613. Ang Resureksiyon.

Abril 1, 1945.

¹Nakikita ko na ulit ang malugod at makapangyarihan na Resureksiyon ni Kristo.

Sa pangkusinang-hardin ay lahat tahimik at kumikislap-kislap sa hamog. Sa itaas nito ang kalangitan ay palinaw na nang palinaw sa pagiging kulay sapiro, pagkatapos ng pagiging madilim na kulay asul na may mga tampok ng bituin, na sa buong gabi ay nagbantay sa mundo. Ang bukang-liwayway ay tinutulak nitong pabalik, mula silangan hanggang kanluran, ang maiitim pang mga sona, katulad ng isang alon na sa loob ng paglaki ng tubig ay paabante nang paabante sinasakop ang madilim na dalampasigan at pinapalitan ang madilim na kulay-abo ng basang buhangin at ng batuhang-babaw ng kulay asul ng tubig dagat.

Ang kaunting maliliit na bituin ay ayaw pang mawala at sumisilip nang papalabo nang papalabo sa alon ng maputing medyo berdeng liwanag ng bukang-liwayway, isang maputi na kulay-abo, katulad ng mga dahon ng inaantok na mga punong-olibo na pumoporma ng isang korona sa hindi malayong maliit na burol. At pagkatapos ito ay nasira, natabunan ng alon ng bukang-liwayway, katulad ng lupa na binaha ng tubig. At ito ay nawalan na ng isang bituin... At pagkatapos nawalan pa ng isa... at isa pa, at isa pa. Ang kalangitan ay nawalan ng kawan ng mga bituin nito at tanging sa banda roon, sa malayong silangan, tatlo, pagkatapos dalawa, pagkatapos isa ang natirang nagninilay-nilay, pinagninilayan ang pang-araw-araw na kababalaghan, na siyang ang pagtaas ng bukang-liwayway.

At pagkatapos, noong ang isang kulay rosas na guhit ay lumitaw sa turkesang seda ng silanganing kalangitan, ang isang hininga ng hangin ay dumaan sa mga dahon at mga yerba at nagsasabi: «Gising. Ang araw ay  tumaas na.» Ngunit ang ginising lamang nito ay mga dahon at mga yerba, na nanginginig sa ilalim ng kanilang mahamog na mga diyamante at lumalagaslas nang banayad habang ang bumabagsak na mga patak ay tumutunog katulad ng mga arpeggio. Ang mga ibon ay hindi pa nagigising sa loob ng makapal na mga sanga ng isang napakataas na cypress na tila naghahari katulad ng isang panginoon sa kanyang kaharian, o sa loob ng makapal na sabid-sabid ng isang bakod na laurel na humaharang sa hanging hilaga.

Ang mga guwardiya, pagod, giniginaw, inaantok, nasa iba't ibang mga pusisyon ay binabantayan ang Sepulkro, na ang bato nito ay pinatibayan sa paligid ng gilid nito, na tila ito ay isang kálang, na may makapal na tapal ng apog, na sa ibabaw nito ay kitang-kita ang malalaking roseta ng pulang waks ng selyo ng Templo, at ng iba pang nakatatak nang diretso sa basa-pang apog.

Ang mga guwardiya ay maaaring gumawa ng maliit na apoy sa loob ng gabi, sapagkat may mga abo at maliliit na hindi-ganap na nasunog na kahoy sa lupa, at maaaring sila ay naglaro at kumain, sapagkat may nakakalat sa paligid ng mga pinagkainan at ilang malilinis na maliliit na buto, na tiyak na ginamit sa paglalaro, katulad ng ating mga domino o ng ating mga pambatang laro ng holen, na nilaro sa isang iginuhit sa lupa na paglalaruan. Pagkatapos sila ay maaaring napagod at iniwan ang mga bagay nang wala nang pagliligpit, at sinubukan nilang makatagpo ng medyo komportableng mga pusisyon upang makatulog o makapanatiling nagbabantay.

²Sa malinis na kalangitan, kung saan sa gawing silangan ay may malarosas na sona, na lumalaki nang lumalaki ang nasasakupan, ngunit kung saan ay wala pang mga sinag ng araw, ang isang napakaningning na bulalakaw ay lumitaw, nagmumula sa di kilalang mga kalaliman, at ito ay bumababang katulad ng isang bolang apoy na di-matatagalan na kariktan, sinusundan ng isang nagliliwanag na buntot na guhit, na baka walang iba bagkus ang naiiwan na kaningningan sa retina ng ating mga mata. Ito ay bumababa nang napakabilis patungo sa Lupa, gumagawa ng gayon katinding liwanag, nakakatakot sa kagandahan nito, na ang malarosas na liwanag ng bukang-liwayway ay nawawala, natatalo ng gayong kaputian.

