626. Sa Gethsemane Kasama ang mga Apostol.

Abril 11,1947.

¹Ang mga apostol ay sinuot ang kanilang mga manta at nagtanong: «Saan tayo pupunta Panginoon?»

Ang kanilang pag-uusap ay hindi na katulad-na-katulad nang dati bago ang Paskuwa. Kung ako ay pahihintulutan na magsalita nang ganito, sasabihin ko na sila ay nagsasalita na ang kanilang mga kaluluwa nakaluhod. Sa halip ng hitsura ng kanilang pakikiharap, na laging mapagbigay-galang na medyo nakayuko sa harapan ng Nabuhay-na-muling Panginoon, sa halip ng kanilang pagka-matimpiin sa paghipo sa Kanya at ng kanilang nanginginig na lugod kapag sila ay hinahawakan, hinahaplos o hinahalikan Niya, o kapag nagsasalita Siya nang partikular sa ilan sa kanila, ito ay ang kanilang kabuuang aktitud, isang bagay na hindi maisasalarawan ngunit kitang-kita, at na siyang nagsasabi na, mahigit pa sa kanilang pagkatao, ito ay ang kanilang mga espiritu na hindi na muli magiging katulad ng dati sa kanilang pakikitungo sa Guro, at maapektuhan ang lahat ng kanilang pantaong mga pagkilos ng kanilang bagong mga nararamdaman.

Dati Siya ay «ang Guro». Ang Guro Na pinaniniwalaan ng kanilang pananampalataya na siyang Diyos. Ngunit para sa kanilang mga pandama Siya ay laging isang tao. Ngayon Siya ay «ang Panginoon». Siya ay Diyos. Hindi na kinakailangan na gumawa ng isang pagsampalataya upang paniwalaan ito. Ang ebidensiya ay binuwag ang gayong pangangailangan. Siya ay Diyos. Siya ay ang Panginoon kung Kanino ang Panginoon ay nagsabi: «Maupo sa Aking kanang kamay, at ipinahayag ito sa pamamagitan ng Kanyang salita at ng himala ng Kanyang Resureksiyon. Siya ay Diyos katulad ng Ama. At Siya ay ang Diyos Na kanilang inabandona gawa ng takot, pagkatapos na makatanggap nang labis mula sa Kanya...»

Lagi nila Siyang tinitingnan ng kanilang mga mata nang may paggalang na pagpipitagan, na sa pamamagitan nito ang isang tunay na naniniwala ay tinitingnan ang Ostiya na nagliliwanag sa loob ng monstrance, o tinitingnan ang Katawan ni Kristo na itinataas ng pari sa pang-araw-araw na Sakripisyo. Sa kanilang mga mata na gustong makita ang minamahal na mukha, na mas makisig pa nga ngayon kaysa sa nakaraan, ay naroon din ang ekspresyon ng isa na ayaw na mangahas na makakita, ng isa na hindi mangahas na tumagal sa pagtingin... Ang pagmamahal ay inuudyukan silang ilagay ang kanilang mga puso sa kanilang Minamahal, ang takot ay ginagawa silang isara ang kanilang mga mata at itungo ang kanilang mga ulo, na tila sila ay nasisilaw ng kidlat.

²Sa katunayan, bagama't si Jesus, ang Nabuhay-nang-muli na Jesus, ay talagang Siya nga, Siya ay masasabi ring kasabay na hindi Siya. Kung Siya ay titingnan nang mabuti ng isa, Siya ay iba. Ang mga katangian ng Kanyang mukha, at ang kulay ng Kanyang mga mata at ng Kanyang buhok, ang Kanyang laki, Kanyang mga kamay at mga paa ay gayon pa rin, subalit Siya ay iba. Ang Kanyang tinig at mga kilos ay gayon pa rin, subalit Siya ay iba. Ang Kanyang katawan ay tunay, tinatanggap nito ang liwanag ng lumulubog na araw, habang ang huling mga sinag nito ay pumapasok sa silid sa pamamagitan ng nakabukas na bintana. Pinalalabas nito ang anino ng Kanyang mataas na katauhan sa likuran Niya. Subalit Siya ay iba. Siya ay hindi naging mapagmataas o umiiwas, subalit Siya ay iba.

Ang isang bagong kadakilaan ang lumalaganap kung saan labis na naghahari ang mapagpakumbabang matimtimang aspekto ng walang-kapagurang Guro, kung minsan napaka-matimtiman upang lumabas na nawawalan ng lakas-ng-loob. Ngayon na ang pagpapahirap ng huling mga araw ay wala na, na ang marka ng pisikal at moral na pagkapagod, na gawa nito Siya ay nagmukhang mas matanda, ay nawala na, na ang Kanyang mga mata ay hindi na namimighati at nakikiusap, katulad noong Siya ay tila nagtatanong nang hindi nagsasalita: «Bakit mo Ako tinatanggihan? Kunin Ako...», ang Nabuhay-na-muling Kristo ay tila mas mataas at mas malakas, malaya sa lahat na nagpapabigat, nakatitiyak, nagwagi, mahestuwoso, dibino. Ni hindi kahit noong Siya ay makapangyarihan sa Kanyang makapangyarihang mga himala, o kahanga-hanga sa loob ng pinaka-importanteng mga sandali ng Kanyang itinuturo, Siya ay naging kasing katulad Niya ngayon na Siya ay nakabangon na at naluwalhati na. Walang liwanag ang sumisinag mula sa Kanya. Wala. Walang sumisinag katulad noong Kanyang transpigurasyon at noong Kanyang unang mga aparisyon pagkatapos ng Kanyang resureksiyon. Subalit Siya ay tila maningning, Ito ay totoo ngang ang Katawan ng Diyos, na may kagandahan ng niluwalhating mga katawan. Siya ay nakakaakit at nakapananakot nang magkasabay.

³Baka ang mga sugat na iyon, na kitang-kita sa Kanyang mga kamay at mga paa, ang nakakakuha ng labis na paggalang. Hindi ko alam. Alam ko na ang mga apostol ay naging iba, bagama't si Jesus ay napakabait sa kanila at nagsisikap na malikhang muli ang atmospera ng mga nakaraang araw. Habang noon sila ay mapilit at madaldal, ngayon napakakaunti nilang magsalita, at kung Siya ay hindi tumugon, hindi sila namimilit. Kung Siya ay ngumiti sa kanila o sa isa sa kanila, nagbabago ang kanilang kulay at hindi sila nangangahas na tumugon, ng isang ngiti, sa Kanyang ngiti. Kung, katulad ng Kanyang ginagawa ngayon, na inuunat Niya ang Kanyang kamay upang makuha ang Kanyang puting manta – Siya ay laging nakasuot ng isang puting damit na nagniningning nang higit pa kaysa sa isang pinaka-maputing satin, mula nang Siya ay ang Nabuhay-na-muling Panginoon – wala sa kanila ang nagkukusang kumilos, katulad ng dati nilang ginagawa, nag-uunahan para sa lugod at sa karangalan na matulungan Siya. Tila natatakot silang mahipo ang Kanyang mga suot at ang Kanyang katawan. At kinakailangan Niyang magsabi, katulad ng Kanyang ginagawa ngayon: «Halika, Juan. Tulungan mo ang iyong Guro. Ang mga sugat na ito ay totoong mga sugat, at ang may sugat na mga kamay ay hindi kasing bilis katulad ng bilis nito dati...»

Si Juan ay sumunod, tinutulungan si Jesus na isuot ang Kanyang malapad na manta, at siya ay tila nagbibihis sa isang Pontipise, ingat na ingat at maasikaso ang kanyang mga pagkilos, nag-iiwas na masagi ang Kanyang mga Kamay kung saan naroroon ang mapulang mga marka ng krusipiksiyon. Ngunit, gaano pa man siya kaingat, nasagi niya ang kaliwang kamay ni Jesus at siya ay napasigaw na tila siya ay nasaktan, at tinitingnan niya nang matagal ang likod ng kamay na iyon, kinakabahan na makita niya iyon na dumurugo muli. Ang malupit na sugat na iyon ay napakaselan!

Si Jesus ay ipinapatong ang Kanyang kanang kamay sa ulo ni Juan nagsasabing: «Mas malakas ang loob mo nang tinatanggap mo Ako noong tinanggal Ako sa Krus.. At noon iyon ay may tumutulo pang dugo, kung kaya't ang iyon ulo ay naging mapula gawa niyon. Bagong hamog ng gabi sa bagong nagmamahal na disipulo. Tinanggal ninyo Akong katulad ng isang buwig mula sa kahoy na iyon... Bakit ka umiiyak? Binigyan kita ng Aking hamog ng isang Martir. Sa Aking ulo iniluha mo ang hamog ng habag. Ngunit noon makakaiyak ka... Hindi ngayon. At ikaw, Simon Pedro, bakit ka umiiyak? Hindi mo nasagi ang Aking Kamay. Hindi mo Ako nakitang patay...»

«Ah! aking Diyos! Iyan kung bakit ako umiiyak! Dahil sa aking kasalanan.»

«Pinatawad na kita, Simon ni Jonah.»

«Ngunit hindi ko mapatawad ang aking sarili. Hindi. Walang magpapatigil sa aking mga luha. Kahit na ang Inyong pagpapatawad.»

«Ngunit mapatitigil iyan ng Aking kaluwalhatian.»

«Kayo maluwalhati, ako makasalanan.»

