616. Komentaryo Tungkol sa Resureksiyon.

(Pebrero 21 1944)

jesus sinasabi

¹Sinasabi ni Jesus:

«Ang taimtim na mga panalangin ni Maria ay pinaaga ang Aking Resureksiyon nang ilang panahon.

Akin nang sinabi: “Ang Anak ng tao ay malapit nang patayin, ngunit sa ikatlong araw Siya ay babangon mula sa kamatayan”. Ako ay namatay noong alas tres ng hapon ng Biyernes. Bilangin man ninyo ang mga araw sa pamamagitan ng kanilang pangalan, o bilangin ninyo sila sa pamamagitan ng kanilang mga oras, hindi sa bukang-liwayway ng Linggo Ako dapat bumangon. Magpatungkol sa mga oras, sila ay tatlumpu’t walo sa halip na pitumpu’t dalawang oras, kung saan ang Aking Katawan ay nanatiling walang-buhay. Magpatungkol sa mga araw, ito ay kailangan na noong gabi ng ikatlong araw upang masabi na Ako ay nasa sepulkro nang tatlong araw.

Ngunit napaaga ni Maria ang himala. Katulad noong sa pamamagitan ng Kanyang mga panalangin nabuksan Niya ang mga Kalangitan kaunting mga taon nang maaga kaysa sa itinakdang panahon, upang maibigay sa mundo ang Kaligtasan nito, kung kaya't ngayon nakakuha Siya ng ilang mga oras na abante upang mabigyan ng kaginhawahan ang Kanyang namamatay na puso.

²At Ako, sa simula ng bukang-liwayway sa ikatlong araw, ay bumaba katulad ng araw at sa pamamagitan ng Aking kaningningan winasak Ko ang mga selyo ng mga tao, walang-walang kabuluhan sa kapangyarihan ng isang Diyos, sa pamamagitan ng Aking kapangyarihan pinahalagahan Kong buksan at pabaligtarin ang batong binabantayan nang walang silbi, sa pamamagitan ng Aking aparisyon na katulad ng kidlat pinatumba Ko ang lubos na walang silbing mga guwardiyang inilagay bilang mga tagapagtanggol ng isang kamatayan na noon ay Búhay, na walang pantaong kapangyarihan ang makapagpipigil na iyon ay maging gayon.

Magpahanggang ngayon mas makapangyarihan kaysa sa inyong koryente, ang Aking Espiritu ay pumasok katulad ng isang espada ng dibinong Apoy upang painitan ang malamig na tira ng Aking Labí , at sa bagong Adan ang Espiritu ng Diyos ay huminga ng buhay, nagsasabi sa Sarili: “Mabuhay. Gusto Ko iyan”»

Ako, Na nagbangon ng patay noong Ako ay ang Anak pa lamang ng Tao, ang Biktimang hinirang na buntunan ng mga kasalanan ng mundo, hindi Ko ba maibabangon ang Aking Sarili, noong Ako na ang Anak ng Diyos, ang Una at ang Huli, ang eternal na Nabubuhay na Naroroon, Siya Na hawak ng Kanyang mga kamay ang mga susi ng Buhay at ng Kamatayan? At ang Aking Labí  ay naramdaman ang Búhay  na bumabalik Dito.

Tingnan: katulad ng isang tao na gumigising mula sa pagtulog gawa ng napakabigat na pagtatrabaho, huminga Ako nang malalim, at hindi Ko pa binubuksan ang Aking mga mata. Ang Dugo ay nagsimulang umikot muli, bagama't hindi pa mabilis, sa Aking mga ugat, nagdala ito ng pag-iisip muli sa Aking isip. Ngunit Ako ay nanggaling sa napakalayo! Tingnan: katulad ng isang nasugatang tao, na pinagaling ng isang mahimalang kapangyarihan, ang dugo ay bumalik sa Aking walang-laman na mga ugat, pinuno nito ang Aking puso, pinainitan ang Aking mga galamay, pinagaling ang Aking mga sugat, ang mga galos at mga pasâ ay nawala, ang lakas ay bumalik. Ngunit masamang-masama ang pagkasugat sa Akin!

