62. Si Jesus Nananalangin sa Gabi.

Nobyembre 5, 1944.

¹Nakikita ko si Jesus lumalabas ng bahay ni Pedro sa Capernaum, gumagawa ng pinakamahinang ingay hangga't maaari. Halatang tumigil Siya noong gabing iyon doon upang magawang masaya si Pedro.

Ngayon ay kalaliman ng gabi. Ang kalangitan ay isang mabituing kisame. Ang lawa ay malabong nasasalamin ang mga pagkislap ng mga bituin sa kalangitan at, kaysa sa makita ito, mahuhulaan ng isa na ang mapayapang lawa ay naroroon natutulog sa ilalim ng nasasalamin na mga bituin, dahil sa mahinang paghampas ng tubig sa mabatong baybayin.

Si Jesus ay hinayaang nakabukas nang kaunti ang pinto, tiningnan ang kalangitan, ang lawa at ang kalsada. Siya ay nag-iisip. Pagkatapos nagsimula Siyang maglakad, hindi sa tabi ng lawa, bagkus patungo sa nayon. Dinaanan Niya ang bahagi nito patungong kabukiran. Nagtungo Siya sa kabukiran, sa pamamagitan ng isang maliit na landas na maghahatid sa unang mga pag-alun-alon ng isang taniman ng mga olibo. Pinasok Niya ang berdeng tahimik na kapayapaan at nagpatirapa sa pananalangin.

Isang marubdob na pananalangin! Siya ay nagdarasal nang nakaluhod, at pagkatapos, noong Siya ay  tila  nagkaroon ng lakas, Siya ay tumayo nang tuwid, ang Kanyang mukha nakatingala sa Langit, isang mukha na nagawang mas espirituwal gawa ng tumataas na liwanag ng isang malinaw na bukang-liwayway ng nag-init. Siya ay nagdarasal nang nakangiti na ngayon, samantalang kanina, Siya ay nagbubuntung-hininga, baka dahil sa ilang moral na dalamhati. Ang Kanyang mga kamay ay ganap na nakaunat. Siya ay tila isang buháy na mataas na anghelikal na krus, napakagiliw ng Kanyang aktitud. Siya ay tila pinagpapalà ang buong kabukiran, ang tumataas na araw, ang naglalahong mga bituin at ang lawa, ngayon nagsisimula nang makita. jesus praying

²«Guro! Kanina pa namin Kayo hinahanap kung saan-saan! Nakita namin ang pinto na nakabukas nang kaunti, nang kami'y bumalik dala ang mga isda at naisip namin na Kayo ay lumabas. Ngunit hindi namin Kayo makita. At sa wakas, ang isang magbubukid, na nagkakarga ng kanyang mga basket upang dalhin ito sa bayan, ay sinabi sa amin. Kami ay tumatawag: “Jesus, Jesus!”, at sinabi niya: “Hinahanap ba ninyo ang Rabbi Na nagsalita sa mga pulutong? Siya ay tumaas sa landas na iyon, patungo sa bundok. Maaaring Siya ay nasa taniman ng mga olibo ni Micah, sapagkat madalas Siyang pumunta roon. Nakita ko Siya roon dati”. Tama siya. Bakit Kayo lumabas nang napakaaga, Guro? Bakit hindi Kayo nagpahinga? Hindi ba komportable ang higaan?...»

«Hindi, Pedro. Ang higaan ay komportable at ang silid ay maganda. Ngunit madalas Kong gawin ito. Upang maitaas ang Aking espiritu at makaisa ang Ama. Ang panalangin ay isang lakas para sa sarili at para sa iba. Nakukuha natin ang lahat sa pamamagitan ng pananalangin. Kung tayo ay hindi makatanggap ng grasya, na hindi laging ipinagkakaloob ng Ama – at kailangan na huwag nating isipin na ito ay dahil sa pagkukulang ng pagmamahal, sa halip kailangan nating paniwalaan na ito ay ang kalooban ng isang Kaayusan na namamahala sa kapalaran ng bawat tao para sa isang mabuting pakay – ang panalangin ay tiyak na nagbibigay sa atin ng kapayapaan at kasiyahan, upang mabata natin ang napakaraming nakaiinis na bagay, nang hindi tayo naliligaw sa banal na landas. Madali, alam mo, Pedro, ang magkaroon ng malabong isip at balisang puso dahil sa mga nakapaligid sa atin! At papaano ang isang malabong isip o isang balisang puso makadarama ng Diyos?»

«Totoo iyan. Ngunit hindi namin alam kung papaano manalangin! Wala kaming kakayahan na sabihin ang magandang mga salita na sinasabi Ninyo.»

