602. Iba pang mga Pagtuturo Tungkol sa  Unang mga Magulang at Tungkol sa Pararelismo sa Pagitan ni Cain at ni Judas.

Abril 5, 1944.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Sa Genesis mababasa natin: “Pagkatapos pinangalanan ni Adan ang kanyang asawa Eba, sapagkat siya ang ina ng lahat na mga nabubuhay”.

O! oo. Ang babae ay pinanganak ng yaong “Virago” na pinorma ng Diyos bilang isang kasa-kasama para kay Adan, ginagawa siya mula sa tadyang ng lalaki. Siya ay pinanganak kasama ang kanyang nakapamimighating kapalaran, sapagkat ginusto niyang maipanganak sa gayong paraan, ibig sabihin kasama ang nakapamimighating kapalaran. Sapagkat ginusto niyang malaman kung ano ang itinago sa kanya ng Diyos, itinatabi para sa Kanyang Sarili ang lugod ng pagbibigay sa kanya ng posteridad nang walang anumang pagpaparumi ng sensuwalidad. Ang kasa-kasama ni Adan ay ginustong maranasan ang mabuting nakatago sa kasamaan, at higit sa lahat ang kasamaan na nakatago sa mabuti, sa tila mabuti. Sapagkat nabighaning katulad niya ni Lucifer, pinagnasaan niyang magkaroon ng kaalaman na Diyos lamang ang maaaring magkaroon nang walang kahit na anong peligro, at nagawa niya ang kanyang sarili na nanlilikha-na-babae. Ngunit sa paggamit ng ganyang kapangyarihan nang di-karapat-dapat, naparumi niya ito sa pagiging isang masamang gawain, sapagkat iyon ay pagsuway sa Diyos at malisya at katakawan ng laman.

Sa panahon na ito siya ay ang “ina”. Walang katapusan na lamentasyon ng mga bagay tungkol sa inosensiya ng kanilang nalapastangang reyna! At malungkot na lamentasyon ng reyna tungkol sa kanyang pagkalapastangan, na ang tungkol dito naiintindihan niya ang kahalagahan at ang ka-imposiblehan na mapawalang-halaga! Kung kadiliman at mga kataklismo ang sumabay sa kamatayan ng Inosente, kadiliman at bagyo rin ang sumabay sa kamatayan ng Inosensiya at Grasya sa mga puso ng Unang mga Magulang. Ang kapighatian ay ipinanganak sa Lupa. Ngunit ang katalagahan ng Diyos ay hindi ito ginustong maging eternal, dahil pagkatapos ng mga taon ng kapighatian binigay Niya sa inyo ang lugod ng paglabas sa kapighatian upang pasukin ang lugod, kung nalalaman ninyo kung papaano mabuhay nang may matuwid na mga isip.

Kapahamakan sa tao kung noon ay kinailangan niyang gawin ang kanyang sarili na siyang panginoon ng buhay sa isang pantaong pamamaraan! At kung noon kinailangan niyang mabuhay na may alaala ng kanyang mga krimen at ng pagpapatuloy na maparami ito, sapagkat mas imposible para sa inyo na mabuhay nang hindi nagkakasala kaysa mabuhay nang hindi humihinga, kayong mga nilikha na nilikha upang malaman ang Liwanag at siyang nilason ng Kadiliman ginagawa kayong mga biktima nito. Kadiliman! Pinaiikutan kayo nito nang walang-tigil. Pinagbubuhul-buhol kayo binubuhay kung ano ang kinansela ng Sakramento, at sa dahilan na hindi ninyo ito kinokontra sa pamamagitan ng kalooban ng pagiging pag-aari kayo ng Diyos, nagtatagumpay ito na maparumi kayong muli sa pamamagitan ng lason nito, na nagawang walang-bisa ng Binyag.

Dahil ang mga tanda ng pagsuway ng tao ay kitang-kita, ang Diyos Ama ay inalis siya sa lugar ng makalangit na mga kasiyahan, upang hindi na siya muli magkasala at nang mas grabe sa pamamagitan ng pag-abot ng kanyang nagnanakaw na kamay sa punungkahoy ng Buhay. Ang Ama ay hindi na Niya mapagkakatiwalaan ang Kanyang mga anak, ni hindi na Niya maramdaman na ligtas Siya sa Kanyang Makalupang Paraiso. Si Satanas ay napasok ito nang minsan upang maglatag ng mga patibong para sa Kanyang pinakamamahal na mga nilikha, at kung siya ay nagtagumpay na mahikayat silang magkasala noong sila ay inosente, mas madali na niyang magagawa ito muli ngayon na sila ay hindi na inosente.

