601. Ang Kamatayan ni Judas ng Kerioth. Ang asal ni Maria kay Judas Kinakansela ang Pagtingin ni Eba kay Cain.

Marso 31, 1944. Biyernes sa Linggo ng Pasyon. Alas 2 n.u.

Naririto ang aking napaka kirot na vision sa maaagang oras na ito ng Biyernes ng Pasyon, katulad na ito ay nagpakita sa akin habang dinarasal ko ang mga panalangin ng the Hour of Our Lady of Sorrow; sa katotohanan naisip ko na ang gugulin ang gabi bago ng aking Profession in the company of the Virgin of Seven Sorrows ay ang pinakamagandang preparasyon para sa Profession.

Nakikita ko si Judas. Siya ay nag-iisa. Siya ay nakadamit ng malabnaw na dilaw na may pulang tali nakaikot sa kanyang baywang. Ang aking taga-abiso sa loob ko ay sinasabihan ako na si Jesus ay nahuli na kani-kanina lamang at na si Judas, na tumakbo pagkatapos ng pag-aresto, ay isang biktima ng nagkakaiba-ibang mga idea. Sa katunayan ang Iskariote ay nagmumukhang katulad ng isang nagngangalit na mabangis na hayop na tinutugis ng isang pangkat ng malalaking aso. Bawat hinga ng hangin sa pagitan ng mga dahon, kahit anong ingay sa mga kalsada, ang pagbulukbok ng isang pontanya ay nagagawa siyang magulat at tumalikod nang nagsosospetsa at may takot, na tila ang isang tagapagpatay ay naabutan siya. Tumitingin siya sa paligid na ang kanyang ulo nakatungo, ang kanyang leeg pilipit, pinagugulong ang kanyang mga mata na tila gusto niyang makakita ngunit natatakot na makakita, at kung ang paglaro ng sinag ng liwanag ng buwan ay nakakaporma ng isang anino na may hitsura ng isang tao, lumalaki ang kanyang mga mata, luluksong paatras, mangingitim-ngitim siya nang higit pa kaysa sa dati siya, titigil nang isang sandali at pagkatapos kukuripas ng takbo binabalikan ang kanyang dinaanan kanina, nawawala sa ibang makikipot na kalsada, hanggang sa ang isa na naman na ingay, isa na naman na laro ng liwanag ay nagagawa siyang tumigil o tumakbo sa ibang direksiyon.

Sa kanyang kabaliwan na pagtakbo napapunta siya sa sentro ng bayan. Ngunit ang pagsisigawan ng mga tao ay nagawa siyang maintindihan niya na siya ay malapit sa bahay ni Caiaphas, at pagkatapos, dinidiinan ang kanyang ulo sa pamamagitan ng kanyang mga kamay at yumuyuko na tila ang mga sigaw na iyon ay mga bato na ibinabato sa kanya, siya ay tatakbo. At sa kanyang pagtakbo siya ay naparaan sa isang daanan na magdadala sa kanya nang tuwiran sa bahay kung saan ang Hapunan ay kinain. Ito ay kanyang nabatid nang siya ay nasa harapan na nito, sapagkat doon ay may isang maliit na pontanya na may pumapatak-patak na tubig doon na doon lamang. Ang mga patak ng tubig na bumabagsak sa maliit na batong palanggana at ang mahinang pagsipol ng hangin, na habang umiihip sa makipot na daanan ay nakagagawa ng isang klase ng pigíl na daíng, ay maaaring sa kanya nagmumukhang katulad ng mga luha at pagdaing ng pinagtaksilan na pinahirapan na Guro. Tinatakpan niya ang kanyang mga tainga sa pamamagitan ng kanyang mga kamay upang hindi makarinig at tumakbong nakasarado ang kanyang mga mata upang hindi makita ang pintong iyon, na kanyang pinasok kasama ang Guro kaunting mga oras pa lamang ang nakararaan, at mula kung saan siya lumabas upang puntahan at kunin ang armadong mga guwardiya upang arestuhin Siya.

Habang tumatakbo nang bulag-na-bulag, nabangga niya ang isang ligaw na aso, ang unang aso na aking nakita mula nang ako ay nagkaroon ng mga bisyon, isang malaking kulay-abong mabuhok na aso na tumatabi nang umaangil, nakahanda nang isunggab ang sarili sa istorbo. Ngunit si Judas ay ibinuka ang kanyang mga mata at nakatagpo nito ang dalawang nagliliwanag na mga mata na nakatitig sa kanya, at nakikita niya ang puting nakalantad na mga pangil na tila tumatawa sa makadimonyong paraan. Siya ay napasigaw sa takot. Yung aso, na akala ang sigaw na iyon ay sigaw ng panlalaban, ay dinamba siya at kapwa sila gumulong sa alikabok: sa Judas sa ilalim, paralisado ng takot, ang aso sa ibabaw niya. Noong iniwanan ng aso ang biktima, baka pakiramdam nito walang magandang patutunguhan ang pakikipaglaban sa kanya, si Judas ay dumurugo dahil sa dalawa ng tatlong kagat, at ang kanyang manta ay labis na napunit.

Ang isang kagat ay nakasugat sa pisngi ni Judas, sa eksaktong lugar kung saan niya hinalikan si Jesus. Ang kanyang pisngi ay dumurugo at ang dugo ay namamantsahan ang leeg ng madilaw-dilaw na damit ni Judas. Napoporma nito ang tila isang kuwelyo ng dugo nabababad ang pulang tali na naghihigpit sa damit sa paligid ng leeg, ginagawa ito na maging mas mapula pa. Si Judas, hinihipo ang kanyang pisngi sa pamamagitan ng kanyang kamay at tinitingnan ang aso na umaalis, ngunit tinitingnan niya ito mula sa puwang sa pinto, ay bumulong: «Si Beelzebub!», at gawa ng isang bagong sigaw tumakbo siya hinahabol ng aso nang matagal-tagal. Tumakbo siya hanggang sa layo ng maliit na tulay malapit sa Gethsemane. Dito, maaring dahil ito ay napagod sa paghahabol sa kanya o dahil ito ay naulol na at ang tubig ay nagawa itong umalis, iniwan ng aso ang biktima nito at lumiko umaangil. Si Judas, na napapunta sa ilog upang kumuha ng mga batong itatapon sa aso, noong makita niya na ito ay umalis, siya ay tumingin sa paligid at napuna na ang tubig ay umaabot sa kalahatian ng kanyang mga binti. Nang hindi pinapansin ang kanyang mga damit, na nababasa nang nababasa, siya ay yumuko hanggang sa maabot ang tubig at umiinom, na tila siya ay natutuyuan gawa ng lagnat, at hinuhugasan niya ang kanyang pisngi na dumurugo at maaaring masakit.

