607. Ang Pagbalik sa Silid ng Hapunan.

Marso 28, 1945.

¹Si Jose ng Arimathea ay pinatay ang isa sa mga sulô, tinitingnan niya ang paligid sa huling pagkakataon at lumabas patungo sa bunganga ng sepulkro, hinahawakan nang mataas ang natitirang sulô na may apoy pa.

Si Maria ay yumuko muli upang halikan ang Kanyang Anak sa pamamagitan ng ibabaw ng mga nakabalot kay Jesus. Gusto Niyang gawin ito nang pinipigilan ang Kanyang pamimighati, bilang isang porma ng paggalang para sa Labí, na, bilang naimbalsamo na, ay hindi na Kanya. Ngunit nang Siya ay malapit na sa natatakpang mukha, hindi Niya napigilan ang Kanyang Sarili at bumalik Siya muli sa krisis ng kasawian.

Binuhat Siya nila nang may kahirapan at nang mas lalo pang may-kahirapan na Siya ay inilayo nila mula sa pinaglibingan na higaan. Inayos nilang muli ang mga tela na naguló, at binubuhat Siya kaysa sinusuportahan, inalis nila ang kaawa-awang Ina, Na umaalis nang lumilingon upang tingnan ang Kanyang Jesus, Na naiwan nang nag-iisa sa loob ng madilim na sepulkro..

Pumunta sila sa tahimik na hardin ng mga gulay sa liwanag ng gabi. Ang malabong liwanag, na naging malinaw na pagkatapos ng trahedya sa Golgotha, ay dumidilim na, habang lumalalim ang gabi. At sa loob nito, sa ilalim ng makapal na mga sanga, bagama't wala pang mga dahon at adornado lamang ng puting-rosas na mga buko ng namumulaklak na mga puno ng mansanas, kakaibang nahuhuli rito sa lootan ni Jose, samantalang sa ibang mga lugar ang mga puno ay ganap nang natatakpan ng mga pamumulaklak pinakikita ang kanilang maliliit na bunga, ay mas madilim kaysa sa ibang mga lugar.

²Pinagugulong nila ang mabigat na bato ng sepulkro sa puwesto nito. Ang ilang mahabang mga sanga ng isang nagulong palumpong ng rosas na nakabitin mula sa tuktok ng gruta patungo sa lupa ay tila kumakatok sa batong pinto nagsasabing: «Bakit ka nagsasara sa harapan ng isang inang umiiyak?» At sila ay tila lumuluha ng mga patak ng dugo, dahil pinalalabas nila ang katas ng pulang petalo at ang kanilang mga korola ay nakaratay sa tabi ng maitim na bato, at ang saradong mga buko ay kumakatok sa walang-tinag na pinto.

Ngunit hindi pa nagtatagal mas marami pang dugo ang nagmamantsa sa pinto ng sepulkro at mas marami pang luha ang nagbabasâ dito. Si Maria, Na magpahanggang ngayon sinusuportahan ni Juan at kanina pa umiiyak nang tahimik, ay pinalaya ang Sarili mula sa apostol at sa pamamagitan ng isang sigaw, na sa palagay go nagawa ang mga hibla ng mga tanim na manginig, itinapon ang Kanyang Sarili sa pamasukan, hinawakan ang nakausling bato upang pagalawin ito, nagagalusan Niya ang Kanyang mga daliri at nababali ang Kanyang mga kuko nang hindi nagtatagumpay at pinagagalaw ang magaspang na bato kahit na ng Kanyang ulo. At ang Kanyang iyak ay katulad ng atungal ng isang babaeng leon na nasugatan ang kanyang sarili sa nakikipaglaban malapit sa bitag kung saan ang kanyang maliliit na anak ay nasaraduhan, bilang naaawa at nagwawala dala ng makainang pagmamahal.

Wala nang natira sa Kanya ng mapagpakumbabang birhen ng Nazareth, na mapasensyang babae, na kilala magpahanggang ngayon. Siya ay ang ina. Tangi at simple lang na isang ina, nakakabit sa kanyang anak sa pamamagitan ng lahat na mga hibla at nerbiyo ng kanyang katawan at ng kanyang pagmamahal. Siya ay ang totoong «sinyora» ng katawan na iyon, na kanyang pinanganak, ang tanging sinyora pagkatapos ng Diyos, at ayaw Niyang mapagnakawan Siya ng Kanyang pag-aari. Siya ay ang «reyna» na ipinagtatanggol ang Kanyang korona: ang Kanyang Anak.

Ang lahat na pagrerebelde at pagrerebeldeng mga gawain na sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon ang ibang mga babae ay maaaring nagkaroon laban sa kawalang-katarungan ng mundo para sa kanyang anak, ang lahat na banal at legal na kabangisan na maaaring maramdaman ng ibang mga babae sa loob ng huling mga oras na iyon at patayin ang mga pumatay sa kanyang anak sa pamamagitan mismo ng kanyang sariling mga kamay at mga ngipin, ang lahat na mga pakiramdam na iyan, na dala ng Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan ay Kanyang pinipigilan, ay ngayon gumagalaw sa loob ng Kanyang puso, ito ay kumukulo sa Kanyang dugo at, mapagpakumbabang katulad Niya kahit na sa Kanyang pamimighati na nagagawa Siyang mahibang, Siya ay hindi nanunumpa, hindi Siya nagrerebelde. Nakikiusap lamang Niya sa bato na tumabi, upang makapasok Siya, sapagkat ang Kanyang lugar ay doon sa loob, kung saan naroroon si Jesus. Hinihingi lamang Niya sa mga lalaki, na walang-awa sa kanilang pagkaawa, na sundin Siya at buksan ang sepulkro.

