605. Ang Pagpapako sa Krus.

Marso 27, 1945.

¹Apat na maskuladong lalaki, na nagmumukhang mga Judaean, at mga Judaean na mas karapat-dapat sa krus kaysa sa kondenadong mga tao, tiyak na kapareho ng kategoriya ng mga tagahagupit, ang lumukso mula sa isang landas patungo sa lugar ng pagpapakuan. Nakasuot sila ng maikling walang-mga-manggas na mga tunika, at sa kanilang mga kamay may hawak silang mga pako, mga martilyo at mga lubid, na kanilang pinakikita nang nangungutya sa mga kondenadong tao. Ang pulutong ay nanabik nang may malupit na kahibangan.

Ang senturyon ay inaalok kay Jesus ang amphora, upang sana inumin Niya ang pampamanhid na halo ng alak na may mira. Ngunit si Jesus ay tinanggihan ito. Ang dalawang magnanakaw sa halip ang uminom ng marami nito. Pagkatapos ang amphora, na may malapad na pabukang bunganga, ay inilagay malapit sa isang malaking bato, halos nasa gilid ng taluktok.

²Ang kondenadong mga tao ay inutusan na maghubad. Ang dalawang magnanakaw ay ginawa ito nang walang hiya-hiya. Sa kabaligtaran inaaliw nila ang kanilang sarili gumawa ng malalaswang kilos pinahahatid sa pulutong, at lalo na sa isang grupo ng mga pari, na lahat ganap na puti sa kanilang linen na mga damit, at mga unti-unting bumalik sa mas mababang bukás na espasyo, sinasamantala ang kanilang pagiging mga pari upang unti-unting makataas doon. Ang mga pari ay sinamahan ng dalawa o tatlong mga Pariseo at ng iba pang mapaghari-harian na mga personahe, na sa pamamagitan ng poot sila ay naging magkakaibigan. At nakikita ko ang mga taong nakikilala ko, katulad ng ang Pariseong si Johanan at si Ishmael, ang mga eskribang si Sadoc at si Eli ng Capernaum...

Ang mga magsasagawa ng pagpapako ay binibigyan ang kondenadong mga tao ng tatlong piraso ng basahan, upang maitali nila ito sa kanilang mga singit. Ang mga magnanakaw ay kinuha ito sumisigaw ng nakapangingilabot na mga panunumpa. Si Jesus, Na hinuhubaran ang Sarili nang unti-unti dahil sa hapdi ng mga sugat, ay tinanggihan ito. Baka iniisip Niya na mapananatili Niya ang karsonsilyo na Kanya ring suot noong paghahagupit. Ngunit noong Siya ay sinabihan na alisin din Niya iyon, iniunat Niya ang Kanyang kamay nakikiusap na ibigay sa Kanya ang basahan ng mga magpapakô upang maitago ang Kanyang kahubaran. Siya nga ay totoong ang Pinuksang Isa hanggang sa sukdulan na kailangang makiusap ng isang basahan ng mga kriminal.

Ngunit si Maria ay napuna ang lahat at Kanyang inalis ang mahabang manipis na puting belo na nagtatakip sa Kanyang ulo sa ilalim ng Kanyang madilim na manta, at kung saan marami na Siyang luhang nailuha. Inalis Niya ito nang hindi ginagawang malaglag ang Kanyang manta at binigay ito kay Juan upang maiabot niya ito kay Longinus para sa Kanyang Anak. Ang senturyon ay kinuha ang belo nang walang kahit anong pagtutol at, noong makita niya na si Jesus ay hinuhubaran na Niya ang Kanyang Sarili nang ganap, nakaharap sa tabi kung saan walang mga tao, at kung gayon naiharap sa pulutong ang Kanyang likod na may mga latay at mga pasâ, at puno ng mga sugat at ng maiitim na buu-buong mga bagay na dumurugo na muli, ibinigay niya ang linen na belo ng Kanyang Ina. Si Jesus ay nakilala ito at ibinalot Niya ito nang paikot sa Kanyang balakang nang makailang beses, itinatali ito nang ligtas upang hindi sana ito bumagsak... At sa linen na belo, na magpahanggang ngayon nababad lamang ito sa mga luha, ang unang mga patak ng dugo ay nagsimulang pumatak, sapagkat maraming mga sugat na natatakpan ng namuong-dugo, ang nabuksan muli, habang Siya ay yumuyuko upang alisin ang Kanyang mga sandalyas at ibaba ang Kanyang mga damit, at ang dugo ay dumadaloy nang pababa muli.

³Si Jesus ay humarap sa pulutong ngayon. At makikita ng isa na ang Kanyang dibdib, mga paa at mga kamay ay lahat tinamaan ng mga hagupit. Sa kapantay ng Kanyang atay ay may malaking pasâ at sa ilalim ng Kanyang kaliwang dibdib ay may pitong malilinaw na namamagang mga guhit, na nagtatapos sa pitong maliliit na hiwâ dumurugo sa loob ng isang medyo biyoletang pabilog... isang malupit na hampas ng hagupit sa gayong kaselan na rehiyon ng diyapragma. Ang Kanyang mga tuhod, may mga pasâ ng paulit-ulit na pagbagsak na nagsimula kaagad pagkatapos na Siya ay mahuli at nagtapos sa Kalbaryo, ay nangingitim na may mga hematoma at ang mga bao ng mga tuhod ay nabuksan, lalo na ang kanan, ng isang malaking dumurugong sugat.

Ang mga pulutong ay pinagtatawanan Siya nang sabay-sabay: «O! Makisig! Ang pinaka makisig sa mga anak ng mga tao! Ang mga anak na babae ng Herusalem ay sinasamba Kayo...»  At sa tono ng isang salmo sinasahimig nila: «Ang aking pinakamamahal ay sariwa at mapula-pula, na kikilalanin sa pagitan ng sampunlibo. Ang kanyang ulo ay ulo ng pinakapurong ginto, ang kanyang buhok mga dahon ng palmera, malasutla katulad ng mga balahibo ng uwak. Ang Kanyang mga mata ay katulad ng dalawang kalapati naliligo sa mga ilog hindi ng tubig, bagkus ng gatas, sa gatas ng kanyang iniinugan. Ang kanyang mga pisngi ay taniman ng mga pampabango, ang kanyang mga labì purpurang liryo nagdidistila ng mira. Ang kanyang mga kamay ay bilugan katulad ng gawa ng isang platero ng ginto nagtatapos sa malarosas na hasinto. Ang kanyang katawan ay garing na may mga sapirong mga daan ng ugat. Ang kanyang mga paa ay perpektong mga poste ng puting marmol sa mga paanan na ginto. Ang kanyang mahestad ay katulad ng mahestad ng Lebanon; mas mahestuwoso pa siya kaysa sa mataas sa sedro. Ang kanyang pakikipagusap ay may wisik ng katamisan at siya sa pangkalahatan ay kalugud-lugod»; at sila ay tumatawa at sumisigaw din: «Ang ketongin! Ang ketongin! Kung gayon Kayo ba ay nakipagtalik sa isang diyus-diyusan, kung Kayo ay hinampas ng Diyos nang ganyan? Kayo ba ay bumulung-bulong laban sa mga santo ng Israel, katulad ng ginawa ni Maria ni Moses, kung Kayo ay pinarusahan nang ganyan? O! O! ang Perpektong Isa! Kayo ba ang Anak ng Diyos? Tiyak na hindi. Kayo ang aborsyon ni Satanas! Si Mamon man lamang, ay makapangyarihan at malakas. Kayo... ay nasa mga basahan, Kayo ay walang kapangyarihan at nakakasuka.»

⁴Ang mga magnanakaw ay itinali sa kanilang mga krus at dinala sila sa kanilang mga lugar, isa sa kanan, at isa sa kaliwa, magpatungkol sa lugar na nakatalaga kay Jesus. Sila ay umaatungal, nanunumpa, nagmumura, lalo na nang dinadala ang mga krus a mga butas, at sinasaktan nila sila ginagawa ang mga lubid na kumain sa kanilang mga pupulsuhan, ang kanilang mga panunumpa laban sa Diyos, sa Batas, sa mga Romano, sa mga Judaean ay mala-impiyerno.

Ngayon ay panahon na ni Jesus. Siya ay humiga sa ibabaw ng krus nang mapagpakumbaba. Ang dalawang magnanakaw ay labis na nanlalaban na, dahil ang apat na berdugo ay hindi sumasapat na mahawakan sila, ang ibang mga sundalo ay kinailangan na makialam, upang mapigilan sila sa paninipa sa mga nagsasagawa ng parusa na nagtatali sa kanilang mga pupulsuhan sa krus. Ngunit walang pangangailangan ng tulong para kay Jesus. Humiga Siya at inilalagay Niya ang Kanyang ulo kung saan nila sinasabi sa Kanya na ilagay ito. Iniuunat Niya ang Kanyang mga kamay at ang Kanyang mga paa ayon sa sinabi sa Kanya. Pinangangalagaan lamang Niya na ayusin nang mabuti ang Kanyang belo. Ngayon ang Kanyang mahabang balingkinitan na maputing katawan ay nangingibabaw sa kaligiran ng maitim na kahoy at ng dilaw na lupa.

⁵Ang dalawang berdugo ay inupuan ang Kanyang dibdib upang mahawakan Siya nang mabuti. At naisip ko ang paninikip at kirot na maaaring naramdaman Niya sa ilalim ng bigat na iyon. Ang ikatlo ay kinuha ang Kanyang kanang kamay, hinahawakan Siya sa pamamagitan ng isang kamay sa unang bahagi ng Kanyang braso at ang isa sa mga dulo ng Kanyang mga daliri. Ang pangapat na berdugo, na hawak na ng kanyang kamay ang mahabang matulis na kantuhan na pako, na may pantay na pabilog na ulo, kasing laki ng isang malaking salapi noong unang mga araw, ay tinitingnan kung ang butas ng kahoy ay tumatapat na sa dugtungan ng pupulsuhan, itinaas ang martilyo at ibinigay ang unang palô.

Si Jesus, Na naisara ang Kanyang mga mata, ay napasigaw at nanliit dahil sa labis na sakit, at ibinukas ang Kanyang mga mata na puno ng mga luha. Ang kirot na Kanyang naramdaman ay maaaring nakamamatay... Ang pako ay lumagos, pumupunit ng mga kalamnan, nandudurog ng mga buto...

Si Maria ay napatugon sa sigaw ng Kanyang pinahihirapan na Anak sa pamamagitan ng isang daíng na nagmumukhang katulad ng hinaing ng isang kinakatay na kordero; At Siya ay yumuyuko, na tila Siya ay dinudurog, hawak ng Kanyang mga kamay ang Kanyang ulo. Upang hindi Siya mapahirapan, si Jesus ay hindi na sumisigaw. Ngunit ang mga palô ay nagpapatuloy, masistema at malakas, bakal tumatama sa bakal... at kailangan nating isipin na buháy na laman ang tumatanggap nito

jesus crucifixion 3Ang kanang kamay ay nakapako na ngayon. Lumilipat sila sa kaliwa. Ang butas ng kahoy ay hindi tumatapat sa pupulsuhan. Kung kaya't kumuha sila ng lubid, itinali nila ito sa kaliwang pupulsuhan at hinihila nila ito hanggang ang buto ng pupulsuhan ay naghiwalay, napupunit ang mga litid at mga kalamnan, bukod sa napupunit ang balat na nahiwa na ng mga lubid na ginamit noong hinuli Siya. Ang isang kamay ay maaaring naghihirap din, dahil nababanat din ito bilang resulta, at ang butas nito ay lumalaki sa paligid ng pako. Ngayon ang simula ng metacarpus, malapit sa pupulsuhan, ay halos hindi makaabot sa butas. Sumuko na sila at ipinako nila ang kamay kung saan maipapako nila ito, ibig sabihin, sa pagitan ng hinlalaki at ng iba pang mga daliri, sa gitna lamang ng metacarpus. Ang pako ay mas madaling nakalusot dito, ngunit nang mas masakit, sapagkat humihiwa ito sa mahahalagang nerbiyo, upang ang mga daliri ay hindi na makagalaw, habang ang mga daliri ng kanang kamay ay naninigas at nanginginig na nagpapakita ng pagiging buháy nito. Ngunit si Jesus ay hindi na sumisigaw, umuungol lamang Siya nang malalim na namamaos ang Kanyang mga labì nakasarang-nakasara, habang ang mga luha ng sakit ay bumabagsak sa lupa pagkatapos na bumagsak sa kahoy.

