597. Ang Gabi ng Huwebes Bago ang Paskuwa. Pagdating sa Silid-Hapunan at ang Pagpapaalam sa Ina.

Pebrero 17, 1944.

Nakikita ko ang silid-hapunan kung saan ang Paskuwa ay kakainin. Nakikita ko ito nang malinaw. Mailalarawan ko ang lahat na magaspang na mga lugar sa mga pader at ang mga bitak sa sahig.

Ito ay isang malaking silid na hindi perpektong kudrado, bagkus ito ay medyo rektanggulo. Ang kaibahan ng mas mahabang tabi sa mas maikli ay, sa pinakamalaki na, isang metro o maliit nang kaunti. Ang kisame ay mababa. Baka ito ay tila ganito lamang, sapagkat ang taas ng silid ay hindi umaayon sa laki nito. It ay medyo pa-arko, ibig sabihin, ang dalawang mas maikling mga pader ay hindi eskuwalado sa kisame, bagkus medyo pabilog.

Sa dalawang mas maikling mga pader ay may dalawang malalaking mababang bintana, magkaharap. Hindi ko makita kung ano ang makikita kung dudungaw mula rito, isang bakuran na yarda kaya o isang kalsada, sapagkat ang mga persiyana ay sarado. Sinabi ko: persiyana. Hindi ko alam kung ito ang tamang salita. Ito ay mga panakip sa bintana na gawa sa mga tabla at nakasarang mabuti na may bakal na mga nakabalagbag dito.

Ang sahig ay gawa sa malalaking kudradong ladrilyo na baldosa na ang kulay ay kumupas na sa tagal. Mula sa gitna ng kisame ay may nakabitin na isang maraming-kamay na lampara ng langis.

Sa isa sa dalawang mas mahabang mga pader ay walang mararaanan, sa isa pa, sa halip, ay may maliit na pintuan sa isang sulok at mararating ito sa pag-akyat sa isang maliit na hagdanan na may anim na baytang ngunit walang mga barandilya, nagtatapos sa isang landing na isang-metro kudrado. Sa landing at sa tabi ng pader ay may isa pang baytang, na ang kapantay nito ay ang pagbukas ng pinto. Hindi ko alam kung naging maliwanag ang pagsalarawan ko.

Ang mga pader ay pinaputi lamang na walang mga dekorasyon o mga pagilid. Sa gitna ng silid ay may isang mahabang rektanggulong mesa, napakahaba kompara sa lapad nito, inilagay itong kaagapay ang mahabang mga pader at gawa sa napakalisong kahoy. Sa tabi ng mahahabang pader ay may ilang upuan. Sa tabi ng maiikling pader, sa ibaba ng bintana, sa isang tabi ay may isang klase ng baul na may mga palanggana at mga amphora sa ibabaw, at sa ibaba ng isa pang bintana ay may isang mahabang mababang panabing patungan, na sa ibabaw nito sa kasalukuyan ay wala kahit ano.

At iyan ang deskripsiyon ng silid kung saan doon kakainin ang Paskuwang hapunan. Nakita ko ito nang malinaw buong araw, sa katunayan nagawa kong mabilang ang mga hakbang at mapag-aralan ang lahat na detalye. At ngayon na dumidilim na, ang aking Jesus ay dinadala ako sa iba pang mga bagay ng kontemplasyon.

Nakikita ko na ang malaking silid ay maghahatid, sa pamamagitan ng anim-na-baytang na hagdan, sa isang madilim na pasilyo na sa kaliwang tabi nito, ayon sa akin, ay may isang pintuan na magbubukas palabas sa kalsada; ang pintuan ay malapad, mababa at napaka-solido, pinalakas ng metal na mga buton at baras. Nakaharap sa maliit na pintuan na magdadala sa pasilyo mula sa silid-hapunan, ay may isa pang pintuan na magbubukas patungo sa isa pang silid, na hindi napakalaki. Sasabihin ko na ang silid-hapunan ay nagawa mula sa kaibahan ng taas sa pagitan ng lupa at ng iba pang bahagi ng kabahayan at ng kalsada, ito ay katulad ng isang basement, parang isang cellar na nilinis o pinakinabangan, ngunit nakalubog pa rin ng mga isang metro sa lupa, baka upang madagdagan ang taas nito at maging proporsiyonado sa kalakhan nito.