Pagkatapos na hampasin at mantsahan ang di-nagbibigay na bato ng dugo ng Kanyang mga labì at mga kamay, Siya ay tumalikod, sinandalan ito na ang Kanyang mga kamay nakaunat papalabas, hinahawakan muli ang dalawang gilid ng bato, at maringal sa Kanyang mahestad ng Our Lady of Sorrows, nag-utos Siya: «Buksan ito! Ayaw ninyong buksan? Bueno, mananatili Ako rito. Hindi sa loob? Bueno, rito, sa labas. Naririto ang Aking tinapay at Aking higaan. Naririto ang Aking tirahan. Wala Akong ibang tahanan, walang ibang pakay. Makakaalis na kayo. Bumalik sa mundo na nakakasuklam. Mananatili Ako kung saan walang kasabikan o amoy ng dugo.»

«Hindi maaari, Babae!»

«Hindi maaari, Ina!»

«Hindi maaari, Maria, mahal ko!»

At sinusubukan nilang alisin ang Kanyang mga kamay sa bato, habang sila ay natatakot ng mga matang iyon, na hindi pa nila nakita kailanman dati na kumikislap sa pamamaraan na nagmumukha itong matigas at di-mapahihindian, makintab, nagliliwanag.

³Ang mababa-ang-loob ay hindi arogante, at ang mapagpakumbaba ay hindi nagpupumilit sa pagmamataas... At ang nagngangalit na kalooban at makaharing utos ni Maria ay kaagad nawala, Ang Kanyang mga mata ay naging mapagpakumbaba muli, katulad ng mga mata ng pinahihirapan na kalapati, ang Kanyang mga kilos ay hindi na mapaghari-harian at itinutungo Niya ang Kanyang ulo sa nakikiusap na hitsura, at pinagkakabit ang Kanyang mga kamay Siya ay nakikiusap sa kanila: «O! Iwanan Ako! Alang-alang sa inyong yumao nang mga kapatid, alang-alang sa mga nabubuhay na minamahal ninyo, maawa sa isang kaawa-awang ina!... Pakiramdaman... Pakiramdaman ang Aking puso. Nangangailangan ito ng kapayapaan upang tumigil sa pagpintig nang malakas. Nagsimula itong pumintig nang gayon doon, sa Kalbaryo. Ang pamukpok ay tunog nang tunog ng bang, bang... at ang bawat bagsak ay sinusugatan ang Aking Sanggol... at ang bawat bagsak ay umaalingawngaw sa Aking utak at sa Aking puso... at ang Aking ulo ay puno ng mga bagsak na iyon, at ang Aking puso ay pumipintig nang mabilis, katulad ng ginawa ng mga hampas na iyon sa mga kamay at mga paa ng Aking Jesus, ng Aking maliit na Jesus... Aking Sanggol! Aking Sanggol!...»

Siya ay napangingibabawan muli ng Kanya ng pahirap, na tila napatigil pagkatapos ng Kanyang panalangin sa Ama malapit sa mesa ng pagpapahid-ng-langis. Lahat sila ay umiiyak.

«Hindi Ako kailangan na makarinig ng mga sigaw o mga bagsak. Ang mundo ay puno ng mga tinig at mga ingay, ang bawat tinig ay sa Akin katulad ng “malakas na sigaw” na nagpakurta sa dugo sa Aking mga ugat, at ang bawat ingay ay nakakatulad ng ingay ng pamukpok na tumatama sa mga pako. Hindi Ako kailangan na makakita ng mga mukha ng mga tao. At ang mundo ay puno ng mga mukha... Sa loob ng halos labindalawang oras nakakakita lagi Ako ng mga mukha ng mga mamamatay-tao... si Judas... ang mga berdugo... ang mga pari... ang mga Judaean... Lahat sila ay mamamatay-tao, lahat sa kanila!... Lumayo kayo!... Lumayo kayo... Ayaw Ko nang makakita ng sinuman ulit... Sa bawat tao ay may isang lobo at isang ahas. Ang tao ay nakapagpapasuklam at nakapananakot sa Akin... Iwanan Ako rito, sa ilalim ng tahimik na mga punungkahoy na ito, sa mabulaklak na damong ito... Bago magtagal ang mga bituin ay magsisimula nang magningning... Sila ay naging laging Kanyang mga kaibigan at Akin... Kagabi sinamahan nila kami sa aming malungkot na aguniya... Nalalaman nila ang napakaraming mga bagay... Sila ay nanggaling sa Diyos... O! Diyos! Diyos!...» Siya ay umiiyak at lumuhod. «Kapayapaan, Aking Diyos! Ako ay naiwanan ng wala bagkus sa Inyo!»

«Halika, aking anak. Ang Diyos ay bibigyan Ka ng kapayapaan. Ngunit halika. Bukas ay ang Sabbath ng Paskuwa. Hindi kami makapupunta at dalhan Ka ng pagkain...»

