615. Ang Banal na mga Babae sa Sepulkro.

Abril 2, 1945.

¹Ang mga babae, pansamantala, pagkatapos na makaalis sa bahay ay naglalakad malapit sa pader, mga anino sa lilim. Sila ay tahimik nang matagal-tagal, balot na balot at natatakot sa labis na katahimikan at pangungulila. Pagkatapos, nagkakaroon muli ng kompiyansa nakikita na ang bayan ay ganap na kalmado, sila ay nagdikit-dikit at naglakas-loob na mag-usap.

«Ang mga Geyt kay ay bukas na?» tanong ni Susanna.

«Sigurado. Tumingin sa banda roon sa unang hardinero ng mga pampalengke na pumapasok dala ang mga gulay. Siya ay papunta sa palengke» tugon ni Salome.

«Magsasalita kaya sila sa atin ng kahit ano?» tanong muli ni Susanna.

«Sino?» nagtatanong si Maria ng Magdala.

«Ang mga sundalo, sa Judicial Gate. Doon... tanging kakaunting mga tao lamang ang pumapasok at mas kakaunti pa ang lumalabas... Makakapukaw tayo ng hinala...»

«Kung gayon? Titingnan nila tayo. Makakakita sila ng limang mga babae patungo sa kabukiran. Tayo rin ay maaaring mga tao na, pagkatapos ng pagdiriwang ng Paskuwa, ay pabalik sa kanilang mga nayon.»

«Ngunit... Upang hindi makapag-anyaya ng atensiyon ng kahit sinong malisyosong tao, bakit hindi tayo lumabas sa ibang Geyt at pagkatapos umikot sa mga pader?...»

«Iikot tayo nang malayo.»

«Ngunit magiging mas ligtas tayo. Ating kunin ang Gate of the Water...»

«O! Salome! Kung ako ikaw, pipiliin ko ang Eastern Gate! Kakailanganin mong umikot nang malayo! Dapat magmadali tayo at makabalik agad.» si Maria ng Magdala ito na masyadong disidido.

«Pagkatapos isa pa, ngunit hindi ang Judicial Gate. Maging mabuti...» lahat sila ay pinakikiusapan siya.

«O sige. Bueno, dahil iyan ang gusto ninyo, daanan natin si Johanna. nakiusap siya sa akin na paalamin siya. Kung tayo ay tutuloy doon ng tuwiran, magagawa natin nang hindi siya dinadaanan. Ngunit dahil gusto ninyo ang mas mahabang daan, daanan natin siya...»

«O! oo. Dahil din sa mga guwardiya na inilagay doon... Siya ay kilalang-kilala at iginagalang...»

«Sa palagay ko kailan din natin na daanan si Jose ng Arimathea. Siya ang may-ari ng lugar.»

«Bakit hindi! Upang maiwasan ang makuha ang atensiyon ng mga tao, gagawa tayo ng isang prusisyon! Anong isang matatakutin na kapatid ang mayroon ako! Kung baga, alam mo ba, Martha? Ganito ang ating gawin. Mauuna ako at titingnan ko. Susunod kayo sa akin kasama si Johanna. Tatayo ako sa gitna ng daan, kung mayroon mang peligro, at makikita ninyo ako. At tayo ay babalik. Ngunit matitiyak ko sa inyo na ang mga guwardiya, nakikita ito, naisip ko ito (at pinakikita niya ang isang lukbutan na puno ng pera) pababayaan tayo na gawin ang lahat.»

«Sasabihan din natin si Johanna. Tama ka.»

«Lakad kung gayon, at pabayaan ako.»

«Lalakad ka ba nang nag-iisa, Maria? Sasama ako sa iyo» sabi ni Martha, na natatakot para sa kanyang kapatid.

«Hindi. Lalakad kang kasama si Maria ni Alfeo papunta sa bahay ni Johanna. Sina Salome at Susanna ay maghihintay para sa iyo malapit sa Geyt, sa labas ng mga pader. Pagkatapos lalakad kayong magkakasama sa pinakadaan. Paalam.» At si Maria ng Magdala ay pinuputol kaagad ang ibang posibleng mga komentaryo, dahil lumayo siyang mabilis dala ang kanyang bag na puno ng mga balsamo at ang kanyang pera sa kanyang dibdib.

