619. Si Jesus Nagpakita kay Jose ng Arimathea, kay Nicodemus at kay Manaen.

Abril 4, 1945.

¹Si Manaen, kasama ang mga pastol, ay naglalakad nang mabilis sa mga dalisdis na mula sa Bethany ay magdadala sa isa sa Herusalem. Ang isang magandang daan ay patungong tuwiran sa Mount of Olives. At si Manaen dito lumiko, pagkatapos na maiwanan ang mga pastol, na, paunti-unti, ay gustong pumunta sa bayan upang pumunta sa silid-Hapunan.

Bago ito, napakinggan ko ito mula sa kanilang pag-uusap, ay maaaring natagpuan nila si Juan, na patungo sa Bethany upang dalhin ang balita ng resureksiyon at ang utos para sa lahat ay ang pumunta sa Galilee sa loob ng kaunting mga araw. Sila ay talagang naghiwalay sapagkat ang mga pastol ay gustong personal na ulitin kay Pedro, kung ano ang kanila nang sinabi kay Juan, ibig sabihin, na ang Panginoon, nang nagpakita kay Lazarus, ay nagsabi na sila ay kailangan na magtipun-tipon sa silid-Hapunan.

Si Manaen ay inaakyat ang isang sekundaryong daan patungo sa isang bahay sa gitna ng isang taniman ng mga punong-olibo. Isang magandang bahay, na sa paikot nito ay may hilera ng mga sedro ng Lebanon, na sa pamamagitan ng kahanga-hangang masa ng mga sedrong ito ito ang naghahari sa maraming punong-olibo ng bundok. Siya ay pumasok nang walang anumang pag-aalangan at sa katulong, na nagmadali upang salubungin siya, sinabi niya: «Nasaan ang iyong panginoon?»

«Sa banda roon kasama si Jose. Dumating siya hindi pa nagtatagal.»

«Sabihin sa kanya na naririto ako.»

Ang katulong ay umalis at bumalik kasama sina Nicodemus at Jose.

Ang tinig ng tatlong kalalakihan ay naghalo sa parehong sigaw: «Siya ay bumangon na!» Sila ay nagkatinginan, nasorpresa na alam nilang lahat.

²Pagkatapos kinuha ni Nicodemus ang kanyang kaibigan at pinasunod siya sa isang silid sa loob ng bahay. Si Jose ay sinusundan sila.

«Naglakas-loob kang bumalik?»

«Oo. Sinabi Niya: “Sa silid-Hapunan”. Gusto ko Siyang makita ngayon, maluwalhati, upang maalis ang nakakatakot naalaala tungkol sa Kanya nakatali at natatakpan ng dumi, katulad ng isang kriminal na hinampas ng galit ng mundo.»

«O! gusto din namin Siyang makita... upang makalaya ang aming mga sarili mula sa pangingilabot na maalaala Siyang pinahirapan, maalaala ang Kanyang di-mabilang na mga sugat... Ngunit pinakita Niya ang Kanyang Sarili sa mga babae lamang» bulong ni Jose.

«At iyon ay makatarungan. Sila ay laging naging tapat sa Kanya sa loob ng huling mga taon na ito. Tayo ay natatakot. Ang Ina ay iyan ang sinabi: “Isang napaka kaawa-awang pagmamahal nga, kung naghintay ito hanggang ngayon upang ipakita ang sarili!» sabi ni Nicodemus tumututol.

«Ngunit upang malabanan ang Israel, ngayon nang higit pa kailanman kontra sa Kanya, kailangan talaga natin na makita Siya!... Kung nalalaman ninyo! Ang mga guwardiya ay nakapagsalita... Ngayon ang mga Lider ng Sanhedrin at ang mga Pariseo, na hindi pa nakukumberti pagkatapos ng labis na galit ng Langit, ay hinahanap ang mga nakaaalam tungkol sa Kanyang Resureksiyon, upang ipakulong sila. Pinadala ko ang maliit na Martial – ang isang bata ay makakaraan nang madali na hindi napapansin – upang paalamin ang mga tao sa bahay na sila ay maging alerto. Kinuha nila ang sagradong pera mula sa Tesoreriya ng Templo upang ibayad sa mga guwardiya, upang ikalat nila na ang mga disipulo ay ninakaw Siya, at na ang kanilang sinabi noong una tungkol sa Resureksiyon, ay isang kasinungalingan, dahil sila ay natatakot na sila ay parusahan. Ang bayan ay nagkakagulo. May mga disipulo na na umaalis sa bayan dala ng takot... Ang ibig kong sabihin ang mga disipulo na wala sa Bethany...»

«Oo, kakailanganin natin ang Kanyang pagpapalà upang magkaroon ng lakas-ng-loob.»

