609. Ang Nakapanunubos na Kahalagahan ng mga Paghihirap Nina Jesus at Maria. Si Juan ang Ulo ng mga Mangingibig.

(Pebrero 20 1944)

¹Ngayon, gabi na,

 

jesus sinasabi

 sinasabi ni Jesus:

«Nakita mo kung gaano ang kinakailangan upang maging mga Tagapagligtas. Nakita mo ito sa Akin at kay Maria. Nalaman mo ang lahat ng aming mga pahirap at nakita mo kung sa pamamagitan ng kung anong pagbibigay, kabayanihan, tiyaga, kababaang-loob, pagpupursige, lakas namin ito binatà dala ng aming pagmamahal upang mailigtas kayo.

Ang lahat na ibig, na humihingi sa Panginoong Diyos na sila ay maging mga “tagapagligtas”, ay kailangan na ganap na isipin na si Maria at Ako ay ang huwaran at na iyon ang mga pahirap na kailangan nilang ibahagi upang makapagligtas. Ang kanilang pahirap ay hindi magiging ang krus, ang mga tinik, ang mga pako, ang materyal na mga hagupit. Ito ay magiging iba, ibang porma at kalikasan. Ngunit gayon din kasakit at gayon din katindi. At tanging sa pagsasakripisyo lamang sa gitna ng mga kapighatiang iyon kayo magiging mga tagapagligtas.

Iyan ay isang mahigpit na misyon. Ang pinakamahigpit sa kanilang lahat. Sa isang pagkumpara dito ang pamumuhay ng monghe o ng madre na may pinaka istriktong patakaran  ay isang bulaklak kompara sa isang masa ng mga tinik. Sapagkat iyan ay hindi isang patakaran ng pantaong Kaayusan. Bagkus ang Patakaran ng isang pagpapari, ng isang dibinong monastikong pamumuhay, na Ako ang Tagapagtatag, Ako, Na sa Aking Patakaran, sa Aking Kaayusan, kinokonsagra at tinatanggap ang mga inilagay dito, at ipinapataw ang Aking abito sa kanila: totál na Kapighatian, kahit hanggang sa magsakripisyo.

²Nakita mo ang Aking mga paghihirap. Ito ay ginamit upang makagawa ng mga pagtutuwid para sa inyong mga kasalanan. Walang parte ng Aking katawan ang naipuwera dito, sapagkat wala sa tao ang walang kasalanan, at ang lahat ng inyong pisikal at moral na mga kaakuhan – ang kaakuhan na iyan na binigay sa inyo ng Diyos na may perpeksiyon ng dibinong gawa at na inyong hinamak sa pamamagitan ng kasalanan ng inyong unang magulang at ng inyong mga hilig sa kasamaan, ng inyong masamang kalooban – ay mga instrumento na inyong ginagamit upang gumawa ng kasalanan. Ngunit Ako ay naparito upang kanselahin ang mga epekto ng kasalanan sa pamamagitan ng Aking Dugo at ng Aking kapighatian, hinuhugasan ang inyong indibidwal na pisikal at moral ng mga parte dito, upang malinisan at mapalakas sila laban sa masisísing mga hilig.

Ang Aking mga kamay ay sinugatan at itinali, pagkatapos na mapagod ito ng pagdadala sa Krus, upang makagawa ng mga pagtutuwid para sa lahat na krimen na ginawa ng mga kamay ng tao. Mula sa totoo at angkop na mga krimen na ginawa humahawak at gumagamit ng isang baril laban sa isang kapatid, ginagawa ang inyong mga sarili na mga Cain, hanggang sa ginagawang pagnanakaw, pagsusulat ng huwad na mga akusasyon, gumagawa ng mga senyas na laban sa pagrespeto sa inyong mga katawan at sa mga katawan ng ibang mga tao, at hindi kumikilos sa katamaran, na isang magandang pinagmumulan ng mga bisyo. Para sa hindi tamang kalayaan ng inyong mga kamay, ang Akin ay ipinako, ipinapako ito sa krus, pinagkakaitan ito ng pagkilos ng higit pa sa tama at kinakailangan.

