604. Ang Daan ng Krus Mula Praetorium Hanggang Kalbaryo.

Marso 26, 1945.

Mga ilang sandali ang dumaan nang gayon, hindi hihigit sa kalahating oras, baka mas kulang pa. Pagkatapos si Longinus, na siyang inatasan ng gawaing pamahalaan ang pagpapatupad sa hatol, ay ibinigay ang kanyang mga utos.

Ngunit bago si Jesus dalhin sa labas, sa kalsada, upang tanggapin ang krus at lumakad, si Longinus, na tiningnan Siya nang dalawa o tatlong beses, nang may pag-uusisa na may bahid na ng awa at sa pamamagitan ng ekspertong mata ng isang sanay na sa ilang mga sitwasyon, ay nilapitan si Jesus kasama ang isang sundalo at inalok Siya ng isang pampalamig: isang tasa ng alak, sa palagay ko. Sa katotohanan nagbubuhos siya ng isang malabnaw na medyo gintong kumikinang na likido mula sa isang tunay na pang-militar na kantina. «Makakabuti iyan sa Inyo. Maaaring nauuhaw Kayo. At ang araw ay sumisikat sa labas. At ang daan ay isang mahabang daan.»

At si Jesus ay tumugon sa kanya: «Gantimpalaan ka nawa ng Diyos para sa iyong habag. Ngunit huwag mong pagkaitan ang iyong sarili niyan.»

«Ako ay malusog at malakas... Kayo... Hindi ko pinagkakaitan ang aking sarili... At kahit na kung pinagkakaitan ko... gagawin ko iyan nang gusto ko, upang mabigyan Kayo ng kaunting konsolasyon... Isang lagok... upang ipakita sa akin na hindi Ninyo kinapopootan ang mga pagano.»

Si Jesus ay hindi na tumatanggi at lumunok nang kaunti ng inúmin. Dahil sa ang Kanyang mga kamay ay inalisan na ng tali at wala na sa Kanya ang tikin o ang balabal, magagawa na Niya ito Mismo. Ngunit tumatanggi Siyang uminom ng mas marami pa, bagama't ang magandang malamig na inumin ay malaking kaginhawahan para sa Kanyang lagnat, na nagpapakita na sa pulang mga guhit-guhit na nagpapaapoy sa Kanyang maputlang mga pisngi at sa Kanyang tuyong mga labì.

Uminom ng ilan, dalhin iyan. Iyan ay tubig at pulot. Magbibigay iyan sa Inyo ng lakas at papawiin ang Inyong uhaw... Naaawa ako sa Inyo... oo... awa... Hindi Kayo ang kailangan na patayin sa pagitan ng mga Hudyo... Sino ang nakaaalam!... Hindi ko Kayo kinapopootan... at sisikapin ko na maghirap Kayo ng kung ano lamang ang kinakailangan.»

Ngunit si Jesus ay hindi na umiinom pa... Siya ay talagang nauuhaw... Ang nakamamatay na pagkauhaw ng mga nawalan ng labis na dugo at may lagnat... Alam Niya na iyon ay hindi isang inumin na may narkotiko, at gustung-gusto Niyang inumin iyon. Ngunit ayaw Niyang maghirap nang mas kulang. Ngunit nabatid ko, dahil naintindihan ko kung ano ang aking sinasabi sa pamamagitan ng isang nasa-loob na liwanag, na ang pagka-awa ng Romano ay mas malaking konsolasyon sa Kanya kaysa ang tubig na pinatamisan ng pulot.

«Gantimpalaan ka nawa ng Diyos ng Kanyang mga pagpapalà para sa konsolasyon na ito» sinabi Niya pagkatapos. At Siya ay ngumingiti muli... isang ngiting makabagbag-damdamin sa pamamagitan ng Kanyang namamagang may-sugat na mga labì, na nahihirapan na gumalaw, at dahil din ang malalang pasâ sa pagitan ng Kanyang ilong at ng Kanyang kanang pisngi, gawa ng dagok ng isang pamukpok na Kanyang tinanggap sa korteng bakuran pagkatapos ng paghahagupit, ay namamagang husto.

Ang dalawang magnanakaw ay dumating, napalilibutan ang bawat isa ng isang sampu-kataong sundalo. Oras na para lumakad. Si Longinus ay binibigay ang huling mga tagubilin.

Isang grupo ng sandaan-sundalo ang lumakad sa dalawang linya, mga tatlong metro ang pagitan sa bata’t isa, at kumikilos nang ganito patungo sa liwasan, kung saan isang sandaan-sundalo pa ang pumorma na ng isang kudradong harang upang maitaboy ang pulutong sa likuran, upang hindi sana nito maabala ang prusisyon. Sa loob ng maliit na liwasan ay mayroon nang ilang nakakabayong mga sundalo: isang grupo ng sampuan na kabalyero na may isang bata-pang opisyal na namumuno rito at siyang may dala ng bandila. Ang isang lakád na sundalo ang humahawak sa kabisada ng itim na kabayo ng senturyon. Si Longinus ay sumakay at pumunta sa kanyang lugar, mga dalawang metro sa harapan ng labing-isang nakasakay-sa-kabayong mga sundalo.

Ang mga krus ay dinala. Ang mga krus ng dalawang magnanakaw ay mas maikli. Ang kay Jesus ay labis na mas mahaba. Sasabihin ko na ang kataasan nito ay hindi kukulang ng apat na metro.

Nakikita ko na ito ay nabuo na nang dinala. Ang tungkol sa bagay na ito, nababasa ko, nang madalas akong magbasa... ibig sabihin, noong mga nakaraang taon, na ang krus ay binuo sa tuktok ng Kalbaryo at sa daan ang kondenadong mga tao ay dala lamang ang dalawang poste na magkasama sa kanilang mga balikat. Ang lahat ay posible. Ngunit ang nakikita ko ay isang tunay na krus, maayos na pinorma, solido, perpektong pinagkabit sa sangahan ng dalawang kahoy at pinatibayan ng mga pako at may mga turnilyo at tuwerka sa panagpuan. At sa katunayan, kung iisipin ng isa na ang krus ay kailangan na masuportahan ang may kabigatan na daláhin, katulad ng katawan ng isang may-gulang na tao, at kailangan na makatagal din ito sa huling mga kombulsiyon, maiintindihan ng isa na hindi ito maaaring buuin doon at pagkatapos sa makipot na di-komportableng tuktok ng Kalbaryo.

Bago ibigay ang krus kay Jesus, itinali nila ang tabla na may nakasulat «Jesus Nazareno Hari ng mga Hudyo» nakabitin sa kanyang leeg. Ang tali na humahawak dito, ay sumasalabid sa korona, na nagagalaw at gumagasgas sa hindi pa nagagasgas nito, at natutusok ang bagong mga lugar, gumagawa ng bagong kirot at bagong pagbukal ng dugo. Ang mga tao ay tumatawang may sadistikang tuwa, umaabuso at nanunumpa sila.

