592. Ang Umaga ng Martes bago ang paskuwa. Ang mga tanong tungkol sa tributo sa Caesar at Tungkol sa Resureksiyon ng Patay.

Abril 1, 1947.

Babalik na sana sila sa loob ng bayan, sa pamamagitan ng malayong daan na kinuha nila noong nakaraang umaga, na tila ayaw ni Jesus na mapaligiran Siya ng mga taong naghihintay sa Kanya, bago makarating sa Templo, na mararating kaagad kung papasok sa bayan sa pamamagitan ng Sheep Gate, na malapit sa Probatica. Ngunit ngayon marami sa pitumpu’t dalawang mga disipulo ay naghihintay na para sa Kanya sa kabila ng Kidron, bago ang tulay, at nang kaagad makita nila si Jesus na lumitaw sa pagitan ng abuhing-berdeng mga puno ng olibo, sa Kanyang purpurang damit, lumakad sila upang salubungin Siya. Nag-ipun-ipon sila at nagpatuloy silang sabay-sabay patungo sa bayan.

Si Pedro, na tumitingin nang nauuna na, sa ibaba ng dalisdis, laging nagsususpetsang makakita ng lilitaw na ilang may-masasamang-isip na tao, sa pagitan ng sariwang mga tanim ng huling mga dalisdis ay nakikita ang isang tambak ng tuyong nakabitin na mga dahon patayun-tayon sa ibabaw ng tubig ng Kidron. Ang kulubot na namamatay-nang mga dahon, nagmumukha nang kalawang dito at doon, ay katulad ng mga dahon ng isang halaman na nadarang sa apoy. Ang hangin ay nililipad ang isa nito paminsan-minsan at inilulubog sa tubig ng ilog.

«Iyan ang puno ng igos kahapon! Ang puno ng igos na Inyong sinumpa!» sigaw ni Pedro, ang isang kamay tinuturo ang natuyong puno, ang kanyang ulo nakalingon upang magsalita sa Guro.

Lahat sila ay nagmadali patungo roon, maliban kay Jesus, Na naglalakad sa Kanyang pangkaraniwan na paglakad. Ang mga apostol ay sinasabi sa mga disipulo ang pamarisan ng kanilang nakikita, at lahat sila ay gumawa ng mga komentaryo tinitingnan si Jesus lubos na namamangha. Nakakita na sila ng libu-libong himala sa mga tao at mga elemento, ngunit ang isang ito ay nakaapekto sa kanila nang mas mahigit pa kaysa sa maraming iba pa.

Si Jesus, Na nakarating na, ay ngumingiti pinagmamasdan ang kanilang namamanghang takót na mga mukha, at sinabi Niya: «Ano? Kayo ba ay takang-taka na ang Aking salita ay nagpatuyo sa isang puno ng igos? Hindi pa ba ninyo Ako nakitang nagbangon ng mga patay na tao, nagpagaling ng mga ketongin, nagbigay paningin sa mga bulag na tao, nagparami ng mga tinapay, nagpakalma ng mga bagyo, nagpatay ng mga apoy? At nagtataka kayo na ang isang puno ng igos ay nalanta?»

«Ito ay hindi dahil sa puno ng igos. Ang katotohanan ay kahapon nang ito ay Inyong sinumpa, ito ay nabubuhay, at ngayon ito ay tuyo na. Tingnan! Kasing lutong ng tuyong putik. Wala nang katas sa mga sanga nito. Tingnan. Nadudurog sila sa pagiging alikabok» at si Bartolomeo ay pinupulbos ng kanyang mga daliri ang ilang mga sanga na kanyang pinigtas nang walang kahirap-hirap.

«Wala na silang katas. Tama ka. At iyan ay kamatayan kapag wala nang katas, kapwa sa isang tanim at sa isang nasyon katulad na rin sa isang relihiyon, bagkus mayroon na lamang matitigas na balat at walang-silbing mga dahon: kabangisan at pakunwang panlabas na hitsura. Ang puting nasa-loob na katas, puno ng limpa, ay pumapares sa kabanalan, sa espirituwalidad. Ang matigas na balat at walang-silbing mga dahon ay pumapares sa sangkatauhan na walang makatarungan na espirituwal na buhay. Kapahamakan sa mga relihiyon na nagiging pantao sapagkat ang kanilang mga pari at mga naniniwala ay wala nang isang mahalagang espiritu. Kapahamakan sa mga nasyon na ang kaninong mga lider ay walang iba bagkus kabangisan at umuugong na sigawan na walang namumungang mga idea! Kapahamakan sa mga tao na nagkukulang ng buhay ng espiritu!»

