59. Ang Nadimonyohan ng Capernaum Pinagaling sa Loob ng Sinagoga.

Nobyembre 2, 1944.

¹Nakikita ko ang sinagoga ng Capernaum. Ito ay nagsisiksikan na sa mga taong naghihintay. Ang mga taong malapit sa pintuan ay sumusulyap sa liwasan, na maaraw pa, bagama't ngayon ay halos gabi na. Sa wakas nagkaroon ng isang sigaw: «Ang Rabbi ay dumarating.» Lahat sila ay lumingon sa pintuan, ang mas maliliit na tao ay nakatingkid o nagsisikap na ipilit ang kanilang mga sarili sa harapan. Ang ilan ay nagsisimula nang mag-usap-usap at maniko, sa kabila ng mga paninita na mga nagtatrabaho sa loob ng sinagoga at ng mga nakatatanda ng bayan.

«Harinawang ang kapayapaan ay mapunta sa mga naghahanap sa Katotohanan.» Si Jesus ay nasa pamasukan at binabati Niya sila, nagpapalà sa pamamagitan ng Kanyang mga kamay nakaunat nang paharap. Ang Kanyang matangkad na pigura ay nangingibabaw sa napakaningning na liwanag sa likuran sa maaraw na liwasan. Naalis na Niya ang Kanyang maputing manta at suot ang pangkaraniwang malalim na asul na manta. Dumaraan Siya sa gitna ng pulutong, na nagbubukas at pagkatapos magsasara sa paligid Niya, katulad ng mga alon sa paligid ng isang barko.

²«Ako ay may sakit, pagalingin Ninyo ako!» ungol ng isang bata-pang lalaki na lumalabas na tisiko, at hinihila si Jesus sa pamamagitan ng Kanyang manta.

Si Jesus ay ipinatong ang Kanyang mga kamay sa kanyang ulo at nagsabi: «Manampalataya. Ang Diyos ay pakikinggan ka. Hayaang makapagsalita Ako sa mga tao ngayon, pagkatapos pupunta Ako sa iyo.»

Ang bata-pang lalaki ay pinakawalan Siya at kumalma.

«Ano ang Kanyang sinabi sa iyo?» tanong ng isang babae may hawak na isang sanggol sa kanyang mga bisig.

«Sinabi Niya na pagkatapos Niyang makapagsalita sa mga tao, Siya ay pupunta sa akin.»

«Siya ba ay pagagalingin ka Niya kung gayon?»

«Hindi ko alam. Sinabi Niya sa akin: “Manampalataya”. Makaaasa lamang ako.»

«Ano ang sinabi Niya? Ano ang sinabi Niya?»

Ang mga tao ay ibig na makaalam. Ang tugon ni Jesus ay inuulit sa loob ng pulutong.

«Kung gayon, dadalhin ko ang aking anak.»

«At dadalhin ko ang aking matandang ama rito.»

«O! Kung si Aggaeus lamang ay pupunta! Susubukan ko… ngunit hindi siya pupunta.»

³Si Jesus ay narating ang Kanyang puwesto. Binabati Niya ang pangulo ng sinagoga na tumugon sa Kanyang pagbati. Siya ay isang maliit, mataba, kung baga nakatatandang lalaki. Nang nakikipagusap sa kanya, si Jesus ay nakayukod. Ito ay katulad ng isang palmera nakayuko sa isang palumpong na mas malapad kaysa matangkad.

«Ano ang aking ibibigay sa Inyo?» tanong ng maliit na mamâ.

«Anuman ang ibigin ninyo, ang kahit na ano na hindi pinipili. Ang Espiritu ay ang ating magiging gabay.»

«Ngunit… magiging handa Ka ba?»

«Handa Ako. Bigyan mo Ako ng isang rolyo na hindi pinipili. Sinasabi Ko sa iyo: ang Espiritu ng Panginoon ay gagabayan ang pagpili alang-alang sa mga taong ito.»

Ang pangulo ng sinagoga ay iniunat ang kanyang kamay patungo sa isang tambak ng mga rolyo, kumuha siya ng isa at iniladlad ito, siya ay tumigil sa isang punto. «Ito» sinabi niya.

Si Jesus ay kinuha ang rolyo at nagsimulang basahin ang ipinakitang punto: «Joshua: “Bumangon at pabanalin ang sambayanan at sabihin sa kanila: ‘Pabanalin ang inyong mga sarili para bukas, sapagkat itinakda ng Panginoon ng Israel: ang pagbabawal ay ngayon nasa inyo na, Israel; hindi kayo kailanman makahaharap sa inyong mga kaaway hanggang hindi ninyo kinukuha sa pagitan ninyo siya na kontaminado ng gayong krimen’ “.» Siya ay tumigil. Nirolyo Niya ang pergamino at ibinalik ito.

