599. Ang Aguniya at ang Pag-aresto sa Gethsemane.

Pebrero 10, 1944.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«At ngayon halika. Bagama't ngayong gabi nakakatulad mo ang isa na malapit nang maputulan ng hininga, halika, upang sana madala kita patungo sa Aking mga paghihirap. Mahaba ang daan na kailangan nating tahakin nang magkasama, sapagkat walang pinagpaliban sa Akin na kahit anong kapighatian: ni ang kirot ng laman, o ang paghihirap ng isip, ng puso, ng espiritu. Natikman Ko ang lahat sa kanila, kumain Ako sa lahat sa kanila, pinatid Ko ang Aking pagkauhaw sa pamamagitan ng lahat nila, hanggang sa sukdulan na namatay Ako gawa nila.

Kung mailalapat mo ang iyong mga labì sa Aking mga labì, matitikman mo ang kapaitan na nasa mga labì Ko pa dahil sa labis na kapighatian. Kung makikita mo ang Aking Pagkataong kalikasan sa hitsura nito, na ngayon ay nagliliwanag nang matingkad, makikita mo na ang pagliwanag na iyan ay nanggagaling sa di-mabilang na mga sugat na katulad ng damit ng buháy na purpura ay nagtatakip sa Aking mga galamay, na sinugát-sugátan, natuyuan ng dugo, binugbog, tinusok alang-alang sa inyo. Ang Aking Pagkataong kalikasan ay ngayon nagliliwanag. Ngunit isang araw ito ay katulad ng kalikasan ng isang ketongin, may-kabangisan itong binugbog at pinahiya. Ang Tao-Diyos, Na nasa Kanya ang perpeksiyon ng pisikal na kakisigan, bilang ang Anak ng Diyos at ng imakuladang Babae, ay sa mga sumusulyap nang may pagmamahal, pag-uusisa, o may-panunuya, o may kasamaan, ay tila isang “uod”, katulad ng sinasabi ni David, ang pinagtatawanan ng sangkatauhan, ang payaso ng sambayanan.

Ang Aking pagmamahal para sa Aking Ama at para sa mga anak ng Aking Ama ay nagawa Akong iabandona Ko ang Aking katawan sa mga bumubugbog sa Akin, ibigay Ko ang Aking mukha sa mga sumasampal sa Akin at dumudura sa Akin, sa mga tao na akala ginagawa nila ang isang may-meritong gawain sa paghablot sa Aking buhok at sa Aking balbas, tinutusok ang Aking ulo ng mga tinik, ginagawa ang lupa at ang mga bunga nito na maging mga kasabwat ng mga pagpapahirap na ginagawa sa kanilang Tagapagligtas. Inililisya ang Aking mga galamay, inilalantad ang Aking mga buto, pinupunit ang Aking mga damit, kung gayon sinasaktan ang Aking kadalisayan sa pinakamalupit na pamamaraan, ipinapako Ako sa isang piraso ng kahoy at itinataas Ako katulad ng isang kinatay na kordero nakabitin sa mga singkaw ng isang matadero, at tumatahol sa paligid Ko, habang Ako ay nasa aguniya, katulad ng isang pangkat ng mga nanlalapang mga aso na naging mas mababangis gawa ng pagka-amoy ng dugo.

Ako ay inakusahan, hinatulan, pinatay, pinagtaksilan, itinatwa, pinagbili. Ako ay inabandona kahit na ng Diyos, sapagkat napabigatan Ako ng mga krimen na inako Ko. Ginawa nila Akong mas mahirap pa sa isang pulubi na nilimasan ng mga mandarambong, sapagkat hindi nila Ako iniwanan man lamang kahit ng Aking tunika upang matakpan ang nangingitim Kong kahubaran ng isang martir. Kahit pagkatapos ng Aking kamatayan hindi Ako pinagpaliban sa insulto ng isang sugat at ng paninirang-puri ng mga kaaway. Ako ay natabunan ng lahat ng dumi ng inyong mga kasalanan, Ako ay itinapon sa ibaba hanggang sa layo ng ilalim ng kadiliman ng kapighatian, pinagkaitan ng liwanag ng Langit na baka tumugon sa namamatay Kong mga mata, at ng dibinong tinig na baka tumugon sa Aking huling panawagan.

Si Isaiah ay pinaliliwanag ang dahilan ng labis na kapighatian: “Talagang inako Niya ang ating mga kasamaan at ating mga kapighatian ang Kanyang dinala”.

Ating mga kapighatian! Oo, dinala Ko ito sa kapakanan ninyo! Upang pagaanan ang inyo, mabawasan sila, makansela sila, kung kayo ay naging tapat sa Akin. Ngunit ayaw ninyong maging ganito. At ano ang napalâ Ko nito? “Tiningnan ninyo Ako na tila Ako ay isang ketongin, isang hinampas ng Diyos”. Oo, ang ketong ng inyong walang-hangganang mga kasalanan ay nasa Akin, iyon ay nasa Akin katulad ng isang damit ng pagsisisi, katulad ng isang cilice; ngunit bakit hindi ninyo nakita ang Diyos na suminag, sa Kanyang walang-hangganan na pagmamahal, mula sa damit na iyon na isinuot sa Kanyang kabanalan alang-alang sa inyo?

“Siya ay nasugatan sa pamamagitan ng ating kasamaan, at tinusok sa pamamagitan ng ating mga krimen” sabi ni Isaiah, na sa pamamagitan ng kanyang malapropetang mga mata nakita niya ang Anak ng tao na naging isang malaking sugat upang mapagaling ang mga taong iyon. Kung kanilang ginalusan lamang ang Aking katawan!

Ngunit ang inyong labis na sinugatan, ay ang Aking mga pakiramdam at espiritu. Ginawa ninyo silang katatawanan at tampulan; at hinampas ninyo Ako sa pakikipagkaibigan na binigay Ko sa inyo, sa pamamagitan ni Judas; sa katapatan na inaasahan Kong tatanggapin Ko mula sa inyo, sa pamamagitan ni Pedro na nagtatwa sa Akin; sa pasasalamat para sa Aking mga pabor, sa pamamagitan ng mga sumigaw sa Akin: “kamatayan sa Kanya!”, pagkatapos na pagalingin Ko sila mula sa napakaraming mga sakit; sa pamamagitan ng pagmamahal, dahil sa pagpapahirap na ginawa sa Aking Ina; sa pamamagitan ng relihiyon, tinatawag Akong isang tagalapastangan ng Diyos, samantalang dala ng kasigasigan para sa dahilan ng Diyos inilagay Ko ang Aking Sarili sa mga kamay ng tao sa pagkakatawang-tao, naghihirap sa buong buhay Ko at sumusuko sa kabangisan ng tao, nang hindi bumibigkas ng isang salita o nagrereklamo.

Isang sulyap lamang sana ay naging sapat na upang maging abo ang mga nag-aakusa, nanghuhusga at mga berdugo. Ngunit Ako ay pumunta nang kusa upang gawin ang sakripisyo, at katulad ng isang tupa, sapagkat Ako ang Kordero ng Diyos at magiging ganito Ako magpakailanman. Pinahintulutan Ko ang mga tao na dalhin Ako upang hubaran at patayin, upang sana makagawa Ako ng isang Buhay para sa inyo ng Aking Laman.

Noong Ako ay itinaas, Ako ay upos na sa mga paghihirap na walang mga pangalan, na may lahat na mga pangalan. Nagsimula Akong mamatay sa Bethlehem, nakikita ang liwanag ng Lupa, nakalulungkot na ibang-iba para sa Akin Na siyang ang Buháy na Siya nga sa Langit. Nagpatuloy Akong mamatay sa kasalatan, sa pagkakatapon, sa paglalakbay, sa trabaho, sa di-maunawaan, sa hapô, sa pagtataksil, sa nasirang mga  damdamin, sa pagpapahirap, sa kasinungalingan, sa paglalapastangan. Ako ay naparito upang maipagkasundo ang tao sa Diyos, at iyan ang binigay sa Akin ng tao!

Maria, tingnan mo ang iyong Tagapagligtas. Siya ay hindi nakadamit ng puti, at ang Kanyang buhok ay hindi maningning. Ang Kanyang mga mata ay hindi kulay sapiro na alam mo. Ang Kanyang kasuutan ay namantsahan ng Dugo, ito ay gastado at puno ng dumi at durâ. Ang Kanyang mukha ay namagâ at tumabingi, ang Kanyang mga mata ay natatakpan ng dugo at mga luha, at tinitingnan ka Niya sa pamamagitan ng tumigas dugo at luha at ng alikabok na nagpapabigat sa Kanyang mga pilikmata. Ang Aking mga kamay – nakikita mo ba sila? – ay isang malaking sugat at hinihintay nito ang huling mga sugat.

Tingnan mo Ako, munting Juan, katulad na tinitingnan Ako ng iyong kapatid na si Juan. Ang mga bakas ng Aking mga paa ay may mantsa ng dugo. Ang pawis ay hinuhugasan nito ang dugo na bumabagsak mula sa mga sugat na gawa ng mga paghahagupit, at naiwanan pa ito pagkatapos ng aguniya sa Hardin. May mga salitang lumalabas mula sa Aking tuyong may-galos na mga labì sa masakit na paghihingalo ng Aking puso na namamatay na gawa ng lahat na klase ng pagpapahirap.

Mula ngayon madalas mo Akong makikita na katulad nito. Ako ang Hari ng mga kapighatian at darating Ako sa Aking maharlikang damit upang magsalita sa iyo tungkol sa Aking kapighatian. Bagama't ikaw ay nasa iyong aguniya, sundan Ako. Dahil Ako ang Maawain na Isa, mailalagay Ko rin ang naamoy na pulot ng mas payapang mga kontemplasyon sa naghihintay mong mga labì, nalason ng Aking kapighatian. Ngunit kailangan na mas gustuhin mo pa rin ang mga ito, nalahiran ng dugo, sapagkat ito ay sa pamamagitan nila na mayroon ka ng Buhay, at madadala mo ang Buhay sa ibang mga tao. Halikan mo ang dumurugo Kong kamay at maging mapagbantay kapag nagninilay tungkol sa Akin, ang Tagapagtubos.»

Nakikita ko si Jesus habang nilalarawan Niya ang Kanyang Sarili. Ngayong gabi ako ay totoong nasa aguniya mula sa ika 1900 mga oras (ngayon ay 1:15 nu ng ika 11, sa ngayon).

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi sa akin ni Jesus ngayong umaga, ang ika 11 ng Pebrero, noong 7:30:

«Kagabi gusto Ko sanang magsalita sa iyo tungkol sa Aking Sarili lamang, isang biktima ng paghihirap, sapagkat nasimulan Ko na ang pagsasalarawan at ang mga bisyon ng Aking mga kapighatian. Kagabi iyon ay ang introduksiyon. At ikaw ay pagod-na-pagod, Aking kaibigan! Ngunit bago bumalik muli ang aguniya, kailangan Kong pangaralan kita nang malumanay.

Kahapon ng umaga ikaw ay makasarili. Sinabi mo sa iyong espirituwal na gabay na pari: “Umasa tayo na makatatagal ako, sapagkat ang aking pagkahapo ay mas mabigat”. Hindi. ang Kanya ang mas mabigat, sapagkat iyon ay mahirap at hindi iyon nasusuklian ng lugod ng pagkakakita ng mga bisyon at ng pagkakaroon ng presensya ni Jesus, katulad na Siya ay nasa iyo, sa Kanya rin na banal na Pagkataong kalikasan. Huwag kailanman maging makasarili, kahit na sa pinakamaliliit na bagay. Ang isang babaeng disipulo, isang munting Juan, ay kailangan na mapagpakumbabang-mapagpakumbaba at mapagkawanggawa, katulad ng kanyang Jesus.

At ngayon halika at manatiling kasama Ko. “Ang mga bulaklak ay nagpakita nang muli... ang panahon ng pagpupungos ay dumating na... ang tinig ng maliit na kalapati ay narinig na sa kabukiran... At sila ang mga bulaklak na mga lumitaw sa loob ng mga sanaw ng Dugo ng iyong Kristo. At Siya Na siyang puputulin katulad ng isang pinungusang sanga ay ang Tagapagtubos. Ang tinig ng kalapati, tinatawag ang nobya sa isang nakapamimighating banal na bangkete ng kasalan, ay Akin, dahil minamahal kita.

Bumangon at halika, katulad ng sinasabi ng Misa ngayon. Halika upang magnilay at maghirap. Ito ay ang regalo na Aking pinagkakaloob sa Aking minamahal na isa.»

--------------------

Marso 16, 1945.

May lubos na katahimikan sa kalsada. Sa loob ng labis na katahimikan ay naroon lamang ang ingay ng isang maliit na pontanya, na ang tubig nito ay bumabagsak sa batong pansahod. Sa silangang tabi, sa tabi ng mga pader ng mga bahay ay madilim pa rin, samantalang sa kabilang tabi ang mga tuktok ng mga bahay ay nagsisimula nang lumiwanag sa liwanag ng buwan, at kung saan ang kalsada ay lumuluwang patungo sa isang maliit na liwasan, ang malaplatang mga sinag ng buwan ay sumisinag dito, pinagaganda ang mga bato at ang lupa ng kalsada. Ngunit sa ilalim ng maraming mga arko na nag-uugnay sa mga bahay, katulad ng mga naitataas-at-naibababang mga tulay o mga pansuporta sa lumang mga bahay na may kakaunting mga lagusan sa kalsada, at na ngayon ay lahat nakatrangka at madilim na tila inabandona ang mga ito, ay may ganap na kadiliman at ang mapula-pulang sulô na hawak ni Simon ay nagiging partikular na matingkad at mas kapaki-pakinabang pa nga.

