624. Ang Pag-aalinlangan ni Tomas. Babala ni Jesus sa mga “Tomas” ng Kasalukuyan.

Abril 7, 1945.

¹Ang sampung mga apostol ay nasa loobang-yarda ng bahay ng silid-Hapunan. Sila ay nagsasalita sa isa't isa at pagkatapos sila ay nagdarasal. Pagkaraan nagpatuloy sila sa pagsasalita.

Si Simon Zealot ay nagsabi: «Ako ay totoong naghihirap sa pagkawala ni Tomas. Hindi ko na malaman kung saan ko pa siya hahanapin.»

«Hindi ko na rin alam» sabi ni Juan.

«Siya ay wala sa kanyang mga kamag-anak. At walang sinuman ang nakakita sa kanya. Siya ba kaya ay naaresto?»

«Kung ganyan ang naging kaso, ang Guro ay hindi sana sinabi: “Sasabihin Ko sa inyo ang iba pa kapag ang inyong kasama na wala rito ngayon ay naririto na”.»

«Iyan ay totoo. Ngunit gusto kong pumunta ulit sa Bethany. Baka siya ay palakad-lakad sa paligid ng mga bundok na iyon at ayaw maglakas loob na ipakita ang kanyang sarili.»

«Lakad, Simon. Tinipon mo kaming lahat... at sa pagtapon sa amin nailigtas mo kami, sapagkat dinala mo kami kay Lazarus. Napakinggan ba ninyo kung anong mga salita ang sinabi ng Guro tungkol sa kanya? Sinabi Niya: “Ang una nasa Pangalan Ko ay nagpatawad at naggabay”. Bakit hindi Niya siya ilagay sa lugar ng Iskariote?» tanong ni Mateo.

«Baka dahil ayaw Niyang ibigay sa Kanyang perpektong kaibigan ang lugar ng tagapagkanulo» tugon ni Felipe.

²«Kani-kanina lamang, napakinggan ko, noong umiikot ako sa mga palengke at nakausap ko ang mga mag-iisda, na... mapagkakatiwalaan ko sila, siyempre, na ang mga taga-Templo ay hindi malaman kung ano ang kanilang gagawin sa katawan ni Judas. Hindi ko alam kung sino iyon... ngunit noong pagsikat ng araw ngayong umaga ang mga guwardiya ng Templo ay natagpuan ang kanyang nabubulok na katawan sa loob ng sagradong bakuran, na ang lubid nakaikot pa sa kanyang leeg. Sa isip ko maaaring kagagawan ito ng ilang mga pagano na siyang nagbaba sa kanya mula sa puno at itinapon siya sa loob doon, sino ang nakaaalam kung papaano» sabi ni Pedro.

«Sa halip, kagabi sa pontanya ako ay sinabihan, napakinggan kong sinabi nila na mula pa kagabi tinatapon nila ang mga laman-loob ng traydor kahit sa bahay ni Annas. Mga pagano, tiyak. Sapagkat walang Hebreo ang hihipo sa katawan na iyon pagkatapos ng limang araw. Iniisip ko kung gaano na kabulok iyon!» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«O! Iyon ay nakapangingilabot na mula pa noong Sabbath!» sabi ni Juan namumutla sa pag-alaala.

«Ngunit papaano siya nagtapos sa lugar na iyon? Iyon ba ay sa kanya?»

«At sino kaya kailanman ang nasabihan nang eksakto ng kahit na ano ni Judas ng Kerioth? Naaalaala ba ninyo kung gaano siyang mapagtimpi at ka-komplikado...»

«Masasabi mo: huwad, Bartolomeo. Hindi siya kailanman naging sinsiro. Nakasama natin siya sa loob ng tatlong taon, at tayo, na pare-pareho sa lahat na bagay, sa harapan niya ay katulad ng mga tao sa harapan ng mataas na pader ng isang muog.»

«Ng isang muog? O! Simon! Ng isang labirinto!» bulalas ni Judas ni Alfeo.

«O! makinig. Huwag natin pagusapan ang tungkol sa kanya! Kinakabahan ako na pinananawagan natin siya at  siya ay darating upang dalhan tayo ng problema. Gusto kong kanselahin ang kanyang alaala sa akin at sa lahat na mga puso, maging ito man ay mga puso ng mga Hebreo o ng mga Hentil. Ng mga Hebreo, upang hindi mapahiya dahil ang ating lahi ang nagpanganak sa halimaw na iyon. Ng mga Hentil, upang wala sa kanila ang magsabi sa atin isang araw: “Ang nagkanulo sa Kanya ay isang mula sa Israel”.

