606. Ang Paglilibing kay Jesus at ang Espirituwal na Pagkabalisa ni Maria.

Pebrero 19, 1944.

1Walang kabuluhan na sabihin ko kung ano ang aking nararamdaman. Ito ay magiging deskripsiyon lamang ng aking paghihirap, at kung gayon walang halaga kompara sa paghihirap na aking nakikita. Kung kaya't isasalarawan ko ito, nang walang kahit anong aking komentaryo.

Ako ay naririto sa paglilibing sa Ating Panginoon.

Ang maliit na prusisyon, pagkatapos na makababa ng Kalbaryo, sa paanan nito ay natagpuan ang sepulkro ni Jose ng Arimathea, na inukit sa apog na bato ng bundok. Ang mahabaging mga disipulo ay pinasok ito dala ang Katawan ni Jesus.burial site

Nakikita ko ang sepulkro na ayon sa sumusunod. Ito ay isang silid na hinukay sa bato, sa dulo ng isang hardin ng mga gulay na lahat nasa pamumulaklak. Nagmumukha itong isang gruta na hinukay ng tao. Naroon ang libingang silid na may mga loculi¹ (ito ay iba sa mga kompartimento  ng mga catacomb). Ito ay katulad ng mga pabilog na mga butas, na lumalagos sa bato, katulad ng mga selda ng isang bahay-pukyutan, upang makapagbigay ng isang idea. Sa kasalukuyan ang lahat ay walang laman, Ang walang lamang na bunganga ng bawat kompartimento ay nagmumukhang isang maitim na lugar sa abuhing bato. Bago sa silid na ito ay may isang klase ng anteroom, na sa gitna nito ay may isang tablang bato para sa pagpapahid-ng-langis. Si Jesus ay inilagay sa ibabaw nito, nakabalot sa Kanyang linen.

Si Juan at si Maria ay pumasok. Ngunit wala nang iba, sapagkat ang paghahandang-silid ay maliit, at kung marami ang pumasok, hindi na sila makakagalaw. Ang iba pang mga babae ay malapit sa pintuan, ibig sabihin malapit sa bunganga ng sepulkro, sapagkat wala doon ng talagang pintuan.

2And dalawang nagbuhat ay ang nag-alis ng takip kay Jesus.

Habang inihahanda nila ang mga bendahe at ang mga pampabango sa ibabaw ng parang patungan sa isang sulok, sa tulong ng liwanag ng dalawang sulô, si Maria ay yumuko sa Kanyang Anak umiiyak. At sa muli pinupunasan Niya Siya ng Kanyang belo, na nasa mga balakang pa rin ni Jesus. Ito lamang ang tanging paghuhugas na nagkaroon ang Katawan ni Jesus, ang isang ito sa pamamagitan ng mga luha ng Kanyang Ina, at kung ito ay dagsa at marami, nagsisilbi itong maalis ang alikabok, pawis at dugo ng pinahirapan na Katawan nang pangmadalian at sa mga ilang lugar lamang.

Si Maria ay hindi kailanman napagod sa paghahaplos sa nanigas na mga galamay na iyon. Nang mas maingat pa kaysa sa paghipo sa isang bagong-panganak na sanggol, kinukuha Niya ang kaawa-awang pinahirapan na mga kamay, hinahawakan ito, hinahalikan ang mga daliri at inuunat ito, sinisikap Niyang isara ang nakabukang mga sugat, na tila gusto Niyang lapatan ng panggagamot, upang hindi ito labis na sumakit at idinidiin Niya ang mga kamay na iyon, na hindi na makapaghaplos, sa Kanyang mga pisngi, at umuungol at umuungol sa Kanyang nakamamatay na pamimighati. Itinutuwid at pinagsasama ang kaawa-awang mga paa, na walang-kabuhay-buhay, na tila ito ay pagod-na-pagod sa paglalakad nang napakalayo sa kapakanan natin. Ngunit labis itong nawala-sa-lugar sa ibabaw ng krus, at ang kaliwa lalo na ay halos patag, na tila wala na itong bukung-bukong.

Pagkatapos binalikan Niya ang katawan at hinahaplos ito, napakalamig at matigas na at noong makita Niyang muli ang hiwa na pinasukan ng sibat, na ngayon bukas-na-bukas katulad ng isang bunganga, dahil si Jesus ay nakahigang tiyaya sa tablang bato, at kung gayon ang butas ng itaas ng dibdib ay makikitang maliwanag – ang tusok sa puso ay makikitang maliwanag sa pagitan ng tadyang at ng kaliwang costal arch, at mga dalawang sentimetro sa itaas nito ay naroon ang hiwa na nagawa ng dulo ng sibat sa pericardium² at sa puso, isang hiwa na mga isang sentimetro at kalahati ang haba, samantalang ang nasa labas na isa sa kanan na tabi³ ay mga pitong sentimetro man lamang ang haba – si Maria ay napasigaw muli katulad sa Kalbaryo. Isang sibat ang tila tumutusok sa Kanya, kung kaya't Siya ay namimilipit sa kirot na Kanyang nararamdaman, idinidiin ang Kanyang mga kamay sa Kanyang puso, tinusok katulad ng kay Jesus. Ilang mga halik sa sugat na iyon, kaawa-awang Ina!

