610. Ang Sabado de Gloria.

Marso 30, 1945.

¹Ang araw ay sumikat nang hiráp. Ito ay kakaibang naantala, bagama't walang mga ulap sa kalangitan.  Ngunit ang mga bituin ay tila nawalang ng lahat ng kaningningan nito. At ang araw, noong ito ay lumabas, ay kasing putla ng buwan noong gabi. Walang-ningning... Sila ba kaya ay umiyak din, dahil sila ay malabo, katulad ng mga mata ng mabubuting tao na umiyak at umiiyak pa dahil sa kamatayan ng Panginoon?

Nang kaagad maisip ni Juan na ang mga Gate ay bukas na, siya ay lumabas, hindi pinakikinggan ang mga pakiusap ng kanyang ina. Ang mga babae ay ibinarikada ang kanilang mga sarili sa loob ng bahay, mas natatakot na ngayon na pati ang Apostol ay umalis.

Si Maria, nasa loob pa rin ng silid, ang Kanyang mga kamay nasa ibabaw ng Kanyang labi, ay nakatinging pirmi sa labas ng bintana, na nagbubukas sa isang hindi napakalaking hardin, ngunit ma-espasyo at puno ng mga rosas na nasa pamumulaklak sa tabi ng mataas na mga pader at ng kakaibang mga tanimang hilera ng mga bulaklak. Ang mga bungkos ng mga balahibo ng mga liryo, sa halip, ay wala pa rin ng mga tangkay ng mga bulaklak sa hinaharap: makapal at maganda, ngunit walang iba bagkus mga dahon. Siya ay tumitingin at tumitingin, ngunit sa palagay ko wala Siyang nakikita na kahit ano, maliban kung ano ang nasa loob ng Kanyang kaawa-awang pagod na utak: ang aguniya ng Kanyang Anak.

Ang mga babae ay paparoo’t parito. Nilalapitan nila Siya, hinahaplos Siya, pinakikiusapan Siya na kumain ng kaunting pampalamig, at sa bawat pagkakataon, habang sila ay papalapit, ay may ihip ng isang mabigat, halô, nakakasindak na mabangong amoy.

At sa bawat pagkakataon na iyon si Maria ay kikiligin. Ngunit wala nang iba pa. Siya ay hindi nagsasalita. Hindi Siya gumagawa ng kahit anong paggalaw. Wala. Siya ay hapô. Siya ay naghihintay. Ito ay isa lamang paghintay. Siya ang Isang naghihintay.

²Mayroon pagkatok sa pinto... Ang mga babae ay nagmadali upang buksan ang pinto. Si Maria ay lumingon mula sa Kanyang upuan nang hindi tumatayo, at tinititigan ang medyo nakabukas na pinto.

si Maria ng Magdala ay pumasok. «Si Manaen ay naririto... Gusto niyang mapakinabangan siya sa anumang pamamaraan.»

«Si Manaen... Gawin siyang makapasok. Siya ay laging mabuti. Ngunit hindi Ko inakala na iyon ay siya...»

«Sino ang inakala Ninyo, Ina!...»

«Saka na... saka na. Gawin siyang makapasok.»

Si Manaen ay pumasok. Siya ay hindi kasing marangya katulad ng dati. Nakasuot siya ng isang napaka pangkaraniwan na tunika, isang kulay-kape na halos maitim, at isang katulad na manta. Walang mga alahas at walang espada. Wala. Nagmumukha siyang isang may-kayang tao, ngunit ng pangkaraniwan na mga tao. Yumuko siya upang magbati, una sa pamamagitan ng kanyang mga kamay na nakaikis sa kanyang dibdib, at pagkatapos siya ay lumuhod na tila siya ay nasa harapan ng isang altar.

«Tumayo. At patawarin mo Ako kung hindi Ako makatugon sa iyong yukod. Hindi Ako maka...»

Kailangan na huwag Kayong tumugon. Hindi ko iyan ipahihintulot. Kilala Ninyo kung sino ako. Kung kaya't nakikiusap ako sa Inyo na tingnan ako na Inyong lingkod. Kailangan ba Ninyo ako? Nakikita ko na walang lalaki rito. Napakinggan ko mula kay Nicodemus na lahat sila ay tumakbo. Walang kailangan na gawin. Totoo iyan. Ngunit nabigyan man lamang sana namin Siya ng kaginhawahan na nakikita kami. Ako... Binati ko Siya sa Sixtus. At pagkatapos hindi ko na magawa, sapagkat... Ngunit walang kabuluhan na banggitin pa ito. Iyon din ay ginusto ni Satanas. Ngayon ako ay malaya na at naparito ako upang ilagay ang aking sarili sa paglilingkod sa Inyo. Ibigay Ninyo sa akin ang Inyong mga utos, Babae.»

