620. Si Jesus Nagpakita sa mga Pastol.

Abril 4, 1945.

¹Sila ay naglalakad din nang mabilis sa ilalim ng mga punong-olibo, at sila ay nakatitiyak nang husto tungkol sa Kanyang Resureksiyon na sila ay nag-uusap-usap nang may lugod ng masasayang bata. Sila ay nagtungong tuwiran sa bayan.

«Sasabihin natin kay Pedro na tingnan Siya nang mabuti at sabihin sa atin kung gaano kaganda ang Kanyang mukha» sabi ni Elias.

«O! maging gaano pa man kaganda ito, hindi ko kailanman makakalimutan kung ano ang katulad Niya noong Siya ay pinahirapan» bulong ni Isaac.

«Ngunit naaalaala mo ba Siya noong itinaas Siya sa Krus?» tanong ni Levi. «At naaalaala ninyo Siyang lahat?»

«Naaalaala ko, at perpekto. Ang liwanag ay maganda pa noon. Pagkatapos, sa pamamagitan ng aking matandang mga mata, hindi na ako makakita nang labis» sabi ni Daniel.

«Ako sa halip, ay nakita Siya hanggang Siya ay tila patay na. Ngunit mas ginusto ko pang ako ay naging bulag, upang hindi makakita» sabi ni Jose.

«O! bueno. Ngayon Siya ay bumangon na. Iyan ay kailangan na magawa tayong masaya» sabi ni Juan upang paginhawahan siya.

«At ang isipin na iniwanan lamang natin Siya para sa isang pagkakawanggawa» dagdag ni Jonathan.

«Ngunit ang ating mga puso ay nananatili sa itaas doon. Sa lahat ng oras» bulong ni Matthias.

«Oo. Sa lahat ng oras. Dahil nakita mo ang veronica, sabihin sa amin: ano ang katulad niyon? Nagmumukha bang katulad Niya iyon?» tanong ni benjamin.

«Siya ay tila nagsasalita» tugon ni Isaac.

«Makikita ba namin ang belo na iyon?» marami ang nagtatanong.

«O! ang Ina ay pinakikita iyon sa lahat. Makikita ninyong tiyak iyon. Ngunit iyon ay isang malungkot na tanawin. Mas mabuting makita ang... ²O! Panginoon!»

«Tapat na mga lingkod. Naririto Ako. Lakad. Maghihintay Ako sa inyo sa Galilee sa loob ng kaunting mga araw. Gusto Kong sabihin sa inyo nang minsan pa na minamahal Ko kayo. Si Jonah ay masayang-masaya, kasama ang iba pa, sa Langit.»

«Panginoon! O! Panginoon.»

«Kapayapaan sa inyo ng mabuting kalooban.»

Ang Bumangon na Panginoon ay nawala sa maningning na katanghalian na sinag ng araw. Nang itinaas nila ang kanilang mga ulo, Siya ay wala na roon. Ngunit naroon ang lugod ng pagkakita sa Kanya katulad na Siya ay ngayon: maluwalhati.

Sila ay tumayo, nagbago ang anyo sa kaluguran. Sa kanilang kababaang-loob hindi sila makumbinsi na naging karapat-dapat silang makita Siya at sinasabi nila: «Sa atin! Sa atin! Gaano kabuti ang ating Panginoon! Mula sa Kanyang kapanganakan hanggang sa Kanya pananagumpay, laging mapagpakumbaba at mabuti sa Kanyang kaawa-awang mga lingkod!»

«At gaano Siya kakisig!»

«O! Hindi Siya kailanman naging kasing kisig! Anong mahestad!»

«Nagmumukha pa nga Siyang mas matangkad at mas magulang sa edad.»

«Siya ay tunay ngang ang Hari!»

«O! Tinawag nila Siyang ang mapayapang Hari! Ngunit Siya rin ay ang teribleng Hari para sa mga maaaring natatakot sa Kanyang paghuhukom!»

«Nakita ba ninyo kung anong mga sinag ang lumalabas sa Kanyang Mukha?»

«At kung gaano kumikislap ang Kanyang mga mata!»

«Hindi ako maglakas loob na titigan Siya. At gusto ko sanang titigan Siya, sapagkat sa palagay ko pagkakalooban akong makita Siya nang gayon sa Langit lamang. At gusto ko Siyang matandaan, upang hindi ako matakot sa kanya pagdating niyan.»