Tingnan: ang kapangyarihan ay trumabaho. Ako ay gumaling. Ako ay gisíng. Nakabalik Ako sa Búhay. Ako dati ay patay. Ngayon Ako ay buháy! Ngayon Ako ay bumangon! Nilaglag Ko ang mga linen ng kamatayan, inalis Ko ang nagtatakip na mga ungguwento. Hindi Ko iyon kailangan upang maging ang eternal na Kagandahan, ang eternal na Integridad. Dinamtan Ko ang Aking Sarili ng isang damit na hindi damit ng Lupa na ito, bagkus hinabi Niya Na Aking Ama at Siyang naghahabi ng seda ng pambirhen na mga liryo. Ako ay nakadamit ng karingalan. Inadornohan Ko ang Aking Sarili ng Aking mga sugat, na hindi tumutulo ng dugo, bagkus nagliliwanag. Ang liwanag na magiging lugod ng Aking Ina at ng pinagpalang mga kaluluwa, at ang katatakutan, ang di-matatagalang tanawin ng isinumpa at ng mga dimonyo sa Lupa at sa huling araw.

³Ang anghel ng Aking buhay ng tao at ang anghel ng Aking kapighatian ay nakapatirapa sa harapan Ko at sinasamba ang Aking Kaluwalhatian. Kapwa ang Aking mga anghel ay naririto. Ang isa upang magsaya sa tanawin Niya Na kanyang binabantayan, at Na hindi na ngayon nangangailangan ng anghelikal na proteksiyon. Ang isa pa, na nakakita sa Aking mga luha, upang makita Akong ngumingiti; nakakita sa Aking pakikibaka, upang makita ang Aking pananagumpay; nakakita sa Aking kapighatian, upang makita ang Aking lugod.

At lumabas Ako patungo sa hardin na puno ng mga buko ng mga bulaklak at ng hamog. At ang mga puno ng mansanas ay binuksan ang kanilang mga korola upang maporma ang mabulaklak na arko sa itaas ng Aking Maharlikang ulo at ang mga damo ay gumawa ng isang alpombra ng mga batong-hiyas at mga korola para sa Aking Paa, na naglalakad muli sa Lupa natubos pagkatapos na maitaas sa ibabaw nito upang matubos ito. At ang maagang araw, ang matamis na hanging Abril, at ang magaang ulap na nagdaraan, kasing malarosas katulad ng pisngi ng isang sanggol, at ang mga ibon sa pagitan ng mga sanga, lahat sila ay binati Ako. Ako ang kanilang Diyos. Sinasamba nila Ako.

Dinaanan Ko ang nagulat na mga guwardiya, isang simbolo ng mga kaluluwang nasa mortal na kasalanan, na hindi nakakaramdam ng dumaraan na Diyos.

Iyon ay Paskuwa, Maria! Ito ang talagang ang “Pagdaan ng Anghel ng Diyos”! Ang Kanyang pagdaan mula sa kamatayan patungo sa buhay. Ang Kanyang pagdaan upang ibigay ang Buhay sa mga naniniwala sa Kanyang Pangalan. Iyon ay Paskuwa! Iyon ay ang Kapayapaan na dumaraan sa gitna ng mundo. Ang Kapayapaan na hindi na natatakpan ng belo ng katayuan ng tao, bagkus malaya, kumpleto sa panunumbalik nito sa galíng ng Diyos.

⁴At pinuntahan Ko ang Aking Ina. Makatarungan na pumunta Ako. Makatarungan ito para sa Aking mga anghel. Labis na mas makatarungan ito para sa Kanya Na, bukod sa pagiging Aking tagapag-alaga at kaginhawahan, binigyan Niya Ako ng buhay. Bago bumalik sa Ama sa Aking naluwalhating hitsura ng Tao, pumunta Ako sa Aking Ina. Pumunta Ako sa karingalan ng Aking mala-paraisong hitsura at sa Aking buháy na mga Batong-hiyas. Mahihipo Niya Ako, mahahalikan Niya Ako, sapagkat Siya ang Puro, ang Maganda, ang Minamahal, ang Banal na Santo ng Diyos.

Ang bagong Adan ay pumunta sa bagong Eba. Ang Kasamaan ay nakapasok sa mundo sa pamamagitan ng isang babae, at natalo ng Babae. Ang Bunga ng Babae ay inalis sa mga tao ang lason na tumutulo na laway ni Lucifer. Ngayon, kung gugustuhin nila, maililigtas sila. Nailigtas ng Babae ang babae na nanatiling napakahina pagkatapos ng mortal na sugat.