Sa loob ng mapulang gumagalaw na liwanag ang mga mukha ay nangingibabaw nang mabuti at ang bawat isa ay nagpapakita ng iba't ibang saloobin. Ang pinaka-solemne at kalmante ay ang kay Jesus, bagama't ang pagkapagod ay nagagawa itong mas matanda, namarkahan ng mga kulubot na pangkaraniwan ay wala roon at nagpapakita na ito ng hitsura sa hinaharap ng Kanyang mukha na binago sa kamatayan. Si Juan, na nasa tabi Niya, ay tinitingnan ang lahat na kanyang nakikita nang may nakalulungkot na nasusorpresa na hitsura. Nagmumukha siyang katulad ng isang bata na nahintakutan ng isang kuwentong kanyang napakinggan o ng isang nakakatakot na pangako at nakikiusap ng tulong mula sa kung sino na mas may-karanasan kaysa sa kanya. Ngunit sino ang makakatulong sa kanya? Si Simon, na nasa kabilang tabi ni Jesus, ay nagmumukhang nakapagpipigil, malungkot katulad ng isang tao na tinitingnan ang mga nakapangingilabot na mga naiisip ng kanyang ulo. At siya lamang ang nag-iisa na, pagkatapos ni Jesus, nagmumukhang marangal.

Ang iba, sa dalawang grupo na patuloy na nagbabago ang pormasyon, ay lahat na sa pangangasim ang pakiramdam. At paminsan-minsan ang paos na tinig ni Pedro at ang baritono ng kay Tomas ay tumataas na ang tunog ay kakaiba. Pagkatapos ito ay ibaba, na tila sila ay natatakot ng kanilang sinasabi. Pinag-uusapan nila kung ano ang dapat na gawin, at ang ilang ay nagsasabi na ganito, at ang iba iba naman. Ngunit ang lahat na mungkahi ay kinakalimutan, sapagkat ang “oras ng kadiliman” ay totoong magsisimula na, at ang mga opinyon ng mga tao ay malalabo at lito.

«Ako ay dapat sanang nasabihan nang mas maaga pa» sabi ni Pedro nang nag-aalala.

«Ngunit walang nagsalita. Ni hindi ang Guro...»

«Hindi kailanman! Hindi ka Niya kailanman sasabihan. Kapatid! Tila hindi mo Siya nakikilala!...»

«Naramdaman ko na may isang problema. At sinabi ko: “Tayo na ang mamatay kasama Niya”. Naaalaala mo ba? Ngunit, kung sa pamamagitan ng ating Kataastaasang Diyos, nalaman ko na ito ay si Judas ni Simon...» sigaw ni Tomas sa isang kumukulog na nagbabantang tinig.

«At ano ang nagustuhan mong gawin?» tanong ni Bartolomeo.

«Ako? Gagawin ko ito kahit na ngayon, kung tutulungan ninyo ako!»

«Ano? Pupunta ka ba at patayin siya? Saan?»

«Hindi. Ilalayo ko ang Guro. Mas madali ito!»

«Hindi Siya sasama!»

«Hindi ko Siya tatanungin kung sasama Siya. Dudukutin ko Siya katulad ng dinudukot ng isa ang isang babae.»

«Hindi iyan magiging isang masamang idea!» sabi ni Pedro. At bigla siyang bumalik, sinamahan niya ang grupo ng dalawang anak ni Alfeo, na mga nagbubulungan kasama si Mateo at si Santiago katulad ng mga magkakasabwat.

«Makinig, si Tomas ay nagsasabi na kailangan na ilayo natin si Jesus. Lahat magkakasama. Magagawa natin... mula sa Gethsemane daan ng Bethphage hanggang Bethany at mula roon... patungo sa ilang ibang lugar. Gagawin ba natin ito? Kapag Siya ay nasa isang ligtas na lugar na, babalik tayo at burahin si Judas.»

«Ito ay walang mangyayari. Ang buong Israel ay isang bitag» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«At ngayon ito ay malapit nang sumabog. Ito ay makikita. Labis na kapootan!»

«Mateo! Ginagalit mo ako! Mas matapang ka noong ikaw ay isang makasalanan! Felipe, sabihin sa amin kung ano ang iyong iniisip?»

Si Felipe, na dumarating nag-iisa at tila nakikipagusap sa sarili, ay tumingala at tumigil. Si Pedro ay sinamahan siya at sila ay nagbubulungan. Pagkatapos narating nila ang isang grupo at si Felipe ay nagsabi: «Sasabihin ko na ang Templo ay ang pinakamagandang lugar.»

«Sira ba ulo mo?» sigaw ng mga pinsan, ni Mateo at ni Santiago. «Ngunit doon sa loob niyan gusto nila na Siya ay patay!»

«Huwag maingay! Gaanong sigawan! Alam ko ang sinasabi ko. Hahanapin nila Siya kahit saan. Ngunit hindi roon. Ikaw at si Juan ay may mabubuting kaibigan sa mga katulong ni Annas. Isang magandang regalo... at ang lahat ay tapos na. Maniwala sa akin. Ang pinakamagandang lugar na maitago ang isa ay sa bahay ng bantay ng kulungan.»

«Hindi ko gagawin iyan» sabi ni Santiago ni Zebedeo. «Ngunit pakinggan din kung ano ang sinasabi ng iba. Si Juan, una sa lahat. At kung aarestuhin nila Siya? Ayaw kong may magsabing sinuman na ako ang traydor...»

«Hindi ko naisip iyan. Kung gayon?» Si Pedro ay nawawala na.

«Bueno, sasabihin ko na may-kahabagan ang may gawing isang bagay. Ang tanging ating magagawa. Ilayo ang Kanyang Ina...» sabi ni Judas ni Alfeo.

«Siyempre!... Ngunit... Sino ang lalakad? Ano ang ating sasabihin sa Kanya? Ikaw ang kailangan na pumunta, dahil ikaw ay isang kamag-anak Niya.»

«Mananatili akong kasama ni Jesus. Karapatan ko iyan. Makakalakad ka..»

«Ako? Inarmahan ko ang aking sarili ng isang espada upang mamatay katulad ni Eleazar ng Saura. Haharapin ko ang mga lehiyon upang maipagsanggalang ang aking Jesus, at bibigwas ako nang walang-pagpipigil. Kung ako ay mapatay ng isang mas nakararaming puwersa, hindi na bale. Naipagtanggol ko naman Siya.» proklama ni Pedro.

«Ngunit nakatitiyak ka nga bang talaga na ito ay ang Iskariote?» si Felipe tinatanong si Tadeo.

«Natitiyak ko. Wala sa atin ang may puso ng isang ahas. Siya lamang... Mateo, pumunta ka kay Maria at sabihan Siya...»

«Ako? Linlangin Siya? Tingnan Siya sa tabi ko habang wala Siyang nalalaman, at pagkatapos?... Ah! hindi.  Nakahanda akong mamatay, ngunit hindi upang pagtaksilan ang kalapating iyon...»

Ang kanilang mga tinig ay naghahalô sa isang bulong.

«Napakinggan Ninyo? Guro, minamahal namin Kayo» sabi ni Simon.

«Alam Ko. Hindi Ako nangangailangan ng mga salitang iyan upang makaalam. At kung nakakapagbigay sila ng kapayapaan sa puso ng Kristo, sinusugatan nila ang Kanyang kaluluwa.»

Bakit, Panginoon, iyon ay mga salita ng pagmamahal.»

«Ng ganap na pantaong pagmamahal. Talaga, sa loob ng tatlong mga taon na ito wala Akong nagawa, sapagkat sila ay mas higit pang tao kaysa sa unang oras. Sa gabing ito, ang lahat na pinaka maruruming pangangasim ninyo ay tumataas. Ngunit ito ay hindi ninyo kagagawan...»

«Iligtas Ninyo ang Inyong Sarili, Jesus!» sabi ni Juan umuungol.

«Nililigtas Ko ang Aking Sarili.»

«Nililigtas Ninyo? O! Aking Diyos, salamat sa Inyo!» Si Juan ay nagmumukhang isang bulaklak na nalanta sa labis na init at nagiging luntian muli nakatayong tuwid sa tangkay nito. «Sasabihan ang iba. Saan tayo pupunta?»

«Papunta Ako sa Aking kamatayan. Kayo sa Pananampalataya.»

«Ngunit hindi ba’t kasasabi pa lamang Ninyo ngayon na inililigtas Ninyo ang Inyong Sarili?» Ang minamahal na apostol ay nawawalan muli ng lakas-ng-loob.

«Oo, Ako sa katotohanan ay inililigtas Ko ang Aking Sarili. Kung hindi Ko susundin ang Aking Ama, mawawala ang Aking Sarili. Sinusunod Ko Siya. Kung kaya't nililigtas Ko ang Aking Sarili. Ngunit huwag umiyak nang ganyan! Hindi nagiging napakatapang katulad ng mga disipulo ng Griyegong pilosopo na iyon na Aking sinabi sa inyo isang araw. Sila ay nanatiling kasama ng kanilang tagaturo, na namamatay bilang uminom ng sanlagok ng abeto, at kanila siyang pinagiginhawahan ng kanilang may-pagkalalaking pamimighati. Ikaw... nagmumukha kang isang maliit na bata na nawalan ng kanyang ama.»

«At hindi ba’t ganito ito? Ang nawawala sa akin ay mahigit pa sa mawalan ng isang ama! Kayo ang nawawala sa akin...»

«Ako ay hindi nawawala sa iyo, sapagkat patuloy mo Akong mamahalin. Ang nawawala ay siya na nahihiwalay sa atin sa pag-iisa sa Lupa at sa paghuhukom ng Diyos sa susunod na buhay. Ngunit tayo ay hindi kailanman mapaghihiwalay. Ni hindi ng isang ito o ng isang iyon.»

Ngunit si Juan ay hindi makinig sa rason.

Si Simon ay mas lumapit kay Jesus at sa pamamagitan ng mababang tinig nagtatapat sa Kanya: «Guro... si Simon Pedro at... ako ay umaasang makagawa ng isang mabuting bagay... Ngunit... Sa dahilan na nalalaman Ninyo ang lahat, sabihin sa akin: sa loob ng mga ilang oras kaya Kayo aarestuhin?»

«Kaagad kapag ang buwan ay nasa tuktok na ng arko nito.»

Simon ay napakilos ng isang pagkalungkot at pagmamadali, huwag nang sabihin ng galit. Kung gayon ang lahat ay walang kabuluhan... Guro, sasabihin ko na sa Inyo ngayon. Halos pinagalitan Ninyo si Simon Pedro at ako para sa pag-iwan sa Inyo nang nag-iisa sa mga huling araw na ito... ngunit kami ay umalis alang-alang sa Inyo... Para sa kapakanan Ninyo. Si Pedro, natakot gawa ng Inyong mga salita, ay pumunta sa akin noong Lunes na gabi  habang ako ay natutulog at nagsabi siya sa akin: “Ikaw at ako, mapagkakatiwalaan kita, ay kailangan na gumawa ng isang bagay para kay Jesus. Si Judas din ay nagsabi na gusto niyang asikasuhin ito”. O! bakit hindi namin naintindihan noon? Bakit hindi Kayo nagsalita ng kahit ano sa amin? Ngunit, sabihin sa akin, wala ba Kayong sinabihan na iba? Talaga? Baka nalaman Ninyo ito mga ilang oras pa lamang ang nakararaan?»

«Lagi Ko nang alam ang tungkol dito. Kahit pa noong siya ay hindi pa nagiging isang disipulo. Sinubukan Ko sa bawat paraan na mapalayo siya sa Akin upang ang kanyang krimen ay hindi maging perpekto, kapwa sa dibino at pantaong mga pananaw. Ang mga taong gusto ang Aking kamatayan ay mga mamamatay ng Diyos. Ang disipulo Kong ito at kaibigan ay ang Traydor din, ang mamamatay ng tao. Ang Aking unang mamamatay-tao, sapagkat napatay na niya Ako sa pamamagitan ng pagtitiis na makatabi Ko siya, sa mesa, at ng pangangailangan na protektahan Ko siya Mismo laban sa inyo.»

«At walang nakakaalam?»

«Alam ni Juan. Sinabihan Ko siya sa katapusan ng Hapunan. Ngunit ano ang ginawa ninyo?»

«At papaano si Lazarus? Si Lazarus ba ay talagang walang nalalaman na kahit ano? Pumunta kami sa kanya ngayong araw, sapagkat dumating siya nang maaga sa umaga, nag-alay siya ng kanyang sakripisyo at bumalik nang hindi man lamang tumigil sa kanyang mansiyon o pumunta sa Praetorium.  Sapagkat lagi siyang pumupunta roon, sinusunod ang isang kinaugalian ng kanyang ama. At, katulad ng Inyong nalalaman, si Pilato ay nasa bayan sa mga araw na ito...»