«Wala! Wala! Ayaw Ko ng kahit anong pagkain! Ang gusto Ko ay ang Aking Anak! Patatahimikin Ko ang Aking gutom sa pamamagitan ng Aking kapighatian, papawiin Ko ang Aking uhaw sa pamamagitan ng Aking mga luha... Dito... Naririnig ba ninyo kung papaano ang may-sungay na kuwago umiiyak? Iyan ay umiiyak kasama Ko, at bago magtagal ang mga ruwinsensor ay iiyak. At bukas, sa sikat ng araw, ang mga wood-lark at mga blackcap at lahat na mga ibon na minamahal Niya ay iiyak, at ang mga kalapati ay sasama sa Akin upang kumatok sa batong ito at magsasabi: “Bangon, aking pag-ibig, at halika! Pag-ibig, Na nasa loob ng malaking bitak ng bato, sa taguang-lugar sa bangin, tingnan ko ang Inyong mukha, pakinggan ko ang Inyong tinig”. Ah! Ano ba ang Aking sinasabi! Sila rin, ang masasamang mamamatay-tao, ay tinawag Siya sa pamamagitan ng salita ng Kantiko! Oo, halikayo, mga anak na babae ng Herusalem, upang tingnan ang inyong Hari na may diyadema na ikinorona sa Kanya ng Kanyang Amangbayan sa araw ng Kanyang kasal sa Kamatayan, sa araw ng Kanyang pananagumpay bilang Tagapagtubos!»

«Tingnan, Maria! Ang mga guwardiya ng Templo ay dumarating. Tayo na, upang hindi sana nila Kayo hamakin.»

«Ang mga guwardiya? Hamakin? Hindi. Sila ay mga duwag. Oo, duwag. At kung Ako, nakakatakot sa Aking kapighatian, ay magmartsa laban sa kanila, tatakbo sila katulad ni Satanas sa harapan ng Diyos. Ngunit hindi Ko nakakalimutan na Ako si Maria... at hindi Ako hahampas katulad na may karapatan Ako. Ako ay magiging mabait... at ni hindi nila Ako makikita. At kung makita nila Ako at tanungin Ako: “Ano ang gusto Ninyo?”, sasabihin Ko sa kanila: “At karidad na mapabayaan na malanghap ang may pabangong hangin na lumalabas mula sa bitak na ito”. Sasabihin Ko: “Sa ngalan ng inyong mga ina”. Ang lahat ay may ina... ang nakakaawang magnanakaw din ay iyan ang sinabi...»

«Ngunit ang mga taong ito ay mas malala pa kaysa sa mga magnanakaw. Iinsultuhin nila Kayo.»

«O!... At mayroon pa bang insulto na hindi Ko pa nalalaman, pagkatapos ng araw ngayon?»

⁴si Maria ng Magdala ang nakakita ng isang rason na makapagpapalambot sa Namimighating Ina na maging masunurin. «Kayo ay mabait. Kayo ay banal, at naniniwala Kayo, at Kayo ay malakas. Ngunit ano kami?... Nalalaman Ninyo ang tungkol dito! Ang karamihan ay tumakbo. Ang mga natira ay nanginginig. Ang pagdududa, na nasa amin na, ay madadaig kami. Kayo ay ang Ina. Hindi lamang na may katungkulan Kayo at karapatan sa Inyong Anak, bagkus may mga katungkulan din Kayo at mga karapatan sa mga pag-aari ng Inyong Anak. Kailangan na sumama Kayo sa amin, sa pagitan namin, upang ipunin kaming lahat, upang tiyakin muli sa amin, upang ilagay ang Inyong pananampalataya sa amin. Sinabi Ninyo Mismo, pagkatapos ng Inyong makatarungan na paninita tungkol sa aming kahinaan ng loob at di-paniniwala: “Magiging mas madali para sa Kanya na makabangon, kung Siya ay malaya sa mga walang-silbing bendaheng ito”. Sinasabi ko sa Inyo: “Kung kami ay magtatagumpay sa pagkakaisa sa pananampalataya sa Kanyang Resureksiyon, babangon Siya nang mas maaga. Pananawagan namin Siya ng aming pagmamahal... Ina, Ina ng aking Tagapagligtas, bumalik Kayong kasama namin, sa dahilan na Kayo ang pagmamahal ng Diyos, upang ibigay sa amin ang pagmamahal Ninyong ito! Gusto ba Ninyo na ang kaawa-awang Maria ng Magdala ay maligaw muli, pagkatapos na siya ay nailigtas Niya sa pamamagitan ng labis na awa?»

«Hindi. Ako ay kagagalitan diyan. Tama ka. Kailangan Kong bumalik... at hanapin ang mga apostol... ang mga disipulo... ang mga kamag-anak ang lahat... At sabihin... sabihin: manampalataya. Sabihin: pinatatawad Niya kayo... Sino ba ang nasabihan Ko na nito?... Ah! Ang Iskariote... Kakailanganin Kong... oo, kailangan Ko ring hanapin siya... sapagkat siya ang pinakamalaking nagkasala...» Si Maria ay nananatiling nakayuko, nanginginig na tila Siya ay naiinis, at pagkatapos sinabi Niya: «Juan, hahanapin mo siya. At dadalhin mo siya sa Akin. Kailangan na gawin mo iyan. At kailangan na gawin Ko iyan. Ama, gawin na magawa rin ito para sa katubusan ng Sangkatauhan. Tayo na.»

Siya ay tumayo. Iniiwan nila ang medyo madilim na hardin ng mga gulay. Ang mga guwardiya ay tinitingnan silang umaalis walang sinasabing kahit ano.after burial

⁵Ang daan, maalikabok at naging magulo gawa ng daloy ng mga tao na lumakad dito, tinatadyakan ito ng kanilang mga paa, binubugbog ng mga bato at ng mga pambambo, ay iniikutan nito ang Kalbaryo at dumarating sa pinakadaan, na umaagapay sa mga pader. At ang mga palatandaan ng kung ano ang nangyari rito ay mas maliwanag pa. Si Maria ay dalawang beses na napasigaw at yumuko upang tingnan nang mabuti ang lupa sa malabong liwanag, sapagkat Siya ay tila nakakakita ng ilang dugo ng Kanyang Jesus. Ngunit ito ay walang iba bagkus mga pira-piraso ng napunit na damit, sa palagay ko, sa kalituhan ng pagtakbo. Ang maliit na daloy ng tubig, na dumadaloy sa tabi ng daan, ay bumubulukbok nang malumanay sa malalim na katahimikan na sumakop sa lahat ng lugar. Ang bayan ay tila nangungulila, dahil walang iba bagkus katahimikan ang nanggagaling dito.