«Gusto Kong malaman at makaalam si Lazarus... Ang kanyang mga kapatid ay nag-aalala, at ang Akin ding hipag at ang ibang mga Maria. Gusto namin malaman kung si Lazarus, si Santiago, si Judas, at ang isa pang Santiago ay ligtas.»

«Si Judas? Ang Iskariote! Ngunit pinagtaksilan niya Siya!»

«Si Judas, ang anak ng kapatid ng Aking esposo.»

«Ah! lalakad ako» at siya ay tumayo. ³Ngunit sa pagtayo napangiwi siya sa sakit.

«Nasugatan ka ba?»

«H’m... oo. Walang masyado. Sumasakit nang kaunti ang isang kamay.»

«Baka dahil sa amin? Iyan ba ang dahilan kung bakit wala doon sa itaas?»

«Oo. Iyan kung bakit. At iyon lamang ang aking ikinalulungkot. Hindi ang sugat. Ang natitirang mga prinsipyo at mga kaugalian ng Pariseo, ng Hebreo, ni Satanas na nasa akin pa, sapagkat ang kulto ng Israel ay naging Satanismo, ay nakalabas lahat kasama ng dugong iyon. Katulad ko ang isang sanggol, na pagkatapos ng pagkaputol ng sagradong pusod, ay wala nang ano pa man na natatanggap na dugo ng kanyang ina, at ang kaunting mga patak na natitira pa sa naputol na pusod ay hindi dumadaloy sa kanya, nababarahan katulad nila ng linen na tali. Bagkus sila ay bumabagsak... ngayon wala nang pakinabang. Ang bagong panganak na sanggol ay nabubuhay sa pamamagitan ng kanyang sariling puso at ng kanyang sariling dugo. Ganyan din ako. Bago ngayon ako ay hindi pa sapat na naporma. Ngayon nakarating ako sa katapusan, at ako ay pumunta, at naipanganak ako sa Liwanag. Ako ay pinanganak kahapon. Ang aking Ina ay si Jesus ng Nazareth. At pinanganak Niya ako noong Kanyang binitiwan ang Kanyang huling sigaw. Alam ko... Sapagkat tumakbo ako sa bahay ni Nicodemus kagabi. Gusto ko lamang Siyang makita. O! kung Kayo ay pupunta sa Sepulkro, paalamin ako. Pupunta ako... Hindi ko alam ang Kanyang mukha bilang ang Tagapagtubos!»

«Iyan ay nakatingin sa iyo, Manaen. Tumalikod ka.»

Ang lalaki, na pumasok na ang kanyang ulo nakababang-baba at nakatingin lamang kay Maria, ay tumalikod halos natatakot at nakita ang veronica. Itinapon niya ang kanyang sarili sa sahig, sumasamba... At siya ay umiiyak.

Siya pagkatapos ay tumayo. Yumukod siya kay Maria at nagsabi: «Lalakad na ako.»

«Ngunit ngayon ay ang Sabbath. Alam mo. Inaakusahan na nila tayo ng paglabag sa Batas sa pamamagitan ng panunulsol Niya.»

«Pari-parehas na kami, sapagkat nilalabag nila ang batas ng Pagmamahal. Ang Pinakauna at pinakadakila. Iyan ang sinabi Niya. Aliwin nawa Kayo ng Panginoon.» Siya ay lumabas.

⁴Mga oras ang dumaan. Gaano ito kabagal para sa mga naghihintay...

Si Maria ay tumayo at, sumasandal sa mga muwebles, pumunta Siya sa pintuan. Nagsisikap Siyang lumakad patawid sa malaking pamasukan na bulwagan. Ngunit nang Siya ay walang masandalan, Siya ay sumusuray na tila Siya ay lasing.

Si Martha na nakakita sa Kanya mula sa yarda, na nasa kabila ng pintuan sa dulo ng bulwagan, ay nagmadali patungo sa Kanya. «Saan Ninyo gustong pumunta?»

«Sa loob doon. Nangako kayo sa Akin.»

«Maghintay tayo hanggang dumating si Juan.»

«Sapat na ang paghihintay. Nakikita ninyo na Ako ay kalmado. Dahil sinaraduhan ninyo ang silid mula sa loob, lakad at buksan ito. maghihintay Ako rito.»

Si Susanna, dahil ang lahat na mga babae ay nagkaipun-ipon doon, ay umalis upang tawagin ang maybahay na nagtatago ng mga susi. Si Maria sa pansamantala ay sumasandal sa maliit na pinto, na tila ibig Niya itong buksan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang kalooban. Ang lalaki ay dumating. Natakot at nalulungkot, binuksan niya ang pinto at umalis. At si Maria, sinusuportahan ng mga kamay nina Martha at Maria ni Alfeo, ay pumasok sa silid Hapunan.

