608. Ang Gabi ng Biyernes Santo.

Marso 29, 1945.

¹Si Maria, tinutulungan ng umiiyak na mga babae, ay nakapanumbalik sa Sarili at Siya ay umiiyak na wala nang ibang lakas bagkus ang pagluha. Ito ay tila ang Kanyang buhay ay kailangan na magpatuloy at ganap na maubos sa Kanyang mga luha.

Gusto nila Siyang bigyan ng ilang pampalamig. Si Martha ay inalok Siya ng kaunting alak; ang maybahay ay gusto Siyang kumain man lamang ng ilang pulot; si Maria ni Alfeo, nakaluhod sa harapan Niya, ay nag-aalok ng isang tasa ng mainit-init na gatas, nagsasabing: «Ako mismo ang naggatas nito mula sa maliit na kambing ni Rachel» (Ang Rachel ay maaaring ang isang anak na babae ng mga taong nakatira sa bahay na iyon, hindi ko alam kung bilang nangungupahan o bilang tagapangasiwa). Ngunit si Maria ay ayaw ng kahit ano. Siya ay lumuluha. Maka-iiyak lamang Siya. At Siya ay nagtatanong at pinakikinggan silang nangangako na kanilang hahanapin ang mga apostol at mga disipulo, ang sibat at mga damit ni Jesus, at na sa pagsikat ng araw, sa dahilan na ayaw nila Siyang palabasin ngayon, pababayaan nila Siyang makapunta sa silid ng Hapunan.

«Oo. Kung kakalma Ka nang kaunti, kung magpapahinga Ka nang kaunti, dadalhin Kita doon» sabi ng Kanyang hipag. «Tayong dalawa ang papasok doon, at nakaluhod hahanapin ko ang bawat bakas ni Jesus alang-alang sa Iyo...» at si Maria ni Alfeo ay humihikbi. «Ngunit tingnan Mo! Dito ay nasa Iyo ang kalis at ang tinapay na hinati Niya at ginamit Niya para sa Eukaristiya. Mayroon pa bang mas banal na alaala? Kita Mo? Si Juan ay dinala niya ito para sa Iyo ngayong umaga, upang makita Mo ito ngayong gabi... ²Kaawa-awang Juan, siya ay nasa banda roon at umiiyak at natatakot...»

«Takot? Bakit? Halika rito, Juan.» Si Juan ay lumabas mula sa lilim, sapagkat sa silid ay may isang maliit na lampara lamang nakalagay sa mesa malapit sa mga bagay ng Pasyon, at siya ay lumuhod sa paanan ni Maria, Na hinahaplos siya at nagtatanong: «Bakit ka natatakot?»

At si Juan, hinahalikan ang Kanyang mga kamay at umiiyak ay tumugon: «Sapagkat hindi mabuti ang pakiramdam Ninyo. Kayo ay may sinat at nag-aalala... At hindi Kayo panatag. At kung magpapatuloy Kayo nang ganyan, mamamatay Kayo katulad Niya...»

«O! sana iyan ay totoo!»

«Hindi! Inay! Mama! O! mas maganda ang sabihin: “Mama”.  Katulad ng tawag ko sa aking ina! Gawin akong tumawag nang ganito... Ngunit, sa dahilan na wala akong makitang pagkakaiba sa pagitan Ninyo ang ng aking ina, at mas mahal ko pa nga Kayo kaysa sa minahal ko siya, sapagkat Kayo ang Ina Na Kanyang binigay sa akin at Kayo ay ang Kanyang Ina, kung kaya't huwag masyadong gumawa ng malaking kaibahan sa pagitan ng Anak na pinanganak Ninyo, at ang anak na ibinigay sa Inyo... At mahalin Ninyo ako nang kaunti katulad ng minahal Ninyo Siya... Kung Siya ang nagsabi sa Inyo: “Natatakot ako na baka Kayo mamatay”, tutugon ba Kayo: “O! sana ito ay totoo”? Hindi. Hindi Ninyo sasabihin iyan. Sa kabaligtaran, malulungkot pa Kayo na umalis at iwanan Siya, Inyong Kordero, sa isang mundo ng mga lobo... At hindi ba Kayo  nalulungkot para sa akin?... Ako ay mas lalo pang isang kordero kaysa sa Kanya noon. Hindi sa pamamagitan ng kabutihan at kadalisayan, bagkus sa pamamagitan ng katangahan at takot. kung ako ay maiwanan na wala Kayo, ang kaawa-awang Juan ay kakatayin ng mga lobo nang hindi makagagawa ng isang huni na magsasalita ng tungkol sa kanyang Guro... Gusto ba Ninyo akong mamatay nang ganyan, nang hindi Siya napagsisilbihan? Kasing tanga sa kamatayan katulad sa buhay? Hindi, ayaw Ninyo, hindi ba? Kung kaya't, Inay, pagsikapan na kumalma... Alang-alang sa Kanya... O! hindi ba’t sinasabi Ninyo na Siya ay babangon mula sa kamatayan? Oo, sinasabi Ninyo, at iyan ay totoo. Pagkatapos, kapag Siya ay nakabangon, gusto ba Ninyong matagpuan Niya ang bahay na wala Kayo? Sapagkat Siya ay tiyak na pupunta rito... O! kaawa-awang, kaawa-awang Jesus, kung sa halip na mapakinggan ang Inyong sigaw ng pagmamahal mapapakinggan Niya ang aming mga iyak ng kapighatian, kung sa halip na matagpuan ang Inyong dibdib upang ipahinga ang Kanyang napahirapan na maluwalhating ulo dito, matatagpuan Niya ang Inyong saradong sepulkro... Kailangan na mabuhay Kayo. Upang mabati Siya pagbalik Niya.... hindi ko sinasabi :sa aming pagmamahal”. Karapat-dapat kami ng lahat ng paninisi dahil sa aming asal. Bagkus sa Inyong pagmamahal. ³O! anong magiging pagkikita ito? At ano ang magiging katulad Niya? Ina ng Karunungan, Mama ng pinakamangmang na Juan; dahil nalalaman Ninyo ang lahat, sabihin sa amin kung ano ang magiging katulad Niya, kapag magpakita Siya pagkatapos na makabangon mula sa kamatayan.»

«Ang mga sugat ni Lazarus sa mga paa ay gumaling, ngunit makikita ng isa ang mga marka. At lumabas siyang nababalot ng mga bendahe puno ng kabulukan» sabi ni Martha.

«Kinailangan namin na hugasan siya at hugasan pa ulit...» dagdag ni Maria.

«At siya ay nanghihina, at kinailangan namin na pakainin siya sa utos Niya» pagtatapos ni Martha.

«Ang anak ng balo ng Nain ay nagmukhang nalilito at katulad niya ang isang bata na hindi makalakad at makapagsalita nang hindi nahihirapan, upang siya ay ibinalik Niya sa kanyang ina upang maturuan sana niya siya muli ng regalo ng buhay. At Siya Mismo ay ginabayan Niya ang unang mga hakbang ng maliit na anak na babae ni Jairus...» sabi ni Juan.

«Sa palagay ko ang aking Panginoon ay magpapadala ng isang anghel sa atin upang sabihin: “Pumunta na may dala ng isang malinis na damit”. At ang aking pagmamahal ay naihanda na ito. Ito ay nandoon sa mansiyon. Hindi ko iyon masulid. Ngunit iyon ay pinasulid ko sa aking yaya, na hindi na nag-aalala tungkol sa aking kinabukasan, at hindi na umiiyak. Nakuha ko yung pinakamahal na linen at tinanggap ko ang purpura mula kay Plautina, at si Naomi ay hinabi ang panggilid; at ginawa ko ang sinturon, ang bag at ang taleth¹ binuburdahan ito sa gabi upang walang nakakakita. Natuto ako sa Inyo Ina. Iyon ay hindi perpekto. Ngunit sa halip ng mga perlas na pumoporma sa Kanyang pangalan sa sinturon at sa bag, iyon ay naging maganda sa pamamagitan ng mga diyamante ng aking mga luha ng pagmamahal at ng aking mga halik. Ang bawat tahi ay isang pintig ng pagiging deboto para sa Kanya. At dadalhin ko iyon sa Kanya. Pahihintulutan Ninyo ako, hindi ba?»

«O!... Hindi Ko naisip na Siya ay pagkakaitan nila ng Kanyang damit... Hindi Ko nakasanayan ang mga kaugalian ng mundo at ang kabangisan nito... Akala Ko alam Ko na ito... (at ang mga luha ay muling dumaloy sa Kanyang maputlang mga pisngi) ngunit nakikita Ko na wala pa pala Akong nalalaman na kahit ano... At iniisip Ko: “Masusuot Niya ang damit na ginawa ng Kanyang Ian pagkatapos”. Gustung-gusto Niya iyon! Gusto Niya iyon nang gayon. At nasabi Niya sa Akin nang matagal na matagal na: “Gagawa Kayo ng isang tunika sa gayong pamamaraan. At dadalhin Ninyo iyan sa Akin para sa Paskuwa... Sapagkat ang Herusalem ay kailangan na makita Ako sa purpurang damit ng isang hari...” O! ang delana na iyon, mas maputi pa kaysa sa niyebe, habang nagsusulid Ako iyon ay nagiging pula sa mga mata ng Diyos at Akin, sapagkat ang Aking puso ay nasugatan muli ng salitang iyon... Ang iba pang mga sugat, pagkatapos ng mga taon at mga buwan, kung hindi iyon gumaling, ay natuyo sa pamamagitan ng pagtulo ng dugo. Ngunit ang isang ito! Araw-araw, oras-oras, ay pinaiikot ang patalim sa loob ng Aking puso: “Isang araw ang nabawas! Isang oras ang nabawas! Pagkatapos Siya ay mamamatay!” O! O!... Ang sulid sa ikiran at sa habihan naging pula... Pagkatapos iyon ay nanigas sa tina para sa mundo... Ngunit iyon ay pula...»

