627. Ang mga Apostol Tinahak ang Daan ng Krus.

Abril 14, 1947.

¹Ang Herusalem ay umaapoy nang mainit sa katanghaliang araw. Ang isang malilim na arko ay isang kaginhawahan para sa mga matang nasisilaw ng araw, na sumisikat nang umaapoy sa maputing mga pader ng mga bahay at ginagawa ang mga kalsada na napakainit. At ang napakaliwanag na kaputian ng mga pader at ang madilim na mga arko ay nagagawa ang Herusalem na isang kakatwang larawan na black and white, isang salit-salitan ng maliwanag at malabong liwanag, at ang kaibhan sa matingkad na mga liwanag ay nagagawa ang huli na magmukhang madilim, isang pagsasalita-salitan na nagpapahirap katulad ng isang obsesyon, sapagkat napagkakaitan nito ang isa na makakita, sapagkat ang liwanag ay kung hindi napakalakas ito ay napakalabo. Ang mga tao ay naglalakad na ang kanilang mga mata medyo nakasarado, nagsisikap na malampasan ang lugar ng liwanag at init, bumabagal sa ilalim ng mga arko, kung saan ang isa ay kailangan na magdahan-dahan, sapagkat ang kaibhan ng liwanag at dilim ay napipigilan ang isa na makakita ng kahit ano, kahit na kung ang mga mata ay bukas.

Ganyan ang mga apostol nagpapatuloy sa isang bayan na nawalan ng mga tao gawa ng init. At sila ay pinagpapawisan at pinupunasan nila ang kanilang mga mukha at mga leeg sa pamamagitan ng kanilang mga pantakip sa ulo at sila ay naghihingalo...

Ngunit noong kailangan na nilang iwanan ang bayan, wala na silang masisilungan na mga arko. Ang daan na umaagapay sa mga pader at nawawala patungo sa hilaga at sa timog katulad ng isang nakasisilaw na ribon ng maputing maningning na liwanag, ay tila isang lupa ng pugon. Ang init na tumataas mula rito ay katulad ng init ng isang pugon, isang init na nagpapatuyo sa mga bagà ng isang tao. Ang maliit na ilog na nasa kabila ng mga pader ay may isang manipis na tulo ng tubig sa gitna ng kanal ng mga bato nito, na nagawa ng araw na maging kasing puti ng natuyong na mga bungo. Ang mga apostol ay nagmadali patungo sa tumutulong tubig na iyon at umiinom. Binabasa nila ang kanilang mga pantakip sa ulo, at pagkatapos na mahugasan ang kanilang mga mukha, inilalagay nila ito sa kanilang mga ulo na tumutulo pa ng tubig. Nagpapasasa sila sa kaunting tubig na iyon binababad ang kanilang mga paa. Siyempre iyon ay isang kaawa-awang kaginhawahan. Ang tubig ay kasing init ng tubig na ibinuhos mula sa isang kaldero na nakabitin sa ibabaw ng isang apoy.. At sinasabi nila ito: «Ito ay mainit at kakaunti. Naglalasa itong putik at lihiya. Kung ito ay kakaunti, naglalasa itong katulad ng pinaglabhang tubig sa umaga.»

²Sinimulan nilang akyatin ang Golgotha. Ang sunóg na Golgotha, kung saan ang lumalagablab na araw ay natuyo ang kakaunting damo na nagmumukhang manipis na balahibo sa manilaw-nilaw na bundok noong nakaraang labinlimang araw. Ngayon tanging tuwid at pambihirang mga lamuymoy lamang ng matitinik na tanim, lahat mga tinik at walang dahon, dito at doon, ang makikita sa kanilang katulad-ng-kalansay na mga tangkay, na manilaw-nilaw na berde dahil sa alikabok ng bundok, eksaktong katulad ng mga butong kahuhukay pa lamang mula sa lupa. Oo. Nagmumukha silang katulad ng natuyong mga buto na nakatusok sa lupa. Mayroong isa sa kanila, na pagkatapos ng isang diretsong tangkay mga dalawang dangkal ang haba, ay nagkaroon ng isang págkiló na nagtatapos sa limang sanga pagkalampas sa isang parang paleta. Ito ay totoong nagmumukhang katulad ng isang kamay ng isang kalansay, nakaumang upang dakmain ang sinuman na dumaraan at hawakan siya sa lugar ng masasamang panaginip.

«Gusto ba ninyong kunin ang mahaba o ang maikling daan?» tanong ni Juan, na siyang tanging isa na nakarating na sa bundok na iyon.

«Ang mas maikli! Ang mas maikli! Bilisan natin! Mapupupusan ng paghingi rito ang isa!» sabi nilang lahat, maliban sa Zealot at kay Santiago ni Alfeo.

«Tayo na!»

Ang mga bato ng ginawang daan ay kasing init ng mga pinggang kinuha mula sa isang apoy.

«Ngunit imposibleng makapunta rito! Ito ay imposible!» sabi nila pagkaraan ng ilang mga metro.

«Gayunpaman ang Panginoon ay inakyat ito hanggang sa layo ng lugar na iyon, kung saan tumutubo ang matinik na palumpong na iyon, at Siya ay may mga sugat na at dala-dala ang krus» wika ni Juan, na kanina pa umiiyak mula nang mapatuntong siya sa Kalbaryo.

Sila ay nagpapatuloy. Ngunit kaagad nilang ibinagsak ang kanilang mga sarili sa lupa, lubos na hinahapo, at nahihirapan na makahinga. Ang kanilang mga pantakip sa ulo na kanilang binasa sa tulo ng tubig kanina, ay tuyung-tuyo na, datapwa't ang kanilang mga suot ay basa ng pawis.

«Napakatarik at napakainit!» sabi ni Bartolomeo, hinihingal at sumisinghal.

«Oo. Labis na labis!» patotoo ni Mateo, na hindi na makahinga.

«Ang araw ay pareho kahit saan. Ngunit upang makaakyat, kunin natin ang daan na iyon. Iyon ay mas mahaba, ngunit hindi masyadong matarik. Si Longinus ay iyan din ang kinuha upang maakyat ng Panginoon ang daan. Kita ninyo iyon, kung saan naroroon ang kung baga maitim na bato? Ang Panginoon ay diyan bumagsak at akala namin Siya ay patay na, habang kami ay nakatingin mula doon, mula sa hilaga, sa banda roon, kita ninyo? kung saan naroroon ang butas sa lupa na iyon, bago ang biglang pag-akyat. Hindi na Siya gumagalaw pa. O! ang iyak ng Kanyang Ina! Umaalingawngaw iyon dito sa akin! Hindi ko makakalimutan ang iyak na iyon! Hindi ko makakalimutan kahit alin sa Kanyang daing... Ah! May mga bagay na magagawa ang isa na tumanda sa loob ng isang oras at nagbibigay ito ng sukat ng kapighatian ng mundo...  Halikayo, tayo na! Ang ating Martir, ang Panginoon, ay hindi tumigil dito ng kasing tagal ng ginawa ninyo!» sabi ni Juan pinagpapatuloy sila.

