589. Ang Gabi ng Linggo ng Paskuwa.

Marso 4, 1945.

Si Jesus ay kasama ang Kanyang mga apostol sa kapayapaan ng Garden of the Mount of Olives. Gabi ngayon. Isang malahiningang gabi na kabilugan ng buwan. Sila ay nakaupo sa natural na mga upuan na siyang ang mga terasa ng taniman ng mga punong-olibo, sa unang mga terasa, na nakaharap sa parang na nasa pagsimula ng Gethsemane. Ang Kidron ay lumalagukgok sa pagitan ng mga bato nito at tila nagsasalita sa sarili. Maririnig lamang ng isa ang isang himig ng isang kakaibang ruwinsensor o mararamdaman ang buga ng ihip ng hangin. Wala nang iba pa.

Si Jesus ay nagsasalita.

«Pagkatapos ng pananagumpay ng umaga ng araw na ito ang inyong mga espiritu ay ibang-iba. Ano ang Aking sasabihin? Na ang inyong mga isip ay naginhawahan? O! oo! Sa isang pananaw pantao naginhawahan ang inyong mga isip. Pumasok kayo sa bayan na pinanginginigan dahil sa Aking mga salita Ang bawat isa sa inyo ay tila kinatatakutan na ang mga binayaran na mga sanggano sa kabilang tabi ng mga pader ay nakahandang tambangan siya at kunin siyang bihag.

Ang bawat tao ay may isa pang tao na ibinubunyag ang sarili sa pinaka piligrosong mga oras. Nariyan ang bayani, na sa mas piligrosong mga oras lumilitaw mula sa mapagpakumbabang tipong tao na kilalang-kilala ng mundo na ganyan at tinitingnan na isang walang kuwentang tao, ang bayani na humaharap sa isang lábanán nagsasabing: “Naririto ako”, na nagsasabi sa kaaway, sa isang mapaghari-harian na kalaban: “Makipaglaban sa akin”. At nariyan ang santo na, habang ang iba ay tumatakbo, nahintakutan sa harapan ng mababangis na tao na naghahanap ng mabibiktima, ay nagsasabi: “Kunin ako bilang isang bihag at para sa inyong sakripisyo. Ako ang magbabayad para sa katauhan ng lahat”. At nariyan ang mángungutya na pakikinabangan ng kanyang sarili ang pangkalahatang disgrasya at tatawanan ang mga katawan ng mga biktima. Nariyan ang traydor, na may kanyang sariling lakas-ng-loob, lakas-ng-loob ng kasamaan. Ang traydor na siyang ang pagsasama ng mangungutya at ng duwag, at iyan ay isa ring kategoriya na pinakikita ang sarili sa mapanganib na mga oras. Sapagkat mapangutya nilang pagsasamantalahan ang isang disgrasya at sa isang may-karuwagan na pamamaraan sasamahan nila ang mas malakas na partido, naglalakas-loob na harapin ang pangungutya ng mga kaaway at ang mga panunumpa ng namamanglaw, maliban na sila ay may kikitain. Panghuli ay nariyan ang kilalang-kilalang klase. Ang duwag na sa mapanganib na oras ay bagkus magsisisi na nasabi niya na siya ay kasapi ng isang partido at ng isang tao, na ngayon nahampas ng anathema, at tatakbo... Ang ganyang duwag ay hindi kriminal na kriminal katulad ng mapangutya o kasing kasuklam-suklam ng traydor. Ngunit lagi niyang pinakikita ang pagiging di-perpekto ng kanyang espirituwal na estruktura. Kayo... ay ganyan. Huwag sabihin na hindi kayo ganyan. Nababasa Ko ang mga konsiyensya.