Sila ngayon ay handa na. At si Longinus ay ibinigay ang utos na magmartsa. «Una ang Nazareno, sa likuran Niya ang dalawang magnanakaw; isang sampung-sundalo sa paligid ng bawat isa sa kanila, ang iba pang pitong sampung-sundalo nakapusisyon sa tabi bilang mga panigundang suporta, at ang sundalo na magpabayang masugatan nang malala ang kondenadong mga tao ay mananagot.»

Si Jesus ay bumababa sa tatlong baytang na sahig na mula sa lobi ay madadala ang isa sa liwasan. At kitang-kita kaagad na si Jesus ay mahinang-mahina ang kalagayan. Sumusuray Siya nang bumababa sa tatlong mga sahig na baytang, napabibigatan ng krus sa Kanyang balikat na ganap na puno ng mga sugat, ng tabla na may sulat na umuundayo sa harapan Niya humihiwa sa Kanyang leeg, ng panginginig na nagagawa sa Kanyang katawan ng mahabang poste ng krus, na tumatalbog sa mga baytang at sa di-pantay na lupa.

Ang mga Hudyo ay tumatawa nakikita na sumusuray Siya katulad ng isang lasing at sumisigaw sila sa mga sundalo: «Itulak Siya. Gawin Siyang bumagsak. Sa alikabok ang tagapaglapastangan!» Ngunit ang mga sundalo ay ginagawa lamang kung ano ang kailangan nilang gawin, ibig sabihin, inuutos nila sa Kondenadong Isa na manatili sa gitna ng daan at maglakad.

Si Longinus ay pinabibilis ang kanyang kabayo at ang prusisyon ay nagsimulang lumakad nang dahan-dahan. At si Longinus ay gustong magmadali, kinukuha ang pinakamaikling daan patungo sa Golgotha, sapagkat hindi siya nakatitiyak ng resistensiya ng Kondenadong Isa. Ngunit ang walang-pagpipigil na makapal na bilang ng mga tao – at karangalan pa nga na tawagin sila na mga tao – ay ayaw iyon. Ang mga mas tuso ay tumakbo nang nauna, sa mga sangahang-daan kung saan ang daan ay hihiwalay, patungo sa isang daan sa tabi ng mga pader, at ang isa pa patungo sa bayan at sila ay nagkakagulo, nagsisigawan, noong makita nila si Longinus na kinukuha ang daan patungo sa tabi ng mga pader. «Hindi mo kailangan na gawin iyan! Hindi mo dapat! Hindi iyan legal! Ang Batas ay nagsasabi na ang mga kondenado ay kailangan na makita sa bayan kung saan sila nagkasala!» Ang mga Hudyo sa likuran ng prusisyon ay nabatid na sa harapan sila ay sinusubukan na madáya sa kanilang karapatan, at sinasama nila ang kanilang mga pagsigaw sa mga sigawan ng kanilang mga kasamahan.

Para sa kapayapaan si Longinus ay lumiko sa daan na magdadala sa bayan at tinahak ang maikling distansiya nito. Ngunit kinawayan niya ang isa sa samahan ng sampung-sundalo na lumapit sa kanya (sinabi ko isa sa kanila sapagkat siya ay di-komisyunadong opisyal, ngunit siya ay baka ang katulad ng ating tinatawag na orderly officer) at may sinasabi siya sa kanya sa mababang tinig. Ang lalaking ito ay bumalik, at habang nasasalubong niya ang bawat kumander ng isang samahan ng sampung sundalo, pinaaabot niya ang utos. Pagkatapos siya ay bumalik kay Longinus upang sabihin sa kanya na iyon ay naisagawa na. At sa huli pumunta siya sa lugar na kinaroroonan niya dati, sa linya sa likuran ni Longinus.

Si Jesus ay nagpapatuloy humihingal. Ang bawat butas sa lupa ay isang patibong para sa Kanyang gumigiray na mga paa, isang pasakit para sa Kanyang mga balikat na puno ng mga sugat, at para sa Kanyang ulo na kinoronahan ng mga tinik, at dahil din ang araw, na labis-labis ang init, bagama't paminsan-minsan nagtatago ito sa likuran ng nagkukulay-abong mga ulap, ay sumisikat nang perpendikular dito. Kung kaya't kahit na ito nakatago, nakakasunog pa rin ito. Si Jesus ay hindi na makahinga sa pagod, sa lagnat at init. Sa palagay ko kahit na ang liwanag at ang pagsisigawan ay maaaring pahirap para sa Kanya. At kung hindi Niya mapatitigil ang Kanyang mga tainga upang hindi mapakinggan ang labis na magagaspang na sigawan, isinasara Niya nang kaunti ang Kanyang mga mata upang hindi Niya makita ang daan na nakasisilaw sa sikat ng araw... Ngunit kailangan na ibukas Niya itong muli, sapagkat mapapatid Siya sa mga bato at mga butas, at ang bawat paggiray nang bigla ay masakit, dahil nauuga nito ang krus, na sumasalpok sa korona, na kumukuskos sa may mga sugat na balikat, pinalalaki ang mga sugat at dinadagdagan ang kirot.

Ang mga Hudyo ay hindi na nila Siya masasapak nang diretso. Ngunit ang di-inaasahan na mga bato at mga hampas ng mga pambambo ay tumatama pa rin sa Kanya.  Ang una, lalo na sa loob ng maliit na mga liwasan na nagsisiksikan sa mga tao. Ang huli, sa halip, sa mga pagliko, sa makikipot na kalsada na madalas may mga baytang na tumataas at bumababa, kung minsan isang baytang, kung minsan tatlo, kung minsan mahigit pa, dahil sa patuloy na pagbabago-bago ng lupa. Ang prusisyon ay napipilitan na bumagal sa mga lugar na ganoon, at laging may ilan na nagkukusa (!) na harapin ang mga sibat ng mga Romano kung makapagdadagdag lamang ng panghuling haplos sa obra-maestra ng pagpapahirap na siyang si Jesus na ngayon.

Ang mga sundalo ay ipinagsasanggalang Siya hangga't sa magagawa nila. Ngunit natatamaan din nila Siya, habang ipinagsasanggalang Siya, sapagkat ang mahahabang sibat na wumawasiwas sa gayong kakipot na mga espasyo, ay nasasapol Siya at nagagawa Siyang gumiwang. Ngunit noong dumating sa isang lugar, ang mga sundalo ay gumawa ng isang perpektong manyobra at, sa kabila ng mga sigaw at mga banta, ang prusisyon ay biglang lumiko sa isang kalsada na papuntang diretso sa mga pader, pababa, isang magandang mas maikling daan patungo sa lugar ng pagpapakuan.

Si Jesus ay mas lalo at lalo pang hinihingal. Ang pawis ay dumadaloy sa Kanyang mukha, kasabay ang dugo na pumapatak mula sa mga sugat ng koronang mga tinik. At ang alikabok ay kumakapit sa Kanyang basang mukha nag-iiwan ng kakaibang mga magka rito. Sapagkat pati ang hangin ay umiihip na ngayon. Walang-tigil na mga bugso sa mahahabang pagitan, kung kailan ang alikabok ay bumabagsak pagkatapos na maitaas ng mga ipuipo sa bawat bugso, at naipapadpad sa mga mata at mga lalamunan.

