595. Ang Gabi ng Miyerkules Bago ang Paskuwa. Huling mga Pagtuturo sa mga Apostol.

Marso 8, 1945.

¹«Sinabi Ko sa inyo: “Mag-ingat, maging gisíng at magdasal na ang inyong mga mata ay sana hindi maging mabigat sa antok”. Ngunit nakikita Ko na ang inyong pagod na mga mata ay gustong sumara at ang inyong mga katawan, kahit laban sa inyong kalooban, ay nananabik na makapusisyon upang makapagpahinga. Tama kayo, Aking mga kaibigan! Ang inyong Guro ay humingi ng malaki sa inyo sa huling mga araw na ito, at kayo ay pagod na pagod. Ngunit sa loob ng kaunting mga oras, sa ngayon kakaunti na lamang, magiging masaya kayo na hindi kayo nawalan ng kahit isang sandali ng Aking atensiyon para sa inyo. Matutuwa kayo na hindi kayo nagkait ng kahit ano sa inyong Jesus. Maging ano pa man, ito ang huling pagkakataon na nagsasalita Ako sa inyo ng tungkol sa malulungkot na bagay. Bukas magsasalita Ako sa inyo tungkol sa pagmamahal at gagawa Ako ng isang himala ng totál na pagmamahal para sa inyo. Ihanda ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng isang dakilang puripikasyon upang tanggapin ito. O! gaano sumasang-ayon ito sa Aking Kaakuhan na magsalita ng tungkol sa pagmamahal kaysa magsalita ng tungkol sa kaparusahan! Gaano kaganda ito para sa Akin na magsabi: “Minamahal Ko kayo. Gawin na pumarito. Sa buong buhay Ko pinangarap Ko ang tungkol sa oras na ito!” Ngunit ito ay pagmamahal na magsalita rin tungkol sa kamatayan. Ito ay pagmamahal sapagkat ang kamatayan, para sa mga nagmamahal sa inyo, ay ang kataastaasang katibayan ng pagmamahal. Ito ay pagmamahal, sapagkat ang paghahanda sa mahal na mga kaibigan para sa isang kasawiang-palad ay pag-uubaya ng damdamin na gusto silang nakahanda at hindi mabagabag sa oras na iyan. Ito ay pagmamahal, sapagkat ang pagtatapat ng isang lihim ay katibayan ng mataas na pagtingin sa mga pinagtatapatan. ²Alam Ko na ginugulo ninyo si Juan ng mga katanungan upang malaman kung ano ang Aking sinabi sa kanya kapag Ako ay nag-iisa kasama siya. At hindi kayo maniwala na walang salita ang sinabi. Ngunit ganyan iyan. Sapat na para sa Akin na may kahit sino na malapit sa Akin...»

«Kung gayon, bakit siya at hindi kung sinuman na iba?» tanong ng Iskariote, at ginagawa niya ito sa isang aroganteng galít na tono. Si Pedro rin, at kasama niya si Tomas at si Felipe ay nagsabi: «Oo. Bakit siya at hindi ang mga iba?»

Si Jesus ay tumugon sa Iskariote:

«Ginusto mo bang ikaw sana iyon? Makapagpapanggap ka ba?