«Ngunit, kung sinabi Ninyo iyan sa malalakas sa Israel, bagama't tama ang sinasabi Ninyo, hindi Kayo magiging marunong. Huwag Kayong palinlang dahil pinabayaan nila Kayong makapagsalita magpahanggang ngayon. Sinabi Ninyo Mismo na iyon ay hindi dahil sa sila ay nakukumberti, bagkus ginawa nila iyon dala ng kalkulasyon. Kung kaya't mas mabuti pang kalkulahin din Ninyo ang halaga at ang mga konsekwensiya ng Inyong mga salita. Sapagkat nandiyan din ang karunungan ng mundo, bukod sa karunungan ng espiritu.  At kinakailangan na malaman natin kung papaano gamitin ito sa kalamangan natin. Sapagkat, matapos ang lahat, sa pansamantala tayo ay nasa mundo, at wala sa Kaharian ng Diyos» sabi ng Iskariote, nang walang nakasasakit na salita bagkus sa isang tono ng isang dalubhasa.

«Siya ay talagang marunong na nakakakita sa mga bagay nang hindi nababago ang mga ito ng kanyang sensuwalidad at ng kanyang makasariling mga konsiderasyon.»

«Bilang kongklusyon ang puno ng igos bang ito ay namatay dahil isinumpa Ninyo, o ito ay nangyari... nang nagkataon lamang... o ito ay isang tanda... Hindi ko alam?» tanong ni Felipe.

«Iyon ay lahat ng sinabi mo. Ngunit kung ano ang nagawa Ko, magagawa rin ninyo, kung magtatagumpay kayong magkaroon ng perpektong pananampalataya. Magkaroon nito sa Kataastaasang Panginoon. At kapag mayroon na kayo nito, sasabihin Ko sa inyong totoo na magagawa ninyo iyan at kahit mahigit pa. Sasabihin Ko sa inyong totoo na, kung magtatagumpay ang isa na magkaroon ng perpektong pagtitiwala sa kapangyarihan ng panalangin at sa kabutihan ng Panginoon, magagawang masabi ng isa sa bundok na ito: “Kumilos kang papalayo dito at itapon mo ang iyong sarili sa dagat” at kung sa pagsasabi nito ang isa ay hindi magkakaroon ng pag-alinlangan sa kanyang puso, bagkus naniniwala na ang iniutos ay mangyayari, ang sinabi niya ay mangyayari.»

«At magmumukha kaming katulad ng mga salamangkero at kami ay pagbababatuhin, katulad na ito ang pinanunúto para sa mga nagsasagawa ng salamangka. Iyan ay talagang magiging isang katangahang himala, at sa ikasisira namin!» sabi ng Iskariote, iniiling ang kanyang ulo.

«Ikaw ay tanga, dahil hindi mo naiintindihan ang parabula!» balik-sabi ng isa pang Judas.

Si Jesus ay hindi nagsasalita kay Judas. Siya ay nagsasalita sa lahat: «At sasabihin Ko sa inyo, at ito ay isang luma nang turô na Aking uulitin sa oras na ito: anuman ang inyong hilingin sa inyong panalangin, magkaroon ng pananampalataya na makuha ito at makukuha ninyo. Ngunit bago manalangin kung mayroon kayong sama-ng-loob sa sinuman, magpatawad muna at gumawa ng kapayapaan upang makuhang isang kaibigan ang inyong Ama Na nasa Langit, at Na siyang nagpapatawad at tumutulong sa inyo nang labis, mula umaga hanggang gabi at mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw.»

Sila ay pumasok sa Templo. Ang mga sundalo ng Antonia ay pinapanood silang dumaraan. Pumunta sila upang sambahin ang Panginoon, pagkatapos bumalik sila sa korte kung saan ang mga rabbi nagtuturo.

Bago mag-ipun-ipon at magsiksikan ang mga tao sa paligid ni Jesus, ang ilang mga saphorim, mga doktor ng Israel at mga Herodian ay nilapitan Siya, at nang may huwad na pagpitagan, pagkatapos na mabati Siya, sila ay nagsabi: «Guro, alam namin na Kayo ay marunong at makatotohanan, itinuturo Ninyo ang mga paraan ng Diyos nang hindi binibigyan ng importansiya ang kahit sinong tao o bagay maliban sa katotohanan at katarungan, at walang anuman sa Inyo kung ano ang baka isipin ng mga tao tungkol sa Inyo, at iniisip lamang Ninyo ang madala ang mga tao sa Kabutihan. Kung kaya't sabihin sa amin: tama ba na magbigay ng tributo sa Caesar, o hindi ito tama? Ano sa palagay Ninyo?»

