591. Gabi ng Lunes Bago ang Paskuwa. Mga Pagtuturo sa mga Apostol sa Gethsemane.

Marso 6, 1945.

Sa gabi si Jesus ay nasa taniman ng mga punong-olibo pa rin. At kasama Niya ang Kanyang mga apostol. At Siya ay nagsasalita muli.

«At isa pang araw ulit ang katatapos pa lamang. Ngayon ay gabi at pagkatapos bukas, at pagkatapos ang araw pagkatapos bukas, at pagkatapos ang Paskuwang hapunan.»

«Saan natin ito gagawin, aking Panginoon? Ang mga babae din ay makakasama diyan sa taon na ito» tanong ni Felipe.

«At hindi pa tayo nakakagawa ng plano, at ang bayan ay punung-puno na. Ang buong Israel, kasama na rin ang pinakamalalayong proselito, ay tila dumating para sa ritwal» sabi ni Bartolomeo.

Si Jesus ay tinitingnan siya at, na tila nagbibigkas ng isang salmo, sinabi Niya: «Magsama-sama, magmadali, pumunta kayo mula sa bawat lugar sa aking biktima na aking isasakripisyo para sa inyo, sa dakilang Biktima isinakripisyo sa mga bundok ng Israel, upang kainin ang Laman nito, upang inumin ang Dugo nito.»

«Ngunit aling biktima? Alin? Nagmumukha Kayong isang naghihirap gawa ng isang ‘yon at iyon na lamang na kabaliwang idea. Nagsasalita kayo ng walang iba bagkus kamatayan... at pinamimighati Ninyo kami» sabi ni Bartolomeo nang madamdamin.

Si Jesus ay tinitingnan siya muli, inaalis ang Kanyang atensiyon kay Simon, na yumuyuko kay Santiago ni Alfeo at kay Pedro nakikipagusap sa kanila, at sinabi Niya:

«Ano? Ako ba ay tinatanong mo? Ikaw ay hindi isa sa maliliit na ito, na upang matuto ay kailangan na tumanggap ng septiform na liwanag. Ikaw ay esperto na sa mga Iskriptura bago kita tinawag sa pamamagitan ni Felipe, nang banayad na umaga ng tagsibol na iyon. Aking tagsibol. Datapwa't, tinatanong mo Ako kung alin ang biktima na isinakripisyo sa mga bundok, ang isa kung saan ang lahat ay pupunta upang makakain? At sinasabi ml na Ako ay baliw na may iyon at iyon na laging idea dahil Ako ay nagsasalita ng tungkol sa kamatayan? O! Bart! Katulad ng sigaw ng mga tanod, sa iyong kadiliman na hindi kailanman nagbubukas sa liwanag, binigkas Ko ang nagbabalitang sigaw nang minsan, dalawang beses, tatlong beses. Ngunit ayaw mo kailanman makaintindi. Naghihirap ka sa sandaling ito dahil diyan, pagkatapos... katulad ng mga bata nakakalimutan ninyo kaagad ang mga salita ng kamatayan at malugod kayong bumabalik sa inyong ginagawa, nakatitiyak sa inyong mga sarili at puno ng pag-asa na ang inyong mga salita at Akin ay makukumbinsi ang mundo nang lalu’t lalo pa na sundan at mahalin ang Tagapagligtas nito.