⁶Ngayon ay ang Kanya nang mga paa. Dalawang metro at mahigit pa mula sa paanan ng krus ay may isang maliit na tuntungan, halos hindi sapat para magkasya ang isang paa. Ang dalawang paa ay inilalagay doon upang makita kung ito ay nasa tamang lugar, at sa dahilan na ito ay medyo mababa nang kaunti at ang mga paa ay halos hindi umabot dito, hinihila nila ang kaawa-awang Martir sa dalawang butong nakausli sa Kanyang mga paa, sa itaas ng sakong. Kung kaya't ang magaspang na kahoy ng krus ay kumakayod sa Kanyang mga sugat, nagagalaw ang korona na pumupunit sa Kanyang buhok muli at halos malaglag na ito. Ang isa sa mga berdugo ay idiniin ito nang papasok ulit sa ulo sa pamamagitan ng isang palô...

Ang mga nakaupo sa dibdib ni Jesus ay tumayo at lumipat sa Kanyang mga tuhod, sapagkat si Jesus sa pamamagitan ng hindi kinukusang paggalaw ay inilayo ang Kanyang mga paa sa pagkakita sa mahahabang pako, na doble ang haba kompara sa mga pakong ginamit sa mga kamay, nagniningning sa sikat ng araw. Pinabigatan nila ang Kanyang pilas-pilas na mga tuhod at dinidiinan ang Kanyang kaawa-awang puro sugat na mga lulod, habang ang dalawa pa ay ginagawa ang mas mahirap na operasyon ng pagpapako sa isang paa sa ibabaw ng isa pa, sinisikap na mapagpatong ang dalawang bahagi kung saan kumakabit ang pinaka-paa sa ibaba ng lulod.

Bagama't sinisikap nilang mapanatiling walang-galaw ang mga paa, hinahawakan ito sa itaas ng mga sakong at sa mga hinlalaki ng mga paa sa ibabaw ng tuntungan, ang paa na nasa ilalim ay lumilipat gawa ng pag-alog ng pako, at halos bunutin nila ang pako, sapagkat ang pako, na pinasok ang malalambot na parte at napunggok na sa pagpasok sa kanang paa, ay kailangan na ilapit nang kaunti sa gitna. At sila ay pumupukpok, at pumupukpok, at pumupukpok... Tanging ang nakapangingilabot na ingay lamang ng martilyong tumatama sa ulo ng pako ang maririnig, sapagkat ang lahat ng Kalbaryo ay walang iba bagkus mga mata at mga tainga upang madama ang mga kilos at mga ingay at magbunyi...

Ang magaspang na ingay ng bakal ay sinasabayan ng mahinang madaing na lamentasyon ng isang kalapati: ang paos na pagdaing ni Maria, Na pababa nang pababa ang pagyuko sa bawat pukpok, na tila ang martilyo ay sinusugatan Siya, ang Martir na Ina. At maiintindihan ng isa na Siya ay madudurog na ng gayong pagpapahirap. Ang pagpapako sa krus ay nakapangingilabot, kaparehas ng paghahagupit magpatungkol sa sakit, mas malupit itong tingnan, sapagkat makikita ng isa ang pako na nawawala sa laman. Ngunit bilang kapalit ito ay mas maikli, samantalang ang paghahagupit ay nakapanghihina dahil sa tagal nito.

Sa aking palagay ang Aguniya sa Gethsemane, ang Paghahagupit at ang Pagpapako sa krus ay ang pinaka nakapangingilabot na mga sandali. Binubunyag nito ang lahat na paghihirap ng Kristo sa akin. Ang Kanyang kamatayan ay nagpaginhawa sa akin, sapagkat sinasabi ko: «Ang lahat ay tapos na!» Ngunit iyon ay hindi ang katapusan. Iyon ang simula ng bagong mga paghihirap.

⁷Ang krus ngayon ay hinihila malapit sa butas at naaalog ito sa di-pantay na lupa naaalog ang kaawa-awang Ipinako sa Krus. Ang krus ay itinatayo at dalawang beses ito ay nakawala sa mga kamay ng nagtataas nito; sa unang beses ito ay bumagsak nang malakas, sa ikalawa bumagsak ito sa kanang tabi, gumagawa ng teribleng sakit kay Jesus, sapagkat ang pag-alog na tinanggap Niya ay naalog ang Kanyang may mga sugat na mga galamay.

Ngunit noong pinabayaan nilang bumagsak ang krus sa butas nito at bago patatagin sa pamamagitan ng mga bato at lupa, ito ay umuundayo sa lahat na direksiyon, nang walang-tigil, napagagalaw ang kaawa-awang Katawan, nakabitin sa tatlong pako, ang paghihirap ay maaaring napakalupit. Ang lahat ng bigat ng katawan ay pumupunta sa harapan at pababa, at ang mga butas lumalaki, lalo na ang butas sa kaliwang kamay, at ang butas sa mga paa, habang ang pagtulo ng dugo ay lumalakas. At kung ang dugo sa mga paa ay tumutulo patungo sa mga daliri at patungo sa lupa at sa kahoy ng krus, ang galing sa mga kamay ay dumadaan sa mga braso, dahil ang mga pupulsuhan ay mas mataas kaysa sa mga kili-kili, dahil sa pusisyon, at tutulô ito sa mga panabi mula sa mga kili-kili patungo sa baywang. Kapag ang krus ay sumasandal, bago napatatag, ang korona ay gumagalaw, sapagkat ang ulo ay tumitilapon sa likod sumasalpok sa kahoy at naididiin ang makapal na buhol ng mga tinik, sa dulo ng matinik na korona, patungo sa batok, nai-aangat ang korona sa harapan, pagkatapos bababa ulit ito sa noo, nanggagalos nang walang-awa. Sa wakas ang krus ay napatatag at naroroon na lamang ang pagpapahirap ng pagiging nakabitin.

Itinataas nila ang mga magnanakaw na, noong sila ay patayo na ang pusisyon, sumisigaw na tila sila ay binabalatan nang buháy, gawa ng pagpapahirap ng mga lubid sa kanilang mga pupulsuhan at nagagawang mangitim ang kanilang mga kamay na ang mga ugat namamaga katulad ng mga lubid.

Si Jesus ay tahimik. Ang pulutong sa halip ay hindi na tahimik. Ang mga tao ay nagpapatuloy sa pagsigaw katulad ng mga dimonyo.

Ngayon ang tuktok ng Golgotha ay may tropeo na nito at mga guwardiya na pandangal. Sa tuktok ay naroon ang krus ni Jesus. Sa panabi ang dalawa pang ibang mga krus. Limampung mga sundalo, nasa pakikipaglaban na kahandaan, ang itinalaga sa paligid ng tuktok; sa loob ng pabilog na mga armadong  sundalo ay naroon ang sampung sundalo na mánganganbayó, na nagtatapon ng mga dais para sa mga damit ng kondenadong mga tao. Si Longinus ay nakatayong tuwid sa pagitan ng krus ni Jesus at ng isang nasa kanan. At siya ay tila ang nakatalagang guwardiya na pandangal para sa Martir na Hari. Ang limampung sundalo, nakapahinga, ay nasa kaliwang daanan at nasa mas mababang bukás na lugar, nasa ilalim ng pag-uutos ng ayudante ni Longinus, naghihintay na gamitin sa sandali ng pangangailangan. Ang pagiging walang-pakialam ng mga sundalo ay halos totál. Tanging isang kakaiba lamang ang paminsan-minsan tumitingin sa pinarusahan sa krus na mga tao.

⁸Si Longinus, sa halip, ay pinagmamasdan ang lahat nang may pag-uusyoso at interes, gumagawa siya ng pagkukumpara at naghuhusga sa kanyang isip. Kinukumpara niya ang tatlong nasa krus, at si Kristo lalo na, at ang mga nanonood. Ang kanyang nanunuring mata ay walang nakakaligtaan na kahit anong detalye. At upang makakita nang mabuti, pinipindan niya ang kanyang mga mata sa pamamagitan ng kanyang kamay, sapagkat ang araw ay maaaring nakayayamot sa kanya.

Ang araw sa katotohanan ay kakaiba. Ito ay katulad ng dilaw na pula katulad ng isang apoy. Pagkatapos ang apoy ay tila nawala nang bigla na lamang, dahil sa isang dambuhalang ulap ng alkitran na tumaas mula sa likod ng magkakakabit na mga bundok ng Judaea at pumailanlang nang napakabilis sa kalangitan, nawawala sa likuran ng ibang mga bundok. At nang ang araw ay lumabas muli, napakalakas nito na halos hindi ito matagalan ng mata.

Habang tumitingin, nakita niya si Maria, sa ilalim lamang ng dalisdis, na ang Kanyang napahihirapan na mukha nakataas patungo sa Kanyang Anak. Tinawag niya ang isa sa mga sundalong naglalaro ng dais at sinabi sa kanya: «Kung ang Kanyang Ina ay gustong pumunta rito kasama ang Kanyang anak na umaalalay sa Kanya, gawin Siyang makapunta. Samahan Siya at tulungan Siya.»

At si Maria kasama si Juan, na pinaniniwalaan na “anak” Niya, ay inaakyat ang mga baytang na inukit sa kalkaryong bato, sa palagay ko, at nilalampasan ang kordon ng mga sundalo, at pumunta sa paanan ng krus, ngunit sa medyo bandang tabi, upang makita Siya at makita Niya ang Kanyang Jesus.

Ang pulutong ay kaagad nagpaulan ng labis na nakakahiyang mga pang-aabuso sa Kanya, isinasama Siya sa Kanyang Anak sa kanilang mga panunumpa. Ngunit sa pamamagitan ng Kanyang nanginginig na maputing mga labì, nagsisikap lamang Siyang mapaginhawahan ang Kanyang Anak, sa pamamagitan ng isang naghihirap na ngiti na nagtutuyo ng mga luha, na walang lakas ng kalooban ang makapagpipigil.

⁹Ang mga tao, simula sa mga pari, mga eskriba, mga Pariseo, mga Saduseo, mga Herodian at ang katulad pa, ay inaaliw ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng isang klase ng paglilibot, inaakyat ang matarik na daan, dinaraanan ang elebasyon sa dulo, at bumababa sa isa pang daan, o ang pabaliktad. At habang dumaraan sila sa paanan ng tuktok, sa ikalawang bukás na espasyo, hindi sila nakakalimot na ialay ang kanilang mapaglapastangan na mga salita bilang isang pagbati sa Namamatay na Biktima. Ang lahat na kahihiyan, kalupitan, kapootan at kalokohan, na nagagawa ng mga taong sabihin ng kanilang mga dila, ay lubos na pinatutunayan ng makadimonyong mga bungangang iyon. Ang pinaka mabagsik ay ang mga miyembro ng Templo, sa tulong ng mga Pariseo

«Bueno? Kayo, ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, bakit hindi Ninyo iligtas ang Sarili Ninyo? Ang Inyo bang hari na si Beelzebub ay inabandona na Kayo? Kayo ba ay itinatwa na niya?» sigaw ng tatlong pari.

At ang isang grupo ng mga Judaean ay sumigaw: «Kayo, nang hindi pa hihigit sa limang araw, sa tulong ng Dimonyo, ay nagawa ang Ama na magsabi... ha! ha! ha! na luluwalhatiin Niya Kayo, bakit hindi Ninyo Siya pinaaalalahanan tungkol sa Kanyang pangako?»

At ang tatlong mga Pariseo ay nagdagdag: «Tagalapastangan sinabi Niya na iniligtas Niya ang iba sa tulong ng Diyos! At hindi Niya mailigtas ang Kanyang Sarili! Gusto ba Ninyong maniwala kami sa Inyo? Kung gayon gumawa ng himala. Hoy, hindi na ba Kayo makagagawa? Ang Inyong mga kamay ngayon ay nakapako na at Kayo ay hubad.»

At ang ilang mga Saduseo at mga Herodian ay nagsabi sa mga sundalo: «Mag-ingat sa Kanyang panggagaway, kayong kumuha sa Kanyang mga damit! Mayroon Siyang tanda ng dimonyo sa loob Niya!»

Ang pulutong ay nagsisigawan nang sabay-sabay: «Bumaba Kayo sa krus at maniniwala kami sa Inyo. Kayo na gustong sirain ang Templo... Tanga!... Tingnan ito sa banda roon, ang maluwalhati at banal na Templo ng Israel. Ito ay hindi mapakikialaman, o tagalapastangan! At Kayo ay namamatay.»

Ang ibang mga pari ay nagsasabi: «Mapaglapastangan! Kayo ang Anak ng Diyos? Bumaba ka mula diyan, kung gayon. Patamaan kami ng kidlat, kung Kayo ay Diyos. Hindi kami natatakot sa Inyo at dinuduraan namin Kayo.»

