600. Ang Iba't Ibang mga Paglilitis.

February 16, 1944.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Sa ngayon nalalaman na ninyo ang lahat na mga kapighatian na nanguna sa pinaka Pasyon. Gagawin Kong malaman na ninyo ngayon ang mga kapighatian ng Aking aktuwal na Pasyon. Ang mga kapighatian na iyon na mas naaapektuhan ang inyong mga isip kapag pinagninilayan ninyo ito.

Ngunit napakakaunti ninyong pagnilayan ito. Napakakaunti. Hindi ninyo iniisip kung gaano ang Aking ginawa dahil sa inyo at kung anong paghihirap ang sangkot sa inyong kaligtasan. Nagrereklamo kayo ng tungkol sa isang galos, ng maumpog sa isang kanto, ng isang sakit ng ulo, ngunit hindi ninyo iniisip na ang Aking katawan ay isang malaking sugat, na ang mga sugat na iyon ay napapaít ng maraming mga bagay, ang mga bagay na iyon mismo ang nagsilbing pahirap sa Tagapaglikha, sapagkat pinahirapan nila ang napahirapan nang Diyos-Anak, nang walang kahit na anong paggalang para sa Kanya Na, Ama ng Sangnilikha, siyang pumorma sa kanila.

Ngunit ang mga bagay ay walang kasalanan. Ang may kasalanan ay ang tao pa rin at laging ang tao. May-kasalanan mula pa noong araw na nakinig siya kay Satanas sa makalupang Paraiso. Ang mga bagay ng Sangnilikha, hanggang sa sandaling iyon, ay walang mga tinik, walang lason, walang kalupitan para sa tao, ang piling nilikha. Ang Diyos ay ginawa ang tao na iyon na hari. Ginawa Niya siya ayon sa Kanyang Sariling larawan at pagkakatulad, at sa Kanyang makaamang pagmamahal ayaw Niyang ang mga bagay ay maging mapaminsala sa tao. Si Satanas ay inilatag ang bitag. Sa loob ng puso ng tao una sa lahat, pagkatapos, sa pamamagitan ng kaparusahan ng kasalanan, nagdala ito ng mga tulis at mga tinik.

Kung kaya't Ako, ang Tao ay kinailangan din na ipaghirap ang mga bagay at mapamighati hindi lamang ng mga tao bagkus ng mga bagay din. Ang una ay ininsulto at pinahirapan Ako; ang huli nagsilbing kanilang mga armas.

Ang kamay na ginawa ng Diyos para sa tao upang maiba siya sa mga hayop, ang kamay na tinuruan ng Diyos ang tao kung papaano gamitin. Ang kamay na iniugnay ng Diyos sa isip ng tao ginagawa itong siyang ang tagapagsagawa ng mga utos ng isip, ang bahaging ito, na napaka perpekto sa inyo at na dapat na walang iba bagkus mga haplos para sa Anak ng Diyos, Na siyang humaplos at nagpagaling dito, kung ito ay may sakit, ay nanakit sa Anak ng Diyos at sinaktan Siya sa pamamagitan ng mga sampal at mga suntok, inarmasan nito ang sarili ng mga panghagupit, ito ay naging mga pansipit upang halbutin ang buhok at balbas at martilyo upang magbaón ng mga pakô.

Ang mga paa ng tao, na kailangan na makatakbo nang maliksi lamang upang sambahin ang Anak ng Diyos, ay mabilis na dumating upang arestuhin Ako, upang itulak at kaladkarin Ako sa mga kalsada patungo sa mga magsasagawa ng pagpatay, at sipain Ako sa isang paraan na hindi magiging makatarungan kahit na sa isang di-mapalagay na asno.

Ang bunganga ng tao, na gumamit sana ng mga salita, ang kaloob na binigay lamang sa tao sa pagitan ng mga hayop na nilikha, upang purihin at pagpalain ang Anak ng Diyos, ay napuno ng mga panunumpa at mga kasinungalingan at pinarating ito kasama ang laway nito sa Aking pagkatao.

Ang isip ng tao, ang katibayan ng kanyang selestiyal na pinanggalingan, ay pinagod ang sarili sa pag-iisip ng mga pampahirap na may kapinuhan sa kabagsikan.

Ang tao, ang buong tao ay ginamit ang sarili, sa kanyang indibidwal na mga bahagi, upang pahirapan ang Anak ng Diyos. At kanyang tinawagan ang lupa, kasama ang mga porma nito, upang tulungan siya sa pagpapahirap. Ang mga bato sa mga ilog ay ginawa niyang mga pambato upang masugatan Ako; ang mga sanga ng mga punungkahoy, mga pamukpok upang ihampas sa Akin; ang pinilipit na abaca, mga lubid upang kaladkarin Ako, humihiwa sa Aking laman; ang mga tinik, korona ng nantutusok na apoy para sa Aking pagod na ulo; ang mga mineral, isang pampalalá sa pananakit, isang kasangkapan ng pagpapahirap; ang mga bato sa kalsada, isang patibong para sa di-makapanatiling paa Niya Na umaakyat ng burol, namamatay, upang mamatay na ipinako sa krus.

Ang mga bagay ng kalangitan nakihalo sa mga bagay ng lupa. Ang lamig sa pagsikat-ng-araw para sa Aking katawan na hapo na gawa ng aguniya sa hardin, ang hangin na nagpapahapdi sa mga sugat, ang araw na nagpapalalà sa nakatitigang na uhaw at sa temperatura ng katawan at nagdadala ng mga langaw at alikabok, na nambubulag sa pagod na mga mata, na ang nakataling mga kamay ay hindi makapagpoprotekta rito.

Ang mga sulid na ipinagkaloob sa tao upang matakpan ang kanyang kahubaran ay humalo sa mga bagay ng kalangitan: sa balat, na naging isang panghagupit, sa delana ng isang damit na kumakapit sa mga sugat na ginawa ng mga panghahagupit at gumagawa ng isang kumukuskos at nampipilas na pahirap sa bawat paggalaw.

Ang lahat ay nagsilbi upang pahirapan ang Anak ng Diyos. Siya, na para kung Kanino ang lahat na mga bagay ay nilikha, sa loob ng oras kung saan Siya ay ang Biktima na inialay sa Diyos, ay lahat naging kontra sa Kanya sa marahas na paraan. Ang iyong Jesus, Maria, ay walang kaginhawahan mula sa kahit ano. Ang lahat na naririto ay kumontra sa Akin, katulad ng mababagsik na ahas, upang tumuklaw sa Aking laman at palakihin ang Aking paghihirap.

Ito ang kailangan na isipin ninyo kapag kayo ay naghihirap, at kinukumpara ang inyong mga imperpeksiyon sa Aking perpeksiyon at ang Aking mga kapighatian sa inyong mga kapighatian, kailangan na tanggapin ninyo na ang Ama ay minamahal kayo katulad na hindi Niya Ako minahal sa oras na iyon, at kung gayon, kailangan na mahalin ninyo Siya nang buong mga sarili ninyo, katulad na minahal Ko Siya sa kabila ng Kanyang kabagsikan.»

--------------------

Mula sa ika 22 hanggang sa ika 25 ng Marso 1945.

Ang masakit na paglalakbay ay nagsisimula sa tabi ng mabatong eskinita na magdadala mula sa mahawan na lugar, kung saan si Jesus ay inaresto, hanggang sa Kidron, pagkatapos doon, sa tabi ng isa pang eskinita, patungo sa bayan. At ang mga panunuya at pagpapahirap ay nagsimula kaagad.

Si Jesus, ang Kanyang mga pupulsuhan at pati ang Kanyang baywang ay may tali na tila Siya ay isang mapanganib na baliw, ang mga dulo ng mga lubid naipagkatiwala sa mga inalihan ng masasamang espiritu lasing sa kapootan, ay hinahatak dito at doon katulad ng isang basahan na pinabayaan sa ngit-ngit ng isang pangkat na mga tutâ. Ngunit, kung ang mga ganito ang ginagawa ng mga aso, mapagpapaumanhinan pa sila. Ngunit sila ay mga tao, bagama't mayroon lamang sila ng hitsura ng mga tao. At ito ay para mabigyan Siya ng mas malaking kirot na naisip nila na talian Siya ng dalawang magkakontrang lubid, na ang isa sa ma ito ay nagsisilbi lamang na matalian ang Kanyang mga pupulsuhan at ginagasgas nito at humihiwa sa mga ito nang may magaspang na kapit, at ang isa, ang lubid na nakaikot sa Kanyang baywang, ay hinihigpitan ang Kanyang mga siko papasok sa Kanyang karibdiban, at humihiwa at naniniil ang Kanyang tiyan, pinasasakitan ang Kanyang atay at mga bato. Kung saan may isang malaking buhol at kung saan, paminsan-minsan, ang mga humahawak ng dulo ng mga lubid, ay hinahagupit Siya sa pamamagitan ng mga ito nagsasabing: «Hiii-yaahh! Takbo! Trote, asno!» at sinisipa rin Siyang sabay, tinatamaan ang likod ng mga tuhod ng Pinahihirapang Isa, Na susuway at hindi bumabagsak sa lupa dahil lamang ang mga lubid ay nahahawakan Siya. Ngunit hindi Siya nito napipigilan na humampas sa mabababang pader at mga puno ng kahoy, habang Siya ay hinihila sa kanan ng lalaking humahawak sa lubid na nakatali sa Kanyang mga pupulsuhan, at patungo sa kaliwa ng isang humahawak sa lubid na nakaikot sa Kanyang baywang, at bumabagsak Siyang malakas sa barandilya, bilang resulta ng isang mas marahas na haltak nang tinatawid ang maliit na tulay sa Kidron. Ang Kanyang nagalusang bunganga ay dumurugo. Si Jesus ay itinataas Niya ang Kanyang natataliang mga kamay upang punasin ang dugong kumalat sa Kanyang balbas, ngunit hindi Siya nagsasalita ng kahit na ano. Siya nga ay totoong ang kordero na hindi nangangagat sa mga nagpapahirap dito.

Ang ilang mga tao pansamantala ay nakababa na sa ilog upang kumuha ng maliliit na bato at mula sa ilalim ng tulay ang isang ulan ng mga bato ay tumatama sa madaling tamaan na target. Sa dahilan na ang pag-usod ay mabagal sa makipot na di-ligtas na tulay, kung saan ang mga tao ay nagsisiksikan nababarahan ang isa't isa, ang mga bato ay tinatamaan ang ulo ni Jesus at mga balikat. Tinatamaan nito hindi lamang si Jesus bagkus ang Kanya ring mga tagapagpahirap, na gumaganti nagtatapon ng mga kahoy at ng mga bato rin na tumama sa kanila. At ang lahat ay nagsisilbing masaktan muli si Jesus sa ulo at sa leeg. Ngunit maya-maya lamang sila ay nasa kabila na ng tulay, at ang makipot na eskinita ay naglalagay ng mga anino sa nagkakagulong mga tao, sapagkat ang buwan, na nagsisimula nang lumubog, ay hindi nasisinagan ang paliko-likong eskinita at maraming mga sulô ang mga namatay na sa kaguluhan. Ngunit ang poot ay umaaktong liwanag upang makita ang kaawa-awang Martir, Na nakalantad sa pagpapahirap dahil sa Kanyang mataas na tayò. Siya ang pinakamataas sa kanilang lahat. kung kaya't madali Siyang patamaan, hawakan sa buhok ginagawa Siyang mapilitan na iatras ang Kanyang ulo nang biglaan at tapunan ito ng ilang dakot ng maruruming bagay, na sa pamamagitan ng puwersa ay pumapasok sa Kanyang bunganga at mga mata, naghahatid ng pagsusuka at kirot.

Nagsisimula na silang dumaan sa loob ng arabal ng Ophel, kung saan Siya ay nagbigay ng labis na kabutihan at napakaraming haplos. Ang sigawan ng mga tao ay nagigising ang mga tao na mga nagmamadali sa kanilang mga pintuan, at habang ang mga kababaihan ay sumisigaw sa kapighatian at tumatakbong paalis napangingibabawan ng takot nakikita kung ano ang nangyayari, ang mga lalaki, na mga napagaling at natulungan din at tumanggap ng mapagkaibigang mga salita mula sa Kanya, ay kung hindi tinutungo ang kanilang mga ulo nananatiling walang pakialam, nagkukunwaring nalilito, kung baga man lamang, o sila ay napupunta mula sa pag-uusyoso patungo sa mapoot, sa manuya, sa pagbabanta na mga pagkilos o sinusundan nila ang prusisyon upang sumama sa pagpapahirap sa Kanya. Si Satanas ay nagtatrabaho na...

Ang isang lalaki, isang may-asawa na gusto Siyang sundan upang insultuhin Siya, ay hinawakan ng kanyang umaatungal na asawa, na sumisigaw sa kanya: «Duwag! Utang mo sa Kanya ang iyong buhay, ikaw na maruming lalaki puno ng kabulukan. Tandaan mo iyan!» Ngunit ang babae ay napangibabawan ng lalaki, na binubugbog siya sa isang makahayop na paraan tinatapon siya sa lupa at pagkatapos tumakbo upang samahan ang Martir, na ang Kaninong ulo kanyang pinupukpok ng isang bato.

Ang isa pang babae, isang matanda na, ay sinisikap na maharangan ang daan ng kanyang anak na nagmamadali nagmumukhang isang ayena at may hawak na pamalo upang ihampas sa Kanya, at sinabi niya sa kanya: «Hanggang sa ako ay nabubuhay, hindi ka magiging ang mamamatay ng iyong Tagapagligtas!» Ngunit ang kaawa-awang sawing-palad ay pinatamaan ng kanyang anak ng isang brutal na sipa sa singit at siya ay bumagsak sa lupa sumisigaw: «Mamamatay ng diyos at ng magulang! Maisumpa ka sana sa pagpunit ng aking sinapupunan sa ikalawang beses at para sa pananakit sa Mesiyas!»

Ang nangyayari ay parahas nang parahas habang lumalapit sa bayan.

Bago makarating sa mga pader – ang mga Gate ay bukas na, at ang mga sundalong Romano, ganap na armado, ay tinitingnan kung saan at kung papaano nabubuo ang kaguluhan, nakahandang makialam kung ang prestihiyo ng Roma ay masaktan – si Juan ay naroroon kasama si Pedro. Sa palagay ko nakarating sila doon sa pamamagitan ng short cut na kanilang kinuha tinatawid ang Kidron pataas ng agos ng ilog mula sa tulay, at inuunahan ang pulutong, na gumagalaw nang mabagal, napakaraming tao ang nagsasalubungan. Sila ay nasa medyo madilim na liwanag ng bulwagang-pamasukan, malapit sa isang maliit na liwasan bago ang mga pader. Tinakpan nila ang kanilang mga ulo sa pamamagitan ng kanilang mga manta upang maitago ang kanilang mga mukha sa maliwanag na liwanag ng buwan na sumisinag pa roon, bago lumubog ang buwan sa likuran ng burol, na nasa kabila ng mga pader at na aking napapakinggan na pinangalanan na Tophet ng mga inupahan na mga dating preso na umaaresto kay Jesus. Si Pedro ay hindi maglakas-loob na ipakita ang kanyang mukha. Ngunit lumalapit siya upang makita.