Iyon ay isang sariwang maliwanag na umaga sa buwan ng Adar... Ako noon ay isang di-kilalang manlalakbay sa daan malapit sa ilog... Pagod, puno ng alikabok, maputla gawa ng pag-aayuno, na may magulong balbas at sirang mga sandalyas, nagmumukha Akong isang pulubi sa mga daan ng mundo... Nakita niya Ako... at nakilala niya Ako bilang ang siyang binabaan ng Kalapati ng eternal na apoy. Sa Aking unang pagbabagong anyong iyon, ang isang atoma ng Aking dibinong kaningningan ay maaaring ibinunyag ang sarili. Ang mga mata ni Juan Bautista, nabuksan ng Pagtitika, at ang mga matang iyon na pinanatiling mala-anghel ng Kadalisayan, ay nakita nito ang hindi nakita ng iba. At ang purong mga mata ay dinala ang bisyon na iyon patungo sa tabernakulo ng puso, at sinarhan ito doon, katulad ng isang perlas sa isang lalagyan... Nang pagkaraan ng halos dalawang buwan tiningnan ng mga matang iyon ang hapong manlalakbay, ang kanyang kaluluwa ay nakilala Ako... Ako noon ay ang kanyang pag-ibig. Ang kanyang una at tanging pag-ibig. Ang una at tanging pag-ibig ay hindi kailanman nakakalimutan. Ang kaluluwa ay nararamdaman ito na dumarating, kahit na kung ito ay nakaalis na, nararamdaman nitong ito ay dumarating mula sa malalayong mga distansiya, at tumatalon ito sa tuwa, at ginigising ang kanyang isip, na gumigising sa laman, upang silang lahat ay magkasalo sa bangkete ng lugod sa pagkikitang muli at sa pagmamahalan sa isa’t isa. At ang kanyang nanginginig na mga labì ay nagsabi sa Akin: “Binabati ko Kayo. Kordero ng Diyos”. O! pananampalataya ng puro, gaano ka kadakila! Gaano mo nalampasan ang lahat na sagabal! Hindi niya alam ang Aking Pangalan. Sino Ako? Saan Ako nanggagaling? Ano ang Aking ginagawa? Ako ba ay mayaman? Ako ba ay mahirap? Ako ba ay marunong? Ako ba ay mangmang?  Ano ang tulong nito sa pananampalataya na malaman ang lahat na iyon? Ito ba ay lumalaki o lumiliit gawa ng kaalaman? Pinaniwalaan niya kung ano ang sinabi sa kanya ng Prekursor. Katulad ng isang bituin na sa pamamagitan ng utos ng Tagapaglikha nandadayuhan mula sa isang kalangitan patungo sa iba pa, humiwalay siya mula sa kanyang kalangitan, si Juan Bautista, mula sa kanyang talabituinan, at pumunta patungo sa kanyang bagong kalangitan, ang Kristo, sa talabituinan ng Kordero. At hindi siya ang pinakamalaking bituin ngunit siya ang pinakapuro at pinakamaganda sa talabituinan ng pagmamahal. Tatlong taon na ang nakaraan mula noon. Malalaki at maliliit na bituin ang sumama sa Aking talabituinan at pagkatapos sila ay humiwalay dito. Ang ilan ay bumagsak at namatay. Ang iba ay naging mausok dahil sa mabibigat na singaw. Ngunit siya ay nanatiling nakapirmi na ang kanyang purong liwanag malapit sa Pólo na Bituin.

Hayaang tingnan Ko ang kanyang liwanag. Dalawa ang magiging liwanag sa kadiliman ng Kristo: si Maria at si Juan. Ngunit ito ay magiging halos imposible para sa Akin na makita sila, napakalalim ang kalalabasan ng Aking pamimighati. Hayaang itanim Ko sa Aking mga mata ang apat na balintatao na mga kapiraso ng kalangitan sa pagitan ng magagandang pilikmata, upang madala Ko, kung saan walang sinuman ang makakapunta, isang alaala ng kadalisayan. Ang lahat na mga kasalanan! Ang lahat nasa mga balikat ng Tao! O! O! ang patak na ito ng kadalisayan!... Ang Aking Ina! Si Juan! At Ako!... Ang tatlong winasak na tao lumalabas mula sa winasak na barko ng  sangkatauhan sa dagat ng Kasalanan!

