611. Ang Gabi ng Sabado de Gloria.

Marso 31, 1945.

¹Si Maria ni Alfeo ay pumapasok nang maingat at nakikinig. Baka iniisip niya na ang Banal na Birhen ay nakatulog. Nilalapitan niya Siya at niyuyukuan. At nakita niya Siya na nakaluhod, na ang Kanyang mukha nasa sahig nakalapat sa veronica. Bumulong siya: «O! kaawa-awang sawing-palad! Nanatili Siyang gayon!» Maaaring iniisip niya na Siya ay nakatulog nang gayon o Siya ay hinimatay.

Ngunit si Maria, tinatapos ang Kanyang panalangin, ay nagsabi: «Hindi, nagdarasal Ako.»

«Nakaluhod! Sa dilim! Sa lamig! Na ang bintana nakabukas! Tingnan Mo? Naninigas Ka na.»

«Ngunit labis na mas maganda ang pakiramdam Ko, Maria. Habang Ako ay nagdarasal – at tanging ang Eternal lamang ang nakaaalam kung gaano Ako pinanghina pagkatapos na magbigay ng lakas sa napakaraming pinanghihinaan ng mga pananampalataya at magbigay ng kapaliwanagan sa napakaraming mga isip na ni ang Kanyang kamatayan ay hindi nakapagpaliwanag – tila nakaamoy ako ng isang anghelikal na pabango, isang makalangit na kasariwaan, isang haplos ng isang pakpak... Tanging isang sandali lamang... Hindi mas matagal. Isang patak ng nakapagpapakalmang matamis ang tila inilagay sa karagatan ng mira na tatlong araw na Akong pinagsisikapan na ilubog. Ang nakasaradong tarangkahan ng Langit ay tila nagbubukas nang kaunti at ang isang sinag ng maningning na pagmamahal ay tila bumababa sa Abandonadang Ina. At tila nakarinig Ako ng isang di-korporyal na bulong, nanggagaling sa isang walang-hangganang distansiya, nagsasabi: “Talagang ang lahat ay tapos na”. Ang Aking panalangin, na magpahanggang ngayon nangungulila, ay naging mas mapayapa. Ito ay nabahiran ng maningning na kapayapaan – o! kaunting-kaunti lamang! – ng maningning na kapayapaan na madalas Kong maranasan sa Aking pakikipag-ugnayan sa Diyos sa loob ng Aking mga panalangin... ²Aking mga panalangin!... Maria, minahal mo ba nang labis ang iyong Alfeo, noong ikaw ay kanyang birhen na nobya?»

«O! Maria!... Nagbunyi ako sa bukang-liwayway nagsasabing: “Isa na naman na gabi ang nakaraan. Nabawasan na ng isa ang paghihintay”. Nagbunyi ako paglubog ng araw nagsasabing: “Isa na namang araw ang natapos. Mas malapit na ang aking pagpasok sa kanyang bahay”. At habang lumulubog ang araw, madalas akong umawit katulad ng isang langay-langayan iniisip: “Malapit na siyang mapunta rito”. At nang makita ko siyang dumating, nagmumukhang kasing kisig ng aking Judas – iyan kung bakit si Judas ang aking paborito – ngunit may mga mata ng isang usa na umiibig katulad ng aking Santiago, o! diyan hindi ko na malaman kung nasaan na ako! At nang binati niya ako nagsasabing: “Ang aking matamis na nobya!” at nagawa kong sabihin sa kanya: “Aking Panginoon”, pagkatapos ako... sa palagay ko, kung ako noong sandaling iyon ay nasagasaan ng isang mabigat na kariton at tinamaan ng isang palaso, hindi ko mararamdaman ang sakit. At pagkaraan!... Noong ako ay naging kanyang asawa... Ah!...» Si Maria ay nawawala sa labis na kaligayahan ng mga alaala. Pagkatapos sinabi niya: «Ngunit bakit ang mga tanong na iyan?»