⁴Si Maria ay umiiyak muli. Sinisikap nilang paginhawahan Siya nagsasalita tungkol sa Resureksiyon

Si Susanna ay nagtanong: «Anong masasabi Ninyo? Ano ang magiging katulad Niya kapag Siya ay bumangon? At papaano Siya babangon?»

At si Maria, naguguluhan at nabubulagan sa oras na ito ng pagiging martir ng panunubos, ay tumugon: «Hindi Ko alam... Wala na Akong nalalaman pang kahit ano... Maliban na Siya ay patay!...»

Siya ay napaiyak muli at hinahalikan ang linen na tela na pinaikot ni Jesus sa Kanyang mga balakang, at dinidiin Niya ito sa Kanyang puso at inuugoy ito na tila ito ay isang sanggol... At hinihipo Niya ang mga pako, ang mga tinik, ang espongha at sumisigaw: «Ito ang mga bagay na binigay sa Iyo ng Iyong Amangbayan! Bakal, mga tinik, suka, apdo! At mga insulto, mga insulto, mga insulto! At sa pagitan ng mga anak ng Israel ang isang mamâ mula sa Cyrene ang kinailangan pang piliin upang dalhin ang krus para sa Iyo.  Ang mamang iyon ay kasing sagrado sa Akin katulad ng isang esposo. At kung may malalaman pa akong isa pa na tumulong sa Aking Anak hahalikan Ko ang kanyang mga paa. Kung gayon walang naawa sa Kanya? Labas! Lumabas kayo! Napamimighati Ako ng kahit makita kayo! Sapagkat sa pagitan ninyong lahat, wala kayong nakuhang kahit di-masyadong malupit na pahirap. Mga walang silbi at tamad na mga lingkod ng inyong Hari, labas!» Siya ay nakapangingilabot sa Kanyang pagwawalà. Tumatayong tuwid, nagmumukha Siyang  mas mataas, na may mapagmataas na mga mata, ang Kanyang kamay nakaunat tinuturo ang pinto. Nag-uutos Siya katulad ng isang reyna sa kanyang trono.

Lahat sila ay umalis nang hindi tumututol upang maiwasan na lalo pa Siyang mabalisa, at sila ay nauupo sa labas ng nakasarang pinto, pinakikinggan ang Kanyang pag-ungol at anumang ingay ang Kanyang magawa. Ngunit pagkatapos ng ingay ng isang upuan na tinutulak at ng Kanyang mga tuhod na bumabagsak sa sahig, sapagkat Siya ay lumuhod ang Kanyang ulo nakasandal sa mesa kung saan naroroon ang mga bagay ng Pasyon, ang naririnig na lamang nila ay ang Kanyang pag-iyak nang walang-tigil at napakalungkot.

Siya ay bumubulong, ngunit sa gayong napakahinang tinig na ang mga nasa labas ay hindi Siya mapakinggan: «Ama, Ama, patawarin Ako! Ako ay nagiging mapagmalaki at masama. Ngunit makikita Ninyo na ang Aking sinasabi ay totoo. May mga pulutong sa paligid Niya. At ang lahat ng Palestina, sa loob ng kapistahan, ay nasa loob ng banal na mga pader... Banal? Hindi. Hindi na banal... Nanatili sana silang gayon, kung Siya ay nalagutan ng hininga sa loob ng mga pader. Ngunit ang Herusalem ay tinanggihan Siya katulad ng isang nakakasukang pagbulbok. Kung gayon ang Krimen lamang ang nasa loob ng Herusalem... Bueno, sa lahat ng mga tao na sumunod sa Kanya, hindi sila nakakalap ng sandakot na mga lalaki na naipilit sana ang kanilang mga sarili, hindi ko ibig sabihin na iligtas Siya, dahil kailangan Niyang mamatay upang makapanubos, bagkus ang gawin Siyang mamatay na walang labis na pahirap. Sila ay nanatili sa lilim, o sila ay tumakbo... Ang Aking puso ay umaalsa sa labis na karuwagan. Ako ang Ina. Kung kaya't patawarin ang Aking kasalanan ng mapagmalaking kagaspangan...» at Siya ay umiiyak...

... Sa labas ang iba ay nasa mga balag na alanganin sa maraming dahilan.

⁵Ang maybahay na lalaki, na lumabas upang maglakad-lakad sa paligid nang nag-uusisa, ay bumalik at dala ang nakakatakot na mga balita. Sinasabi nila na maraming tao ang namatay sa lindol, marami ang nasugatan sa pagkakagulo sa pagitan ng mga tagasunod ng Nazareno at ng mga Hudyo, na marami ang inaresto at na magkakaroon pa ng mas marami pang mga pagbitay dahil sa mga rebelyon at mga pagbabanta sa Roma; na si Pilato ay binigay ang utos na arestuhin ang lahat na mga tagasunod ng Nazareno at ang mga lider ng Sanhedrin na nasa bayan o mga umalis na sa pamamagitan ng Palestina; na si Johanna ay namamatay sa kanyang mansiyon; na si Manaen ay inaresto ni Herodes, na kanyang ininsulto sa harapan ng lahat ng Korte bilang isang kasabwat sa pagpatay sa Diyos. Sa maikling pananalita, isang tambak ng nakakatakot na mga balita...

Ang mga babae ay umuungol. Hindi dahil sa takot para sa kanilang mga sarili, bagkus para sa kanilang mga anak at mga asawa. Si Susanna ay iniisip ang kanyang asawa, na kilalang isa sa mga tagasunod ni Jesus sa Galilee. Si Maria ni Zebedeo ay iniisip ang kanyang asawa, na isang panauhin ng isang kaibigan, at ang kanyang anak na si Santiago, na ang tungkol kanino siya ay walang balita mula pa nang nakaraang gabi. At si Martha ay nagsasabi nang humihikbi: «Baka sila ay pumunta na sa Bethany! Sino ang hindi nakakaalam kung ano si Lazarus para sa Guro?»

«Ngunit siya ay protektado ng Roma» balik-sabi ni Salome.

«O! protektado! Kung titingnan kung gaano kami kinapopootan ng mga hepe ng Israel, sino ang nakaaalam kung anong mga paratang ang kanilang gagawin kay Pilato laban sa amin... O! Diyos!» Si Martha, hindi nalalaman kung sino ang kanyang lalapitan, ay sumigaw: «Ang mga armas! Ang mga armas! Ang bahay ay puno nito... at ang mansiyon din! Alam ko! Ngayong umaga, pagsikat ng araw, si Levi, ang tagapag-alaga ay dumating, at sinabi niya sa akin... Ngunit nalalaman mo rin! At sinabihan mo ang mga Hudyo sa Kalbaryo... Tanga! Nailagay mo sa mga kamay ng malulupit na tao ang armas upang mapatay si Lazarus!...»

«Sinabi kong ganyan. Sinabi ko. Sinabi ko ang katotohanan nang walang nalalaman. Ngunit manahimik, ikaw na matatakutin na babae! Ang sinabi ko ay ang pinakaligtas na garantiya para kay Lazarus. Mag-aalangan sila na paglakas-loob sa paghahanap kung saan may mga armadong tao! Sila ay mga duwag!»

«Oo, ang mga Hudyo ay mga duwag. Ngunit ang mga Romano ay hindi.»

«Ako ay hindi natatakot sa Roma. Ang Roma ay makatarungan at mapayapa sa mga patakaran nito.»

«Tama si Maria» sabi ni Juan. «Sinabi sa akin ni Longinus: “Umaasa ako na kayo ay hindi gagambalain. Ngunit kung kayo ay ginambala, pumunta o magpadala ng sinuman sa Praetorium. Si Pilato ay mabait sa mga tagasunod ng Nazareno. Siya ay mapagbigay din sa Kanya. Ipagsasanggalang namin kayo”.»

«Ngunit kung ang mga Hudyo ay kumilos na sila mismo? Iyon ay sila ang humuli kay Jesus kagabi! At kung sabihin nila na tayo ay mga tagalapastangan, may karapatan silang hulihin tayo. O! Ang aking mga anak! Apat ang aking sa kanila! Nasaan na kaya sina Jose at Simon? Sila ay nasa Kalbaryo at pagkatapos sila ay bumaba noong si Johanna ay hindi na makatagal. Sila ay bumaba upang tulungan at ipagsanggalang ang mga babae, sila, ang mga pastol at si Alfeo... lahat sila! O! sila ay tiyak na napatay na nila sila. Napakinggan ba ninyo na si Johanna ay namamatay na? Ito ay tiyak na siya ay nasugatan. At bago ang nagkakagulong pulutong mahampas ang isang babae, maaaring sila ay pumagitna at mga napatay!... At si Judas at si Santiago? Ang aking maliit na Judas! Aking mahal! At si Santiago kasing bait katulad ng isang babae! O! ako ay wala nang natirang anak! Katulad ko ang ina ng Macabeong mga anak!...»

Ang lahat na mga babae ay umiiyak nang nawawalan-ng-pag-asa, maliban sa maybahay na babae, na umalis para maghanap ng matataguan para sa kanyang asawa, at sa Magdalena, na hindi umiiyak. Ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng apoy at siya ang naging ang ma-awtoridad na babae ng mga araw na nakaraan. Siya ay hindi nagsasalita. Ngunit tumitingin siya nang galit sa kanyang mga kasamahan na pinanghihinaan ng loob, at sa kanyang mga mata maliwanag na mababasa ng isa ang isang taguri: «Mga duwag!»

Mga ilang oras ang dumaan... Paminsan-minsan may isang tatayo, bubuksan nang dahan-dahan ang pinto, sisilip at isasara muli ang pinto.

«Ano ang ginagawa Niya?» tanong ng iba.

At ang tumingin ay tutugon: «Siya ay laging nakaluhod. Siya ay nagdarasal»; o: «Siya ay tila may kinakausap na kung sino.» At: «Siya tumayo at Siya ay pakaway-kaway naglalakad nang paparoo’t parito sa silid.»