Si Jesus ay binibigyan sila ng isa sa Kanyang nanlalagos at maringal na katusuhan na sulyap, at tumugon: «Bakit ninyo Ako tinutukso nang may pagpapakunwari? Datapwa't ang ilan sa inyo ay nalalaman na Ako ay hindi naloloko ng pagpapakunwaring mga parangal! Ngunit magpakita sa Akin na isang salapi, ang isa na ginagamit para sa tributo.»

jesus looking at coinNagpakita sila sa Kanya ng isang salapi. Tiningnan Niya ang harapan at ang kabila nito at, nakapatong iyon sa ibabaw ng Kanyang palad, tinuro ng Kanyang kanang hintuturo ang salapi nagsasabi: «Kaninong imahe ito, at ano ang sinasabi ng nakaukit na salita?»

«Ang imahe ng mukha ng Caesar, at ang nakaukit na salita ay taglay ang kanyang pangalan. Ang pangalan na Caius Tiberius, na siya ngayon emperador ng Roma.»

«Kung gayon ibigay sa Caesar kung ano ang pag-aari ng Caesar at ibigay sa Diyos kung ano ang pag-aari ng Diyos» at tumalikod Siya sa kanila pagkatapos na maisauli ang salapi sa nagbigay nito sa Kanya.

Pinakikinggan Niya ang isang tao o ang isang iyon na kasama sa maraming mga peregrino na nagtatanong sa Kanya, pinagiginhawahan, pinagpapala at pinagagaling sila. Ang mga oras ay dumaan.

Siya ay lumalabas sa Templo upang marahil lumabas ng bayan, upang kunin ang pagkain na dinala sa Kanya ng mga katulong ni Lazarus na mga pinagkatiwalaan ng gawaing ito.

Bumalik Siya sa Templo sa kahapunan. Siya ay walang kapaguran. Ang grasya at karunungan ay dumadaloy mula sa Kanyang mga kamay na ipinapatong sa ulo ng mga may-sakit, at mula sa Kanyang mga labì dahil nagbibigay Siya ng pampersonal na payo sa maraming tao na lumalapit sa Kanya. Tila nananabik Siyang mapaginhawahan at mapagaling ang lahat, bago maging hindi na posible para sa Kanya na gawin ito.

Halos nakalubog na ang araw at ang pagód na mga apostol ay nakaupo sa sahig sa ilalim ng balkonahe, namamangha sa patuloy na paggalaw ng mga pulutong sa loob ng mga korte kung kailan ang Paskuwa ay malapit na. Pagkatapos ang ilang mayayaman ay nilapitan ang walang-kapaguran na Guro, sila ay tiyak na mayayaman, kung pagbabasihan ang kanilang magagarbong kasuutan.

Si Mateo, na naiidlip na nakabukas ang isang mata, ay tumayo, ginigising ang iba. Sinabi niya: «Ang ilan na mga Saduseo ay papunta sa Guro. Huwag natin Siyang pabayaan na nag-iisa, para hindi nila Siya masaktan o subukan na masaktan at tuyain Siya muli.»

Lahat sila ay tumayo at sinamahan ang Guro pumapaikot sa Kanya. Tila nakikita ko na nagkaroon ng ilang mga paghihiganti noong sila ay pumunta sa Templo o noong bumalik sila sa ikaanim na oras.

Ang mga Saduseo, na nagbibigay-galang kay Jesus yumuyuko nang eksaherado pa nga, ay nagsabi sa Kanya: «Guro, tumugon Kayo nang labis na may karunungan sa mga Herodian, na kami rin ay ibig na magkaroon ng sinag ng Inyong liwanag. Makinig: sinabi ni Moses: “Kung ang isang lalaki ay namatay na walang anak, ang kanyang kapatid ay kailangan na pakasalan ang balo, nagbibigay ng bunga sa kanyang kapatid”. Ngayon mayroong pitong magkakapatid sa atin. Ang una ay pinakasalan ang isang birhen, namatay siya na walang anak, kung kaya't iniwanan niya ang kanyang asawa sa kanyang kapatid. Ang ikalawa rin ay namatay na walang anak, at gayon din ang ikatlo na nagpakasal sa balo ng dalawang nauna sa kanya, at ganito ang nangyari hanggang sa ikapito. Sa bandang huli, pagkatapos na mápakasal sa pitong magkakapatid na lalaki, ang babae ay namatay. Sabihin sa amin: sa resureksiyon ng mga katawan, kung talagang totoo na ang mga tao ay nabubuhay-muli at ang ating mga kaluluwa ay nabubuhay pa pagkatapos ng ating kamatayan at sumasama sa ating mga katawan sa huling araw, pinopormang muli ang mga buháy, alin sa pitong magkakapatid ang magiging asawa ng babae, dahil lahat na pitong magkakapatid ang nagpakasal sa kanya sa Lupa?

