598. Ang Paskuwang Hapunan.

Marso 9, 1945.

Ang paghihirap ng Huwebes Santo ay nagsisimula na.

Ang mga apostol, may sampu sa kanila rito, ay paparoo’t parito sa paghahanda sa silid-Hapunan.

Si Judas, na umakyat sa ibabaw ng mesa, ay tinitingnan kung may langis sa lahat na mga lampara ng malaking tsandelyer na nagmumukhang ang korola ng isang dobleng fuchsia, sapagkat ang tangkay nito ay napaliligiran ng limang lampara sa loob ng maliliit na lalagyan, at pánghuli, may tatlong maninipis na lamparang nakabitin sa munting mga kadena nakakatulad ang mga pistilo ng maningning na bulaklak. Pagkatapos lumukso siya noong bumaba sa sahig at tinutulungan si Andres na maglagay ng mga gamit sa maarteng estilo sa ibabaw ng mesa, kung saan ang isang napaka-pinong mantel ay isinapin.

Napakinggan ko si Andres na nagsabi: «Anong gandang linen na mantel ito!» At ang Iskariote ay nagsabi: «Isa sa mga pinaka magaganda ni Lazarus. Namilit si Martha na dalhin ito.»

«At ano ang tungkol sa mga kalis na ito at ang mga amphora na ito?» wika ni Tomas, na nagbuhos ng ilang alak sa mamahaling mga amphora at kanyang hinahangaan ito, tinitingnan ang kanyang sarili sa balingkinitan na mga tiyan nito, at kanyang hinahaplos ang kinorteng mga hawakan sa pamamagitan ng mata ng isang dalubhasa sa sining.

«Phew! Gaano kaya ang halaga ng mga ito!» bulalas ni Judas Iskariote.

«Iyan ay trinabaho ng martilyo. Ang aking ama ay mababaliw nito. Ang plata at gintong mga palara ay nakokorteng madali kapag pinainit. Ngunit ginagawa ito nang may gayong galíng... Ang lahat ay maaaring masayang sa loob ng isang sandali. Isang maling pukpok ay sapat na. Nangangailangan ito ng lakas at isang magaan na kamay din. Kita ninyo ang mga hawakan? Sila ay kinorte mula sa bloke. Sila ay hindi hininang. Mga bagay para sa mayayamang tao... Isipin na lamang na ang lahat na pinagkikilan at pinag-ukitan ay wala na iyon. Hindi ko alam kung naiintindihan ninyo ako.»

«Phew! Naiintindihan kitang mabuti. Sa madaling salita, iyan ay katulad ng eskultura.»

«Eksakto.»

Lahat sila ay humahanga at pagkatapos binalikan nila ang kanilang trabaho. Ang ilan ay inaayos ang mga supa, ang ilan inihahanda ang panabing mga patungan.

Si Pedro at si Simon ay pumasok nang magkasama.

«O! kayo ay dumating sa wakas! Saan kayo nanggaling ulit? Pagkatapos na dumating kayo kasama ang Guro at kami, umalis kayong muli» sabi ng Iskariote.

«Nagkaroon kami ng isa pang sadya bago ang oras ng hapunan» tugon nang maikli ni Simon.

«Naghihirap ba kayo gawa ng kalungkutan?»

«Sa  palagay ko may rason upang maging ganyan, kung iisipin kung ano ang ating mga napakinggan sa loob ng nakaraang mga araw na ito, at mula sa mga labì na iyon na kailanman hindi natin nakita na nagkakamali.»

«At may bahò na iyon ng... Bueno, manahimik, Pedro» bulong ni Pedro sa pagitan ng kanyang mga ngipin.

«At ikaw din!... Ikaw ay tila naging baliw nang matagal-tagal. Ang iyong mukha ay katulad ng isang layas na kuneho na nakapuna na siya ay hinahabol ng isang asong-gubat» tugon ni Judas Iskariote.

«At ang iyong mukha ay katulad ng nguso ng isang weasel. Ni ikaw ay hindi rin naging napaka kisig, nitong mga huling araw na ito. Nagmumukha ka sa gayong paraan... Nagiging duling ka pa nga... Ano ang inaasahan mo o ang inaasahan mong makita? Ikaw ay tila nagtitiwala sa sarili mo, gusto mong lumabas na ganyan, ngunit nagmumukha kang isa na natatakot» balik-sabi ni Pedro.

«O! Magpatungkol sa pagiging takót!... Ikaw ay hindi rin isang bayani!»

«Wala sa atin ang bayani, Judas. Nasa iyo ang pangalan ng Macabeo, ngunit hindi ka ganyan. Ako, sa pamamagitan ng aking pangalan, ay nagsasabi “ang Diyos ay nagkakaloob ng mga grasya”, ngunit sinusumpa ko sa iyo na nanginginig ako katulad ng isang tao na nagdadala ng masamang pagkakataon at higit sa lahat na nawalan ng pagtingin ng Diyos. Si Simon ni Jonah, pinangalanan muli na “ang bato”, ay ngayon kasing lambot ng waks malapit sa apoy. Nawalan na siya ng pagbasa ng panahon ng kanyang sariling malayang-kalooban. gayunpaman hindi ko siya kailanman nakita na natakot sa pinakamarahas na mga bagyo! Si Mateo, si Bart at si Felipe ay nagmumukhang katulad ng mga naglalakad nang tulog. Ang aking kapatid at si Andres ay wala nang ginawa bagkus ang magbuntung-hininga. Ang dalawang pinsan, na nalulungkot dahil sa kanilang pagkakamag-anak at ng kanilang pagmamahal para sa Guro, tingnan mo sila. Nagmumukha na silang matatanda. Si Tomas ay nawalan na ng kanyang pagiging masayahin. At si Simon ay tila muling naging ang hapóng ketongin nang nakaraang tatlong taon, labis-labis siyang pinapanghina ng kapighatian, sasabihin ko na siya ay nanghina na, namumutlang parang patay, namamanglaw» si Juan ang tumugon sa kanya.

«Oo, Nahawahan Niya tayong lahat ng Kanyang kapanglawan» wika ng Iskariote.

«Ang aking pinsan na is Jesus, ang aking Guro at Panginoon at iyo, ay at hindi namamanglaw. Kung ang ibig mong sabihin, sa pamamagitan ng salitang iyan, na Siya ay malungkot sapagkat Siya ay labis-labis na napamimighati ng buong Israel, katulad ng ating nalalaman, at dahil sa iba pang nakatagong mga kapighatian na tanging Siya lamang ang nakakakita, sinasabi ko sa iyo: “Tama ka”. Ngunit kung ginagamit mo ang salitang iyan upang sabihin na Siya ay baliw, pinagbabawalan kitang gawin iyan» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«At ang isa bang namamalaging mapanglaw na idea ay hindi kabaliwan? Pinag-aralan ko rin ang di-banal na mga bagay at alam ko. Naibigay niya nang labis ang Kanyang Sarili. Ngayon Siya ay pagod sa isip.»

«Na ang ibig-sabihin ay baliw. Tama ba iyon?» tanong ng isa pang pinsan na si Judas, na mukhang kalmante.

«Eksakto! Gaanong tama ang iyong ama, isang tao ng may-pinagpalang alaala, na labis na nakakatulad mo sa katarungan at karunungan! Si Jesus, ang malungkot na patutunguhan ng isang bantog na pamilya ngayon labis nang matanda at tinamaan ng pagka-ulianin, ay laging may disposisyon sa sakit na ito. Mahinahon sa una, pagkatapos palalo nang palalo na agresibo. Nakita ninyo kung papaano Niya atakihin ang mga Pariseo at mga eskriba, mga Saduseo at mga Herodian. Nagawa Niya ang Kanyang buhay na imposible, katulad ng isang daan na may nakakalat na maliliit na bubog. At ikinakalat Niya ito Mismo. Tayo... minahal natin Siya nang labis na ang ating pagmamahal ay napalabo ang ating mga mata. Ngunit ang mga hindi sa Kanya nagmahal sa isang maidolatrang pamamaraan – ang iyong ama, iyong kapatid na si Jose at noong una si Simon din – ay nakakita nang tama... Noong mapakinggan natin ang kanilang mga salita sana binuksan natin ang ating mga mata. Sa halip tayong lahat ay narahuyo ng Kanyang mapagpakumbabang halina ng isang may-sakit na tao. At ngayon... Sino ang nakaaalam!»

Si Judas Tadeo na kasing tangkad ng Iskariote, at nakatayo tanging sa harapan niya at tila nakikinig sa kanya nang mapayapa, ay nagkaroon ng pagsiklab ng galit at, sa pamamagitan ng isang malakas na bigwas ng likod ng kamay, pinatumba niya si Judas na ang kanyang likod tumama sa isa sa mga supa, at na may galit na pinipigilan sa kanyang tinig, niyuyukuan ang mukha ng duwag  na hindi umaalma, dahil siya ay maaaring natatakot na nalalaman ni Tadeo ang kanyang krimen, siya ay bumulong: «Ito ay para sa Kanyang kabaliwan, ikaw na ahas! At sa dahilan lamang na Siya ay nasa kabilang silid, at ito ay gabi ng Paskuwa, hindi kita sasakalin. Ngunit tandaan ito, at tandaan ito nang mabuti! Kung mayroon mang masama ang mangyari sa kanya, at wala Siya roon upang pigilan ang aking lakas, walang makapagliligtas sa iyo. Ang tali ay katulad na rin na naka-ikot na ito sa iyong leeg, at ang malakas na tapat na mga kamay kong ito, mga kamay ng isang Galilean na manggagawa at ng isang inapo ng pumaslang kay Goliat, ay tatapusin ang trabaho para sa iyo. Tumayo ka, ikaw na walang-gulugod na pasasa-sa-kahalayan! At bantayan kung papaano ka umasal.»

Si Judas ay tumayo, siya ay nangingitim, ngunit hindi umaalma man lamang. At, ang nakapagtataka sa akin, walang sinuman ang gumagalaw sa bagong ginawa ni Tadeo. Sa kabaligtaran!... Halatang-halata na lahat sila ay sumasang-ayon dito.

Ang silid ay naging kalmado muli noong si Jesus ay pumasok.. Siya ay lumitaw sa pamasukan ng maliit na pintuan, kung saan ang Kanyang mataas na katauhan ay makakaraan lamang, Humakbang Siya sa maliit na landing, at sa pamamagitan ng Kanyang mapagpakumbabang malungkot na ngiti sinabi Niya, binubukas ang Kanyang mga kamay: «Kapayapaan sa inyo.» Ang Kanyang tinig ay pagod, katulad ng isang nanghihina nang sa pisikal at moral.

Siya ay bumaba. Hinahaplos niya ang matingkad na ulo ni Juan, na nagmadali patungo sa Kanya. Ngumingiti Siya sa Kanyang pinsan na si Judas, na tila wala Siyang nalalaman na kahit ano, sinabi Niya sa isa pang pinsan Niya: «Ang iyong ina ay hinihingi sa iyo na maging mabait kay Jose. Nagtanong siya sa mga babae tungkol sa iyo at sa Akin kani-kanina lamang. Nalulungkot Ako na hindi Ko siya nabati.»

«Gagawin Ninyo iyan bukas.»

«Bukas?... Lagi Akong may panahon upang makita siya... O! Pedro! Magkakasáma tayo nang kaunting sandali sa wakas!  Mula kahapon ikaw ay tila isang di-mahagilap. Nakikita kita, pagkatapos hindi na kita makita. Ngayon halos masasabi Ko na nawala ka na sa Akin. At ikaw din, Simon.»

«Ang aming buhok, na mas maputi kaysa maitim, ay matitiyak sa Inyo na kami ay hindi nawala dahil sa pagnanasa ng para sa laman» sabi ni Simon nang seryoso.

«Bagama't... sa lahat na edad posibleng maghirap sa kagutuman na iyan... Ang matanda! Mas malala kaysa sa bata...» sabi ng Iskariote nang nananadya.

Si Simon ay tinitingnan siya at sasagot na sana. Ngunit si Jesus din ay tinitingnan siya at nagsabi: «Masakit pa ngipin mo? Ang iyong kanang pisngi ay maga at mapula.»

«Oo, sumasakit ito. Ngunit hindi ito karapat-dapat na ipag-alala.»

Ang iba ay walang sinabi na kahit ano, at ang usapín ay nawala na lang.

«Nagawa na ba ninyo ang lahat na kailangang gawin? Ikaw, Mateo? At ikaw, Andres? At ikaw, Judas, inasikaso mo na ba ang alay para sa Templo?»

Kapwa ang unang dalawa at ang Iskariote ay nagsabi: «Ang lahat na sinabi Ninyong na kailangang gawin ngayon, ay nagawa na. Huwag mag-alala.»

«Dinala ko ang unang mga bunga ni Lazarus kay Johanna ni Chuza.  Para sa mga bata. Sinabi nila sa akin: “Ang mga mansanas na iyon ay mas mabubuti!” May lasa iyon na nakakagutom, ang mga iyon! At iyon ay Inyong mga mansanas» sabi ni Juan ngumingiti at nananaginip.

Si Jesus ay ngumingiti din sa pag-alaala...

«Nakita ko sina Nicodemus at Jose» sabi ni Tomas.

«Nakita mo sila? Nagsalita ka ba sa kanila?» tanong ng Iskariote nang may labis na interes.

«Oo, nagsalita ako. Ano ang kakaiba nito? Si Jose ay isang mabuting suki ng aking ama.»

«Hindi mo binanggit iyan noon... Iyan kung bakit ako nagtataka!...» Si Judas ay nagsisikap na mabigyan ng katwiran ang impresyon, na kanyang pinakita kanina, tungkol sa pag-aalala niya sa pakikipagkita ni Tomas kina Jose at Nicodemus.

«Tila kakaiba sa akin na sila ay hindi pumunta upang pagpitaganan Kayo. Hindi sila pumunta, ni si Chuza, ni si Manaen... Wala sa mga...»

Ngunit ang Iskariote ay tumatawa nang may panunuya, pinuputol si Bartolomeo, at sinabi niya: «Ang buwaya ay itinatago ang sarili sa tamang sandali.»

«Ano ang ibig mong sabihin? Ano ang ibig mong palabasin?» tanong ni Simon nang agresibo katulad na hindi pa ito kailanman nangyari.

«Kapayapaan, kapayapaan! Ano ang nangyayari sa inyo? Ngayon ay gabi ng Paskuwa! Hindi tayo kailanman nagkaroon ng ganitong pagpapakita ng saloobin na karapat-dapat para sa pag-ubos sa kordero. Kung kaya't ating kanin ang hapunan sa espiritu ng kapayapaan. Nakikita Ko na nabalisa Ko kayo sa pamamagitan ng Aking mga tagubilin ng huling mga gabing ito. Ngunit, kita ninyo? Nakatapos na Ako! Ngayon hindi Ko na kayo babalisahin pa. Hindi lahat na tungkol sa Akin ang nasabi na, bagkus tanging ang esensiyal na bahagi lamang. Ang iba pa... Maiintindihan ninyo saka na. Kayo ay sasabihan... Oo. May darating Na siyang magsasabi sa inyo! Juan, lakad kasama si Judas at kung sino pa upang kunin ang mga palanggana para sa puripikasyon. Pagkatapos tayo ay maupo sa mesa.» Si Jesus ay makabagbag-damdamin na mabait.