³Tumayo sila nagmumukhang namamangha at sinusundan nila siya hanggang sa makatagpo ng may-mga-batong daan ang espiral na daan, at nagpatuloy sila sa huli. Oo. Hindi ito masyadong matarik. Ngunit kung iisipin ang araw! Ang init ay mas matindi pa, dahil ng tarík, na tinatahak ng landas, ay ibinabalik nito ang init sa mga naglalakad na nadarang na ng araw.

«Ngunit bakit tayo papuntahin dito sa oras na ito?! Hindi ba Niya maaaring papuntahin tayo sa pagsikat ng araw, kapag may sapat nang liwanag na makakita kung saan natin mailalagay ang ating mga paa? Lalo pa nga na tayo ay nasa labas ng mga pader at makakapunta tayo nang hindi na naghihintay na magbukas ang mga geyt.» Sila ay nagrereklamo at pabulung-bulong sa kanilang mga sarili.

Ang mga tao, mga tao pa rin at laging mga tao, ngayon, pagkatapos ng trahedya ng Biyernes Santo, na mas trahedya ng kanilang pagmamalaki at karuwagang pagkatao, kaysa sa isang trahedya ng Kristo, Na siyang laging ang nananagumpay na bayani kahit na noong namamatay; ang mga tao katulad noong dati, noong sila ay  nalasing ng mga sigaw ng mga hosana ng mga pulutong, at sila ay labis na nasiyahan iniisip ang mga kapistahan at ang mararangyang bangkete sa bahay ni Lazarus... Bingi, bulag, mapurol sa lahat na mga tanda at babala tungkol sa namimintong bagyo.

Si Santiago ni Alfeo at ang Zealot ay lumuluha nang tahimik. Si Andres din ay hindi na nagrereklamo pagkatapos ng huling mga salita ni Juan. Si Juan din ay nagsasalita ngayon, sinasariwa sa isip at ang kanyang pagsasariwa ay isang pangkapatiran na panggaganyak, isang panghihikayat na huwag magreklamo... Sinasabi niya: «Ito ang oras kung kailan Siya nakarating dito. At Siya ay matagal nang nakapaglakad. O! Masasabi ko na, mula pa noong Siya ay nakaalis sa silid-Hapunan, hindi pa Siya nagkaroon ng isang sandali ng pagpapahinga! At iyon ay isang napakainit na araw! Naroon ang kaalinsanganan ng namimintong bagyo... At Siya ay umaapoy sa mataas na lagnat. Sinabi ni Nike na tila nahihipo niya ang apoy  noong kanyang inilapat ang linen na tela sa Kanyang mukha. Ang lugar kung saan Niya natagpuan ang mga babae ay maaaring malapit dito... Sa dahilan na kami ay nasa kabilang tabi, hindi namin nakita ang pagtatagpo. Ngunit, ayon sa sinabi sa akin ni Nike at ng mga babae... Halina kayo. Tayo na! Isipin na lamang na ang mga binibining Romano, na hindi sanay na pumunta sa mga lugar nang wala sa mga kamilya, ay nilakad pataas ang daan na ito na nakalantad sa araw mula sa umaga, mula sa ikatlong oras, noong Siya ay hinatulan ng kamatayan. O! sila, ang mga paganong babae, ay naunahan ang lahat, at sila ay nagpadala ng mga alipin upang pasabihan ang iba pa na wala roon para sa kung ilang dahilan...

⁴Sila ay nagpapatuloy... Ang daan na iyon ay isang umaapoy na pahirap! Sila ay sumusuray pa nga.

Sinabi ni Pedro: «Kung Siya ay hindi gagawa ng isang himala, tayo ay babagsak sa init ng araw.»

«Oo. Ang aking puso ay umaapoy sa aking lalamunan» sabi ni Mateo sa pagsang-ayon.

Si Bartolomeo ay hindi na ulit nagsasalita. Siya ay tila nalilito. Si Juan ay hinahawakan siya sa siko at sinusuportahan siya, katulad ng ginawa niya sa Ina noong malupit na Biyernes Santo. At upang mapaginhawahan sila sinabi niya: «Hindi malayo dito ay ang ilang lilim. Kung saan aking dinala ang Ina. Magpapahinga tayo doon.»

Sila ay nagpapatuloy, at pabagal nang pabagal...

Nandoon na sila ngayon sa bato kung saan naroroon noon si Maria. At si Juan ay sinasabihan sila. Doon sa katunayan ay may kaunting lilim. Ngunit ang hangin ay hindi gumagalaw at mainit.

«Kung mayroon man lamang sana ng isang tangkay ng anis, isang dahon ng menta, isang dahon ng damo! Ang aking bunganga ay katulad ng isang pergamino na inilagay malapit sa apoy. Ngunit wala! Wala!» daing ni Tomas, na ang kaninong mga ugat ay namamaga na sa kanyang leeg at noo.

«Ibibigay ko ang natitirang buhay ko para sa isang patak ng tubig» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

Si Judas Tadeo ay napaiyak at sumigaw: «Ang aking kaawa-awang kapatid, gaano Ka naghirap! Sinabi Niya... Sinabi Niya, naaalaala ba ninyo? na Siya ay namamatay gawa ng pagkauhaw? O! ngayon naiintindihan ko na! Hindi ko naintindihan ang ganap na kahulugan ng mga salitang iyon! Siya ay namatay sa uhaw! At wala ni isa ang nagbigay sa Kanya ng kahit isang patak ng tubig, noong Siya ay maaari pang makainom! At Siya ay nilalagnat, bilang karagdagan sa init ng araw!»

«Si Johanna ay nagdala sa Kanya ng pampalamig...» sabi ni Andres.

«Siya ay hindi na makakainom, sa pagkakataon na iyon! Hindi na Siya makapagsalita pa... Noong nakita Niya ang Kanyang Ina sa banda roon, sampung mga hakbang mula rito, ang tanging Kanyang masabi ay: “Inay!”, at ni hindi Niya Siya mahalikan, ni mula sa malayo, bagama't napaginhawahan Siya noong kinuha ni Simon ng Cyrene ang krus mula sa Kanya. Ang Kanyang mga labì ay tuyo, napatigas ng mga sugat... O! nakikita ko Siya nang maliwanag, mula sa likuran ng linya ng mga lehiyonaryo! Sapagkat ako ay hindi dumaan dito. Kinuha ko sana ang Kanyang krus, kung ako ay pinayagan nilang makaraan! Ngunit sila ay natatakot para sa akin... dahil sa pulutong na gusto kaming batuhin... Siya ay hindi makapagsalita... o makainom... o makahalik... Halos imposible para sa Kanya na makatingin sa pamamagitan ng Kanyang masasakit na mata na natatakpan ng mga natuyong dugo na bumababa mula sa Kanyang noo!... Ang Kanyang damit ay may punit malapit sa Kanyang tuhod, na makikita ng isa na nasugatan, dumurugo... Ang Kanyang mga kamay ay namamaga at may mga sugat... May sugat Siya sa Kanyang babà at pisngi... Ang krus ay nakagawa ng sugat sa Kanyang balikat, na nasugatan na ng paghagupit... Ang mga lubid ay kumain na sa Kanyang baywang... Ang Kanyang buhok ay tumutulo sa dugo ng mga sugat gawa ng mga tinik... Mayroon Siyang...»