Iyon ay ang magiging ang oras kung saan Ako, ang supling ng lahi ni David, ay magsasabi, dumadaing kasama ang matagal nang buntung-hininga ni David: “Aking Diyos, lumingon upang tingnan Ako. Bakit Ninyo Ako iniwan? Ang mga sigaw ng mga krimen na inako Ko sa katauhan ng lahat ay inilalayo Ako sa Inyo... Ako ay isang uod, hindi na isang tao, kahihiyan ng sangkatauhan, basura ng madla”. At pakinggan si Isaiah: “Pinabayaan Ko ang Aking katawan sa mga bumubugbog sa Akin, ang Aking mukha sa mga humahalbot ng Aking balbas, hindi Ko inaalis ang Aking mukha sa mga nang-iinsulto sa Akin at dumudura sa Akin”. Makinig muli kay David: “Maraming bisiro ang pumaligid sa Akin, maraming toro ang sumuwag sa Akin. Ang kanilang mga babâ ay nakanganga upang katayin Ako, katulad ng mga leon na nanlalapà at umaatungal. Ako ay katulad ng tubig na nauubos”. At si Isaiah ay kinukumpleto ito: “Ako Mismo ang nagkulay sa Aking mga damit”. O! Tinitina Ko Mismo ang Aking mga damit, hindi sa pamamagitan ng Aking galit, bagkus sa pamamagitan ng Aking dalamhati at ng Aking pagmamahal para sa inyo. Katulad ng dalawang patag na bato ng pampisa ng ubas, pinipisa nila Ako at ang Aking Dugo. Katulad Ko ang pinisang kumpol ng mga ubas, na maganda noong pumasok sa pisaan, at pagkatapos ito ay lamukot na pinipis na walang katas at ganda. At sinasabi Ko kasama si David, ang Aking puso “ay katulad ng waks at natutunaw sa loob ng Aking dibdib”. O perpektong Puso ng Anak ng tao, ano na ang kinalalabasan mo ngayon? Katulad mo ang puso na pagkatapos ng mahabang buhay ng pagpapakasaya nang labis ay nahapo at pinanghinaan. Ang lahat ng Aking lakas ay nawala. Ang Aking dila ay dumidikit sa Aking ngalangala dahil sa lagnat, init at aguniya. At ang kamatayan ay lumalapit sa nananakal na nakabubulag na mga abo. At doon ay ni walang awa! “Ang isang pangkat ng mga aso ay pumapaligid sa Akin at sinasakmal Ako. Sinasakmal nila Ako kung saan Ako nasugatan at ang mga dagok ay tumatama kung saan Ako nasakmal. Walang bahagi ng Aking katawan ang walang kirot. Ang Aking mga buto ay lumalaginit habang sila ay nawawala sa lugar sa gawa ng makahayop na págbabanát. Hindi Ko malaman kung saan Ko isasandal ang Aking katawan. Ang nakapangingilabot na korona ay isang paikot na apoy na tumatagos sa Aking ulo. Ako ay nakabitin sa pamamagitan ng Aking tinusok na mga kamay at mga paa. Itinaas na katulad Ko, pinakikita Ko ang Aking katawan sa mundo at ang lahat ay mabibilang nila ang Aking mga buto”...»

«Manahimik! Manahimik!» sabi ni Juan humihikbi.

«Huwag nang magsalita pa! Ginagawa Ninyo kaming ipaghirap ang mga paghihingalo sa kamatayan!» sabi ng Kanyang mga pinsan nangungusap.

Si Andres ay hindi nagsasalita, ngunit na ang kanyang ulo nasa pagitan ng kanyang mga tuhod siya ay umiiyak nang walang-ingay. Si Simon ay namumutlang-abo. Si Pedro at si Santiago ni Zebedeo ay tila pinahihirapan. Sina Felipe, Tomas at Bartolomeo ay nagmumukhang katulad ng tatlong batong estatuwa na nangangatawan sa hapis.

Si Judas Iskariote ay isang nakapangingilabot na maladimonyong maskara. Nagmumukha siyang katulad ng isang naisumpang tao na sa wakas nabatid kung ano ang kanyang nagawa. Na ang kanyang bunganga nakanganga upang mailabas ang sigaw na umaalulong sa loob niya subalit napipigilan sa loob ng kanyang lalamunan, ang kanyang mga mata nakadilat at natatakot katulad ng mga mata ng isang baliw, ang kanyang mga pisngi naninilaw sa ilalim ng nagkukulay-kapeng belo ng kanyang naputulan na balbas, ang kanyang buhok magulo habang kinukusot niya ito paminsan-minsan ng kanyang kamay, basa sa pawis at malamig, siya ay tila nasa punto na himatayin.