«Upang maipaliwanag sa iyo kung ano ang Aking mga panalangin para sa Akin. Paramihin mo nang sandaang beses ang iyong mga nararamdaman, itaas ito nang libu-libong ibayo, at maiintindihan mo kung naging ano lagi para sa Akin ang panalangin at ang paghihintay ng oras ng panalangin... Siyempre, sa palagay Ko na, kahit na kung hindi Ako nananalangin sa kapayapaan ng gruta o ng Aking silid, bagkus abala ako sa gawain ng isang babae, ang Aking kaluluwa ay walang-tigil sa pananalangin... Ngunit kapag Akin nang masasabi: “Bueno, parating na ang oras upang lagumin Ko ang Aking mga naiisip sa Diyos”, ang Aking puso ay aapoy pumipintig nang mabilis. At kapag nawala na Ako sa Kanya... diyan... Hindi... hindi Ko ito maipaliliwanag sa iyo. Kapag nasa liwanag ka ng Diyos maiintindihan mo... Ang lahat na iyan ay nawala sa loob ng tatlong araw... At iyan ay mas nakakadurog-ng-puso kaysa ang pagkawala sa Akin ng Aking Anak... At si Satanas ay ang dalawang sugat na ito ang tinatrabaho, dalawang sugat na magkapatong, ang kamatayan ng Aking Anak at ang pag-abandona ng Diyos, lumilikha ng ikatlong sugat: ang kilabot ng pagkukulang sa pananampalataya. ³Maria, ikaw ay mahal sa Akin at kamag-anak kita. Pagdating ng araw, sasabihin mo sa iyong mga anak, sa mga apostol, upang sila ay makapagpursige sa kanilang apostolado at magtagumpay kay Satanas.  Ako ay nakatitiyak na, kung tinanggap Ko ang pagdududa, kung nagpadala Ako sa panunukso ni Satanas at sinabi Ko: “Hindi posible para sa Kanya na bumangon mula sa kamatayan” tinatatwa ang Diyos – sapagkat ang sabihin iyan ay pareho ng itatwa ang Diyos kasama ang Kanyang Katotohanan at Kapangyarihan – ang dakilang Panunubos na iyon ay mapupunta sa wala. Ako, ang bagong Eba, ay kumagat din sana sa ipinagbabawal na bunga ng pagmamalaki at ng espirituwal na pandama, at nasira Ko sana ang gawain ng Aking Tagapagtubos. Ang mga apostol ay patuloy na tutuksuhin nang ganyan: ng mundo, ng laman, ng kapangyarihan, ni Satanas. Gawin sila maging matatag laban sa lahat na mga pahirap, at ang korporyal na mga panunukso ay ang magiging ang pinakamaagang, upang hindi sana nila masira kung ano ang nagawa ni Jesus.»

«Ikaw, Maria, ang kailangan na magsabi sa aking mga anak... Ano ang maaasahan Mong masasabi ng Iyong kaawa-awang hipag?! ⁴O! gayunpaman! Kung sila ay dumating! Na sila ay kailangan na tumakbo sa una, bueno!... Ngunit sa susunod!»

«Nalalaman mo na sina Lazarus at Simon ay inutusan na dalhin sila sa Bethany. Nalalaman ni Jesus ang lahat...»

«Oo... Ngunit... O! kapag makita ko sila, pagagalitan ko sila nang husto. Sila ay naging mga duwag. Na ang lahat na iba ay umasal nang gayon ay maiintindihan, ngunit hindi sila, aking mga anak! Hindi ko sila kailanman patatawarin...»

«Patawarin sila, patawarin sila... Iyon ay isang sandali ng pagkabagabag... Sila ay hindi naniwala na Siya ay maaaring mahúli. Sinabi Niya ang ganyan...»

«Iyan kung bakit hindi ko sila patatawarin. Alam nila. Kung gayon sila ay nakahanda na. Kung ang isa ay may nalalaman, at pinaniniwalaan ang tao na nagsasabi nito, wala nang pagkasorpresa pa!»

«Maria, sa inyo ring lahat sinabi Niya: “Ako ay babangon”. Datapwa't... kung mabubuksan Ko ang inyong mga dibdib at mga ulo, sa inyong mga puso at sa inyong mga utak makikita Kong nakasulat: “Ito ay hindi posible”.»

«Ngunit, kung man lamang... Oo... Mahirap ang maniwala... Ngunit nanatili tayo sa Kalbaryo.»

«Sa pamamagitan ng gratis na grasya ng Diyos. Kung hindi, baka pati tayo ay tumakbo rin. Si Longinus, napakinggan mo ba siya? Sinabi niya: “nakapangingilabot na bagay”. At siya ay isang mandirigma. Tayo, mga babae, nag-iisa kasama ang isang bata, tayo ay nakatagal sa diretsong tulong ng Diyos. Kung kaya't huwag magmalaki tungkol diyan. Iyon ay hindi sa ating merito.»