Ang ibang mga nagdaraan ay iniiling ang kanilang mga ulo nagsasabing: «Maka-iiyak lamang Siya. Iligtas Ninyo ang Inyong Sarili kung totoo na Kayo ang Napiling Isa!»

At ang mga sundalo ay nagwika: «Kung gayon, iligtas ang Inyong Sarili! Gawing abo ang suburra¹ na ito ng suburra! Kayo ang suburra ng imperyo, kayong magugulong Judaean. Gawin iyan! Ang Roma ay ilalagay Kayo sa Kapitolyo at sasambahin Kayo bilang isang diyos!»

Ang mga pari at ang kanilang mga kasabwat ay nagsabi: «Ang mga bisig ng mga babae ay mas kaaya-aya kaysa sa mga bisig ng krus, hindi ba? Ngunit, tingnan, ang Inyong... (at bumigkas sila ng kahamak-hamak na salita) ay naghihintay na upang tanggapin Kayo. Ang buong Herusalem ay nasa Inyo bilang inyong bugaw.» At sumusutsot sila katulad ng mga ahas.

Ang iba ay pumupukol ng mga bato sumisigaw: «Gawin itong mga tinapay, sa dahilan na nagpaparami Kayo ng mga tinapay.»

Ang iba ginagaya-gaya ang mga Hosana ng Linggo ng Palaspas, ay nagtatapon ng mga sanga at sumisigaw: «Mga sumpa sa Kanya Na dumating sa ngalan ng Dimonyo! Isumpa ang Kanyang kaharian! Kaluwalhatian sa Zion na tumapyas sa Kanya mula sa mga buháy!»

Ang isang Pariseo ay tumayo sa harapan ng krus, itinataas ang kanyang kamay nang may masagwang ibig-sabihin, at nagsabi: «”Ipinagkakatiwala ko Kayo sa Diyos ng Sinai” sinabi ba Ninyo iyon? Ngayon ang Diyos ng Sinai ay inihahanda Kayo para sa eternal na apoy. Bakit hindi Ninyo tawagan si Jonah² upang sana masuklian ang Inyong kabaitan?»

Ang isa pa ay nagsabi: «Huwag Ninyong sirain ang krus sa mga katok ng Inyong ulo. Iyan ay gagamitin para sa Inyong mga tagasunod. Isang buong lehiyon nila ang mamamatay sa Inyong krus, isinusumpa ko ito kay Jehovah. At si Lazarus ang aking unang ilalagay diyan. Makikita natin kung mapalalaya Ninyo siya sa kamatayan, ngayon.»

«Oo. Pumunta tayo kay Lazarus. Ipako natin siya sa kabilang tabi ng krus» at katulad ng isang loro nagsasalita sila nang dahan-dahan katulad ng ginawa ni Jesus, nagsasabing: «Lazarus, Aking kaibigan, lumabas ka! Kalagan siya at pakawalan siya.»

«Hindi! Madalas Niyang sabihin kina Martha at Maria, Kanyang mga babae: “Ako ang Resureksiyon at Búhay” Ha! Ha! Ha! Ang Resureksiyon ay hindi mapa-atras ang kamatayan, at ang Búhay ay namamatay!»

¹⁰«Sina Maria ay nasa banda roon kasama si Martha. Tanungin natin sila kung nasaan si Lazarus at hanapin natin siya.» At sila ay pumunta sa harapan, patungo sa mga babae, nagtatanong nang may kahambugan: «Nasaan si Lazarus? Nasa sa kanyang mansiyon?»

At habang ang ibang mga babae, nahintakutan, tumatakbo sa likuran ng mga pastol, si Maria ng Magdala ay pumunta sa harapan, at natatagpuan sa kanyang kapighatian ang lumang katapangan ng kanyang mga araw sa kasalanan, sinabi niya: «Lakad. Matatagpuan na ninyo roon ang mga sundalo ng Roma sa mansiyon, kasama ang limang-daan na armadong mga tauhan ng aking lupa, at kakapunin nila kayo katulad ng matatandang kambing na nakatalagang ipakain sa mga alipin ng mga gilingan na bato.»

«Pangahas! Ganyan ka ba makipagusap sa mga pari?»

«Mga lapastangan! Marurumi! Mga isinumpa! Tumalikod! Sa likuran ninyo, nakikita ko ito, mayroon kayong mga dila ng mga apoy ng mga dimonyo.»

Ang panggigiit ni Maria ay mukhang nakatitiyak na ang mga duwag, na talagang nahintakutan, ay tumalikod; ngunit kung sila ay walang mga apoy sa kanilang mga balikat, nasa likuran nila ang matutulis na sibat ng mga sundalong Romano. Sa katotohanan ibinigay ni Longinus ang utos, at ang limampung sundalo, na mga nagpapahinga, ay kumilos at tinusok nila ang mga pigi ng unang mga Judaean na nakita nila. Ang huli ay nagtakbuhan sumisigaw at ang mga sundalo ay tumigil upang harangan ang mga pamasukan sa dalawang daan at maprotektahan ang bukás na espasyo. Ang mga Judaean ay nanunumpa, ngunit mas malakas ang Roma.

si Maria ng Magdala ay ibinaba muli ang kanyang belo – itinaas niya ito upang magsalita sa mga nanlalait – at bumalik siya sa kanyang dating lugar. Ang iba pang mga babae ay sinamahan siya.

Ngunit ang magnanakaw sa kaliwa ay nagpapatuloy sa pag-insulto mula sa krus. Tila nalagum niya ang mga panunumpa ng ibang mga tao at inulit niya itong lahat, at tinapos sa pagsasabing: «Iligtas Ninyo ang Inyong Sarili at kami, kung gusto Ninyong paniwalaan Kayo ng mga tao. Kayo ang Kristo? Kayo ay baliw! Ang mundo ay pag-aari ng tusong mga tao, at ang Diyos ay hindi totoo. Ako ay totoo. Iyan ay totoo at ang lahat ay ipinahintulot sa akin. Diyos?... Kalokohan! Inimbento upang mapanatili tayong tahimik. Mabuhay ang ating mga kaakuhan! Ang kaakuhan lamang ng tao ang hari at diyos!»

Ang isa pang magnanakaw, na nasa kanan na si Maria halos malapit sa kanyang paanan, at tinitingnan Siya nang halos mas lalo pa kaysa tinitingnan si Jesus, at sa loob ng ilang mga sandali ay umiiyak bumubulung-bulong: «Inay ko», ay nagsabi: «Manahimik. Hindi mo ba kinatatakutan ang Diyos kahit na ngayon na naghihirap ka sa kirot na ito? Bakit mo iniinsulto Siya Na Mabuti? At ang pagpapahirap sa Kanya ay mas higit pa kaysa sa atin. At Siya ay walang nagawang kahit anong mali.»

Ngunit ang magnanakaw ay patuloy sa panunumpa.

¹¹Si Jesus ay tahimik. Hinihingal bilang resulta ng pagsisikap na kailangan Niyang gawin gawa ng Kanyang pusisyon, gawa ng Kanyang lagnat at puso at mga kalagayan ng Kanyang paghinga, ang konsekwensiya ng paghahagupit na ipinaghirap Niya sa gayong karahas na porma, at ng malalim na pagdurusa na nagawa Siyang pagpawisan ng dugo, nagsisikap Siyang makatagpo ng kaunting kaginhawahan kung mababawasan Niya ang bigat na dinadala ng Kanyang mga paa, hinihila nang pataas ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng Kanyang mga kamay at bumibitin sa Kanyang mga kamay. Baka ginagawa rin Niya ito upang malabanan ang pulikat na nagpapahirap sa Kanyang mga paa at ito ay makikita sa panginginig ng Kanyang mga kalamnan. Ngunit ang ganito ring panginginig ay mapupuna sa mga hibla ng Kanyang mga braso, na napipigilan sa pusisyon na iyon at maaaring naninigas na sa mga dulo, dahil sila ay mas mataas ang lugar at napagkakaitan ng dugo, at nakakarating ang dugo sa mga pupulsuhan nang mga kahirapan at tutulô mula sa mga butas ng mga pako, naiiwan ang mga daliri na walang sirkulasyon. Lalo na ang mga daliri sa kaliwa na nagmumukha nang mga daliri ng bangkay at walang-galaw, nakabaluktot patungo sa palad. Ang mga daliri din ng mga paa ay nagpapakita ng kirot nito, lalo na ang mga hinlalaki na tumataas at bumababa at bumubuka, baka dahil ang mga nerbiyo nito ay hindi napinsala nang husto

At ang pinaka katawan ay nagpapakita ng lahat ng kirot nito sa pamamagitan ng paggalaw nito, na mabilis ngunit hindi malalim, at pinapagod Siya nang hindi nagbibigay ng kahit anong kaginhawahan. Ang Kanyang mga tadyang, malapad at mataas katulad nito, dahil ang estruktura ng Katawan na ito ay perpekto, ay ngayon lumaki na nang sobra sa makakayanan nito, dahil sa pusisyon na kinuha ng katawan at ng tiyak na naipon na sipon sa baga. Subalit hindi ito nakapagpapagaan sa pagsisikap na makahinga, lalo na’t ang paggalaw ng tiyan ay nakakatulong sa diyapragma, na mas lalu't lalo pang napaparalisa.

At ang paninikip at pagkahilo ay lumalala minu-minuto, katulad ng pinakikita na pagka-asul na kulay na nagpapapuna lalo sa mga labì, na nagawa ng lagnat na maging matingkad na pula, at ng pulang-biyoleta na mga guhit, na nagkukulay sa leeg sa mga daan ng magang mga ugat na galing sa puso, umaabot ito hanggang sa mga pisngi, patungo sa mga tainga at mga sentido, habang ang ilong ay manipis at walang dugo, at ang mga mata ay nakalubog na may bilog, na nagkukulay-abo kung saan walang dugo na tumulo mula sa korona.

Sa ilalim ng arko ng kaliwang tadyang makikita ng isa ang pagtibok na nagagawa ng isang parte ng puso, isang di-regular ngunit marahas na pagpintig, at paminsan-minsan, dahil sa kombulsiyon sa loob, ang diyapragma ay may isang malalim na pag-alsa, na naipakikita sa pamamagitan isang ganap na pag-unat ng balat, kung ano pa ang maiuunat ng kaawa-awang nasugatan na namamatay na Katawan na iyon.

Ang Mukha ay may aspekto na ng nakikita natin sa mga larawan ng Holy Shroud, na ang isang tabi ng ilong nakalihis at namamaga; at ang pagkakatulad sa Holy Shroud ay lumalaki sa katunayan na ang kanang mata ay halos sarado, gawa ng pamamaga sa tabing ito. Ang bunganga, sa halip ay bukas, na ang sugat ng itaas na labì ay ngayon isa nang langib.

Ang Kanyang pagkauhaw, gawa ng pagkawala ng dugo, ng lagnat at ng araw, ay maaaring umaapoy, labis-labis na iniinom Niya nang automatiko ang mga patak ng Kanyang pawis at ng Kanyang mga luha, pati na rin ang pumapatak na dugo na nanggagaling sa Kanyang noo patungo sa Kanyang bigote, at pinabasa Niya ang Kanyang dila nito...

Ang korona ng mga tinik ay napipigilan Siyang sumandal sa krus upang matulungan ang pagkabitin sa Kanyang mga kamay at gumaan ang dinadala ng Kanyang mga paa. Ang Kanyang mga atay at lahat ng Kanyang gulugod ay nakakurbang palabas, nakatikal sa krus ang bahagi mula sa Kanyang balakang pataas, dahil sa puwersa ng inertia na nagagawa ang isang katawan na, nakabitin nang katulad ng Kanya, mabitin nang paharap.

¹²Ang mga Judaean, napalayas sa bukás na espasyo, ay hindi tumitigil ng pang-iinsulto, at ang di-nagsisising magnanakaw ay inuulit ang kanilang mga insulto.

Ang isa, na ngayon tinitingnan ang Ina nang may palalim pa nang palalim na habag, at umiiyak, ay sinagot ang isang magnanakaw nang maigting, noong kanyang marinig na pati Siya ay isinama sa insulto. «Manahimik. Alalahanin na ikaw ay pinanganak ng isang babae. At isipin na ang ating mga ina ay umiyak dahil sa kanilang mga anak. At iyon ay mga luha ng kahihiyan... sapagkat tayo ay mga kriminal. Ang ating mga ina ay patay na... Gusto kong pakiusapan ang akin na patawarin ako... Ngunit magagawa ko ba? Siya ay isang banal na babae... Pinatay ko siya sa pamamagitan ng kapighatian na binigay ko sa kanya... Ako ay isang makasalanan... Sino ang magpapatawad sa akin? Ina, sa ngalan ng Inyong namamatay na Anak, magdasal para sa akin.»