Si Mateo, itinataas ang kanyang mga mata, na magpahanggang ngayon ay nakababa, upang makakita ng ilang tulong sa kanyang paghihirap, ay nakita siya at nagsabi: «Judas! May nararamdaman ka ba?... Guro, si Judas ay naghihirap!»

«At Ako rin» sabi ni Kristo. «Ngunit naghihirap Ako nang may kapayapaan. Maging mga espiritu upang matagalan ang oras na ito. Ang sinuman na “laman” ay hindi ito matatagalan nang hindi nagiging baliw...

Sa muli si David ay nagsasalita, na nakikita ang mga pagpapahirap sa Kristo: “Hindi pa sila kontento at tinitingnan nila Ako, tumatawa sila nang nanunuya sa Akin at hinati nila ang Aking mga damit sa pagitan nila at nagpupustahan para sa Aking tunika. Ako ang Masamang-may-kagagawan. Iyon ay karapatan nila”.

O! Lupa, tingnan ang iyong Kristo! Kilalanin Siya, bagama't Siya ay ubos-na-ubos na. Makinig, alalahanin ang mga salita ni Isaiah at intindihin kung bakit, ang dakilang bakit, kung bakit Siya nagkagayon, at kung bakit napatay ng tao ang Salita ng Ama, pinaliit Siya nang gayong kaliit. “Siya ay walang kagandahan at karingalan. Nakita namin Siya, Siya ay hindi maganda. At hindi namin Siya minahal. Kinasusuklaman katulad ng hulí ng mga tao, Siya, ang Tao ng mga kapighatian at sanay sa paghihirap, ay itinago ang Kanyang mukha. Siya ay kinasusuklaman at hindi natin Siya binigyan ng katuwiran”. Ang hitsura ng mukha na ito ng isa na pinahihirapan ay ang Kanyang kagandahan bilang Tagapagtubos. Ngunit ikaw, tangang Lupa, mas ginusto ang Kanyang panatag na mukha! “Talagang inako Niya ang ating mga paghihirap, binatá Niya ang ating mga kapighatian. At tiningnan natin Siya na tila Siya ay isang ketongin, katulad ng isang isinumpa ng Diyos at kinasuklaman. Siya, sa halip, ay napinsala dahil sa ating kasamaan. Ang kaparusahan na itinalaga para sa atin, ang kaparusahan na magbibigay ng kapayapaan sa atin muli sa Diyos, ay bumagsak sa Kanya. Sa pamamagitan ng Kanyang mga sugat tayo ay gumaling. Lahat tayo ay napaligaw katulad ng mga tupa. Ang bawat isa ay lumisya sa tuwid na landas at ang Panginoon ay ipinatong sa Kanya ang mga kasalanan nating lahat”.

Ang mga nag-aakala na nakagawa sila ng kabutihan sa kanilang mga sarili at sa Israel ay kailangan na huwag nilang lokohin ang kanilang mga sarili. At gayon din ang mga nag-aakala na sila ay naging mas malakas kaysa sa Diyos. At gayon din ang mga nag-aakala na hindi nila kailangan na pagbayaran-sala ang kanilang kasalanan, sa dahilan lamang na nagkusang-loob Ako na patayin nila Ako. Isinasakatuparan Ko ang Aking banal na gawain, ang Aking perpektong pagsunod sa Aking Ama. Ngunit hindi nito pinakakawalan ang kanilang pagsunod kay Satanas at ang kanilang masamang gawain. Oo, o Lupa, ang inyong Tagapagtubos ay naisakripisyo sapagkat ginusto Niya ito. “Hindi Niya kailanman ibinuka ang Kanyang bunganga upang bumigkas ng isang salita ng panalangin at kung gayon maipagpaliban Siya o ng isang salita upang isumpa ang Kanyang mga tagapagpatay. Katulad ng isang tupa pinabayaan Niyang pasundin Siya patungo sa bahay-katayan upang patayin, katulad ng isang tupa na pipi sa harapan ng mga tagagupit”. “Pagkatapos na mahuli at masentensiyahan Siya ay ibinangon. Hindi Siya magkakaroon ng supling. Katulad ng isang punungkahoy Siya ay pinutol na mawala sa lupa ng mga buhay. Ang Diyos ay hinampas Siya para sa mga kasalanan ng Kanyang sambayanan. Wala bang sinuman sa Kanyang henerasyon sa Kanyang Lupa ang maaawa sa Kanya? Ang tao bang pinutol na mawala sa Lupa ay hindi magkakaroon ng mga anak?”