Hindi. Tanging pagkatapos lamang na ang Lupa ay magkasala laban sa Akin – at tandaan na ang mga salitang ito ay ang mga salita ng Panginoon sa Kanyang propeta – tanging pagkatapos lamang, ang sambayanan, at hindi lamang ang partikular na sambayanang ito, bagkus ang kalakhang sambayanan ni Adan, magsisimulang dumaing nagsasabing: “Tayo na sa Panginoon. Siya na nanakit sa atin, ay magpapagaling sa atin”. At ang mundo ng Natubos ay magsasabi: “Pagkatapos ng dalawang araw, ibig sabihin, dalawang mga panahon ng eternidad, sa loob nito kung kailan tayo ay kanya nang pinabayaan sa awa ng Kaaway, na siya nang humampas at pumatay sa atin sa pamamagitan ng lahat na klase ng armas, katulad ng hinampas natin ang Banal na Isa at pinatay Siya – at hinahampas at pinapatay natin siya, sapagkat laging magkakaroon ng lahi ng mga Cain na sa pamamagitan ng paglalapastangan at mga gawaing masasama ay papatayin ang Anak ng Diyos, ang Tagapagtubos, nagpapakawala ng mortal na mga palaso hindi patungo sa Kanyang eternal na niluwalhating Persona, bagkus sa kanilang mga kaluluwa na tinubos Niya, pinapatay sila, at kung gayon pinapatay Siya sa pamamagitan ng kanilang mga kaluluwa – tanging pagkatapos lamang ng dalawang mga panahon na ito ang ikatlong araw darating, at tayo ay babangon mula sa kamatayan sa Kanyang presensya sa Kaharian ng Kristo sa Lupa at mamumuhay tayo sa harapan Niya sa tagumpay ng espiritu. Makikilala natin siya, matututunan natin na makilala ang Panginoon upang maging handa, sa pamamagitan ng totoong kaalaman na ito tungkol sa Diyos, na makipaglaban sa huling labanan na sasalihan ni Lucifer kasama ang tao bago pasigawin ng anghel ang ikapitong trumpeta, na siyang magbubukas sa napaka maligayang koro ng mga santo ng Diyos, na ang bilang naperpekto magpakailanman – hindi kailanman magiging posible na idagdag ang pinakabatang sanggol o ang pinakamatandang tao sa bilang – ang koro na aawit: ‘Ang kaawa-awang kaharian ng Lupa ay tapos na. Ang mundo kasama ang lahat na mga naninirahan dito ay tiningnan muli sa harapan ng nananakop na Hukom. At ang napili ay ngayon nasa mga kamay na ng ating Panginoon at ng Kanyang Kristo, at Siya ay ating Hari magpakailanpaman. Papuri sa Makapangyarihang Panginoong Diyos Na Siya nga, Siya noon at Siyang magiging, sapagkat ginamit Niya ang Kanyang dakilang kapangyarihan at inangkin ang Kanyang Kaharian’”.

O! sino sa pagitan ninyo ang makakaalaala sa mga salitang ito ng propesiyang ito, na umaalingawngaw na sa mga salita ni Daniel, sa isang pigíl na tunog, at ngayon pinaaatungal ng tinig ng Marunong na Isa sa harapan ng nagulat na mundo at sa harapan ninyo, na ngayon nagugulat kaysa sa mundo?! “Ang pagdating ng Hari – ang mundo ay magpapatuloy, dumadaing sa mga sugat nito at nasa loob ng sepulkro nito, masama noong buháy at masama noong kamatayan, nasaraduhan ng pitong-ibayong bisyo nito at sa pamamagitan ng walang-hangganang mga erehe nito, ang nag-aaguniyang espiritu ng mundo nasasarhan kasama ang huling pagsisikap nito sa loob ng organismo, bilang namatay gawa ng ketong dahil sa lahat ng mga pagkakamali nito – ang pagdating ng Hari ay inihahanda katulad ng paghahanda para sa pagsikat-ng-araw at darating sa ating katulad ng ulan sa panahon ng tagsibol at sa taglagas”. Ang pagsikat-ng-araw ay pinangungunahan at inihahanda ng gabi. Ito ang gabi. Ang kasalukuyang gabi.

At ano ang kailangan Kong gawin para sa iyo, Ephraim? Ano ang kailangan Kong gawin para sa iyo, Judah?... Simon, Bart, Judas, at kayo, Aking mga pinsan, kayo ay mas hasà sa Aklat, nakikilala ba ninyo ang mga salitang ito? Hindi sila nanggagaling sa isang baliw na espiritu, bagkus sa isang nagtataglay ng Karunungan at Siyensiya. Katulad ng isang hari na kalmanteng binubuksan ang kanyang mga kahon, sapagkat nalalaman niya kung nasaan ang isang batong-hiyas, na kanyang hinahanap, dahil siya mismo ang nagtago nito, binabanggit ko ang mga propeta. Ako ang Salita. Sa loob ng napakatagal na mga panahon Ako ay nagsalita sa pamamagitan ng mga labì ng tao. At so loob ng napakaraming panahon magsasalita Ako sa pamamagitan ng mga labì ng tao. Ngunit ang lahat na sobrenatural na nasabi na ay Aking salita. Kahit na ang pinaka may-pinag-aralan at banal na tao ay hindi makakataas, nang may kaluluwa ng isang agila, lampas sa mga limitasyon ng bulag na mundo, upang makuha at masabi ang eternal na mga misteryo.