³Ako ay isang bata. At hindi ako ang dapat na unang magsalita sa harapan ninyo. Ako ang huli at ikaw, Pedro, ay ang una. At narito ang Zealot at si Bartolomeo, kapwa may pinag-aralan na mga tao, at naroon ang mga kapatid ng Panginoon. Ngunit ngayon, gusto kong maglagay ng isa sa ika-labindalawang lugar kaagad, isang tao na banal, sapagkat, habang nakikita ko ang bakanteng lugar na iyan sa ating grupo, makikita’t makikita ko ang bunganga ng impiyerno kasama ang baho nito sa pagitan natin. At natatakot ako na ito ay baka magligáw sa atin...»

«Hindi, Juan! Naapektuhan ka ng kapangitan ng kanyang krimen at ng kanyang nakabitin na katawan...»

«Hindi, hindi. Ang Ina rin ay nagsabi: “Nakita Ko si Satanas noong makita Ko si Judas”. O! tayo ay magmadali sa paghahanap ng isang banal na tao na mailagay sa lugar na iyan!»

«Makinig, hindi ako pipili ng sinuman. Kung Siya, Na isang Diyos, ay nakapili ng isang Iskariote, ano ang mapipili ng kaawa-awang Pedro?»

«Gayunpaman gagawin mo ito...»

«Hindi, aking mahal na kaibigan. Wala akong pipiliin na kahit ano. Tatanungin ko ang Panginoon. Tama na ang mga kasalanan na nagawa ni Pedro!»

«Kailangan natin na itanong ang napakaraming mga bagay. Noong isang gabi katulad natin ang mga tanga. Ngunit kailangan natin na maturuan. Sapagkat... papaano tayo makaiintindi kung ang isang bagay ay talaga ngang isang kasalanan? O kung ito ay hindi? Nasaksihan ninyo kung papaano ang Panginoon nagsalita tungkol sa mga pagano sa isang ibang pamamaraan kaysa ng ginagawa natin. Nasaksihan ninyo kung papaano Niya pinagpasensyahan ang mas marami pang karuwagan at isang pagtatatwa kaysa ang pagdududa tungkol sa posibilidad ng Kanyang kapatawaran... O! natatakot akong magawa ang maling bagay» sabi ni Santiago ni Alfeo nang lubos na nalulungkot.

«Siya ay talagang nagsalita sa atin nang labis. Subalit ako ay tila walang nalalamang kahit ano. Ako ay naging tanga nang isang linggo.» wika ng isa pang Santiago nang malungkot.

«Ako rin.»

Silang lahat ay nasa pare-parehong sitwasyon at nagtitinginan sila sa isa't isa lubos na nalilito. May alam silang sulusyon na ngayon ay kinaugalian na: «Pupunta tayo kay Lazarus» sabi nila. «Matatagpuan natin doon ang Panginoon... at si Lazarus ay tutulungan tayo.»

⁴Nagkaroon ng pagkatok sa pinaka pintuan. Lahat sila ay naging tahimik at nakikinig. At sila ay napasigaw ng «o!» sa pagkasorpresa na makita si Elias na pumasok kasama si Tomas. Gayong kakaibang Tomas na siya ay tila ibang tao.

Ang kanyang mga kasamahan ay nagsisiksikan sa paligid niya isinisigaw ang kanilang tuwa: «Alam mo na ba na Siya ay bumangon na at naparito? At Siya ay naghihintay para sa iyo upang Siya ay bumalik!»

«Oo. Si Elias din ay sinabi sa akin. Ngunit hindi ko iyan pinaniniwalaan. Pinaniniwalaan ko ang aking nakikita. At nakikita ko na ito ay ang katapusan para sa atin. Nakikita ko na tayong lahat ay nakakalat. Nakikita ko na ni wala kahit isang kilalang sepulkro kung saan tayo ay maaari sanang makapagluksa para sa Kanyang kamatayan. Nakikita ko na ang Sanhedrin ay gusto nilang mawala kapwa ang kanilang kasabwat, na ang kaninong libingan ay kanilang itinakda sa paanan ng punong-olibo mula kung saan niya binitay ang sarili, na tila siya ay isang maruming hayop, at ang mga tagasunod ng Nazareno. Noong Biyernes ako ay pinatigil sa mga geyt at sinabi nila sa akin: “Ikaw ba ay isa rin sa mga tagasunod Niya? Siya ay patay na ngayon. Bumalik ka na sa pagpitpit ng ginto”. At ako ay tumakbo...»