Ang mga Paa ng inyong Tagapagligtas, pagkatapos na mapagod at magalusan sa mga bato sa Daan ng Aking Pasyon ay nilagos at hindi pinagalaw, upang makagawa ng mga pagtutuwid para sa kasamaan na ginagawa ninyo sa pamamagitan ng inyong mga paa, ginagawa itong pamamaraan upang makarating sa inyong mga krimen, mga pagnanakaw, mga pakikipagtalik. Namarkahan Ko ang mga kalye, ang mga liwasan, ang mga bahay, ang mga baytang sa Herusalem, upang mapadalisay ang lahat na mga kalye, mga liwasan, mga bahay, ang mga baytang ng lupa mula sa lahat ng kasamaan na tumubo roon at sa loob niyon, inihasik sa nakaraan at sa hinaharap ng mga siglo ng inyong masamang kalooban, masunurin sa mga panunulsol ni Satanas.

³Ang Aking Laman ay ginalusan, pinunit upang maparusahan sa Akin ang kalabisang kulto, ang idolatriya na binibigay ninyo sa inyong laman at sa laman ng inyong mga minamahal dala ng sensuwal na kapritso o dala din ng pagkagiliw, na hindi masisi mismo, ngunit ginagawa ninyong masisi ito dahil sa pagmahal sa isang magulang, isang asawa, isang anak, isang kapatid nang higit pa sa pagmahal ninyo sa Diyos.

Hindi. Higit sa lahat magmahal at sa bawat pagkakatali sa lupa, ay may, kailangan na naririyan ang pagmamahal para sa inyong Panginoong Diyos. Walang ibang pagmamahal ang dapat na maging mas mataas pa rito. Mahalin ang inyong mga kamag-anak sa Diyos, hindi mataas pa sa Diyos. Mahalin ang Diyos nang inyong buong mga sarili. Hindi niyan makukuha ang inyong pagmamahal hanggang sa sukdulan na magawa kayong walang-pakialam sa inyong mga kamag-anak, sa kabaligtaran palalakasin nito ang inyong pagmamahal para sa kanila nang may perpeksiyon na nakuha mula sa Diyos, sapagkat ang nagmamahal sa Diyos ay nasa kanya mismo ang Diyos at , bilang nasa kanya ang Diyos, ay nasa kanya ang Perpeksiyon.

Nagawa Ko ang Aking Laman na maging isang sugat upang maalis mula sa inyong laman ang lason ng kahalayan, ng kawalang kahihiyan, ng kakulangan sa pagrespeto, ng ambisyon at paghanga para sa laman na nakatalagang maging alikabok muli. Ito ay hindi sa pamamagitan ng isang kulto para sa katawan na magagawa itong maganda. Ito ay sa pamamagitan ng pagkakatikal dito na ang isa ay mabibigyan ito ng eternal na Kagandahan sa Langit ng Diyos.

⁴Ang Aking ulo ay pinahirapan sa pamamagitan ng di-mabilang ng mga pahirap: ng mga dagok, ng pagbilad sa araw, ng mga sigaw, ng mga tinik, upang makagawa ng mga pagtutuwid para sa mga kasalanan ng inyong mga isip. Pagmamalaki, kawalang pasensya, pagka di-makapagtiis, ang pagka di-makapagbata ay sumisibol katulad ng isang malambot na kama sa inyong mga utak. Ginawa Ko itong katulad ng isang pinahirapan na sangkap, nakasarado sa isang ataul may dekorasyon ng dugo, upang makabayad para sa lahat na tumutubo mula sa inyong isip.

