6. Ang Puripikasyon ni Anna at ang Pag-aalay kay Maria.

Agosto 28, 1944.

¹Sa Herusalem nakikita ko si Joachim at si Anna, kasama si Zachariah at si Elizabeth, lumalabas mula sa isang bahay, na maaaring pag-aari ng mga kaibigan o mga kamag-anak, at ang kanilang paglakad ay patungo sa Templo para sa seremonya ng Puripikasyon.

Si Anna ay karga ang Sanggol, ganap na nakabalot sa mga lampin, hindi, bagkus, ganap na balót ng magaang delana, na, bagama’t, ay maaaring malambot at mainit. Imposibleng ipaliwanag kung gaano kaingat at mapagmahal na kanyang kinakarga at tinitingnan ang kanyang maliit na anak, inaangat ang gilid ng pinong mainit na tela upang tingnan kung si Maria ay humihinga nang maluwag, pagkatapos kanyang aayusin ulit ito upang maprotektahan Siya laban sa nangangagat na hangin ng isang maliwanag ngunit malamig na araw ng taglamig.

Si Elizabeth ay may hawak na ilang balutan sa kanyang mga kamay. Si Joachim ay may hinihila sa pamamagitan ng isang lubid dalawang malalaki at napakaputing mga kordero, na ngayon ay mas nakakatulad na ng lalaking mga tupa. Si Zachariah ay walang bitbit sa kanyang mga kamay. Siya ay magandang lalaki sa kanyang linen na damit, na makikita sa ilalim ng isang maputing makapal na delanang manta. Si Zachariah, mas bata kaysa sa isang nakita na sa kapanganakan kay Juan Bautista, ay nasa kanyang ganap na pagkalalaki, katulad na si Elizabeth ay isang magulang nang babae, ngunit sariwa pa sa kanyang hitsura: at siya ay yumuyuko sa labis na kasiyahan sa munting natutulog na mukha, sa tuwing tinitingnan ni Anna ang Sanggol. Nagmumukha rin siyang maganda sa kanyang asul halos maitim na biyoletang damit at sa loob ng kanyang belo na nagtatakip sa kanyang ulo at pagkatapos babagsak sa kanyang mga balikat, at sa kanyang manta na mas maitim kaysa sa kanyang damit.

Ngunit sina Joachim at Anna ay tiyak na solemne sa kanilang pinakamagandang mga damit. Sa hindi inaasahan, hindi suot ni Joachim ang kanyang madilim na kulay kapeng tunika. Sa halip suot niya ang isang mahabang damit na pulang-pula, na atin na ngayong tinatawag na St. Joseph red, at ang mga palawit na nakakabit sa kanyang manta ay bago at magaganda. Siya rin ay may suot na isang klaseng rektanggulong belo sa kanyang ulo at ito ay nahahawakan ng isang balat na paha. Ang lahat ay bago at may pinakamagandang kalidad. 

Si Anna, o! hindi siya nakasuot ng madidilim na damit sa araw na ito! Ang kanyang damit ay napakalabnaw na dilaw, halos ang kulay ng isang lumang garing, natatalian sa kanyang baywang, leeg at mga pupulsuhan sa pamamagitan ng isang malaking sinturon na tila pilak at ginto. Ang kanyang ulo ay natatakpan ng isang napakagaan na damaskong belo, nahahawakan sa kanyang noo sa pamamagitan ng isang manipis ngunit mamahaling plaka. Siya ay may isang piligrinang kuwintas sa kanyang leeg at mga pulseras sa kanyang mga pupulsuhan. Katulad niya ang isang reyna, at dahil din sa dignidad ng kanyang pagdadala ng damit, at lalo na ng kanyang kapa, na isang malabnaw na dilaw ang kulay na ang laylayan may Griyegong palawit na maganda ang pagkaburda sa gayon ding kulay.

«Kamukhang-kamukha mo ang sarili mo noong ikaw ay ikinasal. Ako ay mas matanda lamang nang kaunti sa isang bata, noon, ngunit naaalaala ko pa kung gaano ka kaganda at kasaya noon» sabi ni Elizabeth.