Si Juan kasama si Andres, si Judas Tadeo kasama si Santiago, ay dinala ang malaking palanggana, nagbuhos sila ng tubig dito at nag-abot ang tuwalya kay Jesus at sa kanilang mga kasamahan, na ganito rin ang ginagawa para sa kanila. Ang palanggana (na isang metal na palanggana para sa paghuhugas ng kamay) ay inilagay sa isang sulok.

«At ngayon maupo sa inyong mga supa. Ako rito, at dito (sa Kanyang kanan) si Juan, at sa kabilang tabi ang Aking tapat na si Santiago. Ang unang dalawang mga disipulo. Pagkatapos ni Juan ang Aking malakas na Bato, at pagkatapos ni Santiago siya na katulad ng hangin. Siya ay hindi kailanman napupuna, ngunit laging nandiyan at nakapagpapaginhawa: si Andres.

Sa tabi niya, ang Aking pinsan na si Santiago. Ikaw ay hindi nalulungkot, Aking mabait na kapatid, kung binigay Ko ang unang puwesto sa unang mga disipulo? Ikaw ay ang pamangkin ng Makatarungang Isa, na ang kaninong espiritu ay pumipintig at nanginginig sa ibabaw Ko ngayong gabi, nang higit pa kailanman. Magkaroon ng kapayapaan, ama ng Aking kamusmusan na kahinaan, punong terebinto na sa kaninong lilim ang Ina at Anak ay nagkaroon ng aliw! Magkaroon ng kapayapaan!... Sa tabi ni Pedro, si Simon... Simon, halika rito nang sandali. Ibig Kong ipirmi ang Aking mga mata sa iyong tapat na mukha. Pagkatapos nito hindi na kita makikita nang mabuti, sapagkat may ibang magtatakip sa iyong tapat na mukha. Salamat sa iyo, Simon, para sa lahat» at hinahalikan Niya siya.

Si Simon, pagkatapos na siya ay pinalibre, ay pumunta sa kanyang supa, tinatakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay nang sandali, na may paggalaw ng paghihirap ng kalooban.

«Nakaharap kay Simon, ang Aking Bart. Dalawang tapat na marurunong na tao sinasalamin ng isa ang isa. Magkatugmang magkatugma sila. At katabi niya, ikaw, Judas, Aking kapatid. Upang nakikita kita... at Ako ay tila nasa Nazareth... kapag ang ilang kapistahan ay napagsasama-sama tayong lahat sa paligid ng isang mesa... Sa Cana rin... Naaalaala mo ba? Tayo ay magkakasama. Isang piging... isang piging ng kasalana... ang unang himala... ang tubig naging alak... Ngayon din isang kapistahan... at ngayon din ay magkakaroon ng isang himala... ang alak ay magbabago ang kalikasan nito at magiging...»

Si Jesus ay naging okupado sa Kanyang mga naiisip, ang Kanyang ulo nakatungo at nag-iisa sa loob ng Kanyang lihim na daigdig. Ang iba ay tinitingnan Siya at hindi nagsasalita.

Itinaas Niya muli ang Kanyang ulo at tinititigan si Judas Iskariote, kung kanino Kanyang sinabi: «Mauupo ka sa harapan Ko.»

«Labis Ninyo akong minamahal? Mas mahigit pa kay Simon, dahil gusto Ninyo akong laging nasa harapan Ninyo?»

«Labis. Katulad ng sinabi mo.»

«Bakit, Guro?»

«Sapagkat ikaw ang isang nakagawa nang mas mahigit pa kaysa sa lahat para sa oras na ito.»

Si Judas ay nagpaparating ng isang sulyap na pabagu-bago kahit kailanman sa Guro at sa kanyang mga kasamahan. Kay Jesus nang may pagkahabag, sa iba pa nang may ere ng pananagumpay.

«At malapit sa iyo, sa isang tabi si Mateo, sa kabila si Tomas.»

«Kung gayon, si Mateo sa Aking kaliwa at si Tomas sa Aking kanang tabi.»

«Ayon sa hiling Ninyo, ayon sa ibig Ninyo» sabi ni Mateo. «Sapat na para sa akin na ang aking Tagapagligtas ay nasa harapan ko.»

«Sa huli, si Felipe. Ngayon, kita ninyo? Ang wala sa tabi Ko ng lugar ng karangalan, ay nasa kanya ang karangalan ng pagiging nasa harapan Ko.»

Si Jesus, nakatayo sa Kanyang lugar, ay nagbubuhos ng alak sa malaking kalis na inilagay sa harapan Niya (lahat sila ay may mataas na mga kalis, ngunit nasa Kanya ang pinaka malaking isa, bukod sa karagdagan na kalis na katulad ng sa iba. Maaaring ito ang kalis ng para sa ritwal). Nagbubuhos Siya ng alak dito, itinataas Niya ito, inaalay Niya ito at inilalapag ito sa mesa.

Pagkatapos nang magkakasabay nagtatanong sila sa tono ng isang salmo: «Bakit ang seremonyang ito?» isang pormal na tanong, walang duda, isang ritwal na tanong.

Sa kung saan si Jesus, bilang ulo ng pamilya, ay tumutugon: «Ang araw na ito ay nagpapaalaala sa atin ng ating pagkakalaya mula sa Ehipto. Pagpalain si Jehovah Na naglikha sa bunga ng ubasan.»

Sumipsip Siya ng isa sa alak na inialay Niya at iniabot ang kalis sa iba pa. Pagkatapos inaalay Niya ang tinapay, pinagpipira-piraso ito sa maliliit na piraso at iniaabot ito sa paikót kasama ang mga yerba na naisawsaw sa mapula-pulang sawsawan na nasa apat na korteng bankang mga lalagyan.

Noong ang bahaging ito ng hapunan ay tapos na, umawit sila ng ilang mga salmo, sabay-sabay.

Ang malaking trey ng inihaw na kordero mula sa panabing patungan ay dinala sa mesa sa harapan ni Jesus.

Si Pedro, na gumaganap bilang... first voice ng koro, kung gusto ninyong ito ang itawag dito¹, ay nagtanong «Bakit ang korderong ito, na katulad ito nito ngayon?»

«Sa pag-alaala ng panahon kung kailan ang Israel ay naligtas sa pamamagitan ng pang-sakripisyong kordero. Walang panganay na anak ang namatay kung saan nakita ang dugo sa mga hamba ng pintuan at mga katangan. At pagkatapos, habang ang buong Ehipto, mula sa maharlikang palasyo hanggang sa mga barungbarong, ay ipinagluluksa ang patay na panganay na anak na mga lalaki, ang mga Hebreo, pinangungunahan ni Moses, ay gumalaw patungo sa lupain ng kalayaan at pangako. Na ang kanilang mga panabi may sangkap, ang kanilang mga paa may sapatos, ang mga tungkod ng peregrino nasa kanilang mga kamay, ang sambayanan ni Abraham ay nagsimulang umalis kaagad, umaawit ng mga himno ng lugod.»

Lahat sila ay tumayo at umawit: «Noong ang Israel ay umalis sa Ehipto at ang sambahayan ni Jacob (umalis) mula sa isang walang-kabihasnan na sambayanan, ang Judah ay naging kanyang santuwaryo» atbp. (Kung natagpuan ko ang tamang salmo, ito ay salmo 113).

Si Jesus ngayon ay hinihiwa ang kordero, nagbubuhos ulit ng alak sa kalis at ipinapasa ito paikot pagkatapos na makainom dito. Pagkatapos inawit din nila: «Mga anak, purihin ang Panginoon, pagpalain nawa ang Pangalan ng Eternal ngayon at magpakailanman sa buong mga panahon. Mula sa silangan hanggang sa kanluran ito ay kailangan na papurihan» atbp. (ngunit hindi ko ito makita).

Si Jesus ay pinamimigay ang mga bahagi, tinitiyak na ang lahat ay mabuting napagbibigyan, katulad lamang ng isang ama ng isang pamilya sa gitna ng kanyang mga anak na lahat mahal sa kanya. Siya ay solemne, medyo malungkot, noong Kanyang sinabi: «Pinanabikan Kong makain ang hapunan ng Paskuwang ito na kasama kayo. Ito ay naging ang mithiin ng Aking mga mithiin mula nang, mula sa eternidad, Ako “ang Tagapagligtas”. Alam Ko na ang isang ito ay mauuna sa isang iyon. At ang kaligayahan na maibigay ang Aking Sarili, ay naghatid ng kaginhawahan na ito, nang abante, sa Aking paghihirap... Pinanabikan Kong makain ang hapunan ng Paskuwang ito na kasama kayo, sapagkat hindi Ko muli kailanman titikman ang bunga ng baging hanggang sa pagdating ang Kaharian ng Diyos. Pagkatapos uupo Akong muli kasama ang mga napili sa Bangkete ng Kordero, para sa kasálan ng Mga Nabubuhay sa Nabubuhay na Isa. Ngunit tanging ang mga naging mabababa ang kalooban at puro sa puso lamang, katulad Ko, ang pupunta roon.»

«Guro, kani-kanina lamang sinabi Ninyo na siya na wala ng karangalan ng inuupuan, ay nasa kanya ang karangalan ng pagiging nasa harapan Ninyo. Kung gayon, papaano namin malalaman kung sino ang una sa amin?» tanong ni Bartolomeo.

«Ang lahat at walang sinuman. Minsan... tayo ay pabalik at tayo ay pagod at... nasusuka sa mapait na kapootan ng mga Pariseo. Ngunit kayo noon ay hindi pagod na pagod na hindi na kayo makapag-usap-usap ng tungkol sa kung sino ang pinakadakila... Ang isang maliit na bata ay tumakbo patungo sa Akin... isang maliit na kaibigan Ko... At ang kanyang inosensiya ay nakapagpabawas sa pagkasuklam Ko para sa napakaraming bagay. Ang katigasan ng inyong pagkatao bilang hindi ang huli. Nasaan ka na ngayon, maliit na Benjamin pinagkalooban ng matalinong tugon, na dumating sa iyo mula sa Langit sapagkat, sa dahilan na ikaw ay isang anghel, ang Espiritu ay nagsalita sa iyo? Noon sinabi Ko sa inyo: “Kung mayroon man na gustong maging una, siya ay kailangan na maging huli at lingkod ng lahat”. At binigay Ko sa inyo ang marunong na bata bilang isang huwaran. Ngayon sinasabi Ko sa inyo: “Ang mga hari ng mga nasyon ay naghahari sa kanila. At bagama't ang mga taong sinisiil ay napopoot sa kanila, pinapalakpakan nila sila at ang mga hari ay tinatawag na ‘mga Benepaktor’, ‘mga Ama ng Amangbayan. Ngunit ang poot ay nagbabaga sa ilalim ng huwad na pagpipitagan”. Ngunit huwag maging ganito sa inyo. Ang pinakadakila ay kailangan na maging katulad ng pinakamaliit, ang namumuno katulad niya na naglilingkod. Sino sa katunayan ang mas dakila? Siya na nauupo sa mesa, o siya na naglilingkod? Siya ito na nauupo sa mesa. Gayon  pa man naglilingkod Ako sa inyo. At bago magtagal paglilingkuran Ko pa kayo nang mas lalo pa. Kayo ang mga nakasama Ko sa Aking mga pagsubok. At maghahanda Ako ng isang lugar para sa inyo sa Aking Kaharian, sa paraan katulad na Ako ay magiging Hari rito ayon sa kalooban ng Ama, na kayo ay makakakain at makakainom sa Aking eternal na hapag-kainan at maaari kayong umupo sa mga trono hinuhusgahan ang labindalawang tribu ng Israel. Nanatili kayong kasama Ko sa Aking mga pagsubok... Ito lamang ang isang bagay na nagagawa kayong dakila sa mga mata ng Ama.»

«At ano ang tungkol sa mga darating? Hindi ba sila magkakaroon ng lugar sa Kaharian? Kami lamang?»

«O! Gaano karaming mga prinsipe sa Aking Bahay! Ang lahat na naging tapat sa Kristo sa mga pagsubok ng buhay, ay magiging mga prinsipe sa Aking Kaharian. Sapagkat ang mga nagpursige hanggang sa katapusan sa dusa ng buhay ay magiging katulad ninyo, na mga nanatiling kasama Ko sa Aking mga pagsubok. Kinikilala Ko ang Aking Sarili na kasama ng mga naniniwala sa Akin. Ang Kapighatian na inaako Ko para sa inyo at para sa lahat na mga tao, ay binibigay Ko bilang sagisag sa mga piniling partikular. Siya na tapat sa Akin sa Kapighatian ay magiging isa sa Aking mga kaluluwa na nasa lubos na kaligayahan, Aking minamahal.»

«Kami ay nagpursige hanggang sa katapusan.»

«Sa palagay mo ba, Pedro? At sasabihin Ko sa inyo na ang oras ng pagsubok ay parating pa. Simon, Simon ni Jonas, si Satanas ay hiningi niya na salain kayo katulad ng trigo. Nagdasal Ako para sa inyo, na ang inyong pananampalataya ay hindi sana magpaulik-ulik. Kapag kayo ay nakapanumbalik, palakasin ang inyong mga kapatid.»

«Alam ka na ako ay makasalanan. Ngunit ako ay magiging tapat sa Inyo hanggang sa kamatayan. Wala ako ng kasalanan na iyon at hindi ako magkakaroon niyan kahit kailan.»

«Huwag maging mapagmalaki, Aking Pedro. Ang oras na ito ay babaguhin ang walang-hangganang bilang ng mga bagay, na dati ay maliliit at magiging iba na ngayon. Gaano karami!... Nagdadala sila at nagpapataw ng bagong mga pangangailangan. Nalalaman ninyo ang tungkol dito. Lagi Ko na noong sinasabi sa inyo, kahit kapag tayo ay naglalakbay sa malalayong lugar na pinagpupugaran ng mga mandarambong: “Huwag matakot. Walang masamang mangyayari sa atin, sapagkat ang mga anghel ng Panginoon ay kasama natin. Huwag mag-alala tungkol sa kahit ano”. Naaalaala ba ninyo noong madalas Kong sabihin sa inyo: “Huwag mag-alala tungkol sa kung ano ang dapat ninyong kanin at tungkol sa inyong mga damit. Nalalaman ng Ama kung ano ang ating pangangailangan”? Madalas Ko rin sabihin sa inyo: “Ang tao ay malayong mas mahigit kaysa sa isang pipit at isang bulaklak na ngayon ay damo at bukas ay dayami. gayunpaman inaalagaan ng Ama kapwa ang bulaklak at ang maliit na ibon. Kung gayon mapagdududahan ba ninyo na hindi Niya kayo aalagaan?” Madalas Ko rin sabihin sa inyo: “Magbigay sa sinuman na humihingi, at kung may manakit sa inyo, ibigay din sa kanya ang kabilang pisngi” Madalas Ko ring sabihin: “Huwag magdala ng bag o pamalo”. Sapagkat ang tinuro Ko ay pagmamahal at pagtitiwala. Ngunit ngayon... Ngayon ang panahon ay nagbago na. Ngayon sinasabi Ko sa inyo: “Kayo ba ay nagkulang sa kahit ano magpahanggang ngayon? Kayo ba kailanman ay sinaktan?”.»

«Wala, Guro. Kayo lamang mag-isa ang sinaktan.»

