594. Ang Miyerkules Bago ang Paskuwa. Mula sa mga Pakikipagtalo sa mga Eskriba at mga Pariseo Hanggang sa Pagpapaliwanag Tungkol sa Eskatolohiya. Ang Kapiyanggot ng Balo.

Abril 2, 1947.

Si Jesus ay pinapasok ang Templo na ngayon ay mas nagsisiksikan sa mga tao kaysa noong nakaraang mga araw. Siya ay pulos puti sa Kanyang linen na mga damit. Ngayon ay isang maalinsangan na araw.

Pumunta Siya sa Court of Israel upang magsamba, sinusundan ng isang linya ng mga tao, habang ang iba pang mga tao ay nakuha na nila ang pinakamagagandang lugar sa ilalim ng mga balkonahe, at ang karamihan ay mga Hentil na, bilang hindi pinahihintulutan na makalampas sa unang korte, ibig sabihin ang Court of the Gentiles, ay sinamantala ang katotohanan na ang mga Hebreo ay sinundan ang Kristo, upang makakuha ng paborableng mga puwesto.

Ngunit ang isang malaking grupo ng mga Pariseo ay binabalisa sila: lagi silang arogante sa kanilang asal at nanunulak sila nang mapaghari-harian sa pulutong upang malapitan si Jesus, Na nakayuko sa isang may-sakit na lalaki. Naghihintay sila hanggang mapagaling siya Niya, pagkatapos nagpadala sila ng isang eskriba upang tanungin Siya.

Sa katotohanan nagkaroon muna sila ng maikling pag-uusap, sapagkat si Joel na pinangalanang Alamoth ay nagustong pumunta upang tanungin ang Guro. Ngunit ang isang Pariseo ay tumutol at ang iba ay sinuportahan siya nagsasabing: «Hindi, alam namin na kumakampi ka sa Rabbi, bagama't ginagawa mo ito nang palihim. Gawin si Uriah na pumunta...»

«Hindi si Uriah» sabi ng isa pang bata-pang eskriba, na hindi ko kilala. «Si Uriah ay napakagaspang na magsalita. Magagalit niya ang pulutong. Ako ang pupunta.»

At nang hindi na nakikinig pa ulit sa mga protesta ng iba, nilapitan niya ang Guro, nang tamang-tama pa lamang na pinaaalis ni Jesus ang may-sakit na lalaki nagsasabi sa kanya: «Manampalataya. Magaling ka na. Ang iyong lagnat at kirot ay hindi na ulit babalik.»

«Guro, alin ang pinaka dakilang kautusan ng Batas?»

Si Jesus, Na sa Kaninong likuran ang eskriba ay nakatayo, ay tumalikod at tinitingnan siya. Ang isang mahinang maliwanag na ngiti ay nagpaliwanag sa mukha ni Jesus, pagkatapos tinaas Niya ang Kanyang ulo, dahil naiyuko Niya ito sa eskriba na mababa lang, at lalo na noong iniyuko niya ang kanyang ulo upang magbigay galang sa Kanya. Si Jesus ay tumitingin sa paligid sa pulutong, tinititigan Niya ang grupo ng mga Pariseo at mga doktor at napuna Niya ang maputlang mukha ni Joel, na medyo nakatago sa likuran ng isang malaking marangyang nakadamit na Pariseo. Ang Kanyang ngiti ay nagliwanag. Ito ay katulad ng isang liwanag na humahaplos sa tapat na eskriba. Pagkatapos iniyuko Niya ang Kanyang ulo sa nagtatanong sa Kanya at tumugon sa kanya: «Ang una sa lahat sa mga kautusan ay: “Makinig, Israel: ang Panginoong ating Diyos ay ang tanging Panginoon. Mamahalin mo ang Panginoong iyong Diyos nang iyong buong puso, nang iyong buong kaluluwa, nang iyong buong lakas”. Iyan ang una at ang pinakadakilang kautusan. Ang ikalawa ay nakakatulad ito: “Mamahalin mo ang iyong kapwa bilang ikaw mismo”. Wala nang mas dakila pang mga kautusan kaysa sa dalawang ito. Nilalaman nito ang lahat ng Batas at ang mga propeta.»

«Guro, nakatugon Kayo nang marunong at makatotohanan. Iyan ay ganyan. May isang Diyos lamang at walang ibang diyos bagkus Siya. Ang mahalin Siya nang ating buong mga puso, nang ating lahat na katalinuhan, nang lahat ng ating mga kaluluwa at nang lahat ng ating lakas, at ang mahalin ang ating kapwa bilang tayo mismo ay labis pang mas mahalaga kaysa ano pa mang holokausto at sakripisyo. Seryosong iniisip ko na ganito ito kapag pinagninilayan ko ang mga salita ni David: “Ang mga holokausto ay hindi sa Inyo nagbibigay ng kasiyahan; ang isang nagsisising puso ay ang sakripisyo na kaaya-aya sa Diyos”.»

«Hindi ka malayo sa Kaharian ng Diyos, sapagkat naintindihan mo kung anong holokausto ang kaaya-aya sa Diyos.»

«Ngunit alin ang pinaka perpektong holokausto?» tanong ng eskriba sa isang mababang tinig, na tila nagsasalita siya ng tungkol sa isang lihim.

Si Jesus ay sumisinag nang may pagmamahal pinababayaan ang perlas na ito na pumatak sa puso ng lalaking ito na nagbubukas sa Kanyang doktrina, sa doktrina ng Kaharian ng Diyos, at niyuyukuan siya sinabi Niya: «Ang perpektong holokausto ay ang mahalin, bilang tayo mismo, ang mga nang-uusig sa atin at huwag magkimkim ng kahit anong sama-ng-loob. Ang gumagawa niyan ay mag-aari ng kapayapaan. Ito ay sinabi: ang mababang-loob ay aariin ang Lupa at kalulugdan ang kasaganaan ng kapayapaan. Sasabihin Ko sa iyong totoo na siya na nakapagmamahal sa kanyang mga kaaway ay mararating ang perpeksiyon at mapapasakanya ang Diyos.»

Ang eskriba ay binabati Siya nang magalang at bumalik sa kanyang grupo, na nagagalit sa kanya sa mababang mga tinig sa pagpuri sa Guro, at galit na sinabi nila sa kanya: «Ano ang tinanong mo sa Kanya nang lihim? Pati ba ikaw ay narahuyo na rin Niya?»

«Napakinggan ko ang Espiritu ng Diyos na nagsalita mula sa Kanyang mga labì.»

«Ikaw ay tanga. Baka kaya iniisip mo na Siya ay ang Kristo?»

«Oo, iniisip ko iyan.»

«Talaga, bago magtagal makikita natin ang atin mga paaralan ng ating mga eskriba na wala nang laman, habang sila ay paligid-ligid sa Taong iyon! Ngunit papaano mo nakikita ang Kristo sa Kanya?»

«Hindi ko alam kung papaano. Alam ko na nararamdaman ko na Siya iyon.»

«Ikaw ay baliw!» At tinalikuran siya nila nang nag-aalala.

Si Jesus ay napakinggan ang kanilang pag-uusap, at nang makita Niya ang mga Pariseo na dumaan sa harapan Niya sa isang saradong grupo at umalis nang nag-aalala, tinawag Niya sila nagsasabing: «Makinig sa Akin. Gusto Kong tanungin kayo ng isang bagay. Ayon sa inyo, ano sa isip ninyo ang Kristo? Kaninong anak Siya?»

«Siya ay magiging ang anak ni David» tugon nila, dinidiinan ang salitang “magiging”, sapagkat gusto nilang maintindihan Niya na, sa ganang kanila, Siya ay hindi ang Kristo.

«Papaano, kung gayon, na si David, nabigyan ng inspirasyon ng Diyos, ay tinawag Siyang “Panginoon” nagsasabing: “Ang Panginoon ay nagsabi sa aking Panginoon: “Maupo sa aking kanan hanggang magawa ko ang Iyong mga kaaway na maging isang tuntungan para sa Iyo...? Kung gayon kung tinatawag ni David ang Kristo na “Panginoon”, papaano ang Kristo magiging kanyang anak?»

Sa dahilan na hindi nila malaman kung ano ang kanilang itutugon sa Kanya, sila ay umalis pinagdidilidilihan ang kanilang lason.

Si Jesus ay lumayo sa lugar na Kanyang kinaroroonan na ngayon ay puno na ng sinag ng araw, upang makalapit pa kung saan naroroon ang mga bunganga ng Tesoreriya, malapit sa bulwagan ng Tesoreriya. Ang tabi na ito, na nasa loob pa ng lilim, ay okupado ng mga rabbi, na mga nagdidiskurso nang may malalapad na mga pagbuka ng mga kamay pinatutungkulan ang kanilang Hebreong mga tagapakinig, na dumarami nang dumarami, habang ang mga taong bumubuhos sa Templo ay patuloy na dumarami, habang dumaraan ang oras.

Ang mga rabbi ay nagsisikap na mabuwag sa pamamagitan ng kanilang mga talumpati ang mga pagtuturo na binigay ng Kristo sa loob ng mga nakaraang araw o noong umaga din na iyon. At habang mas nakikita nila na ang pulutong ng mga naniniwala ay lumalaki, mas lalo nilang tinataas ang kanilang mga tinig. Sa katotohanan ang lugar, bagama't napakalaki, ay nagsisiksikan sa mga tao na paparoo’t parito sa lahat na direksiyon...

--------------------

jesus sinasabi

Si Jesus ay sinasabi sa akin: Isingit dito ang bisyon tungkol sa kapiyanggot ng balo (Hunyo 19, 1944) na itinama katulad ng ipakikita Ko sa iyo» (katulad na ito ay akin nang itinama sa minakinillyang mga papel na aking pinadala ulit).

--------------------

Hunyo 19, 1944.

Ngayon lamang, at mapilit, nakikita ko na lumilitaw ang sumusunod na bisyon.

Sa simula wala akong nakikita bagkus mga korte at mga balkonahe, na natatandaan ko na kasama sa Templo, at si Jesus, Na nagmumukhang katulad ng isang Emperador, napaka solemne sa Kanyang matingkad na pulang tunika at mas mapula pang manta, nakasandal sa isang napakalaking poste ng liwasan na nagsusuporta sa arko ng balkonahe. Nakatingin Siyang nakapirmi sa akin. Ako ay lubos na okupado sa pagtingin sa Kanya, nasisiyahan sa pagninilay-nilay sa Kanya Na hindi ko nakita at napakinggan sa loob ng dalawang araw.

Ang bisyon ay tumagal nang matagal. At habang tumatagal ito nang gayon, hindi ko ito sinusulat, sapagkat ito ay aking lugod. Ngunit ngayon na akin nang nakikita ang tanawin na nagkakaroon ng búhay, naintindihan ko na mayroong ibang bagay pa at ako ay nagsusulat.

Ang lugar ay napupuno sa mga taong paparoo’t parito sa lahat na direksiyon. Dito ay may mga pari at mga naniniwala, mga lalaki, mga babae at mga bata. Ang ilan ay naglalakad, ang ilan nakatayo nakikinig sa mga doktor, ang ilan ay may hinihilang maliliit na kordero o may dalang mga kalapati patungo sa ibang mga lugar, baka upang isakripisyo sila.

Si Jesus ay nakasandal sa Kanyang haligi at nanonood. Siya ay hindi nagsasalita. Dalawang beses ang Kanyang mga apostol ay nagtatanong sa Kanya ng mga tanong, ngunit iniiling Niya ang Kanyang ulo sa pagtanggi at hindi nagsasalita. Siya ay nanonood nang mabuti. At ayon sa Kanyang hitsura, tila hinuhusgahan Niya ang Kanyang mga tinitingnan. Ang Kanyang mga mata at mukha ay nagpapaalaala sa akin ng tungkol sa Kanyang mga tingin noong nakita ko Siya sa bisyon tungkol sa Paraiso, hinuhusgahan ang mga kaluluwa sa partikular na paghuhukom. Ngayon, siyempre, Siya ay si Jesus, ang Tao; sa itaas doon Siya noon ay si Jesus Matagumpay, kung gayon mas kahanga-hanga. Ngunit ang pagbabagu-bago ng Kanyang hitsura, na nakatinging nakapako, ay pareho din. Siya ay seryoso, mausisa, ngunit kung sa mga pagkakataon na Siya ay napakahigpit na pati ang labis na walang-pakundangan na mga tao ay manginginig, may mga pagkakataon na Siya ay napakabait, at ang Kanyang ngumingiting kalungkutan ay gayon na lamang na Siya ay tila may taong hinahaplos sa pamamagitan ng Kanyang mga mata.

Siya ay tila hindi nakakarinig ng kahit ano. Ngunit maaaring pinakikinggan Niya ang lahat sapagkat, noong mula sa isang grupo mga ilang metro ang layo, na naipon sa paligid ng isang doktor, ang isang tinig na daan-sa-ilong ay narinig nagpoproklamang: «Mahigit sa kahit ano pang kautusan ang isang ito ay balido: kung ano ang para sa templo ay kailangan na mapunta sa Templo. Ang Templo ay mataas sa ama’t ina ng isa at kung gusto ng isa na magbigay ng sobra sa kaluwalhatian ng Panginoon, magagawa niya ito at pagpapalain siya para dito, sapagkat walang dugo o pagmamahal na mas mataas sa Templo» unti-unting ibinaling ni Jesus ang Kanyang ulo sa direksiyon na iyon at tumitingin sa isang pamamaraan... na ayaw ko ito na maging para sa akin.

Siya ay tila tinitingnan Niya ang lahat. Ngunit noong ang isang matandang nanginginig na lalaki ay nasa punto na na akyatin ang limang-baytang na lakaran ng isang klase ng terasa, na malapit kay Jesus, at ito ay tila patungo sa isa pang looban na korte, at tinutulak niya ang kanyang tungkod sa sahig at halos bumagsak siya nang ang kanyang paa ay napasabit sa kanyang tunika, iniunat ni Jesus ang Kanyang mahabang kamay, hinawakan siya at sinuportahan, at hindi siya iniiwanan hanggang nakita Niya na siya ay ligtas na. Ang matandang lalaki ay itinataas ang kanyang kulubot na mukha, tinitingnan ang kanyang matangkad na tagapagligtas at bumulong ng isang salita ng pagpapalà, habang ngumingiti sa kanya si Jesus at hinahaplos ang kanyang kalbong ulo. Pagkatapos Siya ay bumalik sa Kanyang haligi, at umalis dito muli upang buhatin ang isang batang lalaki na nakabitaw sa kamay ng kanyang ina at bumagsak, umiiyak, sa unang baytang, sa paanan mismo ni Jesus. Binuhat Niya siya, hinahaplos siya at pinagiginhawahan. Ang napahiyang ina ng bata ay pinasasalamatan Siya. Si Jesus ay ngumingiti rin sa kanya, binabalik ang bata sa kanya.

Ngunit Siya ay hindi ngumingiti nang ang isang mapagpahalaga-sa-sarili na Pariseo ay dumaraan, o nang ang isang grupo ng mga eskriba at iba pa na hindi ko mga kilala ay dumaraan malapit sa Kanya. Ang huling grupo ay binabati Siya nang may pakaway-kaway at yumuyuko. Si Jesus ay tinitingnan sila nang titig-na-titig na tila nilalagos Niya sila, gumanti Siya sa kanilang mga pagbati ngunit walang pagbuhos ng damdamin. Siya ay mahigpit. Tiningnan din Niya nang matagal-tagal ang isang pari na dumaraan at maaaring isang mahalagang personahe, sapagkat ang pulutong ay gumagawa ng kanyang madaraanan at binabati siya habang palakad-lakad siya nang may kayabangan. Si Jesus ay tinitingnan siya sa isang pamamaraan na siya, bagama't mapagmalaking-mapagmalaki, ay itinutungo ang kanyang ulo. Siya ay hindi bumabati, ngunit hindi niya matagalan ang sulyap ni Jesus.

Si Jesus ay tumigil sa pagtingin sa kanya upang tingnan ang isang dukhang babae, nakadamit ng madilim na kulay-kape, na nahihiyang inaakyat ang mga baytang at nagpapatungo sa isang pader, kung saan wala roon ng katulad ng mga ulo ng mga leon o katulad na mga hayop na mga nakabuka ang mga bunganga. Maraming tao ang pumupunta roon. Ngunit si Jesus ay tila hindi sila pinapansin. Ngayon sa halip tinitingnan Niya kung saan pumupunta ang babae. Ang Kanyang mga mata ay nakatingin sa kanya nang naaawa at nagniningning ito sa kabaitan noong makita Niya siya na inuunat ang isang kamay at nagtatapon ng kung ano sa batong bunganga ng isa sa mga leon na iyon. At noong umalis ang babae dumaraan malapit sa Kanya, Siya ang unang nagsabi: «Kapayapaan sa iyo, babae.»

Itinaas niya ang kanyang ulo, lubos na nagtataka, at nananatiling di-makapagsalita. «Kapayapaan sa iyo» pag-ulit ni Jesus. «Humayo, sapagkat ang Kataastaasan ay pinagpapala ka.» Ang kaawa-awang kaluluwa ay lubos na nasisiyahan, pagkatapos bumulong siya ng isang pagbati at umalis.