«Oo. Lahat sila ay naririto. Naririyan ang Roma: ang bagong Zion, kasama si Pilato. Nariyan ang Israel kasama si Caiaphas at si Herodes. Nariyan ang buong Israel, sapagkat ang Paskuwa ay naipon nito ang mga anak ng sambayanan na ito sa paanan ng altar ng Diyos... Nakita ba ninyo si Gamaliel?»

«Oo, nakita ko. Bakit Ninyo ako tinatanong? Kailangan ko siyang makita ulit bukas...»

«Si Gamaliel ay nasa Bethphage ngayong gabi. Alam Ko. Pagdating natin sa Gethsemane, pupunta ka kay Gamaliel at sabihin sa kanya: “”Malapit mo nang makita ang tanda na hinihintay mo sa loob ng dalawampu’t isang taon”. Wala nang iba pa. Pagkatapos babalik ka sa iyong mga kasamahan.»

«Ngunit papaano Ninyo nalalaman? O! aking Guro, aking kaawa-awang Guro, Na wala man lamang kahit ang kaginhawahan ng walang nalalaman tungkol sa mga ginagawa ng ibang mga tao!»

«Tama ka! Ang kaginhawahan ng walang nalalaman! Kaawa-awang Guro! Sapagkat ang mga gawang masasama ay mas marami kaysa sa mabubuting gawa. Ngunit nakikita Ko rin ang mabubuting gawa at Ako ay nagbubunyi sa kanila.»

«Kung gayon nalalaman Ninyo na...»

«Simon, ito ay ang oras ng Aking pasyon.  Upang ito ay magawang mas kumpleto, ang Ama ay inaalis sa Akin ang Kanyang liwanag, habang ito ay lumalapit. Bago magtagal magiging wala Ako bagkus kadiliman at ang kontemplasyon kung ano ang kadiliman: ibig sabihin, ang lahat na mga kasalanan ng mga tao. Hindi ninyo, wala sa inyo ang nakakaintindi. Wala, maliban sa tatawagin ng Diyos para sa espesyal na misyon na ito, ang makaiintindi sa pasyon na ito sa dakilang Pasyon, at sa dahilan na ang tao ay materyal  kahit na sa pagmamahal at pagninilay, may iiyak at maghihirap dahil sa paghahagupit at sa pagpapahirap sa Tagapagtubos, ngunit ang espirituwal na pagpapahirap na ito na siyang pinaka malupit na pagpapahirap, maniwala sa Akin kayong mga nakikinig, ay hindi masusukat... Kung kaya't magsalita, Simon. Gabayan mo Ako sa mga landas kung saan pumunta ang iyong pakikipagkaibigan alang-alang sa Akin, sapagkat Ako ay isang abang tao na nagiging bulag at nakakakita ng mga multo, hindi tunay na mga bagay...»

Si Juan ay niyayakap Siya at nagtanong: «Ano? Hindi na ba Ninyo nakikita ang Inyong Juan?»

«Nakikita kita. Ngunit ang mga multo ay tumataas mula sa mga usok ni Satanas. Mga bisyon ng masamang mga panaginip at mga kapighatian. Sa gabing ito tayong lahat ay nababalot sa loob ng mala-impiyernong singaw ito. Nagsisikap itong makalikha ng karuwagan, pagsuway at kapighatian sa Akin. Lilikha ito ng kabiguan at takot sa inyo. Sa ibang mga tao, na hindi matatakutin o kriminal, maghahatid ito ng dilingkuwensiya at takot. Sa iba, na mga pag-aari na ni Satanas, magtutulak ito patungo sa sobrenatural na kalisyaan. Sinasabi Ko ang ganito sapagkat ang kanilang perpeksiyon sa kasamaan ay magiging gayon na lalampasan nito ang mga pantaong posibilidad at makuha ang perpeksiyon na lagi nang sobrenatural. ¹⁰Magsalita, Simon.»

«Oo. Mula pa noong Martes wala na kaming ginawa bagkus ang umikot upang makakita, mapigilan, maghanap ng tulong.»

«At ano ang matagumpay na nagawa ninyo?»

«Wala. O napakakaunti.»

«At ang  kaunting iyan ay magiging “wala” kapag ang takot ay naparalisa ang inyong mga puso.»

«Nainis din ako kay Lazarus... Ito ay ang unang pagkakataon na ito ay nangyari sa akin... Ako ay nainis sapagkat siya ay tila naging tamad... Nakagawa sana siya ng aksiyon. Siya ay isang kaibigan ng Gubernador. Siya laging ang anak ni Theophilus! Ngunit si Lazarus ay tinanggihan ang bawat mungkahi ko. Iniwan ko siyang sinisigawan ko siya: “Sa palagay ko ikaw ay ang kaibigan ng siyang sinasabi ng Guro. Pinupuno mo ako ng takot!” at ayaw ko na muling bumalik sa kanya... Ngunit ngayong umaga nagpatawag siya para sa akin at sinabi niya: “Makapaniniwala ka pa ba na ako ang traydor?” Nakita ko na sina Gamaliel at Jose at si Chuza, si Nicodemus at si Manaen, at panghuli ang Inyong kapatid na si Jose... at hindi ko na maaaring paniwalaan iyon. Sinabi ko sa kanya: “Patawarin mo ako, Lazarus. Ngunit sa palagay ko ang isip ko ay mas sira na kaysa noong ako ay kondenado mismo” At ito ay ganito. Guro... ako ay hindi na ang aking sarili... Ngunit bakit Kayo ngumingiti?»

«Sapagkat pinatutunayan niyan ang Aking sinabi ngayun-ngayon lamang. Ang usok ni Satanas ay binabalot at binabalisa kayo. Ano ang sinabi ni Lazarus bilang tugon?»

«Sinabi niya: “Naiintindihan kita. Pumunta ka ngayon, kasama si Nicodemus. Kailangan ko kayong makita”. At pumunta ako, habang si Pedro ay pumunta sa mga Galilean. Sapagkat ang Inyong kapatid, na napakalayo, ay mas may alam pa kaysa sa amin. Sinasabi niya na siya ay napagsabihan nang di-sinasadya, nakikipagusap sa isang matagal nang kaibigan ni Alfeo at ni Jose, isang Galilean na nakatira malapit sa palengke.»

«O!... oo... Isang dakilang kaibigan ng pamilya...»

«Siya ay naroroon kasama si Simon at ang mga babae. Naroon din ang pamilya mula sa Cana.»

«Nakita Ko na si Simon.»

«Bueno, si Jose ay nasabihan ng kaibigan niyang ito, na isang kaibigan din ng isa ng taga-Templo, na naging kanyang kamag-anak sa parte ng babae, na nagpasya silang arestuhin Kayo, at sinabi niya kay Pedro: “Lagi ko na Siyang kinokontra. Ngunit ginawa ko iyon dala ng pagmamahal at habang malakas pa Siya. Ngunit ngayon Siya ay naging katulad na ng isang bata at isang biktima ng Kanyang mga kaaway, ako, isang kamag-anak na lagi sa Kanyang nagmamahal, ako ay kasama Niya. Katungkulan ko ito sa pamamagitan ng dugo at pagmamahal”.»

Si Jesus ay ngumingiti, pinakikita sa isang sandali ang payapang mukha ng malulugod na oras.

«At si Jose ay nagsabi kay Pedro: “Ang mga Pariseo ng Galilee ay masasama katulad ng lahat na mga Pariseo. Ngunit ang Galilee ay hindi lahat mga Pariseo. At maraming mga Galilean ang naririto na nagmamahal sa Kanya. Lumakad tayo at sabihan sila na magsama-sama upang ipagsanggalang Siya. Wala tayong iba bagkus mga kutsilyo. Ngunit ang mga pambambo rin ay mga armas kung ito ay ginagamit nang maayos. At kung ang mga tropa ng Romano ay hindi dumating, magugulpi natin ang duwag na maruming mga aso ng mga guwardiya ng Templo. At si Pedro ay sumama sa kanya. pansamantala pumunta ako kay Lazarus kasama si Nicodemus. Nagpasya kami na kumbinsihin si Lazarus na sumama sa amin upang buksan ang kanyang bahay upang makasama Kayo. Sinabi niya sa amin: “Kailangan kong sundin si Jesus at manatili ako rito. Upang maghirap nang mas doble...” Ito ba ay totoo?»

«Iyan ay totoo. Binigay Ko sa kanya ang utos na iyan.»

«Ngunit binigay niya sa akin ang mga espada. Sila ay sa kanya. Isa para sa akin, ang isa pa para kay Pedro.  Si Chuza ay ibig din akong bigyan ng ilang mga espada. Ngunit... ano ang silbi ng dalawang piraso ng asero laban sa buong mundo? Si Chuza ay hindi makapaniwala na ang Inyong sinasabi ay totoo. Isinusumpa niya na wala siyang nalalaman at na sa korte wala silang ibang iniisip bagkus ang kasiyahan ang kapistahan... Ang masaya at magulong pagsasaya katulad ng dati. Iyan kung bakit sinabihan niya si Johanna na mamahinga sa isa sa kanilang mga bahay sa Judaea. Ngunit si Johanna ay gustong manatili rito, nakakulong sa kanyang mansiyon, na tila siya wala roon. Ngunit hindi siya lalayo. Si Plautina, si Anne, si Nike, at ang dalawang binibining Romano ng sambahayan ni Claudia ay naninirahang kasama siya. Sila ay umiiyak, nagdarasal at ginagawa ang mga inosente na magdasal. Ngunit ngayon ay hindi panahon ng mga dasal. Panahon ito ng dugo. Nararamdaman ko ang “zealot” na nabubuhay sa akin at nananabik akong pumatay sa paghihiganti!...»

«Simon! Kung ginusto Kong ikaw ay mamatay bilang isang isinumpang kaluluwa, pinalaya sana kita sa iyong lagim!...» si Jesus ay napakahigpit.

«O! patawarin Ninyo ako, Guro... patawarin ako. Katulad ko ang isang nalasing na nahihibang na tao.»

«At ano ang sinasabi ni Manaen?»

«Si Manaen ay nagsasabi na ito ay hindi maaaring totoo, at kung ito ay totoo, na susundan niya Kayo sa bitayán.»

Gaano kayong lahat umaasa sa inyong mga sarili!...Gaanong pagmamalaki ang nasa tao! At ano sina Nicodemus at Jose? Ano ang nalalaman nila?»

Wala ng higit pa sa nalalaman ko. Minsan matagal na sa isang pagpupulong si Jose ay galit sa Sanhedrin, sapagkat tinawag niya silang mga mamamatay-tao dahil gusto nilang pumatay ng isang inosente, at sinabi niya: “Ang lahat ay ilegal dito. Tama Siya nang sinasabi Niya na may panunuklam sa bahay ng Panginoon. Ang altar na ito ay sisirain sapagkat ito ay nalapastangan”. Hindi nila siya pinagbabato, sapagkat siya ay si Jose. Ngunit magmula noon pinananatili nila siya sa kadiliman tungkol sa lahat. Tanging si Gamaliel at Nicodemus lamang ang nanatiling mapagkaibigan sa kanya. Ngunit ang una ay hindi nagsasalita. At ang huli... ni siya o si Jose ay hindi na pinatatawag sa Sanhedrin para sa totoong mahahalagang disisyon. Nagpupulong ito nang ilegal dito at doon, sa iba't ibang mga oras, dahil sa takot nila sa kanila at sa Roma. A! Nakakalimutan ko!... Ang mga pastol. Sila ay kasama ng mga Galilean din. Ngunit kakaunti kami! Kung si Lazarus ay nakinig lamang sa amin at pumunta sa Praetor! Ngunit ayaw niyang makinig sa amin... Iyan ang aming nagawa... Marami... at wala... at pakiramdam ko malungkot na malungkot ako na gustong kong umikot sa kabukiran umaalulong katulad ng isang asong-gubat, nagiging brutal sa paglalasing, pumapatay katulad ng isang mandarambong sa lansangan, kung upang maisigaw lamang ang idea na ito  na “ang lahat ay walang kabuluhan”, katulad ng sinabi ni Lazarus, katulad ng sinabi nina Jose at Chuza at Manaen at Gamaliel...» Ang Zealot ay tila hindi ang sarili niya...

«Ano ang sinabi ng rabbi?»

«Sinabi niya: “Hindi eksaktong nalalaman kung ano ang pakay ni Caiaphas. Ngunit sasabihin ko sa inyo na ang sinasabi ninyo ay inihula lamang para sa Kristo. At sa dahilan na hindi ko kinikilala ang Kristo sa propetang ito, wala akong makitang rason na mabalisa. Isang mabuting tao, isang kaibigan ng Diyos ay papatayin. Ngunit gaano karaming katulad Niya ang nainom ng Zion ang dugo?!” At sa dahilan na ipinipilit namin ang Inyong dibinong Kalikasan, may katigasang-ulo niyang inuulit: “Kapag makita ko ang tanda, maniniwala ako”. At nangako siya na hindi siya buboto para sa Inyong kamatayan at, sa kabaligtaran, kung posible susubukan niyang kumbinsihin ang iba na huwag Kayong ikundina. Iyan, at wala nang iba pa. Siya ay hindi naniniwala! Siya ay hindi maniniwala! Kung wala lamang sanang mangyayari hanggang bukas... Ngunit sinasabi Ninyo na hindi ito ganito. ¹¹O! anong gagawin natin?!»