«Siya ay nagpakita kay Lazarus... Iyon ay halos noong ikatlong oras. Si Lazarus ay tila nagbago ang anyo sa amin.»

«O! Si Lazarus ay karapat-dapat niyan! Kami...» sabi ni Jose.

«Oo. Tayo ay may pangibabaw pang balat ng pagdududa at pantaong mga kaisipan, katulad ng isang ketongin na hindi maganda ang pagkakagaling... At walang iba bagkus Siya ang makapagsasabing: “Gusto kitang gumaling!” Kung gayon, ngayon na Siya ay bumangon na, hindi na ba Siya magsasalita sa atin, tayo na hindi masyadong perpekto?» tanong ni Nicodemus.

«At hindi na ba Siya gagawa ng mga himala ulit, upang parusahan ang mundo, ngayon na Siya na ang Isa Na Bumangon mula sa kamatayan at mula sa mga paghihirap ng laman?» tanong ni Jose muli.

Ngunit ang kanilang mga tanong ay bagkus magkakaroon ng isang katugunan lamang. Kanya. At ito ay hindi dumarating. Ang tatlo ay nananatiling nalulungkot.

³Pagkatapos si Manaen ay nagsabi: «Bueno, ako ay pupunta sa silid-Hapunan. Kung ako ay patayin nila, patatawarin Niya ang aking kaluluwa at makikita ko Siya sa Langit, kung hindi ko Siya makikita rito, sa Lupa. Si Manaen ay isang walang-silbing bagay sa grupo ng Kanyang mga tagasunod na, kung siya ay bumagsak man, mag-iiwan siya ng gayon din na bakanteng lugar na iniwan ng isang bulaklak na pinitas sa isang parang na nagsisiksikan sa mga korola: ni hindi siya mapupuna...» at siya ay tumayo upang umalis.

Ngunit, habang lumiliko siya patungo sa pintuan, ang pintuan ay maningning na naliwanagan ng Dibinong Bumangon na Panginoon, Na, na ang Kanyang mga kamay nakabukas, sa isang pagpapahiwatig ng pagyakap ay pinatigil siya nagsasabing: «Kapayapaan sa iyo! Kapayapaan sa inyong dalawa! Ngunit manatili sa kinaroroonan ninyo, ikaw at si Nicodemus. Si Jose ay makakalakad, kung gugustuhin niya. Ngunit naririto Ako sa inyo, at sinasabi Ko ang salita na inyong hiniling: “Gusto Kong maging malinis kayo ng kung ano ang hindi pa puro sa inyong paniniwala”. Bukas kayo ay bababa sa bayan. Pupuntahan ninyo ang mga kapatid. Ngayong gabi kailangan Kong magsalita sa mga apostol lamang. Paalam. At harinawang ang Diyos ay laging makasama ninyo. Maraming salamat, Manaen. Mas naniwala ka nang higit pa sa dalawang ito. Kung kaya't, maraming salamat din sa iyong espiritu. Pinasasalamatan Ko kayong dalawa para sa inyong awa. Ngunit tiyakin na iyan ay sana maging isang bagay na mas mataas pa sa pamamagitan ng isang pamumuhay ng walang-takot na pananampalataya.» Si Jesus ay nawala sa likuran ng isang nakasisilaw na napakaputing liwanag.

Ang tatlo ay nagtatalik sa labis na kasiyahan at natataranta.

«Ngunit Siya ba iyon?» tanong ni Jose.

«At hindi mo ba napakinggan ang Kanyang tinig?» tugon ni Nicodemus.

«Ang isang espiritu rin ay maaaring magkaroon... ng isang tinig. Ikaw, Manaen, dahil napakalapit mo sa Kanya, ano sa palagay mo?»

«Isang totoong katawan. Napakakisig. Humihinga Siya. Nararamdaman ko ang Kanyang hininga. At may sumisingaw sa Kanya na init. At pagkatapos... ang Kanyang mga Sugat, nakita ko ito. Nagmumukha iyon na parang kabubukas pa laman nila. Hindi sila dumurugo, ngunit iyon ay buháy na laman. O! huwag nang magduda pa! Upang hindi ka sana Niya parusahan. Nakita natin ang Panginoon. Ang ibig kong sabihin si Jesus, Na bumalik na maluwalhati katulad ng gusto ng Kanyang Kalikasan! At... minamahal pa rin Niya tayo... Talaga, kung si Herodes ay ngayon iaalok sa akin ang kanyang kaharian, sasabihin ko sa kanya: “Ang iyong trono at korona ay alikabok at tae, sa ganang akin. Walang makahihigit pa sa kung ano ang aking tinataglay. Mayroon ako ng napakagandang kaalaman tungkol sa Mukha ng Diyos”.»

141012

 

 



Sunod na kabanata