Maraming tao ang nag-ipun-ipon na sa Judicial Gate, ibig sabihin, ang mga tao na nakapag-isip at sa tamang pagkakataon nakapili na ng magandang lugar upang makakita. Ngunit kaunting sandali bago makarating doon si Jesus ay halos bumagsak. Tanging sa mabilis lamang na pakikialam ng isang sundalo, kung kanino Siya halos bumagsak, ang nakapagpigil sa Kanya na bumagsak sa lupa. Ang nagkakagulong mga tao ay tumawa at sumigaw: «Pabayaan Siya! Madalas Niyang sabihin sa lahat: “Bumangon”. Hayaan Siyang bumangon ngayon...»

Sa kabila ng Gate ay may isang ilog at isang maliit na tulay. Ang paglalakad sa di-pantay-pantay na mga tabla ay bagong kapaguran para kay Jesus, dahil ang mahabang poste ng krus ay tumatalbog dito nang mas marahas. At may bagong mina ng pampukol na mga bato para sa mga Hudyo. Ang mga bato ng ilog ay nagliliparan at tumatama sa kaawa-awang Martir...

Ang paakyat na daan patungo sa Kalbaryo ay nagsisimula. Isang tigang na daan, wala ni kaunting lilim, may latag ng di-pantay-pantay na mga bato, na nagpapatungong diretso sa burol. Dito muli, noong madalas akong magbasa, nababasa ko na ang Kalbaryo ay mga ilang metro lamang ang taas. Maaaring ganito nga. Ito ay tiyak na hindi isang bundok. Ngunit ito ay isang burol, tiyak na hindi mas mababa pa kaysa sa mount of the Crosses, magpatungkol sa Lungarni, kung saan naroroon ang Basilica of Saint Miniato sa Florence. May isang maaaring magsabi: «O! hindi masyado!» Oo, para sa isang malusog at malakas ito ay hindi masyado. Ngunit sapat nang magkaroon ng isang mahinang puso upang maramdaman kung ito ay labis o hindi masyado!... Alam ko na pagkatapos na magsimula akong maghirap dahil sa problema sa puso, kahit kung ito ay kaunti lamang, hindi na ako makakaakyat sa burol na iyon nang hindi labis na naghihirap at mapipilitan akong tumigil paminsan-minsan, at wala pa akong karga sa aking mga balikat. At sa palagay ko ang puso ni Jesus ay nasa pinakamasamang kalagayan pagkatapos ng paghahagupit at pagpawis ng dugo... at ang tinitingnan ko ay ang dalawang bagay na ito lamang.

Kung kaya't si Jesus ay naghihirap nang husto sa pag-akyat, dahil din sa bigat ng krus na, bilang napakahaba, ay maaaring napakabigat. Nakakita Siya ng isang nakausling bato at dahil sa Siya ay naubusan na ng lakas, naitataas Niya ang Kanyang mga paa nang kakaunti lamang, kung kaya't Siya ay gumiwang at bumagsak sa Kanyang kanang tuhod, ngunit napigilan Niyang matumba sa pamamagitan ng Kanyang kaliwang kamay. Ang pulutong ay humahagulhol sa tuwa...

Siya ay tumayo muli. Siya ay nagpatuloy, yumuyuko at hinihingal nang lalu't lalo pa, nahihirapan huminga, nilalagnat... Ang tabla na patayun-tayon sa harapan Niya ay nahaharangan ang kanyang paningin; ang Kanyang mahabang tunika, na ang harapang bahagi nito ay nakalawit na nahihila sa lupa, dahil Siya ngayon ay naglalakad nang nakabaluktot, ay nagiging sagabal sa Kanyang paghakbang. Siya ay gumiwang muli at bumagsak sa Kanyang dalawang tuhod, nasasaktan ang Sarili kung saan Siya may sugat na; at ang krus, na dumulas sa Kanyang mga kamay at bumagsak, pagkatapos na tumamang mabigat sa Kanyang likod, ay napilitan Siyang yumuko upang kunin ito at paghirapan nang husto na maibalik ito sa Kanyang balikat. Habang ginagawa Niya ito, maliwanag na makikita ng isa sa Kanyang kanang balikat ang sugat na nagawa ng pagkuskos ng krus, na nagbukas sa napakaraming sugat ng paghahagupit, ginagawa ang lahat na maging isang sugat na lamang, mula kung saan ang suwero at dugo ay bumubukal, kung kaya't ang lugar na ito ng Kanyang puting tunika ang lahat may mantsa. Ang mga tao ay nagpapalakpakan sa tuwa na nakikita Siyang bumagsak nang grabe...

Si Longinus ay namimilit na magmadali at ang mga sundalo, ginagamit ang tabi ng kanilang punyal, ay pinipilit ang kaawa-awang Jesus na magpatuloy. Nagpatuloy Siyang muli nang mabagal at mas mabagal pa, sa kabila ng lahat na mga pakiusap. Si Jesus ay tila ganap nang nahihilo, dahil labis Siyang sumusuray, nabubunggo ang isa o ang kabilang mga linya ng mga sundalo, napapapunta sa lahat ng daan. At ang mga tao ay napapansin ito at sumisigaw: «Ang Kanyang doktrina ay nakaabot sa Kanyang ulo. Tingnan, tingnan, kung gaano Siya gumiwang!» At ang iba, at sila ay hindi kasama sa mga tao, bagkus mga pari at mga eskriba, ay nagsabi nang may isang ngiti: «Hindi. Singaw pa iyan ng mga bangkete sa bahay ni Lazarus. Masarap ba iyon? Kunin ang aming pagkain ngayon...» At iba pang mga pangungusap na katulad niyan.

Si Longinus na palingun-lingon ngayon, ay nalulungkot para sa Kanya at iniutos ang ilang minuto na pagtigil. At ang magugulong mga tao ay ininsulto siya nang labis na iniutos ng senturyon na harapin sila. At ang mahihinang-loob na pulutong nang makita ang kumikinang na nananakot na mga sibat, ay nagtakbuhan at itinatapon ang mga sarili dito at doon sa ibaba ng bundok.

Ito ay dito na, sa pagitan ng kaunting mga tao na mga nanatili, nakita kong muli ang maliit na grupo ng mga pastol na lumitaw mula sa likuran ng ilang labí, maaaring labí ng isang gumuhong mababang pader. Sila ay nangungulila, balisa, maalikabok, mukhang nakasuot ng mga basahan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanilang mga sulyap nakuha nila ang atensiyon ng Guro. Inilingon Niya ang Kanyang ulo, nakita Niya sila... Tinitingnan Niya sila nang nakapirmi na tila sila ay ang mga mukha ng mga anghel, tila pinapawi Niya ang Kanyang pagkauhaw at pinalalakas ang Sarili sa pamamagitan ng kanilang mga luha, at Siya ay ngumingiti... Ang utos na ipagpatuloy ang pagmartsa ay binigay at si Jesus ay dumaraan sa harapan nila mismo at naririnig Niya ang kanilang naghihirap na pag-iyak. Nang may-kahirapan inilingon Niya ang Kanyang ulo mula sa ilalim ng pamatok ng krus at ngumingiti Siyang muli... Ang Kanyang konsolasyon... Sampung mga mukha... isang pahinga sa loob ng nanununog na araw...