Si Jesus ay tinitingnan sila... at Siya ay ngumingiti nang may walang-hangganang kabaitan. Si Pedro ay tumalikod at bumalik sa kanyang madilim na sulok, tinatakpan ang kanyang mga mata sa pamamagitan ng kanyang mga kamay, yumuyuko, tumanda, nasa napakababa nang mga espiritu. Si Juan ay may-katapangan na nananatili sa kanyang kinaroroonan, at tanging nang ang nagsisigawang pulutong ay nakaraan, sinamahan niya si Pedro, kinukuha niya siya sa siko at ginagabayan niya siya na tila siya ay isang bata pinasusunod ang kanyang bulag na ama, at kapwa nila pinasok ang bayan sa likuran ng nagsisigawan na pulutong.

Naririnig ko ang tangang, nakapanunuya na nakalulungkot na mga bulalas ng mga sundalong Romano. Ang ilan sa kanila ay nanunumpa sapagkat sila ay kinailangan na bumangon sa kanilang mga higaan dahil sa «tangang bubo» na iyon; ang ilan ay tinutuya ang mga Hudyo sa «pagkakaaresto nila sa isang kaawa-awang maliit na babae»; ang ilan ay kinaaawaan ang Biktima Na «lagi nilang nalalaman na mabait»; at ang ilan ay nagsasabi: «Mas gusto ko pang mamatay sa pamamagitan ng marahas na kamatayan kaysa makita Siyang nasa mga kamay na iyon. Siya ay isang dakilang tao. Ako ay may dalawang pinagpipitaganan sa mundong ito: Siya at ang Roma.»

«Sa ngalan ni Jove!» bulalas ng isa sa may pinakamataas na ranggo. «Ayaw ko ng gulo. Pupunta ako sa ensign. Gawing sabihan niya ang dapat sabihan. Ayaw kong mapadala na labanan ang mga Aleman. Ang mga Hudyong ito ay nangangamoy at sila ay mga ahas at problema. Ngunit ang buhay dito ay ligtas. At malapit ko nang matapos ang aking serbisyo militar, at malapit sa Pompeii ako ay may isang batang babae...

Hindi ko na nakuha ang karugtong dahil sinusundan ko si Jesus, Na nagpapatuloy sa kalsada na paliko paakyat sa Templo. Ngunit nakikita ko at nababatid ko na ang bahay ni Annas, kung saan doon nila gustong dalhin Siya, ay nasa loob at wala sa loob ng paliku-likong kabuuan na siyang ang Templo, at nasasakop ang buong burol ng Zion. Ang bahay ay nasa mga kadulu-duluhan nito, malapit sa isang serye ng masibong mga pader, na tila siyang ang mga hangganan ng bayan dito, at mula sa lugar na ito sila ay umabot sa tabi ng bundok na may mga balkonahe at mga yarda, hanggang narating nila ang bakuran ng pinaka Templo, ibig sabihin, kung saan pumupunta ang mga Israelita para sa kanilang ilang mga selebrasyon ng kulto.

Ang isang mataas na bakal na pinto ay nagbukas patungo sa masibong pader. Ang ilang nagkusang mga ayena ay nagmadali patungo rito at kumatok nang malakas. At nang kaagad ang pinto ay nagbukas nang kaunti, nagmadali silang pumasok, halos maitulak at matapakan ang babaeng katulong na nagpunta upang buksan ito, at binuksan nila ito nang maluwag, upang ang nagsisigawan na pulutong, kasama ang Preso sa gitna nila, ay makapasok.

Sila ay dumaan sa bulwagang-pamasukan at pagkatapos dinaanan nila ang isang malapad na yarda, isang koridor, isa pang balkonahe at isa pang yarda, at kinaladkad nila si Jesus pataas sa tatlong baytang, napipilitan Siyang halos tumakbo sa isang balkonahe na itinayo sa ibabaw ng yarda, upang makarating nang mas madali sa isang mayaman-na-ginayakan na bulwagan, kung saan ay may isang maedad na lalaki na nakasuot ng mga bata ng isang pari.

«Harinawang ang Diyos ay paginhawahan kayo, Annas» sabi niya na tila siyang ang opisyal, kung ang tampalasan na namuno sa mga dating preso na iyon ay matatawag na ganyan. «Naririto ang salarin. Pinagkakatiwala ko Siya sa inyong kabanalan, upang ang Israel ay sana malinisan ng kasalanan.»

«Harinawang pagpalain kayo ng Diyos para sa inyong  katalasan at pananampalataya.»

Magaling na katalasan! Ang tinig ni Jesus ay naging sapat na upang dumapa sila sa lupa sa Gethsemane.

«Sino Kayo?»

«Si Jesus ng Nazareth, ang Rabbi, ang Kristo. At kilala ninyo Ako. Ako ay hindi kumilos sa kadiliman.»

«Hindi, hindi sa kadiliman. Ngunit ang pulutong ay nailigaw Ninyo sa pamamagitan ng malabong mga doktrina. At karapatan ng Templo at katungkulan na protektahan ang mga kaluluwa ng mga anak ni Abraham.»

«Ang mga kaluluwa! Pari ng Israel, masasabi mo ba na naghirap ka para sa kaluluwa ng pinakamaliit o pinakadakilang tao ng sambayanan na ito?»

«At papaano Kayo? Ano ang Inyong nagawa na maaaring tawagin na paghihirap?»

with caiaphas«Ano ang nagawa Ko? Bakit mo Ako tinatanong? Ang buong Israel ay nagsasalita tungkol sa Akin. Mula sa banal na siyudad hanggang sa pinakamahirap na nayon, kahit na ang mga bato ay nagsasalita kung ano ang Aking nagawa. Nakapagbigay Ako ng paningin sa bulag na mga tao: ang paningin ng kanilang mga mata at ng kanilang mga puso. Naibukas Ko ang mga tainga ng binging mga tao: sa mga tinig ng Lupa at ng Langit. Nagawa Ko ang mga pilay at mga paralitiko na makalakad, upang sila ay sana makapagsimulang maglakad mula sa laman patungo sa Diyos at pagkatapos makapagpatuloy sa pamamagitan ng kanilang mga espiritu. Nalinis Ko ang mga ketongin ng ketong na tinuran ng Batas ni Moses at ng ketong na nagagawa ang tao na maging marumi sa mga mata ng Diyos: kasalanan. Naibangon Ko ang patay, ngunit hindi Ko sinasabi na ito ay isang malaking gawain na tawagin ang isang katawan na mabuhay muli, ngunit malaking bagay na tubusin ang isang makasalanan, at nagawa Ko iyan. Natulungan Ko ang mahihirap, itinuturo sa sakim at mayayamang Hebreo ang banal na alituntunin ng pagmamahal para sa ating kapwa at, nananatiling mahirap, sa kabila na ang isang daloy ng ginto ay dumaan sa Aking mga kamay, nagpunas Ako ng mas maraming luha kaysa sa lahat sa inyo, na nag-aari ng mga kayamanan. At, panghuli, nakapagbigay Ako ng isang kayamanan na walang pangalan: ang kaalaman tungkol sa Batas, ang kaalaman tungkol sa Diyos, ang katiyakan na tayong lahat ay magkakapantay at na sa banal na mga mata ng Ama ang mga luha at mga krimen ay pare-pareho, maging ito man ay iniluha o ginawa ng Tetrarka at ng Pontipise, o ng pulubi at ng ketongin na namamatay sa daanan ng kariton. Iyan ang Aking nagawa. Wala nang iba pa.»

«Hindi ba Ninyo nababatid na inaakusahan Ninyo ang Inyong Sarili? Sinasabi Ninyo: ang ketong na nagagawa ang isa na maging marumi sa mga mata ng Diyos at hindi tinuran ni Moses. Iniinsulto Ninyo si Moses at nagpapahiwatig Kayo na may kulang ang kanyang Batas...»

«Hindi kanya: ng Diyos. Iyan ay ganyan. Mahigit pa sa ketong, na isang kasawiang-palad ng laman at nagkakaroon ng katapusan, pinapahayag Kong mabigat, at ganito ito, ang kasalanan, na isang eternal na kasawiang-palad ng espiritu.»

«Naglalakas-loob ba Kayo na napapatawad Ninyo ang mga kasalanan? Papaano Ninyo ito ginagawa?»

«Kung sa pamamagitan ng kaunting dalisay na tubig at ng sakripisyo ng isang lalaking tupa legal at posibleng kanselahin ang isang kasalanan, pagbayaran-sala ito at malinis ito, bakit hindi ito magagawa ng Aking mga luha, ng Aking Dugo at ng Aking kalooban?»

«Ngunit Kayo ay hindi patay. Kung gayon nasaan ang Dugo?»

«Ako ay hindi pa patay. Ngunit magiging patay Ako, sapagkat ito ay nakasulat. Sa Langit, bago pa nagkaroon ng Zion, bago pa nagkaroon ng Moses, bago pa nagkaroon ng Jacob, bago pa nagkaroon ng Abraham, mula pa noong nginatngast ng Kasamaan ang puso ng tao at nilason ito sa loob niya at sa kanyang mga anak. Ito ay nakasulat sa Lupa sa Aklat na naglalaman ng mga tinig ng mga propeta. Ito ay nakasulat sa mga puso. Sa iyo, kay Caiaphas, sa mga puso ng mga miyembro ng Sanhedrin na hindi... hindi, ang mga pusong iyon ay hindi nagpapatawad sa Akin para sa pagiging mabuti. Nagpatawad Ako inaasahan ang sa pamamagitan ng Aking Dugo. Gagawin Ko na ngayon ang absulusyon sa pamamagitan ng isang nagpapadalisay na paligo dito.»

«Sinasabi Ninyo na kami ay sakim at aming kinakaligtaan ang alituntunin ng pagmamahal...»

«Ito ba kaya ay hindi totoo? Bakit ninyo Ako pinapatay? Sapagkat natatakot kayo na mapaalis Ko kayo sa trono. O! huwag matakot. Ang Aking Kaharian ay hindi kaharian ng mundong ito. Iniiwan Ko kayo na mga panginoon ng lahat na kapangyarihan. Ang Eternal ay alam kung kailan sasabihin ang “Tama na” na magagawa kayong bumagsak na tinamaan-ng-kidlat...»

«Katulad ni Doras, eh?

«Namatay siya sa matinding galit. Hindi dahil hinampas siya ng makalangit na kidlat. Ang Diyos ay naghihintay sa kabila upang hampasin siya.»

«At inuulit Ninyo iyan sa akin? Isang kamag-anak niya? Anong lakas-ng-loob Ninyo?»

«Ako ay Katotohanan, At ang Katotohanan ay hindi kailanman nagiging duwag.»

«Mapagmalaki at tanga!»

«Hindi: sinsiro. Inaakusahan mo Ako ng pananakit sa iyo. Ngunit kayo bang lahat ay hindi napopoot? Napopoot kayo sa isa't isa. At ngayon ang inyong kapootan para sa Akin ay napapag-isa kayo. Ngunit bukas, kapag napatay na ninyo Ako, kapopootan ninyong muli ang isa't isa, at mas grabe pa, at mamumuhay kayong kasama ang ayena na ito sa inyong mga likod at ang ahas na ito sa iyong mga puso. Nakapagturo Ako ng pagmamahal. Para sa kapakanan ng mundo. Tinuruan Ko ang mga tao na huwag maging sakim, magkaroon ng awa. Tungkol sa ano ninyo Ako inaakusahan?»

«Sa pagtuturo ng isang bagong doktrina.»

«O! pari! Ang Israel ay namumutiktik sa bagong mga doktrina: ang mga Essene ay mayroon ng kanila, ang mga Saduseo at mga Pariseo ay mayroon ng kanila; ang bawat isa ay mayroon ng kanilang lihim na doktrina, na para sa isa ay pinangalanan na kasarapan, para sa isa pa ginto, para sa isa pa kapangyarihan; at ang bawat isa ay may kanyang diyus-diyusan. Hindi Ako. Pinagpatuloy Ko ang tinatapakan na Batas ng Aking Ama, ng Eternal na Diyos, at bumalik Ako sa pag-ulit sa sampung utos ng Dekalogo sa isang simpleng paraan, pinapaos ang Aking Sarili upang makapasok ito sa mga puso na hindi na nakaaalam nito.»

«Kakilabutan! Paglalapastangan! Anong lakas-ng-loob Ninyo na sabihin ito sa akin, isang pari? Ang Israel ba ay walang Templo? Kami ba ay katulad ng mga tapon sa Babylon? Tumugon sa akin.»

«Iyan kung ano kayo, at mas mahigit pa nga. May isang Templo. Oo. Isang gusali. Ngunit ang Diyos ay wala sa loob niyan. Siya ay lumayas sa harapan ng kasuklaman na nasa loob ng Kanyang bahay. Ngunit bakit tinatanong Ako ng napakaraming tanong, kung ang Aking kamatayan ay napagpasyahan na?»

«Kami ay hindi mga mamamatay-tao. Pumapatay kami kung may karapatan kami na gawin ito para sa kitang-kita na diperensiya. ¹¹Ngunit gusto ko Kayong iligtas. Sabihin sa akin, at ililigtas ko Kayo. Nasaan ang Inyong mga disipulo? Kung isusuko Ninyo sila sa akin, palalayain ko Kayo. Ang mga pangalan ng lahat sa kanila, at ang lihim na mga disipulo mahigit pa kaysa sa mga kilala. Sabihin sa akin: si Nicodemus ba ay isa sa Inyong mga disipulo? At si Jose? At si Gamaliel? At si Eleazar? At... Ngunit ang magpatungkol sa isang ito, alam ko na... Hindi na kinakailangan. Magsalita. Magsalita. Nalalaman ninyo na mapapatay ko Kayo at iligtas Kayo. Ako ay makapangyarihan.»

«Ikaw ay dumi. Iniiwan Ko sa dumi ang gawain ng tagapagsuplong. Ako ay Liwanag.»

Ang isang bayaràng walang-hiya ay sinuntok ang mukha ni Jesus.

«Ako ay Liwanag. Liwanag at Katotohanan. Akko ay nagsalita nang hayagan sa mundo, nagturo Ako sa loob ng mga sinagoga at sa Templo, kung saan nagkikita-kita ang mga Judaean, at walang Akong sinabi nang palihim., inuulit Ko ito. Bakit mo Ako tinatanong? Tanungin ang mga nakapakinig sa Aking sinabi. Alam nila.»

Ang isa pang bayaran na walang-hiya ay binigyan Siya ng isang sampal sa mukha sumisigaw: «Ganyan ba Kayo kung tumugon sa Mataas na Pari?»

«Ako ay nagsasalita kay Annas. Si Caiaphas ang Pontipise. At Ako ay nagsasalita na may kaukulan na paggalang sa matandang tao. Ngunit kung sa palagay ninyo nakapagsalita Ako ng isang bagay na mali, patunayan ninyo ito sa Akin. Kung hindi, bakit ninyo Ako pinagbubuhatan ng kamay?»

«Hayaan Siyang mag-isa. Pupunta ako kay Caiaphas. Panatilihin Siya rito hanggang sabihin ko sa inyo ang iba. At tiyakin na hindi Siya nagsasalita sa kahit sino.» Si Annas ay lumabas.

Si Jesus ay hindi nagsasalita. Ni kahit kay Juan, na naglalakas loob na manatili sa pintuan hinaharap ang pulutong ng bayarán na masasamang tao. Ngunit si Jesus, nang walang sinasabing isang salita, ay maaaring nabigyan Niya siya ng isang utos, sapagkat si Juan, pagkatapos ng isang namimighating sulyap, ay umalis at nawala siya sa aking paningin.