Ang pulutong ay lubos na nakikinig. Tanging isa lamang ang bumulong: «Makaririnig tayo ng napakagandang mga salita laban sa ating mga kaaway!». «Ito ay ang Hari ng Israel, ang Ipinangakong Isa, Na mag-iipon sa Kanyang sambayanan!»

⁴Si Jesus ay iniunat nang palabas ang Kanyang mga kamay sa Kanyang pangkaraniwang aktitud ng pananalumpati. Ang katahimikan ay ngayon perpekto na.

«Ang dumating Na magpapabanal sa inyo, ay lumitaw na. Siya ay lumabas mula sa kalihiman ng Kanyang tahanan, kung saan inihanda Niya ang Kanyang Sarili para sa misyon na ito. Pinadalisay Niya ang Kanyang Sarili upang mabigyan kayo ng halimbawa ng puripikasyon. Itinatag Niya ang Kanyang pusisyon kasama ang malalakas sa Templo at kasama ang sambayanan ng Diyos, at ngayon nasa pagitan na ninyo. Ito ay Ako. Hindi ayon sa iniisip at inaasahan ng iba sa inyo, na may maulap na mga isip at walang-kapalagayan sa kanilang mga puso. Ang Kaharian na Ako ang hinaharap na Hari at patungo kung saan Ko kayo tinatawag, ay mas kapuna-puna at mas dakila.

Tinatawagan Ko kayo, Israel, bago ang iba pang mga tao, sapagkat sa mga ama ng inyong mga ama tinanggap ninyo ang pangako ng oras na ito at ng alyansa sa Kataastaasang Panginoon. Ngunit ang Kanyang Kaharian ay hindi itatatag sa pamamagitan ng armadong multitud o ng mabangis na pagpapadanak ng dugo at ni ang marahas, o ang mapanupil, ang mapagmalaki, ang magagalitin, ang mainggitin, ang mahalay, ang masakim ang makakapasok dito bagkus ang mabuti, ang mapagpakumbaba, ang mapagpigil, ang maawain, ang mababa-ang-loob, ang matiyaga at ang mga nagmamahal sa Diyos at sa kanilang kapwa ang tanging papapasukin.

Israel! Kayo ay hindi hinihinging makipaglaban sa nasa-labas na mga kaaway, bagkus laban sa nasa-loob na mga kaaway. Laban sa lahat na mga nasa loob ng inyong mga puso. Nasa loob ng mga puso ng libu-libo ninyong mga anak. Alisin ang mga hadlang ng kasalanan mula sa lahat ng inyong mga puso, kung ibig ninyo na ang Diyos ay ipunin kayo bukas at sabihin sa inyo: “Aking sambayanan, sa inyo ang Kaharian na hindi kailanman malulupig, o masasakop, o mamaliitin ng mga kaaway”.

⁵Bukas. Alin na bukas? Sa loob ng isang taon o isang buwan na panahon? O! Huwag mag-usisa! Huwag hayaan ang di-mabuting pagkauhaw na mag-usisa nang may panggagaway sa hinaharap. Hayaan ang espiritu ng Ahas sa mga pagano. Hayaan sa Eternal na Diyos ang kalihiman ng panahon. Magmula bukas, ang bukas na tataas pagkatapos ng gabing ito, ang bukas na darating pagkatapos ngayong gabi at tataas sa pagtilaok ng manok, halikayo at mapadalisay sa pamamagitan ng sinsirong pagtitika.

Pagsisihan ang inyong mga kasalanan upang mapatawad at maging handa para sa Kaharian. Alisin sa inyong mga sarili ang mga hadlang ng kasalanan. Ang bawat isa sa inyo ay may kanyang sariling pagkakasala. Ang bawat isa ay may isa laban sa sampung utos ng eternal na kaligtasan. Iksaminin ang inyong mga konsiyensya nang may sinseridad at makikita ninyo ang inyong mga pagkakamali. Magtika na may sinsirong kababaang-loob. Kailangan ninyong magtika. Hindi lamang sa pamamagitan ng inyong mga bunganga. Hindi ninyo mapagtatawanan o maloloko ang Diyos. Bagkus magtika na may matatag na kalooban, na magagawa kayong mabago ninyo ang inyong mga pamamaraan ng pamumuhay at makabalik sa Batas ng Panginoon. Ang Kaharian ng Langit ay naghihintay para sa inyo. Bukas.