«Kung gayon nakikita mo na ang Aking mga salita ay totoo. Ngunit ngayon ang lahat na mga anghel ay pinabalik ng kanilang Panginoon. Ito ang oras ng mga dimonyo... Sa pamamagitan ng kanilang ginintuang mga pakpak tinatakpan ng mga anghel ng Panginoon ang kanilang mga mata at binabalot ang kanilang mga sarili at nalulungkot sila na ang kulay ng kanilang mga pakpak ay hindi isang mapanglaw na kulay, sapagkat ngayon ay oras ng pagluluksa, ng malupit na mapaglapastangan na pagluluksa... Walang mga anghel sa ibabaw ng Lupa ngayong gabi. Sila ay malapit sa trono ng Diyos, upang lunurin ang mga panlalapastangan ng pumapatay-sa-diyos na mundo at ang pagtangis ng Inosente. At tayo ay nag-iisa... Kayo at Ako: nag-iisa. At ang mga dimonyo ay ang mga guro ng oras. Kung kaya't kukunin natin ang mga hitsura at ang mga pamamaraan ng kaawa-awang mga tao na hindi nagtitiwala at hindi nagmamahal. Ngayon, siya na may isang lukbutan ay kailangan na kumuha rin ng isang saklay na bag, siya na walang espada ay kailangan na ipagbili ang kanyang panaklob at bumili ng isa. Sapagkat ito rin ay sinabi tungkol sa Akin sa mga Iskriptura at kailangan na matupad: “Siya ay ibinilang na kasama sa masasamâ”. Totoo na ang lahat na may kinalaman sa Akin ay may sariling pakay.»

Si Simon, na nakatayo na at pumunta sa baul kung saan niya ipinatong ang kanyang marangyang manta – sapagkat sa gabing ito suot nilang lahat ang kanilang pinakamagandang mga damit, at kung gayon sa kanilang marangyang mga sinturon may nakasabit ditong mga punyal, may dekorasyon ang mga kaluban ngunit napaka-ikli, mas nakakatulad ang mga kutsilyo kaysa mga punyal – ay kumuha ng dalawang espada, dalawang tunay, mahahaba, medyo nabaluktot  na mga espada at bumalik kay Jesus dala ang mga ito nagsasabi: «Si Pedro at ako ay inarmasan namin ang aming mga sarili ngayong gabi. Mayroon kami nito, ngunit ang iba ay may maikling mga punyal lamang.»

Si Jesus ay kinuha ang mga espada, iniiksamin ito, inalis Niya sa kaluban ang isa at sinusubukan ang gilid nito sa Kanyang kuko. Ito ay kakaibang tanawin, at mas lalo pang kakaibang nakapupukaw-loob na makita ang malupit na armas na iyon sa mga kamay ni Jesus.

«Sino ang nagbigay niyan sa inyo?» tanong ng Iskariote, habang si Jesus ay iniiksamin ito at nananahimik. At si Judas ay tila nasa balag na alanganin...

«Sino? Paaalalahanan kita na ang aking ama ay isang dating isang noble at malakas na tao.»

«Ngunit si Pedro...»

«Kung gayon? Kailan ba ako kinailangan na magbigay-ulat tungkol sa mga regalo na gusto kong ibigay sa aking mga kaibigan?»

Si Jesus ay itinaas ang Kanyang ulo pagkatapos na maibalik muli sa kaluban ang espada. Iniabot Niya itong muli sa Zealot.

«Sige. Sapat na iyan. Maganda ang ginawa ninyo sa pagdala nito. ¹¹Ngunit ngayon, bago inumin ang ikatlong kalis, maghintay nang isang sandali. Sinabi Ko sa inyo na ang pinakadakila ay kapareho ng pinakamaliit at na Ako ay umaaktong isang lingkod sa mesa na ito, at paglilingkuran Ko pa kayo nang mas lalo pa. Magpahanggang ngayon  nakapagbigay Ako sa inyo ng pagkain. Isang paglilingkod para sa inyong mga katawan. Ngayon ibig Ko kayong bigyan ng pagkain para sa inyong mga espiritu. Ito ay hindi isang ulam ng lumang ritwal. Ito ay kasama ng bagong ritwal. Ginusto Kong mabinyagan bago maging ang “Guro”. Ang binyag na iyon ay naging sapat na upang ikalat ang Salita. Ngayon ang Kanyang Dugo ay padadanakin. Isa pang paghuhugas ang kakailanganin para sa inyo, bagama't napadalisay na kayo ni Juan Bautista, noong kanyang mga araw, at ngayon din sa Templo. Ngunit hindi pa ito sapat. Halikayo, na sana mapadalisay Ko kayo. Putulin ang inyong pagkain. May isang bagay pa na mas mataas at kinakailangan  kaysa sa pagkain na binigay sa tiyan upang punuin ito, kahit na kung ito ay banal na pagkain katulad ng kasalukuyang pagkain ng ritwal ng Paskuwa. At ito ay isang purong espiritu, nakahanda upang tanggapin ang kaloob ng Langit, na bumababa na upang gawin ang trono nito sa loob ninyo at ibigay sa inyo ang Buhay. Upang ibigay ang Buhay sa mga puro.»

Si Jesus ay tumayo, ginagawa Niya si Juan na tumayo upang makalabas nang madali mula sa Kanyang lugar, pumunta Siya sa baul at inalis ang Kanyang pulang tunika at nilulupi ito ipinapatong ito sa Kanyang manta, na naroroon na nakalupi, tinalian Niya ang Kanyang sarili ng isang malaking tuwalya at pumunta sa isa pang palanggana, na walang laman at malinis. Nagbubuhos Siya ng ilang tubig dito, dinala Niya ito sa gitna ng silid, malapit sa mesa, at ipinatong ito sa ibabaw ng isang bangkito. Ang mga apostol ay tinitingnan Siya nang hindi makapagsalita.

«Hindi ba ninyo Ako tinatanong kung ano ang Aking ginagawa?»

«Hindi namin alam. Sasabihin ko sa Inyo na kami ay napadalisay na» tugon ni Pedro.

«At Aking inuulit sa inyo na hindi bale na ito. Ang Aking pagpapadalisay ay makakatulong sa kanya, na dalisay na, na maging mas puro pa.»

Siya ay lumuhod. Kinakalagan Niya ang mga sandalyas ng Iskariote at hinuhugasan ang kanyang mga paa, isa-isa. Madaling gawin ito, sapagkat ang mga supa ay ginawa na ang mga paa ay nakalabas. Si Judas ay nagtataka at hindi nagsasalita ng kahit ano. Tanging nang si Jesus, bago isauli ang sandalyas ng kaliwang paa at tumayo, ay gumagawa ng pagkilos na mahalikan ang kanyang kanang paa, na nalagyan na ng sandalyas, inilayo ni Judas nang marahas ang kanyang paa at sa pamamagitan ng sandalyas nasipa ang dibinong bunganga. Nagawa niya ito nang hindi sinasadya. Iyon ay hindi malakas na pagkasipâ. Ngunit labis itong nagpalungkot sa akin. Si Jesus ay ngumingiti, at sa apostol na nagtatanong sa Kanya: «Nasaktan ko ba Kayo? Hindi ko iyon sinasadya... Patawarin ako», sinabi Niya: «Hindi, Aking kaibigan. Nagawa mo iyon nang walang malisya at hindi iyon masakit.» Si Judas ay tinitingnan Siya... Isang nag-aalalang mapaglinlang na tingin...

washing feetSi Jesus ay lumipat kay Tomas, pagkatapos kay Felipe... Iniikutan Niya ang dulo ng mesa at narating ang Kanyang pinsan na si Santiago. Hinuhugasan Niya ang kanyang mga paa at nang tumatayo hinalikan Niya ang kanyang noo. Lumipat Siya kay Andres, na namumula sa hiya at nagsisikap na huwag umiyak, hinuhugasan Niya ang kanyang mga paa at hinahalikan siya katulad ng isang sanggol. Pagkatapos nariyan si Santiago ni Zebedeo, na nagpapatuloy sa pagbulung-bulong: «O! Guro! Guro! Guro! Pinababába Ninyo ang Inyong Sarili, aking makalangit na Guro!» Si Juan ay nakalagan na niya ang kanyang mga sandalyas at habang si Jesus ay nakatungo sa pagpapatuyo sa kanyang mga paa, hinahalikan niya ang Kanyang ulo.

Ngunit si Pedro!... Hindi siya madaling kumbinsihin na magpasakop sa ritwal! «Gusto Ninyong hugasan ang aking mga paa? Ni huwag Ninyong isipin ang tungkol diyan! Habang ako ay nabubuhay, hindi ko kailanman pahihintulutan Kayo na gawin iyan. Ako ay isang uod, Kayo ay Diyos. Ang bawat isa sa kanyang sariling lugar.»

«Hindi mo naiintindihan ngayon ang Aking ginagawa. Pagdating ng araw maiintindihan mo. Hayaang gawin Ko ito.»

«Magagawa Ninyo kahit ano ang gusto Ninyo, Guro. Gusto ba Ninyong laslasin ang aking leeg? Gawin iyan. ngunit hindi Ninyo kailanman huhugasan ang aking mga paa.»

«O! Aking Simon! Hindi mo ba nalalaman na kung hindi Ko hugasan ang iyong mga paa, hindi ka magkakaroon ng bahagi sa Aking Kaharian? Simon, Simon! Nangangailangan ka ng tubig na ito para sa iyong kaluluwa at para sa mahabang paglalakbay na gagawin mo. Ayaw mo bang sumama sa Akin? Kung hindi kita huhugasan, hindi ka pupunta sa Aking Kaharian.»

«O! aking pinagpalang Panginoon! Kung gayon, hugasan ang lahat ng aking katawan! Mga paa, mga kamay at ulo!»

«Ang sinuman na, katulad ninyo, na nagkaroon na ng paligo, ay nangangailangan na lamang na hugasan ang kanyang mga paa, dahil ganap na siyang puro. Ang mga paa... Ang tao ay naglalakad sa pamamagitan ng kanyang mga paa sa dumi. At ito ay ni hindi magiging masyado rin, sapagkat katulad ng Aking sinabi sa inyo, hindi ang pumapasok at lumalabas kasama ng pagkain ang nagpaparumi at hindi kung ano ang sumasama sa kanyang mga paa sa mga daan ang nanghahawa sa tao. Bagkus ito ay kung ano ang nagbabaga at gumugulang sa loob ng kanyang puso at lumalabas mula rito, na siyang nanghahawa sa kanyang mga aksiyon at mga galamay. At ang mga paa ng isang tao na may di-purong espiritu ang pumupunta sa mga lasingan, sa kahalayan, sa di-ipinahihintulot na mga transaksiyon, sa mga krimen... Kung gayon, sa iba't ibang bahagi ng katawan ng tao ito ang may labis na pangangailangan na mapadalisay... kasama ang mga mata at bunganga... O! tao! tao! Isang perpektong nilikha para sa isang araw: ang unang araw! At pagkatapos labis na naparumi ng Manlilinlang! At noon ay walang malisya sa iyo, tao, walang kasalanan!... At ngayon? Ikaw ay lahat malisya at kasalanan, at walang bahagi sa iyo na hindi nagkakasala!»

Nahugasan na ni Jesus ang mga paa ni Pedro, hinahalikan Niya ito, at si Pedro ay umiiyak, at kinukuha ng kanyang malalaking kamay ang dalawang kamay ni Jesus at kinukuskos niya ito sa kanyang mga mata at pagkatapos hinahalikan.

Si Simon din ay naalis na niya ang kanyang mga sandalyas, at nang walang isang salita hinayaan niya si Jesus na hugasan ang kanyang mga paa. Pagkatapos, nang si Jesus ay malapit nang lumipat kay Bartolomeo, si Simon ay lumuhod at hinahalikan ang Kanyang mga paa nagsasabing: «Linisan ako ng ketong ng kasalanan, katulad na nilinis Ninyo ako mula sa ketong ng aking katawan, na sana hindi ako mapagkamalan sa oras ng paghuhukom, aking Tagapagligtas!»

«Huwag matakot, Simon. Pupunta ka sa makalangit na Siyudad kasing puti ng niyebe sa bundok.»

«At papaano ako, Panginoon? Ano ang Inyong sasabihin sa Inyong matandang Bart? Nakita Ninyo ako sa loob ng lilim ng puno ng igos at nabasa Ninyo ang aking puso. At ngayon ano ang Inyong nakikita, at saan Ninyo ako nakikita? Bigyan muli ng katiyakan ang isang kaawa-awang matandang tao, na natatakot na baka hindi siya magkaroon ng lakas at panahon upang maging kung ano ang gusto Ninyo sa kanya.» Si Bartolomeo ay labis na naaantig.

«Hindi ka kailangan na matakot din. Noon sinabi Ko sa iyo: “Naririto ang isang totoong Israelita kung kanino walang panlilinlang”. Ngayon sinasabi Ko: “Naririto ang totoong Kristiyano karapat-dapat ng Kristo”. Saan kita nakikita? Sa eternal na trono, nakadamit ng purpura. Ako ay lagi mong makakasama.»

Ngayon ay si Judas Tadeo na. Noong makita niya si Jesus sa kanyang paanan, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili, ipinatong niya ang kanyang ulo sa ibabaw ng kanyang kamay na nasa mesa at umiiyak.

«Huwag umiyak, Aking magiliw na kapatid. Katulad mo na ngayon ang isa na kailangang tiisin ang pag-alis ng isang nerbiyo at sa akala mo hindi mo matatagalan ito. Ngunit ito ay isang maikling kirot. Pagkatapos... o! magiging masaya ka, sapagkat minamahal mo Ako. Ang iyong pangalan ay Judas, At katulad mo ang ating dakilang Judas: katulad ng isang higante. Ikaw ang isang nagpoprotekta. Ang iyong mga aksiyon ay mga aksiyon ng isang leon at ng isang bata-pang umaatungal na leon. Gigisingin mo ang mga walang-pitagan sa Diyos na aalis kapag hinaharap mo sila, at ang masasamâ ay mahihintakutan. Alam Ko. Maging matapang.. Ang isang eternal na pagsasama ay palalakasin at gagawing perpekto ang ating pagkakamag-anak sa Langit.» Hinahalikan din Niya ang kanyang noo, katulad ng Kanyang ginawa sa isa pang pinsan.

«Ako ay isang makasalanan, Guro. Hindi ako...»

«Ikaw ay isang makasalanan noon, Mateo. Ikaw ngayon ay ang apostol. Ikaw ay isa sa Aking mga “tinig”. Pinagpapala kita. Gaano kalayo ang nilakad ng mga paang ito upang mápalapit nang mápalapit, patungo sa Diyos... Ang iyong kaluluwa ay pinasisige ito at iniwan nito ang bawat daan na hindi Aking daan. Magpatuloy. Nalalaman mo ba kung saan magtatapos ang landas? Sa sinapupunan ng iyong Ama at Akin.»

Si Jesus ay nakatapos. Inaalis Niya ang tuwalya at hinuhugasan ang Kanyang mga kamay sa malinis na tubig, sinusuot Niya ang Kanyang mga damit, bumalik sa Kanyang inuupuan, at habang nakaupo sinabi Niya: «Kayo ngayon ay puro, ngunit hindi lahat sa inyo. Tanging ang mga gusto lamang na maging puro.»