Ang mga guwardiya, namamangha, ay itinaas ang kanilang mga ulo, at dahil din kasabay ng liwanag ay may isang malakas, magandang pakinggan, solemneng kulog na pumupuno sa buong Sangnilikha sa pamamagitan ng dagundong nito. Ito ay nanggagaling mula sa mga kalaliman ng langit.

Ito ay ang aleluya, ang anghelikal na kaluwalhatian, na sumusunod sa Espiritu ng Kristo, na bumabalik sa Kanyang maluwalhating Laman.

Ang bulalakaw ay sumalpok sa walang-silbing takip ng Sepulkro, pinupunit ito, tinatapon ito sa lupa, at nakapanakot ito nang nakapangingilabot at maingay sa mga guwardiyang inilagay bilang mga tanod sa Panginoong ng Sansinukuban, gumagawa sa pagbabalik nito sa Lupa ng isang bagong lindol, katulad ng ginawa nito nang ang Espiritu ng Panginoon ay umalis mula sa Lupa. Pinasok nito ang madilim na Sepulkro na naging maningning lahat sa pamamagitan ng di-mailalarawang liwanag nito, at habang nananatili itong nakabitin sa walang-galaw na ere, ang Espiritu ay inilagay muli sa Katawan na walang-galaw sa ilalim ng paglilibing na mga bendahe.

Ang lahat ng ito ay nangyari hindi sa loob ng isang minuto, bagkus sa kapiraso ng isang minuto, napakabilis ang paglitaw, pagbaba, paglagos at ang pagkawala ng Liwanag ng Diyos...

³Ang «Gusto Ko» ng dibinong Espiritu sa malamig na Katawan nito ay walang-ingay. Ito ay binigkas ng Esensiya sa walang-galaw na Materyal.

Sa ilalim ng Sudarium at ng Shroud, ang maluwalhating Katawan ay nabuong muli sa eternal na kagandahan nito, ito ay gumigising mula sa tulog ng kamatayan, bumabalik ito mula sa «wala» na katayuan nito, ito ay nabubuhay pagkatapos ng pagiging patay. Ang puso ay tiyak na gumigising at binibigay ang unang pintig nito, pinatatakbo nito ang natitirang nagyelong dugo sa mga ugat at kaagad napuno nito ang walang-laman na mga arterya, sa walang-galaw na mga bagà, sa madilim na utak, at naghatid muli ng init, kalusugan, lakas, kaisipan.

Isa pang sandali, at nagkaroon ng isang biglang paggalaw sa ilalim ng mabigat na Shroud. Ito ay biglang-bigla na, mula sa sandali na ginalaw Niyang tiyak ang Kanyang nakaluping mga kamay hanggang sa sandaling lumitaw Siyang nakatayo, kahanga-hanga, maringal sa Kanyang kasuutan ng di-materyal na bagay, sobrenatural na makisig at mahestuwoso, nang may datíng na nagpapabago at nagpapataas sa Kanya, subalit iniiwan Siyang eksaktong Siya Mismo, mahirap masundan ng mata ang mga pangyayari. At ngayon Siya ay hinahangaan nito: ibang-iba sa naaalaala ng isip, malinis, walang mga sugat o dugo, nakakasilaw lamang ang liwanag na bumubukal mula sa limang sugat at ang nanggagaling sa bawat napakaliliit na mga butas ng Kanyang laman.