Si Jesus ay nananatiling kasama ng mga tagapagpahirap. Mga patamâ ng mga lubid, ng dura, mga insulto, mga sapâ, ang paghablot sa Kanyang buhok, ay siyang iniwan para sa Kanya, hanggang sa ang isang katulong ay dumating upang sabihin na ang Preso ay kailangan na dalahin sa bahay ni Caiaphas.

Si Jesus, natatalian pa rin at minamaltrato, ay lumabas ulit sa ilalim ng balkonahe, naglalakad sa tabi nito hanggang sa layo ng isang lobi, pagkatapos tinawid ang isang yarda kung saan maraming tao ang pinaiinitan ang kanilang mga sarili malapit sa isang apoy, sapagkat ang gabi ay naging malamig at mahangin sa maagang mga oras ng Biyernes. Sina Pedro at Juan ay naroroon din, nakahalo sa pagitan ng palaban na pulutong. At maaaring sila ay totoong matatapang na manatili roon... Si Jesus ay tinitingnan sila at ang isang malabong ngiti ay lumitaw sa Kanyang mga labì na namamaga na dahil sa mga bugbog na tinanggap.

Isang mahabang lakaran patawid sa mga balkonahe, mga bulwagan, mga yarda at mga koridor. Ngunit anong klaseng mga bahay ang mayroon ang mga taong ito ng Templo?

Ngunit ang pulutong ay hindi pumapasok sa bakuran ng bahay ng Pontipise. Ito ay tinutulak patungo sa bulwagang-pamasukan ng bahay ni Annas. Si Jesus ay nagpapatuloy nang mag-isa, sa gitna ng masasamang tao at mga pari. Pumasok Siya sa isang malaking bulwagan na tila nawawalan ng pagka-rektanggulo nito gawa ng maraming upuan na inilagay sa pormang U sa tatlong tabi, nag-iiwan ng bakanteng espasyo sa gitna, na sa kabila nito may dalawa o tatlong mga upuan na nakalagay sa ibabaw ng mga patungan.

Nang si Jesus ay nasa punto na para pumasok, dumating nang kasabay si rabbi Gamaliel, at ang mga guwardiya ay binigyan ng malakas na batak ang Preso, upang makapagbigay Siya ng daan sa rabbi ng Israel. Ngunit ang huli, kasing tigas ng estatwa, may makaharing saloobin ay binagalan ang hakbang at, halos hindi ginagalaw ang kanyang mga labì, nang walang tinitingnan na sinuman, siya ay nagtanong: «Sino Kayo? Sabihin sa akin.» At si Jesus ay may kabaitan na tumugon: «Basahin ang mga propeta at makukuha mo ang kasagutan. Nandoon ang unang tanda. Ang isa pa ay darating.»

Si Gamaliel ay nalikom ang kanyang manta at pumasok. Si Jesus ay pumasok sa likuran niya. Habang si Gamaliel ay pumunta sa isa sa mga upuan, si Jesus ay hinihila patungo sa gitna ng bulwagan, sa harapan ng Pontipise: ang tunay na pigura ng isang kriminal. At sila ay naghintay hanggang makarating ang lahat na mga miyembro ng Sanhedrin.

Pagkatapos ang sesyon ay nagsimula. Ngunit napuna ni Caiaphas na ang dalawa o tatlong mga upuan ay bakante at siya ay nagtanong: «Nasaan si Eleazar? At nasaan si Juan?»

Ang isang bata-pang lalaki, isang eskriba sa palagay ko, ay tumayo, yumuko at nagsabi: «Sila ay tumangging pumunta. Naririto ang kanilang sulat.»

«Itago iyan at tandaan iyan. Mananagot sila para diyan. Ano ang masasabi ng banal na mga miyembro ng Konsehong ito tungkol sa taong ito?»

«Sasabihin ko sa inyo. Nilabag Niya ang Sabbath sa loob ng aking bahay. Ang Diyos ay saksi na hindi ako nagsisinungaling. Si Ishmael ben Fabi ay hindi kailanman nagsisinungaling.»

«Totoo ba ito, nasasakdal?»

Si Jesus ay tahimik.

«Nakita ko siya na namuhay kasama ang kilalang-kilalang mga puta. Nagkukunwang Siya ay isang propeta, ginawa Niyang isang bahay-aliwan ang Kanyang paboritong puntahan, at kasama ang mga paganong babae sa lahat na mga tao. Sina Sadoc, Callascebona at ang katiwala ni Nahum Annas ay kasama ko noon. Sinasabi ko ba ang katotohanan, Sadoc at Callascebona? Pasinungalingan ako, kung karapat-dapat ako nito.»

«Iyan ay totoo. Totoong-totoo.»

«Ano ang masasabi Ninyo?»

Si Jesus ay tahimik.

«Wala Siyang pinalalampas na pagkakataon upang pagtawanan kami at uyamin kami. Ang pangkaraniwang mga tao ay hindi na kami minamahal sa kagagawan Niya.»

«Napapakinggan ba Ninyo sila? Nilapastangan Ninyo ang banal na mga miyembro.»

Si Jesus ay tahimik.

«Ang taong ito ay naalihan. Noong Siya ay nakabalik mula sa Ehipto nagsagawa Siya ng black magic.»

«Papaano mo ito patutunayan?»

«Sa ibabaw ng aking pananampalataya at sa ibabaw ng mga mesa ng Batas.»

«Isang malalang akusasyon. Patunayan ang Inyong inosensiya.»

Si Jesus ay tahimik.

«Ang Inyong ministeryo ay ilegal. Alam Ninyo iyan. At mananagot ng kamatayan. Magsalita.»

«Ang sesyon na ito natin ay ilegal. Tumayo, Simeon, at tayo na» sabi ni Gamaliel.

«Rabbi, nabaliw na ba kayo?»

«Iginagalang ko ang mga pormularyo. Hindi naaayon sa batas na magpatuloy katulad ng ating ginagawa. Gagawa ako ng isang pampublikong paratang laban dito. At si rabbi Gamaliel ay lumabas, kasing tigas ng isang estatuwa, sinusundan ng isang lalaki na mga tatlumpu’t limang tanong gulang, na nakakamukha niya.

Nagkaroon ng kaunting kaguluhan at si Nicodemus at Jose ay sinamantala ito upang makapagsalita sa pabor ng Martir.

«Tama si Gamaliel. Ang oras at ang lugar ay ilegal, at ang mga paratang ay hindi nagkakaayun-ayon. May sinuman ba na makapag-aakusa sa Kanya na alam-na-alam ng lahat na hinamak Niya ang Batas? Ako ay Kanyang kaibigan at sinusumpa ko na lagi ko Siyang nakikitang magalang sa Batas» sabi ni Nicodemus.

«At ako, rin. At upang hindi makaayon sa isang krimen, tinatakpan ko ang aking ulo, hindi para sa Kanya, bagkus para sa atin, at lumalabas ako.» At si Jose ay bababa na sana mula sa kanyang upuan upang lumabas.

Ngunit si Caiaphas ay sumigaw: «Ah! Iyan ba ang inyong sinasabi? Kung gayon papuntahin dito ang nanumpang mga saksi. At pakinggan sila. Pagkatapos kayo ay aalis.»

Pagkatapos dalawang dating preso ang pumasok. Maiwas na mga tingin, malupit na mga panunuya, tusong mga pamamaraan.

«Magsalita.»

«Hindi sang-ayon sa bata na pakinggan ang dalawa nang sabay» sigaw ni Jose.

«Ako ang Mataas na Pari. Ako ang nagbibigay ng mga utos. Manahimik!»

Si Jose ay hinampas ang mesa sa pamamagitan ng kanyang kamao at nagsabi: «Harinawang ang apoy ng Langit ay bumagsak sa inyo! Magmula sa sandaling ito tandaan na si Jose ang Nakatatanda ay isang kaaway ng Sanhedrin at isang kaibigan ng Kristo. At lalakad ako kaagad upang sabihan ang Praetor na ang isang tao ay hinahatulan ng kamatayan dito nang walang pahintulot ang Roma» at siya ay nagmadaling lumabas binibigyan ng isang marahas na tulak ang isang bata-pang payat na eskriba na gusto siyang pigilan.

Si Nicodemus ay lumabas nang mas kalmante nang walang sinasabi kahit isang salita. At nang lumalabas siya ay tumigil nang sandali sa harapan ni Jesus at tinitingnan Siya...

Isa pang pagkakagulo. Sila ay natatakot sa Roma. At si Jesus ay laging ang nagbabayad-sala na biktima.

«Kita Ninyo, ang lahat na ito ay nangyayari sa kagagawan Ninyo, Kayo na nagpapasamâ sa pinakamagagaling na Judaean.

Si Jesus ay tahimik.

«Gawin ang mga saksi na magsalita» sigaw ni Caiaphas.

«Oo, Ginagamit Niya ang... ang... Alam namin... Ano nga ba ang pangalan ng bagay na iyon?»

«Ang tetragram, kaya?»

«Iyan nga! Nasabi mo ito! Pinanawagan Niya ang patay. Tinuruan Niya ang mga tao na magrebelde laban sa Sabbath at upang lapastanganin ang altar. Isinusumpa namin ito. Sinabi Niya na gusto Niyang sirain ang Templo at itayo itong muli sa loob ng tatlong araw sa tulong ng mga dimonyo.»

«Hindi. Sinabi Niya: ito ay hindi itatayo ng tao.»

Si Caiaphas ay bumaba mula sa kanyang upuan at nilalapitan si Jesus. Maliit, sobrang tabâ, pangit, nagmumukha siyang isang dambuhalang palaka na malapit sa isang bulaklak. Sapagkat si Jesus, bagama't nasugatan, nagalusan, marumi at magulo ang ayos, ay napakakisig pa rin at solemne. «Hindi ba Kayo tumutugon? Anong nakapangingilabot na mga paratang ang dinadala nila laban sa Inyo! Magsalita, upang malinis ang Inyong Sarili ng gayong kahihiyan.»

Ngunit si Jesus ay tahimik. Tinitingnan Niya siya ngunit hindi nagsasalita.

«Tumugon sa akin, kung gayon. Ako ay ang Inyong Pontipise. Nakikiusap ako sa Inyo sa ngalan ng buhay na Diyos. Sabihin sa akin: Kayo ba ang Kristo, ang Anak ng Diyos?»

«Nasabi mo ito. Ako nga. At makikita mo ang Anak ng tao, nakaupo sa kanang kamay ng kapangyarihan ng Ama, dumarating sa ibabaw ng mga ulap ng langit. Bukod pa sa rito, bakit mo Ako tinatanong? Ako ay nagsalita sa madla sa loob ng tatlong tao. Wala akong sinabing kahit ano nang palihim. Tanungin mo ang mga nakarinig sa Akin. Sasabihin nila sa inyong kung ano ang Aking sinabi at kung ano ang Aking ginawa.»

Ang isa sa mga sundalo na humahawak sa Kanya, ay sinuntok ang Kanyang bunganga, ginagawa itong dumugo muli, at siya ay sumigaw: «Ganyan ka ba tumugon, O satanas, sa Mataas na Pari?»

At si Jesus ay tumugon nang mapagpakumbaba sa isang ito katulad na Siya ay tumugon sa nauna: «Kung ang nasabi Ko ay katotohanan, bakit mo Ako sinusuntok? Kung ang nasabi Ko ay isang maling bagay, bakit hindi mo sabihin sa Akin kung saan Ako nagkamali? Sinasabi Ko sa iyong muli: Ako ang Kristo, ang Anak ng Diyos. Hindi Ako makapagsisinungaling. Ako ang Mataas na Pari, ang Eternal na Pari. At tanging Ako lamang ang nagsusuot ng totoong Rational, kung saan ito ay nakasulat: Doktrina at Katotohanan. At Ako ay tapat sa dalawa, kahit hanggang kamatayan, kahiya-hiya sa mga mata ng mundo, banal sa mga mata ng Diyos, at hanggang sa lubos na maligayang Resureksiyon. Ako ang Pinahiran-ng-Langis na Isa. Pontipise at Hari Ako nga. At malapit Ko nang kunin ang Aking setro at sa pamamagitan nito, katulad sa isang pantahip, lilinisin Ko ang sahig-giikan. Ang Templong ito ay sisirain at tataas ito muli, bago at banal. Sapagkat ang isang ito ay naging marumi at ito ay inabandona ng Diyos sa kahihinatnan nito.»

«Tagapaglapastangan!» lahat sila ay sumisigaw nang sabay-sabay.

«Gagawin ba Ninyo iyan sa loob ng tatlong araw, Kayong tangang nakukuluban na tao?»

«Hindi ang isang ito. Bagkus ang Akin ay babangon muli, ang Templo ng totoo, buháy, banal, tatlong ulit na banal na Diyos.»

«Anathema!» sumisigaw ulit sila nang sabay-sabay.

Si Caiaphas ay itinaas ang kanyang kumukurukok na tinig, pinupunit niya ang kanyang mga suot nang may pagpapakitang pangingilabot, at sinabi niya: «Ano pa ang kailangan natin na mapakinggan mula sa mga saksi? Siya ay naglapastangan. Kung gayon ano ang ating gagawin?»

At ang lahat sabay-sabay: «Karapat-dapat Siyang mamatay.» At nang may mapagmataas na naiiskandalong mga pagpapakita sila ay lumabas ng bulwagan, iniiwan si Jesus sa awa ng mga masasamang tao at ng malaking pulutong ng huwad na mga saksi, at nang may mga sampal, dagok, pagdurâ, ay binubulag ang Kanyang mga mata sa pamamagitan ng isang basahan at pagkatapos hinihila ang Kanyang buhok nang marahas, tinutulak Siya dito at doon na ang Kanyang mga kamay nakatali, upang Siya ay sumasalpok sa mga mesa, upuan at mga pader, habang tinatanong nila Siya: «Sino ang dumagok sa Inyo? Hulaan.» At maraming beses nila Siyang pinapatid at ginagawa Siyang bumagsak una ang Kanyang mukha, at sila ay magtatawanan nakikita kung papaano Siya ngayon nahihirapang tumayo muli, ang Kanyang mga kamay bilang nakatali.

Ilang oras ang nakaraan nang ganyan at ang pagod na mga nagpapahirap ay nagpasyang magpahinga muna nang kaunti. Dinala nila si Jesus sa isang closet, ginagawa Siyang dumaan sa maraming yarda sa gitna ng mga insulto ng nagkakagulong mga tao na dumarami na sa bakuran ng bahay ng Pontipise.

Si Jesus ay nakarating sa bakuran kung saan naroroon si Pedro malapit sa isang apoy. At tinitingnan Niya siya. Ngunit si Pedro ay hindi napuna ang Kanyang puná. Si Juan ay wala na roon. Hindi ko siya makita. Sa palagay ko siya ay umalis kasama si Nicodemus...

Ang pasikat ng araw ay dumarating at ang langit ay nagmumukhang medyo berde. Isang utos ang binigay: ang Preso ay kailangang dalhin ulit sa Council Hall para sa isang mas legal na paglilitis. Ito ay ang sandali lamang kung kailan itatatwa ni Pedro sa ikatlong beses na hindi niya kilala ang Kristo, nang si Jesus ay dumaraan, may mga marka na ng paghihirap. At, sa loob ng medyo berdeng liwanag, ang Kanyang mga pasà ay mas nagmumukhang nakapangingilabot sa Kanyang maputlang mukha, at ang Kanyang mga mata mas nakalubog at maluha-luha: isang Jesus nagawang mapurol ng kapighatian ng mundo...

