596. Ang Huwebes Bago ang Paskuwa. Paghahanda para sa Hapunan at ang Pagpapahayag Tungkol sa Pagluluwalhati sa Pamamagitan ng Kamatayan.

Abril 3 1947.

Ngayon ay umaga na muli. Napaka maaliwalas! Napaka malugod! Kahit na ang mga ulap na kahapon ay dahan-dahan na naglalagalag sa kobaltong-asul na kalangitan ay wala na ngayon. Kahit na ang mabigat na kaalinsanganan na nananakal ng hininga kahapon. Ang isang magaan na hangin ay umiihip sa mga mukha ng mga tao. At dala nito ang amoy ng mga bulaklak, ng dayami, ng purong hangin, At malumanay na pinagagalaw nito ang mga dahon ng mga punong-olibo. Tila nananabik ito na hangaan ng mga tao ang  kulay plata ng maliit na hugis-sibat na mga dahon, na magbudbod ng munting puting mabangong mga bulaklak sa nilalakaran ng Kristo, sa ibabaw ng Kanyang matingkad na ulo, upang mahalikan Siya, mapaginhawahan Siya – sapagkat ang bawat munting takupis ay may napaliit na patak ng hamog – upang mahalikan Siya, mapaginhawahan Siya, pagkatapos mamatáy bago makita ang namimintong kilabot. At ang damo sa munting mga burol ay yumuyuko inaalog ang mga kampanilyang-bulaklak, ang mga korola, ang maliliit na palad ng libu-libong mga bulaklak. Ang malalaking layas na margarita na tila mga mata ng baka, mga bituin na may ginintuang mga puso, ay nakatayong mataas sa kanilang mga tangkay na tila upang halikan ang kamay na malapit nang tusukin, at ang maliliit na margarita at ang mga layas na mansanilya ay hinahalikan ang Kanyang mapagbigay na mga paa, na titigilan lamang sa paglalakad para sa kabutihan ng mga tao kapag ito ay ipinako na upang makapagbigay ng mas malaking kabutihan, at ang mga brierrose ay nangangamoy nang maganda, at ang hawthorn, na nawalan na ng mga bulaklak, ay iginagalaw ang mga  may-ukang mga dahon nito. Tila sinasabi nito: «Hindi, hindi» sa mga gagamit nito upang ipanghagupit sa Tagapagtubos. At «hindi» sabi ng mga tambo sa Kidron. Ayaw din nilang ipanghagupit, at ang kanilang kalooban ng maliliit na bagay ay ayaw na makasakit sa Panginoon. At baka ang mga bato sa mga dalisdis ay masaya na sila ay nasa labas ng bayan, sa taniman ng mga punong-olibo, bilang naroroon, hindi sila makakasakit sa Martir. At ang manipis na malarosas na convolvuli, na mahal-na-mahal ni Jesus, ay umiiyak, pati na rin ang mga corymb ng niyebeng-kaputian na mga acacia, nakakatulad ng mga kumpol ng mga paruparo na nagsisiksikan sa isang tangkay, ay baka nag-iisip: «Hindi na natin Siya muli makikita.» At ang mga myosote, napaka balingkinitan at puro, ay inilalaglag ang kanilang mga korola kapag nadidikitan ng purpurang manta ni Jesus na Kanyang suot muli. Maaaring magandang mamatay na nadidikitan ng isang bagay na pag-aari ni Jesus. Ang lahat na mga bulaklak, pati ang isang naligaw na liryo ng lambak, na baka bumagsak doon nang di-sinasadya at sumulpot sa pagitan ng mga nakausling mga ugat ng isang puno ng olibo, ay masayang nakikita sila at pinulot ni Tomas at inialok sa Panginoon... At masaya ang libu-libong mga ibon sa pagitan ng mga sanga na mabati Siya ng malugod na mga awit. O! ang mga ibon na lagi Niyang mahal-na-mahal ay hindi nanunumpa sa Kanya! Kahit na ang isang maliit na kawan ng mga tupa ay tila binabati Siya, bagama't sila ay malungkot, bilang napagkaitan ng kanilang mga supling na mga pinagbili para sa sakripisyo ng Paskuwa. Ito ay ang lamentasyon ng mga ina na umaalingawngaw sa ere, habang humuhuni sila tinatawag ang kanilang maliliit na hindi na babalik, at sila ay pumupunta at kinukuskos ang kanilang sarili kay Jesus, tinitingnan Siya ng kanilang mapagpakumbabang mga mata.

Ang pagkakita sa mga tupa ay nakapagpaalaala sa mga apostol tungkol sa ritwal at noong sila ay halos nasa Gethsemane na, tinanong nila si Jesus: «Saan tayo pupunta upang kainin ang hapunan ng Paskuwa? Aling lugar ang Inyong pinipili? Sabihin sa amin at kami ay pupunta upang ihanda ang lahat.»

At si Judas ng Kerioth ay nagsabi: «Ibigay Ninyo ang Inyong mga utos at ako ang pupunta.»

«Pedro. Juan. Makinig sa Akin.»

Ang dalawa, na mga medyo nasa unahan, ay nilalapitan sa Jesus Na tumawag sa kanila.

«Mauna kayo at pasukin ang bayan sa pamamagitan ng Dung Gate. Kaagad na makapasok kayo, may masasalubong kayong isang lalaki na bumabalik mula sa En Rogel na may dalang isang pitsel ng mabuting tubig na iyon. Sundan siya hanggang pumasok siya sa isang bahay. Sasabihin ninyo sa kanya na nasa loob nito: “Sinasabi ng Guro: ‘Nasaan ang silid kung saan maaari Kong kainin ang hapunan ng Paskuwa kasama ang Aking mga disipulo?’”. Ipakikita niya sa inyo ang isang malaking silid, na nakahanda na. Ihanda ang lahat doon. Lumakad nang mabilis at pagkatapos samahan kami sa Templo.»

Ang dalawa ay umalis nang nagmamadali. Si Jesus sa halip ay nagpapatuloy nang dahan-dahan. Ang umaga ay malamig pa rin, at tanging ang unang mga peregrino pa lamang ang lumilitaw sa mga daan na maghahatid sa bayan. Tinatawid nila ang maliit na tulay ng Kidron na bago ang Gethsemane at pinapasok ang bayan. Ang mga geyt at hindi na nababantayan ng mga lehiyonaryo, baka dahil sa isang salungat na utos ni Pilato, na nabigyan ng katiyakan sa pamamagitan ng kawalan ng mga pagtatalu-talo tungkol kay Jesus. Sa katunayan may absulutong kapanatagan kahit saan.

O! walang sinuman ang makapagsasabi na ang mga Judaean ay hindi napigilan ang kanilang mga sarili! Walang nanggagambala sa Guro o sa Kanyang mga disipulo. Umaasal nang magalang kung hindi man magiliw, at bilang may mabubuting-ugali na mga tao, lagi nila Siyang binabati, kahit na ang pinaka masamain-ang-loob na mga miyembro ng Sanhedrin. Ang paninisi rin kahapon ay tiniis nang walang-kapantay na pasensya. At sa dahilan na ang pangkabukirang bahay ni Caiaphas ay malapit sa geyt na iyon, ngayun-ngayon lamang ay may isang malaking grupo ng mga Pariseo at mga eskriba ang dumaraan nanggagaling dito, at kasama rito ay ang anak ni Annas kasama si Helkai, si Doras at si Sadoc. At ibinabaluktot ang kanilang mga likod natatakpan ng malalapad na mga manta nagbibigay galang sila sa pagitan ng wumawagayway na mga damit, mga palawit at malalaking takip sa ulo. Si Jesus ay binabati sila at dumaraan, maringal sa Kanyang pulang delanang tunika at ng Kanyang manta ng isang mas madilim na kulay, ang pantakip sa ulo galing kay Sintike nasa Kanyang kamay, habang ang sinag ng araw ay ginagawa ang Kanyang kulay-tansong buhok na maging isang ginintuan na girnalda at isang nagniningning na belo na umaabot sa Kanyang mga balikat. Pagkatapos na makaraan Siya ang mga nakabaluktot na likod ay dumiretso at ang mga mukha ay makikita: mga mukha ng nagngangalit na mga ayena.

