622. Si Jesus Nagpakita sa iba pang mga Kaibigan.

Abril 5, 1945.

¹Ang bahay ng Hapunan ay punung-puno ng mga tao. Ang bulwagan, ang yarda, ang mga silid, iba pa sa silid-Hapunan at sa silid ng Birheng Maria, ay pinakikita ang malugod na nananabik na mga hitsura ng isang lugar kung saan maraming tao ang nagkikita-kita, pagkaraan ng ilang mga panahon, para sa isang kapistahan. Ang mga apostol ay naroroon, maliban kay Tomas. Ang mga pastol ay naroroon. Ang tapat na mga babae ay naroroon, at kasama ni Johanna, ay naroon si Nike, si Eliza, si Syra, Marcella, si Anna. Lahat sila ay nagsasalita sa mabababang tinig, ngunit na may kitang-kitang malugod na pananabik. Ang bahay ay nakatrangka, na tila sila ay natatakot, ngunit ang takot mula sa labas ay hindi naaapektuhan ang lugod sa loob.

Si Martha ay paparoo’t parito kasama sina Marcella at Susanna, inihahanda ang hapunan ng «mga lingkod ng Panginoon», habang tinatawag niya ang mga apostol. At ibang mga babae at mga lalaki ay nagkakatanungan, ipinagtatapat ang kanilang mga naramdaman, mga lugod at mga takot... katulad ng maraming mga bata na naghihintay sa isang bagay na magpapakilig sa kanila at makapananakot din sa kanila nang kaunti.

Ang mga apostol ay gusto nilang sila ang lumabas na siyang pinaka may tiwala-sa-sarili. Ngunit sila ang unang-unang nababalisa kung ang isang ingay ay tila isang katok sa isang pinto o mga ingay na katulad ng isang bintana na biglang nagbubukas. Si Susanna rin, na nagmamadali dala ang dalawang maraming-sulóng mga lampara upang matulungan si Martha, na naghahanap ng ilang linen na pansapin sa mesa, ay nagawa si Mateo na mapatalon nang pabalik sumisigaw: «Ang Panginoon!», na nagawa si Pedro, na siyang ang kitang-kitang pinaka nananabik sa lahat, na bumagsak sa kanyang mga tuhod.

²Ang isang determinadong katok sa pinto ang pumutol sa lahat na mga salita at naiwan ang lahat sa pagkabitin.

Sumilip sila sa maliit na butas ng pinto at binuksan ito nang may «O!» ng pagkagulat, dahil nakikita nila ang di-inaasahan na grupo ng mga binibining Romano sinasamahan ni Longinus at ng isa pang lalaki, na katulad ni Longinus, ay nakasuot ng madidilim na damit. Ang mga babae rin ay lahat balót ng madidilim na manta, na nagtatakip din sa kanilang mga ulo. Sila ay walang suot na mga alahas, upang hindi makakuha ng atensiyon.

«Maaari ba kaming pumasok nang sandali upang maipaabot namin ang aming lugod sa Ina ng Tagapagligtas?» sabi ni Plautina, na siyang pinaka nirerespeto sa kanilang lahat.

«Pumasok kayo. Siya ay naroroon.»

Sila ay pumasok, sa isang grupo, kasama si Johanna at si Maria ng Magdala, na nagbibigay sa akin ng impresyon na kilalang-kilala niya silang lahat.

Si Longinus at ang isa pang Romano ay nagpapaiwan, nakahiwalay sa isang sulok ng bulwagan, dahil sila ay kahit papaano tinitingnan nang pairap.

Ang mga babae ay bumabati ng kanilang: «Ave Domina!» at pagkatapos sila ay lumuhod nagsasabing: «Kung dati hinahangaan namin ang Karunungan, ngayon gusto namin maging mga anak na babae ng Kristo. At sinasabi namin sa Inyo. Kayo lamang ang nakadaraig sa di-pagtitiwala ng mga Hudyo sa amin. Pupunta kami sa Inyo upang maturuan hanggang sa sila (at tinuturo nila ang mga apostol na mga nakatayo pa rin sa isang grupo malapit sa pintuan) ay pahintulutan kaming sabihin na kami ay mga anak na babae ni Jesus.» Ito ay si Plautina na siyang nagsasalita sa katauhan ng lahat.