Sa liwanag ng pagsikat ng araw umahon siya mula sa ilog, sa kabilang dako, na tila natatakot pa rin siya sa aso at hindi nangahas na bumalik sa bayan. Naglakad siya nang kaunting metro at natagpuan ang kanyang sarili sa pamasukan ng Hardin ng Mount of Olives. Siya ay sumigaw: «Hindi! Hindi!» noong makilala niya ang lugar. Pagkatapos, hindi ko alam kung sa pamamagitan ng kung anong di-malalabanan na puwersa o sa pamamagitan ng kung anong satanikong pagka-sadismo ng kriminal, nagpatuloy siya patungo sa lugar na iyon. Hinahanap niya ang lugar kung saan si Jesus inaresto. Ang lupa ng landas na nilakaran ng maraming mga paa, ang damo na nagusot sa isang parte at ilang dugo sa lupa, baka kay Malchus, ay nagawa siyang maintindihan niya na doon niya itinuro ang Inosente sa mga aaresto.

Siya ay tumitingin at tumitingin... at pagkatapos napasigaw siya nang paos at lumuksong paatras. Siya ay sumigaw: «Ang dugong iyan, ang dugong iyan!...» at itinuturo niya ito... kanino? Na ang kanyang kamay nakaunat at ang kanyang hintuturo itinuturo ito. Sa lumalakas na liwanag ang kanyang mukha ay kulay-abo at mukhang multo. Nagmumukha siyang katulad ng isang baliw. Ang kanyang mga mata ay dilát at nangingintab na tila siya ay nahihibang, ang kanyang buhok, naguló dahil sa kanyang pagtatakbo at sa kanyang takot, ay nagmumukhang mabigat sa kanyang ulo, ang kanyang pisngi, na namamaga, ay pinangingiwi ang kanyang bunganga sa isang parang tawa. Ang kanyang tunika, punít, puno ng dugo, basà, maputik, sapagkat ang alikabok na kumapit sa kanyang basang damit ay naging putik, ay ginagawa siyang magmukhang katulad ng isang pulubi. Ang kanyang manta, na punít din at maputik, ay bumibitin mula sa isang balikat katulad ng isang basahan, at siya ay napaluputan nito nang, nagpapatuloy sa pagsigaw: «Ang dugong iyan, ang dugong iyan!» siya ay umatras, na tila ang dugong iyon ay naging isang dagat na umaalsa at bumababa.

Si Judas ay bumagsak nang patalikod at nasaktan niya ang kanyang batok sa isang bato. Siya ay umuungol sa sakit at takot. «Sino iyon?» siya ay sumigaw. Baka inisip niya na may nagtulak sa kanya upang bugbugin siya. Siya ay tumalikod natatakot. Walang tao rito! Ang dugo ay pumapatak na rin mula sa kanyang batok. Ang pulang pabilog sa kanyang damit ay lumalawak. Hindi ito bumabagsak sa lupa, sapagkat hindi masyadong marami ito. Nasisipsip ito ng kanyang damit. Ang pulang pansakal ay tila ngayon nakahanda nang paikot sa kanyang leeg.

Siya ay naglalakad. Natagpuan niya ang bakas ng maliit na apoy na ginawa ni Pedro sa paanan ng isang punong-olibo. Ngunit hindi niya alam na iyon ay gawa ni Pedro at maaaring iniisip niya na si Jesus ay naroroon. Siya ay sumigaw: «Layo! Layo!» at na ang dalawang kamay nakaunat sa harapan niya, tila pinalalayo niya ang isang multo na nagpapasakit sa kanya, Siya ay tumakbo, at nagtapos sa bato lamang ng Aguniya ni Jesus.

Sa ngayon ang pagsikat ng araw ay maliwanag na at ang isa ay makakakita na nang mabuti at kaagad. Nakita ni Judas ang manta ni Jesus na naiwanan na nakalupi sa ibabaw ng bato. Nakilala niya ito. Ibig niya itong hipuin. Siya ay natatakot. Inaabot niya ito ng kanyang kamay at binawi niya ang kanyang kamay. Gusto niya at ayaw niyang hipuin ito. Ngunit ang manta na iyon ay nabibighani siya. Siya ay umuungol: «Hindi. Hindi. Pagkatapos sinabi niya: «Oo, sa pamamagitan ni Satanas! Oo. Gusto kong hipuin ito. Hindi ako natatakot! Hindi ako natatakot!»

Sinasabi niya na hindi siya natatakot, ngunit ang kanyang mga ngipin ay nangangatal sa takot, at ang ingay na nagagawa sa itaas ng kanyang ulo ng isang sanga ng isang punong-olibo, na hinihipan ng hangin sa kalapit na sanga, ay nagawa siyang sumigaw muli. gayunpaman nagpumilit siya at nahawakan ang manta. At siya ay tumatawa. Ang pagtatawa ng isang baliw, ng isang dimonyo. Isang isterika, putul-putol, nananaghoy, walang-katapusang pagtawa, sapagkat napangibabawan niya ang kanyang takot. At sinasabi niya ang ganyan: «Hindi Ninyo ako natatakot, Kristo. Hindi na ako natatakot. Ako ay dating labis na natatakot sa Inyo, sapagkat akala ko Kayo ay isang Diyos at isang malakas na tao. Ngayon hindi na Ninyo ako natatakot, sapagkat Kayo ay hindi Diyos. Kayo ay isang kaawa-awang baliw, isang mahina. Hindi Ninyo nalalaman kung papaano Ninyo ipagsasanggalang ang Inyong Sarili. Hindi Ninyo ako nagawang abo, ni hindi Ninyo nabasa ang pagtataksil sa aking puso. Aking mga ikinatatakot!... Anong isang tanga! Kapag Kayo ay nagsasalita, kahit kagabi, akala ko alam Ninyo. Ngunit wala Kayong nalalaman na kahit ano. Iyon ay ang aking takot na siyang nagbibigay ng diwa ng propesiya sa Inyong pangkaraniwang mga salita. Kayo ay wala. Pinabayaan Ninyo ang Inyong Sarili na maipagbili, maituro, mahuli katulad ng isang dagâ sa butas nito. Ang Inyong kapangyarihan! Ang Inyong pinagmulan! Ha! Ha! Ha! Nagpapatawa! Si Satanas ang malakas na isa! Mas malakas kaysa sa Inyo. Natalo niya Kayo! Ha! Ha! Ha! Ang Propeta! Ang Mesiyas! Ang Hari ng Israel! At sinupil Ninyo ako nang tatlong taon! Na may takot lagi sa loob ng aking puso! At kinailangan kong magsinungaling upang malinlang Kayo nang may-kapinuhan kapag gusto kong kasiyahan ang buhay!  Ngunit kahit na kung ako ay nagnakaw at nakipagtalik nang wala ang lahat ng pagnanasa na madalas kong pinakikinabangan, wala pala Kayong magagawa sa akin na kahit ano. Mahina ang loob! Tanga! Duwag! Kunin ito! Kunin ito! Kunin ito! Nagkamali ako sa hindi ko paggawa sa Inyo ng kung ano ang aking ginagawa ngayon sa Inyong manta upang maipaghiganti ang aking sarili para sa panahon na pinanatili Ninyo akong alipin ng takot.  Takot sa isang kuneho!... Kunin ito! Ito! Kunin ito!»