Ang hinaharap ay “kasalukuyan” sa Dibinong Isip lamang. Tanga ang umaangkin na nakagagawa ng mga propesiya at mga pagbubunyag, nang hindi nasusuportahan ng Aming Kalooban. At ang Diyos malapit na ay pasisinungalingan at hahampasin sila, sapagkat tanging Isa lamang ang makapagsasabi: “Ako nga”, at magsasabi: “Nakikita Ko”, at magsasabi: “Alam Ko”. Ngunit kapag ang isang Kalooban na hindi dapat sukatin, na hindi dapat husgahan, na kailangang tanggapin nang may nakayukong ulo, nang walang tanong-tanong, nagsasabing: “Naririto Ako”, kapag ang ganyang Kalooban ay nagsabi: “Halika, bangon, makinig, tumingin, ulitin”, diyan ang kaluluwa, nakatubog sa eternal na presensya ng Diyos nito, tinawag ng Panginoon na maging “tinig”, ay makakakita at manginginig, makakakita at iiyak, makakakita at magbubunyi, pagkatapos ang kaluluwa, tinawag ng Panginoon na maging “salita”, makakarinig at, napapunta sa katalikan ng kasayahan o sa pamamawis ng aguniya, ay sasabihin ang nakapanghihilakbot na mga salita ng Eternal na Diyos. Sapagkat ang bawat salita ng Diyos ay nakapanghihilakbot, dahil ito ay nagmumula sa Kanya na ang Kaninong pasya ay di-mababago at ang Kaninong Hustisya ay walang-tinag at nakatuon sa mga tao, na napakakaunti sa kanila ang karapat-dapat ng pagmamahal at mga pagpapalà sa halip ng anathema at paghatol. Ngayon ang salitang ito, na binigkas at hinamak, hindi ba’t ito ang dahilan ng nakakatakot na kasalanan at kaparusahan para sa mga tumatalikod dito, pagkatapos na mapakinggan ito? Ito nga.

At ano pa ang kailangan Kong gawin sa iyo, o Ephraim, o Judah, o mundo, na hindi Ko pa nagawa para sa inyo? Ako ay naparito nagmamahal sa inyo, o Aking Lupa, at ang Aking salita ay naging isang espada para sa inyo at pinapatay kayo nito sapagkat kinamuhian ninyo ito. O! Mundo, na pumapatay sa inyong Tagapagligtas iniisip na makatarungan ang inyong ginagawa, naaalihan kayo nang husto ni Satanas na hindi na ninyo maintindihan kung alin ang sakripisyo na hinihingi ng Diyos, ang pagsakripisyo ng kasalanan ng isa at hindi ang isang hayop na pinapatay at kinakain nang may isang maruming kaluluwa! Ngunit ano ba ang Aking sinabi sa inyo nitong nakaraang tatlong taon? Ano ba ang Aking itinuro? Sinabi Ko: “Kilalanin ang Diyos sa Kanyang mga batas at sa Kanyang kalikasan”. At Ako ay natuyuan katulad ng isang plorera na gawa sa porosong luwad na nabilad sa araw, ikinakalat ang mahalagang kaalaman tungkol sa Batas at sa Diyos sa pagitan ninyo. At nagpatuloy kayong mag-alay ng mga holokausto, nang hindi kailanman nag-aalay ng isang tanging kinakailangan: ang isakripisyo ang inyong masamang kalooban sa totoong Diyos!