Pagkatapos Kanyang inaasikaso ang ulo ni Jesus muli at itinutuwid ito, sapagkat ito ay medyo nakabaluktot at labis patungo sa kanan. Sinusubukan Niyang isara ang Kanyang mga talukap-mata, na nagpupumilit na manatiling medyo nakabukas, at ang Kanyang bunganga, na kahapon lamang ay maganda at malinis, at ngayon naging isang kagulo namimigat sa dugo. Kinakalas Niya ang mas mahahabang nagkabuhul-buhol na buhok, pinakikinis ito sa Kanyang mga daliri at pinakukulot upang maibalik ang dating magandang porma ng magandang buhok ng Kanyang Jesus, napakalambot at kulot-na-kulot. At Siya ay umuungol at umuungol, sapagkat naaalaala Niya noong Siya ay isa pang maliit na bata... Ito ang batayan na dahilan ng Kanyang pamimighati: ang alaala tungkol sa kabataan ni Jesus, tungkol sa Kanyang pagmamahal para sa Kanya, tungkol sa Kanyang pagiging maingat, na natatakot din noon sa pinakamabuting hangin para sa Kanyang maliit na dibinong Sanggol, at tungkol sa pagkukumpara sa kung ano na ang nagawa sa Kanya ng mga tao ngayon.

Ang Kanyang lamentasyon ay napaghihirap ako. At noong umuungol sinasabi Niya: «Ano ang kanilang ginawa sa Iyo, Anak?», noong hindi matagalan na nakikita Siyang gayon, hubad, matigas, sa ibabaw ng isang bato, kinukuha Niya Siya sa Kanyang bisig, inilalagay ang Kanyang bisig sa ilalim ng mga balikat ni Jesus at idinidiin Siya sa Kanyang puso sa pamamagitan ng isang kamay at idinuduyan Siya, gumagalaw nang eksakto katulad noong sa gruta ng Natividad, ang Kanyang ginagawa ay napapaiyak at pinaghihirap ako, na tila may isang kamay na dumudurog sa aking puso.

--------------------

Oktubre 4, 1944.

³Ang teribleng espirituwal na pagkabalisa ni Maria.Mary's sorrow

Ang Ina ay nakatayo malapit sa bato ng pagpapahiran-ng-langis humahaplos, nagninilay, umuungol, umiiyak. Ang kumukurap na liwanag ng mga sulô ay napaliliwanagan ang Kanyang mukha paminsan-minsan, at nakakakita ako ng malalaking patak ng luha na bumababa sa mga pisngi ng Kanyang nawasak na mukha. At napapakinggan ko ang Kanyang mga salita. Ang bawat isa nito. Lahat nito, napakalinaw, bagama't binubulong sa pagitan ng Kanyang mga labì, isang tunay na pag-uusap ng kaluluwa ng isang ina sa kaluluwa ng Kanyang Anak. Ako ay sinabihan na isulat ito.

«Kaawa-awang Anak! Gaano karaming mga sugat!... Gaano ang Iyong ipinaghirap! Tingnan kung ano ang kanilang ginawa sa Iyo!... Gaano Ka kalamig, Anak! Ang Iyong mga daliri ay lamig ng yelo. At gaano ito kawalang-galaw! Tila ito ay bali-bali. Hindi kailanman, ni hindi kahit sa mahimbing na tulog ng isang sanggol, o sa mabigat na tulog pagkatapos ng pagtatrabaho ng isang artesano, ay ito napaka walang galaw... At papaano ito naging ganito! Kaawa-awang mga kamay! Aking mahal, Aking pag-ibig, Aking banal na pag-ibig, ibigay ito sa Iyong Ina! Tingnan kung gaano ito pinilas! Juan, tingnan kung anong butas! O! malulupit na tao! Narito, ibigay Mo sa Akin ang nasugatan na mga kamay Mong ito. Na sana malinisan Ko. O! Hindi Kita sasaktan... Gagamitin Ko mga halik at luha, at paiinitan Ko ito ng Aking hininga at ng Aking pagmamahal.

Haplusin Mo Ako, Anak! Ikaw ay lamig yelo, Ako ay umaapoy sa lagnat. Ang Aking lagnat ay mapapaginhawahan ng Iyong yelo, at ang Iyong yelo ay mapaiinitan ng Aking lagnat. Isang haplos Anak! Tanging ilang mga oras lamang mula nang huli Mo Akong nahaplos, at tila iyon ay napakatagal nang mga panahon sa Akin. Sa loob ng mga buwan Ako ay walang mga haplos Mo, at ito ay tila mga oras sa Akin, sapagkat lagi Akong naghihintay para sa Iyo na bumalik, at tinitingnan Ko ang bawat araw na isang oras, at bawat oras isang minuto, upang sabihin sa Aking Sarili na hindi Ka pa nawawala sa Akin nang isang buwan o mahigit, bagkus mga kaunting araw pa lamang, kaunting mga oras pa lamang. Bakit ang oras ay napakahaba ngayon? Ah! di-makataong pagpapahirap! Sapagkat Ikaw ay patay.

Pinatay Ka nila! Ikaw ay wala na sa Lupa! Wala na! Saan Ko man ipadala ang Aking kaluluwa upang hanapin ang Iyo at yakapin ito, sapagkat ang makita Ka, ang mapasaakin Ka, maramdaman ka ay ang búhay ng Aking katawan at ng Aking espiritu, saan Ka man  hanapin ng alon ng Aking pagmamahal, hindi na Kita makita, hindi na Kita makita pa. Wala ng Iyo ang naiwan sa Akin bagkus ang malamig na walang kaluluwang labi na ito!