Ang isang nanunudyong nakapanunuyang tumitilaok na tandang ang gumambala sa ere na nagsisimula pa lamang na gumalaw sa bukang-liwayway. At sa sandaling ito ng malalim na katahimikan gawa ng paglitaw ng Kristo, tanging ang paos na tinig lamang ni Pedro ang narinig na nagsabi: «Sinusumpa ko ito, babae, hindi ko Siya nakikilala»: isang matatag na disididong pananalita, kung saan tumugon kaagad, katulad ng isang panunuya, ang mapangahas na pagtilaok ng tandang.

peter denialSi Pedro ay nagulat. Siya ay tumalikod upang tumakbo at natagpuan niya ang kanyang sarili nakaharap kay Jesus, Na nakatingin sa kanya nang may walang-hangganang awa, na may malungkot na gayon kalalim na kapighatian na dumudurog sa aking puso, na tila pagkatapos niyon makikita ko ang aking Jesus na mawawala na magpakailanman. Si Pedro ay humihikbi at siya ay lumabas pasuray-suray na tila siya ay lasing. Siya ay tumakbo sa likuran ng dalawang katulong, na lumabas sa kalsada, at nawala sa ibaba sa medyo madilim na kalsada.

Si Jesus ay ibinalik ulit sa bulwagan. Nang magkakasabay inulit nila ang mahirap pakitunguhan na tanong: «Sa ngalan ng totoong Diyos, sabihin sa amin: kayo ba ang Kristo?» At noong sila ay makatanggap ng tugon na katulad ng dati, hinatulan nila Siya ng kamatayan at nagbigay sila ng mga utos na dalhin Siya kay Pilato.

Si Jesus, sinasamahan ng lahat ng Kanyang mga kaaway, maliban kay Annas at Caiaphas, ay lumabas, dumaraan muli sa mga korteng iyon ng Templo, kung saan Siya nagsalita nang maraming beses, nakatulong at nagpagaling sa maraming mga tao, at pagkalampas sa bakuran na muog Siya ay nagpatungo sa mga kalsada ng bayan, at mas kinakaladkad kaysa pinasusunod, bumababa Siya patungo sa bayan, na nagkukulay rosas  na sa unang pagpapakita ng pagsikat ng araw.

Sa palagay ko para lamang mapahirapan Siya nang mas matagal, ginagawa nilang tahakin Niya nang paikot ang Herusalem, pinadaraan nang sadya sa mga palengke, sa mga establero, sa bayarang mga panuluyan ng mga tao sa Paskuwa. At kapwa ang mga sirang gulay sa mga palengke, at ang mga dumi ng mga hayop sa mga establero, ay nagiging pambato para sa Inosente, na ang Kaninong mukha ay nagpapakita ng palaki pa nang palaking mga pasà at maliliit na dumurugong mga hiwa, at natatakpan ng iba't ibang  maruruming bagay na nakakalat sa mukha. Ang Kanyang buhok, mabigat na at nabanat na ng pawis na dugo, ay nagmumukhang mas walang-buhay at nakabitin nang magulo, may mga kalat ng pira-pirasong mga dayami at dumi, bumabagsak sa Kanyang mga mata, sapagkat ginugulo nila ito upang matakpan ang Kanyang mukha.

Ang mga tao sa mga palengke, mga bumibili at mga nagtitinda, ay iniiwanan ang lahat upang sundan ang Kaawa-awang Sawing-palad, ngunit hindi dala ng pagmamahal. At ang mga sota at mga katulong sa mga bahay panuluyan ay lumalabas nang grupu-grupo, bingi sa mga panawagan at mga utos ng kanilang mga sinyora, na, sasabihin ko sa inyo ang totoo, katulad ng lahat na iba pang mga babae, ay, kung hindi lahat kontra sa mga insulto, walang pakialam sa kaguluhan, at sila ay umaalis na pabulung-bulong sa pagiging naiiwan nang nag-iisa na may napakaraming tao na dapat pagsilbihan.

Kung kaya't ang sumisigaw na prusisyon ay palaki nang palaki tuwing sandali at ang mga isip at mga hitsura ay tila nagbabago ang kalikasan sa pamamagitan ng biglaan na epidemya, katulad na ang una ay nagiging mga isip ng mga kriminal, at ang huli ay nagiging mga maskara ng kabangisan sa mga mukha na nagiging berde sa kapootan o mapula sa galit; ang mga kamay nagiging mga pangalmot at ang mga bunganga kinukuha ang hugis at ang pag-alulong ng mga asong-gubat, at ang mga mata nagmumukhang masasamâ, mapula, singit katulad ng mga baliw. Tanging ang kay Jesus lamang ang nananatiling pareho pa rin, bagama't sa ngayon Siya ay puno na ng dumi sa Kanyang buong katawan. at ang Kanyang hitsura ay nasira na ng mga galos at mga pamamaga.

Sa isang may-arkong bahagi ng kalsada na nagpapasikip dito katulad ng isang singsing, habang ang lahat ay nababarahan at bumabagal, ang isang sigaw ay narinig: «Jesus!» Ito ay si Elias, ang pastol, na nagpupumilit na makaraan winawasiwas ang kanyang pambambo. Matanda na, mapuwersa, mapanganib at malakas, halos nagtagumpay siya sa paglapit sa Guro. Ngunit ang pulutong, natalo sa unang sugod, ay nagkasundo at naghiwalay, pinagtulungan siyang itulak at nagapi ang nag-iisang disipulo na nakikipaglaban sa isang buong pulutong. «Guro!» sumisigaw siya, habang ang ipu-ipo ng pulutong ay nilululon at inilalayo siya.

«Lakad!... Ang Aking Ina... Pinagpapala kita...»

At ang prusisyon ay nakaraan sa makipot na bahagi. At katulad ng tubig na nakakita ng mararaanan pagkalampas ng dike, ito ay bumuhos nang maingay patungo sa isang malapad na abenida, na ginawa sa ibabaw ng pagitan na espasyo ng dalawang burol, na may magagandang gusali ng mayayamang tao sa dulo.

Nakikita ko na muli ang Templo sa tuktok ng burol nito, at napuna ko na ang masamang paikot na ginawa nilang ikutin ng Nahatulan, upang malantad Siya sa pangungutya ng buong bayan at mainsulto Siya ng lahat, habang dumarami ang mga nang-iinsulto sa bawat hakbang, ay patapos na sa pagbalik nito kung saan ito nagsimula.

Ang isang nangangabayong lalaki ay sumulpot mula sa isang gusali sa isang arangkada. Ang purpurang panakip sa ibabaw ng puting kabayong Arabe at ang kagandahan ng hitsura nito, ang kanyang espada wala sa kaluban nito at bumabagsak ang walang-talim na gilid nito sa mga likod at mga ulo na nagsisimulang dumugo, ay nagagawa siyang magmukhang isang arkanghel. Nang sa isang pagpapaliko sa kabayo, nang ang kabayo ay tila lumulukso, ginagamit ang mga paa nito bilang depensa upang maipagsanggalang ang sarili nito, nagawa nito na ang purpura at gintong belo ay maalis sa ulo ng nakasakay, kung saan ito nahahawakan ng gintong tali, nakilala ko si Manaen.

«Atras!» sumisigaw siya. Anong lakas-ng-loob ninyo na gambalain ang pagpapahinga ng Tetrarka?» Ngunit iyon ay isa lamang dahilan upang mapangatwiranan ang kanyang pakikialam at nagsikap na malapitan si Jesus. «Ang taong ito... Tingnan ko nga Siya... Huwag kayong gumalaw, kung hindi tatawagin ko ang mga guwardiya...»

Ang mga tao, dahil sa datíng ng tama ng gilid ng espada, at ng mga sipa ng kabayo at ng pagbabanta ng nakasakay na lalaki, ay nagbukas ng hanay at si Manaen ay mararating ang grupo ni Jesus at ng mga guwardiya ng Templo na humahawak sa Kanya.

«Lumayas kayo! Ang Tetrarka ay mas mahalaga kaysa sa inyo, kayong maruruming katulong. Atras. Gusto kong makipagusap sa Kanya» at siya ay nagtagumpay sa pagharap sa pinaka malupit na guwardiya sa pamamagitan ng kanyang espada.

«Guro!...»

«Salamat sa iyo. Ngunit umalis ka! At harinawang paginhawahan ka ng Diyos!» At, hangga't sa magagawa Niya na ang Kanyang mga kamay nakatali, gumagawa Siya ng pagbebendisyon.

Ang mga pulutong ay humahagishis mula sa malayo, at nang kaagad makita nila na si Manaen ay umaalis, sila ay gumagawa ng paghihiganti sa pagpapa-atras sa kanila sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga bato at basura sa Nahatulan.

Sa abenida, na pataas at mainit na sa sikat ng araw, sila ay nagpapatungo sa Antonia Tower, na ang pinakabahagi nito ay makikita na sa malayo.

Ang isang matiling iyak ng isang babae ay narinig: «O! aking Tagapaglikha! Ang aking buhay para  Kanya, o Eternal!»

Si Jesus ay lumingon at sa ibabaw ng mabulaklak na balkon sa paligid ng gusali nakita Niya si Johanna ni Chuza, sa pagitan ng mga babae at lalaking mga katulong at kasama sina Maria at Matthias sa paligid niya, nakataas ang mga kamay patungo sa langit. Ngunit ang Langit ay walang pinakikinggan panalangin ngayon! Si Jesus ay itinataas ang Kanyang mga kamay at gumagawa ng paggalaw ng pamamaalam na pagpapalà.

«Kamatayan! Kamatayan sa tagapaglapastangan, sa tagapagparumi, sa dimonyo! Kamatayan sa Kanyang mga kaibigan» at mga sutsot at mga bato ay pinaaabot sa mataas na terasa. Hindi ko alam kung mayroong nasaktan. Nakarinig ako ng napakatiling sigaw pagkatapos nakita ko ang grupo na naghiwa-hiwalay at nawala.

At nagpapatuloy nang nagpapatuloy pa, pataas... Ang Herusalem ay pinakikita ang mga bahay nito sa ilalim ng sikat ng araw, mga walang laman, nawalan ng laman gawa ng poot na nagpapatakbo sa buong bayan laban sa isang walang laban na tao, nawalan ng mga nakatira dito at ng mga pansamantalang tumitira na pumunta rito para sa Paskuwa.

Ilang mga sundalong Romano, isang buong pangkat, ang tumakbo papalabas mula sa Antonia na ang kanilang mga sibat nakatutok sa nagkakagulong mga tao, na naghihiwa-hiwalay sumisigaw. Sa gitna ng kalsada ay naroon si Jesus naiwan kasama ang mga guwardiya, ang hepe ng mga pari, ng mga eskriba at ng mga nakatatandang mga tao.

«Ang taong ito? Ito sedisyon? Mananagot kayo sa Roma para dito» sabi ng isang senturyon nang mapagmataas.

«Siya ay nananagot na mamatay ayon sa aming batas.»

«At kailan pa ba isinauli sa inyo ang “jus gladii et sanguinis”» tanong muli ng mas nakakataas na senturyon, isang tunay na Romano, na may mahigpit na mukha at isang pisngi na markado ng isang malalim na peklat. At siya ay nagsasalita nang may paghamak at pagkayamot katulad na kung siya ay magsasalita sa mga makukupad na mga alipin ng galera.

«Nalalaman namin na wala kami ng karapatan na iyan. Kami ay mga tapat na nasasakupan ng Roma...»

«Ha! Ha! Ha! Pakinggan sila, Longinus. Tapat! Mga nasasakupan! Mga kasuklam-suklam! Gagantimpalaan ko kayo ng mga palaso ng aking mga mamamánà.»

«Isang napakanobleng kamatayan! Ang mga likod ng mga mola ay walang ibang gusto bagkus ang latigo!...» tugon ni Longinus nang may kalamigan na panunuya.

Ang hepeng mga pari, mga eskriba at mga nakatatanda ay umuusok sa galit. Ngunit ibig nilang makuha ang kanilang tinatangka at sila ay nananahimik, nilulunok nila ang mga insulto nang hindi nagpapakita na ito ay naintindihan nila, at yumuyuko sa dalawang opisyal, hiningi nila na si Jesus ay madala kay Pilato upang «husgahan at masentensiyahan sa pamamagitan ng kilalang tapat na hustisya ng Roma.»

«Ha! Ha! Makinig sa kanila! Tayo ay naging mas marunong pa kaysa kay Minerva... Dito! Ibigay Siya sa amin! At magmartsang nauuna sa amin! Hindi malalaman kailanman ng isa Kayo ay mababahong asong-gubat. Delikadong nasa likuran namin kayo. Magpatuloy!»

«Hindi namin magagawa.»

«Bakit hindi? Kapag nag-aakusa ang isa siya ay kailangan na nasa harapan ng hukom kasama ang akusado. Iyan ang patakaran ng Roma.»

«Ang bahay ng isang pagano ay di-malinis sa aming mga mata, at kami ay napadalisay na para sa Paskuwa.»

«O! kaawa-awang maliliit na bagay! nakukuntamina sila sa pagpasok dito!... At ang pagpatay sa tanging Hebreo Na isang tao, at hindi isang asong-gubat at isang butiking katulad ninyo, ay hindi nagpaparumi sa inyo? O sige. Kung gayon manatili sa kinaroroonan ninyo. Wala ni isang hakbang papasók kundi’y matutusok kayo ng mga sibat. Gawin na may isang sampung-sundalo ang nakapaligid sa Nasasakdal. Ang iba sa harapan ng nagkakagulong mga taong ito na nangangamoy katulad ng masamang-nahugasan na mga kambing.»

Si Jesus ay pumapasok sa Praetorium sa gitna ng sampung mga sundalo na armado ng mga sibat at pumorma ng isang kudradong bakod sa paligid ni Jesus. Ang dalawang senturyon ay nagpapatuloy. Habang si Jesus ay tumitigil sa loob ng isang malaking bulwagang-pamasukan, na sa kabila nito ay naririyan ang isang bakuran na malabong makikita sa likuran ng isang kurtina na ginagalaw ng hangin, sila ay nawala sa likuran ng isang pinto.

Sila ay bumalik kasama ang Gubernador, na nakasuot ng isang puting-niyebe na toga na may isang eskarlatang manta sa ibabaw nito. Baka ganyan sila kung magdamit kapag opisyal na nangangatawan sila sa Roma. Siya ay lumalapit nang tinatamad, may di-naniniwalang ngiti sa kanyang ahit-na-ahit na mukha, nagkukuskos siya ng ilang dahon ng berbena na nangangamoy lemon at inaamoy niya ito nang sarap-na-sarap siya. Pumunta siya sa isang sun-dial at bumalik pagkatapos na matingnan ito. Nagtapon siya ng ilang butil ng insenso sa isang metal na mangkok na nasa paanan ng isang estatuwa. Nagpahatid siya ng isang tubig na may lasa ng dalanghita at minumog niya ito. Tinitingnan niya ang kanyang buhok na ganap na alun-alon sa isang salamin na isang pinakintab na metal. Tila nakakalimutan niya ang Preso, Na naghihintay para sa kanyang pagpapatibay upang mapatay. Magagawa niya kahit na mga bato na lumipad sa galit sa pagkainip.