Siya ay lumilipad, napakabilis niyang naglakad sa daan, na nagiging mas maganda na sa unang rosas na kulay ng bukang-liwayway. Siya ay pumasok sa pamamagitan ng Judicial Gate, upang mapabilis. At walang sinuman ang nagpatigil sa kanya...

²Ang iba ay pinapanood siyang umaalis, pagkatapos nalampasan na nila ang nagsasangahang mga daan na kinaroroonan nila dati, at kinukuha nila ang isa pang daan, makipot at madilim, na malapit sa Sixtus ay papalabas patungo sa isang mas malapad na daan, kung saan may ilang magagandang bahay. Sila ay naghiwalay muli, sina Salome at Susanna nagpapatuloy, habang sina Martha at Maria ni Alfeo ay kumakatok sa bakal na pinto at pinakikita ang kanilang sarili sa maliit na bintana (Judas-hole) na binuksan nang kaunti ng portero.

Sila ay pumasok at pumunta kay Johanna, na gising na at nakabihis na ng napakadilim na biyoletang damit na nagagawa siyang magmukha pang mas maputla, naghahanda ng ilang langis kasama ang kanyang yaya at isang babaeng katulong.

«Nandito na kayo? Gantimpalaan sana kayo ng Diyos. Ngunit, kung kayo ay hindi pumunta, pupunta akong mag-isa mismo... Upang makatagpo ng kaginhawahan... Sapagkat maraming bagay ang nabalisa pagkatapos ng nakakatakot na araw na iyon. At, upang hindi maramdaman ang pag-iisa, kailangan na labanan ko ang Batong iyon at kumatok at magsabi: “Guro, ako ang kaawa-awang Johanna... Huwag Ninyo akong iwanang nag-iisa, Kayo, rin...». Si Johanna ay umiiyak nang tahimik ngunit nang may malalim na pangungulila, habang si Esther, ang kanyang yaya, ay gumagawa ng malaking di-maintindihan na mga senyas sa likuran ng kanyang sinyora, habang sinusuutan siya ng isang manta.

«Lalakad ako. Esther.»

«Paginhawahan ka sana ng Diyos!»

Iniwan nila ang bahay na mansiyon upang samahan ang kanilang mga kasamahan. Ito ay sa sandaling ito na ang malakas ngunit maikling lindol nangyari, gumagawa ulit ng kaguluhan sa mga tao ng Herusalem, na nahihintakutan pa ng mga nangyari noong Biyernes. Ang tatlong babae ay bumalik nang bigla, at nanatili sila sa malaking bulwagan, kasama ang mga katulong na mga babae at lalaki na mga umuungol at nananawagan sa Panginoon, kinatatakutan na baka may darating pang bagong mga paglindol...

³... si Maria ng Magdala, sa halip, ay nasa hangganan lamang ng landas na magdadala sa isa sa pangkusinang-hardin ni Jose ng Arimathea, noong inabutan siya ng malakas at magandang pakinggan din na dagundong ng makalangit na tanda na ito, habang, sa malabnaw na rosas na liwanag ng bukang-liwayway, na umaabante sa kalangitan, kung saan sa kanluran ang isang mapilit na bituin ay nakapananatili pa, at nagagawa nitong maganda magpahanggang ngayon ang medyo berdeng liwanag, ang isang napaka ningning na liwanag ay lumitaw at bumababang katulad ng isang nagliliwanag na magandang bola, humihiwa sa kalmadong ere sa isang pasigsag na takbo.

Si Maria ng Magdala ay halos mahagip nito at napatapon sa lupa. Siya ay yumuko nang sandali bumubulong: «Aking Panginoon!» at pagkatapos itinuwid niya ang kanyang sarili katulad ng isang tangkay pagkatapos na makalampas ang hangin na dumaan, at tumakbo siya patungo sa pangkusinang-hardin nang mas mabilis pa.

Pinasok niya ito nang mabilis, at nagpatuloy siya sa sepulkro sa bato nang kasing bilis ng isang ibon na hinahabol at naghahanap sa kanyang pugad. Ngunit, kahit na gaano kabilis siyang tumakbo, naunahan pa rin siya ng makalangit na bulalakaw noong ito ay umaktong katulad ng isang panikwat at isang apoy sa selyo na apog, na inilagay bilang pampalakas sa mabigat na bato, o noong na sa pamamagitan ng huling salpok ang batong pinto ay bumagsak, gumagawa ng isang pagyanig na sumasama sa panginginig gawa ng lindol, na, bagama't napaikli lamang, ay napakamarahas na pinabagsak nito ang mga guwardiya na tila sila ay mga patay.