--------------------

(Walang petsa)

⁶Lamentasyon ng Banal na Birhen.

«Jesus! Jesus! Jesus! Nasaan Ka? Napapakinggan Mo pa ba Ako? Napapakinggan Mo ba ang Iyong kaawa-awang Ina, Na isinisigaw na ngayon ang Iyong Pangalan, pagkatapos na panatilihin ito sa loob ng Kanyang puso sa loob ng napakaraming oras? Ang Iyong banal na pinagpalang Pangalan na naging Aking pagmamahal, ang pagmamahal ng Aking mga labì, na natitikman ang lasa ng pulot inuulit ang Iyong Pangalan, ng Aking mga labì, na ngayon, sa halip, kapag binabanggit ito, ay tila iniinom nito ang kapaitan na naiwan sa Iyong mga Labì, ang kapaitan ng teribleng halô. Ang Iyong Pangalan, ang pagmamahal ng Aking puso na lumalaki sa tuwa, kapag inuulit ito, katulad na ito ay lumaki upang ibuhos ang dugo nito at tanggapin Ka at damtan Ka nito, noong Ikaw ay bumaba patungo sa Akin mula sa Langit, napakaliit, napaka munti, na makakapasok Ka sa kalis ng ligaw na menta, Ikaw, napakadakila, ang Makapangyarihang Isa, nagmistulang hamak sa embriyon ng tao para sa kaligtasan ng mundo. Ang Iyong Pangalan, kapighatian ng Aking puso, ngayon na pinigtas Ka nila mula sa mga haplos ng Iyong Ina, upang itapon Ka sa mga kamay ng mga berdugo, na nagpahirap sa Iyo hanggang kamatayan!

Ang Aking puso ay nadurog ng Iyong Pangalan, na kinailangan Kong panatilihin ito sa loob Ko sa loob ng napakaraming oras at na ang kaninong sigaw ay lumalakas pa nang lumalakas habang ang Iyong kapighatian ay lumalaki, hanggang dinurog nito ito, na tila ito ay niyapakan ng paa ng isang higante. O! Ang Aking kapighatian ay isang higante at dinudurog Ako nito, winawasak Ako nito, at walang nagpapahina dito. Kanino Ko babanggitin ang Iyong Pangalan? Walang tumutugon sa Aking iyak. Kahit na kung sumigaw Ako nang napakalakas na mabibiyak Ko ang batong nagsasara sa Iyong sepulkro, hindi Mo Ako mapapakinggan, sapagkat Ikaw ay patay. Hindi Mo na mapakinggan pa ang Iyong Ina.

⁷Ilang beses ba Kitang tinawag, Anak, sa loob ng tatlumpu’t apat na taon na ito! Mula nang malaman Ko na Ako ay magiging isang Ina at na ang Aking Maliit na isa ay pangangalanang “Jesus!” hindi Ka pa pinanganganak at Ako, hinahaplos ang Aking sinapupunan kung saan Ikaw ay lumalaki, ay madalas Kang tawagin sa mababang tinig: “Jesus!”. At Ikaw ay tila gumagalaw upang sabihin: “Inay!” sa Akin. Nabigyan na Kita ng tinig at pinapangarap Ko ang Iyong tinig. Napapakinggan Ko ito bago ito lumabas. At noong mapakinggan Ko ito, na kasing hina ng tinig ng isang bagong panganak na kordero, nanginginig sa lamig ng gabi kung saan Ka pinanganak, nalaman Ko ang kalaliman ng lugod... at naisip Ko na nalaman Ko na ang kalaliman ng kapighatian, sapagkat iyon ay ang pag-iyak ng Aking Sanggol Na giniginaw, Na hindi nakagiginhawa, Na iniluluha ang Kanyang unang mga luha ng Tagapagtubos, at wala Ako noon apoy o kuna, at hindi Ako makapaghirap sa katauhan Mo, Jesus. Mayroon lamang Ako noon bagkus ang Aking mga lapi bilang apoy at kutson, at ang Aking pagmamahal upang sambahin Ka, Aking banal na Anak.

Naisip Ko na nalaman Ko na ang kalaliman ng kapighatian... Iyon ay ang pagdating ng kapighatian na iyon, iyon ay ang gilid ng kapighatian na iyon. Ngayon ito ay ang katanghalian, ngayon ito ay ang ilalim. Ito ang kalaliman, itong Aking nahihipo ngayon, pagkatapos na makababa patungo rito sa loob ng tatlumpu’t apat na taon na ito, napababa gawa ng napakaraming mga bagay at nakapatirapa ngayon sa nakapangingilabot na ilalim ng Iyong Krus.

Noong Ikaw ay isang maliit na sanggol pa lamang, madalas Kitang iugoy inaawit: “Jesus! Jesus!” Anong armoniya ang nariyan na mas maganda pa at banal pa kaysa sa Pangalan na ito, na nagagawa ang mga anghel na ngumiti sa Langit? Sa Akin iyon ay napakatamis, mas maganda pa kaysa sa awit ng mga anghel noong gabi ng Iyong Kapanganakan. Nakikita Ko ang Langit dito, ang buong Langit ay nakikita Ko  sa pamamagitan ng Pangalan na iyon. At ngayon, sinasabi ito sa Iyo Na patay at hindi Ako marinig, at hindi Ka tumutugon sa Akin, na tila hindi Ka kailanman napunta rito, nakikita Ko ang Impiyerno, ang buong Impiyerno. Kita Mo, ngayon naiintindihan Ko na kung ano ang ibig sabihin ng maisumpa. Ito ay ang hindi na makapagsabi: “Jesus!” Nakapangingilabot! Nakapangingilabot! Nakapangingilabot!

⁸Hanggang kailan tatagal ang impiyernong ito para sa Iyong Ina? Sinabi Mo: “Sa loob ng tatlong araw itatayo Ko muli ang Templong ito”. Matagal Ko nang inuulit sa Aking Sarili ang mga salitang ito sa buong araw ngayon, upang hindi bumagsak na patay, upang nakahandang batiin Ka pagbalik Mo at magpatuloy sa paglilingkod sa Iyo... Ngunit papaano Ako makatatagal nang tatlong araw nalalaman na Ikaw ay patay? Ikaw, Aking Buhay, sa tatlong araw patay?»

Papaano nangyari, na Ikaw, Na nalalaman ang lahat, dahil Ikaw ay ang walang-hangganang Karunungan, ay hindi alam ang pahirap ng Iyong Ina? Hindi Mo ba maimahina ito, binabalikan ang araw na nawala Ka sa Akin sa Herusalem, at nakita Mo Akong sumisiksik sa pulutong sa paligid Mo, nagmumukhang isang taong napasáma sa lumubog na barko nakarating sa baybayin, pagkatapos ng labis na pakikipaglaban sa mga alon at kamatayan, may hitsura ng isang babaeng naubusan ng lakas pagkatapos ng pahirap, halos mamatay sa pagkaubos ng dugo, tumanda, durog ang puso? At pagkatapos iyon ay posible pa para sa Akin na isipin na Ikaw ay nawawala lamang. Malilinlang Ko ang Aking Sarili na iyon ay iyon lamang. Ngunit hindi ngayon. Hindi ngayon. Alam Ko na Ikaw ay patay. Walang ilusyon ang posible. Nakita Kitang pinapatay. At kahit na kung ang kapighatian ay magawang mawala ang Aking memorya, naririto ang Iyong Dugo sa Aking belo at sinasabi nito sa Akin: “Siya ay patay! Siya ay walang dugo! Ito ang huling mga patak na bumukal mula sa Kanyang Puso! Mula sa Kanyang Puso! Mula sa Puso ng Aking Anak! Ng Aking Anak! Ng Aking Jesus! O! Diyos, maawaing Diyos, gawing hindi Ko maalaala na biniyak nila ang Kanyang Puso!...

⁹Jesus, hindi Ako makapananatili rito, nag-iisa, habang Ikaw ay naririyan, lubos na nag-iisa. Ako, Na hindi kailanman napamahal sa mga daan ng mundo at sa mga pulutong, at alam Mo ito, pagkatapos na makaalis Ka sa Nazareth, ay sinundan Kita nang lalu’t lalo pa, upang hindi mamuhay nang malayo sa Iyo.  Hind Ako makapamumuhay nang malayo sa Iyo. Hinarap Ko ang mga di-karaniwan at panlilibak, hindi Ko tiningnan ang pagod, sapagkat nawawala ito ng lugod na nakikita Ka, makapamuhay lamang kung nasaan Ka. At ngayon naririto Ako ganap na nag-iisa. At ikaw ay naririyan, ganap na mag-isa! Bakit hindi nila Ako pinabayaan sa loob ng Iyong sepulkro? Naupo na lang sana Ako sa tabi ng Iyong malamig na higaan, hawak ang isang kamay Mo sa Akin, upang maramdaman Mo na Ako ay malapit sa Iyo... Hindi, upang maramdaman na Ikaw ay malapit sa Akin. Hindi Ka na makaramdam ng kahit ano. Ikaw ay patay!

Gaano Ko kadalas pinalampas ang gabi nang malapit sa Iyong kuna, nagdarasal, nagmamahal, nasisiyahan sa Iyo! Sasabihin Ko ba kung papaano Ka natutulog, ang Iyong maliit na mga kamao nakasaradong katulad ng dalawang buko ng bulaklak malapit sa Iyong banal na maliit na mukha? Sasabihin Ko ba sa Iyo kung papaano Ka madalas ngumiti sa Iyong tulog at, tiyak na naaalaala Mo ang gatas ng Iyong Inay, umuut-ut ang Iyong bibig, habang natutulog? Sasabihin Ko ba sa Iyo kung papaano Ka gumigising at ibubukas Mo ang Iyong mga mata at tatawa, nakikita Akong nakayuko sa Iyong mukha, at inuunat Mo nang masaya ang Iyong maliliit na kamay, dahil nananabik Ka na makuha Kita, at kung papaano sa pamamagitan ng isang kaunting iyak na kasing tamis ng tili ng isang blackcap inaangkin Mo ang Iyong pagkain? O! Ako ay masaya kapag kumakapit Ka sa Aking dibdib at nararamdaman Ko ang pagkamaligamgam ng Iyong mga pisngi, ang mga haplos ng Iyong maliliit na kamay sa Aking dibdib!