«Ngunit ngayon ako ay mas lalo na… at nagpasya akong isuot ang dating damit para sa ritwal na ito. Itinago ko ito para rito… at hindi na ako umaasa noon na masusuot ko pa ito para rito.»

²«Ikaw ay labis na minahal ng Diyos…» sabi ni Elizabeth nagbubuntung-hininga.

«Iyan kung bakit ibinibigay ko sa Kanya ang bagay na mahal-na-mahal ko. Ang bulaklak kong ito.»

«Papaano mo pupunitin iyan sa puso mo kapag dumating na ang oras?»

«Inaalaala na ako ay wala nito at na ang Diyos ang nagbigay nito sa akin. Ako ay lagi nang mas masaya ngayon kaysa noon. Kapag malalaman ko na Siya ay nasa Templo sasabihin ko sa aking sarili: “Siya ay nagdarasal malapit sa Tabernakulo, nananalangin Siya sa Diyos ng Israel para din sa Kanyang nanay” at magkakaroon na ako ng kapayapaan. At mas malaking kapayapaan sa pagsasabing: ”Siya ay pag-aari Niyang ganap. Kapag ang dalawang matanda ngunit masayang mga magulang na tumanggap sa Kanya mula sa Langit, ay wala na, Siya, ang Eternal, ay magiging Kanya pa ring Ama”. Maniwala sa akin, ako’y kumbinsidung-kumbinsido, na ang maliit na nilikhang ito ay hindi amin. Ako ay wala nang magawa pang iba… Inilagay Niya Siya sa aking sinapupunan, isang dibinong regalo upang maalis ang aking mga luha at magkatotoo ang aming mga inaasahan at aming mga panalangin. Iyan kung bakit Siya pag-aari Niya. Kami ang masasayang mga tagapag-alaga… at Siya ay pagpalain sana para rito!»

³Narating na nila ngayon ang mga pader ng Templo.

«Habang kayo ay patungo sa Nicanor Gate, lalakad ako at sasabihan ko ang pari. Pagkatapos ako ay doon na rin pupunta » sabi ni Zachariah. At siya ay nawala sa likuran ng isang arko na magdadala sa isa sa isang malaking bakuran napalilibutan ng mga portiko.

Ang grupo ay nagpapatuloy sa tabi ng mga sumusunod na terasa. Hindi ko malaman kung nasabi ko ito noon: ang bakurang-pader ng Templo ay wala sa pantay na lupa bagkus ito ay pataas nang pataas sa pamamagitan ng magkakasunod na mga terasa. Ang bawat terasa ay mararating sa pamamagitan ng mga baytang at sa bawat terasa may mga bakuran at mga portiko at magagandang portal na gawa sa marmol, tanso at ginto.

Bago narating ang kanilang destinasyon sila ay tumigil upang ilabas ang mga laman ng mga balutan: mga keyk, sa palagay ko, na malalapad at patag at napaka-mamantika, ilang harina, dalawang kalapati sa loob ng isang tingting na hawla at ilang malalaking pilak na salapi: ang mga ito ay mabibigat ngunit mabuti na lang walang mga bulsa ang mga damit noong mga araw na iyon. Bubutasin nito ang mga damit.

Naririto ang magandang Nicanor Gate, lahat sininsel sa mabigat na tansong pilak na plantsa. Si Zachariah ay naroroon na sa tabi ng isang maringal na pari nakasuot ng linen.

Si Anna ay winisikan ng sa akala ko ay pagdadalisay na tubig at pagkatapos sinabihan na pumunta sa altar ng sakripisyo. Ang Sanggol ay wala na sa kanya. Si Elizabeth, na tumigil sa tabing ito ng Gate, ang may-hawak sa Kanya.

Si Joachim, sa halip, ang pumapasok sa likuran ng kanyang asawa, hila-hila ang kaawa-awang nag-iingay na kordero. At ako… ginawa ko ang eksaktong ginawa ko noong Puripikasyon ni Maria: isinara ko ang aking mga mata upang hindi makita ang pagkatay.

Ngayon si Anna ay napadalisay na.