At kaagad pagkatapos, ang kirot ng ikatlong pagbagsak, isang kumpletong pagbagsak. At sa pagkakataon na ito Siya ay hindi gumiwang. Siya ay bumagsak dahil sa biglang pagkawala ng lakas, dahil sa pagkahilo. Siya ay bumagsak una ulo, tumatama ang Kanyang mukha sa di-pantay-pantay na mga bato, at Siya ay nananatili sa alikabok sa ilalim ng krus na bumagsak sa Kanya. Ang mga sundalo ay sinisikap na ibangon Siya. Ngunit sa dahilan na Siya ay tila patay na, umalis sila at sinabihan ang senturyon. Habang sila ay umaalis at bumabalik, si Jesus ay nakapanumbalik ang Sarili, at unti-unti, sa tulong ng dalawang sundalo, ang isa sa kanila binubuhat ang krus at ang isa tinutulungan ang Kondenadong Isa na makatayo, inilagay Niya ang Kanyang Sarili sa Kanyang lugar muli. Ngunit Siya ay totoong wala nang lakas.

«Tiyakin na mamatay lamang Siya sa krus!» sigaw ng pulutong.

«Kung pababayaan ninyo Siyang mamatay bago pa man, mananagot kayo sa Proconsul, itanim iyan sa inyong mga isip. Ang may kasalanan ay kailangan na makarating nang buháy sa Lugar ng pagpapakuan»  sabi ng hepeng mga eskriba sa mga sundalo.

Ang huli ay sinulyapan sila ng nakapagpapaliit na tingin, ngunit ang disiplina ay napigilan silang magsalita.

Ngunit si Longinus ay natatakot din katulad lamang ng mga Hudyo na si Kristo ay baka mamatay sa daan, at ayaw niyang magkaroon ng mga problema. Nang hindi na kailangan na paalalahanan pa, nalalaman niya kung ano ang kanyang katungkulan bilang opisyal na siyang may pananagutan para sa pagpapatupad sa hatol at siya ay gumagawa ng aksiyon. Gumagawa siya ng hakbang na hindi nagpapasaya sa mga Hudyo na mga nauna nang tumakbo sa daan na kanilang narating mula sa lahat ng dako ng bundok, nagpapapawis, nagagalusan ang mga sarili upang makaraan sa pagitan ng ilang matitinik na mga palumpong ng tigang na sunog na bundok, bumabagsak sa durog na mga bato pinupuno ito na tila ito ay isang lugar tambakan ng Herusalem, nang hindi nakararamdam ng kahit anong kirot maliban ang kabiguan na hindi makita ang paghingal ng Martir, ang isa sa Kanyang nakalulungkot na mga sulyap, isang pagkilos, kahit na ang isang di kinukusa, ng paghihirap, at walang kahit na anong takot bagkus ang mabigong makakita ng magandang lugar. Kung kaya't si Longinus ay binigay ang utos na kunin ang mas mahabang daan na paikot hanggang sa itaas ng bundok at kung gayon hindi masyadong matarik.

Ang daan na ito ay tila isang landas na sa bigat ng paggamit ng maraming mga tao ito ay kung baga naging isang komportableng daan. Ang sangahang daan na ito ay nasa kalahatian ng bundok hanggang sa tuktok. Ngunit nakikita ko doon sa itaas na ang tuwid na daan ay apat na beses na tinatawid ng daan na ito, na hindi masyadong matarik bagama't mas mahaba. At maraming tao ang kumukuha sa mas matarik na daan, at hindi sila sumasali sa nakakahiyang pagsisigawan ng mga taong naalihan, na sumusunod kay Jesus upang kasiyahan ang mga pagpapahirap sa Kanya. Karamihan sa kanila ay mga babae, umiiyak at may mga belo, at ilang maliliit na mga grupo ng mga lalaki, napakaliit ngang mga grupo, na mga naka-aabante nang mahigit sa mga babae at malapit nang mawala sa paningin, nang kanilang tinatahak ang daan na lumiliko na sa bundok.

Ang Kalbaryo rito ay nagmumukhang patulis sa pambihirang estruktura nito, na korteng nguso sa isang tabi, habang sa kabila ang pagbaba ng lupa ay matarik. Ang mga lalaki ay nawawala sa likuran ng mabatong punto at hindi ko na sila makita.

Ang mga taong sumusunod kay Jesus ay nagsisigawan nang galít. Mas maganda pa para sa kanila na makita Siyang bumabagsak. Habang nagpaparating ng malalaswang sumpa sa Kondenadong Isa at sa mga nagpapasunod sa Kanya, ang ilan ay sinusundan ang pinatutupad na prusisyon, at ang ilan ay halos tumatakbo sa pag-akyat sa matarik na daan, upang makabawi sa kabiguan na tinanggap, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng napakagandang lugar sa tuktok.

Ang mga babae, na mga nagpapatuloy umiiyak, ay lumingon nang kanilang mapakinggan ang mga sigawan, at nakita ang prusisyon na lumiliko patungo sa kanila. Pagkatapos sila ay tumigil, sumasandal sa bundok, kundi’y maitutulak silang pababa ng mararahas na Hudyo. Ibinaba pa nila nang mas mababa ang kanilang mga belo sa kanilang mga mukha, at may isang ganap na natatakpan ng kanyang belo, katulad ng isang Muslin, iniiwan lamang nang libre ang kanyang napakadilim na mga mata. Sila ay marangyang nakadamit at may kasama silang isang malakas na matandang lalaki na magsasanggalang sa kanila, ngunit ganap na nababalot katulad niya ng kanyang manta, hindi ko makita nang maliwanag ang kanyang mukha. Nakikita ko lamang ang kanyang mahabang balbas, na mas maputi kaysa sa maitim, na lumalabas mula sa kanyang napakaitim na manta.

Nang si Jesus ay makarating malapit sa kanila, umiiyak sila nang mas malakas at yumuyuko nang mababa sa Kanya. Pagkatapos lumalapit sila nang disidido. Ang mga sundalo ay gusto silang paatrasin sa pamamagitan ng kanilang mga sibat. Ngunit ang isang takip-na-takip katulad ng isang Muslim ay hinawi sa tabi ang kanyang belo nang isang sandali sa harapan ng may hawak ng bandila, na kararating pa lamang nang nakakabáyò upang tingnan kung ano ang dahilan ng bagong pagka-antalang ito, at inutusan niya ang sundalo na siya ay paraanin. Hindi ko makita ang kanyang mukha o ang kanyang damit, sapagkat ang paghawi ng belo ay ginawa nang may bilis ng isang kislap, at ang kanyang damit ay ganap na nakatago sa ilalim ng kanyang mabigat na manta na umaabot hanggang sa lupa at ganap na nasasarhan ng isang pares ng mga hibilya. Ang kamay na lumabas mula doon nang sandali upang hawiin ang belo, ay maputi at maganda. At iyon lang ang tanging bagay, bukod sa kanyang napakaitim na mga mata, na makikita sa matangkad na matronang ito, na tiyak na maimpluwensiya kung siya ay kaagad-agad na sinusunod ng ayudante ni Longinus.