Sa dahilan na ang harapan ng bulwagan ay ganap na bukas at nakataas nang tatlong baytang mula sa sahig ng lobi, na nagbubukas sa kalsada at tatlong baytang na mas mataas pa kaysa dito, ang mga Hudyo ay nakikita nang mabuti ang lahat at sila ay kumukunot ang mga noo at umuusok sa galit. Ngunit hindi sila maglakas-loob na magrebelde dahil natatakot sila sa mga sibat at mga diyabelin.

Sa wakas, pagkatapos ng paikut-ikot sa malaking bulwagan, si Pilato ay nagpatungong tuwiran kay Jesus, tinitingnan niya Siya at tinanong ang dalawang senturyon: «Ang isang ito?»

«Oo, ang taong ito.»

«Gawing lumapit ang mga nag-aakusa sa Kanya» at umalis siya upang maupo sa isang upuan na inilagay sa ibabaw ng plataporma. Sa itaas niya ay naroon ang sagisag ng Roma may nakasalabat na gintong mga agila at ng kanilang makapangyarihan na mga letra.

«Hindi sila makalalapit. Nakukuntamina sila.»

«Phew! Mas mabuti pa ang ganyan. Makakatipid tayo sa mga insenso upang maalis ang amoy-kambing na amoy sa lugar na ito. Palapitin man lamang sila nang kaunti. Sa ibaba rito. At tiyakin na hindi sila pumapasok. Ang taong ito ay maaaring gamiting dahilan para sa isang sedisyon.»

Ang isang sundalo ay umalis upang ipaabot ang utos ng Romanong Procurator. Ang iba ay lumapit sa harapan ng bulwagang-pamasukan sa hanay na magkakaparehong distansiya sa isa't isa, kasing kisig ng siyam na estatuwa ng mga bayani.

Ang hepeng mga pari, mga eskriba at mga nakatatanda ay lumapit at sila ay yumukong parang mga alipin at tumigil sa maliit liwasan bago ang  Praetorium, sa kabila ng tatlong baytang ng lobi.

«Magsalita at magmadali. Kayo ay nasa pagkakamali na para sa pangangambala sa kapayapaan ng gabi at gawing mabuksan ang mga Gate nang may karahasan. Ngunit akin iyan patitingnan. At ang mga prinsipal at mga tumanggap ng mga utos ay mananagot sa paglabag sa ordinansa.» Si Pilato ay lumakad nang papalapit sa kanila, nananatili sa bulwagan.

«Kami ay nagpunta rito upang ibigay ang aming naging pasya sa taong ito sa Roma, na ang kaninong dibinong emperador inyong pinangangatawanan.»

«Anong akusasyon ang inyong pinararatang sa Kanya? Siya ay tila inosente sa akin...»

«Kung Siya ay hindi isang gumagawa ng masama, hindi namin Siya dadalhin sa inyo.» At sa kanilang pananabik na akusahan Siya sila ay napalapit.

«Palayuin ang mga taong ito. Anim na hakbang sa kabila ng tatlong baytang sa liwasan. Ang dalawang-sandaan kataong mga sundalo mag-armas!»

Ang mga sundalo ay sumunod kaagad, sandaang sundalo ang lumenya sa itaas ng mas nasa labas na baytang nakatalikod sila sa bulwagang-pamasukan, at sandaang sundalo sa loob ng maliit na liwasan, patungo rito kung saan nagbubukas ang pinaka pinto ng tirahan ni Pilato. Sinabi ko pinaka pinto, dapat sinabi ko malaking pintuan o pananagumpay na arko, sapagkat napakalapad na daanan ito nalilimitahan ng isang geyt, ngayon maluwang na nakabukas, na magpaparaan patungo sa mahabang koridor ng lobi mga anim na metro man lamang ang lapad, upang kung ano ang nangyayari sa nakataas na bulwagan ay makikitang mabuti. Sa kabila ng mapalad na lobi makikita ng isa ang walang kagana-ganang mga mukha ng mga Hudyo na tumitingin nang nagbabanta at may-kadimonyohan sa loob, sa kabila ng armadong harang na mga sundalo, na magkakatabi, ay nakatutok ang dalawang-daan na matutulis na sibat sa pinanghihinaang-loob na mga mamamatay-tao.

«Tinatanong ko kayo muli, anong akusasyon ang ipinararatang ninyo sa taong ito?»

«Nakagawa Siya ng mga krimen na laban sa Batas ng aming mga ninuno.»

«At kayo ba ay pumunta rito upang abalahin ako tungkol diyan? Kunin Siya at husgahan Siya ayon sa inyong mga batas.»

«Hindi kami makapaghahatol ng kamatayan sa sinuman. Kami ay walang-alam. Ang siyensiya ng batas ng Hudyo ay isang may-pagkukulang sa isip na bata kompara sa perpektong batas ng Roma. Bilang mga mangmang na tao at mga nasasakupan ng Roma, ang maybahay, kami ay nangangailangan...»

«Mula pa kailan kayo naging pulot at mantikilya?... Ngunit nakapagsalita kayo ng katotohanan, o mga guro ng kasinungalingan! Kayo ay nangangailangan ng Roma! Oo. Upang mawalan kayo ng taong ito na nagbibigay sa inyo ng problema. Nakikita ko.» At si Pilato ay tumatawa, tinitingnan ang maliwanag na kalangitan na naikukuwadro katulad ng isang rektanggulong larawan ng madilim na turkesa sa gitna ng niyebeng-kaputian na marmol ng mga pader ng bulwagan. «Sabihin sa akin: anong mga krimen ang Kanyang nagawa laban sa inyong mga batas?»

«Napag-alaman namin na gumagawa Siya ng mga kaguluhan sa aming bansa at pinipigilan ang mga tao na magbayad ng tributo kay Caesar, sinasabi na Siya ang Kristo, ang hari ng mga Hudyo.»

Si Pilato ay bumalik kay Jesus, Na nasa gitna ng bulwagan, iniwan doon ng mga sundalo, nakatali ngunit walang guwardiya, halatang-halata ang Kanyang kababaang-loob. At tinanong niya Siya: «Kayo ba ang hari ng mga Hudyo?»

«Itinatanong mo ba ito ayon sa iyong kagustuhan, o sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng ibang mga tao?»

«At ano ang inaasahan Ninyong pakialam ko para sa Inyong Kaharian? Ako ba ay isang Hudyo? Ang Inyong bansa at ang mga lider nito ay iniabot Kayo sa akin, na sana mahusgahan ko Kayo. Ano ang Inyong nagawa? Alam ko na Kayo ay tapat. Magsalita. Totoo ba na naghahangad Kayong maghari?»

«Ang Aking Kaharian ay hindi nanggagaling sa mundong ito. Kung ito ay isang kaharian ng mundong ito, ang Aking mga ministro at Aking mga sundalo ay sana nakipaglaban na upang mapigilan ang mga Hudyo na maaresto Ako.  Ngunit ang Aking Kaharian ay hindi kaharian ng mundong ito. At nalalaman mo na hindi Ako naghahangad ng kapangyarihan.»

«Iyan ay totoo. Alam ko. Ako ay nasabihan. Ngunit hindi ba Ninyo tinatanggi na Kayo ay isang hari?»

«Pinipilit mo ito. Ako ay isang Hari. Iyan kung bakit Ako pumunta sa mundo: upang magsaksi sa Katotohanan. Ang mga nasa panig ng Katotohanan ay nakikinig sa Aking tinig.»

«Ano ang Katotohanan? Kayo ba ay isang pilosopo? Hindi ito nakakabuti kapag humaharap sa kamatayan. Si Socrates ay namatay gayon din.»

«Ngunit nakabuti iyon sa panahon ng kanyang pamumuhay, ang mabuhay nang tapat. At upang mamatay nang maayos din. At upang makapasok sa kabilang buhay nang hindi tinatawag na isang taksil ng pambayan na mga birtud.»

«Sa ngalan ni Jove!» Si Pilato ay tinitingnan Siya nang matagal-tagal puno ng paghanga. Pagkatapos pinagpatuloy niya ang kanyang di-makapaniwalang pangungutya. Nagpapakita siya nang pagkainip, tinalikuran niya Siya at pinuntahan ang mga Judaean. «Wala akong makitang pagkakamali sa Kanya.»

Ang pulutong ay nagkakagulo, nahintakutan na baka makawala ang bihag at mawala ang mapapanood na kapital na kaparusahan. At sila ay sumisigaw: «Siya ay isang rebelde!», «Isang Tagapaglapastangan», «Nanghihimok Siya ng pagkakaroon ng indibidwal na kalayaan», «Binubuyo Niya ang mga tao na magrebelde», Tumatanggi Siya ng paggalang sa Caesar», «Nagkukunwari Siyang isang propeta», «Nagsasagawa Siya ng mahika», «Siya ay isang dimonyo», «Sinusulsulan Niya ang mga tao nagtuturo sa buong Judaea, kung saan Siya nanggaling sa Galilee nagtuturo», «Kamatayan sa Kanya!», «Kamatayan sa Kanya!»

«Siya ba ay isang Galilean? Ikaw ba ay isang Galilean?» Si Pilato ay binalikan si Jesus: «Napapakinggan ba Ninyo kung papaano nila Kayo akusahan? Patunayan ang Inyong inosensiya.» Ngunit si Jesus ay tahimik.

Si Pilato ay nag-iisip... At siya ay nagpasya: «Gawin ang isang sandaan na sundalo na dalhin Siya kay Herodes upang mahusgahan. Siya ay nasasakupan ni Herodes. Kinikilala ko ang karapatan ng Tetrarka at sinasang-ayunan ko ang kanyang pasya bago pa man. Sabihin sa kanya. Lakad.»

At si Jesus, pinalilibutan katulad ng isang salbahe ng sandaan na mga sundalo, ay dumaraan muli sa bayan at sa muli nasalubong Niya si Judas Iskariote, na Kanya nang nakita malapit sa palengke. Nakalimutan kong banggitin ito kanina, naiinis katulad ko sa pag-aaway ng mga tao. Gayon din na mahabagin na ngiti sa traydor...

Mas mahirap na ngayon na patamaan Siya ng mga sipa at mga pamukpok, ngunit walang kakulangan ng mga bato at mga basura at, kung ang mga bato ay tumatama sa mga helmet ng mga Romano at ang armor ay tumutunog nang walang kapinsalaang nagagawa, nag-iiwan ito ng mga marka kapag ito ay tumatama kay Jesus, Na nagpapatuloy sa paglalakad nang walang iba bagkus ang Kanyang tunika lamang ang suot, dahil naiwan Niya ang Kanyang manta sa Gethsemane.

Nang pumapasok sa marangyang palasyo ni Herodes, nakita Niya si Chuza... na hindi makatingin sa Kanya and tumakbo upang hindi Siya makita sa kalagayan na iyon, tinatakpan ang kanyang ulo ng kanyang manta.

Siya ay nasa loob na ngayon ng bulwagan, sa harapan ni Herodes. At sa likuran Niya, ay naroon ang mga eskriba at mga Pariseo, na nakapagpapahingalay dito, at pumapasok upang gawin ang kanilang mga paratang na kasinungalingan. Tanging ang senturyon lamang at ang apat na sundalo ang sumasabay sa Kanya patungo sa Tetrarka.

Si Herodes ay bumaba mula sa kanyang upuan at naglalakad sa paligid ni Jesus, habang pinakikinggan ang mga akusasyon ng Kanyang mga kaaway. At siya ay ngumingiti at nanghahamak.

Pagkatapos siya ay nagkukunwaring naaawa at gumagalang, na hindi nagpapabalisa sa Martir, katulad na ang kanyang panunukso ay hindi nakaka-apekto sa Kanya. «Kayo ay dakila. Alam ko. Ako ay nagtanung-tanong tungkol sa Inyo at ako ay nasisiyahan na si Chuza ay Inyong kaibigan at si Manaen Inyong disipulo. Ako... ang mga alalahanin ng estado... Ngunit gaano ako nananabik na sabihin na Kayo ay dakila... upang hingin sa Inyo na patawarin ako... Ang mga mata ni Juan... ang kanyang tinig ay inaakusahan ako at laging nasa harapan ko. Kayo ang santo na nagkakansela ng mga kasalanan ng mundo. Patawarin ako, o Kristo.»

Si Jesus ay tahimik.

«Napakinggan ko na inaakusahan nila Kayo sa pagrerebelde laban sa Roma. Hindi ba Kayo ang ipinangakong pamalo na hahampas sa Assur?»

Si Jesus ay tahimik.

«Sinabi nila sa akin na hinuhulaan Ninyo ang katapusan ng Templo at ng Herusalem. Ngunit hindi ba’t ang Templo ay eternal bilang isang espiritu, sa dahilan na ginusto ito ng Diyos Na eternal?»

Si Jesus ay tahimik.

«Baliw ba Kayo? Nawala na ba ang Inyong kapangyarihan? Si Satanas ba ay pinipigilan Kayo sa pagsasalita? Inabandona na ba niya Kayo?» Si Herodes ay tumatawa na ngayon.

Pagkatapos siya ay nagbigay ng utos. At ilang mga katulong ang nagmadaling pumasok may dala-dalang isang greyhound, na may pilay na paa at tumatahol nang paiyak, at isang establero, na hindi makapagsalita nang may saysay, may malaking walang-laman na ulo, naglalaway ang bunganga, isang kulang-kulang, ang pinagtatawanan ng mga katulong. Ang mga eskriba at mga pari ay tumakbo, sumisigaw ng paglalapastangan, noong makita nila ang estretser ng aso.

Si Herodes, huwad at nanunuya, ay nagpapaliwanag: «Iyan ay ang alaga ni Herodias. Isang regalo ng Roma. Nabalian iyan ng paa kahapon at si Herodias ay umiiyak. Utusan iyan na gumaling. Gumawa ng isang Himala.»

Si Jesus ay tinitingnan siya nang mahigpit at nananahimik.

«Nasaktan ko ba Kayo? Ang isang ito, kung gayon. Siya ay isang tao, bagama't siya ay mahigit nang kaunti kaysa sa mabangis na hayop. Bigyan siya ng katalinuhan, sa dahilan na Kayo ay ang Katalinuhan ng Ama...  Hindi ba’t iyan ang sinasabi Ninyo?» At siya ay tumatawang nananakit ng damdamin.

Isa pang mas mahigpit na sulyap ni Jesus, Na nananahimik pa rin.

«Ang taong ito ay labis na nag-aayuno at ngayon nayayanig ng panunuya. Magdala ng alak at mga babae dito. At kalagan Siya.»

Kinalagan nila ang Kanyang mga kamay. At habang ang isang malaking bilang ng mga katulong ay nagdadala ng mga amphora at mga kopa, ilang mga mananayaw ang pumasok... natatakpan ng wala: isang maraming kulay na linen na palawit lamang ang nakatali sa kanilang manipis na mga baywang at mga balakang. Wala nang iba pa. Dahil sila ay mga Aprikano ang kanilang kutis ay kulay tanso at kasing liksi ng mga bata-pang usa, at sinimulan nila ng isang tahimik na mahalay na sayaw.

Si Jesus ay tinanggihan ang mga kopa at isinara ang Kanyang mga mata nang hindi nagsasalita. Ang mga kortesano ni Herodes ay tumatawa sa Kanyang pandidiri.

«Kunin ang babaeng magustuhan Ninyo. Mabuhay! Matuto kung papaano mabuhay!...» mungkahi ni Herodes.

Si Jesus ay tila isang estatuwa. Nang nakakursomano, nakasara ang mga mata, Siya ay hindi gumagalaw kahit na noong ang mahahalay na mananayaw ay dinidikitan Siya nang kaunti ng kanilang hubad na mga katawan.