Sa loob ng silid na aking nakikita ngayon, ay naroon si Maria kasama ang iba pang mga babae, nakikilala ko ang Magdalena at si Maria na ina ni Santiago, Judas at Simon. Sila ay tila kararating pa lamang, pinangungunahan ni Juan, habang inaalis nila ang kanilang mga manta at ipinapatong itong nakalupi sa ibabaw ng mga bangkitong nakakalat sa silid, habang binabati nila ang apostol, na umaalis, at ang isang babae at isang lalaki, na nagmadali roon pagdating nila, at ang pagkaintindi ko sila ang mga may-ari ng bahay at mga disipulo din o mga tagatangkilik sa Nazareno, sapagkat sila ay puno ng pag-asikaso at paggalang kay Maria. Siya ay nakasuot ng madilim na asul na damit, isang madilim na indigong asul. Sa Kanyang ulo Siya ay may puting belo na makikita noong Kanyang inalis ang Kanyang manta, dahil natatakpan din nito ang Kanyang ulo. Nagmumukha Siyang hapo at tumanda. Siya ay malungkot na malungkot, bagama't may-kabaitan Siyang ngumingiti. Siya ay maputlang maputla. Ang Kanya ring mga paggalaw ay pagod at nag-aalinlangan, katulad ng isang tao na nasa malalim na pág-iisíp.

Sa pamamagitan ng pinto na iniwanan na nakatikal nakikita ko ang maybahay na lalaki paparoo’t parito sa pasilyo at sa mas mataas na silid, na kanyang pinaliliwanagan nang ganap sinisindihan ang natitira pang walang-sinding mitsa ng malaking lampara ng langis. Pagkatapos pumunta siya sa pinaka-pintuan at binuksan ito at si Jesus ay pumasok kasama ang mga apostol. Nakikita ko na dumidilim na, sapagkat ang mga anino ng gabi ay lumalabas na sa kalsada na sarado sa pagitan ng matataas na mga bahay.

Kasama Niya ang lahat na mga apostol. Binabati Niya ang may-ari sa pamamagitan ng Kanyang pangkaraniwan na pagbati: «Kapayapaan sa bahay na ito», at pagkatapos, habang ang mga apostol ay bumababa patungo sa silid-hapunan, pinapasok Niya ang silid kung saan naroroon si Maria. Ang tapat na mga babae ay binati Siya nang may malalim na paggalang at pagkatapos umalis, sinasara ang pinto at iniiwan ang Mag-ina nang libre.

Si Jesus ay niyayakap ang Kanyang Ina at hinahalikan ang Kanyang noo. Si Maria ay hinalikan muna ang kamay ng Kanyang Anak at pagkatapos ang Kanyang kanang pisngi. Si Jesus ay ginawa si Maria na maupo at naupo sa tabi Niya, nakaupo sila sa dalawang bangkito na magkalapit. Ginawa Niya si Maria na maupo sa pag-akay sa Kanya patungo sa mga bangkito, at patuloy Niya Siyang inaalalayan hanggang Siya ay naupo.

Si Jesus din ay nasa malalim na pag-iisip at malungkot, sa kabila na nagsisikap Siyang ngumiti. Si Maria ay pinag-aaralan nang husto ang ekspresyon ni Jesus. Kaawa-awang Ina, Na sa pamamagitan ng grasya at pagmamahal ay nadama kung ano ang ibig sabihin ng oras na ito! Makirot na mga paghilab ay lumalabas sa mukha ni Maria at ang Kanyang mga mata ay lumalaki sa panloob na bisyon ng malalim na kapighatian. Ngunit hindi Siya gumagawa ng galaw na mapansin. Siya ay kasing solemne katulad ng Kanyang Anak.

Si Jesus ay nagsalita sa Kanya. Binabati Niya Siya at pinakikiusapan na magdasal para sa Kanya.