Sila ay nasa maliit na tulay na, na magdadala sa matarik na daan ng Kalbaryo. At, sa harapan nito, ay naroon ang Judicial Gate. Bago mawala doon, si Maria ay lumingon upang tingnan ang tuktok ng Kalbaryo... at Siya ay umiiyak nang walang pagtigil. Pagkatapos sinabi Niya: «Tayo na. Ngunit gabayan Ako. Ayaw Kong makita ang Herusalem, ang mga kalsada nito, ang mga nakatira rito.»

«Oo, ngunit tayo ay magmadali. Malapit na nilang isara ang mga geyt at, kita Ninyo? Ang mga guwardiya ay dinagdagan. Ang Roma ay natatakot sa mga kaguluhan.»

«Tamang-tama. Ang Herusalem ay isang lungga ng mga tigre! Ito ay isang tribu ng mga mamamatay-tao! Ito ay isang kulumpon ng mga magnanakaw! At ang mga kamkamerong iyon ay hindi lamang nakaumang ang kanilang sakim na mga pangil sa mga ari-arian, bagkus sa mga búhay din. Sa loob ng tatlumpu’t dalawang taon naglatag sila ng mga patibong para sa buhay ng Aking Sanggol... Siya ay isang maliit na kordero noon ng gatas at mga rosas, na may ginintuang mga kulot na buhok... Halos hindi pa Siya noon makapagsalita ng “Inay”, at makahakbang ng unang mga hakbang., at makatawa sa pamamagitan ng Kanyang kaunting mga ngipin sa pagitan ng Kanyang mga labì ng malabnaw na kurales, nang sila ay dumating upang patayin Siya... Ngayon sinasabi nila na Siya ay naglapastangan, at nilabag ang Sabbath, at hinikayat ang mga tao na umalsa, at nagtatangka sa trono, at nagkasala sa mga babae... Ngunit ano ba ang Kanyang nagawa noon? Anong paglalapastangan ang Kanyang nasabi, kung halos hindi Niya matawag ang Kanyang Inay? Anong Batas ang Kanyang maaaring nalabag. Kung Siya, ang Eternal na Inosente, noon ay bagkus ang maliit na inosenteng bata ng tao? Anong pag-aalsa ang maaari Niyang maisulsol, kung hindi pa Niya kayang maging makulit? Alin na trono ang maaari Niyang tangkain. Mayroon Siya ng Kanyang trono kapwa sa Lupa at sa Langit, at hindi Siya naghahanap ng iba pa: sa Langit ang sinapupunan ng Kanyang Ama ay nasa Kanya, sa Lupa ang Aking lapi. Hindi Siya kailanman tumingin nang may-kahalayan, at kayo, mga bata-pang babae, ay mapatótotohanan iyan. Ngunit pagkatapos, ngunit pagkatapos... ang Kanyang mga pandama ay nakatuon sa pangangailangan ng init at pagkain, Siya ay nagmamahal, oo, bagkus sa Aking maligamgam na dibdib, upang maidikit ang Kanyang mukha dito at matulog nang gayon, at sa Aking bilog na utong, mula kung saan ang aking pagmamahal ay dumadaloy bilang gatas... O! ang Aking Sanggol!... At gusto nila Ikaw na patay! Iyan ang gusto nila na Ikaw ay mawalan: ng Iyong buhay! Ang Iyong tanging kayamanan. Gusto nilang pagkaitan ang Ina ng Kanyang Anak, at ang Anak ng Kanyang Ina, upang kami ay maging miserable at nag-iisang mga tao sa Sansinukuban. Bakit pagkaitan ang Nabubuhay na Isa ng Kanyang buhay? Bakit di-karapat-dapat na pakialaman ang karapatan na alisin ang bagay na ito na siyang buhay: ang kaloob ng bulaklak at ng hayop, ang kaloob ng tao? Ang Aking Jesus ay walang hinihingi sa inyo. Ni hindi pera, o mga alahas, o mga bahay. Siya ay may isang bahay, isang maliit na banal na bahay, at iniwan Niya ito dala ng pagmamahal para sa inyo, kayong mga taong ayena. Alang-alang sa inyo kinalimutan Niya kung ano ang kahit na ang isang maliit na anak ng isang hayop ay mayroon, at mahirap at nag-iisa Siya ay pumunta sa mundo, na wala kahit na ang higaan na ginawa ng Makatarungan na Isa para sa Kanya, ni wala kahit na ang tinapay na madalas gawin ng Kanyang Ina para sa Kanya, at natulog Siya saan man Siya makakatulog at kumain Siya ayon sa makakain Niya. Sa loob ng mga bahay ng mababait na tao, katulad ng bawat anak ng tao, o sa damuhan ng mga parang, na binabantayan ng mga bituin. Nakaupo sa isang mesa, o bumabahagi sa mga butil ng trigo o ligaw na mga blackberry kasama ang mga ibon ng Diyos. At wala Siyang hiningi mula sa inyo na kahit ano. Sa kabaligtaran, binigay Niya sa inyo ang mayroon Siya. Gusto lamang Niyang mabuhay, upang ibigay sa inyo ang Buhay sa pamamagitan ng Kanyang salita. At lahat kayo, at ikaw, Herusalem, ay pinagkaitan Siya ng Kanyang buhay. Nasiyahan na ba kayo at nabusog sa Kanyang Dugo at sa Kanyang Laman? O hindi pa kayo nasisiyahan? At ikaw, isang ayena pagkatapos na maging isang bampira at isang buwitre, gusto mo bang manginain sa Kanyang Labí, at hindi pa nasisiyahan sa paninirang-puri at mga pagpapahirap, gusto mo pa bang maging walang-awa at masiyahan sa paninira sa Kanyang labí at makitang muli ang Kanyang  mga pamumulikat, ang Kanyang mga hikbi at mga kombulsiyon sa Akin, ang Ina ng Pinatay na Isa? ⁶Nakarating na ba tayo? Bakit kayo tumitigil? Ano ang gusto ng taong iyon kay Jose? Ano ang kanyang sinasabi?»