«Siya ay masaya sa kanyang di-kasayahan» sabi ni Jesus sinisira ang Kanyang pananahimik. «Siya ngayon ay masaya na sapagkat ang pagpapalà ngwidows alms Diyos ay nasa kanya. Makinig, Aking mga kaibigan, at ang mga nasa paligid Ko. Nakikita ba ninyo ang babae na iyon? Nagbigay lamang siya ng dalawang maliliit na sentimos, di sapat na makabili ng pagkain para sa isang kainán para sa isang pipit na nakukulong sa isang hawla, subalit siya ang nakapagbigay nang mas marami kaysa sa lahat na mga nagbigay ng kanilang mga alay sa Tesoreriya ng Templo, mula nang ito ay binuksan kaninang umaga sa pagsikat ng araw. Makinig. Nakakita Ako ng malaking bilang ng mayayamang tao na naglagay sa mga bungangang iyon ng mga halaga ng pera na makapagtutustos ng pagkain sa babaeng iyon sa loob ng isang taon at maramtan ang kanyang karukhaan, na, desente lamang sapagkat iyon ay malinis. Nakakita Ako ng mayayamang tao, na may kitang-kitang kasiyahan na naglagay doon ng mga halaga ng pera na makapagpapakain sa mahihirap na tao ng Banal na Siyudad na ito nang isa o mas mahigit pang bilang ng mga araw, at kung gayon magawa silang pagpalain nila ang Panginoon. Ngunit sasabihin Ko sa inyong totoo na walang nakapagbigay ng higit pa kaysa sa binigay niya. Ang kanyang alay ay karidad. Ang iba ay hindi. Ang kanyang ay kagandahang-loob. Ang iba ay hindi. Ang kanya ay sakripisyo. Ang iba ay hindi. Ngayon ang babaeng iyon ay walang kakainin na kahit ano, sapagkat wala nang natira sa kanya. Kakailanganin muna niyang magtrabaho upang kumita ng kaunting pera, upang makabili ng ilang tinapay upang mapatahimik ang kanyang kagutuman. Siya ay walang pera na nakatabi, ni wala siyang mga kamag-anak na maaaring kumita ng pera sa katauhan niya. Siya ay lubos na nag-iisa. Ang Diyos ay kinuha na ang kanyang mga kamag-anak, ang kanyang asawa at mga anak, kinuha na Niya ang kaunting kayamanan na iniwan nila sa kanya, at kaysa ang Diyos, ang mga tao ang kumuha nito, ang mga taong iyon na may mga malalaking pagkilos, kita ninyo?  ay patuloy na nagtatapon sa loob noon ng kanilang sobra, na ang karamihan nito ay nakikil sa pamamagitan ng usurya mula sa abang mga kamay ng mahihirap at nagugutom na mga tao. Sinasabi nila na walang dugo o pagmamahal na mas mataas pa sa Templo, at kung gayon tinuturuan nila ang mga tao na huwag mahalin ang kanilang kapwa. Sinasabi Ko sa inyo na sa taas ng Templo ay nariyan ang pagmamahal. Ang batas ng Diyos ay pagmamahal at siya, na hindi naaawa sa kanyang kapwa, ay hindi nagmamahal. Ang kasobrahan na pera, ang pera na may dumi ng usurya, ng poot, ng katigasan, ng pagkukunwari, ay hindi umaawit ng papuri sa Diyos at hindi nakakapag-anyaya ng makalangit na mga pagpapalà sa nagbigay. Ang Diyos ay tinatanggihan ito. Pinayayaman nito ang mga lalagyan na ito. Ngunit hindi iyan ginto para sa insenso: iyan ay dumi na nanggagapi sa inyo, o mga ministro, na hindi naglilingkod sa Diyos, bagkus sa inyong mga interes: iyan ay isang tali na sumasakal sa inyo, o mga doktor, na nagtuturo ng isang doktrina na inyo; iyan ay lason na umaagnas sa labí na nasa inyo pang mga kaluluwa, o mga Pariseo. Ang Diyos ay ayaw ng mga labí. Maging hindi mga Cain. Ang Diyos ay ayaw ng kung ano ang bunga ng katigasan. Ang Diyos ay ayaw ng kung ano ang, nagtataas ng umiiyak na tinig, nagsasabi: “Kinailangan kong patahimikin ang kagutuman ng isang nagugutom na tao. Ngunit napigilan akong gawin ito sapagkat kinailangan kong ipakita ang aking karingalan dito. Kailangan ko sanang tulungan ang isang matandang ama at isang paugud-ugod na ina, ngunit ako ay pinagbawalan, sapagkat ang tulong na gayon ay hindi malalaman ng mundo, at kinailangan kong hipan ang aking trumpeta upang makita sana ng mundo ang nagbibigay”. Hindi, rabbi, na nagtuturo na kung ano ang kasobrahan ay kailangan na ibigay sa Diyos at na tama na tanggihan ng tulong ang mga ama at mga ina upang ibigay ito sa Diyos. Ang unang kautusan ay: “Mahalin ang Diyos nang lahat ng inyong puso, nang inyong kaluluwa, nang inyong katalinuhan, nang inyong lakas”. Kung gayon hindi kung ano ang kasobrahan, bagkus kung ano ang ating dugo ang kailangan na ibigay sa Kanya, sa pamamagitan ng pagmahal upang maghirap para sa Kanya. Ang maghirap. Hindi ang gawin ang mga tao na maghirap. At kung masakit ang magbigay nang masyado, sapagkat hindi maganda na pagkaitan ang sarili ng kanyang mga kayamanan at ang kayamanan ay ang puso ng tao, na mabisyo ayon sa kalikasan, ito ay makatarungan sapagkat nakapananakit ito, na ang isa ay kailangan na magbigay. Dala ng katarungan: sapagkat ang lahat na mayroon ang isa, napasakanya ito sa pamamagitan ng kabutihan ng Diyos. Dala ng pagmamahal: sapagkat iyan ay isang katibayan ng pagmamahal na mahalin ang sakripisyo upang makapagbigay ng lugod sa mga minamahal ng isa. Ang maghirap alang-alang sa paghihirap. Bagkus upang maghirap. Inuulit Ko: hindi upang gawin ang iba na maghirap. Sapagkat ang ikalawang kautusan ay nagsasabi: “Mahalin ang iyong kapwa bilang ikaw mismo”. At ang batas ay sinasabi na, pagkatapos ng Diyos, ang mga magulang ng isa ay ang kapwa kung kanino ang isa ay may obligasyon na bigyan ng parangal at tulong. Kung kaya't sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mahirap na babaeng iyon ay naintindihan niya ang batas nang mas mabuti pa kaysa sa marurunong na mga tao at napangatwiranan siya nang higit pa kaysa sino pa man at pinagpala, sapagkat sa kanyang karukhaan binigay niya sa Diyos ang lahat, samantalang kayo ay binibigay ninyo kung ano ang kasobrahan at binibigay ninyo ito upang lumaki sa pagtingin ng mga tao. Alam Ko na kinapopootan ninyo Ako dahil nagsasalita Ako nang ganito. Ngunit hanggang sa ang mga labing ito ay nakapagsasalita, magsasalita ito nang ganyan. Idinudugtong ninyo ang inyong kapootan para sa Akin sa panunuya sa maralitang babaeng Aking pinapupurihan. Ngunit huwag isipin na sa pamamagitan ng dalawang batong ito makagagawa kayo ng dobleng pedestal para sa inyong pagmamalaki. Sila ang magiging panggiling-na-bato na dudurog sa inyo. Umalis na tayo. Hayaan ang mga ahas na magtukaan sa isa’t isa pinalalaki ang kanilang lason. Gawin ang mga puro, mabuti, mapagpakumbaba, nagsisisi, at ibig na makaalam sa totoong mukha ng Diyos, na sumunod sa Akin.»

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«At kayo na naiwanan ng wala, dahil naibigay ninyo ang Akin ang lahat, ibigay sa Akin ang huling dalawang sentimos na ito. Dahil kompara sa labis na naibigay ninyo, sila ay tila wala sa mga estranghero. Ngunit ikaw, na walang iba bagkus ang mga sentimos na ito, sila ay ang lahat. Ilagay sila sa kamay ng inyong Panginoon. At huwag umiyak. O, kung man lamang, huwag umiyak na nag-iisa. Umiyak na kasama Ako, Na siyang tanging Isa na makauunawa sa iyo at naiintindihan kita nang wala kahit anong pagkataong usok, na laging isang may-kinikilingan na panakip para sa katotohanan.»

--------------------

Abril 2, 1947.

Ang mga apostol, mga disipulo at ang pulutong ay sinusundan Siya sa isang siksik na grupo, habang bumabalik Siyang muli sa lugar sa unang mga pader ng bayan, isang lugar na halos nasasakop na ng pader ng bakuran ng Templo, kung saan ay hindi masyadong mainit, sa napaka maalinsangan na araw na ito. Sa dahilan na ang lupa ay napagaspang ng mga paa ng mga hayop at nakakalat ang mga batong ginagamit ng mga mangangalakal at ng mga tagapalit ng pera na pagtatalian ng kanilang mga kulungan at ng mga tolda, walang mga rabbi ng Israel dito, na walang pakialam na gamitin na isang palengke ang Templo. Ngunit nandidiring silang ilakad ang kanilang mga sandalyas kung saan ang mga bakas ng mga kuwadrupedo, na inalis na dito mga ilang araw na ang nakararaan, ay hindi nalinis nang mabuti...

Si Jesus ay hindi nandidiri at Siya ay naninilungan doon, napalilibutan ng isang malaking pulutong ng mga tagapakinig. Ngunit bago magsalita, tinawag Niya ang mga apostol na lumapit sa Kanya at nagsabi sa kanila:

«Halikayo at makinig nang mabuti. Kahapon gusto ninyong malaman ang tungkol sa mga bagay na Aking sasabihin sa inyo ngayon at binanggit Ko nang hindi masyado kahapon, noong tayo ay nagpapahinga sa pangkusinang-hardin ni Jose. Kung kaya't makinig nang mabuti, sapagkat mahalagang mga pagtuturo ito para sa lahat, at lalo na sa inyo, dahil kayo ang Aking mga ministro at mga tagapagpatuloy.

Makinig. Ang mga eskriba at mga Pariseo ay naupo sa upuan ni Moses sa tamang sandali. Sila ay ang malulungkot na araw para sa ating Amangbayan. Nang ang pagkatapon sa Babylonia ay natapos at ang nasyon ay naibalik sa dati sa pamamagitan ng kadakilaan ni Cyrus, ang mga lider ng sambayanan ay naramdaman na kinakailangan din na ibalik sa dati ang kulto at ang kaalaman tungkol sa Batas. Sapagkat kapahamakan sa sambayanan na iyan na wala sa kanila ito para sa depensa, gabay at suporta nito, laban sa pinakamalakas na mga kaaway ng isang nasyon, na siyang ang inmoralidad ng mga mamamayan, pagrebelde laban sa mga lider, pagkakawatak-watak sa pagitan ng mga grupo at mga partido, mga kasalanan laban sa Diyos at sa kapwa ng isa, di pagiging relihiyoso, na lahat mga elemento na siyang nagpapahiwa-hiwalay mismo at dahil sa mga kaparusahan na nakukuha nito mula sa Langit!

Kung kaya't ang mga eskriba o mga doktor ng Batas ay lumitaw upang ituro sa sambayanan na nagsasalita ng wikang Chaldean, ang pamana ng sugat at ng nakakainip na pagkakatapon, at kung gayon hindi na maintindihan ang mga Iskriptura na isinulat sa purong Hebreo. Sila ay lumitaw upang matulungan ang mga pari, na hindi sapat ang bilang upang mapunuan ang gawain ng pagtuturo sa mga pulutong. Ang mga lego na ito, may-natutunan at deboto sa pagpaparangal sa Panginoon, sa kanilang pagdala ng kaalaman tungkol sa Diyos sa mga tao at pagdala sa mga tao sa Diyos, ay may dahilan na sila ay naroroon at nakagawa rin ito ng ilang kabutihan. Sapagkat, lahat kayo ay kailangan na isaisip ito, ang mga bagay din iyon na, sa pamamagitan ng kahinaan ng tao, ay naging masamâ pagkatapos, katulad na ito ang nangyari sa isang ito na naging marumi sa pagtakbo ng panahon, ay laging may isang bagay na mabuti at may panimulang rason man lamang para mapunta ito roon, kung saan pinahihintulutan sila ng Kataastaasan na lumitaw at tumagal hanggang sa, ang sukat ng pagiging masamâ bilang puno na, sila ay paghihiwa-hiwalayin ng Kataastaasan.

Pagkatapos ang iba pang sekta ng mga Pariseo ay lumitaw mula sa pagbabago ng sekta ng mga Hasidaean, na pinorma upang masuportahan ang Batas ni Moses at ang espiritu ng kasarinlan ng ating sambayanan sa pamamagitan ng pinaka mahigpit na mga leksiyon at pinaka istriktong pagsunod, nang ang Helenistang partido – na lumitaw dahil sa pamimilit at panrarahuyo na nagsimula sa mga araw ni Antiochus Epiphanes at na pagkatapos nagbago sa pagiging mga pang-uusig laban sa mga hindi bumibigay sa pamimilit ng tusong hari, na mahigit pa sa kanyang mga armas ay umasa sa pagkasira ng pananampalataya sa loob ng mga puso, upang maghari sa ating Amangbayan –ay nagsikap na gawin tayong mga alipin.

Tandaan din ito: mas matakot sa madadaling pag-aanib-anib at sa mga pagpapapuri ng isang banyaga kaysa sa kanyang mga lehiyon. Sapagkat, habang kung kayo ay tapat sa mga batas ng Diyos at ng inyong Amangbayan nananalo kayo, kahit na kung kayo ay pinalilibutan ng malalakas na sandatahang-lakas, kung sa halip kayo ay naging marumi sa pamamagitan ng pinong lason, na binigay bilang isang nakalalasing na pulot ng isang estranghero na may plano tungkol sa inyo, iaabandona kayo ng Diyos dahil sa inyong mga kasalanan, at kayo ay matatalo at mapaiilaliman, kahit na kung ang inyong huwad na kaalyado ay hindi gumawa ng madugong pakikipagdigma sa inyo. Kapahamakan sa kanya na hindi kasing mapagbantay katulad ng isang tanod at hindi nilalayuan ang may-kapinuhan na patibong ng isang huwad na tusong kapwa, o kaalyado, o kongkistador, na sinisimulan ang kanyang paghahari sa mga indibidwal, pinahihina ang kanilang mga puso at pinarurumi sila sa pamamagitan ng mga paggamit at mga kaugalian na hindi atin at hindi banal, at dahil dito ginagawa tayong di-kaaya-aya sa Panginoon! Kasawian! Kailangan na tandaan ninyo ang mga konsekwensiyang nadala sa ating Amangbayan ng katotohanan na ang ilang sa kanyang mga anak ay ginaya ang mga paggamit at mga kaugalian ng isang banyaga upang magmapuri sila sa kanya at makakuha ng mga pabor. Mabuting bagay ang maging mapagkawanggawa sa lahat, sa mga tao din na hindi katulad ng ating pananampalataya, na wala ng mga pagkilos natin at nakapanakit sa atin sa loob ng matagal na mga panahon. Ngunit ang ating pagmamahal para sa mga taong ito, na laging ating kapwa, ay hindi kailangan kailanman na talikuran natin ang Batas ng Diyos at ng ating Amangbayan, para sa ilang binabalak na benepisyo na kikikilin mula sa ating mga kapwa. Hindi. Ang mga banyaga ay kinasusuklaman ang mga labis na nagpapaalipin hanggang sa talikdan ang pinakabanal na mga bagay ng kanilang Amangbayan. Hindi sa pamamagitan ng pagtalikod sa Ama at Ina – sa Diyos at sa Amangbayan – na makakamit ng isa ang respeto at kalayaan.

Kung gayon iyon ay isang mabuting bagay na sa tamang sandali ang mga Pariseo ay lumitaw upang makapagtayo ng isang hadlang laban sa maruming pag-apaw ng banyagang mga paggamit at mga kaugalian. Inuulit Ko: ang lahat na nagsisimula at tumatagal ay may sariling rason na mapariyan. At ito ay kailangan na irespeto para sa kung ano ang nagawa nito, kung hindi para sa kung ano ang ginagawa nito. Sapagkat, kung ito ay may-kasalanan sa ngayon, hindi para sa mga tao na insultuhin ito, at lalo na ang hampasin ito. May nakaaalam kung papaano gawin ito: ang Diyos at Siya Na Kanyang pinadala, at na ang Kaninong karapatan at tungkulin ay ang ibuka ang Kanyang bunganga at buksan ang inyong mga mata, upang sana kayo at sila ay malaman ang kaisipan ng Kataastaasan, at makakilos sana kayo ayon sa katarungan. Ako at wala nang iba pa. Ako, sapagkat nagsasalita Ako  sa pamamagitan ng dibinong utos. Ako, sapagkat makapagsasalita Ako dahil wala Ako ng mga kasalanan na nakakapanggulat sa inyo kung nakikita ninyo itong ginagawa ng mga eskriba at mga Pariseo, ngunit na ginagawa rin ninyo, kung magagawa ninyo.»

Si Jesus, Na sinimulan ang Kanyang talumpati sa isang mababang tinig, ay unti-unting itinataas ito, at noong binibigkas ang huling mga salitang ito, ito ay kasing lakas ng tunog ng isang trumpeta. Ang mga Hebreo at mga Hentil ay ganap na maasikaso sa pakikinig sa Kanya. At kung ang una ay pumapalakpak kapag binabanggit ni Jesus ang kanilang Amangbayan at maliwanag na tinatawag sa pangalan ang mga banyaga na naghari sa kanila at nagpahirap sa kanila, ang huli ay hinahangaan ang porma ng pagbibigay ng Kanyang talumpati at masaya sila na sila ay naroroon sa talumpating ito na totoong karapat-dapat ng isang dakilang orador, katulad ng kanilang sinasabi sa isa’t isa. Si Jesus ay ibinaba ulit ang Kanyang tinig nang pinagpapatuloy Niya ang Kanyang pagsasalita.

