

«Oo, pinauna Ko na. Makikita nila ang Aking pagpasok mula sa isang bahay.»

«Mula sa alin na bahay?» tanong ni Judas ng Kerioth.

«Eh! ang mapagkaibigan na mga bahay ay napakarami na ngayon!» sabi ni Felipe.

«Hindi mula sa bahay ni Annaleah?» sabi ng Iskariote nagpupumilit.

Si Jesus ay tumugon nang hindi at Siya ay lumabas patungo sa Bethphage, na hindi na malayo.

Siya ay malapit na sa nayon nang ang dalawang apostol, na pinalakad upang kunin ang asno at ang bisiro, ay bumalik. Sila ay sumisigaw: «Nakita namin ang Inyong sinabi sa amin at nabili sana namin ang mga hayop. Ngunit ang may-ari ay ginustong almuwasahin sila  at adornohan sila ng pinakamagandang gayak upang parangalan Kayo. At ang mga disipulo, kasama ang mga nagpalipas ng gabi sa mga kalsada ng Bethany upang parangalan Kayo, ay gusto kunin ang karangalan na dahil ang mga hayop sa Inyo, at kami ay sumang-ayon. Inisip namin na ang kanilang pagmamahal ay karapat-dapat ng gantimpala.»

«Nagawa ninyo ang tamang bagay. Lumakad na tayo pansamantala.»

«Marami ba ang mga disipulo?» tanong ni Bartolomeo.

«O! isang malaking pulutong. Imposibleng dumaan sa mga kalsada ng Bethphage. Iyan kung bakit sinabi ko kay Isaac na dalhin ang asno kay Cleanthes, ang nagbebenta ng keso» tugon ni Tomas.

«Tama ang ikinilos mo. Tayo na hanggang sa pagtaas na iyon ng burol, at maghihintay tayo nang kaunti sa lilim ng mga punungkahoy na iyon.»

Pumunta sila sa lugar na itinuro ni Jesus.

«Ngunit tayo ay mas lalong lumalayo! Lumalampas Kayo sa Bethphage dumaraan sa likod!» bulalas ng Iskariote.

«At kung iyan ang gusto Kong gawin, sino ang makapagpipigil sa Akin? Ako ba kaya ay isa nang bilanggo at hindi pinahihintulutan na makapunta kung saan ang gusto Ko? O ito ba ay kailangang-kailangan na Ako ay mapigilan, at may natatakot ba na baka maiwasan Ko ang  mahuli? At kung Ako ay magpasyang umalis sa pamamagitan ng mas ligtas na mga daan, mayroon bang makapagpipigil sa Akin na gawin Ko ito?» Si Jesus ay sinusulyapan ang Traydor, na hindi na maglakas loob na buksan pa ang kanyang bunganga at kinikibit ang kanyang mga balikat, na tila upang sabihin: «Gawin ang ayon sa ibig Ninyo.»

Sila, sa katunayan, ay umiikot sa likuran ng maliit na nayon, sasabihin ko isang arabal ng bayan, dahil ang kanluraning tabi nito ay hindi malayo sa bayan, bilang bahagi ng mga dalisdis ng Mount of Olives, na pumapaligid sa silanganing tabi ng Herusalem. Sa mas malayo pa sa ibaba, sa pagitan ng mga dalisdis at ng bayan, ang Kidron ay nagniningning sa sinag-ng-araw ng Abril.

Si Jesus ay naupo sa berdeng tahimik na lugar, at lubos na nasa Kanyang sariling mga iniisip. Pagkatapos Siya ay tumayo at naglakad patungo sa pagtaas ng lupa, tumitigil sa gilid lamang.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus: «Ilalagay mo rito ang bisyon ng Hulyo 31, 1944: “Si Jesus Iniiyakan ang Herusalem”, mula sa pangungusap na binigay Ko sa iyo bilang ang panimula ng bisyon.» Pagkatapos pinagpapatuloy Niya ang pagpapakita sa akin ng mga bahagi ng Kanyang matagumpay na pagpasok.

--------------------

Hulyo 30, 1944.

Hindi ko alam kung papaano ako makakapagsulat sapagkat labis akong naghihirap gawa ng problem ko sa puso na halos hindi ako makaupo. Ngunit hindi ito maiiwasan. Kailangan kong isulat ang aking nakikita.

Ang Ebanghelyo ngayong araw, ang ika-siyam na Linggo pagkatapos ng Pentekostes, ay nilalarawan sa akin.

Mula sa isang burol malapit sa Herusalem si Jesus ay tinitingnan ang bayan nakalatag sa Kanyang paanan. Ito ay hindi napakataas na burol. Sa pinakamataas na ito ay katulad ng malaking liwasan ng S. Miniato sa bundok, sa Florence; ngunit sapat na para sa mata na makita ang naaabot ng mga bahay at mga kalsada, na tumataas at bumababa sa mga kataasan ng maliit na lupa na siyang ang Herusalem. Kung ang isa ay nasa pinakamababang lebel ng bayan, ang burol na ito ay tiyak na mas mataas kaysa sa Kalbaryo, ngunit ito ay mas malapit sa mga pader kaysa sa huli. Ito ay totoong nagsisimula sa labas lamang ng mga pader at tumataas nang matarik mula sa mga ito, samantalang sa kabilang tabi ito ay bumababang malumanay patungo sa isang napakaberdeng kabukiran na umuunat nang pasilangan. Sa aking palagay man lamang ito ay pasilangan, kung tama ang aking pagtingin ayon sa sinag ng araw.

Si Jesus at ang Kanyang mga apostol ay nakaupo sa ilalim ng isang grupo ng mga punungkahoy, sa loob ng lilim. Sila ay nagpapahinga pagkatapos ng isang mahabang paglalakad. Pagkatapos si Jesus ay tumayo, iniiwan Niya ang malinis na lugar na kanilang pinagpapahingahan at nagpatungo sa isang maliit na burol at tumigil sa gilid lamang nito. Ang Kanyang matangkad na pigura ay nangingibabaw na tuwid, ganap na nag-iisa. Ang Kanyang mga kamay nasa Kanyang dibdib, nakakursomano, sa Kanyang asul na manta, at tumitingin Siya sa paligid nang seryoso.

Ang mga apostol ay pinagmamasdan Siya. Ngunit pinababayaan nila Siya na nag-iisa, ni hindi sila gumagalaw o nagsasalita. Maaaring iniisip nila na Siya ay humiwalay upang magdasal.