Ang lahat ay gayon pa rin katulad noong katapusan ng Hapunan. Ang pagtakbo ng mga pangyayari at ang mga tagubilin na binigay ni Jesus ay naiwasan na may makialam. Ang mga upuan lamang ang naibalik sa kani-kanilang mga lugar. At si Maria, Na hindi napapunta sa silid Hapunan, ay pumuntang tuwiran sa lugar kung saan ang Kanyang Jesus ay nakaupo. Siya ay tila ginagabayan ng isang kamay. At nagmumukha Siyang naglalakad na tulog, napakatigas ng Kanyang hitsura sa pagsisikap na makalakad... Siya ay nagpapatuloy. Naglalakad Siyang paikot sa upuang-supa, ipinalalagay ang Kanyang Sarili sa pagitan nito at ng mesa... Siya ay nananatiling nakatayo sa isang sandali pagkatapos hinimatay Siya sa ibabaw ng mesa sa isang bagong pagbugso ng mga luha. Pagkatapos Siya ay kumalma. Siya ay lumuluhod at nagdarasal na ang Kanyang ulo nakasandal sa gilid ng mesa, hinahaplos Niya ang sapin ng mesa, ang upuan, ang mga gamit sa mesa, ang gilid ng malaking trey kung saan doon inahain ang kordero, ang malaking kutsilyo na ginamit sa paghiwa dito, ang amphora na nakalagay sa harapan ng upuan na iyon. Hindi Niya nalalaman na hinhipo rin Niya kung ano ang nahipo ng Iskariote. Pagkatapos Siya ay nananatiling natitigilan, na ang Kanyang ulo nakapatong sa Kanyang mga braso na nasa mesa.

Ang lahat na mga babae ay tahimik, maliban sa Kanyang hipag na nagsasabi: «Halika, Maria. Natatakot kami sa mga Hudyo. Gusto Mo bang sila ay pumunta rito?»

«Hindi. Ito ay isang banal na lugar. Tayo na. Tulungan Ako... Tama ang ginawa na sabihan Ako. Gusto Ko rin ng isang baul, isang magandang malaking baul na may susian, upang maitago ang lahat ng Aking mga tagong-yaman doon.»

«Gagawin ko itong madala para sa Inyo mula sa aming mansiyon bukas. Iyon ay ang pinakamagandang baul doon sa bahay. Iyon ay matibay at ligtas. Binibigay ko iyon sa Inyo nang may lugod» sabi ni Maria ng Magdala ipinapangako ito.

Sila ay lumabas. Si Maria ay totoong hapo. Siya ay gumigiray sa pag-akyat sa kakaunting  mga baytang. At kung ang Kanyang pamimighati ay hindi na masyadong dramatiko, ito ay ganito sapagkat wala na Siyang lakas na maging dramatiko. Ngunit sa kawalang ingay nito ito ay mas lalo pang matrahedya.

Pumasok sila sa silid kung saan naroroon sila dati, at bago pumunta sa Kanyang upuan, si Maria ay hinahaplos ang Banal na Mukha ng veronica, na tila iyong ay isang mukha na laman.

⁵Nagkaroon pa ng isang pagkatok sa pinto. Ang mga babae ay nagmadali sa paglabas at isinara ang pinto.

Sa Kanyang pagod na tinig si Maria ay nagsabi: «Kung iyan ay ang mga disipulo, at lalo na kung si Simon Pedro at si Judas, gawin silang makapunta kaagad sa Akin.»

Ngunit ito ay si Isaac, ang pastol. Siya ay pumasok umiiyak pagkatapos ng ilang mga minuto at nagpatirapa siya kaagad sa harapan ng veronica at pagkatapos sa Ina, at hindi niya malaman kung ano ang kanyang sasabihin. Si Maria ito Na siyang nagsabi: «Salamat sa iyo. Nakita ka Niya at nakita kita. Alam Ko. Tiningnan ka Niya hanggang matitingnan ka Niya.»

Si Isaac ay umiyak nang mas malakas pa. Nakapagsalita lamang siya noong nakatapos siya sa pag-iyak. «Ayaw naming umalis. Ngunit si Jonathan ay pinakiusapan kami. Ang mga Hudyo ay pinagbabantaan ang mga babae... at pagkatapos hindi na namin magawang makabalik. Iyon ay... ang lahat ay tapos na... Saan kami kung gayon maaaring pumunta? Naghiwa-hiwalay kami sa kabukiran at sa kalaliman ng gabi nag-ipun-ipon kaming lahat sa kalahatian ng Herusalem at ng Bethlehem. Naisip namin na baka mapigilan namin ang Kanyang kamatayan sa pagpunta namin sa Kanyang Gruta. Ngunit sa pakiramdam namin hindi tama na pumunta roon... Iyon ay pagkamakasarili, at bumalik kami patungo sa Siyudad... At natagpuan namin ang aming mga sarili, nang hindi namin nalalaman kung papaano, sa Bethany...»