Si Maria ay ngumingiti nang napakasaya at nagsabi: «Hinihingi Ko sa Panginoon na linisin ang Aking mga labì katulad ng Kanyang ginawa sa propeta, upang sana makapagsalita Akong karapat-dapat tungkol sa Aking Panginoon. Pagpalain nawa kayo, ang unang mga bunga ng Roma.»

«Si Longinus din ay gusto... at ang isang tagasibat na Romano, na nakaramdam ng isang apoy sa kanyang puso noong... noong sa pagsigaw ng Diyos, ang Lupa at ang Langit ay nagbukas. Ngunit kung may alam kami nang kaunti, sila ay walang nalalaman, bukod sa na Siya ay ang Santo ng Diyos at na ayaw na nilang mapasama sa Pagkakamali.»

«Sasabihin mo sa kanila na pumunta sa mga apostol.»

«Sila ay nasa banda roon. Ngunit ang mga apostol ay hindi sa kanila nagtitiwala.»

Si Maria ay tumayo at pumunta patungo sa mga sundalo. Ang mga apostol ay tinitingnan Siya na pumupunta, sinisikap na mahulaan ang iniisip ni Maria.

«Harinawang ang Diyos ay dalhin kayo sa Kanyang Liwanag, mga anak! Halikayo! Upang makilala ninyo ang mga lingkod ng Panginoon. Ito ay si Juan. At kilala ninyo siya. At ito ay si Simon Pedro, pinili ng Aking Anak at Panginoon na maging ang ulo ng mga magkakapatid. Ito ay si Santiago at ito ay si Judas, mga pinsan ng Panginoon. Ito ay si Simon at ito ay si Andres, na siyang kapatid ni Pedro. At ito ay si Santiago, kapatid ni Juan. At sila ay sina Felipe, Bartolomeo at Mateo. Si Tomas ay wala rito, nasa malayo pa, ngunit binabanggit Ko ang kanyang pangalan na tila siya ay naririto. Sila ang mga pinili para sa isang espesyal na misyon. Ngunit ang mga taong ito, na mga nakatayo nang mapakumbaba sa lilim, ay ang mga una sa kabayanihan ng pagmamahal. Sa loob ng tatlumpung taon itinuturo nila ang Kristo. Ni ang mga pang-uusig laban sa kanila, o ang pagkakahatol sa Inosente ay nakapagpahina sa kanilang pananampalataya. Mga mangingisda at mga pastol, at kayo ay mga patrisyo. Ngunit sa pangalan ni Jesus ang mga pagkakaiba-iba ay wala na. Ang pagmamahal sa Kristo ay nagagawa tayong magkakapantay at magkakapatid. At ang Aking pagmamahal ay tinatawag kayong mga anak, kasama kayo na taga-ibang nasyon. ⁴Mas higit pa, sasabihin Ko na natagpuan Ko kayong muli pagkatapos na mawala kayo, sapagkat, sa sandali ng kapighatian, kayo ay malapit sa Aking Namamatay na Anak. At hindi Ko makakalimutan ang iyong habag, Longinus, o ang iyong mga salita, sundalo. Ako ay nagmukhang tila pinatay. Ngunit nakita Ko ang lahat. Wala Akong ng posibilidad na magantimpalaan kayo. At, totoo, para sa mga banal na bagay ay wala diyan pera, bagkus tanging pagmamahal lamang at dasal. At iyan ang Aking ibibigay sa inyo, nagdarasal sa ating Panginoong Jesus Mismo na gantimpalaan kayo.»