Nilalapitan nila si Jesus umiiyak at lumuhod sa paanan Niya, habang Siya ay tumitigil humihingal... gayunpaman alam pa Niya kung papaano ngumiti sa maawaing mga babaeng iyon at sa kanilang abay, na inaalisan ng takip ang kanyang sarili upang ipakita na siya ay si Jonathan. Ngunit ang mga guwardiya ay hindi siya pinararaan. Tanging ang mga babae lamang.

Ang isa sa kanila ay si Johanna ni Chuza. At siya ay mas nangangalumata kaysa nang siya ay namamatay. Tanging ang mga bakas lamang ng kanyang mga luha ang mapula, ang lahat ng kanyang mukha ay puting-niyebe na ang kanyang mabait na maitim na mga mata, na, nanlabo katulad nito, ay tila naging napakadilim na kulay biyoleta katulad ng ilang mga bulaklak. Sa kanyang mga kamay siya ay may isang platang amphora at inaalok ito kay Jesus. Ngunit tinatanggihan ito ni Jesus. Maging ano pa man, Siya ay halos hindi makahinga na ni hindi Siya makakainom. Sa pamamagitan ng Kanyang kaliwang kamay pinupunas Niya ang pawis at dugo na pumapatak patungo sa kanyang mga mata at na ito, umaagos pababa sa Kanyang purpurang mukha at leeg, ang mga ugat nito namamaga gawa ng hiráp na pagtibok ng Kanyang puso, ay nababasa ang lahat ng Kanyang tunika sa dibdib.

Ang isa pang babae, na may kasamang isang bata-pang babaeng katulong na may hawak na isang maliit na kahon, ay binuksan ito at naglabas ng isang piraso ng kudradong napaka pinong linen na damit, at inialok ito sa Tagapagtubos. Tinanggap Niya ito. At sa dahilan na hindi Niya ito mag-isang mahawakan ng isang kamay lamang, ang maawaing babae ay tinulungan Siyang dalhin ito sa Kanyang mukha, nag-iingat na hindi matamaan ang Kanyang korona. At si Jesus ay dinidiin ang malamig na linen na tela sa Kanyang kaawa-awang mukha at pinananatili ito rito, na tila nakararamdam Siya ng malaking kaginhawahan. Pagkatapos Kanyang iniabot ulit ang linen at sinabi Niya: «Salamat sa iyo, Johanna, salamat sa iyo, Nike,... Sarah,... Marcella,... Eliza,... Lydia,... Anna,... Valeria,... at sa iyo... Ngunit... huwag umiyak... para sa Akin... mga anak na babae ng... Herusalem... Bagkus para sa inyong mga kasalanan... at para sa mga kasalanan... ng inyong bayan... Pagpalain... Johanna... para sa hindi pagkakaroon... ng mas maraming anak... Kita mo... iyon ay awa ng Diyos...ang hindi... ang hindi magkaroon ng mga anak... sapagkat... maghihirap sila... para dito... At ikaw... din, Elizabeth... Mas mabuti nang... katulad ng dati... kaysa mapasama sa mga mamamatay ng diyos... At kayo... mga ina... umiyak para... sa inyong mga anak, sapagkat... ang oras na ito ay hindi daraan... nang walang kaparusahan... At anong isang kaparusahan, kung ito ay ganito para...sa Inosente... Kayo ay iiyak kung gayon... na kayo ay naglihi... nagpadede at para... sa pagkakaroon ng mas maraming... mga anak... Ang mga ina... ng mga araw na iyon... ay iiyak sapagkat... sasabihin Ko sa inyong totoo... na siya ay magiging masuwerte... na sa araw na iyon... ay ang unang... babagsak... sa ilalim ng mga labì. Pinagpapala Ko kayo... Umuwi... magdasal... para sa Akin. Paalam, Jonathan... Iuwi sila...»

At sa gitna ng malakas na ingay ng umiiyak na mga babae at panunumpa ng mga Judaean, si Jesus ay lumakad muli.

Si Jesus ay ganap na basa na muli ng pawis. Ang mga sundalo rin pati ang dalawa pang kondenadong mga tao ay pinagpapawisan din, sapagkat ang araw sa marahas na araw na ito ay lumiliyab katulad ng apoy, at ang tabi ng bundok, napakainit mismo, ay dinadagdagan ang init ng araw. Kung ano ang maaaring pakiramdam ng delanang damit ni Jesus na inilagay sa mga sugat ng paghahagupit, ay madaling maimahina ng isa at mahintakutan sa ideang ito... Ngunit hindi Siya kailanman dumaraing. Ngunit bagama't ang daan ay hindi masyadong matarik kompara sa isa pa at wala itong nakakalat na mga batong baku-bako, na napaka delikado sa mga paa ni Jesus ngayon na ito ay Kanyang nang hinihila, si Jesus ay gumigiwang nang lalu't lalo pa, at sa muli napapauntog Siya sa isang linya ng mga sundalo at pagkatapos sa isa pang linya at Siya ay mas nakabaluktot kaysa dati.

Nagpasya silang remedyuhan ang problema sa paglagay ng isang lubid na nakaikot sa Kanyang baywang at hinahawakan ang dalawang dulo na tila ito ay mga renda. Ito sa katunayan ay nakapagsusuporta sa Kanya, ngunit hindi ito nagpapagaan sa Kanyang dalahin nang kahit papaano. Sa kabaligtaran ang lubid, dumidikit sa krus, ay napagagalaw ito nang walang tigil sa Kanyang balikat at tinatamaan nito ang korona, na sa ngayon ay nagawa na nito ang noo ni Jesus na isang dumurugong marka ng tatu. Mahigit pa rito, ang lubid ay kumukuskos sa baywang Niya, kung saan maraming mga sugat, at tiyak na nagagawa nito itong dumugo muli, sa katotohanan ang Kanyang puting tunika ay may bahid na ng malabnaw na pula sa baywang. Kung kaya't, upang matulungan nila Siya, nagawa nila Siyang maghirap pa nang lalo.

Ang daan ay nagpapatuloy. Ito ay umiikot sa bundok. Ito ay bumabalik halos sa harapan, patungo sa matarik na daan. Dito, ay naroon sina Maria at Juan. Sasabihin ko na si Juan ay dinala si Maria sa malilim na lugar na iyon, sa likuran ng dalisdis ng bundok, upang mapaginhawahan Siya nang kaunti. Ito ay ang pinaka matarik na parte ng bundok. Walang ibang daan na umiikot patungo rito. Sa itaas o sa ibaba nito ang dalisdis ay tumataas o bumababa nang matarik, at iyan kung bakit ang malulupit na tao ay iniwasan ito. Malilim dito, sapagkat kailangan kong sabihin na iyon ay ang hilaga, at si Maria, nakasandal nang katulad Niya sa bundok, ay protektado sa araw. Nakasandal Siya sa dalisdis, nakatayo, ngunit hapo na, hinihingal, kasing puti ng kamatayan, sa Kanyang madilim na asul na damit, na halos itim. Si Juan ay tinitingnan Siya nang may pangungulilang habag. Si Juan ay ni wala ring bakas ng kulay sa kanyang mukha, at nagmumukha siyang maputla, na may pagod na nakadilat na mga mata, magulo ang ayos, at ang kanyang mga pisngi ay nakalubog na tila naghihirap siya gawa ng isang sakit.