Tinititigan Niya si Judas ng Kerioth, na nagkukunwang hindi Siya naririnig, abalang katulad niya sa pagpapaliwanag sa kanyang kasamahan na si Mateo kung papaano ang kanyang ama nagpasya na ipadala siya sa Herusalem. Isang walang-kabuluhang pag-uusap, na ang tanging pakay lamang nito ay ang magbigay ng isang aktitud kay Judas, na, gaano pa man katapang, ay kailangan na magmukhang walang kabalisahan.

Si Jesus ay nagbubuhos ng alak sa panlahat na kalis para sa ikatlong beses. Uminom Siya at ginawa ang iba na uminom. Pagkatapos Siya ay nagsasahimig, at ang iba ay umaawit bilang isang koro: «Nagmamahal ako sapagkat napapakinggan ng Panginoon ang tinig ng aking panalangin, sapagkat binabaling Niya ang Kanyang tainga patungo sa akin. Pananawagan ko Siya sa buong buhay ko. Ang matinding mga paghihirap sa kamatayan ay napaligiran ako» atbp. I(Salmo 114, sa palagay ko).

Isang sandaling pagtigil. Pagkatapos nagpatuloy Siya sa pag-awit: «Nagkaroon ako ng pananampalataya, iyan kung bakit nagsalita ako. Ngunit ako ay labis na napahiya. At sa aking  pagkabagabag sinabi ko: “Ang bawat tao ay di-makatotohanan”. Nakatingin Siyang nakapirmi kay Judas.

Ang tinig ng aking Jesus, na pagod na ngayong gabi, ay nakapanumbalik sa lakas nang Siya’y bumulalas: «Ang kamatayan ng banal na mga tao ay mahalaga sa mga mata ng Diyos» at «Pinutol Ninyo ang aking mga tanikala. Magsasakripisyo ako ng isang biktima ng papuri sa Inyo pinananawagan ang pangalan ng Panginoon» atbp. (Salmo 115)

Isa pang maikling pagtigil at pagkatapos Siya ay nagpatuloy: «Purihin ang Panginoon, lahat na mga nasyon, purihin Siya, lahat na mga tao. Sapagkat ang Kanyang awa ay ipinilit sa atin at ang katotohanan ng Panginoon ay tatagal magpakailanpaman.»

Isa pang pagtigil at pagkatapos isang mahabang himno: «Umawit ng mga papuri sa Panginoon sapagkat Siya ay mabuti, sapagkat ang Kanyang awa ay tatagal magpakailanpaman...»

Si Judas ng Kerioth ay umaawit nang labis na wala sa tono, na dalawang beses siyang ibinalik ni Tomas sa tono sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihan na malakas na baritono na tinig at tinititigan siya. Ang iba rin ay tinitingnan siya, sapagkat siya ay sa pangkaraniwan nasa tono, at nagkaroon ako ng impresyon na ipinagmamalaki niya ang kanyang tinig katulad na ipinagmamalaki niya ang lahat na iba pa. Ngunit sa gabing ito! Ang ilang mga pangungusap ay nagpapabalisa sa kanya nang labis na nawawala siya tono at ang ilang sulyap ni Jesus na nagbibigay diin sa mga pangungusap ay may parehong epekto. Ang isa dito ay: «Mas mabuting magtapat sa Panginoon kaysa magtapat sa tao.» Ang isa pa ay: «Nang ako ay itinulak, sumuray ako at babagsak na sana ako. Ngunit ang Panginoon ay sinuportahan ako.» Ang isa pa ay: «Hindi ako mamamatay, mabubuhay ako at isasalaysay ko ang mga gawa ng Panginoon.» At panghuli, ang dalawang ito, na akin nang isasalarawan ngayon, ang sumakal sa tinig ng Traydor sa kanyang lalamunan: Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay naging ang panulukang bato at «Pinagpala Siyang dumating sa ngalan ng Panginoon!»

Nang ang salmo ay tapos na, habang naghihiwa si Jesus at nag-aabot muli ng kordero, si Mateo ay tinanong si Judas Iskariote: «Masama ba ang pakiramdam mo?»

«Hindi. Huwag mo akong pakialaman. Huwag mag-alala tungkol sa akin.»

Si Mateo ay ikinibit ang kanyang mga balikat.

Si Juan, na nakarinig, ay nagsabi: «Ang Guro ay hindi rin maganda ang pakiramdam. Ano ang nangyayari sa Inyo, aking Jesus? Ang Inyong tinig ay mahina, katulad ng tinig ng isang may-sakit na tao o ng isa na umiyak» at kanyang niyayakap Siya, sinasandal ang kanyang ulo sa dibdib ni Jesus.

«Nagsalita lamang Siya nang matagal, katulad na naglakad lamang ako nang matagal at sinipon» sabi ni Judas nang ninenerbiyos.

At si Jesus, nang hindi tumutugon sa kanya, ay nagsabi kay Juan: «Kilala mo na Ako sa ngayon... at alam mo kung ano ang nagpapapagod sa Akin...»

Ang kordero ay halos ubos na. Si Jesus, Na kumain nang napakakaunti, at nakahigop lamang ng isang higop ng alak sa bawat kalis, ngunit upang makabawi para diyan, uminom Siya ng maraming tubig, na tila Siya may lagnat, ay nagpatuloy sa pagsalita: «Ibig Kong maintindihan ninyo ang Aking ikinilos nang kani-kanina pa lamang. Sinabi Ko sa inyo na ang una ay katulad ng huli, at na bibigyan Ko kayo ng isang pagkain na hindi korporyal.  Nabigyan Ko kayo ng isang pagkain ng kababaang-loob, para sa inyong mga espiritu. Tinatawag ninyo Ako: Guro at Panginoon. Tama kayo, sapagkat Ako nga. Kung kaya't kung hinugasan Ko ang inyong mga paa kailangan na maghugasan ang isa’t isa sa inyo ng mga paa. Nabigyan Ko kayo ng isang halimbawa, upang sana magawa ninyo kung ano ang Aking ginawa. Sasabihin Ko sa inyong totoo: walang katulong na mas dakila pa kaysa sa kanyang panginoon, walang apostol ang mas dakila pa kaysa sa Kanya Na pumili sa kanya. Subukan na intindihin ang mga bagay na ito. Pagkatapos, kapag naintindihan na ninyo ito at naisabuhay, kayo ay pagpapalain. Ngunit hindi lahat sa inyo ang pagpapalain. Kilala Ko kayo. Alam Ko kung sino ang Aking pinipili. Hindi Ako nagsasalita ng tungkol sa lahat sa parehong paraan. Ngunit sinasabi Ko kung ano ang totoo. Sa kabilang dako, kung ano ang naisulat magpatungkol sa Akin, ay kailangan na maisakatuparan: “Siya na kumakain ng tinapay na kasama Ko, ay nagrerebelde laban sa Akin”. Sinasabi Ko sa inyo ang lahat bago pa ito mangyari, na sana hindi kayo magkaroon ng pagdududa tungkol sa Akin. Kapag ang lahat ay nangyari na, mas maniniwala pa kayo nang lalo na Ako ay Ako. Siya na tumatanggap sa Akin, tinatanggap niya Siya Na nagpadala sa Akin: ang Banal na Ama Na nasa Langit; at siya na tumatanggap sa mga pinadala Ko, ay tatanggapin Ako. Sapagkat Ako ay kasama ng Ama at kayo ay kasama Ko... Ngunit ngayon atin nang tapusin ang ritwal.»

Nagbubuhos Siya ng mas marami pang alak sa panlahat na kalis at bago uminom dito at gawin ang iba na uminom, Siya ay tumayo, at ang lahat ay tumayo kasabay Niya, at inaawit Niya muli ang isa sa mga dating salmo: «Ako ay nagkaroon ng pananampalataya at iyan kung bakit ako nagsalita...» at pagkatapos umaawit Siya ng isang salmo na hindi kailanman natatapos. Maganda... ngunit eternal! Sa aking palagay nakita ko ito, sa pamamagitan ng simula nito at haba, bilang ang salmo 118. Inaawit niya ito katulad ng sumusunod: Inaawit nila ang isang bahagi nang magkakasama sa isang koro. Pagkatapos, nang salit-salitan, inaawit ng isa ang isang kopla, at ang iba pa inaawit ang isa pa nang magkakasama, at ganito hanggang sa katapusan. Hindi nakapagtataka na sila ay uhaw sa katapusan!

Si Jesus ay naupo. Hindi Siya humihiga. Nakaupo siya katulad ng ginagawa natin. At sinabi Niya: «Ngayon na ang lumang ritwal ay natapos na, Aking ipagdiriwang ang bagong ritwal. Ako ay nangako sa inyo ng isang himala ng pagmamahal. Oras na na trabahuhin ito. Iyan kung bakit kinasasabikan Ko ang Paskuwa na ito. Magmula ngayon ito ang Biktima na siyang kakainin sa isang perpetwong ritwal ng pagmamahal. Aking mga minamahal na kaibigan, minahal Ko kayo sa buong kabuuan ng buhay ng Lupa. Minahal Ko kayo para sa buong eternidad, Aking mga anak. At gusto Kong mahalin kayo hanggang sa katapusan. Wala nang mas hihigit pa kaysa rito, Itanim iyan sa isip. Ako ay aalis. Ngunit tayo ay mananatiling nagkakaisa magpakailanpaman sa pamamagitan ng himala na Akin nang gagawin ngayon.»

Si Jesus ay kinuha ang isang tinapay na buo pa at inilagay ito sa ibabaw ng kalis na nalagyan na ng alak. Pinagpapala Niya at inaalay ang dalawa, pagkatapos pinipiraso Niya ang tinapay at kumuha ng labintatlong piraso nito, at nagbibigay ng isa sa bawat apostol nagsasabing: «Kunin ito at kanin. Ito ang Aking Katawan. Gawin ito sa pag-alaala sa Akin, Na aalis.» Binibigay Niya ang kalis at nagsasabi: «Kunin ito at inumin. Ito ang Aking Dugo. Ito ang kalis ng bagong alyansa sa Aking Dugo at sa pamamagitan ng Aking Dugo, na padadanakin para sa inyo, upang mapatawad ang inyong mga kasalanan at maibigay sa inyo ang Buhay. Gawin ito sa pag-alaala sa Akin.»

Si Jesus ay malungkot na malungkot. Dito ay alang ngiti, walang bakas ng liwanag, walang kulay sa Kanyang mukha. Ito ay isa nang nag-aaguniyang mukha. Ang mga apostol ay tinitingnan Siya lubos na naghihirap.

Si Jesus ay tumayo nagsasabing: «Huwag gumalaw. Babalik Ako kaagad.» Kinuha Niya ang ika-labintatlong piraso ng tinapay at ang kalis, at Siya ay lumabas sa silid-Hapunan.

«Siya ay pupunta sa Kanyang Ina» bulong ni Juan.

At si Judas Tadeo ay nagsabi nang may pagbuntung-hininga: «Kaawa-awang babae!»

Si Pedro ay nagtanong sa napakababang tinig: «Sa palagay ba ninyo alam Niya?»

«Nalalaman Niya ang lahat. Lagi na Niyang alam ang lahat.»

Lahat sila ay nagsasalita sa napakababang tinig, na tila sila ay nasa harapan ng isang bangkay.

«Ngunit sa palagay ba ninyo na talagang...» tanong ni Tomas, na ayaw pa rin maniwala.

«At pinagdududahan mo ba ito? Ito ay ang Kanyang oras» tugon ni Santiago ni Zebedeo.

«Harinawang ang Diyos ay pagkalooban tayo ng lakas upang maging tapat» sabi ng Zealot.

«O! Ako...» sabi ni Pedro na magsasalita na sana. Ngunit si Juan na siyang nakatingin, ay nagsabi: «Manahimik! Naririto na Siya.»

Si Jesus ay pumasok muli. Dala Niya ang walang-laman na kalis. Tanging sa ilalim lamang nito may bakas ng alak, at sa liwanag ng tsandelyer nagmumukha itong katulad lamang ng dugo.

Si Judas Iskariote, sa harapan niya kung saan naroon ang kalis, ay tinitingnan ito na tila siya ay nagagayuma, pagkatapos inilayo niya ang kanyang mga mata. Si Jesus ay pinapanood siya at nangatog, at si Juan, nakasandal katulad niya sa Kanyang dibdib, ay naramdaman ito. «Bakit hindi Ninyo sabihin! Kayo ay nanginginig...» bulalas niya.

«Hindi. Hindi Ako nanginginig dahil nilalagnat Ako... Nasabi Ko na sa inyo ang lahat, at naibigay Ko na sa inyo ang lahat. Hindi Ako makapagbibigay sa inyo ng iba kaysa rito. Binigay Ko sa inyo ang Aking Sarili.»

Ginawa Niya ang Kanyang pangkaraniwan na may-kabaitang kilos sa pamamagitan ng Kanyang mga kamay, na, kanina magkakabit, ngayon magkahiwalay at nakaunat, habang niyuyuko Niya ang Kanyang ulo na tila ibig Niyang sabihin: «Paumanhinan Ako kung hindi Ko kayo mabigyan ng mas higit pa. Ganito ito.»

«Nasabi Ko na sa inyo ang lahat at naibigay Ko na sa inyo ang lahat. At inuulit Ko. Ang bagong ritwal ay naisagawa na. Gawin ito sa pag-alaala sa Akin. Hinugasan Ko ang inyong mga paa upang turuan kayo na maging mapagpakumbaba at puro katulad ng inyong Guro. Sapagkat sinasabi Ko sa inyong totoo na ang mga disipulo ay kailangan na maging katulad ng kanilang Guro. Tandaan iyan, itanim iyan sa isip. At kung kayo rin ay nasa mataas na mga opisina, alalahanin iyan. Walang disipulo na mas dakila pa kaysa sa kanyang Guro. Katulad na hinugasan Ko kayo, gawin ang ganyan din sa isa’t isa. Ibig sabihin, magmahalan katulad ng magkakapatid, tumutulong at iginagalang ang isa’t isa, nagbibigay ng halimbawa sa isa’t isa. At maging puro, upang maging karapat-dapat na makakain ng buháy na Tinapay na bumaba mula sa Langit, at magkaroon ng lakas, sa inyong mga sarili at sa pamamagitan Nito, upang maging Aking mga disipulo sa gitna ng marahas na mundo na kapopootan kayo dahil sa Aking Pangalan. Ngunit ang isa sa inyo ay hindi puro. Ang isa sa inyo ay ipagkakanulo Ako. Ang Aking espiritu ay ganap na nababalisa niyan... Ang kamay niya na magkakanulo sa Akin ay nariritong kasama Ko sa hapag-kainan na ito, at ni hindi ang Aking pagmamahal, o ang Aking Katawan at Dugo, o ang Aking salita ay nagagawa siyang baguhin ang kanyang mga pamamaraan at magsisi. Patatawarin Ko siya patungo sa Aking kamatayan sa kapakanan din niya.»

Ang mga disipulo ay nagbibigayan ng nahintakutan na mga sulyap sa isa’t isa. Pinag-aaralan nilang nagsosospetsa ang isa’t isa. Si Pedro ay tinititigan ang Iskariote sa isang pagkabuhay-muli ng lahat ng kanyang mga pagdududa. Si Judas Tadeo naman ay tumayong bigla upang tingnan ang Iskariote sa ibabaw ng katawan ni Mateo.