Si Judas ng Kerioth, na laging patingin-tingin sa paligid sa pamamagitan ng kanyang mapagkanulong mukha, ay tumabi sa daan nagkukunwaring nagtatali ng kanyang sandalyas at, nakikita ko siya nang mabuti, sinisenyasan ang mga lalaking iyon na maghintay sa kanya... Pinabayaan niya ang grupo ni Jesus at ang Kanyang mga disipulo na makauna, laging abalá sa hibilya ng kanyang sandalyas upang magkunwari; pagkatapos dumaan siya nang mabilis malapit sa mga eskriba at mga Pariseo at bumulong: «Sa Beautiful Gate. Mga ikaanim na oras. Ang isa sa inyo»  at umalis siya nang mabilis, sinasamahan ang kanyang mga kasamahan. Prangko, may-kakapalan-ng-mukha na prangko!...

Umaakyat sila sa Templo. Kakaunting mga Hudyo pa lamang ngayon. Ngunit maraming mga Hentil. Si Jesus ay lumakad upang sambahin ang Panginoon. Pagkatapos Siya ay bumalik at sinasabihan Niya si Simon at si Bartolomeo na bumili ng kordero kinukuha ang pera kay Judas ng Kerioth.

«Nagawa ko sana ito!» sabi ni Judas.

«Mayroon kang ibang mga bagay na gagawin. Nalalaman mo iyan. Ayón ang bintana na iyon kung saan ang alay ni Maria ni Lazarus ay kailangang dalhin, sinasabihan siya na pagkatapos ng mga kapistahan kailangan niyang pumunta sa Bethany, kay Lazarus.  Alam mo ba kung saan siya nakatira. Naintindihan mo ba?»

«Oo, alam ko! Si Zachariah, na nakakakilala sa kanya nang mabuti, pinakita sa akin ang lugar.» At dagdag pa niya: «Tuwang-tuwa ako na lumakad. Hindi labis dahil sa paglalakbay, katulad na ito ay dahil sa kordero. Kailan ako dapat na umalis?»

«Mamaya. Hindi Ako titigil dito nang matagal. Magpapahinga Ako ngayon, dahil ibig Kong maging malakas para sa gabing ito at para sa Aking panggabing panalangin.»

«Sige.»

Bueno, nag-iisip ako: si Jesus, Na noong mga nakaraang araw ay walang sinasabi tungkol sa Kanyang mga binabalak upang hindi malaman ni Judas ang mga detalye, bakit ngayon sinasabi Niya, bakit Niya inuulit kung ano ang Kanyang gagawin sa gabi? Ang Kanya kayang Pasyon ay nakapagsimula na sa pamamagitan ng pagkabulag ng pananaw, o ang pananaw na ito ay lumakas nang labis na nababasa Niya ang mga aklat sa Langit na ito na ang «gabi» at na kung gayon gawin Niyang malaman ito ng tao na naghihintay na makaalam, upang maipagkanulo niya Siya sa Kanyang mga kaaway, o lagi na Niyang nalalaman na ang paghandog sa Kanya ay magsisimula sa gabing iyon? Hindi ako makapagbibigay ng kahit anong katugunan. Si Jesus ay hindi sa akin nagbibigay ng kahit anong katugunan. At nananatili akong may mga katanungan, habang pinapanood ko si Jesus na pinagagaling ang huling may-sakit na mga tao. Ang huling mga may sakit... Bukas, sa loob ng kaunting oras, hindi na Niya ito magagawa... Ang Lupa ay mawawalan na ng makapangyarihang Manggagamot ng mga katawan. Ngunit ang Biktima, mula sa Kanyang intabladong bitayan, ay pasisimulan ang serye, nang walang pagkaputol sa loob ng dalawampung siglo, ang Kanyang espirituwal na mga pagpapagaling.

Ngayon ako ay nagninilay-nilay kaysa naglalarawan. Aking Panginoon gawin Ninyong madala ko ang aking espirituwal na pananaw mula sa kung ano ang nakikita kong nangyayari sa huling araw ng kalayaan ng Kristo, sa kung ano ito magiging sa buong mga panahon... Ngayon pinagninilay-nilayan ko ang mga nararamdaman, ang mga naiisip ng Guro kaysa sa kung ano ang nangyayari sa paligid Niya. Ako ay nasa loob na ng nakalulungkot na pag-unawa ng Kanyang paghihirap sa Gethsemane...

Katulad ng madalas mangyari si Jesus ay natatabunan ng pulutong na lumaki na at ngayon dito ang karamihan ay mga Hebreo, na nakalimutan nang magmadali patungo sa lugar kung saan ang mga kordero ay sinasakripisyo, nananabik katulad nila na malapitan si Jesus, ang Kordero ng Diyos, Na malapit nang isakripisyo. At ang mga tao ay nagpapatuloy sa pagtanong ng mga katanungan at gusto pa nila ng karagdagan na mga kapaliwanagan.

Ang marami ay mga Hebreo na mga nanggaling sa Diaspora, at bilang nakapakinig sa mga tao na nagsalita tungkol sa reputasyon ng Kristo, ng Galilean na Propeta, ng Rabbi ng Nazareth, sila ay mausisang gustong makapakinig sa Kanyang magsalita at nananabik na mapakawalan ang bawat posibleng pagdududa. At sila ay tumutulak sa gitna ng pulutong at pinakikiusapan nila ang mga nagmula sa Palestina nagsasabing: «Lagi ninyo Siyang nakakasama. Kilala ninyo kung sino Siya. napapakinggan ninyo ang Kanyang salita kailanman ninyo gusto. Kami ay nanggaling sa malayo at kami ay aalis kaagad pagkatapos na magampanan ang alituntunin. Gawin kaming makapunta sa Kanya!» Ang pulutong ay nagbigay-daan nang may-kahirapan upang sila ay makaraan. At nilapitan nila si Jesus at pinagmamasdan Siya nang mausisa. Sila ay nag-uusap-usap sa isang mababang tinig, grupo sa grupo.

Si Jesus ay inoobserbahan sila, kahit na kung kasabay Niyang pinakikinggan ang isang grupo ng mga tao na mga nanggaling sa Perea. Pagkatapos, matapos na mapaalis ang huling nabanggit na grupo ng mga tao, na nagbigay sa Kanya ng pera para sa mahihirap, katulad ng ginagawa ng marami, at naiabot ito kay Judas katulad ng dati, Siya ay nagsimulang magsalita.