Sa bawat «Kunin ito!» kinakagat ni Judas ang tela ng manta at sinusubukan na punitin ito. Kinukubot niya ito ng kanyang mga kamay. Ngunit sa pagkubot nito, nabubuksan niya ito at ang bumabasang mantsa ay lumilitaw. Si Judas ay tumigil sa kanyang pagngangalit. Tinititigan niya ang mga mantsang iyon. Hinihipo niya ito. Inaamoy niya ito. Ito ay dugo... Iniladlad niya ang buong manta. Ang bakas na naiwan ng dalawang kamay na may mantsa ng dugo, noong idiniin ni Jesus ang tela sa Kanyang mukha, ay kitang-kita.

«Ah!... Dugo! Dugo! Kanya... Hindi!» Nailaglag ni Judas ang manta at tumingin-tingin sa paligid. Sa ibabaw ng bato rin, kung saan isinandal ni Jesus ang Kanyang likod noong Siya ay pinaginhawahan ng anghel, ay may maitim na marka ng dugo na namumuo. «Ayan!... Ayan!!! Dugo! Dugo!...» Ibinaba niya ang kanyang mga mata upang hindi makakita, at nakita niya ang damo lahat may mantsa ng dugo na pumatak doon. Dahil napalabnaw ito ng hamog, nagmumukha itong kapapatak pa lamang. Ito ay mapula at nagniningning sa maagang sikat ng araw. «Hindi! Hindi! Hindi! Ayaw kong makita ito! Hindi ko matingnan ang dugo na iyan! Tulong!» at hinahawakan ng kanyang kamay ang kanyang leeg at naghahapuhap sa paligid, na tila siya ay nalulunod sa isang dagat ng dugo. «Atras! Atras! Iwanan ako! Iwanan ako! Isumpa! Ngunit ang dugo na ito ay isang dagat! Tinatakpan nito ang Lupa! Ang Lupa! Ang Lupa! At sa ibabaw ng Lupa ay walang lugar para sa akin, sapagkat hindi ko matingnan ang dugong iyon na nagtatakip dito. Ako ang Cain ng Inosente!» Sa palagay ko ang idea ng pagpapakamatay ay pumasok sa kanyang puso sa sandaling ito. Ang mukha ni Judas ay nakakatakot.

Tumalon siya mula sa terasa at tumakbo sa taniman ng mga punong-olibo nang hindi binabalikan ang kanyang dinaanan. Nagmumukha siyang katulad ng isang hinahabol ng mababangis na hayop. Bumalik siya sa bayan. Binalot niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang manta hangga't sa magagawa niya. Ibinaling niya ang kanyang mga hakbang patungo sa Templo.

Ngunit habang patungo roon, sa isang sangahang daan natagpuan niya ang kanyang sarili sa harapan ng nagkakagulong mga tao na kumakaladkad kay Jesus patungo kay Pilato. Siya ay hindi makakaalis, sapagkat siya ay naitutulak ng mga tao mula sa kanyang likuran, habang sila ay nag-uumpukan upang makakita. At, matangkad katulad niya, siya ay nangingibabaw nang sapilitan at nakakakita. At nakatagpo ng kanyang mga mata ang mga mata ni Jesus... Sila ay nagpalitan ng mga sulyap nang isang sandali. Pagkatapos si Jesus, natatalian at nabugbog, ay dumaan. At si Judas ay bumagsak sa kanyang likod, na tila siya ay hinimatay. Ang mga pulutong ay niyapakan siya nang walang-awa, at siya ay hindi gumaganti. Halatang mas gusto niyang matapakan ng buong mundo, kaysa makatagpo ang mga matang iyon.

Noong ang pangkat ng pumapatay sa diyos ay nakaraan kasama ang Martir, at ang kalsada ay wala nang mga tao, siya ay tumayo muli at tumakbo patungo sa Templo. Nabunggo niya at halos matumba ang isang guwardiya na nakaposte sa geyt ng bakuran. Ang iba pang mga guwardiya ay nagmadali upang mapigilan ang panatikong lalaki na makapasok. Ngunit katulad ng isang nagngangalit na toro, nalampasan niya silang lahat. Ang isa sa kanila, na kumapit sa kanya upang mapigilan siya na makapunta sa bulwagan ng Sanhedrin, kung saan sila ay naiipon pa nag-uusap-usap, ay nahawakan sa leeg, sinakal at itinapon pababa sa tatlong baytang ng sahig, kung hindi patay, siya ay tiyak na nasa punto na na mamatay.

judas throwing money«Hindi ko kailangan ang inyong pera, mapahamak sana kayo» sumisigaw siya, nakatayo sa gitna ng bulwagan, kung saan mismo si Jesus nakatayo dati. Nagmumukha siyang isang dimonyo na kalalabas lamang sa impiyerno. Dumurugo, magulo ang hitsura, nasa pagkahibang na pagngangalit, naglalaway, ang kanyang mga kamay katulad ng mga pangalmot, siya ay sumisigaw at tila tumatahol, napaka tilì at paós ang kanyang umaalulong na tinig. «Hindi ko kailangan ang inyong pera, kayong mga isinumpa. Sinira ninyo ako. Ginawa ninyo akong magawa ko ang pinaka grabeng kasalanan. Ako ay isinumpang katulad ninyo. Napagtaksilan ko ang inosenteng Dugo. Nawang ang Dugong iyon at ang aking kamatayan ay bumagsak sa inyo. Sa inyo... Hindi! Ha!...» Si Judas ay nakita ang sahig na may mantsa ng dugo. «Kahit dito, may dugo ba kahit dito? Kahit saan! Ang Kanyang dugo ay kahit saan! Ngunit gaano karaming dugo mayroon ang Kordero ng Diyos, upang matakpan ang buong Lupa katulad nito nang hindi namamatay? At pinadanak ko ito! Sa kagagawan ninyo. Isinumpa! Maisumpa sana kayo magpakailanpaman! Maisumpa ang mga pader na ito! Maisumpa ang nalapastangang Templong ito! Maisumpa ang pumapatay-sa-diyos na Pontipise! Maisumpa ang di-karapat-dapat na mga pari, ang huwad na mga doktor, ang mapagkunwaring mga Pariseo, ang malulupit na mga Judaean, ang tusong mga eskriba! Maisumpa sana ako! Isumpa ako! Itago ang inyong  pera at sakalin sana ang inyong mga kaluluwa sa inyong mga lalamunan, katulad na ang lubid ay sinasakal ako» at itinapon niya ang lukbutan sa bunganga ni Caiaphas at umalis na umaalulong, habang kumakalansing ang mga salaping kumakalat sa sahig pagkatapos na tumama sa bunganga ni Caiaphas at ginagawa itong dumugo. Walang naglakas-loob na patigilin siya.

Siya ay lumabas. Tumatakbo siya sa mga kalsada. At masamang nakatagpo niya si Jesus nang dalawang beses muli, habang Siya ay patungo at pabalik mula kay Herodes.

Umalis siya sa sentro ng bayan, kinukuha ang pinaka abang mga daanan nang walang pinipili at nagtapos siyang muli sa bahay ng Hapunan. Ito ay ganap na sarado na tila ito ay inabandona. Siya ay tumigil. Tinitingnan niya ito. «Ang Ina!» bumubulong siya. «Ang Ina!»...» Siya ay hindi makapagpasya... «Mayroon din akong ina! At napatay ko ang isang anak ng isang ina!... gayunpaman... gusto kong pumasok... Upang makitang muli ang silid na iyon. Walang dugo roon...» Siya ay kumakatok sa pinto.