«Manahimik! Manahimik! Hindi posibleng makapakinig. Manahimik! Nakikiusap ako at inuutos ko!» sigaw ni Pedro, na tila pinarurusahan.

«Hindi posibleng makapakinig sa akin! Hindi ka makapakinig sa akin! Ngunit kinailangan kong tingnan at pakinggan Siya sa Kanyang pasakit! At ang Kanyang Ina? Papaano ang Kanyang Ina, kung gayon?»

Iniyuyuko nila ang kanilang mga ulo, humihikbi at pinagpapatuloy nila ang paglalakad... Hindi na sila ulit nagrereklamo. Ngunit silang lahat ngayon ay iniiyakan ang mga paghihirap ng Kristo.

⁵Sila ngayon ay nasa tuktok na. Sa unang patag na malalakarang lugar: isang kapirasong patag na lugar ng apoy.

«Halikayo. Umakyat tayo rito. Ang senturyon ay ginawa kaming makaraan dito. Ako rin. Akala niya ako ay anak ni Maria. Ang mga babae ay nasa banda roon. At ang mga pastol sa banda roon. At sa banda roon ang mga Judaean...» tinuturo ni Juan ang iba't ibang mga lugar at naghinuha: «Ngunit ang pulutong ay sa ibaba, sa ibaba, nasasakop nila ang dalisdis hanggang sa ibaba ng lambak, hanggang sa daan. Sila ay nasa mga pader, sa mga terasa malapit sa mga pader. Hanggang sa maaabot ng paningin ng isa. Nakita ko iyan noong ang araw ay nagsimula nang matakpan ng mga ulap. Dati iyon ay katulad ngayon, at hindi ako makakita...»

Sa katunayan ang Herusalem ay katulad ng isang nanginginig na larawan sa ibaba. Ang kasobrahan na liwanag ay nagiging isang belo para sa mga gustong makakita. At si Juan ay nagsabi: «Sa ibang mga oras – sinabi ito ang Maria ni Lazarus, ngunit hindi ko alam kung kailan at kung bakit siya naparito – makikita ng isa ang maitim na labí ng mga bahay na nasunog gawa ng kidlat. Ang mga bahay ng mga pinaka may-kagagawan... ng marami, sa pagitan man lamang nila... Tingnan! Dito (binibilang ni Juan ang kanyang mga hakbang, sinasariwa niya ang eksena) si Longinus ay naririto at si Maria at ako ay dito. At dito ang krus ng nagsisising magnanakaw at sa banda roon ang isa pa. At dito kung saan sila nagtatapon ng mga dais para sa Kanyang mga damit. At sa banda roon ang Ina bumagsak noong ang Panginoon ay namatay... at mula rito nakita ko ang Kanyang Puso na tinutusok (si Juan ay naging kasing puti ng kamatayan)  sapagkat ang Kanyang Krus ay naririto» at lumuluhod siya sa lupa, nagsasamba na ang kanyang mukha nasa lupa na hinukay sa kahabaan ng lupa na basà ng dugo na katapat ng pahalang ng krus at sa paligid ng pinagtusukan ng krus. Maaaring nagtrabaho nang husto ang Magdalena upang mahukay ang labis na lupa, mga isang dangkal ang lalim, sa lupa na napakatigas, may kahalong bato at eskombro, upang ito ay maging masinsin!.

Lahat sila ay ibinagsak ang mga sarili upang halikan ang lupa, na ngayon ay kanila nang binabasa ng mga luha...

⁶Si Juan ang unang tumayo, at mapagmahal na walang-awa niyang sinasariwa ang lahat na tagpo... Hindi na niya nararamdaman pa ang init ng araw... Wala nang makaramdam nito... Sinasabi niya sa kanila kung papaano ni Jesus tinanggihan ang alak na may mira, kung papaano Niya inalis ang Kanyang mga damit at inilagay ang belo ng Kanyang Ina, kung papaano Siya lumitaw na masamang-masamang  nahagupit at nasugatan, at kung papaano Siya humiga sa krus at sumigaw sa unang pako, at pagkatapos hindi na Siya sumisigaw, upang ang Kanyang Ina ay hindi na maghirap nang labis, at kung papaano nila winasak ang Kanyang pupulsuhan at binali ang Kanyang kamay upang mahatak ito sa tamang lugar at kung papaano, noong Siya ay ganap nang nakapako, pinadapa nila ang krus upang maibaon ang iba pang mga pako, at ito ay mabigat na nakadagan sa Martir, Na ang Kaninong paghingal ay maririnig, at ang krus ay pinabaligtag ulit at itinaas habang kinakaladkad nila ito, at ito ay pinabagsak sa butas at nilagyan ng lupa, at kung papaano ang Kanyang Katawan bumagsak pinupunit ang Kanyang mga kamay, at ang korona na gumagalaw sinusugatan ang Kanyang ulo, at ang mga salitang Kanyang binigkas sa Kanyang Ama sa Langit, ang Kanyang mga salita humihingi ng kapatawaran para sa mga nagpapako sa Kanya sa krus at pinatawad ang nagsisising magnanakaw, at ang Kanyang mga salita sa Kanyang Ina at kay Juan, at ang pagdating ni Jose at ni Nicodemus, hayag na hayag sa kabayanihan sa pagharap sa buong mundo, at ang katapangan ni Maria ng Magdala, at ang sigaw ni Jesus na puno ng paghihirap sa Kanyang Ama Na nag-abandona sa Kanya, at ang Kanyang pagkauhaw, at ang suka na may apdo, at ang Kanyang huling aguniya, at ang Kanyang mahinang pakiusap sa Kanyang Ina, at ang mga salita ng Ina, na ang kaluluwa ni Jesus nasa punto na na mamatay dahil sa pahirap, ang pahirap... at ang Kanyang pagtanggap at pagpapasa-Diyos ng lahat, at ang Kanyang nakapangingilabot na kombulsiyon at ang sigaw na nagawa ang mundo na manginig, at ang sigaw ni Maria noong makita Niya Siya na patay na...

«Manahimik! Manahimik! Manahimik!» sigaw ni Pedro, at siya ay tila tinutusok ng sibat. Ang iba rin ay pinakikiusapan siya nagsasabing: «Manahimik! Manahimik!...»