«Kayong lahat ay iisa ang inyong relihiyon, ngunit magkakaibang lugar ang inyong pinanggalingan, at marami sa mga taong naririto ay nagtatanong: “Sino ang talong ito na tinatawag na Nazareno?”, at ang kanilang mga pag-asa ay nakakabangga ang kanilang mga pagdududa. Makinig:

Ito ay sinabi tungkol sa Akin: “Ang isang supang ay uusbong mula sa lahi ni Jesse, ang isang bulaklak ay lalabas mula sa ugat na ito at ang Espiritu ng Panginoon ay titigil sa Kanya. Hindi Siya maghuhukom sa pamamagitan ng kung ano ang tila nakikita ng mga mata, hindi Siya magbababa ng pasya ayon sa sabi-sabi, bagkus huhusgahan Niya ang kaawa-awang sawing-palad nang may katapatan, kukunin Niya ang mga pamugbog pabor sa may kababaang-loob. Ang usbong ng ugat ni Jesse, inilagay bilang isang senyal sa mga nasyon, ay pananawagan ng mga tao at ang Kanyang sepulkro ay magiging maluwalhati. Pagkatapos na makapagtaas ng isang bandila para sa mga nasyon, ipupunin Niya ang mga repuhiyado ng Israel, bubuuin Niya ang kumalat na sambayanan ng Judah mula sa apat na sulok ng Lupa”.

Ito ay sinabi sa tungkol sa Akin: “Naririto ang Panginoong Diyos dumarating nang may kapangyarihan, ang Kanyang kamay ay magtatagumpay. Dala-dala Niya ang Kanyang premyo, ang Kanyang gawain ay nasa harapan ng Kanyang mga mata. Katulad ng isang pastol papastulin Niya ang kanyang kawan”.

Ito ay sinabi tungkol sa Akin: “Naririto ang Aking Lingkod kung Kanino Ako ay mamamalagi, kung Kanino nagsasaya ang Aking kaluluwa. Pinagkalooban Ko Siya ng Aking espiritu. Maghahatid Siya ng kapayapaan sa mga nasyon. Hindi Siya sisigaw, hindi Niya babaliin ang naitumbang tambo, hindi Niya papatayin ang mausok na mitsa, magtutuwid Siya ayon sa katotohanan. Nang hindi nagiging malungkot o magulo, magtatagumpay Siya sa pagtatatag ng katarungan sa Lupa, at ang mga isla ay hihintayin ang Kanyang batas”.

Ito ay sinabi tungkol sa Akin: “Ako, ang Panginoon, ay tinawag Ka sa katarungan, inakay Kita sa kamay, pinanatili Kita, itinalaga Kita bilang tipan ng sambayanan at liwanag ng mga nasyon, upang buksan ang mga mata ng bulag, mapalaya ang mga napipiit sa kulungan at ang mga nasa kadiliman ng bartulina”.

Ito ay sinabi tungkol sa Akin: “Ang Espiritu ng Diyos ay nasa Akin, sapagkat Ako ay pinahiran ng langis ng Panginoon upang ibalita ang Mabuting Balita sa mapagpakumbaba, upang pagalingin ang mga may durog na mga puso, upang ipahayag ang kalayaan sa mga alipin, kalayaan sa mga nakakulong, upang ipahayag ang taon ng grasya ng Panginoon”.

Ito ay sinabi tungkol sa Akin: “Siya ay ang Malakas na isa, pakakanin Niya ang Kanyang kawan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, sa pamamagitan ng mahestad ng pangalan ng Panginoong Kanyang Diyos. Sila ay makukumberti sa Kanya, sapagkat katulad ng magmula ngayon Siya ay luluwalhatiin hanggang sa pinaka kadulu-duluhang mga limitasyon ng mundo”.

Ito ay sinabi tungkol sa Akin: “Lalakad Ako at hahanapin Ko Mismo ang Aking mga tupa. Hahanapin Ko ang mga nawawalang tupa, ibabalik Ko ang mga pinalayas, bibigkisan Ko ang mga nabalian, palulusugin Ko ang mahihina, babantayan Ko ang matataba at malalakas, papastulin Ko sila nang may katarungan”.

Ito ay sinabi: “Siya ay ang Prinsipe ng kapayapaan at magiging ang kapayapaan”.

Ito ay sinabi: “Naririto dumarating ang inyong Hari, ang Makatarungang Isa, ang Tagapagligtas. Siya ay mahirap, nakasakay Siya sa isang maliit na asno. Ibabalita Niya ang kapayapaan sa mga nasyon. Ang Kanyang paghahari ay mula sa dagat hanggang sa dagat pa, hanggang sa mga pinaka hangganan ng Lupa”.

Ito ay sinabi: “Pitumpung linggo ang itinalaga para sa inyong sambayanan, para sa inyong banal na siyudad, upang ang pagsisinungaling ay maalis, ang kasalanan sana matapos, ang kasamaan sana makansela, ang eternal na hustisya sana dumating, ang mga bisyon at mga propesiya sana matupad, at ang Banal ng mga Banal sana mapahiran ng langis. Pagkaraan ng pito saka animnapu’t dalawa ang Kristo ay paparito. Pagkaraan ng animnapu’t dalawa Siya ay papatayin. Pagkaraan ng isang linggo patitibayin Niya ang kalooban, ngunit sa gitna ng linggo ang mga biktima at mga sakripisyo ay titigil, at ang panunuklam ng kalagiman ay mapupunta sa Templo, at ito ay tatagal hanggang sa katapusan ng panahon”.

Kung gayon magkakaroon ba ng isang kakulangan ng mga biktima sa mga araw na ito? Ang altar ba ay mawawalan ng mga biktima? Magkakaroon ito ng dakilang Biktima. Dito, ang propeta ay nakikita ito: “Sino itong dumarating na may mga damit na may mantsa ng kulay-dugo? Siya ay makisig sa Kanyang damit at Siya ay nagmamartsa sa kaganapan ng Kanyang lakas”.

At Siya na mahirap papaano Niya tinina ang Kanyang damit nang purpura? Dito, ang propeta ay pinaliliwanag ito: “Pinabayaan Ko ang Aking katawan sa mga humahampas sa Akin, ang Aking mga pisngi sa mga nanghahalbot ng Aking balbas, hindi Ko inilayo ang Aking mukha sa mga nang-iinsulto sa Akin. Ang Aking kakisigan at ang Aking dingal ay hindi nawala, at ang mga tao ay hindi na Ako minamahal. Hinamak Ako ng mga tao at tiningnan Akong ang huling isa! Ang tao ng mga kapighatian, ang Aking mukha ay tatakpan at kasusuklaman at tuturingin nila Ako bilang isang ketongin, samantalang sa katauhan ng lahat mapupuno Ako ng mga sugat at papatayin. Naririto ang Biktima. Huwag matakot, Israel! Huwag matakot. Ang Kordero ng Paskuwa ay hindi wala! Huwag matakot, o Lupa. Huwag matakot. Naririto ang Tagapagligtas. Katulad ng isang tupa Siya ay pasusunurin sa bahay-katayan, sapagkat gusto Niya iyan, at hindi Niya ibinukas ang Kanyang bibig upang isumpa ang mga pumapatay sa Kanya. Pagkatapos na mahatulan Siya ay itataas at uubusin sa kirot, na ang Kanyang mga galamay nawala sa lugar, ang Kanyang mga buto nawalan ng balat, ang Kanyang mga paa at mga kamay tinusok. Ngunit pagkaraan ng pagdurusa na sa pamamagitan nito mapangangatwiranan Niya ang marami, maaari Niya ang mga multitud sapagkat, pagkaraan na maibigay Niya ang Kanyang buhay sa kamatayan para sa kaligtasan ng mundo, Siya ay babangon mula sa kamatayan at paghaharian ang Lupa, bubuhayin Ko ang mga tao sa pamamagitan ng tubig na nakita ni Ezekiel, dumadaloy mula sa totoong Templo na, kahit na kung ito ay pinabagsak, ito ay tataas muli sa pamamagitan ng sariling lakas nito, at sa pamamagitan ng alak na sa pamamagitan din nito ang kaputiang-niyebeng damit ng walang-kapintasan na Kordero ay nakulayan ng purpura, at sa pamamagitan ng Tinapay na bumaba mula sa Langit”.