«Pupunta kayo kay Lazarus at magsisikap kayong makadala ng marami hangga't maaari. Hindi lamang ang mga apostol.  Bagkus pati mga disipulo na makikita ninyong naglalagalag sa mga daan sa kabukiran. Tingnan ninyo kung makikita ninyo ang mga pastol at utusan sila na ganyan ang gawin. Ang bahay sa Bethany ay mahigit pa kailanman ang bahay sa Bethany, ang bahay ng may-kabaitan na ospitalidad. Ang mga walang lakas-ng-loob na harapin ang poot ng buong populasyon, ay kailangan na manilungan doon. At maghintay...»

«Hindi namin Kayo iiwanan.»

«Huwag maghiwa-hiwalay... Kung hatí, kayo ay magiging wala. Kung nagkakaisa, kayo ay magiging isang lakas pa rin. Simon, ipangako mo sa Akin iyan. Ikaw ay kalmado, tapat, nakapagsasalita ka at naiimpluwensiyahan mo kahit si Pedro. At mayroon kang malaking pananagutan sa akin. Pinaaalalahanan kita nito para sa unang pagkakataon, upang gawin kang masunurin. Tingnan, tayo ay nasa Kidron. Mula roon ikaw, isang ketongin, ay umakyat patungo sa Akin at umalis kang malinis na. Ibigay mo sa Akin iyon, para sa Aking binigay sa iyo. Ibigay sa Tao kung ano ang Aking binigay sa tao. Ako ang ketongin ngayon...»

«Hindi! Huwag Ninyong sabihin iyan!» sabi ng dalawang disipulo umuungol.

«Iyan ay ganyan! Si Pedro at ang Aking mga kapatid ay siyang magiging pinaka malungkot. Ang Aking Pedro ay mararamdaman na siya ay katulad ng isang kriminal at hindi magkakaroon ng kapayapaan. At ang Aking mga kapatid... Hindi sila magkakaroon ng lakas-ng-loob na tingnan ang kanilang ina at ang Akin... Ipinauubaya Ko sila sa iyo.

«At papaano ako, Panginoon, kanino ako pupunta? Hindi ba Kayo nag-iisip ng tungkol sa akin?»

«O Aking anak! Ikaw ay ipinagkakatiwala sa iyong pagmamahal. Iyan ay napakalakas na gagabayan ka niyan katulad ng isang ina. Hindi kita binibigyan ng utos o gabay. Iniiwan kita sa ibabaw ng mga tubig ng pagmamahal. Sila ay gayong isang kalmante at malalim na ilog sa loob mo, na hindi sila nagpapakita ng pagdududa sa Akin tungkol sa iyong kinabukasan. Simon, naintindihan mo ba? Mangako ka sa Akin, gawing mangako ka sa Akin!» Masakit na makita si Jesus na labis na nalulungkot... Siya ay nagpapatuloy: «Bago dumating ang iba pa! O! salamat sa iyo! Pagpalain ka nawa!»

Lahat sila ay nagsama-sama ulit sa isang grupo.

«Tayo ay maghiwalay na gayon. Pupunta Ako sa mas malayo pa, upang magdasal. Gusto Ko si Pedro, si Juan at si Santiago na kasama Ko. Kayo, manatili rito. Kung kayo ay matatabunan, tawagin kami. At huwag matakot. Ni hindi isang buhok ninyo ang masasaktan. Manalangin para sa Akin. Kalimutan ang poot ang takot. Ito ay magiging isang sandali lamang... at pagkatapos ito ay magiging puno ng lugod. Ngumiti. Na sana madala Ko ang inyong mga ngiti sa Aking puso. At sa muli, salamat sa inyo para sa lahat. Aking mga kaibigan. Paalam. Harinawang hindi kayo iwanan ng Panginoon...»

Si Jesus ay humiwalay sa Kanyang mga apostol at umuna na, habang si Pedro ay ginagawa si Simon na ibigay sa kanya ang sulô pagkatapos na ang huli ay sinindihan ito sa pamamagitan ng ilang resinosong tuyong maliliit na sanga, na umaapoy nang mamitik-mitik sa gilid ng taniman ng mga punong-olibo, nagkakalat ng amoy ng juniper. Nagpapalungkot sa akin na makita si Tadeo na sumusulyap nang mahigpit at namimighati kay Jesus, na ang Huli ay tumalikod upang tingnan kung sino ang tumitingin sa Kanya. Ngunit si Tadeo ay nagtago sa likuran ni Bartolomeo kinakagat ang kanyang mga labì upang pigilan ang kanyang sarili.

Sa pamamagitan ng Kanyang kamay si Jesus ay kumakaway, na isang pagpapalà at pagpapaalam din, at nagpatuloy sa Kanyang daan. Ang buwan, ngayon napakataas na, na ang liwanag nito pinaiikutan ang Kanyang mataas na pigura at tila ginagawa ito na maging mas mataas pa, maging espirituwal, ginagawang mas matingkad ang Kanyang pulang kasuutan at ang Kanyang ginintuang buhok mas maputla. Sa likuran Niya si Pedro hawak ang sulô at ang dalawang anak ni Zebedeo ay binibilisan ang kanilang mga hakbang.

Sila ay nagpapatuloy hanggang narating nila ang gilid ng unang pataas na lupa ng pangkabukiran na ampiteatro ng lootan ng mga olibo, na ang pasukán patungo rito ay ang isang maliit na alanganin na kapatagan, at ang mga hanay ng ilang umbok ng lupa pataas sa bundok ng mga punong-olibo. Si Jesus pagkatapos ay nagsabi: «Tigil, maghintay sa Akin dito, habang nagdarasal Ako. Ngunit huwag makatulog. Baka kailanganin Ko kayo. At, hinihingi Ko ito sa inyo dala ng karidad, magdasal! Ang inyong Guro ay namimighating-namimighati

Siya sa katunayan ay nasa isang kalagayan na ng matinding kalungkutan. Tila nakakatulad na Niya ang isa na hindi na makayanan ang dinadala. Nasaan na ngayon ang malusog na Jesus Na nagsalita sa mga pulutong, makisig, malakas, may mga mata ng isang naghahari, isang kalmanteng ngiti, isang magandang humahagunghong na tinig? Siya ay tila kinakapos na ng hininga. Katulad Niya ang isang katatakbo at kaiiyak pa lamang. Ang Kanyang tinig ay pagod at hapô. Malungkot, malungkot, malungkot...

Si Pedro ay tumugon sa katauhan ng lahat: «Huwag mag-alala, Guro. Mananatili kaming gisíng at nagdarasal. Ang tanging gagawin Ninyo ay ang tawagin kami, at kami ay darating.»

At si Jesus ay iniiwan sila, habang ang tatlo ay tumigil upang mag-ipon ng mga dahon at maliliit na sanga at magsindi ng isang maliit na apoy upang mapanatili silang gisíng, at bilang isang panlaban sa hamog na nagsisimula nang bumagsak nang maramihan.

Tumatalikod Siya sa kanila naglakad Siya nang pasilangan, upang ang buwan ay sumisinag sa Kanyang mukha. Nakikita ko na ang isang malalim na pamimighati ay pinalalaki pa nang lalo ang Kanyang mga mata, baka ito ay ang pangingitim ng mga mata gawa ng pagkapagod na siyang nagpapalaki sa mga ito, o baka ito ay ang mga anino ng mga kilay. Hindi ko alam. Alam ko na ang Kanyang mga mata ay mas buka at malalim. Siya ay umaakyat na ang Kanyang ulo nakatungo, tanging paminsan-minsan lamang itinataas Niya ito na may pagbuntung-hininga, na tila nahihirapan Siyang itaas ito at hinihingal, at pagkatapos titingin ang Kanyang mga mata, na mga napakalungkot, sa paligid ng mapayapang taniman ng mga olibo. Umakyat Siya nang kaunting mga metro, pagkatapos inikutan Niya ang isang umbok ng lupa na sa gayon ito ay nananatiling nasa pagitan Niya at ng tatlong apostol na naiwan sa ibaba.

Ang nakaumbok na lupa, mga ilang sentimetro ang taas sa simula, ay tumaas nang hanggang dalawang metro, upang napoprotektahan nito si Jesus nang ganap na hindi mapuna ng humigit kumulang mausyuso o mapagkaibigan na mga mata. Si Jesus ay nagpatuloy pa hanggang sa layo ng isang malaking bato, na sa isang punto ay nakaharang sa landas at maaaring inilagay doon upang masuportahan ang dalisdis na sa isang tabi ay mas matarik ang babá at walang tanim hanggang sa isang nangungulilang tambak ng mga labí na nasa unahan ng mga pader na sa kabila nito ay ang Herusalem, sa kabilang tabi ang lupa ay tumataas na may mas marami pang mga umbok ng lupa at mga punong-olibo. Ang isang punong-olibo, buhul-buhol at pilipilipit, ay paunda-undayo sa itaas mismo ng malaking bato. Nagmumukha itong isang kakaibang tandang-pananong, inilagay doon ng kalikasan upang magtanong ng ilang mga katanungan. Ang madahon na mga sanga sa tuktok nito ay sinasagot ang mga katanungan ng púno, kung minsan nagsasabing oo sa pagtungó sa lupa, kung minsan hindi, umuundayo ng kaliwa't kanan, sa magaan na ihip ng hangin, na tumatama sa mga sanga, at kung minsan dala ang amoy ng lupa, kung minsan ang mapait-pait na amoy ng mga punong-olibo, kung minsan ang magkahalong pabango ng mga rosas at mga liryo ng lambak, na ang isa ay mag-iisip kung saan ito nanggagaling. Sa ibayo ng maliit na landas at sa ibaba nito, ay mas marami pang mga punong-olibo at ang isa sa kanila, sa ilalim mismo ng bato, na nabuhay pa bagama't nahati ng kidlat, o nabiyak ng ibang pamamaraan na hindi ko alam, ay naging dalawang puno na nagmumukhang letrang V, na ang mga dahon ng isa ay makikita sa isang tabi ng bato at ang mga dahon ng kabila sa kabilang tabi, na tila ibig nitong makita o takpan ang bato nang sabay, o pumorma ng isang mapayapang malaplatang paanan ng bato.

agony in redSi Jesus ay tumigil doon. Hindi Niya tinitingnan ang bayan na makikita sa ibaba roon, lahat puti sa liwanag ng buwan. Sa kabaligtaran, tinalikuran Niya ito at Siya ay nananalangin na ang Kanyang mga kamay nakaunat nang pa-krus, ang Kanyang mukha nakatingala sa kalangitan. Hindi ko nakikita ang Kanyang mukha sapagkat ito ay nasa lilim, dahil ang buwan ay halos nasa tuktok ng Kanyang ulo, iyan ay totoo, ngunit naroon din ang makapal na kadahunan ng punong-olibo sa pagitan Niya at ng buwan, na nang may kahirapan lumalampas sa mga dahon na may maliliit na bilug-bilog at maninipis na sinag na walang tigil ang galaw. Isang mahabang marubdob na panalangin. Paminsan-minsan Siya ay nagbubuntung-hininga at bumibigkas ng isang salita nang mas malinaw. Ito ay ni hindi isang salmo o ang Ama Namin. Ito ay isang panalangin na bumubukal mula sa Kanyang pagmamahal at sa Kanyang pangangailangan. Isang tunay na pakikipagusap sa Kanyang Ama. Naiintindihan ko ito mula sa ilang mga salita na aking nasasagip: «Alam Ninyo... Ako ay ang Inyong Anak... Lahat, ngunit tulungan Ako... Ang oras ay dumating na... Hindi na Ako pag-aari ng Lupa. Itigil ang lahat na pangangailangan ng tulong para sa Inyong Salita... Gawin ang Tao na masiyahan Kayo bilang ang Tagapagtubos, katulad na ang Salita ay masunurin sa Inyo... Ayon sa ibig Ninyo... Hinihingi Ko sa Inyo na maawa sa kanila... Maililigtas Ko ba sila? Iyan ang Aking hinihingi sa Inyo. Ito ay gusto Ko: na sila ay mailigtas mula sa mundo, mula sa laman, mula sa dimonyo... Maaari ba Akong gumawa pa ng karagdagan na mga kahilingan? Ito ay isang makatarungan na tanong, Ama. Hindi para sa Aking Sarili. Para sa tao, na nilikha Ninyo, at na gustong dungisan din ang kanyang kaluluwa. Itatapon Ko ang duming iyan sa Aking kapighatian at sa Aking Dugo, upang ang walang-pagkabulok na esensiya ng espiritu, na kaaya-aya sa Inyo, ay sana maibalik sa dati... At ito ay nasa kahit saang lugar. Siya ang hari ngayong gabi. Sa maharlikang palasyo at sa mga bahay. Sa pagitan ng mga sundalo at sa Templo... Ang bayan ay puno nito, at magiging impiyerno bukas...»

Si Jesus ay tumalikod, Siya ay sumandal na ang Kanyang likod nasa bato at nilupi ang Kanyang mga kamay. Tinitingnan Niya ang Herusalem. Ang Kanyang mukha ay nagiging malungkot na malungkot pa. Siya ay bumulong: «Nagmumukha siyang katulad ng niyebe... at siya ay lahat kasalanan. At gaano karami ang Aking pinagaling sa kanya! Gaano karami ang Aking sinabi!... Nasaan ang mga naging tila tapat sa Akin?»