Nakita mo ang tanging korona na ginusto Ko. Ang korona na tanging ang isang baliw o isang kondenado lamang ang magsusuot. Walang sinuman, na matino ang isip (nagsasalita sa pantaong punto-de-bista) at malaya na gawin kung ano ang gusto niya, ang magsusuot nito. Ngunit Ako ay tiningnan na baliw at baliw Ako sa isang sobrenatural na dibinong punto de bista, dahil gusto Kong mamatay para sa inyo na hindi nagmamahal sa Akin o nagmamahal sa Akin nang napakakaunti, dahil gusto Kong mamatay upang matalo ang Kasamaan sa loob ninyo, nalalaman na mas minamahal pa ninyo ito kaysa sa inyong pagmamahal sa Diyos, at Ako ay isang biktima ng tao, kanyang preso, hinatulan niya. Ako, Diyos, hinatulan ng tao.

Gaano kayo madalas maubusan ng pasensya tungkol sa mga walang-kuwentang bagay, hindi kayo mapagkasundo sa mumunting mga bagay, kayo ay hindi makapagbata dahil sa maliliit na karamdaman! Ngunit tingnan ang inyong Tagapagligtas. Isipin kung gaano maaaring nakakainis iyon na patuloy na tinutusok sa iba't ibang bahagi, na ang mga kulot ng Aking buhok napapasabit sa mga tinik, ang maramdaman ang korona na walang-tigil sa kagagalaw na ang Aking ulo hindi Ko maigalaw, at nang hindi Ko ito maisandal kahit saan nang hindi Ako pinahihirapan! Ngunit isipin kung ano ang katulad ng mga sigawan ng mga pulutong, ng mga dagok sa Aking ulo, ng nanununog na araw sa Aking pinahirapan, sumasakit, nilalagnat na Ulo! Isipin kung ano ang kirot na naramdaman Ko sa Aking kaawa-awang utak, mula noong pumunta Ako sa aguniya ng Biyernes sumasakit ang buong katawan dahil sa mga pagsisikap na ginawa noong Huwebes na gabi, sa Aking abang utak, na naapektuhan ng lagnat ng Aking pinahirapang katawan at ng mga pagkahilo dala ng mga pahirap!

At sa Aking Ulo, sa Aking mga mata, sa Aking bunganga, sa Aking ilong, sa Aking dila, ang bawat isa ay may kanyang pahirap. Upang makabayad para sa inyong mga sulyap, sabik na sabik na makakita ng kung ano ang masama at masyadong nakakalimot ng paghahanap sa Diyos, upang maituwid ang napakarami, huwad-na-huwad, marumi at mahalay na mga salitang inyong binibigkas, sa halip na gamitin ang inyong mga labì upang magdasal, magturo, mang-aliw; ang Aking ilong at ang Aking dila ay pinaghirap ang mga pahirap dito upang maituwid ang inyong katakawan at ang kahalayan ng inyong pangamoy, na sa pamamagitan nito nakakakuha kayo ng mga imperpeksiyon, na siyang pinagsisimulan ng mas mabibigat na kasalanan, at nakagagawa kayo ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pananabik para sa sobra-sobrang pagkain, nang hindi nakararamdam ng awa sa mga nagugutom, pagkain na inyong nabibili nang madalas sa pamamagitan ng paggawa ng ilegal na mgashroud 3 pamamaraan upang kumita.

⁵Ang Aking mga organo ay hindi naipaliban sa paghihirap. Wala ni isa sa kanila. Ang kakapusan-ng-hangin at ang ubo para sa Aking mga bagà, naidiin ng malupit na paghahagupit, at naghihirap gawa ng labis na likido katulad ng sipon dahil sa pusisyon sa krus.  Ang paghingal at ang problema sa puso dahil nawala ito sa lugar at nasaktan ng walang-awang paghahagupit, ng moral na pamimighati na nauna rito, ng pag-akyat sa ilalim ng mabigat na krus, ng kakulangan sa dugo, ang resulta ng lahat na pagdanak ng dugo. Ang atay naninikip, ang pali naninikip, ang mga bato nagalusan at naninikip.

shroudNakita mo yung palibót na mga pasâ sa paligid ng Aking mga bato. Ang inyong mga siyentipiko, upang mabigyan ng katibayan ang inyong kawalang-paniniwala tungkol sa ebidensiya ng Aking paghihirap, na siyang ang Shroud, ay pinaliliwanag kung papaano ang dugo, ang pawis ng patay at ang urea ng isang labis-na-napagod na katawan, kapag nahalo sa mga pampabango, napalabas ang natural na imahe ng Aking patay na pinahirapan na Katawan.