Kayo na nauuhaw, halikayo sa mga tubig! Kayo na nagugutom, kunin ang inyong pagkain! Kayo na hapô at kayo, mga may sakit, inumin ang Aking alak! Halikayo, kayo na walang pera, kayo na hindi mabuti ang kalusugan, halikayo! At kayo na nasa Kadiliman! At kayo na mga patay, halikayo! Ako ay mga Kayamanan at Kalusugan. Ako ay Liwanag at Buhay. Huwag matakot na hindi makakakain sa Kordero sapagkat walang talagang banal na mga biktima sa loob ng nalapastangang Templong ito. Kayong lahat ay makakakain sa Kordero ng Diyos, Na naparito upang alisin ang mga kasalanan ng mundo, katulad ng sinabi tungkol sa Akin ng huling mga propeta ng Aking sambayanan. Ng sambayanang iyon na Aking tinanong: Aking sambayanan, ano ba ang nagawa Ko sa inyo? Sa ano Ko ba kayo napamighati? Ano pa ba ang maaaring naibigay Ko sa inyo nang higit pa kaysa sa naibigay Ko na sa inyo? Tinuruan Ko ang inyong mga isip, pinagaling Ko ang inyong mga may-sakit, tinulungan Ko ang inyong mahihirap, pinunan Ko ang kagutuman ng inyong mga pulutong, minahal Ko kayo sa inyong mga anak, nagpatawad Ako at nanalangin para sa inyo. Minahal Ko kayo hanggang sa sukdulan ng Sakripisyo. At ano ang inyong inihahanda para sa inyong Panginoon? Isang oras, isang huling oras, ang ibinigay sa inyo, Aking sambayanan, Aking makahari at banal na bayan. Bumalik sa loob ng oras na ito sa Panginoong inyong Diyos!»

«Totoong mga salita ang nasabi Niya!»

«Iyan kung ano ang sinabi! At talagang ginagawa Niya kung ano ang sinabi!»

«Katulad ng isang pastol inalagaan niya ang lahat!»

«Na tila tayo ay mga naligaw na mga tupa, may-sakit, nasa kadiliman, Siya ay naparito upang dalhin tayo sa tamang daan, pagalingin ang ating mga kaluluwa at mga katawan, mapaliwanagan tayo.»

«Ang lahat na mga tao ay talagang pumupunta sa Kanya. Tumingin sa banda roon, sa mga Hentil na iyon, gaano silang hinahangaan!»

«Nagturo Siya ng kapayapaan.»

«Nagbigay Siya ng pagmamahal.»

«Hindi ko maintindihan ang sinasabi Niya tungkol sa sakripisyo, nagsasalita Siya na tila Siya ay papatayin.»

«Iyan ay ganyan, kung Siya ang Tao Na nakita ng mga propeta, ang Tagapagligtas.»

«At Siya ay nagsasalita na tila ang lahat na mga tao ay mamaltratuhin Siya. Iyan ay hindi kailanman mangyayari. Ang mga tao, tayo, ay minamahal Siya.»

«Siya ay ating kaibigan. Ipagsasanggalang natin Siya.»

«Siya ay isang Galilean, at tayo mga Galilean ay ibibigay natin ang ating mga buhay sa Kanya.»

«Siya ay sa lahi ni David, at tayong mga kalalakihan ng Judaea ay magtataas ng ating mga kamay upang ipagsanggalang Siya.»

«At kami, na Kanyang minahal katulad ng Kanyang pagmahal sa inyo, kami mula sa Hauran, sa Perea, sa Decapolis makakalimutan ba namin Siya kailanman? Ipagsasanggalang natin Siyang lahat.»

Ito ang mga tinig ng pulutong, na sa ngayon ay dumami na. Gaano kabilis magbago ang mga binabalak ng tao! Kung titingnan ang lagay ng araw sa itaas sa palagay ko ngayon ay mga alas nuwebe ng umaga. Mga dalawampu’t apat na oras pagkatapos nito ang mga taong ito ay mapaliligiran ang Martir nang maraming oras, upang pahirapan Siya ng kanilang kapootan at mga dagok, at sumisigaw hihilingin nila ang Kanyang kamatayan. Kakaunti, napaka kakaunti, labis na kakaunti sa libu-libong mga tao na ngayon ay nagsisiksikan na nagmula sa bawat bahagi ng Palestina at sa mas malalayo pa, at mga nakatanggap ng liwanag, kalusugan, karunungan, kapatawaran mula sa Kristo, ang hindi lamang magsisikap na agawin Siya mula sa Kanyang mga kaaway, sapagkat ang kanilang maliit na bilang kompara sa multitud ng mga humahampas ay pipigilan sila, bagkus ni hindi makakapagbigay ng kaginhawahan sa Kanya binibigyan Siya ng katibayan ng kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya nang may mapag-arugang saloobin. Ang mga papuri, pagsang-ayon at paghangang mga komentaryo ay kumakalat sa malaking korte, katulad ng mga alon na magmula sa bukás na karagatan ay nakakarating sa malayo upang mamatay sa baybay-dagat.

Ang ilang mga eskriba, mga Judaean at mga Pariseo ay nagsisikap na makontra ang pananabik ng mga tao at ang pag-init ng mga tao laban sa mga kaaway ng Kristo nagsasabing: «Siya ay nahihibang. Napakalaki ng Kanyang pagkapagod at nagagawa Siyang magngangawa. Napagkakamalan Niyang mga parangal ang mga pang-uusig. Ang Kanyang mga salita ay may daloy ng Kanyang karaniwang karunungan, ngunit nahahaluan ng pagngangawang mga pangungusap. Walang sinuman ang gustong manakit sa Kanya. Naintindihan natin. Naintindihan natin kung sino Siya...»

Ngunit ang mga tao ay may pagdududa sa ganyan na malaking pagbabago ng pananalita at ang ilan ay nagrerebelde laban sa kanila nagsasabing: «Pinagaling Niya ang aking nababaliw na anak. Alam ko kung ano ang kabaliwan. Ang isang baliw ay hindi nagsasalita ng katulad niyan!»

At ang isa pa ay nagsasabi: «Hayaan silang magsalita. Sila ay mga ahas na natatakot na ang mga pamugbog ng mga tao ay baka baliin ang kanilang mga likod. Inaawit nila ang matamis na awit ng ruwinsensor upang maloko tayo, ngunit, kung makikinig ka nang mabuti, may paghagishis ng ahas diyan.»

At ang isa pa rin: «Mga tanod ng sambayanan ng Kristo, tumingin! Kapag ang kaaway ay nanghahaplos, mayroon siyang isang punyal na nakatago sa kanyang manggas, at itinataas niya ang kanyang kamay upang bumigwas. Panatilihing bukás ang inyong mga mata at handa ang inyong mga puso! Ang mga asong-gubat ay hindi maaaring maging mapagpakumbabang mga kordero.»

«Tama ka: ang kuwago ay nang-aakit at nanrarahuyo sa simpleng mga ibon sa pamamagitan ng di-paggalaw ng katawan nito at ng huwag na lugod ng pagbati nito. Ito ay tumatawa at nang-aanyaya sa pamamagitan ng iyak nito, ngunit ito ay handang manlapa.»