«Ikaw maluwalhati, pagkatapos na maging Aking mangingisda. Pedro, magkakaroon ka ng marami, mabuti, mahimalang húli. Pagkatapos sasabihin Ko sa iyo: “Halika sa eternal na bangkete”. At hindi ka na iiyak muli. Ngunit magkakaroon ka ng mga luha sa iyong mga mata. At ikaw, Santiago, Aking kapatid, ay nakahiga sa sulok na iyan na tila nawalan ka ng Aking lahat na pagpapalà. Bakit?»

«Sapagkat umaasa ako na... Kung gayon, nararamdaman Ninyo ang Inyong mga Sugat? Nararamdaman pa ba Ninyo iyan? Umaasa ako na ang lahat na kapighatian ay natapos na para sa Inyo, na ang bawat tanda ay nakansela na. Para din sa akin. Para sa aming mga makasalanan. Ang mga Sugat na iyan!... Gaanong nakalulungkot ang makita ang mga iyan!»

«Oo. Bakit hindi Ninyo iyan binubura? Walang tanda ang naiwan kay Lazarus... Iyan ay isang... isang paninisi ang mga Sugat na iyan! Sumisigaw sila sa nakapangingilabot na tinig! Mas nakasisilaw at nakakatakot pa iyan kaysa sa kidlat ng Sinai» sabi ni Bartolomeo.

«Isinisigaw niyan ang aking karuwagan. Sapagkat tumakbo kami habang tinatanggap Ninyo sila...» sabi ni Felipe.

«At habang tinitingnan namin iyan, mas lalo kaming kinagagalitan ng aming mga konsiyensya at tinatapon niyan ang karuwagan, katangahan at di-paniniwala sa aming mga mukha» sabi ni Tomas.

«Alang-alang sa aming kapayapaan at kapayapaan ng mga taong ito ng mga makasalanan, dahil namatay Kayo at nabuhay na maguli upang mapatawad ang mundo, o Panginoon, kanselahin ang mga paratang laban sa mundo!» nakikiusap si Andres.

«Iyan ay ang Kalusugan ng mundo. Ito ay nasa sa mga iyan na mayroon Kalusugan. Ang mundo na napopoot, ay binuksan iyan, ngunit ang Pagmamahal ay ginawa iyang Gamot at Liwanag. Sa pamamagitan niyan ang Pagkakasala ay naipako. Sa pamamagitan niyan ang lahat na mga kasalanan ng mga tao ay nabitin at nasuportahan, upang ang Apoy ng Pagmamahal ay sana tupukin ito sa totoong Altar. Nang ang Kataastaasan ay inutusan si Moses na gawin ang kaban at ang altar ng insenso, hindi ba’t ginusto Niya na butasan sila para sa mga singsing na bakal, upang sila ay mabuhat at mádala saan man gustuhin ng Panginoon? Ako ay binutasan din. Ako ay mahigit pa kaysa kaban at altar. Ako magpahanggang ngayon ay mahigit pa kaysa sa kaban at altar. Sinunog Ko ang insenso ng Aking pagmamahal para sa Diyos at para sa Aking kapwa, at dinala Ko ang bigat ng lahat ng mga kasalanan ng mundo. At ang mundo ay kailangan na maalaala iyan, maalaala kung gaano ang ginasta ng isang Diyos. Ang maalaala kung gaano ng Diyos minahal ito. Ang maalaala kung ano ang ginawang mangyari ng kasalanan. Ang maalaala na sa Isa lamang mayroong kaligtasan: sa Kanya na kanilang binutasan. Kung hindi nakita ng mundo ang kapulahan ng Aking mga Sugat, totoong-totoong makakalimutan nito kaagad na isinakripisyo ng Diyos ang Kanyang Sarili para sa mga kasalanan nito, makakalimutan nito na Ako ay totoong namatay sa pinaka malupit na pahirap, makakalimutan nito kung ano ang balsamo para sa mga sugat nito. Naririto ang balsamo. Halikayo at halikan ito. Ang bawat halik ay karagdagan na puripikasyon at grasya para sa inyo. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang puripikasyon at grasya ay hindi kailanman sasapat, sapagkat kinukunsumo ng mundo ang inilalagay ng Langit at kinakailangan na matapatan ang mga kasiraan ng mundo sa pamamagitan ng Langit at ng mga kayamanan nito. Ako ay Langit. Ang lahat na Langit ay nasa Akin, at ang selestiyal na mga kayamanan ay dumadaloy mula sa bukás na mga sugat.»

Inuunat Niya ang Kanyang mga kamay upang mahalikan ito ng Kanyang mga apostol.  At kinakailangan Niyang idiin ang Kanyang nasugatan na mga Kamay sa nananabik na nahihiyang mga labì, sapagkat ang takot na madagdagan ang Kanyang sakit ay pumipigil ang mga labing iyon na idiin ito sa mga Sugat na iyon.

«Hindi ito ang nagbibigay ng sakit, kahit na kung nagbibigay ito paninigas. Ang sakit ay ibang klase!...»

«Alin, Panginoon?» tanong ni Santiago ni Alfeo.

«Na namatay Ako nang walang-kabuluhan para sa napakarami... ⁶Ngunit lumakad na tayo. O kung baga, mauna na kayo. Tayo ay pupunta sa Gethsemane... Ano? Natatakot ba kayo?»

«Hindi para sa aming mga sarili, Panginoon... Ang katotohanan ay ang mga malalakas sa Herusalem ay mas lalo Kayong kinapopootan kaysa dati.»

«Huwag matakot. Ni kahit na para sa inyong mga sarili, dahil pinoprotektahan kayo ng Diyos, ni para sa Akin. Ang magpatungkol sa Akin ang mga pagpipigil ng Pagiging-tao ay tapos na. Ako ay pupunta sa Aking Ina, at pagkatapos sasamahan Ko kayo. Kailangan natin na makansela ang maraming nakapangingilabot na mga bagay ng nakaraang mga araw ng kasalanan at kapootan. At gagawin natin ito sa pamamagitan ng pagmamahal, sa pamamagitan ng kabaligtaran ng kasalanan... Kita ninyo? Ang inyong mga halik ay nakansela at napaginhawahan ang sakit at mga nagawa ng mga pako sa buháy na laman.

«Tayo ba ay pupunta rin sa Templo?» Ang mga mukha ng lahat ay nagpapakita ng nakapangingilabot na takot.

«Hindi. Mapababanal Ko iyan sa pamamagitan ng Aking presensya. At iyan ay hindi posible. Naging posible sana ito. Ngunit ayaw nito ito. Wala nang katubusan pa para dito. Iyan ay isang labí na nabubulok nang mabilis. Iwanan natin ito sa mga patay na tao nito, upang mailibing sana nila ito. Ang mga leon at mga buwitre ay totoong wawasakin ang sepulkro at ang mga labí nang magkagutay-gutay at walang matitira kahit na kalansay ng Dakilang Patay na Isa na hindi ginusto ang Buhay.»

Inaakyat ni Jesus ang maliit na hagdanan at lumabas. Ang iba ay sinusundan Siya nang tahimik. Ngunit noong sila ay nakatuntong na sa koridor na nagsisilbing isang pamasukan na bulwagan, si Jesus ay wala na roon. Ang bahay ay tahimik at tila walang mga tao. Ang lahat na mga pinto ay sarado.

⁷Si Juan ay itinuturo ang pinto sa harapan ng silid-Hapunan at nagsabi: «Si Maria ay nandiyan. Siya ay laging nandiyan, Siya ay tila patuloy na nasa lubos na kagalakan. Ang Kanyang mukha ay nagniningning sa di-mailalarawan na liwanag. Ito ay ang lugod na sumisinag mula sa Kanyang puso. Kahapon sinabi Niya sa akin: “Isipin, Juan, kung gaanong kaligayahan ang kumalat sa lahat ng mga kaharian ng Diyos”. Tinanong ko Siya: “Alin na mga kaharian?” Inisip ko na baka may nalalaman Siyang magagandang pagbubunyag tungkol sa kaharian ng Kanyang Anak, Na nakatalo rin sa kamatayan.  Tumugon Siya sa akin: “Sa Paraiso, sa Purgatoryo, sa Limbo”. Kapatawaran sa mga nasa Purgatoryo, Pagtaas sa Langit ng lahat na mga makatarungan at ng lahat na napatawad. Ang Paraiso na punó ng nagsasayang mga kaluluwa. Ang Diyos ay naluwalhati sa kanila. Ang ating mga ninuno at mga kamag-anak sa itaas doon, nasa pagbubunyi. Ang kaligayahan din sa kaharian na siyang ang Lupa, kung saan ang tanda ay ngayon nagniningning, at ang pontanya, na tumalo kay Satanas at nagkansela sa Kasalanan at mga kasalanan, ay nabuksan. Hindi na kapayapaan lamang sa mga tao na may mabubuting kalooban, bagkus katubusan din at pagpili muli sa hanay ng mga anak ng Diyos. Nakikita Ko ang mga pulutong, o! gaano karami na bumababa sa Pontanyang ito, at tumatalon at umaahon dito na napanibago, maganda, nakadamit pangkasal, sa maharlikang mga damit. Ang kasalan ng mga kaluluwa sa Grasya, ang pagkahari ng pagiging mga anak ng Ama at mga kapatid ni Jesus”.»

Nakarating sila sa kalsada, habang nagsasalita, at sila ay umalis, habang dumidilim.

⁸Ang kalsada ay hindi masyadong nagsisiksikan sa mga tao, lalo na sa oras na ito, kung kailan ang mga tao ay nasa kanilang mga hapag-kainan para sa hapunan. Ang Herusalem, pagkatapos na ang mga tao na pumuno dito noong Paskuwa, at nag-abandona dito pagkatapos ng mga kapistahan, na napaka matrahedya sa taon nito, ay nagmumukhang mas walang laman kaysa dati. At napuna ito ni Tomas at ginawa niyang mapuna rin ito ng iba.