«Ang Aking sinabi sa inyo ay upang paalalahanan kayo tungkol sa mga rason kung bakit naririyan ang mga eskriba at mga Pariseo, at kung papaano at kung bakit sila nakaupo sa upuan ni Moses, at kung papaano at kung bakit sila nagsasalita at ang kanilang mga salita ay hindi mapagmalaking mga salita. Kung kaya't gawin kung ano ang sinasabi nila. Ngunit huwag gayahin ang kanilang mga aksiyon. Sapagkat sinasabi nila na ang mga bagay ay kailangan gawin sa isang pamamaraan, ngunit hindi nila ginagawa kung ano ang dapat na gawin. Sa katunayan ang itinuturo nila ay ang makataong mga batas ng Pentateuch, pagkatapos pinabibigatan nila ang ibang mga tao ng napakalaki, di-madadala, di-makataong mga pabigat, samantalang sila mismo ay hindi mag-angat kahit isang daliri upang hipuin ang mga pabigat na ito, lalo na kung bubuhatin pa ito.

Ang patakaran ng kanilang buhay ay ang makita, mapuna at palakpakan para sa kanilang mga gawa, na kanilang ginagawa sa pamamaraan na ito ay makikita at kung gayon mapapupurihan. At nilalabag nila ang batas ng pagmamahal, sapagkat ibig nila na sila ay tingnan na iba at kinasusuklaman nila ang hindi kasama sa kanilang sekta, at gusto nilang sila ay tawagin na mga guro at mula sa kanilang mga disipulo humihingi sila ng gayong pagsamba katulad ng hindi nila binibigay sa Diyos. Tinitingnan nila ang kanilang mga sarili na mga diyos dahil sa kanilang karunungan at kapangyarihan, at sa loob ng mga puso ng kanilang mga disipulo gusto nilang maging sila ang mas mataas kaysa sa mga ama at mga ina, at sinasabi nila na ang kanilang doktrina ay mas mataas kaysa sa doktrina ng Diyos at namimilit sila na isagawa ito nang literal, kahit na kung ito ay isang manipulasyon ng totoong Batas, mas maliit dito nang higit pa kaysa sa kaliitan ng bundok na ito kompara sa Great Hermon na nangingibabaw sa buong Palestina; at sila ay mga erehe, dahil ang ilan ay naniniwala, katulad ng paniniwala ng mga pagano, sa paglilipat-lipat ng kaluluwa at sa katalagahan ng kapalaran, habang ang iba ay tinatanggihan kung ano ang tinanggap ng mga nauna at, sa katotohanan kung hindi dahil sa epekto, kung ano ang binigay ng Diyos Mismo bilang isang prinsipyo ng pananampalataya, noong Kanyang pinaliwanag ang Kanyang Sarili na tanging ang Diyos kung Kanino ang pagsamba ay kailangan na ibigay, at noong sinabi Niya na ang mga ama at mga ina ay ikalawa lamang sa Diyos, at bilang ganito sila ay may karapatan na sundin nang higit pa sa isang guro na hindi dibino. Sapagkat kung ngayon sasabihin Ko sa inyo: “Ang mga nagmamahal sa kanilang mga ama’t ina nang higit pa sa kanilang pagmamahal sa Akin ay hindi bagay para sa Kaharian ng Diyos”, hindi Ko sinasabi iyan upang maghasik sa inyong mga isip ng kawalan-pakialam sa inyong mga kamag-anak, dahil kailangan ninyong igalang at tulungan sila, ni hindi tama na pagkaitan sila ng tulong nagsasabing: “Ito ay pera para sa Templo”, o pagkaitan sila ng pag-aruga nagsasabing: “Ang aking opisina ay pinagbabawalan ako”, o kitilin ang kanilang buhay nagsasabing: “Pinapatay ko kayo sapagkat minamahal ninyo ang Guro”, bagkus sinasabi Ko iyan upang mahalin ninyo ang inyong mga kamag-anak nang may makatarungan na pagmamahal, ibig sabihin sa pamamagitan ng pagmamahal na matiyaga at malakas sa kababaang-loob nito – nang hindi kinapopootan ang isang kamag-anak na nagkakasala at nagbibigay ng kapighatian, sapagkat hindi niya kayo sinusundan sa daan ng Buhay, ibig sabihin, sa Aking daan – sa pamamagitan ng pagmamahal na alam kung papaano mamilì sa pagitan ng Aking batas at ng pagkamakasarili at karahasan ng pamilya. Mahalin ang inyong mga kamag-anak. Sundin sila sa lahat na banal. Ngunit maging handang mamatay, hindi upang pumatay, bagkus sinasabi Ko mamatay, kung gusto nila kayong kumbinsihin na pagtaksilan ang bokasyon na binigay sa inyo ng Diyos, upang maging mga mamamayan ng Kaharian ng Diyos, na Aking ipinunta upang itatag.

Huwag gayahin ang mga eskriba at mga Pariseo, na sila mismo ay hindi magkaisa, bagama't sila ay nagkukunwang nagkakaisa. Kayo, mga disipulo ng Kristo, ay dapat na maging talagang nagkakaisa, ang bawat isa nakakaisa ang lahat na iba pa, ang mga lider bilang mabait sa kanilang nasasakupan, ang mga nasasakupan bilang mabait sa kanilang mga lider, ang lahat nagkakaisa sa pagmamahal at nasa pakay ng inyong pagkakaisa: ang masakop ang Aking Kaharian at mapasa kanang kamay Ko sa eternal na Paghuhukom. Tandaan na ang isang kaharian na hindi nagkakaisa ay hindi na isang kaharian at hindi maaaring tumagal. Maging nagkakaisa kung gayon sa isa’t isa para sa inyong pagmamahal sa Akin at para sa Aking doktrina. Gawin ang pagmamahal at pagkakaisa, pagkakapantay-pantay sa mga sinusuot na damit, komunidad ng ari-arian, pagkaka-kapatiran ng mga puso na maging ang uniporme ng Kristiyano, sapagkat iyan ang magiging pangalan ng Aking mga nasasakupan. Ang lahat para sa isa, ang isa para sa lahat. Gawin ang nagmamay-ari ng kayamanan na magbigay nang may kababaang-loob. Gawin ang walang pag-aari na tumanggap nang may kababaang-loob, at gawin silang ipaliwanag nang may kababaang-loob ang kanilang mga pangangailangan sa kanilang mga kapatid, nalalaman na sila ay mga kapatid; at gawin ang mga kapatid na pakinggan nang may-kabaitan ang mga pangangailangan ng kanilang mga kapatid pinakikiramdaman na sila ay mga kapatid sa kanila. Alalahanin na ang inyong Guro ay madalas magutom at ginawin at nagkaroon pa Siya ng di-mabilang na mga pangangailangan at mga problema at Siya, and Salita ng Diyos, ay pinaliwanag ito nang may kababaang-loob sa mga tao. Alalahanin na ang gantimpala ay binibigay sa mga maawain sa pagbigay ng kahit isang sipsip ng tubig. Alalahanin na mas mabuti ang magbigay kaysa tumanggap. Sa tatlong alalahanin na ito gawin ang mahirap na magkaroon ng lakas na humingi nang hindi nagmumukhang kaawa-awa, inaalaala na ginawa Ko ito dati, at gawin silang magpatawad, kung sila ay tinanggihan, inaalaala na maraming pagkakataon na tinanggihan ang Anak ng tao ng lugar at pagkain na binibigay sa mga aso ng mga pastol ng tupa. At gawin ang mayayaman na maging maluwag sa pagbigay ng kanilang mga kayamanan, isinasaisip na ang hamak na pera, na isinulsol ni Satanas sa mga tao na panabikan, at siyang (dahilan ng) siyam sa sampu na mga sakuna sa mundo, kung ibibigay ito dala ng pagmamahal, ay nagbabago sa pagiging isang makalangit na inmortal na hiyas-na-bato..

Magdamit sa inyong mga birtud. Gawin itong marami’t iba-iba ngunit ang Diyos lamang ang nakaaalam.  Huwag umasal katulad ng mga Pariseo na nagsusuot ng pinaka malalapad na mga plaka (sa dibdib o sa ulo) at ng pinaka mahahabang mga palawit at gusto ang harapang mga upuan sa loob ng mga sinagoga at gustong mabati nang sinusuyo sa mga liwasan ng palengke, at gustong matawag na “mga Rabbi” ng sambayanan. Iisa lamang ang inyong Guro: ang Kristo. Kayo na sa hinaharap ay ang magiging bagong mga doktor, ang Aking tinutukoy ay kayo, Aking mga apostol at mga disipulo, tandaan na Ako lamang ang inyong Guro. At Ako rin ang inyong magiging tanging Guro kapag wala na Ako sa pagitan ninyo. Sapagkat tanging ang Karunungan lamang ang nagtuturo. Kung kaya't huwag pahintulutan ang inyong mga sarili na tawaging mga guro, sapagkat kayo ay mga disipulo mismo. Huwag magkunwaring matawag na mga ama at huwag tawaging ama ang sinuman sa Lupa, sapagkat iisa lamang ang Ama ng lahat ng mga tao: ang inyong Ama Na nasa Langit. Harinawang ang katotohanan na ito ay magawa kayong marurunong sa pamamagitan ng talagang pinakikiramdaman ng lahat na kayo ay katulad ng mga magkakapatid, kapwa ang mga gumagabay at ang mga ginagabayan, kung kaya't magmahalan katulad ng mabubuting magkakapatid. At wala sa mga gumagabay ang kailangan na pahintulutan ang kanilang mga sarili na matawag na mga gabay, sapagkat iisa lamang ang inyong gabay: ang Kristo.

Gawin ang pinakamagaling sa inyo na maging inyong lingkod. Siya na siyang lingkod ng mga lingkod ng Diyos ay hindi pinahihiya ang kanyang sarili, bagkus ginagaya niya Ako, katulad na Ako ay mabait at mapagpakumbaba, laging payag na mahalin ang Aking mga kapatid sa laman ni Adan, at tulungan sila sa pamamagitan ng kapangyarihan na mayroon Ako bilang Diyos. Ni hindi sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga tao pinahiya Ko kung ano ang dibino sa loob Ko. Sapagkat siya ay isang totoong hari na alam kung papaano pangibabawan hindi labis ang mga tao, katulad ng masisimbuyong damdamin ng mga tao, una sa lahat ang katangahang pagmamalaki. Tandaan: siya na pinababába ang sarili ay itataas, at siya na itinataas ang sarili ay pabababáin.

Ang Babae Na ang tungkol Kanino ang Panginoon ay nagsalita sa ikalawang kabanata ng Genesis, ang Birhen na binanggit ni Isaiah, ang Birhen Na Ina ng Immanuel, ay prenopesiya ang katotohanang ito tungkol sa bagong mga panahon, noong inawit Niya: “Ibinaba Niya ang mga prinsipe mula sa kanilang mga trono at itinaas ang mapagpakumbaba”. Ang Karunungan ng Diyos ay nagsalita sa pamamagitan ng mga labì Niya Na siyang ang Ina ng Grasya at ang Trono ng Karunungan. At inulit Ko ang pinasiglahang mga salita na pumuri sa Akin kasama ang Ama at ang Banal na Espiritu, sa Aming magagandang gawain, nang Ako, ang Tao, ay pinoporma, nang hindi gumagawa ng pananakit sa Birhen, sa loob ng Kanyang sinapupunan nang hindi tumitigil sa pagiging Diyos. Gawin itong maging isang gabay sa mga gustong dalahin ang Kristo sa kanilang mga puso at pumunta sa Kaharian ng Kristo. Hindi magkakaroon ng Jesus: ang Tagapagligtas; walang Kristo: ang Panginoon; at hindi magkakaroon ng Kaharian ng Langit para sa mga mapagmalaki, mahahalay, idolatra, na sinasamba ang mga sarili at ang kanilang kalooban.

Kung gayon kapahamakan sa inyo, mga mapagkunwang mga eskriba at mga Pariseo, na sa akala ninyo maisasara ninyo sa pamamagitan ng inyong di-maisasagawang mga salawikain – kung ito ay pinatotohanan ng Diyos, ito ay talagang magiging di-mabubuksan na kandado para sa karamihang mga tao – na sa akala ninyo maisasara ninyo ang Kaharian ng Langit sa mukha ng mga tao na itinataas ang kanilang mga espiritu patungo rito upang makatagpo ng lakas sa kanilang masakit na pamumuhay sa lupa! Kapahamakan sa inyo na hindi pinapasok ito, na ayaw na pasukin ito, sapagkat hindi ninyo tinatanggap ang Batas ng makalangit na Kaharian, at hindi ninyo pinahihintulutan ang ibang mga tao na makapasok, habang sila ay nasa harapan ng pintong iyon, na inyong, di-makapagbatang katulad ninyo, dinagdagan ng mga kandado na hindi inilagay ng Diyos doon.

Kapahamakan sa inyo, mga mapagkunwang mga eskriba at mga Pariseo, na nangangamkam ng ari-arian ng mga balo sa ilalim ng dahilan ng pagsasagawa ng mahahabang mga panalangin. Dahil diyan tatanggap kayo ng isang mahigpit na sentensiya!

Kapahamakan sa inyo, mga mapagkunwang mga eskriba at mga Pariseo, na naglalakbay sa dagat at sa lupa, ginagamit ang mga kayamanan na hindi naman sa inyo, upang makagawa ng nag-iisang proselito, at kapag nakuha na ninyo siya, ginagawa ninyo siyang dobleng karapat-dapat sa impiyerno katulad ninyo!

Kapahamakan sa inyo bulag na mga gabay, na nagsasabi: “Kung ang isang tao ay nanumpa sa Templo, ito ay walang bisa, ngunit kung siya ay nanumpa sa ginto ng Templo, diyan sa natatalian ng kanyang pangako”. Kayo ay tanga at bulag! Alin ang mas mahalaga? Ang ginto o ang Templo na nagpapabanal sa ginto? At sinasabi ninyo: “Kung ang isang tao ay nanumpa sa altar, ito ay walang bisa, ngunit kung nanumpa siya sa alay sa altar, diyan ang kanyang pangako may bisa at siya ay natatalian nito”. Kayong bulag na mga tao! Alin ang mas dakila? Ang alay, o ang altar na nagpapabanal sa alay? Kung gayon, siya na nanunumpa sa altar, ay nanunumpa dito at sa lahat dito, at siya na nanunumpa sa Templo, ay nanunumpa dito at sa Kanya Na naninirahan dito, at siya na nanunumpa sa Langit, ay nanunumpa sa Trono ng Diyos at sa Kanya Na nakaupo rito.

Kapahamakan sa inyo, mga mapagkunwang mga eskriba at mga Pariseo, na nag-iikapu ng menta at ruda, ng anis at komino at pagkatapos kinakalimutan ninyo ang mas mabibigat na bagay ng Batas: ang katarungan, awa at pananampalataya. Ito ang mga birtud na sana isinabuhay ninyo, nang hindi binabale-wala ang ibang mas maliliit na bagay.

Kayong bulag na mga gabay, sinasala ninyo ang inyong mga inumin, kundi’y baka mahawahan kayo kapag makalunok kayo ng niknik, ngunit nilulunok ninyo ang isang kamelyo, nang hindi kayo makararamdam na kayo ay naging marumi sa paglunok nito. Kapahamakan sa inyo, mapagkunwang mga eskriba at mga Pariseo, na hinuhugasan ninyo ang labas ng inyong mga kopa at pinggan, ngunit sa panloob kayo ay puno ng pangingikil at dumi. O Bulag na Pariseo, hugasan mo muna ang loob ng iyong kopa at pinggan, upang pati ang labas ay maging malinis sana.

Kapahamakan sa inyo, mapagkunwang mga eskriba at mga Pariseo, na lumilipad sa kadiliman katulad ng mga panikì para sa inyong makasalanang mga gawain, at sa gabi nakikipagkasundo sa mga pagano, mga magnanakaw at mga traydor, at pagkatapos, sa umaga, pagkatapos na maalis ang mga tanda ng inyong patagóng mga transaksiyon, umaakyat kayo sa Templo suot ang pinong mga kasuutan.

Kapahamakan sa inyo, na nagtuturo ng mga batas ng pagkakawanggawa at katarungan na nasa Leviticus, habang kayo ay sakim, mga magnanakaw, huwad, mga maninira ng kapurian, mga maniniil, mga naghihiganti, mga napopoot, at pinalalayas pa ninyo ang mga nang-iinis sa inyo, kahit na kung sila ay sarili ninyong dugo, at hinihiwalayan ninyo ang birhen na naging asawa ninyo, at tinatanggihan ninyo ang mga bata na naging mga anak ninyo sa kanya, sapagkat sila ay mga imbalido, at dahil ayaw na ninyo sa inyong asawa, inaakusahan ninyo siya ng pangangalunya o ng pagkakaroon ng isang di-malinis na sakit, upang mawala siya sa inyo habang kayo ay di-malinis sa inyong mahahalay na puso, kahit na kung hindi kayo lumalabas na ganyan sa mga mata ng sambayanan, na hindi nagmamalay ng inyong mga ginagawa. Katulad ninyo ang pininturahang puti na mga sepulkro na nagmumukhang maganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao at ng kabulukan. Ganyan kayo. Oo. Pareho! Sa labas nagmumukha kayong matatapat na tao, ngunit sa loob puno kayo ng pagkukunwari at kawalang-hiyaán.

Kapahamakan sa inyo, mapagkunwang mga eskriba at mga Pariseo, na nagtatayo ng magagandang sepulkro para sa mga propeta at pinasisinayahan ang mga puntod ng banal na mga tao nagsasabing: “Kung nabuhay tayo noong mga araw ng ating mga ama, hindi natin sasamahan ang mga nagpadanak ng dugo ng mga propeta”. Kung gayon pinatutunayan ninyo nang laban sa inyo na kayo ang mga anak ng mga pumatay sa inyong mga propeta. At kayo, lalo na, ay tinatapos ang gawain ng inyong mga ama... Mga ahas, samahán ng mga ahas, papaano ninyo matatakasan ang masentensiyahan sa Gehenna?