Ang Ina sa isang sandali ay itinaas ang Kanyang napahihirapan na mukha at tinitingnan siya, ang kaawa-awang sawing-palad na sa pamamagitan ng alaala ng kanyang ina at ng pagninilay tungkol sa Ina ay nadala sa pagsisisi, at tila hinahaplos Niya siya ng Kanyang mabait na magiliw na mga mata.

Si Disma ay umiyak nang mas malakas, na siyang nagpataas pa lalo sa pangungutya ng pulutong at ng kanyang kasamang magnanakaw. Ang una ay sumigaw: «Mabuti. Kunin Siya bilang iyong Ina. Upang Siya ay magkaroon ng dalawang kriminal na anak!» Ang huli ay pinalalala ang sitwasyon nagsasabing: «Minamahal ka Niya sapagkat ikaw ay isang maliit na kopya ng Kanyang giliw.»

¹³Si Jesus ay nagsalita sa unang pagkakataon: «Ama, patawarin sila sapagkat hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang ginagawa!»

Ang panalangin na ito ay napangibabawan ang lahat na takot ni Disma. Naglakas-loob siyang tingnan ang Kristo at nagsabi: «Panginoon, alalahanin ako kapag Kayo ay nasa Inyong nang Kaharian. Makatarungan na ako ay maghirap. Ngunit bigyan ako ng awa at kapayapaan pagkatapos dito. Napakinggan ko Kayong nagsalita minsan at may-katangahan kong tinanggihan ang Inyong salita. Nagsisisi na ako ngayon. At pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan sa harapan Ninyo, ang Anak ng Kataastaasan. Naniniwala ako na Kayo ay nanggaling sa Diyos. Naniniwala ako sa Inyong kapangyarihan. Naniniwala ako sa Inyong awa. Kristo, patawarin Ninyo ako sa ngalan ng Inyong Ina at ng Inyong Kabanalbanalang Ama.»

Si Jesus ay lumingon at tinitingnan siya nang lubos na naaawa, at Siya ay ngumingiti ng isang maganda pa rin na ngiti sa pamamagitan ng Kanyang kaawa-awang pinahirapang mga labì. Sinabi Niya: «Sinasabi Ko sa iyo: ngayon makakasama kita sa Paraiso.»

Ang nagsisising magnanakaw ay kumalma, at sa dahilan na hindi na niya maalaala ang mga panalangin na natutunan niya noong siya ay bata pa, kanyang inuulit bilang isang maikling panalangin: «Jesus Nazareno, hari ng mga Hudyo, maawa sa akin; Jesus Nazareno, hari ng mga Hudyo, umaasa ako sa Inyo; Jesus Nazareno, hari ng mga Hudyo, naniniwala ako sa Inyong Dibinidad.»

Ang isa pang magnanakaw ay nagpapatuloy sa panunumpa.

¹⁴Ang kalangitan ay palabo na nang palabo. Ngayon ang mga ulap ay halos hindi na kailanman nagbubukas upang mapasinag ang araw. Sa kabaligtaran sila ay nag-iipun-ipon nang magkakapatong sa kulay abo, puti, malaberde na mga susun-suson, naghihiwalay sila ayon sa kapritso ng isang malamig na hangin, na kung minsan bumubuga sa kalangitan, pagkatapos bababa sa lupa, at pagkatapos babagsak muli, at kapag ito ay bumagsak ang ere ay halos mas nakakatakot, maalinsangan at malabo kaysa kapag ito ay sumasagitsit, umiihip nang nangangagat at mabilis.

Ang liwanag, na dati ay labis-labis ang kaliwanagan, ay nagiging medyo berde. At ang mga mukha ay nagmumukhang kakaiba. Ang mga pigura ng mga sundalo, sa ilalim ng kanilang mga helmet at sa loob ng kanilang mga armor, na dati ay nagniningning at ngayon naging kung baga luma sa medyo berdeng liwanag at sa ilalim ng kulay-abong kalangitan, ay napakatigas na sila ay tila naging sininsel na mga estatwa. Ang mga Judaean, ang mga kutis, buhok at mga balbas na ang karamihan ay kulay-kape, ay tila mga nalunod na tao, maputlang-maputla ang kanilang mga mukha. Ang mga babae ay nagmumukhang mga estatwa na medyo asul na niyebe dahil sa kanilang nakapangingilabot na kaputlaan, na napapatingkad ng liwanag.

Si Jesus ay tila nangingitim-ngitim nang nakakatakot, dahil sa pagsisimula ng pagkabulok, na tila Siya ay patay na. Ang Kanyang ulo ay nagsisimula nang lumaylay sa Kanyang dibdib. Ang Kanyang lakas ay mabilis na nawawala. Siya ay nanginginig sa ginaw, bagama't umaapoy Siya sa lagnat. At sa Kanyang kahinaan, ibinubulong Niya ang pangalan na magpahanggang ngayon Kanya lamang binibigkas sa kalaliman ng Kanyang puso: «Inay! Inay!» Binubulong Niya ito nang napakahina, katulad ng isang buntung-hininga, na tila Siya ay medyo nahihibang na at kung gayon hindi na Niya mapigilan kung ano ang ayaw ng Kanyang kalooban na maibunyag. At sa bawat pagkakataon inuunat ni Maria ang Kanyang mga kamay nang walang pagpipigil, na tila gusto Niya Siyang tulungan. At ang malulupit na tao ay tumatawa sa biglang kirot na nararamdaman na iyon Niya Na namamatay at sa mga aguniya na ipinaghihirap ni Maria.

Ang mga pari at mga eskriba ay umakyat muli hanggang sa kinaroroonan ng mga pastol, na, bagama't, ay nasa mas mababang bukás na espasyo. At sa dahilan na ang mga sundalo ay gusto silang pabalikin, sila ay umaalma nagsasabing: «Ang mga Galilean bang ito ay mananatili rito? Gusto rin namin dito, sa dahilan na kailangan namin matiyak na ang hustisya ay naisagawa hanggang sa pinaka katapusan. At mula sa malayo, sa ganitong liwanag, hindi kami makakita.»

Sa katunayan marami ang nababalisa gawa ng liwanag na bumabalot sa mundo at ang ilang mga tao ay natatakot. At ang mga sundalo rin ay tinuturo ang kalangitan at ang isang klaseng kono na gawa sa mga tisa, napakadilim nito, at ito ay tumataas katulad ng isang puno ng pine-tree mula sa tuktok ng isang bundok. Ito ay nagmumukhang isang poso ng tubig. Ito ay tumataas at tumataas at tila gumagawa ng paitim at paitim pang mga ulap, na tila ito ay isang bulkan na bumubuga ng usok at lava.

¹⁵Ito ay sa nakakatakot na kalabuan na ito na si Jesus ay binibigay si Juan kay Maria at si Maria kay Juan. Itinungo Niya ang Kanyang ulo, sapagkat ang Ina ay mas lumapit pa sa krus upang makita Siya nang mas mabuti, at sinabi Niya: «Babae, ito ay Inyong anak. Anak, ito ay iyong Ina.»

Si Maria ay mas nagmukhang balisá pagkatapos ng salitang ito, na siyang ang kalooban ni Jesus, Na walang ibang maibigay sa Kanyang Ina bagkus isang tao, Siya Na dala ng pagmamahal para sa tao, ay napagkaitan Siya ng Tao-Diyos, na ipinanganak Niya. Ngunit ang kaawa-awang Ina ay nagsisikap na umiyak nang tahimik lamang, sapagkat imposible para sa Kanya na hindi lumuha... Ang mga luha ay dumadaloy pababa sa Kanyang mga pisngi sa kabila ng lahat na pagpipigil na mapigilan ito, kahit na kung sa Kanyang mga labì ay may isang masakit-sa-puso na ngiti upang paginhawahan si Jesus...

Ang mga paghihirap ni Jesus ay lumalaki pa nang lumalaki. At ang liwanag ay pawala pa nang pawala.

¹⁶Iyon ay sa ganitong kaliliman-ng-dagat na kadiliman na sina Nicodemus at si Jose ay lumitaw sa likuran ng ilang mga Judaean, at sinabi nila: «Tumabi!»

«Kayo ay hindi pinahihintulutan. Ano ang gusto ninyo?» tanong ng mga sundalo.

«Upang makaraan. Kami ay mga kaibigan ng Kristo.»

Ang hepeng mga pari ay lumingon. «Sino ang nangangahas na aminin ang sarili na kaibigan ng rebelde?» tanong nang galít ng mga pari.

At si Jose ay tumugon nang disidido: «Ako, si Jose ng Arimathea, ang Nakatatanda, at nobleng miyembro ng Supremong Konseho, at si Nicodemus ang ulo ng mga Judaean, ay kasama ko.»

«Ang mga kumakampi sa rebelde ay mga rebelde.»

«At ang mga kumakampi sa mga mamamatay-tao, ay mga mamamatay-tao, Eleazar ni Annas. Ako ay nabuhay bilang isang makatarungan na tao. At ngayon ako ay matanda na at malapit na sa kamatayan. Ayaw kong maging di-makatarungan, habang ang Langit ay bumababa na sa akin at ang eternal na Hukom ay kasama nito.»

«At ikaw, Nicodemus! Ako ay nagugulat!»

«Gayon din ako. At tungkol sa isang bagay lamang: na ang Israel ay labis na naging bulok na hindi mo na makilala pa ang Diyos.»

«Niyayamot mo ako.»

«Tumabi, kung gayon, at paraanin ako. Iyan lamang ang gusto ko.»

«Upang lalo pang makuntamina?»

«Kung ako ay hindi pa nahahawahan nang nakakasama kayo, walang makakahawang iba pa sa akin kailanman. Sundalo, naririto ang lukbutan at ang aking pases.» At kanyang binigay sa sundalo na pinakamalapit sa kanya, ang isang lukbutan at isang waks na tabla.

Ang sundalo ay iniiksamin ito at sinabi sa mga kasamahang sundalo: «Paraanin ang dalawang lalaki.»

At si Jose at si Nicodemus ay nilalapitan ang mga pastol. Ni hindi ko alam kung sila ay nakikita ni Jesus sa loob ng makapal na ulap na pakapal pa nang pakapal, at sa pamamagitan ng Kanyang mga mata na napalabo na nag aguniya. Ngunit nakikita nila Siya at sila ay umiiyak nang walang anumang pag-alintana sa sasabihin man ng publiko, bagama't ang mga pari ay inaabuso na sila.

¹⁷Ang mga paghihirap ay palala nang palala. Ang katawan ay nagsisimula nang maghirap sa pagkukurba ng katawan na makikita sa mga kaso ng tetano, at ang kaingayan ng pulutong ay pinalalala ito. Ang kamatayan ng mga hibla at mga nerbiyo ay kumakalat mula sa pinahirapan na mga galamay patungo sa pinaka-katawan, ginagawa ang paghinga na maging mahirap at mahirap pa lalo, ang paggalaw ng diyapragma mahina at ang pagtibok ng puso di-regular. Ang mukha ng Kristo ay nagbabago nang palit-palitan, mula sa napaka pulang pamumula patungo sa pagiging medyo berdeng pamumutla ng isang tao na namamatay sa pagka-ubos ng dugo. Ang Kanyang mga labì ay gumagalaw nang lalong may kahirapan, sapagkat ang mga nerbiyo ng leeg na napahirapan nang sobra-sobra at ng ulo mismo, na makailang beses na umakto bilang panikwas para sa buong katawan, tumutulak sa kahoy ng krus, ay naikakalat ang pamumulikat sa mga panga. Ang Kanyang lalamunan, namamaga gawa ng nabarahan na mga arterya na nagdadala ng dugo sa ulo, ay maaaring napakasakit at nagkakalat ito ng katulad ng sipon sa dila, na nagmumukhang maga din at mabagal ang mga paggalaw. Ang Kanyang likod, kahit na sa mga sandali na hindi ito napababaluktot mula sa batok hanggang sa kanyang mga balakang ng mga pamamaluktot ng mga may tetano, (...) ay pabaluktot nang pabaluktot paharap, sapagkat ang mga galamay ay patuloy na napabibigatan ng patay na laman.

Ang mga tao ay hindi nakikita ang sitwasyon na ito nang maliwanag, sapagkat ang liwanag ngayon ay katulad na ng maiitim na mga abo, at tanging ang mga nasa paanan lamang ng krus ang makakakita nang mabuti.