⁵At pagkatapos na maipakita ang Aking Sarili sa Purong Isa, kung Kanino sa pamamagitan ng karapatan ng Kabanalan at Maternidad makatarungan na ang Anak-Diyos ay pumunta, pinakita Ko ang Aking Sarili sa natubos na babae, sa nangunguna sa isang linya ng mga tao, sa tagapangatawan ng lahat ng mga babaeng nilikha¹, na Aking ipinunta upang mapalaya mula sa kagat ng kahalayan. Upang sana masabihan niya sila na lapitan Ako upang mapagaling, upang magkaroon ng pananampalataya sa Akin, upang maniwala sa Aking Awa na nakaiintindi at nagpapatawad, upang tingnan ang Aking Katawan adornado ng limang sugat, upang matalo si Satanas, na nanghahalukay ng kanilang laman.

Hindi Ko ginawang mahipo niya Ako. Siya ay hindi ang Purong Isa, na makahihipo, nang hindi nakukuntamina Siya, ang Anak Na bumabalik sa Ama. Marami pa siyang kailangan na mapadalisay sa pamamagitan ng pagtitika. Ngunit ang kanyang pagmamahal ay karapat-dapat ng gantimpalang iyon Nagawa niyang makataas sa pamamagitan ng kanyang sariling kalooban mula sa sepulkro ng kanyang bisyo, upang masakal si Satanas na humahawak sa kanya, upang malabanan ang mundo dala ng pagmamahal para sa kanyang Tagapagligtas, nagawa niyang hubaran ang kanyang sarili ng lahat na hindi pagmamahal, nagawa niyang siya ay maging wala bagkus pagmamahal na ginagamit para sa kanyang Diyos. At ang Diyos ay tinawag: “Maria”. Pakinggan siyang tumutugon: “Rabboni!” Ang kanyang puso ay nasa sigaw na iyon.

Dahil karapat-dapat siya nito, ipinagkatiwala Ko sa kanya ang gawain ng pagiging ang mensahero ng Resureksiyon. At sa muli siya ay medyo pinagtawanan, na tila siya ay nahihibang. Ngunit ang paghuhusga ng mga tao ay walang importansiya sa kanya, kay Maria Ng Magdala, kay Maria ni Jesus. Nakita niya Akong bumangon mula sa kamatayan at iyan ay nagbigay sa kanya ng isang lugod na nagpapatahimik sa lahat na iba pang mga bagay.

Nakikita mo ba kung papaano Ko minamahal ang may kasalanan, ngunit gusto makalaya sa pagkakasala? Ni hindi kay Juan pinakita Ko ang Aking Sarili nang una. Ito ay kay Maria ng Magdala na pinakita Ko ang Aking Sarili. Si Juan ay tumanggap na ng estado ng anak mula sa Akin.  Maaaring mapasakanya ito, sapagkat siya ay puro at maaaring hindi lamang isang espirituwal na anak, bagkus pati ng isang anak na nagbigay sa Purong Ina ng Diyos at tumanggap mula sa Kanya ng mga pangangailangan at ng mga pangangalagang iyon na konektado sa katawan.

Ang Magdalena, ang isang pinapanauli sa Grasya, ay nasa kanya ang unang bisyon ng Grasya Na Bumangon.

⁶Kapag minamahal ninyo Ako hanggang sa sukdulan na pinangingibabawan ninyo ang lahat para sa Akin, kinukuha Ko sa Aking pinakong mga kamay ang inyong may sakit na mga ulo at puso at hinihingahan Ko ng Aking kapangyarihan ang inyong mga mukha. At nililigtas Ko kayo, nililigtas Ko kayo, mga bata na Aking minamahal. Kayo ay nagiging maganda muli, malusog, malaya, masaya. Kayo ay muling nagiging mahal na mga anak ng Panginoon. Ginagawa Ko kayong mga tagapagtaglay ng Aking Kabutihan sa pagitan ng kaawa-awang mga tao, upang sumaksi sa Aking Kabutihan sa kanila at makumbinsi sila nito at tungkol sa Akin.

Magkaroon, magkaroon, magkaroon ng pananampalataya sa Akin. Magmahal. Huwag matakot. Harinawang ang Aking pinaghirap ay makatiyak sa inyo ng tungkol sa Puso ng inyong Diyos.»

121012

 

 

 



¹ mga babaeng nilikha – ang tinutukoy ay ang “female creatures”, hindi “women creatures”.



Sunod na kabanata