Ang tao ay ginustong maari ang lahat, ayaw iwanan sa Diyos ang kayamanan ng pagiging ang Tagapaggawa. Gawin siya kung gayon na umalis dala ang kanyang mga kayamanan na nakuha sa pamamagitan ng karahasan, at gawin siyang dalhin niya ito sa kanyang pagtatapunang lugar upang mapaalalahanan siya lagi ng kanyang mga kasalanan, isang nakatungong hari na hinubaran ng kanyang mga regalo. Ang taga-paraisong nilikha ay naging isang taga-lupang nilikha. At mga panahon ng kapighatian ay kinailangan na dumaan, hanggang ang Tanging Isa, Na makauunat ng Kanyang kamay sa bunga ng Buhay, ay dumating at pitasin ang bunga na iyan  para sa lahat ng Sangkatauhan. At kailangan Niyang pitasin iyan sa pamamagitan ng Kanyang tinusok na mga kamay at ibigay iyan sa mga tao, upang sila ay sana maging mga kapwa tagapagmana muli ng Langit at mga nag-aari ng Buhay na nabubuhay magpakailanman.

Sinasabi rin ng Genesis: “Si Adan ay nakipagtalik sa kanyang asawang si Eba”

Nagustuhan nilang malaman ang mga lihim ng mabuti at ng masama. Makatarungan lamang na ngayon maranasan na rin nila ang kirot ng pangangailangan ng magsupling nang sila mismo sa laman, nang may tulong lamang ng Diyos sa kung ano ang hindi malilikha ng tao, ang espiritu, ang kislap na umaalis sa Diyos, ang hininga na inilalagay ng Diyos, ang selyo na sa laman ay naitatatak ang tanda ng Eternal na Tagapaglikha. At si Eba ay nanganak kay Cain.

Si Eba ay napabibigatan ng kanyang kasalanan. Sa puntong ito kukunin Ko ang inyong atensiyon sa isang katotohanan na nakakaligtaan ng karamihang mga tao. Si Eba ay napabibigatan ng kanyang kasalanan. At ang kirot ay hindi pa sapat na naipaghirap upang mapaliit ang kanyang kasalanan. Katulad ng isang organismo na may lason, naipaabot niya sa kanyang anak kung ano ang may napakarami niya. At si Cain, unang anak ni Eba, ay pinanganak na matigas, mainggitin, magagalitin, mahalay, masama, kaunti lamang ang kaibahan sa mababangis na hayop magpatungkol sa instinto, labis na mahigit magpatungkol sa sobrenatural, sapagkat sa kanyang malupit na kaakuhan nagkakait siya ng paggalang sa Diyos, Na kanyang tinitingnan na isang kaaway, naniniwala na tama para sa kanya na hindi magkaroon ng isang sinsirong kulto para sa Kanya. Si Satanas ay sinulsulan siya na pagtawanan ang Diyos. At siya na pinagtatawanan ang Diyos ay walang iginagalang na sinuman sa mundo. Kung kaya't ang nakikipag-ugnayan sa mga nagtatawa sa Diyos ay nalalaman ang kapaitan ng mga luha, sapagkat hindi sila makakaasa ng magalang na pagmamahal mula sa kanilang mga anak, walang katiyakan ng tapat na pagmamahal sa kanilang asawa, walang katiyakan ng tapat na pakikipagkaibigan sa kanilang mga kaibigan.

Saganang luha ang dumaloy sa mukha ni Eba at ang kanyang puso ay namagâ sa mapapait na luha dahil sa katigasan ng kanyang anak, at ang mga luhang iyon ay naghasik ng mikrobyo ng pagsisisi sa kanyang puso, at nakapagpaliit ito sa kanyang diperensiya, katulad na ang Diyos ay nagpapatawad dahil sa kapighatian ng mga nagsisisi. At ang ikalawang anak ni Eba ay nahugasan ang kanyang kaluluwa sa mga luha ng kanyang ina, at siya ay mabait at magalang sa kanyang mga magulang, at deboto sa kanyang Panginoon, na ang Kaninong omnipotensiya na kanyang nadarama ay sumisinag mula sa Langit. Siya ang lugod ng kanyang naghihirap na ina.