O kaluluwa ng Aking Jesus, o kaluluwa ng Aking Kristo, o kaluluwa ng Aking Panginoon, nasaan Ka? O malupit na mga ayena na naisama kay Satanas, bakit ninyo kinuha ang kaluluwa ng Aking Anak? At bakit hindi ninyo Ako ipinako sa krus kasama Niya? Natakot ba kayong makagawa ng pangalawang krimen? (Ang Kanyang tinig ay palakas nang palakas at na mas pang makabagbag-damdamin). At ano sa inyo ang pumatay ng isang babae, sa dahilan na hindi kayo nag-alinlangan na pumatay ng Diyos na nagkatawang-tao? Hindi ba kayo nakagawa ng pangalawang krimen? At ang gawin ang isang ina na maiwan ng kanyang pinatay na anak hindi ba ang pinaka karumal-dumal na krimen?»

⁴Ang Ina, Na kasama ang Kanyang tinig ay itinaas din ang Kanyang ulo, ay ngayon niyuyukuan muli ang walang-buhay na mukha at nagsasalita sa mababang tinig, sa Kanya lamang: «Tayo man lamang sana ay nagkasama dito, sa libingan, katulad na nagkasama sana tayo sa aguniya sa krus, at nagkasama sa paglalakbay sa kabilang buhay at patungo sa Buhay. Ngunit kung hindi Kita masusundan sa paglalakbay sa kabilang buhay, makapananatili Ako rito naghihintay para sa Iyo.»

Itinutuwid Niya muli ang Kanyang Sarili at sinabi sa mga naroroon sa malakas na tinig: «Umalis kayo, lahat kayo. Mananatili Ako. Saraduhan ninyo Ako rito kasama Siya. Maghihintay Ako para sa Kanya. Anong sinasabi ninyo? Na hindi ito posible? Bakit hindi ito posible? Kung Ako ay namatay, hindi ba Ako mapupunta rito, nakahiga sa tabi Niya, naghihintay para isaayos? Mapupunta Ako sa tabi Niya, ngunit sa mga tuhod Ko. Ako ay naroroon noong Siya, isang maselan na malarosas na sanggol, ay umiyak isang gabi ng Disyembre. Ako ay naririto na ngayon, sa gabing ito ng mundo, na wala na ang Kristo. O! totoong gabi! Ang Liwanag ay wala na!... O lamig-yelo na gabi! Ang Pagmamahal ay patay na! Ano ang sinasabi mo, Nicodemus? Ako ay makukuntamina? Ang Kanyang Dugo ay hindi pagkukuntamina. Ako ay hindi nakuntamina kahit na noong pinanganak Ko Siya. Ah! Papaano Ka lumabas, Ikaw, Bulaklak ng Aking sinapupunan, nang hindi napupunit kahit na anong hibla, katulad na katulad ng isang bulaklak ng mabangong narcissus, na sumisibol mula sa kaluluwa ng matris na bulbo at lumalabas ang isang bulaklak kahit na kung ang yakap ng lupa ay hind sa matris. Isang pambirhen na pamumulaklak na maikukumpara sa Iyo, Anak, Na dumating sa pamamagitan ng makalangit na yakap at naipanganak sa pagkákalat ng makalangit na kaluwalhatian.»

Ngayon ang Ina na may durog-na-puso ay yumuyuko muli sa Kanyang Anak, hiwalay sa lahat na hindi ang Kanyang Anak, at bumubulong Siya nang unti-unti: «Ngunit naaalaala Mo ba, Anak, ang makalangit na pagpapakita ng kaningningan na pumuno sa lahat noong ang Iyong ngiti ay pinanganak sa mundo? Naaalaala Mo ba ang nagpapalugod na liwanag na pinadala ng Ama mula sa Langit upang mabalot ang misteryo ng Iyong pamumulaklak at matagpuan Mo ang madilim na mundong ito nang hindi masyadong nakapandidiri, dahil Ikaw ay ang Liwanag at Ikaw ay dumarating mula sa Liwanag ng Ama at ng Paraklitong Espiritu? At ngayon?... Ngayon kadiliman at lamig... Gaano kalamig! Ako ay pinanginginigan sa lahat. Mahigit pa ng gabi ng Disyembreng iyon. Pagkatapos naroon ang lugod na mapasa-Akin Ka upang painitan ang Aking puso. At mayroon Ka ng dalawang tao na nagmamahal sa Iyo... Ngayon... Ngayon Ako ay nag-iisa at Ako ay namamatay, din. Ngunit mamahalin Kita para sa dalawang tao: para sa mga nagmahal sa Iyo nang napakaliit na inabandona Ka nila sa sandali ng kapighatian; mamahalin Kita para sa mga napoot sa Iyo, mamahalin Kita para sa buong mundo, Anak. Hindi Mo mararamdaman ang ginaw ng mundo. Hindi. Hindi Mo mararamdaman ito. Hindi Mo pinunit ang Aking bituka upang maipanganak, ngunit nakahanda Akong punitin ito at ibalot Ka sa yapos ng Aking sinapupunan upang hindi Ka ginawin. Naaalaala Mo ba kung papaano Ka minahal ng Aking sinapupunan, Ikaw na maliit na pumipintig na embriyon?... Ito ay ang sinapupunan pa rin na iyon. O! Ito ay karapatan Ko at katungkulan Ko bilang isang Ina. Ito ang Aking hiling. Walang iba bagkus ang Ina ang magkakaroon nito, Na magkakaroon ng isang pagmamahal na kasing laki ng sansinukuban para sa Kanyang Anak.»

