593. Ang Gabi ng Martes Bago ang Paskuwa. Ang iba pang mga Pagtuturo sa mga Apostol.

Marso 7, 1945.

«Ngayon napakinggan ninyo ang mga Hentil at ang mga Judaean na nagsalita. At nakita ninyo kung papaano ang una yumukod sa Akin at ang huli halos hampasin Ako.  Ikaw, Pedro, halos nakipagsuntukan, noong nakita mo na ang mga kordero, mga lalaking tupa at mga bata-pang toro ay pinatakbong sadya laban sa Akin upang matumba Ako sa lupa sa mga dumi ng hayop. Ikaw, Simon, bagama't napakadunong mo, ay binuksan mo ang iyong bunganga upang insultuhin ang pinaka masamaing-loob na mga miyembro ng Sanhedrin, na may kagaspangan na bumangga sa Akin nagsasabing: “Tumabi Ka, dimonyo, habang dumaraan ang mga mensahero ng Diyos”. Ikaw, Judas, Aking pinsan, at ikaw, Juan, Aking paborito, ay sumigaw at pinagsanggalang Ako nang mabilis, ang isa upang hindi Ako masagasaan sa pagpigil sa bukado ng kabayo, ang isa sa pagtayo sa harapan Ko at tanggapin ang lakas ng tulak ng panulay-na-kahoy na pinatatama sa Akin noong si Sadoc nang may panunuya ay pinatakbong sadya ang kanyang mabigat na kariton patungo sa Akin, nang mabilis. Pinasasalamatan Ko kayo para sa inyong pagmamahal na nagawa kayong tumayo laban sa mga mananakit sa Walang-Laban na Isa. Ngunit makakakita pa kayo ng mas malala pang mga pananakit at mas malulupit pang mga aksiyon. Kapag ang buwan na ito ay ngumiti nang muli para sa ikalawang beses pagkatapos ng gabing ito, ang mga pananakit, na sa kasalukuyan mga pananalita, o pagpapahiwatig kung materyal, ay magiging konkreto, mas makapal pa kaysa sa mga pamumulaklak na nasa mga namumungang-punungkahoy na ngayon, na parami na nang parami sa kanilang pagmamadali na mamulaklak. Nakita ninyo - at kayo ay nagtaka – ang isang baog na puno-ng-igos at ang isang buong taniman ng mga mansanas na hindi namumulaklak. Ang puno-ng-igos, katulad ng Israel, ay tumangging papanaguliin ang lakas ng Anak ng tao at natuyo ito sa kasalanan nito. Ang lootan ng mga mansanas, katulad ng mga Hentil, ay hinihintay ang oras na Aking binanggit ngayon, upang mamulaklak at kanselahin ang huling alaala ng kabangisan ng tao sa pamamagitan ng kabaitan ng mga bulaklak na ikinalat sa ulo at sa ilalim ng mga paa ng Kongkistador.»

«Alin na oras, Guro?» tanong ni Mateo. «Nagsalita Kayo nang labis at tungkol sa napakaraming mga bagay ngayong araw! Hindi ko eksaktong maalaala. At gusto kong maalaala ang lahat. Ito kaya ay ang oras ng pagbabalik ng Kristo? Dito rin Kayo ay nagsalita ng tungkol sa mga sangang nagiging malambot at magdadahon.»

«Hindi!» bulalas ni Tomas. «Ang Guro ay nagsasalita na tila ang mga pagsasabwatan na ito na naghihintay sa Kanya ay namimintong mangyari. Kung kaya't, papaano ang lahat na Kanyang sinasabi na mangyayaring muna bago ang Kanyang pagbabalik, mangyayari sa loob ng isang maikling panahon? Ang mga digmaan, mga pagkasira, pang-aalipin, mga pang-uusig, ang Ebanghelyo naipahayag sa buong mundo, pangungulila ng pagiging kasuklam-suklam sa bahay ng Diyos, at pagkatapos mga lindol, mga salot, mga huwad na propeta, mga tanda sa araw at sa mga bituin... Eh! mangangailangan ito ng napakatagal na panahon upang magawa ang lahat na iyan! Ang may-ari ng lootan ng mansanas na iyan ay mapapasa-kahiya-hiyang kalagayan, kung ang kanyang lootan ay kailangan na maghintay nang ganyang katagal upang mamulaklak!»

«Pagkatapos hindi na niya kakainin ang kanyang mga mansanas, sapagkat sasabihin ko na iyon ay katapusan na ng mundo» puna ni Bartolomeo.

«Upang papangyarihin ang katapusan ng mundo, lamang, isang isip ng Diyos ang kakailanganin, at ang lahat ay magiging wala. Kung kaya't baka kahit ang lootan ng mansanas na iyan ay hindi na kailangan na maghintay nang matagal. Ngunit, katulad ng sinabi Ko, iyan ay mangyayari. At kung gayon magkakaroon ng napakatagal na mga panahon sa pagitan ng isang ito at ng iyon. Iyan ang pangwakas na pananagumpay at ang pagbalik ng Kristo» paliwanag ni Jesus.