«At bakit iyon ay hindi ibinigay sa kanila?»

«Sapagkat sila ang magiging mga pari ng bukas. Kung kaya't kailangan na malaman nila. Kailangan na malaman nila, bilang naranasan nila iyon mismo, kung gaano kadali para sa isang tagasunod ng isang Kredo na bumalik sa pagtatwa. Si Jesus ay ayaw ng mga paring katulad ng napakaliit na mga iyon, na sila ay naging Kanyang pinakamapilit na mga kaaway...»

«Nagsasalita Ka tungkol kay Jesus na tila Siya ay nakabangon na.»

«Kita mo? Tinatanggap mo rin na hindi ka naniniwala. Kung gayon papaano mo pagagalitan ang iyong mga anak?»

Si Maria ni Alfeo ay hindi malaman kung ano ang kanyang itutugon. Siya ay nananatili na ang kanyang ulo nakatungo at pinagagalaw nang pinagagalaw ang ilang mga bagay nang hindi niya nalalaman kung bakit. Natagpuan niya ang isang maliit na lampara at lumabas dala ito at bumalik pagkatapos na masindihan ito, at inilagay ito sa dating kinalalagyan.

Si Maria ay nakaupo na muli malapit sa nakaladlad ng veronica. Ang veronica, sa dilaw na pakurap-kurap na maliit na apoy ng langis na lampara ay nagkakaroon ng partikular na pagiging buháy, at ang mga labì at mga mata ay tila gumagalaw.

«Wala Ka bang kakainin na kahit ano?» tanong ng Kanyang hipag, na medyo napahiya.

«Kaunting tubig. Nauuhaw Ako.»

Si Maria ay lumabas at bumalik... may dalang ilang gatas.

«Huwag mamilit. Hindi Ako makakainom ng gatas. Kaunting tubig, oo. Wala nang tubig sa loob Ko. Sa palagay Ko pati dugo ay wala na rin Ako. Ngunit...»

⁵Nagkaroon ng pagkatok sa pinto. Si Maria ni Alfeo ay lumabas. Mga taong nagsasalita sa mababang tinig ay maririnig sa bulwagan, pagkatapos si Juan ay sumilip sa silid.

«Juan. Nakabalik ka na? Wala pa rin ba?»

«Oo. Si Simon Pedro... at ang manta ni Jesus... magkasabay... Sa Gethsemane. Ang manta...» Si Juan ay bumagsak sa kanyang mga tuhod at nagsabi: «Naririto ito... Ngunit ito ay punit-punit at puno ng dugo. Ang mga marka ng mga kamay ay kay Jesus. Tanging Siya lamang ang may mahahaba at maninipis na mga daliring ganyan. Ngunit ito ay napunit ng mga ngipin, napakalinaw na ito ay bunganga ng isang tao. Sa palagay ito ay maaaring... ito ay maaaring kay Judas Iskariote, sapagkat malapit sa lugar kung saan nakuha ito ni Simon Pedro, ay may kapiraso ng dilaw na tunika ni Judas. Siya ay bumalik doon... pagkatapos... bago nagpakamatay. Tingnan, Inay.»

Si Maria ay wala nang ginawa bagkus ang haplusin at halikan ang mabigat na pulang manta ng Kanyang Anak, ngunit, sa pamimilit ni Juan, binuksan Niya ito at nakita ang mga marka ng dugo, maitim sa ibabaw ng pulang Dugo, at ang mga kagat ng mga ngipin. Siya ay nanginginig at bumubulong: «Gaano karaming dugo!» Tila wala Siyang nakikitang iba bagkus iyon.

«Inay... ang lupa ay mapula gawa niyan. Si Simon, na tumakbo doon sa maagang mga oras ng umaga, ay nagsabi na may sariwa pang dugo sa mga dahon ng damo... Si Jesus... hindi ko alam... Siya ay tila hindi nasugatan... Saan nanggaling ang labis na dugo?»

«Mula sa Kanyang Katawan. Sa mapait na dalamhati... O! Jesus totál na Biktima! O Aking Jesus!» Si Maria ay umiiyak nang namimighati, na may nanghihina nang lamentasyon, na ang mga babae ay lumitaw sa pintuan at sumilip at pagkatapos umalis. «Ito, ito habang ang lahat ay inaabandona Ka... Ano ang inyong ginagawa, habang pinaghihirap Niya ang Kanyang unang aguniya?»