«Saan? Hinanap ka namin kahit saan.»

«Saan? Pumunta ako patungo sa bahay ng aking kapatid na babae sa Ramah. Ngunit hindi ako naglakas-loob na pumasok sapagkat... Ayaw kong mapagalitan ng isang babae. Kung kaya't naglagalag ako sa mga bundok ng Judaea at kahapon nagtapos ako sa Bethlehem, sa loob ng Kanyang gruta. Gaano akong umiyak... Nakatulog ako sa pagitan ng mga labí  at si Elias, na pumunta roon... hindi ko alam kung bakit, ay natagpuan ako.»

«Bakit? Sapagkat sa mga oras ng napakalaking tuwa o napakalaking kapighatian, ang isa ay dumudulog kung saan mas mararamdaman ang Diyos. Maraming beses, nitong mga nakaraang mga taon, pumupunta ako roon sa gabi, katulad ng isang magnanakaw, upang maramdaman ang aking kaluluwa na hinahaplos ng alaala ng Kanyang mga iyak. At pagkatapos tatakbo akong palabas sa pagsikat ng araw, upang hindi pagbabatuhin. Ngunit ako ay napaginhawahan na. Ngayon ako ay pumunta upang sabihin sa lugar na iyon: “Ako ay masaya” at upang dalhin anuman ang aking madadala mula sa lugar na iyon. Iyan ang aming napagpasyahan. Gusto namin ituro ang Kanyang Pananampalataya. At ang lakas upang gawin ito ay maibibigay sa amin ng kapiranggot ng pader na iyon, ng isang dakot ng lupa na iyon, ng isang subyang ng mga haliging iyon. Kami ay hindi banal, na maglakas loob na kumuha ng lupa ng Kalbaryo...»

«Tama ka, Elias. Kailangan din namin na gawin iyan. At gagawin namin. Ngunit si Tomas?...»

«Si Tomas ay natutulog at umiiyak. Sinabi ko sa kanya: “Gumising ka at tumigil sa pag-iyak. Siya ay bumangon na”. Hindi siya maniwala sa akin. Ngunit namilit ako nang labis na siya ay nakumbinsi ko. Naririto siya. Siya ngayon ay nasa inyo na at ako ay aalis na. Sasamahan ko ang aking mga kasamahan na mga papunta sa Galilee. Kapayapaan sa inyo.» Si Elias ay umalis.

⁵«Tomas: Siya ay nakabangon na. Sinasabi ko sa iyo. Siya ay nakasama namin. Kumain Siya ng ilang pagkain. Siya ay nagsalita. Pinagpala Niya kami. Pinatawad Niya kami. Binigyan Niya tayo ng kapangyarihan na magpatawad. O! Bakit hindi ka dumating noon?»

Si Tomas ay hindi niya inaalis ang kanyang pagkalungkot. Matigas-ang-ulo na siya ay umiling. «Hindi ako naniniwala. Ang nakita ninyo ay isang multo. Kayong lahat ay baliw. Ang mga babae una sa lahat. Ang isang patay na tao ay hindi bumabango nang siya mismo.»

«Ang isang tao, ay hindi, Ngunit Siya ay Diyos. Hindi mo ba pinaniniwalaan iyan?»

«Oo. Naniniwala ako na Siya ay Diyos. Ngunit, dahil lamang na pinaniniwalaan ko iyan, iniisip at sinasabi ko na, kahit na kung gaano pa Siya kabait, hindi Siya maaaring maging napakabuti hanggang sa sukdulan na puntahan ang mga nagmahal sa Kanya nang napakakaunti. At sinasabi ko na, gaano pa man Siya mapagpakumbaba, maaaring nagkaroon na Siya ng sapat ng pagpapahiya ng Kanyang Sarili sa ating maruming laman. Hindi. Maaaring Siya nga, Siya ay tiyak na matagumpay sa Langit, at baka, maaari Siyang magpakita bilang isang espiritu. Sinasabi ko: baka. Hindi tayo karapat-dapat ng kahit niyan! Ngunit bumangon sa laman at mga buto, hindi. Hindi ko iyan pinaniniwalaan.»