Ngunit ang daan ng kapighatian ni Eba ay kailangan na maging mahaba at masakit, proporsiyonado sa kanyang daan sa karanasan ng kasalanan. Sa huli, mga pangingilig ng mga pandama. Sa una, mga panginginig ng kirot. Sa huli, mga halik. Sa una, dugo. Mula sa huli, isang anak. Mula sa una, ang kamatayan ng isang anak. Ng pinakamahal sa kanya dahil sa kanyang kabutihan. Si Abel ay naging ang pamamaraan ng puripikasyon para sa nagkasalang ina. Anong isang masakit na puripikasyon! Sa pamamagitan ng kanyang pag-atungal pinunó niya ang Lupa na nahintakutan sa pagpatay sa isang kapatid at inihalo niya ang mga luha ng isang ina sa dugo ng isang anak, habang siya, na nagpadanak nito dala ng kapootan para sa Diyos at para sa kanyang kapatid na minahal ng Diyos, ay tumatakbo hinahabol ng pangungutya ng konsiyensya.

Ang Panginoon ay nagsasabi kay Cain: “Bakit ka nagagalit?” Kung nabibigo kayo sa inyong tungkulin sa Akin, bakit kayo nagagalit kung hindi Ko kayo tinitingnan nang maganda?

Ilang mga Cain ang naririyan sa Lupa! Ang kanilang kulto para sa Akin ay nakapanunuya at mapagkunwari o wala kailanman, gayunpaman gusto nilang tingnan Ko sila nang may pagmamahal at punuin sila ng kaligayahan.

Ang Diyos ay inyong Hari. Hindi inyong utusan. Ang Diyos ay inyong Ama. Ngunit ang isang ama ay hindi kailanman isang utusan, kung maghuhusga ang isa ayon sa katarungan. Ang Diyos ay makatarungan. Kayo ay hindi. Ngunit Siya ay makatarungan. Katulad na pinupuno Niya kayo nang labis-labis na mga pabor, kung mamahalin lamang ninyo Siya nang kaunti. Hindi Niya tiyak maiiwasan na parusahan kayo, dahil pinagtatawanan ninyo Siya. Ang katarungan ay hindi pumupunta sa dalawang landas. Isa lamang ang landas nito. Ayon sa ginagawa ninyo, gayon kayo makatatanggap. Kung kayo ay mabuti. Tatanggap kayo ng mabuti. Kung kayo ay masamâ, tatanggap kayo ng masamâ. At, maniwala sa Akin, ang mabuting inyong tinatanggap ay laging mas mahigit pa kaysa sa masamang kailangan ninyong matanggap, para sa pamamaraan ng inyong pamumuhay, nagrerebelde laban sa dibinong Batas.

Sinabi ng Diyos: “Hindi ba’t totoo na kung kayo ay gumagawa ng mabuti mapapasainyo ang mabuti at kung kayo ay gumawa ng mali, ang kasalanan ay kaagad mapupunta sa inyong pintuan?”. Sa katotohanan ang mabuti ay nagdadala sa isang palagian na espirituwal na pagtaas, at nagagawa ang isa na maging mas at mas lalo pang makagagawa ng mas at mas pang mabubuting gawa, hanggang marating ng isa ang perpeksiyon at maging banal. Samantalang sapat na ang sumuko sa kasamaan upang mapababa ang sarili at mapalayo sa perpeksiyon, nagiging may-alam ng kapangyarihan ng kasalanan na pumapasok sa mga puso at ginawa silang bumaba nang unti-unti patungo sa mas at mas pang pagkakasala.

“Ngunit” sinabi rin ng Diyos “sa ilalim ninyo ay nariyan ang mithiin nito at kailangan ninyo itong mapigilan”. Oo. Ang Diyos ay hindi kayo ginawang mga alipin ng kasalanan. Ang masisimbuyong damdamin ay nasa ilalim ninyo. Hindi mataas sa inyo. Ang Diyos ay binigyan kayo ng katalinuhan at lakas upang mapigilan ang inyong mga sarili. Sa unang mga tao rin, nahampas ng kahigpitan ng Diyos, nag-iwan Siya ng katalinuhan at moral na lakas. At ngayon, mula ng ang Tagapagtubos ay naisagawa ang Sakripisyo sa kapakanan ninyo, nasa inyo ang mga daloy ng Grasya upang matulungan ang inyong katalinuhan at lakas, at mapaghaharian ninyo at kailangang mapagharian ninyo ang masasamang mithiin. Sa pamamagitan ng inyong kalooban pinalakas ng Grasya kailangan na gawin ninyo. Iyan kung bakit ang mga anghel sa Aking Kapanganakan ay inawit sa Lupa: “Kapayapaan sa mga tao na may mabuting kalooban”. Ako ay naparito upang ibalik sa inyo ang Grasya, at sa pamamagitan ng pakikipag-isa nito sa inyong mga kalooban, ang Kapayapaan ay mapupunta sa mga tao. Kapayapaan: ang kaluwalhatian ng Langit ng Diyos.