«Iyan ‘yan. Ang mga banyaga, na nahintakutan, ay iniwanan ang bayan nang napa-aga pagkatapos ng Biyernes, at ang mga nakatagal sa malaking takot ng araw na iyon, ay tumakbo pagkatapos ng ikalawang lindol, ang lindol na tiyak na nangyari nang ang Panginoon ay lumabas sa Sepulkro. At ang hindi rin mga Hentil ay lumayas. Marami, natitiyak ko ito, ang ni hindi nila kinain ang kanilang kordero at kinakailangan nilang bumalik para sa suplementaryo na Paskuwa. At ang mga tagarito rin ay umalis o tumakbo, ang iba ay upang alisin ang kanilang patay na mga kamag-anak, ang mga namatay noong paglindol noong Araw ng Preparasyon, ang iba dala ng takot sa galit ng Diyos. Iyon ay naging isang napakalakas na halimbawa» sabi ni Zealot.

«At iyon ay isang magandang bagay. Kidlat at mga bato sa lahat na mga makasalanan!» panunumpa ni Bartolomeo.

«Huwag mong sabihin iyan! Huwag sabihin iyan! Karapat-dapat tayo ng mga kaparusahan ng Langit nang higit pa kaysa sino pa mang iba. Tayo rin ay mga makasalanan... Naaalaala mo ba sa lugar na ito?...  Kailan lamang? Sampu? Sampung gabi... o sampung mga taon, o sampung mga oras? Napakalayo o napakalapit ang aking mga kasalanan ay tila sa akin, ang mga oras na iyon, ang gabing iyon... na hindi ko kailanman nalaman... Ako ay tanga! Tayo ay labis na nakatitiyak, mapaglaban, napaka makabayani! At pagkatapos? At pagkatapos? Ah!...» at si Pedro ay dinadagukan ang kanyang noo ng kanyang kamay at tinuturo ang maliit na liwasan, kung saan sila ay naroroon na: «Diyan. At ako ay natatakot na diyan!»

«Tama na! Tama na, Simon! Pinatawad ka na Niya. At si Maria, bago si Jesus. Itigil mo iyan! pinahihirapan mo ang iyong sarili» sabi ni Juan.

«O! Sana nga napatawad na ako! Juan, kailangan na lagi mo akong susupurtahan, alam mo ba? Lagi! Iyan ay dahil nasusuportahan mo ang ibang mga tao kung kaya't ibinigay ka sa Kanyang Ina. Ngunit ako, isang mahina-ang-loob na nagsisinungaling na uod, ay kailangan na magabayan nang higit pa sa paggabay ni Maria. Sapagkat mayroon akong mga kaliskis sa aking mga mata at hindi ako makakita...»

«Talagang makukuha mo iyan kung aasal ka nang ganyan. Talagang masusunog mo ang iyong mga mata, at ang Panginoon ay mawawala rito upang pagalingin iyan...» sabi ni Juan muli, niyayakap ang kanyang mga balikat upang paginhawahan siya.

«Magiging sapat na sa akin na makakita nang mabuti sa pamamagitan ng aking kaluluwa. At pagkatapos... ang aking mga mata ay walang importansiya.»

«Ngunit may importansiya iyan sa maraming tao!! ⁹Ano na ang gagawin ng mga may-sakit na tao? Kahapon nakita mo kung gaano namomroblema ang babaeng iyon!» sabi ni Andres.

«Oo...» Nagkakatinginan sila at magkakasabay na inamin nila: «At wala sa amin ang karapat-dapat na magpatong ng aming mga kamay sa kanya...» Ang pagpapakumbaba, dala ng alaala ng kanilang asal, ay dinudurog sila.

Ngunit si Tomas ay sinabi kay Juan: «Ngunit ginawa mo sana iyon. Ikaw ay hindi tumakbo, hindi ka nagtatwa, hindi nagkukulang ng paniniwala...»

«May kasalanan din ako. At iyon ay kasalanan laban sa pagmamahal, katulad ng inyo. Malapit sa arko ng bahay ni Joshua, sinakal ko si Helkai sa leeg at napatay ko sana siya, sapagkat winawalang-pakundangan niya ang Ina. At kinapootan ko at sinumpa ko si Judas ng Kerioth!» sabi ni Juan.

«Manahimik! Huwag banggitin ang pangalan na iyan. Pangalan iyan ng isang dimonyo, at sa pagkaunawa ko siya ay wala pa si impiyerno, at na siya ay paikut-ikot pa rito, sa paligid natin, upang gawin pa tayong magkasala» sabi ni Pedro nang may takot.

«O! siya ay talagang nasa impiyerno na! Ngunit kahit na kung siya ay wala pa roon, ang kayang kapangyarihan ay wala na ngayon. Mayroon siya dati ng lahat upang maging isang anghel, at siya ay naging isang dimonyo, at natalo na ni Jesus ang dimonyo» sabi ni Andres.

«O! sige... Ngunit mas mabuti nang huwag banggitin ang kanyang pangalan. Natatakot ako. Ngayon alam ko na kung gaano ako kahina. Hanggang sa ganang iyo Juan, huwag makunsiyensya. Ang lahat ay isusumpa ang tao na nagkanulo sa Guro!»

«Tama ang gawin iyon» sabi ni Tadeo, na laging may gayong opinyon tungkol sa Iskariote.

«Hindi. Si Maria ay sinabi sa akin na ang paghusga ng Diyos ay sapat na para sa kanya at atin lamang pahalagahan ang isang damdamin: pagpapasalamat para sa hindi pagiging ang mga traydor. At kung Siya ay hindi nanunumpa, bagama't Siya ang Ina Na nakakita sa mga pagpapahirap sa Kanyang Anak, manunumpa ba tayo? Kalimutan natin...»

«Iyan ay katangahan!» bulalas ng kanyang kapatid na si Santiago.

«Gayunpaman iyan ang salita ng Guro para sa mga kasalanan ni Judas...» sabi ni Juan nang may pagbuntung-hininga at pagkatapos naging tahimik.

«Ano? Mayroon pa bang iba? Alam mo... Magsalita ka!»

«Nangako akong magsisikap at makalimot, at nagsisikap akong gawin iyan. Ang magpatungkol kay Helkai... ako ay may pagkakasala ng pagmamalabis... Ngunit noong araw na iyon ang bawat isa sa atin ay may kanyang anghel at kanyang dimonyo sa tabi niya, at tayo ay hindi laging nakikinig sa anghel ng liwanag...»

Ang Zealot ay nagsabi: «Nalalaman ba ninyo na si Nahum ay napilay at ang kanyang anak natabunan ng isang pader o ng pagguho ng lupa? Oo. Sa araw ng Kanyang kamatayan. Siya ay natagpuan pagkatapos. O! huling-huli na, nang siya ay nabubulok na. Siya ay natagpuan ng isang patungo sa palengke. At si Nahum ay kasama ang ibang katulad niya, at hindi ko malaman kung ano ang nangyari sa kanya, kung siya ay tinamaan ng isang bato o inatake siya sa puso at dinugò. Alam ko na siya ay nagmumukhang nasiraan ng ulo at hindi makaintindi. Nagmumukha siyang isang halimaw, naglalaway at umaatungal, at kahapon sa pamamagitan ng kanyang tanging gumaganang kamay nahawakan niya sa leeg ang kanyang... panginoon na pumunta sa kanya at sumigaw siya nang sumigaw: “Dahil sa iyo! Dahil sa iyo!” Kung ang mga katulong ay hindi nagmadali roon...»

«Papaano mo nalalaman, Simon?» tinatanong nila si Simon.

«Nakita ko si Jose kahapon» maikling tugon.

¹⁰«Sa palagay ko nahuhuli ang pagdating ng Guro. At nag-aalala ako» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Tayo ay bumalik...» mungkahi ni Mateo.

«O tumigil tayo dito sa maliit na tulay» sabi ni Bartolomeo.

Sila ay tumigil. Ngunit sa Santiago ni Zebedeo at ang isa pang Santiago, si Andres at si Tomas, ay bumalik, at nag-iisip, tinitingnan nila ang lupa, tinitingnan nila ang mga bahay.

Si Andres, namumutla, tinuturo ang pader ng isang bahay, kung saan ang isang mapulang kulay-kapeng bahagi ay nangingibabaw sa kaputian ng apog, at sinabi niya: «Iyan ay dugo! Baka Dugo ng Guro? Siya ba ay nawawalan na ng dugo rito? O! sabihin sa akin!»

«At ano ang gusto mong sabihin namin sa iyo, kung wala sa atin ang sumundo sa Kanya?» sabi ni Santiago ni Alfeo nang nalulungkot.

«Ngunit ang aking kapatid, at higit sa lahat si Juan, ay sumunod sa Kanya...»

«Hindi kaagad. Hindi kaagad. Sabi ni Juan sa akin na sumunod sila sa Kanya mula lang sa bahay ni Malachi. Walang sinuman dito. Wala sa atin...» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

Sila ay nakatingin, na tila sila ay nagagayuma, sa malaking madilim na mantsa sa maputing pader, mataas nang kaunti mula sa lupa, at si Tomas ay nagwika: «Ni ang ulan ay hindi iyan naalis, ni ang ulan na yelo, na bumagsak nang malakas sa mga nakaraang araw na ito, ay hindi iyan nakayod... Kung nalaman ko na iyan ay Kanyang Dugo, binakbak ko sana ang pader na iyan...»

«Ating tanungin ang mga nakatira sa bahay. Baka nalalaman nila...» mungkahi ni Mateo, na sumama na sa kanila.