Si Jose, sa katotohanan ay pinatigil ng isa sa mga pambihirang dumaraan, at sa lubos na katahimikan ng pinabayaang bayan ang kanilang mga salita ay mapapakinggan nang maliwanag.

«Alam ng madla na pinasok mo ang bahay ni Pilato. Ikaw ay isang tagapaglabag ng Batas. Mananagot ka para diyan. Ang Paskuwa ay ipinagbabawal sa iyo! Ikaw ay kontaminado.»

«At ikaw din, Helkai. Nahipo mo ako at ako ay punung-puno ng dugo ng Kristo at ng pawis ng Kanyang kamatayan!»

«Ha! Nakakatakot! Layo, ilayo ang dugong iyan!»

«Huwag matakot. Iyan ay inabandona ka na at isinumpa.»

«At ikaw din, ikaw na isinumpa. At ngayon na ikaw ay nakikipaglandi kay Pilato, huwag mong isipin na mailalayo mo ang Labí. Ginawa na namin ang mga hakbang na kinakailangan upang matiyak ng ang kuwento ay matatapos.»

Si Nicodemus ay nilapitan sila nang unti-unti, habang ang mga babae ay nakatigil kasama si Juan, nakasandal sa isang saradong pinto

«Nakita namin iyan» tugon ni Jose. «Mga duwag! Natatakot kayo kahit na ng isang patay na katawan! Ngunit ang tungkol sa aking hardin ng mga gulay at ng aking sepulkro ginagawa ko kung ano ang gusto ko.»

«Makikita natin.»

«Makikita natin. Mag-aapela ako kay Pilato.»

«Oo. Makipagtalik sa Roma ngayon.»

Si Nicodemus ay lumapit: «Mas mabuti na sa Roma kaysa sa Dimonyo. Katulad ng ginagawa ninyo, mga mamamatay-ng- diyos! Maging ano pa man, sabihin sa akin: papaano na nagkakaroon ka na muli ng lakas-ng-loob? Kani-kanina pa lamang tumatakbo ka, isang biktima ng takot. Nakakabawi ka na ba kaagad? Ang nagkaroon ka ba ay hindi pa sapat? Ang iyo bang bahay ay hindi nasunog? Manginig! Ang Kaparusahan ay hindi pa tapos, sa kabaligtaran ito ay parating. Katulad ng nagpaparusa sa mga pagano ito ay namiminto na sa inyo. Wala sa mga guwardiya o mga selyo ang makapagpipigil sa Tagapaghiganti na tumaas at humampas.»

«Isinumpa!» Si Helkai ay tumakbo at lumalayo at napabangga sa mga babae. Napuna niya ito at nagsalita ng isang nakapangingilabot na insulto laban may Maria.

Si Juan ay hindi nagsasalita kahit isa. Sa pamamagitan ng isang talon ng isang pantera hinawakan niya siya at itinumba at, iniipit ng kanyang mga tuhod at hawak ng kanyang mga kamay ang leeg, sinabi niya sa kanya: «Hingin sa Kanya na patawarin ka o sasakalin kita, ikaw na dimonyo.» At hindi niya niluluwagan ang kanyang pagkahawak hanggang yung mamâ, napipigilan at nasasakal ng mga kamay ni Juan, ay nagsalita nang sumisinghap-singhap: «Patawarin ako.»

Ngunit ang kanyang sigaw ay nakatawag ng pansin ng patrulya. «Tigil diyan! Anong nangyayari? Karagdagan pang mga sedisyon? Huwag gumalaw, lahat kayo, kundi'y matatamaan kayo. Sino kayo?»

«Si Jose ng Arimathea at si Nicodemus, na pinahintulutan ng Proconsul na ilibing ang Nazareno Na pinatay, at kami ay pabalik mula sa sepulkro kasama ang Kanyang Ina, isang anak at ang mga babaeng kamag-anak at mga kaibigan. Ang taong ito ay sinaktan ang Ina at napilitan na humingi sa Kanya ng kapatawaran.»

«Iyan lang? Nilaslas mo sana ang kanyang lalamunan. Makakalakad na kayo. Mga sundalo, arestuhin ang lalaking iyan. Ano pa ang gusto ng mga bampirang ito? Ang mga puso rin ba ng mga ina? Mabuhay mga Judaean!»

⁷«Gaanong nakapangingilabot! Ngunit sila ay hindi na mga tao... Juan, maging mabuti sa kanila. Isipin ang alaala tungkol sa Akin at sa Aking Jesus. Itinuro Niya ang pagpapatawad.»

«Inay, tama Kayo. Ngunit sila ay mga kriminal at ginagawa nila akong makalimot. Sila ay mga mapaglapastangan, sinasaktan nila Kayo at hindi ko iyan mapahihintulutan.»