Ngayon ang eternal na Diyos ay nagsasabi sa inyo, siyudad ng kasalanan, walang-pananampalatayang sambayanan at sa oras ng Paghuhukom hahagupitin kayo ng isang latigo na hindi gagamitin para sa Roma at sa Atenas, tangang mga bayan na walang alam na wika o siyensiya, ngunit na, mula sa pagiging mga eternal na sanggol na naging masama ang pagpapalaki sa kanila ng kanilang mga yaya at bilang parang-hayop ang mga kakayahan, ay makakarating patungo sa banal na mga bisig ng Aking Simbahan, ang Aking tanging maringal na Esposa, na siyang magbibigay sa Akin ng di-mabibilang na mga anak na karapat-dapat ng Kristo, sila ay magiging mga adulto at may-kakayahan, at magbibigay sa Akin ng mga palasyo at mga sandatahang-lakas, mga templo at mga santo na siyang pupuno sa Langit na tila sila ay mga bituin – ngayon ang eternal na Diyos ay nagsasabi sa inyo: “Hindi Ko na kayo nagugustuhan at hindi an Ako tatanggap ng kahit anong regalo mula sa inyong mga kamay. Ito ay katulad ng dumi sa Akin at itatapon Ko ulit iyan sa inyong mga mukha at mananatili iyan na nakadikit diyan. Pinandidirihan Ko ang inyong mga kapistahan na walang iba bagkus panlabas na mga hitsura lamang. Pawawalang-bisa Ko ang Aking tipan sa lahi ni Aaron at ibibigay Ko ito sa mga anak ni Levi sapagkat, dito, ito ang Aking Levi, at sa kanya Ako gumawa ng tipan ng buhay at kapayapaan na tatagal magpakailanman, at Siya ay tapat sa Akin hanggang sa katapusan ng panahon, hanggang sa punto ng sakripisyo. Mayroon lamang Siya ng takot sa Ama at Siya ay nanginginig sa galit, nararamdaman na nasasaktan sa tunog lamang ng Aking sinaktan na Pangalan.. Siya ay nagsalita ng batas ng katotohanan, at walang kasamaan sa Kanyang mga labì, naglakad Siyang kasama Ko sa kapayapaan at katarungan at pinigilan Niya ang marami na hindi magkasala. Ang oras ay dumating na kung kailan ang purong imakuladang Ostiya, kaaya-aya sa Panginoon, ay isasakripisyo at iaalay sa Aking Pangalan kahit saan, at hindi na sa tanging altar ng Zion, sapagkat hindi kayo karapat-dapat na mag-alay nito”.

Nakikilala ba ninyo ang eternal na mga salitang ito?»

«Nakikilala namin, o Panginoon. At, maniwala sa amin, kami ay nalulungkot, na tila kami ay hinampas, Hind ba posibleng iwasan ang aming kapalaran?»

«Tinatawag mo bang kapalaran ito, Bart?»

«Wala akong alam na iba pang pangalan...»

«Pagbabayad-sala. Iyan ang pangalan. Hindi mo sasaktan ang Panginoon, nang hindi nagbabayad-sala para sa pananakit. At ang Diyos ay sinaktan ng Unang tao na nilikha. Mula noon ang pananakit ay lumaki pa nang lumaki. At ni ang tubig ng Baha o ang apoy na bumaba sa Sodom at Gomorrah ay nagawa ang tao na maging banal. Ni hindi ang tubig o ang apoy. Ang Lupa ay ang isang walang-hangganan na Sodom kung saan si Lucifer ay naglalakad nang malaya at bilang isang hari. Kung kaya't gawin ang trinidad na bumaba upang mahugasan ito: ang apoy ng pagmamahal, ang tubig ng kapighatian, and dugo ng Biktima. Iyan, o Lupa, ang Aking regalo. Ako ay dumating upon ibigay iyan sa iyo. At, kailangan Ko ba ngayon na iwasan ang matupad na ito? Ngayon ay Paskuwa. Hindi na posible na iwasan ito.»

«Bakit hindi Kayo pumunta sa bahay ni Lazarus? Hindi Kayo tumatakas. Ngunit hindi Kayo magagalaw doon.»

«Tama si Simon. Nakikiusap ako sa Inyo, gawin iyan!» sigaw ng Iskariote, tinatapon ang kanyang sarili sa paanan ni Jesus.

At sa kanyang ginawa si Juan ay nagsimulang lumuha ng mapapait na luha at ang Kanya ring mga pinsan at si Santiago at si Andres ay umiyak, bagama't sila ay mas mahinahon sa kanilang pamimighati.