Si Jesus ay tinutungo ang Kanyang ulo at tinitingnang nakapirmi ang mga mata sa lupa na natatakpan ng maiikling damong nagniningning sa hamog. Ngunit bagama't ang Kanyang ulo ay nakatungo, naintindihan ko na Siya ay umiiyak, sapagkat ang ilang mga luha ay nagniningning kapag bumabagsak mula sa Kanyang mukha sa lupa. Pagkatapos Kanyang tiningala ang Kanyang ulo, pinalibre Niya ang Kanyang mga kamay, pinagkabit ito sa ibabaw ng Kanyang ulo, inaalog ito habang magkakabit.

Pagkatapos Siya ay lumakad papalabas. Pumunta Siya ulit sa tatlong mga apostol, na mga nakaupo sa paligid ng maliit na sigà ng maliliit na sanga. At natagpuan Niya sila na halos natutulog na. Si Pedro ay nakasandal na ang kanyang likod nasa katawan ng isang punungkahoy, at, na ang kanyang mga kamay magkasama sa kanyang dibdib, siya ay tumatango sa unang kaantukan ng masarap na tulog. Si Santiago ay nakaupo, kasama ang kanyang kapatid, sa ibabaw ng isang malaking ugat na nakausli mula sa lupa at kung saan inilatag nila ang kanilang mga manta upang hindi maramdaman nang labis ang kagaspangan nito, at bagama't sila ay hindi kasing komportable katulad ni Pedro, sila rin ay naidlip na. Si Santiago ay naipatong ang kanyang ulo sa balikat ni Juan, na naisandal ang kanyang ulo sa ulo ng kanyang kapatid, na tila ang kaantukan ay napatigas ang kanilang katawan sa gayong tayò.

«Natutulog ba kayo? Hindi ba ninyo nagawang manatiling gising kahit isang oras man lamang? At labis Kong kailangan ang inyong pagpapagínhawa at ang inyong mga panalangin!»

Ang tatlo ay nagising na nagulat at lubos na nalilito. Kinukuskos nila ang kanilang mga mata. Bumubulong sila ng dahilan, sinisisi na hindi sila natunawan ng kanilang kinain bilang ang dahilan ng kanilang antok: «Ito ay ang alak... ang pagkain... Ngunit mamaya lamang ito ay wala na. Ito ay sandali lamang. Hindi kami nakaramdam na mag-usap-usap, at iyan kung bakit kami nakatulog. Ngunit ngayon magdadasal kami sa malalakas na tinig at hindi na ulit ito mangyayari.»

«Oo. Magdasal at maging alerto. Alang-alang din sa inyo.»

«Oo, Guro. Susundin namin Kayo.»

Si Jesus ay umalis muli. Ang buwan, ngayon sumisinag sa Kanyang mukha nang mas matingkad sa malaplatang liwanag nito, na nagagawa ang Kanyang pulang damit na magmukhang maputla at maputla pa, na tila nagbubudbod ang buwan ng puting makinang na alikabok dito, ay pinakikita sa akin ang Kanyang malungkot, namimighati, tumandang mukha. Ang Kanyang mga mata ay malaki pa rin, ngunit ito ay tila nalalabuan. Ang Kanyang bibig ay tabingì sa kapaguran.

Bumalik Siya sa Kanyang bato nang mas dahan-dahan at mas yumuyuko. Lumuhod Siyang pinapatong ang Kanyang mga kamay sa bato, na hindi makinis, bagkus sa kalahatian ng taas nito ito ay may nakaumbok na bahagi, na tila ito ay inilagay nang sadya, at ang isang maliit na tanim ay tumubo rito. Sa palagay ko ito ay isang tanim ng maliliit na bulaklak na iyon, katulad ng mga liryo, na nakita ko rin sa Italia, na may maliit na medyo malaman na mga dahon, pabilog ngunit may uka-ukang mga gilid, at may maliliit na bulaklak sa napakanipis na mga tangkay. Ipinatong ni Jesus ang Kanyang mga kamay malapit dito, at ang maliliit na bulaklak ay kinikiliti ang Kanyang pisngi, sapagkat naipatong Niya ang Kanyang ulo sa Kanyang magkakabit na mga kamay malapit dito at Siya ay nagdarasal. Pagkaraan nang kaunti naramdaman Niya ang kalamigan ng maliliit na korola nito at itinaas Niya ang Kanyang ulo. Tinitingnan Niya sila. Hinahaplos Niya sila. Siya ay nagsasalita sa kanila: «Naririto rin kayo!... Napagiginhawahan ninyo Ako! Ang maliliit na bulaklak na ito ay nasa maliit na gruta rin noon ng Aking Ina... at minamahal Niya sila sapagkat madalas Niyang sabihin: “Noong Ako ay isang maliit na bata pa, ang Aking ama ay madalas sabihin: “Ikaw ay isang maliit na liryo katulad nito at Ikaw ay ganap na puno ng makalangit na hamog”... Aking Ina! O! Aking Ina!» Siya ay napaiyak. Ang Kanyang ulo nasa ibabaw ng Kanyang magkakabit na mga kamay, medyo nakasandal sa Kanyang mga buol, nakikita ko at naririnig ko Siyang umiiyak, habang ang Kanyang mga kamay ay pinipisil ang Kanyang mga daliri pinahihirapan ito. Narinig ko Siyang nagsabi: «Sa Bethlehem din... at dinala Ko sila sa Inyo, Inay. Ngunit ang mga ito, sino ang magdadala sa kanila sa Inyo ngayon?...»

Pagkatapos nagpatuloy Siya sa pagdarasal at sa pagninilay-nilay. Ang Kanyang pagninilay-nilay ay maaaring totoong napakalungkot, puno ng hapdi kaysa kalungkutan, sapagkat, upang maiba ang Kanyang atensiyon, Siya ay tumayo, lumakad Siya nang paatras at paharap, bumubulong ng mga salita na hindi ko masagip, itinataas ang Kanyang mukha, pagkatapos ibababa ito, pakaway-kaway, kinukuskos ang Kanyang mga mata at Kanyang mga pisngi sa pamamagitan ng mekanikal na balisang mga paggalaw ng Kanyang mga kamay, sinusuklay ng Kanyang mga daliri ang Kanyang buhok, na tipikal sa isang nasa matinding paghihirap ng kalooban. Gumawa Siya ng mga paggalaw patungo sa Herusalem. Pagkatapos nagsimula Siyang itaas ang Kanyang mga kamay muli patungo sa kalangitan, na tila gusto Niyang manawagan ng tulong.

Inalis Niya ang Kanyang manta, na tila naiinitan Siya. Tinitingnan Niya ito... Ngunit ano ang nakikita Niya? Ang Kanyang mga mata ay walang nakikita bagkus ang pagpapahirap sa Kanya, at ang lahat ay nagsisilbing pampalaki sa pagpapahirap na iyon. Kahit na ang manta na hinabi ng Kanyang Ina. Hinahalikan Niya ito at nagsabi: «Patawarin Ninyo Ako, Inay! Patawarin Ako!» Tila nakikiusap Siya sa tela na inikid at hinabi ng makainang pagmamahal... Isinuot Niya itong muli. Siya ay isang biktima ng panliligalig. Gusto Niyang magdasal upang makalabas sa Kanyang kalagayan. Ngunit ang mga ala-ala, alalahanin, mga pagdududa, mga ikinalulungkot ay bumabalik sa Kanya kasama ng Kanyang panalangin... Ito ay isang pagdagsa ng mga pangalan... mga bayan... mga tao... mga pangyayari... Hindi ko Siya masundan sapagkat mabilis Siya at palipat-lipat. Ang Kanyang pag-eebanghelyong pamumuhay ang dumaraan sa harapan Niya... at dinadala si Judas, ang traydor, pabalik sa Kanya.

Ang hapdi sa loob Niya ay gayon na, upang malabanan ito, isinigaw Niya ang mga pangalan ni Pedro at ni Juan. At sinabi Niya: «Darating na sila ngayon. Sila ay totoong tapat!» Ngunit “sila” ay hindi dumarating. Tinatawag Niya silang muli. Siya ay tila nahihintakutan, na tila nakakita Siya ng kung ano na hindi alam.

Tumakbo Siya nang mabilis patungo sa lugar na kinaroroonan ni Pedro at ng dalawang magkapatid. At natagpuan Niya silang komportablengsleeping apostle natutulog sa paligid ng ilang mga dupong, na ngayon ay namamatay na at nagpapakita na lamang ng ilan-ilang pulang paekis-ekis sa pagitan ng mga abo. «Pedro! Tinawag kitang tatlong beses! Ano ang ginagawa mo? Natutulog ka pa rin? Hindi mo ba nababatid kung gaano Ako naghihirap? Magdasal. Na sana ang laman ay hindi magtagumpay, na hindi sana kayo nito matalo. Wala sa inyo. Kung pumapayag ang espiritu, ang laman ay mahina. Tulungan Ako...»

Ang tatlo ay gumigising nang mas unti-unti, ngunit sila ay naging matagumpay man lamang, at nang may nalalabuang mga mata sila ay humihingi ng paumanhin. Sila ay tumayo, nauupo muna sa simula at pagkatapos tumayo.

«Sumpong lamang!» bulong ni Pedro. «Ito ay hindi kailanman nangyari sa amin! Maaaring ito ay gawa noong alak. Iyon ay malakas. At gawa rin ng malamig na ere na ito. Tinakpan namin ang aming sarili upang hindi namin ito maramdaman (sa katunayan tinakpan din nila ang kanilang mga ulo ng kanilang manta), hindi na namin nakita ang apoy, hindi na kami giniginaw, kung gayon nakatulog kami. Sinabi ba Ninyo na tinawag Ninyo kami? gayunpaman ako ay tila hindi tulog na tulog... Halika na Juan, mamulot tayo ng ilang maliliit na sanga, tayo ay kumilos. Maya-maya lamang mulat na mulat na tayo. Huwag mag-alala, Guro, sapagkat ngayon!... Kami ay tatayo...» at nagtatapon siya ng ilang mga tuyong dahon sa mga dupong, at hinihipan niya ito hanggang ang apoy ay nabuhay muli, at inaasikaso niya ang apoy sa pamamagitan ng mga palumpong na dinala ni Juan, habang si Santiago ay nagdadala ng isang malaking sanga ng juniper, o ng katulad na tanim, na kanyang pinutol mula sa isang palumpong sa malapit, at dinadagdag niya ito sa iba pa.

Ang apoy ay lumiliyab nang masaya, naliliwanagan ang kaawa-awang mukha ni Jesus. Isang mukha na totoong napakalungkot na hindi ito matitingnan ng isa na hindi iiyak. Ang lahat na kaningningan ng mukhang iyon ay nakansela ng isang nakamamatay na kapaguran. Sinabi Niya: «Nararamdaman Ko ang isang hapdi na pumapatay sa Akin! O! Oo! Ang Aking kaluluwa ay malungkot hanggang pati sa kamatayan. Aking mga kaibigan!... Aking mga kaibigan!» ngunit kahit na kung ito ay hindi Niya sinabi, ang Kanyang hitsura ay magagawa ang isa na maintindihan na Siya ay totoong katulad ng isang tao na malapit nang maputulan ng hininga, at sa loob ng napaka nakalulungkot at nakapangungulilang kalagayan. Ang bawat salita ay katulad ng tunog ng isang hikbi...

Ngunit ang tatlo ay napabibigatan nang husto ng antok. Sila ay tila halos lasing, labis na sila ay sumusuray na ang kanilang mga mata medyo sarado... Si Jesus ay tinitingnan sila... Hindi Niya sila hinihiya na sila ay kagalitan. Iniiling Niya ang Kanyang ulo, nagbubuntung-hininga at umalis patungo sa Kanyang dating kinalalagyan.

Siya ay nananalangin muli nakatayo, na ang Kanyang mga kamay nakaunat nang pa-krus. Pagkatapos lumuhod, katulad kanina, ang Kanyang mukha nakayuko sa maliliit na bulaklak. Siya ay nag-iisip. Tahimik... Pagkatapos nagsimula Siyang dumaing at humikbi nang malakas, halos nakapatirapa, labis ang Kanyang pagpahingalay sa Kanyang mga sakong Tinatawag Niya ang Kanyang Ama, nananabik pa nang nananabik....

«O!» sinabi Niya. «Ang kalis na ito ay napakapait! Hindi! Hindi! Ito ay mahigit pa sa Aking makakayanan. Nagawa Kong batahin ang lahat! Ngunit hindi ito... Ama, ilayo ito sa Inyong Anak! Maawa sa Akin!... Ano ang Aking nagawa upang marapatin ito?» Pagkatapos pinigilan Niya ang Kanyang Sarili at nagsabi: «Ngunit, Ama, huwag makinig sa Aking tinig, kung ang Aking hinihingi ay laban sa Inyong kalooban. Huwag alalahanin na Ako ay Inyong Anak, bagkus lingkod lamang Ninyo. Mangyari ang Inyong kalooban, hindi ang Akin.»