«Ang aking mga anak!»

«Si Lazarus!»

«Si Santiago!»

«Lahat sila ay naroroon. Ang mga parang ni Lazarus pagsikat ng araw ay puno ng nakakalat na mga tao na mga naglalagalag at umiiyak... Ang Kanyang walang-kuwentang mga kaibigan at mga disipulo!... Ako... ay pumunta kay Lazarus at akala ko ako ang una... Sa halip ang iyong dalawang anak ay naroroon na, babae, at ang iyo, kasama si Andres, Bartolomeo, Mateo. Si Simon Zealot ay nakumbinsi sila na pumunta roon. At si Maximinus, na pumunta nang maaga sa kabukiran noong umaga, ay nakatagpo pa ng marami pa. At si Lazarus ay tinulungan silang lahat. At tumutulong pa siya hanggang ngayon. Sinabi niya na ang Guro ay inutusan siya na gawin iyon. At ganito rin ang sinasabi ng Zealot.»

«Ngunit sina Simon at Jose, ang aking iba pang mga anak, nasaan sila?»

«Hindi ko alam, babae. Kami ay magkakasama hanggang lumindol. Pagkatapos... wala na akong alam na kahit ano pang eksakto. Sa gitna ng kadiliman at kidlat at ng patay na bumangon at ng nanginginig na lupa at ng ipuipo, nawala na ako sa isip ko. Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng Templo. At iniisip ko pa ngayon kung papaano ako nakarating doon, sa kabila ng sagrado hangganan. Isipin na sa pagitan ko at ng altar ng mababangong amoy ay may isang siko lamang... Akalain ninyo iyon! Ako ay nasa lugar kung saan ang pari na nakatalaga lamang ang pinahihintulutan na tumayo roon!... At... at nakita ko ang Banal ng mga Banal!... Oo. Sapagkat ang belo na nagtatakip sa Banal ay napunit mula taas hanggang ibaba, na tila ang kapangyarihan ng isang higante ay pinunit ito... Kung ako ay nakita nila doon, pinagbabato na nila ako. Ngunit wala nang makakita pa. Wala. akong nasalubong bagkus mga multo ng patay at mga multo ng buháy na mga tao. Sapagkat nagmumukha kaming mga multo sa liwanag ng mga kidlat, sa matingkad na liwanag ng mga apoy, at gawa ng takot sa aming mga mukha...»

«O! aking Simon! Aking Jose!»

«At si Simon Pedro? At si Judas ng Kerioth? At sina Tomas at Felipe?»

«Hindi ko alam, Ina... Si Lazarus ay pinapunta ako upang tingnan Kayo, sapagkat sinabi nila sa kanya na... pinatay nila kayong lahat

«Bueno, lakad kaagad upang tiyakin sa kanya. Pinapunta ko na si Manaen. Ngunit mas mabuti pang pumunta ka rin at sabihin sa kanya... sabihin sa kanya na tanging Siya lamang ang napatay. At Ako kasama Niya. At kung makita mo ang kahit alin sa mga disipulo, dalhin sila doon kasama mo. Ngunit kailangan Ko ang Iskariote at si Simon Pedro rito.»

«Ina... patawarin kami kung hindi kami nakagawa ng mas marami pa.»

«Pinatatawad Ko ang lahat... Lakad.»

Si Isaac ay lumabas. At si Martha at si Maria, si Salome at si Maria ni Alfeo ay pinupupog siya ng mga panalangin, mga rekomendasyon, mga utos. Si Susanna ay umiiyak nang walang-ingay, sapagkat walang nagsasalita sa kanya tungkol sa kanyang asawa. At iyan ay nagpaalaala kay Salome tungkol sa kanyang asawa. At siya ay umiiyak din.

⁶Nagkaroon ng katahimikan muli, hanggang nagkaroon pa ng karagdagang pagkatok sa pinto.