⁷«Wala na akong sasabihin pang iba. Ang sakripisyo ay tapos na. Ang paglilibing... aming pahirap, hindi Kanya. Walang halaga iyon maliban sa kapighatian ng Ina. Aming pahirap! Iyon kaya ay nangangailangan ng habag? Ibigay natin iyan kay Jesus, sa halip na humingi ng habag para sa ating mga sarili. Lagi nating iniwasan nang labis ang kapighatian, pagod at maabandona, iniiwan ang lahat na iyan sa Kanya, sa Kanya lamang. Tayo ay totoong naging mga walang-kuwentang disipulo, dahil nagmahal tayo para sa kaluguran na tayo ay mahalin, dala ng pagmamalaki ng pagiging dakila sa Kanyang Kaharian, ngunit hindi natin Siya minahal sa Kanyang kapighatian... Ngayon hindi na ganyan. Dito. Kailangan na isumpa natin dito, ito ay isang altar, at ito ay mataas, nakaharap sa Langit at Lupa, na hindi iyan magiging ganyan. Ngayon lugod para sa Kanya, ang krus para sa atin. Ating isumpa ito. Iyan lamang ang tanging paraan na mabigyan ng kapayapaan ang ating mga kaluluwa. Dito si Jesus ng Nazareth, ang Mesiyas, ang Panginoon ay namatay, upang maging ang Tagapagligtas at Tagapagtubos. Gawin ang tao, ibig sabihin, kung ano tayo, ay mamatay dito, at ang tunay na disipulo ay tumaas. Taas! Isumpa natin sa Banal na Pangalan ni Jesucristo na gusto nating yakapin ang Kanyang doktrina hanggang sa sukdulan na mamatay para sa katubusan ng mundo.»

Si Juan ay tila isang serapin. Habang siya ay kumukumpas, ang kanyang pantakip sa ulo ay nalaglag, at ang kanyang olandes na buhok ay nagningning sa araw. Siya ay nakaakyat sa ilang nakatambak na durog na mga bato sa isang tabi, mga pansuporta sa mga krus ng mga magnanakaw, at kanyang di-sinasadyang naiunat ang kanyang mga kamay, na madalas gawin ni Jesus, kapag nagtuturo, at lalo na ang aktitud na mayroon Siya sa krus.

Ang iba ay tinitingnan siya, napakakisig, napaka-mapagpunyagi, ang pinakabata sa kanilang lahat,

«Tayo ay manalangin kung gayon, upang ang Ama ay sana pagtibayin ang ating panata: “Ama namin Na nasa Langit...”»

Ang koro ng labing-isang mga tinig ay naging mapagtiwala, mas na mas na mapagtiwala habang nagpapatuloy. At si Pedro ay dinadagukan ang kanyang dibdib habang sinasabi niya: «patawarin ang aming pagkakasala» at lahat sila ay lumuluhod nang sinasabi nila ang huling pakiusap: «ilayo kami sa tukso.»

Sila ay nananatiling gayon, nakatungo sa lupa, nagninilay-nilay...

⁸Si Jesus ay nasa pagitan nila. Hindi ko nakita kung kailan at mula saan Siya lumitaw. Masasabi ng isa na mula sa bahaging iyon ng bundok na di-mapupuntahan ng tao. Siya ay nagniningning sa pagmamahal sa maningning na liwanag ng katanghaliang araw at sinabi Niya: «Siya na nanatili sa Akin ay hindi magkakaroon ng kapinsalaan mula sa Masamang Isa. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga nakakaisa Ko sa paglilingkod sa Kataastaasang Tagapaglikha, na ang Kaninong mithiin ay ang kaligtasan ng bawat tao, ay makapagpapalayas ng mga dimonyo, magagawang di-makapipinsala ang mga ahas at mga lason, makakaraan nang hindi nasasaktan sa pagitan ng mga mababangis na hayop at mga apoy, para sa lahat ng oras na gusto ng Diyos na sila ay manatili sa Lupa upang paglingkuran Siya.»

Kailan Kayo dumating, Panginoon?» sabi nila tinataas ang kanilang mga ulo, ngunit nananatiling nakaluhod.

«Ang inyong panata ay tinawag Ako. At ngayon, ngayon na ang mga paa ng Aking mga apostol ay tumapak na sa kapirasong mga lupang ito, bumabang madali patungo sa bayan, sa silid-Hapunan. Ang mga babae mula sa Galilee ay aalis ngayong gabi kasama ang Aking Ina. Ikaw at si Juan ay sasama sa kanila. Tayong lahat ay magkikita-kita sa Galilee, sa Tabor» sabi Niya sa Zealot at kay Juan.

«Kailan, Panginoon?»

«Malalaman ni Juan at sasabihin niya sa inyo.»

«Iiwanan ba Ninyo kami, Panginoon? Hindi ba Ninyo kami pagpapalain? Kailangang-kailangan namin ang Inyong pagpapalà.»

«Ibibigay Ko iyan sa inyo dito at sa silid-Hapunan. Magpatirapa!»

Pinagpapala Niya sila, at ang kaliwanagan ng araw ay binabalot Siya katulad noong Kanyang Transpigurasyon, ngunit dito Siya ay itinatago nito. Si Jesus ay wala na roon.

Sila ay tumingala. Ngunit wala silang makita bagkus ang araw at ang tuyong lupa... «Umakyat tayo at lumakad! Siya ay wala na!» sabi nila nang malungkot.

«Ang Kanyang pagsama sa atin ay paikli nang paikli!»

«Ngunit ngayon mas masaya Siyang tingnan kaysa kagabi. Hindi ba sa palagay mo, kapatid?» Si Tadeo ay tinatanong si Santiago ni Alfeo.

«Ang ating panata ay nagawa Siyang masaya. Pagpalain ka nawa, Juan, sa paggawa mo sa amin na gawin ang panata!» sabi ni Pedro, niyayakap si Juan.

«Umaasa ako na magsasalita Siya tungkol sa Kanyang Pasyon! Bakit Niya tayo pinapunta rito at pagkatapos walang sinasabing kahit ano?» tanong ni Tomas.

«Tatanungin natin Siya ngayong gabi» sabi ni Andres.

«Oo. Ngunit lumakad na tayo ngayon. Mahabang lakarin ito at ibig natin na makasama si Maria nang matagal-tagal,  bago Siya umalis» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Isa pang kaluguran na magtatapos!» sabi ni Tadeo nang may pagbuntung-hininga.

«Tayo ay nagiging mga ulila! Ano ang ating gagawin?» Binalingan nila sina Juan at Simon at, nang may tila pagka-inggit sa kanilang mga tinig, sinabi nila: «Kayo, man lamang, ay sasama sa Ina! At makakasama ninyo Siya lagi.»