Ang ibang mga babae – sina Maria at Martha ni Lazarus, si Maria ni Alfeo at si Maria ni Zebedeo, si Susanna mula sa Cana, ang ginang ng bahay at ilan pa na hindi ko mga kilala – ay lahat nasa gitna ng daan nakatingin kung ang Tagapagligtas ay darating. At nang makita nila si Longinus na dumating, nagmadali sila patungo kay Maria upang sabihan Siya. At si Maria, suportado ni Juan na humahawak sa Kanya sa Kanyang siko, ay umalis sa tabi ng burol, maringal sa Kanyang kapighatian, at matatag na inilagay ang Kanyang Sarili sa gitna ng daan, tumatabi lamang noong dumating si Longinus, na mula sa itaas ng kanyang itim na kabayo tinitingnan ang maputlang Babae at ang kanyang olandesang maputlang kasama, na ang kaninong mapagpakumbabang mga mata ay asul katulad ng Kanya. At si Longinus ay iniiling ang kanyang ulo habang dumaraan sinusundan ng labing-isang mga sundalo na nakakabáyò.

Si Maria ay nagsisikap na makaraan sa pagitan ng nakababa-na-sa-kabayo na mga sundalo, na, bilang naiinitan at nasa pagmamadali, ay nagsisikap na mapa-atras si Maria sa pamamagitan ng kanilang mga sibat, lalo na ngayon na may mga batong itinatapon mula isang daan, bilang isang protesta laban sa labis na awa. Ito ay ang mga Hudyo, na minsan pa nanunumpa dahil sa pagtigil gawa ng banal na mga babae at nagsabi: «Bilis! Bukas ay Easter. Ang lahat ay dapat matapos ngayong gabi! Kayo ay mga kasabwat sa panunuya sa aming Batas! Mga maniniil! Kamatayan sa mga mananakop at sa kanilang Kristo! Minamahal nila Siya! Tingnan kung gaano nila Siya minamahal! Bueno, kunin Siya! Ilagay Siya sa inyong isinumpang Eternal na Siyudad! Isinusuko namin Siya sa inyo! Hindi namin Siya kailangan! Mangyaring makasama ng mga masasama ang mga masasama! At ang ketong makasama ang mga ketongin!»

Si Longinus ay nagsawa at sinusundan ng sampung may-mga-sibat pinatakbo niya ang kanyang kabayo patungo sa mga nanunumpa, na mga nagtakbuhan sa ikalawang beses. At sa paggawa nito nakakita siya ng isang kariton na nakatigil, na naka-akyat na mula sa mga hardin ng gulay sa paanan ng bundok at naghihintay na makaraan ang mga pulutong, upang ito ay sana makababa patungo sa bayan dala ang mga karga nitong mga gulay. Sa palagay ko gawa ng pag-uusyoso na ang mamâ mula sa Cyrene at ang kanyang mga anak  ay umakyat doon, sapagkat hindi naman niya kinakailangan na umakyat pa rito. Ang dalawang anak, nakahiga sa ibabaw ng tambak ng gulay, ay tumitingin at tumatawa sa mga nagtatakbuhan na mga Judaean. Ang mamâ, sa halip, isang napakalakas na lalaki, mga apatnapung taong gulang, nakatayo malapit sa maliit na asno, na natatakot at nagsisikap na makabalik, ay nakatingin nang maasikaso sa prusisyon.

Si Longinus ay tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Iniisip niya na siya ay maaaring mapakinabangan at nagsabi sa kanya sa nag-uutos na tinig: «Mamâ, halika rito.»

Ang mamâ mula sa Cyrene ay nagkukunwang wala siyang napakinggan. Ngunit ang isa ay hindi maaaring makipagbiruan kay Longinus. Inulit niya ang utos sa pamamaraan na ang lalaki ay itinapon ang mga renda sa kanyang mga anak at nilalapitan ang senturyon.

«Nakikita mo ba ang lalaking iyon?» nagtanong siya. At sa pagtanong na ito, siya ay lumingon upang ituro si Jesus at nakita niya si Maria, Na nakikiusap sa mga sundalo na paraanin Siya. Naawa siya sa Kanyang at sumigaw siya: «Paraanin ang Babae.» Pagkatapos nagpatuloy siya sa pagsasalita sa lalaki mula sa Cyrene: «Hindi Siya makapagpapatuloy nabibigatang katulad Niya. Ikaw ay malakas. Kunin ang Kanyang krus at dalhin ito sa katauhan Niya hanggang sa tuktok.»

«Hindi ko magagawa... May dala akong asno... ito ay malikot... hindi ito mahahawakan ng mga bata...»

Ngunit si Longinus ay nagsabi: «Lakad, kung ayaw mong mawala sa iyo ang iyong asno at mahagupit ng dalawampung beses bilang kaparusahan.»

Ang lalaki mula sa Cyrene ay hindi na ulit nangahas na umalma. Sumigaw siya sa mga bata: «Umuwi na kayo at bilisan ninyo. At sabihin na darating ako kaagad» at siya pagkatapos ay lumakad patungo kay Jesus.

Narating niya Siya nang si Jesus lamang ay binabalingan ang Kanyang Ina, Na ngayon lamang Niya nakitang patungo sa Kanya, sapagkat Siya ay nagpapatuloy nang baluktot na baluktot at na ang Kanyang mga mata halos sarado, na tila Siya ay bulag, at Siya ay sumigaw: «Inay!»

Mula nang Siya ay pinahirapan, ito ang unang salita na nagsasaad ng Kanyang mga paghihirap. Sapagkat sa sigaw na iyon ay naroroon ang pangungumpisal ng tungkol sa lahat, at ang lahat na nakapangingilabot na kapighatian ng Kanyang espiritu, ng Kanyang moral, ng Kanyang katawan. Iyon ay ang makabagbag damdamin at makadurog-pusong iyak ng isang maliit na bata na namamatay nang nag-iisa, sa gitna ng mga pagpapahirap at pinakamalupit na mga pagpapahirap... at siya ay nagpapatuloy hanggang sa katakutan niya ang kanyang sariling paghinga. Iyon ay ang paghinagpis ng isang nahihibang na maliit na bata na pinahihirapan ng masasamang guniguni... at hinahanap ang kanyang inay, ang kanyang mahal na inay, sapagkat tanging ang kanya lamang sariwang mga halik ang makapagpapahupa sa init ng kanyang lagnat, ang kanyang tinig ang makapagpapalayas sa mga multo, ang kanyang yakap ang magpapalakas sa kanya na harapin ang kamatayan...