«Sabihin ang salitang nalalaman mo, hangga’t sa magagawa mo. Hindi ang mga salita, bagkus ang mga damdamin na kasama ng mga salitang binibigkas na siyang nagbibihis sa iyong mga panalangin na maging kaaya-aya sa Ama.»

«Ibig namin na makapagdasal katulad ng ginagawa Ninyo.»

«Tuturuan Ko rin kayong magdasal. Ituturo Ko sa inyo ang pinakabanal na panalangin. Ngunit upang maiwasan ito na maging isang walang-buhay na pormularyo lamang sa inyong mga labì, ibig Ko na ang inyong mga puso ay magkaroon man lamang ng isang pinakamaliit na kabanalan, liwanag at karunungan. Iyan kung bakit Ko kayo tinuturuan. Ituturo Ko sa inyo ang banal na panalangin. Bakit ninyo Ako hinahanap, mayroon ba kayong pangangailangan sa Akin?»

«Wala, Guro. Ngunit marami ang labis na may kailangan sa Inyo. May mga tao nang dumarating mula sa Capernaum, at sila ay mahihirap, may sakit, nalulungkot na mga tao, mga tao na may mabubuting kalooban at nananabik na maturuan. Nang sila ay nagtanong sa amin tungkol sa Inyo, sinabi namin: «Ang Guro ay pagod at natutulog. Umalis kayo at bumalik sa susunod na Sabbath”.»

«Hindi, Simon. Hindi mo dapat sabihin iyan. Hindi lamang iisang araw ang para sa awa. Ako ay Pag-ibig, Liwanag at Kalusugan sa araw-araw ng linggo.»

«Ngunit… magpahanggang ngayon nagsasalita lamang Kayo sa araw ng Sabbath.»

«Sapagkat Ako ay hindi pa kilala noon. Ngunit habang nakikilala Ako, araw-araw ay magkakaroon ng pagbuhos ng Grasya at mga grasya. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang panahon ay darating na kahit na ang sandali na ipinagkaloob sa isang pipit upang makapagpahinga sa isang sanga at makakain ng ilang butil ay hindi ipagkakaloob sa Anak ng tao para sa Kanyang kapahingahan at pagkain.»

«Ngunit Kayo ay magkakasakit! Hindi namin pahihintulutan iyan. Ang Inyong kabaitan ay kailangan na huwag Kayong magawang di-masaya.»

«At sa palagay ba ninyo magagawa Ako niyan na di-masaya? O! Kung ang lahat ng mundo ay pupunta sa Akin upang makinig sa Akin, upang itangis ang mga kasalanan at kapighatian nito sa Aking puso, upang mapagaling sa mga katawan at sa mga kaluluwa nito, at Ako ay mapudpod sa pagsasalita, at sa nagpapatawad at sa pagbubuhos ng Aking kapangyarihan, Ako ay magiging masaya, Pedro, na hindi Ko man lamang panghihinayangan ang Langit, kung saan Ako ay nasa Ama!...  Mga tagasaan sila, ang mga pumupunta sa Akin?»

«Mulang Korazim, Bethsaida, Capernaum, at may ilan na nanggaling pa sa Tiberias at Ghergesa, pati rin mula sa mga daan-daan na mga nayon sa paligid ng mga bayan na iyon.»

«Lumakad at sabihin sa kanila na Ako ay mapupunta sa Korazim, Bethsaida at kalapit na mga nayon.»

«Bakit hindi sa Capernaum?»

«Sapagkat Ako ay naparito para sa lahat at kailangan na mapunta Ako sa lahat, at pagkatapos… naririyan ang matandang Isaac na naghihintay sa Akin. Kailangan na huwag nating biguin ang kanyang mga pag-asa.»

«Maghihintay ba Kayo para sa amin dito, kung gayon?»

«Hindi. Ako ay lalakad na at kayo ay mananatili sa Capernaum upang ipadala ang mga pulutong sa Akin; saka na Ako babalik.»

«Mananatili tayo rito na nag-iisa…» si Pedro ay malungkot.

«Huwag malungkot. Ang pagsunod ay kailangan na magawa kang masaya pati na rin ang paniniwala na ikaw ay isang may-pakinabang na disipulo. At ganyan din ang tungkol sa iba pa.»

Sina Pedro, Andres, Santiago at Juan ay sumaya. Si Jesus ay pinagpapalà sila, at sila ay naghiwalay.

Ang bisyon ay nagtapos nang gayon.

(329)210710/040713  

Sunod na kabanata.