Ngunit si Jesus ay hindi nagdarasal. Pagkatapos na tiningnan nang matagal ang bayan, ang bawat distrito, ang bawat maliit na burol, ang bawat detalye, kung minsan ang Kanyang mga mata nagtatagal sa isang puntong ito o iyon, at kung minsan titingin nang sandali lamang, si Jesus ay nagsimulang umiyak nang walang paghikbi o hindi gumagawa ng ingay. Ang mga luha ay namumuo sa Kanyang mga mata, pagkatapos bubulwak at aagos pababa sa Kanyang mga pisngi at babagsak... Tahimik na napakalungkot na mga luha. Mga luha ng isang tao na alam na siya ay kailangan na umiyak, nang mag-isa, nang hindi umaasa na pagiginhawahan o uunawain ng sinuman. Mga luhang dala ng kapighatian na hindi makakansela at kailangan na ipaghirap nang absuluto.

Dahil sa kanyang pusisyon ang kapatid ni Juan ang unang nakapuna sa mga luhang iyon at sinabi niya sa iba, na nagkakatinginan at mga nagtaka.

«Wala sa atin ang nakagawa ng kahit anumang pagkakamali» sabi ng isa, at ng isa pa: «Ang mga pulutong ay ni hindi rin tayo ininsulto. Sa pagitan nila walang naging malupit sa Kanya». «Bakit Siya umiiyak, kung gayon?» tanong ng pinakamatanda sa kanilang lahat.

Si Pedro at si Juan ay tumayo nang sabay at nilapitan nila ang Guro. Iniisip nila na ang tanging kailangang gawin nila ay ang gawin na maramdaman Niya na Siya ay minamahal nila at ang tanungin Siya kung ano ang problema Niya. «Guro, Kayo ay umiiyak?» tanong ni Juan pinapatong ang kanyang ulo sa balikat ni Jesus, Na mas mataas sa kanya mula sa Kanyang leeg. At si Pedro, niyayakap Siya sa baywang, halos niyayakap Siya upang maidiin Siya sa kanyang sarili, ay nagsabi sa Kanya: «Ano ang nagpapamighati sa Inyo, Jesus? Sabihin sa amin na nagmamahal sa Inyo.»

Si Jesus ay isinandal ang Kanyang pisngi sa ulo ni Juan at ibinubuka ang Kanyang mga kamay, niyakap ng Kanyang isang kamay si Pedro sa balikat. Ang tatlo ay magkayakap sa gayong nagmamahalang pusisyon. Ngunit ang mga luha ay patuloy ang pagbagsak.

Si Juan ay naramdaman ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang buhok at nagtanong siyang muli: «Bakit Kayo umiiyak, Guro? Kami kaya ang dahilan ng Inyong pamimighati?»

Ang iba pang mga apostol ay nag-ipun-ipon sa paligid ng nagmamahal na grupo at nananabik sa paghihintay sa katugunan.

«Hindi» sabi ni Jesus. «Hindi kayo. Kayo ay Aking mga kaibigan at ang pakikipagkaibigan, kung ito ay tapat, ay isang balsamo at isang ngiti, hindi kailanman mga luha. Gusto Kong manatili kayong Aking mga kaibigan magpakailanman. Kahit na ngayon na papasukin natin ang kurupsiyon, na nangangasim at nanghahawa sa mga hindi ganap na pumapayag na manatiling tapat.»

«Saan tayo pupunta, Guro? Hindi ba tayo pupunta sa Herusalem? Ang mga pulutong ay binabati na nila Kayo nang malugod. Gusto ba Ninyong biguin sila? Pupunta ba tayo sa Samaria upang gumawa ng ilang mga himala? Ngayon mismo na ang Paskuwa ay napakalapit na?» Ang mga tanong ay itinatanong ng ilang mga apostol nang sabay-sabay.

Si Jesus ay itinataas ang Kanyang mga kamay nag-uutos ng katahimikan at pagkatapos sa pamamagitan ng Kanyang kanang kamay itinuturo Niya ang bayan. Isang palapád na paggalaw katulad ng isang tao na naghahasik ng mga binhi sa unahan niya. At sinabi Niya: «Iyan ang Kurupsiyon. Tayo ay patungo sa Herusalem. Tayo ay patungo diyan. At tanging ang Kataastaasan lamang ang nakaaalam kung gaano Ko kagustong pabanalin ang bayan dinadala ang diyan ang Kabanalan na nanggagaling sa Langit. Gusto Kong pabanalin iyan ulit, katulad na iyan ay ang dapat na Banal na Siyudad. Ngunit wala Akong magagawa kahit anuman para diyan. Iyan ay naging marumi, at mananatiling naparumi. At ang mga daloy ng kabanalan na bubulwak mula sa buháy na Templo, at mas lalo pang bubulwak sa mga susunod na kaunting mga araw hanggang sa sukdulan na maiwanan itong walang-buhay, ay hindi sasapat na matubos iyan. Ang Samaria at ang paganong mundo ay lalapit sa Banal na Isa. Ang mga templo ng totoong Diyos ay itatayo sa ibabaw ng huwad na mga templo. Ang mga puso ng mga Hentil ay sasambahin ang Kristo. Ngunit ang sambayanan na ito, ang bayan na ito ay laging magiging malupit sa Kanya, at ang kanilang kapootan ay dadalhin sila sa pinakamalaking pagkakasala. Iyan ay kailangan na mangyari. Ngunit kapahamakan sa mga magiging ang mga instrumento ng krimen na iyan. Kapahamakan!...» Si Jesus ay tinititigan si Judas, na halos nasa harapan Niya.

«Iyan ay hindi kailanman mangyayari sa amin. Kami ay ang Inyong mga apostol at naniniwala kami sa Inyo, at nakahanda kaming mamatay para sa Inyo.» Si Judas ay nagsisinungaling nang walang-hiya-hiya at tinatagpo ang mata ni Jesus nang walang kahihiyan. Ang iba ay sumasali sa pagpoprotesta.

Si Jesus ay tumugon sa lahat sa kanila, iniiwasan na tumugon nang diretso kay Judas.