Hindi Ka makalayo sa Iyong Ina. At ngayon Ikaw ay nag-iisa! Patawarin Mo Ako, Anak, sa pag-iwan sa Iyo nang nag-iisa, sa hindi pagrerebelde sa unang pagkakataon sa Aking buhay at sa hindi pamimilit na manatili roon. Iyon ay Aking lugar. Hindi sana Ako masyadong nangungulila, kung nanatili Ako malapit sa Iyong paglilibing na higaan, upang ayusin ang Iyong mga damit, katulad ng mga araw na nakaraan, at palitan sila... Kahit na kung hindi Ka makangiti at makapagsalita sa Akin, mararamdaman Ko man lamang sana na tila nasa Akin Ka ulit katulad noong Ikaw ay isang sanggol. Nahahawakan sana Kita sa Aking puso, upang hindi Mo maramdaman ang lamig ng bato, ang tigas ng marmol. Hindi ba’t hinawakan din Kita ngayon? Ang lapi ng isang ina ay laging makakahawak sa isang anak, kahit na kung Siya ay isang malaki na. Ang isang anak ay laging isang sanggol para sa kanyang ina, kahit na kung siya ay isa na ibinaba mula sa isang krus, puno ng mga pasâ at mga sugat.

¹⁰Gaano karami! Gaano karaming mga sugat! Gaano kalabis na kapighatian! O! Aking Jesus, Aking Jesus nasugatang-nasugatan! Nasugatang-nasugatan! Nasugatang-nasugatan! Hindi. Hindi. Panginoon, hindi! Hindi ito maaaring totoo! Ako ay baliw! Si Jesus patay? Ako ay nahihibang. Si Jesus ay hindi maaaring mamatay! Oo, makapaghihirap Siya. Ngunit hindi Siya maaaring mamatay. Siya ay ang Buhay! Siya ay ang Anak ng Diyos. Siya ay Diyos. Ang Diyos ay hindi namamatay.

Hind ba Siya namamatay? Kung gayon, bakit Siya pinangalanang Jesus?  Ano ba ang ibig sabihin ng “Jesus”? Ang ibig sabihin nito... o! ang ibig sabihin nito: “Tagapagligtas”! Siya ay patay! Siya ay patay sapagkat Siya ay ang Tagapagligtas! Kinailangan Niyang iligtas ang lahat nawawala ang Kanyang Sarili Mismo... Hindi Ako nahihibang. Hindi. Ako ay hindi baliw. Hindi. Sana baliw nga Ako! Maghihirap Ako nang mas kaunti! Siya ay patay. Naririto ang Kanyang Dugo. Naririto ang Kanyang korona. Naririto ang tatlong mga pako. Nilagos Siya nila sa pamamagitan nito!

Mga tao, tingnan kung ano ang inyong ipinanlagos sa Diyos, sa Aking Anak! At kailangan Ko kayong patawarin. At kailangan Ko kayong mahalin. Sapagkat pinatawad Niya kayo. Sapagkat sinabi Niya sa Akin na mahalin kayo. Ginawa Niya Ako na inyong Ina, ang Ina ng mga mamamatay ng Aking Anak! Ang isa sa Kanyang huling mga salita, nagpupumilit laban sa pangangaralgal sa kamatayan sa Kanyang aguniya... “Ina, naririto ang Iyong anak... inyong mga anak!” Kahit na kung Ako ay hindi Siya Na sumusunod, ngayon kakailanganin Kong sumunod, sapagkat iyon ay isang utos ng isang namamatay na tao.

Kung kaya't, Jesus, nagpapatawad Ako. Mahal Ko sila. Ah! Ang Aking puso ay nadudurog sa pagpapatawad na ito at sa pagmamahal na ito! Napapakinggan Mo ba na pinatatawad Ko sila at minamahal sila? Ako ay nananalangin para sa kanila. Oo, Ako ay nananalangin para sa kanila... Sinasara Ko ang Aking mga mata upang hindi makita ang mga bagay na ito ng Iyong pahirap, upang mapatawad sila, mahalin sila at ipagdasal sila. Ang bawat pako ay nagsisilbing ipako sa krus ang isang kalooban Ko na hindi magpatawad, hindi magmahal, hindi manalangin para sa Iyong mga berdugo.

Kailangan Ko, gusto Kong isipin na Ako ay malapit sa Iyong kuna. Noon din nanalangin Ako para sa mga tao. Ngunit mas madali iyon noon. Ikaw ay buhay at Ako, bagama't naisip Ko na ang mga tao ay malupit, hindi Ako umabot na isipin na sila ay magiging napakasama sa Iyo, Na nakatulong sa kanila nang sobra-sobra. Ako ay nanalangin at kumbinsido Ako na ang Iyong Salita ay magagawa silang mas mabubuting mga tao. Sa loob ng Aking puso sinabi Ko sa kanila, tinitingnan sila: “Kayo ay masama, may-sakit, ngayon, mga kapatid. Ngunit bago magtagal Siya ay magsasalita, bago magtagal tatalunin Niya si Satanas sa loob ninyo. Ibibigay Niya sa inyo ang nawalang Buhay! Ang nawalang Buhay! Ito ay Ikaw, Ikaw, Ikaw, Na nawalan ng Iyong buhay para sa kanila, Aking Jesus! Kung, noong Ikaw ay nasa Iyong mga lampin, nakita Ko ang lahat ng kakilabutan ngayon, ang Aking matamis na gatas ay sana naging lason sa pamamagitan ng pamimighati!

mary's sorrows2Si Simeon ay sinabi ang ganyan: “Lalagusin ng isang espada ang Iyong puso”. Isang espada? Isang masa ng mga espada! Ilang sugat ang kanilang ginawa sa Iyo, Anak? Gaano karaming daíng ang Iyong nabitawan? Ilang pamumulikat ang Iyong ipinaghirap? Gaano karaming dugo ang nawala sa Iyo? Bueno, ang bawat isa sa kanila ay isang espada sa loob Ko. Ako ay isang masa ng mga espada. Wala ni isang bahagi ng Iyong balat ang walang pasâ. Sa loob Ko wala ni isa ang hindi nilagos. Nilagos nila ang Aking laman at tumagos sa Aking puso.

¹¹Noong malapit na Kitang ipanganak. Inihanda Ko ang Iyong mga damit at mga lampin, iniikid ang pinakamalambot na linen ng Lupa. Hindi Ko iniintindi ang halaga, maliban na nasa Akin ang pinakamalambot na tela. Gaano Ka kagandang tingnan sa loob ng mga lampin na ginawa ng Iyong Ina! Ang lahat ay nagsabi sa Akin: “Ang Iyong Anak ay maganda, Donna!” Ikaw ay maganda! Mula sa puting linen doon lumalabas ang Iyong maliit na malarosas na mukha, ang Iyong mga mata ay mas asul pa kaysa sa kalangitan, at ang Iyong maliit na ulo ay tila nakabalot sa isang ginintuan na hamog, napakaningning at malambot at Iyong buhok. Nangangamoy iyon ng mga bulaklak ng mga punong-almendras. Ang mga tao ay akala naglalagay Ako ng pabango sa Iyo. Hindi. Ang Aking Mahal ay bagkus may amoy ng mga lampin na nilalabhan ng Kanyang Ina, pinainitan at hinalikan ng Kanyang puso at mga labì. Hindi Ako kailanman napagod sa pagtatrabaho para sa Iyo...

At ngayon? Ngayon wala na Akong gagawin pa para sa Iyo. Sa loob ng tatlumpung taon Ikaw ay malayo sa bahay. Ngunit Ikaw pa rin ang tinatangka ng Aking mga araw. Iniisip Kita. Iniisip Ko ang Iyong mga damit. Ang Iyong pagkain: Nagmamasa Ako ng harina at nagluluto ng tinapay, tinitingnan Ko ang mga pukyutan upang mabigyan Ka ng pulot, inaalagaan Ko ang mga punungkahoy, upang sana mamunga ito para sa Iyo. Gaano Mo kamahal ang mga bagay na dinadala sa Iyo ng Iyong Ina! Walang pagkain ng isang mayamang mesa, walang damit ng mamahaling tela ang para sa Iyo katulad ng hinabi, tinahi, inalagaan, pinili ng mga kamay ng Iyong Ina. Kapag dumarating Ako sa Iyo, tinitingnan Mo kaagad ang Aking mga kamay, katulad ng madalas Mong gawin noong Ikaw ay isa pa lamang maliit na bata, at si Jose at Ako ay binigay sa Iyo ang aming abang mga regalo, upang maramdaman Mo na Ikaw ay ang “aming” Hari. Hindi Ka kailanman naging sakim, Aking Anak; iyon ay ang pagmamahal na siya Mong hinahanap, iyon ang Iyong pagkain, at natagpuan Mo ito sa aming mga atensiyon. Kahit na ngayon natagpuan Mo ito at siya Mong hinahanap, kaawa-awang Anak Ko, napakaliit na minahal ng mundo!

Ngayon, wala nang iba pa. Ang lahat ay natapos na. Ang Iyong Ina ay hindi na gagawa ng kahit ano pa para sa Iyo. Hindi Ka na nangangailangan ng kahit ano. Ngayon Ikaw ay nag-iisa... At Ako ay nag-iisa... O! masayang Jose, na hindi nakita ang araw na ito! Sana hindi Ko rin nakita ito! Ngunit kung ganyan hindi Ka sana nagkaroon ng kahit ng kaginhawahang ito na nakikita ang Iyong kaawa-awang Ina. Naging mag-isa Ka sana sa krus, katulad na Ikaw ay nag-iisa sa loob ng sepulkro. Ganap na nag-iisa kasama ang Iyong mga sugat.