«Kung gayon? Alin na oras?»

«O! Alam ko kung alin na oras!» sabi ni Juan umiiyak. «Alam ko ang oras. At ito ay pagkatapos ng Inyong kamatayan at resureksiyon!...» at si Juan ay niyayakap nang mahigpit si Jesus.

«At ikaw ba ay umiiyak, kung Siya ay babangon muli? Sabi ni Judas Iskariote nang may panunuya.

«Ako ay umiiyak sapagkat mamamatay muna Siya. Huwag mo akong pagtawanan, ikaw na dimonyo. Alam ko. At hindi ko maisip ang tungkol sa oras na iyon.»

«Guro, tinawag niya akong isang dimonyo. Nagkasala siya laban sa kanyang kasamahan.»

«Judas, nakatitiyak ka ba na hindi ka karapat-dapat niyon? Kung gayon huwag mong masamain ang kanyang kapintasan. Ako rin ay tinawag na isang “dimonyo” at tatawagin pa Ako ulit nito.»

«Ngunit sinabi Ninyo na siya na nang-iinsulto sa kanyang kapatid ay nagka...»

«Manahimik. Sa presensya ng kamatayan gawin ang mapoot na mga akusasyon, pagdidiskusyon at mga kasinungalingan na matapos na kailanman. Huwag balisahin ang namamatay.»

«Patawarin Ninyo ako, Jesus» bulong ni Juan. «May naramdaman akong nabuhay sa loob ko sa tunog ng kanyang tawa... at hindi ko mapigilan ang aking sarili.» Si Jesus at si Juan ay magkayakap, dibdib sa dibdib, at si Juan ay umiiyak sa ibabaw ng Kanyang puso.

«Huwag umiyak. Naiintindihan kita. Hayaan Akong magsalita.»

Ngunit si Juan ay hindi itinitikal ang sarili kay Jesus, ni hindi kahit noong Siya ay naupo sa isang malaking nakausling ugat ng punungkahoy. Siya ay nananatiling gayon na ang isang kamay nakaikot sa Kanyang likod at ang isa pa nakaikot sa Kanyang dibdib at ang kanyang ulo nasa Kanyang balikat, at siya ay umiiyak nang walang tunog. Tanging ang kanya lamang mga luha ang nagniningning sa sinag ng buwan habang bumabagsak ito sa purpurang damit ni Jesus at nagmumukha itong mga rubi, mga patak ng maputlang dugo na tinamaan ng liwanag.

«Ngayon napakinggan ninyo ang mga Judaean at mga Hentil na nagsalita. Kung gayon hindi kayo dapat magtaka kung sabihin Ko: “Ang salita ng katarungan ay laging lumalabas sa Aking bunganga. At hindi ito kailangan na pawalang-saysay”. Kung sasabihin Ko, laging sa pamamagitan ni Isaiah, nagsasalita tungkol sa mga Hentil na lalapit sa Akin pagkatapos na Ako ay maitaas mula sa lupa: “Sa harapan Ko ang bawat tuhod ay babaluktot, sa pamamagitan Ko at sa Akin ang bawat dila ay manunumpa”. At ni hindi rin ninyo pagdududahan, pagkatapos na makita ang mga paraan ng mga Hebrew, na madaling sabihin, nang walang takot ng pagiging nagkakamali, na ang lahat na nagngangalit laban sa Akin ay madadala sa Akin, nang nahihiya.

Ang Aking Ama ay hindi lamang Niya Ako ginawang Kanyang lingkod upang panumbalikin ang mga tribu ni Jacob, kombertihin kung ano ang naiwan ng Israel: ang mga tira, bagkus binigay Niya Ako bilang liwanag ng mga Nasyon, na Ako ay sana maging ang “Tagapagligtas” ng lahat ng Lupa. Iyan kung bakit, sa loob ng tatlumpu’t tatlong mga taon ng pagkakatapon mula sa Langit at mula sa sinapupunan ng Aking Ama, Ako ay patuloy na lumago sa Grasya at sa Karunungan sa Diyos at sa mga tao, nararating ang perpektong edad, at sa loob ng huling tatlong mga taon na ito, pagkatapos na sunugin ang Aking kaluluwa at ang Aking isip sa apoy ng pagmamahal at subuan ito ng yelo ng pagtitika, nagawa Ko ang “Aking bunganga na maging isang matalas na espada”.