«Kami ay natutulog, Inay...» si Juan ay umiiyak.

⁶«Si Simon Pedro ba ay naroroon? Sabihin sa Akin.»

«Ako ay lumakad para hanapin ang manta. naisip kong tanungin sina Jonah at Markus... Ngunit sila ay tumakbo. Ang bahay ay sarado at ang lahat ay abandonado. Kung kaya't bumaba ako patungo sa mga pader, upang tahakin ang lahat ng daan na napuntahan namin noong Huwebes... Ako ay pagod na pagod noong gabing iyon, at namimighating-namimighati, na ngayon ay hindi ko na maalaala kung saan ni Jesus hinubad ang Kanyang manta. Sa akin ay tila suot Niya ito, pagkatapos tila wala na ito sa Kanya... Doon sa lugar kung saan Siya inaresto ay wala roon... Kung saan kaming tatlo naroroon, wala... Pinuntahan ko ang landas na tinahak ng Guro... At akala ko si Simon Pedro din ay patay na, sapagkat nakita ko siya doon, ganap na nakakuyukot sa isang bato. Ako ay sumigaw. Itinaas niya ang kanyang ulo... at akala ko siya ay naging baliw na, ibang-iba na siya. Siya ay sumigaw at nagsikap na tumakbo. Ngunit siya ay sumusuray, nabubulagan ng kanyang pag-iyak, at nahawakan ko siya. sinabi niya sa akin: “Iwanan mo ako. Ako ay sang dimonyo. Itinatwa ko Siya. Katulad ng sinabi Niya... at ang tandang ay tumilaok at tiningnan Niya ako. Ako ay tumakbo... Tumakbo ako dito at doon sa kabukiran, at pagkatapos natagpuan ko ang aking sarili dito. At, tingnan mo, ginawa ni Jehovah na matagpuan ko ang Kanyang Dugo rito upang akusahan ako. Dugo kahit saan. Dugo kahit saan. Sa bato, sa lupa, sa damo. Napadanak ko ito. Katulad mo, katulad ng lahat. Ngunit naitatwa ko ang Dugo na iyan”. Siya ay tila nahihibang. Sinubukan kong pakalmahin siya at alisin siya doon. Ngunit ayaw niya. Sinabi niya: “Dito. Dito. Upang bantayan ang Dugo na ito at ang Kanyang manta. At gusto kong hugasan iyan ng Aking mga luha. Kapag wala nang dugo sa damit, baka babalik na ako sa pagitan ng mga buháy, dinadagukan ang aking dibdib at nagsasabing: ‘Naitatwa ko ang Panginoon!’ “. Sinabi ko sa kanya na kailangan Ninyo siya. Na ako ay Inyong pinapunta para hanapin siya. Ngunit ayaw niyang paniwalaan ako. Pagkatapos sinabi ko sa kanya na kailangan din Ninyo si Judas, upang patawarin siya, at na Kayo ay naghihirap dahil hindi na Ninyo ito magagawa, dahil sa kanyang pagpapakamatay. Pagkatapos umiiyak siya nang mas kalmante. Gusto niyang malaman and lahat. At sinabi niya sa akin na may sariwang Dugo pa sa damo at na ang manta ay minaltrato ni Judas, na ang kapiraso ng kaninong tunika ay natagpuan niya. Pinabayaan ko siyang magsalita nang magsalita, at pagkatapos sinabi ko: “Halika sa Inay”. O! gaano ako kinailangan na mamilit upang makumbinsi siya! At noong akala ko nagtagumpay na ako sa pagkumbinsi sa kanya at ako ay tumayo upang pumarito, ayaw na niyang sumama. Sumama lamang siya noong dumidilim na. Ngunit noong makarating siya lampas sa geyt, nagtago ulit siya sa isang hardin ng gulay sa disyerto nagsasabing: “Ayaw kong may makakita sa akin na mga tao. Nakasulat sa aking noo ang salita: Tagapagtatwa sa Diyos”. Ngayon na ganap nang madilim, nagtagumpay akong makaladkad siya rito.»

⁷«Nasaan siya?»

«Sa likuran ng pinto.»

«Gawin siyang makapasok.»

«Inay...»

«Juan...»

«Huwag Ninyo siyang kagalitan. Siya ay nagsisisi.»

«Napakaliit pa ba ang pagkakakilala mo sa Akin? Gawin siyang makapasok.»