Mas mabuti na ang maniwala nang walang pangangailangan ng napakaraming mga katibayan upang maniwala. Mas mabuti na ang sabihin: “Iyan ay gawa ng Diyos” at pagpalain ang Diyos, Na nagkaloob sa inyo ng di-matututulan na pruweba ng Aking Pagpapako-sa-krus at tungkol sa mga pahirap na sinundan nito!

Ngunit sa dahilan na hindi na kayo makapaniwala nang may kasimplehan ng isang bata, bagkus nangangailangan kayo ng mga pruwebang siyentipiko – gaano kababaw ang inyong pananampalataya, na kung wala ang suporta at panghihikayat ng siyensiya ay hindi makatayo nang tuwid at makalakad – kailangan na malaman ninyo na ang malupit na mga pasâ ng Aking mga bato, halos nawasak ng mga paghahagupit, ay hindi na gumagana. Katulad ng mga tao na nasunog, hindi na ito makapanálâ, at ang urea ay naipon at kumalat sa Aking dugo, sa Aking katawan, gumagawa ng mga pagpapahirap ng pagkahilo at ng kimiko na tumatagos sa labas ng Aking labí at nagmarka sa tela. Ngunit sinuman ang doktor sa inyo, o kahit sino na naghihirap ng uraemia, ay makikita kung anong mga paghihirap ang nagawa sa Akin ng mga uraemic toxin, dahil napakarami nito na ito ay nakagawa ng di-mabuburang marka.

Uhaw. Anong pahirap na pagkauhaw! Datapwa't nakita mo ito. Sa pagitan ng napakarami, wala ni isa ang nagbigay sa Akin ng isang patak ng tubig. Mula sa Hapunan, hindi Ako nagkaroon ng pampalamig. At ang lagnat, sikat ng araw, init, alikabok, pagkawala ng dugo, ay nagawa ang inyong Tagapagligtas na mauhaw nang husto.

⁸Nakita mo na tinanggihan Ko ang alak na hinaluan ng mira. Ayaw Ko ng kahit na anong pampamanhid para sa Aking paghihirap. Kapag inaalay natin ang ating mga sarili bilang mga biktima, kailangan na tayo ay maging mga biktima nang walang pagkahabag na mga pagsasaayos, mga kompromiso, mga pampagaan. Kinakailangan na inumin ang kalis katulad na ito ay inialok. Kailangan na malasa natin ang suka at apdo hanggang shroud 2sa pinaka-katapusan. Hindi ang pinabanguhang alak na pumapatay sa sakit.

O! ang patutunguhan ng isang biktima ay talagang mahigpit. Ngunit pinagpala ang mga tao na ito ang pinipili bilang kanilang patutunguhan.

⁷Iyan ang paghihirap ng iyong Jesus sa Kanyang inosenteng Katawan. At hindi Ko babanggitin ang mga pahirap ng Aking pagmamahal para sa Aking Ina at para sa Kanyang kapighatian. Ang kapighatian na iyon ay kinakailangan. Ngunit para sa Akin iyon ang pinaka-malupit na pahirap. Tanging ang Ama lamang ang nakaaalam kung ano ang ipinaghirap ng Kanyang Salita sa Kanyang espiritu, sa Kanyang moral, sa Kanyang katawan! Ang presensya rin ng Kanyang Ina, kahit na kung ito ang labis na hinihiling ng Aking puso, dahil kinakailangan nito ang kaginhawahan na iyon sa gitna ng walang-hangganang pangungulila na nakapaligid dito, ang walang-hangganang pangungulila na nanggagaling sa Diyos at sa mga tao, ay isang pahirap.