«Sapat na iyan. Trinato ko Kayo bilang Diyos, at hindi Kayo kumilos bilang Diyos. Trinato ko Kayo bilang isang tao, at hindi Kayo umakto bilang isang tao. Kayo ay baliw. Isang puting damit. Damtan Siya niyan upang sana malaman ni Poncio Pilato na nahusgahan ng Tetrarka ang kanyang nasasakupan na isang baliw. Senturyon, pakiusap na sabihin sa Proconsul na si Herodes ay may-kababaang-loob na binibigay ang kanyang paggalang sa kanya at pagpipitagan sa Roma. Lakad.»

At si Jesus, natalian na muli, ay lumabas, na may isang linen na tunika na umaabot hanggang sa Kanyang mga tuhod, sa ibabaw ng Kanyang pulang delanang suot.

At sila ay bumalik kay Pilato.

Ngayon, nang ang sandaang-sundalo ay sumisingit nang may kahirapan sa gitna ng pulutong, na hindi mapagod sa paghihintay sa harapan ng gusali ng prokonsul – at kakaibang makita ang napakaraming tao sa lugar na iyon at sa kalapit na mga lugar, habang ang lahat na iba pang lugar ng bayan ay tila walang tao nakita ni Jesus ang mga pastol sa isang grupo at lahat sila ay naroroon, ibig sabihin, sina Isaac, Jonathan, Levi, Jose, Elias, Matthias, Juan, Simeon, Benjamin at si Daniel, kasama ng isang maliit na grupo ng mga Galilean, ang kasama rito na aking nakikilala ay si Alfeo at si Jose ni Alfeo na may dalawa pang hindi ko kilala, ngunit kung titingnan ang estilo ng kanilang pagdala ng buhok, sasabihin ko na sila ay mga Judaean. At sa mas malayo pa, nakita Niya si Juan, na pumuslit sa loob ng bulwagan, medyo nakatago sa likuran ng isang malaking haligi, kasama ang isang Romano, na sa palagay ko ay isang katulong. Siya ay ngumingiti sa isang ito at sa mga... Kanyang mga kaibigan... Ngunit ano ang kaunting mga taong ito at sina Johanna, at Manaen, at si Chuza, sa gitna ng isang karagatan ng kumukulong poot?...

Ang Senturyon ay sinasaluduhan si Pilato at nag-uulat.

«Dito muli?! Phew! Isumpa ang lahi na ito! Gawin ang pulutong na lumapit at dalhin ang Akusado rito. O! Anong abala!»

Siya ay lumalapit sa pulutong, tumitigil muli sa gitna ng bulwagan.

«Mga Hudyo, makinig.  Dinala ninyo sa akin ang taong ito bilang isang manunulsol sa mga tao. Iniksamin ko siya sa presensya ninyo at wala akong nakita sa Kanya ng kahit anong krimen na inaakusa ninyo sa Kanya. Si Herodes ay walang nakita ng higit pa sa nakita ko. At Siya ay ibinalik niya sa akin. Hindi Siya karapat-dapat ng kamatayan. Ang Roma ay nakapagsalita na. Ngunit, upang hindi kayo panghinaan ng loob, pinagkakaitan kayo ng mapaglilibangan, ibibigay ko sa inyo sa Barabbas. At ipag-uutos kong bigyan Siya ng apatnapung hagupit. Iyan ay sapat na.»

«Hindi, hindi! Hindi si Barabbas! Hindi si Barabbas! Kamatayan kay Jesus! At isang nakapanghihilakbot na kamatayan! Pakawalan si Barabbas at hatulan ang Nazarene ng kamatayan.»

panghagupit«Ngunit makinig! Sinabi ko na ipahahagupit ko Siya. Iyan ba ay hindi pa sapat? Ipahahagupit ko siya nang may laman ang dulo ng mga hagupit! Ito ay terible, alam ba ninyo? Maaari Siyang mamatay nito. Ano bang pagkakamali ang Kanyang nagawa? Wala akong makitang pagkakamali sa Kanya. At palalayain ko Siya.»

«Ipako Siya sa krus! Ipako Siya sa krus! Kamatayan sa Kanya! Kayo ay protektor ng mga kriminal! Pagano! Kayo ay Satanas din!»

Ang pulutong ay sumusugod at ang unang hanay ng mga sundalo ay nag-alangan, dahil hindi nila magamit ang kanilang mga sibat. Ngunit ang ikalawang hanay,  bumababa nang isang baytang, ay iwinasiwas ang kanilang mga sibat at napalaya ang kanilang mga kasamahan.

«Gawin Siyang ipahagupit nang kargado ang hagupit» utos ni Pilato sa senturyon.

«Ilang bigwas?»

«Hanggang sa dami na gusto mo... Maging ano pa man ang usapín ay tapos na. At ako ay inip na. Lakad.»

Si Jesus ay dinadala ng apat na sundalo patungo sa bakuran sa kabila ng bulwagan. Sa gitna ng bakuran na iyon, na lahat nalalatagan ng may-kulay na mga marmol, ay may isang mataas na haligi katulad ng nasa balkonahe. Mga tatlong metro mula sa sahig ito ay may isang bakal na baras na nakausli nang mga isang metro man laman at sa dulo nito ay may singsing na bakal, kung saan itinali si Jesus, na ang Kanyang mga kamay magkakabit sa itaas ng Kanyang ulo, pagkatapos na Siya ay mahubaran. Ang suot lamang Niya ay ang maikling linen at mga sandalyas. Ang Kanyang mga kamay na natatalian sa Kanyang mga pupulsuhan ay itinaas hanggang sa layo ng bakal na singsing, upang, bagama't matangkad, ang mga dulo lamang ng mga daliri ng Kanyang mga paa ang lumalapat sa lupa... At kahit ang pusisyon na iyon ay isa nang pahirap.

Nabasa ko, hindi ko alam kung saan, na ang haligi ay mababa at na si Jesus ay nakayuko rito. Maaaring gayon nga. Sinasabi ko kung ano ang nakikita ko.

Si likuran Niya ay nakatayo ang nagmumukhang isang tagahagupit, na may maliwanag na hitsura ng isang Hudyo; sa harapan Niya, isa pang lalaki,scourging nagmumukhang katulad ng una. Sila ay armado ng kargadong panghagupit, na gawa sa pitong pahabang mga piraso ng balat na may hawakan at ang mga dulo ng pirasong mga balat ay kargado ng maliliit na tinggang korteng martilyo. Nagsimula silang hampasin Siya nang nasa kumpas, na tila sila ay nag-iinsayo. Isa sa harapan isa sa likuran, upang ang katawan ni Jesus ay namamarkahan ng paikot na mga latay at pasà. Ang apat na sundalo kung kanino Siya ipinagkatiwala ay walang pakialam at nakikipaglaro ng dais sa tatlo pang sundalo na kararating pa lamang. At ang mga tinig ng mga naglalaro ay sinusundan ang tiyempo ng tunog ng mga hampas na sumasagitsit katulad ng mga ahas at pagkatapos tumutunog katulad ng mga batong tumatama sa isang katawan ng bariles. Hinahampas nila ang kaawa-awang katawan, na napaka balingkinitan at kasing puti ng lumang garing, at pagkatapos napupuno ng mga guhit na sa simula ay isang patingkad nang patingkad na kulay rosas, pagkatapos biyoleta, pagkatapos nagiging namamagang asul na puno ng dugo, pagkatapos pumuputok ang balat dumadaloy ang dugo mula sa lahat na tabi. Dinoble nila ang kanilang kalupitan sa Kanyang karibdiban at tiyan, ngunit pagkukulang na mga hampas sa Kanyang mga paa, mga braso at kahit sa Kanyang ulo, upang walang bahagi ng Kanyang balat ang naiiwan na walang kirot.

At wala ni isang daíng... Kung Siya ay hindi nahahawakan ng lubid, babagsak Siya. Ngunit hindi Siya bumabagsak at hindi naghihinagpis. Ang Kanya lamang ulo ay nakabitin sa Kanyang dibdib, pagkatapos ng napakaraming hampas, na tila Siya ay hinimatay.

«Hoy! Tigil! Kailangan na Siya ay buháy kapag Siya ay papatayin» sigaw nang nanunuya ng isang sundalo.

Ang dalawang tagahagupit ay tumigil at nagpupunas ng kanilang pawis.

«Pagod na tayo» sabi nila. «Amin na ang bayad namin, upang kami ay makakuha ng nakapagpapalamig na inumin...»

«Ibibigay ko sa inyo ang bitayán! Ngunit narito ang bayad ninyo...» ang isang namumuno ay nagtapon ng isang malaking salapi sa bawat isa sa tagahagupit.

«Magandang trabaho ang nagawa ninyo. Nagmumukha Siyang isang mosayko. Titus, ang ibig mo bang sabihin na ang taong ito ay talagang ang pagmamahal ni Alexander? Kailangan na sabihin natin siya, upang sana maipagluksa niya ang Kanyang kamatayan. Atin Siyang kalagan.»

Kinakalagan nila Siya, at si Jesus ay bumagsak sa sahig katulad ng isang patayan katawan. Iniiwan nila Siya roon, tinutulak Siya paminsan-minsan sa pamamagitan ng kanilang mga paa na may mga bota, upang tingnan kung Siya ay uungol. Ngunit Siya ay tahimik.

«Patay na ba Siya? Posible kaya? Siya ay bata pa at isang manggagawa, ganyan ang sinabi sa akin... at nagmumukha Siyang isang maselan na binibini.»

«Pangangalagaan ko Siya» sabi ng isang sundalo. At iniupo niya Siya na ang Kanyang likod nakasandal sa poste. Mga buu-buong dugo ang makikita sa dati Niyang kinaroroonan... Pagkatapos siya ay pumunta sa isang pontanya na bumubulukbok sa ilalim ng isang balkonahe, pinupuno niya ang isang timba ng tubig at ibinuhos ito sa ulo at katawan ni Jesus. «Ayos ‘yan! Ang tubig ay mabuti para sa mga bulaklak.»

Si Jesus ay nagbuntung-hininga nang malalim at nagsisikap na tumayo, ngunit ang Kanyang mga mata ay sarado pa rin.

«O! mabuti. Halika na, giliw!  Ang Iyong ginang ay naghihintay para sa Iyo!...»

Ngunit walang mangyari na idinidiin ni Jesus ang Kanyang mga kamay sa sahig sa pagsisikap na makatayo.

«Halika na! Bilis! Nanghihina Ka ba? Naririto ang isang pampaginhawa» sabi ng isa pang sundalo nang may panunuya. At sa pamamagitan ng dulo ng kanyang sibat binigyan niya ng isang sundot ang mukha ni Jesus tumatama sa pagitan ng Kanyang kanang pisngi at ng Kanyang ilong, na nagsimulang dumugo.

Si Jesus ay ibinukas ang Kanyang mga mata at tumingin-tingin sa paligid. Ang Kanyang mga mata ay natatakpan... Siya ay tumititig sa sundalo na sumundot sa Kanya, pinupunas ang dugo sa pamamagitan ng Kanyang kamay, at pagkatapos, nang may labis na pagsisikap, Siya ay tumayo.

«Magdamit. Masagwang manatiling ganyan. Kayong taong mahalay!» Lahat sila ay tumatawa nakatayo sa paligid Niya.

At Siya ay sumunod nang walang sinasabi. Ngunit nang Siya ay yumuyuko – at Siya lamang ang nakaaalam kung gaano ang ipinaghihirap Niya yumuyuko sa lupa, litong katulad Niya, dahil ang Kanyang mga sugat ay mas lalo pang bumubuka kapag nababanat ang balat, at mas marami pa ang lumalabas na sugat habang pumuputok ang mga paltos – ang isang sundalo ay sinipa ang Kanyang mga damit at ikinakalat ito, at sa tuwing inaabot ito ni Jesus, pasuray-suray patungo sa kinaroroonan nito, isang sundalo ang itutulak itong papalayo o tinatapon ito sa ibang direksiyon. At si Jesus, naghihirap nang husto, ay pinupuntahan ito nang walang binibigkas kahit isang salita, habang ang mga sundalo ay tinutuya Siya nang masagwa.

Makapagdadamit na Siya muli sa wakas. At maisusuot na rin Niya ang Kanyang puting tunika, na naiwanan sa isang sulok at malinis pa. Parang gusto Niyang itago ang Kanyang abang pulang damit, na kahapon lamang ay napakaganda at ngayon marumi na ng mga basura at mantsa ng dugong ipinawis sa Gethsemane. Mahigit pa rito, bago isuot ang Kanyang maikling damit, pinupunasan Niya ang Kanyang basang mukha nito, nililinisan ito ng alikabok at ng mga durâ. At ang kaawa-awang banal na mukha ay nagmumukhang malinis, markado lamang ng mga galos at maliliit na hiwâ. At inaayos Niya ang Kanyang buhok na magulong nakabitin, at ang Kanyang balbas, dala ng likas na pangangailangan na maging personal na malinis.

Pagkatapos Siya ay lumupagi sa ilalim ng sikat ng araw. Sapagkat ang aking Jesus ay nanginginig... Ang lagnat ay nagsisimula nang pasakitan Siya sa pamamagitan ng malalamig na pampanginig nito. At pinanghihinaan Siya dahil sa dugong nawala sa Kanya, dahil sa pag-aayuno at sa labis na paglalakad.

Itinali nilang muli ang Kanyang mga kamay. At ang tali ay nagsisimula nang bumaon sa Kanyang mga pupulsuhan, kung saan ang nagalusan na balat ay naiwanan ng isang marka na katulad ng isang mapulang pulseras.

«Ang ngayon? Ano ang ating gagawin sa Kanya» Naiinip na ako!»

«Sandali. Ang mga Hudyo ay gusto ng isang hari. Ngayon bibigyan natin sila ng isa. Siya...» sabi ng isang sundalo.

At siya ay tumakbong papalabas sa isang korte na nasa likuran, mula kung saan bumalik siya na may dalang isang bungkos ng mga sanga ng layas na hawthorn, na mababaluktot pa, sapagkat ang panahon ng tagsibol ay napananatili ang mga sanga na malambot pa, habang ang mahahabang matulis na mga tinik ay matigas. Sa pamamagitan ng isang punyal inaalis nila ang mga dahon at ang mga buko, binabaluktot nila ang mga sanga pinoporma ang isang pabilog at inilagay nila ito sa ibabaw ng Kanyang kaawa-awang ulo. Ngunit ang malupit na korona ay bumabagsak sa Kanyang leeg.

«Hindi iyan magkasya. Gawin mong mas maliit. Alisin mo.»

Inalis nila ito at nagagasgasan ang Kanyang mga pisngi, halos mabulag pa Siya, at nasasabunot ang Kanyang buhok sa pag-alis na iyon. Ginawa nila iyon na mas maliit, at bagama't idinidiin nila ito, ibinabaon ang mga tinik sa Kanyang ulo, ito ay nagbabantang mahulog. Inalis nila itong muli, nabubunot ang mas marami pang buhok. Itinatama nila itong muli. Ngayon ito ay nagkasya. Sa harapan ay may tatlong matitinik na tali. Sa likuran, kung saan ang tatlong sanga ay nagkakásalabíd, doon ay may tunay na buhol ng mga tinik na tumutusok sa Kanyang batok.

«Nakikita ba Ninyo kung gaano Kayo kagandang tingnan? Natural na tanso at tunay na mga rubi. Tingnan Ninyo ang Inyong Sarili, o hari, sa aking armor sa dibdib.