⁴Si Zachariah ay bumulong ng kung ano sa kanyang kasama, na tumatangong ngumingiti. Pagkatapos nilapitan niya ang grupo na nagkasama-sama nang muli at habang binabati ang ina at ama sa kanilang lugod at sa kanilang katapatan sa mga pangako, ibinigay sa kanya ang ikalawang kordero, ang harina at ang mga keyk.

«Kung gayon ang anak na ito ay sagrado sa Panginoon? Harinawang ang Kanyang pagpapalà ay mapasa-Kanya at sa inyo. Naririto si Anna parating. Siya ang magiging isa sa Kanyang mga tagapagturo. Si Anna ni Phanuel ng tribung Asher. Halika rito, babae. Ang maliit na isang ito ay inaalay sa Templo bilang isang biktima ng papuri. Ikaw ang magiging Kanyang tagapagturo at Siya ay lálaking banal sa ilalim ng iyong paggabay.»

Si Anna, ganap nang ubanin, ay hinahaplos ang Sanggol, Na nagising na at nakatingin sa pamamagitan ng Kanyang inosente at nasorpresang mga mata sa lahat na maputi at ginto na pinakikinang ng araw.

Ang seremonya ay maaaring tapos na. Wala akong nakitang kahit na anong espesyal na ritwal sa pag-aalay kay Maria. Baka sapat na ang masabihan ang pari, at higit sa lahat ang Diyos, sa sagradong lugar.

⁵«Ibig kong ibigay ang alay sa Templo at pumunta roon kung saan ko nakita ang liwanag noong nakaraang taon.»

Sila ay pumunta sinasamahan ni Anna ni Phanuel. Hindi nila pinasok ang aktuwal na Templo; sa dahilan na sila ay mga babae at ganito rin ang kaso para sa isang maliit na batang babae, mauunawaan na hindi sila makapupunta kahit sa lugar kung saan si Maria pumunta noon upang ialay ang Kanyang Anak. Ngunit napakalapit sa nakabukas na pintuan, nakatingin sila sa medyo madilim na looban mula kung saan maririnig ang magigiliw na awit ng mga batang babae at kung saan ang mamahaling mga lampara ay nagliliwanag at nagkakalat ng ginintuang liwanag sa dalawang lote¹ ng mga bulaklak na may belo ang mga ulo: dalawang tunay na mga lote ng mga liryo.

«Sa loob ng tatlong taon Ikaw ay mapupunta rin diyan, aking Liryo» nangangako si Anna kay Maria, Na nagmumukhang naaakit ng looban ng lugar at ngumingiti sa mabagal na awit.

«Masasabi mo, na nakakaintindi Siya» sabi ni Anna ni Phanuel. «Siya ay magandang bata! Siya ay magiging mahal sa akin na tila Siya ay sarili kong anak. Nangangako ako sa iyo, ina. Kung ako ay pagkakalooban na maging ganyan.»

«Pagkakalooban ka, babae» sabi ni Zachariah. «Tatanggapin mo Siya kabilang ng sagradong mga batang babae. Mapupunta rin ako diyan. Ibig kong naroroon ako upang masabi sa Kanya na magdasal para sa amin sa unang-unang sandali…» at kanyang tinitingnan ang kanyang asawa na nakakaintindi at nagbubuntung-hininga.

Ang seremonya ay tapos na at si Anna ni Phanuel ay umalis, habang umaalis ang iba sa Templo naguusap-usap.

Narinig ko si Joachim nagsabi: «Hindi lamang dalawang kordero at pinakamaganda, bagkus maibibigay ko ang lahat ng aking mga tupa para sa lugod na ito at mapapurihan ang Diyos!»

Wala na akong makitang iba pa.