Si Juan ay lumabas. Siya ay bumalik. Nag-iisa. Sinabi niya: «Ayaw niyang mangahas. Subukan Ninyo siyang tawagin Mismo.»

At si Maria ay tinatawag siya nang may-kabaitan: «Simon ni Jonah, halika.» Wala. «Simon Pedro, halika.» Wala. Pedro ni Jesus at ni Maria, halika.» Isang maigting na pag-iyak. Ngunit hindi siya pumapasok. Si Maria ay tumayo. Iniwan Niya ang manta sa ibabaw ng mesa at pumunta sa pintuan.

Si Pedro ay nakayukyok sa labas. Katulad ng isang aso na walang panginoon. Umiiyak siya nang napakalakas at ganap na namamaluktot, na hindi niya mapakinggan ang ingay ng pinto na nagbubukas na lumalangitngit  at ang pagpagaspas ng mga sandalyas ni Maria. Napuna niya na Siya ay naroroon noong Siya ay yumuko nang napakababa upang makuha ang kanyang kamay, nakadiin sa kanyang mga mata, at pinipilit Niya siyang tumayo. Bumalik Siya sa silid hinihila siya katulad ng isang maliit na bata. Isinara Niya ang pinto at trinangkahan, at namamaluktot sa pamimighati, katulad ni Pedro sa hiya, Siya ay bumalik sa Kanyang upuan.

Si Pedro ay lumuhod sa Kanyang paanan at umiiyak nang walang pagpipigil. Si Maria ay hinahaplos ang kanyang maputi-nang buhok, basa sa pawis ng kapighatian. Wala bagkus ang gayong haplos, hanggang siya ay kumalma.

⁸Pagkatapos, noong sa wakas si Pedro ay nagsalita: «Hindi Ninyo ako mapapatawad. Kung kaya't huwag Ninyo akong haplusin. Sapagkat naitatwa ko Siya», si Maria ay nagsabi:

«Pedro, naitatwa mo Siya. Iyan ay totoo. Nagkaroon ka ng lakas-ng-loob na itatwa Siya sa publiko. Ang may-karuwagan na lakas-ng-loob ng paggawa nito. Ang iba... Lahat, maliban sa mga pastol, kay Manaen, Nicodemus at Jose at kay Juan, ay naging mga duwag lamang. Lahat sila ay itinatwa Siya: ang mga lalaki ang mga babae ng Israel, maliban sa iilan na mga babae... Hindi Ko babanggitin ang mga pamangkin at si Alfeo ni Sarah. Sila ay mga kamag-anak at mga kaibigan. Ngunit ang iba!... At ni hindi sila nagkaroon ng satanikong lakas-ng-loob na iligtas ang kanilang mga sarili, o ang espirituwal na lakas-ng-loob ng pagsisising umiiyak, o ang mas mataas na pagsisisi na tanggapin ang kanilang pagkakamali sa harapan ng publiko.

Ikaw ay isang kaawa-awang tao. O kung baga, ikaw dati. Hanggang sa umaasa ka sa iyong sarili. Ngayon ikaw ay isang tao. Bukas ikaw ay magiging isang santo. Ngunit kahit na kung ikaw ay hindi kung ano ikaw, patatawarin pa rin kita. Napatawad Ko rin sana si Judas, upang naligtas ang kanyang kaluluwa. Sapagkat ang kahalagahan ng isang kaluluwa, kahit ng isa lamang, ay karapat-dapat ng bawat pagsisikap na harapin ang pagkasuklam at pagkaani, hanggang sa sukdulan na madurog gawa nito. Tandaan iyan sa isip, Pedro. Uulitin Ko ito sa iyo: “Ang halaga ng isang kaluluwa ay gayon na, hanggang sa ikamatay gawa ng pagsisikap na ipaghirap na mailapit ito sa atin, kailangan na panghawakan ito, sa mga bisig ng isa, katulad ng hinahawakan Ko ang iyong maputing buhok, kung nababatid ng isa na, sa paghawak nang gayon dito, ito ay maililigtas”. Kung gayon, katulad ng isang ina na, pagkatapos ng pagpaparusa ng ama, idinidiin ang ulo ng kanyang nagkasalang anak sa kanyang puso, at mas gawa ng mga salita ng kanyang naghihirap na puso na pumipintig sa pagmamahal at pamimighati, nababago ng ina ang anak at nakakakuha ng resulta kaysa sa mga palo ng ama.

