61. Si Jesus Nangangaral at Gumagawa ng mga Himala sa Bahay ni Pedro.

Nobyembre 4, 1944.

¹Si Jesus ay umakyat sa tuktok ng isang tambak ng mga basket at ng mga tali sa pamasukan ng pangkusinang-hardin ng bahay ng biyanan ni Pedro. Ang pangkusinang-hardin ay nagsisiksikan sa mga tao, at ang iba pang mga tao ay nasa baybayin ng lawa, ang ilan nakaupo sa buhangin, ang ilan sa mga nakasadsad na bangka. Siya ay tila kanina pa nagsasalita, sapagkat ang sermon ay nakapagsimula na.

Napapakinggan ko: «…Tiyak na maraming beses na kayong ganyan ang iniisip sa loob ng inyong mga puso. Ngunit hindi ito ganito. Ang Panginoon ay hindi nagkulang ng kabaitan ng puso sa Kanyang sambayanan. Sa kabila ng ang Kanyang sambayanan ay nagkulang ng katapatan sa Kanya nang libu-libong beses.

Makinig sa parabulang ito. Makatutulong ito sa inyo na makaintindi.

Ang isang hari ay nag-aari ng maraming magagandang kabayo sa kanyang mga establero. Ngunit partikular na nagigiliw siya sa isa sa kanila. Magiliw niya itong tinititigan, kahit na noong ito ay wala pa sa kanya. Pagkaraan, nang ito ay napasakanya, inilagay niya ito sa isang magandang lugar at siya ay madalas na pumupunta rito upang hangaan ang kanyang paboritong kabayo, kapwa sa pamamagitan ng kanyang mga mata at sa pamamagitan ng kanyang puso, pinangangarap na ito ay magiging  ang kababalaghan ng kanyang kaharian. At nang ang kabayo ay nagrebelde laban sa mga utos, hindi sumusunod at lumalayas sa ilalim ng ibang panginoon, ang hari, sa kanyang pamimighati at sa kanyang kahigpitan, ay nangako na patatawarin niya ang rebelde pagkatapos na ito ay maparusahan. At matapat katulad niya dati, bagama't nasa malayo, kanyang pinababantayan ang kanyang paboritong kabayo at nagpapadala siya ng mga regalo at mga tagapag-alaga rito, umaasa na mapananatili ng mga ito ang kanyang alaala sa puso ng kabayo.

Ngunit ang kabayo, bagama't naghihirap sa pagkakapatapon mula sa kaharian, ay hindi matatag, katulad na ang hari ay matatag, sa pagmamahal at sa kagustuhan ng ganap na kapatawaran. Kung minsan ito ay mabait, kung minsan masama; ni hindi naging mas malaki ang kabaitan nito sa kasamaan nito. Hindi lamang, bagkus ito ay ang kabaligtaran. Subalit ang hari ay mapasyensiya at sa pamamagitan ng mga pangaral at mga haplos, nagsikap siya na ang kabayo ay maging isang mas kaibig-ibig at mas maamong kaibigan. Habang tumatakbo ang panahon, ang kabayo ay mas nagiging kasuklam-suklam. Pinananawagan nito ang hari nito, umiiyak ito sa ilalim ng hagupit ng ibang mga panginoon, ngunit ayaw talaga nitong maging pag-aari ng hari. Simpleng ayaw talaga nito. Nasisiil, hapo na, umuungol, hindi ito nagsasabi: “Ako ay ganito dahil sa aking sariling pagkakamali”. Sa halip, inaakusahan nito ang hari para rito.

Ang hari, pagkatapos na masubukan ang lahat, ay nagpasyang gumawa ng huling pagsisikap. “Magpahanggang ngayon” sinabi niya, “nagpadala ako ng mga mensahero at mga kaibigan. Ngayon ipadadala ko ang aking sariling anak. Ang kanyang puso ay katulad ng aking sarili at magsasalita ng gayon ding pagmamahal katulad ng ginagawa ko, at gagamit ng gayon ding mga haplos at mga regalo na madalas kong gawin, hindi lamang ‘yan, bagkus siya'y magiging mas mabait pa, sapagkat ang aking anak ay katulad ng aking sarili, ngunit nagawang mas dakila ng pagmamahal”. At kanyang pinadala ang kanyang anak.

Iyan ang parabula. ²Ngayon sabihin ninyo sa Akin: sa palagay ba ninyo minahal ng hari ang kanyang paboritong kabayo?»

Ang pulutong ay sinabi nang magkakasabay: «Minahal niya iyon nang walang-hanggang pagmamahal.»