Siya ay nananatiling gayon nang matagal-tagal. Pagkatapos isinigaw Niya ang isang pigíl na sigaw at itinataas ang Kanyang mukha, nagmumukhang balisang-balisa. Sa loob lamang ng isang sandali, pagkatapos bumagsak Siya sa lupa, na ang Kanyang mukha talagang nasa lupa, at nananatiling ganito. Isang gastadong tao na napabigatan nang labis ng lahat ng mga kasalanan ng mundo, nahampas ng lahat ng Hustisya ng Ama, sinisiil ng kadiliman, ng mga abo, ng kapaitan, ng malubha, terible, labis na nakapanghihilakbot na bagay na siyang ang pag-abandona ng Diyos, habang si Satanas ay pinahihirapan tayo... Ito ay ang aspiksiya ng kaluluwa, na ililibing nang buhay sa kulungan na ito na siyang ang mundo, kung kailan hindi na natin mararamdaman ang kahit anong kaugnayan sa pagitan natin at ng Diyos, ito ay tatanikalaan, bubusalan, babatuhin ng mga pinaka-panalangin natin mismo, na bumabalik sa atin muli nangangalisag sa matutulis na panusok at may kalat na apoy, ito ay upang sumunggab sa nakasarang Langit, na ni ang tinig o ang hitsura ng ating pamimighati ay hindi makalalagos, ito ay upang ang maging “mga ulila ng Diyos”, ito ay kabaliwan, aguniya, ang pagdududa bilang napaglinlangan magpahanggang ngayon, ito ay ang pangungumbinsi ng bilang tinanggihan ng Diyos, ng bilang isinumpa. Ito ay impiyerno!...

O! alam ko! at hindi, talagang hindi ko matatagalan ang tanawin ng malupit na paghihirap ng aking Kristo, nababatid na ito ay isang milyon na mas nakapangingilabot kaysa sa kirot na umubos sa akin nang nakaraang taon at nagpapabalisa pa rin sa akin, kapag iniisip ko ito...

Si Jesus ay dumaraing, bilang nasa Kanyang lalamunan ang paghihingalo at humihikbi katulad ng isang nasa pag-aaguniya: «Wala!... Wala!... Layò!... Ang kalooban ng Aking Ama! Ang Kanyang kalooban! Tanging ang Kanyang kalooban lamang!... Ang Inyong kalooban, Ama. Ang Inyo, hindi ang Akin... Walang kabuluhan. Ako ay may bagkus isang Panginoon: Ang Kabanalbanalang Diyos. Isang Batas: pagsunod. Isang pagmamahal: pagtubos... Hindi. Ako ay wala nang isang Ina. Ako ay wala nang buhay pa. Ako ay wala nang dibinidad pa. Ako ay wala nang isang misyon. Walang kabuluhan na tinutukso mo Ako, dimonyo, sa pamamagitan ng Aking Ina, ng Aking buhay, ng Aking dibinidad at ng Aking misyon. Ang sangkatauhan ay ang Aking Ina at mahal Ko ito hanggang sa sukdulan na mamatay para dito.  Ibinabalik Ko ang Aking buhay sa Kanya Na nagbigay sa Akin nito at siyang humihingi muli mula sa Akin nito ngayon, ang Kataastaasang Guro ng lahat na nabubuhay na mga nilikha. Pinaninindigan Ko ang Aking Dibinidad, dahil magagawa nito ang pagbabayad-sala na ito. Tinutupad Ko ang Aking misyon sa pamamagitan ng Aking kamatayan. Wala Akong iba pa, bagkus ang gawin ang kalooban ng Panginoong Aking Diyos. Lumayas, Satanas! Iyan ang Aking sinabi noong una at sa ikalawang beses. Inuulit Ko ito sa ikatlong beses: “Ama, kung ito ay maaari, gawing lampasan Ako ng kalis na ito. Ngunit gawing mangyari ang Inyong kalooban, hindi ang Akin”. Lumayas, Satanas. Ako ay pag-aari ng Diyos.»

Pagkatapos Siya ay hindi na ulit nagsasalita maliban ang sabihin, humihingal: «Diyos! Diyos! Diyos!», tinatawagan Niya Siya sa bawat tibok ng puso, at sa bawat tibok ang dugo ay tila dumadaloy papalabas sa Kanya. Ang tela sa Kanyang mga balikat ay nabababad dito at nagiging maitim, sa kabila na ang maliwanag na liwanag ng buwan ay pinaliliwanag ito nang ganap.

Ang isang matingkad na liwanag ay lumitaw sa itaas ng Kanyang ulo, nakabitin nang mga isang metro sa itaas Niya, ito ay napaka tingkad na kahit ang Nakapatirapang Guro ay makikita itong lumalampas sa Kanyang kulot na buhok, at kahit pa man na may dugong nagtatakip sa Kanyang mga mata. Itinaas Niya ang Kanyang ulo... Ang buwan ay sumisinag sa Kanyang kaawa-awang mukha, at mas matingkad pang nagniningning ang mala-anghel na liwanag, na nakakatulad ang puting-asul na diyamante ng bituing Venus. At ang lahat na nakapangingilabot na aguniya ay lumitaw sa dugo na tumatagos sa maliliit na butas ng balat. Ang Kanyang mga pilikmata, buhok, bigote, balbas ay may wisik at natatakpan ng dugo. Ang dugo ay pumapatak mula sa Kanyang mga sentido, ang dugo ay bumubukal mula sa mga ugat ng angel comforts jesusKanyang leeg, ang Kanyang mga kamay ay may tumutulong dugo, at noong inaabot ng Kanyang mga kamay ang mala-anghel na liwanag at ang mga manggas ng Kanyang damit ay lumislis patungo sa Kanyang mga siko, makikita ang mga braso ng Kristo na pinagpapawisan ng dugo. Tanging ang Kanya lamang mga luha ang gumuguhit sa mapulang maskara ng Kanyang mukha.

Inalis Niyang muli ang Kanyang manta at pinupunasan ang Kanyang mga kamay, mukha, leeg at mga braso. Ngunit ang Kanyang pamamawis ay nagpapatuloy. Idinidiiin Niya ang Kanyang manta sa Kanyang mukha nang makailang beses, pinananatili itong nakadiin ng Kanyang mga kamay, at sa tuwing binabago Niya ang pusisyon nito, malinaw na mga impresyon ang makikita sa madilim na pulang tela, at sa dahilan na ito ay basà, sila ay tila itim. Ang damo sa lupa ay mapula sa dugo.

Si Jesus ay tila nasa punto na himatayin. Kinakalag Niya ang tali ng Kanyang tunika, na tila ang pakiramdam Niya Siya ay kinakapos sa hangin. Nilagay Niya ang Kanyang kamay sa Kanyang puso at pagkatapos sa Kanyang ulo at kinakaway Niya ito sa harapan ng Kanyang mukha, na tila gusto Niyang paypayan ang Sarili, na ang Kanyang bunganga medyo nakabuka. Hinila Niya ang Kanyang Sarili patungo sa bato, ngunit mas malapit sa gilid ng nakaumbok na lupa, at Siya ay sumandal dito, ang Kanyang mga kamay nakalaylay sa Kanyang mga panabi, na tila Siya ay patay na, ang Kanyang ulo nakatungo sa Kanyang dibdib. Siya ay hindi na gumagalaw.

Ang anghelikal na liwanag ay unti-unting naglalaho. Maya-maya tila naglalaho ito sa maliwanag na sinag ng buwan. Si Jesus ay binukas muli ang Kanyang mga mata. Itinaas Niya ang Kanyang ulo nang may kahirapan. Tumitingin Siya sa paligid. Siya ay ang-iisa. Ngunit Siya ay hindi na masyadong nagdadalamhati. Inuunat Niya ang Kanyang isang kamay. Inilalapit Niya sa Kanyang Sarili ang manta na iniwan Niya sa damo at pinupunasan Niyang muli ang Kanyang mukha, mga kamay, leeg, balbas at buhok. Kumuha Siya ng isang malaking dahon, na tumubo sa gilid ng nakaumbok na lupa, at basang-basa ng hamog, at nagpapatuloy Siya sa paglinis sa Kanyang Sarili sa pamamagitan nito, binabasa ang Kanyang mukha at mga kamay at pagkatapos pinatutuyo Niya muli ang Sarili. At ganito rin ang Kanyang ginagawa makailang beses sa pamamagitan ng ibang mga dahon, hanggang naalis Niya ang mga bakas ng Kanyang nakapangingilabot na pawis. Tanging ang Kanya lamang tunika ang may mantsa, lalo na ang mga balikat at sa mga lupi ng siko, sa leeg, baywang ang mga tuhod. Tinitingnan Niya ito at inaalog ang Kanyang ulo. Tinitingnan din Niya ang Kanyang manta. Ngunit nakikita Niya na ito ay masyadong namantsahan. Nilupi Niya ito at inilapag sa ibabaw ng bato, kung saan naporma itong isang kuna malapit sa mga bulaklak.

Nang may kahirapan, dahil sa kahinaan, Siya ay tumalikod at lumuhod. Siya ay nananalangin nakasandal ang Kanyang ulo sa Kanyang manta, kung saan naipatong na Niya ang Kanyang mga kamay. Pagkatapos tumutuon sa bato Siya ay tumayo, at sumusuray pa nang kaunti, pumunta Siya sa mga disipulo. Ang Kanyang mukha ay maputlang-maputla. Ngunit hindi na ito balisa. Ito ay isang mukha puno ng dibinong kagandahan, bagama't ito ay nakapangingilabot na maputla at labis na mas malungkot kaysa karaniwan.

Ang tatlo ay natutulog nang mahimbing, ganap na nakabalot sa kanilang mga manta, nakahigang malapit sa apoy, na namatay na. Maririnig silang humihinga nang malalim habang nagsisimula silang humalik nang malakas.

Si Jesus ay tinatawag silang walang mangyari. Kinailangan Niyang yumuko upang yugyugin si Pedro nang malakas.

«Ano iyon? Sino ang umaaresto sa akin?» ang apostol ay nagtatanong habang sumusulpot mula sa kanyang madilim na berdeng manta tumitingin nang natataranta at natatakot.

«Wala. Ako ito na tumatawag sa iyo.»

«Umaga na ba?»

«Hindi. ngayon ay halos katapusan na ng ikalawang pagbabantay.»

Si Pedro ay ganap na wala sa kanyang sarili.

Si Jesus ay niyuyugyog si Juan, na napapasigaw sa takot noong makita niya ang mukha ng isang multo – ito ay kasing puti ng marmol – yumuyuko sa kanya. «O!... Nagmumukha Kayong patay sa akin!» Inuuga Niya si Santiago, na, iniisip na ang kapatid niya ay tinatawag siya, nagsabi: «Inaresto na ba nila ang Guro?»

«Hindi pa, Santiago» tugon ni Jesus. «Ngunit bangon na, ngayon, at umalis na tayo. Siya na magtataksil sa Akin ay malapit na.»

Ang tatlo, inaantok pa, ay tumayo. Tumitingin sila sa kapaligiran... Mga punong-olibo, ang buwan, ang mga ruwinsensor, isang magaan na ihip ng hangin, kapayapaan... Wala nang iba pa. Ngunit sumusunod sila kay Jesus nang hindi nagsasalita.

Ang walo rin ay humigit kumulang tulog sa paligid ng isang apoy na namatay na. «Bangon!» utos ni Jesus sa isang kumukulog na tinig. «Dahil si Satanas ay dumarating, ipakita sa kanya, na hindi natutulog, at sa kanyang mga anak, na ang mga anak ng Diyos ay hindi tulog!»

«Oo, Guro.»

«Nasaan siya, Guro?»

«Jesus, ako...»

«Ngunit ano ang nangyari?»

At sa gitna ng nagkahalong mga tanong at mga sagot sinusuot nilang muli ang kanilang mga manta...

Nasa tamang oras lamang upang lumabas na nasa ayos sa mga guwardiya na pinangungunahan ni Judas, habang sila ay sumusulpot sa maliit na liwasan pinaliliwanagan ito nang nakakatakot sa pamamagitan ng maraming mga sulô. Ito ay isang pangkat ng mga bandido nagbabalatkayong mga sundalo, na nagmumukhang mga dating preso at ngumingiting katulad ng mga dimonyo. Mayroon ding isang kakatuwang kampeon ng Templo.

Ang lahat na mga apostol ay nagpuntahan sa isang sulok. Si Pedro nasa harapan, ang iba nasa likuran niya sa isang grupo. Si Jesus ay nananatili sa Kanyang kinaroroonan.

Si Judas ay nilalapitan si Jesus, tinitiis ang tingin ng Kanyang mga mata, na naging ang kumikislap na mga mabetrayalta ng Kanyang pinakamagagaling na araw. At ni hindi rin niya binababa ang kanyang mukha. Sa kabaligtaran, nilalapitan niya ang Guro nang may ngiti ng isang ayena at hinahalikan ang Kanyang kanang pisngi.

«Aking kaibigan, ano ang ipinunta mo rito? Pinagtataksilan mo ba Ako sa pamamagitan ng isang halik?»

Si Judas ay iniyuyuko ang kanyang ulo nang sandali, pagkatapos itinataas ito... manhid sa paninita katulad sa bawat paanyaya na magsisi.

Si Jesus, pagkatapos ng unang mga salita na binigkas nang may mahestad ng isang Guro, ay nagsasalita sa nakalulungkot na tono ng isang kusang ipinapailalim ang sarili sa isang kasawiang-palad.