«Ang isang korona ay hindi sapat upang maging isang hari. Purpura at setro ay kinakailangan. Sa establero ay may isang tikin at sa kanal  may isang pulang balabal. Kunin ito, Cornelius.»

At nang makuha nila ito, inilagay nila ang maruming basahan kay Jesus, sa mga balikat, at bago ilagay ang tikin sa Kanyang mga kamay, pinukpok nila ang Kanyang ulo nito, yumuyuko at bumabati: «Mabuhay, hari ng mga Hudyo» at umatungal sila sa tawanan.

Si Jesus ay hindi gumagalaw. Pinababayaan Niyang iupo nila Siya sa “trono”»: isang banyerang pinataob, tiyak na ginagamit sa pagpapainom sa mga kabayo, Pinababayaan Niya silang hampasin at pagtawanan Siya, nang walang kahit kailanman isang salita. Tinitingnan lamang Niya sila, sumusulyap nang may-kabaitan na gayon at nang may kahila-hilakbot na kapighatian na iyon na hindi ko ito matagalan nang hindi nadudurog ang aking puso.

Ang mga sundalo ay tumigil lamang sa pagtatawanan sa Kanya noong ang paos na tinig ng isang mas nakatataas ay inutusan silang dalhin ang nagkasalang bihag kay Pilato. Nagkasala! Ng ano?

Si Jesus ay dinala muli sa pamasukang-bulwagan, na ngayon ay natatakpan na ng isang mamahaling trapal dahil sa sikat ng araw. Nasa Kanya pa rin ang korona, ang balabal at ang tikin.

«Halikayo rito na sana maipakita ko Kayo sa mga tao.»

Si Jesus bagama't nanlalambot, ay itinutuwid ang Sarili nang may dignidad. O! Siya nga ay totoong isang hari!

«Makinig, mga Hudyo. Naririto ang tao. Naparusahan ko na Siya. Ngunit ngayon hayaan Siyang makalaya.»

«Hindi, hindi! Gusto namin Siyang makita. Sa labas! Na sana makita namin Siya ang tagapaglapastangan!»

«Dalhin Siya sa labas. At tiyakin na hindi nila Siya kukunin.»

after scourgingAt habang si Jesus ay lumalabas patungo sa lobi at makikita sa loob ng kudradong pinorma ng mga sundalo, si Poncio Pilato ay itinuturo Siya ng kanyang kamay nagsasabing: «Naririto ang Tao. Inyong Hari. Iyan ba ay hindi pa sapat?»

Ang araw sa isang maalinsangan na araw ay sumisikat halos perpendikular, sapagkat ito ay nasa pagitan ng ikatlo at ng ikaanim na oras at naliliwanagan at nagagawa nito ang mga mata at mga mukha na kitang-kita: ang mga tao bang iyon ay mga tao nga? Hindi: sila ay masugid na mga ayena. Sila ay sumisigaw, nagpapakita ng mga kamao, gusto nila ang Kanyang kamatayan...

Si Jesus ay pinananatili ang Kanyang Sarili na tuwid. At tinitiyak ko sa inyo na hindi Siya kailanman nagkaroon ng gayong ka-nobleng tayò katulad ngayon. Ni hindi kahit kapag ginagawa Niya ang pinaka magandang mga himala. Kadakilaan ng kapighatian, ngunit napaka dibino upang maging sapat na markahan Siya ng pangalan ng Diyos. Ngunit, upang masabi ang Pangalan na iyan, kinakailangan na maging mga tao man lamang. Ang Herusalem ngayong araw ay walang mga tao. Bagkus mga dimonyo lamang.

Si Jesus ay tumitingin sa paligid sa pulutong at sa karagatan ng mapuutin na mga mukha hinahanap at nakita Niya ang ilang mapagkaibigan na mga mukha. Gaano karami? Wala pang dalawampung mga kaibigan sa gitna ng libu-libong mga kaaway... At itinungo Niya ang Kanyang ulo, sa katotohanan ng gayong pag-abandona. Isang luha ang bumagsak... at isa pa... at isa pa... Ang makita ang Kanyang mga luha ay hindi nakakapukaw ng awa, bagkus nagpapataas sa mas mabangis na poot.

Siya ay ibinalik sa bulwagan.

«Kung gayon? Hayaan Siyang makalaya. Iyan ay katarungan.»

«Hindi. Kamatayan sa Kanya. Ipako Siya sa krus.»

«Ibibigay ko sa inyo si Barabbas.»

«Hindi. Ang Kristo!»

«Kung ganyan ang kaso, kunin ninyo Siya mismo. At ipako Siya sa krus nang kayo mismo, sapagkat wala akong nakikitang kamalian sa Kanya upang gawin iyan.»

«Sinabi Niya na Siya ay ang Anak ng Diyos. Ang aming Batas ay naglalapat ng kamatayan sa sinuman na gumagawa ng ganyang paglalapastangan.»

Si Pilato ay naging palaisip. Siya pumasok ulit at naupo sa kanyang maliit na trono. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kamay at ang kanyang siko sa kanyang tuhod at pinag-aaralan si Jesus. «Halikayo rito sa akin» sabi niya.

Si Jesus ay pumunta sa paanan ng entablado.

«Totoo ba iyon? Sabihin sa akin.»

Si Jesus ay tahimik.

«Saan Kayo nanggaling? Sino ang Diyos?»

«Siya ay ang Lahat.»

«At pagkatapos? Ano ang ibig sabihin ng Lahat? Ano ang Lahat para sa isang namamatay? Kayo ay baliw... Ang Diyos ay wala talaga. Ako ang nandito.»

Si Jesus ay tahimik. Ginawa Niyang basta mawala na lamang ang dakilang salita at pagkatapos nagpakatahimik Siya.

«Poncio, ang napalayang alipin na babae ni Claudia Procula ay humihingi ng kapahintulutan na makapasok. Siya ay may sulat para sa inyo.»

«Si Domini! Ang mga babae ngayon din! Papasukin siya.»

Isang babaeng Romano ang pumasok at lumuhod inaabot ang isang waks na tableta. Maaaring ito ang isang pakiusap ni Procula sa kanyang asawa na huwag ikundina si Jesus. Ang babae ay umalis nang paatras, habang si Pilato ay nagbabasa.

«Ako ay pinapayuhan na iwasan ko Kayo na ipapatay. Totoo ba na Kayo ay mahigit pa sa isang manghuhula? Tinatakot Ninyo ako.»

Si Jesus ay tahimik.

«Hindi ba Ninyo nalalaman na ako ay may kapangyarihan na mapalaya Kayo o ipapako Kayo sa krus?»

«Hindi ka magkakaroon ng kapangyarihan, kung hindi ito ibinigay sa iyo mula sa Itaas. Kung gayon, siya na nag-abot sa Akin sa iyo ay mas may kagagawan kaysa sa iyo.»

«Sino ito? Ang Inyong Diyos? Natatakot ako...» Si Jesus ay tahimik.

Si Pilato ay nasa balag na alanganin. Gusto at ayaw niyang... Siya ay natatakot sa kaparusahan ng Diyos, siya ay natatakot sa Roma, kinatatakutan niya ang mga paghihiganti ng mga Judaean. Sa isang sandali napangibabawan niya ang takot sa Diyos. Pumunta siya sa harapan ng bulwagan at sa isang kumukulog na tinig sumigaw siya: «Siya ay walang kasalanan.»

«Kung iyan ang sinasabi ninyo, kayo ay hindi kaibigan ng Caesar. Siya na ipinahahayag ang sarili na hari, ay kanyang kaaway. Ibig ninyo palayain ang Nazareno. Pasasabihan namin ang Caesar tungkol diyan.»

Si Pilato ay nahawakan ng takot ng tao.

«Kung gayon, gusto ninyo Siyang patay? Mangyari ito. Ngunit ang dugo ng makatarungan na taong ito ay hindi babahiran ang aking mga kamay» at bilang nagpatawag na madala sa kanya ang isang palanggana, hinuhugasan niya ang kanyang mga kamay sa presensya ng mga tao na tila napanghahawakan ng kabaliwan habang sila ay sumisigaw: «Ang Kanyang dugo sa amin. Ang Kanyang dugo ay mapasaamin at sa aming mga anak. Hindi kami natatakot sa Kanya. Ipako Siya sa krus! Ipako Siya sa krus!»

pilate judgement Si Poncio Pilato ay bumalik sa kanyang maliit na trono at tinawag niya ang senturyon na si Longinus at isang alipin. Inutusan niya ang alipin na magdala sa kanya ng isang tabla kung saan naglagay siya ng isang paunawa at nakasulat ang mga salitang: «Jesus Nazareno, Hari ng mga Hudyo». At pinakikita niya ito sa mga tao.

«Hindi. Hindi ganyan. Hindi hari ng mga Hudyo. Bagkus na sinabi Niya na Siya ay hari ng mga Hudyo.» Marami sa kanila ang sumisigaw nang ganyan.

«Kung ano ang aking naisulat na, naisulat ko na» sabi ni Pilato nang mahigpit, at tumatayong tuwid, iniunat niya ang kanyang kamay paharap na ang palad nasa ilalim, at siya ay nag-utos: «Gawin Siyang pumunta sa krus. Sundalo, lakad. Ihanda ang krus.» At siya ay bumaba mula sa kanyang trono na ni hindi man lamang tinitingnan ang nagsisigawan na pulutong o ang maputlang Naikundinang Tao. Iniiwan niya ang bulwagan...

Si Jesus ay naiwanan sa gitna nito, binabantayan ng mga sundalo, naghihintay sa krus.

 

 

 

--------------------

Biyernes, Marso 10, 1944.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ibig Kong pagnilayan mo ang punto magpatungkol sa Aking mga pakikipagkita kay Pilato.

Si Juan, na siyang pinaka-tamang saksi at tagapagsalaysay, dahil sa siya ay halos laging naroroon, o napakalapit man lamang, ay nagsasalaysay kung papaano Ako dinala sa Praetorium noong iniwanan Ko ang bahay ni Caiaphas. At sinasabi niya “maaga sa umaga”. Sa katunayan nakita mo na iyon ay ang pagbuka ng liwayway. Sinasabi rin niya: “sila (ang mga Hudyo) ay hindi pumasok upang hindi sila makuntamina at kung gayon makakain ng Paskuwa”. Bilang mga mapagkunwari katulad ng dati, akala nila iyon ay mapanganib na yumapak sa alikabok ng bahay ng isang Hentil, dahil baka sila makuntamina, ngunit hindi nila tiningnan na isang kasalanan ang pumatay ng isang inosente, at na ang kanilang mga espiritu naging kontento na ng krimen na kanilang isinagawa, mas lalo na nilang kinalugdan ang kanilang Paskuwa.

Sila ay maraming mga tagasunod kahit na ngayong mga araw. Ang lahat, na gumagawa ng masama sa panloob nila, ngunit sa panlabas nagpapakita ng paggalang para sa relihiyon at pagmamahal para sa Diyos, ay katulad nila. Mga pormularyo, mga pormularyo, ngunit hindi totoong relihiyon! Sila ay tinitingnan Ko nang may pagkasuklam at pandidiri.

Sa dahilan na ang mga Hudyo ay hindi pumapasok sa bahay ni Pilato, si Pilato ang lumabas upang pakinggan kung ano ang gusto ng nagkakagulong pulutong at, batikan katulad niya sa pagiging gubernador at sa paghuhusga, sa isang sulyap nalaman niya na hindi Ako, bagkus ang populasyon na lasing sa kapootan ang may diperensiya. Sa pagtitinginan sa isa't isa, nababasa namin ang puso ng isa't isa. Nahusgahan Ko ang tao kung ano siya. Nahusgahan niya Ako para sa kung ano Ako.  Ako ay nakaramdam ng habag para sa kanya, sapagkat siya ay mahina. At siya ay nakaramdam ng awa para sa Akin, sapagkat Ako ay inosente. Sinubukan niyang mailigtas Ako sa simula’t simula pa lamang. At sa dahilan na ang karapatan ng pangangasiwa ng katarungan magpatungkol sa mga kriminal ay isinasangguni at nakatalaga sa Roma, sinubukan niyang iligtas Ako sa pagsasabing: “Husgahan Siya ayon sa inyong Batas”.

Mga mapagkunwari sa ikalawang pagkakataon, ang mga Hudyo ay tumangging ikundina Ako. Totoo na ang Roma ay noon may karapatan ng katarungan, ngunit noong, halimbawa, na si Stephen ay pinagbabato, ang Roma ay ang siyang naghahari pa sa Herusalem at sa kabila ng lahat ng ito, nagbaba sila ng pasya isinagawa na mangyari ang kapital na sentensiya binabale-wala ang Roma. Ang magpatungkol sa Akin, Na kanilang kinapopootan at kinatatakutan at hindi minamahal – hindi sila maniwala na Ako ang Mesiyas, ngunit ayaw Akong patayin nang pisikal, dahil baka nga Ako ang Mesiyas – kumilos sila sa ibang pamamaraan at inakusahan Ako ng pagiging isang manunulsol laban sa kapangyarihan ng Roma (sasabihin ninyo isang “rebelde”) upang magawa ang Roma na husgahan Ako. Sa kanilang may masamang reputasyon na korte ng hustisya, at makailang beses sa loob ng tatlong taon ng Aking ministeryo, Ako ay kanilang inakusahan ng pagiging isang tagapaglapastangan at huwad na propeta, at bilang ganoon Ako ay pinagbabato na sana o pinatay sa ano pa man na paraan. Ngunit ngayon, upang maiwasan na materyal na magawa ang krimen, dahil likas na naramdaman nila na sila ay mapaparusahan para dito, ginawa nilang ang Roma ang gumawa nito, inaakusahan Ako ng pagiging isang kriminal at isang rebelde.

Kapag ang mga pulutong ay nalilisya at ang mga lider naging mga dimonyo, walang mas madali pa kaysa akusahan ang isang inosente upang maparaos ang kanilang pagkauhaw para sa kabangisan at pangangamkam, at maalis ang mga tao na isang sagabal at isang paghuhukom. Tayo ay nakabalik sa mga araw na iyon. Ang mundo, pagkaraan ng isang paglilihi sa mga ideang lisya, ay sumasabog paminsan-minsan sa gayong pagpapakita ng kalisyaan. Katulad ng isang dambuhalang buntis na babae, ang pulutong, pagkatapos na masustentuhan ang halimaw sa loob ng sinapupunan nito sa pamamagitan ng mga doktrina ng mababangis na hayop, ay ipanganganak ito upang sana ito ay manlapa. Upang sana lapain nito ang magagaling na tao muna, at pagkatapos ang sarili nito.

Si Pilato ay bumalik sa Praetorium at tinawag Ako malapit sa Kanya. At tinatanong niya Ako. Napakinggan na niya ang mga tao na nagsalita tungkol sa Akin. Sa pagitan ng kanyang mga senturyon may ilan na nakapag-ulit ng Aking Pangalan nang may mapagpasalamat na pagmamahal, nang may mga luha sa kanilang mga mata at mga ngiti sa kanilang mga puso, at nagsalita tungkol sa Akin bilang isang may-bigay biyaya. Sa kanilang mga pag-uulat sa Praetor, noong sila ay tinanong tungkol sa Propetang ito, Na nakakakuha sa atensiyon ng mga pulutong at nagtuturo ng isang baong doktrina na nagbabanggit ng kakaibang kaharian, di-sukat mapaniniwalaan ng isang paganong isip, lagi silang tumutugon na Ako ay isang mapagpakumbabang mabait na tao na hindi naghahangad ng mga karangalang pan-Lupa, at na Ako ay nagtuturo at nagsasagawa ng paggalang at pagsunod sa mga taong siyang ang mga awtoridad. Mas sinsiro pa kaysa sa mga Israelita, nakita nila at nasaksihan ang katotohanan. Noong nakaraang Linggo, nang ang kanyang atensiyon ay nakuha ng mga sigawan ng mga pulutong, siya ay dumungaw sa bintana at nakakita siya ng isang walang-armas na lalaki dumaraan nakasakay sa isang maliit na asno at nagpapalà, napalilibutan ng mga bata at mga babae. Naisip niya na ang lalaking iyon ay tiyak na hindi maaaring maging isang panganib sa Roma.