Pedro ng Aking Anak, kaawa-awang Pedro na, katulad ng lahat, ay napasakamay ni Satanas sa mga oras na ito ng kadiliman, at hindi mo ito nalalaman, at akala mo nagawa mo ang lahat gawa ng sarili mo mismo, halika, gawing pumarito, sa puso ng Ina ng mga anak ng Aking Anak. Dito si Satanas ay hindi na makapananakit sa iyo. Dito ang mga bagyo ay tumitigil, at habang naghihintay para sa araw, sa Aking Jesus, Na babangon upang sabihin sa iyo: “Kapayapaan sa iyo, Aking Pedro”, ang mga talang pang-umaga ay tumataas, dalisay, maganda, at ginagawang dalisay at maganda ang lahat na hinahalikan nito, katulad ng nangyayari sa malilinaw na tubig ng ating karagatan sa sariwang tagsibol na mga umaga. Iyan kung bakit labis Kong hiniling na mapunta ka rito. Sa paanan ng Krus, Ako ay napahirapan dahil sa Kanya at dahil sa inyo at – papaano na hindi ninyo ito naramdaman? – at tinawag Ko ang inyong mga espiritu nang napakalakas na sa palagay Ko sila ay talagang pumunta sa Akin. At nakasarado sa loob ng Aking puso, o kung baga, nakalatag sa ibabaw ng Aking puso, katulad ng mga tinapay ng pag-aalay, hinawakan Ko sila sa ilalim ng paliligo sa Kanyang Dugo at sa Kanyang mga luha. Nagawa Ko ito, sapagkat, kay Juan, ginawa Niya Akong Ina ng lahat ng Kanyang supling... Gaano Ako naghintay para sa inyo!...Nang umagang iyon, sa hapon na iyon, sa gabi at sa sumunod na araw... Bakit, kaawa-awang Pedro, sinugatan at niyapakan ng Dimonyo, pinaghintay mo ang isang ina nang napakatagal. Hindi mo ba nalalaman na gawain ng mga ina ang maglinis, magpagaling, magpatawad at pangunahan ang kanilang mga anak? Dadalhin kita sa Kanya.

⁹Gusto mo ba Siyang makita? Gusto mo bang makita ang Kanyang ngiti, upang makumbinsi ka na minamahal ka pa Niya? Gusto mo? O! kung gayon lumayo ka mula sa Aking kaawa-awang lapi ng isang babae, at ipahinga mo ang iyong noo sa Kanyang may-koronang noo, ang inyong mga labì sa Kanyang sinugatang mga labì at halikan mo ang iyong Panginoon.»

«Siya ay patay... Hindi ko kailanman magagawa.»

«Pedro. Tumugon sa Akin. Alin sa palagay mo ang huling himala ng iyong Panginoon?»

«Ang Eukaristiya. Hindi. Ang himala sa sundalo na pinagaling doon... doon... O! huwag Ninyong ipaalaala sa akin!...»