«Makapagrereklamo ba ang hayop sa hari dahil sa lahat na masamang dinanas nito pagkatapos na iwanan nito ang hari?»

«Hindi, hindi ito makapagrereklamo» tugon ng mga tao.

«Tugunan din ang katanungang ito: Papaano sa palagay ninyo tatanggapin ng kabayo ang anak ng hari na pumunta upang iligtas at gamutin ito at madala itong muli sa magandang lupain?»

«Nang may malaking tuwa, siyempre, may pasasalamat at pagmamahal.»

«Ngayon, kung ang anak ng hari ay nagsabi sa kabayo: “Ako ay naparito para sa rason na ito,  na gawin ang ganito at gayong bagay para sa iyo, ngunit kailangan na ikaw ay maging mabait, masunurin, pumapayag at nagiging matapat sa akin”, ano sa palagay ninyo ang itinugon ng kabayo?»

«O! Hindi na kailangang itanong! Ngayon na alam na nito kung ano ang resulta ng mapatapon mula sa kaharian, maaaring sinabi nito na gusto na nitong maging ayon sa iminungkahi ng anak ng hari.»

«Bueno, kung gayon, ano ang katungkulan ng kabayong iyon, ayon sa inyo?»

«Ang maging mas mabuti pa kaysa sa hinihingi rito, mas mapagmahal, mas  maamo, upang mapatawad para sa mga nakaraang pagkakamali, at dala ng pasasalamat para sa lahat na mga kabutihang tinanggap.»

«At kung hindi nito ginawa ito?»

«Karapat-dapat ito ng kamatayan, sapagkat ito ay mas malala pa kaysa sa isang mabangis na hayop.»

«Aking mga kaibigan, nakapaghusga kayo nang tama. Ngunit gawin ninyong eksakto  ang ibig ninyo mismong  gawin sana ng kabayong iyon. Nagsusumamo Ako sa inyo, ang paboritong mga nilikha ng Hari ng Langit, ng Diyos, ng Aking Ama at inyo, na maging ayon man lamang sa paghusga ninyo na sana siyang ginawa ng kabayo. Sapagkat pagkatapos ng mga Propeta, ang Diyos ay ipinadala sa inyo ang Kanyang sariling Anak at nagsusumamo Ako sa inyo, para sa kabutihan ninyo at dahil sa minamahal Ko kayo katulad ng tanging ang Diyos lamang ang makapagmamahal, ang Diyos na nasa Akin upang gawin ang himala ng Panunubos.  Kalungkutan para sa mga tao na ibinababa ang kanilang mga sarili sa antas na mas mababa pa kaysa sa mga hayop! Ngunit kung posible na patawarin pa ang mga nakagawa ng kasalanan hanggang sa kasalukuyang panahon – sapagkat napakahabang panahon ang dumaan mula nang binigay ang Batas at labis na makamundong alikabok ang napapunta sa Batas – ngayon hindi na ito maaari. Ako ay naparito upang dalhin muli ang salita ng Diyos. Ang Anak ng tao ay nasa pagitan ng mga tao upang pasunurin silang pabalik sa Diyos. Sundan Ako. Ako ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay.»

³Ang karaniwang bulung-bulungan ng pulutong.

Si Jesus ay sinasabihan ang Kanyang mga disipulo: «Gawing makalapit ang mahihirap. May isang malaking limos para sa kanila ang ginawa ng isa na nakikiusap na makakuha ng kapatawaran mula sa Diyos.»

Tatlong  matandang lalaki na punit-punit ang damit ang lumapit, dalawang bulag at isang pilay; sinusundan sila ng isang balo na may kasamang pitong payat na mga bata.

Si Jesus ay tinititigan sila, isa-isa, ngumingiti Siya sa balo at lalo na sa mga bata. Hindi, bagkus, sinabi Niya kay Juan: «Ilagay ang mga iyon sa banda roon sa pangkusinang-hardin. Ibig Kong magsalita sa kanila.» Ngunit Siya ay naging mahigpit, na may nagniningas na mga mata, nang ang isang maliit na matandang lalaki ay lumitaw. Ngunit wala Siyang sinasabi, pansamantala.