Dahil ang bayan ay tahimik, ang mga babae ay hindi masyadong natatakot. Ngunit nang sa pamamagitan ng medyo nakabukas na pintuan nakita nila ang malinis na pagkaahit na mukha ni Longinus, lahat sila ay tumakbo na tila nakakita sila ng isang patay na katawan nakabalot sa isang linen o ang Dimonyo mismo. Ang maybahay na lalaki, na patayu-tayo nang mausyoso sa bulwagan, ay ang unang tumakbo.

si Maria ng Magdala, na kasama ni Maria, ay nagmadali doon. Si Longinus, na may di-sinasadyang nanunuyang ngiti sa kanyang mga labì, ay pumasok, at isinara niya mismo ang mabigat na bakal na pinakapinto. Siya ay hindi nakasuot ng uniporme, bagkus suot niya ang isang maikling kulay-abong tunika sa ilalim ng isang manta na madilim din ang kulay.

si Maria ng Magdala ay tinitingnan siya at siya ay tinitingnan siya. Nakasandal pa rin sa pinto, si Longinus ay nagtanong: «Maaari ba akong pumasok na walang sinuman na nakukuntamina? At na walang natatakot na sinuman? Ngayong umaga pagsikat ng araw nakita ko si Jose, ang mamamayan, at nabanggit sa akin ang mithiin ng Ina. Humihingi ako ng paumanhin na hindi ko ito mismo naisip. Naririto ang talim ng sibat. Itinago ko ito bilang isang alaala ng isang... ng Santo ng mga Santo. O! Totoong Siya nga! Ngunit tama na ang Ina ay mapasakanya ito. Ang tungkol sa mga damit... ito ay mas mahirap. Huwag sabihin sa Kanya... ngunit baka naipagbili na ito para sa ilang sentimos... Iyon ay karapatan ng mga sundalo. Ngunit sisikapin ko na makuha ito...»

«Halika. Siya ay nasa loob doon.»

«Ngunit ako ay isang pagano!»

«Walang anuman iyan. Lalakad ako at sasabihin sa Kanya, kung iyan ang gusto mo.»

«O! hindi... Sa palagay ko hindi ako karapat-dapat niyan.»

Si Maria ng Magdala ay pumunta sa Banal na Birhen. «Inay, si Longinus ay nasa labas doon... Inaalay niya ang talim ng sibat sa Inyo.»

«Papasukin siya.»

Ang maybahay na lalaki, na nasa pamasukan, ay bumulung-bulong: «Ngunit siya ay isang pagano.»

«Ako ang Ina ng lahat, mamâ. Katulad na Siya ay ang Tagapagtubos ng lahat.»

Si Longinus ay pumasok at sa pamasukan sumaludo siya sa pamamaraan ng Romano, sa pamamagitan ng kanyang kamay (naalis na niya ang kanyang manta) at pagkatapos binati niya Siya nagsasabing: «Ave, Domina. Ang isang Romano ay binabati Kayo: ang Ina ng sangkatauhan. Ang totoong Ina. Hindi ko ginustong mapunta sa... sa... sa pangyayaring iyon. Ngunit iyon ay isang utos. Ngunit, kung ako ay makapaglilingkod sa kung ano ang Inyong hinihiling, pinatatawad ko ang kapalaran na napili ako para sa nakakapangilabot na bagay na iyon. Narito» at binibigay niya sa Kanya ang talim ng sibat nakabalot sa isang pulang tela. Ang talim lamang, wala ang sibat.

longinus spearSi Maria ay kinuha ito at naging mas maputla pa. Ang Kanyang pinakalabì ay nawawala sa kaputlaan. Ang talim ay tila binubuksan ang Kanyang mga ugat. At ang Kanyang mga labì ay nanginginig habang sinasabi Niya: «Sana madala ka Niya sa Kanya Mismo. Dahil sa iyong kabaitan.» 

«Siya lamang ang tanging Makatarungan na Tao na nakilala ko kailanman sa napakalawak na imperyo ng Roma. Nalulungkot ako na nakilala ko lamang siya sa pamamagitan ng mga salita ng aking mga kasama. Ngayon... huli na!»

«Hindi, anak. Nakatapos Siya sa pag-eebanghelyo Ngunit ang Kanyang Ebanghelyo ay nananatili. Sa loob ng Kanyang Simbahan.»

«Nasaan ang Kanyang Simbahan?» si Longinus ay medyo may panunuya.

«Iyan ay naririto. Ngayon ito ay nahampas at nakakalat. Ngunit bukas ito ay magsasama-sama katulad ng isang punungkahoy na nililinis ang mga dahon nito pagkatapos ng isang bagyo. At, kahit na kung walang iba pa, Ako ay naririto. At ang Ebanghelyo ni Jesucristo, ang Anak ng Diyos at Akin, ay lahat nakasulat sa loob ng Aking puso, Ang tanging gagawin Ko lamang ay tingnan Ko ang Aking puso upang maulit Ko ito sa iyo.»

«Ako ay darating. Ang isang relihiyon na ang ulo nito ay isang bayaning gayon ay maaaring bagkus isang dibinong relihiyon. Ave, Domina!»

At si Longinus din ay umalis.

Si Maria ay hinahalikan ang talim kung saan naroroon pa ang Dugo ng Kanyang Anak... At ayaw Niyang alisin ang Dugo na iyon. Bagkus pinababayaan Niya ito nagsasabing: «Isang rubi ng Diyos, sa malupit na talim ng sibat.»...