«Huwag, alam mo ba? Baka makilala nila tayo na Kanyang mga apostol, baka mga kaaway sila ng Kristo at...» tugon ni Tomas.

«At tayo ay mga duwag pa rin...» pagtatapos ni Santiago ni Alfeo na may pagbuntung-hininga.

Nilapitan nila nang unti-unti ang pader at tumitingin sila...

¹¹Ang isang babae ay dumaraan, isang hulíng taga-igib na bumabalik mula sa pontanya may dalang mga pitsel na may tumutulong tubig. Pinapanood niya sila. Ibinaba niya ang mga pitsel sa lupa at tinatanong niya sila.

«Tinitingnan ba ninyo ang mantsang iyan sa pader? Kayo ba ay mga disipulo ng Guro? Tila kayo nga ay mga disipulo, kahit na kung kayo ay nagmumukhang mga pagod at... kahit na kung hindi ko kayo nakitang sumusunod sa Panginoon, kapag Siya ay dumaraan dito, hinuli upang patayin. Ginagawa ako nitong magduda, sapagkat ang isang disipulo, na sumusunod sa Guro sa magagandang oras at nagmamalaki na maging Kanyang disipulo, at mahigpit sa mga hindi kaagad sumusunod sa Guro katulad niya na iniiwanan ang lahat upang makasunod, ay kailangan na sundan din ang Guro sa di-magagandang oras. Kailangan na gawin man lamang niya iyan. At hindi ko kayo nakita. Hindi. Hindi ko kayo nakita. At kung hindi ko kayo nakita, ang ibig sabihin nito na ako, isang babae mula sa Sidon, ay sumusunod sa likuran Niya Na hindi sinundan ng Kanyang Hudyong mga disipulo. Ngunit ako ay nakatanggap ng isang pabor mula sa Kanya. Kayo... Hindi kaya Niya kayo binigyan kahit kailan ng pabor? Tila kakaiba ito para sa akin, sapagkat tinutulungan Niya ang mga Hentil at mga Samaritano, mga makasalanan at pati mga mandarambong sa daan, binibigyan sila ng eternal na buhay, kung hindi na Niya sila mabibigyan ng buhay sa kanilang mga katawan. Hindi kaya Niya kayo minahal? Kung gayon mas malala pa kayo kaysa sa mga ahas at di-malinis na mga ayena, bagama't, talagang iniisip ko na minahal din Niya pati mga bibora at mga tsakal, hindi dahil sila ay ganoon, bagkus sila ay nilikha ng Kanyang Ama. Iyan ay dugo. Oo. Iyan ay dugo. Ang dugo ng isang babae mula sa mga dalampasigan ng dakilang karagatan. Minsan iyon ay ang lupain ng mga Pilisteo, at ang mga tagaroon ay medyo kinasusuklaman pa rin ng mga Hebreo. Subalit nagawa niyang ipagtanggol ang Guro, hanggang sa siya ay pinatay ng kanyang asawa, itinatapon siya diyan nang may labis na lakas, pagkatapos na bugbugin siya, na ang kanyang ulo ay nabiyak, at ang mga utak at dugo ay sumabog sa pader ng bahay, kung saan ang kanyang mga ulila ay umiiyak ngayon. Ngunit siya ay natulungan. Ang Guro ay pinagaling minsan ang kanyang asawa, na di-malinis gawa ng isang nakapangingilabot na sakit. Kung kaya't ang babae ay minahal ang Guro. Nagmahal siya hanggang sa siya ay namatay para sa Kanya. Nauna siya sa Guro sa pagpunta sa sinapupunan ni Abraham, katulad ng pananalita ninyo. Si Annaleah din ay nauna sa Kanya, at namatay din sana siya nang katulad sa babae, kung siya ay hindi namatay nang di-inaasahan kaagad. Ang isang ina rin, sa bandang itaas doon, ay napuno ng kanyang dugo ang kalsada, ng dugo ng kanyang sinapupunan na binuksan ng kanyang brutal na anak, upang maipagsanggalang ang Guro. At ang isang babae ay namatay sa pamimighati, noong makita niya na dumaraan at binubugbog Siya, Na nagbigay ulit ng mga mata sa kanyang anak. At ang isang matandang lalaki, isang pulubi ay namatay, sapagkat siya ay humarang sa daan upang ipagsanggalang Siya, at ang kanyang ulo ay tinamaan ng bato na itinalaga para sa ulo ng kanyang Panginoon. Sapagkat pinaniwalaan ninyo Siya na gayon, hindi ba? Kayo ay malayo sa mga nambubugbog sa Kanya. Ah! hindi! Ang isa ay namatay. Pinatay niya ang kanyang sarili. Ngunit hindi dala ng pamimighati. Hindi upang ipagsanggalang ang Guro. Una pinagbili muna niya Siya, pagkatapos itinuro niya Siya sa pamamagitan ng isang halik, pagkatapos pinatay niya ang kanyang sarili. Wala siyang ibang magawa. Hindi na siya lalago pa sa kasamaan. Siya ay perpekto. Katulad ni Beelzebub. Ang mundo ay pinagbabato sana siya upang maalis siya sa mundo. O! sa palagay ko na ang mahabaging babae, na namatay upang hindi mahampas ang Guro, sa palagay ko na ang matandang si Anna, na namatay sa pamimighati nakikita Siya sa kalagayan na iyon, at ang matandang pulubi at ang ina ni Samuel at ang birhen na namatay at ako, na hindi nakapunta sa Tempo, sapagkat naaawa ako sa mga isinasakripisyo na mga kordero at kalapati, baka nagkaroon kami ng lakas-ng-loob na pagbabatuhin siya, at hindi sana kami nanginig nakikita siyang nawawasak ng mga bato... Nalalaman niya iyon, at pinalibre niya ang mundo sa kaabalahan ng pagpatay sa kanya, at pinalibre niya kami na maging mga mamamatay-tao upang maipaghiganti ang Inosente...»

Tinitingnan niya sila nang may panunuya. Ang kanyang panunuya ay nagiging halatang halata habang siya ay nagsasalita. Ang kanyang maiitim na mata ay may katigasan ng mga mata ng mapanambong na mga hayop, habang tinitingnan niya ang grupo na hindi malaman kung papaano tutugon at hindi makatugon... Ang huling mga salita ay pinasagitsit sa pagitan ng kanyang mga ngipin: «Mga anak sa labas!» at pinulot niya ang kanyang mga pitsel ay umalis, at masaya siya na naidura niya ang kanyang panunuya sa mga disipulo na nag-abandona sa kanilang Guro...

Sila ay nadurog, na ang kanilang mga ulo nakatungo, ang kanilang mga kamay nakalaylay, nawawalan ng lakas... Ang katotohanan ay tinabunan sila. Nagninilay-nilay sila sa resulta ng kanilang karuwagan... Sila ay tahimik... Hindi nila matingnan ang isa't isa. Kahit na si Juan at ang Zealot, ang dalawang malaya sa kasalanan na ito, ay gayon din ang aktitud katulad ng iba, baka gawa ng kanilang kapighatian nakikita ang kanilang mga kasamahan na hiyang-hiya at dahil sa hindi nila mapagaling ang sugat na ginawa ng sinsirong mga salita ng babae...

¹²Ang daan ay ngayon nasa loob na ng malabong liwanag. Ang buwan, sa huling mga araw nito, ay huli ang pagtaas, kung kaya't ang takipsilim ay mabilis lumalim. May malalim na katahimikan. Wala ni ingay o tinig ng isang tao. At tanging ang pagbulukbok lamang ng Kidron ang nangingibabaw sa katahimikan. Kung kaya't noong marinig ang tinig ni Jesus, sila ay nagulat, na tila iyon ay isang nakakatakot na tunog, samantalang napaka magiliw nito noong sinabi nito: «Ano ang inyong ginagawa rito? Ako ay naghihintay para sa inyo sa pagitan ng mga puno ng olibo. Bakit pinagninilayan ninyo ang mga patay na bagay kung ang Buhay ay naghihintay sa inyo? Sumama kayo sa Akin.» Si Jesus ay tila papalapit sa kanila mula sa Gethsemane.

Siya ay tumigil sa tabi nila. Tinitingnan Niya ang may mantsang bahagi na iyon, kung saan nakapako ang nahihintakutan na mga mata ng mga apostol at Siya ay nagsabi: «Ang babaeng iyon ay nasa kapayapaan na. At nakalimutan na niya ang kanyang kapighatian. Hindi aktibo para sa kanyang mga anak? Hindi. Dobleng aktibo. At pinababanal pa niya sila, sapagkat iyan lamang ang kanyang hinihingi sa Diyos.»

Siya ay lumakad at sumusunod sila sa Kanya, sa katahimikan. Ngunit si Jesus ay lumingon at nagsabi: «Bakit nagtatanong kayo sa loob ng inyong mga puso: “At bakit hindi niya hinihingi ang kombersiyon ng kanyang asawa? Hindi siya banal kung kinapopootan niya siya...” Hindi niya siya kinapopootan. Pinatawad niya siya mula pa noong pinatay niya siya. Ngunit, bilang isang kaluluwa na nakapasok na sa Kaharian ng Liwanag, nakakakita siya nang may karunungan at katarungan. At nakikita niya na walang kombersiyon at kapatawaran para sa kanyang asawa. Kung kaya't nananalangin siya para sa mga makikinabang sa kanyang panalangin. ¹³Hindi, hindi iyan Aking dugo. Subalit nawalan Ako ng labis nito sa daan na ito!... Ngunit ang mga yapak ng Aking mga kaaway ay naikalat ito, naihalo sa alikabok at dumi, at natunaw ito ng ulan at nadala sa mga latag ng mga alikabok. Ngunit may labis pa nito na makikita pa... Sapagkat labis ang lumabas mula sa Akin na ang mga yapak at tubig ay hindi kaagad-agad nila ito maaalis. Lalakad tayo nang magkakasama, ang makikita ninyo ang Aking Dugo na ibinuhos para sa inyo...»