«Tinanggap na namin ito, Domina. Iyan kung bakit naglakas loob kaming pumunta nang magkakasama. Ang iisang pintig ang nag-ipun-ipon sa amin. Ang Pananampalataya ay inilagay na ang tali nito sa isang puso at sa isa pa» sabi ni Longinus.

Lahat sila ay lumalapit nang may pag-usyoso. At may isa na, nilalabanan ang pag-alinlangan at baka ang pagkasuklam na mapadikit sa mga pagano, ay nagsabi: «Ano ang tinanggap mo?»

«Ako, isang tinig. Kanyang tinig. At ito ay nagsabi: «Halika sa Akin”» sabi ni Longinus.

«At napakinggan ko: “Kung sa isip mo Ako ay Banal. Maniwala sa Akin”» sabi ng isa pang sundalo.

«At kami» sabi ni Plautina «habang kami ay nag-uusap-usap tungkol sa Kanya ngayong umaga, nakakita kami ng isang liwanag, isang liwanag! Ito ay naging isang mukha. O! ikaw... pakiusap na sabihin kung gaano ito katingkad. Iyon ay Kanyang Mukha. At ngumiti Siya nang napakabait sa amin, na ginusto namin ang isang bagay lamang, ang pumunta rito at sabihin sa inyo: “Huwag ninyo kaming tanggihan”»

Mga tinig ay bumubulong gumagawa ng mga komentaryo. Lahat sila ay nagsasalita, nagkukuwento kung papaano nila ito nakita.

⁵Ang sampung apostol ay tahimik, napapahiya. Upang makabangon mula sa kanilang di-kaaya-ayang sitwasyon, at upang hindi lumabas na sila lamang ang tila tanging walang pagbati mula sa Kanya, tinanong nila ang Hebreong mga babae kung sila ay walang regalo ng Paskuwa.

Si Eliza ay nagsabi: «Inalis Niya mula sa aking puso ang punyal ng kapighatian para sa kamatayan ng aking anak.»

At si Anna: «Napakinggan ko ang Kanyang pangako tungkol sa eternal na kaligtasan ng aking mga kamag-anak.»

At si Syra: «Nakatanggap ako ng isang haplos.»

At si Marcella: «Nakakita ako ng isang kislap at narinig ko ang Kanyang tinig nagsabi: «”Magpursige”.»

«At ano ang sa iyo, Nike?» tinanong nila siya, dahil siya ay tahimik.

«Mayroon na siya ng kanyang regalo» sabi ng iba.

«Hindi. Nakita ko ang Kanyang Mukha, at sinabi Niya sa akin: «”Upang ito ay mapatatak sa iyong puso”. Gaano iyon kaganda!»

Si Martha ay pauli-uli, tahimik at mabilis, at hindi nagsasalita.

«At ano ang tungkol sa iyo, kapatid? Wala para sa iyo? Ikaw ay tahimik at ngumingiti ka. Ngumingiti ka nang napakatamis upang mawalan ka ng lugod na para sa iyong sarili» sabi ng Magdalena.

«Iyan ay totoo. Ang iyong mga mata ay sarado at ang iyong dila tahimik, ngunit ang iyong mga mata ay nagniningning nang labis sa ilalim ng belo ng iyong mga talukap-mata, na tila inaawit mo ang isang awit ng pagmamahal.»

«O! magsalita kung gayon! Ina, sinabi na niya sa Inyo?»

Ang Ina ay ngumingiti ngunit hindi nagsasalita.

Si Martha, na abala sa paglalatag ng mantel sa mesa, ay ayaw na ibunyag ang kanyang masayang lihim. Ngunit ang kanyang kapatid ay hindi siya pinapahingahan. Pagkatapos si Martha, namumula nang masayang-masaya, ay nagsabi: «Binigyan Niya ako ng isang pakikipagtagpo para sa oras ng aking kamatayan at ng pagsagawa ng mga pangkasal...» at ang kanyang mukha ay nagliliwanag nang may isang mas maningning na pamumula at ng ngiti ng kanyang kaluluwa.

171012

 

 



Sunod na kabanata