«Sana sa Langit na kayo ay maging ganyan. Ngunit kayo ay napakahina pa, at ang panunukso ay baka magawa kayong katulad ng mga napopoot sa Akin. Manalangin nang taimtim at bantayan nang mabuti ang inyong mga sarili. Alam ni Satanas na malapit na siyang matalo at ibig niyang ipaghiganti ang kanyang sarili sa pag-agaw niya sa inyong mula sa Akin. Si Satanas ay nasa paligid nating lahat. Siya ay nasa paligid Ko upang pigilan na magawa Ko ang kalooban ng Aking Ama at matupad Ko ang Aking misyon. At siya ay nasa paligid ninyo upang gawin kayong kanyang mga kalutong. Maging mapagbantay. Sa pagitan ng mga pader na iyon kukunin ni Satanas ang hindi malalakas. Kukunin niya siya na ang kaninong sumpa ay ang katotohanan na siya ay napili, sapagkat ginamit niya ang kanyang pagkapili para sa isang pakay na pantao. Pinili Ko kayo para sa Kaharian ng Langit, hindi para sa kaharian ng mundo. Itanim iyan sa isip. At ikaw, o lungsod, na gusto ang iyong kasiraan at kung kanino Ako ay lumuluha, malaman mo sana na ang iyong Kristo ay nananalangin para sa iyong katubusan. O! kung sa loob man lamang ng oras na ito na naririyan pa para sa iyo, lumapit ka sa Kanya Na iyong magiging kapayapaan! Kung sa loob ng oras na ito maintindihan mo ang Pagmamahal na dumaraan sa loob mo at hubaran mo ang iyong sarili ng kapootan na bumubulag sa iyo at sumisira sa iyong ulo, at ginagawa kang malupit sa iyong sarili at sa iyong ikabubuti! Ngunit ang araw ay darating kung kailan maaalaala mo ang oras na ito! Ngunit magiging huli na upang umiyak at magsisi! Ang Pagmamahal ay nakaraan na sa panahong iyan at nawala na sa iyong mga kalsada, at ang Kapootan na iyong ginusto ay mananatili. At ang Kapootan ay mapapasaiyo at sa iyong mga anak. Sapagkat nasa isa kung ano ang ginusto ng isa, at ang kapootan ay binabayaran ng kapootan. At pagkatapos ito ay hindi magiging ang kapootan ng malakas laban sa walang-laban, bagkus ito ay magiging kapootan laban sa kapootan, kung gayon digmaan at kamatayan. Napalilibutan ng mga trintsera at armadong mga tauhan, manghihina ka bago ka lipulin, at makikita mo ang iyong mga anak na pinapatay ng mga armas at pagkagutom, at ang makakaligtas ay kukunin na mga bilanggo at tutuyain, at manghihingi ka ng awa, na hindi mo kailanman makukuha, sapagkat tinanggihan mo na kilalanin ang iyong Kaligtasan. Ako ay umiiyak, Aking mga kaibigan, sapagkat may puso Ako ng isang tao, at ang pagkasira ng Aking amangbayan ay nagagawa Akong lumuha. Ngunit makatarungan na ito ay mangyari sapagkat sa pagitan ng mga pader na iyon ang kurupsiyon ay nalalampasan ang lahat na limitasyon at siyang kumukuha sa kaparusahan ng Diyos. Kapahamakan ang darating sa mga mamamayan na siyang nagdadala ng kasiraan ng kanilang amangbayan! Kapahamakan ang darating sa mga lider na siyang ang pinaka dahilan nito! Kapahamakan ang darating sa mga naging santo sana upang makapaggabay sa iba na maging tapat at sa halip nilapastangan nila ang Bahay ng kanilang ministeryo at ang kanilang mga sarili! Halikayo. Ang Aking ikikilos ay walang mapupuntahan. Ngunit gawin natin ang Liwanag na magniningning muli sa Kadiliman!»

At si Jesus ay bumababa sinusundan ng Kanyang mga apostol. Siya ay naglalakad nang mabilis sa daan nang may seryosong hitsura., sasabihin ko, halos nagmumukhang nakasimangot. Siya ay hindi na nagsasalita pa. Pumasok Siya sa isang maliit na bahay sa paanan ng burol, at wala na akong nakikitang iba pa.

--------------------

[Marso 30, 1947]

Si Jesus ay halos hindi pa nakakapasok sa bahay upang pagpalain ang mga nakatira rito, nang ang malugod na tunog ng mga kampanilya ng guwarnasyon at ng nagbubunyi mga tinig ay narinig. At kaagad pagkatapos nito ang payat na maputlang  mukha ni Isaac ay lumitaw sa pagbukas ng pinto, at ang tapat na pastol ay pumasok at nagpatirapa sa harapan ng kanyang Panginoong Jesus.

Maraming mga mukha ang nagsisiksikan sa kuwadro ng nakabukas na pintuan, at mas marami pa ang makikita sa likuran nila... Tumutulak sila at sumisiksik, gustong makalapit... Ang ilang mga babae ay sumisigaw, ang ilan sa mga bata umiiyak, naiipit sa loob ng pulutong, habang ang iba ay sumisigaw ng mga pagbati at ng masasayang bulalas: «Ito ay isang masayang araw na nagbabalik sa Inyo sa amin! Kapayapaan sa Inyo, Panginoon! Binabati namin Kayo, Guro, dahil Kayo ay bumalik upang gantimpalaan ang aming katapatan.»

Si Jesus ay tumayo at sumisenyas na ang ibig sabihin Siya ay magsasalita. Ang lahat ay naging tahimik at ang tinig ni Jesus ay maririnig nang maliwanag. «Kapayapaan sa inyo! Huwag magkasiksikan. Tayo ngayon ay aakyat na sa Templo. Ako ay naparito upang manatiling kasama ninyo. Kapayapaan! Kapayapaan! Huwag saktan ang inyong mga sarili. Magparaan, Aking minamahal na mga kaibigan!! Hayaan Akong makalabas at sundan Ako, sapagkat papasok tayo sa Banal na Siyudad nang magkakasama.»