O! Ako ay tumutugon sa iyo, o propeta ng iyong Kristo. Kung ang aking sambayanan ay hindi magkakaroon ng awa sa inosenteng Tao na pinatay, ang mga anghel ng makalangit na sambayanan ay maaawa sa Kanya. Kung ang Kanyang birilidad ay hindi magkakaroon ng mga anak sa isang pamamaraang pantao, dahil ang Kanyang Kalikasan ay hindi makakatapat sa isang mortal na katawan, Siya nga ay magkakaroon ng mga anak, at marami nito, ayon sa isang pagsusupling na magdadala ng búhay hindi mula sa laman ng hayop at dugo, bagkus mula sa dibinong pagmamahal at Dugo, isang pagsusupling ng espiritu kung saan eternal ang magiging supling nito. At akin ding ipaliliwanag sa iyo, o mundo na hindi makaintindi sa propeta, kung sino ang masama na inilagay sa Kanyang libingan, at ang mayaman sa Kanyang kamatayan.  Isipin, o mundo, kung kahit isa sa Kanyang mga tagapagpatay ay nagkaroon ng kapayapaan at isang mahabang buhay! Siya, ang Nabubuhay na Isa, ay malapit nang iwanan ang kamatayan. Ngunit, katulad ng mga dahon na inilalatag nang isa-isa ng hanging taglagas sa daan ng araro sa lupa pagkatapos na matanggal sila ng paulit-ulit na bugso, sila ay malapit nang ihigang isa-isa sa hamak na puntod na itinalaga para sa Kanya; at ang isang namuhay para sa ginto, kung tama na ilagay ang isang di-malinis na tao kung saan napunta dati ang Banal na Isa, ay maihihiga kung saan may kabasaan pa na gawa ng di-mabilang na mga sugat ng Biktima na isinakripisyo sa bundok.

Sa dahilan na Siya ay inakusahan bagama't inosente, ipinaghihiganti Siya ng Diyos, sapagkat wala kailanman ng panunumpang kabulaanan sa Kanyang bunganga, o mabigat na pagkakasala sa loob ng Kanyang puso. Siya ay naubos ng kirot. Ngunit kapag nangyari na ang pagkaubos at ang Kanyang buhay ay nadala na para sa sakripisyo ng pagbabayad-sala, ang Kanyang kaluwalhatian ay magsisimula sa hinaharap na mga henerasyon. Ang lahat na mithiin at ang Banal na mga kalooban ng Diyos sa Kanyang kapakanan ay papapangyarihin. Sapagkat sa lahat na kinasasabikan ng Kanyang kaluluwa, makikita Niya ang kaluwalhatian ng totoong sambayanan ng Diyos at magiging masaya. Ang Kanyang makalangit na doktrina, na Kanyang sisilyuhan ng Kanyang Dugo, ay magiging ang pagbibigay-katwiran ng marami sa pinakamagagaling, at aakuin Niya para sa Kanyang Sarili ang kasamaan ng mga makasalanan. At iyan kung bakit ang di-kilalang Hari na ito, na pinagtatawanan ng masasama at hindi maintindihan ng pinakamagagaling, ay magkakaroon ng isang malaking multitud, o Lupa. At sa pamamagitan ng Kanyang mga tagasunod paghahati-hatiin Niya ang mga naagaw sa natalo. Paghahati-hatiin Niya ang mga naagaw na malalakas na tao, ang tanging Hukom ng tatlong kaharian at ng Kaharian. Naging karapat-dapat Siya ng lahat sapagkat binigay Niya ang lahat. Ang lahat ay ibibigay sa Kanya, sapagkat binigay Niya ang Kanyang Sarili sa kamatayan at naibilang sa mga kriminal, Siya Na walang kasalanan. Wala kahit ano pang ibang kasalanan maliban sa perpektong pagmamahal at walang-hangganang kabutihan. Dalawang kasalanan na hindi mapatawad ng mundo, gayon klaseng pagmamahal at kabutihan na nag-uudyok sa Kanya na akuin sa Kanyang Sarili ang mga kasalanan ng marami, ng buong mundo, at magdasal para sa mga makasalanan. At para din sa mga na sa pamamagitan nila Siya ay pinatay.