At patuloy pa, mula sa isang grupo hanggang sa isa pa.

Ngunit mayroon ding ilang mga Hentil, na naging pirmihan at dumarami ang bilang sa pakikinig sa Guro sa loob ng mga araw ng kapistahan. Sila ay laging nasa gilid ng pulutong, sapagkat ang pagka-esklusibo na Hebreo-Palestino ay napakalakas at nailalayo sila sa mga inaangking mga lugar na pinakamalapit sa Guro, kung kaya't ibig nilang lumapit at magsalita sa Kanya.

Ang isang malaking grupo sa kanila ay sumusulyap kay Felipe, na naitulak sa isang sulok ng pulutong. Nilapitan nila siya nagsasabing: «Ginoo, ibig naming makita si Jesus, ang inyong Guro, sa tagóng mga silid, at magsalita sa Kanya kahit man lang minsan.»

Si Felipe ay tumitiyad upang tingnan kung may apostol na mas malapit sa Panginoon. Nakita niya si Andres at pagkatapos na tawagin siya, siya ay sumigaw: «May ilang Hentil dito na ibig na bumati sa Guro. Tanungin Siya kung ibig Niyang tanggapin sila.»

Si Andres, mga ilang metro ang layo mula kay Jesus, ay sumisingit sa pulutong, ipinipilit ang kanyang daan sa gitna ng pulutong, ginagamit palagi ang kanyang siko nang walang pakialam at sumisigaw: «Magparaan! Magparaan, sinasabi ko, kailangan kong pumunta sa Guro.» Narating niya Siya at sinabihan Siya tungkol sa kagustuhan ng mga Hentil.

«Dalhin sila sa sulok na iyon. Pupuntahan Ko sila.»

At habang si Jesus ay nagsisikap na makaraan sa gitna ng pulutong, si Juan, na kababalik pa lamang kasama si Pedro, ay nakikipagsiksikan upang makagawa ng daan para sa Kanya at tinutulungan siya dito ni Pedro, ni Judas Tadeo, ni Santiago ni Zebedeo at ni Tomas, na iniiwanan ang lugar ng kanyang mga kamag-anak na natagpuan niya sa pulutong upang tulungan ang kanyang mga kasamahan.

Si Jesus ay naroroon na sa kinalalagyan ng mga Hentil at binabati nila Siya. «Ang kapayapaan ay sumainyo. Ano ang ibig ninyo sa Akin?»

«Ang makita Kayo at makausap Kayo. Ang Inyong mga salita ay nabalisa kami. Lagi na namin Kayong gustong makausap upang sabihin sa Inyo na ang Inyong salita ay naaapektuhan kami. Ngunit naghihintay kami ng tamang sandali na gawin ito. Ngayon... Kayo ay nagsasalita tungkol sa kamatayan... Natatakot kami na hindi na namin Kayo makakausap muli, kung hindi namin sasamantalahin ang oras na ito. Ngunit posible ba na ang mga Hebreo ay papatayin ang kanilang pinakamagaling na anak? Kami ay mga Hentil at hindi kami nakatanggap ng pabor mula sa Inyong kamay. Ang Inyong salita ay hindi namin alam. Napakinggan namin ang mga tao na nagsalita ng tungkol Inyo nang may-kalabuan. Ngunit hindi namin Kayo kailanman nakita o nalapitan. Datapwa't, katulad ng nakikita Ninyo, nagpaparangal kami sa Inyo. Ang buong mundo ang nagpaparangal sa Inyo sa pamamagitan namin.»

«Oo, ang oras ay dumating na kung kailan ang Anak ng tao ay luluwalhatiin ng mga tao at ng mga espiritu.»

Ngayon ang pulutong ay nasa paligid na muli ni Jesus ngunit may kaibahan na ang mga Hentil ang nasa unang hanay at ang iba nasa likuran.

«Ngunit kung ito ay ang oras ng Inyong pagluluwalhati, Kayo ay hindi mamamatay, katulad ng sinasabi Ninyo, o katulad ng naintindihan namin. Sapagkat hindi pagluluwalhati ang mamatay sa paraang gayon. Papaano Ninyo iipunin ang mundo sa ilalim ng Inyong setro, kung mamatay Kayo bago gawin ito? Kung ang Inyong kamay ay hindi na pagalawin ng kamatayan, papaano ito magtatagumpay at maiipon ang mga tao»

«Sa pagkamatay, nagbibigay Ako ng buhay. Sa pagkamatay, nagtatayo Ako. Sa pagkamatay, naglilikha Ako ng bagong Sambayanan. Ito ay sa pamamagitan ng sakripisyo na nagtatagumpay ang isa. Sasabihin Ko sa inyong totoo na kung ang butil ng trigo na bumagsak sa lupa ay hindi mamatay, ito ay hindi mamumunga. Kung sa halip ito ay mamatay, diyan ito magbibigay ng mayamang ani. Siya na minamahal ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Siya na kinapopootan ang kanyang buhay dito sa mundo, ay maililigtas ito para sa eternal na buhay. Ito ay katungkulan Ko na mamatay upang maibigay ang eternal na buhay na ito sa lahat na sumusunod sa Akin, at kung saan Ako naroroon, ang Aking mga lingkod ay naroroon upang mapaglingkuran ang Katotohanan. Mangyari na ang may gustong paglingkuran Ako ay pumarito: ang mga lugar sa Aking Kaharian ay hindi limitado sa sambayanan na ito o iyon. Gawin na ang sinuman na may gustong maglingkod sa Akin pumarito at sumunod sa Akin, at kung nasaan man Ako, ang Aking lingkod ay naroroon din. At siya na naglilingkod sa Akin ay pararangalan ng Aking Ama, ang Tanging, Totoong Diyos, ang Panginoon ng Langit at Lupa, ang Tagapaglikha ng lahat na naririyan, ang Isip, Salita, Pag-ibig, Buhay, Daan, Katotohanan; Ama, Anak, Espiritu Santo, Isa bilang Sang-tatlo, Sang-tatlo bilang Isa, Tángi, Totoong Diyos. Ngunit ngayon ang Aking kaluluwa ay balisá. At ano ang Aking sasabihin? Sasabihin Ko kaya: “Ama, iligtas Ninyo Ako sa oras na ito”? Hindi. Sapagkat Ako ay naparito para dito: ang makarating sa oras na ito. Kung kaya't sasabihin Ko: “Ama, luwalhatiin Ninyo ang Inyong Pangalan!” Si Jesus ay inuunat ang Kanyang mga kamay nang pa-krus, isang purpurang krus sa kaligiran ng puting mga marmol ng balkonahe at itinataas Niya ang Kanyang ulo, inaalay ang Sarili, nananalangin, tumataas sa pamamagitan ng Kanyang kaluluwa sa Ama.

At ang isang tinig, mas malakas pa kaysa sa kulog, di-materyal dahil ito ay hindi katulad ng kahit anong tinig ng tao, bagkus mapapakinggan nang mabuti ng lahat na tainga, ang pumupuno sa maliwanag na kalangitan ng magandang araw ng Abril at nanginginig, mas malakas pa kaysa sa kuwerdas ng isang dambuhalang organo, sa isang napakagandang tunog, at nagpapahayag: «Naluwalhati Ko Siya at luluwalhatiin Ko ulit Siya.»