Sa isang sandali si Jesus ay hinimatay nang paharap at pababa, na tila Siya ay patay na, hindi na Siya humihingal, ang Kanyang ulo ay nakabitin nang walang-galaw paharap, ang Kanyang katawan, mula sa Kanyang baywang pataas, ay ganap na nakatikal sa krus, nakasandal papalayo sa krus.

Si Maria ay sumigaw: «Siya ay patay na!» Isang matrahedyang sigaw na kumakalat sa maitim na ere. At si Jesus ay tila talagang patay na.

Ang isa pang sigaw ng isang babae ang tumugon sa Kanya, at nakakakita ako ng isang pagkakagulo sa grupo ng mga babae. Pagkatapos mga sampung tao ang umalis may hinahawakan na isang bagay. Ngunit hindi ko makita kung sino ang umaalis nang gayon. Ang maulap na liwanag ay napakalabo. Ito ay nagmumukhang kami ay nakalubog sa isang ulap na siksik na siksik sa abo ng bulkan.

«Hindi iyan posible» sigaw ng ilan sa mga pari at ng mga Judaean. «Iyan ay paggaya lamang upang tayo ay umalis. Sundalo, sundutin mo Siya ng iyong sibat. Iyan ay mabuting gamot upang maibalik ulit ang Kanyang tinig.» At sa dahilan na ang mga sundalo ay hindi ito ginagawa, isang ulan ng mga bato at mga sandakot na lupa ang patungo sa krus, tinatamaan ang Martir at bumabagsak sa armor ng mga Romano.

Ang gamot, katulad ng mapanuyang sinabi ng mga Judaean, ay nagawa ang kababalaghan. Ang ilan sa mga bato ay tiyak na tumama nga sa pinatatamaan, baka ang sugat ng isang kamay, o ang ulo mismo, sapagkat mataas ang kanilang pinupuntirya. Si Jesus ay umuungol nang nakakaawa at nakapanumbalik ang Kanyang ulirat. Ang itaas ng Kanyang dibdib ay nagsimulang huminga muli nang may kahirapan at ang Kanyang ulo ay gumagalaw mula sa kaliwa patungo sa kanan, naghahanap ng mapagpapahingahang pusisyon upang hindi masyadong maghirap, ngunit walang makita bagkus mas malaking kirot.

¹⁸Nang may malaking kahirapan, dumidiin muli sa Kanyang pinahirapang mga paa, nakakatagpo ng lakas sa Kanyang kalooban, at tanging doon lamang, si Jesus ay itinutuwid ang Sarili sa krus, tumatayo Siya nang tuwid, na tila Siya ay isang malusog na tao nang buong lakas Niya, itinataas Niya ang Kanyang mukha, nakatingin nang nakabukas nang mabuti ang Kanyang mga mata sa mundo na nasa paanan Niya, sa nasa malayong bayan, na makikita lamang ng isa nang may kalabuan bilang isang walang-hugis na kaputian sa ulap, at sa madilim na kalangitan kung saan ang bawat bakas ng asul at ng liwanag ay nawala. At sa saradong, siksik, mababang kalangitan na ito, nakakatulad ang isang dambuhalang tipak ng maitim na tisa, sumigaw Siya sa malakas na tinig, nilalabanan ng kapangyarihan ng Kanyang kalooban at ng pangangailangan ng Kanyang kaluluwa ang humahadlang sa Kanyang magang dila at ang Kanyang puno-ng-sipon na lalamunan: «Eloi, Eloi, lamma scebactani!» (Napakinggan ko siyang ito ang sinabi). Maaaring nararamdaman Niya na Siya ay namamatay na, at nasa absulutong pag-abandona ng Langit, kung Kanyang ipinagtatapat ang pag-abandona ng Kanyang Ama, sa pamamagitan ng gayong bulalas.

Ang mga tao ay pinagtatawanan at tinutuya Siya. Iniinsulto nila Siya nagsasabing: «Ang Diyos ay walang pakialam sa Inyo! Ang mga dimonyo ay isinumpa ng Diyos!»

Ang ibang mga tao ay sumisigaw: «Tingnan natin kung si Elijah, na Kanyang tinatawag, ay darating upang iligtas Siya.»

Ang iba ay nagsasabi: «Bigyan Siya ng ilang suka, upang mumugan Niya ang Kanyang lalamunan. Makakatulong iyan sa tinig! Si Elijah o ang Diyos, dahil walang katiyakan kung ano ang gusto ng baliw na ito, ay nasa malayo... Isang malakas na tinig ang kinakailangan upang marinig!» at sila ay tumatawa katulad ng mga ayena o katulad ng mga dimonyo.

Ngunit walang sundalo ang nagbibigay sa Kanya ng suka at walang dumarating mula sa Langit upang magbigay ng kaginhawahan. Ito ay ang pangungulila, totál, malupit, sobrenatural na malupit din na aguniya ng Dakilang Biktima.

Ang pagdagsa ng pangungulilang kapighatian, na naniil na sa Kanya sa Gethsemane, ay bumalik ulit. Ang mga alon ng mga kasalanan ng lahat ng mundo ay bumabalik upang hampasin ang nadisgrasyang inosente, upang ilubog Siya sa kapaitan nito. At higit sa lahat ang bumabalik ay ang pakiramdam, na mas nakamamatay pa kaysa sa krus mismo, mas nakapagpapahina ng loob kaysa sa ano pa mang pagpapahirap, na Siya ay inabandona ng Diyos at na ang Kanyang panalangin ay hindi tumataas sa Kanya...

At ito ang panghuling pahirap. Ang isa na nagpapabilis sa kamatayan, sapagkat pinipiga nito ang huling patak ng dugo mula sa maliliit na butas ng balat, sapagkat dinudurog nito ang natitirang mga hibla ng puso, sapagkat tinatapos nito kung ano ang sinimulan ng unang kaalaman tungkol sa pag-abandona.: ang kamatayan. Dahil diyan, bilang unang dahilan, ang aking Jesus ay namatay, o Diyos, Na humampas sa Kanya para sa atin! Sapagkat pagkatapos ng Inyong pag-abandona, sa pamamagitan ng Inyong pag-abandona, ano ang kinalalabasan sa isang tao? Isang baliw o patay. Si Jesus ay hindi maaaring maging baliw, sapagkat ang Kanyang katalinuhan ay dibino, at sa dahilan na ang katalinuhan ay espirituwal, ito ay nagtatagumpay sa totál na trauma Niya Na hinampas ng Diyos. Kung gayon Siya ay naging isang patay na tao: ang Patay na Tao, ang Kabanalbanalang Patay na Tao, ang kainuinusentihan na Patay na Tao. Siya Na siyang ang Buhay, ay patay na. Pinatay ng Inyong pag-abandona at ng aming mga kasalanan.

¹⁹Ang kadiliman ay naging mas malalim. Ang Herusalem ay ganap na nawala. Ang pinaka mga dalisdis ng Kalbaryo ay tila nawala. Tanging ang tuktok lamang  ang makikita, na tila ang kadiliman ay itinaas ito upang tanggapin ang tangi at huling natitirang liwanag, inilalatag ito bilang isang alay, kasama ang dibinong tropeo nito, sa ibabaw ng isang sanaw na likidong onise, upang ito ay makita sana ng pagmamahal at ng kapootan.

At mula sa liwanag na iyon, na hindi na liwanag, ay nagmula ang malungkot na tinig ni Jesus: «Nauuhaw Ako!»

Isang hangin sa katunayan ang umiihip, na pati ang malulusog na tao ay nagagawang mauhaw. Isang malakas na hangin na ngayon ay umiihip nang patuloy, at puno ng alikabok, malamig at nakakatakot. At iniisip ko kung anong kirot ang nagagawa ng marahas na mga bugso nito sa mga bagà, sa puso, sa lalamunan ni Jesus, at sa Kanyang nanigas, namanhid, nasugatang mga galamay. Ang lahat ay totoong nagsama-sama upang pahirapan ang Martir.

Ang isang sundalo ay pumunta sa isang banga, kung saan ang mga katulong ng berdugo ay naglagay ng ilang suka na may apdo, upang sa pamamagitan ng kapaitan nito madagdagan sana ang kaligtasan ng mga nahatulan ng kapital na kaparusahan. Kinuha niya ang espongha na nailubog sa likido, iniipit niya ito sa isang manipis ngunit matibay na tikin, na makukuha kaagad sa malapit, at iniaalok ang espongha sa Namamatay na Biktima

Si Jesus ay nananabik na sumandal papaharap nilalapitan ang espongha. Nagmumukha Siyang isang nagugutom na sanggol naghahanap sa dede ng kanyang ina.

Si Maria na nakikita ito at tiyak na may naiisip na ganito, sumasandal kay Juan, ay nagsabi nang may pag-ungol: «O! at Ako ay ni hindi Ko maibigay ang isa sa Aking mga luha... O! dibdib Kong ito, bakit hindi ka nagpapatulo ng gatas? O! Diyos, bakit Ninyo kami inaabandona nang ganito? Isang himala para sa Aking Anak! Sino ang magtataas sa Akin, upang sana mapawi Ko ang Kanyang uhaw sa pamamagitan ng Aking dugo, dahil wala Akong gatas?...»

Si Jesus, Na may katakawan na sinipsip ang maasim na mapait ng inumin, ay napangiwi sa pagkasuklam. Higit sa lahat ito ay maaaring naging isang pampahapdi sa Kanyang nasugatan na nabiyak na mga labì.

²⁰Siya ay umatras, nawalan ng lakas-ng-loob, pinabayaan ang Sarili. Ang lahat na bigat ng Kanyang katawan ay bumabagsak nang mabigat sa Kanyang mga paa at paharap. Ang Kanyang nasugatan na mga dulo ng Kanyang katawan ay ang mga bahagi na tumatanggap ng nakamamatay na kirot dahil napupunit ito ng bigat ng katawan na inaabandona ang sarili. Hindi na Siya gumagawa ng ano pang paggalaw upang mabawasan ang kirot na iyon. Ang Kanyang katawan, mula sa Kanyang mga balakang pataas, ay nakatikal sa krus, at nananatiling gayon.

Ang Kanyang ulo ay nakabiting paharap nang mabigat na ang Kanyang leeg ay tila nawalan ng laman sa tatlong tabi: sa lalamunan, na ganap na nakalubog, at sa kaliwa’t kanan tabi. Mas lalo Siyang humihingal nang walang tigil, at ang tunog nito ay mas nakakatulad ng tunog ng isang malapit nang mamatay. Paminsan-minsan ngayon ang isang masakit na sunud-sunod na pag-ubo ay nagdadala ng isang malabnaw na kulay rosas na bulâ sa Kanyang mga labì. At ang pagitan ng mga pag-ubo ay pahaba nang pahaba. Ang Kanyang tiyan ay ngayon wala nang galaw. Tanging ang itaas na lamang ng Kanyang dibdib ang umaalsa at bumababa, ngunit ito ay hirap-na-hirap... Ang pagkaparalisa dahil sa pulmonya ay palala nang palala.

At nang pahina-nang-pahina, nagmumukhang katulad ng pananaghoy ng isang bata, ay dumarating ang panawagan: «Inay!» At ang kaawa-awang sawing-palad ay bubulong: «Oo, mahal, naririto Ako.» At kapag ang Kanyang paningin ay nagiging malabo at nagagawa Siyang magsabi: «Inay, nasaan Kayo? Hindi Ko na Kayo makita. Inaabandona na rin ba Ninyo Ako?» at ito ay ni hindi na nga mga salita, bagkus isang bulong na lamang na halos hindi mapakinggan Niya Na sa pamamagitan ng Kanyang puso kaysa ng Kanyang mga tainga ay tumatanggap sa bawat buntung-hininga ng Kanyang namamatay na Anak, Siya ay magsasabi: «Hindi, hindi, Anak! Hindi Kita iaabandona! Makinig sa Akin, mahal Ko... Ang Iyong Ina ay naririto, Siya ay naririto... at kinalulungkot lamang Niya na Siya ay hindi makapunta kung nasaan Ka...» Ito ay makabagbag-damdamin...

At si Juan ay umiiyak nang lantaran. Si Jesus ay maaaring naririnig siyang umiiyak. Ngunit hindi Siya nagsasalita ng kahit ano. Sa aking palagay ang Kanyang namimintong kamatayan ay nagagawa Siyang magsalita na tila Siya ay nahihibang at na ni hindi Niya nalalaman kung ano ang Kanyang sinasabi, at nakalulungkot, ni hindi Niya naiintindihan ang konsolasyon ng Kanyang Ina at ang pagmamahal ng Kanyang paboritong apostol.