«Ngunit Siya ay aming hinalikan, nakita namin Siyang kumain, napakinggan namin ang Kanyang tinig, nahipo namin ang Kanyang kamay, nakita namin ang Kanyang mga sugat!»

«Wala. Hindi ko iyan pinaniniwalaan. Hindi ako makapaniniwala. Kailangan kong makakita upang maniwala. Kung hindi ko nakikita ang mga butas ng mga pako sa Kanyang mga kamay, at hindi ko nailalagay ang aking daliri sa mga butas na iyon, kung hindi ko nahihipo ang mga sugat ng Kanyang mga paa at kung hindi ko nailalagay ang aking kamay kung saan ang talim ng sibat ay binuksan ang Kanyang dibdib, hindi ako maniniwala. Ako ay hindi isang bata o isang babae. Kailangan ko ang ebidensiya. Tinatanggihan ko kung ano ang hindi matatanggap ng aking katwiran. At hindi ko matatanggap ang inyong salita.»

«Ngunit Tomas! Sa palagay mo ba gusto ka naming lokohin?»

«Hindi, aking abang mga kasamahan. Sa kabaligtaran! Pagpalain nawa kayo dahil napakabait ninyo na gusto ninyo akong gabayan patungo sa kapayapaan na iyon, na nagtagumpay kayo na maibigay ang inyong mga sarili dito sa pamamagitan ng ilusyon ninyong iyan. Ngunit... hindi ako naniniwala sa Kanyang Resureksiyon.»

«Hindi ka ba natatakot na maparusahan Niya? Napapakinggan at nakikita Niya ang lahat, alam mo ba?»

«Hinihingi ko sa Kanya na kumbinsihin ako. Ako ay niregaluhan ng pangangatwiran, at ginagamit ko ito. Gawin Niya, ang Guro ng pantaong pangangatwiran, na rebisahin ang akin kung ito ay nailigaw.»

«Ngunit ang rason, sinabi Niya ito, ay malaya.»

«Lalo nang mangatwiran para sa hindi ito maging ang alipin ng isang panlahat na mungkahi. Mahal ko kayo at mahal ko ang Panginoon. Paglilingkuran ko Siya hangga't sa magagawa ko at mananatili akong kasama ninyo upang tulungan kayo na mapaglingkuran Siya.  Ituturo ko ang Kanyang doktrina. Ngunit mapaniniwalaan ko lamang kung ano ang aking nakikita.»

At si Tomas, matigas ang ulo, ay nakikinig lamang sa sarili niya. Nagsasalita sila sa kanya tungkol sa lahat na nakakita sa Kanya at kung papaano nila Siya nakita. Pinayuhan nila siya na makipagusap sa Ina. Ngunit iniiling niya ang kanyang ulo, nakaupo sa isang batong upuan, mas bato pa siya mismo kaysa sa upuan. Kasing tigas ang ulo katulad ng isang bata, inuulit niya: «Maniniwala ako kung makita ko...»

--------------------

jesus sinasabi

⁶Sinasabi ni Jesus:

«Munting Juan, ang isang ikot ng panahon ay tapos na. Pagkatapos nito ilalagay mo ang Aking Aparisyon sa mapag-alinlangan na si Tomas, ayon sa binigay sa iyo noong Agosto 9, 1944. Ngunit kapag ang lahat ng Ebanghelyo ay naisulat na, marami pa ang kailangan na idagdag sa Linggo ng Palaspas, sa Lunes, Martes, Miyerkules at Huwebes na umaga ng Semana Santa, katulad ng sinabi Ko sa simula. Ang mga bahagi na kailangan na isingit, kinuha mula sa kung ano ang iyong nakita noong nakaraang taon, ay sinabi Ko na sa iyo. Kung gugustuhin ni Padre Migliorini, mailalagay niya ang mga diktasyon ng nakaraang taon na Akin nang sinabi sa iyo ngayon. [...]