Ngunit ang Iskariote ay labis na nakatitiyak ng kanyang sarili! Tinitingnan naman niya si Mateo, na tila pinagsususpetsahan niya siya. Pagkatapos kanyang tinitingnan nang nakapirmi si Jesus at nagtanong siyang ngumingiti: «Ito kaya ay ako?» Siya ang tila siyang nakatitiyak nang husto tungkol sa kanyang katapatan at na siyang magsabi nang ganito, upang huwag mamatay ang pinag-uusapan.

Si Jesus ay inuulit ang Kanyang kilos nagsasabing: «Ikaw ay nagsasalita nang ganyan, Judas ni Simon, hindi Ako. Ikaw ay nagsasalita nang ganyan. Hindi Ako nagbanggit ng iyong pangalan. Bakit mo inaakusahan ang iyong sarili? Tanungin mo ang iyong nasa-loob na tagapagbabalâ, ang iyong konsiyensya ng isang tao, ang konsiyensya na binigay sa iyo ng Diyos Ama na sana umasal ka katulad ng isang tao, at pakinggan kung inaakusahan ka nito. Ikaw ang siyang unang makakaalam. Ngunit kung ikaw ay tinitiyak nito, bakit ka nagbibigkas ng isang salita at nagsasalita ng tungkol sa isang gawain na anathema kahit banggitin o isipin na isang biro?»

Si Jesus ay nagsasalita nang kalmante. Tila sinusuportahan Niya ang isang iminungkahi na tesis katulad na siyang maaaring gawin ng isang may pinag-aralang tao sa kanyang mga mag-aaral. Ang kalituhan ay malaki, ngunit ang kakalmahan ni Jesus ay pinatatahimik ito.

Ngunit si Pedro, na siyang pinaka nagsosospetsa tungkol kay Judas – baka si Judas Tadeo ay ganito rin, ngunit hindi siya nagmumukhang ganito, nadesarmahan katulad niya ng parang walang-anuman na mga pagkilos ng Iskariote – ay hinatak ang manggas ni Juan, at nang si Juan, na dumikit kay Jesus noong mapakinggan Siyang nagsalita ng pagtataksil, ay tumalikod, bumulong si Pedro sa kanya: «Tanungin Siya kung sino ito.»

Si Juan ay dumikit muli kay Jesus, itinaas lamang niya nang kaunti ang kanyang ulo, na tila gusto niyang halikan si Jesus, at sa pansamantala bumulong siya sa Kanyang tainga: «Guro, sino ito?»

At si Jesus sa napakababang tinig, hinahalikan naman siya sa kanyang ulo, ay nagsabi: «Siya ito na bibigyan Ko ng isang piraso ng tinapay na inilubog sa sawsawan.»

At kumukuha ng isa pang buong tinapay, hindi ang tira ng isang ginamit para sa Eukaristiya, pumiraso Siya ng isang malaking bahagi, isinasawsaw Niya ito sa sawsawan ng inihaw na kordero sa trey, at nagsabi: «Kunin ito, Judas. Gusto mo ito.»

«Salamat sa Inyo, Guro. Gusto ko ito» at hindi nag-aalam kung ano ang kapirasong iyon, kinakain niya ito, habang si Juan, nahintakutan, ay isinasara kahit ang kanyang mga mata upang hindi makita ang nakakatakot na ngiti ng Iskariote, habang kinakagat niya ang nag-aakusang tinapay sa pamamagitan ng kanyang malalakas na ngipin.

«Bueno. Ngayon na nagawa na kitang masaya, lakad» sabi ni Jesus kay Judas. «Ang lahat ay nagawa na, dito (dinidiinan Niya nang husto ang salitang iyon). Kung ano pa ang kailangang gawin sa ibang lugar, gawin itong mabilis, Judas ni Simon.»

«Susundin ko Kayo kaagad, Guro. Pagkatapos sasamahan ko Kayo sa Gethsemane. Kayo ay pupunta roon, hindi ba? Katulad nang dati?»

«Oo... pupunta Ako roon.... katulad nang dati.»

«Ano ang kanyang kailangang gawin? Tanong ni Pedro. «Siya ba ay lalakad nang mag-isa?»

«Ako ay hindi isang sanggol» sabi ni Judas nang nanunuya, at isinuot niya ang kanyang manta.

«Pabayaan siyang makaalis. Siya at Ako ay alam kung ano ang kailangang gawin» sabi ni Jesus.

«Oo, Guro.» Si Pedro ay tahimik. Baka iniisip niya nakagawa siya ng kasalanan pinagsususpetsahan ang kanyang kasamahan. Ipinapatong ang kanyang noo sa palad ng kanyang kamay, siya ay naging nag-iisip.

Si Jesus ay dinidikit si Juan sa Kanyang puso at bumulong ulit sa kanyang buhok: «Huwag magsalita ng kahit ano kay Pedro pansamantala. Ito ay magiging isang walang-kabuluhan na iskandalo.»

«Paalam, Guro. Paalam, mga kaibigan» sabi ni Judas binabati sila.

«Paalam» tugon ni Jesus.

At si Pedro ay nagsabi: «Paalam, bata.»

Si Juan, ang kanyang ulo halos nasa lapi ni Jesus, ay bumulong: «Satanas!» Si Jesus lamang ang nakarinig sa kanya at nagbuntung-hininga.

Ang lahat ay nagtatapos dito, ngunit si Jesus ay nagsabi: «Pinuputol Ko ang bisyon dala ng habag para sa iyo. Ibibigay Ko ang katapusan ng Hapunan saka na.»

--------------------

(ang Hapunan ay nagpapatuloy)

Nagkaroon ng kaunting mga sandali ng lubos na katahimikan. Si Jesus ay naiyuko ang Kanyang ulo, hinahaplos nang mekanikal ang maningning na buhok ni Juan.

Pagkatapos ginising Niya ang Kanyang Sarili. Itinaas Niya ang Kanyang ulo, tumingin-tingin sa paligid, at Siya ay ngumingiti sa isang paraan na nagpapalakas ng loob sa mga disipulo. Sinabi Niya: «Ating iwanan ang mesa at maupong magkakalapit sa isa’t isa, katulad ng maraming anak sa paligid na kanilang ama.»

Kinuha nila ang mga supa na mga nasa likuran ng mesa (ang mga supa ni Jesus, Juan, Santiago, Pedro, Simon, Andres at ng Kanyang pinsan na si Santiago) at inilagay nila ang mga ito sa kabila.

Si Jesus ay nakaupo sa Kanyang sariling supa, nasa pagitan pa rin nina Santiago at Juan. Ngunit nang Kanyang makita na si Andres ay uupo na sa lugar na iniwan ng Iskariote, Siya ay sumigaw: «Hindi, hindi diyan.» Isang biglaan na sigaw, na ang Kanyang dakilang kahinahunan ay hindi nagtagumpay na ito ay mapigilan. Pagkatapos binago Niya ang Kanyang ekspresyon nagsasabing: «Hindi tayo nangangailangan ng labis na espasyo. Kung tayo ay uupo, magkakasya na tayo rito. Sapat na ito. Ibig Kong malapit na malapit kayo sa Akin.»

Ngayon, kung titingnan mula sa mesa, sila ay nasa korte na U ang ayos, na si Jesus nasa gitna, at sa harapan Niya ay ang mesa at ang lugar ni Judas. Ang mesa ay wala nang mga pagkain ngayon.

Si Santiago ni Zebedeo ay tinatawag si Pedro nagsasabing: «Maupo rito. Uupo ako sa maliit na bangkito na ito, sa paanan ni Jesus.»

«Pagpalain ka nawa ng Diyos, Santiago! Gustung-gusto ko ito!» sabi ni Pedro at sumisiksik siya sa kanyang Guro, Na ngayon naiipit na ni Juan at ni Pedro, na si Santiago nasa paanan Niya.

Si Jesus ay ngumingiti at nagsabi: «Nakikita Ko na ang salitang sinabi kanina ay nagsisimula nang gumana. Ang mabuting magkakapatid ay nagmamahal sa isa't isa. Santiago, sinasabi Ko rin sa iyo: “Pagpalain ka nawa ng Diyos”. Ang ikinilos ninyong ito ay hindi rin makakalimutan ng Eternal, at matatagpuan ninyo iyan doon sa itaas.

Makakamit Ko ang lahat na hinihingi Ko. Nakita ninyo iyan. Ang isang mithiin Ko ay sapat na para sa Ama na pahintulutan ang Kanyang Anak na ibigay ang Kanyang Sarili sa Pagkain sa tao. Ang Anak ng tao ay naluwalhati sa pamamagitan ng kung ano ang nangyari ngayon, sapagkat ang himala na posible lamang sa mga kaibigan ng Diyos ay isang saksi ng kapangyarihan. Habang mas nagiging dakila ang himala, mas nagiging tiyak at mas malalim ang dibinong pagkakaibigan na ito. Ito ay isang himala na, dahil sa porma nito, sa tagal na itatagal nito at sa kalikasan nito, at dahil sa mga sukdulan at mga limitasyon na naaabot nito, ito ay napakadakila na hindi posibleng magkaroon ng isang mas dakila pa rito. Sasabihin Ko sa inyo: ito ay napaka makapangyarihan, sobrenatural, di-sukat mapaniwalaan ng mapagmalaking mga tao, na tanging napaka kaunti lamang ang makaiintindi nito katulad na ito ay dapat na maintindihan, at marami ang tatanggihan ito. Kung kaya't ano ang sasabihin Ko? Isumpa sila? Hindi. sasabihin Ko: maawa sa kanila!

Ngunit habang nagiging mas dakila ang himala, nagiging mas dakila ang kaluwalhatian ng maylikha nito. Ang Diyos Mismo itong nagsasabi: «Tingnan, ang Aking minamahal ay ginusto ito, nakuha Niya ito, at pinagkaloob Ko ito, sapagkat malaki ang Kanyang grasya sa Aking mga mata”. At dito sinasabi Niya: “Ang Kanyang grasya ay walang mga limitasyon, dahil walang-hangganan ang isinagawa Niyang himala”. Ang kaluwalhatian na mula sa Diyos ay dumarating sa maylikha ng himala ay pareho ng kaluwalhatian na mula sa maylikha ay bumabalik sa Ama. Sapagkat ang bawat sobrenatural na kaluwalhatian, dahil nanggagaling ito sa Diyos, ay bumabalik sa pinanggalingan nito. At ang kaluwalhatian ng Diyos, bagama't ito ay wala nang hangganan, ay lumalaki at nagniningning nang lalu’t lalo pa sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Kanyang mga santo. Kung kaya't sasabihin Ko: katulad na ang Anak ng tao ay naluwalhati ng Diyos, kung gayon ang Diyos ay naluwalhati ng Anak ng tao. Naluwalhati Ko ang Diyos sa Aking Sarili. Ang Diyos naman, ay luluwalhatiin ang Kanyang Anak sa Kanyang Sarili. Luluwalhatiin Niya Siya malapit na.

Magbunyi, o espirituwal na Esensiya ng Ikalawang Persona, Na babalik sa Inyong Korte! Magbunyi, o Katawan Na tataas nang muli pagkaraan ng isang matagal na pagkatapon sa pagiging-hamak. At hindi ang Paraiso ni Adan, bagkus ang makalangit na Paraiso ng Ama ang malapit nang ibigay sa Iyo bilang Iyong tirahan.

Aking maliliit na anak, mananatili Akong kasama ninyo sa loob ng maikling oras. At pagkatapos maghahanap kayo para sa Akin katulad ng mga ulila na naghahanap para sa kanilang patay na magulang. At umiiyak, maglalagalag kayong nagsasalita tungkol sa Kanya at walang-mangyayari na kayo ay kakatok sa Kanyang tahimik na nitso, at kakatok din kayo sa asul na mga geyt ng Langit, na ang inyong mga kaluluwa nakataas sa nagsusumamong paghahanap para sa pagmamahal, nagsasabing: “Nasaan ang aming Jesus? Gusto namin Siya. Kung wala Siya wala nang liwanag sa mundo, walang lugod, walang pagmamahal. Ibalik Ninyo Siya sa amin, o gawin kaming makapasok. Gusto namin mapunta kung nasaan Siya”. Ngunit sa pansamantala hindi kayo makapupunta kung saan Ako pupunta. Sa mga Judaean din sinabi Ko: “Pagkatapos maghahanap kayo para sa Akin, ngunit hindi kayo makakapunta kung nasaan Ako pupunta. Sinasabi Ko ang ganyan din sa inyo.

Isipin ang tungkol sa Aking Ina... Ni Siya ay hindi makakapunta kung saan Ako paroroon. Datapwa't, iniwan Ko ang Ama upang pumunta sa Kanya at maging Jesus sa loob ng Kanyang imakuladang sinapupunan. Datapwa't, dumating Ako mula sa Di-Nalabag na Babae sa maningning na katalikan ng Araw ng Aking Kapanganakan. At Ako ay pinakain ng Kanyang pagmamahal, na naging gatas. Ako ay gawa sa kadalisayan at pagmamahal, sapagkat si Maria ay pinakain Ako ng Kanyang pagiging-birhen na tinamnan ng perpektong Pag-ibig Na naninirahan sa Langit. Datapwa't, Ako ay lumaki sa pamamagitan Niya, ginagawa Siyang mapagod at lumuha.... Datapwa't, hiningi Ko sa Kanya ang gayong kabayanihan katulad ng wala pang sinuman ang kailanman nakagawa, at sa pagkumpara dito ang kabayanihan ni Judith at ng kay Jael ay ang mga kabayanihan ng abang mga babaeng nakikipag-away sa mga kaagaw sa pontanya ng nayon. Datapwa't, walang sinuman ang nagmamahal sa Akin katulad ng pagmámahal Niya. At, sa kabila ng lahat na ito, iiwanan Ko Siya at pupunta kung saan pupunta Siya pagkatapos lamang ng isang matagal na panahon. Ang kautusan na binibigay ko sa inyo: “Pabanalin ang inyong mga sarili taun-taon, buwan-buwan, araw-araw, oras-oras, upang makapunta sa Akin kapag ito ay oras na ninyo” ay hindi para sa Kanya. Siya ay napupuno ng grasya at kabanalan. Siya ay ang nilikha na nagkaroon ng lahat at nagbigay ng lahat. Walang kailangan na idagdag o kailangan na alisin. Siya ay ang pinakabanal na saksi tungkol sa kung ano ang nagagawa ng Diyos.

Ngunit upang makatiyak na magagawa ninyo na makasama sa Akin at makalimutan ang pamimighati sa pagluluksa ng pagkakahiwalay mula sa inyong Jesus, binibigyan Ko kayo ng isang bagong kautusan. At ito ay: mahalin ang isa't isa. Katulad ng pagmahal Ko sa inyo, kailangan na mahalin ninyo ang isa't isa. Sa pamamagitan ng pagmamahal na ito malalaman na kayo ay Aking mga disipulo. Kapag ang isang ama ay maraming anak, papaano malalaman ng isa na sila ay gayon? Hindi labis sa pamamagitan ng kanilang pisikal na hitsura – sapagkat may mga tao na sa lahat ng bagay ay katulad ng isa pang tao, kung kanino sila ay walang kaugnayan sa dugo at sila ay ni hindi nagmula sa isang bansa – katulad ng kanilang – katulad ng sa pamamagitan ng kanilang karaniwan na pagmamahal para sa pamilya, para sa kanilang ama, at gumagawa ito ng mga buhol na ni kahit ang kamatayan ay hindi makakapagkalas, sapagkat ang pagmamahal ay mas malakas kaysa sa kamatayan. Ngayon, kung kayo ay nagmamahalan sa isa't isa pagkatapos na makaalis Ako, ang lahat ay kikilalanin kayo bilang Aking mga anak, at kung gayon bilang Aking mga disipulo, at bilang magkakapatid, bilang nagkaroon lamang ng isang ama.»