«Inay, Ako ay naparito upang makakuha ng lakas at kaginhawahan mula sa Inyo. Katulad Ko ang isang maliit na bata, Inay, na nangangailangan ng puso ng kanyang ina para sa kanyang kapighatian, at ng dibdib ng kanyang ina para sa kanyang lakas. SA oras na ito Ako ay naging ang Inyong maliit na Jesus ng isang matagal nang panahon. Hindi Ako ang Guro, Inay. Ako lamang ay Inyong Anak, katulad sa Nazareth nang Ako ay isang maliit na bata, katulad sa Nazareth bago iwanan ang Aking pribadong pamumuhay. Kayo lamang ang bagkus mayroon Ako. Ang mga tao, sa kasalukuyang sandali, ay hindi mapagkaibigan at tapat sa Inyong Jesus.. Ni hindi sila matapang sa paggawa ng mabuti. Tanging ang masasama lamang ang di-nagbabago at malakas sa paggawa ng kasamaan. Ngunit Kayo ay tapat sa Akin at Kayo ang Aking lakas, Inay, sa oras na ito. Suportahan Ninyo Ako ng Inyong pagmamahal at ng Inyong mga panalangin. Sa pagitan ng mga kahit papaano nagmamahal sa Akin, Kayo lamang ang isa na nakaaalam kung papaano magdasal sa oras na ito. Alam Ninyo kung papaano magdasal at umiintindi. Ang iba ay kinaaabalahan ang kapistahan, puno sila sa pag-iisip ng malulugod na mga isipín, o ng kriminal na mga isipín, Maraming bagay ang mamamatay pagkatapos ng oras na ito, at kasama rito ang kanilang pagkatao, at magagawa nilang maging karapat-dapat sa Akin, lahat sila, maliban sa kanya na nawala at kung kanino walang kapangyarihan ang makapagpapabalik na magsisi man lamang. Ngunit sa pansamantala sila ay walang-malay na mga tao na hindi makaramdam na Ako ay namamatay, habang nagsasaya sila iniisip na ang Aking tagumpay ay higit pa kailanman malapit na. Ang mga hosana ng mga nakaraang araw ay nalasing sila. Inay, Ako ay naparito para sa oras na ito at sa sobrenatural na pananaw isang kaluguran na makita itong dumating. Ngunit ang Akin Kaakuhan ay natatakot din dito, sapagkat ang kalis na ito ay taglay ang pangalan ng pagtataksil, pagtatakwil, kabangisan, paglalapastangan, pag-aabandona. Suportahan Ninyo Ako, Inay. Katulad noong sa pamamagitan ng Inyong mga panalangin napababa Ninyo ang Espiritu ng Diyos sa Inyong Sarili., at sa pamamagitan nito naibigay Ninyo sa mundo ang Hinihintay na Isa ng mga tao, pababain Ninyo sa Inyong Anak ang lakas na sana makatulong sa Akin upang magawa ang gawain na para dito Ako ay dumating. Inay, paalam. Pagpalain Ninyo Ako, Inay; sa katauhan din ng Ama. At patawarin ang lahat. Magpatawad tayo nang magkasama, mula sa sandaling ito, patawarin natin ang mga nagpapahirap sa atin.»

Habang nagsasalita, si Jesus ay napadalusdos sa Kanyang mga tuhod sa paanan ng Kanyang Ina at tinitingnan Niya Siya niyayakap Siya sa baywang.

Si Maria ay lumuluha nang tahimik, ang Kanyang mukha medyo nakataas para sa isang panloob na panalangin sa Diyos. Ang mga luha ay bumababa sa Kanyang maputlang mga pisngi at bumabagsak sa Kanyang lapi at sa ulo ni Jesus, Na pagkatapos ay pinagpapahinga ito sa puso ng Kanyang Ina. Pagkatapos si Maria ay ipinapatong ang Kanyang kamay sa ulo ni Jesus, na tila ibig Niyang pagpalain Siya. Pagkatapos Siya ay yumuko, hinahalikan ang Kanyang buhok at hinahaplos ito. Hinahaplos Niya ang Kanyang mga balikat at mga kamay. Hinahalikan Niya Siya muli, dumadaloy ang mga luha, sa Kanyang noo, sa Kanyang mga pisngi, sa Kanyang namimighating mga mata. Niyayakap Niya ang kaawa-awang pagod na ulo, na tila Siya ay isang sanggol, katulad noong nakita Ko Siyang inaalo ang dibinong Bagong-panganak sa Gruta. Ngunit hindi Siya umaawit ngayon. Sinasabi lamang Niya: «Anak! Jesus! Aking Jesus!» ngunit sa gayong tinig na bumibiyak sa aking puso.

Pagkatapos si Jesus ay tumayo. Inaayos Niya ang Kanyang manta, nananatiling nakatayo sa harapan ng Kanyang Ina, Na umiiyak pa rin at pinagpapala Siya ni Jesus sa Kanyang bisig. Pagkatapos ibinaling Niya ang Kanyang mga hakbang patungo sa pinto. Bago lumabas sinabi Niya sa Kanyang Ina: «Inay, babalik pa Ako muli bago kainin ang hapunan ng Aking Paskuwa. Magdasal habang naghihintay para sa Akin.» At Siya ay lumabas.

210812

 

 

 



Sunod na kabanata