¹²O! Diyos! Diyos! Ilang mga sugat ang mayroon ang Inyong Anak, Aking Anak! Papaano Ko nakita ito nang hindi namamatay, samantalang halos hinihimatay Ako sa tuwing nasasaktan Mo ang Iyong Sarili noong Ikaw ay isa pa lamang bata?

Minsan nahulog Ka sa pangkusinang-hardin sa Nazareth at nasaktan Mo ang Iyong noo. Tanging ilang mga patak lamang ng dugo. Ngunit Ako, Na ang pakiramdam Ko Ako ay namamatay noong makita Ko ang mga patak ng Iyong Dugo sa Sirkunsisyon, at si Jose ay kinailangan na suportahan Ako dahil nanginginig Ako katulad ng isang namamatay, akala Ko ang munting hiwa na iyon ay papatayin Ka na at pinagaling Ko iyon mas sa pamamagitan ng Aking mga luha kaysa ng tubig at langis, at wala Ako sa kapayapaan hanggang nakita Ko na iyon ay hindi na dumurugo. Isa pang beses, nagsasanay Kang magtrabaho at nasaktan Mo ang Iyong Sarili sa pamamagitan ng isang lagari. Isang kaunting sugat. Ngunit pakiramdam Ko tila ang lagari ay nilagari Ako sa dalawa. Hindi Ako nagkaroon ng kapahingahan hanggang pagkaraan ng anim na araw, noong makita Ko na magaling na ang Iyong kamay.

At ngayon? At ngayon? Ngayon ang Iyong mga kamay, mga paa, panabi pilás, ngayon ang Iyong laman ay bumabagsak nang pira-pirasó, ang Iyong mukha ay pasâ, ang Mukhang iyan na hindi Ko pangahasan na hipuin nang magaan sa pamamagitan ng isang halik, at ang Iyong noo at batok ay sugat-sugat. At walang sinuman ang nagbigay sa Iyo ng gamot o kaginhawahan.

¹³Tingnan ang Aking puso, Diyos, nahampas Ninyo Ako sa Aking Anak! Tingnan ito! Hindi ba ito kasing puno ng mga sugat katulad ng Katawan ng Inyong Anak at Akin? Ang mga panghahagupit ay nakarating sa Akin katulad ng mga ulan na yelo, habang Siya ay hinahampas. Ano ang distansiya para sa pagmamahal? Ipinaghirap Ko ang pahirap sa Aking Anak! Sana Ako na lang mag-isa ang naghirap nito, at na Akong mag-isa na lamang ang nasa ibabaw ng bato ng sepulkro! Tingnan Ako, Diyos! Ang Akin bang puso ay hindi dumurugo?

Naririto ang pabilog ng mga tinik, nararamdaman Ko ito. Ito ay isang gasa na humihigpit at tumutusok. Naririto ang talong butas ng mga pako: tatlong panusok na ibinaon sa Aking puso. O! ang mga pukpok na iyon! Ang mga pukpok na iyon! Papaano nangyari na ang Langit ay hindi bumagsak dahil sa mapaglapastangan na mga pukpok na iyon sa laman ng Diyos? At hindi nakasigaw! Hindi nakapuntang mabilis at maagaw ang armas na iyon mula sa mga pumapatay at gamitin iyon upang maipagsanggalang ang Aking Anak, Na namamatay na. Bagkus kinailangan na mapakinggan at mapakinggan... at walang ginagawa na kahit ano! Isang pukpok sa pako, at ang pako ay bumabaon sa buháy na laman. Isa pang pukpok, at bumabaon pa ito nang mas lalo pa. At isa pa, isa pa, at ang mga buto at nerbiyo ay nawawasak, at ang laman ng Aking Anak ay napaglagusan, at ang puso ng Kanyang Ina! At noong Ikaw ay itinaas nila sa Iyong krus? Gaano Ka maaaring naghirap nang labis, Banal na Anak! Nakikita Ko pa ang Iyong kamay na napunit gawa ng bagsak. At ang Aking puso ay napunit din nang ganyan.

Ako ay pasa-pasâ, nahagupit, natusok, nahampas, nilagos katulad Mo. Ako ay wala sa krus kasama Mo. Ngunit tingnan Mo ang Iyong Ina. Siya ba ay iba kaysa sa Iyo? Hindi, walang pagkakaiba sa pagkamartir. Sa kabaligtaran, ang Iyo ay tapos na. Ang Akin ay nagpapatuloy pa. Hindi Mo na naririnig ang mga huwad na mga akusasyon; naririnig Ko. Hindi Mo na naririnig ang nakapangingilabot na mga panunumpa. Naririnig Ko pa ito. Hindi Mo na nararamdaman ang mga kagat ng mga tinik at mga pako. Hindi Ka na nauuhaw o nilalagnat. Ako ay puno ng mga lugar ng apoy at katulad Ko ang isa na namamatay sa uhaw at sa nahihibang na lagnat.

¹⁴Kung Ako man lamang ay pinahintulutan nila na bigyan Ka ng isang patak ng tubig. Ang Aking mga luha, kung ang kabangisan ng mga tao ay pagkaitan ang Tagapaglikha ng tubig na nilikha Niya. Pinasuso Kita nang matagal, dahil tayo ay mahirap, Aking Anak, at sa ating paglalakbay patungo sa Ehipto labis tayong nawalan, at kinailangan natin na kumuha ng bagong bahay, mga gamit sa bahay, mga damit at pagkain, at hindi natin nalalaman kung gaano katagal ang pagkatapon, o kung ano ang ating matatagpuan pagbalik natin sa ating bayan. Pinasuso Kita nang mas matagal pa sa pangkaraniwang tagal, upang hindi Mo sana maramdaman ang kakulangan sa pagkain. Hanggang nakuha natin ang maliit na kambing, Ako ang Iyong maliit na kambing, Anak ng Iyong Nanay. Mayroon Ka nang maraming maliliit na ngipin, at madalas Kang mangagat... O! anong lugod ang makita Kang tumatawa sa Iyong pambatang mga laro!...

Gusto Mong lumakad. Napakalusog Mo at malakas. Hinawakan Kita nang matagal na mga oras, at hindi Ko naramdaman ang Aking likod na nabali sa pagkakayuko sa Iyo, Na ginagawa Mo ang Iyong unang mga hakbang at sa bawat unang hakbang sasabihin Mo: “Nanay, Nanay!” O! anong beatitude ang mapakinggan Kang inaawit Mo ang pangalan na iyan! Ngayon din sinasabi Mo: “Inay, Inay!” Ngunit ang Iyong Ina ay nakikita Ka lamang na namamatay! Ni hindi Ko mahaplos ang Iyong mga paa! Iyong mga paa? Ah! kahit na kung ito ay maaabot, hindi Ko rin iyon mahihipo, upang hindi madagdagan ang Iyong pahirap. Gaano maaaring naghirap ang Iyong kaawa-awang mga paa, o Aking Jesus!

Kung Ako lamang ay naka-akyat sa Iyo at nailagay ang Aking Sarili sa pagitan ng kahoy at ng Iyong katawan, at naiwasan na mapakuskos ang Iyong katawan sa kahoy sa mga kombulsiyon ng aguniya! Naririnig Ko pa ang Iyong ulo na kumatok sa kahoy sa huling mga paghingal. At ang tunog na iyon, ang tunog na iyon ay ginagawa Akong baliw. Ito ay nasa Aking ulo... katulad ng isang martilyo.

¹⁵Bumalik, bumalik, Aking mahal na banal na Anak! Ako ay namamatay. Hindi Ko matagalan ang pangungulila Kong ito. Ipakita Mo muli sa Akin ang Iyong mukha. Tawagan Mo Akong muli. Hindi Ko maisip na Ikaw ay walang tinig, walang mga mata, na Ikaw ay isang malamig na walang-buhay na labí. Hindi pa ba tapos ang lahat? Ang mga pako bang ito, ang mga tinik na ito, ang dugong ito, ang mga luha Kong ito hindi sapat? Mas marami pa ba ang kailangan upang mapagaling ang tao?

Ama, binabanggit Ko ang mga instrumento ng Kanyang kapighatian at ang Aking mga luha. Ngunit iyan ang hindi pinakamahalaga sa lahat. Ang nakagawa sa Kanya na mamatay na pinahirapan sa isang mahigit-pa-sa-tao na paraan ay ang Inyong pag-abandona. Ang nagpasigaw sa Akin ay ang Inyong pag-abandona. Hindi Ko na Kayo mapakinggan pa! Nasaan Kayo, banal na Ama? Ako ang “Napupuno ng Grasya”. Sinabi ng Anghel: “Aba Ginoong Maria napupuno Ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat”. Hindi. Iyan ay hindi totoo! Iyan ay hindi totoo! Ako ay katulad ng isang babae na isinumpa Ninyo dahil sa kanyang kasalanan. Kayo ay hindi na napapasa-akin.  Ang grasya ay umalis, na tila Ako ay isang ikalawang Eba makasalanan.

Ngunit Ako ay naging laging tapat sa Inyo. Saan Ko Kayo nasaktan? Ako ay Inyong pinasunod ayon sa ibig Ninyo, at lagi Kong sinabi sa Inyo: “Oo, Ama. Nakahanda Ako”. Kung gayon, ang mga anghel ba ay makapagsisinungaling? At si Anna, na nagtiyak sa Akin na ibibigay Ninyo sa Akin ang Inyong anghel sa oras ng kapighatian? Ako ay nag-iisa. Ako ay wala nang grasya sa Inyong mga mata, Kayo, Grasya, ay wala na sa Akin. Ako ay wala nang anghel. Kung gayon, nakapagsisinungaling ba ang mga santo? Saan ko Kayo nasaktan, kung sila ay hindi nagsisinungaling at naging karapat-dapat sa Akin ang oras na ito?