⁵Ang Kanyang tinig ay pataas nang pataas, at ngayon, nang lahat ng Kanyang lakas sinasabi Niya: «Lakad. Mananatili Ako. Babalik kayo pagkaraan ng tatlong araw at lalabas kami nang magkasama. O! ang makita ang mundo muli nakasandal sa Iyong bisig, Anak! Gaano magiging kaganda ang mundo sa liwanag ng Iyong nakabangon na ngiti! Ang mundo pinanginginigan sa mga yapak ng Panginoon nito! Ang Lupa ay nanginig nang ang kamatayan ay inalis ang Iyong kaluluwa at ang Iyong espiritu ay umalis mula sa Iyong puso. Ngunit ngayon ito ay manginginig... o! hindi na sa takot at pamumulikat, bagkus sa pamamagitan ng magiliw na tibok, na hindi Ko alam, ngunit naaaninag ng Aking pambabaeng paningin na nagpapanginig sa isang birhen kapag, pagkaraan ng pagkawala, napapakinggan niya ang yapak ng kanyang nobyo na dumarating para sa kasalan. Mas mahigit pa: ang Lupa ay manginginig nang may banal na pintig, katulad na Ako ay nayanig sa kalalim-laliman nang mapasa-Akin ang Panginoon Isa at Sang-tatlo sa loob Ko, at ang kalooban ng Ama sa pamamagitan ng apoy ng Pag-ibig ay nilikha ang binhi mula kung saan Ka nanggaling, binhi ng banal na Sanggol, Aking Anak, lahat Akin! Ang lahat ng Iyong Ina! Ng Iyong Ina!...

Ang bawat bata ay may ama’t ina. Ang isang anak-sa-labas din ay may ama’t ina. Ngunit nagkaroon Ka lamang ng Iyong Ina upang gawin ang Iyong laman ng rosas at liryo, upang gawin ang burdang mga ugat na ito, kasing asul ng ating mga ilog sa Galilee, at ang mga lábing ito ng granada, at ang buhok na it na mas mayumi pa kaysa sa olandesang balahibo ng mga kambing ng ating mga burol, at ang mga matang ito: dalawang maliliit na lawa ng Paraiso. Hindi, mahigit pa diyan, sila ang mga tubig na nanggagaling sa Bukod-tangi at  may-apat-na-bahaging Ilog ng Lugar ng Malaking Kaluguran, at dinadala nito, sa apat na mga sanga nito, ang ginto, onise, berilo at garing, at mga diyamante, at mga palmera, at pulot, at mga rosas, at walang hangganang mga kayamanan, o Pishon, Gihon, Tigris, Euphrates: daan para sa mga anghel na nagbubunyi sa Diyos, daan para sa mga hari na sumasamba sa Iyo, kilala o di-kilalang Esensiya, ngunit Nabubuhay at Naroroon sa kahit pinaka tagóng puso! Tanging ang Iyong Ina lamang ang gumawa niyan para sa Iyo, sa pamamagitan ng Kanyang ”oo”... pinorma Kita sa pamamagitan ng musika at pagmamahal, ginawa Kita sa pamamagitan ng kadalisayan at pagsunod, Aking Lugod!

⁶Ano ang Iyong puso? Ang apoy ng Akin, na nahahati upang maging ang korona sa paligid ng halik na binibigay ng Diyos sa Kanyang Birhen. Iyan kung ano ang Iyong puso. Ah! (Ang sigaw ay napaka makabagbag-damdamin na si Maria ng Magdala ay nagmadali upang tulungan Siya kasama si Juan. Ang ibang mga babae ay hindi naglalakas-loob na gumalaw at umiiyak at natatakpan ng mga belo, sila ay patagong tumitingin mula sa bunganga ng sepulkro).  Ah! biniyak nila ito! Iyan kung bakit napakalamig Mo, at Ako ay napakalamig! Wala na sa loob Mo ang apoy ng Aking puso, at hindi na Ako makapagpapatuloy na makapamuhay sa pamamagitan ng repleksiyon ng apoy na iyan, na sa Akin at Aking binigay sa Iyo upang magawa ang Iyong puso. Naririto, naririto, naririto, sa Aking dibdib! Bago ang kamatayan ay patayin Ako, gusto Kitang painitan, gusto Kitang iduyan. Madalas Kong awitin sa Iyo: “Walang bahay, walang pagkain, walang iba bagkus kapighatian”. O propetikong mga salita! Kapighatian, kapighatian, kapighatian para sa Iyo, para sa Akin! Madalas Kong awitin sa Iyo: “Matulog, matulog sa Aking puso” Ngayon din: dito, dito, dito...», At nakaupo sa gilid ng bato, kinukuha Niya Siya sa Kanyang lapi, inilalagay ang isang kamay ng Kanyang Anak paikot sa Kanyang mga balikat, pinapatong ang ulo ni Jesus sa Kanyang balikat, at isinasandal ang Kanyang ulo sa ulo ng Kanyang Anak, hinahawakan Siyang malapit sa Kanyang dibdib, inuugoy at hinahalikan Siya, durog ang puso at makabagbag-damdamin.

⁷Si Nicodemus at si Jose ay nilalapitan Siya, ibinababa ang mga plorera at mga bendahe, at ang malinis na Shroud, at isang palanggana ng tubig, sa palagay ko, at kung ano ang tila bulak na mga pantapal, sa ibabaw ng isang klase ng upuan, na nasa kabila ng bato.