⁵”At si Cain ay nagsabi sa kanyang kapatid: ‘Tayo ay lumabas’ “ Isang kasinungaling itinatago ang isang pagpatay na pagtataksil sa likuran ng isang ngiti. Ang dilingkuwensiya ay laging mapagsinungaling, kapwa magpatungkol sa mga biktima nito at sa mundo na sinusubukan nitong malinlang. At ginusto nitong linlangin pati na ang Diyos. Ngunit nababasa ng Diyos ang mga puso.

“Tayo ay lumabas”. Maraming mga siglo pagkaraan ang isa ay sinabi: “Mabuhay, Guro” at hinalikan niya Siya. Ang dalawang Cain ay itinago ang kanilang mga krimen sa likuran ng di-makapananakit na mga hitsura, at ibinuhos nila ang kanilang inggit, galit, arogansiya, at lahat na masasamang instinto sa biktima, sapagkat hindi nila napigilan ang kanilang mga sarili, bagkus ginawa nila ang kanilang mga espiritu na mga alipin ng kanilang naging-maruming mga kaakuhan.

Sa kanyang pagbabayad-sala si Eba ay tumaas. Si Cain ay bumaba patungo sa impiyerno. Ang kawalang-pag-asa ay nahawakan siya at ginawa siyang mahulog patungo sa kalaliman. At, kasama ng kawalang-pag-asa, ay dumating ang pisikal na karuwagang takot sa kaparusahang pantao, ang huling nakamamatay na dagok sa espiritu na nanghihina na dahil sa krimen nito. Hindi na isang nilikha na nag-iisip ng Langit, ang tao na may patay na kaluluwa ay isang hayop na nanginginig sa takot para sa kanyang hayop na búhay. Ang kamatayan, na ang paglitaw nito ay isang ngiti para sa makatarungan, sapagkat sa pamamagitan nito patungo sila sa lugod ng pagtataglay sa Diyos, ay nakakatakot para sa mga tao na ang alam ang mamatay ang ibig sabihin ay ang dumaan mula sa impiyerno ng sariling puso, patungo sa Impiyerno ni Satanas, magpakailanpaman. At katulad ng mga tao na natulalâ, nakakakita sila ng paghihiganti kahit saan nakahandang hampasin sila.

Ngunit kailangan na malaman ninyo, Ako ay nagsasalita sa makatarungan, kailangan na malaman ninyo na, kung ang pangungutya ng konsiyensya at ang kadiliman ng isang nagkasalang puso ay pinababayaan at tinataguyod ang mga guniguni ng isang nagkasala, walang sinuman ang pinahihintulutan na itayo ang kanyang sarili bilang hukom ng kanyang kapatid, at higit sa lahat bilang tagapagpatay. Tanging isa lamang ang Hukom: ang Diyos. At kung ang katarungan ng mga tao ay nakalikha ng mga korte-ng-batas, ang katungkulan ng pangangasiwa ng katarungan ay kailangan na ipaubaya sa kanila, at kapahamakan sa mga maglalapastangan sa pangalan na iyan at maghuhukom nang nauudyukan ng kanilang sariling masisimbuyong damdamin o naiipit ng mga kapangyarihan ng tao. Maldisyon sa kanya na ginagawa ang kanyang sarili na siyang ang pribadong tagapagpahamak sa isa sa kanyang kapwa! Ngunit isang mas malaking maldisyon sa kanya na, hindi sa pamamagitan ng impluwensiya ng biglang galit, bagkus ng malamig na pantaong interes, di-makatarungan na ipadadala ang isang tao sa kamatayan o sa kahihiyan ng kulungan. Sapagkat, kung siya na pumatay sa isang tao na nakapatay, ay parurusahan nang pitong beses na mas mahigit pa, katulad ng sinabi ng Panginoon na mangyayari sa sinuman na humampas kay Cain, siya na magkukundina nang walang hustisya, sa pamamagitan ng pagpapaalipin kay Satanas sa kakayahan ng isang malupit na tao, ay hahampasin nang pitumpu’t pitong beses ng kahigpitan ng Diyos. Kailangan na lagi ninyong tatandaan iyan sa inyong mga isip, mga tao, lalo na sa kasalukuyang sandali, dahil pinapatay ninyo ang isa't isa upang ang mga bumabagsak ay maging tuntungan ng inyong pagtatagumpay, at hindi ninyo nalalaman na hinuhukay ninyo sa ilalim ng inyong mga paa ang hukay kung saan kayo babagsak isinumpa ng Diyos at ng mga tao. Sapagkat nasabi Ko: “Hindi kayo papatay”.