At si Jesus? Anong pagkakamali ang nagawa ng Inyong purong mapagpakumbabang Kordero? Saan namin Kayo nasaktan upang marapatin ang di-masusukat na pahirap ng Inyong pag-abandona, bilang karagdagan sa pagmamartir na binigay ng mga tao? Siya, higit sa lahat, Siya ay Inyong Anak at tinawag Niya Kayo sa pamamagitan ng tinig na iyon na nagawa ang Lupa na mangatog at mauga sa hikbi ng awa. Papaano Ninyo Siya naabandona nang ganap na nag-iisa sa gayon pahirap?

Kaawa-awang puso ni Jesus, Na nagmahal sa Inyo nang labis! Nasaan ang tanda ng sugat ng Kanyang puso? Naririto ito. Tingnan, Ama, ang tandang ito. Ito ang impresyon ng Aking kamay na pumasok sa hiwa ng dinaanan ng sibat. Narito... Narito... Ito ay hindi mabura ng mga luha o ng mga halik ng Kanyang Ina, Na ang Kaninong mga mata ay tuyo na sa kaiiyak at ang Kaninong mga labì ay napudpod sa nang kahahalik. Ang tanda ay sumisigaw at naninisi. Ang tandang ito ay sumisigaw sa Inyo mula sa Lupa nang mahigit pa sa sigaw ng dugo ni Abel. At Kayo, Na nagsumpa kay Cain at ipinaghiganti ang Inyong Sarili sa kanya, ay hindi nakialam alang-alang sa Aking Abel na pinadugo na ng Kanyang mga Cain, at pinahintulutan Ninyo ang huling kalupitan na ito! Dinurog Ninyo ang Kanyang puso sa pamamagitan ng Inyong pag-abandona at pinahintulutan Ninyo ang isang tao na hubaran Siya, upang sana makita Ko Siya at madurog nito. Magpatungkol sa Akin, walang anuman ito. Ito ay para sa Kanya, para sa Kanya na Ako ay nagtatanong at tumatawag sa Inyo na tumugon. Hindi sana Ninyo iyon ginawa...

O! Patawarin Ako! Patawarin Ako, Banal na Ama! Patawarin ang isang Ina Na nagluluksa para sa Kanyang Anak... Siya ay patay! Ang Aking Anak ay patay! Patay na ang Kanyang puso wasak! O! Ama! Ama, maawa! Minamahal Ko Kayo! Minahal namin Kayo at minahal Ninyo kami nang labis. Papaano Ninyo pinahintulutan na ang Puso ng Ating Anak ay mawasak? O! Ama!... Ama, maawa sa isang kaawa-awang babae! Ako ay naglalapastangan, Ama! Ako, Inyong lingkod, Inyong walang-halaga, nangangahas na manita sa Inyo! Maawa! Kayo ay naging mabuti. Kayo ay naging mabuti. Ang sugat, ang tanging sugat na hindi sa Kanya nakapanakit, ay ang isang ito. Ang Inyong pag-abandona ay nagsilbing mamatay Siya bago lumubog ang araw naiiwasan ang iba pang mga pahirap.

Kayo ay naging mabuti. Ginagawa Ninyo ang lahat para sa isang pakay na mabuti. Ito ay kaming mga nilikha ang hindi makaintindi. Kayo ay naging mabuti. Kayo ay naging mabuti! O Aking kaluluwa, ulitin ang salitang iyan, upang maalis ang kirot ng Iyong paghihirap mula sa Iyong paghihirap. Ang Diyos ay mabuti at lagi Ka Niyang minahal, Aking kaluluwa. Mula sa Iyong sinilangan hanggang sa kasalukuyang sandali, lagi Ka Niyang minahal. Naibigay Niya sa Iyo ang lahat ng lugod ng panahon. Lahat nito. Naibigay Niya sa Iyo ang Sarili Mismo Niya. Siya ay naging mabuti. Mabuti. Mabuti. Salamat sa Inyo, Panginoon. Pagpalain nawa Kayo para sa Inyong walang-hangganang kabutihan!

Salamat sa Iyo, Jesus, sinasabi Ko “salamat sa Iyo” sa Iyong katauhan din. Ang sugat na ito man lamang ay hindi Mo naramdaman, Anak! Naramdaman Ko lang ito sa Aking puso, noong makita Ko ang Iyo na nagbukas. Ang Iyong sibat ay ngayon nasa Aking puso na at ito ay naninira at nagpapahirap. Ngunit mas mabuti na ang ganito! Hindi Mo ito nararamdaman. Ngunit, maawa, Jesus! Isang tanda mula sa Iyo! Isang haplos, isang salita para sa Iyong kaawa=awang Ina, na ang Kaninong puso ay nagkapira-piraso! Isang tanda, isang tanda, Jesus, kung gusto Mong makita Akong buháy muli pagbalik Mo!»

--------------------

(Marso 29, 1945)

¹⁷Ang isang malakas na pagkatok sa pinto ay nagawa ang lahat na magulat. Ang maybahay na lalaki ay may katapangan na tumakbo. Si Maria ni Zebedeo ay gusto na ang kanyang anak na si Juan ay sumunod sa kanya at tinutulak siyang papunta sa yarda. Ang ibang mga babae, maliban kay Maria ng Magdala, ay sumisiksik sa isa't isa umuungol.

Si Maria ng Magdala ang siyang tuwiran at may-pasyang pumunta sa pintuan at nagtanong: «Sino iyan?»

Ang tinig ng isang babae ang tumugon: «Ako si Nike. Mayroon akong ibibigay sa Ina. Buksan! Bilis. Ang patrulya ay nasa paligid.»

Si Juan, na pinalaya ang sarili sa hawak ng kanyang ina at nagmadali papunta kay Maria ng Magdala, ay inabala ang sarili sa pagbubukas sa maraming kandado, na mabuting naisara ngayong gabi. Binuksan niya ang pinto. Si Nike ay pumasok kasama ang isang katulong at isang maskuladong lalaki na umaalalay sa kanila. Isinara nila ang pinto.

«May dala akong isang bagay...» sabi ni Nike umiiyak at siya ay hindi makapagsalita...

«Ano? Ano?» Sila ay nakapaligid sa kanya, puno ng pag-uusisa.

«Sa Kalbaryo... nakita ko ang Tagapagligtas sa hitsurang iyon... Nakapaghanda ako ng isang tela na pantali-sa-balakang, upang hindi Niya kailangan na gamitin ang mga basahan ng mga berdugo... Ngunit Siya ay basang-basa ng pawis, na may dugo sa Kanyang mga mata, na naisip ko na ibigay iyon sa Kanya upang punasan Niya ang Kanyang Sarili. Pinunasan Niya ang Kanyang Sarili... At ibinalik Niya sa Akin ang tela. Hindi ko na ulit iyon ginamit... Gusto kong itago iyon bilang alaala ng Kanyang pawis at dugo. At nakikita ang kabangisan ng mga Hudyo, pagkaraan nang kaunti pagkatapos niyon, kasama si Plautina at ang iba pang mga binibining Romano sina Lydia at Valeria, nagpasya kaming bumalik, sa takot na baka kunin nila ang linen na damit na ito sa amin. Ang mga Romano ay matatapang na mga babae. Inilagay nila ang katulong at ako sa gitna at pinoprotektahan nila kami. Totoo na sila ay panghahawa sa Israel... at na mapanganib na hawakan si Plautina. Ngunit iyan ay maiisip ng isa sa mga panahon na mapapayápa. Ngayon silang lahat ay lasing... Sa bahay ako ay umiiyak... maraming oras... Pagkatapos dumating ang lindol at ako’y hinimatay... Noong ako ay nakapanumbalik sa aking sarili, gusto kong halikan ang linen na tela at nakita ko... o!... Ang mukha ng Tagapagtubos ay nasa linen!...»

«Tingnan namin! Tingnan namin!»

«Hindi. Ang Ina muna. Ito ay karapatan Niya.»

«Siya ay hapung-hapo! Hindi Siya makatatagal...»

«O! huwag sabihin iyan! Sa kabaligtaran, mapagiginhawahan Siya nito. Sabihin sa Kanya!»

¹⁸Si Juan ay kumakatok nang mahina sa pinto.

«Sino ‘yan?»

«Ako ito, Inay. Si Nike ay narito... Pumunta siya rito sa gabi... Nagdala siya ng isang alaala para sa Inyo... isang regalo... Umaasa siya na mapagiginhawahan Kayo nito.»

«O! isang regalo lamang ang makapagpapaginhawa sa Akin! Ang ngiti ng Kanyang Mukha...»veronica

«Inay!» si Juan ay niyayakap Siya kundi'y babagsak Siya, at na tila ipinagtatapat niya ang totoong Pangalan ng Diyos, sinabi niya: «Ito ay iyon. Ang ngiti ng Kanyang Mukha, bumakat sa tela ng linen na pinunas ni Nike sa Kanya sa Kalbaryo.»

«O! Ama! Kataastaasang Diyos! Banal na Anak! Eternal na Pagmamahal! Pagpalain nawa Kayo! Ang tanda! Ang tanda na hinihingi Ko sa Iyo. Papasukin, papasukin siya!»

Si Maria ay naupo, sapagkat hindi na Siya makakatayo pa, at habang kinakawayan ni Juan ang mga babae, na mga sumisilip sa silid, na paraanin si Nike, nakapanumbalik Siya sa Kanyang Sarili.

Si Nike ay pumasok at lumuhod sa paanan Niya na ang katulong nasa tabi niya. Si Juan, nakatayo malapit kay Maria, ay pinamamalagi ang kanyang braso sa ibabaw ng Kanyang mga balikat, na tila gusto niya Siyang suportahan. Si Nike ay hindi nagbibitaw ng kahit isang salita. Ngunit binuksan niya ang kahon, inilabas ang linen at niladlad. At ang Mukha ni Jesus, ang buháy na Mukha ni Jesus, ang namimighati subalit nakangiting Mukha ni Jesus ay tinitingnan ang Kanyang Ina at ngumingiti sa Kanya.