«Ang isang tapat, nagmamahal na malakas na babae ay natagpuan Siya sa Kalbaryo at pinunasan niya ang Kanyang Mukha. At Siya, upang masabi sa atin kung gaano ang nagagawa ng pagmamahal, ay pinabakat ang Kanyang Mukha sa linen na damit. Naririto ito, Pedro. Ang isang babae ay nagawa ito, sa loob ng isang mala-impiyernong kadiliman at ng dibinong poot. Sa simpleng dahilan lamang na siya ay nagmahal. Itanim iyan sa isip, Pedro, para sa mga oras kung saan ang kalooban ng Dimonyo ay tila mas malakas kaysa sa Diyos. Ang Diyos noon ay ang preso na ng mga tao, Siya ay natabunan na, kinundina, hinagupit, Siya ay namamatay na... Gayunpaman, sa dahilan na ang Diyos ay laging Diyos kahit na sa gitna ng pinakamalupit ng mga pang-uusig, at kung ang Idea ay nahampas, ang Diyos Na nagbibigay sigla ay di-mahihipo, kung kaya't ang Diyos sa mga nagtatatwa, sa mga di-naniniwala, sa mga tao ng katangahang “mga bakit” , ng may-kagagawang “hindi ito maaari”, ng mga mapaglapastangang “Kung ano ang hindi ko maintindihan ay hindi totoo”, ay tumutugon, nang walang mga salita, sa pamamagitan ng telang ito. Tingnan ito. Isang araw, sinabi mo sa Akin, sinabi mo kay Andres: “Ang Mesiyas ay pinakita ang Kanyang Sarili sa iyo? Hindi ito maaaring maging totoo”, at pagkatapos ang iyong pagkataong katuwiran ay kinailangan na yumuko sa harapan ng kapangyarihan ng espiritu, na nakakita sa Mesiyas sa kung saan ang pangangatwiran ay hindi makakita sa Kanya. Sa isa pang okasyon, sa mabagyong karagatan, nagtanong ka: “Pupunta ba ako, Guro?” at pagkatapos, noong ikaw ay nasa kalahatian na, sa ibabaw ng masalimuot na tubig, naging mapagduda ka nagsasabing: “Ang tubig ay hindi ako maaaring mahahawakan” at, na ang iyong pagdududa ang pabigat, halos nalunod ka. Tanging kapag ang espiritung naniniwala lamang ang nangingibabaw laban sa pangangatwiran ng tao, natatagpuan ninyo ang tulong ng Diyos. Sa isa pang okasyon sinabi mo: “Kung si Lazarus ay patay na nang apat na oras, bakit tayo pumunta? Upang mamatay nang walang kabuluhan?” Sapagkat sa pamamagitan ng inyong pantaong rason wala na kayong maisip na ibang sulusyon. At ang iyong rason ay hindi inaprobahan ng espiritu, na sa pagpapakita sa iyo, sa pamamagitan ng tao na ibinangon mula sa kamatayan, ang kaluwalhatian Niya Na nagbangon sa kanya, ay ipinakita sa iyo na hindi kayo nagpunta roon nang walang kabuluhan. Isa pang pagkakataon, maraming mga pagkakataon, kapag napapakinggan ninyo ang inyong Panginoon na nagsasalita ng tungkol sa kamatayan, at isang malupit na kamatayan , sinabi mo: Iyan ay hindi kailanman mangyayari sa Inyo!” At nakikita mo kung paano ang iyong rason ay pinasinungalingan. Ako ay naghihintay ngayon na mapakinggan ang salita ng iyong espiritu sa huling kasong ito...»

«Patawarin ako.»

«Hindi. Isa pang salita.»

«Naniniwala ako.»

«Isa pa.»

«Hindi ko alam...»

«Nagmamahal ako. Pedro, magmahal. Ikaw ay patatawarin. Maniniwala ka. Magiging malakas ka. Ikaw ang magiging ang Pari, hindi ang Pariseo na naniniil at walang iba pagkusa pormalidad at pagkukulang ng aktibong pananampalataya. Tingnan mo Siya. Mangahas na tingnan Siya. Ang lahat ay tumingin na sa Kanya at sumamba na sa Kanya. Kahit si Longinus... At hindi mo ba magagawa? Datapwa't nagawa mong itatwa Siya! Kung hindi mo Siya makikilala ngayon, sa pamamagitan ng apoy ng Aking makainang nagmamahal na kapighatian na nagdudugtong sa inyo at pinagkakasundo kayo, hindi mo na muli Siya makikilala kailanman. Siya ay bumabangon mula sa kamatayan. Papaano mo Siya matitingnan sa Kanyang bagong dingal, kung hindi mo nalalaman ang Kanyang Mukha sa pagdaan mula sa pagiging Guro na kilala mo hanggang sa pagiging ang Nagtagumpay Na hindi mo kilala? Sapagkat ang kapighatian, ang lahat na Kapighatian ng mga panahon at ng mundo, ay trinabaho Siya nang sinsel at martilyo sa mga oras mula Huwebes na gabi hanggang sa ika-siyam na oras ng Biyernes. At nabago nila ang Kanyang Mukha. Dati Siya lamang ang Guro at Kaibigan. Ngayon Siya ay ang Hukom at Hari. Siya ay umakyat na sa Kanyang trono upang maghusga. At naisuot na Niya ang Kanyang korona. Siya ay mananatiling ganyan. Ang tanging kaibahan lamang ay na pagkatapos ng Kanyang maluwalhating Resureksiyon, hindi na Siya magiging ang Tao Hukom at Hari, bagkus ang Diyos Hukom at Hari. Tingnan mo Siya.  Tingnan Siya habang ang Pagkatao at Kapighatian ay nagtatakip sa Kanya, upang matingnan Siya kapag Siya ay nanagumpay sa Kanyang Dibinidad.»