Si Maria ay napuna ito at nagtanong sa malakas na tinig: «Ano ang ginagawa ninyo? Ano ang gusto ninyo? Ang ihanda Siya? Para saan? Pabayaan Siya sa lapi ng Kanyang Ina. Kung magtagumpay Ako sa pagpapainit sa Kanya, mas maaga Siyang babangon. Kung magtagumpay Ako sa pag-aaliw sa Ama at sa pagpapaginhawa sa Kanya para sa pagpatay-sa-diyos na kapootan, ang Ama ay magpapatawad nang mas maaga, at Siya ay babalik nang mas maaga.»  Ang Namimighating Ina ay halos nahihibang.

«Hindi Ko Siya ibibigay sa inyo! Binigay Ko Siya nang minsan, binigay Ko Siya nang minsan sa mundo, at ang mundo ay ayaw sa Kanya. Pinatay Siya nito, sapagkat ayaw nito sa Kanya. Ngayon hindi Ko na Siya ibibigay pa ulit! Anong sinasabi ninyo? Na minamahal ninyo Siya? Siyempre! Kung gayon, bakit hindi ninyo Siya pinagsanggalang? Naghintay kayo, na sabihin na minamahal ninyo Siya, hanggang hindi na Niya kayo mapakinggan. Anong kaawa-awang pagmamahal ang inyo! Ngunit kung kayo ay takot na takot sa mundo na hindi kayo naglakas-loob na ipagsanggalang ang inosente, sana ibinalik man lamang ninyo Siya sa Akin, sa Kanyang Ina, upang sana naipagsanggalang Niya ang Kanyang Anak. Nalalaman Niya kung sino Siya, at kung ano ang karapat-dapat sa Kanya. Kayo!... napasainyo Siya bilang inyong Guro, ngunit wala kayong natutunan kahit ano. Hindi ba’t iyan ang totoo? Ako ba kaya ay nagsisinungaling? Ngunit hindi ba ninyo nakikita na kayo ay hindi naniniwala sa Kanyang Resureksiyon? Pinaniniwalaan ninyo ito? Hindi. Baka kayo nakatayo diyan, naghahanda ng mga bendahe at mga pampabango? Sapagkat tinitingnan ninyo Siya na isang kaawa-awang patay na tao, malamig ngayon, bulok bukas, at iyan kung bakit gusto ninyo Siyang iimbalsamo.

⁸Iwanan ninyo ang mga pomada. Halikayo at sambahin ang Tagapagligtas nang may purong mga puso ng mga pastol ng Bethlehem. Tingnan: sa Kanyang tulog Siya ay isa lamang na napagod at nagpapahinga. Gaano Siyang nagtrabaho sa Kanyang panahon ng pamumuhay! Nagtrabaho Siya nang lalo at lalo pa, hindi na babanggitin ang huling mga oras na ito!... Ngayon Siya ay nagpapahinga. Hanggang sa ganang Akin, Kanyang Ina, Siya ay walang iba bagkus isang malaking Bata na napagod at natutulog. Ang Kanyang kama at silid ay talagang miserable! Ngunit ni hindi rin maganda kahit na ang Kanyang unang banig, o ang Kanyang unang tirahan mas maganda. Ang mga pastol ay sinamba ang Tagapagligtas sa Kanyang tulog bilang isang sanggol. Sambahin ang Tagapagligtas sa Kanyang tulog bilang ang Nakatalo kay Satanas. Pagkatapos, katulad ng mga pastol, lakad at sabihin sa mundo: “Kaluwalhatian sa Diyos! Ang kasalanan ay patay na! Si Satanas ay natalo na. Kapayapaan sa Lupa at sa Langit sa pagitan ng Diyos at tao!” Ihanda ang mga daan para sa Kanyang pagbabalik. Pinadadala Ko kayo, Ako, Na dahil sa Maternidad ay ginagawang ang Babaeng Pari ng ritwal. Lakad. Sinabi Ko na ayaw Ko niyan. Nahugasan Ko na Siya ng Aking mga luha. At sapat na iyon. Ang iba pa ay hindi kinakailangan. At huwag isipin na ilalagay ninyo iyan sa Kanya. Mas madali Siyang makakabangon kung Siya ay malaya sa walang-silbing paglilibing na mga bendaheng iyan.

Bakit mo Ako tinitingnan nang ganyan, Jose? At ikaw, Nicodemus? Ang kakilabutan ba ng araw na ito ay nagawa kayong mga utal o walang pag-iisip? Hindi ba ninyo naaalaala? “Ang masama at mapangalunyang henerasyon na ito, na humihingi ng tanda, ay hindi bibigyan ng iba pang tanda bagkus ang tanda ni Jonah... Kung gayon ang Anak ng tao sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi ay mapupunta sa puso ng Lupa”. Hindi ba ninyo naaalaala? “Ang Anak ng tao ay isusuko sa kapangyarihan ng mga tao, na papatay sa Kanya, ngunit sa ikatlong araw Siya ay babangon muli”. Hindi ba ninyo naaalaala? “Sirain ang Templong ito ng totoong Diyos at sa loob ng tatlong araw itatayo Ko ito” O mga tao, ang Templo ay ang Kanyang Katawan. Iniiling ba ninyo ang inyong mga ulo? Nahahabag ba Kayo sa Akin? Sa akala ba ninyo Ako ay baliw? Ano? Ibinangon Niya ang patay at hindi Niya maibabangon ang Kanyang Sarili? ⁹Juan?»