Nang walang-kaayusan ang mga tao ay sumunod, at nagbubukas sila ng hanay nang kaunti upang si Jesus ay makalabas at makasakay sa asno. Sa katunayan itinuturo ni Jesus ang maliit na asno, na hindi pa kailanman nasasakyan, bilang Kanyang sásakyan, at pagkatapos ang ilang mayayaman na peregrino, na ipinilit ang kanilang daan sa gitna ng pulutong, ay inilatag ang kanilang mararangyang manta sa likod nito, at ang isang lalaki ay lumuhod na ang isang tuhod nasa lupa at ang isa pa ay inilagay bilang isang tuntungan para sa Panginoon, Na nauupo sa likod ng bisiro. At ang paglalakbay ay nagsimula na si Pedro naglalakad sa isang tabo ng Guro at si Isaac sa kabila, hinahawakan ang mga renda ng hindi pa natuturuan na hayop, na nagpapatuloy nang kalmante, na tila ito ay sanay nang sakyan, nang hindi nagiging malikot o natatakot ng mga bulaklak na, itinatapon katulad nila kay Jesus, ay madalas tumatama sa kanyang mga mata o sa kanyang malambot na nguso, ni hindi natatakot ng mga sanga ng mga punong-olibo at ng mga dahon ng palmera na inaalog sa harapan o sa paligid niya, o itinatapon sa lupa upang maging isang alpombra kasama ang mga bulaklak. Ni hindi ito natatakot ng mga sigaw ng «Hosana, Anak ni David!», na palakas na nang palakas habang lumalaki nang lumalaki ang pulutong gawa ng mga bagong dumarating.

Hindi madaling dumaan sa Bethphage, sa loob ng makikipot na paliko-likong mga kalsada, at ang mga ina ay napipilitan na kargahin ang kanilang mga anak, at ang mga lalaki ay kailangan na protektahan ang kanilang mga kababaihan sa mararahas na túlakán, at ang ilang mga ama ay dala ang kanilang mga anak na nakasaklang sa kanilang mga balikat, upang sila ay nasa itaas ng pulutong, habang ang matitiling tinig ng mga bata ay nagmumukhang mga paghuni ng mga kordero o ng pagtili ng mga langaylangayan, habang sa pamamagitan ng kanilang maliliit na kamay nagtatapon sila ng mga bulaklak at mga dahon ng punong-olibo, na binibigay sa kanila ng kanilang mga ina, pati na rin mga halik, sa mahinahon na Jesus...

Pagkatapos na maiwanan ang makipot na daanan ng maliit na arabal, ang prusisyon ay umuunat nang maayos papalabas, at maraming mga taong nagkukusa ang umuuna na sa daan at inihahanda ito na mawalan ng mga sagabal, at ang iba ay sumusunod sa kanila nagkakalat sa lupa ng mga sanga. At nang ang isang tao ay naglagay ng kanyang manta sa lupa bilang isang alpombra, sandaan katao ang gumaya sa kanya. Sa gayon ang gitnang bahagi ng daan ay isang maraming-kulay na guhit ng mga damit nakakalat sa lupa at sa sandaling madaanan na ito ni Jesus, pupulutin nila ito at dadalhin sa unahan kasama ang mas marami pa, habang ang mga bulaklak, mga sanga at mga dahon ng palmera ay ikinakaway at itinatapon, at ang mas malalakas pang sigaw ay ginagawa sa paligid at sa karangalan ng Hari ng Israel, ng Anak ni David at ng Kanyang Kaharian!

palm sundayAng mga sundalo na nakatalaga sa geyt ay lumabas upang tingnan kung ano ang nangyayari. Ngunit ito ay hindi isang sedisyon at sila ay tumabi, sumandal sa kanilang mga sibat, at nagmumukhang nagtataka o nanunuya pinapanood nila ang kakaibang prusisyon ng Hari na ito Na nakasakay sa maliit na asno, at kasing ganda ng isang diyos, kasing mapagpakumbaba ng pinaka dukhang mga tao, mababa-ang-loob, nagpapalà... napaliligiran ng mga babae at mga bata at ng mga tauhan na walang-armas sumisigaw: «Kapayapaan! Kapayapaan!», (ang prusisyon) ng Hari na ito Na, bago pasukin ang bayan, ay tumigil nang sandali malapit sa mga sepulkro ng mga ketongin sa Hinnom at Siloam (Sa palagay ko binabanggit ko ang tamang mga pangalan ng mga lugar na ito, kung saan nakita kong pinagaling nang mahimala ang mga ketongin sa ibang mga okasyon) at tumutuntong sa tanging estribo kung saan nakalagay ang Kanyang isang paa, dahil Siya ay nakaupong pabalagbag sa asno, at hindi nakasaklang, Siya ay tumayo, itinataas ang Kanyang mga kamay, sumisigaw sa direksiyon ng nakapangingilabot na mga dalisdis na iyon (kung saan ang natatakot na mga mukha at mga katawan ay lumilitaw, nakatingin kay Jesus, at kanilang binibigkas ang nangungusap na sigaw ng mga ketongin: «Kami ay nahawahan!» upang palayasin ang ilang di-nag-iisip na mga tao na, upang makita nang mas mabuti si Jesus, ay umaakyat kahit sa may-hawang mga terasa): «Gawin ang may mga pananampalataya sa Akin na panawagan ang Aking Pangalan at tumanggap ng kalusugan mula rito!» at nagpapatuloy na muli pinagpapala Niya sila at nagsabi Siya kay Judas: «Bibili ka ng pagkain para sa mga ketongin at dadalhin mo iyan sa kanila kasama si Simon bago dumilim.»

Nang ang prusisyon ay pumasok sa ilalim ng arko ng Siloam Gate at pagkatapos, katulad ng isang ilog bumuhos papasok sa bayan dumaraan sa arabal ng Ophel – kung saan ang bawat terasa ay naging isang maliit na nasa-ere na liwasan nagsisiksikan sa mga tao na umaawit ng mga hosana, nagtatapon ng mga bulaklak at nagbubuhos ng mga pabango sa kalsada, sinisikap na makarating ang mga ito sa Guro, at ang ere ay puno ng bango ng mga bulaklak na napisâ ng mga paa ng pulutong at na may mga halimuyak na kumakalat sa ere bago sumama sa alikabok ng kalsada – ang sigawan ng pulutong ay tila dumarami at lumalakas, na tila ang bawat tao ay sumisigaw sa pamamagitan ng isang torotot, sapagkat ang maraming arko, na ang Herusalem ay punó nito, ay pinalalakas ito na may na alingawngaw na hindi tumitigil.