Noong makarating si Maria, nakita niya ang walang-silbing mga tanod ng Nanagumpay nakabulagtà sa lupa katulad ng isang tungkos ng ginapas na mga trigo. Si Maria ng Magdala ay hindi naisip na iugnay ang lindol sa Resureksiyon. Ngunit tinitingnan ang pànoorin, inisip niya na ito ay isang kaparusahan ng Diyos para sa paglalapastangan sa Sepulkro ni Jesus, at siya ay lumuhod nagsasabing: «Aba! Ninakaw nila Siya!» Siya ay totoong pinanghihinaan ng loob at umiiyak katulad ng isang batang babae na pumunta, nakatitiyak na matatagpuan niya ang kanyang ama na kanyang hinahanap, at sa halip natagpuan ang bahay na walang-tao.

⁴Siya pagkatapos ay tumayo at tumakbo upang puntahan sina Pedro at Juan. At sa dahilan na wala siyang ibang iniisip bagkus ang bigyan-alam ang dalawa, nakalimutan niya na pumunta at tagpuin ang kanyang mga kasamahan at maghintay sa daan, bagkus bumalik siya sa daan na kanyang pinanggalingan nang kasing bilis ng isang usa, dumaan siya sa Judicial Gate, at lumilipad sa mga kalsada, na medyo matao na, at nagmadali siya sa harapan ng pintuan ng mapag-arugang bahay at kumakatok rito nang nagngangalit. Ang maybahay na babae ay binuksan ang pinto sa kanya.

«Nasaan sina Juan at Pedro?» tanong ni Maria ng Magdala humihingal.

«Doon» sabi ng babae tinuturo ang silid-Hapunan.

Si Maria ng Magdala ay pumasok at nang kaagad makapasok, tumayo sa harapan ng dalawang nagtatakang mga lalaki, at sa kanyang tinig, na pinananatiling mababa dala ng awa sa Ina, ay mas may paghihirap ng damdamin kaysa kung siya ay sumigaw, sinabi niya: «Inalis nila ang Panginoon sa Sepulkro! Hindi ko alam kung saan nila Siya inilagay!» at sa unang pagkakataon siya ay sumusuray at hindi makapanatili, at upang hindi bumagsak, humahawak siya sa kahit anong mahahawakan.

«Ano? Ano ang iyong sinasabi?» tanong ng dalawa.

At naghihingalo tumugon siya: «Nauna na ako... upang bayaran ang mga guwardiya... upang kami ay pabayaan nila. Katulad nila ang mga patay na katawan... Ang Sepulkro ay bukas, ang bato ay nasa lupa... Sino? Sino ang maygawa nito? O! halikayo! Tumakbo tayo...»

Sina Pedro at Juan ay lumabas kaagad. Si Maria ay sumunod sa loob ng kaunting mga hakbang. Pagkatapos siya ay bumalik. Hinawakan niya ang maybahay na babae, niyuyugyog siya, marahas sa kanyang pagmamahal na nakatingin sa malayo, at sinisigawan niya siya sa mukha: «Tandaan mo  huwag mong papupuntahin ang kahit sino sa Kanya (at tinuturo niya ang pintuan ng silid ni Maria). Alalahanin na ako ang iyong sinyora. Sumunod at manahimik.» Pagkatapos siya ay umalis nanghihilakbot at sinasamahan ang mga apostol, na halos tumatakbo patungo sa Sepulkro...

⁵... Sa pansamantala sina Susanna at Salome, pagkatapos na iwanan ang kanilang mga kasamahan at nararating ang mga pader, ay inabutan ng lindol. Natatakot, nanilungan sila sa ilalim ng isang punungkahoy at nananatili roon, hindi malaman kung pupunta sa Sepulkro o tatakbo sa bahay ni Johanna. Ngunit ang pagmamahal ang namuno sa takot at naglakad sila patungo sa Sepulkro.