Si Longinus – na sa hindi sinasadya ay hindi na nakatayong nakapahinga nang nakakursomano, at ang isang paa na-ikis sa isa pa nang palit-palitan, upang mapahingahan sa matagal na paghihintay ang kanyang mga paa at sa halip ngayon ay nakatayong tuwid-na-tuwid naka-atensiyon, ang kanyang kaliwang kamay nasa kanyang espada, ang kanyang kanan sa tabi niya, na tila siya ay nasa mga baytang ng trono ng imperyo – ay ayaw na maimpluwensiyahan. Ngunit ang kanyang mukha ay naaapektuhan ng kanyang pagsisikap na malabanan ang kanyang emosyon, at ang kanyang mga mata ay nagsisimula nang magningning sa mga luha na tanging ang kanya lamang  matigas na disiplina ang makapagpipigil

Ang ibang mga sundalo, na mga naglalaro ng dais, ay tumigil at mga nakatayo na, nakasuot ang kanilang mga helmet na siyang ginamit sa pagtatapon ng dais, at sila ay malapit sa maliliit na baytang na nakaukit sa apog na bato, nagmumukhang nakikiramdam at tahimik. Ang iba ay nakaposte at hindi makagagalaw. Nagmumukha silang mga estatwa. Ngunit ang iba na mas malapit at nakakarinig sa mga salita ni Maria, ay bumubulong ng kung ano sa pagitan ng kanilang mga labì at iniiling ang kanilang mga ulo.

²¹Nagkaroon ng nakamamatay na katahimikan. Pagkatapos sa labis na kadiliman, ang salita: «Ang lahat ay napangyari na!» ay maliwanag na narinig at ang Kanyang paggaralgal ay palakas na nang palakas, na may pahaba nang pahaba na mga pagtigil pagkatapos ng isang garalgal at ng susunod.

Ang sandali ay dumaraan sa gayong nakababagabag na pag-ulit-ulit. Ang búhay ay bumabalik kapag ang hangin ay naipipilit na maipasok ng marahas na paghinga ng Namamatay na Biktima... Ang búhay ay tumitigil kapag ang masakit na tunog ay hindi na marinig. Ang isa ay naghihirap napapakinggang ito... ang isa ay naghihirap na hindi napapakinggan ito... Ang isa ay magsasabi: «Tama na ang paghihirap na ito!». at pagkatapos ang isa ay magsasabi: «O! Diyos! gawing hindi ito ang Kanyang huling hininga.»

Ang lahat na mga Maria ay umiiyak, na ang kanilang mga ulo nakasandal sa pader na lupa. At ang kanilang pag-iyak ay maliwanag na naririnig, sapagkat ang pulutong ay ngayon tahimik na muli, upang makinig sa mga paggaralgal ng namamatay na Guro.

²²Nagkaroon ng katahimikan muli. Pagkatapos ang pamamanhik na binigkas nang may  walang-hangganang kabaitan, kasama ang taimtim na panalangin: «Ama, sa Inyong mga kamay ipinauubaya Ko ang Aking espiritu!»

Mas matagal pang katahimikan. Ang paggaralgal din ay nagiging mas mahina. Ito ay isang hininga na lamang na nasa Kanya na lamang na mga labi at lalamunan.

Pagkatapos, ay ang huling pamumulikat ni Jesus. Ang isang nakapangingilabot na kombulsiyon na tila pumupunit sa katawan mula sa tatlong pako ng krus, ay nangyari nang tatlong beses na nagmumula sa mga paa patungo sa ulo, dumaraan sa lahat na kaawa-awang pinahirapan na mga nerbiyo; itinataas nito ang tiyan nang tatlong ulit sa isang di-normal na paraan, pagkatapos iniiwan ito pagkatapos na palaparin ito na tila nababalisa nito ang mga bituka, at ito ay bababa at magiging hungkag na tila ito ay walang laman; ito ay tataas, pipintog at pinakukupis nito nang marahas ang itaas ng dibdib na ang balat sa pagitan ng mga tadyang ay lumulubog na bumabanat sa balat binubuksan muli ang mga sugat ng paghahagupit; ginagawa nito ang ulo na umatras nang marahas nang minsan, dalawang beses, tatlong beses, tinatamaan ang kahoy nang malakas; pinahihigpit nito ang mga kalamnan ng mukha sa isang pamumulikat, nagagawang kapansin-pansin ang pagka-ngiwi ng bunganga patungo sa kanan, binubuksan at pinalalaki nito ang mga talukap-mata sa ibaba nito kung saan makikita ang mga bola na gumugulong at ang isklera lumalabas. Ang katawan ay ganap na baluktot; sa huli ng tatlong pamumulikat ito ay isang arko, na nanginginig at nakapangingilabot na tingnan, at pagkatapos ang isang malakas na sigaw, na hindi mo aakalain sa hapong katawan na iyon, ang bumulalas humihiwa sa hangin, ang «malakas na sigaw» na binabanggit ng mga Ebanghelyo at siyang ang unang bahagi ng salitang «Inay»... At wala nang iba pa...

Ang Kanyang ulo ay lumaylay sa Kanyang dibdib, ang Kanyang katawan sumandal paharap, ang panginginig ay tumigil, Siya ay hindi na humihinga. Naihinga na Niya ang Kanyang huling hininga.

²³Ang Lupa ay tumugon sa sigaw ng pinatay na Inosente sa pamamagitan ng nakakatakot na dagundong. Mula sa sanlibong mga jesus crucifixion skytrumpeta ang mga higante ay tila nagpalabas ng iisang tunog lamang at sa teribleng tunog na iyon ay naroon ang hiwalay na nakakabiyak na mga tunog ng kidlat na gumuguhit sa lahat na direksiyon, tumatama sa bayan, sa Templo, sa pulutong... Sa aking palagay ilang mga tao ang tinamaan ng kidlat, sapagkat ang pulutong  ay tinamaan nang diretso. Ang kidlat ay ang tanging di-regular na liwanag na ang isa ay makakakita sa mga pagitan. At kaagad pagkatapos nito, habang ang ratsada ng mga kidlat ay nagpapatuloy, ang lupa ay nayayanig ng isang ipuipo ng bagyo. Ang lindol at ang tornado ay nagsama upang mabigyan ng isang pagtatapos-ng-mundo na kaparusahan ang mga nanlalapastangan. Ang tuktok ng Golgotha ay nanginginig at nauuga katulad ng isang plato sa mga kamay ng isang baliw, dahil ang pagtaas at ang paalon na paggalaw ng lupa ay nagpapagalaw nang napakarahas sa tatlong krus na ito ay tila babaligtad.

Si Longinus, si Juan, ang mga sundalo ay kumakapit sa kahit anong mahahawakan nila, hangga't makakahawak sila, upang huwag bumagsak. Ngunit si Juan, habang humahawak sa krus sa pamamagitan ng isang kamay, ang isa pa ay sumusuporta kay Maria Na, dahil sa Kanyang pamimighati at baka dahil din sa Kanyang kawalang-katatagan, ay sumandal sa kanyang dibdib. Ang iba pang mga sundalo. Ang ibang mga sundalo, at lalo na ang mga nasa tabi na humihilig nang pababa sa burol, ay kinailangan na manilungan sa gitna, upang hindi sila maitapon sa bangin. Ang mga magnanakaw ay humahagulhol nang natatakot, at ang pulutong ay mas lalo pang humahagulhol at gustong tumakbo. Ngunit hindi ito posible. Ang mga tao ay nagkakabagsakan nang sila-sila, nagkakaapakan sila nang sila-sila, nahuhulog sila sa mga bitak ng lupa, nasasaktan nila ang kanilang mga sarili, gumugulong silang pababa sa dalisdis na tila sila ay naging baliw.

Ang lindol at ang tornado ay naulit nang tatlong beses. Pagkatapos dumating ang absulutong kawalang-galaw ng isang patay na mundo. Tanging mga kislap lamang ng kidlat, na walang pagdagundong ng kulog, ang gumuguhit sa kalangitan napaliliwanagan ang tanawin ng mga Hudyong tumatakbo sa bawat direksiyon, nag-aalala, ang kanilang mga kamay nangunguna sa harapan o nakataas sa kalangitan, na magpahanggang kanina kanilang pinagtatawanan at na ngayon kanilang nang kinatatakutan. Ang kadiliman ay nababawasan ng isang malabong liwanag na, nadadagdagan ng tahimik na kislap ng kidlat, nagagawa ang isa na makita na maraming mga tao ang nakaratay sa lupa, hindi ko alam kung sila ay patay o hinimatay. Isang bahay ang nasusunog sa loob ng mga pader at ang apoy ay tumataas nang diretso sa walang galaw na hangin, isang maningning na mapulang lugar sa abuhing-berdeng atmospera.

²⁴Si Maria ay tinataas ang Kanyang ulo mula sa dibdib ni Juan at tinitingnan ang Kanyang Jesus. Tinatawag Niya Siya, dahil hindi Niya Siya makita sa malabong liwanag at ang Kanyang kaawa-awang mga mata ay puno ng mga luha. Tinawag Niya Siya nang tatlong beses: «Jesus! Jesus! Jesus!» Ito ang unang pagkakataon na tinawag Niya Siya sa Kanyang pangalan, mula nang Siya ay mapunta sa Kalbaryo. Pagkatapos, dahil ang isang kislap ay pumoporma ng isang klase ng korona sa itaas ng Golgotha, nakita Niya Siya, walang-galaw, ganap na nakakurbang paharap, na ang Kanyang ulo labis na nakabitin paharap at patungo sa kanan, na ang Kanyang pisngi nadidikitan ang Kanyang balikat at ang Kanyang baba nakapahinga sa Kanyang mga tadyang, at naintindihan Niya. Iniunat Niya ang Kanyang mga kamay sa madilim na ere at sumisigaw: «Aking Anak! Aking Anak! Aking Anak!» Pagkatapos Siya ay nakikinig... Ang Kanyang ring bunganga ay bukas, tila Siya naghihintay na makarinig din sa pamamagitan nito, katulad na ang Kanyang mga mata ay bukas-na-bukas upang makakita... Hindi Siya makapaniwala na ang Kanyang Jesus ay hindi na...

Si Juan, na tumingin din at nakapakinig at nakaintindi na ang lahat ay tapos na, ay niyayakap si Maria at sinusubukan na ilayo Siya nagsasabing: «Hindi na Siya naghihirap.»

Ngunit bago makatapos ang apostol ng kanyang pangungusap, si Maria, na nakaintindi, ay pinalaya ang Sarili, tumalikod, yumukong patungo sa lupa, tinatakpan ang Kanyang mga mata sa pamamagitan ng Kanyang mga kamay at sumigaw: «Wala na sa Akin ang Aking Anak!»

Pagkatapos Siya ay sumusuray at babagsak kung hindi Siya nahawakan ni Juan sa kanyang dibdib, at pagkatapos naupo siya, sa lupa, upang mapanatili Siya sa kanyang dibdib, nang mas madali hanggang ang mga Maria, na hindi na napipigilan ng nasa mataas na paikot ng mga armadong sundalo – sapagkat, dahil ang mga Hudyo ay tumakbo, ang mga Romanong sundalo ay nag-ipun-ipon sa bukás na espasyo sa ibaba, nagkukumentaryo tungkol sa pangyayari – ay pinalitan ang apostol malapit sa Ina.

si Maria ng Magdala ay naupo sa kung saan si Juan nakaupo kanina, at halos kalungin niya si Maria sa ibabaw ng kanyang mga tuhod, hinahawakan Siya sa pagitan ng kanyang mga bisig at ng kanyang dibdib, hinahalikan ang Kanyang maputlang-maputlang mukha, na nakaamba sa kanyang mahabaging balikat. Sina Martha at Susanna, sa pamamagitan ng isang espongha at isang linen na tela na binabad sa suka, ay binabasa ang Kanyang mga sentido at mga butas ng ilong, habang ang Kanyang hipag na si Maria ay hinahalikan ang Kanyang mga kamay tinatawag Siya sa makabagbag-damdamin na tinig, at nang kaagad naibukas muli ni Maria ang Kanyang mga mata at tiningnan niya Siya ng tingin na nagawa ng kapighatian ni Maria na maging malabo, sinabi niya sa Kanya: «Anak, aking minamahal na anak, makinig... sabihin Mo sa akin na nakikita Mo ako... Ako ang Iyong Maria... Huwag Mo akong tingnan nang ganyan!...»  At dahil ng unang paghikbi nabuksan nito ang lalamunan ni Maria at ang Kanyang unang mga luha ay nagsimulang bumagsak, ang butihin na Maria ni Alfeo ay nagsabi: «Oo, iyak... Dito kasama ako, na tila malapit Ka sa isang ina, aking kaawa-awang banal na anak»; at noong mapakinggan niya Siyang nagsabi: «O! Maria! Maria! Nakita mo ba?», siya ay umungol: «Oo, nakita ko... ngunit... ngunit... anak... o! anak!...» At ang nakatatandang Maria ay hindi makatagpo ng salita at umiiyak. Siya ay umiiyak nang hindi mapigilan, nagagaya ng iba pang mga babae, ibig sabihin, sina Martha at Maria, ang ina ni Juan at ni Susanna.