«Inay!»

«Oo, tawagin mo Akong “inay”. Hindi Ako mabubuhay iniisip na hindi Ako tatawagin nang ganyan! Juan, naroroon ka noong ibinangon Niya ang bata-pang anak na babae ni Jairus at ang binata ng Nain mula sa kamatayan. Sila ay totoong patay na, hindi ba? Iyon ay hindi lamang malalim na tulog? Sabihin sa Akin.»

«Sila ay patay. Ang batang babae ay patay na nang dalawang oras, ang binata isang araw at kalahati.»

«At sila ba ay bumangon sa utos Niya?»

«Sila ay bumangon sa utos Niya.»

«Napakinggan ba ninyo iyon? Kayong dalawa, napakinggan ba ninyo? Ngunit bakit ninyo iniiling ang inyong mga ulo? Ah! baka iniisip ninyo na mas madaling bumalik ang buhay sa mga inosente at mga bata pa. Ngunit ang Aking Bata ay ang Inosente! At Siya ay ang Laging Bata-pang Isa. Siya ay Diyos, ang Aking Anak!...» Nang may naghihirap na nilalagnat na mga mata tinitingnan ni Maria ang dalawang tagapaghanda, na, nalulungkot ngunit hindi nababago, ay inilalatag na ang mga rolyo ng mga bendahe na naibabad na sa mga pampabango.

Si Maria ay humakbang nang dalawa. Naibaba na Niyang muli ang Kanyang Anak sa bato nang may kaselahan ng isa na nagbaba ng isang bagong panganak sa isang kuna. Humakbang Siya nang dalawa, yumuko Siya sa paanan ng paglilibing na higaan, kung saan si Maria ng Magdala ay umiiyak nang nakaluhod, hinawakan Niya siya sa balikat, inuuga siya at tinatawag siya: «Maria. Sabihin sa Akin. Ang mga taong ito ay iniisip na si Jesus ay hindi makakabangon mula sa kamatayan, sapagkat Siya ay isang tao at namatay Siya gawa ng mga sugat. Ngunit hindi ba’t ang iyong kapatid ay mas matanda kaysa sa Kanya?»

«Oo, mas matanda siya.»

«Hindi ba’t siya ay isang malaking sugat?»

«Oo, siya nga.»

«Hindi ba’t siya ay bulok na bago ibinaba sa kanyang sepulkro?»

»Oo, siya nga.»

«At hindi ba’t bumangon siya mula sa kamatayan pagkaraan ng apat na araw ng asphyxia at ng pagkabulok?»

«Oo, siya nga.»

«Kung gayon?»

¹⁰Nagkaroon ng isang  grabeng katahimikan. Pagkatapos ang isang di-makataong atungal. Si Maria ay sumusuray, dinidiin ang Kanyang kamay sa Kanyang dibdib. Sinusuportahan nila  Siya. Tinatanggihan Niya sila. Tila pinalalayo Niya ang mahabagin na mga tao. Sa katunayan pinalalayo Niya kung ano ang Siya lamang ang nakakakita. At Siya ay sumisigaw: «Atras! Atras, ikaw na malupit na isa! Hindi ang paghihiganti na ito! Manahimik! Ayaw kitang mapakinggan! Manahimik! Ah! kinakagat niya ang Aking puso!»

«Sino, Inay?»

«O Juan! Ito ay si Satanas! Si Satanas ang nagsasabi: “Siya ay hindi babangon. Walang propeta ang nagsabi ng ganyan”. O Kataastaasang Diyos! tulungan Ako lahat kayo, mabubuting espiritu, at kayo mahabagin na mga tao! Ang Aking pangangatwiran ay umaandap-andap! Wala na Akong maalaalang kahit ano pa. Ano ang sinasabi ng mga propeta? Ano ang sinasabi ng Salmo? O! Sino ang mag-uulit sa Akin ng mga pasahe na nagsasalita ng tungkol sa Aking Jesus?»

Ito ay si Maria ng Magdala na sa kanyang mahimig na tinig ay winiwika ang salmo ni David tungkol sa Pasyon ng Mesiyas.

Si Maria ay umiiyak nang mas mapait, suportado ni Juan, at ang Kanyang mga luha ay bumabagsak sa Kanyang patay na Anak, binabasa Siya nang ganap. Si Maria ay napuna ito at pinupunasan Siya nagsasabi sa mababang tinig: «Napakaraming mga luha. At noong Ikaw ay uhaw na uhaw hindi Kita mabigyan ng kahit isang patak. At ngayon... Nababasà Kita nang ganap! Nagmumukha Kang isang palumpong sa ilalim ng mabigat na hamog. Narito, ang Iyong Ina ay patutuyuin Ka na ngayon, Anak! Natikman Mo ang labis na kapaitan at ang asin ng mga luha ng Iyong Ina ay bumabagsak sa Iyong nasugatang mga labì!...»

Pagkatapos sa malakas na tinig tumatawag Siya: «Maria. Si David ay hindi nagsasabing... Alam mo ba si Isaiah? Ulitin ang kanyang mga salita...»

si Maria ng Magdala ay inuulit ang pasahe sa Pasyon at nagtatapos siya nagsasabi nang may isang hikbi: «... Isunuko Niya ang Kanyang buhay sa kamatayan at Siya ay tiningnan na isang makasalanan, Siya Na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo at nanalangin para sa mga nagkasala.»