Siya ay kumakatok muli... at muli pa... Ang maybahay na babae ay dumating upang buksan at buksan nang kalahati ang pinto. Nakabukas nang kalahati... At nakikita ang lalaki na balisang-balisa at hindi na halos makilala, siya ay napasigaw at sinusubukan na isarang muli ang pinto. Ngunit si Judas ay binuksan ito nang maluwang nang may pagtulak ng kanyang balikat at, naitumba ang nahihintakutan na babae, siya ay pumasok.

Tumakbo siya patungo sa maliit na pinto na magpapapasok sa Silid ng Hapunan. Binuksan niya ito at pumasok. Ang isang magandang sikat ng araw ay pumapasok sa pamamagitan ng maluwang na nakabukas na mga bintana. Si Judas ay nakahinga nang maluwag. Siya ay nagpapatuloy. Ang lahat ay kalmado at tahimik dito. Ang mga gamit sa mesa ay gayon pa rin katulad nang ito ay iniwanan. Maiintindihan ng isa na walang nag-asikaso dito. Maaaring isipin ng isa na sila ay malapit nang umupo sa mesa.

Si Judas ay lumapit sa mesa. Tumitingin siya kung mayroon man kahit anong alak sa mga amphora. Mayroon. Ininom niya itong takaw-na-takaw mula sa amphora mismo, binubuhat ito ng kanyang dalawang kamay. Pagkatapos siya ay naupo at ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang mga brasong nakalupi sa ibabaw ng mesa. Hindi niya napuna na siya ay nakaupo sa kung saan mismo si Jesus naupo at na sa harapan niya ay naroon ang kalis na ginamit para sa Eukaristiya. Siya ay nananatiling walang-galaw nang matagal-tagal, hanggang kumalma ang kanyang labis na paghingal dahil sa pagtatakbo nang labis. Pagkatapos siya ay tumingala at nakita ang kalis. At naalaala niya kung saan siya dati nakaupo.

Siya ay tumayo na tila siya ay nalulukuban. Ngunit nagagayuma siya ng kalis. Ang kaunti ng mapulang alak ay nasa ilalim pa nito at ang araw, sumisinag sa metal (ito ay parang plata) ay pinaaapoy ang likido. «Dugo! Dugo! Dugo rin dito! Ang Kanyang Dugo! Kanyang Dugo! “Gawin ito sa pag-aalaala sa Akin!... Kunin ito at inumin. Ito ang Aking Dugo... Ang Dugo ng bagong tipan na padadaluyin para sa inyo... Ha! Ako ay isinumpa! Hindi na ito mapadadaloy para sa akin upang mapatawad ang aking kasalanan. Hindi ako humihingi na mapatawad, sapagkat hindi Niya ako mapatatawad. Layo, layo! Walang lugar kung saan ang Cain ng Diyos ay makatatagpo ng kapayapaan. Kamatayan! Kamatayan sa akin!...»

Siya ay lumabas, Natagpuan niya ang kanyang sarili sa harapan ni Maria, Na nakatayo sa pintuan ng silid kung saan Siya iniwan ni Jesus. Nakaririnig ng ingay, Siya ay dumungaw, umaasa marahil na makita si Juan, na matagal nang nawawala. Siya ay nagmumukhang kasing putla na tila naubusan Siya ng dugo. Ang pamimighati ay nagawa ang Kanyang mga mata na makatulad nang mas higit pa ang mga mata ng Kanyang Anak. Si Judas ay nakatagpo ang mga matang iyon na tumitingin sa kanya nang may gayon din na nakapamimighating may-nalalaman na konsiyensya na sa pamamagitan nito siya ay tiningnan ni Jesus sa kalsada, at bumibigkas ng isang natatakot na «O!» siya ay sumandal sa pader.

«Judas!» sabi ni Maria, «Judas, bakit ka naparito?» Mga salitang katulad din ng kay Jesus.  At ito ay binigkas nang may malungkot na pagmamahal.  Si Judas ay naalaala ito at sumigaw.

«Judas» ulit ni Maria «ano ang nagawa mo? Sa labis na pagmamahal tumugon ka ba ng pagtataksil?» Ang tinig ni Maria ay isang nanginginig na haplos.

Si Judas ay tatakbo na sana. Si Maria ay tinawag siya sa pamamagitan ng isang tinig na makapagkukumberti sa isang dimonyo. «Judas! Judas ! Tigil! Tigil! Makinig! Sinasabihan kita sa ngalan Niya: magsisi, Judas. Nagpapatawad Siya...» Si Judas ay nakatakbo na. Ang tinig ni Maria, ang Kanyang hitsura, ay naging ang grasya na magtatapos sa lahat, o kung baga ang disgrasya na magtatapos sa lahat, sapagkat nilalabanan niya Siya.

Siya ay lumayas sa bandang huli. Nasalubong niya si Juan na patungo sa bahay upang kunin si Maria. Ang sentensiya ay naibaba na. Si Jesus ay pupunta na sa Kalbaryo. Panahon na na dalhin si Maria sa Kanyang Anak. Si Juan ay nakilala si Judas, bagama't kakaunti na lamang ang natira sa kakisigan ni Judas noong hindi pa nagtatagal. «Ikaw ay naririto?» Sinasabihan siya ni Juan nang may kitang-kitang pagkasuklam. «Ikaw nandito? Maisumpa ka sana, ikaw na mamamatay ng Anak ng Diyos! Ang Guro ay hinatulan na. Magbunyi, kung magagawa mo. Ngunit umalis ka sa daan. Pupuntahan ko ang Ina. Huwag mo Siyang gawing isa pang Biktima mo, ahas.»

Si Judas ay tumakbo. Binalot niya ang kanyang ulo sa mga pilas ng kanyang manta, nag-iiwan lamang ng maliit na masisilipan ng kanyang mga mata. Ang mga tao, ang kaunting mga tao na wala sa malapit sa Praetorium, ay iniwasan siya, na tila nakakita sila ng isang baliw. At iyan ang nakakamukha niya.

Siya ay naglalagalag sa kabukiran. Paminsan-minsan dala ng hangin ang alingawngaw ng sigawan ng mga pulutong na sumusunod kay Jesus nanlalait sa Kanya. Sa tuwing nakakarating kay Judas ang alingawngaw, siya ay umaatungal katulad ng isang asong-gubat.

Sa palagay ko siya ay nabaliw na nga, sapagkat patuloy niyang inuuntog ang kanyang ulo sa mababang batong mga pader. O nagkaroon siya ng takot sa tubig sapagkat sa tuwing nakakakita siya ng likido – tubig, gatas na dinadala ng bata sa isang lalagyan, langis na tumutulo mula sa isang lalagyang-balat ng kambing – siya ay umaatungal at sumisigaw: «Dugo! Dugo! Kanyang Dugo!» Gusto niyang uminom sa mga umaagos na tubig at sa mga pontanya. Ngunit hindi niya magawa, sapagkat ang tubig ay tila dugo sa kanya, at ganyan ang kanyang sinasabi: «Iyan ay dugo! Iyan ay dugo! Nilulunod ako niyan! Sinusunog ako niyan! Ako ay umaapoy! Binigay Niya sa akin ang Kanyang dugo kahapon, at naging apoy ito sa loob ko! Maisumpa sana ako, at Kayo rin!»