Bukas? Baka itanong ninyo. O! ang oras ng Diyos ay laging isang maagang bukas, kahit na kung ito ay dumating sa katapusan ng isang pamumuhay na kasing haba ng pamumuhay ng mga Patriyarka. Ang eternidad ay hindi ginagamit ang oras ng mabagal na daloy ng isang ‘sand glass’. At ang mga panukat ng panahon na inyong tinatawag na mga araw, mga buwan, mga taon, mga siglo ay bagkus mga pintig ng puso ng Eternal na Espiritu na nagpapanatili sa inyo na buhay. Ngunit ang inyong mga kaluluwa ay eternal at kailangan na gamitin ninyo para sa inyong mga kaluluwa ang gayon ding panukat ng panahon katulad  na ginagamit ng inyong Tagapaglikha. Kailangan ninyo, kung gayon, na sabihin: “Ang bukas ay ang araw ng aking kamatayan”. Hindi, hindi kamatayan para sa matatapat. Bagkus kapahingahan sa paghihintay, paghihintay para sa Mesiyas upang mabuksan ang mga tarangkahan ng Langit.

At sasabihin Ko sa inyong totoo na tanging dalawampu’t pito lamang sa inyo na mga naririto ang mamamatay at kailangan na maghintay. Ang iba pa ay huhusgahan bago pa ng kanilang kamatayan, at ang kanilang kamatayan ay magiging ang paglipat sa Diyos o kay Mammon nang walang pagka-antala sapagkat ang Mesiyas ay dumating na, Siya ay nasa pagitan ninyo at tinatawag kayo upang ibigay sa inyo ang Ebanghelyo, upang maituro sa inyo ang Katotohanan at mailigtas kayo sa Langit.

Magtika! Ang “bukas” ng Kaharian ng Langit ay namiminto. Matagpuan sana kayo nito na dalisay at mapasainyo ang eternal na araw.

Ang kapayapaan ay mapasainyo.»

⁶Ang isang balbasin na marangyang nakadamit na Israelita ay tumayo upang salungatin Siya. Sinabi niya: «Guro, ang Inyong sinabi ay lumalabas na may kaibhan sa sinabi sa sagradong aklat ng mga Macabeo, kaluwalhatian ng Israel. Ito ay sinasabi roon: “Totoo nga na kapag ang mga gumagawa ng masasama ay hindi pinababayaan nang matagal sa kanilang sariling mga pamamaraan bagkus nagkaroon ng mabilis na makatarungang parusa, ito ay isang tanda ng dakilang kabutihang-loob. Sa kaso ng ibang mga nasyon, ang Panginoon ay naghihintay nang matiyaga para sa kanila na makakuha ng ganap na sukat ng kanilang mga kasalanan, bago Niya sila parusahan”. Ayon sa Inyong sinabi, sa halip, ang Kataastaasan ay lumalabas na napakabagal sa pagpaparusa sa atin, hinihintay, katulad ng para sa ibang mga nasyon, ang oras ng paghuhukom, kapag ang sukat ng mga kasalanan ay puno na. Ang mga pangyayari, sa katotohanan, ay pinasisinungalingan Kayo. Ang Israel ay pinarusahan katulad ng sinabi ng mga mananalaysay ng mga Macabeo. Ngunit kung ang Inyong sinasabi ay tama, wala bang salungatan sa pagitan ng Inyong doktrina at ng pangungusap na aking binanggit?»

«Hindi Ko kilala kung sino ka, ngunit ibibigay Ko sa iyo ang Aking kasagutan, maging sino ka pa man. Walang salungatan sa doktrina, bagkus sa interpretasyon lamang ng mga salita. Ipinaliliwanag mo ito ayon sa pantaong pagka-intindi, Ako, sa halip, sa espirituwal na pagka-intindi. Nakikita mo ang lahat bilang nakaugnay sa kasalukuyang panahon at sa mga naglalahong mga bagay, at kinakatawan mo ang karamihan ng mga tao na ganyan din ang iniisip. Kinakatawan Ko ang Diyos at Ako'y nagpapaliwanag at ginagamit ang lahat sa eternal at sobrenatural na mga bagay. Totoo, na si Yahweh ay hindi kayo hinampas sa kasalukuyan dahil sa inyong pagmamalaki at dahil sa ang tingin ninyo sa inyong sarili ay isang “nasyon” ayon sa mundo. Ngunit gaano Niya kayo minamahal at gaano Siya kapasyensiya sa inyo, nang higit pa kaysa sa kanino pa mang iba, pinagkakalooban kayo ng Tagapagligtas, ang Kanyang Mesiyas, na sana kayo ay makinig sa Kanya at maligtas bago pa man sa oras ng galit ng Diyos! Ayaw na Niya kayong maging mga makasalanan pa. Ngunit kung kayo ay Kanyang hinampas sa mga naglalahong makamundong mga bagay, nakikita na ang pagkakasugat ay hindi nakagagamot sa inyong mga kaluluwa, hindi, bagkus, ito'y papurol pa nang papurol, hindi na Siya nagbibigay ng karagdagang kaparusahan pa, bagkus pinagkakalooban Niya kayo ng kaligtasan. Ipinadadala Niya Siya sa inyo Siya na gagamot at magliligtas sa inyo! Ako, Na nagsasalita sa inyo.»