⁸Ang araw ay dumaraan nang gayon, sa gitna ng maliwanag na mga bulong at mga pagbabanta ng mga bagyo.

Si Juan ay bumalik lamang noong ang araw na ay nasa tuktok na na nagsasabi na ngayon ay katanghalian. «Inay, wala akong natagpuan na sinuman, maliban kay... Judas ng Kerioth.»

«Nasaan siya?»

«O! Inay! Gaanong nakapangingilabot! Siya ay nakabitin mula sa isang punong-olibo, namamaga ang lahat na katawan at maitim, na tila patay na siya nang mga ilang linggo. Bulok. Nakapangingilabot... Sa itaas niya mga buwitre, mga uwak, hindi ko alam kung ano, ay nag-aaway-away nang maingay na nakapanghihilakbot. Ang kanilang pag-aaway ang nakatawag sa aking pansin na pumunta roon. Iyon ay nasa daan ng Mount of Olives,  at sa isang maliit na burol nakita ko ang masagwang itim na mga ibon na paikut-ikot. Pumunta ako... Bakit? Hindi ko alam. At nakita ko. Gaanong nakapangingilabot!...»

«Gaanong nakapangingilabot! Tama ka. Ngunit sa itaas ng Kabutihan ay nariyan ang Hustisya. Sa katunayan ang Kabutihan ay wala na ngayon... Ngunit si Pedro! Ngunit si Pedro!... Juan, nasa Akin ang talim ng sibat. Ngunit ang mga damit... Si Longinus ay hindi iyon binanggit.»

«Inay, gusto kong pumunta sa Gethsemane. Siya ay walang suot na manta noong Siya ay hinuli. Baka iyon ay naroroon pa. Pagkatapos pupunta ako sa Bethany.»

«Lakad. Lakad para sa manta... Ang iba ay kasama ni Lazarus. Kung kaya't huwag pumunta kay Lazarus. Hindi na kinakailangan. Lakad at bumalik ka rito.»

Si Juan ay tumakbo, nang hindi na kumain ng kahit na anong pampalamig. Si Maria din ay wala kahit ano. Ang mga babae, mga nakatayo, ay nakakain ng tinapay at mga olibo, nagtatrabaho lagi sa kanilang mga balsamo.

⁹Pagkatapos si Johanna ni Chuza ay dumating kasama si Jonathan. Ang kanyang hitsura ay nasira ng mga luha. At nang kaagad nakita niya si Maria, sinabi niya: «Niligtas Niya ako! Niligtas Niya ako at Siya ay patay na. Ngayon iniisip ko na hindi na lang sana Niya ako niligtas!»

Ito ay ang ating Our Lady of Sorrows Na kailangan na magbigay ng kaginhawahan sa babaeng ito, na pinagaling ngunit nanatiling nakapangingilabot na sensitibo. At inaaliw at pinalalakas Niya siya nagsasabing: «Hindi mo sana Siya nakilala at namahal, at ngayon hindi mo Siya mapaglilingkuran. Gaano karami ang kailangan na magawa sa hinaharap! At kakailanganin natin na gawin ito, dahil nakikita mo... Tayo ay nanatili, at ang mga lalaki ay tumakbo. Ang totoong tagapagbigay ng buhay ay laging ang babae. Sa Kabutihan. Sa Kasamaan. Tayo ang magpapanganak sa bagong Pananampalataya. Tayo ay puno nito, katulad na ito ay inilagay sa atin ng Esposong Diyos. At tayo ay manganganak para sa Lupa. Para sa ikagagaling ng mundo. Tingnan kung gaano Siya kakisig ngayon! Kung gaano Siya ngumingiti at nakikiusap para sa banal na gawain na ito sa atin! Johanna, minamahal kita, alam mo iyan. Huwag nang umiyak pa.»

«Ngunit Siya ay patay na! Oo. Diyan ay nagmumukha pa rin Siyang parang buhay. Ngunit Siya ay hindi na buhay. Ano ang mundo kung wala Siya?»

«Siya ay babalik. Humayo. Magdasal. Maghintay. Habang mas naniniwala ka, mas maaga Siyang babangon mula sa kamatayan. Ang paniniwalang iyan ay ang Aking lakas... Ang tanging Diyos, si Satanas at Ako ay alam kung gaano karaming pang-aatake ang ginawa sa pananampalataya Kong ito sa Kanyang Resureksiyon.»

Si Johanna rin ay umalis, mahina at nakabaluktot katulad ng isang liryo na nasobrahan ng tubig.

Ngunit nang kaagad siya ay makalabas, si Maria ay nadala muli sa Kanyang pahirap. «Kailangan Kong magbigay ng lakas sa lahat. Sa lahat! At sino ang nagbibigay nito sa Akin?» At Siya ay umiiyak, hinahaplos ang Mukha ng imahe, sapagkat Siya ngayon ay nakaupo na malapit sa baul kung saan ang veronica ay nakaladlad.