Naririnig ko silang sumisigaw, at sa palagay ko ang ibig nilang sabihin ay ang sinasabi ng mga Ebanghelista: «Shalem, Shalem melchil!» o malchit: sinisikap kong bigyan ito ng tunog ng mga salita, ngunit ito ay mahirap, sapagkat sila ay may mga pághingang tunog na wala tayo). Ang isang walang-tigil na hagulhol, katulad ng ugong ng isang masalimuot na dagat, kung saan ang malakas na ingay ng isang alon na humahampas sa mga baybayin at sa mga bangin ay hindi pa nawawala, pagkatapos ang isa pang nababasag na alon ay kinukuha ito nang may panibagong ugong, na hindi kailanman tumitigil. Ako ay nabibingi nito!

Mga pabango, mga halimuyak, mga sigaw, pagwawagayway ng mga sanga at mga damit, mga kulay, mga sigaw... ito ay nakalilitong tagpo.

Nakikita ko ang mga tao sa pulutong patuloy na naghahalu-halô, ang mga kilalang mukha ay lilitaw pagkatapos mawawala: lahat na mga disipulo mula sa lahat na mga lugar sa Palestina, lahat na mga tagasunod... Nakikita ko si Jairus nang isang sandali, at si Jaia, ang kabataan mula sa Pella (sa palagay ko) na dating bulag katulad ng kanyang ina at pinagaling ni Jesus, nakikita ko si Joachim na mula sa Bozrah at ang magbubukid mula sa kapatagan ng Sharon kasama ang kanyang mga kapatid na lalaki, nakikita ko ang malungkot na matandang si Matthias mula sa isang lugar malapit sa Jordan, sa silanganing pampang, kung saan nanilungan si Jesus noong ang lugar ay lahat binaha, nakikita ko si Zacchaeus  kasama ang kanyang nakumberting mga kaibigan, nakikita ko ang magandang si Juan na mula sa Nob kasama ang halos lahat na mga mamamayan, nakikita ko ang asawa ni Sarah na mula sa Juttah... Ngunit sino ang makaka-agapay sa dami ng mga mukha at mga pangalan, kung ito ay ang pagkakahalu-halo ng di-kilala at kilalang mga mukha, nakita nang makailang beses o nang minsan lamang?... Ngayon ay nariyan ang mukha ng maliit na pastol na dinala mula sa Enon. At malapit sa kanya ay ang disipulo mula sa Korazim na hindi naglibing sa kanyang ama upang masundan si Jesus; at malapit sa kanya, nang isang sandali, ay ang ama’t ina ni Benjamin mula sa Capernaum kasama ang kanilang anak, na halos mapailalim sa mga paa ng maliit na asno nang inilapit niya ang kanyang sarili upang tanggapin ang haplos ni Jesus,

At – sa kamalasan – naroon ang mga mukha ng mga Pariseo at mga eskriba, nangingitim sa galit dahil sa tagumpay na ito, at mapaghari-harian na naniniko upang makaraan sa gitna ng pabilog ng pagmamahal na sumisiksik sa paligid ni Jesus at sila ay sumigaw sa Kanya: «Patahimikin ang baliw na mga taong ito! Gawin silang mangatwiran! Ang mga hosana ay kailangan na awitin lamang sa Diyos. Sabihin sa kanilang manahimik!»

Ay si Jesus ay tumugon sa kanila nang may-kabaitan: «Kahit na kung sabihin Ko sa kanila na manahimik at sinunod nila Ako, ang mga bato ay papupurihan ang mga kababalaghan ng Salita ng Diyos.»

Sa katotohanan ang mga tao – bilang karagdagan sa pagsigaw ng: «Hosana, hosana sa Anak ni David! Pinagpala Siya Na dumating sa ngalan ng Panginoon. Hosana sa Kanya at sa Kanyang Kaharian! Ang Diyos ay kasama natin! Ang Immanuel ay dumating na. Ang Kaharian ng Kristo ng Panginoon ay dumating na! Hosana! Hosana mula sa Lupa hanggang sa kataastaasang Langit! Kapayapaan! Kapayapaan, aking Hari! Kapayapaan at mga pagpapalà sa Inyo, banal na Hari! Kapayapaan at kaluwalhatian sa Langit at sa Lupa! Kaluwalhatian sa Diyos para sa Kanyang Kristo! Kapayapaan sa mga tao na alam kung papaano Siya salubungin. Kapayapaan sa Lupa sa mga tao na may mabubuting kalooban at kaluwalhatian sa kataastaasang Langit, sapagkat ang oras ng Panginoon ay dumating na» (at ang huling sigaw na ito ay binigkas ng buong grupo ng mga pastol na inuulit ang awit ng Pasko) – bilang karagdagan sa walang-patid na mga sigaw na ito, ang mga sambayanan ng Palestina ay pinaaalam ang mga peregrino mula sa Diaspora tungkol sa mga himala na nakita nila, at sa mga tao na hindi nag-aalam, sapagkat sila ay mga estrangherong nagdaraan sa bayan nang di-sinasadya at nagtatanong: «Ngunit sino Siya? Ano ang nangyayari?» sila ay tumutugon: «Siya ay si Jesus! Si Jesus, ang Guro mula sa Nazareth sa Galilee! Ang Propeta! Ang Mesiyas ng Panginoon! Ang Pinangako, ang Banal na Mesiyas!»

Mula sa isang bahay, na ngayun-ngayon pa lamang nalalampasan ng prusisyon, na dahil sa labis na kalituhan gumagalaw nang mabagal, ay may lumabas na isang grupo ng malalakas na bata-pang mga lalaki may dala-dala sa ibabaw ng kanilang mga ulo ang tansong mga lalagyan puno ng uling at insenso, na nagbabaga at nagkakalat ng mga ulap ng nangangamoy na usok. Ang kanilang ginawa ay gustung-gusto ng mga tao, at marami ang tumakbo sa unahan o bumalik sa kanilang mga bahay, upang kumuha ng apoy at mabangong resina upang sunugin at kung gayon magbigay ng pagpipitaganan sa Kristo.

Ang bahay ni Annaleah ay lumitaw. Ang terasa ay may mga baging ang bagong mga dahon nito ay nanginginig sa malumanay na hangin ng Abril, at sa tabi ng nakaagapay sa kalsada ay nakahilera ang mga dalagang nakadamit ng puti at nakasuot ng puting mga belo, sa gitna nila ay naroon si Annaleah, na may mga basket ng pinitas na mga petalo ng rosas at ng mga liryo ng lambak, na mga lumulutang na sa hangin.