Kung kaya't Ako, ang Salita ng Diyos, ay sinasabi sa inyo: Ako, Diyos ay magpapadala sa inyo ng bagong mga propeta at marurunong na tao at mga eskriba. Ang ilan ay inyong papatayin, ang ilan inyong ipapako sa krus, ang ilan inyong hahagupitin sa loob ng mga korte ng batas, sa loob ng inyong mga sinagoga, sa labas ng mga pader ng bayan, at ang ilan inyong hahanapin at hahabulin sa mga bayan, hanggang mabahiran kayo ng dugo ng makatarungan na mga tao, na pinadanak sa Lupa, mula sa dugo ng makatarungan na si Abel hanggang sa dugo ni Zachariah na anak ni Barachian, na inyong pinatay sa pagitan ng santuwaryo at ng altar, dahil para sa kabutihan ninyo pinaalalahanan niya kayo ng tungkol sa inyong kasalanan, na sana kayo ay magsisi at bumalik sa Panginoon. Iyan ay ganyan. Kinapopootan ninyo ang mga may gusto ng inyong ikabubuti at mapagmahal na pinababalik kayo sa mga landas ng Diyos.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na lahat na iyan ay mangyayari na, kapwa ang krimen at ang mga konsekwensiya nito. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang lahat na ito ay pangyayarihin sa henerasyon na ito.

O! Herusalem! Herusalem! Herusalem, ikaw na nambato sa mga pinadala sa iyo at pumatay sa iyong mga propeta! Gaano kadalas Kong minithi na ipunin ang iyong mga anak, katulad ng pag-iipon ng isang inahing manok sa kanyang mga inakay sa ilalim ng kanyang mga pakpak, at tumanggi ka! Ngayon makinig!, Herusalem! Ngayon makinig, kayo na napopoot sa Akin at kinapopootan ang lahat na nanggagaling sa Diyos. Ngayon makinig, kayo na nagmamahal sa Akin at matatangay ng kaparusahan na inilaan para sa mga taga-usig sa mga Mensahero ng Diyos. At kayo rin makinig sa Akin, kayo na hindi kasama sa sambayanan na ito, ngunit nakikinig pa rin sa Akin gayunpaman, makinig at makilala kung sino Siya Na nagsasalita sa inyo at nanghuhula nang hindi kinakailangan na pag-aralan ang paglipad, ang paghuni ng mga ibon, o ang selestiyal na mga kababalaghan, o ang mga lamang-loob ng sinakripisyong mga hayop, o ang apoy at usok ng holokausto, sapagkat ang lahat na hinaharap ay kasalukuyan para sa Kanya Na nagsasalita sa inyo. “Ang Bahay na ito ninyo ay maiiwan na walang-laman sa inyo. At sinasabi Ko sa inyo, sinasabi ng Panginoon, na hindi na ninyo Ako makikita hanggang sabihin din ninyo: ‘Mga pagpapalà sa Kanya Na naparito sa ngalan ng Panginoon’”.»

Si Jesus ay maliwanag na pagod at naiinitan, kapwa dahil sa mahabang kumukulog na talumpati at ng kaalinsanganan ng walang-hangin na araw. Nasisiksik sa pader ng isang multitud na mga tao, tinitingnang mabuti ng libu-libong mga tao, nararamdaman ang lahat na kapopootan ng mga nakikinig sa Kanya sa ilalim ng mga balkonahe ng korte ng mga Hentil, at ang lahat na pagmamahal o ang paghanga man lamang na nasa paligid Niya, hindi pinapansin ang araw na nangangapoy sa mga likod at nagpapapula sa pinagpapawisan na mga mukha, talagang nagmumukha Siyang hapô. Nangangailangan Siya ng kaginhawahan at hinahanap Niya ito nagsasabi sa Kanyang mga apostol at sa pitumpu’t dalawang mga disipulo, na katulad ng mga sinsel ay nakapagbukas ng isang mararaanan sa gitna ng pulutong at nasa unahan na hanay na, pinoporma ang isang tapat na nagmamahal na harang sa paligid Niya: «Iwanan natin ang Templo at pumunta tayo sa bukás na lugar, sa pagitan ng mga punungkahoy. Nangangailangan Ako ng lihim, katahimikan at sariwang hangin. Ang lugar na ito ay talagang tila nasusunog na sa apoy ng selestiyal na galit.»

Ipinilit nila ang kanilang sarili na makaraan nang may-kahirapan at sa gayon nakalabas sa pamamagitan ng pinakamalapit na geyt kung saan walang-mangyaring pinauuwi na ni Jesus ang maraming tao. Gusto nila Siyang sundan kahit anuman ang mangyari.

Sa pansamantala ang mga disipulo ay pinagmamasdan ang kubo ng Templo nagniningning sa araw, dahil ngayon ay halos katanghaliang-tapat, at si Juan ng Ephesus ay itinuturo ang malakas na konstruksiyon sa Guro nagsasabing: «Tingnan ang laki ng mga bato at ng konstruksiyon!»

«Datapwa't wala ni isang bato rito ang maiiwan sa ibabaw ng isa pa» tugon ni Jesus.

«Wala? Kailan? Papaano?» tanong ng marami.

Ngunit si Jesus ay hindi nagsasalita ng kahit ano. Bumaba Siya patungo sa Moriah at mabilis na iniwan ang bayan, dumaraan sa Ophel at sa Gate of Ephraim o Dung Gate at naninilungan una sa kakapalan ng King’s Garden, ibig sabihin hanggang sa ang mga namilit na sumunod sa Kanya bukod sa mga apostol at mga disipulo, ay nakaalis nang unti-unti nang si Manaen, na napabuksan na ang mabigat na mga geyt, ay lumapit nang kagulat-gulat at nagsabi sa lahat: «Umalis kayo. Walang makakapunta rito maliban ang mga pinahintulutan ko.»

Kaliliman, katahimikan, mga halimuyak ng mga bulaklak, ang amoy ng alkampor at mga yerba, ng kanela, ng lavender at di-mabilang na iba pang nangangamoy na mga yerba, ang paglaguklok ng mga agos ng tubig na tinutustusan ng kalapit na mga pontanya at mga tangke, sa ilalim ng mga galeriya ng mga dahon, ang paghuni ng mga ibon ay nagagawa ang lugar na isang mala-paraisong pahingahan. Ang bayan ay tila milya-milya ang layo, kasama ang makikipot na kalsada nito, madilim dahil sa maraming arko o maaraw hanggang sa punto na nakakasilaw, kasama ang mga amoy nito at ang baho ng mga kanal, na hindi laging malinis, at ng mga kalsada kung saan napakaraming kuwadrupedo ang dumaraan na hindi ito malilinisan, lalo na ang hindi masyadong mahalagang mga kalsada.

Ang nangangasiwa ng mga hardin ay maaaring kilalang-kilala si Jesus, sapagkat binabati niya Siya nang magalang at may-kasanayan din, at si Jesus ay kinukumusta ang kanyang asawa at mga anak.

Ang mama ay gustong bigyan si Jesus ng pag-aruga sa loob ng kanyang bahay, ngunit mas ginusto ng Guro ang sariwang nakapagpapahingang kapayapaan ng malaking King’s Garden, isang tunay na parke ng kasiyahan. At bago umalis ang dalawang walang-kapaguran at napakatapat na mga katulong ni Lazarus upang kunin ang basket ng mga makakain, sinabi ni Jesus sa kanila: «Sabihin sa inyong mga sinyora na pumunta rito. Mananatili kami rito nang kaunting mga oras kasama ang Aking Ina at ang matatapat na mga babaeng disipulo. At magiging napakaganda nito...»

«Pagod na pagod Kayo, Guro! Makapagsasabi ang isa tinitingnan ang Inyong mukha» wika ni Manaen.

«Oo. Labis-labis na Ako ay nawalan ng sapat na lakas upang magpatuloy pa.»

«Ngunit inalok ko sa Inyo ang mga hardin na ito nang makailang beses noong nakaraang mga araw. Nalalaman Ninyo kung gaano ako nasisiyahan na bigyan Kayo ng kapayapaan at kaginhawahan!»

«Alam Ko, Manaen.»

«At kahapon ginusto Ninyong pumunta sa malungkot na lugar na iyon! Ang kapaligiran niyon ay napaka tigang at nakapagtatakang walang mga tanim sa taon na ito! At napakalapit nito sa malungkot na geyt na iyon!»

«Ginusto Kong mapagbigyan ang Aking mga apostol. Katulad nila ang maliliit na bata. Malalaki-nang bata. Tingnan kung gaano silang nagpapalakas ng kanilang mga sarili!... Nakalimutan na nila kaagad kung ano ang pinaplano laban sa Akin sa kabila ng mga pader na iyon...»

«At nakalimutan na nila na Kayo ay malungkot na malungkot... Ngunit wala sa aking palagay na may magandang rason upang matakot. Ang lugar ay tila mas mapanganib noong ibang mga okasyon.»

Si Jesus ay tinitingnan siya at nananahimik. Gaano kadalas sa mga huling araw na ito na nakita ko si Jesus na titingin at mananahimik nang ganyan!

Pagkatapos si Jesus ay nakabuhos ang pagtingin sa mga apostol at mga disipulo, na mga nag-alis ng kanilang mga takip sa ulo, manta at sandalyas, pinalalamigan ang kanilang mga mukha at mga galamay sa sariwang mga sapâ, ginagaya ng marami sa pitumpu’t dalawang mga disipulo, na, sa katunayan, sa palagay ko ay mas marami pa ngayon, at mga, bilang nagkakaisa sa pagkakapatiran na mga ideal, ay nakahiga, nagpapahinga dito at doon, sa tabi nang kaunti, upang makapagpahinga nang mapayapa si Jesus.

Si Manaen ay umalis din iniiwan si Jesus nang nag-iisa. Ang lahat ay nirerespeto ang pagpapahinga ng Guro, Na pagod na pagod at nanilungan sa ilalim ng isang napakakapal na balag ng isang hasmin na nasa pamumulaklak, kinorteng katulad ng isang kubo at nangungulila sa loob ng nakapaikot na umaagos na tubig sa isang maliit na kanal na sa ibabaw ito ay may nakabitin na damo at mga bulaklak. Isang tunay na mapayapang kanlungan na nararating sa pamamagitan ng isang maliit na tulay dalawang palmera ang lapad at apat nito ang haba, ang mga barandilya nito ay lahat natatakpan ng isang girnalda ng mga korola ng hasmin.

Ang mga katulong ay bumalik at dumami sila, sapagkat si Martha ay gustong maasikaso ang lahat na mga lingkod ng Panginoon, at sinabi nila na ang mga babae ay darating na.

Si Jesus ay pinatawag si Pedro at sinabi sa kanya: «Kasama ang Aking kapatid na si Santiago magpala, mag-alay at mamigay ng pagkain katulad ng ginagawa Ko.»

«Ipamimigay ko iyon, ngunit hindi ko iyon pagpapalain. Ito ay para sa Inyo na ito ay Inyong ialay at pagpalain, hindi para sa akin.» 

«Noong ikaw ay ang ulo ng iyong mga kasamahan at malayo sa Akin, hindi mo ba ito ginawa?»

«Oo, ginawa ko. Ngunit noon ako ay napilitan na gawin iyon. Ngayon Kayo ay kasama namin, at ito ay para sa Inyo na pagpalain ito. Sa aking palagay ang lahat ay naglalasang masarap kapag inalay Ninyo ito para sa atin at pinamimigay Ninyo...» at ang matapat na si Simon ay niyayapos ang kanyang Jesus, Na nakaupo nagmumukhang pagod na pagod sa loob ng lilim, at iniyuyuko niya ang kanyang ulo sa ibabaw ng Kanyang balikat, masaya na nayayakap at nahahalikan niya Siya nang gayon...

Si Jesus ay tumayo at pinagbibigyan Niya siya. Pumunta Siya pagawi sa mga disipulo, nag-aalay Siya, nagpapalà, nag-aabot ng pagkain, Pinapanood Niya sila na kumakain nang masasaya at nagsabi sa kanila: «Pagkatapos maaari na kayong matulog, magpahinga habang may oras, upang makapanatili kayong gising at makapagdasal kung kakailanganin ninyong gawin iyan, at ang pagod at kapaguran ay hindi sana mapabigat ang inyong mga mata at espiritu ng kaantukan, kung kailan kinakailangan ninyong maging handa at gising na gising.»

«Hindi ba Kayo mananatiling kasama namin? Hindi ba Kayo kakain?»

«Hayaan ninyo Akong makapagpahinga. Iyan lamang ang kailangan Ko. Kumain kayo, kumain!» Hinahaplos Niya ang Kanyang nadaraanan at bumalik Siya sa Kanyang lugar...

May-kabaitan at may-kagiliwan ang pagdating ng Ina sa malapit sa Kanyang Anak. Si Maria ay lumalapit nang walang pag-alinlangan, sapagkat si Manaen, na bilang hindi masyadong pagod katulad ng iba, ay siyang nagbabantay sa geyt, ay itinuro sa Kanya ang kinaroroonan ni Jesus. Ang iba pang mga babaeng disipulo, ang lahat na mga Hebreo ay naroroon, at sa lahat na mga Romano si Valeria lamang ang naroroon, ay tumigil nang sandali at nananahimik upang hindi magísing ang mga disipulong mga natutulog sa lilim ng madadahon na mga punungkahoy, katulad ng mga tupang nakahiga sa damo sa katanghalian.

Si Maria ay pumupunta sa ilalim ng balag ng hasmin nang hindi ginagawa ang maliit na tulay na kahoy o ang mga graba sa lupa na mag-ingay, at mas lalo pang nagdadahan-dahan nang paglapit sa Kanyang Anak, Na, napangibabawan ng pagkapagod, ay nakatulog na ang Kanyang ulo nasa batong mesa na inilagay doon, ang Kanyang kaliwang kamay ginagamit bilang kutson sa ilalim ng Kanyang mukha natatakpan ng Kanyang buhok. Si Maria ay nakaupong matiyaga malapit sa Kanyang pagod-na-pagod na Anak. At pinagninilay-nilayan Niya Siya... nang napakalabis... at ang isang namimighating ngiti ay lumitaw sa Kanyang mga labì, habang ang mga luha ay walang-ingay na bumabagsak sa Kanyang lapi; ngunit kung ang Kanyang mga labì ay sarado at tahimik, ang Kanyang puso ay nananalangin nang buong-lakas na mayroon Siya, at ang lakas ng panalangin na iyon at ng inspirasyon na iyon ay makikita sa aktitud ng Kanyang mga kamay na magkakapit nang mahigpit upang hindi manginig sa ibabaw ng Kanyang lapi, subalit napanginginig nang kaunti. Mga kamay na napaghihiwalay lamang sa pagtaboy sa isang langaw na mapilit na gustong humapon sa Kanyang natutulog na Anak at baka makapanggising sa Kanya.

Ito ay ang Ina Na nagbabantay sa Kanyang Anak. Ang huling tulog ng Kanyang Anak na Kanyang mababantayan. At kung ang mukha ng Ina, sa Miyerkules na ito bago ang Paskuwa, ay iba kaysa sa mukha ng Ina sa Kapanganakan ng Panginoon, ito ay dahil pinamumutla ito at sinisira ito ng kalungkutan, ang magiliw na nagmamahal na kadalisayan ng Kanyang sulyap, ang nananabik na pag-aasikaso ay katulad din noong Siya, niyuyukuan ang sabsaban sa Bethlehem, ay pinoprotektahan nang may pagmamahal ang unang di-komportableng tulog ng Kanyang Sanggol.

Si Jesus ay gumalaw, at si Maria ay mabilis na pinunasan Niya ang Kanyang mga mata, upang ang Kanyang Anak ay hindi makita ang Kanyang mga luha. Ngunit si Jesus ay hindi gumising. Binago lamang Niya ang pusisyon ng Kanyang mukha, ibinaling ito sa kabila, at si Maria ay pinagpatuloy ang Kanyang kawalang-paggalaw at ang Kanyang pagbabantay.

Ngunit may dumurog sa Kanyang puso: napakinggan Niya si Jesus na umiiyak sa Kanyang tulog at binubulong ang pangalan ni Judas, nang may-kalabuan na bulong, dahil nagsasalita Siya na ang Kanyang bibig nakadiin sa Kanyang braso at damit...

Si Maria ay tumayo, nilalapitan Niya ang Kanyang Anak at niyuyukuan Siya. Sinusundan Niya ang Kanyang malabong pagbulong, na ang Kanyang mga kamay nakadiin sa Kanyang puso. Ang pagsasalita ni Jesus, bagama't putul-putol subalit masusundan pa rin, ay nagawa si Maria na maintindihan Niya na si Jesus ay nananaginip, at pinananaginipan muli ang kasalukuyan, ang nakaraan at pagkatapos ang hinaharap din, hanggang nagising Siya nang may-pagkagulat, na tila ibig Niyang matakasan ang isang nakakatakot na bagay. Ngunit natagpuan Niya ang dibdib ng Kanyang Ina, ang mga bisig ng Kanyang Ina, ang ngiti ng Kanyang Ina, ang magiliw na tinig ng Kanyang Ina, ang Kanyang halik, ang Kanyang haplos, ang magaang pagkakadikit ng Kanyang belo, na sa pamamagitan nito pinunas Niya ang Kanyang mga luha at pawis sa Kanyang mukha, habang sinasabi Niya sa Kanya: «Hindi maganda ang Iyong pagkakaupo, at Ikaw ay nananaginip... Basa Ka ng pawis at pagod Ka, Anak» At inaayos Niya ang gusot na buhok ni Jesus, pinupunasan Niya ang Kanyang mukha at hinahalikan, niyayakap Siya, hinahawakan Siya sa Kanyang puso dahil hindi na Niya Siya mapauupo sa Kanyang lapi, katulad noong Siya ay isa pa lamang sanggol.