Nakatapos na Ako. Wala na Akong kailangan pang sabihin. Ang lahat ay nasabi na tungkol sa kung ano ang ibig Kong sabihin sa inyo tungkol sa mga propesiya na kaugnay sa Mesiyas. Naipaliwanag Ko na ang lahat sa inyo, mula sa Aking kapanganakan hanggang sa Aking kamatayan upang sana makilala ninyo Ako at hindi magkaroon ng mga pagdududa, at  mga dahilan para sa inyong kasalanan.

At ngayon tayo ay magdasal nang magkakasama, ito ang huling gabi na makapagdarasal tayo nang ganyan, lahat nagkakaisa katulad ng mga ubas sa kumpol na sumusuporta sa kanila.. Halikayo. Tayo’y manalangin. “Ama namin, Na nasa Langit, sambahin ang ngalan Ninyo. Mapasa amin ang Kaharian Ninyo. Mangyari ang Inyong kalooban sa Lupa katulad na ito ay nangyayari sa Langit. Bigyan Ninyo kami ng aming kakanin sa araw-araw. Patawarin kami sa aming mga pagkakasala, katulad na pinatatawad namin ang nagkakasala sa amin, Huwag Ninyo kaming dalhin sa tukso, bagkus ilayo Ninyo kami sa masama. Amen”.

“Sambahin ang Inyong Pangalan”. Ama, sinamba Ko ito. Maawa sa Inyong Anak.

Mapasa amin ang Inyong Kaharian”. Ako ay namamatay upang maitatag ito. Maawa sa Akin.

“Mangyari ang Inyong kalooban”. Suportahan ang Aking kahinaan. Kayo na naglikha sa laman ng tao at nagdamit sa Inyong Salita sa pamamagitan nito, upang sana masunod Ko kayo sa ibaba rito katulad na lagi Ko Kayong nasunod sa Langit. Maawa sa Anak ng tao.

“Ibigay sa amin ang aming Tinapay”... Isang tinapay para sa kaluluwa. Isang tinapay hindi ng Lupang ito. Hindi Ko hinihingi ito para sa Aking Sarili. Kailangan Ko lamang ang Inyong espirituwal na pampaginhawa. Ngunit Ako, ang Pulubi, ay inuunat ang Aking kamay para sa kanila. Bago magtagal ito ay tutusukin at ipapako, at hindi na ito makagagawa ng paghingi ng pagmamahal. Ngunit magagawa pa nito ito ngayon. Ama, pagkalooban Ako na maibigay sa kanila ang Tinapay na magpapalakas araw-araw sa kahinaan ng kaawa-awang mga anak ni Adan. Sila ay mahina, Ama, sila ay mas mababa, sapagkat wala sa kanila ang Tinapay na siyang lakas, ang anghelikal na Tinapay na mangyaring maging espiritu ang tao at magdadala sa kanya na maging katulad ng diyos sa Atin.

«Patawarin kami sa aming mga pagkakasala”...»