«Panginoon, ngunit saan Kayo pupunta?» tanong ni Pedro.

«Ako ay pupunta kung saan sa kasalukuyan hindi ninyo Ako masusundan. Ngunit susunod kayo sa Akin saka na.»

«At bakit hindi ngayon? Lagi ko Kayong sinundan mula nang Inyong sinabi sa akin: “Sundan Ako”. Iniwan ko ang lahat nang walang pagsisisi... Ngayon, ang umalis na wala ang Inyong kaawa-awang Simon, iniiwan ako na wala Kayo, Na siyang ang lahat sa akin, pagkatapos na alang-alang sa Inyo iniwan ko ang maliit na ari-arian na mayroon ako dati, ay hindi makatarungan o hindi maganda sa Inyo. Kayo ba ay pupunta sa Inyong kamatayan? Sige. Pupunta rin Ako. Pupunta tayo sa susunod na mundo magkasama. Ngunit naipagtanggol ko muna Kayo bago iyan. Nakahanda akong ibigay ang aking buhay para sa Inyo.»

«Ibibigay  mo ang iyong buhay para sa Akin? Ngayon? Hindi ngayon. Totoong sasabihin... o! sasabihin Ko sa iyong totoo – bago tumilaok ang manok, naitatwa mo na Ako nang tatlong ulit. Ito ang unang pagbabantay. Pagkatapos ang ikalawa ay darating... at pagkatapos ang ikatlo. Bago tumilaok ang manok nang malakas, naitatwa mo na ang iyong Panginoon nang tatlong beses.»

«Imposible, Guro! Pinaniniwalaan ko ang lahat na sinasabi Ninyo, ngunit hindi iyan. Nakatitiyak ako ng aking sarili.»

«Ngayon, sa kasalukuyan nakatitiyak ka. Sapagkat kasama mo pa Ako. Nakakasama mo ang Diyos. Bago magtagal, ang Nagkatawang-tao na Diyos ay mahuhuli, at hindi mo na Siya makakasama. At si Satanas, pagkatapos na gawin kayong mabigat – ang inyong pagtitiyak ay isang pandaraya ni Satanas, pabigat upang mahirapan kayo – ay gagawin kayong katakutan ninyo siya. Ipakakahulugan niya sa inyo: “Ang Diyos ay talagang wala naman. Ako ang totoong naririto”. At sa dahilan na kayo ay makapangangatwiran pa, bagama't napalabo na ng takot, maiintindihan ninyo na, kapag si Satanas ang panginoon ng oras, ang Kabutihan ay patay at ang Kasamaan ay aktibo, ang espiritu ay nalulumbay at ang pagiging-tao ay matagumpay. Kayo kung gayon ay magiging katulad ng mga mandirigma na walang isang namumuno, hinahabol ng kaaway, at sa pangamba na matalo iyuyuko ninyo ang inyong mga leeg sa kongkistador, at upang hindi mapatay itatatwa ninyo ang bumagsak na bayani. Ngunit, pakiusap na huwag ninyong gawin na mabalisa ang inyong mga puso. Maniwala sa Diyos. At maniwala rin sa Akin, laban sa lahat na pinakikitang mga hitsura. Gawin siya na nananatili at siya na tumatakbo na maniwala sa Aking awa at sa awa ng Ama. Kapwa siya na tahimik at siya na pinagagalaw ang kanyang mga labì upang sabihin: “Hindi ko Siya kilala”. At gayon din maniwala sa Aking kapatawaran. At paniwalaan na, maging anuman ang inyong mga pagkilos sa hinaharap, sa Kabutihan at sa Aking Doktrina, at dahil dito sa Aking Simbahan, bibigyan kayo nito ng magkakapantay na lugar sa Langit. Sa loob ng bahay ng Aking Ama ay maraming mga tirahan. Kung ito ay hindi ganito, nasabi Ko na sana ito sa inyo. Sapagkat Ako ay uuna na, upang maghanda ng isang lugar para sa inyo. Hindi ba’t ang mabubuting ama ay ganito rin ang ginagawa kung kailangan nilang dalhin ang kanilang maliliit na anak sa ibang lugar? Sila ay umuuna, inihahanda ang bahay, ang mga gamit, ang mga pagkain. Pagkatapos sila ay bumabalik upang kunin ang kanilang mga minamahal. Ginagawa nila ang ganito dala ng pagmamahal, upang ang maliliit ay sana hindi magkulang sa lahat at hindi maging di-komportable sa bagong lugar. Iyan din ang Aking ginagawa at sa gayon din na rason. Ako ay pupunta na ngayon. At kapag nakapaghanda na Ako ng isang lugar para sa bawat isa sa inyo sa makalangit na Herusalem, Ako ay darating muli at isasama Ko kayo sa Akin upang sana mapunta kayo kung saan Ako naroroon, kung saan walang kamatayan at pagluluksa, walang mga luha, walang sigawan, walang gutom, walang kirot, walang kadiliman, walang nakakatuyong uhaw, bagkus tanging liwanag lamang, kapayapaan, kaligayahan at pag-awit. O! awit ng Kataastaasang mga Langit kapag ang labindalawang napili ay uupo sa trono kasama ang labindalawang patriyarka ng mga tribu ng Israel at sa loob ng init ng apoy ng espirituwal na pagmamahal, nakatayong tuwid sa ibabaw ng karagatan ng beatitude, aawitin nila ang eternal na awit may saliw ng arpeggio ng eternal na aleluya ng hukbo ng mga anghel... Gusto Kong naroroon kayo kung saan Ako mapupunta. At nalalaman ninyo kung saan Ako pupunta at alam ninyo ang daan.»

«Ngunit, Panginoon! Wala kaming kahit anong nalalaman. Hindi Ninyo sinasabi sa amin kung saan Kayo pupunta. Papaano namin malalaman ang daan na kukunin upang makapunta sa Inyo at mapaikli ang paghihintay?» tanong ni Tomas.

«Ako ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay. Napakinggan ninyo Akong sinabi ito at pinaliwanag ito nang makailang beses, at talaga ang ibang mga tao, na ni hindi nag-aalam na may Diyos, ay nauna nang nakapaglakad, sa Aking daan, at sila ay nakalalamang na sa inyo. O! nasaan kayo, nawalang mga tupa ng Diyos, na mga naibalik Ko sa kawan? At nasaan kayo, na ang mga kaluluwa ay naibangon muli?»

«Sino? Tungkol kanino ang Inyong sinasabi? Tungkol kay Maria ni Lazarus? Siya ay nasa kabilang silid, kasama ang Inyong Ina. Kailangan ba Ninyo siya? O gusto Ninyo si Johanna? Siya ay tiyak na nasa kanyang mansiyon, ngunit kung ito ang gusto Ninyo, pupunta kami at tatawagin namin siya para sa Inyo...»

«Hindi. Hindi sila... Iniisip Ko ang tungkol sa isa na ibubunyag lamang sa Langit... at tungkol kay Photinai... Natagpuan nila Ako. At hindi na muli nila iniwan ang Aking daan. Sa isa kung kanino Ko itinuro ang Ama bilang ang totoong Diyos at ang Espiritu bilang isang Levita sa pagsamba ng indibidwal na ito. Sa isa pa, na ni hindi niya nalalaman na siya ay may kaluluwa, sinabi Ko: “Ang Aking pangalan ay Tagapagligtas, nililigtas Ko ang sinuman na may mabuting kalooban na máligtas. Ako ang Isa Na naghahanap sa mga nawawala, nagbibigay Ako ng Buhay, Katotohanan at Kadalisayan. Ang mga naghahanap para sa Akin, ay makikita Ako”. At kapwa nila natagpuan ang Diyos... Pinagpapala Ko kayo, mahihinang Eba na naging mas malalakas kaysa kay Judith... Ako ay darating, Ako ay darating kung saan kayo naroroon... Pinagiginhawahan ninyo Ako... Pagpalain sana kayo!...»

«Ipakita Ninyo sa amin ang Ama, Panginoon, at kami ay magiging kapantay nila» sabi ni Felipe.

«Nakasama na ninyo Akong lahat sa gayong katagal na panahon, at ikaw, Felipe, ay hindi mo pa rin Ako nakikilala? Siya na nakakakita sa Akin, ay nakikita ang Ama. Kung gayon, papaano mo nasasabi: “Gawing makita namin ang Ama? Hindi ka ba makapaniwala na Ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa Akin? Ang mga salitang Aking sinasabi sa inyo, ay hindi Ko sinasabi Mismo. Ito ay ang Ama, Na nabubuhay sa loob Ko, ang siyang gumagawa ng lahat ng Aking gawain. At kayo ba, lahat kayo, ay hindi naniniwala na Ako ay nasa Ama at Siya ay nasa Akin? Ano ang kailangan Kong sabihin upang magawa kayong maniwala? Kung ninyo pinaniniwalaan ang Aking mga salita, paniwalaan man lamang ang Aking mga gawa. At sinasabi Ko sa inyo at makatotohanan Kong sinasabi sa inyo: siya na naniniwala sa Akin ay magagawa ang mga gawang Aking ginagawa, at makagagawa pa ng mas malalaki pang gawain, sapagkat Ako ay pupunta sa Ama. Anuman ang inyong hingin sa Ama sa ngalan Ko, gagawin Ko, upang ang Ama ay sana maluwalhati sa Kanyang Anak. At gagawin Ko anuman ang inyong hingin sa alang-alang sa Pangalan Ko. Ang Aking Pangalan ay kilala para sa kung ano ito talaga, ng Sarili Ko at ng Ama na siyang nagbigay-simula sa Akin at ng Espiritu Na nagmumula sa aming pagmamahal. At ang lahat ay posible sa Pangalan na iyan. Siya na nag-iisip ng tungkol sa Aking Pangalan nang may pagmamahal, ay nagmamahal sa Akin at may nakukuha. Ngunit hindi sapat na mahalin Ako. Kinakailangan na sundin ang Aking mga utos upang magkaroon ng totoong pagmamahal. Ang mga damdamin ay napatutunayan ng mga gawain. At dahil sa inyong pagmamahal mananalangin Ako sa Ama, at bibigyan Niya kayo ng isa pang Tagaaliw, upang Siya ay manatili sa inyo magpakailanpaman. Isa na laban kung Kanino si Satanas at ang Mundo ay hindi makapagmamalupit, ang Espiritu ng Katotohanan, Na hindi matatanggap o mahahampas ng mundo, sapagkat hindi Siya nito nakikita at nakikilala. Ang mundo ay pagtatawanan Siya, ngunit napakataas Niya na ang panunuya ay hindi sa Kanya makapananakit, habang bilang napakamaawain na nalalampasan ang lahat na mga limitasyon, lagi Niyang makakasama ang mga nagmamahal sa Kanya, kahit na kung sila ay mahirap at mahina. Makikilala ninyo Siya, sapagkat Siya ay naninirahan nang kasama kayo at malapit nang mapasaloob ninyo. Hindi Ko kayo iiwanan na mga ulila. Nasabi ko na sa inyo na Ako ay babalik sa inyo. Ngunit Ako ay darating bago panahon na upang kunin Kayo at pumunta sa Aking Kaharian. Darating Ako sa inyo. Bago magtagal ang mundo ay hindi na ulit Ako makikita. Ngunit nakikita ninyo Ako at makikita ninyo Ako. Sapagkat Ako ay nabubuhay at kayo ay nabubuhay. Sapagkat Ako ay mabubuhay at kayo ay mabubuhay. Sa araw na iyan malalaman ninyo na Ako ay nasa Aking Ama, at kayo ay nasa Akin at Ako nasa inyo. Sapagkat siya, na tinatanggap ang Aking mga alituntunin at sinasabuhay ito, ay nagmamahal sa Akin, at siya na nagmamahal sa Akin ay mamahalin ng Aking Ama at tataglayin ang Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig, at siya na nagmamahal ay nasa kanya mismo ang Diyos. At mamahalin Ko siya, sapagkat makikita Ko ang Diyos sa loob niya, at ipakikita Ko ang Aking Sarili sa kanya, ginagawa siyang malaman niya ang mga lihim ng Aking pagmamahal, ng Aking karunungan, ng Aking Nagkatawang-tao na Dibinidad. Sila ang magiging Aking mga pagbalik sa pagitan ng mga anak ng tao, na Aking minamahal sa kabila na sila ay mahihina at mapaglaban pa nga. Ngunit ang mga ito ay magiging mahina lamang. At patitibayin Ko sila; sasabihin Ko sa kanila: “Bangon!”, sasabihin Ko: “Labas!”, sasabihin Ko: “Sumunod sa Akin”, sasabihin Ko: “Makinig”, sasabihin Ko: “Magsulat”... at kayo ay nasa pagitan nila.»

«Bakit, Panginoon, pinakikita Ninyo ang Sarili Ninyo sa amin at hindi sa mundo?» tanong ni Judas Tadeo.

«Sapagkat minamahal ninyo Ako at sinusunod ninyo ang Aking mga salita. Siya na gumagawa niyan ay mamahalin ng Aking Ama, at tayo ay pupunta sa kanya at maninirahan tayong kasama siya, sa loob niya. Samantalang siya na hindi nagmamahal sa Akin, hindi sinusunod ang Aking mga salita at kumikilos ayon sa laman at sa mundo. Ngayon alalahanin na ang sinabi Ko sa inyo ay hindi salita ni Jesus ng Nazareth, bagkus ito ay ang salita ng Ama, sapagkat Ako ang Salita ng Ama Na nagpadala sa Akin. Sinabi Ko sa inyo ang mga bagay na ito, nagsasalita sa inyo nang gayon, sapagkat gusto Kong maihanda Ko kayo Mismo para sa ganap na pagtaglay sa Katotohanan at Karunungan. Ngunit hindi pa kayo makaintindi o makaalaala. Ngunit kapag ang Tagaaliw, ang Banal na Espiritu Na ipadadala ng Ama sa inyo sa ngalan Ko, ay dumating sa inyo, diyan kayo makaiintindi, at ituturo Niya sa inyo ang lahat, at paaalalahanan Niya kayo tungkol sa sinabi Ko sa inyo.

Iniiwan Ko sa inyo ang Aking kapayapaan. Binibigay Ko sa inyo ang Aking kapayapaan. Binibigay Ko ito sa inyo hindi katulad ng pagbigay nito ng mundo sa inyo. At ni hindi katulad ng Aking pagbigay Ko nito sa inyo magpahanggang ngayon: ang pinagpalang pagbati ng Pinagpalang Isa sa mga pinagpala. Ang kapayapaan na Aking binibigay sa inyo ngayon ay mas taos. Sa pagpapaalam na ito ipinapaabot Ko ang Aking Sarili, ang Aking Espiritu ng kapayapaan sa inyo, katulad na ipinapaabot ang Aking Katawan at ang Aking Dugo sa inyo, upang kayo ay sana magkaroon ng lakas para sa nalalapit na pakikipaglaban. Si Satanas at ang mundo ay namumukaw ng digmaan laban sa inyong Jesus. Ito ang kanilang oras. Magkaroon ng Kapayapaan sa loob ninyo, ang Aking Espiritu, na siyang espiritu ng kapayapaan, sapagkat Ako ang Hari ng kapayapaan. Magkaroon nito upang hindi kayo maging lubos na namamanglaw. Siya na naghihirap nang may kapayapaan ng Diyos sa loob niya, ay naghihirap, ngunit hindi nagwawalang-pakundangan at hindi nawawalan ng pag-asa.