Ang mga guwardiya, sumisigaw, ay lumapit na may mga lubid at mga pamukpok at nagsisikap na mahawakan hindi lamang ang Kristo, bagkus pati ang mga apostol, maliban kay Judas Iskariote, siyempre.

«Sino ang inyong hinahanap?» tanong ni Jesus nang kalmante at solemne.

«Si Jesus ang Nazareno.»

«Ako Siya.» Ang Kanyang tinig ay parang kulog. Sa harapan ng mamamatay-tao na mundo at ng inosenteng mundo, sa harapan ng kalikasan at ng mga bituin, si Jesus ay pinaáabot ang maliwanag, tapat, tiyak na saksi sa Kanyang Sarili, sasabihin ko na Siya ay masaya na maipaabot ito.

Ngunit, kung isang kulog ang Kanyang pinarating, hindi na ito nangangailangan ng iba pa. Lahat sila ay bumagsak sa lupa katulad ng ginapas na mga trigo. Walang natirang nakatayo maliban kay Judas, kay Jesus at sa mga apostol, na nagkaroon ng panibagong lakas ng loob sa pagkakita sa napanaigan na mga sundalo, upang nagawa nilang malapitan si Jesus, binabantaan si Judas nang maliwanag na ang huli ay napaiktad sa tamang oras upang maiwasan ang mahusay na bigwas ni Pedro ng espada ni Simon. Walang magawa ang pagpaparating ng mga bato at mga kahoy na itinatapon kay Judas ng mga apostol na di-armado ng mga espada, na si Judas ay nakatakas sa kabila ng Kidron at nawala sa paningin sa loob ng isang madilim na daanan.

«Tumayo. Sino ang inyong hinahanap? Tinatanong Ko kayong muli.»

«Si Jesus ang Nazareno.»

«Sinabi Ko na sa inyo na Siya ay Ako» sabi ni Jesus nang may-kabaitan. «Kung kaya't pabayaan na makaalis ang ibang ito. Sasama Ako. Alisin ang mga espada at mga pamukpok. Ako ay hindi isang bandido. Ako ay laging naging nasa pagitan ninyo. Bakit hindi ninyo Ako inaresto noon? Ngunit ito ay oras ni Satanas at ninyo...»

Ngunit, habang Siya ay nagsasalita. Si Pedro ay nilalapitan ang lalaki na siyang humahawak ng mga lubid na ipanggagapos kay Jesus at binigyan siya ng isang asiwang bigwas ng kanyang espada. Kung tinamaan niya siya ng dulo ng espada, namatay sana siyang katulad ng isang tupa. Samantalang ang tanging nagawa niya ay ang matapyas ang bahagi ng kanyang tainga na nananatiling nakabitin dumurugo nang labis. Ang lalaki ay sumisigaw na siya ay patay na. Nagkaroon ng kaguluhan sapagkat ang ilan ay gustong lumapit, habang ang iba ay natatakot nakikita ang mga espada at mga punyal na kumikinang. «Alisin ang mga armas na iyan. Inuutusan Ko kayo na gawin iyan. Kung ginusto Ko, matatawag Ko ang mga anghel ng Ama upang maipagsanggalang Ako. At ikaw, gumaling. Sa iyong kaluluwa una sa lahat, kung magagawa mo.» At bago iabot ang Kanyang mga kamay upang maigapos, hinihipo Niya ang tainga at pinagaling ito.

Ang mga apostol ay sumisigaw nang masagwa... Oo, nalulungkot ako na kailangan kong sabihin ang ganito, ngunit iyan ang katotohanan. Ang iba ay nagsasalita ng isang bagay, ang iba iba naman. Ang iba sumisigaw: «Pinagtaksilan Ninyo kami!», at ang iba: «Siya ay baliw!», at ang iba ay nagsasabi: «At sino ang makapaniniwala sa Inyo?» At ang iba na hindi sumisigaw ay tumatakbo...

At si Jesus ay naiwan nang nag-iisa... Siya at ang mga guwardiya. At ang Kanyang daan ay nagsisimula...

--------------------

Pebrero 15, 1944.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

Pinagnilayan mo ang mga paghihirap sa Aking espirituwal na aguniya noong Huwebes ng gabi. Nakita mo ang iyong Jesus na hinimatay katulad ng isang tao na hinampas nang grabe, na nararamdaman na ang kanyang buhay ay nawawala sa pamamagitan ng mga sugat na umuubos ng kanyang dugo, o katulad ng isang tao na napangibabawan ng isang trauma sa isip na humihigit sa kanyang lakas. Nakita mo ang lumalaking mga yugto ng trauma na nagtatapos sa pagbukal ng dugo dala ng pagkasira ng balanse sa pag-iikot ng dugo dahil sa pagsisikap na mapigilan ang Aking Sarili at makayanan ang pabigat na bumagsak sa Akin.

Ako noon, Ako sa kasalukuyan, ang Anak ng Kataastaasang Diyos. Ngunit Ako rin noon ang Anak ng tao. Gusto Kong ang dobleng kalikasan Kong ito, na magkapantay na kumpleto at perpekto, na lumitaw nang maliwanag mula sa mga pahinang ito.

Ang Aking salita, na may mga punto ng pananalita na tanging ang isang Diyos lamang ang magkakaroon, ay sumasaksi sa Aking Dibinidad. Ang Aking mga pangangailangan at mga pagdurusa, at ang mga paghihirap na Aking pinakikita sa iyo at ipinaghirap Ko sa Aking laman ng isang totoong tao, at na Aking minumungkahi sa inyo bilang isang halimbawa para sa inyong pagkatao, katulad na itinuturo Ko sa inyong mga espiritu ang Aking Doktrina ng totoong Diyos, ay sumasaksi sa Aking Pagiging-tao.

Kapwa ang Aking kabanalbanalang Dibinidad at ang Aking pinakaperpektong Katauhan, sa pagdaan ng mga panahon, sa pamamagitan ng pagkasirang pangyayari ng “inyong” pagiging-tao, ay nagresultang nahamak at napilipit sa pagpapaliwanag sa mga ito. Nagawa ninyong lumabas ang Aking Pagkatao na hindi tunay, di-makatao, katulad na nagawa ninyo ang Aking dibinong pigura na magmukhang maliit, tinatanggihan ang napakaraming mga bahagi nito, sapagkat hindi maalwan para sa inyo na kilalanin sila o na hindi na makilala ng inyong mga espiritu na napahina ng unti-unting pampahina ng bisyo at ng ateismo, ng humanism, ng rationalism.

Ako ay dumarating sa matrahedyang oras na ito, isang maagang tanda ng pansansinukuban na mga kasawiang-palad, upang tawaging pabalik sa inyong mga isip ang Aking dobleng pigura ng Diyos at ng Tao, upang sana malaman ninyo kung para saan ito, makilala sana ito pagkatapos ng labis na obskurantismo, na sa pamamagitan nito naitago ninyo ito mula sa inyong mga espiritu, at sana mamahal ninyo ito at bumalik dito at mailigtas ang inyong mga sarili sa pamamagitan nito. Ito ay ang pigura ng inyong Tagapagligtas at siya, na nakikilala ito at minamahal ito, ay maliligtas.

Sa loob ng mga nakaraang araw na ito ginawa Kong malaman mo ang Aking pisikal na mga paghihirap. Pinasakitan nila ang Aking Katauhan. Ginawa Kong malaman mo ang Aking moral na mga paghihirap, bilang nakakabit, nakaugnay, nakahalo sa mga paghihirap ng Aking Ina, katulad na ganito ang di-malulusutan na mga akyat-na-baging kahoy ng ekwatoryal na mga kagubatan, na hindi mapaghihiwalay upang makaputol ng isa lamang, bagkus kinakailangan na sirain sila sa pamamagitan ng isang bigwas ng isang palakol upang maipilit na makaraan, pinapatay silang magkasama; katulad lamang ng mga ugat ng isang katawan, ang isa lamang nito ay hindi maaaring mawalan ng dugo, sapagkat iisang likido lamang ang laman nilang lahat; mas mabuti pa, katulad na hindi posibleng mapigilan ang nabubuong bata sa sinapupunan ng ina na mamatay, kung ang ina ay mamatay, sapagkat ang búhay, ang init, ang pagkain, ang dugo ng ina na, sa pamamagitan ng isang tiyempo na tumutugon sa paggalaw ng puso ng ina, ay tumatagos sa pamamagitan ng mga internal membrane, hanggang sa kinaroroonan ng nabubuong bata, ginagawa itong isang kumpletong buháy na tao.

Siya, o! Siya, ang Aking purong Ina, ay dinala Ako hindi lamang sa loob ng siyam na buwan na sa tagal na ito dinadala ng bawat babae ang bunga ng isang tao, bagkus sa buong buhay Niya. Ang aming mga puso ay nagkakaisa sa pamamagitan ng espirituwal na mga hibla at lagi silang tumitibok nang sabay, at walang makainang luha ang kailanman bumabagsak nang hindi nag-iiwan ng isang bakas ng asin nito sa Aking puso, at hindi kailanman nagkaroon ng kahit anong lihim na pagdaing Ko na hindi umalingawngaw sa Kanya, ginigising ang Kanyang pamimighati.

Nalulungkot ka para sa ina ng isang anak na nakatalaga nang mamatay dahil sa isang di-mapagagaling na sakit, para sa ina ng isang lalaki na hinatulan na mamatay sa pamamagitan ng bagsik ng hustisya ng tao. Ngunit isipin ang tungkol sa Aking Ina Na, magmula nang Ako ay Kanyang pinaglihi, ay nanginig iniisip na Ako ay ang Hinatulang Isa, isipin ang tungkol sa Inang ito Na, noong binigyan Niya Ako ng Kanyang unang halik sa maselan na malarosas na laman ng Kanyang bagong panganak na sanggol, ay naramdaman ang mga sugat sa hinaharap ng Kanyang Bata, isipin ang tungkol sa Inang ito Na ibibigay ang Kanyang buhay nang sampu, sandaan, sanlibong beses upang mapigilan Akong maging ganap na lalaki at makarating sa sandali ng Sakripisyo, isipin ang tungkol sa Inang ito Na nalalaman at kinailangan na mithiin ang nakapangingilabot na oras na iyon upang masunod ang kalooban ng Panginoon, para sa kaluwalhatian ng Panginoon, dala ng kabaitan sa Sangkatauhan. Hindi, walang aguniya na tumagal nang mas matagal pa at nagtapos sa isang mas malaking kapighatian kaysa ng sa Aking Ina.

At hindi nagkaroon ng mas malaki at mas kumpletong kapighatian kaysa ng Akin. Ako ay kaisa ang Ama. Minahal Niya Ako mula sa eternidad katulad na Diyos lamang ang makapagmamahal. Siya ay nasiyahan sa Akin at nakita ang Kanyang dibinong lugod sa Akin. At minahal Ko Siya katulad na isang Diyos lamang ang makapagmamahal, at sa Aking pakikipag-isa sa Kanya natagpuan Ko ang Aking dibinong lugod. Ang di-maisaysay na ang ab aeterno ay naiugnay ang Ama sa Anak ay hindi maipaliliwanag ninyo kahit na ng Aking Salita, sapagkat habang ito ay perpekto, ang inyong katalinuhan ay hindi, at hindi ninyo maiintindihan at malalaman kung ano ang Diyos hanggang kayo ay kasama Niya sa Langit. Bueno, katulad ng tubig na tumataas at tumutulak sa isang dike, naramdaman Ko ang bagsik ng Ama na lumalago oras-oras patungo sa Akin.

Bilang ebidensiya laban sa mga hayop-tao, na ayaw na maintindihan kung sino Ako, sa loob ng panahon ng Aking pakikihalubilo sa publiko, binuksan Niya ang Langit nang tatlong beses sa Jordan, sa Tabor at sa Herusalem sa bispiras ng Aking Pasyon. Ngunit ginawa Niya iyon para sa mga tao, hindi upang mabigyan Ako ng kapahingahan. Ako noon ay siya nang ang Tagabayad-sala.

Maraming beses, Maria, ginagawa ng Diyos na malaman ng mga tao ang isa sa Kanyang mga lingkod., upang sa pamamagitan niya sila ay sana mabuhayan at makaladkad sa Kanya. ngunit iyan ay nangyayari din sa pamamagitan ng paghihirap ng lingkod na iyon. Siya ito na, sa pagkain sa mapait na tinapay ng bagsik ng Diyos, siya ang personal na nagbabayad para sa kaginhawahan at kaligtasan ng kanyang mga kapatid. Hindi ba’t ganito ito? Ang mga biktima ng pagbabayad-sala ay alam nila ang bagsik ng Diyos. Pagkatapos dumarating ang kaluwalhatian. Ngunit iyan ay pagkatapos na mapatahimik ang Hustisya. Hindi ganito ang nangyayari sa pamamagitan ng Aking Pagmamahal, na hinahalikan ang Kanyang mga biktima. Ako ay si Jesus, Ako ang Tagapagtubos, Siya na naghirap at nakaaalam, sa pamamagitan ng personal na karanasan, kung gaano kakirot ang tingnan ng Diyos nang may kahigpitan at Kanyang iabandona, at Ako ay hindi kailanman naging mahigpit, at hindi Ko inaabandona ang sinuman. Nantutupok pa rin Ako, ngunit sa pamamagitan ng apoy ng pagmamahal.