Tinawag Niya si Pedro, mula kung kanino Kanyang hinihingi ang lukbutan na tinanggap kamakailan lamang at ang isa pa na may mas maliliit na pera, na mga limos na nalikom mula sa may-mabubuting puso na mga tao. Ibinuhos Niya ang pera sa upuan malapit sa bubon, binibilang Niya ito, at pinaghihiwa-hiwalay. Gumagawa Siya ng anim na parte. Isang napakalaking parte, lahat pilak, at limang mas maliliit ang sukat na mga parte, na may maraming tansong pera at ilang malalaki. Tinawag Niya ang mahihirap, mga may sakit at tinanong sila: «Wala ba kayong sasabihin sa Akin?»

Ang mga bulag ay tahimik; ang pilay ay nagsabi: «Harinawang Siya Na nagpadala sa Inyo, ay protektahan Kayo.» Wala nang iba.

Si Jesus ay inilagay ang limos sa kanyang mabuting kamay.

Ang mamâ ay nagsabi: »Gantimpalaan nawa Kayo ng Diyos. Ngunit higit pa sa limos na ito, ibig kong ako'y  mapagaling Ninyo.»

«Hindi mo hiningi iyan.»

«Ako ay isang mahirap, isang uod na tinatapakan ng malalakas na tao, hindi ako naglakas-loob na umasa na Kayo ay magkakaroon ng awa sa isang pulubi.»

«Ako ay Awa na yumuyuko sa lahat na paghihirap na tumatawag sa Akin. Wala Akong tinatanggihang sinuman. Ang tanging Aking hinihingi ay pananampalataya at pagmamahal, upang sana masabi Ko: Ako ay nakikinig sa iyo.»

«O! Aking Panginoon! Naniniwala ako sa Inyo at minamahal ko Kayo. Iligtas Ninyo ako, kung gayon! Pagalingin ang Inyong lingkod!»

Si Jesus ay ipinatong ang Kanyang kamay sa baluktot na likod, ginagalaw Niya ito nang marahan, na tila hinahaplos Niya ang mamâ at nagsabi: «Gusto Kong gumaling ka.»

Ang mamâ ay itinuwid ang sarili, maliksi at malusog, nagbibigkas ng walang-katapusang mga pagpapalà.        

Si Jesus ay iniaabot ang mga limos sa bulag na mga lalaki at naghintay nang sandali bago sila pahayuin… pagkatapos Kanya silang pinaalis. Tinawag Niya ang matatanda. Ibinigay Niya ang mga limos sa una, at tinutulungan Niya siyang mailagay ang pera sa kanyang lukbutan na sinturon. Nakikinig Siyang naaawa sa mga kasawiang-palad ng ikalawa, na sinasabi kay Jesus ang tungkol sa sakit ng isa sa kanyang mga anak na babae.

«Siya lamang ang tanging mayroon ako. At siya ay namamatay na. Ano ang mangyayari sa akin? O! kung Kayo lamang ay makapupunta! Hindi siya makapaparito, hindi siya makatayo. Gusto sana niya… ngunit hindi maaari. Guro, Panginoon, Jesus, maawa sa amin!»

«Saan kayo nakatira, tatay?»

«Sa Korazim. Ipagtanong Ninyo si Isaac ni Jonah, pinangalanang ang Adulto. Pupunta nga ba Kayo? Hindi ba Ninyo kalilimutan ang aming mga kasawiang-palad? At pagagalingin ba Ninyo ang aking anak na babae?»

«Naniniwala ba kayo na mapapagaling Ko siya?»

«O! Pinaniniwalaan ko ito. Iyan kung bakit nagsasalita ako sa Inyo tungkol diyan.»

«Umuwi na kayo, itay. Ang inyong anak na babae ay sasalubungin kayo sa may pintuan.»

«Ngunit siya ay nasa higaan at siya ay hindi nakakabangon sa loob ng nakaraang tatlong… Ah! Naiintindihan ko na! O! Salamat sa Inyo, Rabboni! Pagpalain Kayo at Siya Na nagpadala sa Inyo! Papuri sa Diyos at sa Kanyang Mesiyas!» Ang matanda ay umalis, pagayud-gayod nang mabilis hangga't magagawa niya. Ngunit nang siya ay halos nasa labas na ng pangkusinang-hardin sinabi niya: «Guro, pupunta pa rin ba Kayo gayunpaman sa aking abang bahay? Si Isaac ay maghihintay para sa Inyo upang halikan ang Inyong mga paa at hugasan ito ng kanyang mga luha, at alukin Kayo ng tinapay ng pagmamahal. Halikayo, Jesus. Ako ay magsasalita sa mga taumbayan tungkol sa Inyo.»

«Ako ay darating. Humayo sa kapayapaan at maging masaya.»