«Nagkakamali kayo. Hindi ninyo naiintindihan ang mga Iskriptura o ang kapangyarihan ng Diyos. Ang búhay sa kabila ay magiging ibang-iba sa búhay na ito, at sa eternal na Kaharian walang pangangailangan doon ng laman katulad na may pangangailangan dito. Sapagkat, talagang-talaga, pagkatapos ng huling Paghuhukom ang mga katawan ay babangon mula sa kamatayan at isasama sa kanilang eternal na mga kaluluwa, binubuo ang mga nilikha, bilang buháy, hindi lamang, bagkus, mas buháy pa kaysa sa inyong katauhan at ng Akin ngayon, ngunit hindi na napaiilaliman ng batas at higit sa lahat ng mga insentibo at mga abuso na mayroon ngayon. Sa resureksiyon, ang mga lalaki’t mga babae ay hindi nag-aasawa, bagkus magiging katulad ng mga anghel ng Diyos sa Langit, na mga hindi nag-aasawa, gayunpaman nabubuhay sila sa perpektong pag-ibig, na dibino at espirituwal. At ang tungkol sa resureksiyon ng mga patay, hindi ba ninyo nababasa kung papaano ang Diyos nagsalita kay Moses mula sa palumpong? Ano ang sinabi ng Kataastaasan pagkatapos? “Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob”. Hindi Niya sinabi: “Ako noon (ang Diyos)”, ginagawa siyang maintindihan niya na si Abraham, si Isaac at si Jacob ay nabuhay, ngunit hindi na (nabubuhay) noon. Sinabi Niya: “Ako (ang Diyos)”. Sapagkat sina Abraham, Isaac at Jacob ay mga buháy. Inmortal. Katulad ng lahat na mga tao sa kanilang inmortal na bahagi, habang tumatagal ang mga panahon, at pagkatapos pa nito, sa kanilang mga katawan din na ibinangon para sa eternidad. Sila ay buháy, katulad na si Moses, ang mga propeta, at ang makatarungan ay buháy, katulad na, sa kasawiang-palad, si Cain ay buháy, at ang inmortal na bahagi ng mga namatay noong Baha, at ng mga sodomita, at ng lahat na mga namatay na may mortal na kasalanan. Ang Diyos ay hindi ang Diyos ng mga patay, bagkus ng mga buhay.»

«Mamamatay din ba Kayo at pagkatapos mabubuhay?» nagtatanong sila nang tinutukso Siya. Pagod na sila sa pagpapakumbaba. Ang kanilang poot at gayon na lamang na hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili.

«Ako ang Nabubuhay na Siya nga, at ang Aking laman ay hindi makakaranas ng pagkabulok. Ang kaban ay kinuha sa atin, at ang kasalukuyang kaban ay kukunin din bilang isang simbolo. Ang Tabernakulo ay kinuha sa atin, at ito ay sisirain. Ngunit hindi posibleng kunin ang totoong Templo ng Diyos at sirain ito. Kapag isipin ng mga kalaban nito na nasira na nila ito, iyan ang oras kung kailan iyan itatatag sa totoong Herusalem, sa lahat ng kaluwalhatian nito. Paalam.»

At nagmamadali Siya patungo sa Court of Israel, sapagkat ang mga platang tambuli ay tumatawag na para sa panggabing sakripisyo.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus sa akin:

