603. Si Juan Umalis Upang Kunin ni Maria.

¹10:30 n.u. Biyernes Santo 1944 (Abril 7, 1944). Ang aking taga-ulat sa loob ko ay sinasabi sa akin na iyon ang oras noong si Juan ay umalis upang puntahan si Maria.

Nakikita ko ang paboritong apostol na nagmumukhang mas maputla kaysa nang siya ay nasa bakurang korte ni Caiaphas kasama si Pedro. Baka dahil ang liwanag ng apoy noon doon ay nagbibigay ng sinag ng init sa kanyang mga pisngi, na ngayon nagmumukhang hungkag, na tila siya ay nanggaling sa malalang sakit at naubusan ng dugo. Ang kanyang mukha ay lumalabas mula sa kanyang lilac na tunika katulad ng mukha ng isang nalunod na tao, labis na parang patay ito. Ang kanyang mata ay malamlam, ang kanyang buhok walang ningning at magulo, ang kanyang balbas, na lumago sa loob ng mga oras na ito, ay nagtatakip ng isang malabnaw na kulay sa kanyang mga pisngi at babâ, at dahil sa ito ay napakaningning, nagagawa pa siya nitong magmukhang mas maputla. Wala nang natira sa kanya ng dating si Juan na mabait at masayahin, o ng galít na Juan na kani-kanina pa lamang bago ngayon, ang kanyang mukha namumula sa galit, ay may kahirapan na pinipigilan ang kanyang sarili na maltratuhin si Judas.

Siya ay kumakatok sa pinto ng bahay at, na tila mula sa loob may isang tao na, natatakot na baka makaharap muli nito si Judas, nagtatanong kung sino ang kumakatok, siya ay tumugon: «Ito ay ako, si Juan.» Ang pinto ay nagbukas at siya ay pumasok.

Siya ay pumasok patungo sa silid ng Hapunan, nang hindi tumutugon sa ginang na nagtanong sa kanya: «Ngunit ano ang nangyayari sa bayan?»

Isinara niya ang kanyang sarili sa loob at bumagsak sa kanyang mga tuhod sa tabi ng upuang-sopa kung saan si Jesus naupo at siya ay umiiyak tinatawag Siya nang nalulungkot. Hinahalikan niya ang mantel sa lugar kung saan ipinatong ni Jesus ang Kanyang magkakabit na mga kamay, hinahaplos niya ang kalis na hinawakan ng Kanyang mga daliri... Pagkatapos sinabi niya: «O! Kataastaasang Diyos, tulungan ako! Tulungan akong sabihan ang Ina! Wala akong lakas-ng-loob!... Gayunpaman, kailangan kong sabihan Siya. Kailangan kong sabihin Siya, sapagkat ako lamang ang nag-iisang natira!»

Siya ay tumayo at nag-iisip. Hinihipo niya muli ang kalis, na tila ibig niyang makakuha ng lakas mula sa bagay na iyon na nahipo ng Guro. Siya ay tumitingin sa paligid... Sa sulok kung saan ni Jesus nailagay ito, nakikita niya ang purificator na ginamit ng Guro upang patuyuin ang Kanyang mga kamay pagkatapos na mahugasan ang mga paa ng mga apostol, at ang isa pa na Kanyang ipinantakip sa Kanyang baywang. Kinuha niya ito, nilupi, hinahaplos at hinahalikan.

Siya ay nakatayong litó sa gitna ng walang-taong silid. Sinabi niya: «Tayo na!», ngunit hindi siya pumupunta sa pintuan. Sa kabaligtaran, bumalik siya sa mesa at kinuha ang kalis at ang tinapay na ang isang kanto nito ay nakaltasan ni Jesus upang ibigay ang kapiraso kay Judas, pagkatapos na maisawsaw ito sa sawsawan. Hinahalikan niya ito, kinuha niya ito at kasama ang dalawang purificator idinidiin niya ito sa kanyang dibdib katulad ng mga relikya. Inuulit niya: «Tayo na!» at nagbuntung-hininga. Naglalakad siya patungo sa maliit na hagdanan at inaakyat ito nang may nakababang mga balikat at hinihilang nag-aalangan ang mga paa. Binuksan niya ang pintuan at lumabas.