Siya ay paakya’t panaog sa mga burol sa paligid ng Herusalem. At ang kanyang mga mata ay di-mapigilan na naaakit patungo sa Golgotha. At dalawang beses mula sa malayo nakita niya ang prusisyon na umaakyat. Siya ay tumitingin at umaalulong.

Ito ngayon ay nasa tuktok na. Si Judas din ay nasa tuktok na ng isang maliit na burol na puno ng mga punong-olibo. Siya ay nakapasok dito sa pagbukas sa isang bakod na tila siya ang may-ari o kabisado man lamang ang lugar. Sa isip ko si Judas ay parang walang pakundangan sa pag-aari ng ibang mga tao. Nakatayong tuwid sa ilalim ng isang puno ng olibo sa gilid ng isang terasa, siya ay tumitingin pagawing Golgotha. Nakikita niya ang mga krus na itinatayo at naiisip niya na si Jesus ay naipako na. Hindi niya matagalan na makakita o makarinig. Ngunit ang pagkasira ng kanyang isip o ang isang pagkilos ng panggagaway ni Satanas ay nagagawa siyang makakita o makarinig na tila siya ay nasa tuktok ng Kalbaryo.

Siya ay tumitingin at nagmumukhang katulad ng isang naingkanto. Siya ay nakikipaglaban: «Hindi! Hindi! Huwag akong tingnan! Huwag magsalita sa akin. Hindi ako makatagal. Mamatay, mamatay, Kayong isinumpang isa! Gawin ang kamatayan na isara ang mga matang iyan na nananakot sa akin, ang bungangang iyan na nanunumpa sa akin. Ngunit isinusumpa rin Kita. Sapagkat hindi Ninyo ako niligtas.»

Ang kanyang mukha ay labis na namomroblema na hindi ito matitingnan ng isa. Dalawang manipis na mga daan ng laway ang bumababa mula sa kanyang umaatungal na bunganga. Ang pisngi na nakagat ay nangingitim at namamaga,  at kung gayon ang kanyang mukha ay nagmumukhang pilipit. Ang kanyang malagkit na buhok, ang kanyang napakaitim na balbas na lumago sa kanyang mga pisngi sa loob ng mga oras na ito, ay nagagawa ang kanyang mukha na magmukhang mapanglaw. At ang kanyang mga mata!... Ito ay gumugulong, singkit at nagliliwanag. Ang mga mata ng isang totoong dimonyo.

Hinahablot niya mula sa kanyang baywang ang tali ng makapal na pulang delana na nakaikot doon nang tatlong beses. Sinusubukan niya ang tíbay nito sa pamamagitan ng pagpapaikot nito sa katawan ng isang puno ng olibo at hinihila ito nang buong lakas niya. Ito ay lumalaban. Ito ay matibay.

Pumipili siya ng isang tamang punong-olibo. Narito ito. Ang isang ito, umuusli sa kabila ng terasa na may magulong kadahunan, ay tama. Inaakyat niya ang puno. Nagtatali siya ng isang matatag na paikot ng tali sa pinakamatibay na sanga na nakausli sa ibabaw ng isang libreng espasyo. Nakagawa na siya ng isang silô. Tinitingnan niya ang Golgotha sa ikahuling pagkakataon. Pagkatapos isinuot niya ang kanyang ulo sa silô. Siya ngayon ay tila may dalawa nang pulang kuwintas sa ibaba ng kanyang leeg. Naupo siya sa terasa. Pagkatapos sa pamamagitan ng isang igkas ginawa niyang mahulog siya sa libreng espasyo.

Ang silô ay humihigpit sa kanyang leeg. Siya ay nagpapanlaban nang ilang mga sandali. Pinagugulong niya ang kanyang mga mata nang kakaibang-kakaiba, nangitim siya sa pagkakasakal, ibinubukas niya ang kanyang bunganga, ang mga ugat ng kanyang leeg ay namamaga at nagiging itim. Sumisipa siya sa hangin nang apat o limang beses sa kanyang huling mga kombulsiyon. Pagkatapos ang kanyang bunganga ay bumukas at ang kanyang maitim na malaway na dila ay lumaylay sa labas, ang kanyang mga mata ay nananatiling hindi nakasara, nakausli, pinakikita ang maputi-puting mga bola na may dugo. Ang mga balintatao ay nawawala sa taas na parte. Siya ay patay na.

Ang malakas na hangin, na lumitaw kasabay ng namimintong bagyo, ay pina-uundayo ang bangkay at pinaiikot katulad ng isang nakapangingilabot na lawa na nakabitin mula sa mga himaymay ng isang sapot.

Ang bisyon ay nagtatapos nang gayon. At umaasa ako na makakalimutan ko kaagad ang lahat ng ito, sapagkat matitiyak ko sa inyo na iyon ay isang nakapangingilabot na bisyon.

--------------------

jesus sinassabi

Sinasabi ni Jesus:

«Nakapangingilabot, ngunit hindi na walang-kabuluhan. Napakaraming mga tao na ang iniisip si Judas ay nakagawa ng isang bagay na may kaunting kahalagahan. Ang ilan pa nga ay umaabot sa sukdulan na sabihin na siya ay maayos na karapat-dapat, sapagkat ang Panunubos ay hindi sana nangyari kung wala siya, at na siya kung gayon ay mapangangatwiranan sa mga mata ng Diyos.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na, kung ang Impiyerno ay wala pa noon at hindi pa perpekto sa mga pagpapasakit nito nalikha sana ito na mas lalo pang nakapangingilabot at eternal para kay Judas, sapagkat sa lahat na mga makasalanan at naisumpang mga kaluluwa, siya ang pinaka naisumpa at ang pinakamalaking makasalanan, at sa buong eternidad ay hindi magkakaroon ng pagpapalit sa kanyang sentensiya.

Ang pagkalungkot ay sana nakapagligtas din sa kanya, kung ginawa niyang magsisi dahil sa pagkalungkot. Ngunit ayaw niyang magsisi at, sa unang krimen ng pagtataksil, na mapahihintulutan pa dahil sa dakilang awa na siyang ang Aking nagmamahal na kahinaan, dinagdag niya ang paglalapastangan, ang panlalaban sa mga tinig ng Grasya, na ibig pang magsalita sa kanya sa pamamagitan ng pag-alaala, sa pamamagitan ng mga takot, sa pamamagitan ng Aking Dugo at ng Aking manta, sa pamamagitan ng Aking mga sulyap, sa pamamagitan ng mga bakas ng pagtatatag ng Eukaristiya, sa pamamagitan ng mga salita ng Aking Ina. Nilabanan niya ang lahat. Ginusto niyang nanlaban. Katulad na ginusto niyang magtaksil. Katulad na ginusto niyang manumpa. Katulad na ginusto niyang magpakamatay.