Si Juan ay napakilos, na tila upang sabihin: «Ganyan iyan.» Ngunit sila, na ang kaninong pagka-inggit ay walang malisya bagkus may-kagiliwan, ay nagsabi kaagad: «Datapwa't iyan ay tama. Sapagkat ikaw ay naririto noon kasama Siya at kinailangan mong mapunta rito dala ng pagsunod. Kami...»

⁹Nagsimula silang bumaba. Ngunit nang sila ay kaagad nakarating sa ikalawang patag na lugar, ang mas mababa, nakakita sila ng isang babae na dumarating doon, sa kainitan ng araw, galing sa matarik na daan, at tinitingnan sila mula taas hanggang baba nang walang sinasabi, ang kanyang mga hakbang disididong patungo sa mas mataas na patag na lugar.

«Ang mga tao ay pumupunta na rito! Hindi lamang si Maria ang pumupunta. Ngunit ano ang kanyang ginagawa? Siya ay umiiyak, tinitingnan ang lupa. Siya ba kaya ay nawalan ng kung anong bagay nang araw na iyon?» tinatanong nila ang isa't isa. Sa katunayan baka nga ganito, sapagkat hindi makilala kung sino siya. Ang mukha ng babae ay ganap na natatakpan ng kanyang belo.

Si Tomas ay sumigaw sa kanyang malalim na tinig: «Babae! Ano ang nawala sa iyo?»

«Wala. Hinahanap ko ang lugar ng krus ng Panginoon. Mayroon akong isang kapatid na lalaki na namamatay at ang mabuting Guro ay wala na sa Lupa...» sabi niya umiiyak sa ilalim ng kanyang belo. «Ang mga tao ay pinalayas Siya!»

«Siya ay nabuhay nang maguli, babae. Siya ay nabubuhay magpakailanman.»

«Alam ko na Siya ay nabubuhay magpakailanman. Sapagkat Siya ay Diyos, at ang Diyos ay hindi namamatay. Ngunit wala na Siya sa pagitan natin. Isang mundo na ayaw sa Kanya at Siya ay umalis.  Isang mundo ang nagtatwa sa Kanya, kahit na ang Kanyang mga disipulo ay iniwanan Siya na tila Siya ay isang mandarambong sa daan, at inabandona Niya ang mundo. At ako ay naparito naghahanap ng kaunti ng Kanyang Dugo. Nananampalataya ako na mapapagaling niyan ang aking kapatid, nang mahigit pa sa pagpatong ng mga kamay ng Kanyang mga disipulo, sapagkat hindi ako naniniwala na makagagawa sila ng mga himala pagkatapos ng pagiging di-tapat.»

«Ang Panginoon ay naririto pa lamang kanina. Siya ay bumangon nang maguli sa kaluluwa at katawan at nasa pagitan pa rin natin. Ang pabango ng Kanyang pagpapalà ay nasa amin pa rin.  Tingnan, ang Kanyang mga paa ay dito nakayapak kani-kanina pa lamang» sabi ni Juan.

«Hindi. Naghahanap ako ng isang patak ng Kanyang Dugo. Ako ay wala rito noon at hindi ko alam ang lugar...» sabi niya, habang siya ay nakayuko, naghahanap sa lupa.

Si Juan ay sinabi sa kanya: «Ito ang lugar ng Kanyang krus. Ako ay naririto noon.»

«Nandito ka noon? Bilang isang kaibigan o isa sa mga nagpapako sa Kanya sa krus? Sinasabi ng mga tao na isa lamang sa Kanyang mga paboritong disipulo ang nasa ilalim ng Kanyang krus., at kaunti pang mga disipulo na tapat sa Kanya, malapit dito. Ngunit ayaw kong makipagusap sa isa sa Kanyang mga berdugo.»

«Hindi ako isa sa kanila, babae. Tingnan, dito ay kung saan nakatayo ang krus, may lupa pang mapula sa Kanyang dugo, bagama't hinukay nila iyon, Nawalan Siya ng labis na dugo na ito ay tumagos nang malalim sa lupa. Kunin ninyo ito. At harinawang gantimpalaan ang inyong pananampalataya.» Si Juan sa pamamagitan ng kanyang mga daliri ay humukay sa lupa sa butas kung saan dati nakatayo ang krus, at nakakuha ng ilang mapula-pulang lupa, na inilagay ng babae sa isang linen na tela, at pinasasalamatan si Juan, siya ay mabilis na umalis dala ang kanyang kayamanan.

«Tama ang ginawa mo na hindi mo binunyag kung sino tayo.»

«Bakit hindi mo sinabi kung sino ka?» sabi ng mga apostol. Katulad ng dati, ang mga isip ng tao ay magkakaiba.

Si Juan ay tinitingnan sila, ngunit wala siyang sinasabi. Siya ang unang bumaba sa matarik na daan.

Kung mas madali man ang bumaba kaysa sa tumaas, ang araw ay napakainit pa rin, at noong sila ay nasa ibaba na ng Golgotha, sila ay talagang uhaw na uhaw. Ngunit may ilang tupa sa ilog at ilang mga pastol na tiyak na lumabas mula sa ilang kulungan sa palapit upang ipastol ang mga tupa bago gumabi. Ang tubig ay maputik at hindi ito posibleng inumin.

Ang kanilang pagkauhaw ay gayon na lamang na si Bartolomeo ay kinakausap ang isang pastol nagsasabing: «Mayroon ka bang isang patak ng tubig sa iyong prasko?»

Ang mamâ ay tinitingnan sila nang mahigpit at tahimik.

«Kaunting gatas, kung gayon. Ang dede ng inyong mga tupa ay magà. Magbabayad kami para diyan. Gusto sana namin ng isang malamig na maiinom, ngunit sapat na ang may maiinom.»

«Wala akong tubig ni gatas para sa mga nag-abandona sa kanilang Guro. Nakikilala ko kayo, alam n’yo? Nakita ko kayo isang araw sa Bethzur at nakinig ako sa inyo. Ikaw, lalo na, na nagtatanong... Ngunit hindi ko kayo nakita noong masalubong ko ang mga nagdadalang pababa sa pinatay na Guro. Tanging iyon lamang ang naroon. Walang tubig para sa Kanya noon, ako ay nasabihan ng mga naroon sa bundok. At wala rin tubig para sa inyo.» Sumipol siya para sa kanyang aso, iniipon niya ang kanyang mga tupa, at umalis papuntang hilaga, kung saan ang lupa ay nagsisimulang tumaas at punó ng mga punong olibo at mga damo.

Ang nalulungkot na mga apostol ay tinatawid ang tulay at pumunta sa bayan.

¹¹Naglalakad silang malapit sa mga pader, ang kanilang mga pantakip-sa-ulo nakababa hanggang sa kanilang mga mata, nakayuko nang kaunti. Sapagkat ang mga daan ay nagiging abala nang uli sa mga naglalakad na tao, dahil ang kainitan na oras ng maagang kahapunan ay tapos na.