Si Jesus Na nagsasalita nang nakatayo kanina at nagdarasal na ang Kanyang mga kamay nakaunat, ngayon ay lumuluhod at itinataas ang Kanyang mga kamay at mukha sa Langit. Isang mukha na nagawang maputla dala ng pagsisikap sa pagsusumamo at ng halik ng buwan, may mga daan ng tahimik na mga luha.

«Patawarin ang Inyong Anak, o Ama, kung nasaktan Ko Kayo sa kahit anumang paraan. Ako ay maaari ding tila di-perpekto sa Inyong Perpeksiyon, Ako, Inyong Kristo, napabibigatan ng laman. Sa mga tao... hindi. Ang Aking gisíng na katalinuhan ay tinitiyak sa Akin na nagawa Ko ang lahat para sa kanila. Ngunit patawarin ang Inyong Jesus... Ako rin ay nagpapatawad, Nagpapatawad Ako, na sana patawarin Ninyo Ako. Gaano Ako dapat na magpatawad! Gaano!... Subalit nagpatawad Ako. Ang mga naririto ngayon, ang mga disipulo na wala rito, ang mga na ang kaninong mga puso ay bingi, ang Aking mga kaaway, mga nanunuya, mga traydor, mga mámamatay-tao, mga mamamatay-diyos... Dito. Napatawad Ko ang buong Sangkatauhan. Ang magpatungkol sa Akin, o Ama, tingnan na bayad na ang lahat na pagkakautang ng tao sa Tao. Ako ay namamatay upang maibigay ang Inyong Kaharian sa lahat, at ayaw Ko na ang kasalanan laban sa Pag-ibig na nagkatawang-tao ay maisisi sa kanila bilang panunumpa. Hindi? Sinasabi ba Ninyong hindi? Ito ay Aking paghihirap. Ang “hindi” na ito ay ibinubuhos ang unang sipsip ng mapait na kalis sa aking puso. Ngunit Ama, Na Aking laging sinunod, sinasabi Ko sa Inyo: “Masunod ang kalooban Ninyo”.

“Huwag kaming dalhin sa tukso”. O! kung gugustuhin Ninyo, mapalalayas Ninyo ang dimonyo sa amin!. Siya ang tukso na nagpapabalisa sa laman, sa mga isip, sa mga puso. Siya ang Manlilinlang. Palayasin Siya, Ama! Ang Inyong arkanghel sa pabor namin! Upang mapalayas siya na naglalatag ng mga patibong para sa amin mula sa aming kapanganakan hanggang sa aming kamatayan!... O! Banal na Ama, maawa sa Inyong mga anak!

“Ilayo kami, ilayo kami sa kasamaan!” Magagawa Ninyo. Kami ay tumatangis dito... Ang Langit ay napakaganda at natatakot kaming mawala ito. Sinasabi Ninyo: “Hindi ito maaaring mawala sa Aking Dugo”. Ngunit ibig Kong makita Ninyo ang Tao sa Akin, ang Panganay ng mga tao. Ako ay kanilang kapatid. Nananalangin Ako para sa kanila at kasama sila. Ama, maawa! O! maawa!...»

Si Jesus ay yumuyuko na ang Kanyang mukha nasa lupa. Pagkatapos Siya ay tumayo. «Tayo na. Tayo ay magbigayan ng pagpapaalam sa isa’t ngayong gabi. Hindi na ito magiging posible bukas. Tayo ay magiging balisang-balisa. At walang pagmamahal kung saan may kabalisahan. Tayo ay magpalitan sa isa’t isa ng halik ng kapayapaan. Bukas... bukas ang bawat isa sa inyo ay ang sarili ang aasikasuhin... Ngayong gabi maaari pa tayong maging isa para sa lahat at lahat para sa isa.»

At hinahalikan Niya sila, isa-isa, simula kay Pedro, pagkatapos si Mateo, Simon, Tomas, Felipe, Bartolomeo, ang Iskariote, ang Kanyang dalawang pinsan, si Santiago ni Zebedeo, si Andres at huli si Juan, kung kanino Siya sumasandal habang umaalis sa Gethsemane.

150812

 

 



Sunod na kabanata