«Hindi ba Ninyo tinitingnan ang Inyong Sarili na pangahas sa pag-akò sa Inyong Sarili na isang kumakatawan sa Diyos? Wala sa mga Propeta ang nangahas nang labis at Ikaw… Sino Ka, Ikaw Na nagsasalita? At sa kaninong utos Ka nagsasalita?»

«Ang mga Propeta ay hindi makapagsasabi ng tungkol sa kanilang mga sarili ng kung ano ang Aking sinasabi tungkol sa Aking Sarili. Sino Ako? Ang Hinihintay na Isa, ang Ipinangakong Isa, ang Tagapagligtas. Napakinggan mo na ang Kanyang Prekursor na nagsabi: “Ihanda ang daan para sa Panginoon… Naririto, ang Panginoong Diyos ay dumarating… Katulad ng isang pastol pakakanin Niya ang Kanyang kawan, bagama't Siya ang Kordero ng totoong Paskuwa”. Marami sa inyo ang nakapakinig sa mga salitang ito mula sa Prekursor at nakita nila ang mga kalangitan na nagliwanag sa pamamagitan ng isang liwanag na bumaba sa korte ng isang kalapati at napakinggan nila ang isang tinig na nagsalita at nagsabi kung sino Ako. Sa kaninong utos Ako nagsasalita? Sa utos Niya Na Siya nga at Siyang nagpadala sa Akin.»

«Sinasabi Mo iyan, ngunit maaaring Ikaw ay isang sinungaling o isang nananaginip. Ang Iyong mga salita ay banal, ngunit si Satanas kung minsan ay gumagamit ng mga salita ng pandaraya kinulayan ng kabanalan, upang maloko ang mga tao. Hindi Ka namin nakikilala.»

«Ako si Jesus ni Jose ng Sambahayan ni David, Ako ay pinanganak sa Bethlehem Ephrathah, katulad sa naipangako, pinangalanang Nazareno, sapagkat naninirahan Ako sa Nazareth. At iyan ayon sa mundo. Ayon sa Diyos Ako ang Kanyang Mensahero. Ang Aking mga disipulo ay nakaaalam.»

«O! Sila! Masasabi nila ang gusto nila o kung ano ang sinasabi Mo sa kanila na sabihin.»

«May isa pang magsasalita, na hindi nagmamahal sa Akin, at sasabihin kung sino Ako. Maghintay hanggang tawagin Ko ang isa sa mga taong naririto.»

Si Jesus ay tinitingnan ang pulutong, na nagtataka at naiinis sa alitan, at nahati sa pagitan ng dalawang magkasalungat na mga doktrina. Siya ay may hinahanap na kung sino sa pamamagitan ng Kanyang sapirong mga mata, at pagkatapos sa pamamagitan ng malakas na tinig Siya ay tumawag: «Aggaeus! Halika rito. Iyan ay isang utos.»

Nagkaroon ng malaking kaguluhan sa loob ng pulutong. Sila ay nagbukas upang makaraan ang isang lalaki, na marahas na nanginginig ang buong katawan at sinusuportahan ng isang babae.

«Nakikilala mo ba ang taong ito?»

«Oo, siya ay si Aggaeus, ni Malachi, ng Capernaum. Siya ay inaalihan ng isang masamang espiritu na nagpapahirap sa kanya sa pamamagitan ng biglang mga panginginig.»

«Ang lahat ba ay nakakikilala sa kanya?»

Ang pulutong ay sumigaw: «Oo, nakikilala namin.»

«Mayroon ba sa inyo na makapagsasabi na siya ay nakipagusap sa Akin, nang kahit kakaunting mga sandali?»