⁷At, sa dahilan na nakinikinita Ko na ang mga sasabihin ng napakaraming mga Tomas at ng napakaraming mga eskriba ng kasalukuyang mga araw tungkol sa isang pangungusap ng diktasyon na ito, na tila nakakabaligtad ng sipsip ng tubig na inalok ni Longinus... o! gaano magiging masaya ang mga tagapagtatwa ng sobrenatural, ang mga rationalist ng perpeksiyon nang pasalungat, kung makakakita sila ng butas sa kakomplikaduhan ng magandang gawa na ito ng  dibinong kagandahang-loob at ng iyong sakripisyo, munting Juan, upang ang lahat na ito ay magiba, sa pagsikwat sa butas na iyan sa pamamagitan ng piko ng kanilang nakamamatay na rationalism – upang mapigilan sila, Aking sinasabi at pinaliliwanag.

Ang abang sipsip ng tubig na iyon – isang patak sa apoy ng lagnat at sa katuyuan ng mga ugat na nawalan-ng-laman  –(ang sipsip) na ginawa dala ng pagmamahal para sa isang kaluluwa na kailangan na makumbinsi ng pagmamahal upang madala sa Katotohanan, ginawa nang may malaking paghihirap dahil sa matinding sakit na humahadlang sa Aking paghinga at pumipigil sa Aking paglunok, sirang-sira Ako ng malulupit na mga hagupit, ay nakapagbigay lamang sa Akin ng isang sobrenatural na kaginhawahan. Para sa Aking katawan iyon ay balewala, huwag nang banggitin na iyon ay isang pahirap... Mga ilog ang kinakailangan upang malunasan ang Aking pagkauhaw sa pagkakataon na iyon... At Ako ay hindi makainom dahil sa hapdi ng Aking dibdib. At alam mo ang tungkol sa kirot na iyan... Mga ilog  sana ang kinakailangan pagkatapos... at iyon ay hindi naibigay sa Akin. Ni hindi Ko rin iyon matatanggap dahil pahirap nang pahirap ang Aking paghinga. Ngunit anong kaginhawahan sana iyon kung iyon ay kanilang inialok! Iyon ay dahil sa pagmamahal na Ako ay namamatay. Ng pagmamahal na hindi naibigay. Ang awa ay pagmamahal. At sa Israel ay walang awa.

Kapag kayo, mabubuting tao, ay nagninilay, o kayo, mga di-makapaniwalang pilosopo, ay sinusuri ang “sipsip” na iyon, bigyan iyon ng tamang pangalan: “awa”, hindi inumin. Kung gayon maaaring sabihin, nang hindi nakagagawa ng kasinungalingan, na “mula pa noong Hapunan hindi Ako nagkaroon ng kaginhawahan”. Sa lahat na mga tao na nakapaligid sa Akin wala ni isa na nagbigay sa Akin ng kahit anong kaginhawahan, dahil hindi Ko ininom ang may halong alak. Nagkaroon Ako ng suka at panunuya. Nagkaroon Ako ng pagtataksil at mga bugbog. Iyan ang nagkaroon Ako. Wala nang iba pa.

⁸Nagtanong ka: “Bakit hindi ko nakita ang ginawang iyon ni Longinus noong nakaraang taon?”  Sapagkat natakot ka ng bisyon, na nagpahirap sa iyo, tungkol sa mga pahirap sa Akin. Sapagkat wala ka pang kakayahan na magsalarawan at makakita. Pinaikli Ko ang mga oras upang mabigyan ka ng konsolasyon para sa namiminto mong pasyon. Ngunit nakikita mo na kinailangan kitang isama ulit upang balikan ang lahat ng Aking Pahirap nang may mas malaking perpeksiyon at kapayapaan. Iyon ba ay perpekto? O! hindi. Ang isang nilalang, bagama't hawak ng Aking mga kamay at kapiling Ko, ay isa pa ring nilalang, at laging magkakaroon ng mga reaksiyon at mga kakayahan ng isang nilalang. Bilang isang nilalang, hindi nito kailanman maiintindihan at maisasalarawan ang mga nararamdaman at mga paghihirap ng Tao-Diyos nang may absulutong katapatan at perpeksiyon.