Si Maria ay napasigaw ng nakapamimighating pagmamahal at iniunat ang Kanyang mga kamay. Ang mga babae ay ginaya ang Kanyang sigaw mula sa pintuan kung saan sila nagsisiksikan. At ginagaya nila Siya lumuluhod sa harapan ng Mukha ng Tagapagligtas.

Si Nike ay walang matagpuang mga salita. Iniabot niya ang linen sa makainang mga kamay at siya ay yumuko upang halikan ang gilid nito. Siya pagkatapos ay lumabas nang patalikod nang hindi na hinihintay si Maria na makalabas sa Kanyang labis na kaligayahan.

Siya ay umalis... Siya ay nasa labas na, sa loob ng gabi, nang kanilang maalaala siya... Wala nang kailangang gawin maliban na isara ang pinto, katulad na ito ay nakasarado kanina.

Si Maria ay nag-iisa nang muli. Nasa isang pakikipagusap ng Kanyang kaluluwa sa imahe ng Kanyang Anak, sapagkat silang lahat ay umalis na muli.

¹⁹Ilang mga oras pa ang nakaraan. Pagkatapos si Martha ay nagsabi: «Ano ang ating gagawin para sa mga ungguwento? Bukas ay ang Sabbath.»

«At hindi tayo makakakuha ng kahit ano» sabi ni Salome.

«At kailangan natin na gawin iyan... maraming libra ng aloe at mira... ngunit masamang labis ang pagkahugas sa Kanya...»

«Kailangan na maihanda na natin ang lahat mga bandang pagsikat ng araw sa unang araw pagkatapos ng Sabbath» wika ni Maria ni Alfeo.

«At papaano ang mga guwardiya? Ano ang ating gagawin?» tanong ni Susanna.

«Sasabihan natin si Jose, kung tayo ay hindi nila papapasukin» tugon ni Martha.

«Hindi natin maigagalaw ang bato nang tayo lamang mismo.»

Si Maria ng Magdala ay tumugon: «O! sa palagay ba ninyo na ang lima sa atin ay hindi iyan magagawa? Tayong lahat ay malalakas... at ang pagmamahal ay gagawin ang iba pa.»

«Maging ano pa man sasama ako sa inyo» sabi ni Juan.

«Tiyak na hindi ikaw. Ayaw kong pati ikaw ay mawala, anak.»

«Huwag kang mag-alala tungkol diyan. Kami ay magiging sapat na.»

«Ngunit sa pansamantala... Sino ang magbibigay sa atin ng mga pampabango?»

Lahat sila ay namomroblema. Pagkatapos si Martha ay nagsabi: «Tinanong sana natin si Nike kung totoo ang tungkol kay Johanna... tungkol sa mga rebelyon...».

«Iyan ay totoo! Ngunit tayo ay mga tanga. Nakuha na rin sana natin ang mga pampabango noon. Si Isaac ay nasa may pintuan nang tayo ay nakabalik...»

«Sa mansiyon ay maraming maliliit na plorera ng mga esensiya. At may ilang pinong insenso. Pupunta ako at kukunin ko.» At si Maria ng Magdala ay tumayo mula sa kanyang upuan at inilalagay ang kanyang manta.

Si Martha ay sumigaw: «Hindi ka lalakad.»

«Lalakad ako.»

«Baliw ka! Huhulihin ka nila!»

«Tama ang iyong kapatid. Huwag lumakad!»

«O! anong mga walang-silbing umuungol na mga babae kayo! Si Jesus ay talaga ngang may magandang grupo ng mga tagasunod! Nagamit na ba ninyo ang inyong mga reserbang lakas-ng-loob? Magpatungkol sa akin, habang mas gumagamit ako mas lalo akong nakakakuha.»

«Sasama ako sa kanya. Ako ay isang lalaki.»

«At ako ay iyong ina at pinagbabawalan kita.»

«Maging mabuti, Maria Salome, at ikaw din, Juan. Lalakad akong mag-isa mismo. Hindi ako natatakot. Alam ko kung ano ang maglakad sa gabi sa paligid ng mga kalye sa gabi. Nagawa ko na iyan nang mga ilang libong beses na para sa makasalanang mga rason... at kailangan ko bang matakot na ngayon na ako ay lalakad upang paglingkuran ang Anak ng Diyos?»

«Ngunit may paghihimagsik sa bayan ngayon. Napakinggan mo kung ano ang sinabi ng lalaki.»

«Siya ay mahina ang loob. At katulad mo siya. Lalakad ako.»

«At kung ang mga sundalo ay matagpuan ka?»

«Sasabihin ko: “Ako ang anak ni Theophilus, ang Syrian, isang tapat na lingkod ng Caesar”. At pababayaan nila ako. Maging ano pa man... Ang isang lalaki sa harapan ng isang magandang bata-pang babae ay mas isang walang-nagagawang laruang bagay kaysa sa isang tangkay ng dayami. Alam ko, sa labis na kahihiyan ko...»

«Ngunit papaano mo maaasahan na makakakuha ka ng mga pabango sa mansiyon kung walang nakatira doon nang maraming taon?»

«Sa palagay mo ba? O! Martha! Hindi mo ba naaalaala na ang Israel ay napilit kang iwanan iyon, sapagkat iyon ay isa sa aking mga lugar kung saan tinatagpo ko ang Aking mga mangingibig? Doon ko tinatago ang lahat na nagsisilbing magawa ko silang mas maging baliw tungkol sa akin. Noong ako ay nailigtas ng aking Tagapagligtas, sa isang lugar na ako lamang ang nakaaalam, itinago ko ang mga alabastro at mga insenso na aking ginagamit para sa aking mga pagpapakasasa sa kasayahan. At nanumpa ako na tanging ang mga luha lamang na iniluha sa aking mga kasalanan at sa pagsamba sa Kabanalbanalang Jesus ang magiging ang pinabanguhang mga tubig at ang umaapoy na mga insenso ng nagsisising Maria. At na aking gagamitin lamang ang mga tandang iyon ng isang nalapastangan na kulto ng mga pandama at ng laman upang mapabanal sila sa Kanya at maipampahid-na-langis sa Kanya. Ito ang oras. Ako ay lalakad. Manatili rito. At maging kalmante. Ang anghel ng Diyos ay sasama sa akin at walang masamang mangyayari sa akin. Paalam. Dadalhan ko kayo ng balita. At huwag magsalita ng kahit ano sa Kanya... Madadagdagan ninyo ang Kanyang mga alalahanin...» At si Maria ng Magdala ay lumabas nakatitiyak sa kanyang sarili at kagulat-gulat.

«Inay, iyon ay maging isang leksiyon para sa inyo... At sana magsabi iyon sa inyo: huwag gawin ang mundo na magsabi na ang inyong anak ay duwag. Bukas, hindi, ngayon, sapagkat ngayon ay ang ikalawa nang pagbabantay, lalakad ako sa paghahanap sa aking mga kasamahan, ayon sa kagustuhan Niya...

«Iyan ay ang Sabbath... hindi ka...» tumututol si Salome upang mapigilan siya.

«”Ang Sabbath ay patay na”. Sinasabi ko rin kasama si Jose. Ang bagong panahon ay nagsimula na. Ibang mga batas, ibang mga pagsasakripisyo at mga seremonya para dito.»

Si Maria Salome ay iniyuko ang kanyang ulo sa kanyang mga tuhod at umiiyak nang hindi na pumoprotesta pa.

«O! sana mayroon tayong balita tungkol kay Lazarus» sabi ni Maria ni Clopas nang may pag-ungol.

«Kung pababayaan ninyo akong makaalis, magkakaroon kayo ng balita, sapagkat si Simon ang Kananeo ay may mga tagubilin na dalhin ang aking mga kasamahan kay Lazarus. Si Jesus ay sinabihan si Simon noong ako ay naroroon.»

Aba! Sila bang lahat ay naroroon? Kung gayon silang lahat ay nawawala!» si Maria ni Clopas at si Salome ay umiiyak nang husto.

²⁰Maraming oras pa ang dumaan habang sila ay umiiyak at naghihintay. Pagkatapos si Maria ng Magdala ay bumalik nang matagumpay, may dalang mga bag na puno ng maliliit na mamahaling plorera.

«Kita ninyo, walang nangyari sa akin. Naririto ang mga langis ng lahat na klase, at nard, at olibanum, at benzoin. Walang mira at walang aloe... Ayaw ko ng kahit anong kapaitan... Iniinom ko na ang lahat ng ito ngayon... Sa pansamantala paghahaluin natin ito at bukas kukuha tayo... o! kung magbabayad tayo, maibibigay din ni Isaac ito kahit Sabbath... Makakakuha tayo ng mira at aloe.»

«May nakakita ba sa iyo?»

«Walang sinuman. Ni wala kahit isang paniki sa paligid.»

«At ang mga sundalo?»

«Ang mga sundalo? Sa palagay ko sila ay humihilik sa kanilang mga banig.»

«Ano ang tungkol sa mga sedisyon... ang mga pag-aresto...»

«Ang takot ng lalaking iyon ang nakakita niyan...»

«Sino ang nasa mansiyon?»