Ngayong umaga kayo ay nag-iisip: “Ano ang mangyayari sa atin? Tayo ba ay papunta rin sa ating kamatayan?” At ang inyong mababang bahagi ay umuungol: “Kailan kung ito nga!...” Oo, ngunit kayo ba ay Aking niloko kailanman? Sa pamamagitan ng Aking unang mga salita nagsalita Ako sa inyo ng tungkol sa mga pang-uusig at kamatayan. At kapag ang isa sa inyo, gawa ng kalabisan ng paghanga, ay gustong makita Ako at ipakilala Ako bilang isang hari, katulad ng isa sa kaawa-awang mga hari ng Lupa, laging isang kaawa-awang hari kahit na kung ang hari at tagapagtayong muli ng kaharian ng Israel, kaagad Kong itinatama ang pagkakamali at sinasabi Ko: “Ako ang hari ng espiritu. Nag-aalok Ako ng mga kahirapan, mga sakripisyo, mga kapighatian. Wala na Akong iba pa. Wala na Akong iba pa dito sa Lupa. Ngunit pagkatapos ng Aking kamatayan at ng inyong kamatayan sa Aking pananampalataya, bibigyan Ko kayo ng eternal na Kaharian, ang Kaharian ng Langit”. Ako ba kaya ay nagsalita ng ibang bagay sa inyo? Hindi. Sinasabi ninyo na hindi Ako nagsalita ng iba.

At pagkatapos sinabi pa ninyo: “Ito lang ang gusto namin: gusto namin na makasama Kayo, at tratuhin, na maghirap katulad Ninyo, para sa Inyo”. Iyan ang sinabi ninyo. At kayo ay sinsiro. Sapagkat nangangatwiran kayo nang katulad ng mga bata, katulad ng walang-malay na mga bata. Inisip ninyo na madali para sa inyo na sundan Ako, at kayo ay punung-puno ng tatlong-ibayong kahiligan sa laman na hindi ninyo matanggap na ang Aking binabanggit ay totoo. Iniisip ninyo: “Siya ay ang Anak ng Diyos. Sinasabi Niya iyan upang masubukan ang ating pagmamahal. Walang sinumang tao ang makapananakit sa Kanya. Dahil nakagagawa Siya ng mga himala, makagagawa Siya ng isang malaking himala para sa Kanyang Sarili!” At ang bawat isa sa inyo ay nagdadagdag: “Hindi ako makapaniwala na Siya ay mapagtataksilan, mahuhuli, mapapatay”. Ang inyong pantaong pananampalataya sa Aking kapangyarihan ay napakalakas na kayo ay umaabot sa sukdulan na mawalan ng pananampalataya sa Aking mga salita, ang totoo, espirituwal, banal at nagpapabanal na Pananampalataya..

“Siya Na gumagawa ng mga himala ay tiyak na gagawa ng isa para sa Kanyang Sariling pabor!” sinasabi ninyo. Gagawa Ako hindi ng isa, bagkus marami pa. At ang dalawa dito ay magiging gayon na walang isip ng tao ang posibleng makakaunawa. Sila ay magiging ganyan na tanging ang mga naniniwala lamang sa Panginoon ang makakakilala sa kanila. Ang lahat na iba pang mga tao, hanggang sa katapusan ng panahon, ay magsasabi: “Imposible!” At kahit na pagkatapos ng Aking kamatayan Ako ang magiging ang bagay ng kontradiksyon para sa maraming tao.

Noong isang katamtamang umaga ng tagsibol mula sa isang bundok ipinahayag Ko ang iba't ibang mga beatitude. Mayroon pang isa: “Pinagpala ang mga naniniwala nang walang nakikita”. Nag-iikot sa Palestina nasabi Ko na: “Pinagpala ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at sinasabuhay ito”, at ito rin: “Pinagpala ang gumagawa ng kalooban ng Diyos” at marami pa Akong nasabi, sapagkat sa Bahay ng Aking Ama marami ang mga lugod na naghihintay sa mga santo. Ngunit nandiyan din ang isang ito: O! Pinagpala ang mga maniniwala nang walang nakikita sa pamamagitan ng mga mata ng kanilang mga katawan! Sila ay magiging napakabanal na, bagama't nasa Lupa, nakikita na nila ang Diyos, ang Diyos na nakatago sa Misteryo ng pagmamahal.