²«Juan, umuwi ka?» si Maria ay lumitaw muli sa pintuan ng Kanyang silid, nakasandal sa hamba ng pintuan na tila wala Siyang sapat na lakas na makatayo sa sarili Niya.

Si Juan ay itinaas ang kanyang ulo at tinitingnan Siya. Gusto niyang magsalita, at binubuksan niya ang kanyang bibig, ngunit hindi niya magawa. Dalawang malalaking luha ang bumukal sa kanyang mga mata. Ibinaba niya ang kanyang ulo, nahihiya ng kanyang kahinaan.

«Halika, Juan. Huwag umiyak. Kailangan na huwag kang umiyak. Lagi mo Siyang minahal at nagawa Siyang masaya. Makapagpaginhawa sana iyan sa iyo.»

Ang mga salitang ito ay nagbukas sa pumipigil sa mga luha ni Juan, na umiiyak nang napakalakas at napakaingay, na ang ginang ay lumitaw kasama si Maria ng Magdala, ang asawa ni Zebedeo at ang iba pang mga babae...

«Sumama ka sa Akin, Juan.» Si Maria ay umalis sa hamba ng pintuan at kinuha sa kamay ang disipulo, at hinihila siya papasok sa silid, na tila siya ay isang maliit na bata, at isinara Niya nang dahan-dahan ang pinto, upang sila ay nag-iisa.

Si Juan ay hindi gumagalaw. Ngunit noong maramdaman niya ang nanginginig na kamay ni Maria sa ibabaw ng kanyang ulo, bumagsak siya sa kanyang mga tuhod ibinababa sa sahig ang mga bagay na hinahawakan niya sa kanyang puso, at na ang kanyang mukha nasa sahig, hinahawakan ang laylayan ng manta ni Maria sa kanyang balisang mukha, sinabi niya nang humihikbi: «Patawarin ako! Patawarin ako! Inay, patawarin ako!»

Si Maria, Na nakatayong lubos na nalulungkot, na ang isang kamay nakariin sa Kanyang puso at ang isa nakabitin lang sa Kanyang tabi, ay nagsabi sa makabagbag-damdamin na tinig: «Ano ang kailangan Kong ipagpatawad sa iyo, Aking kaawa-awang anak? Ano? Patawarin ka!»

Si Juan ay itinaas ang kanyang mukha, pinakikita ito nang kung ano ito, nang wala nang kahit anong bakas ng pagmamalaki ng isang lalaki, ang mukha ng isang kaawa-awang bata, at siya ay sumigaw: «Sa pag-abandona sa Kanya! Sa pagtakbo! Sa hindi pagsanggalang sa Kanya! O! aking Guro! O Guro, patawarin ako! Namatay sana ako, kaysa inabandona Kayo! Inay, Inay. Sino kailanman ang mag-aalis sa akin ng pangungutya ng konsiyensya na ito?»

«Kapayapaan, Juan. Pinatatawad ka Niya, napatawad ka na Niya. Hindi niya kailanman pinahalagahan ang iyong pagkalito. Minamahal ka Niya.» Si Maria ay nagsasalita nang may patigil-tigil sa pagitan ng maiikling pangungusap, na tila Siya ay naghihingalo, pinananatili ang isang kamay sa ulo ni Juan at nakariin ang isa sa Kanyang kaawa-awang puso na tumitibok nang may paghihirap.

«Ngunit kahit na kagabi hindi ko maintindihan... at ako ay natulog habang hinihingi Niya sa amin na manatiling gisíng at paginhawahan Siya. Iniwan ko ang aking Jesus na nag-iisa! At pagkatapos ako ay tumakbo noong ang isinumpang lalaki na iyon ay dumating kasama ang tampalasan na mga tao...»

«Juan, huwag manumpa. Huwag mapoot, Juan. Hayaan ang Ama na husgahan iyan. ³Makinig: nasaan na Siya ngayon?»