Ang iba pang mga banal na babae ay wala na roon. Sa palagay ko sila ay umalis, at ang mga pastol kasama nila, noong narinig ang iyak ng isang babae...

Ang mga sundalo ay nag-uusap-usap sa mabababang tinig.

«Napuna ba ninyo ang mga Judaean? Sila ay natatakot na ngayon.»

«At dinadagukan nila ang kanilang mga dibdib.»

«Ang mga pari ang nahintakutan sa lahat!»

«Anong pagkatakot! Nakakita na ako ng ibang mga paglindol Ngunit hindi kailanman katulad nito. Tingnan: ang lupa ay puno ng mga bitak

«At malaki-laking bahagi ng daan ang dumalusdos sa ibaba roon.»

«At may mga katawan sa ilalim niyan.»

«Pabayaan sila! Nabawasan ng napakaraming ahas!»

«O! isa pang sunog! Sa kabukiran...»

«Ngunit talaga bang patay na Siya?»

«Hindi mo ba makita? Pinagdududahan mo ba iyon?»

jesus crucified 3Sina Jose at Nicodemus ay lumitaw mula sa likuran ng bato. Sila ay tiyak na nanilungan doon, sa likuran ng proteksiyon ng bundok, upang mailigtas ang kanilang mga sarili sa mga kidlat. Pumunta sila kay Longinus. «Gusto namin kunin ang Bangkay.»

«Tanging ang Proconsul lamang ang makapagkakaloob niyan. Bilisan ninyo, sapagkat napakinggan ko na ang mga Judaean ay gustong pumunta sa Praetorium upang makakuha ng permiso na baliin ang Kanyang mga paa. Ayaw kong masira nila ang Kanyang banal na katawan.»

«Papaano mo nalalaman?»

«Isang ulat ng sundalo. Lakad. Maghihintay ako.»

Ang dalawang lalaki ay nagmadaling pababa sa matarik na daan at nawala.

Ito ay sa sandaling ito na si Longinus ay nilapitan si Juan at sa isang mababang tinig may sinabi sa kanya, na hindi ko naintindihan. Pagkatapos ginawa niya na abutan siya ng sibat ng isang sundalo. Tinitingnan niya ang mga babae, na lahat inaasikaso si Maria, Na unti-unti nang nakakabawi ng lakas. Lahat sila ay nakatalikod sa krus.

Si Longinus ay inilagay ang kanyang sarili sa harapan ng Ipinako-sa-krus, siya ay nag-iisip nang mabuti kung papaano niya gagawin ang pagtusok at tinusok niya ito. Ang sibat ay lumagos nang malalim mula sa ilalim pataas, mula sa kanan patungo sa kaliwa.

Si Juan, nagdadalawang-isip na makakita at natatakot na makakita, ay napangiwi nang isang sandali.jesus pierced

«Gawa na, aking kaibigan» sabi ni Longinus, at nagtatapos siya: «Mas mabuti na ang ganyan. Katulad ng para sa isang kabalyero. At nang hindi binabali ang mga buto... Siya ay totoong isang Makatarungan na Tao!»

Maraming tubig at patak-patak lamang ng dugo na namumuo na, ang tumutulo mula sa sugat. Sinabi ko tumutulo. Lumalabas lamang ito nang patulu-tulo mula sa malinis na hiwa na sugat na nananatiling walang-galaw, samantalang, kung doon ay may kahit anong paghinga, ito ay mabubuksan at magsasara sa mga paggalaw ng itaas ng dibdib at ng tiyan...

²⁷...Habang sa Kalbaryo ang lahat ay nananatili sa gayong matrahedyang sitwasyon, sinasamahan ko sina Jose at Nicodemus, na bumababa sa isang mas maikling daan upang makalamang sa oras.

Sila ay halos nasa ibaba na noong masalubong nila si Gamaliel. Isang walang-ayos na Gamaliel, walang saklob sa ulo, walang manta, na ang kanyang maringal na damit narumihan ng amag at napunit ng dawag. Isang Gamaliel na tumatakbo, umaakyat at humihingal, na ang kanyang mga kamay nasa kanyang manipis na kulay-abong buhok ng isang maedad na tao. Nagsasalita sila sa isa't isa nang hindi tumitigil.

«Gamaliel! Ikaw?»

«Ikaw, Jose? Iniiwanan mo ba Siya?»

«Hindi, hindi ko iniiwanan. Ngunit papaano nangyari na ikaw ay naririto? At sa ganyang ayos?...»

«Nakapangingilabot na mga bagay! Ako ay nasa Templo! Ang tanda! Ang pinto ng Templo ay natanggal sa bisagra! Ang purpurang hasinto na belo ay nakabitin na punit! Ang Banal ng mga Banal ay bukas! May anathema sa atin!» Siya ay nagsalita habang tumatakbo patungo sa tuktok, nagiging baliw gawa ng pagsubok.

Ang dalawang lalaki ay tinitingnan siyang umaalis... nagtitinginan sila sa isa't isa...  sinabi nilang magkasabay: «”Ang mga batong ito ay manginginig sa Aking huling mga salita!” Ipinangako Niya sa kanya!...»

Binilisan nila ang kanilang hakbang patungo sa bayan.

Sa kabukiran, sa pagitan ng bundok at ng mga pader at sa ibayo pa nito. Maraming tao na nagmumukhang mga tanga ang naglalagalag, sa loob ng malabo pang liwanag... Sila ay umaatungal, umiiyak at tumatangis... Ang ilan ay nagsasabi: «Ang Kanyang dugo ay nagpaulan ng apoy!» Ang ilan ay bumubulalas: «Si Jehovah ay nagpakita sa gitna ng kidlat upang isumpa ang Templo!»» Ang ilang ay umuungol: «Ang mga sepulkro! Ang mga sepulkro!»

Si Jose ay hinawakan ang isang lalaki na hinahampas ang kanyang sariling ulo sa mga pader at tinawag siya sa pangalan, kinakaladkad siya habang pumapasok siya sa bayan: «Simon! Ano ang sinasabi mo?»

«Pabayaan ako! Ikaw ay patay na rin! Lahat patay! Lahat sa labas! At sinusumpa nila ako.»

«Siya ay nabaliw na» sabi ni Nicodemus.

Pinabayaan siya nila at nagmadali sila patungo sa Praetorium.

Ang bayan ay biktima ng takot. Ang mga tao ay nag-iikot dinadagukan ang kanilang mga dibdib. Mga taong lumulukso nang patalikod o lumilingon nang natatakot kapag nakakarinig ng isang tinig o mga yapak sa likuran nila.

Sa loob ng isa sa maraming mga arko, ang paglitaw ni Nicodemus nakasuot ng puting delana – sapagkat upang maging mas mabilis, inalis niya ang kanyang madilim na manta sa Golgotha – ay nagawa ang isang tumatakas na Pariseo na sumigaw sa takot. Pagkatapos nakilala niya na iyon ay si Nicodemus at kumapit siya sa kanyang leeg nang may kakaibang pagbuhos ng pagtatapat, sumisigaw: «Huwag akong isumpa! Ang aking ina ay nagpakita sa akin at nagsabi: “Maisumpa ka magpakailan!”» at pagkatapos hinimatay siya sa lupa umuungol: «Natatakot ako! Natatakot ako!»

«Lahat sila ay baliw!» sabi ng dalawang lalaki.

Nakarating sila sa Praetorium. At ito ay dito lamang, habang naghihintay na tanggapin ng Proconsul, na si Jose at si Nicodemus ay naintindihan ang dahilan ng labis na takot. Maraming sepulkro ang nabuksan gawa ng lindol, at may mga tao na manunumpa na nakakita sila ng mga kalansay na lumabas mula dito, at na sa loob ng ilang mga sandali ay naging mga tao ang hitsura at nag-iikot inaakusahan at isinusumpa ang mga may kagagawan ng pagpatay sa diyos.

Iniiwan ko sila sa pamasukang-bulwagan ng Praetorium, pinapasok ng dalawang kaibigan ni Jesus nang walang napakaraming katangahang mga katatakutan at mga takot na mahawahan, at bumabalik ako sa Kalbaryo, sinasamahan si Gamaliel, na ngayon hinahapo na ay inaakyat ang huling kaunting mga metro. Siya ay nagpapatuloy dinadagukan ang kanyang dibdib, at nang siya ay makarating sa una sa dalawang búkas na espasyo, nagpatirapa siya sa lupa, ang mukha padapa, isang mahabang puting porma sa manilaw-nilaw na lupa, at sinasabi niya umuungol: «Ang tanda! Ang tanda! Sabihin sa akin na pinatatawad Ninyo ako! Isang bulong, kahit na isang bulong lamang, upang masabi sa akin na napapakinggan Ninyo ako at pinatatawad ako.»

Naiintindihan ko na sa akala niya si Jesus ay buháy pa. At nagbago lamang ang kanyang isip nang ang isang sundalo, tinutulak siya ng kanyang sibat, ay nagsabi: «Tumayo ka at manahimik. Walang kabuluhan iyan! Inisip mo sana iyan kanina Siya ay patay na. At ako, isang pagano, ay sinasabi sa iyo: ang Taong ito na inyong ipinako sa krus, ay totoong ang Anak ng Diyos!»

jesus crucified 4«Patay? Kayo ba ay patay? O!...» Si Gamaliel ay itinataas ang kanyang nahihintakutan na mukha, sinisikap niyang makakita hanggang sa layo sa itaas, sa takipsilim. Hindi siya makakita nang mabuti, ngunit nakakakita siya nang sapat upang maintindihan na si Jesus ay patay na. At nakikita niya ang mahabaging grupo na umaaliw kay Maria, at si Juan nakatayo sa kaliwang tabi  ng krus at umiiyak, at si Longinus, nakatayong tuwid sa kanang tabi, solemne sa kanyang mapagbigay-galang na tayò.

Siya ay lumuhod, inuunat ang kanyang mga kamay at umiiyak sinabi niya: «Kayo iyon! Kayo iyon! Hindi na kami maaaring mapatawad. Nahingi namin ang Inyong Dugo na mapapunta sa amin. At ito ay sumisigaw sa Langit, at ang Langit ay isinusumpa kami... O! Ngunit Kayo ay Awa!... Sinasabi ko sa Inyo, ako, ang nasirang rabbi ng Judah: “Ang Inyong Dugo sa amin, alang-alang sa awa”. Wisikan Ninyo kami nito! Sapagkat tanging ang Dugo lamang Ninyo ang makakakuha ng kapatawaran para sa amin... » at siya ay umiiyak. At pagkatapos, sa mababang tinig, ikinukumpisal niya ang kanyang pahirap: «Nasa aking ang hiniling na tanda... Ngunit ang matagal at matagal nang mga panahon ng espirituwal na pagkabulag ay nasa aking panloob na paningin, at laban sa aking kasalukuyang kalooban ay tumataas ang tinig ng aking mapagmalaking kaisipan ng nakaraan... Maawa sa akin! Liwanag ng mundo, gawing ang isa sa Inyong mga sinag na bumaba sa kadiliman na hindi makaintindi sa Inyo! Ako ay ang matandang Judaean na tapat sa inakala ko katarungan, at iyon ay pagkakamali. Ako ngayon ay isang tigang na lupa, wala na ng kahit ano ng lumang mga punungkahoy ng lumang Pananampalataya, wala kahit na anong binhi o tangkay ng bagong Pananampalataya. Ako ay isang tuyong disyerto. Papangyarihin ang himala na gawin ang isang bulaklak, na may Inyong Pangalan, na sumibol sa loob ng kaawa-awang puso na ito ng isang matandang may matigas-na-ulo na Israelita. Sa dahilan na Kayo ang Tagapagpalaya, halikayo sa aking kaawa-awang isip, na isang bihag ng mga pormularyo. Si Isaiah ay ganito ang sinasabi: “...Nagbayad Siya para sa mga makasalanan at inangkin Niya ang mga kasalanan ng marami”. O! ang akin din, Jesus Nazareno...»