Si Eba ay tumataas sa kanyang daan ng pagbabayad-sala. Ang pagsisisi ay mas lumalalim sa kanya sa harapan ng mga katibayan ng kanyang kasalanan. Ginusto niyang malaman ang mabuti at masama. At ang alaala ng mabuti na nawala sa kanya ay para sa kanya katulad ng alaala ng araw para sa isang bigla na lamang na nabulag; at ang masama ay nasa harapan niya sa mortal na labí ng kanyang pinatay na anak, at sa paligid niya dahil sa kawalan na iniwan ng kanyang pumatay na nagtatagong anak. At si Seth ay pinanganak. At si Seth ay naging anak si Enos. Ang unang pari.

Ang inyong mga isip ay lumalaki gawa ng mga ilog ng inyong siyensiya at nagsasalita kayo ng tungkol sa ebolusyon katulad ng isang tanda ng inyong kusang paglitaw. Ang hayop-tao, sumisibol, ay magiging ang superman. Iyan ang inyong sinasabi. Oo. Iyan ay ganyan. Ngunit sa Aking paraan. Sa Aking larangan. Hindi sa inyo. Hindi sa pamamagitan ng pagdaan mula sa estado ng mga unggoy patungo sa estado ng mga tao. Bagkus sa pagdaan mula sa estado ng mga tao patungo sa estado ng mga espiritu. Habang mas lumalago ang espiritu, mas lalo kayong sisibol.

Kayong nagsasalita ng tungkol sa mga glandula, at pinupuno ang inyong mga bunganga nagsasalita ng tungkol sa hypophysis o tungkol sa pineal gland, at inilalagay dito ang luklukan ng búhay, kinuha hindi sa panahon kung saan kayo nabubuhay bagkus sa mga araw na nauna at na siyang susunod sa inyong kasalukuyang buhay, ay kailangan na malaman ninyo na ang inyong totoong  glandula, ang glandula na nagagawa kayong ang eternal na mga tagataglay ng Buhay, ay ang inyong espiritu. Habang mas lumalago ito, mas lalong tataglayin ninyo ang dibinong mga liwanag at sisibol mula sa pagiging mga tao hanggang sa pagiging mga diyos, hanggang sa inmortal na mga diyos, at kung gayon, nang hindi sinasalungat ang mithiin ng Diyos, ang Kanyang utos tungkol sa punungkahoy ng Buhay, makukuha ninyo ang pag-aari ng Buhay na ito, nang eksakto katulad ng gusto ng Diyos na maari ninyo ito, sapagkat sa kapakanan ninyo nilikha Niya ito na eternal at maningning, isang nakalulugod na yakap ng Kanyang eternidad na sisipsip sa inyo patungo sa sarili Nito at ipaaabot ang mga katangian Nito sa inyo.

Habang mas sumisibol ang inyong mga espiritu, mas lalo ninyong makikilala ang Diyos. Ang makilala ang Diyos ang ibig sabihin ang mahalin Siya at paglingkuran, at kung gayon mapananawagan Siya sa kapakanan ninyo at sa kapakanan ng ibang mga tao. Ang ibig sabihin nito ang maging mga pari na mula sa Lupa ay nagdarasal para sa kanilang mga kapatid. Sapagkat ang kinunsagra ay isang pari. Ngunit ang nakumbinsi, nagmamahal, matapat na naniniwala ay isang pari rin. At ang isang pari higit sa lahat ay ang isang biktimang kaluluwa na isinasakripisyo ang sarili dala ng isang pintig ng karidad. Ang Diyos ay hindi nakatingin sa damit, bagkus sa isip. At sasabihin Ko sa inyong totoo na ang Aking mga mata ay nakakakita ng maraming kinalbo na mga tao na walang saserdotal maliban sa kanilang pagkakalbo, at nakakakita ito ng maraming layko sa kung kanino ang Karidad na nagtataglay sa kanila at na sa pamamagitan nito pinahihintulutan ang kanilang mga sarili na matupok ay ang Langis ng ordenasyon na nagagawa silang Aking mga pari, di-alam ng mundo ngunit alam Ko, at pinagpapala Ko sila.»

130912

 

 



Sunod na kabanata