Sila ay natatakot pa rin noong pinasok nila ang hardin at nakita nila ang walang-malay na mga guwardiya... nakakita sila ng maningning na liwanag na lumalabas sa Sepulkro. Ang kanilang takot ay lumaki at umabot ito sa kasagsagan nito nang, hinahawakan ang kamay ng isa't isa upang lumakas ang kanilang loob, sumilip sila mula sa pamasukan at sa madilim na kuweba ng paglilibing nakakita sila ng maningning na napakagandang nilikha, na ngumingiting may-kabaitan binabati sila mula sa lugar kung saan ito nakatayo: nakasandal sa kanang tabi ng bato ng pagpapahid-ng-langis, na, kulay-abo katulad nito, ay nawawala sa labis na nanginginang na maputing kaliwanagan. Sila ay bumagsak sa kanilang mga tuhod, lubos na namamangha.

Ngunit ang anghel ay nagsalita sa kanila nang magiliw: «Huwag matakot sa akin. Ako ang anghel ng dibinong Kapighatian. Ako ay naparito upang magbunyi sa katapusan nito. Ang kapighatian ng Kristo, ang pagpapahiya sa Kanya sa kamatayan ay tapos. Si Jesus ng Nazareth, ang Pinako-sa-Krus Na inyong hinahanap, ay bumangon na mula sa kamatayan. Siya ay wala na rito! Ang lugar na Kanyang pinaglibingan ay wala nang laman. Magbunying kasama ko. Lakad. Sabihin kay Pedro at sa mga disipulo na Siya ay bumangon na at Siya ay mauuna sa inyo sa Galilee. Makikita ninyo Siya roon sa loob ng kaunting panahon, katulad ng sinabi Niya.»

Ang mga babae ay bumagsak na ang kanilang mga mukha nasa lupa, at noong tumingala sila, sila ay tumakbo na tila sila ay hinahabol ng isang kaparusahan. Sila ay nahihintakutan at bumubulong: «Mamamatay na tayo ngayon! Nakita na natin ang anghel ng Panginoon!»

Sila ay kumalma nang kaunti sa bukás na kabukiran at sila ay nagkukunsultahan. Ano ang kanilang gagawin? Kung ikukuwento nila kung ano ang kanilang nakita, hindi sila paniniwalaan. Kung sabihin nila kung saan sila nanggaling, baka sila akusahan ng mga Judaean ng pagpatay sa mga guwardiya. Hindi. Hindi sila makapagsasalita ng kahit ano sa mga kaibigan o sa mga kaaway...

Natatakot, natutulala, naglakad silang pauwi dumaraan sa ibang daan. Pumasok sila at nanilungan sa silid-Hapunan. Ni hindi sila nagtanong upang makita si Maria... At sa loob ng silid iniisip nila na ang kanilang nakita ay walang iba bagkus isang panloloko ng Dimonyo. Mabababa ang loob katulad nila, naghinuha sila na «Hindi posible na sila ay pinagkalooban na makita ang mensahero ng Diyos. Ito ay si Satanas na gusto silang takutin upang palayasin sila doon.»

Sila ay umiiyak at nananalangin katulad ng dalawang maliit na batang mga babae natatakot gawa ng masamang panaginip...

⁶... Ang ikatlong grupo, ang grupo nina Johanna, Maria ni Alfeo at ni Martha, noong makita nila na walang bago ang nangyayari, ay nagpasyang pumunta kung saan ang kanilang mga kasamahan ay tiyak na naghihintay sa kanila. Nagpunta sila sa mga kalsada, kung saan ngayon ay may mga taong natatakot, na mga nagkukumentaryo tungkol sa bagong lindol ikinakabit ito sa pangyayari ng Biyernes, at nakakakita ng mga bagay na wala naman talaga.

«Mas mabuti na kung lahat sila natatakot! Baka ang mga guwardiya ay ganyan din at hindi sila tututol» sabi ni Maria ni Alfeo. At naglakad sila nang mabilis patungo sa mga pader.

⁷Ngunit habang sila ay patungo roon, sina Pedro at Juan, sinusundan ni Maria ng Magdala, ay nakarating sa hardin. At si Juan, na mas mabilis tumakbo, ay ang unang nakarating sa Sepulkro. Ang mga guwardiya ay wala na roon. Ni wala na rin ang anghel.

Si Juan, nahihintakutan at namimighati, ay lumuhod sa bukás na entrada upang magpitagan at kumuha ng ilang indikasyon mula sa mga bagay na kanyang nakikita. Ngunit ang nakikita lamang niya, nakatambak sa sahig, ang mga linen na nakalagay sa ibabaw ng Shroud. «Talagang wala, Simon! Naging tama si Maria. Halika, tumingin sa loob, tingnan.»