Ang pulutong ay sumigaw: «Wala, wala, siya ay sintu-sinto, hindi siya kailanman umaalis ng bahay, at walang sinuman na nakakita sa Inyo sa loob ng bahay.»

«Babae, dalhin siya rito sa harapan Ko.»

Ang babae ay tinutulak at hinihila siya, habang ang kaawa-awang lalaki ay nanginginig nang mas lalo kahit kailanman.

Ang pangulo ng sinagoga ay binalaan si Jesus: «Mag-ingat! Ang dimonyo ay malapit na siyang pahirapan… at pagkatapos sumusugod siya sa mga tao, mangangalmot at mangangagat sa kanila.»

Ang pulutong ay lumalayo nagsisiksikan sa tabi ng mga pader.

Si Jesus at ang lalaki ay ngayon magkaharap. Nagkaroon ng kaunting sandali ng pagkakagulo. Ang lalaki, sa pangkaraniwan pipi, ay tila nahihirapan sa pagsasalita, siya ay umuungol, pagkatapos ang kanyang tinig ay naging mga salita: «Ano ang nasa pagitan namin at Ikaw, Jesus ng Nazareth? Bakit Ka naparito upang pahirapan kami? Bakit ibig Mo kaming sirain, Ikaw, Panginoon ng Langit at Lupa? Kilala ko kung sino Ka: ang Banal ng Diyos. Wala kahit sino, sa loob ng laman ng tao, ang naging mas dakila kaysa sa iyo, sapagkat sa loob ng Iyong laman ng tao ay nakapaloob ang Espiritu ng Eternal na Nananalo. Ako ay natalo Mo na…»

«Manahimik! Inuutos Ko sa iyo na lumabas ka sa lalaking ito.»

Ang lalaki ay nagkaroon ng isang atake ng kakaibang kombulsiyon. Siya ay naihahagis ng mga pag-igkas at mga dagok, na tila may isang humihila at tumutulak sa kanya, pinahihirapan siya nang marahas, siya ay sumisigaw sa mabangis na tinig, bumubula ang kanyang bibig, at pagkatapos ibabagsak sa lupa. Siya ay tumayo, nagtataka at magaling na.

«Napakinggan mo ba? Ano na ang iyong sasabihin ngayon?» Si Jesus ay tinatanong ang Kanyang katunggali.

Ang balbasin na marangyang lalaki ay ikinibit ang mga balikat at, halatang natalo, lumabas na walang itinutugon. Ang pulutong ay pinagtatawanan siya at pinapalakpakan si Jesus.

⁸«Katahimikan! Ang lugar na ito ay sagrado!» sabi ni Jesus at iniutos Niya: «Dalhin sa Akin ang lalaki kung kanino nangako Ako ng tulong mula sa Diyos.»

Ang maysakit na lalaki ay lumapit. Si Jesus ay hinahaplos siya: «Naniwala ka sa Akin! Maging magaling. Humayo sa kapayapaan at maging makatarungan.»

Ang bata-pang lalaki ay sumigaw. Ano kaya ang kanyang nararamdaman. Siya ay lumuhod sa harapan ni Jesus, hinahalikan ang Kanyang mga paa pinasasalamatan Siya: «Pagpapasalamat mula sa akin at mula sa aking ina!»

Ang iba pang maysakit ay lumapit: isang maliit na batang lalaki paralisado ang mga paa. Kinarga siya ni Jesus, hinaplos siya at ibinaba… at iniwan siya. Ang bata ay hindi bumabagsak, bagkus tumakbo sa kanyang ina, na yumakap sa kanya sa kanyang puso, umiiyak, at sa isang malakas na tinig pinagpapalà «ang Banal na Isa ng Israel». Ang maliit na matandang bulag na lalaki ay lumapit, inaakay ng kanyang anak na babae. Siya rin ay pinagaling sa pamamagitan ng isang haplos sa kanyang may sakit na mga mata.

Nagkaroon ng isang ugong ng pagpapalà mula sa pulutong.

Si Jesus ay dumaraan sa gitna ng pulutong ngumingiti, at bagama't Siya ay matangkad, hindi Siya magtagumpay na makaraan, kung si Pedro, si Santiago, si Andres at si Juan ay hindi nagtrabaho nang husto sa pamamagitan ng kanilang mga siko, upang sila ay makaraan at marating si Jesus, at pagkatapos sinamahan Siya hanggang sa labasan patungo sa liwasan, na ngayon ay madilim na.

Ang bisyon ay natapos nang gayon.

(314) 190710/040713 

Sunod na kabanata.