¹⁰Sina Jose at Nicodemus ay dumating. At gawa nila ang mga babae ay wala nang problema na bumili ng mira at aloe, sapagkat nagdala sila ng ilang maliliit na bag nito. Ngunit ang kanilang lakas ay bumigay sa harapan ng Mukha na nasa linen at ng sirang mukha ng Ina. Sila ay naupo sa isang sulok pagkatapos na mabati Siya at sila ay naging tahimik. Sila ay seryoso, malungkot... Pagkatapos sila ay umalis.

Si Maria ay wala nang lakas upang magsalita. Ngunit habang mas dumidilim, na nangyayari nang kung baga maaga dahil sa isang masa ng maalinsangan na mga ulap, mas lalo Siyang napahihirapan. Ang mga anino rin ng gabi ay para sa Kanya, katulad na ito ay para sa lahat na naghihirap, isang pinanggagalingan ng mas malalim na kapighatian.

Ang ibang mga babae rin ay nagiging mas malungkot. Lalo na si Salome, si Maria ni Alfeo at si Susanna. Ngunit sa wakas sila ay nagkaroon ng ilang konsolasyon dahil si Zebedeo, ang asawa ni Susanna, sina Simon at Jose ni Alfeo ay dumating na isang grupo. Ang unang dalawa ay nananatili sa bulwagan, nagpapaliwanag na si Juan ay natagpuan sila habang dumaraan si Juan sa arabal ng Ophel. Ang ibang dalawa pa sa halip ay natagpuan ni Isaac habang sila ay naglalagalag sa kabukiran, hindi makapagpasya kung sila ay babalik sa bayan, o pumunta sa kanilang mga kapatid na sa akala nila ay nasa Bethany.

¹¹Si Simon ay nagtanong: «Nasaan si Maria? Gusto ko Siyang makita» at sinusundan ang kanyang ina, siya ay pumasok at hinalikan ang kanyang naghihirap na kamag-anak.

«Ikaw ba ay nag-iisa? Bakit si Jose wala rito? Bakit kayo naghiwalay? Kayo ba ay mayroon pang hindi pagkakaintindihan? Kailangan wala na iyon. Tingnan mo? Ang dahilan ng hindi pagkakaintindihan ay patay na!»

Si Simon ay tinitingnan ito at umiiyak. Sinabi niya: «Hindi na muli kami naghiwalay. At hindi kami maghihiwalay. Oo, ang dahilan ng hindi pagkakasundo ay patay na. Ngunit hindi katulad ng iniisip Ninyo. Ito ay patay na sapagkat si Jose, ngayon, ay nakaintindi na... Si Jose ay nasa labas doon... at hindi siya naglalakas-loob na pumasok...»

«O! hindi. Wala Ako kailanman na tinatakot na sinuman. Ako ay wala bagkus awa. Napatawad Ko rin sana ang Traydor. Ngunit hindi na ito posible ngayon. Pinatay na niya ang kanyang sarili.» At Siya ay tumayo. Siya ay naglalakad nang nakabaluktot at tumatawag: «Jose! Jose!»

Ngunit si Jose, napangingibabawan ng pag-iyak, ay hindi tumutugon.

Siya ay pumunta sa pintuan, katulad ng Kanyang ginawa noong nagsalita Siya kay Judas, at nakasandal sa hamba ng pintuan, inuunat Niya ang Kanyang isang kamay at ipinatong ito sa ulo ng pinakapanganay at pinakamatigas-ang-ulo sa Kanyang mga pamangkin. Hinahaplos Niya siya at nagsasabi: «Gawing makasandal Ako sa isang Jose! Ang lahat ay kapayapaan at kapanatagan habang ang pangalan na iyan ay hari sa Aking bahay. Pagkatapos ang Aking banal na lalaki ay namatay... At ang lahat na pantaong kagalingan ng kaawa-awang Maria ay namatay din. Ang sobrenatural na kagalingan ng Aking Diyos at Anak ay nanatili... Ngayon Ako ang Napabayaang kaawa-awang sawing-palad... Ngunit kung Ako ay mayayakap ng mga bisig ng isang Jose na Aking minamahal, at nalalaman mo kung minamahal kita, ako ay hindi masyadong malulungkot. Ako ay magiging tila nakabalik sa panahon. At na masasabi ko: `Si Jesus ay wala. Ngunit Siya ay hindi patay. Siya ay nasa Cana, sa Nain, nagtatrabaho, ngunit malapit na Siyang bumalik... `Halika, Jose. Pumasok tayong magkasama kung saan Siya naghihintay na ngumiti sa iyo. Iniwan Niya ang Kanyang ngiti sa atin upang sabihin sa atin na wala Siyang sama-ng-loob sa atin.»