Ngunit pagkatapos na makasama Ko sa loob ng tatlong taon, hindi pa kayo nakarating sa pananampalatayang iyan. At pinaniniwalaan lamang ninyo kung ano ang nakikita ninyo. Kung kaya't, katulad ng sa simula ng umagang ito, pagkaraan ng tagumpay, sinasabi ninyo: “Ito ay tanging ang Kanya lamang na sinabi. Siya ay nagtatagumpay. At tayo kasama Niya”. At, katulad ng mga ibon na nagkakaroon muli ng mga balahibo pagkatapos na ito ay mabunot ng ilang malulupit na tao, kayo ay lumilipad, nang wala sa sarili ninyo sa tuwa, nakatitiyak sa inyong mga sarili, malaya sa pagpipigil na nailagay ng Aking mga salita sa inyong mga puso. Mas maginhawa rin ba kayo sa inyong mga espiritu? Hindi, ang inyong mga espiritu ay mas lalo pang hindi nagiginhawahan. Sapagkat kayo ay mas lalo pang hindi nakahanda para sa namimintong oras. Nainom ninyo ang mga hosana katulad ng isang malakas na masarap na alak. At kayo ay nalasing nito. Ang isang nalasing bang tao ay kailanman mas malakas? Ang isang maliit na kamay ng isang bata ay sapat na upang magawa siyang sumuray at bumagsak. Iyan ang katulad ninyo. At ang makakita ng mga báyarang sanggano ay magiging sapat na na magawa kayong tumakbong katulad ng natatakot na mga usa, na nakakita ng matulis na nguso ng isang asong gubat na lumitaw malapit sa bato ng isang bundok at, kasing bilis ng hangin, kakalat sila sa kapanglawan ng disyerto.

O! tiyakin na hindi kayo mamamatay sa matinding pagkauhaw sa loob ng umaapoy na larangan na iyan, na siyang ang mundo na walang Diyos! Aking mga kaibigan, huwag sabihin kung ano ang sinasabi ni Isaiah tinutukoy ang huwad at mapanganib na katayuan ng inyong mga espiritu. Huwag sabihin: “Siya ay walang sinasabing iba bagkus ang tungkol sa mga pakikipagsabwatan. Ngunit walang dapat na ikatakot, walang dapat na katakutan. Hindi tayo kailangan na matakot tungkol sa kung ano ang Kanyang hinuhula sa atin. Ang Israel ay minamahal Siya. At nakita natin ito”. Gaano kadalas na ang maselan na walang-saplot na paa ng isang maliit na bata ay yumayapak sa damo ng isang mabulaklak na parang, pumipitas ng mga bulaklak upang dalhin sila sa kanyang ina, at akala niya makakatagpo lamang siya ng mga tangkay at mga bulaklak, at sa halip nailalapat niya ang kanyang sakong sa ulo ng isang ahas, at natutuklaw nito at namamatay! Ang mga bulaklak ay naitatago nila ang ahas. Sa umaga rin na ito... iyan ay nangyari rin ngayong umaga! Ako ang Nahatulan na tao na kinoronahan ng mga rosas. Mga rosas!... Gaano katagal tumatagal ang mga rosas? Ano ang natitira sa kanila kapag ang kanilang mga korola ay nawalan na ng kanilang kaputiang-niyebe na mabangong mga petalo? Mga tinik.