«Ang mga birhen ng Israel ay binabati Kayo, Panginoon!» sabi ni Juan, na sumiksik sa pulutong at ngayon nasa tabi na ni Jesus, tinatawag ang Kanyang pansin sa girnalda ng kadalisayan, na dumudungaw mula sa parapet ngumingiti at nagtatapon sa kalsada ng mga petalo na kasing pula ng dugo at ng mga liryo ng lambak na kasing puti ng mga perlas.

Si Jesus ay hinatak ang renda nang isang sandali at pinatigil ang asno. Siya ay tumingin sa itaas at itinaas ang Kanyang kamay upang pagpalain ang pagka-birhen na iyon na nagmamahal sa Kanya hanggang sa sukdulan na kalimutan ang lahat na iba pang makalupang pagmamahal.

At si Annaleah nakasandal nang paharap ay sumigaw: «Nakita ko ang Inyong tagumpay, aking Panginoon! Kunin Ninyo ang aking buhay para sa Inyong pansansinukuban na pagluluwalhati!» at sa pamamagitan ng isang napakalakas na sigaw, habang dumaraan si Jesus malapit sa kanyang bahay at nagpapatuloy, binati niya Siya: «Jesus!»

At ang isa pa ngunit ibang klaseng sigaw ang tumalo sa sigawan ng mga pulutong. Ngunit bagama't napakinggan ito ng mga tao, sila ay hindi tumigil. Ito ay isang agos ng pananabik, isang agos ng nahihibang na mga tao na hindi makatigil. At habang ang huling mga alon ng ilog na ito ay nasa labas pa ng geyt, ang mga nauuna ay umaakyat na sa mga dalisdis ng Templo.

«Ang Inyong Ina!» sigaw ni Pedro, tinuturo ang isang bahay na halos na sa kanto ng isang kalsada na magdadala sa isa sa Moriah at kung saan ang prusisyon ay nagsisimula nang dumaan. At si Jesus ay tumingala upang ngumiti sa Kanyang Ina, Na naroroon sa gitna ng matatapat na babae.

Ang humarang na isang malaking karabana ay nagpatigil sa prusisyon mga ilang metro pagkatapos na makaraan ito sa bahay. At habang nakatigil si Jesus kasama ang iba pa, hinahaplos ang mga bata na itinataas ng mga ina sa Kanya, ang isang lalaki ay nagmadali patungo sa Kanya, ipinipilit ang kanyang daan sa gitna ng pulutong at sumisigaw: «Paraanin ako! May isang babae na kamamatay pa lamang. Isang bata-pang babae. Bigla na lamang. Ang kanyang ina ay pinananawagan ang Guro. Paraanin ako! Nailigtas na Niya siya nang minsan!»

Ang mga tao ay nagparaan at ang mamâ ay tumakbo patungo kay Jesus at nagsabi: «Guro, ang anak na babae ni Eliza ay namatay. Binati niya Kayo sa pamamagitan ng sigaw na iyon, pagkatapos siya ay sumandal nang paharap nagsasabing: “Ako ay masaya” at iyon na ang kanyang huling hininga. Ang kanyang puso ay napanaigan ng dakilang lugod na nakikita Kayong nagtatagumpay. Ang kanyang ina ay nakita ako sa terasa ng bahay na kasunod ng kanya at inutusan niya ako. Halika, Guro!»

«Patay! Si Annaleah patay! Hindi ba’t siya ay malusog, sariwang-sariwa at masaya hanggang kahapon?» Ang mga apostol at mga pastol ay nagsisiksikan nang nananabik Ang lahat ay nakita siya kahapon na nasa perpektong mabuting kalusugan. Kani-kanina pa lamang nakita nila siya na malarosas at ngumingiti... Hindi nila maintindihan ang gayong kasawiang-palad... Sila ay nagtatanong, nag-uusisa sila tungkol sa mga detalye...

«Hindi ko alam. Napakinggan ninyong lahat ang kanyang mga salita. Siya ay nagsalita sa isang malakas na tinig, nakatitiyak sa kanyang sarili. Pagkatapos nakita ko siyang sumandal nang patalikod, at siya ay mas maputi pa kaysa sa kanyang damit at napakinggan ko ang kanyang ina na sumigaw... Wala na akong nalalaman pang iba.»

«Huwag mag-alala. Siya ay hindi patay. Isang bulaklak ang bumagsak at ang mga anghel ng Diyos ay pupulutin ito upang dalhin sa sinapupunan ni Abraham. Ang liryo ng Lupa ay malapit nang magbukadkad nang masaya sa Paraiso, kinakalimutan ang takot ng mundo magpakailanman. Mamâ, sabihin kay Eliza na huwag umiyak sa kinahinatnan ng kanyang anak na babae. Sabihin sa kanya na siya ay pinagkalooban ng isang dakilang grasya ng Diyos, at sa loob ng anim na araw  maiintindihan niya kung anong grasya ang ipinagkaloob ng Diyos sa anak niya. Huwag lumuha. Gawin na walang sinuman ang lumuha. Ang kanyang pananagumpay ay mas mahigit pa nga kaysa ng sa Akin, sapagkat ang mga anghel ay sinasamahan ang birhen patungo sa kapayapaan ng makatarungan. At iyan ay isang eternal na pananagumpay na lálaki sa antas nang walang malalaman kailanman na kabiguan. Sasabihin Ko sa inyong totoo na may dahilan kayo na umiyak sa inyong mga sarili, hindi kay Annaleah. Tayo na.» At Kanyang inuulit sa Kanyang mga apostol at sa mga nasa paligid Niya: «Isang bulaklak ang bumagsak. Ito ay nakahimlay sa kapayapaan at ang mga anghel ay pinulot ito. Pinagpala ang dalagang puro sa lamang at puso, sapagkat makikita niyang malapit na ang Diyos.»

«Ngunit papaano iyon nangyari, ano ang kanyang ikinamatay, Panginoon?» tanong ni Pedro na hindi ito mapaniwalaan.

«Pagmamahal. Nagtatalik na kasiyahan. Walang-hangganang kaluguran. Isang masaya kamatayan!»

Ang mga nauuna ay hindi nagmamalay, ang mga malayong nasa likuran ay wala ring nalalaman. Kung kaya't ang mga hosana ay nagpapatuloy kahit na kung dito, sa paligid ni Jesus, ang mga tao ay naging tahimik nag-iisip.

Si Juan ang sumira ng katahimikan nagsasabing: «O! gusto kong magkaroon din ng ganyan bago ang mga darating na oras!»