«Oo, sila ay mga kriminal. At nalalaman nila na sila ay gayon. Tingnan kung gaano sila kakaunti sa mga kalsada, at kung papaano ang ilan nag-uunti-unting umalis. Pagkatapos na magawa ang isang krimen, ang mga dilingkuwente ay natatakot. Nahihintakutan Ako na makita silang tumatakbo nang gayon, papasok sa mga bahay at babarikadahan ang kanilang mga sarili doon, dala ng takot. Pakiramdam Ko nararamdaman nila na sila ay nagkasala ng pagpatay sa Diyos. Tumingin sa banda roon, Maria, sa matandang lalaking iyon. Ang kanyang isang paa ay nasa hukay na datapwa't, ngayon na siya ay naliliwanagan ng ilaw ng pintong iyon na nagbukas, sa palagay Ko nakita Ko siyang dumaan nang mabilis inaakusahan ang Aking Jesus,  sa itaas doon, sa Kalbaryo... Tinawag niya Siyang isang magnanakaw... Ang Aking Jesus isang magnanakaw!... Ang bata-pang lalaking iyon, malaki lamang nang kaunti sa isang bata, ay nagbigkas ng mga kalapastanganan, pinananawagan ang Kanyang Dugo na mapunta sa kanya... O! ang kaawa-awang sawing-palad!... At ang lalaking iyon? Napaka maskulado at malakas, nakapagpigil ba siyang hindi niya Siya hampasin? O! Ayaw Kong makakita! Tingnan: ang mga mukha ng kanilang mga kaluluwa ay nakapangibabaw sa mga mukha ng kanilang mga katawan at... at sila ay hindi na nagmumukhang mga tao, bagkus katulad ng mga dimonyo... Napakawalang-takot nila laban sa Tao Na iginapos at ipinako sa krus... At ngayon sila ay tumatakbo, itinatago ang mga sarili, ikinukulong ang mga sarili. Sila ay natatakot. Kanino? Sa isang patay na katawan? Siya ay walang iba bagkus isang patay na katawan, sa ganang kanila, sapagkat itinatangi nila na Siya ay Diyos. Kung gayon, ano ang kanilang ikinatatakot? Para kanino nila itinatarangka ang kanilang mga pinto? Sa pangungutya ng konsiyensya. Sa kaparusahan. Walang mangyayari nito. Ang pangungutya ng konsiyensya ay nasa loob ninyo. At susundan kayo nito magpakailanman. At ang kaparusahan ay hindi isang pantaong kaparusahan. At ang mga kandado at mga tukod, mga pinto at mga baras ay walang silbi laban dito. Ito ay bumababa mula sa Langit, mula sa Diyos. ang tagapaghiganti ng Kanyang isinakripisyong Anak, at tumatagos ito sa mga pader at mga pinto, at sa pamamagitan ng makalangit na apoy mamarkahan kayo nito para sa sobrenatural na kaparusahan na naghihintay para sa inyo. Ang mundo ay pupunta sa Kristo, sa Anak ng Diyos at Akin, ito ay pupunta sa Kanya Na inyong pinako, ngunit kayo ang mga minarkahan magpakailanman, ang mga Cain ng isang Diyos, markado bilang ang kahihiyan ng lahi ng tao. Ako, Na pinanganak ninyo, Ako, Na siyang ang Ina ng lahat, ay kailangan na magsabi na magpatungkol sa Akin, inyong anak na babae, kayo ay naging mahigit pa sa mga amain at na, sa napakalaking bilang ng Aking mga anak, kayo ang mga anak na nagbigay ng pinakamalaking pagpapakasakit sa Akin sa pagluwal sa inyo, sapagkat narumihan kayo ng krimen laban sa Aking Sanggol. Ni hindi kayo nagsisisi nagsasabing: «Kayo ang Mesiyas. Kinikilala at sinasamba namin Kayo”. Naririto ang isa pang patrulya ng Roma. Ang Pagmamahal ay wala na sa Lupa. Wala na ang Kapayapaan sa pagitan ng mga tao. At ang Kapootan at Digmaan ay nahahalukay katulad ng mauusok na mga sulóng iyon. Ang mga naghahari ay natatakot ng hindi-mapigilan na pulutong. Sa pamamagitan ng karanasan nalalaman nila na, kapag ang mailap na hayop na iyan na pinangalanang tao ay nakatikim ng dugo, siya ay nagiging matakaw sa pagpatay... Ngunit huwag matakot sa mga taong ito. Sila ay hindi mga maharlikang leon o mga pantera. Sila ay mga duwag na mga ayena. Sila ay nag-uunahan patungo sa walang-ipanlalaban na mga kordero. Ngunit natatakot sila sa leon na armado ng mga sibat at awtoridad. Huwag katakutan ang mga gumagapang na asong-gubat. Ang tunog ng inyong mga yapak na may mga pako ng sapatos ang mga bota ay napalalayas sila at ang inyong nagniningning na mga sibat ay nagagawa silang mas mapagpakumbaba kaysa mga kuneho. ⁸Ang mga sibat na iyan! Ang isa nito ay humiwa sa puso ng Aking Anak! Alin dito? Ang makita sila ay tumutusok sa Aking puso... Gayunpaman gusto Kong mapasa-nanginginig na mga kamay Ko ang lahat na ito, upang tingnan kung alin ang may mga bakas pa ng dugo, at sabihin: “Ito ay ang isang ito! Ibigay ito sa Akin, sundalo! Ibigay ito sa isang ina sa pag-alaala ng iyong malayong ina, at magdarasal Ako para sa kanya at para sa iyo”. At walang sundalo ang magkakait sa Akin nito. Sapagkat sila, ang mga lalaking nasa daan ng digmaan, ay ang pinakamagagaling sa loob ng pag-aaguniya ng Anak at ng Ina. O! Bakit hindi Ko naisip ang tungkol dito doon sa itaas? Katulad Ko ang isa sa mga napukpok ang ulo. Nahihilo na iyon sa mga dagok na iyon... O! ang mga pukpok na iyon! Sino ang magkakaloob sa Akin na hindi Ko na marinig pa iyon, dito, sa Aking kaawa-awang ulo? Ang sibat... Gaano Ko gustong makuha ito!...»