Ako – sinabi ito ni Isaiah – ay magiging para sa inyo, at kasama kayo sinasabi Ko na Ako ang magiging ang santuwaryo para sa mundo, ngunit katitisuran-na-bato rin, ang pangunahing may-kagagawan, ang patibong at kasiraan para sa Israel at sa Lupa. Pababanalin Ko ang may mga mabubuting kalooban at Aking patatalsikin at dudurugin ang mga may masasamang kalooban. Ang mga anghel ay hindi nagsasalita ng huwad na mga salita o ng mga salitang tumatagal lamang nang sandali. Sila ay nanggaling sa Diyos, Na siyang Katotohanan at Eternal, at ang kanilang sinasabi ay ang katotohanan at ang kanilang mga salita ay hindi mababago. Sinabi nila: “Kapayapaan sa mga tao na may mabubuting kalooban”. Pagkatapos, o Lupa, ang inyong Tagapagligtas ay pinanganak. Ngayon ang inyong Tagapagtubos ay patungo sa Kanyang kamatayan. Ngunit upang magkaroon ng kapayapaan mula sa Diyos, ibig sabihin, pagpapakabanal at kaluwalhatian, kinakailangan na magkaroon ng “mabuting kalooban”. Walang kabuluhan ang Aking kapanganakan, walang kabuluhan ang Aking kamatayan para sa mga wala ng mabuting kalooban na ito. Ang Aking pag-iyak at ang Aking pagdidiliryo.

Ang Aking unang hakbang at ang huli, ang sugat ng Aking sirkunsisyon at ng Aking katuparan, ay magiging walang kabuluhan kung sa inyo, kung sa mga tao, ay walang mabuting kalooban na matubos at mapabanal ang inyong mga sarili. At sinasabi Ko sa inyo: “Ang isang malaking bilang ng mga tao ay matitisod sa Akin, habang inilalagay Ako bilang isang sumusuportang haligi, at hindi bilang isang bitag para sa tao, at sila ay babagsak sapagkat, bilang lasing sa pagmamalaki, kahalayan at kasakiman sa pera, mahuhulog sila sa bitag na lambat ng kanilang sariling mga kasalanan, bihag at iaabot kay Satanas. Itago ang mga salitang ito sa loob ng inyong mga puso at selyuhan sila para sa mga disipulo sa hinaharap.

Tayo na. Ang Bato ay tumataas. Isa pang hakbang papalapit. Sa ibabaw ng bundok. Kailangan na suminag ito sa tuktok sapagkat Siya ay ang Araw, ang Liwanag, ang Silangan. At ang Araw ay sumisinag sa mga tuktok. Kailangan na ito ay sa ibabaw ng bundok, sapagkat ang totoong Templo ay kailangan na makita mula saan man sa mundo. At itinatayo Ko ito Mismo sa pamamagitan ng buháy na Bato ng Aking sinakripisyong Katawan. Isisimento Ko ang mga bahagi nito sa pamamagitan ng apog na gawa sa pawis at dugo. At mapupunta Ako sa Aking trono dinamitan ng matingkad na purpura, nagsusuot ng bagong korona, at ang mga nasa malayo ay dudulog sa Akin, magtatrabaho sila sa loob ng Aking Templo, sa paligid nito. Ako ang ilalim at ang tuktok. Ngunit sa kapaligiran, ang luklukan ay lalapad nang lalapad. Ako ang huhugis ng Aking mga bato at magpoporma Mismo sa Aking mga artesano. Katulad na Ako ay trinabaho ng sinsel ng Aking Ama, ng Pagmamahal, ng tao at ng Kapootan, ganyan Ko rin sila tatrabahuhin. Pagkatapos na maalis ang kasamaan ng Lupa sa loob lamang ng isang araw, ang pitong mata ay pupunta sa bato ng eternal na Pari upang makita ang Diyos, at ang pitong pontanya ay dadaloy upang talunin ang apoy ni Satanas.

Si Satanas... Judas, tayo na. At alalahanin na ang oras ay umiikli at ang Kordero ay ipahuhuli sa gabi ng Huwebes.»

130712

 

 

 



Sunod na kabanata