¹²Si Jose ay pumasok, hinahawakan sa kamay ni Maria, at nang makita niya kaagad Siyang umupo, siya ay lumuhod sa harapan Niya, na ang kanyang ulo nasa Kanyang lapi at humihikbi ay nagsasabing: «Patawarin ako! Patawarin ako!»

«Hindi Ako, sa Kanya ka makiusap.»

«Hindi Niya ako mapapatawad. Sa Kalbaryo sinubukan kong makuha ang Kanyang atensiyon. Tiningnan Niya ang lahat, ngunit hindi ako... Tama Siya... Kinilala ko at minahal ko Siya, bilang isang Guro, huli na. Ngayon, ang lahat ay tapos na.»

«Ito ay nagsisimula ngayon. Pupunta ka sa Nazareth at sasabihin mo: “Naniniwala ako”. Ang iyong pananampalataya ay magkakaroon ng walang hangganang halaga. Mamahalin mo Siya nang may perpeksiyon ng hinaharap na mga apostol, na magkakaroon ng merito ng pagmahal kay Jesus na malalaman lamang sa pamamagitan ng espiritu. Gagawin mo ba iyan?»

«Oo! Gagawin ko! Upang makagawa ng pagtutuwid. Ngunit gusto kong makarinig ng isang salita mula sa Kanya. At hindi ko na ito muli mapapakinggan...»

«Sa ikatlong araw Siya ay babangon at magsasalita Siya sa mga taong Kanyang minamahal. Ang buong mundo ay naghihintay para sa Kanyang Tinig.»

«Kayo ay pinagpala, dahil nakapaniniwala Kayo...»

«Jose! Jose! Ang Aking esposo ay iyong tiyo. At siya ay naniwala sa isang bagay na mas mahirap pang paniwalaan kaysa rito. Naniwala siya na ang kaawa-awang Maria ng Nazareth ay ang Esposa at Ina ng Diyos. Bakit hindi ka, ang pamangkin ng Makatarungan na taong iyon na ang kaninong pangalanan ay ipinangalan sa iyo, hindi makapaniniwala na ang isang Diyos ay makapagsasabi sa Kamatayan: “Tama na!” at sa Buhay: “Bumalik!”?»

«Hindi ako karapat-dapat ng pananampalatayang iyan, sapagkat ako ay naging masamâ. Hindi ako naging makatarungan sa Kanya. Ngunit Kayo... Kayo ay ang Ina. Pagpalain ako. Patawarin ako... Bigyan ako ng kapayapaan...»

«Oo... Kapayapaan... Kapatawaran... O! Diyos! Minsan sinabi Ko: “Gaano kahirap ito na maging ‘mga tagapagtubos’ “. Ngayon sinasabi Ko: “Gaano kahirap ito na maging ang Ina ng Tagapagtubos!”. Maawa, Aking Diyos! Maawa!... Humayo, Jose. Ang iyong ina ay naghirap nang labis sa loob na mga oras na ito. Aliwin siya... Ako ay mananatili rito... Kung ano ang mayroon Ako ng Aking Anak... At ang Aking nangungulilang mga luha ay kukunin ang Pananampalataya para sa iyo. Paalam, Aking mahal na pamangkin. Sabihin sa lahat na ibig Kong maging tahimik... upang mag-isip... upang magdasal... Ako ay... Ako ay isang kaawa-awang babae nakabitin sa pamamagitan ng isang sinulid sa ibabaw ng kalaliman... Ang sinulid ay ang Aking Pananampalataya... At ang iyong kakulangan ng pananampalataya,  sapagkat walang sinuman ang nakapaniniwala nang totál at banal, ang iyong kakulangan ng pananampalataya ay patuloy na bumabangga sa Aking sinulid... At hindi mo nalalaman kung anong kapaguran ang nagagawa mo sa Akin... Hindi mo nalalaman na tinutulungan mo si Satanas upang pahirapan Ako. Lakad...»

At si Maria ay nananatiling nag-iisa... Siya ay lumuluhod sa harapan ng veronica. Hinahalikan Niya ang noo, ang mga mata, ang mga labì ng Kanyang Anak at nagsasabi: «Kung gayon! Kung gayon! Upang magkaroon ng lakas... Kailangan Kong maniwala. Kailangan Kong maniwala. Sa katauhan ng lahat.»

Ang gabi ay nakababa na. Isang walang-bituin, madilim, maalinsangan na gabi. Si Maria ay nananatili sa loob ng anino kasama ang Kanyang kapighatian.

Ang araw ng Sabbath ay tapos na.

051012

 

 

 



Sunod na kabanata