«Mahahanap natin ito, Inay. Ang senturyon ay tila napakabait sa atin. Sa palagay ko hindi niya ito ipagkakait sa atin. Lalakad ako bukas.»

«Oo, Juan. Ako ay mahirap. Mayroon lamang Ako ng kaunting pera. Ngunit pagkakaitan Ko ang Aking Sarili nito, hanggang sa huling sentimos, upang makuha Ko ang sibat na iyon... O! bakit hindi Ko ito hiningi noon?»

«Maria, aking mahal, wala sa amin ang nakaaalam tungkol sa sugat na iyon... Noong makita Mo, ang mga sundalo ay nasa malayo.»

«Iyan ay totoo... Ang kapighatian ay napahina ang Aking isip. At ang Kanyang mga damit? Wala Ako ng kung ano ang pag-aari Niya! Ibibigay Ko ang Aking dugo upang makuha ito...» Si Maria ay umiiyak muli nang hindi mapigilan.

⁹At Siya ay nakarating nang gayon sa kalsada kung saan naroroon ang silid ng Hapunan. At panahon na iyon, sapagkat hapo na Siya at kinakaladkad na lamang Niya ang Kanyang Sarili katulad ng isang ulianin na babae. At ganyan ang Kanyang sinasabi.

«Laksan Ninyo ang Inyong loob. Nakarating na tayo.»

«Nakarating na? Napakaikli ng daan na ngayong umaga ay tila napakahaba? Ngayong umaga? Iyon ba ay ngayong umaga? Hindi kahapon? Gaano karaming mga oras at gaanong mga panahon ay nakaraan mula noong Ako ay pumunta rito kagabi at mula noong Ako ay umalis ngayong umaga? Talagang Ako nga ito, ang limampung taong gulang na Ina, o isang napakatanda nang babae, isang babae ng nakaraang mga taon, may dala-dalang maraming taon sa Aking baluktot na mga balikat at sa Aking puting buhok? Tila napamuhayan Ko ang lahat na kapighatian ng mundo, at na ito ay lahat nasa mga balikat Ko, na nababaluktot sa ilalim ng bigat nito. Isang di-korporyal na krus, ngunit napakabigat! Gawa sa bato. Baka mas mabigat pa kaysa ng sa Aking Jesus. Sapagkat dinadala Ko ang Aking krus at ang Kanya sa pamamagitan ng alaala ng Kanyang pahirap at kasama ang reyalidad ng Aking pahirap. Tayo ay pumasok. Sapagkat kailangan natin na pumasok. Ngunit ito ay hindi konsolasyon. Ito ay isang pagpapalaki ng kapighatian. Ang Aking Anak ay dito pumasok para sa Kanyang huling pagkain. At dito Siya lumabas upang harapin ang Kanyang kamatayan. At kinailangan Niyang iyapak ang Kanyang paa kung saan ang Kanyang traydor ay inilagay ang kanya, noong siya ay lumabas upang tawagin ang mga huhuli sa Inosente. Nakita Ko si Judas sa pintuan na iyan... Nakita Ko si Judas! At hindi Ko siya sinumpa. Bagkus nagsalita Ako sa kanya bilang isang ina na ang kaninong puso ay biyak. Biyak dahil sa mabuting Anak at sa masamang isa... Nakita Ko si Judas! Nakita Ko ang dimonyo sa kanya! Ako, Na laging nayayapakan si Lucifer sa ilalim ng Aking sakong, at tumitingin lamang sa Diyos hindi Ko kailanman ibinaba ang Aking mga mata kay Satanas, nakilala Ko ang kanyang mukha nakatingin sa Traydor, nagsalita Ako sa Dimonyo... At siya ay tumakbo, sapagkat hindi niya matagalan ang Aking tinig. Iniwanan na kaya niya siya ngayon?  Upang makapagsalita Ako sa patay na katawan na iyon at Ako, ang Ina, ay sana maipaglihi Ko muli siya nang may Dugo ng isang Diyos at madala siya sa Grasya? Juan, isumpa sa Akin na hahanapin mo siya at na hindi ka magiging malupit sa kanya. Ako ay hindi, bagama't may karapatan Ako... ¹⁰O! gawin na makapasok Ako sa silid na iyan, kung saan kinain ng Aking Jesus ang Kanyang huling pagkain. Kung saan ang tinig ng Aking Sanggol ay sinabi ang Kanyang huling mga salita sa kapayapaan!»

«Oo. Papasok tayo. Ngunit ngayon, tingnan, halika rito, kung saan naroroon tayo kahapon. Magpahinga. Magpaalam kina Jose at Nicodemus, na mga aalis.»

«Oo, magpapaalam Ako sa kanila. O! nagpapaalam Ako sa kanila, pinasasalamatan Ko sila. Pinagpapala Ko sila!»

«Halika, halika. Gagawin Ninyo iyan sa kapag maluwag na Kayo.»

«Hindi. Dito. Jose... O! Wala Akong nakilalang kahit sino na may pangalan na iyan na hindi sa Akin nagmahal...»

Si Maria ni Alfeo ay napaluhá .