Kung kaya't gusto niyang malaman kung Ako ay isang hari. Sa kanyang di-inaasahan na paganong pagdududa gusto niyang mapatawa nang kaunti tungkol sa pagkaharing iyon na nangangabayo sa isang asno, na may nakapaang mga bata, ngumingiting mga babae at pangkaraniwang mga lalaki bilang mga abay, sa pagkaharing iyon na sa loob ng tatlong taon ay sinanay na iyon ay walang interes sa mga kayamanan at kapangyarihan at na hindi nagsasalita ng tungkol sa mga pananakop bagkus sa pananakop sa espiritu at kaluluwa. Ano ang kaluluwa para sa isang pagano? Ni kahit ang kanyang mga diyos ay walang mga kaluluwa. At ang tao ba ay magkakaroon nito? Ngayon din ang hari na ito na walang korona, walang palasyo, walang korte, walang mga sundalo, ay inuulit sa kanya na ang Kanyang kaharian ay hindi kaharian ng mundong ito. Kung kaya't walang mga ministro at walang mga sundalo ang umalsa upang ipagsanggalang ang kanilang hari at palayain Siya mula sa Kanyang mga kaaway.

Si Pilato, nakaupo sa kanyang upuan, ay pinag-aaralan Ako, sapagkat Ako ay isang palaisipan sa kanya. Kung malinisan niya ang kanyang kaluluwa ng pagkataong mga alalahanin, ng ipinagmamalaki ng kanyang opisina, ng pagkakamali ng pagiging pagano, maiintindihan niya kaagad kung sino Ako. Ngunit papaano makakapasok ang liwanag kung saan may napakaraming bagay ang nakaharang sa mga madadaanan pinipigilan ang liwanag na makapasok? Ito ay laging ganyang, Aking mga anak. Kahit ngayon. Papaano ang Diyos at ang Kanyang liwanag makakapasok kung saan wala nang lugar para sa kanila, at ang mga pintuan at mga bintana nakasarado at ipinagtatanggol ng pagmamalaki, ng pagkatao, ng bisyo, ng usurya, ng napakaraming guwardiya sa paglilingkod kay Satanas laban sa Diyos? Si Pilato ay hindi maintindihan kung ano ang Aking kaharian. At ang mas masakit pa, hindi niya hinihingi sa Akin na ipaliwanag ito sa kanya. Sa Aking paanyaya na malaman ang Katotohanan, siya, ang di mapaamong pagano, ay tumugon: “Ano ang katotohanan?” at sa pamamagitan ng pagkibit ng kanyang mga balikat ginawa niyan mawala na lamang ito sa usapan.

O! Aking mga anak! O Aking mga Pilato ng kasalukuyang mga panahon. Kayo rin, katulad ni Poncio Pilato, ay ginagawa ang pinakamahalagang mga bagay na makalimutan na lamang sa pamamagitan ng isang pagkibit ng inyong mga balikat. Tinitingnan ninyo sila na walang-kuwentang makalumang mga bagay. Ano ang Katotohanan? Pera? Hindi. Mga babae? Hindi. Kapangyarihan? Hindi. Pisikal na kalusugan? Hindi. Pantaong kaluwalhatian? Hindi. Kung gayon kalimutan ang tungkol dito. Hindi sulit ang maghabol sa isang guniguni. Ang pera, mga babae, kapangyarihan, mabuting kalusugan, mga kaginhawahan, mga karangalan ay ang tunay na may pakinabang ng mga bagay na kailangan na mahalin ng isa at makuha maging ano pa man ang mangyari. Ganyan kung papaano kayo mangatwiran. At, mas malala pa kaysa kay Esau, ipinagpapalit ninyo ang eternal na mga bagay para sa magaspang na pagkain na makasasama kapwa sa inyong pisikal na kalusugan at sa inyong eternal na kaligtasan. Bakit hindi kayo mamilit na magtanong: “Ano ang Katotohanan”? Ang Katotohanan ay walang ibang hinihingi bagkus ang malaman ito upang makapagturo kung ano ito. Ito ay nasa harapan ninyo, katulad na ito ay nasa harapan para kay Pilato, at tinitingnan kayo nang may mga matang puno ng nagsusumamong pagmamahal, pinakikiusapan kayo: “Tanungin ako. Tuturuan ko kayo”. Napuna mo ba kung papaano Ko tiningnan si Pilato? Tinitingnan Ko kayong lahat nang ganyan din. At kung tinitingnan Ko nang may panatag na pagmamahal ang mga nagmamahal sa Akin at humihingi ng Aking mga salita, binibigyan Ko ng mga sulyap ng namimighating pagmamahal ang mga hindi nagmamahal sa Akin, hindi naghahanap para sa Akin, hindi nakikinig sa Akin. Ngunit ito ay laging pagmamahal, sapagkat Pagmamahal ang Aking kalikasan.

Si Pilato ay iniwan Ako kung nasaan Ako, nang hindi nagtatanong ng iba pang mga katanungan, at pumunta siya sa masasamang tao na mga nagsasalita sa mas magagaspang na tinig at iginigiit ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng karahasan. At siya, isang tunay na kaawa-awang sawing-palad, ay pinakikinggan sila, habang hindi siya nakikinig sa Akin at ikinikibit ang kanyang mga balikat tinatanggihan ang Aking paanyaya na malaman ang Katotohanan. Pinakikinggan niya ang Kasinungalingan. Ang Idolatriya, maging ano pa man ang porma nito, ay laging nakakiling na pagpitaganan at tanggapin ang Kasinungalingan, maging ano pa man ito. At ang Kasinungalingan, kapag tinanggap ng mahina, ay madadala ang mahina sa krimen. Subalit si Pilato, nasa pamasukan ng krimen, ay gusto pa rin Akong iligtas at sinubukan niya ito nang dalawang beses. Sa puntong ito niya Ako pinadala kay Herodes. Nalalaman niyang mabuti na ang tusong hari. Na nakikisama kapwa sa Roma at sa kanyang sambayanan, ay kikilos sa gayong pamamaraan na hindi masisira ang Roma at hindi maiinis ang Hudyong sambayanan. Ngunit, katulad ng lahat na mahihinang tao, isinaisantabi niya nang sandali ang pasya na tila ayaw niyang gawin, umaasa na ang pag-aalsa ng mga karaniwang tao ay huhupa

Sinabi Ko: “Kapag kayo ay nagsasalita sabihin ‘Oo’ kung ang ibig ninyong sabihin ay oo, ‘Hindi’ kung ang ibig sabihin ninyo ay hindi” Ngunit hindi niya iyon napakinggan, at kung may umulit nito sa kanya, ikikibit niya ang kanyang mga balikat katulad ng dati. Upang magtagumpay sa mundo, magkaroon ng mga karangalan at mga kita, kinakailangan na magawa ang isang hindi na maging oo at ang isang oo na maging isang hindi, ayon sa kung ano ang pinapayo ng sentido komun (basahin: sentidong pantao). Ilan na mga Pilato ang nasa ika-dalawampung siglo! Nasaan ang mga bayaning Kristiyano na nagsabing oo, laging oo, sa Katotohanan at para sa kapakanan ng Katotohanan, at hindi, laging hindi, sa Kasinungalingan? Nasaan ang mga bayani na nakakaharap sa panganib at mga pangyayari nang may matapang na lakas at panatag na kaliksihan at hindi nagpapabúkas, sapagkat ang Kabutihan ay kailangan na magawa kaagad at ang kasamaan maiwasan kaagad, nang walang mga “ngunit” at mga “kung”?

Sa Aking pagbalik mula kay Herodes, ay naroon ang bagong kompromiso ni Pilato: pagpapahagupit. At ano ang kanyang inaasahan? Hindi ba niya nalaman na ang pulutong ay isang mabangis na hayop na nawawalan ng awa kapag nagsimula itong makakita ng dugo? Ngunit kinailangan Kong madurog upang mabayarang-sala ang mga kasalanan ng inyong laman. At Ako ay nadurog. Wala ni isang katiting ng Aking katawan ang hindi tinamaan. Ako ang Tao tungkol kung Kanino si Isaiah ay nagsasalita. At sa pagpapahirap na iniutos may idinagdag na hindi iniutos, bagkus nilikha ng kalupitan ng tao: ang pagpapahirap ng mga tinik.

Mga tao, nakikita ba ninyo ang inyong Tagapagligtas, inyong Hari, kinoronahan ng kapighatian upang mapalaya ang inyong mga ulo sa maraming kasalanan na nangangasim sa loob nila? Hindi ba ninyo iniisip ang kirot na ipinaghirap ng Aking ulo upang makapagbayad-sala, sa katauhan ninyo, para sa makasalanang mga kaisipan na mas nakakapangilabot na nakapangingilabot at naisasagawa? Kayo, na ang pakiramdam ay nasasaktan kung walang dahilan para maramdaman ito, tingnan ang inyong sinaktan na Hari, at Siya ay Diyos, suot ang Kanyang nakapanunuyang manta ng punit-punit na purpura, may tikin bilang Kanyang setro at koronang mga tinik. Siya ay namamatay na, at sinasampal nila ang Kanyang mukha sa pamamagitan ng kanilang mga kamay at ng kanilang panunuya. At hindi kayo naaantig ng habag. Katulad ng mga Hudyo, patuloy ninyong pinakikita sa Akin ang inyong mga kamao, sumisigaw: “Alis, wala kaming ibang Diyos bagkus ang Caesar”, o mga idolatra, na hindi sumasamba sa Diyos, bagkus sa inyong mga sarili at sa mga mas mapaghari-harian sa pagitan ninyo. Ayaw ninyo sa Anak ng Diyos. Hindi Niya kayo binibigyan ng tulong para sa inyong mga krimen. Si Satanas ay mas tumutulong. Kung kaya't gusto ninyo si Satanas. Natatakot kayo sa Anak ng Diyos. Katulad ni Pilato. At kapag maramdaman ninyo Siyang nagbabanta sa inyo sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, at namumukaw sa loob ninyo sa pamamagitan ng mga tinig ng inyong mga konsiyensya na naninita sa inyo sa ngalan Niya, katulad ni Pilato, kayo ay magtatanong: “Sino Kayo?”.

Kilala ninyo kung sino Ako. Ang lahat na nagtatatwa sa Akin, ay alam kung ano at kung sino Ako. Huwag magsinungaling. May dalawampung siglo sa paligid Ko at pinakikita nito kung sino Ako at pinaaalam nito sa inyo ang Aking mga himala. Si Pilato ay mas mapauumanhinan pa. Kayo ay hindi, dahil mayroon kayong minanang dalawampung siglo ng Kristiyanismo na sumusuporta sa inyong pananampalataya o maiukit ito sa inyo, ngunit ayaw ninyong makapakinig tungkol dito. gayunpaman Ako ay naging mas mahigpit kay Pilato kaysa sa inyo. Ako ay hindi tumugon. Ako ay nagsasalita sa inyo. At kahit na ganito, Ako ay hindi nagtatagumpay sa pagkumbinsi sa inyo na Ako ito at na nagkakautang kayo sa Aking ng adorasyon at pagsunod. Kahit na ngayon inaakusahan ninyo Ako bilang ang Aking sariling kasiraan sa inyo, sapagkat hindi Ako nakikinig sa inyo. Sinasabi ninyo na nawawala ang inyong pananampalataya dahil diyan. O! mga sinungaling! Nasaan ang inyong pananampalataya? Nasaan ang inyong pagmamahal? Kailan kayo nananalangin sa Akin at namumuhay na may pagmamahal at pananampalataya? Kayo ba ay dakilang mga tao? Alalahanin na kayo ay ganyan dahil ipinahintulot Ko ito. Kayo ba ay mga di-kilala sa pulutong? Alalahanin na walang ibang Diyos bagkus Ako. Walang mas mahigit pa kaysa sa Akin at walang nauuna sa Akin. Kung kaya't ibigay sa Akin ang kultong iyan ng pagmamahal na utang sa Akin at makikinig Ako sa inyo, sapagkat hindi na kayo magiging mga anak sa labas, bagkus mga anak ng Diyos.

At narito ang huling pagtatangka ni Pilato na mailigtas ang Aking buhay, kung posibleng mailigtas ito pagkatapos ng malupit na walang-katapusan na paghahampas. Pinakita niya Ako sa pulutong: “Naririto ang Tao!” Ako ay nakakuha ng pagkataong habag mula sa kanya. Inaasahan niya ang isang panlahat na habag. Ngunit sa harapan ng tumututol na karahasan at ng lumalapit na mga pagbabanta, wala siyang kakayahan na gumawa ng isang sobrenatural na makatarungan na gawain, at kung gayon isang mabuting gawa, nagsasabing: “Siya ay aking palalayain sapagkat Siya ay inosente. Kayo ay ang may-kasalanan na mga tao, at kung hindi kayo maghihiwa-hiwalay, malalaman ninyo ang kahigpitan ng Roma”. Iyan ang dapat na kanyang sinabi, kung siya ay naging isang makatarungan na tao, nang hindi inaalala ang masamang hinaharap na baka bumagsak sa kanya.

Si Pilato ay isang huwad na mabuting tao. Si Longinus ay mabuti, sapagkat bagama't siya ay hindi masyadong makapangyarihan kaysa sa Praetor at mas hindi naipagsasanggalang, sa gitna ng kalsada at napaliligiran ng kaunting mga sundalo at ng isang marahas na multitud, nangahas siyang ipagsanggalang Ako, tulungan Ako, pagkalooban Ako ng isang pahinga, upang mapaginhawahan ng banal na mga babae, matulungan ng lalaki mula sa Cyrene at sa huli upang mapunta ang Aking Ina sa paanan ng Krus. Siya ay isang bayani ng katarungan at kung gayon siya ay naging isang bayani ng Kristo.

Malaman sana ninyo, o mga tao na nag-aalala lamang tungkol sa materyal na kabutihan, na ang Diyos ay namamagitan din sa pabor nito, kapag nakita Niya na kayo ay kumikilos nang tapat sa katarungan, na isang nagmumula sa Diyos. Lagi Kong ginagantimpalaan ang mga kumikilos nang matuwid. Ipinagsasanggalang Ko ang mga nagsasanggalang sa Akin. Minamahal Ko sila at sinasaklolohan Ko sila. Ako ay laging ang Isa Na nagsabi: “Siya na nagbibigay ng isang basong tubig sa Ngalan Ko ay gagantimpalaan”. Sa mga nagbibigay sa Akin ng pagmamahal, ang tubig na nagpapatid sa uhaw ng Aking mga labì ng dibinong Martir, binibigay Ko ang Aking Sarili, na siyang proteksiyon at mga pagpapalà.»

090912

 

 



Sunod na kabanata