Si Maria ay dinidiinan ng Kanyang kamay sa Kanyang puso, na tila Siya ay sinaksak, at Siya ay gumigiray nang kaunti. Ngunit pinigilan Niya ang Kanyang Sarili, binilisan ang Kanyang hakbang at habang papalapit sa Kanyang Pinahirapang Anak nang may nakabukas na mga kamay, Siya ay sumigaw: «Anak!» Ngunit sinabi Niya ito sa isang paraan na sinuman na walang puso katulad ng isang ayena, ay mararamdaman na ito ay napuputol dahil sa labis na pamimighati.

Nakapuna ako ng mga tanda ng habag kahit sa pagitan ng mga Romano... gayunpaman sila ay mga sundalo, sanay sa mga patayan, markado ng mga peklat... Ngunit ang mga salitang: «Inay!» at «Anak!» ay laging pareho rin para sa lahat na, inuulit ko, hindi malalala pa kaysa sa mga ayena, ito ay naiintindihan kahit saan at gumagawa ito ng mga alon ng awa kahit saan...

Ang mamâ mula sa Cyrene ay naramdaman ang awa na iyon... At dahil nakikita niya na si Maria ay hindi mayakap ang Kanyang Anak dahil sa krus, at na pagkatapos na maibukas ni Maria ang Kanyang mga kamay, ibinaba Niya ito ulit, kumbinsido na hindi Niya ito magagawa – at Kanya na lamang tinitingnan Siya, nagsisikap na ngumiti sa pamamagitan ng Kanyang ngiti ng isang martir upang masayahan Siya, habang ang Kanyang nanginginig na mga labì ay iniinom ang Kanyang mga luha, at si Jesus, inililingon ang Kanyang ulo, mula sa ilalim ng pamatok ng krus, sinisikap naman na ngumiti kay Maria at paabutan Siya ng isang halik sa pamamagitan ng Kanyang kaawa-awang labì, nasugatan at nabiyak ng mga dagok at lagnat – ang mama ay nagmadaling alisin ang krus, at ginagawa niya ito nang may kagiliwan ng isang ama, upang hindi masagi ang korona o makayod ang Kanyang mga sugat.

Ngunit si Maria ay hindi mahalikan ang Kanyang Anak... Kahit na ang pinaka magaang hipo ay magiging isang pahirap para sa Kanyang bitak na laman, at si Maria ay nagpipigil, at pagkatapos... ang pinaka banal na mga pakiramdam ay may malalim na kahinhinan at humihingi ito ng respeto o habag man lamang, samantalang dito ay may pag-uusyoso, at higit sa lahat, panunuya. Tanging ang dalawang naghihirap na mga kaluluwa lamang ang nagpapalitan ng halik.

Ang prusisyon, na lalakad na muli sa ilalim ng pamimilit ng nagngangalit na mga tao, ay napaghiwalay sila, tinutulak ang Ina sa tabi ng bundok, upang tuyain ng lahat na mga tao...

Sa likuran ni Jesus ay naroon na ngayon ang mamâ mula sa Cyrene dala ang krus. At si Jesus, napalaya sa bigát na iyon, ay nagpapatuloy nang mas madali. Siya ay humihingal nang grabe. Madalas Niyang idiin ang Kanyang kamay sa Kanyang puso, na tila mayroon Siyang napakasakit na nararamdaman o isang sugat doon, sa gitna ng dibdib, at ngayon sa dahilan na hindi na nakatali ang Kanyang mga kamay, naitutulak na Niya mula sa harapan patungo sa likuran ng Kanyang mga tainga ang Kanyang buhok na nakalaylay sa harapan at nanlalagkit sa dugo at pawis, upang makaramdam ng ilang hangin ang Kanyang nagkukulay-asul na mukha, kinakalagan Niya ang tali na nakaikot sa Kanyang leeg, dahil pinahihirapan Siya nito sa paghinga... Ngunit nakapaglalakad Siya nang mas mabuti.

Si Maria ay humiwalay kasama ang mga babae, Sinusundan Niya ang prusisyon noong ito ay nakaraan, at pagkatapos, dumaraan sa mas maikling daan, ibinaling Niya ang Kanyang mga hakbang patungo sa tuktok ng bundok, nilalabanan ang mga pang-iinsulto ng walang-pakikipagkapwa-tao na mga tao.

Ngayon na si Jesus ay nakapaglalakad na nang malaya, ang huling bahagi ng daan sa palibot ng bundok ay sa wakas natapos, at sila ay malapit na sa tuktok punung-puno ng nagsisigawan na mga tao.

Si Longinus ay tumigil at nag-uutos sa kanyang mga tauhan na ilayo nang walang-awa ang lahat pababa, upang ang tuktok, ang lugar ng pagpapakuan, ay sana maging libre. At kalahati sa pangkat ng sandaang-sundalo ang nagsasagawa nito, nagmamadali sa lugar at walang-awang pinaatras ang kahit sino pa man na naroroon, ginagamit ang kanilang mga punyal at mga sibat upang maisagawa ito. Ang ulan ng mga bagsak ng tabi ng mga espada at ng mga pamukpok ay nagagawa ang mga Hudyo na tumakbo nang pababa, at ibig nilang tumigil sa bukás na espasyo sa ilalim. Ngunit ang mga taong naroroon na ay hindi nagbibigay at sila-sila ay nagsimulang mag-away-away nang mainitan. Lahat sila ay tila mga baliw.

Katulad ng sinabi ko sa inyo noong nakaraang taon, ang tuktok ng Kalbaryo ay hinugis na katulad ng isang irregular trapezium, medyo mas mataas sa kanang tabi, na pagkatapos nito ang bundok ay bumababa nang matarik nang mga kalahatian ng taas nito. Sa loob ng maliit na espasyo na ito ay mayroon nang tatlong malalalim na butas, na may mga ladrilyo o mga tisa, ibig sabihin, ginawa para sa espesyal na pakay. Malapit dito ay may mga bato at lupa na ipampupuno sa mga butas kapag naitayo na ang mga krus. Ang ibang mga butas sa halip ay puno ng mga bato. Maiintindihan na ito ay inaalisan ng mga bato sa tuwing may pangangailangan at ayon sa kung ilan ang kakailanganin.

Sa ibaba ng trapezoidal na taluktok, sa tabi ng bundok na hindi bumababa nang matarik, ay may isang katulad ng isang entablado na humihilig pababa nang marahan pumoporma ng isang ikalawang bukás na espasyo. Dalawang malalapad na landas ang nagmumula rito patungong paikot sa tuktok, na kung gayon ay nakahiwalay at nakataas nang mga dalawang metro man lamang sa lahat ng tabi.

Ang mga sundalo, na nagpababa sa mga tao mula sa tuktok, sa pamamagitan ng nakakukumbinsing mga dagok ng kanilang mga sibat ay napatigil ang mga pag-aaway at ang mga tao ay nagbigay lugar, upang ang prusisyon ay makaraan nang walang anumang sagabal sa huling bahagi ng daan, at ang mga sundalo ay nanatili roon pumoporma ng dalawang hilerang harang habang ang tatlong kondenadong mga tao, napalilibutan ng mga nakasakay-sa-kabayo na mga sundalo at protektado sa likuran ng kalahati ng pangkat ng sandaang-sundalo, ay nakarating sa lugar kung saan sila pinatigil: sa paanan ng natural na nakataas na entablado na siyang ang tuktok ng Golgotha.