Habang ang oras ng pagbabayad-sala ay lumalapit, mas lalo Kong nararamdaman ang Ama na lumalayo. Habang mas nalalayo Ako sa Ama, mas lalong hindi nararamdaman ng Aking Pagkatao na ito ay sinusuportahan ng Dibinong Diyos. At dahil diyan naghirap Ako sa bawat posibleng paraan. Ang pagkakalayo sa Diyos ay naghahatid ng takot, pagkapit sa buhay, pananamlay, pagkapagod, pagkainip. Habang mas lumalalim ito, mas nagiging malakas ang mga konsekwensiya nito. Kapag ito ay totál, nagdadala ito sa panghihina ng kalooban. At habang ito ay mas, na sa pamamagitan ng dekreto ng Diyos, nararanasan niya, nang hindi niya ito minarapat, mas lalo siyang naghihirap, sapagkat ang nabubuhay na espiritu ay nararamdaman ang pagkakatikal mula sa Diyos, katulad na ang buháy na laman ay nararamdaman ang panghihiwa sa isang galamay. Ito ay isang nakapamimighating nakakapanlambot na kamanhiran na ang isa, na hindi ito nakaranas nito, ay hindi makaintindi.

Naranasan Ko ito. Kinailangan Kong malaman ang lahat upang makapanuyo sa Ama para sa lahat sa kapakanan ninyo. Kahit na para sa inyong kawalan ng pag-asa. O, naranasan Ko kung ano ang ibig sabihin ng magsabi: “Nag-iisa Ako. Ang lahat ay nagtaksil at nag-abandona sa Akin. Kahit na ang Ama, kahit ang Diyos ay hindi na Ako tinutulungan”. At iyan kung bakit gumagawa Ako ng mahiwagang mga kababalaghan ng grasya sa kaawa-awang mga puso na napangingibabawan ng pagkawala ng pag-asa, at hinihingi Ko sa Aking mga minamahal na inumin ang kalis ng napakapait na karanasan, upang sila, ang mga padpad sa karagatan ng kawalang-pag-asa, ay hindi sana tanggihan ang krus na binibigay Ko bilang angkla at kaligtasan, bagkus kumapit sana sila dito at madala sana sila nito sa pinagpalang dalampasigan kung saan tanging kapayapaan lamang ang naghahari.

Noong Huwebes na gabi, Ako lamang ang nag-aalam kung kailangan Ko ang Aking Ama! Ako ay isa nang espiritu na nasa aguniya dahil sa pagsisikap na mapangibabawan ang dalawang pinakamalaking pamimighati ng isang tao: ang magpaalam sa isang minamahal na ina, ang panatilihin sa malapit ang isang di-tapat na kaibigan. Sila ay dalawang sugat na nagpahapdi sa Aking puso: ang una sa pamamagitan ng Kanyang mga luha, ang huli sa pamamagitan ng kanyang poot.

Kinailangan Kong ibahagi ang Aking tinapay sa Aking Cain. Kinailangan Kong magsalita sa kanya sa isang mapagkaibigang paraan upang hindi siya mápasamâ sa iba, dahil natatakot Ako na baka sila tumugon nang may-karahasan, at upang mapigilan ang isang krimen, na maging ano pa man ay magiging walang kabuluhan, sa dahilan na ang lahat ay nakasulat na sa dakilang aklat ng buhay: kapwa ang Aking banal na Kamatayan at ang pagpapakamatay ni Judas. At kahit asno pa man na kamatayan ay walang-kabuluhan at hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Walang ibang dugo bagkus ang Akin ang padadanakin, at hindi pinadanak. Ang lubid sa leeg ay sinakal ang buhay na iyon, sinasaraduhan na makadaloy ang di-purong dugong iyon, dugo na hindi kailangan na mapahalo, bumabagsak sa Lupa, sa pinakapurong dugo ng Inosente.

Ang dalawang sugat na iyon ay naging sapat na sana upang danasin Ko ang Aking aguniya sa Aking Kaakuhan. Ngunit Ako ang Tagabayad-sala, ang Biktima, ang Kordero. Ang isang kordero, bago isinasakripisyo, ay dinaranas ang nagbabagang bakal, dinaranas ang mga pukpok, tinitiis ang panggugupit at pinagbibili sa isang magkakatay. At panghuli nararamdaman nito ang malamig na kutsilyo na gumigilit sa kanyang lalamunan, pinadudugo ito at pinapatay ito. Una kailangan na iwanan nito ang lahat: ang pastulan kung saan ito pinalaki, ang ina nito sa kung kaninong dibdib ito ay pinakain at pinainitan, ang mga kasamahan na naging kasama nito sa pamumuhay. Lahat. Ako, ang Kordero ng Diyos ay dinanas ang lahat.

Iyan kung bakit si Satanas dumating, noong ang Ama ay nagpapahinga sa Langit. Siya ay dumating na sa pagsimula ng Aking misyon, upang tuksuhin Ako upang mailigaw Ako dito Ngayon siya ay bumabalik na muli. Iyon ay ang kanyang oras. Ang oras ng pandimonyong Sabbath.

Mga pulutong at mga pulutong pa ng mga dimonyo ay nasa Lupa noong gabing iyon, upang gawin ang panunukso sa mga puso at gawin silang pumayag na hilingin ang pagpatay sa Kristo sa susunod na araw. Ang bawat miyembro ng Sanhedrin ay may kanyang sariling dimonyo, si Herodes ay may kanya, may kanya rin si Pilato, at ang bawat isang Judaean na mananawagan na mapasakamay nila ang Aking Dugo. Sa tabi rin ng mga apostol ay naroon ang kanilang mga tagatukso, na gumawa sa kanilang sila'y antukin habang pinanghihinaan Ako, at naghanda sa kanilang sila'y maging duwag. Punahin ang kapangyarihan ng kadalisayan. Si Juan, ang purong disipulo, ay ang una sa kanilang lahat na makawala sa mga pangalmot ng dimonyo, at pumunta siya kaagad sa malapit sa kanyang Jesus at nakaintindi sa di-binigkas na mithiin Niya, at dinala si Maria sa Akin.

Ngunit si Judas ay nasa kanya si Lucifer, at nasa Akin si Lucifer. Kay Judas sa loob ng kanyang puso, sa Akin sa tabi Ko. Kami ang dalawang pinaka karakter ng trahedya, at si Satanas ay personal na pinangangasiwaan kaming dalawa. Pagkatapos na madala si Judas sa punto na hindi na siya makakaalis, Ako ang kanyang binalingan.

Sa pamamagitan ng perpektong panloloko ipinakita niya sa Akin ang mga pagpapahirap sa laman nang may di-mapapantayan na realismo. Sa disyerto rin siya ay nagsimula sa laman. Natalo Ko siya sa pamamagitan ng pagdarasal. Ang espiritu ay napangibabawan ang takot ng laman.

Pagkatapos pinakita niya sa Akin ang pagiging walang kabuluhan ng Aking kamatayan, at ang kapakinabangan ng mabuhay para sa Aking Sariling kapakanan, nang hindi Ko pinagkaka-abalahan ang tungkol sa mga walang utang-na-loob na mga tao, namumuhay nang mayaman na masayang buhay puno ng pagmamahal. Nabubuhay para sa Aking Ina, tinitiyak na hindi Siya naghihirap. Nabubuhay upang sa pamamaraan ng isang mahabang apostolado maibabalik Ko sa Diyos ang maraming mga tao, na, kung Ako ay mamatay, ay makakalimutan Ako, samantalang, kung Ako ang kanilang naging Guro hindi para sa tatlong mga taon, bagkus para sa napakaraming mga taon, ay magtatapos sa pagiging kaisa ng Aking doktrina. Ang mga anghel ay tutulungan Akong marahuyo ang mga tao. Hindi Ko ba nakikita na ang mga anghel ng Diyos ay hindi nakikialam upang tulungan Ako? Pagkatapos, ang Diyos ay patatawarin Ako nakikita ang mga pulutong ng mga naniniwala na madadala Kong pabalik sa Kanya. Sa disyerto rin sinubukan niyang kumbinsihin Ako na tuksuhin ang Diyos sa pamamagitan ng kawalang-kahinahunan. Natalo Ko siya sa pamamagitan ng pagdarasal. Ang espiritu ay napangibabawan ang moral na panunukso.

Pinakita niya sa Akin ang pag-abandona ng Diyos. Siya, ang Ama ay hindi na Ako minamahal. Ako ay puno ng mga kasalanan ng mundo. Nainis Ko Siya. Siya ay wala roon at iniiwan Ako sa Aking Sarili. Ipinauubaya Niya Ako sa panunuya ng isang malupit na pulutong. At ni hindi Niya Ako pagkalooban ng Kanyang dibinong kaginhawahan. Ako ay nag-iisa, lubos na nag-iisa. Sa oras na iyon ay naroon bagkus si Satanas malapit sa Kristo. Ang Diyos at ang mga tao ay wala roon, sapagkat hindi nila Ako minamahal. Kinapopootan nila Ako o walang interes. Nanalangin Ako upang matakpan ang satanikong mga salita sa pamamagitan ng Aking mga panalangin. Ngunit ang Aking panalangin ay hindi na tumataas sa Diyos. Bumabalik ito sa Akin, katulad ng mga batong pagpaparusa at dinurog Ako sa ilalim ng bigat ng tambak nito. Ang Aking panalangin, na naging lagi para sa Akin katulad ng isang haplos na binibigay sa Ama, isang tinig na tumataas at sinasagot ng isang makaamang haplos at salita, ay ngayon patay, mabigat, binibigkas na walang kabuluhan sa isang saradong Langit.

Pagkatapos natikman Ko ang kapaitan ng ilalim ng kalis. Ang lasa ng kawalang-pagasa. Iyon ang gusto ni Satanas: na madala Ako sa kawalang-pag-asa, gawin Akong kanyang alipin. Napangibabawan Ko ang kawalang-pag-awa at napangibabawan Ko lamang ito sa pamamagitan ng Aking kapangyarihan, sapagkat gusto Ko itong matalo. Tanging sa pamamagitan lamang ng Aking lakas ng isang Tao. At Ako ay wala bagkus isang tao na hindi na tinutulungan ng Diyos. Kapag tinutulungan kayo ng Diyos, madaling iangat kahit na ang mundo at hawakan itong nakataas katulad ng isang laruan ng isang bata. Ngunit kapag ang Diyos ay hindi na tayo tinutulungan, kahit na ang bigat ng isang bulaklak ay isang pasanin sa atin.

Tinalo Ko ang kawalang-pag-asa at si Satanas, ang tagapaglikha nito, upang mapaglingkuran ang Diyos at kayo, sa pagbibigay sa inyo ng Buhay. Ngunit naranasan Ko ang Kamatayan. Hindi sa pamamagitan ng pisikal na kamatayan ng pagpapako sa krus – hindi ito masyadong nakapangingilabot – bagkus sa pamamagitan ng totál na nararamdaman na Kamatayan ng isang nakikipaglaban na bumabagsak pagkatapos na managumpay, na may durog na puso at dugong bumubuhos mula sa kanya sa loob ng trauma ng isang pagsisikap na malampasan ang lahat na pagtitiis. At pinagpawisan Ako ng dugo. Pinagpawisan Ako ng dugo upang maging tapat sa kalooban ng Diyos.

Iyan kung bakit ang anghel ng Aking kapighatian ay pinakita sa Akin ang mga pag-asa ng lahat ng mga nailigtas sa pamamagitan ng Aking sakripisyo, bilang isang gamot para sa Aking pagkamatay.

Ang inyong mga pangalan! Ang bawat pangalan ay isang patak ng gamot na inilagay sa Aking mga ugat upang mabuhayan sila at sila ay gumana. Ang bawat isa sa kanila ay para sa Akin búhay na bumabalik, liwanag na bumabalik, lakas na bumabalik. Sa loob ng malupit na mga pagpapahirap, upang mapigilan na maisigaw ang Aking paghihirap ng Tao, at upang hindi mawalan ng pag-asa tungkol sa Diyos at sabihin na Siya ay masyadong mahigpit at di-makatarungan sa Kanyang Biktima, inulit Ko ang inyong mga pangalan sa Aking Sarili. Nakita Ko kayo. Mula noon pinagpala Ko kayo.  Mula noon dinala Ko kayo sa loob ng Aking puso. At nang ang panahon ay dumating para sa inyo na mapunta sa Lupa, Ako ay dumungaw mula sa Langit upang samahan ang inyong pagdating, nagbubunyi sa isip na ang bagong bulaklak ng pagmamahal ay pinanganak sa mundo at mamumuhay para sa Akin.

O! Aking mga pinagpala! Ang kaginhawahan ng namamatay na Kristo! Ang Aking Ina, ang Disipulo, ang banal na mga Babae ay naroon noon sa Aking kamatayan, at kayo ay naroroon din naman. Ang Aking namamatay na mga mata ay nakita, kasama ng pinahihirapang mukha ng Aking Ina, ang inyo ring nagmamahal na mga mukha, at nagsara ang mga mata Ko nang ganyan, masaya na maging sarado sapagkat nailigtas nila kayo, na karapat-dapat ng Sakripisyo ng isang Diyos.»

010912

 

 

 



Sunod na kabanata