Si Juan ay bumagsak muli na ang kanyang mukha nasa sahig, umiiyak nang mas malakas.

«Sabihin sa Akin, Juan. Nasaan ang Aking Anak?»

«Inay... Ako... Inay, Siya ay... Inay...»

«Siya ay hinatulan na, alam Ko. Tinatanong kita: nasaan na Siya ngayun-ngayon lamang.»

«Ginawa ko ang lahat na makakayanan ko upang sana makita Niya ako... Sinubukan kong makiusap sa malalakas na makakuha ng habag, upang magawa Siyang... upang magawa Siyang hindi masyadong maghirap. Hindi nila Siya sinaktan nang grabeng-grabe...»

«Huwag magsinungaling, Juan. Ni hindi kahit na sa habag sa isang ina. Hindi ka magtatagumpay. At iyan ay magiging walang kabuluhan. Alam Ko. Mula pa kagabi sinusundan Ko Siya sa Kanyang kapighatian. Hindi mo makikita ito, ngunit ang Aking laman ay may mga pasà ng gayon ding paghahagupit na ginawa sa Kanya, gayon din na mga tinik ang tumutusok sa Aking noo. Naramdaman Ko ang mga dagok... lahat. Ngunit ngayon... hindi na Ako makakita. Ngayon hindi Ko alam kung nasaan na ang Aking Anak, Na hinatulan sa krus!... sa krus!... sa krus!... O! Diyos, bigyan Ninyo Ako ng lakas! Kailangan na makita Niya Ako. Kailangan na hindi Ko maramdaman ang Aking kapighatian habang nararamdaman Niya ang Kanya. Pagkatapos kapag ang lahat... ay tapos na, diyan Ako pabayaan na mamatay, o Diyos, kung ganyan ang iibigin Ninyo. Hindi ngayon. Hindi, alang-alang sa Kanya. Upang sana makita Niya Ako. Lumakad na tayo, Juan. ⁴Nasaan si Jesus?»

«Iniiwan Niya ang bahay ni Pilato. Ang sigawan na iyan ay ang pulutong sumisigaw sa paligid Niya, nakagapos na katulad Niya, nakatayo sa mga baytang na sahig ng Praetorium, hinihintay ang krus, o baka nasa Kanya nang daan patungo sa Golgotha.»

«Sabihan ang iyong ina, Juan, at ang ibang mga babae. Lumakad na tayo. Dalhin ang kalis na iyan, ang tinapay na iyan, ang mga linen na iyan... Ilagay sila dito. Makakatagpo tayo ng konsolasyon diyan... pagkatapos... at tayo na.»

Si Juan ay pinupulot ang mga bagay na naiwan sa sahig at lumabas upang tawagin ang mga babae. Si Maria ay naghihintay sa kanya, kinukuskos ang Kanyang mukha ng mga linen na iyon na tila ibig Niyang makita ang haplos ng kamay ng Kanyang Anak sa mga ito, at hinahalikan Niya ang kalis at ang tinapay, at inilalagay ang lahat sa isang patungan. At binalot Niya ang Kanyang Sarili sa Kanyang manta, na Kanyang ibinababa hanggang sa layo ng Kanyang mga mata, sa ibabaw ng belo na bumabalot sa Kanyang ulo at inilupi sa paligid ng Kanyang leeg. Siya ay hindi umiiyak, ngunit Siya ay nanginginig. At Siya ay tila kinakapos ng paghinga, habang Siya ay humahangos nang labis na ang Kanyang bibig nakabukas. Si Juan ay pumasok muli, sinusundan ng mga umiiyak na babae.

«Aking minamahal na mga anak! Maging tahimik! Tulungan Akong hindi umiyak! Tayo na.» At Siya ay sumasandal kay Juan, na gumagabay at sumusuporta sa Kanya na tila Siya ay bulag

Ang bisyon ay nagtatapos nang gayon. Ngayon ay 12:30, ibig sabihin 11:30 solar time.

140912

 

 



Sunod na kabanata