«Ako, rin» sabi ni Isaac. «Gusto kong makita ang mukha ng dalaga na namatay sa pagmamahal para sa Inyo...»

«Nakikiusap Ako na isakripisyo ninyo sa Akin ang inyong mga hinahangad. Kailangan Ko kayong malapit sa Akin dito...»

«Hindi namin Kayo iiwanan, Panginoon. Ngunit wala bang konsolasyon para sa ina na iyon?» tanong ni Natanael.

«Ako ang bahala diyan...»

Sila ay nasa mga geyt na ng bakuran ng Templo. Si Jesus ay bumaba mula sa maliit na asno na kinuha para pangalagaan ng isang lalaki mula sa Bethphage.

Kinakailangan na ilagay sa isipan na si Jesus ay hindi tumigil sa unang geyt ng Templo, bagkus inikutan Niya ang bakuran, at tumigil lamang Siya sa silanganing tabi, malapit sa Antonia. Diyan kung saan Siya bumaba mula sa Kanyang sinasakyan at pumunta sa loob ng Templo, na tila ibig Niyang ipakita sa mga tao na hindi Siya nagtatago sa mga naghaharing puwersa, na ang Kanyang pakiramdam Siya ay laging kumilos sa isang inosenteng pamamaraan.

Ang unang korte ng Templo ay pinakikita ang dating pagkakagulo ng mga tagapalit ng pera at ng mga nagbebenta ng mga kalapati, mga pipit at mga kordero, na ang tanging kaibahan lamang ay sila ay naiwanan nang nag-iisa, dahil ang lahat ay umalis upang tingnan si Jesus. At si Jesus ay pumasok, maringal sa Kanyang purpurang damit at tumitingin sa paligid sa palengke at sa isang grupo ng mga Pariseo at mga eskriba, na nagmamasid sa Kanya mula sa isang balkonahe.

Ang Kanyang mga mata ay kumikislap-kislap sa galit. Nagmadali Siya patungo sa gitna ng korte. Isang di-inaasahan na pagtalon na nagmumukhangjesus angry isang paglipag. Paglipad ng isang apoy, sapagkat ang Kanyang damit ay kasing tingkad ng apoy sa loob ng sinag-ng-araw na pumupuno sa korte. At sa Kanyang tinig na kasing lakas ng kulog sinabi Niya: «Lumayas sa bahay ng Aking Ama! Ito ay hindi lugar para sa usurya o sa mga pamamalengke. Ito ay nakasulat: “Ang Aking bahay ay tatawaging bahay ng panalangin”. Kung gayon bakit ninyo ginawa ang bahay na ito na maging isang lungga ng mga magnanakaw, kung saan ang Pangalan ng Panginoon ay pinananawagan? Lumayas kayo! Panatilihing malinis ang Aking Bahay. Na sana hindi mangyari sa inyo, na sa halip na mga lubid ang gamitin, baka ang ihampas Ko sa inyo ay mga kidlat ng galit ng Langit. Layas! Labas, kayong mga magnanakaw, mga manunuba, mahahalay na mga tao, mga mamamatay-tao, lapastangang mga tao, mga idolatra ng pinakamalalang idolatriya, ang idolatriya ng kaakuhan ng isa, mga tagapagparumi at mga sinungaling. Labas! Lumabas kayo! Kundi’y ang Kataastaasang Diyos, binabalaan Ko kayo, ay lilinisin ang lugar na ito nang walang matitira at paghihigantihan ang lahat na mga tao.» hindi Niya inuulit ang paghahagupit katulad noong nakaraan, ngunit nakikita na ang mga mangangalakal at ang mga tagapalit ng mga pera ay mabagal sa pagsunod, pinuntahan Niya ang pinakamalapit na mesa at binaligtad ito naikakalat ang mga timbangan at mga pera sa lupa.

Ang mga tindero at mga tagapalit ng pera ay nagmadali at isinagawa ang utos ni Jesus, pagkatapos na makita ang nangyari. At si Jesus ay sinisigawan sila: «At ilang beses Ko bang sasabihin na ito ay hindi kailangan na maging isang lugar ng karumihan, bagkus isang lugar ng panalangin?» at tinitingnan Niya ang mga taga-Templo na nagsasagawa ng mga utos ng Pontipise nang hindi nagpapakita ng pagtutol

Pagkatapos na malinisan ang korte, si Jesus ay pumunta sa mga balkonahe kung saan ang mga bulag, paralitiko, pipi, pilay at iba pang may-sakit na mga tao ay naiipon at pinananawagan Siya sa tuktok ng kanilang mga tinig.

«Ano ang gusto ninyong gawin Ko sa inyo?»

«Ang aking paningin, Panginoon! At aking mga galamay! Na makapagsalita sana ang aking anak! Na makapanumbalik sana ang kalusugan ng aking asawa. Naniniwala kami sa Inyo, Anak ng Diyos!»

«Pakinggan sana kay ng Diyos. Bumangon at umawit ng mga hosana sa Panginoon!»

Hindi Niya pinagagaling nang sabay-sabay ang mga may-sakit. Bagkus gumawa Siya ng isang malaking paggalaw sa pamamagitan ng Kanyang kamay, at ang grasya at kalusugan ay bumababa mula rito patungo sa kaawa-awang mga sawing-palad, na tumatayo na ganap nang magaling nang may mga pagsigaw ng lugod na humahalo sa mga sigaw ng maraming mga bata, na nagsisiksikan sa Kanya inuulit ang mga salitang: «Kaluwalhatian, kaluwalhatian sa Anak ni David! Hosana kay Jesus ng Nazareth, ang Hari ng mga Hari at ang Panginoon ng mga Panginoon!»

Ang ilang mga Pariseo, na may pakunwang pagpipitagan, ay sumigaw sa Kanya: «Guro, napapakinggan ba Ninyo sila? Ang mga batang ito ay sinasabi kung ano ang hindi dapat sabihin. Pangaralan sila! Na sana sila ay manahimik!»