Ang Aking Ina ay kinakailangan na naroroon, isang anghel ng laman, upang mapigilan ang kawalang-pag-asa na salakayin Ako, katulad na ang espirituwal na anghel ay napigilan ito sa Gethsemane, Siya ay kinailangan na naroroon upang maisama ang Kanyang Kapighatian sa Akin para sa inyong Katubusan, Siya ay kinailangan na naroroon upang tanggapin ang imbestidura ng pagiging Ina ng sangkatauhan. Ngunit ang makita Siyang mamatay sa bawat pangangatog Ko ay ang Aking pinakamalaking kapighatian. Ni hindi kahit na ang pagtataksil, ni kahit na ang kaalaman na ang Aking Sakripisyo ay magiging walang-kabuluhan para sa napakaraming mga tao, ang dalawang kapighatian na ito na bago ito noon ay tila napakalaki na ginawa Akong pagpawisan ng dugo, ay maikukumpara sa isang ito.

⁸Ngunit nakita mo kung gaano sa Maria kadakila sa oras na iyon. Ang pahirap sa Kanya ay hindi nakapagpigil sa Kanya na maging magpahanggang ngayon mas malakas pa kaysa kay Judith. Ang huli ay pumatay. Ang una ay pinahintulutan ang Sarili na mapatay sa pamamagitan ng Kanyang Anak. At Siya ay hindi nanumpa, hindi Siya napoot. Siya ay nanalangin, Siya ay nagmahal, Siya ay sumunod, Laging isang Ina, hanggang sa maisip, sa pagitan ng Kanyang mga pahirap, na ang Kanyang Jesus ay kakailanganin ang Kanyang pambirhen na belo sa inosenteng katawan ng Kanyang Anak, upang maipagsanggalang ang Aking pagkadisente. Nagawa Niyang kasabay na maging ang Anak na Babae ng Ama ng Langit at sundin ang Kanyang nakamamatay na kalooban sa oras na iyon. Siya ay hindi nanumpa, siya ay hindi nagrebelde. Maging laban sa Diyos, o laban sa mga tao. Pinatawad Niya ang huli, sinabi Niyang “Fiat” sa Una.

At pagkaraan napakinggan mo Siyang nagsabi: “Ama, minamahal Ko Kayo at minahal Ninyo kami!” Naalaala Niya at pinahayag Niya na ang Diyos ay minahal Siya at pinapanariwa Niya ang Kanyang pagmamahal para sa Kanya. Sa oras na iyon! Pagkatapos na ang Ama ay nilagos Siya at pinagkaitan Siya ng Kanyang katwiran para mapunta sa lupa. Minamahal Siya ni Maria. Hindi Siya nagsasabi: “Hindi Ko na Kayo minamahal sapagkat Ako ay Inyong hinampas”. Minamahal Niya Siya. Siya ay hindi namimighati sa Kanyang kapighatian. Bagkus sa kung ano ang ipinaghirap ng Kanyang Anak. Hindi Siya sumisigaw dahil ang Kanyang puso ay nadurog, bagkus ang Akin ay nilagos. Tinatanong Niya ang Ama kung ano ang rason para doon, hindi para sa Kanyang kapighatian. Tinatanong Niya ang rason ng Ama sa ngalan ng kanilang Anak.

Siya ay ang Esposa ng Diyos. Siya ito na naglihi gawa ng pakikiisa sa Diyos. Nalalaman Niya na walang kontakto sa tao ang dahilan ng Kanyang paglilihi para sa Kanyang Anak, bagkus bumaba lamang ang Apoy mula sa Langit upang lagusin ang Kanyang imakuladang sinapupunan at ilagay doon ang dibinong Embriyon, ang Katawan ng Tao-Diyos, ng Diyos-Tao, ng Tagapagtubos ng mundo. Alam Niya, at kapwa bilang Esposa at bilang Ina nagtatanong Siya kung ano ang rason para sa sugat na iyon. Ang iba ay kailangan na ibigay. Ngunit bakit ang isang iyon, kung ang lahat ay napangyari na?