Si Pedro, na kinakapos sa paghinga pagkatapos ng labis na pagtakbo, ay pumasok sa Sepulkro. Habang nasa daan nasabi niya: «Hindi ako kailanman maglalakas-loob na lapitan ang lugar na iyon.» Ngunit ngayon ang iniisip lamang niya ay ang malaman kung saan maaaring napunta ang Guro. At tinatawag din niya Siya, na tila Siya ay nakatago sa ilang madilim na sulok.

Sa maagang oras na ito ng umaga ay napakadilim pa rin sa malalim na Sepulkro, na nakatatanggap lamang ng liwanag mula sa bunganga ng entrada, kung saan sina Juan at si Maria ng Magdala mga anino lamang nila ang makikita... At si Pedro ay nahihirapan na makakita, at kailangan tulungan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga kamay upang malaman kung ano ang sitwasyon... Nahihipo niya, pinanginginigan, ang mesa ng pagpapahid-ng-langis, at nararamdaman niya na dito ay walang nakapatong...

«Siya ay wala rito, Juan! Siya ay wala rito!... O! halika rito! Umiyak ako nang labis na halos hindi ako makakita sa malabong liwanag na ito.»

Si Juan ay tumayo at pumasok. At habang pumapasok siya, natagpuan ni Pedro ang sudarium sa isang sulok, na nakaluping maayos at sa loob nito ang Shroud ay nakarolyong mabuti.

«Talagang dinukot nila Siya. Ang mga guwardiya ay wala rito para sa atin, ngunit ang gawin iyon... At pinabayaan natin na gawin nila iyon. Sa pag-alis, napahintulutan natin iyon...»

«O! Saan kaya nila inilagay Siya?»

«Pedro, Pedro! Ito... ang talagang katapusan!»

Ang dalawang disipulo ay lumabas nagmumukhang nalipol.

«Umalis na tayo, babae. Sasabihin mo sa Ina...»

«Hindi ako aalis. Mananatili ako rito... May darating na kahit sino... O! hindi ako sasama... Mayroon pa ng kahit ano tungkol sa Kanya rito. Tama ang Ina... Ang langhapin ang hangin ng kung nasaan Siya dati ay ang tanging kaluwagan na naiwan para sa atin.»

«Ang tanging kaluwagan... Ngayon nakikita mo na rin na walang kabuluhan ang umasa...» sabi ni Pedro.

Si Maria ay ni hindi tumutugon sa kanya. Siya ay nakayumukyok sa lupa, malapit sa entrada, at umiiyak, habang ang dalawa ay umaalis nang unti-unti.

Pagkatapos kanyang itinaas ang kanyang ulo at tumingin sa loob, at sa kabila ng kanyang mga luha nakakakita siya ng dalawang anghel, nakaupo sa ulunan at sa paanan ng bato ng pagpapahid-ng-langis. Ang kaawa-awang Maria ay labis na natutuliro sa kanyang pinakamahigpit na pakikibaka sa pagitan ng pag-asa na namamatay at ng pananampalataya na ayaw na mamatay, na tinitingnan niya sila katulad ng isa na ang kaninong isip ay ganap na walang-laman, ni hindi man lamang nasusorpresa. Ang malakas na babae, na nalabanan na ang lahat katulad ng isang bayani, ay wala nang natira bagkus mga luha.

«Bakit ka umiiyak, babae?» tanong ng dalawang nagniningning na mga bata-pang mga lalaki, sapagkat nagmumukha silang napakagandang mga nagbibinata.

«Sapagkat kinuha nila ang aking Panginoon at hindi ko malaman kung saan nila Siya inilagay.»

Si Maria ay hindi natatakot na makipagusap sa kanila. Hindi siya nagtatanong: «Sino kayo?» Wala. Wala nang nagpapamangha pa sa kanya. Napaghirapan na niya ang lahat na maaaring makapagpataka sa isang tao. Ngayon siya ay isa lamang na nasirang bagay na umiiyak nang walang lakas o reserba.