«Saan? Saan Niya gustong pumunta? Sa lugar kung saan Siya umiyak?? Sa Praetorium?» tinatanong nila ang isa't isa.

At si Juan ay nagsabi: «Ngunit si Claudia ay umalis ulit dalawang araw pagkatapos ng Sabbath, at sinasabi nila na siya ay galít at natatakot pa nga ng napápalapít sa kanyang asawa...... Sinabi sa akin ng tagasibat na Romano. Si Claudia ay inihiwalay ang kanyang responsibilidad mula sa responsibilidad ng kanyang asawa. Sapagkat binalaan niya siya na huwag usigin ang Makatarungan na Isa, dahil mas mabuti pa ang usigin ng mga tao kaysa ng usigin ng Kataastaasan, na ang Kaninong Mesiyas ay ang Guro. At ni si Plautina o si Lydia ay wala rito. Sinundan nila si Claudia sa Caesarea. At si Valeria ay pumunta sa Bether kasama si Johanna. Kung sila ay naririto, makakapasok tayo. Ngunit ngayon... hindi ko alam... Si Longinus ay ni wala rin dito, dahil ginusto ni Claudia na samahan siya niya...»

«Ito ay kung saan nakita mo ang damo na basà ng dugo...»

Si Jesus, Na nasa unahan, ay lumingon at nagsabi: «Sa Golgotha. May labis ng Aking Dugo roon, na ang alikabok ay katulad ng may-elementong bakal na mineral. At may isang nauna na sa inyo...»

¹⁴«Ngunit iyan ay isang di-malinis na lugar!» sigaw ni Bartolomeo.

Si Jesus ay ngumingiti nang may-habag at tumugon: «Ang bawat lugar sa Herusalem ay di-malinis pagkatapos ng nakapangingilabot na kasalanan; subalit wala kayong ibang naramdaman na pag-aalinlangan na manatili roon, maliban sa takot sa mga pulutong...»

«Ang mga mandarambong sa daan ay laging doon namamatay...»

«Ako ay namatay doon. At napabanal Ko iyon magpakailanpaman. Sasabihin Ko sa inyong totoo, na hanggang sa katapusan ng mga panahon, walang ibang mas banal pang lugar kaysa diyan, at mula sa lahat ng dako ng Lupa at sa lahat na mga panahon mga pulutong ang pupunta upang mahalikan ang alikabok na iyan. At mayroon nang isang nauna na sa inyo, nang walang kinatatakutan na panunuya at paghihiganti, nang hindi natatakot na mahawahan. Datapwa't, ang taong nauna na sa inyo ay may dobleng rason upang katakutan iyan.»

«Sino iyon, Panginoon?» tanong ni Juan, na sa kaninong tabi si Pedro ay inuudyukan ng kanyang siko si Juan na itanong iyon.

«Si Maria ni Lazarus! Katulad na pinulot niya ang mga bulaklak na nayapakan Ko habang pumapasok Ako sa kanyang bahay, bago ang Paskuwa, isang alaala ng lugod na kanyang ipinamimigay sa kanyang mga kasamahan, ganyan din siya umakyat sa Kalbaryo, at sa pamamagitan ng kanyang mga kamay hinukay niya ang lupa, na nanigas gawa ng Aking Dugo, at bumaba siya dala ang kanyang karga at inilagay iyon sa lapi ng Aking Ina. Siya ay hindi natakot. At siya ay kilala bilang “ang Makasalanan” at bilang “ang disipulo”. Ni Siya, Na sa Kaninong lapi tinanggap ang lupa ng lugar ng the Skull, ay hindi Niya inisip na Siya ay mahahawahan. Ang Aking Dugo ay nakansela ang lahat, at banal ang sandakot na lupa na binagsakan nito. Bukas, bago ang ikaanim na oras, kayo ay aakyat sa Golgotha. Sasamahan Ko kayo... Ngunit sino ang may gustong makakita sa Aking Dugo, naririto ito.» Tinuturo Niya ang barandilya ng maliit na tulay. «Ang Aking bunganga ay bumangga diyan, at dugo ang bumuhos... Ang Aking bunganga ay bagkus bumigkas ng banal na mga salita, at mga salita ng pagmamahal. Kung gayon bakit iyon hinampas, at bakit walang sinuman ang nanggamot nito sa pamamagitan ng isang halik?...»

¹⁵Sila ay pumasok sa Gethsemane. Ngunit kailangan muna ni Jesus na mabuksan ang isang kandado ng bakod, na humaharang sa pagpasok sa Garden of Olives. Isang bagong kandado. Isang malakas na bakod, na may matutulis na dulo, mataas, nasasaraduhan ng isang matibay na bagong kandado. Na kay Jesus ang susi, na bagung-bago na nagniningning ito katulad ng asero, at binubuksan Niya ang kandado sa liwanag ng isang umaapoy na sanga ni sinindihan ni Felipe upang makakita, dahil ngayon ay ganap nang madilim.

«Iyan ay wala dati... Bakit?...» sila ay nagbubulungan sa isa't isa, tinitingnan ang bakod na naghihiwalay sa Gethsemane. «Si Lazarus ay tiyak na ayaw na na may sinumang tao pa rito. Tingnan sa banda roon. Mga bato at mga ladrilyo at apog. Ngayon ito ay kahoy, pagkatapos ito ay magiging isang pader...»

Si Jesus ay nagsabi: «Halikayo. Huwag intindihin ang mga patay na bagay, sinasabi Ko sa inyo... Dito. Kayo ay narito... At dito Ako ay pinalibutan at hinuli, at kayo ay tumakbo roon... Kung ang bakod na ito ay naroon noon... Napigilan sana kayo nito na makatakbo kaagad. Ngunit papaano ni Lazarus iisipin, dahil siya ay sabik na sabik na makasunod sa Akin, habang kayo sabik na makatakbo, na kayo ay tatakbo? Nagagawa Ko ba kayong maghirap? Naghirap Ako dati. At ibig Kong makansela ang kapighatian na iyan. Halikan mo Ako, Pedro...»

«Hindi, Panginoon! Hindi! Ang ginawa ni Judas, dito, sa gayon ding oras, hindi, hindi, hindi!»

«Halikan mo Ako. Gusto Kong gawin mo nang may sinsirong pagmamahal ang di-sinsirong ginawa ni Judas. Pagkatapos magiging masaya ka. Magiging mas masaya tayo. Ikaw at Ako. Halika, Pedro. Halikan mo Ako.»

Si Pedro ay hindi lamang Siya hinahalikan. Sa pamamagitan ng kanyang mga luha hinuhugasan niya ang pisngi ng Panginoon at siya ay umalis, tinatakpan ang kanyang mukha at umuupo sa lupa upang umiyak. Nang magkakasunod, ang iba ay hinahalikan Siya sa gayon ding lugar. Lahat sila ay may mga luha sa kanilang mga mukha, ang iba mas marami, ang iba mas kakaunti...

¹⁶«At ngayon umalis na tayo. Sabay-sabay. Inihiwalay Ko kayo sa Akin nang gabing iyon pagkatapos na mapalakas kayo sa pamamagitan ng Aking Katawan, at para sa kaunting mga oras. Ngunit bumagsak kayo kaagad. Laging tandaan kung gaano kayo kahina, at na kung walang tulong mula sa Diyos hindi kayo maaaring makapanatili sa hustisya nang isang oras. Dito. Dito sinabi Ko sa mga ang tingin sa kanilang mga sarili na sila ay malalakas, na magbantay, tiningnan nila ang kanilang mga sarili na napakalakas na hingin sa Akin na uminom sa Aking kalis at iproklama, kahit na sila mamatay, na hindi nila Ako itatatwa. At iniwan Ko sila, pinapayuhan sila na magdasal... Iniwan Ko sila, at sila ay nakatulog. Tandaan ito at ituro: siya na iniwanan ni Jesus, kung hindi siya makikipag-ugnayan sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin, ay matatalo ng antok at mahuhuli. Kung hindi Ko kayo ginising, maaring napatay kayo sa inyong tulog at haharap sa paghuhukom ng Diyos punung-puno ng pagkatao. Halikayo rito...  Ayan na kayo! Ibaba mo ang sanga, Felipe. Ayan! Ang gustong makakita ng ilan ng Aking Dugo, ay kailangan na tumingin. Tingnan... Labis... na ang lupa ay nanigas gawa nito at ang damo ay mapula pa rin, sapagkat hindi nagawa ng ulan na tunawin ang buu-buong dugo na natuyo sa mga tangkay at mga korola. Doon! At Ako ay sumandal doon at ang anghel ng Panginoon ay nagpaligid-ligid sa ibabaw nito upang paginhawahan Ako sa Aking kalooban ng gawin ang Kalooban ng Diyos, kung saan ang nilikha ay hindi makapagpumilit, ang Diyos ay dumarating sa pamamagitan ng Kanyang anghel upang suportahan ang hapong bayani. Kung kayo ay nasa paghihirap, huwag matakot na kayo ay maging duwag o magtatwa, kung kayo ay namimilit na gustuhin kung ano ang gusto ng Diyos. Ang Diyos ay gagawin kayong mga higante sa kabayanihan, kung mananatili kayong tapat sa Kanyang kalooban. Tandaan iyan! Tandaan iyan! Nasabi Ko na sa inyo minsan na pagkatapos ng panunukso sa disyerto Ako ay tinulungan ng mga anghel. Ngayon dapat na malaman ninyo na dito rin, pagkatapos ng sukdulan na panunukso, Ako ay tinulungan ng isang anghel. At ganyan din ang mangyayari sa inyo at sa lahat na magiging Aking mga tagapaniwala. Sapagkat sasabihin Ko sa inyong totoo na kung ano ang nagkaroon Ako bilang tulong, ay mapapasainyo rin. Kukunin Ko iyan Mismo para sa inyo, kung hindi pa ng Ama, sa Kanyang nagmamahal na hustisya, pinagkaloob iyan sa inyo. Tanging ang inyo lamang na kapighatian ang magiging laging mas imperyor ng sa Akin. ... ¹⁷Maupo. Ang buwan ay tumataas sa silangan. Maliliwanagan niya tayo. Hindi sa palagay Ko kayo matutulog ngayong gabi, bagama't kayo ay labis  pa rin at tanging tao lamang. Hindi. Kayo ay hindi matutulog sapagkat may isang bagay na wala sa inyo dati, ang nakapasok sa inyo ngayon. Ito ay ang paninisi ng konsiyensya. Isang pahirap. Totoo iyan. Ngunit nagsisilbi itong makarating sa mas matataas na baytang, kapwa sa kabutihan at sa kasamaan. Kay Judas ng Kerioth, habang lumalayo siya sa Diyos, nagdala ito sa kawalang-pag-asa at kapahamakan. Sa inyo na hindi kailanman lumayo sa kalapitan sa Diyos – matitiyak Ko sa inyo, sapagkat sa loob ninyo ay wala ang kalooban at ang ganap na konsiderasyon ng kung ano ang inyong ginagawa – magdadala ito ng mapagtiwalang pagsisisi na maghahatid sa inyo sa karunungan at katarungan. Manatili sa kinaroroonan ninyo. Ako ay lalayo patungo sa banda roon, malapit lamang, sa paghihintay ng pagsikat ng araw.»