Kaawa-awang Ina! May dahilan iyon, na dahil sa Inyong kapighatian ay hindi Ninyo nabasa sa Aking sugat. At iyon ay para makita ng mga tao ang Puso ng Diyos. Nakita mo ito, Maria. At hindi mo ito makakalimutan.

Ngunit, tingnan mo? Bagama't hindi nakita ni Maria ang sobrenatural na mga dahilan para sa sugat na iyon, kaagad Niyang naisip na hindi Ako niyon nasaktan, at pinagpapala Niya ang Diyos para diyan . Walang anuman sa Kanya na ang sugat na iyon ay sinasaktan Siya, kaawa-awang Ina, nang labis. Hindi Ako nasaktan niyon, at sapat na iyon at nabigyan Siya ng dahilan na pagpalain ang Diyos Na nagsakripisyo sa Kanya.

⁹Humihingi lamang Siya ng kaunting kaginhawahan upang hindi mamatay. Siya ay kinakailangan para sa nagbubukang-liwayway na Simbahan, para kung saan mga ilang oras pa lamang ang nakakaraan Siya ay nilikhang ang Ina. Ang Simbahan, katulad ng isang bagong-panganak na sanggol, ay nangangailangan ng alaga at gatas ng isang ina. Si Maria ay maibibigay ito sa Simbahan sinusuportahan ang mga Apostol, nagsasalita sa kanila tungkol sa Tagapagligtas, nagdarasal para dito. Ngunit papaano Niya gagawin ito kung mapuputulan Siya ng hininga ngayong gabi? Ang Simbahan, na sa loob lamang ng kaunting mga araw ay maiiwanan na walang Ulo nito, ay ganap na magiging ulila kung pati si Maria ay namatay. At ang kapalaran ng bagong-panganak na mga ulila ay lagi nang walang-katiyakan.

Ang Diyos ay hindi kailanman nagbibigay ng kabiguan sa isang makatarungan na dasal at pinagiginhawahan Niya ang Kanyang mga anak na umaasa sa Kanya. Si Maria ay pinatutunayan ito sa pamamagitan ng kaginhawahan ng Veronica. Siya, ang kaawa-awang Ina, ay nakatalà sa Kanyang mga mata ang imahe ng Aking patay na Mukha. Hindi Niya matiis ang tanawin na iyon. Iyon ay hindi ang Kanyang Jesus, tumanda, magà, may mga matang nakasarado hindi sa Kanya nakatingin, may mga labing pilipit na hindi nagsasalita sa Kanya o ngumingiti. Ngunit naririto ang isang mukha na siyang mukha ng buháy na Jesus. Namimighati, sugatán, ngunit buhay pa. Dito ang Kanyang mga mata ay tinitingnan Siya, ang Kanyang mga labì ay tila nagsasabing: “Inay!” Dito ang Kanyang ngiti ay bumabati pa rin sa Kanya.

¹⁰O! Maria! Tingnan ang iyong Jesus sa iyong kapighatian. Siya ay laging darating at titingnan ka, tatawagin ka Niya at ngingiti sa iyo. magbabahaginan tayo ng kapighatian, ngunit magiging magkasama tayo!

Juan, munting Juan, bumahagi ka sa kapighatian ni Maria at ni Jesus. Maging katulad ni Juan, lagi. Diyan din. Nasabi Ko na sa iyo: “Hindi ka magiging dakila dahil sa mga kontemplasyon at mga diktasyon. Iyan ay Akin. Bagkus dahil sa iyong pagmamahal. At ang pinakamalalim na pagmamahal ay nasa pagbabahaginan ng kapighatian”. Iyan ay magbibigay sa iyo ng posibilidad na malaman sa pamamagitan ng pag-unawa ang pinakamaliliit na mithiin ng Diyos at magawa itong reyalidad sa kabila ng lahat na mga balakid.

Tingnan ang masiglang maselan na pagkasensitibong asal ni Juan mula noong Huwebes na gabi hanggang Biyernes na gabi. At pagkatapos pa. Ngunit tingnan natin ito sa loob ng mga oras na iyon.