Ang anghelikal na bata ay tiningnan ang kanyang kasama at ngumingiti. At ganito rin ang ginagawa ng isa. At sa isang kislap ng anghelikal na lugod kapwa sila tumingin sa labas, patungo sa hardin na lahat nasa pamumulaklak na may milyun-milyon na mga korola  ang nagbukadkad sa unang sinag ng araw sa halos magkakadikit na mga puno ng mansanas ng lootan.

⁹Si Maria ay lumingon upang tingnan kung sino ang kanilang tinitingnan. At nakakita siya ng isang Lalaki, napakakisig, at hindi ko malaman kung bakit hindi niya Siya kaagad nakilala. Isang Lalaki Na nakatingin sa kanya nang labis na naawa at nagtanong sa kanya: «Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang iyong hinahanap?» Totoo na si Jesus ay pinalabuan dala ng habag sa babae, na hinapô gawa ng kanyang emosyon at maaaring mamatay sa biglaan na kaligayahan, ngunit talagang nagtataka ako kung bakit hindi niya Siya nakikilala.

At si Maria humihikbi ay nagsabi: «Kinuha nila ang aking Panginoong Jesus! Pumarito ako upang embalsamuhin Siya habang hinihintay ang Kanyang resureksiyon... Pinagsama-sama ko ang lahat kong lakas-ng-loob, ang aking pag-asa at ang aking pananampalataya sa paligid ng aking pagmamahal... at ngayon hindi ko na Siya makita... O kung baga, inilagay ko ang aking pagmamahal sa paligid ng pananampalataya, pag-asa at lakas-ng-loob upang maipagsanggalang ang mga ito sa mga tao... ngunit ang lahat ng ito sa walang-kabuluhan! Ang mga tao ay inagaw ang aking Pagmamahal at kasama nito naipagkait nila sa akin ang lahat... o aking panginoon, kung kinuha ninyo Siya... Hindi ko sasabihin sa kahit sino... Ito ay magiging isang lihim sa pagitan nating dalawa. Tingnan: ako ay ang anak ni Theophilus, kapatid ni Lazarus, ngunit ako ay lumuluhod sa harapan ninyo upang pakiusapan kayo, katulad ng isang alipin. Gusto ba ninyong bayaran ko kayo para sa Kanyang Katawan? Gagawin ko ito. Magkano ang gusto ninyo? Ako ay mayaman. Mabibigayan ko kayo ng kasing dami ng ginto at kasing dami ng mga alahas na katumbas ng timbang nito. Ngunit ibalik ninyo iyan sa akin. Hindi ko kayo paparatangan. Gusto ba ninyong hampasin ako? Gawin iyan. Hanggang dumugo ako, kung iyan ang ibig ninyo. Kung kayo ay nagkikimkim ng sama ng loob laban sa Kanya, gawing mabayaran-sala ko ito. Ngunit ibalik ninyo Siya sa akin. O! huwag ninyo akong gawing kahabaghabag sa pamamagitan ng pagdurusang ito, aking panginoon! Maawa sa isang kaawa-awang babae!... Ayaw ba ninyong gawin iyon alang-alang sa akin? Kung gayon, gawin iyan para sa Kanyang Ina. Sabihin sa akin! Sabihin sa akin kung nasaan ang aking Panginoong Jesus. Ako ay malakas. Dadalhin ko Siya sa aking mga bisig at bubuhatin ko Siya katulad ng isang bata sa ligtas na lugar. Panginoon... panginoon... Nakikita ninyo ito... sa loob ng tatlong araw kami ay nahampas ng galit ng Diyos para sa kung ano ang ginawa sa Anak ng Diyos... Huwag idagdag ang Paglalapastangan sa Krimen...»

«Maria!» Si Jesus ay nagniningning sa pagtawag sa kanya. Ibinubunyag Niya ang Kanyang Sarili sa Kanyang matagumpay na kaningningan.

magdalene at resurrection«Rabboni!» Ang sigaw ni Maria ay totoong ang «dakilang sigaw» na nagsasara sa isang ikot ng kamatayan. Sa pamamagitan ng naunang sigaw, ang kadiliman ng kapootan ay binalot nito ang Biktima ng mga bendaheng paglilibing; sa pamamagitan ng ikalawa, ang mga liwanag ng pagmamahal ay pinalaki ang Kanyang kaningningan. At si Maria ay tumayo habang ang kanyang sigaw ay pinupuno ang hardin, nagmamadali siyang patungo sa mga paa ni Jesus at gusto halikan ang mga ito.