At, maging ano pa man, ang mga ito ay hindi maiintindihan ng karamihang mga tao. Kahit na ang mga ito ay hindi naiintindihan. At, sa halip na lumuhod at pagpalain ang Diyos, Na nagkaloob sa inyo ng kaalaman na ito, ang tanging dapat na gawin lamang, ang karamihan ay kukuha ng mga aklat, mga bagong aklat at mga lumang aklat, magsusuri, magsusukat, sisilipin sa liwanag, umaasa, umaasa, umaasa. Ng ano? Na makakita ng mga di-pagtutugma sa ibang nakakatulad na mga gawa, at kung gayon manira, manira, manira. Sa ngalan ng (pantaong) siyensiya, ng (pantaong) pangangatwiran, ng (pantaong) pagpuna, ng tatlong beses na pantaong pagmamataas. Gaano karami ng banal na mga gawa ang winasak ng tao, upang sa pamamagitan ng mga labí  nito magtatayo ng mga edipisyo na hindi banal. Naalis ninyo ang purong ginto, kaawa-awang mga tao. Ang simple at mahalagang ginto ng Karunungan. Naglagay kayo ng estuko at plaster, masamang pininturahan ng kulay-gintong alikabok, na sa pagdaan ng buhay, ng mga tao, ng  mga bagyong pantao ay natatanggal kaagad, nag-iiwan ng isang butas ng ketong na kaagad magigiba, binabawasan ang inyong kaalaman hanggang sa ito ay mawala.

⁹O! kaawa-awang mga Tomas, na pinaniniwalaan lamang kung ano ang inyong naiintindihan at kung ano ang inyong nararamdaman sa loob ninyo! Ngunit pagpalain ang Diyos at sikapin na makataas, sapagkat tutulungan Ko kayo! Tumaas sa pananampalataya at sa pagmamahal. Ginusto Ko ang mapahiya ang mga apostol, upang sana makayanan nilang maging ang “mga ama ng mga kaluluwa”. Nakikiusap Ako sa inyo, at ako ay nagsasalita nang partikular sa inyo, Aking mga pari. Tanggapin ang pagkapahiya na maunahan pa ng isang layko, upang maging “mga ama ng mga kaluluwa”. Ang gawain na ito ay para sa lahat. Ngunit ang Ebanghelyo na ito ay inilaan sa inyo nang partikular, dahil dito ang Guro ay inaakay ang Kanyang mga pari sa kamay at dinadala sila sa mga hanay ng mga mag-aaral, upang sila, ang mga pari, ay sana maging mga tagapagturo na may kakayahan na gumabay sa mga mag-aaral, at dito ang Doktor ay dinadala kayo sa pagitan ng mga may-sakit na tao – ang bawat tao ay may kanyang espirituwal na sakit – at pinakikita Niya sa inyo ang mga sintomas at ang pagpapagaling!!

Kung kaya't huwag malungkot. Halikayo at tumingin. Halikayo at kumain. Halikayo at uminom. At huwag tumanggi, At huwag kapootan ang munting Juan. Ang mabubuti sa pagitan ninyo ay tatanggap ng isang banal na lugod mula sa gawang ito. Ang matatapat na iskolar isang liwanag. Ang mga malayo-ang-isip, na hindi masasamâ, isang kasiyahan. Ang masasamâ isang paraan upang maibulalas ang kanilang masamang siyensiya. Ngunit ang munting Juan ay nagkaroon lamang ng kapighatian at hapô, upang, ngayon, sa katapusan ng gawa, katulad niya ang isang tao na nanghihina na may sakit.

Kung kaya't ano ang Aking sasabihin sa kanyang mga kaibigan at Akin: kay Maria ng Magdala at kay Juan, kay Martha at Lazarus at Simon, sa mga anghel na nagbantay sa kanya sa kanyang gawain? Sasabihin Ko: “Ang munting Juan, ang ating kaibigan, ay nanghihina. Tayo na at dalhin sa kanya ang eternal na mga ilog at sabihin: “Halika, munting Juan. Tingnan ang Araw at bumangon. Sapagkat marami ang gustong makakita sa kung ano ang nakikita mo. Ngunit tanging ang mga paborito lamang ang pinagkalooban na makakita, nang abante, sa eternal na Panginoon at sa Kanyang mga araw sa mundo. Halika. Ang Tagapagligtas, kasama ang Kanyang mga kaibigan, ay pupunta sa iyong tirahan, habang naghihintay para sa iyo na pumunta, kasama Siya at Sila, sa Kanyang Tirahan”.

Humayo sa kapayapaan. Ako ay kasama mo.»

Abril 7, 1945. Alas-singko ng hapon.

231012

 

 

 



Sunod na kabanata