Ang ikatlong matanda ay lumapit. Siya ay tila ang pinakamarumi. Ngunit si Jesus ay mayroon na lamang ng pinakamalaking tumpok ng salapi. Tumawag Siya sa malakas na tinig: «Babae, halika rito kasama ang iyong maliliit.»

Ang isang payat na babae ay lumapit na ang kanyang ulo nakatungo. Tila siya isang malungkot na inahing manok kasama ang kanyang malungkot na mga ínakáy na sisiw.

«Gaano ka na katagal na balo, babae?»

«Tatlong taon sa buwan ng Tishry.»      

«Ilang taong gulang ka na?»

«Dalawampu't pito.»

«Sila bang lahat ay anak mo?»

«Oo, Guro… at wala na akong iba pa. Naubos ko na ang lahat… papaano ako magtatrabaho kung walang may gusto sa akin kasama ang lahat na maliliit na ito?»

«Ang Diyos ay hindi nag-aabandona kahit na ang uod na Kanyang nilikha. Hindi ka Niya iaabandona, babae. Saan ka nakatira?»

«Sa lawa. Tatlong stadia sa labas ng Bethsaida. Sinabi niya sa akin na pumunta ako rito… Ang aking asawa ay namatay sa lawa, siya ay isang mangingisda.» Tinuturo niya si Andres, na namumula at ibig nang mawala.

«Mabuti ang ginawa mo, Andres, sinasabihan ang babae na pumunta sa Akin.»

Si Andres ay naglakas-loob at bumulong: «Ang lalaki ay kaibigan ko, siya ay mabait, namatay siya sa loob ng isang bagyo at nawala pati ang kanyang bangka.»

«Kunin mo ito, babae. Matutulungan ka niyan nang matagal, pagkatapos isa pang araw ang tataas sa iyong mga araw. Maging mabait, palakihin ang iyong mga anak sa Batas at hindi ka mawawalan ng tulong ng Diyos. Pinagpapalà kita: ikaw at ang iyong maliliit.» At Kanya silang tinatapik, isa-isa, nang may malaking maawaing pagmamahal.

Ang babae ay umalis dinidiin ang kanyang kayamanan sa kanyang puso.

⁴«At papaano ako?» tanong ng matandang lalaki na huling naiwan.

Si Jesus ay tinitingnan siya, ngunit Siya ay tahimik.

«Wala para sa akin? Hindi Kayo makatarungan! Binigyan Ninyo ang babae ng anim na beses ang laki kaysa sa iba, at wala para sa akin. Siyempre… siya ay isang babae!»

Si Jesus ay tinitingnan siya, ngunit Siya ay tahimik.

«Tingnan ninyong lahat, at sabihin sa akin kung may katarungan! Ako ay pumunta rito mula sa malayo, sapagkat ako ay sinabihan na ang pera ay pinamimigay dito, at ngayon nakita ko na ang iba ay tumanggap nang labis at ako ay wala. Isang mahirap, matanda, may sakit na tao! At gusto Niya na paniwalaan natin Siya!...»

«Aking matandang mamâ, hindi ka ba nahihiya ng pagsasabi ng mga kasinungaling iyan? Ang kamatayan ay nasa likuran mo na at nagsisinungaling ka at nagsisikap na pagnakawan din ang nagugutom. Bakit ibig mong pagnakawan ang iyong mga kapatid ng limos na Aking tinanggap upang ipamigay nang may katarungan?»

«Ngunit ako ay…»

«Manahimik! Naintindihan mo na sana sa pamamagitan ng Aking pananahimik at ng Aking ikinilos na natatandaan kita at sana ginaya mo ang Aking halimbawa at nanahimik ka. Bakit ibig mong hiyain kita?»

«Ako ay mahirap.»

«Hindi, ikaw ay isang abaro at isang magnanakaw. Ikaw ay nabubuhay para sa pera at sa pagpapatubô nang malaki.»

«Hindi ako kailanman nagpahiram na may malaking patubo. Ang Diyos ay ang aking saksi.»

«At ito ba ay hindi ang pinakagrabeng pagpapatubô, ang pagnakawan ang mga nasa mahigpit na pangangailangan? Lakad. Magtika. Upang ang Diyos ay sana patawarin ka.»

«Sinusumpa ko…»

«Manahimik! Sasabihin Ko sa iyo! Ito ay sinabi: “Huwag kang manunumpa ng kasinungalingan”. Kung hindi Ko iginalang ang iyong katandaan, kakapkapan kita at sa iyong dibdib makakakita Ako ng lukbutan puno ng ginto: ang iyong tunay na puso. Lumayas ka!»