«Bakit? Ang hari bang propeta, ang hari ng Aking lahi, ay hindi ba nagsabi: “Ginawa Ninyong dumaloy ang perpektong papuri mula sa mga bunganga ng mga bata at mga pasusuhin upang lituhin ang Inyong mga kaaway”? Hindi ba ninyo nabasa ang mga salitang ito ng mga salmista? Gawin ang mga bata na awitin nila ang Aking mga papuri. Sila ay ginawang awitin ang mga ito ng kanilang mga anghel, na walang-tigil na nakikita nila ang Aking Ama at nakaaalam ng tungkol sa Kanyang mga lihim, na kanilang iminumungkahi sa mga inosenteng ito. At ngayon pabayaan Ako at gawin Akong makapagdasal sa Panginoon» at, dumaraan sa harapan ng mga tao, Siya ay pumunta sa korte ng Israel upang magdasal...

Pagkatapos, lumalabas sa pamamagitan ng isa pang geyt, dumaraan sa Sheep Pool, iniiwan Niya ang bayan at bumalik sa mga burol ng Mount of Olives.

Ang mga apostol ay puno ng gana... Ang pananagumpay ay nabigyan sila ng kompiyansa, ganap na nakalimutan na nila ang lahat na takot na napukaw sa kanila ng mga salita ng Guro... Sila ay nagsasalita ng tungkol sa lahat... Nananabik silang lubos na makakuha ng balita tungkol kay Annaleah. Si Jesus ay may-kahirapan na napipigilan sila na makaalis, tinitiyak sa kanila na Siya ang maglalaan at nalalaman Niya kung papaano ito gawin... Sila ay hindi makinig sa bawat dibinong payo... Sila ay talagang totoong mga tao, at ang isang sigaw ng hosana ay nagawa silang makalimutan nila ang lahat...

Si Jesus ay nagsasalita sa mga katulong ni Maria ng Magdala, na mga sumama sa Kanya sa Templo, at pagkatapos pinaalis Niya sila...

«At saan na tayo pupunta ngayon?» tanong ni Felipe.

«Sa bahay ni Mark ni Jonas?» sabi ni Juan.

«Hindi. Sa parang ng mga Galilean. Baka ang Aking mga kapatid ay naparito at gusto Ko silang batiin» sabi ni Jesus.

«Magagawa Ninyo iyan bukas» sabi ni Tadeo sa Kanya.

«Mas mabuti nang gawin ang mga bagay habang maaari pa itong gawin. Tayo na sa mga Galilean. Masisiyahan silang makita tayo. Magkakaroon kay ng balita tungkol sa inyong mga pamilya. Titingnan Ko ang mga bata...»

«At papaano ngayong gabi? Saan tayo matutulog? Sa bayan? Saan? Kung nasaan ang Inyong Ina? O sa bahay ni Johanna?» tanong ni Judas Iskariote.

«Hindi Ko alam. Tiyak na hindi sa bayan. Baka sa ilalim ng ilang kubol muli ng mga Galilean...»

«Ngunit bakit?»

«Sapagkat Ako ang Galilean at mahal Ko ang Aking Amangbayan. Tayo na.»

Lumakad silang muli, umaakyat patungo sa parang ng mga Galilean, na nasa Mount of Olives pagawing Bethany, at ganap na natatakpan ng puting mga kubol nagniningning sa kaaya-ayang haring araw ng Abril.

--------------------

[Hulyo 30, 1944]

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ang tagpong nilarawan ni Lucas ay tila di-maliwanag, halos di-makatuwiran. Nalulungkot Ako para sa mga kasawiang-palad ng isang may-kasalanang bayan, ngunit hindi Ako nalulungkot para sa mga kaugalian ng bayan na iyon. Hindi. Hindi Ako maaaring maging malungkot para sa mga iyon, sapagkat ang mismong mga kaugalian na iyon ang nagdala sa kanila ng mga kasawiang-palad na iyon; at nakikitang pinalalalim pa ng mga ito ang Aking kapighatian. Ang galit Ko sa mga tagapaglapastangan ng Templo ay ang makatuwiran na konsekwensiya ng Aking pagninilay tungkol sa darating na mga kasawiang-palad ng Herusalem.

Laging ang paglapastangan sa kulto ng Diyos, sa Batas ng Diyos ang siyang kumukuha ng mga kaparusahan ng Langit. Sa paggawa sa Bahay ng Diyos na maging lungga ng mga magnanakaw, ang walang-silbing mga pari na iyon at ang walang-silbing mga naniniwala na iyon (tanging sa pangalan lamang sila kilalang gayon) ay ang kumukuha ng maldisyon at kamatayan para sa lahat na mga tao. Walang kabuluhan na ibigay ang pangalan na ito o iyon sa mga kasawiang-palad na nagagawa ang isang sambayanan na maghirap. Hanapin ang tamang pangalan dito: “Kaparusahan para sa pamumuhay na katulad ng mga hayop”. Ang Diyos ay umaalis at ang Kasamaan ay sumusulong. Iyan ang resulta ng isang pambansang paraan ng pamumuhay na di-karapat-dapat na pangalanan na Kristiyano.

Katulad sa nakaraan, ngayon din, sa loob ng maikling panahon ng siglong ito, hindi Ako tumigil sa pag-alog at pagbigay babala sa mga tao sa pamamagitan ng mga kababalaghan. Ngunit katulad sa nakaraan, wala Akong nakuha bagkus panunuya, kawalang-interes at kapootan sa Aking Sarili at sa Aking pamamaraan. Ngunit ang mga indibidwal at mga nasyon ay kailangan na itanim sa isip na umiiyak sila nang walang kabuluhan, kung bago pa man Ako ay hindi nila kinilalang kanilang kaligtasan. Walang kabuluhan na pinananawagan nila Ako, kung habang Ako ay nakakasama nila, pinalalayas nila Ako sa pamamagitan ng isang mapaglapastangang digmaan na nagsisimula sa indibidwal na mga konsiyensya, na nakatalaga sa Kasamaan, at kumakalat sa buong Nasyon. Ang mga Amangbayan ay hindi naililigtas labis sa pamamagitan ng mga armas katulad na ito ay naililigtas sa pamamagitan ng isang pamamaraan ng pamumuhay na maaaring makakuha ng proteksiyon mula sa Langit.

Magpahinga, munting Juan. At tiyakin na ikaw ay laging tapat sa iyon pagkapili. Humayo sa kapayapaan.»

Gaano akong napapagod! Talagang hapo na ako...

--------------------

[Marso 30, 1947]

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus: «Aking mapasensyang kalihim, ilagay dito ang bisyon: “Ang Gabi ng Linggo ng Paskuwa” (Marso 4, 1945), at ang Aking

110712

 

 



Sunod na kabanata