«O! huwag Ninyo kaming iwanan, Panginoon! Nasabi Ninyo kung ano kami, kapag kami ay malayo sa Inyo!» nakikiusap si Andres nang nakaluhod, ang kanyang mga kamay nakaunat, na tila nakikiusap siya ng isang alay ng awa.

«Nasa inyo ang paninisi ng konsiyensya. Iyan ay isang mabuting kaibigan sa mabubuting tao.»

«Huwag umalis, Panginoon! Sinabi Ninyo sa amin na magdarasal tayo nang magkakasama...» nakikiusap si Tadeo, na hindi nangangahas na magkaroon ng mapagkaibigan na aktitud ng isang kamag-anak sa Bumangon-nang Guro at nakatayo na ang kanyang matangkad na pigura medyo nakayuko sa pagpipitagan.

«At ang pagninilay-nilay ba ay hindi ang pinaka aktibong pagdarasal? At hindi Ko ba kayo ginawang mag-isip-isip at magnilay-nilay at hindi Ko ba kayo binigyan ng isang paksa na pagninilayan mula noong tinagpo Ko kayo sa daan, inaantig ang inyong mga puso sa pamamagitan ng totoong mga pagkilos ng banal na mga pakiramdam? Ito ay pananalangin, mga tao: ang maka-ugnayan ang Eternal at ang mga bagay na nakakatulong na madala ang espiritu nang malayo sa ibayo ng Lupa, at mula sa pagninilay-nilay tungkol sa mga perpeksiyon ng Diyos at sa mga kahirapan ng tao, ng kaakuhan ng isang tao, ay tumataas ang mga pagkilos ng isang kalooban, na kung hindi nagmamahal ay nagsasatama, ngunit laging sumasamba, kahit na kung ito ay isang kalooban na tumataas mula sa isang pagninilay-nilay tungkol sa isang pagkakasala o isang kaparusahan. Ang kasamaan at kabutihan ay may-pakinabang para sa pinaka-ultimong pakay, kung alam ng isa kung papaano sila gamitin. Nasabi Ko na sa inyo nang maraming beses. Ang kasalanan ay isang di na kailanman mareremedyuhan na kasiraan kung ito lamang ay hindi sinusundan ng pagsisisi at pagbabayad-kasalanan. Sa kabaligtarang kaso, at pagsisisi ng isang puso ay nakagagawa ng isang solidong halo ng semento upang ang mga pundasyon ng kabanalan ay maging matibay at ang mga bato nito ay mabubuting mga resolusyon. Mapagkakabit ba ninyo ang mga bato nang walang semento? Nang wala ng halo na iyan, na tila pangit at aba, subalit kung wala ito ang malilinis na bato at makikintab na marmol ay hindi mapagkakabit upang makaporma ng isang gusali?»

¹⁸Si Jesus ay nasa punto na upang umalis.

Si Juan, kung kanino ang kanyang kapatid at ang isa pang Santiago kasama si Pedro at si Bartolomeo ay nagsalita sa mabababang tinig, ay tumayo at sinundan Siya nagsasabing: «Jesus, aking Diyos. Umaasa kami na masabi ang dasal sa Inyong Ama kasama Kayo. Ang Inyong dasal. Pakiramdam namin napatawad lamang kami nang kaunti, kung hindi Ninyo kami pagkakalooban na masabi ito na kasama Kayo. Ang pakiramdam namin kailangang-kailangan namin ito...»

«Kapag dalawa ang nagkakaisa sa pananalangin, Ako ay nasa gitna nila. Kung kaya't dasalin ang dasal nang magkakasama, at Ako ay nasa pagitan ninyo.»

«Ah! Hindi na Ninyo kami tinitingnan na karapat-dapat nang pagdarasal na kasama Kayo!» sigaw ni Pedro na ang kanyang mukha nakatago sa damo, na hindi lahat nalinisan ng dibinong Dugo, at siya ay umiiyak nang napakapait.

Si Santiago ni Alfeo ay bumulalas: «Kami ay hindi masaya, kap... Panginoon.» Itinama niya kaagad ang kanyang sarili, nagsasabing: “Panginoon” sa halip ng “kapatid”.

At si Jesus ay tinitingnan siya at nagsabi: «Bakit hindi mo sinasabing kapatid sa Akin, ikaw, na Aking kadugo? Isang kapatid ng lahat na mga tao, Ako ay doble pa, tatlong beses pang kapatid sa iyo, bilang anak ni Adan, bilang anak ni David, bilang anak ng Diyos. Kumpletuhin mo ang salita.»

«Kapatid, aking Panginoon, kami ay di-masaya at tanga, katulad ng nalalaman Ninyo, at ang dumi na kami nga ay nagagawa kaming mas tanga pa. Papaano namin sasabihin ang Inyong panalangin sa pamamagitan ng aming mga kaluluwa, kung hindi namin nalalaman ang ibig-sabihin nito?»

«Gaano karaming beses, katulad sa mga batang wala pa sa edad, na naipaliwanag Ko na ito sa inyo! Ngunit mas sutil at mas matigas pa ang ulo kaysa sa pinaka nakatanga na mag-aaral “ng isang pedagogo”, hindi ninyo maalaala ang Aking salita!»

«Iyan ay totoo! Ngunit ngayon ang aming mga isip ay nakapako sa aming pahirap na hindi namin Kayo naintindihan... O! Wala kaming naintindihan na kahit ano! Ipinagtatapat ko ito sa katauhan ng lahat! At hindi pa namin Kayo naiintindihan nang mabuti, Panginoon. Ngunit, nakikiusap ako sa Inyo, kunin ang indulhensya para sa aming kasamaan mula sa gayon ding kasamaan na nagpapapurol sa aming ulo. Naputulan Kayo ng hininga at ang dakilang rabbi ay isinigaw ang katotohanan tungkol sa kapurulan ng Israel, sa banda roon, sa paanan ng Inyong Krus. At Kayo, omnipresenteng Diyos, Espiritu ng Diyos nakalaya sa kulungan ng Katawan, ay napakinggan Ninyo ang mga salitang iyon: “Mga panahon at mga panahon ng kabulagang espirituwal ang nasa panloob na paningin”, at ginawa niya ang hiling na ito sa Inyo: “Sa dahilan na Kayo ang Libertador, halikayo sa aking kaawa-awang isip, na isang bihag ng mga pormularyo”. O aking sinamba at kasamba-sambang Jesus, Na nagligtas sa amin mula sa orihinal na Kasalanan, sinasagot ng Kanyang Sarili ang aming mga kasalanan at tinutupok ito sa init ng Inyong perpektong pagmamahal, kunin at tupukin din ang aming mga katalinuhan ng matitigas-ang-ulo na mga Israelita, bigyan kami ng bagong mga pag-iisip, na kasing puro ng kaisipan ng isang bagong panganak na sanggol, gawing mawala namin ang aming mga memorya, upang punuin kami ng Inyong karunungan lamang. Napakaraming bagay ng nakaraan ang namatay noong nakapangingilabot na araw na iyon. Patay katulad Ninyo. ngunit ngayon na kayo ay nakabangon na mula sa kamatayan, gawing pumunta sa amin ang isang bagong pag-iisip. Maglikha ng bagong mga puso at bagong mga isip para sa amin, aking Panginoon, at maiintindihan namin Kayo» nakikiusap si Juan.