Ang kalooban ng isa ang siyang may kabuluhan sa mga bagay. Kapwa sa mabuti at sa masamâ. Kapag ang isa ay bumagsak nang walang kalooban na sumunod, nagpapatawad Ako.

Isipin si Pedro. Itinatwa niya Ako. Bakit? Ni kahit siya ay hindi niya alam kung bakit. Si Pedro ba ay duwag? Hindi. Ang Aking Pedro ay hindi duwag. Hinaharap ang pangkat at ang mga guwardiya ng Templo nangahas siyang sugatan si Malcus upang ipagsanggalang Ako, isinasapanganib ang kanyang sariling buhay dahil dito. Pagkatapos siya ay tumakbo, nang walang kalooban na gawin ito. Pagkatapos itinatwa niya Ako, nang walang kalooban na gawin iyon. Pagkatapos siya ay nanatili at nagpatuloy sa madugong daan ng Krus, sa Aking Daan, hanggang umabot siya sa kamatayan sa isang krus. At pagkatapos sumaksi siya sa Akin nang napakagaling, hanggang sa punto na siya ay papatayin dahil sa kanyang walang-takot na pananampalataya. Pinagtatanggol Ko ang aking Pedro. Ang kanyang pagkalito ay ang huli ng kanyang pagkalito ng kanyang pagkataong kalikasan. Ngunit ang kanyang espirituwal na kalooban ay wala noong sandaling iyon. Napalabo ng kabigatan ng kanyang pagkatao, iyon ay natutulog. Noong ito ay magising, ayaw nitong manatili  sa pagkakasala, bagkus ginusto nitong maging perpekto. Pinatawad Ko siya kaagad.

Si Judas ay ayaw. Sinasabi mo na siya tila baliw at natatakot sa tubig. Siya ay gayon sa pamamagitan ng pagngangalit ng isang dimonyo. Ang kanyang takot na makita ang aso, isang bihirang hayop lalo na sa Herusalem, ay ang resulta ng katotohanan na, mula pa nang matagal nang panahon, ang porma ng aso ay ipinapalagay kay Satanas sa pagpapakita sa mga tao. Sa mga aklat ng mahika sinasabi dito na ang isa sa mga porma na gusto ni Satanas sa pagpapakita sa mga tao ay ang porma ng isang mahiwagang aso o pusa o lalaking kambing. Si Judas, isa nang biktima ng takot gawa ng kanyang krimen, bilang kumbinsido na siya ay pag-aari ni Satanas dahil sa kanyang krimen, ay nakita si Satanas sa ligaw na hayop na iyon.

Siya na may kasalanan ay nakakakita ng mga anino ng takot sa lahat ng bagay. Ang kanyang konsiyensya ang lumilikha nito. Pagkatapos si Satanas ay isinusulsol ang mga aninong iyan, na baka makapagpagawa pa sa isang puso na magsisi, at ginagawa itong mga multo na magdadala sa kawalang-pag-asa. Ang kawalang-pag-asa ay magdadala sa huling krimen: pagpapakamatay. Ano ang halaga ng itapon ang bayad ng pagtataksil, kung ang pagkait sa sarili nito ay ang bunga lamang ng galit at hindi galing sa isang matuwid na kalooban ng pagsisisi? Tanging sa gayong kaso lamang ang ginawa ng pagkakait sa sarili ng mga bunga ng kasamaan nagiging may merito. Ngunit hindi niya ito ginawa. Isang walang kabuluhan na sakripisyo.

Ang Aking Ina, at Siya ay Grasya na siyang nagsasalita at Aking Tesorero na nagkakaloob ng kapatawaran sa ngalan Ko, ay nagsabi sa kanya: “Magsisi, Judas. Siya ay nagpapatawad...” O! pinatawad Ko sana siya! Kung siya ay nagpatirapa lamang sa paanan ng Aking Ina nagsasabing: “Maawa”, Siya, ang Maawaing Ina, ay kinuha sana siyang itinayo katulad ng isang nasugatang tao, at sa kanyang makadimonyong mga sugat, kung saan inihawa sa kanya ng Kaaway ang krimen, iniluha sana Niya ang Kanyang mga luha na nagliligtas at nadala sana Niya siya sa Akin, sa paanan ng Krus, hinahawakan siya sa kamay, upang hindi sana siya maagaw ni Satanas at hindi sana siya bugbugin ng mga disipulo, nadala sana Niya siya upang ang Aking Dugo ay bumagsak sana una sa lahat sa kanya muna, ang pinakamalaki sa lahat na makasalanan. At Siya ay sana naging ang admirableng Babaeng Pari sa Kanyang altar, sa pagitan ng Kadalisayan at Pagkakasala, sapagkat Siya ang Ina ng mga birhen at mga santo, ngunit Siya rin ang Ina ng mga nagkakasala.

Ngunit ayaw niya. Pagnilayan ang kapangyarihan ng malayang kalooban, ang tungkol kung saan kayo ang absulutong mga namamagitan. Sa pamamagitan nito mapapasainyo ang Langit o ang Impiyerno. Pagnilayan kung ano ang ibig sabihin ng pamimilit sa pagkakasala.

Ang Ipinako-sa-Krus, Siya Na pinananatili ang kanyang mga kamay na nakaunat at nakapako, upang sabihin sa inyo na minamahal Niya kayo, at ayaw Niya at hindi Niya kayo mahampas, sapagkat minamahal Niya kayo, at mas gusto pa Niyang pagkaitan ang Kanyang Sarili ng posibilidad na mayakap kayo, ang Kanyang tanging kapighatian sa Kanyang pagkakapako sa krus, kaysa kunin ang kalayaan na maparusahan kayo, si Kristo Na Ipinako sa Krus, ang inaasahan ng dibinong pag-asa para sa mga nagsisisi at gustong matalikdan ang pagkakasala ay naging para sa mga di-nagsisisi ang pinanggagalingan ng gayong hilakbot na nagagawa silang manumpa at maging marahas laban sa kanilang mga sarili. Sila ay naging ang mamamatay ng kanilang mga espiritu at mga katawan sa pamamagitan ng kanilang mapipilit sa pagkakasala. At ang tanawin ng Mapagpakumbabang Tagapagligtas, Na pinahintulutan ang Sarili na maisakripisyo sa pag-asa na mailigtas sila, ay naghihitsurang isang nakapangingilabot na multo.

Maria, nagrereklamo ka tungkol sa bisyon na ito. Ngunit, Aking mahal na anak, ito ay ang Biyernes ng Linggo ng Pasyon. Kailangan na maghirap ka. Sa mga paghihirap na tiniis mo dahil sa mga paghihirap ni Maria at ng Akin, kailangan na idagdag mo ang sarili mong paghihirap, gawa ng kapaitan na nakikita ang mga makasalanan na nananatiling mga makasalanan. Iyon ang iyong paghihirap. Iyon ay kailangan na sa iyo. Si Maria ay naghirap, at naghihirap pa rin, dahil diyan, katulad na Siya ay naghirap dahil sa mga pagpapahirap sa Akin. Kung kaya't kailangan na paghirapan mo iyan. Magpahinga na ngayon. Sa loob ng tatlong oras ikaw ay magiging ganap na Akin at ni Maria. Pinagpapala kita, matamis na maliit biyoleta ng Aking pasyon at pasyon-bulaklak ni Maria.»