Si Jesus ay ngumingiti sa Kanya nagsasabing: «Kayo ay laging ang Ina. Ang isa na nagpapaginhawa. Ang isa na naggagantimpala para sa lahat. Aking Ina!»

Ginagawa ni Jesus na makaupo si Maria sa malapit sa Kanya pinapatong ang Kanyang kamay sa mga tuhod ni Maria, at kinukuha ni Maria ang Kanyang mahabang kamay, napakalambot subalit napakalakas, ang kamay ng isang karpintero, sa Kanyang maliliit na kamay, hinahaplus-haplos Niya ang mga daliri nito at ang likod nito, pinagiginhawahan ang mga ugat na namagâ habang nakabitin sa Kanyang pagtulog. At sinisikap Niyang mailigaw ang Kanyang atensiyon...

«Kami ay naparito. Kaming lahat ay naririto. Si Valeria rin. Ang iba pa ay nasa Antonia. Sila ay kailangan ni Claudia, dahil “siya ay malungkot na malungkot” sabi ng kanyang napalayang alipin na babae. Sabi niya, hindi ko alam kung bakit, na may kutob siya tungkol sa labis na iyakan. Mga pamahiin!... Diyos lamang ang nakaaalam kung ano ang mangyayari...»

«Nasaan ang mga babaeng disipulo?»

«Sa banda roon, sa pamasukan ng mga Hardin. Gusto ni Martha na makapaghanda ng nakapagpapaginhawa at nakapagpapalakas na pagkain at mga inumin, iniisip kung gaano Kayo napagod. Ngunit Ako, tingnan, laging gusto Mo ito, at dinala Ko ito sa Iyo. Aking ambag. May mas masarap na lasa iyan sapagkat ginawa iyan ng Iyong Ina.» Pinakikita Niya sa Kanya ang ilang pulot at isang tinapay kung saan ipinapahid Niya ang pulot at iniaabot Niya sa Kanyang Anak at nagsasabing: «Katulad ng madalas nating gawin sa Nazareth, kapag nagpapahinga Ka sa loob ng pinakamainit na mga oras, at kapag gumigising Ka nang naiinitan, at madalas Akong dumating galing sa malamig na gruta dala ang pagkaing ito...» Siya ay tumigil sapagkat ang Kanyang tinig ay nanginginig.

Ang Kanyang Anak ay tinitingnan Siya at pagkatapos nagsabi: «At kapag naroroon si Jose, nagdadala Kayo ng mga pagkain para sa dalawa at ng malamig na tubig ng porosong banga na binabad Ninyo sa dumadaloy na tubig upang ito’y maging mas malamig at lalo pang nagiging mas malamig sa pamamagitan ng mga tangkay ng layas na menta na Inyong inilalagay dito. Gaano karaming menta ang naroroon doon, sa ilalim ng mga puno ng olibo! At gaano karaming mga pukyutan ang naroon sa mga bulaklak ng menta! Ang ating pulot ay laging naglalasa nang kaunti ng amoy na iyon...» Siya ay nag-iisip... Siya ay nakakaalaala...

«Nakita namin sa Alfeo, alam Mo? Si Jose ay naaantala sapagkat ang isa sa kanyang mga anak ay hindi mabuti ang pakiramdam. Ngunit siya ay tiyak na mapupunta rito bukas kasama si Simon. Si Salome ni Simon ang tumitingin sa ating bahay at sa bahay ni Maria.»

«Inay, kapag Kayo ay ganap na nag-iisa na, sino ang makakasama ninyo?»

«Kung sinuman ang sabihin Mo sa Akin, Anak. Sinunod Kita, Anak, bago Ka napunta sa Akin, magpapatuloy Akong gawin iyan pagkatapos na maiwanan Mo Ako.» Ang Kanyang tinig ay nanginginig, ngunit ang isang may-kabayanihang ngiti ay nasa Kanyang mga labì.

«Alam Ninyo kung papaano sumunod. Gaano kapahi-pahinga ang makasama Kayo! Sapagkat, kita Ninyo, Inay? Ang mundo ay hindi makaintindi, ngunit nakapagpapahinga Ako nang ganap kasama ang masunuring mga tao... Oo. Ang Diyos ay nakapagpapahinga kasama ang mga masunurin. Ang Diyos ay hindi sana kinailangan na maghirap, magpakapagod, kung ang pagsuway ay hindi nakarating sa mundo. Ang lahat ay nangyari sapagkat ang tao ay sumuway. Iyan kung bakit may kapighatian sa mundo... Iyan ang dahilan ng Ating kalungkutan.»

«At ng Atin ding kapayapaan, Jesus. Sapagkat nalalaman natin na ang ating pagsunod ay nakapagpapaginhawa sa Eternal na Ama. O! lalo na para sa Akin, kung ano ang kaisipan na iyan! Ako, isang nilikha, ay pinagkalooban na makaaliw sa Aking Tagapaglikha!»

«O! Lugod ng Diyos! Hindi Ninyo nalalaman, o lugod Namin, kung ano ang ibig-sabihin ng Inyong salita sa amin! Nahihigitan nito ang armoniya ng Selestiyal na mga Koro!... Pinagpala! Pinagpala Kayo, dahil tinuturo Ninyo sa Akin ang huling pagsunod, at sa pamamagitan ng kaisipan Ninyong ito ginagawa Ninyong kaaya-aya para sa Akin na papangyarihin ito!»

«Hindi Mo kailangan na maturuan Ko, Aking Jesus. Natutunan Ko ang lahat sa Iyo.»

«Si Jesus ni Maria ng Nazareth, ang Tao, ay natutunan ang lahat sa Inyo.»

«Iyon ay ang Iyong liwanag na lumabas mula sa Akin. Ang Liwanag na Ikaw nga at na siyang dumating mula sa Eternal na Liwanag, pinuksa sa pagkataong hitsura... Ang mga kapatid na lalaki ni Johanna ay sinabi sa Akin ang tungkol sa talumpating Iyong ginawa. Sila ay labis na nasisiyahan nang may-paghanga. Bumigkas Ka ng mapapait na salita laban sa mga Pariseo...»

«Iyon ang oras ng kataastaasang mga katotohanan, Inay. Nananatiling patay ng mga katotohanan iyon sa kanila. Ngunit iyon ay magiging buháy na mga katotohanan para sa iba. At kailangan Kong makipaglaban nang may pagmamahal at kahigpitan sa huling labanan na ito upang maagaw sila mula sa Kasamaan.»

«Iyan ay totoo. Sinabi nila sa Akin na si Gamaliel, na kasama ang ibang mga tao sa isa sa mga bulwagan sa mga balkonahe, ay nagsabi sa katapusan, habang marami ang nababalisa: “Kapag ayaw ng isa na mapagalitan, ang isa ay kumikilos nang matuwid” at siya ay umalis pagkatapos ng sinabing iyon.»

«Natutuwa Ako na ang rabbi ay napakinggan Ako. Sino ang nagsabi sa Inyo?»

«Si Lazarus ang nagsabi. At siya ay nasabihan ni Eleazar, na nasa bulwagan kasama ang ibang mga tao. si Lazarus ay dumating sa katanghalian. Binati niya kami at umalis ulit nang hindi pinakikinggan ang kanyang mga kapatid na gusto siyang pigilan hanggang paglubog ng araw. Sinabi niya sa kanila na ipadala si Juan, o kung sinuman, upang kunin ang mga prutas at mga bulaklak na iyon, na tamang-tama lamang.»

«Ipadadala Ko si Juan bukas.»

«Si Lazarus ay dumarating araw-araw. Ngunit si Maria ay nagagalit sapagkat sabi niya siya ay parang isang multo. Aakyat siya sa Templo, darating siya, magbibigay ng mga tagubilin at aalis ulit.»

«Si Lazarus din ay alam kung papaano sumunod. Sinabi Ko sa kanya na ganyan ang gawin, sapagkat sila ay naghihintay nang patago rin para sa kanya. Ngunit huwag sabihin sa kanyang mga kapatid. Walang mangyayari sa kanya. At ngayon pumunta na tayo sa mga babaeng disipulo.»

«Huwag Kang gumalaw. Tatawagin Ko sila. Ang mga disipulo ay lahat tulog...»

«At pababayaan natin silang makatulog. Hindi sila masyadong natutulog sa gabi, sapagkat tinuruan Ko sila sa kapayapaan ng Gethsemane.»

Si Maria ay lumabas at bumalik kasama ang mga babae, na tila gumaan ang kanilang mga timbang, napakagaan ng kanilang mga yapak. Binabati nila Siya nang may malalim na paggalang. Tanging si Maria ni Clopas lamang ang kilalang-kilala.

At mula sa isang malaking bag kinukuha ni Martha ang isang maliit na porosong amphora, habang mula sa isang plorera, na poroso din, kumukuha si Maria ng sariwang prutas na galing sa Bethany, at inilalagay ito sa mesa katabi ng inihanda ng kanyang kapatid, ibig sabihin isang malutong na makakapagpaganang inihaw na kalapati, at nakikiusap siya kay Jesus na tanggapin iyon nagsasabing: «Kainin ito. Ito ay nakakapagpalakas. Inihanda ko ito mismo.»

Si Johanna sa halip ay nagdala ng ilang sukang gawa sa rosas. Nagpapaliwanag siya: «Nakapagpapalamig ito nang husto sa unang maiinit na araw na ito. Ginagamit din iyan ng aking asawa kapag siya ay pagod pagkatapos ng matagal na pangangabayo.»

«Kami ay wala» sabi nina Maria Salome, Maria Clopas, Susanna at Eliza humihingi nang paumanhin. At sina Nike at Valeria naman ay nagsabi: «Ni kami rin. Hindi namin alam na kailangan namin na pumarito.»

«Naibigay ninyo sa Akin ang lahat ng inyong mga puso. Sapat na iyan para sa Akin. At bibigyan pa ninyo Ako...»

Kumuha Siya ng ilang pagkain, ngunit higit sa lahat iniinom Niya ang malamig na may-pulot na tubig na ibinuhos ni Martha para sa Kanya mula sa porosong amphora at kinakain Niya ang sariwang prutas, isang tunay na pampalamig para sa Pagod na Isa.

Ang mga babaeng disipulo ay hindi masyadong nagsasalita. Tinitingnan nila Siya habang kumakain Siya nang ilang mga pamawing-gutom. Sa kanilang mga mata ay may pagmamahal at pag-alala. At si Eliza ay bigla na lamang umiyak, at humihingi ng paumanhin nagsasabing: «Hindi ko alam. Ang aking puso ay napabibigatan ng kalungkutan...»

«Ang mga puso nating lahat ay ganyan. Kahit na si Claudia sa loob ng kanyang palasyo...» sabi ni Valeria.

«Sana ngayon ay Pentekostes na» bulong ni Salome.

«Ako sa halip ay gusto kong tumigil ang oras sa oras na ito» sabi ni Maria ng Magdala.

«Magiging makasarili ka, Maria» tugon ni Jesus.

«Bakit, Rabboni?»

«Sapagkat gugustuhin mo ang lugod ng iyong pagkakatubos na para sa iyo lamang. May milyun-milyon na mga tao ang naghihintay para sa oras na ito, o matutubos dahil sa oras na ito.»

«Totoo iyan. Hindi ko naiisip ang tungkol diyan...» tinutungo niya ang kanyang ulo, kinakagat ang kanyang mga labì upang maitago ang mga luha sa kanyang mga mata at ang panginginig ng kanyang mga labì. Ngunit siya lagi ang matapang na nakikibaka, at sinabi niya: «Kung darating Kayo bukas, maisusuot Ninyo ang tunika na pinadala Ninyo sa akin. Bago na iyon at malinis, karapat-dapat ng hapunan ng Paskuwa.»

«Darating Ako... Wala ba kayong sasabihin sa Akin? Kayo ay tahimik at nahihirapan. Ako ba ay hindi na si Jesus?...» Nginingitian Niya ang mga babae nang nagpapalakas ng loob.

«O! Ikaw pa rin! Ngunit Ikaw ay napakadakila sa mga araw na ito na hindi na Kita makita bilang ang maliit na bata na madalas kong kargahin!» bulalas ni Maria ni Alfeo.

«Ni hindi ko na Kayo makita bilang ang simpleng rabbi na madalas pumunta sa aking kusina naghahanap kay Juan at Santiago» sabi ni Salome.

«At lagi ko Kayong kilalang bilang: ang Hari ng aking kaluluwa!» Pagproklama ni Maria ng Magdala.

At si Johanna ay may-pagpapakumbaba at may-kagiliwan na nagsabi: «At ako rin: dibino, mula pa noong panaginip kung saan Kayo ay nagpakita sa akin, noong ako ay namamatay, upang tawagin ako sa Buhay.»

«Panginoon, naibigay Ninyo sa amin ang lahat. Ang lahat!» sabi nang may isang pagbuntung-hininga ni Eliza, na nakapanumbalik sa kanyang sarili katinuan.

«At naibigay ninyo sa Akin ang lahat.»

«Napakaliit!» tugon nilang lahat.

«Ang posibilidad na makapagbigay ay hindi magtatapos pagkaraan ng oras na ito. Titigil lamang ito kapag kayo ay kasama Ko na sa Aking Kaharian. Aking tapat na mga babaeng disipulo. Hindi kayo uupo sa tabi Ko, sa labindalawang mga trono upang husgahan ang labindalawang mga tribu ng Israel, ngunit aawit kayo ng mga hosana kasama ang mga anghel, binubuo ng isang koro ng karangalan para sa Aking Ina, at pagkatapos, katulad ngayon, ang puso ng Kristo ay makatatagpo ng lugod nito sa pagninilay-nilay sa inyo.»

«Ako ay bata pa! Matagal pa bago ako makataas sa Inyong Kaharian. Masayang Annaleah!» sabi ni Susanna.

«Ako ay matanda na, at masaya na maging ganito. Sana ang aking kamatayan ay malapit na» sabi ni Eliza.

«Nasa Akin ang aking mga anak... Ibig kong paglingkuran ang mga lingkod na ito ng Diyos!» sabi ni Maria ni Clopas nang may isang buntung-hininga.

«Huwag Ninyo kaming kalimutan, Panginoon!» sabi ni Maria ng Magdala nang may pigíl na pananabik, sasabihin ko nang may isang sigaw ng kanyang kaluluwa, labis ang panginginig ng kanyang tinig, mahigit pa nga sa isang sigaw, bagama't pinananatili itong mahina upang hindi magising ang mga natutulog.

«Hindi Ko kayo kalilimutan. Darating Ako. Ikaw, Johanna, alam mo na makakapunta Ako kahit na kung Ako ay nasa malayo... Ang iba ay kailangan na paniwalaan iyan. At mag-iiwan Ako ng isang bagay sa inyo... isang misteryo na magpapanatili sa Akin sa inyo at kayo sa Akin, hanggang magkasama-sama tayong muli, kayo at Ako, sa loob ng Kaharian ng Diyos. Humayo na ngayon. Maaaring sabihin ninyo na hindi Ako nagsalita sa inyo ng labis, na ito ay halos walang kabuluhan na ginawa kayong pumunta para sa napakakaunti. Ngunit ginusto Kong mapasa-kapaligiran Ko ang mga puso na nagmahal sa Akin nang walang pagkamakasarili. Alang-alang sa Akin: para kay Jesus. Hindi para sa hinaharap na Hari ng Israel Na pinangarap ng sambayanan. Lakad na. At pagpalain sana kayong muli. Ang iba ring mga babaeng disipulo na mga wala rito, ngunit iniisip Ako nang may pagmamahal: sina Anna, Myrtha, Anastasica, Naomi, at ang nasa-malayong si Sintike, at si Photinai, at si Aglae at si Sarah, si Marcella, ang mga anak na dalaga ni Felipe, si Mirjiam ni Jairus, ang mga birhen, ang natubos na mga babae, ang mga asawa, ang mga ina na mga pumunta sa Akin, na naging mga kapatid at mga ina sa Akin, mas mabuti, o! mas higit na mabuti kaysa sa pinakamabubuting mga lalaki!... Lahat sila! Pinagpapala Ko silang lahat. Ang grasya ay nagsisimula nang bumaba, grasya at kapatawaran, sa mga babae, sa pamamagitan ng pagpapalà Kong ito. Lakad...»

Pinauuwi Niya sila pinipigilan ang Kanyang Ina, kung Kanino sinasabi Niya: «Bago gumabi mapupunta Ako sa mansiyon ni Lazarus. Kailangan Ko Kayong makita muli. Si Juan ay makakasama Ko. Ngunit Ako lamang ang may kailangan sa Inyo, Inay, at sa iba pang mga Maria, si Martha at si Susanna. Ako ay pagod na pagod...»

«Kami lamang ang mapupunta. Paalam, Anak...»

Nagpalitan sila ng halik at naghiwalay... Si Maria ay lumayo nang unti-unti. Siya ay lumingon bago lumabas. Siya ay lumingon bago iwanan ang maliit na tulay. Siya ay lumingon muli, hangga't makikita Niya si Jesus... Siya ay tila hindi makahiwalay sa Kanya...

Si Jesus ay nag-iisa na muli. Siya ay tumayo at lumabas. Lumabas Siya at tinawag si Juan, na natutulog nakadapa sa mga bulaklak, katulad ng isang maliit na bata, at iniabot Niya sa kanya ang maliit na amphora na may sukang gawa sa rosas na dinala ni Johanna sa Kanya, nagsasabi sa kanya: «Pupunta tayo sa Aking Ina ngayong gabi. Ngunit tayo lamang dalawa.»

«Naintindihan ko. Dumating ba sila?»

«Oo, dumating sila. Mas ginusto Kong huwag kang gisingin...»

Tama ang nagawa Ninyo. Ang Inyong lugod ay maaaring naging mas malaki. Alam nila kung papaano nila Kayo mahalin nang mas mabuti pa kaysa sa amin...» sabi ni Juan nang may kalungkutan.