Huwag umiyak. Napakinggan din ninyo Akong nagsabi: “Ako ay pupunta sa Aking Ama at pagkatapos Ako ay babalik”. Kung minahal ninyo Akong higit pa sa laman, magbubunyi kayo, sapagkat Ako ay pupunta sa Ama pagkatapos ng napakatagal na pagkakatapon... Pupunta Ako sa Kanya Na mas dakila kaysa sa Akin at siyang nagmamahal sa Akin. Nasabi Ko na sa inyo ngayon, bago ito mangyari, katulad na sinabihan Ko kayo tungkol sa lahat ng mga paghihirap ng Tagapagtubos, bago harapin ang mga ito, upang sana, kapag ang lahat ay mangyari na, maniwala sana kayo nang mas lalu’t lalo pa sa Akin. Huwag masyadong mabalisa. Ang inyong mga puso ay nangangailangan ng balanse...

Wala Akong masyadong panahon upang magsalita sa inyo... ngunit may labis Akong kailangang sabihin! Ngayon na nakarating na Ako sa katapusan ng Aking pag-eebanghelyo, ang pakiramdam Ko tila wala pa Akong nasasabing kahit ano, at may labis pang kailangang gawin. Ang inyong gana ay pinalalakas ang Aking pakiramdam, Kung gayon, ano ang Aking sasabihin? Na nabigo Ako sa Aking gawain? O na kayo ay napakatigas ang puso na ang Aking gawain ay naging walang kabuluhan? Kailangan Ko bang magduda tungkol sa inyo? Hindi. Umaasa Ako sa Diyos at ipinagkakatiwala Ko kayo, Aking mga minamahal, sa Kanya. Kukumpletuhin Niya ang gawain ng Kanyang Salita. Hindi Ako katulad ng isang ama na namamatay nang walang ibang liwanag bagkus ang pantaong liwanag. Umaasa Ako sa Diyos. At, bagama't sa loob Ko nararamdaman Ko ang matinding pangangailangan ng lahat na payo, na nakikita Kong nangangailangan kayo, at nadarama Ko na ang oras ay lumilipad, Ako ay pupunta sa Aking kapalaran nang may tahimik na isip. Alam Ko na ang hamog ay bababa na sa mga binhing naihasik sa inyo at gagawin nito ang lahat sa kanila na tumubo, pagkatapos ang araw ng Paraklito ay darating at sila ay magiging napaka malalakas na punungkahoy. Ang prinsipe ng mundong ito, kung kanino Ako ay walang pakialam, ay malapit nang dumating. At kung hindi lamang para sa pakay ng panunubos, hindi siya magkakaroon ng kapangyarihan sa akin. Ngunit iyan ay nangyayari upang ang mundo ay sana malaman na mahal Ko ang Aking Ama at mahal Ko Siya nang labis na susundin Ko Siya kahit hanggang sa kamatayan at gagawin Ko, kung gayon, kung ano ang Kanyang iniutos sa Akin na gawin.

Oras na para lumakad. Tumayo. At pakinggan ang Aking huling mga salita. Ako ang totoong Baging. Ang Ama ay ang Tagapag-alaga ng baging. Ang bawat sanga na hindi namumunga ay pinuputol Niya, at ang sangang namumunga ay Kanyang pinupungusan, upang mas mamunga pa ito. Kayo ay Akin nang napadalisay ng Aking salita. Manatili sa Akin at Ako ay mananatili sa inyo upang ipagpatuloy na maging ganyan. Ang sangang pinutol mula sa baging ay hindi makapamumunga. Ganyan din sa inyo, kung hindi kayo mananatili sa Akin. Ako ang Baging at kayo ang mga sanga. Ang sinuman na nananatiling kaisa Ko ay namumunga nang marami. Ngunit kung ang isa ay pinutol, ang isa ay magiging isang tuyong sanga at itinatapon sa apoy at masusunog doon. Sapagkat, kung kayo ay hindi kaisa Ko, wala kayong magagawa. Kung kaya't manatili sa Akin at gawin ang Aking mga salita na manatili sa inyo, pagkatapos hingin anuman ang gusto Ninyo, at ito ay gagawin sa inyo. Ang Aking Ama ay laging mas maluluwalhati, habang mas namumunga kayo at kayo ay Aking mga disipulo.

Katulad na minahal Ako ng Ama, ganyan Ko kayo minahal. Manatili sa Aking pagmamahal na nagliligtas. Sa pagmamahal sa Akin kayo ay magiging masunurin, at ang pagsunod ay nagpapalaki sa mutwong pagmamahalan. Huwag sabihin na inuulit Ko ang Aking sarili. Nalalaman Ko ang inyong kahinaan. At gusto Ko kayong máligtas. Nasabi Ko ito sa inyo upang ang lugod na ibig Kong ibigay sa inyo ay sana mapasainyo at sana maging kumpleto. Mahalin ang isa't isa, magmahalan sa isa't isa! Ito ang Aking bagong kautusan. Mahalin ang isa't isa nang mahigit pa sa pagmamahal sa sarili ng bawat isa sa inyo. Walang mas dakila pang pagmamahal kaysa sa pagmamahal ng isang tao na itinataya ang kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo ay Aking mga kaibigan at itataya Ko ang Aking buhay para sa inyo. Gawin kung ano ang tinuturo at inuutos Ko sa inyong gawin. Hindi Ko na uli kayo tatawagin na mga lingkod, sapagkat ang isang lingkod ay hindi nalalaman kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon, samantalang nalalaman ninyo kung ano ang Aking ginagawa. Nalalaman ninyo ang lahat na tungkol sa Akin. Ginawa Kong malaman ninyo hindi lamang ang Aking Sarili, bagkus ang Ama at ang Paraklito, at lahat na nalaman Ko mula sa Diyos. Hindi ninyo pinili ang inyong mga sarili. Bagkus pinili Ko kayo at hinirang Ko kayo, upang sana pumunta kayo sa pagitan ng mga tao at sana mamunga kayo sa mga sarili ninyo at sa mga puso ng mga naibanghelyuhan, at sana ang inyong bunga ay manatili, at ang Ama ay sana ibigay sa inyo ang lahat na hihingin ninyo sa Kanya sa ngalan Ko.

Huwag sabihin: “Kung gayon, kung pinili Ninyo kami, bakit Ninyo pinili ang isang nagtataksil. Kung nalalaman Ninyo ang lahat, bakit Ninyo ginawa iyon?” Ni hindi itanong kung sino siya. Siya ay hindi isang tao. Siya ay Satanas. Sinabi Ko ang ganito sa Aking tapat na kaibigan at ginawa Ko ang Aking minamahal na anak na sabihin ang ganito. Siya ay Satanas. Kung si Satanas, ang eternal na manggagaya ng Diyos, ay hindi nagkalaman sa laman ng tao, ang inalihan na lalaking ito ay hindi maaaring makatakas sa Aking kapangyarihang Jesus. Sinabi Ko: “inalihan”. Hindi. Siya ay mas mahigit pa: siya ay lubos na nalipol kay Satanas.»

«Itinatanong mo ba iyan para sa iyong sarili, natatakot na ikaw iyon? Huwag matakot tungkol diyan.»

«Ako, kung gayon?»

«Ako?»

«Ako?»

«Manahimik. Hindi Ko babanggitin ang pangalan na iyon. Ako ay nagpapakamaawain, ganyan din ang gawin.»

«Ngunit bakit hindi Ninyo siya tinalo? Hindi ba Ninyo magagawa iyon?»

«Magagawa Ko. Ngunit upang mapigilan si Satanas na makakuha ng porma ng katawan para mapatay Ako, kakailanganin Kong lipulin ang lahi ng tao bago ang Panunubos. Kung gayon ano ang natubos Ko sana?»

«Sabihin sa akin, Panginoon, sabihin sa akin!» Si Pedro ay bumagsak sa kanyang mga tuhod at balisang-balisang niyuyugyog niya si Jesus na tila siya ay isang nagwawala. «Ako ba iyon? Ako ba iyon? Kailangan ko bang iksaminin ang aking sariling konsiyensya? Hindi sa palagay ko. Ngunit Kayo... Kayo ay sinabi Ninyo na ikakatwa ko Kayo... At ako ay pinanginginigan... O! Gaano ito nakapangingilabot kung ito ay ako!...»

«Hindi, Simon ni Jonah. Hindi ikaw iyon.»

«Bakit Ninyo ako pinagkakaitan ng aking pangalan na “Pedro”? Kung gayon ako ay si Simon muli? Iyan ang sinasabi Ninyo!... Iyon ay ako! Ngunit papaano na ito ay maging ako? Sabihin sa akin sabihin sa akin, lahat kayo. Kailan ito na ako ay naging isang traydor?... Simon?... Juan?... Sabihin sa akin!»

«Pedro, Pedro, Pedro! Tinatawag kitang Simon sapagkat iniisip Ko ang una nanting pagkikita, noong ikaw ay si Simon. At iniisip Ko kung gaano ka laging naging tapat mula ng unang sandaling iyon. Hindi ikaw iyon. Ako, ang Katotohanan, ay sinasabi sa iyo.»

«Sino, kung gayon?»

«Ito ay si Judas ng Kerioth! Hindi mo pa ba naintindihan iyan?» sigaw ni Tadeo, na hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili.

«Bakit hindi mo sa akin sinabi noon? Bakit?» sigaw din ni Pedro.

«Manahimik.  Iyon ay si Satanas. Wala siyang ibang pangalan. Saan ka pupunta, Pedro?»

«Upang hanapin siya.»

«Iwanan ang mantang iyan at ang sandatang iyan kaagad. O palalayasin kita at isumpa ka?»

«Huwag, huwag! O! aking Panginoon! Ngunit ako... ngunit ako... ako ba ay nahihibang, ako ba? O! O!» Itinapon ni Pedro ang kanyang sarili sa lupa at umiiyak sa paanan ni Jesus.

«Binibigay Ko ang Aking kautusan: mahalin at patawarin ang isa't isa. Naintindihan ba ninyo? Kahit na kung sa mundo ay may poot, gawin na tanging pagmamahal lamang ang nasa inyo. Para lahat.  Gaano karaming traydor ang matatagpuan ninyo sa inyong daan! Ngunit kailangan na huwag ninyo silang kapootan at magbalik ng kasamaan sa kasamaan. Kundi’y kapopootan kayo ng Ama. Ako ay kinapootan at pinagtaksilan, matagal na bago kayo. gayunpaman, katulad ng inyong nakikita, hindi Ako napopoot. Ang mundo ay hindi nito mamamahal kung ano ang iba dito. Kung gayon hindi kayo nito mamahalin. Kung kayo ay sa mundo, mamahalin kayo nito; ngunit kayo ay hindi sa mundo, sa dahilan na inilayo Ko kayo mundo. At iyan kung bakit kayo kinapopootan.

Sinabi Ko sa inyo: ang isang katulong ay hindi mas dakila pa kaysa sa kanyang panginoon. Kung Ako ay kanilang inusig, uusigin din nila kayo. Kung sila ay nakinig sa Akin, sila ay makikinig din sa inyo. Ngunit gagawin nila ang lahat dahil sa Aking Pangalan, dahil hindi nila nalalaman, ayaw nilang malaman Siya Na nagpadala sa Akin. Kung Ako ay hindi naparito at Ako ay hindi nagsalita, hindi sila masisisi. Ngunit ngayon ang kanilang kasalanan ay wala nang dahilan. Nakita na nila ang Aking mga gawa, napakinggan na nila ang Aking mga salita, sa kabila nito kinapootan nila Ako, at ang Ama kasama Ko. Sapagkat ang Ama at Ako ay isang Yunit lamang sa pamamagitan ng Pagmamahal. Ngunit ito ay nakasulat: “Kinapootan ninyo Ako nang walang dahilan”. Ngunit kapag ang Tagaaliw ay dumating, ang Espiritu ng katotohanan Na nagmumula sa Ama, Siya ay magsasaksi sa Akin, at kayo rin ay magsasaksi sa Akin, sapagkat kayo ay nakasama Ko mula sa simula.

Sinasabi Ko ito sa inyo upang, kapag ang oras ay dumating na, hindi sana kayo malungkot at maiskandalo. Ang panahon ay malapit nang dumating kung kailan palalayasin kayo mula sa mga sinagoga, at ang mga pumapatay sa inyo ay mag-iisip na ginagawa nila ang isang banal na katungkulan para sa Diyos. Hindi pa nila nakilala ni ang Ama o Ako. Iyan ang kanilang dahilan. Hindi Ko nasabi sa inyo ang mga bagay na ito nang may-kalawakan, bago ang oras na ito, sapagkat kayo noon ay katulad ng bagong panganak na mga sanggol. Ngunit ang ina ay iiwanan na kayo. Ako ay aalis. Kailangan na masanay na kayo ng ibang pagkain. Gusto Kong malaman ninyo.

Walang isa sa inyo ang nagtanong sa Akin muli: “Saan Kayo pupunta?”. Ang kalungkutan ay nagagawa kayong pipi. Subalit sa kabila nito ang Aking pag-alis ay isang mabuting bagay para sa inyo. Kung hindi ang Tagaaliw ay hindi darating. Ipadadala Ko Siya sa inyo. At kapag Siya ay dumating, sa pamamagitan ng karunungan at ng mga salita, mga gawa at kabayanihan na Kanyang ilalagay sa inyo, makukumbinsi Niya ang mundo tungkol sa kasalanan ng pagpatay-sa-diyos, at ng katarungan magpatungkol sa Aking kabanalan. At mahahati ang mundo nang maliwanag sa mga imbi, mga kaaway ng Diyos, at mga naniniwala. Ang huli ay magiging humigit kumulang banal, ayon sa kanilang kalooban. Ngunit ang paghuhukom ay ilalahad sa prinsipe ng mundo at sa kanyang mga katulong. Hindi Ko kayo masasabihan ng mas marami pa, sapagkat hindi pa kayo nakakaintindi. Ngunit Siya, ang Paraklito, ay ibibigay sa inyo ang buong Katotohanan, sapagkat hindi Siya magsasalita na galing sa Kanyang Sarili. Bagkus sasabihin Niya sa inyo ang lahat na napakinggan Niya mula sa Isip ng Diyos at ibubunyag ang hinaharap sa inyo. Dadalhin Niya kung ano ang nanggagaling sa Akin, ibig sabihin, ng Ama pa rin, at sasabihin sa inyo.

Mayroon pang maikling panahon na magkita-kita ang isa't isa. Pagkatapos hindi na ninyo Ako makikita. At pagkatapos pagkaraan ng kaunting panahon makikita ninyo Ako.