¹⁹«Ang gawaing iyan ay hindi para sa Akin, bagkus para sa Kanya na ang tungkol Kanino Ako ay nagsalita sa inyo noong huling Hapunan. Ang bawat salita Ko ay nawala sa kalaliman ng inyong mga isip, lath o bahagi, o nananatiling nakasusi at nasasaraduhan ng espiritu nito. Tanging ang Paraklito lamang, kapag Siya ay dumating na, ang magpapalabas ng Aking mga salita mula sa inyong mga kalaliman at bubuksan ito sa inyo, upang magawa kayong maintindihan ninyo ang espiritu ng mga ito.»

«Ngunit nailagay na Ninyo Siya sa amin» sabi ng Zealot nang may pagtutol.

«Ngunit sinabi Ninyo na, kapag nakapunta na Kayo sa Ama, Siya, ang Espiritu ng Katotohanan, ay darating» pagtutol din ni Mateo kasama ang Zealot.

«Sabihin sa Akin: kapag pinanganak ang isang sanggol, mayroon ba siyang isang kaluluwa na nakalagay sa kanya?»

«Siyempre mayroon siya!» tugon nilang lahat.

«Ngunit ang kaluluwa bang iyon ay may Grasya ng Diyos?»

«Wala. Nariyan ang Kasalanan ng pinanggalingan at napagkakaitan ito ng Grasya.»

«At saan nanggagaling ang kaluluwa at ang Grasya?»

«Mula sa Diyos.»

«Bakit kung gayon hindi diretsong binibigay ng Diyos sa tao ang isang kaluluwa na nasa grasya?»

«Sapagkat si Adan ay pinarusahan, at kami sa kanya. Ngunit ngayon na Kayo ay naging ang Tagapagtubos na, ito ay magiging gayon na.»

«Hindi. Hindi ito magiging gayon. Ang mga tao ay laging ipanganganak na di-puro sa kanilang mga kaluluwa, na nilikha ng Diyos at na namantsahan ng pamana ni Adan. Ngunit, sa pamamagitan ng isang ritwal na Aking ipaliliwanag sa inyo isang araw, ang kaluluwa inilagay sa tao ay bibigyan ng buhay ng Grasya, at ang Espiritu ng Panginoon ay lulukuban ito. Ngunit kayo, na mga nabinyagan ng tubig ni Juan Bautista, ay bibinyagan ng Apoy ng Kapangyarihan ng Diyos. At pagkatapos ang Espiritu ng Diyos ay talagang mapapasainyo. At ito ay magiging ang Guro, Na hindi mauusig ng mga tao o mapapalayas, at Na sa loob ninyo ay ipaliliwanag sa inyo ang espiritu ng Aking mga salita at ang iba pang mga tagubilin. Inilagay Ko ito sa inyo, sapagkat tanging sa pamamagitan lamang ng Aking mga merito ang lath ay maaaring makuha at maging balido. Ang Diyos ay maaaring makuha at ang salita ng isang delegado ng Diyos ay makakakuha ng bisà.  Ngunit ang Espiritu ng Katotohanan ay wala pa sa inyo bilang Guro.»

«Bueno, hayaan iyang ganyan. Pagdating ng oras iyan ay darating. Ngunit pansamantala, gawing maramdaman namin na pinatawad na Ninyo kami. Maging aming Guro, aking Panginoon. Sa muli, sa muli, sapagkat sinabi Ninyo na kami ay dapat na magpatawad ng pitumpu’t pitong beses» pamimilit ni Juan at nagtatapos siya – siya ang laging pinaka matapatin at mapagmahal na isa – naglalakas-loob  na kunin ang kaliwang Kamay ni Jesus, na nakabitin sa isang tabi at kung saan ang liwanag ng buwan ay tila pinalalaking tingnan ang butas ng pako, nagsasabing: «Sa dahilan na Kayo ang eternal na Liwanag, huwag pabayaan ang Inyong mga lingkod sa loob ng kadiliman» at hinahalikan niya ang mga daliri nang malumanay, sa mga dulo, ang mga daliring ito na nananatiling medyo baluktot katulad na katulad lamang ng isang daliri na nasugatan at gumaling, ngunit ang mga nerbiyo ay medyo umikli.

²⁰Halikayo. Umakyat pa tayo nang kaunti at sasabihin natin nang magkakasama ang dasal» sabi ni Jesus nang napipilitan, pinababayaan ang Kanyang kamay sa loob ng mga kamay ni Juan, habang naglalakad na Siya patungo sa pinakamataas ng bahagi ng Gethsemane, patungo sa mas mataas na daan na, sa pamamagitan ng Field of the Galilean, ay patungo sa Bethany.

Dito rin ay makikita ang paglalagay ng hangganan na ginusto ni Lazarus. Mahigit pa rito, dito, malayu-layo sa bahay ng nangangalaga ng taniman ng mga punong-olibo, ay naglagay sila ng isang makinis na mataas na pader, na sumusunod sa halamang-bakod at sa paliku-likong landas na siyang ang hangganan ng Gethsemane.

Ang Herusalem, sa ibaba, ay unti-unting makikita mula sa kadiliman, sa bandang kanlurang tabi rin, sapagkat ang buwan ay ngayon nasa tuktok na at napaliliwanagan ang lahat sa pamamagitan ng maputing liwanag ng manipis na hugis-suklay nito, kasing ningning ng isang brilyanteng apoy na inilagay sa madilim na papawirin, kung saan pakisap-kisap ang nagniningning na mga korola ng isang di-mabilang na mga bituin, ng di-kapani-paniwalang mga bituin ng silanganing mga kalawakan.

²¹Si Jesus ay inuunat ang Kanyang mga kamay sa Kanyang dating aktitud ng panalangin at sinasahimig: «Ama namin Na nasa Langit.» Siya ay tumigil at nagkukumento:

«Na Siya ay isang Ama ay pinatutunayan sa inyo ng katotohanan na kayo ay pinatawad Niya. Kayo, inobligang maging perpekto nang higit pa kahit sino pa man, kayo, na tumanggap ng napakaraming pabor, at kung gayon, katulad ng sinasabi ninyo, hindi angkop para sa misyon, alin na Panginoon, na hindi inyong Ama, ang hindi kayo parurusahan? Hindi Ko kayo pinarusahan. Ang Ama ay hindi kayo pinarusahan. Sapagkat ginagawa ng Anak kung ano ang ginagawa ng Ama, sapagkat ginagawa ng Ama kung ano ang ginagawa ng Anak, dahil kami ay isang Dibinidad lamang nagkakaisa sa Pagmamahal. Ako ay nasa Ama, at ang Ama ay kasama Ko. Ang Salita ay laging malapit sa Diyos, Na walang simula. At ang Salita ay una sa lahat na mga bagay, mula pa noong lagi, mula sa isang eternidad na pinangalanang lagi, mula pa noong isang eternal na pagiging malapit sa Diyos, at Diyos katulad ng Diyos, bilang ang Salita ng dibinong Isip.

Kung kaya't, kapag Ako ay nakaalis na, at sa ganitong paraan mananalangin kayo sa atin, sa Akin, sa inyong Ama, kung saan tayo ay magkakapatid, Ako ang panganay, kayo, ang mas nakababatang mga kapatid, maging laging may-gustong makita rin sa Akin ang Aking Ama at inyo. Maging laging may-gustong makita ang Salita, Na dating “ang Guro” para sa inyo, at minahal kayo kahit hanggang sa tanggapin ang kamatayan at mahigit pa sa kamatayan, iniiwan ang Kanyang Sarili sa inyo sa pagkain at inumin, upang kayo ay sana mapasaakin at Ako sa inyo hanggang sa tumatagal ang pagkakatapon. At pagkatapos kayo at Ako sa Kaharian, para sa kung saan tinuruan Ko kayo na magdasal, nagsasabing: “Mapasaamin ang Kaharian Ninyo”, pagkatapos na nakiusap kayo na ang inyong gawa ay mapabanal sana ang Pangalan ng Panginoon, binibigyan Siya ng kaluwalhatian sa Lupa at sa Langit. Oo. Hindi magkakaroon ng Kaharian para sa inyo sa Langit, ang Kaharian para sa mga naniniwalang katulad ninyo, kung una muna ay ayaw ninyo ang Kaharian ng Diyos sa inyong mga sarili sa pamamagitan ng tunay na pagsasabuhay ng Batas ng Diyos at ng Aking salita, na siyang ang pagpapaperpekto ng Batas, bilang binigyan na, sa oras ng Grasya, ng Batas ng mga pinili, ibig sabihin, ng mga tao na, mahigit pa sa sibil, moral, panrelihiyon na mga saligang-batas ng panahon ni Moses, ay nasa espirituwal na Batas na noong panahon ng Kristo.

²²Nakikita ninyo kung ano ang magkaroon ng kalapitan ng Diyos, ngunit wala ang Diyos sa inyo; kung ano ang magkaroon ng salita ng Diyos, ngunit wala ang tunay na pagsasabuhay ng salitang iyan. Ang tao ay nagawa ang bawat krimen na ang Diyos ay nasa malapit niya, ngunit wala sa kanyang puso; na mayroon ng kaalaman tungkol sa salita, ngunit wala ang pagsunod dito. Lahat! Lahat dahil diyan. Kapurulan at dilingkuwensiya, pagpatay-sa-diyos, pagkanulo, pagpapahirap, ang kamatayan ng Inosente at ng Kanyang Cain, ang lahat ay nangyari sa pamamagitan niyan. Gayunpaman, sino ang minahal Ko nang katulad kay Judas? Ngunit wala Ako-Diyos sa loob ng kanyang puso. At siya ay ang isinumpang mamamatay-sa-diyos, walang-hangganan ang pagkakasala bilang isang Israelita at bilang isang disipulo, bilang isang nagpakamatay at isang pumatay-sa-diyos, bukod sa kanyang pitong nakamamatay na mga kasalanan at bawat iba pang kasalanan niya.