Si Jesus ay inilalayo siya, halos mahawakan ang kanyang noo sa pamamagitan ng mga dulo ng Kanyang mga daliri: «Huwag Akong hawakan! Hindi pa Ako nakakataas sa Aking Ama sa ganitong hitsura. Puntahan ang Aking mga kapatid at mga kaibigan, at sabihin sa kanila na Ako ay aakyat patungo sa Aking Ama at inyo, sa Aking Diyos at inyo. At pagkatapos Ako ay pupunta sa kanila.» At si Jesus ay nawala, sinipsip ng di-matatagalan na liwanag.

¹⁰Si Maria ay hinahalikan ang lupa kung saan si Jesus nakatayo kanina at tumakbo siya patungo sa bahay. Pumasok siya katulad ng isang raket, sapagkat ang pinaka pinto ay nakabukas nang kalahati, upang makaraan ang maybahay na lalaki, na pupunta sa pontanya; binuksan niya ang pinto ng silid ni Maria at bumagsak sa kanyang dibdib sumisigaw: «Siya ay bumangon na! Siya ay bumangon na!» at umiiyak siya nang masaya.

At habang sina Pedro at Juan ay nagmamadali patungo roon, at sina Salome at Susanna, natatakot pa rin, nakarating mula sa silid-Hapunan at pinakikinggan siyang nagsasalaysay, si Maria ni Alfeo kasama sina Martha at Johanna ay pumasok, mula sa kalsada, at kinakapos sa paghinga sinasabi nila na sila ay nanggaling din doon, at nakita nila ang dalawang anghel, na nagsabi na sila ang Tagapagtanggol ng Tao Diyos at ang anghel ng Kanyang Kapighatian, at inutusan silang sabihan ang mga apostol na Siya ay nakabangon na mula sa kamatayan. At dahil si Pedro ay iniiling ang kanyang ulo, namilit silang nagsasabing: «Oo. Sinabi nila: “Bakit ninyo hinahanap ang Buhay na Isa sa pagitan ng mga patay? Siya ay wala rito. Siya ay bumangon na mula sa kamatayan, katulad ng sinabi Niya noong nasa Galilee pa Siya. Hindi mo ba maalaala? Sinabi Niya: ‘Ang Anak ng Tao ay dadalhin sa mga kamay ng mga makasalanan upang ipako sa krus. Ngunit sa ikatlong araw Siya ay babangon mula sa kamatayan’ “.»

Si Pedro ay iniiling ang kanyang ulo nagsasabing: «Napakaraming mga bagay sa loob ng mga araw na ito! Sila ay nabalisa.»

si Maria ng Magdala ay itinaas ang kanyang ulo mula sa dibdib ni Maria at nagsabi: «Nakita ko Siya! Nagsalita ako sa Kanya. Sinabi Niya sa akin na Siya ay aakyat patungo sa Ama at pagkatapos Siya ay darating. Gaano Siya kakisig!» at siya ay umiiyak katulad ng hindi pa siya kailanman umiyak, ngayon na hindi na niya kailangan na pahirapan ang kanyang sarili upang salungatin ang pagdududa na tumataas mula sa bawat banda.

Ngunit si Pedro at Juan ay nagdududang-nagdududa. Nagtitinginan sila at ang kanilang mga mata ay nagsasabi: «Kaartihan ng mga babae!»

Pagkatapos pati sina Susanna at Salome ay nangahas na magsalita. Ngunit ang kitang-kitang pagkakaiba sa mga detalye tungkol sa mga guwardiya na una ay naroroon katulad ng mga patay na katawan at pagkatapos wala na roon, ang tungkol sa mga anghel na kung minsan ay iisa at kung minsan dalawa at hindi pinakita ang kanilang mga sarili sa mga apostol, ang tungkol sa dalawang bersiyon tungkol sa pagpunta rito ni Jesus o ang Kanyang pag-una sa Kanyang mga disipulo sa Galilee, ay gumagawa ng alinlangan, at higit pa rito, ang pangungumbinsi ng mga apostol ay lumalakas nang lumalakas.

¹¹Si Maria, ang banal na Ina, ay tahimik, sinusuportahan si Maria ng Magdala... Hindi ko maintindihan ang misteryo ng maternal na katahimikan na ito.