«Huwag umiyak... si Jose rin... Iyon ay dala ng pagmamahal na ang iyong anak ay nagkakamali. Gusto niya Akong bigyan ng kapayapaan sa isang pantaong pamamaraan... Ngunit ngayon!... Nakita mo siya... O! ang lahat na mga Jose ay mabait kay Maria... Jose, pinasasalamatan kita. At ikaw, Nicodemus... Ang Aking puso ay nagpapatirapa sa paanan ninyo na napagod dahil sa mahabang daan na nilakad ninyo para sa Kanya... para sa huling mga parangal na binigay sa Kanya... Mayroon lamang Ako bagkus ang Aking puso na maibibigay sa inyo... at binibigay Ko ito sa inyo, ang tapat na mga kaibigan ng Aking Anak... at... at pagpaumanhinan ninyo ang isang ina na may sinugatan na puso para sa mga salitang Aking sinabi sa inyo sa loob ng sepulkro...»

«O! Banal na Ina! Patawarin kami!» sabi ni Nicodemus.

«Magpakabuti na ngayon. Magpahinga sa Inyong Pananampalataya. Darating kami bukas» dagdag ni Jose.

«Oo, darating kami. Kami ay nasa Inyong paglilingkod.»

«Bukas ay Sabbath» pagtutol ng maybahay na babae.

«Ang Sabbath ay patay na. Kami ay darating. Ang kapayapaan ay sumainyo» at sila ay umalis.

¹¹«Halika, Maria.»

«Oo, halikayo, Inay.»

«Hindi. Buksan. Nangako kayo na gagawin ninyo iyan pagkatapos ng mga pagpapaalam. Buksan ang pintong iyan! Hindi ninyo iyan maisasara sa isang ina. Sa isang ina na nagsisikap na langhapin ang amoy ng tinapay, ng katawan ng Kanyang sanggol sa hangin ng silid. Ngunit hindi ba ninyo nalalaman na binigyan Ko Siya ng hiningang iyon at ng katawan na iyon? Ako, Na nagdala sa Kanya sa loob ng siyam na buwan, Na nagpanganak sa Kanya, nagpadede sa Kanya, nagpalaki sa Kanya at nag-alaga sa Kanya? Ang hiningang iyon ay Akin! Ang amoy ng katawan na iyon ay Akin! Iyon ay Akin, at iyon ay naging mas maganda pa sa Aking Jesus. Gawing maamoy Ko itong muli.»

«Oo, mahal. Bukas. Ikaw ay pagod na ngayon. Umaapoy Ka sa lagnat, Hindi Mo magagawa. Hindi mabuti ang pakiramdam Mo.»

«Oo. Hindi mabuti ang pakiramdam Ko. Sapagkat sa Aking mga mata nakikita Ko ang Kanyang Dugo, at sa Aking ilong naaamoy Ko ang Kanyang Katawan puno ng mga sugat. Gawin makita Ko ang mesa kung saan Siya sumandal noong Siya ay buháy at malusog, at gawing maamoy Ko ang amoy ng Kanyang kabataang katawan. Buksan iyan! Huwag Siyang ilibing sa ikatlong beses! Naitago na ninyo Siya sa ilalim ng mga pampabango at mga bendahe, pagkatapos tinakpan ninyo Siya sa ilalim ng bato. Bakit ngayon pagkaitan ang isang Ina ng posibilidad na matagpuan muli ang huling bakas Niya sa hiningang iniwan Niya sa kabila ng pintong iyan? Gawin Akong makapasok. Sa sahig, sa mesa, sa mga upuan, hahanapin Ko ang mga bakas ng Kanyang mga paa, ng Kanyang mga kamay. At hahalikan Ko ito, hahalikan Ko ito hanggang mapudpod ang Aking mga labì. Maghahanap Ako... Maghahanap Ako... Baka makakita Ako ng isang maningning na buhok ng Kanyang ulo. Isang buhok na wala ng nanigas na dugo. Ngunit nalalaman ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng isang buhok ng isang anak sa isang ina? Ikaw, Maria ni Clopas, ikaw, Salome, ay mga ina. Hindi ba ninyo naiintindihan? Juan? Juan? Makinig sa Akin. Ako ay iyong Ina. Ginawa Niya Akong ganyan. Ginawa Niya! Kailangan na sundin mo Ako. Bukasan mo ang pinto! Minamahal kita, Juan. Lagi kitang minahal, sapagkat minahal mo Siya. Lalo pa kitang mamahalin. Ngunit buksan mo ang pinto. Buksan ito, sinasabi Ko! Ayaw mo ba? Ayaw mo ba? Ah! Kung gayon Ako ay wala nang anak? Si Jesus ay walang ipinagkakait sa Akin na kahit ano. Sapagkat Siya ay Aking Anak. Ikaw ay tumatanggi. Ikaw ay hindi isang anal. Hindi mo naiintindihan ang Aking kalungkutan... O! Juan, pagpatawad... patawarin Ako... Buksan... Huwag umiyak... Buksan... O! Jesus! Jesus!... Makinig sa Akin... Gawing ang Iyong espiritu na gumawa ng isang himala! Buksan Mo sa Iyong kaawa-awang Ina ang pintong ito na walang gustong magbukas! Jesus! Jesus!»

Nang may nakapanuntok na kamao kumakatok si Maria sa maliit na saradong pinto. Ito ay isang atake ng pahirap, hanggang namutla Siya at, habang bumubulong: «O! Aking Jesus! Ako ay darating! Ako ay darating!», Siya ay hinimatay patungo sa mga bisig ng mga umiiyak na babae, na sumusuporta sa Kanya upang hindi Siya bumagsak sa paanan ng pintuan, at dinala nila Siya nang ganyan sa silid sa harapan nito.

280912

 

 

 



Sunod na kabanata