«O! Manahimik! Kamatayan hindi! Hindi dinala sa kamatayan! Hindi! Hindi! O! ang inyong kakulangan ng pananampalataya, nakikipag-alyansa sa panunukso ni Satanas, ay nagagawa ang Aking puso na magduda! At kailangan bang hindi Kita paniwalaan, Anak? Kailangan Ko bang hindi paniwalaan ang Iyong banal na Salita?! O! sabihan ang Aking kaluluwa! Magsalita. Mula sa malalayong dalampasigan, kung saan Ka pumunta upang mapalaya ang mga naghihintay para sa Iyong pagdating, papuntahin Mo ang tinig ng Iyon kaluluwa sa Aking nananabik na kaluluwa, sa Akin na naririto, ganap na bukas upang tanggapin ang Iyong tinig. Sabihin sa Iyong Ina na Ikaw ay babalik! Sabihin: “Sa ikatlong araw Ako ay babangon mula sa kamatayan”. Nakikiusap Ako sa Iyo, Anak at Diyos! Tulungan Akong maprotektahan ang Aking Pananampalataya. Si Satanas ay dinudurog ito sa loob ng kanyang mga rolyo upang sakalin ito. Si Satanas ay inalis ang kanyang bunganga ng isang ahas mula sa laman ng tao, sapagkat nailayo Mo sa kanya ang biktimang iyan, at ngayon sa pamamagitan ng kanyang nakakilong nakakalason na mga ngipin kinakagat niya ang laman ng Aking puso pinaparalisa ang pagtibok nito, ang lakas nito at ang init. Diyos! Diyos! Diyos! Huwag Akong pahintulutan na maging mapagduda! Huwag pahintulutan na ang pagdududa na papagyeluhin Ako! Huwag pahintulutan si Satanas na maging malaya na dalhin Ako sa pagkawalang-pag-asa! Anak! Anak! Ilagay ang Iyong kamay sa Aking puso. Mapalalayas niyan si Satanas. Ipatong ito sa Aking ulo. Madadala niyan pabalik dito ang Liwanag. Pabanalin ang Aking mga labì sa pamamagitan ng isang haplos, upang mapalakas ito na masabi: “Naniniwala Ako” kahit laban sa isang buong mundo na hindi naniniwala. O! Gaanong nakalulungkot ang hindi maniwala! Ama! Ang mga hindi naniniwala ay kailangan na mapatawad nang labis. Sapagkat kapag ang isa ay hindi na naniniwala... kapag ang isa ay hindi na naniniwala... ang lahat na kakilabutan ay nagiging madali. Sinasabi Ko sa Inyo... Ako, Na dinadanas ang pagpapahirap na ito. Ama, maawa sa walang pananampalataya! Banal na Ama, alang-alang sa Biktimang ito Na natupok na, at sa Akin, isang biktima na tinutupok pa, bigyan sila, ibigay sa walang –pananampalataya ang Inyong pananampalataya!»

¹¹Isang matagal na katahimikan.

Si Nicodemus at si Jose ay kinawayan si Juan at si Maria ng Magdala. «Halika, Ina.» si Maria ng Magdala ang nagsabi nang ganito, sinusubukan na mailayo si Maria mula sa Kanyang Anak at upang mapaghiwalay ang mga daliri ni Jesus na nakasalabid sa mga daliri ni Maria, Na hinahalikan ito nang umiiyak.

Ang Ina ay itinutuwid ang Sarili. Siya ay kahanga-hanga. Sa huling pagkakataon inuunat Niya ang kaawa-awang walang-dugong mga daliri at ibinababa ang walang-galaw na kamay sa tabi ng katawan. Pagkatapos ibinaba Niya ang Kanyang mga kamay patungo sa lupa, at tumatayo nang matuwid, ang Kanyang ulo nakatingala nang kaunti, Siya ay nagdarasal at nag-aalay. Wala ni isang salita ang naririnig. Ngunit mula sa Kanyang buong hitsura maliwanag na Siya ay nagdarasal. Siya ay talagang ang Babaeng Pari sa altar, ang Babaeng Pari sa sandaling ito ng pag-aalay. « Offerimus praeclarae majestati tuae de tuis donis, ac datis, hostiam puram, hostiam sanctam, hostiam immaculatam… »

burial 1

Pagkatapos Siya ay tumalikod at nagsabi: «Maaari na kayong magpatuloy. Ngunit Siya ay babangon mula sa kamatayan. Walang kabuluhan na kayo ay di-nagtitiwala sa Aking rason at na kayo ay bulag sa katotohanan na sinabi Niya sa inyo. Walang kabuluhan na si Satanas ay nagsisikap na maglatag ng patibong sa Aking pananampalataya. Upang matubos ang mundo ang pagpapahirap na binibigay sa Akin ni Satanas ay kinakailangan din. Ipinaghihirap Ko ito at inaalay Ko ito para sa mga tao sa hinaharap. Paalam, Anak! Paalam, Aking Sanggol! Paalam, Aking maliit na Bata! Paalam... Paalam... Banal... Mabuti... Minamahal at kamahal-mahal... Kagandahan... Lugod... Pinagmumulan ng kalusugan... Paalam... Sa Iyong mga mata... sa Iyong mga labì... sa Iyong ginintuan na buhok... sa Iyong naninigas na mga galamay... sa Iyong pinaglagusan na puso... o! sa Iyong pinaglagusan na puso... Aking halik... Aking halik... Aking halik... Paalam... Paalam... Panginoon! Maawa sa Akin!»

--------------------

(Pebrero 19, 1944).