Si Maria ni Alfeo ay nagsabi kay Salome: «Tayong dalawa ay bumalik doon. Tingnan natin kung tayo ay lahat lasing...» At sila ay tumakbo sa labas.

Ang ibang mga babae ay nananatili roon, nang nananahimik pinagtatawanan ng dalawang apostol, malapit kay Maria Na nananahimik, nakalubog sa isang iniisip na pinakakahulugan ng bawat isa sa isang personal na pamamaraan, at walang nakababatid na iyon ay isang labis na kaligayahan.

Ang dalawang may-edad na babae ay nakabalik: «Iyon ay totoo! Iyon ay totoo! Nakita namin Siya. Sinabi Niya sa amin, malapit sa pangkusinang-hardin ni Barnabas: “Kapayapaan sa inyo. Huwag matakot. Lakad at sabihin sa Aking mga kapatid na Ako ay bumangon na mula sa kamatayan, at na sila ay kailangan na lumakad sa loob ng kaunting mga araw patungo sa Galilee. Magkakasama-sama tayong muli doon”. Iyan ang Kanyang sinabi. Tama si Maria. Kailangang paalamin natin ang mga nasa Bethany, si Jose, si Nicodemus, ang pinakamatatapat na disipulo, ang mga pastol, kailangan na lumakad tayo at kumilos, at kumilos... O! Bumangon na Siya!...» at lahat sila ay umiiyak nang masaya.

«Kayo ay baliw, mga babae. Ang kapighatian ay nabalisa kayo. Ang liwanag ay naging tila isang anghel sa inyo. Ang hangin, isang tinig. Ang araw, ang Kristo. Hindi ko kayo pinipintasan. Naiintindihan ko kayo, ngunit mapaniniwalaan ko lamang kung ano ang nakita ko: ang bukas na walang laman na Sepulkro, at ang mga guwardiya na tumakbo dala ang ninakaw na Labí .»

«Ngunit kung ang pinaka mga guwardiya mismo ang nagsasabi na Siya ay bumangon! Kung ang buong bayan ay nagkakagulo at ang mga Prinsipe ng mga Kaparian ay nababaliw sa galit, dahil ang mga guwardiya ay nagsalita habang tumatakbong nahihintakutan! Ngayon gusto nila na sila ay magsalita sa kanila ng naiiba at binabayaran nila sila para diyan. Ngunit ito ay alam na. At kung ang mga Judaean ay hindi naniniwala sa Resureksiyon, ayaw nilang maniwala, maraming ibang mga tao ang naniniwala...»

«H’m! Mga babae!...» Si Pedro ay kinikibit ang kanyang mga balikat at aalis na sana.

¹²Pagkatapos ang Ina, Na nasa Kanyang dibdib pa si Maria ng Magdala, na umiiyak katulad ng isang puno ng willow sa isang malakas na pagbuhos ng ulan, para sa kanyang napakalaking lugod, at humahalik sa magandang buhok ni Maria, ay itinaas ang Kanyang nagbagong-anyong mukha at nagsabi sa isang maikling pangungusap: «Siya ay totoong bumangon, Niyakap Ko Siya at hinalikan Ko ang Kanyang mga Sugat.» Pagkatapos niyukuan Niya ang ulo ng madamdamin na babae at nagsabi: «Oo, ang lugod ay mas malakas pa nga kaysa sa kapighatian. Ngunit iyan ay isang butil lamang ng buhangin kompara sa kung ano ang inyong magiging karagatan ng eternal na lugod. Ikaw ay pinagpala sapagkat ginawa mo ang iyong espiritu na magsalita sa ibabaw ng rason.»

Si Pedro ay hindi na tumatanggi pa ulit... at sa pamamagitan ng isa sa mga biglaang pagbabago ng lumang Pedro, na nabubuhayan na muli, siya ay nagsabi at sumigaw, na tila ang pagka-antala ay gawa ng ibang mga tao at hindi siya: «Kung gayon, kung iyan ay ganyan, kailangan na paalamin natin ang iba. Ang mga nakakalat sa kabukiran... hanapin sila... kumilos... Halika na, kumilos na. Kung Siya ay talagang darating... gawin man lamang na matagpuan Niya tao», at hindi niya nababatid na sa muli siya ay nangungumpisal na siya ay hindi naniniwala nang bulag sa Kanyang Resureksiyon.

111012

 

 

 



Sunod na kabanata