«Sumama ka sa Akin.» Si Juan ay sinusundan Siya. «Anong nangyayari sa iyo?» Si Jesus ay tinatanong siya, noong sila ay nasa loob na muli ng berdeng malabong liwanag ng balag, kung saan mayroon pang ilang mga tira ng pagkain.

«Guro, kami ay masamang-masama. Lahat kami. Walang pagsunod sa amin... at walang mithiin na makasama Kayo. Pati si Pedro at si Simon ay umalis. Hindi ko alam kung saan. At si Judas kung gayon ay nakakita ng pagkakataon na maging palaaway.»

«Si Judas ba ay umalis din?»

«Hindi, Panginoon. Hindi siya umalis. Sinasabi niya na walang pangangailangan sa kanya na umalis, na siya ay walang mga kasabwat sa aming mga intriga na sumubok at makakuha ng proteksiyon para sa Inyo. Ngunit kung ako ay pumunta kay Annas, kung ang iba ay nakapunta sa mga Galilean na mga naririto, iyon ay hindi para sa masamang pakay!... At hindi sa palagay ko na si Simon ni Jonas at si Simon Zealot ay makagagawa ng patagong mga intriga...»

«Hindi na bale. Sa katunayan si Judas ay hindi kailangan na umalis habang kayo ay nagpapahinga. Alam niya kung kailan at kung saan pupunta upang gawin ang kailangan niyang gawin.»

«Kung gayon bakit siya nagsasalita nang gayon? Hindi iyon maganda, sa presensya ng mga disipulo!»

«Hindi iyon maganda. Ngunit ganyan iyan. Magsaya, Aking kordero.»

«Ako, Inyong kordero?» Walang ibang Kordero bagkus Kayo!»

«Oo. Ikaw. Ako, ang Kordero ng Diyos, at ikaw, ang kordero ng Kordero ng Diyos.»

«O! sinabi na Ninyo sa akin ang salitang iyan sa ibang okasyon, iyon ay ang unang mga araw na nakasama Ninyo ako. Noon ay tayo lamang dalawa, katulad ngayon, sa pagitan ng mga tanim, katulad ngayon, at nasa magandang panahon.» Si Juan ay nagagalak sa pagsasariwa. At siya ay bumubulong: «Ako pa rin, ako pa rin ang kordero ng Kordero ng Diyos...»

Si Jesus ay hinahaplos siya. At inaalok Niya siya ng ilan sa inihaw na kalapati, naiwan sa ibabaw ng isang pergamino na ipinambalot dito. Pagkatapos Siya ay nagbukas ng ilang makatas na mga igos para sa kanya at inialok ito sa kanya, masayang nakikita siya na kinakain ito. Si Jesus ay naupong patagilid sa gilid ng mesa at tinitingnan si Juan nang husto na ang huli ay nagtanong: «Bakit Ninyo ako tinitingnan nang ganyan? Dahil kumakain ako katulad ng isang matakaw?»

«Hindi. Sapagkat katulad mo ang isang bata... O! Aking minamahal! Gaano kita minamahal dahil sa iyong puso!» at si Jesus ay yumuyuko upang halikan ang magandang ulo ng apostol at nagsabi sa kanya: «Manatiling ganyan, laging ganyan, na ang iyong puso walang pagmamalaki at malisya. Ganyan, sa loob din ng mga oras ng laganap na kabangisan. Huwag gayahin ang mga nagkakasala, Aking bata.»

Si Juan ay napanghawakan muli ng kanyang pag-aalala at sinabi niya: «Hindi ako makapaniwala na sina Simon at Pedro...»

«Talagang magkakamali ka kung iisipin mo na sila ay mga makasalanan. Inumin mo ito. Iyan ay mabuting sariwang inumin. Si Martha ay inihanda iyan... Ngayon mabuti-buti na ang iyong pakiramdam. Natitiyak Ko na hindi ka nakatapos ng iyong pagkain...»

«Iyan ay totoo. Nagsimula akong umiyak, Sapagkat, habang kinapopootan tayo ng mundo, maiintindihan ng isa. Ngunit na ang isa sa amin ay magpapakahulugan...»

«Kalimutan mo ang tungkol diyan. Ikaw at Ako ay nalalaman na si Simon at ang Zealot ay dalawang matatapat na tao. At iyan ay sapat na. At, sa kasawiang-palad, alam mo na si Judas ay isang makasalanan. Ngunit manahimik ka tungkol diyan. Ngunit kapag maraming lustra¹ na ang nakaraan at ito ay upang maibunyag lamang kung gaano naging kalalim ang Aking kalungkutan, diyan mo sasabihin din kung ano ang Aking ipinaghirap dahil sa kagagawan ng taong iyon, bukod sa mga kagagawan ng apostol na iyon. Tayo na. Panahon na na iwanan ang lugar na ito at pumunta sa Parang ng mga Galilean at...»

«Mananatili rin ba tayo doon ngayong gabi? At tayo ba ay pupunta muna sa Gethsemane? Ibig itong malaman ni Judas. Sinasabi niya na sawa na siya ng nakalantad sa hamog, nang may kakaunti at di-komportableng pahinga.»

«Malapit nang matapos iyan. Ngunit hindi Ko sasabihin kay Judas kung ano ang binabalak Kong gawin...»

«Hindi Kayo obligado. Kayo ito Na kailangan na gumabay sa amin, at hindi kami ang kailangan na gumabay sa Inyo.» Si Juan ay napakalayo na magtaksil na ni hindi niya naiintindihan ang rason ng kahinahunan kung bakit si Jesus sa loob ng matagal-tagal na mga araw ay hindi kailanman nagbabanggit kung ano ang kanyang binabalak na gawin.

Sila ay nasa pagitan na ng natutulog na mga disipulo. Tinawag nila sila. Sila ay gumising. Si Manaen, na naisagawa ang kanyang kailangang gawin, ay humihingi ng paumanhin sa Guro sa hindi niya pananatili, at sa hindi niya Siya nakasama sa Templo noong sumunod na araw, sa dahilan na kinailangan niyang manatili sa palasyo. At sa pagsasabi nito tinititigan niya sina Pedro at Simon, na sa pansamantala ay nakabalik na, at si Pedro ay tumango kaagad, na tila upang sabihin: «Naintindihan ko.»

Sila ay lumabas sa mga Hardin. Mainit pa rin ngayon at ang araw ay sumisikat pa rin. Ngunit ang gabing ihip ng hangin ay pinalalamig nang kaunti ang init at tinataboy ang ilang maliliit na ulap sa malinaw na kalangitan.

Umakyat sila pagawing Siloam, iniiwasan ang mga lugar ng mga ketongin, ngunit si Simon ay lumakad upang dalhin ang tira ng kanilang pagkain sa kakaunting ketongin na naroroon pa at hindi naniwala kay Jesus.

Si Matthias, ang dating pastol, ay nilapitan si Jesus at nagtanong: «Aking Panginoon at Guro, ang aking mga kasamahan at ako ay nag-isip nang husto tungkol sa Inyong mga salita, hanggang sa kami ay napagod, at kami’y nakatulog nang walang sulusyon sa problemang aming binigay sa aming mga sarili. At ngayon kami ay mas tanga kaysa dati. Kung aming naintindihan nang tama ang Inyong mga talumpati ng mga huling araw na ito, hinulaan Ninyo na maraming mga bagay ang babaguhin bagama't ang Batas ay mananatiling hindi binabago, at na ang isang Bagong Templo ay kinakailangan na maitayo, na mayroong bagong mga propeta, marurunong na tao at mga eskriba, at na sila ay makikipaglaban para dito, at na ito ay hindi mamamatay, samantalang ang isang ito, laging kung naintindihan namin ito nang tama, ay nakatalagang mamatay.

«Ito ay nakatalagang mamatay. Alalahanin ang propesiya ni Daniel...»

«Ngunit papaano ang gagawin namin, mga kaawa-awa at kakaunting katulad namin, maitatayo itong muli, kung ang mga hari ay nahirapan na itayo ang isang ito? Saan namin ito itatayo? Hindi rito, sapagkat sinasabi Ninyo na ang lugar na ito ay mananatiling walang-tao hanggang sa Kayo ay kanilang pagpalain bilang ang mensahero na pinadala ng Diyos.

«Ganyan iyan.»

«Hindi sa Inyong Kaharian. Kami ay kumbinsido na ang Inyong Kaharian ay espirituwal. Kung gayon, papaano at saan namin ito itatayo? Kahapon sinabi Ninyo na ang totoong Templo – at ang isang iyon ba ay hindi ang totoong Templo? – na ang totoong Templo, kapag naisip nila na ito ay kanila nang nasira, ay tataas nang matagumpay sa totoong Herusalem. Nasaan ito? Kami ay litung-lito.»

«Iyan ay ganyan. Hayaan ang mga kaaway na sirain ang totoong Templo. Sa loob ng tatlong araw itataas Ko ito at hindi na ito daranas ng mga pang-aatake dahil ito ay tataas kung saan walang tao ang makapananakit dito.

Ang magpatungkol sa Kaharian ng Diyos, ito ay nasa loob ninyo at kung saan man mayroong mga taong naniniwala sa Akin. Nakakalat sa kasalukuyan, ito ay lalaganap sa buong Lupa sa pagdaan ng mga panahon. Pagkatapos eternal, nagkakaisa, perpekto sa Langit. Ang bagong Templo ay itatayo doon, sa Kaharian ng Diyos, ibig sabihin, kung saan may mga espiritu na tumatanggap sa Aking doktrina, ang doktrina ng Kaharian ng Diyos, at isinasabuhay ang mga alituntunin nito.

Papaano ito maitatayo kung kayo ay kaawa-awa at kakaunti? O! walang pera o kapangyarihan ang talagang kinakailangan upang itayo ang gusali ng bagong tirahan ng Diyos. Ni para sa indibidwal o para sa magkakasamang isa. Ang Kaharian ng Diyos ay nasa loob ninyo. At ang samahán ng lahat na nasa sa kanilang mga sarili ang Kaharian ng Diyos, at ang lahat na nasa kanilang sarili ang Diyos – ang Diyos: Grasya; ang Diyos: Buhay; ang Diyos: Liwanag; ang Diyos: Karidad – ay bubuuin ang dakilang Kaharian ng Diyos sa Lupa, ang bagong Herusalem na kakalat sa buong mundo at, kumpleto at perpekto, walang mga kapintasan, walang mga anino, ay mabubuhay magpakailanman sa Langit.

Papaano ninyo magagawang maitayo ang Templo at ang bayan? O! hindi kayo, bagkus ang Diyos ang magtatayo ng bagong mga lugar na ito. Kailangan lamang ninyong ibigay sa Diyos ang inyong mabuting kalooban. Ang mabuting kalooban ay ang manatili sa Akin. Ang mabuting kalooban ay ang mabuhay sa Aking doktrina. Ang mabuting kalooban ay ang magkaisa. Labis na nagkakaisa sa Akin na nakabubuo ito ng isa lamang na katawan na sinusustentuhan ng isa lamang na kaloobán sa lahat na mga parte nito, kahit sa pinakamaliit na mga parte. Tanging isang edipisyo lamang na nakatayo sa isang base at nahahawakan nang magkakasama sa pamamagitan ng isang mistikong pagkakakápit-kápit. Ngunit sa dahilan na kung wala ang tulong ng Ama, kung Kanino tinuruan Ko kayo na manalangin at kung Kanino Ako mananalangin para sa inyo bago Ako mamatay, hindi kayo maaaring makarating sa Karidad, sa Katotohanan, sa Buhay, na nasa Akin pa rin at kasama Ko sa Diyos Ama at sa Diyos Pag-ibig, dahil kami ay isa lamang na Dibinidad, dahil diyan sasabihin Ko sa inyo na gawin na ang Diyos ay nasa inyo upang maging ang Templo na hindi magkakaroon ng katapusan. Hindi ninyo ito magagawa nang kayo lamang. Kung ang Diyos ay hindi nagtatayo, at hindi Niya maaaring itayo kung saan Hindi Siya maaaring maninirahan, walang kabuluhan ang pagurin ng mga tao ang kanilang mga sarili sa pagtatayo at pagtatayong-muli.

Ang bagong Templo, ang Aking Simbahan, ay tataas lamang kapag ang inyong mga puso ay magbibigay ng ospitalidad sa Diyos, at Siya kasama kayo, mga buháy na bato, ay itatayo ang Kanyang Simbahan.»

«Ngunit hindi ba’t sinabi Ninyo na si Simon ni Jonas ang Ulo nito, ang Bato sa ibabaw nito kung saan ang Inyong Simbahan ay itatayo? At hindi ba’t ginawa rin Ninyo kaming maintindihan namin na Kayo ang panulukang bato nito? Kung gayon sino ang ulo nito? Ang Simbahan bang ito ay naririyan o wala?» sabi ng Iskariote sumisingit.

«Ako ang mistikal na Ulo. Si Pedro ang makikita-ng-mata na ulo. Sapagkat Ako ay babalik sa Aking Ama iniiwanan kayo ng Buhay, Liwanag, Grasya sa pamamagitan ng Aking salita, ng Aking paghihirap, ng Aking Paraklito, Na siyang magiging ang kaibigan ng mga tapat sa Akin.

Ako ay kaisa ng Aking Simbahan, ang Aking espirituwal na katawan, na Ako ang ulo nito. Ang ulo ay nasa loob nito ang utak o ang isip. Ang isip ay ang kanlungan ng kaalaman, ang utak ay ang namamahala ng mga paggalaw ng mga galamay sa pamamagitan ng di-materyal na mga utos, na mas maganda kaysa sa ano pa man na ibang insentibo na mapagalaw ang mga galamay. Tingnan ang isang patay na tao. Mayroon bang kahit anong paggalaw sa kanyang mga galamay? Tingnan ang isang ganap na tanga. Hindi kaya napaka walang-magawa niya na hindi siya magkaroon ng panimulang katutubong mga emosyon na mayroon ang pinakamababang hayop, ang uod na ating natatapakan kapag tayo ay naglalakad? Pagmasdan ang isang tao na ang kaninong mga galamay, ang isa o mahigit pa nito, ay nawalan ng koneksiyon sa utak gawa ng paralisis. Mapagagalaw ba niya ang bahaging iyon na nawalan na ng mahalagang kaugnayan sa ulo? Ngunit kung ang isip ang mangangasiwa sa pamamagitan ng di-materyal na mga utos, ang ibang mga sangkap – ang mga mata, mga tainga, dila, ilong, balat – ang maghahatid sa isip ng mga nadarama, at ang ibang mga sangkap ng katawan ang magsasagawa at gawing maisagawa kung ano ang iniutos ng isip, na nabigyan-alam ng mga sangkap, na kasing materyal at makikita-ng-mata katulad na ang katalinuhan ay di-makikita-ng-mata. Magagawa Ko bang mapa-upo Ko kayo sa dalisdis ng bundok na ito nang hindi Ko sa inyo sinasabi: “Maupo”? Kahit na kung isipin Ko na gusto Ko kayong paupuin, hindi ninyo malalaman hangga’t hindi Ko binibigyan ng pananalita ang Aking isip at bigkasin ito ginagamit ang Aking dila at mga labì. Makakaupo Ako Mismo, kung iisipin Ko lamang ito, sapagkat nararamdaman Ko na ang Aking mga paa ay pagod. Ngunit kung ito ay tumangging mamaluktot at iupo Ako?

Ang isip ay nangangailangan ng mga sangkap at mga galamay upang isagawa at gawing maisagawa ang mga operasyon na iniisip ng isip. Kung kaya't sa espirituwal na katawan na siyang ang Aking Simbahan, Ako ang magiging ang Katalinuhan, ibig sabihin, ang ulo, ang kanlungan ng katalinuhan; si Pedro at ang kanyang mga kasama-sa-paggawa ay magiging ang mga nagbabantay sa mga reaksiyon at makikiramdam sa mga nangyayari at ipahahatid ito sa isip, upang mapaliwanagan Ko sana at mapangasiwaan kung ano ang dapat gawin para sa ikabubuti ng buong katawan at pagkatapos, sa dahilan na sila ay napaliwanagan at nagabayan ng Aking utos, makapagsasalita sila at magiging gabay sa iba pang mga bahagi ng katawan. Ang kamay na sumasangga sa isang bagay na makasisira sa katawan at nagpapalayas sa kung ano ang, bilang naging marumi,  makapagpaparumi; ang paa na tumatapak sa isang sagabal, nang hindi natatalisod dito at bumabagsak at masasaktan, ay tumanggap ng isang utos na iyon ang gawin mula sa bahaging iyon na nangangasiwa. Ang bata, o ang lalaki din, na nailigtas sa isang panganib, o nakagawa ng kahit anong kita – edukasyon, mabuting negosyo, kasal, mabuting alyansa sa pamamagitan ng isang mabuting kapirasong payo na tinanggap niya, para sa isang sinabing salita – ito ay sa pamamagitan ng kapirasong payong iyon at ng salitang iyon na siya ay hindi nasaktan o siya ay kumita. Magiging ganyan din sa Simbahan. Ang ulo, at ang mga ulo, pinasusunod ng Dibinong Isip at pinaliliwanagan ng Dibinong Liwanag at tinuturuan ng Eternal na Salita, ay  magbibigay ng mga utos at payo, at ang mga miyembro ay kikilos, tumatanggap ng espirituwal na kalusugan at pakinabang.