Ang mga tao ay nahintakutan. Ang tinig, napakalakas na ang lupa at kung ano ang nasa ibabaw nito ay nanginig, ang mahiwagang tinig na iyon, ibang-iba sa kahit alin pa, nanggagaling sa di-malaman na lugar, ang tinig na iyon na pumupuno sa lahat, mula hilaga hanggang timog, mula silangan hanggang kanluran, ay tinatakot ang mga Hebreo at pinamamangha ang mga pagano. Ang una, kung posible, ay itinatapon ang kanilang mga sarili sa lupa, pabulung-bulong sa kanilang takot: «Mamamatay na tayo ngayon! Napakinggan na natin ang tinig ng Langit. Ang isang anghel ay nagsalita sa Kanya!» at dinadagukan nila ang kanilang mga dibdib hinihintay ang kamatayan. At pagkatapos sumisigaw: «Isang dagundong ng kulog! Isang umuugong na atungal! Tumakbo na tayo! Ang Lupa ay umatungal! Lumindol ito!» Ngunit imposibleng makatakbo sa bunton ng mga tao na dumarami gawa ng mga taong nasa labas ng mga pader ng Templo na nagmamadaling pumasok sumisigaw: «Maawa sa amin! Tumakbo tayo! Ito ay banal na lugar. Ang bundok kung saan ang altar ng Diyos ay tumaas ay hindi maghihiwalay!» Kung kaya't sila ay nananatili kung saan sila naroroon, kung saan napatitigil sila ng pulutong at ng takot.

Ang mga pari, mga eskriba, mga Pariseo, mga Levita, mga mahistrado, na mga nakakalat sa mga paliku-liko ng Templo, ay nagmadali patungo sa mga terasa. Sila ay balisa at natutulala. Ngunit sa lahat sa kanila tanging si Gamaliel lamang kasama ang kanyang anak ang bumabang papunta sa pagitan ng mga tao sa mga korte. Si Jesus ay nakita siyang dumaraan, ganap na puti sa kanyang linen na damit, na napakaputi na ito ay nagniningning kahit na sa loob ng malakas na sinag ng araw na tumatama rito.

Si Jesus, nakatingin kay Gamaliel, ngunit tila nagsasalita sa lahat, ay itinaas ang Kanyang tinig nagsasabing: «Hindi para sa Akin, bagkus para sa inyo, na bumaba mula sa Langit ang tinig na iyan.»

Si Gamaliel ay tumigil, tumalikod, at sa pamamagitan ng mga sulyap ng kanyang napakalalim na madilim na mga mata – na gawa ng nakasanayan ng pagiging isang guro na sinasamba katulad ng isang maliit na diyos ay di-sinasadyang naging kasing tigas ng mga mata ng mga maninila tinititigan niya ang sapiro, malinaw, mahestuwusong banayad na mga mata ni Jesus...

At si Jesus ay nagpapatuloy: «Ang paghuhukom sa mundong ito ay nangyayari na ngayon. Ngayon ang Prinsipe ng Kadiliman ay malapit nang palayasin. At kapag Ako ay naitaas na, papupuntahin Ko ang lahat sa Akin, sapagkat ganyan kung papaano ang Anak ng tao magliligtas.»

«Natutunan namin mula sa mga aklat ng Batas na ang Kristo ay mabubuhay magpakailanman. At sinasabi Ninyo na Kayo ang Kristo at sinasabi Ninyo na kailangan Ninyong mamatay. AT sinasabi rin Ninyo na Kayo ang Anak ng tao at na Kayo ay magliligtas, bilang itinaas na. kung gayon sino Kayo? Ang Anak ng tao o ang Kristo? At sino ang Anak ng tao?» tanong ng mga pulutong, na mga nagkaroon muli ng lakas-ng-loob .

«Sila ay isang tao lamang, Ibukas ninyo ang inyong mga mata sa Liwanag. Tanging sa maikling panahon na lamang makakasama pa ninyo ang Liwanag. Maglakad patungo sa Katotohanan habang nasa pagitan pa ninyo ang Liwanag, upang sana hindi kayo maunahan ng kadiliman. Ang mga naglalakad sa kadiliman ay hindi alam kung saan sila magtatapos. Habang nasa pagitan pa ninyo ang Liwanag, maniwala Dito, upang maging mga anak ng Liwanag.» Siya ay naging tahimik.

Ang pulutong ay naguguluhan at nahahati. Ang ilan ay umaalis iniiling ang kanilang mga ulo. Ang ilan ay pinagmamasdan ang saloobin ng pinaka mga dignitaryo: ng mga Pariseo, ng mga hepe ng mga pari, ng mga eskriba... at lalo na ni Gamaliel, at inaayon nila ang kanilang pagkilos sa saloobin na iyon. Ang iba ay tumatango sa pagsang-ayon at yumuyuko kay Jesus malinaw na ang ibig sabihin: «Naniniwala kami! Pinararangalan namin Kayo para sa kung ano Kayo.» Ngunit hindi sila hayagan na kumakampi sa Kanya. Natatakot sila sa mapagmasid na mga mata ng mga kaaway ng Kristo, ng malalakas, na nakatingin sa kanila mula sa matataas na terasa na nangingibabaw sa mga balkonaheng nakapaligid sa mga korte ng Templo.

Si Gamaliel din, pagkatapos na manatiling nag-iisip sa loob ng ilang minuto, at tila tinatanong niya ang mga marmol ng sahig para sa mga kasagutan sa kanyang papaloob na mga katanungan, ay naglakad muli patungo sa labasan, pagkatapos na iniling ang kanyang ulo ang mga balikat na tila upang sabihin ang kabiguan o panunuya... at dumaan siyang tuwiran sa harapan ni Jesus, nang hindi na sa Kanya tumitingin pa ulit.

Si Jesus, sa halip, ay tinitingnan siya nang naaawa... at itinaas Niya muli ang Kanyang tinig, napakalakas – ang tunog nito ay katulad ng sigaw ng isang trumpeta upang matalo ang bawat ingay at mapakinggan ng dakilang eskriba na umaalis na bigo. Siya ay tila nagsasalita sa lahat, ngunit maliwanag na Siya ay nagsasalita para sa kanya lamang. Sinabi Niya sa napakalakas na tinig:

«Siya na naniniwala sa Akin, ay hindi talaga naniniwala sa Akin, bagkus sa Kanya Na nagpadala sa Akin, at siya na nakakakita sa Akin, ay nakikita Siya Na nagpadala sa Akin. At Siya ngang talaga ang Diyos ng Israel! Sapagkat walang ibang Diyos bagkus Siya. Iyan kung bakit Aking sinasabi: kung hindi ka makapaniwala sa Akin bilang ang tao na siyang sinasabi na anak ni Jose ni David at anak ni Maria, ng lahi ni David, ng Birhen na nakita ng Propeta, pinanganak sa Bethlehem, katulad na siyang ipinahayag ng mga propesiya, pinangunahan ni Juan Bautista, katulad na sinabi rin sa loob ng mga panahon, maniwala man lamang sa tinig ng iyong Diyos Na nagsalita sa iyo mula sa Langit. Maniwala sa Akin bilang ang Anak ng Diyos na ito ng Israel. Sapagkat kung hindi ka maniwala sa Kanya Na nagsalita sa iyo mula sa Langit, hindi mo Ako sinasaktan, bagkus ang iyong Diyos Na ang Kaninong Anak ay Ako.