Ngunit kakailanganin nilang tawirin ang buong bayan, bago makarating sa bahay ng silid-Hapunan, at napakaraming tao ang nakakikilala sa mga apostol at dahil diyan imposible para sa kanila na makaraan nang walang kahit anuman na insidenteng mangyayari. At sila kaagad ay sinalubong ng isang bugso ng tawanan, habang ang isang eskriba (akala ko talagang hindi na ako makakakita pa nito, na nagawa akong masaya) ay sumigaw sa mga tao, na napakarami sa makipot na sangahan ng daan kung saan ang isang pontanya ay bumubulukbok: «Ayon sila! Tingnan! Naririyan ang natitira ng sandatahang-lakas ng dakilang hari!  Ang magigiting na duwag na mga disipulo ng tagasulsol. Kahihiyan at katatawanan sa kanila. At awa ng isa para sa mga sira-ulo!»

Iyon ang simula ng kaguluhan ng mga panunuya. Ang ilan ay nagsabi: «Nasaan kayo nang Siya ay naghihirap?»; ang ilan: «Kumbinsido na ba kayo ngayon na Siya ay isang huwad na propeta?»; at ang iba: «Walang kabuluhan na ninakaw at itinago ninyo Siya. Ang idea ay patay na. Ang Nazareno ay patay na. Si Jehovah ay hinampas ang Galilean ng kidlat. At kayo kasama Niya»; at ang  ilan may pagkukunwaring habag: «Pabayaan lang sila. Nalaman na nila ito at sila ay nagsisisi, kahit huli na, ngunit may panahon pa para makatakbo sa tamang oras!» at ang ilan ay nagtatalumpati sa mga pangkaraniwang tao, na ang karamihan ay mga babae, na tila kumikiling sa panig ng mga apostol, nagsasabing: «Dahil pinagdududahan pa ninyo ang aming katarungan, gawin ang aktitud ng pinakatapat na mga tagasunod ng Nazareno na mapaliwanagan kayo. Kung Siya ay totoo ngang Diyos, pinalakas sana Niya sila. Kung nakita nila sa Kanya ang pagiging totoong Mesiyas, hindi sana sila tumakbo, kung titingnan na walang kapangyarihang pantao ang makatatalo sa Kristo. Sa halip Siya ay namatay sa harapan ng mga tao. At naging walang-kabuluhan na ninakaw nila ang Kanyang labí, pagkatapos na atakihin nila ang mga guwardiya na mga nakatulog. Tanungin ang mga guwardiya kung iyan ay ang katotohanan. Siya ay patay na, at ang Kanyang mga tauhan ay nagkawatak-watak, at dakila sa mga mata ng Diyos siya na nagpalaya sa banal na lupa ng Herusalem ng huling mga bakas Niya. Anathema sa mga tagasunod ng Nazareno! Kumuha ng mga bato, o banal na sambayanan, at batuhin natin sila sa labas ng mga pader.»

Ito ay kalabisan sa nangangatog pang mga tuhod ng mga apostol! Sila ay naka-atras na nang kaunti patungo sa mga pader, upang hindi mapalalà ang pag-aalsa sa pamamagitan ng walang-kahinahunan na paninita sa mga nag-aakusa. Ngunit ngayon, sa halip na kahinahunan, ang takot ang nangingibabaw. At sila ay tumalikod at inililigtas ang kanilang mga sarili sa pagtakbo patungo sa geyt. Sina Santiago ni Alfeo at Santiago ni Zebedeo, kasama si Juan, kasabay sina Pedro at ang Zealot, ay sila ang mga na, bilang mas kalmante at may mas pagpipigil sa sarili, sumunod sa kanilang mga kasamahan nang hindi tumatakbo. At ang isang naligaw na bato ang umabot sa kanila bago sila makalabas sa geyt, at sila ay punung-puno ng mga basura.

¹²Ang mga guwardiya, na mga lumabas sa silid ng mga tagatanod, ay tiniyak na sila ay hindi nasusundan pagkalampas ng mga pader. Ngunit sila ay tumakbo nang tumakbo at nanilungan sa taniman ng mga mansanas ni Jose, kung saan naroroon ang Sepulkro.

Ang lugar ay kalmante at tahimik, at maganda ang liwanag sa ilalim ng mga puno na sa mga araw na iyon ay nagkadahon, subalit manipis, ngunit labis ang pagka esmeraldang berde na ito ay makaporma ng isang belo ng magiliw na kulay sa ilalim ng malalakas na katawan ng kahoy.

Sa dulo ng hardin ng mga gulay ay may isang lalaki na nagbubunggkal at naglalagay ng lupa sa mga tanim, tinutulungan ng isang bata-pang lalaki, at hindi siya nagmamalay tungkol sa kanila, na mga nagtatago sa likuran ng isang hilerang tanim. Pagkatapos na pag-aralan ang kalangitan at nagsasabi sa isang malakas na tinig: «Halika, Jose, at dalhin ang asno upang maitali iyan sa gulong-ng-patubig», ang kanyang mga hakbang ay ibinaling patungo sa kanila, kung naroon ang isang pangkabukiran na bubon, natatakpan ng isang grupo ng mga palumpong na nagbibigay lilim dito. «Ano ang inyong ginagawa? Sino kayo? Ano ang kailangan ninyo sa hardin ng mga gulay ni Jose ng Arimathea?  At ikaw, tanga, bakit iniiwanan mo ang geyt nang nakabukas, na gusto ni Jose na nakasarado, ngayon na nailagay na niya iyan diyan? Hindi mo ba nalalaman na ayaw niyang may kahit sinong tao rito, kung saan ang Panginoon ay inihimlay?»

Ako ay nagsasabi ng katotohanan kung, sa paghihirap na sana makatulong ako sa paghihimalay kay Jesus, at sa pagkamangha tungkol sa Resureksiyon, hindi ko kailanman napuna kung ang hardin ng mga gulay, bilang karagdagan sa isang bakuran ng berdeng hilera ng mga evergreen at mga palumpong, ay may isang geyt doon o wala, ngunit sa palagay ko ito ay kalalagay pa lamang, sapagkat ganap itong bago at ito ay suportado ng dalawang kudradong poste, ang mga tapal na apog nito ay hindi nagmumukhang luma. Si Jose rin, katulad ni Lazarus, ay pinabakuran ang mga lugar na napabanal ni Jesus.

¹³Si Juan ay tumayo, kasabay ang Zealot at si Santiago ni Alfeo, at na walang kahit anong takot sinabi niya: «Kami ang mga apostol ng Panginoon. Ako ay si Juan, ito ay si Simon, isang kaibigan ni Jose, at ito ay si Santiago, isang kapatid ng Panginoon. Ang Panginoon ay tinawag kami na pumunta so Golgotha at pumunta kami. Inutusan Niya kami na pumunta sa bahay kung saan naroroon ang Kanyang Ina, at ang mga pulutong ay hinabol kami. Pumunta kami rito, sa paghihintay sa gabi...»