--------------------

Abril 2, 1944. Linggo-ng-Palaspas.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

Ang magkasamang Jesus-Maria ay ang kabaligtaran ng magkasamang Adan-Eba. Ito ang isang nakatalagang magkakansela sa lahat na inásal nina Adan at Eba at ibalik muli ang Sangkatauhan sa punto kung saan ito ay katulad noong ito ay nilikha: mayaman sa grasya at sa lahat na mga regalo na pinagkaloob dito ng Tagapaglikha. Ang Sangkatauhan ay nagkaroon ng ganap na paglilikhang-muli sa pamamagitan ng mga gawa ng magkasamang Jesus-Maria, Na sa gayon ay naging ang bagong mga Tagapagpundar ng Pamilya ng Tao. Ang lahat na dating panahon ay nakansela. Ang panahon at ang kasaysayan ng tao ay titingnan mula sa sandaling ito kung saan ang bagong Eba, sa pamamagitan ng isang kumpletong pagbabago at pagbabaligtad ng paglilikha, at sa pamamagitan ng gawa ng Panginoon, mula sa Kanyang imakuladang sinapupunan ay nanganak ng bagong Adan.

Ngunit upang makansela ang asal ng dalawang Unang mga Magulang, ang dahilan ng nakamamatay na sakit, ng perpetwong pagkakaputol, ng paghihikahos, mas mahigit pa nga: ng espirituwal na karukhaan – sapagkat pagkatapos ng kanilang pagkakasala sina Adan at Eba ay natagpuan ang kanilang mga sarili na ganap na nawalan ng lahat, at iyon ay dati walang-hangganang kayamanan, na ibinigay sa kanila ng Banal na Ama – ang dalawang Ikalawang ito ay kinailangan na kumilos sa lahat ng bagay sa isang pamamaraan na ganap na salungat sa paraan ng pagkilos ng dalawang Unang mga Magulang. Kung kaya't kinailangan na dalhin ang kanilang pagsunod hanggang sa layo ng perpeksiyon na ibinababa ang sarili at isinasakripisyo ang sarili sa laman nito, sa mga damdamin, sa mga kaisipan at kalooban, upang matanggap ang lahat na gusto ng Diyos. Kung kaya't kinailangan nilang dalhin ang kanilang kadalisayan hanggang sa antas ng absulutong kabasalan, kung saan ang laman... ano ba ang laman sa Amin Na dalawang purong nilikha? Isang belo ng tubig sa matagumpay na espiritu, ang haplos ng hangin sa naghaharing espiritu, isang kristal na inihihiwalay ang espiritu-panginoon at hindi ito pinarurumi, isang tibok na nagpapataas at hindi isang pabigat na naniniil. Iyan kung ano ang laman sa Amin. Mas kulang sa bigat at sa pagkasensitibo kaysa sa isang linen na damit, isang magaan na bagay na inilagay sa pagitan ng mundo at ng kaningningan ng kaakuhan na naging mas mahigit pa kaysa sa tao, ang pamamaraan upang gawin kung ano ang ginusto ng Diyos. Wala nang iba pa.

Taglay ba namin ang pagmamahal? Tiyak na taglay namin. Taglay Namin ang “perpektong pagmamahal”. Mga tao, ang kagutuman para sa laman na nag-uudyok sa inyo na busugin ang inyong mga sariling ng laman nang may-katakawan, ay hindi pagmamahal. Iyan ay kahalayan. Wala nang iba pa. Kung kaya't sa pagmamahal sa isa't isa nang ganyan –akala ninyo iyan ay pagmamahal – hindi ninyo matanggap ang isa't isa, upang matulungan at mapatawad ang isa't isa. Kung kaya't ano ang inyong pagmamahal? Iyan ay kapootan. Iyan ay walang iba bagkus paranoya na pagkahibang na nagdadala sa inyo na mas gustuhin pa ang lasa ng bulok na pagkain kaysa masustansiyang nakakatulong na pagkain ng piling mga damdamin. Taglay namin ang “perpektong pagmamahal”. Kami, ang perpektong mga basal na isa. Ang pagmamahal na ito ay niyayakap ang Diyos sa Langit at, bilang kaisa Niya, katulad na kaisa ng mga sanga ang puno ng kahoy na nagtutustos sa kanila, ito ay kumakalat at bumababa nagbibigay ng labis na kapahingahan, masisilungan, pagkain, kaginhawahan sa Lupa at sa mga nakatira dito. Walang sinuman ang di-sinasali sa pagmamahal na ito: ni ang ating kapwa mga nilikha, o ang mas mabababang nilalang, o ang mga gulay, o ang mga tubig at mga bituin. Kahit ang masasamâ ay hindi pinipuwera sa pagmamahal na ito. Sapagkat sila rin, bagama't mga patay na galamay, ay mga galamay pa rin ng dakilang katawan ng Sangnilikha, at kung gayon nakita namin sa kanila ang banal na larawan, bagama't nasira at narumihan ng kanilang kasamaan, ng Panginoon, Na pumorma sa kanila sa Kanyang larawan at pagkakatulad.

Nagbubunyi kasama ang mabubuting tao; umiiyak sa mga tao na hindi mabubuti; nagdarasal (aktibong pagmamahal na isinasaad ang sarili sa pamamagitan ng pakiusap at pagkuha ng proteksiyon para sa mga minamahal ng isa) nagdarasal para sa mabubuting tao na baka maging mas mabubuti pa para mas lalong makalapit sa perpeksiyon ng Mabuting Panginoon, Na nagmamahal sa atin mula sa Langit; nagdarasal para sa mga nagpapaulik-ulik sa pagitan ng kabutihan at kasamaan, upang sana sila ay mapalakas at kung gayon makapagpursige sa banal na landas; nagdarasal para sa mga masasama, na ang Kabutihan ay sana magsalita sa kanilang mga espiritu, at baka hampasin pa sila ng kidlat ng Kanyang kapangyarihan, ngunit baka makumberti sila sa Panginoong kanilang Diyos, Kami ay nagmahal. Katulad na walang iba pa ang nagmahal. Dinala Namin ang pagmamahal sa mga taluktok ng perpeksiyon, upang sa pamamagitan ng aming karagatan ng pagmamahal mapunuan sana namin ang kalaliman na nahukay ng kakulangan ng pagmamahal ng Unang mga Magulang, na minahal ang kanilang mga sarili nang higit pa sa kanilang pagmahal sa Diyos, dahil gusto nilang magkaroon ng kung ano ang hindi tama na magkaroon, upang maging mas mataas sa Diyos.

Kung kaya't sa kadalisayan, pagsunod, karidad, pagkakatikal mula sa lahat na mga kayamanan ng Lupa (sensuwalidad, kapangyarihan, mga kayamanan: ang trinomyo ni Satanas, salungat ng trinomyo ng Diyos: pananampalataya, pag-asa, karidad); kung kaya't sa kapootan, kahalayan, galit, pagmamalaki (ang apat na lisyang masisimbuyong damdamin, kabaligtaran ng apat na banal na mga birtud: katatagan ng loob, pagpipigil, katarungan, kahinahunan), kinailangan namin na idagdag ang palagian na pagsasabuhay ng lahat na siyang kabaligtaran ng paraan ng pagkilos ng magkasamang Adan-Eba. At kung iyon ay mas madali para sa amin na makagawa ng malaki-laki, sa pamamagitan ng aming mabuting walang-hangganang mga kalooban, tanging ang Eternal lamang ang nakaaalam kung gaano labis na makabayani ang gawin ang pagsasabuhay sa ilang mga sandali at sa ilang mga okasyon.