Isang sandali ng bagabag. Isang oras ng kalabuan. Ngunit pagkatapos na malampasan niya ang antok gawa ng pagkagulat noong pag-aresto, at ng pananabik sa pamamagitan ng pagmamahal, siya dumating, hinihila si Pedro na isinama niya, upang ang Guro ay magkaroon ng kaunting kaginhawahan nakikita ang Ulo ng mga apostol at ang Paboritong apostol.

Pagkatapos inisip niya ang tungkol sa Ina, kung Kanino ang ilang mga tao ay baka sumigaw na ang Kanyang Anak ay nahuli na. At pinuntahan niya Siya. Hindi niya alam na si Maria ay nararanasan na ang mga pahirap ng Kanyang Anak at na habang ang mga apostol ay natutulog, Siya ay gising at nagdarasal, nag-aaguniya kasabay ang Kanyang Anak. Hindi niya ito nalalaman. At pumunta siya sa Kanya at inihanda Siya niya para sa balita.

Pagkatapos nagpauli-uli siya sa bahay ni Caiaphas at sa Praetorium, sa bahay ni Caiaphas at sa palasyo ni Herodes, at pagkatapos sa bahay ni Caiaphas at sa Praetorium muli. At ang gawin iyon sa umagang iyon, sumisiksik sa pulutong na nalasing ng poot, nakasuot ng damit na maituturo siyang isang Galilean, ay hindi kaaya-aya. Ngunit ang pagmamahal ay sinusuportahan siya, at hindi niya iniisip ang tungkol sa kanyang sarili, bagkus ang tungkol sa kapighatian ni Jesus at ng Kanyang Ina. Maaari siyang pagbabatuhin bilang isang tagasunod ng Nazareno. Hindi na bale iyon. Hinaharap niya ang lahat. Ang iba ay tumakbo, sila ay nagtatago, sila ay pinamumunuan ng kahinahunan at takot. Siya ay pinamumunuan ng pagmamahal, at siya ay nananatili at pinakikita ang sarili. Siya ay dalisay. Ang pagmamahal ay umuunlad sa kadalisayan.

At kung ang kanyang habag at sentido-komun ng isang tao ng sambayanan ay nakumbinsi siyang panatilihin malayo sa Maria sa mga pulutong at sa Praetorium – hindi niya alam na bumabahagi na si Maria sa lahat ng pahirap ng Kanyang Anak, ipinaghihirap ito nang espirituwal – noong siya ay nagpasya na panahon na kailangan na ni Jesus ang Kanyang Ina, at na hindi tama na panatilihin pang malayo ang Ina mula sa Kanyang Anak, dinala niya Siya sa Kanya, sinusuportahan Siya, ipinagsasanggalang Siya.

Ano ang iilan na tapat na mga taong iyon: isang lalaki na nag-iisa, walang-armas, bata pa, walang awtoridad, pinangungunahan ang ilang mga babae, magpatungkol sa isang nagngangalit na pulutong? Wala. Isang tambak na mga dahon na maililipad ng hangin. Isang maliit na bangka sa mabagyong karagatan na maaaring palubugin ito. Walang anuman iyon. Ang pagmamahal ay ang kanyang lakas at ang kanyang panlayag. Siya ay armado nito, at sa pamamagitan nito ipinagsasanggalang niya ang Babae at ang mga babae hanggang sa katapusan.

Taglay ni Juan ang pagmamahal ng habag katulad na walang ibang tao, maliban sa Aking Ina, ang nagtataglay nito. Siya ay ang Ulo ng mga nagmamahal nang may gayong pagmamahal. Siya ay ang iyong guro magpatungkol diyan. Sundan siya sa halimbawa na binibigay niya sa inyo sa kadalisayan at pagmamahal, at kayo ay magiging dakila.

Humayo sa kapayapaan, ngayon. Pinagpapala kita.»

031012

 

 

 



Sunod na kabanata