Ang Aking Simbahan ay nandiyan na, sapagkat naririyan na ang sobrenatural na Ulo nito at ang dibinong Ulo nito at mayroon na ito ng mga miyembro: ang mga disipulo. Isang maliit na mikrobyo pa rin na pinoporma – perpekto lamang sa Ulo na nangangasiwa dito, di-perpekto sa iba pa, na nangangailangan ng hipo ng Diyos upang maging perpekto at ng ilang panahon upang lumago. Ngunit sasabihin Ko sa inyong totoo na ito ay nandiyan na, at na ito ay banal dahil sa Kanya Na siyang Ulo nito at dahil sa mabuting kalooban ng makatarungan na mga miyembrong bumubuo nito. Ito ay banal at di-magagapi. Ang Impiyerno, nilalaman ng mga dimonyo at ng mga taong-dimonyo, ay itatapon ang sarili nito laban dito nang libu-libong ulit, at lalabanan ito sa libu-libong mga pamamaraan, ngunit hindi ito mangingibabaw. Ang edipisyo ay hindi mayayanig.

Ngunit ang gusali ay hindi gawa sa isang bato lamang. Tingnan ang Templo, sa banda roon, malaki, maganda sa lumulubog na araw. Iyan ba ay gawa sa isang bato lamang? Iyan ay isang komplikadong pagsasama-sama ng mga bato pinoporma ang isang nagkakasundong kabuuan. Sinasabi natin: ang Templo. Ibig sabihin, isang yunit. Ngunit ang yunit na ito ay gawa sa maraming bato na siyang bumuo at pumorma dito. Naging walang kabuluhan sana ang paglalagay ng mga pundasyon, kung hindi nito susupurtahan ang mga pader at ang bubong, kung walang mga pader ang itatayo mula dito. At magiging imposible ang magtayo ng mga pader at suportahan ang bubong, kung sila ay hindi muna naglagay ng solidong mga pundasyon, na proporsiyonado sa gayong kalaking masa. Kung kaya't sa pagkakatulung-tulong ng mga bahagi, ang bagong Templo rin ay tatayo. Sa pagtakbo ng mga panahon, itatayo ninyo ito, inilalatag ito sa mga pundasyon na ibinigay Ko dito, at siyang perpekto, para sa masibong laki nito. Itatayo ninyo ito sa ilalim ng pangangasiwa ng Diyos, sa pamamagitan ng mabubuting bagay na ginagamit upang itayo ito: ang mga espiritu kung saan naninirahan ang Diyos.

Na ang Diyos nasa inyong mga puso, upang gawin silang makintab na walang-diperensiyang mga bato para sa bagong Templo. Na ang Kanyang Kaharian naitatag na ang mga batas nito nasa inyong mga espiritu. Kundi’y kayo ay magiging katulad ng masamang pagkaluto na mga ladrilyo, bukbukin na kahoy, pilas-pilas na bitak-bitak na mga bato na hindi tumatagal, at tinatanggihan ng tagapagtayo, kung siya ay maingat, o sila ay hindi makakatayo, gumuguho, ginagawa ang isang parte na bumagsak kung ang tagapagtayo, ang mga tagapagtayo na itinalaga ng Ama sa konstruksiyon ng Templo, ay idolatrang mga tagapagtayo, na mapagmalaki sa kanilang mga puso ngunit hindi nagbabantay o nagtatrabaho nang mabuti sa gusali na tumataas, at hindi binibigyan ng pansin ang mga materyal na ginagamit upang maitayo ito. Mga idolatrang tagapagtayo, idolatrang mga tagapangasiwa, idolatrang mga tagapag-alaga, mga magnanakaw! Mga manloloob ng pagtitiwala ng Diyos, ng pagpapahalaga ng mga tao, mga manloloob na puno ng pagmamalaki, na nagugustuhan ang magkaroon ng posibilidad na kumita at magkaroon ng malaking imbak ng mga materyal, ngunit hindi nag-iingat kung ang kalidad nila ay mabuti o mas mababa, ang dahilan ng pagkasira.

Kayo, bagong mga pari at mga eskriba ng bagong Templo, makinig. Kapahamakan sa inyo at sa mga na pagkatapos ninyo magiging mga idolatra at hindi magbabantay at titingnan ang kanilang mga sarili at ang iba pang mga naniniwala, na iksaminin at subukan ang mabuting kalidad ng mga bato at kahoy, nang hindi pinagtitiwalaan ang mga hitsura, at magiging dahilan ng pagkasira pinahihintulutan ang mas mababang kalidad, o pati ang makasasamang mga materyal na gamitin para sa Templo, nang-iiskandalo at ginagawang mangyari ang sakuna. Kapahamakan sa inyo kung pahihintulutan ninyo ang di-ligtas, baluktot na mga pader na maitayo, puno ng malalaking bitak at madaling bumagsak, dahil hindi sila balanse sa ibabaw ng solidong perpektong mga pundasyon. Ang sakuna ay hindi manggagaling sa Diyos, ang Tagapagpundar ng Simbahan, bagkus sa inyo, at kayo ay mananagot dito sa harapan ng Diyos at mga tao. Ingat, atensiyon, pananaw, kahinahunan! Ang bato, ang ladrilyo, ang mahinang biga, na makasasama sa isang pinaka-pader, ay makapaglilingkod sa hindi masyadong mahalagang mga parte, at makapaglilingkod nang mabuti. Ganyan kung papaano kayo dapat mamilî. Nang may karidad upang hindi mainis ang mahihinang bahagi, nang may katatagan upang hindi mainis ang Diyos at masira ang Kanyang Edipisyo. At kung malaman ninyo na ang isang bato, na naiakma na upang sumuporta sa isang mahalagang sulok, ay hindi mabuti o hindi balanse, maging matapang, hayagan, at alisin ito sa lugar na iyon, ipahiya ito sa pagkukudrado nito sa pamamagitan ng sinsel ng banal na sagisag. Kung ito ay umatungal sa kirot, hindi na bale. Pagpapalain kayo nito saka na, sa pagtakbo ng mga panahon, sapagkat nailigtas ninyo ito. Alisin ito, italaga ito sa ibang opisina. Huwag matakot na alisin ito nang ganap, kung nakikita ninyo na ito ay ang dahilan ng iskandalo at kasiraan at nagrerebelde laban sa inyo. Ang kakaunting bato ay mas mabuti kaysa labis na basura. Huwag magmamadali. Ang Diyos ay hindi kailanman nagmamadali, ngunit kung ano ang Kanyang nililikha ay eternal, sapagkat inisip muna nang mabuti bago gawin. Kung ito ay hindi eternal, tatagal ito hanggang sa katapusan ng panahon. Tingnan ang Sansinukuban. Sa loob ng mga panahon, sa loob ng libu-libong mga siglo ito ay katulad noong ginawa ito ng Diyos sa pamamagitan ng magkakasunod na mga operasyon. Gayahin ang Panginoon. Maging kasing perpekto katulad ng inyong Ama. Panatilihin ang Kanyang Batas at ang Kanyang Kaharian sa loob ninyo at hindi kayo mabibigo.

Ngunit kung hindi kayo ganito, ang gusali ay babagsak, nagpakapagod kayo nang walang kabuluhan sa pagtayo nito. Ito ay guguho at tanging ang mga panulukang-bato at mga pundasyon lamang ang matitira... Iyan ang mangyayari sa isang iyon!... Sasabihin Ko sa inyong totoo na iyan ang mangyayari diyan. At iyan ang magiging kapalaran ng inyo, kung ilalagay ninyo diyan kung ano ang nasa isang iyon: mga parteng apektado ng pagmamalaki, kasabikan, kasalanan, kahalayan. Katulad na ang nakakapagpalilim na mga ulap na iyon, na magiliw na napakaganda, ay napaghiwa-hiwalay ng isang ihip ng hangin, na tila kanina ay mauupo sa tuktok ng bundok na iyon, ganyan din, sa isang bugso ng hangin ng sobrenatural at pantaong kaparusahan, patutumbahin ang mga gusali na banal lamang sa pangalan...»

Si Jesus ay tahimik at nag-iisip. Nagpatuloy lamang Siya sa pagsasalita upang sabihin: «Tayo ay maupo dito at magpahinga nang kaunti.»

Sila ay naupo sa isang dalisdis ng Mount of Olives, sa harapan ng Templo na hinahalikan ng lumulubog na araw. Si Jesus ay nakatingin nang titíg at namimighati. Ang iba ay mapagmalaki tungkol sa kagandahan nito, ngunit ang isang belo ng pag-aalala, naiwan ng mga salita ng Guro, ay nakalatag sa kanilang pagmamalaki. At kung ang kagandahan na iyon ay talagang maglalaho?...

Si Pedro at si Juan ay nag-uusap at pagkatapos sila ay bumulong ng kung ano kina Santiago ni Alfeo at Andres, na tumango sa pagsang-ayon. Pagkatapos si Pedro ay kinakausap ang Guro nagsasabing: «Tayo ay tumabi at ipaliwanag sa amin kung kailan mangyayari ang Inyong propesiya tungkol sa pagkasira ng Templo. Si Daniel ay binanggit ito, ngunit kung ang mga bagay-bagay ay ayon sa kanyang sinasabi at sa Inyong sinasabi, ang Templo ay bagkus may kakaunting mga oras na lamang. Ngunit kami ay walang makitang mga sandatahang-lakas o mga paghahanda para sa digmaan. Kung gayon kailan ito mangyayari? Alin ang magiging tanda nito? Kayo ay dumating. Sinasabi Ninyo na Kayo ay malapit nang umalis. Subalit nalalaman na ito ay mangyayari lamang habang Kayo ay kasama ng mga tao. Kung gayon, Kayo ba ay babalik? Kailan Kayo babalik? Sabihin sa amin, upang sana malaman namin...»

«Hindi na kailangan na tumabi pa. Kita ninyo? Ang pinakamatatapat na disipulo ay nanatili, ang mga magiging malaking tulong sa inyong labindalawa. Maaari nilang pakinggan ang mga salita na sasabihin Ko sa inyo. Halikayo sa malapit sa Akin, lahat kayo.» Isinigaw Niya ang huling mga salita upang maipon silang lahat.

Ang mga disipulo na nakakalat sa mga dalisdis ay lumapit sa iba pa, pinorma nila ang isang siksik na grupo sa paligid ng pinaka grupo ni Jesus at ng mga apostol at sila ay nakikinig.

«Pangalagaan na walang manloloko sa inyo sa hinaharap. Ako ang Kristo at hindi magkakaroon ng iba pang mga Kristo. Kung kaya't, kapag marami ang pupunta at magsasabi sa inyo: “Ako ang Kristo” at maloloko nila ang marami, huwag paniwalaan ang mga salitang iyan, kahit na kung sinasamahan ito ng mga kababalaghan. Si Satanas, ang ama ng kasinungalingan at ang protektor ng mga sinungaling, ay tumutulong sa kanyang mga lingkod at mga tagasunod sa pamamagitan ng huwad na mga kababalaghan, na, bagama't ay makikilala bilang hindi magagandang kababalaghan, sapagkat lagi itong nakakabit sa takot, kabalisahan at kasinungalingan. Nalalaman ninyo ang mga kababalaghan ng Diyos: nagbibigay ito ng banal na kapayapaan, lugod, kalusugan, at nagdadala ito sa banal na mga mithiin at mga gawain. Ang iba ay hindi. Kung kaya't pag-isipan ang mga porma nito at ang mga konsekwensiya ng mga kababalaghan na baka makita ninyo sa hinaharap, ginawa ng huwad na mga Kristo at ng lahat na magdadamit sa kanilang mga sarili ng mga kasuutan ng mga tagapagligtas ng mga sambayanan, samantalang sila ay mga mababangis na hayop na sumisira sa kanila.

Maririnig din ninyo, at makakakita kayo ng mga taong magsasalita ng tungkol sa mga digmaan at sa mga kinagawian ng mga digmaan at magsasabi sila sa inyo: “Ito ang mga tanda ng katapusan”. Huwag mabalisa. Hindi ito ang magiging katapusan. Ang lahat na ito ay kailangan na mangyari bago ang katapusan, ngunit hindi pa ngayon ang katapusan. Ang mga tao ay aalsa laban sa mga tao, kaharian laban sa kaharian, nasyon laban sa nasyon, kontinente laban sa kontinente, at ang mga salot, mga taggutom at mga lindol ay susunod sa maraming lugar. Ngunit ito ay ang simula lamang ng mga paghihirap-sa-panganganak. Pagkatapos magdadala ito ng kagipitan sa inyo at papatayin kayo, inaakusahan kayo nang siyang may-kagagawan ng kanilang paghihirap, at umaasa (kayo) na matatakasan (ninyo) ito sa pang-uusig at paninira sa Aking mga lingkod. Ang mga tao ay laging aakusahan ang inosente ng pagiging ang dahilan ng kasamaan na nakuha nila, na mga makasalanan, para sa kanilang mga sarili. Inaakusahan nila ang Diyos Mismo, ang Perpektong Inosensiya at Supremong Kabutihan, ng bilang siyang dahilan ng kanilang paghihirap, at iyan din ang kanilang gagawin sa inyo, at kayo ay kapopootan gawa ng Aking Pangalan. Ito ay si Satanas na nang-uudyok sa kanila. At marami ang maiiskandalo at pagtataksilan nila at kapopootan ang isa’t isa. Ito ay si Satanas pa rin na nang-uudyok sa kanila. At maraming huwad na propeta ang lilitaw, na manloloko sa marami. At si Satanas pa rin ang totoong may gawa ng labis na kasamaan. At sa pagdami ng kawalang-pagsunod sa batas, ang pagmamahal sa loob ng maraming tao ay lalamig. Ngunit ang mga tatayong matatag sa katapusan ay maliligtas. At una muna na ang Mabuting Balitang ito ng tungkol sa Kaharian ng Diyos ay kailangan na maipahayag sa buong mundo, bilang isang saksi sa lahat na mga nasyon. Pagkatapos ang katapusan ay darating. Ang pagbalik sa Kristo ng Israel na tatanggap sa Kanya at ang pagpahayag ng Aking Doktrina sa lahat ng mundo.

At pagkatapos isa pang tanda. Isang tanda para sa katapusan ng Templo at para sa katapusan ng Mundo. Kapag makita ninyo ang panunuklam ng kalagiman na prenopesiya ni Daniel – gawin ang mga nakikinig sa Akin na makaintindi nang mabuti at gawin ang mga magbabasa ng Propeta na basahin ang nasa pagitan ng mga linya – diyan ang mga nasa Judaea ay kailangan na tumakas patungo sa mga bundok, ang mga nasa terasa ay kailangan na huwag bumaba upang kolektahin kung ano ang naiwan nila sa kanilang mga bahay, at ang mga nasa mga bukid ay hindi kailangan na umuwi upang kunin ang kanilang mga balabal, bagkus sila ay kailangan na lumayas nang hindi lumilingon, kung hindi baka mangyari na hindi na sila makakaalis, at habang tumatakbo hindi sila kailangan na ni lumingon, upang hindi manatili sa kanilang mga puso ang nakakapangilabot na tanawin, at kung gayon masiraan ng ulo. Kasawiang-palad sa mga may sanggol at sa mga nagpapasuso sa loob ng mga araw na iyon! At kasawiang-palad kung kinakailangan ninyong tumakas sa isang araw ng Sabbath! Ang pagtakas ay hindi sasapat na mailigtas kayo nang hindi nagkakasala. Kung gayon magdasal na sana hindi ito mangyari sa taglamig o sa isang araw ng Sabbath, sapagkat diyan ang kabayaran ay magiging napakalaki katulad na hindi pa ito nangyari mula sa simula ng mundo hanggang ngayon, o magiging katulad nito muli, sapagkat iyon ay ang katapusan. At kung ang mga araw na iyon ay hindi pinaikli alang-alang sa mga pinili, walang sinuman ang maliligtas, sapagkat ang mga satanas-tao ay makikipag-alyansa sa impiyerno upang pahirapan ang mga tao.