«Ngunit kayo ba ay nasugatan? At ikaw! at ikaw! Halikayo, na sana matulungan ko kayo. Nauuhaw ba kayo? Kayo ay humihingal. Ikaw... bilis, kumuha ng ilang tubig. Ang unang tubig ay puro, pagkatapos ang mga balde ay gagawin iyan na maputik. At bigyan sila ng ilang maiinom, pagkatapos hugasan ang ilan sa sariwang mga letsugas na iyon, at langisan sila ng langis na ginagamit natin sa pagtatali ng mga pasupling. Wala na akong ibang maibibigay sa inyo. Ang aking bahay ay wala rito. Ngunit, kung maghihintay kayo, isasama ko kayo...»

«Hindi. Hindi. Kailangan namin pumunta sa Panginoon. Gantimpalaan sana kayo ng Diyos.»

Sila ay nakainom at ginawa nilang maasikaso nila ang kanilang mga sugat. Lahat sila ay may sugat sa ulo. Ang mga Hudyo ay magagaling bumato!

«Lumabas ka doon sa daan, at tumingin, nang hindi ka nakakakuha ng atensiyon ng mga tao, kung mayroong nag-iispiya» ang hardinero ay inuutusan ang batang lalaki.

«Walang sinuman, ama. Ang daan ay walang tao» sabi ng bata bumabalik.

«Tumingin ka sa pinto at bumalik ka agad.»

Pumulot siya ng ilang tangkay ng anis at inalok ito, humihingi ng paumanhin na siya ay walang iba bagkus mga legumbre at ang mga anis na iyon, dahil ang mga namumungang mga punungkahoy ay nawalan ng kanilang mga bulaklak.

Ang bata ay bumalik. «Walang tao, ama. Ang daan sa kabila ng pinto ay walang tao.»

«Lumakad na tayo. Ikabit ang asno sa kariton at ikarga rito ang basura ng mga yerba. Maghihitsura tayong mga taong bumabalik mula sa kabukiran. Sumama sa akin. Iikot kayo... Ngunit mas mabuti na ito kaysa paulanan ng mga bato.»

«Tayo ay laging mangangailangan na pumasok sa bayan...»

«Oo. Ngunit papasok tayo sa pamamagitan ng ibang bahagi, sa madidilim na daanan. Sumama nang hindi natatakot.»

Isinara niya ang malakas na geyt sa pamamagitan ng isang malaking kandado, ginawa niya ang mas nakatatanda na sumakay sa kariton, nagbigay siya ng mga asarol at mga kalaykay sa iba, naglagay siya ng isang bungkos ng mga pinagpungusan sa likod ni Tomas at isang paldo ng dayami sa likod ni Juan, at siya ay lumakad nang disidido, sa tabi ng mga pader pagawing timog.

«Ngunit ang iyong bahay... Dito ay disyerto.»

Ang bahay ay nasa banda roon, sa kabilang tabi, at hindi iyan lalayas. Ang aking asawa ay maghihintay. Una paglilingkuran ko muna ang mga lingkod ng Panginoon.» Tinitingnan niya sila... «Eh! Nagkamali tayong lahat! Ako ay natakot din! At tayong lahat ay kinapootan dahil sa Kanyang Pangalan. Kahit na si Jose. Ngunit ano naman kung ganito? Ang Diyos ay kasama natin! Mga tao!... Sila ay napopoot at nagmamahal. Nagmamahal sila at napopoot. At pagkatapos! Kung ano ang kanilang ginagawa ngayon, kinakalimutan nila bukas. Siyempre... Kung walang mga ayena! Ngunit sila ang nang-uudyok sa mga tao. Sila ay nagngangalit sapagkat Siya ay nabuhay muli. O! Kung pinakita lamang Niya ang Kanyang Sarili sa tuktok ng isang tore ng Templo, upang ang mga tao ay nakatiyak na Siya ay nabuhay nang muli. Bakit hindi Niya ginagawa iyan? Naniniwala ako. ngunit hindi lahat ang nakapaniniwala. At nagbibigay sila ng malaking halaga ng pera sa mga nagsasabi sa mga tao na Siya ay inyong ninakaw, noong Siya ay naaagnas na, at na Siya ay inilibing o sinunog sa loob ng isang gruta ng Josaphat.»

Sila ngayon ay nasa gawing timog na ng bayan, sa lambak ng Hinnom.

«Ayan ka na. Ayón ang Zion Gate. Alam ba ninyo kung papaano makarating sa bahay mula diyan? Hindi na iyon malayo.»

«Alam namin. Makasama sana ninyo ang Diyos dahil sa inyong kabaitan.»

«Sa ganang akin, kayo lagi ang mga santo ng Guro. Kayo ay mga tao at ako ay isang tao. Siya lamang ang tanging mahigit-pa-sa-tao at nagawa Niyang huwag manginig. Naiintindihan ko at kinaaawaan. At sasabihin ko na kayo, na mahihina ngayon, ay magiging malalakas bukas. Kapayapaan sa inyo.»

Inaalis niya sa kanila ang mga yerba at ang mga gamit pambukid at bumalik, habang pinapasok nila ang bayan nang kasing bilis ng mga kabayo at patagong lumalayo sa mga daan ng arabal patungo sa bahay ng silid-Hapunan

¹⁴Ngunit ang kamalasan ng araw na iyon ay hindi pa tapos. Ang isang grupo ng mga lehiyonaryo, sa kanilang paglalakad patungo sa isang bahay-panuluyan, ay nasalubong sila, at ang isa sa kanila ay pinagmamasdan sila at itinuturo sila sa iba. At lahat sila ay tumatawa. At nang ang kaawa-awang minamaltratong mga disipulo ay kinailangan nang dumaan sa harapan nila, ang isa sa mga sundalong nakasandal sa pader ay sinabihan sila: «Hoy! Ang kabalyero ba ay hindi kayo binato at ang mga tao binugbog kayo? Sa ngalan ni Jove! Akala ko mas matatapang kayo! At hindi kayo natatakot ng kahit ano, dahil naglakas-loob kayong umakyat doon. Ang mga bato ba ng bundok ay hindi kayo pinuna sa pagiging duwag? At naging napakatapang ba ninyo na umakyat doon? Lagi akong nakakakita ng mga nagkasalang tao na lumalayo sa mga lugar na nagpapaalaala sa kanila ng kanilang kasalanan. Si Nemesis ay hinahabol sila. Baka kinaladkad niya kayo patungo doon upang gawin kayong manginig sa takot ngayon, dahil hindi kayo nanginig sa awa, noon

Ang isang babae, baka ang may-ari ng taberna, ay pumunta sa pinto at tumatawa. Siya ay may nakakatakot na mukha ng isang masamang tao at sumisigaw siya nang matilì: Mga babaeng Hebreo, tingnan kung ano ang nagawa ng inyong mga sinapupunan! Mga napakasamang sinungaling, na mga lumalabas sa kanilang mga lungga kapag tapos na ang panganib! Ang mga sinapupunan ng Roma ay walang ibang pinaglilihi bagkus mga bayani. Halikayo at uminom sa kadakilaan ng Roma. Mamílì ng alak at mga babae...» at siya ay umalis, sinusundan ng mga sundalo, patungo sa kanyang yungib.