⁴Noong Kanyang ginawa ang Kanyang unang hakbang – at sa paggalaw ang mga sinag na nagmumula sa Kanyang mga Kamay at mga Paa ay nalalagyan Siya ng umiikot na mga sinag ng liwanag: mula sa Kanyang Ulo na may girnaldang sinag na paikot, gawa ng di-mabilang na maliliit na sugat ng korona, ngunit hindi na ito dumurugo bagkus sumisinag lamang, hanggang sa laylayan ng Kanyang tunika, nang, ibinubukas ang Kanyang mga kamay, na dati naka-ikis sa Kanyang dibdib, nailalantad Niya ang sona ng napakaningning na kaliwanagan na tumatagos sa Kanyang tunika pinaaapoy ito katulad ng isang araw na nakakapantay ng Kanyang Puso – pagkatapos ito ay talagang ang «Liwanag» na nagkatawang tao. Hindi ang kaawa-awang liwanag ng Lupa, hindi ang kaawa-awang liwanag ng mga bituin, hindi ang kaawa-awang liwanag ng araw. Bagkus ang Liwanag ng Diyos: ang lahat na makalangit na kaningningan na nagka-ipun-ipon sa isang Nilalang at binigyan Siya ng di-sukat-maisip na asul bilang mga mata, ang ginintuang apoy nito bilang buhok, ang anghelikal na kaputian nito bilang damit at kutis at ang lahat na naririyan, ngunit hindi maisasalarawan ng mga salita ng tao, ang mahigit-sa-lahat na alab ng Kabanalbanalang Trinidad, na natatalo ng maalab na kapangyarihan nito ang bawat apoy sa Paraiso, sinisipsip Siya sa Sarili Nito upang palitawin muli Siya sa bawat sandali ng eternal na Panahon, ang Puso ng Langit na kumukuha at nagkakalat ng Kanyang Dugo, ang di-mabilang na mga patak ng Kanyang di-korporyal na dugo: ang pinagpalang mga kaluluwa, ang mga anghel, ang lahat na nasa Paraiso: ang pagmamahal ng Diyos, ang pagmamahal para sa Diyos, ang lahat na ito ay ang Liwanag na naririyan, na bumubuo sa Bumangon na Kristo.resureksiyon 2

Noong Siya ay kumikilos, papalapit sa labasan, at nakakakita ang mata sa kabila ng Kanyang kaningningan, dalawang pinakamagandang mga kaningningan, ngunit kapareho ng mga bituin kompara sa araw, ang nagpakita sa akin, ang isa sa tabing ito, ang isa pa sa kabila ng pamasukan, nakapatirapa sa pagsamba sa kanilang Diyos, Na dumaraan nababalot ng Kanyang liwanag, nagpapasayang-lubos sa pamamagitan ng Kanyang ngiti, at Siya ay lumabas, iniiwan ang paglilibing na gruta at bumabalik upang maglakad sa lupa, na gumigising dala ng lugod at sumisinag sa mga hamog nito, sa mga kulay ng mga yerba at mga rosas, sa di-mabilang ng mga korola ng mga puno ng mansanas, na nagbubukas, nang may kahiwagaan, sa maagang araw na humahalik sa kanila, at sa eternal na Araw Na nagdaraan sa ilalim nila.

Ang mga guwardiya ay naroroon, nagugulat... Ang naging-maruming mga kapangyarihan ng tao ay hindi makita ang Diyos, samantalang ang purong mga kapangyarihan ng sansinukuban – ang mga bulaklak, ang mga yerba, ang mga ibon – ay humahanga at nagpipitagan sa Makapangyarihang Isa, Na dumaraan sa loob ng Kanyang sariling Liwanag at sa loob ng isang aureola ng liwanag ng araw.

Ang Kanyang ngiti, ang Kanyang mga mata ay namamahinga sa mga bulaklak, sa mga sangang patay, na tumitingin sa itaas sa malinis na kalangitan, ang lahat ay nagiging mas maganda. At mas malambot at mas nakukulayan pa kaysa sa isang malasedang mga kabit-kabit na rosas ay ang milyun-milyon na mga petalo na pumoporma ng isang  mabulaklak na bulâ sa ulo ng Kongkistador. At mas maniningning ang mga diamante ng hamog. At mas malalim na asul ang kalangitan na sumasalamin sa Kanyang nagliliwanag na mga mata, mas malugod ang araw na gawa ng tuwa ay gumuhit ng isang maliit na ulap na hinihipan ng isang magaan na hangin, na dumarating upang halikan ang Hari nito nang may mga pabango na kinuha mula sa mga hardin at nang may mga haplos ng malasedang mga petalo.

Si Jesus ay itinataas ang Kanyang mga kamay at pinagpapala sila at pagkatapos, habang mas malakas na umaawit ang mga ibon at ang hangin ay dinadala ang mga pabango nito, Siya ay nawala sa aking paningin, iniiwan ako sa loob ng isang lugod na nakakansela nito kahit na ang pinakamaliit na alaala ng kalungkutan at mga paghihirap at pag-aalinlangan para sa bukas...

101012

 

 



Sunod na kabanata