Habang iyon ay nangyayari, nakikita ko ang mga Maria, at sa likuran nang kaunti sa kanila ay naroon si Johanna ni Chuza kasama ang apat na iba pang mga babae na binanggit kanina. Ang iba pa ay umalis na. At maaaring sila ay umuwi nang sila mismo, sapagkat si Jonathan ay naroroon pa rin, sa likuran ng kanyang sinyora. Ang isang ating tinatawag na Veronica at siyang tinatawag ni Jesus na Nike, ay wala na roon at ang kanya ring babaeng katulong ay wala na rin. At ang isa rin, na lubos na natatakpan ng isang belo at sinunod ng mga sundalo, ay wala na doon. Nakikita ko si Johanna, ang matandang babaeng ang pangalan ay Eliza, si Anna (ang maybahay ng  bahay kung saan si Jesus pumunta para sa pagpiga ng ma ubas sa unang taon ng Kanyang pakikihalubilo sa publiko), at dalawa pa na hindi ko makilala.

Sa likuran ng mga babaeng ito at ng mga Maria nakikita ko sina Jose at Simon ni Alfeo, at si Alfeo ni Sarah kasama ang grupo ng mga pastol. Sila ay nakipag-agawan sa mga taong gusto silang paalisin iniinsulto sila, at ang lakas ng mga taong ito, napalaki ng kanilang pagmamahal at kapighatian, ay napakalakas na natalo nila ang kanilang mga kalaban, gumagawa ng isang kalahating pabilog kung saan ang pinaka duwag na mga Hudyo ay nakapaglalakas-loob lamang na sumigaw ng kamatayan at ipakita ang kanilang mga kamao. Ngunit wala nang iba pa, sapagkat ang mga tungkod ng mga pastol ay maraming buko at mabigat, at ang matatapang na taong ito ay hindi nagkukulang ng lakas o ng abilidad na magpatama nang eksakto. At hindi ako nagkakamali sa pagsasabi nang ganito. Nangangailangan ito ng tunay na lakas-ng-loob para sa kaunting mga lalaki, kilalang mga Galilean o mga tagasunod ng Galilean na Guro, na kalabanin ang isang marahas na populasyon. Ito lamang ang tanging lugar sa buong Kalbaryo kung saan ang Kristo ay hindi isinusumpa!

Ang tatlong tabi ng bundok kung saan ang mga dalisdis ay bumababa nang marahan patungo sa lambak ay lahat nagsisiksikan sa mga tao. Ang manilaw-nilaw na tigang na lupa ay hindi na makita. Sa ilalim ng araw na lilitaw at mawawala, ito ay nagmumukhang katulad ng isang mabulaklak na parang na may mga korola ng lahat na mga kulay, napakarami at magkakadikit ang mga panaklob sa mga ulo at ang mga manta ng mga sadistang nakatayo roon. Maraming mga tao pa ang nasa kabila ng ilog, sa daan, at marami pa sa kabila ng mga pader. At marami pa sa ibabaw ng mga terasa, na mas malapit. Ang iba pa ng bayan ay walang-tao... walang laman... tahimik. Lahat sila ay naririto. Ang lahat na pagmamahal at lahat na kapootan. Ang lahat na Katahimikan na nagmamahal at nagpapatawad. Ang lahat na Sigawan na napopoot at nanunumpa.

Habang ang mga lalaking may katungkulan para sa pagpapako ay naghahanda ng kanilang mga kagamitan, tinatapos ang paglilinis ng mga butas, at ang mga taong kondenado ay naghihintay sa gitna ng kudradong pinorma ng mga sundalo, ang mga Hudyo, na nanilungan sa sulok katapat ng mga Maria, ay iniinsulto sila. Iniinsulto rin nila ang Ina: «Kamatayan sa mga Galilean. Kamatayan! Mga Galilean! Mga Galilean! Isumpa sila! Kamatayan sa Galilean na tagalapastangan. Ipako rin sa krus ang sinapupunan na nagdala sa Kanya! Palayasin dito ang mga ahas na nagpanganak sa mga dimonyo! Kamatayan sa kanila! Linisin ang Israel ng mga babae na nakikipagtalik sa lalaking kambing!...»

jesus crucifictionSi Longinus, na nakababa na sa kabayo, ay tumalikod at nakita ang Ina... Inutusan niya ang kanyang mga tauhan na patigilin ang pagkakagulo... Ang limampung mga sundalo na nasa likuran ng kondenadong mga tao ay sinugod ang  magugulong tao at nilinis nang ganap ang ikalawang bukas na espasyo, dahil ang mga Hudyo ay nagtakbuhan sa bundok, tinatapakan ang isa't isa. Ang iba ring mga sundalo ay bumaba sa mga kabayo, at ang isa ay kinuha ang labing-isang mga kabayo, bilang karagdagan sa kabayo ng senturyon, at dinala ito sa malilim na lugar, sa likuran ng gulugod ng bundok.

Ang senturyon ay nagpapatungo sa tuktok. Si Johanna ni Chuza ay pumunta sa harapan at pinatigil siya. Binigyan niya siya ng isang amphora at isang lukbutan. Pagkatapos siya ay umalis umiiyak, at pumunta patungo sa gilid ng bundok kasama ang iba pang mga babae.

Ang lahat ay handa na sa tuktok. Ginawa nilang pumunta sa itaas ang kondenadong mga tao. At sa muli si Jesus ay dumaan malapit sa Kanyang Ina, Na napadaíng, na Kanyang sinisikap na pigilin, sa pagdiin ng Kanyang manta sa Kanyang mga labì.

Ang mga Hudyo ay napuna ito, sila ay tumawa at nanunuya. Si Juan, ang mapagpakumbabang si Juan, na ang kaninong isang kamay ay pumoprotekta sa mga balikat ni Maria upang suportahan Siya, ay lumingon at nanlilisik ang mga mata sa kanila. Kahit na ang kanyang mga mata ay nagliliwanag. Kung hindi lamang niya kinakailangan na protektahan ang mga babae, sa palagay ko sasakalin niya ang isa sa mga duwag sa lalamunan.

Nang kaagad ang mga kondenado ay naroon na sa ikamamatay na entablado, ang mga sundalo ay pinaligiran ang bukas na espasyo sa talong tabi. Tanging ang isang tabi lamang na matarik ang bagsak ang walang tao.

Ang senturyon ay inutusan ang mamâ mula sa Cyrene na umalis. Siya ay umalis, nang ayaw na ngayon, at sasabihin ko dala ng pagka-sadismo, ngunit hindi dala ng pagmamahal. Sa katunayan tumigil siya malapit sa mga Galilean, bumabahagi sa mga insulto na binibigay ng mga pulutong sa nangangalumatang mga naniniwala ng Kristo.

Ang dalawang magnanakaw ay itinapon ang kanilang mga krus sa lupa nanunumpa. Si Jesus ay tahimik.

Ang mapamighating daan ay nakaabot na sa katapusan nito.

170912

 

 

 



Sunod na kabanata