«Si Levi at ang kanyang asawa. Kasing payapa katulad ng mga bata. Ang mga armadong lalaki ay tumakbo... ha! ha! magagaling na matatapang na lalaki ang mayroon tayo, sa totoo lang!... Sila ay tumakbo kaagad nang mapakinggan nila ang hatol na kamatayan. Sasabihin ko sa inyo ang totoo: Ang Roma ay matigas at ginagamit ang mga panghagupit... Ngunit sa pamamagitan nito nagagawa nito na katakutan at paglingkuran ito. At ito ay may mga tao, hindi mga duwag... O! oo! Madalas Niyang sabihin: “Ang Aking mga tagasunod ay dadanasin ang kapalaran pareho ng Akin”. H’m! Kung maraming Romano ang maging mga tagasunod ni Jesus, iyan ay maaaring maging totoo. Ngunit kung kailangan na magkaroon ng mga martir sa pagitan ng mga Israelita! Mananatili Siyang nag-iisa... Narito. Ito ang aking sako. At ang isang ito ay kay Johanna, na... oo. Hindi lamang tayo mga duwag, bagkus mga sinungaling. Si Johanna ay nalulungkot lamang. Siya at si Eliza ay sumamâ ang pakiramdam sa Golgotha. Ang isa ay isang ina na ang kaninong anak ay namatay, at, dahil napakinggan Niya ang mga pangangaralgal ni Jesus noong namamatay, siya ay masamang nabalisa. Ang isa ay maselan at hindi sanay sa labis na paglalakad at pagkalantad sa araw. Ngunit walang mga sugat at mga aguniya. Siya ay tiyak na umiiyak, katulad natin. Wala nang iba pa. Nalulungkot siya na siya ay iniuwi. Siya ay darating bukas. At pinadala niya ang mga pampabangong ito. Ang kung ano ang mayroon siya. Sa utos ni Plautina, si Valeria ay nanatiling kasama niya, at ngayon siya ay pumunta kasama ang mga alipin sa bahay ni Claudia, sapagkat sila ay maraming insenso. Kapag siya ay dumating, sapagkat siya rin, sa pamamagitan ng grasya ng Langit, ay hindi isang nanginginig na duwag kailanman, hindi nagsisimulang sumigaw na tila naramdaman ninyo ang punyal sa inyong mga lalamunan. Halina kayo, tumayo. Ating kunin ang mga dikdikin at magtrabaho. Ang pag-iyak ay walang mapupuntahan. O kung man lamang umiyak at magtrabaho. Ang ating pampahid ay makakahalo ang ating mga luha. At mararamdaman Niya ito sa Sarili Niya... Mararamdaman Niya ang ating pagmamahal.» At kanyang kinakagat ang kanyang mga labì, upang hindi umiyak at makapagbigay ng lakas sa iba, na totoong matamlay.

²¹Sila ay nagtatrabaho nang ganado. Si Maria ay tinawag si Juan.

«Inay, ano ang nangyayari?»

«Ang bagsak na iyon...»

«Nagdidikdik sila ng mga insenso...»

«Ah!... Ngunit patawarin Ako... Huwag gumawa ng ingay na iyan... para silang katulad ng mga martilyo...» Sa katunayan ang tansong mga pandikdik na tumatama sa marmol na mga dikdikin ay gumagawa ng eksaktong ingay ng mga martilyo.

Si Juan ay sinabihan ang mga babae, na mga lumabas sa yarda, upang hindi sila mapakinggan nang labis. Si Juan ay bumalik sa Ina.

«Papaano nila nakuha iyon?»

«Si Maria ni Lazarus ay pumunta sa kanyang bahay at kay Johanna... Marami pa rin ang dadalhin...»

«Mayroon na bang dumating?»

«Wala pagkatapos ni Nike.»

«Ngunit tingnan Siya, Juan, kung gaano Siya kakisig kahit na rin sa Kanyang kapighatian!» Si Maria ay buhos-na-buhos sa pagninilay, na ang Kanyang mga kamay magkadaop, sa harapan ng linen, na Kanyang iniladlad sa ibabaw ng isang baul nahahawakan ito ng ilang pabigat.

«Makisig, oo, Inay. At Siya ay ngumingiti sa Inyo... Huwag nang umiyak pa ulit... Ilang mga oras na ang nakaraan. Nabawasan na ang oras ng paghihintay para sa Kanyang pagbalik...» at sa pansamantala si Juan ay umiiyak...

Si Maria ay hinahaplos ang kanyang pisngi. Ngunit nakatingin lamang Siya sa imahe ng Kanyang Anak.

²²Si Juan ay lumabas, nabubulagan ng kanyang mga luha.

si Maria ng Magdala rin, na pumasok upang kumuha ng ilang amphora, ay gayon din ang kalagayan. Ngunit sinabi niya sa Apostol: «Kailangan na huwag nila tayong makita na tayo ay umiiyak. Sapagkat, kung hindi, ang mga babae sa banda roon ay wala nang magagawa kahit ano. At kailangan natin na gawin...»

«... at kailangan natin na maniwala» pagtatapos ni Juan.

«Oo. Kailangan natin na maniwala. Kung ang isa ay hindi makapaniniwala, ito ay magiging kawalang-pag-asa. Ako ay naniwala. At ikaw?»

«Ako rin...»

«Sinasabi mong napakasama. Hindi ka pa nagmamahal nang sapat. Kung nagmamahal ka nang iyong buong sarili, hindi posible para sa iyo na hindi maniwala. Ang pagmamahal ay liwanag at tinig. Laban din sa kadiliman ng pagkakaila at sa katahimikan ng kamatayan ito ay nagsasabi: “Naniniwala ako”. Ang ganda ni Maria ng Magdala, napaka dakila at kahanga-hanga, ma-awtoridad sa kanyang pagpapahayag ng pananampalataya! Ang kanyang puso ay maaaring nadudurog. At ang kanyang mga mata napaapoy ng mga luha ay pinatototohanan iyan. Ngunit ang kanyang espiritu ay hindi napayuko.

Si Juan ay tinitingnan siya puno ng paghanga at bumulong: «Ikaw ay malakas!»

«Lagi. Ako ay labis, na naglakas-loob akong labanan ang mundo. At ako, noon, ay walang Diyos. Ngayon na nasa akin ang Diyos, pakiramdam ko alam ko rin kung papaano labanan ang impiyerno. Ikaw, na mabuti, ay kailangan na mas malakas kaysa sa akin. Sapagkat ang kasalanan ay nagpapahina ng loob, alam mo? Mahigit pa sa inuubos ka. Ngunit ikaw ay inosente... Iyan kung bakit minamahal ka Niya nang labis...»

«Minamahal ka rin Niya...»

«At ako ay hindi inosente. Ngunit ako ay Kanyang  napanalunan at...»

²²May isang malakas na pagkatok sa pinto.

«Baka iyan ay si Valeria. Buksan ang pinto.»

Ginawa ni Juan ito nang wala kahit anong takot, napangingibabawan ng kakalmahan ni Maria.

Ito sa katotohanan ay si Valeria kasama ang kanyang mga alipin, na siyang may dala sa kamilya, mula kung saan siya lumalabas. Siya ay pumasok binibigkas ang pagbating Latino: «Salve.»

«Kapayapaan sa iyo, kapatid. Pasok ka» sabi ni Juan.

«Maaari ko bang ipaabot sa Ina ang pagpipitagan ni Plautina? Si Claudia rin ay nag-ambag. Ngunit ito ay kung hindi makakasamâ para sa Kanya na makita ako.»

Si Juan ay pumunta kay Maria.

«Sino ang kumakatok? Si Pedro? Si Judas? Si Jose?»

«Hindi. Ito ay si Valeria. Nagdala siya ng ilang mamahaling mga resina. Ibig niyang ihandog ito sa Inyo... kung ito ay hindi makakasamâ sa Inyo.»

«Kailangan Kong mapangibabawan ang kalungkutan. Tinawag Niya ang mga anak ng Israel at ang mga pagano sa Kanyang Kaharian. Tinawag Niya ang lahat. Ngayon... Siya ay patay na... Ngunit Ako ay naririto para sa Kanya. At tinatanggap Ko ang lahat. Gawin siyang makapasok.»

Si Valeria ay pumasok. Naalis na niya ang kanyang madilim na manta at siya ay lahat puti sa kanyang balabal. Siya ay yumukod sa lupa. Siya ay bumabati at nagsalita. «Domina. Kilala Ninyo kung sino kami. Ang unang mga babae na natubos mula sa obskurantismo ng mga pagano. Kami ay dumi at kadiliman. Ang Inyong Anak ay nabigyan kami ng mga pakpak at liwanag. Ngayon Siya ay… natutulog sa kapayapaan. Nalalaman namin ang inyong mga kaugalian. At ibig din namin na ang mga balsamo ng Roma ay mapapahid sa Nagtagumpay.»

«Pagpalain sana kayo, mga anak na babae ng Aking Panginoon. At... patawarin Ako kung hindi Ako makapagsalita nang mas marami pa...»

«Huwag gumawa ng kahit na anong pamimilit. Domina. Ang Roma ay malakas. Ngunit nakakaintindi rin ito ng kalungkutan at pagmamahal. Naiintindihan Kayo nito, Namimighating Ina. Paalam.»

«Ang kapayapaan ay mapasaiyo, Valeria! Ang Aking pagpapalà kay Plautina, sa inyong lahat.»

Si Valeria ay umaalis iniiwan ang kanyang mga insenso at mga esensiya.

«Kita Ninyo, Inay? Ang buong mundo ay gumagawa ng mga pag-aalay sa Hari ng Langit at Lupa.»

«Oo» sabi ni Maria. Ang buong mundo. At ang Kanyang Ina ay nakakapagbigay lamang sa Kanya ng wala bagkus mga luha.»

²⁴Ang isang tandang ay tumilaok nang malugod kung saan sa malapit. Nagulat si Juan.

«Ano ang nangyayari, Juan?» tanong ng Banal na Birhen.

«Iniisip ko si Simon Pedro...»

«Ngunit si Pedro ba ay hindi mo kasama?» tanong ni Maria ng Magdala na bumalik na sa silid.

«Oo. Sa bahay ni Annas. Pagkatapos naintindihan ko na kailangan kong pumunta rito. At hindi ko na siya nakita muli.»

«Mamaya lamang ay bukang-liwayway na.»

«Oo. Buksan ang mga bintana.»

Binuksan nila ang mga nagtatakip sa bintana, at ang kanilang mga mukha ay mas lalong nagmumukhang maputla sa medyo berdeng liwanag ng bukang-liwayway.

Ang gabi ng Biyernes Santo ay tapos na.

011012

 

 

 



¹ Taleth – may mga palawit na alampay



Sunod na kabanata