Huwag mamalagi sa kadiliman! Ako ay naparito bilang Liwanag sa mundo, upang siya na maniniwala sa Akin ay hindi sana mamalagi sa kadiliman. Huwag gumawa ng mga pagsisisihan para sa inyong mga sarili, dahil baka hindi ninyo mapatahimik ang inyong mga isip kapag nakabalik na Ako kung saan Ako nanggaling, at sila ay magiging matinding kaparusahan ng Diyos para sa katigasan ng inyong mga ulo. Pumapayag Akong magpatawad, habang nasa pagitan pa ninyo Ako, hanggang ibaba ang pasya, at sa ganang Akin, gusto Kong magpatawad. Ngunit ang isip ng Ama ay iba kaysa ng Akin. Sapagkat Ako ay Awa at Siya ay Hustisya.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na kung ang isang tao ay pinakikinggan ang Aking mga salita at hindi sumusunod dito, hindi Ko siya huhusgahan. Hindi Ako naparito sa mundo upang husgahan ito, bagkus upang iligtas ito. Ngunit kung Ako ay hindi naghuhusga, sasabihin Ko sa inyong totoo na nariyan ang isa na maghuhusga sa inyong mga aksiyon. Ang Aking Ama, Na nagpadala sa Akin, ay huhusgahan ang mga tumatanggi sa Kanyang Salita. Oo, siya na nanghahamak sa Akin at hindi kumikilala sa Salita ng Diyos, at hindi niya tinatanggap ang mga salita ng Salita, bueno, mayroong maghuhusga sa kanya: ang pinaka-salita na Aking ipinahayag ay huhusgahan siya sa huling araw. Ito ay sinabi: ang Diyos ay hindi dapat na pinagtatawanan. At ang Diyos na pinagtawanan ay magiging terible sa mga taong ang tingin sa Kanya ay baliw at bulaan.

Itanim sa isip, lahat kayo, na ang mga salitang napakinggan ninyong Aking binanggit, ay nanggaling sa Diyos. Sapagkat Ako ay hindi nagsalita nang sa Aking kagustuhan, bagkus ang Ama Na nagpadala sa Akin, ay sinabi kung ano ang dapat Kong sabihin at tungkol sa ano Ako magsasalita. At sinusunod Ko ang Kanyang utos, sapagkat nalalaman Ko na ang Kanyang kautusan ay makatarungan. Ang bawat utos ng Diyos ay eternal na buhay. At Ako, inyong Guro, ay itinayo para sa inyo na halimbawa ng pagsunod sa lahat ng mga utos ng Diyos. Makakaasa kayo na ang mga bagay na sinabi Ko sa inyo at sinasabi Ko sa inyo, ay sinabi Ko at sinasabi Ko ayon sa sinabi sa Akin ng Aking Ama na sabihin sa inyo. At ang Aking Ama ay ang Diyos ni Abraham, Isaac, Jacob; ang Diyos ni Moses, ng mga patriyarka at ng mga propeta, ang Diyos ng Israel, inyong Diyos.»

Mga salita ng liwanag na bumabagsak sa kadiliman na nagsisimula nang maging mas madilim sa mga puso!

Si Gamaliel, na tumigil muli, ang kanyang ulo nakatungo, ay nagpatuloy sa paglalakad... Ang iba ay sinusundan siya iniiling ang kanilang mga ulo o nanunuya...

Si Jesus ay umalis din... Ngunit sinabi muna Niya kay Judas: «Lakad kung saan ka dapat pumunta», at sa iba: «Ang bawat isa sa inyo ay malayang pumunta kung saan kailangan ninyong pumunta o gusto ninyong puntahan. Hayaan ang mga pastol na disipulo na manatiling kasama Ko.»

«O! isama rin Ninyo ako sa Inyo, Panginoon» sabi ni Stephen.

«Halika...» Sila ay umalis.

Hindi ko alam kung saan si Jesus pumunta. Ngunit alam ko kung saan pumunta si Judas. Pumunta siya sa Beautiful Gate inaakyat ang ilang mga baytang na magmula sa Court of the Gentiles ay maghahatid sa korte na para sa mga babae, at pagkatapos na matawid ito, inaakyat ang mas marami pang baytang sa katapusan nito, sinulyapan niya ang Court of the Hebrews, at ipinadyak niya nang galít ang kanyang mga paa, dahil hindi niya makita ang tao na kanyang hinahanap.

Siya ay bumalik. Nakita niya ang isa sa mga tanod ng Templo. Tinawag niya siya. Nang may dati niyang kayabangan sinabi niya sa kanya: «Pumunta ka kay Eleazar ben Annas. Sabihin sa kanya na pumunta sa Beautiful Gate kaagad. Si Judas ni Simon ay naghihintay sa kanya para sa mahalagang mga bagay.»

Siya ay sumandal sa isang malaking poste at naghihintay. Pagkaraan nang kaunti si Eleazar, ang anak ni Annas, si Helkai, si Simon, si Doras, si Cornelius, si Sadoc, si Nahum at iba pa ay dumating nang may labis na pagwagayway ng mga kasuutan.

Si Judas ay nagsasalita sa isang mababa ngunit balisang tinig: «Ngayong gabi! Pagkatapos ng hapunan. Sa Gethsemane. Pumunta doon at hulihin Siya. Ibigay sa akin ang pera.»

«Hindi. Ibibigay namin iyan sa iyo kapag pumunta ka para sa amin ngayong gabi. Hindi ka namin pinagkakatiwalaan! Gusto ka namin na manatiling kasama namin. Hindi ka kailanman makatitiyak!» sabi ni Helkai nang may panunuya. Ang iba ay tumango nang sabay-sabay.

Si Judas ay uminit ang ulo sa pahiwatig. Siya ay nanunumpa: «Isinusumpa ko sa ngalan ni Jehovah na ako ay nagsasabi ng katotohanan!»

Si Sadoc ay tumugon sa kanya: «O sige. Ngunit mas mabuti nang gawin ito nang ganito. Pumunta ka kapag oras na, isama ang mga naatasan na humuli sa Kanya at lumakad kasama sila, kung hindi’y baka ang tangang mga guwardiya ay si Lazarus ang maaresto at makagawa ng malaking problema. Sa pamamagitan ng isang tanda ituturo mo ang tao sa kanila. Kailangan na maintindihan mo! Sa gabi hindi masyadong maliwanag ang mga guwardiya ay pagod na sa oras na iyan, inaantok. Ngunit kung gagabayan mo sila!... Bueno! Anong masasabi mo?» Ang lilong Sadoc ay sinasabihan ang kanyang mga kasamahan nagsasabing: «Bilang isang senyas imumungkahi isang halik. Isang halik! Ang pinakamagandang senyas upang maituro ang pinagtataksilan na kaibigan. Ha! Ha!» Lahat sila ay tumatawa. Isang koro ng nanunuyang  mga dimonyo.

Si Judas ay galit na galit. Ngunit hindi siya umaalis. Hindi na siya aalis pa. Siya ay naghihirap sapagkat siya ay kanilang pinagtatawanan, hindi dahil sa kung ano ang kanya nang gagawin. Kung kaya't sinabi niya: «Ngunit alalahanin na gusto kong ang pera ay mabilang sa loob ng lukbutan bago umalis dito kasama ang mga guwardiya.»

«Makukuha mo ito! Makukuha mo ito! Ibibigay din namin sa iyo ang lukbutan, upang sana maitago mo ang mga salaping iyon bilang isang alaala ng iyong pagmamahal. Ha! Ha! Ha! Paalam, ahas!»

Si Judas ay nangingitim-ngitim. Siya ay putlang-abo na. Hindi na muli kailanman mawawala sa kanya ang kulay na iyon at ang ekspresyon ng takot ng pagkadesperado. Sa kabaligtaran, ang takot na ito ay lalala pa nang lalala oras-oras, hanggang sa ito ay hindi na matatagalan noong siya ay nakabitin na mula sa punungkahoy... Siya ay tumakbo...