 

jesus sinab

Sinasabi ni Jesus:

«Si Solomon sa kanyang Karunungan ay nagsasabi: “Sinuman ang isang bata, gawin siyang lumapit sa Akin”. At talagang mula sa muog, mula sa mga pader ng kanyang siyudad. Ang Eternal na Karunungan ay nagsabi sa Eternal na Dalaga: “Lumapit sa Akin”, nananabik sa Kanya. Pagkaraan ang Anak ng Kapurupuruhang Dalaga ay magsasabi: “Gawin ang maliliit na bata na lumapit sa Akin sapagkat ang Kaharian ng Langit ay sa kanila, at ang mga hindi nagiging katulad nila ay hindi magkakaroon ng kahit anong bahagi sa Aking Kaharian”. Ang mga tinig ay nagkakasunuran at habang ang tinig ng Langit ay sumisigaw sa maliit na Maria: “Lumapit sa Akin”, ang tinig ng Tao ay nagsasabi, at iniisip ang Kanyang Ina sa pagsasabing gayon: “Lumapit sa Akin kung maaari Kang maging katulad ng mga bata”.

Binibigay Ko sa inyo ang Aking Ina bilang isang modelo.

Naririto ang perpektong Dalaga Na may dalisay at simpleng puso ng isang kalapati, naririto ang Isa Na ang maraming taon at makamundong mga pakikihalubilo ay hindi nagawang mapanlaban sa kalupitan ng isang naging marumi, napilipit, huwad na espiritu. Sapagkat ayaw Niya iyon. Halika sa Akin, tinitingnan si Maria.

⁷Dahil nakita mo Siya, sabihin sa Akin: ang Kanya bang sulyap bilang isang sanggol ibang iba sa isang nakita mo sa Kanya sa paanan ng Krus o sa kasiyahan  sa Pentekostes o noong ang Kanyang mga talukap-mata ay nagsara sa Kanyang inosenteng mga mata para sa Kanyang huling tulog? Hindi. Dito ay ang walang-katiyakan at namamanghang sulyap ng isang sanggol, pagkatapos ito ay ang namamangha at mahiyaing tingin ng Anunsiyasyon, at pagkatapos ang masayang sulyap ng Ina sa Bethlehem, pagkatapos ang sumasambang sulyap ng Aking una at dakilang Disipulo, pagkatapos ang naghihirap na sulyap ng Pinahihirapan na Ina sa Golgotha, pagkatapos ang sumisinag na  sulyap ng Resureksiyon at ng Pentekostes, pagkatapos ang may-belong tingin ng nagtatalik-sa-kaligayahan na tulong ng huling bisyon. Ngunit maging ito man ay nagbubukas sa unang  tingin, o nagsasarang pagód sa huling gabi, pagkatapos na makakita ng labis na lugod at takot, ang Kanyang mata ay ang malinaw, puro, payapang kapiraso ng kalangitan na laging nagniningning sa ibaba ng noo ni Maria. Ang galit, kasinungalingan, pagmamalaki, kahalayan, poot, pag-uusyoso ay hindi kailanman naparumi ito ng mauusok na ulap nito.

Ito ay ang mata na tumitingin sa Diyos nang may pagmamahal, ito man ay umiiyak o tumatawa, at na para sa Diyos ito ay humahaplos at nagpapatawad at tinitiis ang lahat, at sa pamamagitan ng pagmamahal ng Diyos ito ay hindi kailanman masasalakay ng Kasamaan, na madalas ginagamit nito ang mata upang mapasok ang puso. Ito ay ang puro, mapayapa, nagpapalang mata na ang puro, ang mga santo, ang mga mangingibig ng Diyos ay mayroon.

Sinabi Ko: “Ang lampara ng katawan ay ang mata. Ang kung inyong mata ay malusog, ang inyong buong katawan ay mapupuno ng liwanag. Ngunit kung ang inyong mata ay may sakit, ang inyong buong katawan ay magiging lahat kadiliman”. Ang mga santo ay taglay ang matang ito na siyang liwanag para sa kaluluwa at kaligtasan para sa laman, sapagkat katulad ni Maria sa buong buhay nila nakatingin lamang sila sa Diyos. Mahigit pa: naalaala nila ang Diyos.

Ipaliliwanag Ko sa iyo, Aking munting tinig, ang ibig sabihin ng salita Kong ito.»

(33)250510/021013/032313

¹ Baka ang tinutukoy ni Maria Valtorta ay sina Anna at Elizabeth: ang mga bulaklak mula kay Anna bilang sina Maria at Jesus; ang kay Elizabeth, si Juan Bautista, ang prekursor ni Jesus.


Sunod na kabanata.