Gusto Kong magsalita tungkol sa isa lamang ngayon. Tungkol sa Aking Ina, hindi tungkol sa Aking Sarili. Tungkol sa bagong Eba, Na mula pa noong Kanyang kamurahan na mga taon ay tinanggihan ang papuring ginamit ni Satanas upang marahuyo Siya na kagatin ang bunga at tikman ang lasa nito na nagpabaliw sa kasa-kasama ni Adan; tungkol sa bagong Eba, Na hindi pinanatili ang Sarili sa pagtanggi kay Satanas, bagkus tinalo siya sa pagdurog sa kanya sa ilalim ng isang napakalaking kalooban ng pagsunod, pagmamahal, kabasalan, na siya, ang Isinumpang isa, ay natambakan at napailaliman. Hindi! Si Satanas ay hindi babangon mula sa ilalim ng sakong ng Aking Birheng Ina. Siya ay naglalaway at bumubulâ, umalulong at nanunumpa siya. ngunit ang kanyang laway ay papatak=patak pababa, at ang kanyang alulong ay hindi naaabot ang atmospera ng nakapaligid sa Aking Banal na Ina, Na hindi naaamoy ang makadimonyong amoy o napapakinggan ang mala-impiyernong halakhak, at hindi nakikita, ni hindi nakikita ang nakakasukang paglalaway ng eternal na Ahas, sapagkat ang selestiyal na mga armoniya at mga halimuyak sumasayaw nang mapagmahal paikot sa Kanyang magandang banal na personahe, at dahil ang Kanyang mga mata, na mas puro pa kaysa sa mga liryo at mas mapagmahal pa kaysa sa mga humuhuning kalapati, ay tumitingin nang nakapirmi lamang sa Kanyang Eternal na Panginoon, Na ang Kaninong Anak na Babae ay Siya, bukod sa pagiging ang Ina at ang  Esposa.

Noong pinatay ni Cain si Abel, ang bunganga ng kanilang ina ay bumigkas ng mga panunumpa, na minungkahi ng kanyang espiritu, nakahiwalay sa Diyos, laban sa kanyang pinakamalapit na kapwa: ang anak ng kanyang sinapupunan, nilapastangan ni Satanas at pinarumi ng isang masagwang mithiin. At ang panunumpang iyon ay ang mantsa sa kaharian ng mga moral ng tao, katulad na ang krimen ni Cain ay ang mantsa sa kaharian ng mga hayop na tao. Dugo sa Lupa, pinadanak ng isang pangkapatid na kamay. Ang unang dugo na katulad ng matagal nang kilalang batubalani ay naaatrak ang lahat na dugo na pinadanak ng kamay ng tao, kinukuha ito mula sa mga ugat ng tao. Sumpa sa Lupa, binigkas ng bunganga ng tao. Na tila ang Lupa ay hindi pa sapat na naisumpa dahil sa rebelyon ng tao laban sa kanyang Diyos at na tila hindi nito kinailangan na malaman ang mga matutulis at mga tinik at ang katigasan ng lupa, na may tagtuyot, ulang-yelo, pinakamainit na mga araw, samantalang nilikha ito na perpekto at sinangkapan ng perpektong mga elemento upang maging isang komportableng magandang tirahan para sa tao, ang hari nito.

Si Maria ay kinailangan na kanselahin si Eba. Si Maria ay nakita ang ikalawang Cain: si Judas. Nalalaman ni Maria na siya ang Cain ng Kanyang Jesus, ng ikalawang Abel. Nalalaman Niya na ang dugo ng ikalawang Abel na ito ay pinagbili ng Cain na iyon at ito ay ikinakalat na. Ngunit Siya ay hindi nanunumpa. Nagmamahal Siya at nagpapatawad. Nagmamahal Siya at nagtatawag pabalik.

O! ang Maternidad ni Maria Martir! Maternidad na kasing dakila ng Inyong pagiging-birhen na dibinong Maternidad! Ang Diyos ay iniharap sa Inyo ang huli! Ngunit Kayo, banal na Ina, Kapwa-Tagapagtubos, ay iniharap sa Inyong Sarili ang una, sapagkat Kayo lamang, sa oras na iyon, na ang Inyong puso winasak ng mga paghahagupit na nagwasak sa Aking laman, Kayo lamang ang makapagsasalita ng mga salitang iyon kay Judas, Kayo lamang, sa oras na iyon, noong maramdaman Ninyo na ang Inyong puso ay winasak ng krus, ang makapagmamahal at  makapagpapatawad.

Si Maria: ang bagong Eba. Itinuturo Niya sa inyo ang bagong relihiyon, na nanghihimok ng pagmamahal upang mapatawad siya na nakapatay ng isang anak. Huwag maging katulad ni Judas, na isinasara ang kanyang puso sa Ginang na ito ng Grasya at nawawalan ng lakas-ng-loob nagsasabing: “Hindi Niya ako mapapatawad”, pinagdududahan ang mga salita ng Ina ng Katotohanan, at samakatuwid ang Aking mga salita, na laging nag-ulit na Ako ay naparito upang magligtas at hind upang mawalan, ang magpatawad sa mga pumunta sa Akin nang nagsisisi.

Si Maria, ang bagong Eba, ay nagkaroon din ng bagong anak mula sa Diyos “sa lugar ni Abel na pinatay ni Cain. Ngunit hindi Siya napasakanya sa loob ng isang oras ng brutal na kaluguran na nagpapaginhawa sa kapighatian na may mga usok ng sensuwalidad at ng kapaguran ng kabusugan. Napasakanya Siya sa loob ng isang oras ng ganap na kapighatian, sa paanan ng isang krus, sa pagitan ng pagkahibang sa kamatayan ng Namamatay na tao Na Kanyang Anak, sa pagitan ng mga pang-iinsulto ng mamamátay-sa-diyos na pulutong at isang di-minarapat na totál na kapighatian, sapagkat kahit na ang Diyos ay hindi na Siya pinagiginhawahan.

Ang bagong buhay para sa Sangkatauhan at para sa indibidwal na mga tao ay nagsisimula kay Maria. Ang Kanyang mga birtud at ang Kanyang paraan ng pamumuhay ay ang inyong eskuwelahan. At ang Kanyang kapighatian, kung saan ang lahat ng mga aspekto ay lumalabas, pati na rin ang aspekto ng pagpapatawad para sa mamamatay ng Kanyang Anak, ay ang inyong kaligtasan”.»

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Isang araw mas marami pa Akong sasabihin sa inyo tungkol kay Cain at sa Unang mga Magulang. Marami pang kailangang sabihin at pagnilay-nilayan.»

120912

 

 

 



Sunod na kabanata