Ang Banal na Ama, Na inyo at Akin, ay magpahanggang ngayon prenotektahan Ako sa lilim ng Kanyang kamay, sapagkat hindi pa iyon ang oras ng Pagbabayad-sala. Ngayon pakakawalan na Niya Ako. Ang piniling palaso, ang palaso ng Kanyang dibinong sisidlan ng palaso, pagkatapos na makapanugat upang makapagpagaling, pagkatapos na masugatan ang mga tao upang mabuksan ang bitak sa kanilang mga puso para sa Salita at sa Liwanag ng Diyos, ay bumibilis na ngayon at walang paltos upang sugatan ang Ikalawang Persona, ang Tagapagbayad-sala, ang Masunurin na Isa para sa lahat na masuwayin na Adan... At katulad ng isang mandirigma na tinamaan, Ako ay babagsak, nagsasabi magpatungkol sa napakaraming mga tao: “Walang kabuluhan na nagpakapagod Ako nang walang rason, nang walang nakakamit na kahit ano. Nag-ubós Ako ng lakas para sa wala”.

Hindi! Hindi, para sa Eternal na Panginoon Na hindi kailanman gumagawa ng kahit ano nang walang isang dahilan! Layas, Satanas, na gusto Akong mawalan ng sigla at maging di-masunurin! Dumating ka sa pagsimula ng Aking ministeryo at dumating ka sa pagtatapos nito. Bueno, narito, Ako ay tumatayo (at Siya ay totoong tumatayo) nakahandang makipaglaban. Makikipaglaban Ako sa iyo. At, sinusumpa Ko ito sa Aking Sarili, tatalunin kita.. Hindi ito pagmamalaki na magsabi nang ganito. Ito ay ang katotohanan. Ang Anak ng tao ay matatalo sa Kanyang laman, matatalo ng tao, ang miserableng uod na nangangagat at nanlalason mula sa kanyang bulok na karumihan. Ngunit ang Anak ng Diyos, ang Ikalawang Persona ng di-maipaliliwanag na Trinidad ay hindi matatalo ni Satanas. Ikaw ay Kapootan. At makapangyarihan ka sa iyong pamumuot at sa iyong panunukso. Ngunit may makakasama Ako na nakakalusot sa iyo, sapagkat hindi mo ito maaabot, ni hindi mo ito mahaharangan. Ang Pag-ibig at kasama Ko!

Nalalaman Ko ang tungkol sa di-alam na pagpapahirap na naghihintay sa Akin. Hindi ang isa na Aking babanggitin sa inyo bukas, upang sana malaman ninyo na wala sa kung ano ang ginawa o pinakilos para sa Akin o sa paligid Ko, wala sa kung ano ang nabubuo sa inyong mga puso, ang hindi Ko nalaman. Ngunit ang isang pagpapahirap... Ang isa na ibibigay sa Anak ng Tao nang hindi sa pamamagitan ng mga sibat at mga pambambo, o sa pamamagitan ng panunuya at mga dagok, bagkus sa pamamagitan ng Diyos Mismo, at tanging kakaunting mga tao lamang ang makaaalam kung gaano ito magiging kalupit, at mas kakaunti pa nga ang sasang-ayon na ito ay posible. Ngunit sa pagpapahirap na iyan, kung saan dalawa ang magiging pinaka tagapagpahirap: ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkawala at ikaw, dimonyo, sa pamamagitan ng iyong presensya, ang Pagibig ay makakasama ng Biktima. Ang Pag-ibig Na nabubuhay sa loob ng Biktima, ang pinaka lakas ng Kanyang pagtagal sa pagsubok, at ang Pag-ibig Na nasa espirituwal na tagapag-aliw, na nagwawagayway na ng kanyang mga pakpak, puno ng pananabik na bumaba at punasin ang Aking pawis, at ipunin ang lahat na luha ng mga anghel sa makalangit na kalis at tunawin doon ang pulot ng mga pangalan ng Aking natubos at ng mga nagmamahal sa Akin, upang bawasan sa pamamagitan ng halo na iyon ang malaking pagkauhaw ng Pinahihirapan na Isa at ang Kanyang di-masusukat na kapaitan.

At ikaw, dimonyo, ay matatalo. Isang araw, lumalabas mula sa isang inalihan na lalaki, sinabi mo sa Akin: “Maghihintay ako upang talunin Kita kapag Ikaw ay isa nang basahan ng dumurugong laman”. Ngunit tumutugon Ako sa iyo: “Hindi mo Ako makukuha. Mananalo Ako. Ang Aking pagkapagod ay isang banal na pagkapagod, ang Aking kaso ay nasa mga kamay ng Aking Ama. Ipinagsasanggalang Niya ang gawa ng Kanyang Anak at hindi pinahihintulutan ang Aking espiritu na málisyâ ”.

Ama, sinasabi Ko sa Inyo, sinasabi Ko sa Inyo ngayon na,  para sa nakapangingilabot na oras na iyon: “Sa Inyong mga kamay pinauubaya Ko ang Aking espiritu”.

Juan, huwag mo Akong iwanan... Kayo, lahat kayo, humayo. Harinawang ang kapayapaan ng Panginoon ay mapunta kung saan si Satanas ay hindi isang panauhin. Paalam.»

Ang lahat ay nagtatapos.

260712

 

 



Sunod na kabanata