«Dahil nagawa kitang maisulat mo ang mga salitang “ng Aking kalis” sa bisyon ng ina nina Juan at Santiago na nakiusap sa Akin ng isang lugar para sa kanyang mga anak, kaya't sasabihin Ko sa iyo na punahin ang pasahe ng bisyon kahapon: “siya na babagsak laban sa batong ito ay mawawasak”. Sa mga pagsasalin lagi nilang ginagamit “sa”. Ang sinabi Ko “laban” at hindi “sa”. At ito ay isang propesiya laban sa mga kaaway ng Aking Simbahan. Sa mga kokontra Dito, isinusugod ang kanilang mga sarili laban Dito, sapagkat Ito ay ang Panulukang-Bato, ay madudurog. Sa loob ng huling dalawampung siglo ang kasaysayan ng Lupa ay pinatotohanan ang Aking sinabi. Ang mga taga-usig ng Simbahan ay nadudurog habang ihinaharap ang kanilang mga sarili laban sa Panulukang-Bato. Ngunit totoo rin, at ang mga nag-iisip na sila ay ligtas sa dibinong mga kaparusahan, dahil sila ay kasapi ng Simbahan, ay kailangan na tandaan ito, na siya kung kanino bumagsak ang bigat ng sumpa ng Ulo at Nobyo ng Nobya Kong ito, ng Aking mistikal na Katawan, ay dudurugin.

At pinangungunahan ang isang pagtutol ng buháy kailanman na mga eskriba at mga Saduseo, na mga hindi mapagkaibigan sa Aking mga lingkod, sinasabi Ko: kung sa mga huling bisyon na ito ay may mga pangungusap na wala sa mga Ebanghelyo, katulad ng sa katapusan ng bisyon na ito ngayon, at ang pasahe kung saan Ako ay nagsalita tungkol sa baog na puno-ng-igos, at pati na rin ang iba pa, ang mga kritikong iyon ay kailangan na alalahanin na ang mga ebanghelista ay laging kasama sa lahi na iyon at namuhay sila sa mga panahon kung saan ang bawat eksaheradong mga pagtatalo ay maaaring nagkaroon ng mararahas at nakapipinsalang mga kahihinatnan para sa mga baguhan.

Gawin silang basahin muli ang mga gawa ng mga apostol at makikita nila na ang pagsasama-sama ng maraming iba’t ibang mga kaisipan ay hindi mapayapa, at habang hinahangaan nila ang isa’t isa, kinikilala ang mga merito ng bawat isa, hindi sila nagkukulang ng mga pagkakaiba-ibang opinyon, sapagkat ang mga kaisipan ng mga tao ay marami at iba’t iba at laging di-perpekto. At upang maiwasan ang mas malalim pang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng isang kaisipan at ng isa pa, ang mga ebanghelista, napaliwanagan ng Banal na Espiritu, ay kusang di-binanggit sa kanilang mga kasulatan ang ilang mga pangungusap na maaaring nakapanakit sa labis na pagkamaselan ng mga Hebreo at maaaring naka-iskandalo sa mga Hentil, na nangangailangan na maniwala na ang mga Hebreo ay perpekto, dahil sila ang nukleo kung saan nagmula ang Simbahan, upang sila ay hindi umalis nagsasabing: “Sila ay katulad natin”. Ito ay para lamang malaman ang mga pang-uusig sa Kristo,  ngunit hindi ang espirituwal na mga sakit ng sambayanan ng Israel, na ngayon naging marumi na, lalo na sa matataas na bahagdan ng lipunan. At pinagtatakpan nila ito hangga't maaari.

Dapat mapuna nila kung gaano ang mga Ebanghelyo nagiging maliwanag at mas maliwanag pa, hanggang sa malinaw na Ebanghelyo ng Aking Juan, habang ang pagkasulat nito ay mas bago pagkatapos ng Aking Pag-akyat sa Aking Ama. Tanging si Juan lamang ang ganap na nagbanggit ng kahit ang pinaka masakit na mga diperensiya ng pinaka apostoladong grupo, tinatawag nang hayagan si Judas na isang ”magnanakaw”, at sinasabi niya sa pagbubuo ang hamak na mga aksiyon ng mga Hudyo (Kabanata 6 – pagkukunwang kalooban na gawin Akong hari, ang debate sa Templo, ang pag-abandona ng marami pagkatapos ng sermon tungkol sa Tinapay ng Langit, ang di-paniniwala ni Tomas). Ang tanging natitira, na nabuhay nang sapat na matagal upang makita ang Simbahan na malakas na, ay inalis niya ang mga belo na hindi nagkaroon ang iba ng lakas-ng-loob na alisin.

Ngunit ang Espiritu ng Diyos ay ibig din ang mga salitang iyan na malaman. At ang Panginoon ay kailangan na pagpalain para diyan, sapagkat sila ay napakaraming mga ilaw at mga gabay para sa mga tao na may matutuwid na puso.»

--------------------

«Ilalagay mo rito ang ikalawang bahagi ng Martes, ibig sabihin, ang mga pagtuturo sa Labindalawa sa gabi sa Gethsemane.»

240712

 



Sunod na kabanata