Mapapasainyo na ngayon ang Kaharian ng Diyos nang mas madali, sapagkat nakuha Ko ito para sa inyo sa pamamagitan ng Aking kamatayan. Natubos Ko na Kayo sa pamamagitan ng Aking kapighatian. Itanim iyan sa inyong mga isipan. Kung gayon gawin na walang sinuman ang manyurak sa Grasya, sapagkat nakuha ito sa pamamagitan ng buhay at Dugo ng isang Diyos. Kung kaya't gawin na ang Kaharian ng Diyos ay mapasainyo, mga tao, sa pamamagitan ng Grasya; Gawing mapasa-Lupa ito, sa pamamagitan ng Simbahan, gawing mapasa-Langit ito, para sa pinagpalang mga kaluluwa na, bilang nabuhay kasama ang Diyos sa kanilang mga puso, kaisa ng Katawan na si Kristo ang Ulo, kaisa ng Baging na ang bawat Kristiyano ay isang sanga, karapat-dapat na magpahinga sa Kaharian Niya para kung Kanino ang lahat na mga bagay ay ginawa: Ako, Na nagsasalita sa inyo at ibinigay ang Sarili sa Kalooban ng Ama, upang ang lahat ay sana mangyari. Kung kaya't maituturo Ko sa inyo, nang walang pagkukunwari, na kailangan ninyong magsabi: “Masusunod ang Inyong Kalooban dito sa Lupa katulad na ito ay nasusunod sa Langit”. Kung papaano Ko ginawa ang kalooban ng Aking Ama ay maikukuwento ng mga sandakot ng lupa, ng mga tanim, ng mga bulaklak, ng mga bato sa Palestina, ng Aking sinugatan na Katawan at ng isang buong populasyon. 

Gawin ang katulad ng Aking ginawa. Hanggang sa pinaka katapusan. Kahit ha hanggang sa kamatayan sa isang krus, kung ito ay gugustuhin ng Diyos. Sapagkat, alalahanin, ginawa Ko ito, at walang sinumang disipulo ang karapat-dapat ng awa nang higit pa sa nararapat sa Akin. Gayunpaman tinanggap Ko ang pinaka malaking kapighatian. At gayunpaman Ako ay sumunod nang may perpetwong mga pagrerenunsiya. Nalalalaman ninyo. Makaiintindi kayo nang mas lalo pa sa hinaharap kapag nakakatulad na ninyo Ako Na iniinom ang isang lagok sa Aking kalis.... Gawin na ang kaisipan na ito ay palaging nasa inyo: “Sa pamamagitan ng pagsunod na ito sa Ama, nailigtas Niya tayo”. At kung ibig ninyong maging mga tagapagligtas, gawin kung ano ang Aking ginawa. Magkakaroon ng ilan na makakaranas ang mga krus, ang ilan ang mga pagpapahirap ng mga tirano, ang ilan ang pagpapahirap ng pagmamahal, ang ilan ang pagkatapon mula sa Langit, patungo kung saan sila ay kikiling hanggang sa napaka hulíng edad bago umakyat doon. Bueno, sa lahat ng bagay gawin na mangyari ang kalooban ng Diyos. Isipin na ang  pagpapahirap ng kamatayan o ang pagpapahirap ng buhay, habang ibig ninyong mamatay upang makapunta kung nasaan Ako, ay pareho sa mga mata ng Diyos, kung ito ay pinaghirap nang may masayang pagsunod. Sila ay Kanyang Kalooban. Kung gayon sila ay banal.

²³Bigyan kami ng aming tinapay sa araw-araw”. Araw-araw, oras-oras. Ito ay pananampalataya. Ito ay pagmamahal, ito ay pagsunod. Ito ay kababaan-ng-loob. Ito ay pag-asa, ang paghinging ito ng tinapay para sa isang araw, at tinatanggap ito nang kung ano ito. Matamis ngayon, mapait bukas, labis, kakaunti, may mga pampalasa o mga abo. Lagi katulad na ito ay ang makatarungan. Ang Diyos, Na siyang isang Ama, ang nagbibigay nito. Kung gayon ito ay mabuti.

Sa ibang oras magsasalita Ako sa inyo tungkol sa isa pang Tinapay, na makapagpapalusog na kainin araw-araw, at magdasal sa Ama na mapanatili ito. Sapagkat kapahamakan ang darating sa araw na iyan at sa mga lugar kung saan wala ng tinapay na ito sa pamamagitan ng kalooban ng mga tao! Ngayon nakikita ninyo kung gaano kalaki ang tao sa kanilang mga gawain ng kadiliman. Manalangin sa Ama na sana maipagsanggalang Niya ang Kanyang Tinapay at maibigay ito sa inyo. Habang mas nagsusumikap ang kadiliman na masakal ang Liwanag at ang Buhay, katulad ng ginawa nito noong Araw ng Preparasyon, mas lalo sana Niyang maibigay ito sa inyo. Ang ikalawang Araw ng Preparasyon ay hindi magkakaroon ng resureksiyon. Tandaan iyan, lahat kayo. Kung ang Salita ay hindi na maaaring mapatay. Ang Kanyang Doktrina ay maaari pa ring patayin at ang kalayaan at kalooban na mahalin Siya ay maaaring mapatay sa napakaraming mga tao. Ngunit pagdating niyan ang Buhay at Liwanag ay matatapos na para sa mga tao. At kapahamakan ang darating sa araw na iyan! Gawin ang Templo na maging isang halimbawa para sa inyo. Tandaan, sinabi Ko: “Iyan ang malaking Labí ”.

²⁴“Patawarin ang aming mga pagkakasala, katulad na pinatatawad namin ang nagkakasala laban sa amin”,

Sa dahilan na kayong lahat ay mga makasalanan, maging mapagpakumbaba sa mga makasalanan. Alalahanin ang Aking mga salita: “Bakit mo tinitingnan ang palito sa mata ng inyong kapatid, kung hindi mo muna inaalis ang tabla sa iyong sariling mata?” Ang Espiritung Aking inilagay sa inyo, ang orden na binigay Ko sa inyo, ay pinagkakalooban kayo ng awtoridad na patawarin ang mga kasalanan ng inyong kapwa, sa ngalan ng Diyos. Ngunit papaano ninyo gagawin iyan, kung ang Diyos ay hindi pinatatawad ang inyo?  Magsasalita Ako ulit tungkol diyan. Pansamantala sinasabi Ko sa inyo: Patawarin ang nananakit sa inyo, upang mapatawad at maging karapat-dapat na magpatawad o magkundina. Ang isang walang kasalanan ay magagawa ito nang may ganap na katarungan. Siya na hindi nagpapatawad, habang siya ay nasa kasalanan at nagmamaang-maangan na naiiskandalo, ay isang hipokrita at hinihintay siya ng impiyerno. Sapagkat, kung may awa pa para sa mga inaalagaan, mahigpit ang magiging hatol laban sa mga tagapag-alaga ng mga inaalagaan, may gayon ding kasalanan o mas mahigit pa, sa kabila na puno sila ng Espiritu na makakatulong sa kanila.

²⁵”Huwag kaming ipahintulot sa tukso, bagkus iadya ninyo kami mula sa kasamaan”. Iyan ay kababaang-loob, ang pundamental na bato ng perpeksiyon. Sinasabi Ko sa inyong totoo na pagpalain ang mga nagpapahiya sa inyo, sapagkat binibigyan nila kayo ng kung ano ang kinakailangan para sa inyong selestiyal na mga trono.

Hindi. Ang tukso ay hindi isang kasiraan, kung ang tao ay nananatiling mapagpakumbaba malapit sa Ama at hinihingi sa Kanya na huwag pahintulutan si Satanas, ang mundo at ang laman na mangibabaw sa kanya. Ang korona ng pinagpalang mga kaluluwa ay adornado ng mga batong-hiyas ng mga tukso na kanilang nalabanan. Huwag maghanap para sa kanila. Bagkus huwag maging mga duwag kapag sila ay dumating. Mapagpakumbaba, at kung gayon malakas, sumigaw sa Aking Ama at inyo: “Iadya kami mula sa masama”, at matatalo ninyo ang masama. At totoong mapapabanal ninyo ang Pangalan ng Diyos sa pamamagitan ng inyong mga gawa, katulad ng Aking sinabi sa simula, sapagkat ang bawat tao, kapag nakikita kayo, ay magsasabi: “Ang Diyos ay naririto, sapagkat namumuhay sila bilang mga diyos, perpektong-perpekto ang kanila asal”, at sila ay pupunta sa Diyos, pinararami ang mga mamamayan ng Kaharian ng Diyos.

²⁶Lumuhod, na sana mapagpala Ko kayo at ang Aking pagpapalà ay mabuksan sana nito ang inyong mga isip sa pagninilay-nilay.»

Pinagpatirapa nila ang kanilang mga sarili sa lupa at pinagpapala Niya sila, pagkatapos Siya ay nawala, na tila Siya ay sinipsip ng isang sinag ng buwan.

Pagkaraan nang kaunti pagkatapos ang mga apostol ay itinaas ang kanilang mga ulo, nagtataka na hindi na sila makarinig ng kahit ano pang salita, at nabatid nila na si Jesus ay nawala na... Nagpatirapa silang muli na ang kanilang mga mukha nasa lupa, sa matagal nang ikinatatakot ng Israelita na nakaranas ng pakikipag-usap sa Diyos, dahil Siya ay nasa Langit.

151112

 

 



Sunod na kabanata