--------------------

Si Jesus ay nanilungan sa hardin ng isang mapagkaibigan na bahay. Isang tahimik na hardin ng unang mga bahay sa Zion. Ito ay napaliligiran ng mataas na sinaunang mga pader. Dito ay walang ingay at malamig, natatakpan katulad nito ngayon ng nanginginig na mga dahon ng matatandang punungkahoy. Sa hindi malayong lugar ang tinig ng isang babae ay umaawit ng isang magiliw na oyayi.

Mga ilang oras ang maaaring nakaraan, sapagkat ang mga katulong ni Lazarus, na mga nakabalik pagkatapos na pumunta sa hindi ko alam kung saan, ay nagsabi: «Ang Inyong mga disipulo ay nasa loob na ng bahay kung saan ang hapunan ay inihahanda, at si Juan, pagkatapos na sumama sa amin upang dalhin ang prutas sa mga anak ni Johanna ni Chuza, ay umalis upang kunin ang mga babae at dalhin sila kay Jose ni Alfeo, na dumating ngayong araw lamang, kung kailan hindi na siya inaasahan na makita ng kanyang ina, at pagkatapos, mula doon pupunta sa bahay ng hapunan, sapagkat gumagabi na.»

«Kami ay pupunta na rin. Oras na ng hapunan...» Si Jesus ay tumayo at isinuot ang Kanyang manta.

«Guro, may ilang mga tao sa labas doon. Mayayamang tao. Gusto nilang makausap Kayo nang hindi nakikita ng mga Pariseo» sabi ng isang katulong.

«Gawin silang makapasok. Si Esther ay hindi tututol. Tama ba iyon, babae?» sabi ni Jesus, kinakausap ang isang babae ng may katandaan na ang edad na dumarating upang batiin Siya.

«Hindi, Guro. Ang aking bahay ay sa Inyo. Ginamit Ninyo iyon nang napaka ikling panahon!»

«Sapat na matagal na na masabi Ko sa Aking puso: iyon ay isang mapagkaibigan na bahay.» Sinabi Niya sa katulong: «Papasukin ang mga naghihintay.»

Mga tatlumpung maginoong-tingnan na mga tao ang pumasok. Binati nila Siya. Ang isa sa kanila ang nagsasalita sa katauhan ng lahat: «Guro, ang Inyong mga salita ay nayanig kami. Napakinggan namin ang tinig ng Diyos sa Inyo. Ngunit sinasabi nila na kami ay tanga, sapagkat naniniwala kami sa Inyo. Kung gayon ano ang amin dapat gawin?»

«Siya na naniniwala sa Akin ay hindi naniniwala sa Akin, bagkus naniniwala sa Kanya Na nagpadala sa Akin, at na ang Kaninong banal na tinig ay inyong napakinggan ngayong araw. Siya na nakakakita sa Akin ay hindi Ako nakikita, bagkus Siya Na nagpadala sa Akin, sapagkat Ako ay kaisa ng Aking Ama. Iyan kung bakit sinasabi Ko sa inyo na kailangan ninyong maniwala upang hindi masaktan ang Diyos, Na siyang inyong Ama at Akin, at nagmamahal sa inyo hanggang sa sukdulan na isakripisyo Niya ang Kanyang Tanging-Nag-iisang Anak para sa inyo. Sapagkat kung ang mga puso ay nagdududa kung Ako nga ay ang Kristo, walang pagdududa na ang Diyos ay nasa Langit. At ang tinig ng Diyos Na Aking tinawag na Ama ngayong araw sa loob ng Templo, hinihingi sa Kanya na luwalhatiin Niya ang Kanyang Pangalan, ay tumugon sa Kanya Na tumatawag sa Kanya na Ama, nang hindi sinasabi na Siya ay isang “sinungaling o tagalapastangan” katulad ng sinasabi ng marami. Pinatotohanan ng Diyos kung sino Ako. Ako ang Kanyang Liwanag. Ako ang Liwanag na pumunta sa mundo. Naparito Ako bilang Liwanag sa mundo, upang siya na naniniwala sa Akin ay hindi sana manatili sa Kadiliman. Kung ang isang tao ay nakikinig sa Aking mga salita, at pagkatapos hindi ito sinusunod, hindi Ko siya huhusgahan. Hindi Ako naparito upang husgahan ang mundo, bagkus upang iligtas ang mundo. Siya na nanghahamak sa Akin at hindi tinatanggap ang Aking mga salita, ay may manghuhusga sa kanya. Ito ay ang salita na Aking ibinalita ang maghuhusga sa kanya sa huling araw. Sapagkat iyon ay marunong, perpekto, mabait, simple, katulad ng Diyos. Sapagkat ang Salitang iyon ay Diyos. Ito ay hindi Ako, si Jesus ng Nazareth, tinatawag na anak ni Jose, na isang karpintero sa lahi ni David, at anak ni Maria, na isang Hebreong dalaga, isang birhen sa lahi ni David, ikinasal kay Jose, hindi Ako ito Na nagsalita. Hindi, hindi Ako nagsalita ng sariling kagagawan Ko. Bagkus ito ay ang Aking Ama, Siya Na nasa Langit at ang Kanyang pangalan ay Jehovah, Na siyang nagsalita ngayong araw, Siya Na nagpadala sa Akin, at sinabi Niya sa Akin kung ano ang dapat Kong sabihin at tungkol sa kung ano Ako dapat magsalita. At nalalaman Ko na sa Kanyang utos ay mayroong eternal na buhay. Kung kaya't ang mga bagay na Aking sinasabi, ito ay sinasabi Ko katulad na ito ay sinabi sa Akin ng Ama, at may buhay sa mga sinabing ito. Iyan kung bakit sinasabi Ko sa inyo: pakinggan ang mga salitang ito. Isabuhay ito at magkakaroon kayo ng Buhay. Sapagkat ang Aking salita ay Búhay. At siya na tumatanggap nito, ay tinatanggap nang magkasabay Ako, at ang Ama rin ng Langit Na nagpadala sa Akin upang ibigay sa inyo ang Buhay. At siya na ang Diyos ay nasa kanyang sarili, ay nasa kanyang sarili ang Buhay. Humayo. Harinawang ang kapayapaan ay mapasainyo at manatiling kasama ninyo.»

Pinagpapala Niya sila at pinahahayo. Pinagpapala rin Niya ang mga disipulo. Pinananatili lamang Niya si Isaac at si Stephen. Hinahalikan Niya at pinahahayo Niya ang iba pa. At noong sila ay nakaalis, Siya ang huling lumabas, kasama ang dalawa at umalis Siyang kasama sila, dumaraan sa pinaka nangungulila at madilim na na mga daanan, patungo sa bahay ng Huling Hapunan, At noong Siya ay makarating doon, niyayakap at pinagpapala Niya si Isaac at si Stephen nang may kasanayan na pagkagiliw. Hinahalikan Niya sila, pinagpapala Niya silang muli, pinagmamasdan Niya silang umaalis, pagkatapos kumatok Siya sa pinto at pumasok...

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus: «Ilalagay mo rito ang mga bisyon ng pagpapaalam sa Aking Ina, ng silid-Hapunan at ng Hapunan. At ngayon gawin natin, ikaw at Ako, ang totoong Paskuwang paggunita. Halika...

200812

 

 

 



Sunod na kabanata