«Naniniwala ka ba na Ako ang “Panginoon”? Tingnan mo Ako!» at nilalagos ng mga mata ni Jesus at ang namimighating mukha ng Iskariote. Sapagkat siya ay totoong naghihirap ang kalooban, hindi siya nagkukunwari. Baka ito ang huling pakikipagbuno ng kanyang kaluluwa kay Satanas, at hindi siya nagtatagumpay na manalo. Si Jesus ay pinag-aaralan siya at sinusundan Niya ang kanyang pakikipagbuno katulad ng isang tao ng siyensiya na baka pag-aralan ang paghihirap ng isang may-sakit na tao. Pagkatapos Siya ay napa-igkas sa Kanyang mga paa at napakalakas na si Judas, na sumasandal sa Kanyang mga tuhod, ay naitulak at bumagsak nang paupo sa lupa. Si Jesus ay umatras pa nga, naghihitsurang balisa, at sinabi Niya: «Upang si Lazarus ay ma-aresto rin? Kung gayon, isang dobleng biktima at dobleng lugod. Hindi. Si Lazarus ay pinananatili para sa Kristo, para sa nanagumpay na Kristo. Isa lamang ang itatapon sa kabila ng buhay at hindi na makakabalik¹. Ako ay babalik. Siya ay hindi. Ngunit si Lazarus ay mananatili. Ikaw, na maraming bagay ang nalalaman, ay nalalaman mo rin ito. Ngunit ang mga tao na umaasa na kumita nang doble hinuli ang agila at ang mga maliliit na agila, ang kanilang pugad at nang walang kahirapan, ay makatitiyak na ang agila ay tinitingnan ang lahat, at dala ng pagmamahal para sa kanyang maliliit pupunta siya sa malayo mula sa kanyang pugad, upang mahuli na nag-iisa, kung gayon naililigtas ito. Ako ay mapapatay ng poot datapwa't magpapatuloy Akong magmahal. Humayo. Mananatili Ako rito upang magdasal. Hindi kailanman, katulad sa oras na ito ng Aking pamumuhay, naramdaman Ko ang pangangailangan na itaas Ko ang Aking kaluluwa sa Langit.»

«Pahintulutan ako na samahan Kayo, Panginoon» nakikiusap sa Juan.

«Hindi. Lahat kayo ay nangangailangan ng pahinga. Humayo.»

«Mag-iisa lang ba Kayo? At kung sasaktan nila Kayo? Kayo ay tila naghihirap din... Mananatili ako rito» sabi ni Pedro.

«Sasama ka doon sa iba. Pahintulutan Akong makalimutan Ko ang mga tao sa loob ng isang oras! Hayaan na maka-ulayaw Ko ang mga anghel ng Aking Ama! Mangangatawan sila para sa Aking Ina, Na unti-unting namamatay nang may mga luha at panalangin at hindi Ko maaaring pabigatan pa nang sobra sa pamamagitan ng Aking pangungulila. Lakad.»

«Hindi Mo ba kami pagpapalain ng kapayapaan?» tanong ng Kanyang pinsan na si Judas.

«Tama ka. Harinawang ang kapayapaan ng Panginoon ay mapunta sa mga hindi kahiya-hiya sa Kanyang mga mata. Paalam» at inaakyat ang isang terasa pinapasok Niya ang isang makapal na taniman ng mga punong-olibo.

«Datapwa't... ang Kanyang sinasabi ay totoong nasa Iskriptura! At kapag mapapakinggan ito ng isa mula sa Kanya, maiintindihan kung bakit at kung para kanino iyon sinasabi» bulong ni Bartolomeo.

«Sinabihan ko si Pedro noong taglagas ng unang taon...» sabi ni Simon.

«Iyan ay totoo... Ngunit... Hindi! Habang nabubuhay ako, hindi ko siya gagawin na mahuli. Bukas...» sabi ni Pedro.

«Ano ang gagawin mo bukas?» tanong ng Iskariote.

«Ano ang aking gagawin? Ako ay magsasalita sa aking sarili. Ang mga araw ngayon ay mga araw ng mga pakikipagsabwatan. Ni sa hangin hindi ko ipagkakatiwala ang aking mga naiisip. At ikaw, na malakas, sinabi mo ito nang makailang beses, bakit hindi ka maghanap ng proteksiyon para kay Jesus?»

«Gagawin ko, Pedro. Gagawin ko. Ngunit huwag magtaka kung paminsan-minsan ako ay nawawala.  Nagtatrabaho ako para sa Kanya. Ngunit huwag mong sabihin sa Kanya.»

«Makatiyak ka tungkol diyan. At pagpalain ka sana. Maraming beses kitang pinagdudahan, ngunit humihingi ako ng paumanhin sa iyo. Nakikita ko na sa tamang pagkakataon mas magaling ka pa kaysa sa amin. Ikaw ay kumikilos... Makapagsasalita lamang ako ng mga salitang walang-laman» sabi ni Pedro nang mapagpakumbaba at may-katapatan. At si Judas ay tumatawa, bilang nasisiyahan ng papuri.

Umalis sila sa Gethsemane patungo sa daan na magdadala sa isa sa Herusalem.

210712

 

 



¹ Baka ang traydor ang tinutukoy ni Jesus. RLB.



Sunod na kabanata