Ang bastos na matanda, nakikita na ang kanyang lihim ay nabunyag, ay lumayas nang wala nang pangangailangan ng kumukulog pang tinig ni Jesus.

⁵Ang pulutong ay nagbabanta at hinahamak siya, at iniinsulto nila siya bilang isang magnanakaw.

«Manahimik! Kung nakagawa siya ng mali, huwag gawin din ito. Nagkukulang siya ng sinseridad: siya ay hindi matapat. Kung insultuhin ninyo siya, magkukulang kayo ng karidad. Ang isang kapatid na nakagagawa ng mali ay hindi kailangan na insultuhin. Ang lahat ay may kanyang kasalanan. Walang sinuman ang perpekto bagkus ang Diyos. Ako ay napilitan na hiyain siya, sapagkat walang sinuman ang kailanman kailangan na maging magnanakaw, at lalo na ang magnakaw sa mahihirap na tao. Ngunit tanging ang Ama lamang ang nakaaalam kung gaano Ako naghirap na kailangang gawin iyon. Kayo ay dapat din na malungkot, nakikita na ang isang tao sa Israel ay nilalabag ang Batas nagsisikap na maloko ang mahihirap at ang isang balo. Huwag maging sakim. Harinawang ang inyong mga kaluluwa, hindi ang pera, ang inyong maging kayamanan. Huwag maging mga mandaraya. Gawing ang inyong pananalita na maging kasing sinsiro at kasing tapat katulad ng inyong mga kilos. Ang buhay ay hindi eternal at ang oras ng kamatayan ay darating. Mamuhay sa pamamaraan na sa oras ng inyong kamatayan ang kapayapaan ay sana nasa inyong mga kaluluwa. Ang kapayapaan ng mga namumuhay nang matapat na pamumuhay. Umuwi na kayo…»

⁶«Maawa, Panginoon! Ang aking anak na ito ay bingi dahil sa isang dimonyo na nagpapahirap sa kanya.»

«At ang kapatid kong ito ay katulad ng di-malinis na hayop, nagtutubog siya sa putik at kumakain ng mga dumi. Ang isang napakasamang espiritu ay ginagawa siyang gawin iyan, at bagama't laban sa kanyang kalooban, nadudumihan niya ang mga bagay.»

Si Jesus ay pumunta sa nangungusap na grupo. Itinaas Niya ang Kanyang mga kamay at nag-utos: «Lumabas kayo sa kanila. Pabayaan sa Diyos ang Kanyang mga nilikha.»

Sa gitna ng mga sigawan at mga kaingayan ang dalawang lalaki ay gumaling. Ang mga babae na umaakay sa kanila ay lumuhod, nagpapalà.

«Umuwi na kayo at maging mapagpasalamat sa Diyos. Kapayapaan sa inyong lahat. Lakad.»

Ang pulutong ay umalis, nagkukumentaryo tungkol sa mga pangyayari. Ang apat na disipulo ay pumaligid sa Guro.

Aking mga kaibigan, sasabihin Ko sa inyong totoo na lahat ng kasalanan ay matatagpuan sa Israel at ang mga dimonyo ay diyan naninirahan. Ni hindi lamang ang mga sinaniban ang tanging mga pipi ang bibig, o mga napipilitan na mamuhay katulad ng mga hayop at kumain ng dumi. Ngunit ang pinakatunay at pinakamaraming panlulukob ng dimonyo ay ang panlulukob na nagagawa ang mga puso na maging pipi sa katapatan at pagmamahal, at ginagawa ang mga puso na maging isang lababo ng maruruming bisyo. O! Ama!» Si Jesus ay naupo na nalulungkot.

«Napapagod ba Kayo, Guro?»

«Hindi pagod, Aking mahal na Juan, bagkus naapektuhan dahil sa kalagayan ng mga puso at ng kakulangan ng kalooban na maging mabuti. Ako ay naparito… ngunit ang tao… ang tao… O! Ama!...»

«Guro, minamahal ko Kayo. Kaming lahat ay nagmamahal sa Inyo…»

«Alam Ko. Ngunit napakakaunti ninyo… at ang Aking pananabik na makapagligtas ay napakalaki!»

Si Jesus ay niyakap si Juan, at nakapatong ang Kanyang ulo sa ulo ng Kanyang disipulo. Siya ay malungkot. Sina Pedro, Andres at Santiago ay malapit sa Kanya, at kanila Siyang tinitingnan na may pagmamahal at kalungkutan.

At ang bisyon ay natapos nang gayon.

(324) 210710/040713

Sunod na kabanata.