¹⁰Si Pedro sa wakas ay itinaas ang kanyang ulo mula sa lapi ni Maria, na ang kanyang mga mata mapula sa pag-iyak, sa mukha ng isang matandang bata, na nangungulila at nasorpresa sa kasamaan na kanyang nagawa at sa lahat na mabuti na kanyang natatagpuan.

Si Maria ay pinipilit siyang tingnan niya ang kanyang Panginoon. Pagkatapos habang si Pedro ay umuungol, na tila nasa harapan siya ng isang buháy na mukha, nagsasabing: «Patawarin ako, patawarin ako! Hindi ko alam kung papaano iyon nangyari. Ano ang nangyari. Ako ay hindi ang sarili ko. Iyon ay isang bagay na nagawa akong hindi ang sarili ko. Ngunit minamahal ko Kayo, Jesus! Minamahal ko Kayo, aking Guro! Bumalik Kayo! Bumalik Kayo! Huwag Kayong umalis nang katulad niyan, nang walang sinasabi sa akin na naintindihan Ninyo ako!» Si Maria ay inuulit ang Kanyang ginawa sa silid ng libingan ng sepulkro. Nakatayo, ang Kanyang mga kamay nakaunat, nagmumukha Siyang katulad ng isang paring babae sa sandali ng mga pag-aalay. At katulad doon na Kanyang inalay ang imakuladang Ostiya, dito inaalay Niya ang nagsisising makasalanan. Siya nga ay tunay na Ina ng mga santo at ng mga makasalanan!

Pagkatapos ginawa Niyang tumayo si Pedro at patuloy siyang inaaliw. At sinabi Niya sa kanya: «Ako ay mas masaya na ngayon. Alam Ko na ikaw ay naririto. Pumunta ka na ngayon kung nasaan ang mga babae at si Juan. Kayong lahat ay nangangailangan ng pahinga at pagkain. Lakad. At maging mabuti...» na tila siya ay isang bata.

¹¹At habang nasa loob ng bahay, na mas kalmado sa ikalawang gabing ito pagkatapos ng Kanyang kamatayan at nakakiling nang bumalik sa mga kaugaliang pantao ng tulog at pagkain, at may pagód na hitsura ng mga bahay kung saan ang mga naiwan ng yumao ay unti-unting nakakabawi mula sa dagok ng kamatayan, si Maria lamang ang gising, hindi gumagalaw sa Kanyang lugar, naghihintay, sa pananalangin. Lagi. Lagi. Lagi. Para sa buháy at para sa patay. Para sa makatarungan at sa may-kasalanan. Para sa pagbabalik. Ang pagbabalik ng Kanyang Anak.

Ang Kanyang hipag ay gusto siyang samahan. Ngunit siya ngayon ay mahimbing nang natutulog, nakaupo sa isang sulok, na ang kanyang ulo nakasandal sa pader. Sina Martha at Maria ay pumasok nang dalawang beses, ngunit pagkatapos, inaantok katulad nila, sila ay umalis papunta sa isang malapit na silid, at pagkatapos ng kaunting mga salita, sila rin ay nakatulog... At sa mas malayu-layo pa, sa isang silid na kasing liit ng isang bahay-bahayan, sina Salome at Susanna ay natutulog, habang, sa dalawang banig sa sahig, sina Pedro at Juan ay natutulog nang maingay. Ang una ay humihikbi pa kasalit ng paghilik, ang huli ay may ngiti ng isang bata na nananaginip ng isang masayang bisyon.

Ang buhay ay nagpapatuloy sa aktibidad nito at ang laman sa mga karapatan nito... Tanging ang Tala sa Umaga lamang ang nagniningning nang gising, kasama ang Kanyang pagmamahal nagbabantay malapit sa imahe ng Kanyang Anak.

At ang gabi ng Sabado de Gloria ay dumaraan nang gayon. Hanggang ang tilaok ng isang tandang, sa unang liwanag ng bukang-liwayway, ay nagawa si Pedro na mapatayo na may isang sigaw. At ang kanyang nakakatakot na namimighating sigaw ay nagísing ang mga natutulog.

Ang pansamantalang kapayapaan ay tapos na para sa kanila at ang kapighatian ay nagsisimula na ulit. Para kay Maria, ito ay nagpapalaki lamang sa pananabik ng paghihintay.

071012

 

 

 



Sunod na kabanata