¹²Ang dalawang tagapaghanda ay nakatapos sa paghahanda sa mga bendahe.

Sila ay pumunta sa mesa at inalisan din nila si Jesus ng Kanyang belo. Nagpadaan sila ng isang espongha o isang linen na tela, sa katawan sa isang napakabilis na paghahanda sa mga galamay na may tumutulo mula sa iba't ibang parte. Pagkatapos nagwisik sila ng mga ungguwento sa lahat ng Katawan. Sa katunayan tinabunan nila ito ng pomada. Una binuhat nila ito, nililinis din ang tablang bato, kung saan kanilang inilatag ang Shroud, ang mahigit kalahati nito ay nakabitin mula sa ulo ng hinihigaan. Pagkatapos inihiga Siya ulit, sa Kanyang dibdib, at ikinalat ang mga ungguwento sa lahat ng Kanyang likod, mga binti at mga paa, sa lahat ng panlikuran at panghulihan. Pagkatapos itinihaya nila Siya nang maingat, binabantayan na ang pomada ng mga pampabango ay hindi naaalis, at nagkalat din sila sa harapan, una sa pinakakatawan, pagkatapos sa mga galamay. Una sa mga paa, pagkatapos sa mga kamay, na kanilang pinagsama sa may bandang ibaba ng tiyan.

Ang halo ng mga pampabango ay maaaring kasing lagkit ng dagta, sapagkat nakikita ko na ang Kanyang mga kamay ay nananatiling nasa lugar, samantalang kanina ito ay laging dumadalusdos pababa dahil sa bigat ng patay na mga galamay. Ang Kanyang mga paa ay hindi dumadalusdos. Nananatili itong nasa lugar: ang isa ay mas tuwid, ang isa mas banat.burial 3

Ang Kanyang ulo ay ang hu8li. Pagkatapos na pahiran ito nang maingat, upang ang mga palatandaan nito ay nawawala sa ilalim ng ungguwento, tinalian nila ng bendahe ang babà upang mapanatiling sarado ang bunganga. Si Maria ay mas umuungol nang malakas.

Pagkatapos kanilang kinuha ang nakabitin na bahagi ng Shroud at inilupi ito sa ibabaw ni Jesus. Siya ay nawala sa ilalim ng makapal na tela ng Shroud. Ito ay wala bagkus isang porma na nababalot ng isang tela.

Si Jose ay tinitiyak na ang lahat ay nasa ayos at sa ibabaw ng Mukha siya ay naglatag ng isa pang linen na sudarium at iba pang nakakatulad na tela, katulad ito ng isang malapad na rektanggulong mga piraso, na inilalagay mula sa kanan hanggang sa kaliwa, sa ibabaw ng Katawan, ginagawa ang Shroud na nakalapat sa Katawan. Ito ay hindi ang tipiko na paghahanda katulad ng makikita sa mga momya at sa resureksiyon ni Lazarus. Ito ay isang basta’t maihanda lamang sa pagmamadali.

Si Jesus ay ganap nang napawalang-bisa. Kahit na ang Kanyang hugis ay nakakalito sa ilalim ng mga linen. Nagmumukha itong isang mahabang tambak ng mga damit, mas makipot sa mga dulo at mas malapad sa gitna, inihiga sa abuhin na bato. Si Maria ay umiiyak nang mas malakas.

--------------------

(Oktubre 4, 1944)

jesus sinasabi

¹³Sinasabi ni Jesus:

«At ang pagpapahirap ay nagpapatuloy nang may paminsan-minsan na mga pag-aatake hanggang sa bukang-liwayway ng Linggo. Sa Aking Pasyon nagkaroon lamang Ako ng isang panunukso. Ngunit ang Ina, ang Babae, ay nagbayad-sala sa katauhan ng babae, nagkasala, nang makailang beses, ng bawat kasamaan. At si Satanas ay walang-awang kumilos nang walang-hangganang kalupitan sa kongkistadora.

Si Maria ay natalo siya. Ang pinaka masamang panunukso para kay Maria. Panunukso laban sa laman ng Ina. Panunukso laban sa puso ng Ina. Panunukso laban sa espiritu ng Ina. Ang akala ng mundo ang Aking Panunubos ay nagtapos sa pamamagitan ng Aking huling hininga. Hindi, hindi ito natapos dito. Ang Ina ay kinumpleto ito idinadagdag ang Kanyang tripleng pahirap upang matubos ang tripleng pagkiling sa pagkakasala, nakikibaka sa loob ng tatlong araw laban kay Satanas, na sinusulsulan Siyang ipagkaila ang Aking salita at huwag maniwala sa Aking Resureksiyon. Si Maria lamang ang nagpatuloy na maniwala. Siya ay dakila at pinagpala rin dahil sa pananampalatayang iyon.

Nalaman mo rin ang tungkol diyan. Isang pahirap na tumutugon sa Aking pahirap sa Gethsemane. Ang mundo ay hindi maiintindihan ang pahinang ito. Ngunit “ang mga nasa mundo nang hindi nagiging nasa mundo” ay makaiintindi at magkakaroon sila ng isang napalaking pagmamahal para sa Namimighating Ina. Iyan kung bakit Ko binigay ito. Humayo sa kapayapaan kasama ang aming pagpapalà.»

260912

 

 

 



¹ Mga kompartimento – RLB.

² Yung bumabalot sa puso – RLB.

³ Kung saan pumasok ang sibat - RLB



Sunod na kabanata