Kayo ay pabulung-bulong sa inyong mga sarili at sa inyong mga puso. Makinig sa isang parabula. Ang huling parabula ng inyong Guro.

Kapag ang isang babae ay naglihi at ang oras ng panganganak ay dumating na, siya ay nasa matinding pagkabagabag, sapagkat siya ay nahihirapan at dumaraing. Ngunit kapag ang kanyang maliit na sanggol ay naipanganak na at dinidiin niya ito sa kanyang puso, ang lahat ng kanyang kirot ay nawawala at ang kanyang pamimighati ay nagiging lugod, sapagkat ang isang tao ay nakarating sa mundo.

Ganyan din sa inyo. Kayo ay iiyak at ang mundo ay pagtatawanan kayo. Ngunit pagkatapos ang inyong kapighatian ay magiging lugod. Isang lugod na hindi kailanman mararanasan ng mundo. Kayo ay malungkot ngayon. Ngunit makita ninyo Akong muli, ang inyong mga puso ay mapupuno ng isang lugod na walang sinuman ang makapagkakait sa inyo. Gayon kapunong kaluguran, na buburahin nito ang bawat pangangailangan ninyo na humingi ng kahit ano para sa inyong mga isip, mga puso at mga katawan. Kakain kayo ng pagkakakita ninyo sa Akin muli, at makakalimutan ninyo ang lahat na iba pa. At mula lang sa sandaling iyan makahihingi kayo ng kahit ano sa ngalan Ko, at iyan ay ibibigay sa inyo ng Ama, upang ang inyong lugod ay sana maging mas malaki at malaki pa. Humingi, gawing humingi. At tatanggap kayo.

Ang oras ay darating kung kailan makapagsasalita Ako sa inyo tungkol sa Ama sa lisong mga salita. Iyan ay mangyayari sapagkat kayo ay naging mga matatapat na sa inyong pagsubok at ang lahat ay napangibabawan na. Kung kaya't ang inyong pagmamahal ay magiging perpekto, dahil ito ay nakapagbigay na sa inyo ng lakas sa pagsubok. At ang kakulangan ninyo, Ako ang magdagdag para sa inyo, kinukuha ito mula sa Aking walang-hangganang kayamanan at nagsasabing: “Ama, katulad ng nakikita Ninyo, minahal nila Ako naniniwala na Ako ay nanggaling sa Inyo”. Bilang nakababa sa mundo, ngayon iniiwan Ko ito at Ako ay pupunta sa Ama, at mananalangin Ako para sa inyo.»

«O! ngayon pinaliliwanag Ninyo ang mga bagay nang maliwanag. Ngayon alam namin kung ano ang ibig Ninyong sabihin at na nalalaman Ninyo ang lahat at na Kayo ay nagbibigay ng mga katugunan nang hindi tinatanong ninuman. Kayo ay talagang nanggaling sa Diyos!»

«Naniniwala na ba kayo ngayon? Sa huling oras? Nakapagsalita Ako sa inyo nang tatlong taon! Ngunit ang Tinapay na siyang Diyos at ang Alak na siyang Dugo na hindi nanggaling sa tao ay nagtatrabaho na sa loob ninyo, binibigyan na kayo ng unang kilíg ng pagiging banal. Kayo ay magiging mga diyos kung magpupursige kayo sa Aking pagmamahal at sa Aking panlulukob. Hindi katulad ng sinabi ni Satanas kay Adan at Eba, bagkus katulad ng sinasabi Ko sa inyo. Ito ay ang totoong bunga ng punungkahoy ng Kabutihan at ng Buhay. Ang Kasamaan ay natatalo sa kanya na kumakain dito, at ang Kamatayan ay patay. Siya na nanginginain dito ay mabubuhay magpakailanman at magiging “diyos” sa Kaharian ng Diyos. Kayo ay magiging mga diyos kung manatili kayo sa Akin. Subalit ngayon... bagama't nasa loob ninyo ang Tinapay na ito at ang Dugong ito, habang dumarating ang oras kung kailangan kayo ay paghihiwa-hiwalayin, kayo ay tatakbo sa sarili ninyong kagustuhan at iiwanan Akong ganap na nag-iisa... Ngunit Ako ay hindi nag-iisa. Ang Ama ay kasama Ko. Ama! Ama! Huwag Akong pabayaan! Nasabi Ko na sa inyo ang lahat... Upang bigyan kayo ng kapayapaan, Magkakaroon pa kayo ng problema. Ngunit manampalataya. Nalupig Ko na ang mundo.

Si Jesus ay tumayo, ibinuka Niya ang Kanyang mga kamay nang pa-krus at na ang Kanyang mukha nagniningning nang matingkad binibigkas Niya ang makalangit na panalangin sa Ama. Si Juan ay inuulit ito nang buo.

Ang mga apostol ay lumuluha nang humigit kumulang hayagan at walang-ingay. Bilang katapusang bagay, umaawit sila ng isang himno.

Si Jesus ay pinagpapala sila. Pagkatapos sinabi Niya sa kanila: «Ating isuot na ngayon ang ating mga manta. At umalis na tayo. Andres, sabihin sa may-ari ng bahay na iwanan ang lahat nang hindi nagagalaw. Bukas... Masisiyahan kayo na makitang muli ang lugar na ito.» Si Jesus ay tinitingnan ito. Tila pinagpapala Niya ang mga pader, ang mga muwebles, lahat. Pagkatapos isinuot Niya ang Kanyang manta at lumabas, sinusundan ng mga disipulo. Sa tabi Niya ay naroon si Juan kung kanino Siya nakasandal.

«Hindi ba Kayo magpapaalam sa Inyong Ina?» ang anak ni Zebedeo ay tinatanong Siya.

«Hindi. Ang lahat ay nagawa na. Mahigit pa rito, huwag gumawa ng ingay.»

Si Simon, na nagsindi ng isang sulô mula sa tsandelyer, ay pinaliliwanagan ang malapad na koridor na maghahatid sa pintuan. Si Pedro ay binubuksan ang pinaka-pintuan nang maingat at lahat sila lumabas patungo sa kalsada, at pagkatapos, ginagamit ang isang bagay, isinasara nila ang pintuan mula sa labas. At sila ay umalis.

--------------------

Pebrero 17, 1944.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Bilang karagdagan sa pagsaalang-alang sa pagmamahal ng isang Diyos Na naging Pagkain para sa mga tao, apat na pinaka leksiyon ang nangingibabaw mula sa episodyo ng Hapunan.

Ang una: ang pangangailangan para sa lahat na mga anak ng Diyos na sundin ang Batas.

Ang Batas ay pinanunúto na ang isang kordero ay kailangan na kainin sa Paskuwa ayon sa ritwal na binigay kay Moses ng Kataastaasan, at Ako, ang totoong Anak ng totoong Diyos, ay hindi tinuring ang Aking Sarili na liban sa Batas, dahil sa Aking dibinong kalidad. Ako noon ay nasa Lupa: Tao sa pagitan ng mga tao at ang Guro ng mga tao. Ako, kung gayon, ay kailangan na gawin Ko ang Aking katungkulan sa Diyos katulad ng at mas higit pa kaysa sino pa man. Ang dibinong mga pabor ay hindi nakukuha sa pagiging masunurin at sa pagsisikap patungo sa dakila at mas dakila pang kabanalan. Kung ikukumpara ninyo ang pinaka mataas na kabanalan sa dibinong perpeksiyon, lagi ninyong makikita ito na puno ng mga diperensiya, at dahil dito kinakailangan na magsikap na maalis ang mga ito at abutin ang isang antas ng perpeksiyon na hangga't maaari katulad ng perpeksiyon ng Diyos.

Ang ikalawa: ang kapangyarihan ng panalangin ni Maria.

Ako ay Diyos noon na naging Laman. Isang Laman, na bilang walang mantsa, ay may espirituwal na lakas na nakapangingibabaw sa laman. At hindi Ko tinatanggihan, sa kabaligtaran pinakikiusapan Ko ang tulong ng Napupuno ng Grasya, Na sa oras na iyon ng pagbabayad-sala ay maaaring natagpuan din ang Langit na nakasara sa itaas ng Kanyang ulo, iyan ay totoo, ngunit hindi hanggang sa sukdulan na hindi Siya magtatagumpay na makakuha ng isang anghel mula dito, sa dahilan na Siya ang Reyna ng mga angel, upang maaliw ang Kanyang Anak. O! Hindi para sa Kanyang Sarili, kaawa-awang Ina! Natikman din Niya ang mapait na pag-abandona ng Ama, ngunit sa pamamagitan ng paghihirap na iyan na inialay para sa Panunubos, nakuha Niya at nagawang posible para sa Akin na matiis Ko ang dalamhati ng Garden of Olives at makumpleto ang Pasyon sa lahat na iba't ibang porma ng kapaitan, na ang bawat isa nito ay itinalaga para sa paglilinis ng isang porma at isang pamamaraan ng kasalanan.

Ang ikatlo: pagpipigil sa sarili at pagtitiis sa mga pananakit, ang dakilang mapagkawanggawang aktitud sa lahat ng mga pananakit, na maaaring taglayin lamang ng mga tao na ginagawa ang Batas ng Karidad na siyang buhay ng kanilang mga pamumuhay, katulad ng Aking ipinahayag. At hindi Ko lamang ito pinahayag, bagkus totoong isinabuhay Ko.

Hindi ninyo mawawari kung ano iyon sa Akin na ang Traydor ay nasa Aking mesa, na kailangang ibigay Ko ang Aking sarili sa kanya, at ipahiya ang Aking sarili sa harapan niya, na kailangang makasalo siya sa ritwal ng kalis, at ilapat ang Aking mga labì kung saan inilapat niya ang kanya, at gawin ang Aking Ina na ganito rin ang gawin. Ang inyong mga doktor ay napag-usapan at pinag-uusapan pa ang bilis ng Aking katapusan at sinasabi nila na ito ay gawa ng isang lesyon sa puso na dala ng mga bigwas ng paghahagupit. Oo, ang Aking puso ay nasaktan din ng mga bigwas na iyon. Ngunit ito ay nasaktan na sa Hapunan. Biyak ang Aking puso sa pagsisikap na tiisin ang Traydor sa Aking tabi. Iyon ay sa Hapunan na Ako ay nagsimulang mamatay nang pisikal. Kung ano ang sumunod ay isang pagpapalaki lamang ng naroroon nang aguniya. Kung ano ang nagawa Kong magawa Ko, ay nagawa Ko dahil Ako ay ganap na kaisa ng Pagmamahal. Noon din na ang Diyos-Pag-ibig ay umalis sa Akin, nagawa Kong Ako ay maging pagmamahal, sapagkat Ako ay nabuhay ng pagmamahal sa loob ng tatlumpu’t-tatlong mga taon. Hindi posibleng marating ang perpeksiyon, katulad na ito ang hinihingi upang makapagpatawad at matiis ang mga nananakit sa atin, kung hindi nagkaroon ang isa ng ugali ng pagmamahal. Ako ay nagkaroon nito, at nakapagpatawad Ako, at natiis Ko ang obramaestra ng isang Makasalanan, na siyang si Judas.

Ang ikaapat: habang mas karapat-dapat ang isa na tumanggap ng isang Sakramento, mas lumalaki ang epekto nito. Ibig sabihin: kung ang isa ay naging karapat-dapat nito sa pamamagitan ng nagpupursiging mabuting kalooban, na sumusupil sa laman at nagagawa ang espiritu na siyang maghari, napaghaharian ang mga kiling-sa-pagkakasala, pinasusunod ang katauhan ng isa patungo sa mga birtud, binabaluktot ito katulad ng isang pana patungo sa perpeksiyon ng mga birtud at higit sa lahat ng Pagmamahal.

Sapagkat, kapag nagmamahal ka, nakatuon kang gawin ang taong minamahal mo na masaya. Si Juan, na nagmahal sa Aking nang walang ibang nakagawa, at isang puro, tinanggap niya ang pinaka sukdulan na transpormasyon mula sa Sakramento. Nagsimula siya sa sandaling iyon na maging ang agila, na sanay sa pumailanglang nang madali sa Mataas na Kalangitan ng Diyos at tumitig sa eternal na Araw. Ngunit kapighatian sa kanya na tumatanggap ng Sakramento nang hindi nagiging karapat-dapat nito, at na, sa kabaligtaran, pinalaki pa niya ang kanyang pagkataong pagiging di-karapat-dapat sa pamamagitan ng mortal na mga kasalanan. Pagkatapos sa halip ng pagiging ang mikrobyo ng pagpapanatili at buhay, ito ay naging ang mikrobyo ng kurupsiyon at kamatayan. Kamatayan ng espiritu at pagka-agnas ng laman, kung saan ito ay “pumuputok”, katulad ng sinasabi ni Pedro magpatungkol kay Judas. Ito ay hindi dumudugo, ang mahalagang likido laging maganda sa purpurang kulay nito, ngunit ang mga lamang-loob nito ay pumuputok, napaitim ng labis-labis sa kahalayan, ang kabulukan bumubuhos papalabas ng naagnas na katawan, katulad ng lumalabas mula labí ng isang di-malinis na hayop, isang nakasusuklam na tanawin para sa dumaraan.

Ang kamatayan ng isang tagalapastangan ng Sakramento ay laging ang kamatayan ng isang desperadong tao na, kung gayon, hindi nalalaman ang payapang pagyao na makikita sa mga taong nasa grasya, o ang may-kabayanihang kamatayan ng biktima na naghihirap nang labis ngunit nakatingin nang lagi sa Langit at may nararamdaman na isang kapayapaan sa kaluluwa. Ang kamatayan ng isang desperado ay namamarkahan ng mga pamamaluktot at takot, ito ay isang nakapangingilabot na kombulsiyon ng kaluluwa na nahahawakan na ng kamay ni Satanas, na sumasakal dito upang matanggal ito mula sa katawan at iniinis ito sa pamamagitan ng nakasusukang hininga. Iyan ang kaibahan sa pagitan ng mga yumayao pagkatapos na mapakain ng pagmamahal, pananampalataya, pag-asa at ng bawat iba pang birtud at makalangit na doktrina at ng anghelikal na Tinapay na sumasabay sa kanila kasama ang bunga nito – mas mabuti pa kung kasama ang totoong presensya – sa huling paglalakbay, at ang mga namamatay, pagkatapos ng pamumuhay ng isang hayop, ng may kamatayan ng isang hayop na hindi mabibigyan ng aliw ng Grasya at ng Sakramento. Ang una ay ang tiwasay na katapusan ng isang santo, kung kanino binubuksan ng kamatayan ang eternal na Kaharian. Ang huli ay ang nakakatakot na pagbagsak ng isang isinumpang kaluluwa, na ang pakiramdam nahuhulog ito patungo sa eternal na kamatayan at sa loob ng isang sandali nalalaman nito kung ano ang gusto nitong mawala at para dito wala na itong makitang kahit anong remedyo. Pagtatamo at lugod para sa una; Kawalan at takot para sa huli.

Ito ang binibigay ninyo sa inyong mga sarili, ayon sa kung kayo ay naniniwala at nagmamahal, o kayo ay hindi naniniwala at inyong pinagtatawanan ang Aking kaloob. At ito ang pagtuturo ng kontemplasyon na ito.»

260812

 

 



¹ Ang mga salitang ito ay para sa pang-espirituwal na gabay na pare ni Maria Valtorta.



Sunod na kabanata