³«O! hindi tayo dapat na matakot kung tayo ay mananatiling katulad natin ngayon: ang Kanyang matatapat na lingkod. Napakinggan ninyo Siya: “Gusto Kong sabihin sa inyo nang minsan pa na minamahal Ko kayo. Kapayapaan sa inyo ng mabuting kalooban”. O! sapat lamang na salita. Ngunit sa sapat lamang na salitang iyon ay naroon ang Kanyang ganap na pagsang-ayon sa kung ano ang ating nagawa magpahanggang ngayon at ang Kanyang dakilang mga pangako para sa hinaharap na mga buhay. O! ating isahimig ang awit ng kaluguran. Ng ating lugod: “Kaluwalhatian sa Diyos sa kataastaasang mga Kalangitan at kapayapaan sa lupa sa mga tao ng mabuting kalooban. Ang Panginoon ay talaga ngang bumangon na, katulad ng Kanyang sinabi sa pamamagitan ng mga bunganga ng mga propeta at sa pamamagitan ng Kanyang Sariling walang-pagkakamaling salita. Sa pamamagitan ng Kanyang Dugo naalis Niya ang pagkamarumi na inilagay sa Kanya ng isang tao, at, sa dahilan na ang altar ay nalinisan na, ang Kanyang katawan ay isinuot ang di-masasawikang kagandahan ng Diyos. Bago umakyat sa Langit ipinakita Niya ang Kanyang Sarili sa Kanyang mga lingkod. Aleluya. Tayo ay magpatuloy sa pag-awit, aleluya! Ang eternal na kabataan ng Diyos! Lumakad tayong binabalita sa mga tao na Siya ay bumangon na, aleluya! Ang Makatarungan, ang Banal na Panginoon ay bumangon na, aleluya, aleluya! Mula sa Sepulkro Siya ay bumangong inmortal. At ang mga makatarungang tao ay bumangong kasama Niya. Sa kasalanan, katulad ng nasa loob ng isang gruta, ang mga puso ng mga tao ay sarado. Siya ay namatay upang magsabi: “Bangon!” At ang mga napaghiwa-hiwalay ay bumangon, aleluya! Bilang nabuksan na ang mga tarangkahan ng Langit, sinabi Niya sa mga pinili: ‘Halikayo’. Alang-alang sa Kanyang banal na Dugo harinawang pagkalooban Niya tayo na makataas din. Aleluya!”

Si Matthias, ang maedad na dating disipulo ni Juan Bautista, ay nauuna umaawit, katulad marahil noong matagal nang mga araw na umawit si David sa harapan ng mga tao sa mga kalsada sa Judaea. Ang iba ay sinusundan siya sa bawat aleluya nang may banal na lugod.

⁴Si Jonathan, na isang miyembro ng grupo, habang ang Herusalem ay nasa paanan na ng maliit na burol na kanilang binababang mabilis, ay nagsabi: «Sa pamamagitan ng Kanyang kapanganakan nawalan ako ng amangbayan at tahanan, at sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan nawala sa akin ang bagong bahay kung saan ako matapat na nagtrabaho nang tatlumpung taon. Ngunit kahit na kung kinuha nila ang aking buhay dahil sa Kanya, namatay sana akong masaya, sapagkat nawalan sana ako nito para sa Kanya. Wala akong kinimkim na sama ng loob laban sa kanya, bagama't hindi siya naging makatarungan sa akin. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ang aking Panginoon ay naturuan ako ng perpektong kababaang-loob. Hindi ako nag-aalala tungkol sa hinaharap. Ang aking tirahan ay hindi rito, bagkus sa Langit. Mamumuhay ako sa karukhaan na mahal sa Kanya at paglilingkuran ko Siya hanggang tawagin Niya ako... at ... oo... iaalay ko rin sa Kanya ang katotohanan na kailangan kong iabandona... ang aking sinyora... Ito ang pinakamasakit na kirot... Ngunit ngayon na nakita ko na ang paghihirap ng Kristo at ang Kanyang kaluwalhatian, hindi ko dapat timbangin ang aking kapighatian, bagkus umasa lamang sa selestiyal na kaluwalhatian. Tayo na at sabihin sa mga apostol na si Jonathan ay ang lingkod ng mga lingkod ng Kristo.»

141012

 

 

 



Sunod na kabanata