Siya ay tumayo. Tinitingnan niya ang krus na nagiging malinis at malinis pa sa liwanag na lumilinaw, at pagkatapos siya ay umalis, yumuyukod, tumanda, nasira.

At sa Kalbaryo ay nagkaroon muli ng katahimikan, napuputol lamang ng pag-iyak ni Maria. Ang dalawang magnanakaw, napagod ng takot, ay hindi na nagsasalita.

²⁹Sina Nicodemus at Jose ay nakabalik tumatakbo at sinasabi nila na nakuha nila ang permiso ni Pilato. Ngunit si Longinus, na hindi masyadong nagtitiwala, ay nagpadala ng isang nakakabayong-sundalo sa Proconsul upang malaman din kung ano ang kanyang gagawin sa dalawang magnanakaw. Ang sundalo ay umalis at bumalik nang mabilis dala ang utos na ibigay si Jesus at baliin ang mga paa ng dalawa pa, sa pamamagitan ng kalooban ng mga Hudyo.

Si Longinus ay tinawag ang apat na berdugo, na may-karuwagang nakayumukyok sa ilalim ng bato, nahihintakutan pa sa kung ano ang nangyari, at inutusan sila na ibigay ang ikatatapos na dagok ng pamukpok sa mga magnanakaw. Ito ay naisagawa nang walang kahit anong pagprotesta ni Disma, kung kanino ang dagok ng pamukpok, na binigay sa kanyang dibdib, pagkatapos na patamaan ang kanyang mga tuhod, ay nabali sa dalawa, ang pangalan ni Jesus nasa kanyang mga labì sa isang paggaralgal sa kamatayan. Ang isa pang magnanakaw ay bumibigkas ng nakatatakot na mga panunumpa. Ang kanilang mga pangangaralgal bago maputulan ng hininga ay nakakalungkot.

³⁰Ang apat na berdugo ay gusto ring asikasuhin si Jesus, ibababa Siya mula sa krus. Ngunit si Jose at Nicodemus ay hindi sila pinahintulutan. Si Jose din ay hinubad ang kanyang manta at sinabihan si Juan na gayon din ang gawin at upang hawakan ang mga hagdan, habang umaakyat sila na may mga panikwat at mga panghawak.

Si Maria ay tumayo nang nanginginig, suportado ng mga babae, at nilalapitan Niya ang krus.

Sa pansamantala ang mga sundalo, bilang nagawa na nila ang kanilang katungkulan, ay umalis. At si Longinus, bago bumaba sa kabila ng mas mababang bukás na espasyo, ay lumingon mula sa taas ng kanyang itim na kabayo upang tingnan si Maria at ang Ipinako-sa-krus. Pagkatapos ang ingay ng mga paa ng kabayo ay umalingawngaw sa mga bato at ang ingay ng mga sandata na kumakalampag sa mga armor, at naglaho sa malayo.

Ang kaliwang kamay ay tinanggalan ng pako. Ang kamay ay bumagsak sa tabi ng Katawan, na ngayon ay medyo nakabitin na.

Sinabihan nila si Juan na umakyat din, ipinauubaya ang mga hagdan sa mga babae. At si Juan, pagkatapos na makaakyat sa kung saan naroroon dati si Nicodemus, ay isinablay ang kamay ni Jesus paikot sa kanyang leeg at hinahawakan ito nang ganito, nakabitin nang ganap sa kanyang balikat, yapos sa baywang ng kanyang kamay at hinahawakan ng dulo ng kanyang mga daliri upang hindi madikitan ang nakapangingilabot na malalim na sugat ng kaliwang kamay, na halos nakabuka. Noong naalisan ng pako ang mga paa, kinailangan ni Juan na pumuwersa nang todo upang mahawakan at masuportahan ang Katawan ng Kanyang Guro sa pagitan ng krus at ng kanyang sariling katawan.

Si Maria ay nailagay na ang Kanyang Sarili sa paanan ng krus, nakaupo na ang Kanyang likod nakasandal sa krus, handa nang tanggapin ang Kanyang Jesus sa Kanyang lapi.

Ngunit ang pagtatanggal ng pako ng kanang kamay ay ang pinakamahirap na operasyon. Sa kabila ng lahat nang lakas ni Juan, ang katawan ay ganap na nakasandal nang paharap at ang ulo ng pako ay malalim na nakabaon sa laman. At sa dahilan na ayaw nilang mapalala ang sugat, ang dalawang mahabagin na lalaki ay nagtatrabaho nang husto. Sa wakas ang pako ay nahawakan ng mga panghawak at nabunot nang dahan-dahan.

Si Juan sa lahat ng sandali ay hinahawakan si Jesus sa mga kilikili, na ang Kanyang ulo nakabitin sa kanyang balikat, habang si Nicodemus at si Jose ay hinahawakan Siya, ang isa sa mga binti, ang isa sa mga tuhod, at sila ay maingat na bumaba sa mga hagdan.

Noong nasa lupa na, gusto nilang ihiga si Jesus sa ibabaw ng tela na kanilang inilatag sa ibabaw ng kanilang mga manta. Ngunit si Maria ay gusto si Jesus. Naibukas na Niya ang Kanyang manta, ginagawa itong lumaylay sa isang tabi, at Siya ay naupo na ang Kanyang mga tuhod magkahiwalay upang maporma ang isang kuna para sa Kanyang Jesus.

Habang ang mga disipulo ay umiikot upang maibigay sa Kanya ang Kanyang Anak, ang may-koronang ulo ay lumawit papunta sa likod at ang mga kamay ay bumitin papunta sa lupa, at ang may mga sugat na kamay ay lalapat sa lupa, kung ang habag ng banal na mga babae ay hindi ito nahawakan upang hindi ito mangyari.

Siya ngayon ay nasa lapi na ng Kanyang Ina... At nagmumukha si Jesus na katulad ng isang malaking napapagod na sanggol na natutulog ganap na yapos sa loob ng lapi ng kanyang ina. Si Maria ay hinahawakan si Jesus ng Kanyang kanang kamay nakasaló sa mga balikat ng Kanyang Anak at ang Kanyang kaliwa nakaunat sa ibabaw ng tiyan upang masuportahan din si Jesus sa mga balakang.

jesus brought downAng ulo ni Jesus ay nakapahinga sa balikat ng Kanyang Ina. At tinatawag Niya Siya... Tinatawag Niya Siya sa makabagbag-damdamin na tinig. Pagkatapos Kanyang itinikal Siya mula sa Kanyang mga balikat at hinahaplos Siya ng Kanyang kaliwang kamay, kinukuha at inuunat ang Kanyang mga kamay at, bago ito ilupi sa Kanyang patay na katawan, hinahalikan Niya ito at iniiyakan ang mga sugat. Pagkatapos hinahaplos Niya ang Kanyang mga pisngi, lalo na kung saan ito may pasâ at namamaga, hinahalikan Niya ang Kanyang nakalubog na mga mata, ang Kanyang bunganga na medyo nakangiwi sa kanan at medyo nakabukas.

Gusto Niyang ayusin ang Kanyang buhok, katulad na inayos Niya ang Kanyang balbas na may nanigas ng dugo. Ngunit sa paggawa nito, nahihipo Niya ang mga tinik. Natutusok Niya ang Kanyang Sarili sa pagsisikap na maalis ang korona na iyon, at gusto Niyang alisin Niya ito Mismo, sa pamamagitan ng tanging kamay na libre, at tinatanggihan Niya ang lahat nagsasabing: «Hindi, hindi! Ako ang gagawa! Ako ang gagawa!» at tila hinahawakan Niya ang maselan na ulo ng isang bagong panganak na sanggol sa pamamagitan ng Kanyang mga daliri, napakaselan Niya itong ginagawa. At noong Siya ay nagtagumpay na maalis ang nagpapahirap na korona, yumuyuko Siya upang pagalingin ang lahat na mga gasgas ng mga tinik sa pamamagitan ng Kanyang mga halik.

Sa pamamagitan ng isang nanginginig na kamay pinaghihiwalay Niya ang nagulong mga buhok, inaayos Niya ito at umiiyak, nagsasalita sa mababang tinig, at sa pamamagitan ng Kanyang mga daliri pinupunas Niya ang mga luhang bumabagsak sa malamig na katawan na puno ng dugo at iniisip Niya na malinisan ito sa pamamagitan ng Kanyang mga luha at ng Kanyang belo, na nakapaikot pa rin sa mga pigi ni Jesus. At hinila Niya ang isang dulo nito patungo sa Kanyang Sarili at nagsimula Siya linisin at patuyuin ang banal na mga galamay sa pamamagitan nito. At patuloy Niyang hinahaplos ang Kanyang mukha, pagkatapos ang Kanyang mga kamay at ang Kanyang gasgas na mga tuhod at pagkatapos bumalik sa pagpapatuyo ng Kanyang Katawan, sa ibabaw kung saan ang walang katapusan na mga luha ay bumabagsak.

At habang ginagawa ito nahihipo Niya ang hiwa ng sugat sa Kanyang dibdib. Ang Kanyang maliit na kamay, nababalot ng linen na belo, ay halos nakakapasok lahat sa malaking butas ng sugat. Si Maria ay yumuyuko upang makakita sa malabong liwanag na naporma, at nakikita Niya. Nakikita Niya ang dibdib na nabuksan at ang puso ng Kanyang Anak. Siya ay napasigaw pagkatapos. Ang isang espada ay tila pinaghihiwalay ang Kanyang puso. Siya ay sumisigaw at pagkatapos ibinagsak ang Kanyang Sarili sa Kanyang Anak at Siya ay tila patay na rin.

³²Tinutulungan at inaaliw nila Siya. Ibig nilang alisin ang Kanyang dibinong Patay na Anak sa Kanya at Siya ay sumisigaw: «Saan, saan Ko Siya ilalagay? Saang lugar, na ligtas at karapat-dapat sa Kanya?» Si Jose, ganap na nakayuko sa magalang na yuko, ang kanyang bukas na palad nakadiin sa kanyang dibdib, ay nagsabi: «Laksan Ninyo ang Inyong loob, o Babae! Ang aking sepulkro ay bago at karapat-dapat ng isang dakilang tao. Binibigay ito sa Kanya. At ang aking kaibigan dito, si Nicodemus, ay pinadala na ang mga pampabango sa sepulkro, katulad na gusto niya itong ialay. Nakikiusap ako sa Inyo, dahil ngayon ay dumidilim na, magpatuloy tayo... Ngayon ay Paghahandang Araw. Maging mabuti, o banal na Babae!»

Si Juan din at ang mga babae ay pinakikiusapan Siya nang gayon din at pumayag si Maria na alisin ang Kanyang Anak mula sa Kanyang lapi, at Siya ay tumayo, nalulungkot, habang binabalot nila si Jesus sa isang tela, nakikiusap: «O! gawin iyan nang dahan-dahan!»

Si Nicodemus at si Juan sa mga balikat, si Jose sa mga paa, binuhat nila ang Labí Na nakabalot hindi lamang sa isang tela, bagkus nakalatag din sa mgajesus carried manta na nagsisilbing isang estretser, at sila ay umalis pababa sa daan.

Si Maria, suportado ng Kanyang hipag at ni Maria ng Magdala, ay bumababa patungo sa sepulkro, sinusundan nina Martha, Maria ni Zebedeo at ni Susanna, na mga pumulot sa mga pako, sa mga panghawak, sa korona, sa espongha at sa tikin.

Sa Kalbaryo ay nananatili ang tatlong krus, ang nasa gitna nito ay walang-laman at ang dalawa pa ay may buháy na mga tropeo, na mga namamatay.

--------------------

jesus sinasabi

«At ngayon» sinasabi ni Jesus «Makinig nang mabuti. Ipinagpapaliban Ko sa iyo ang deskripsiyon ng paglilibing, na mabuting naisalarawan noong nakaraang taon: noong ika 19 ng Pebrero 1944. Kung kaya't gagamitin mo iyon, at si P.M. sa katapusan nito ay ilalagay ang lamentasyon ni Maria, na Aking binigay noong ika 4 ng Oktubre 1944. Pagkatapos ilalagay mo ang bagong mga bisyon na makikita mo. Ito ay bagong mga bahagi ng Pasyon at kailangan na mailagay nang maingat na maingat sa kanilang mga lugar upang maiwasan ang pagkalito at mga patlang.»

230912/012913

 

 

 



1 Suburra – isang hamak na lugar noon sa lumang Roma na nagsisiksikan sa mga tao na nasa mababang lipunan. - RLB

2 Maaaring ang namatay na pastol na si Jonah ang tinutukoy ng Pariseo. - RLB



Sunod na kabanata