At kahit na diyan, upang magawang marumi at mailigaw ang mga nanatiling tapat sa Panginoon, ang ilang mga tao ay lilitaw at magsasabi: “Ang Kristo ay naririto, ang Kristo ay naririto. Siya ay nasa lugar na iyon. Ayón Siya.” Huwag silang paniwalaan. Gawin na walang maniwala sa kanila, dahil ang huwad na mga Kristo at huwad na mga propeta ay lilitaw at gagawa ng malalaking tanda at mga babala, sapat upang maloko pati ang pinili, kung ito ay posible, at magsasalita sila ng mga doktrina na magmumukhang nakapagpapaginhawa at mabuti na ito ay makapanloloko kahit na sa pinakamagagaling na matatapat, kung ang espiritu ng Diyos ay wala sa kanila pinaliliwanagan sila tungkol sa katotohanan at sa makadimonyong pinanggalingan ng gayong mga babala at mga doktrina. Sinasabi Ko sa inyo. Hinuhulaan Ko ito, upang sana malaman ninyo kung papaano kumilos. Ngunit huwag katakutan ang bumagsak. Kung kayo ay mananatiling nasa Panginoon, hindi kayo madadala sa panunukso at kasiraan. Tandaan ang sinabi Ko sa inyo: “Binigyan Ko kayo ng kapangyarihan na lakaran ang mga ahas at mga alakdan, at walang makapananakit sa inyo ng lahat ng kapangyarihan ng Kaaway, sapagkat ang lahat ay mapapailalim sa inyo”. Ngunit pinaaalalahanan Ko kayo na, upang kamtin ito, kailangan na ang Diyos ay nasa loob ninyo, at kayo ay kailangan na magbunyi, hindi dahil napigilan ninyo ang mga kapangyarihan ng Kasamaan at nakalalason na mga bagay, bagkus dahil ang inyong mga pangalan ay naisulat sa Langit.

angel_trumpetingManatiling nasa Diyos at sa Kanyang katotohanan. Ako ang Katotohanan at tinuturo Ko ang katotohanan. Kung kaya't inuulit Ko sa inyong muli: anuman ang kanilang sabihin tungkol sa Akin, huwag itong paniwalaan. Ako lamang ang nagsalita ng katotohanan. Ako lamang ang nagsasabi sa inyo na ang Kristo ay darating, ngunit kapag ito na ang katapusan. Kung kaya't, kung sabihin nila sa inyo: “Siya ay nasa disyerto”, huwag pumunta. Kung sabihin nila sa inyo: “Siya ay nasa bahay na iyon”, huwag silang pakinggan. Sapagkat sa Kanyang ikalawang pagdating ang Anak ng tao ay magiging katulad ng kidlat na humahampas sa silangan at kumikislap hanggang sa layo ng kanluran, sa isang mas maikli pang oras kaysa sa isang kurap. At Siya ay magpapalutang sa ere sa ibabaw ng dakilang Katawan, Na biglang naging isang Bangkay, sinusundan ng Kanyang nagniningning na mga anghel, at Siya ay maghuhukom. Saan man naroroon ang bangkay, ay may mga agilang mag-iipun-ipon. At kaagad pagkatapos ng kagipitan ng mga huling araw na iyon, katulad ng nasabi na sa inyo – Ako ay nagsasalita ng tungkol sa katapusan ng panahon at ng mundo at ng resureksiyon ng mga buto, na siyang sinasabi ng mga propeta – ang araw ay padidilimin, at ang buwan ay hindi na muli magbibigay liwanag, at ang mga bituin ay babagsak mula sa kalangitan katulad ng mga ubas mula sa isang bungkos na nasobrahan sa pagkahinog at nauga ng isang silakbo ng hangin, at ang mga kapangyarihan ng Langit ay mauuga. At pagkatapos sa loob ng napadilim na kisame ng langit ang nakakasilaw na tanda ng Anak ng Tao ay lilitaw, at ang lahat na mga nasyon ng Lupa ay tatangis, at ang mga tao ay makikita ang Anak ng tao na dumarating sa mga ulap ng kalangitan nang may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. At uutusan Niya ang Kanyang mga anghel na gapasin ang butil at ipunin ang mga ubas, at ihiwalay ang dawag mula sa butil, at itapon ang mga ubas sa tangke, sapagkat ang panahon ng dakilang pag-ani ng binhi ni Adam ay dumating na, at wala nang pangangailangan na magtabi ng maliliit na bungkos o mga binhi, sapagkat ang lahi ng tao ay hindi na muli palalawigin sa patay na Lupa. At Kanyang uutusan ang Kanyang mga anghel na ipunin ang napili sa pamamagitan ng malakas ng mga trumpeta mula sa apat na mga hangin, mula sa isang dulo ng mga kalangitan hanggang sa isa pa, upang sila ay sana makatabi ng Dibinong Hukom upang hukuman kasama Siya ang huling nabubuhay na mga tao at ang mga ibinangon mula sa kamatayan.

Matutunan ang pagkakatulad sa puno ng igos: kapag makita ninyo ang maliliit na sanga na mababaluktot na at magkadahon, alam ninyo na ang tag-init ay malapit na. Kaya't, kapag makita ninyo ang lahat na mga bagay na ito, alamin na ang Kristo ay malapit nang dumating. Sasabihin Ko sa inyong totoo: ang henerasyon na ito na ayaw sa Akin ay hindi mawawala, bago ang lahat na ito ay mangyari. Ang Aking salita ay hindi mawawala. Ang Aking sinabi ay mangyayari. Ang mga puso at mga isip ng mga tao ay maaaring magbago, ngunit ang Aking salita ay hindi nagbabago. Ang Langit at ang lupa ay mawawala, ngunit ang Aking mga salita ay hindi mawawala.

Ngunit ang magpatungkol sa araw at sa eksaktong oras, walang nakakaalam sa kanila, ni kahit ang mga anghel ng Panginoon, tanging ang Ama lamang ang nakakaalam sa kanila. Katulad na ito ay noong mga araw ni Noah, ganito din ito  sa pagdating ng Anak ng tao. Sa mga araw bago ang Baha, ang mga tao ay kumakain, umiinom, kumukuha ng mga may-asawang babae, kumukuha ng mga may-asawang lalaki, nang hindi nag-aalala tungkol sa tanda, hanggang sa araw na si Noah ay pumasok sa arko at ang mga talon ng kalangitan ay binuksan at ang Baha ay nilimas ang lahat na nabubuhay na nilikha. Magiging ganito rin para sa pagdating ng Anak ng tao. Pagkatapos dalawang tao ang magiging magkalapit sa bukid, at ang isa ay kukunin at ang isa pa ay iiwanan, at dalawang babae ang mapupunta sa panggiling na bato gumigiling, at ang isa ay kukunin at ang isa iiwanan ng mga kaaway sa Amangbayan, at lalo na ng mga anghel na siyang maghihiwalay sa mabuting butil mula sa dawag, at hindi sila magkakaroon ng panahon na makapaghanda para sa paghuhukom ng Kristo.

Kung kaya't maging gisíng sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong oras ang inyong Panginoon darating. Isipin ito: kung nalalaman ng ulo ng isang pamilya kung anong oras ang dating ng magnanakaw, siya ay mananatiling gisíng at hindi niya iiwanan ang bahay na manakawan. Kung kaya't maging mapagbantay at magdasal, bilang laging handa para sa pagdating, nang hindi ginagawa ang inyong mga puso na maging batugan sa pamamagitan ng lahat ng klase ng kaabusuhan at kawalang-pagpipigil, at ang inyong mga espiritu maging mga mapurol at mapalayo sa mga bagay ng Langit sa pamamagitan ng kalabisan sa pangangalaga para sa mga bagay ng Lupa, upang ang kamatayan ay hindi kayo makuha nang bigla na lamang, kung kailan hindi kayo nakahanda. Sapagkat, itanim ito sa isip, ang bawat isa sa inyo ay kailangang mamatay. Ang lahat na tao, kapag naipanganak sila, ay kailangan na mamatay, at ang kamatayan na ito at ang kasunod na paghuhukom ay isang partikular na pagdating ng Kristo at ang pansansinukuban na pag-uulit nito ay mangyayari sa solemneng pagdating ng Anak ng tao.

Ano ang mangyayari sa matapat at mahinahon na lingkod na iyon, na itinalaga ng kanyang panginoon na magbigay ng pagkain sa mga katulong kung wala siya? Ang kanyang kapalaran ay magiging isang masaya kung ang kanyang panginoon ay bumalik bigla at matagpuan siyang ginagawa niya ang kanyang tungkulin nang may pag-asikaso, katarungan at pagmamahal. At sasabihin Ko sa inyong totoo na sasabihin niya sa kanya: “Halika, mabuting matapat na lingkod. Karapat-dapat ka ng aking gantimpala. Narito, pangasiwaan ang lahat ng aking ari-arian”. Ngunit kung siya ay tila mabuti at tapat, ngunit hindi naman, at kung sa loob siya ay kasing samâ katulad na siya ay mapagkunwari sa labas, at kaagad noong ang panginoon ay makaalis, sinabi niya sa sarili niya: “Ang panginoon ay babalik nang matatagalan! Magpakasaya tayo”, at nagsimula siyang paluin at maltratuhin ang kanyang kapwa mga katulong, binabawasan ang kanilang pagkain at ang lahat na iba pa upang magkaroon ng maraming pera na magagasta sa pagpapakasaya at mga paglalasing, ano ang mangyayari? Ang panginoon ay babalik nang bigla na lamang, nang ang katulong ay hindi siya inaasahan, at ang kanyang masamang ginagawa ay malalaman, ang kanyang pusisyon at pera ay aalisin sa kanya, at siya ay papupuntahin kung saan siya gusto ng hustisya. At doon siya mananatili.

At ganyan din ang mangyayari sa di-nagsisising makasalanan, na hindi iniisip na ang kamatayan ay maaaring malapit na, katulad na ang paghuhukom sa kanya ay maaaring malapit na, at nagpapakasaya sa sarili at umaabuso nagsasabing: “Saka na ako magsisisi”. Sasabihin Ko sa inyong totoo na hindi siya magkakaroon ng panahon na makapagsisi, at siya ay masisentensiyahan na manatili magpakailanman kung saan may nakapangingilabot na takot, kung saan naroon lamang ang paglalapastangan at pagtangis at pagpapahirap, at makakalabas lamang siya para sa huling paghuhukom, kung kailan daramtan siya muli ng laman na ibinangon mula sa kamatayan, upang iharap ang kanyang sarili nang ganap sa huling paghuhukom, katulad na siya ay ganap noong siya ay nagkasala sa panahon ng kanyang pamumuhay sa lupa, at sa katawan at sa kaluluwa ihaharap niya ang kanyang sarili kay Jesus Hukom, Na hindi niya kinailangan bilang kanyang Tagapagligtas.

Lahat sila ay iipunin doon sa harapan ng Anak ng tao. Isang walang-hangganang multitud ng mga katawan, sinauling muli ng lupa at ng dagat at binuong-muli pagkatapos na maging mga abo nang matagal na panahon. At ang mga kaluluwa sa kanilang mga katawan. Sa bawat laman na isinauli sa mga kalansay ay sasama ang sarili nitong kaluluwa na minsan ay nagbigay-buhay dito. At tatayo sila sa harapan ng Anak ng tao, maningning sa Kanyang dibinong Mahestad, nakaupo sa Kanyang trono ng kaluwalhatian suportado ng Kanyang mga anghel.

judgement

At Kanyang ihihiwalay ang mga lalaki sa mga lalaki, inilalagay ang mabuti sa isang tabi at ang masama sa isa pang tabi, katulad na inihihiwalay ng isang pastol ang mga tupa mula sa mga bisirong kambing, at ilalagay Niya ang mga tupa sa Kanyang kanan, at ang mga kambing sa Kanyang kaliwa. At sa isang magiliw na tinig at may mabait na hitsura sasabihin Niya sa mga nakatingin sa Kanya nang may lahat ng pagmamahal na kanilang mga puso. at mga mapayapa at magaganda, nagniningning sa maluwalhating kagandahan ng kanilang banal na mga katawan: “Halikayo, kayo na mga pinagpala ng Ama, kamtin ang Kaharian na inihanda para sa inyo mula pa ng simula ng mundo. Dahil Ako ay gutom at binigyan ninyo Ako ng pagkain, nauhaw Ako at binigyan ninyo Ako ng inumin, Ako ay isang peregrino at binigyan ninyo Ako ng pag-aruga, Ako ay hubad at dinamitan ninyo Ako, may sakit at dinala ninyo Ako, nasa kulungan at dumating kayo at pinaginhawahan ninyo Ako”. At ang makatarungan ay magtatanong sa Kanya: “Panginoon, kailan namin Kayo nakitang gutom at pinakain namin Kayo, nauhaw at binigyan namin Kayo ng inumin? Kailan namin Kayo nakitang isang peregrino at inaruga namin Kayo, hubad at dinamitan namin Kayo? Kailan namin Kayo nakitang may sakit at sa kulungan at pumunta kami upang dalawin Kayo?” At ang Hari ng mga hari ay magsasabi sa kanila: “Sasabihin Ko sa inyong totoo: noong ginawa ninyo ang isa sa mga bagay na ito sa isa sa pinakamaliit na Aking mga kapatid, ginawa ninyo ito sa Akin”.

Pagkatapos Kanyang kakausapin ang mga nasa kaliwa Niya at sasabihin sa kanila, nagmumukhang napakahigpit, at ang Kanyang mga mata ay magiging katulad ng mga kislap ng kidlat pinatatamaan ang mga imbi, at sa Kanyang tinig ang galit ng Diyos ay kukulog: “Lumayas kayo rito! Lumayo sa Akin, kasama ang sumpa sa inyo! Pumunta sa eternal na apoy na inihanda ng matinding galit ng Diyos para sa dimonyo at mga anghel ng kadiliman at para sa mga nakinig sa kanilang mga tinig ng tripleng kasagwaan ng pagpapakasasa sa kahalayan. Ako ay gutom at hindi ninyo Ako binigyan ng kahit anong pagkain, Ako ay uhaw at hindi ninyo pinawi ang Aking pagkauhaw, Ako ay hubad at hindi ninyo Ako dinamitan, Ako ay isang peregrino at tinalikuran ninyo Ako, Ako ay may sakit at nasa kulungan at hindi ninyo Ako dinalaw. Sapagkat kayo ay may bagkus iisang batas: ang kasiyahan ng inyong sariling mga kaakuhan”. At sasabihin nila sa Kanya: “Kailan namin Kayo nakitang gutom, uhaw, hubad, peregrino, may sakit, nasa kulungan? Talaga, hindi namin Kayo kailanman nakita. Wala pa kami roon, noong Kayo ay nasa Lupa”. At Siya ay tutugon sa kanila: “Iyan ay totoo. Hindi ninyo Ako kailanman nakita. Sapagkat wala pa kayo noong Ako ay nasa Lupa. Ngunit nalalaman ninyo ang Aking salita at mayroon kayo sa pagitan ninyo ng mga tao na gutom, uhaw, hubad, may sakit, nasa kulungan. Bakit hindi ninyo ginawa sa kanila ang baka kaya ginawa ninyo sa Akin? Sapagkat walang nagsabi na ang mga tao, na nasa pagitan nila Ako noon, ay naging maawain sa Anak ng tao. Hindi ba ninyo nalalaman na Ako ay nasa Aking mga kapatid, at na kung ang isa sa kanila ay naghihirap, Ako ay naroroon, at na ang hindi ninyo ginawa sa isa sa pinakamaliit na mga kapatid Ko, inyong ipinagkait ito sa Akin, ang Panganay ng mga tao? Lakad ang masunog sa inyong sariling pagkamakasarili. Lakad at mabalot sa kadiliman at yelo, sapagkat kayo ay kadiliman at yelo mismo, bagama't nalalaman ninyo kung nasaan ang Liwanag at ang Apoy ng Pagmamahal”. At pupunta sila sa eternal na pagpapahirap, samantalang ang makatarungan ay papasok sa eternal na buhay.

Iyan ang hinaharap na mga bagay... Lumakad na ngayon. At huwag maghiwa-hiwalay. Lalakad Akong kasama Ko si Juan, at makakasama ninyo Ako sa kalahatian ng unang pagbabantay, para sa hapunan, at pagkatapos pupunta tayo sa ating pagtuturo.»

«Sa gabi din na ito? Gagawin ba natin iyan sa pinakang gabing iyon? Sumasakit ang aking buong katawan dahil sa hamog. Hindi ba mas magandang pumunta sa ilang mapag-arugang bahay ngayon? Laging nasa ilalim ng mga tolda! Laging nagbabantay sa gabi, kung kailan malamig at basa...» sabi ni Judas nagrereklamo.

«Ito ang huling gabi. Bukas... ay magiging iba na.»

«Ah! Akala ko gusto Ninyong pumunta sa Gethsemane tuwing gabi. Ngunit kung ito ay ang huling pagpunta...»

«Hindi Ko sinabi iyan, Judas. Ang sinabi Ko na ito ang huling gabi upang magkasama-sama sa Parang ng mga Galilean. Bukas maghahanda tayo para sa Paskuwa at kakainin ang kordero, pagkatapos pupunta Akong mag-isa Mismo sa Gethsemane upang magdasal. At magagawa ninyo anuman ang gusto ninyo.»

«Ngunit hindi ba kami sasama sa Inyo, Panginoon! Kailan ba namin nagustuhan kailanman na iwanan Kayo?» tanong ni Pedro.

«Kailangan na manahimik ka, sapagkat ikaw ay may pagkakasala. Ikaw at ang Zealot ay walang ginagawa bagkus ang wumagayway dito at doon nang hindi na kayo kaagad nakikita ng Guro. Matagal ko na kayong tinitingnan. Sa Templo... sa araw na iyon... sa loob ng mga tolda sa itaas doon...» sabi ng Iskariote, masayang paratangan sila.

«Tama na iyan! Kung ginagawa nila iyon, ginagawa nila ang tamang bagay. Ngunit huwag ninyo Akong iwanan nang nag-iisa... Nakikiusap Ako...»

«Panginoon, wala kaming ginagawa na kahit anong masama.  Maniwala sa akin. Ang aming mga ginagawa ay nalalaman ng Diyos, at ang Kanyang mga mata ay hindi inaalisan ito sa pagkasuklam» sabi ng Zealot.

«Alam Ko. Ngunit iyan ay walang kabuluhan. At kung ano ang walang kabuluhan ay laging nagiging makasasamâ. Maging magkakasama hangga't maaari.» Pagkatapos sinabi Niya kay Mateo: «Aking mabuting tagapag-ulat, uulitin mo sa kanila ang parabula tungkol sa sampung marurunong na birhen at sampung mga tangang birhen, at ang tungkol sa panginoon na nagbigay ng ilang mga talento sa kanyang tatlong mga katulong upang gawin iyon na kumita ng interes, at ang dalawa ay kumita nang doble at ang batugan ay itinago ito sa ilalim ng lupa. Naaalaala mo ba?»

«Oo, aking Panginoon, naaalaala kong mabuti.»

«Ulitin ito, kung gayon, sapagkat hindi lahat nakakaalam nito. At ang mga nakakaalam nito ay masisiyahan na mapakinggan ito muli. Mapalalampas mo ang oras nang ganyan, sa matinong pakikipagkuwentuhan, hanggang sa bumalik Ako. Manatiling gisíng! Maging mapagbantay! Panatilihing gisíng ang inyong mga espiritu. Ang mga parabulang iyon ay bagay din sa Aking nasabi na. Paalam. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Kinuha Niya ang kamay ni Juan at umalis kasama siya patungo sa bayan... Ang iba ay lumakad patungo sa Parang ng mga Galilean.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus: «Ilalagay mo rito ang ikalawang bahagi ng napaka nakapapagod na Miyerkules bago ang Paskuwa. Gabi (1945). Huwag kalimutan na markahan ng pula ang mga pasahe na sinabi Ko sa iyo. Ang maliliit na mga salitang iyon ay nagtatapon ng liwanag. Malaki-laking liwanag para sa mga nakakakita nito.»

110812

 

 



¹lustra - Isang limang-taon na panahon. rlb



Sunod na kabanata