¹⁵ Ang isang Hebreong babae ay tinitingnan sila – may ilang mga babae sa kalsada na may dalang mga amphora, kung saan maririnig ng isa ang laguklok ng pontanya malapit sa bahay ng silid-Hapunan – at siya ay naaawa sa kanila. Siya ay isang may-edad na babae. Sinasabi niya sa kanyang mga kasamahan: «Sila ay nagkamali... ngunit ang isang buong sambayanan ay nagkamali» Nilalapitan niya ang mga apostol at binabati sila: «Kapayapaan sa inyo. Hindi kami nakakalimot... Sabihin lamang sa amin ito. Ang Guro ba ay totoong nakabangon mula sa kamatayan?»

«Nakabangon Siya. Sinusumpa namin ito.»

«Kung gayon, huwag matakot. Siya ay Diyos, at ang Diyos ay magtatagumpay. Kapayapaan sa inyo, mga kapatid. At sabihin sa Panginoon na patawarin ang mga taong ito.»

«At hinihingi namin sa iyo na magdasal na patawarin sana kami ng mga tao at kalimutan ang iskandalong naidulot namin. Mga babae, ako, si Simon Pedro, ay humihingi sa inyo na patawarin ako.» At si Pedro ay umiiyak...

«Kami ay mga ina at mga magkakapatid at mga asawang babae, mamâ. At ang inyong mga kasalanan ay kasalanan ng aming mga anak, mga kapatid at mga asawa. Harinawang kaawaan ng Panginoon ang lahat.»

Ang banal na mga babaeng ito ay sinamahan sila patungo sa bahay at kumatok sila sa nakasarang pinto. At si Jesus ang nagbukas ng pinto, pinupuno ang madilim na silid sa pamamagitan ng Kanyang maluwalhating katauhan, at sinabi Niya: «Kapayapaan sa inyo para sa inyong awa.»

Ang mga babae ay hindi makagalaw sa pagtataka. Sila ay nananatiling gayon, hanggang sa naisara ang pinto sa mga apostol at sa Panginoon. Pagkatapos sila ay nakapanumbalik sa kanilang mga sarili.

«Nakita ba ninyo Siya? Siya iyon! Makisig! Mahigit pa kaysa dati. At buháy! Hindi isang multo! Isang tunay na tao. Ang Kanyang tinig! Ang Kanyang ngiti! Ginalaw Niya ang Kanyang mga kamay. Napuna ba ninyo kung gaano kapula ang Kanyang mga Sugat? Hindi, tinitingnan ko ang Kanyang dibdib na humihinga katulad ng isang nabubuhay na tao. O! huwag na may pupunta at sasabihin na ito ay hindi totoo! Tayo na! Tayo na at sabihin natin sa lahat! Tayo ay kumatok sa pinto upang makita Siyang muli. Ano ang sinasabi ninyo? Siya ay ang Anak ng Diyos, Siya ay nakabangon na mula sa kamatayan. Iyon ay isa nang malaking bagay na pinakita Niya ang Kanyang Sarili sa atin, kaawa-awang mga babae! Siya ay kapiling ang Kanyang Ina, ang mga babaeng disipulo at ang mga apostol. Hindi. Oo...»

Ang marurunong ang nanalo. Ang grupo ay umalis.

¹⁶Sa pansamantala si Jesus ay pumunta sa silid-Hapunan kasama ang Kanyang mga apostol. Pinagmamasdan Niya sila at ngumingiti. Naalis na nila ang kanilang pantakip sa ulo na bago pumasok sa bahay ay suot nilang katulad ng mga bendahe, at kanilang sinuot itong muli dahil sa ito ang kaugalian. Kung gayon ang kanilang mga galos ay hindi na makikita. Sila ay naupo nang pagod at tahimik, mas nalulungkot kaysa sa napapagod.

«Kayo ay náhuli» sabi ni Jesus nang mabait.

Katahimikan.

«Hindi ba kayo magsasalita ng kahit na ano sa Akin? Magsalita! Ako ay laging si Jesus. Ang inyo bang katangan ngayon ay nawala na?»

«O! Guro! Panginoon!» sigaw ni Pedro, lumuluhod sa paanan ni Jesus. «Ang aming katapangan ay hindi nawala. Ngunit kami ay sirâ dahil naintindihan namin ang kapinsalaan na aming nagawa sa Inyong Pananampalataya. Kami ay durog!»

«Ang pagmamalaki ay namamatay, ang kababaang-loob ay naipanganganak. Ang kaalaman ay tumataas, ang pagmamahal lumalaki. Huwag matakot. Kayo ay nagiging mga apostol na ngayon. Iyan ang Aking gusto.»

«Ngunit wala na kaming magagawa na kahit ano! Ang mga tao, at tama sila, ay minamaliit kami. Nasira namin ang Inyong gawain. Nasira namin ang Inyong Simbahan!» Lahat sila ay naghihirap ang damdamin. Sila ay sumisigaw at pakaway-kaway...

Si Jesus ay solemne. Sinusuportahan ang Kanyang mga salita sa pamamagitan ng pagkilos, sinabi Niya: «Kapayapaan! Kapayapaan! Ni ang impiyerno ay hindi nito masisira ang Aking Simbahan. Hindi sa pamamagitan ng pagkalog ng isang bato, na hindi pa nakapuwesto nang mabuti, ang magpapabagsak sa gusali nito. Kapayapaan! Kapayapaan! Kayo ay magtatrabaho. At makagagawa kayo ng labis na kabutihan, sapagkat ngayon may-kababaang-loob na ninyong kinikilala kung ano kayo, sapagkat ngayon kayo ay marunong na sa pamamagitan ng dakilang karunungan: ang kaalaman na ang bawat akto ay may  napakalawak na mga epekto, kung minsan, di-mabubura, at na ang sinuman na nasa itaas – tandaan ang Aking sinabi sa inyo tungkol sa lampara na kailangan na mailagay sa mataas upang ito ay sana makita, at sa dahilan lamang na ito ay nakikita ng lahat ang apoy nito ay kailangan na maging puro – at na sinuman ang nasa itaas ay may katungkulan, mahigit pa sa mga wala sa itaas, na maging perpekto. Kita ninyo, Aking mga anak? Kung ano ang nakakalampas na di-pinupuna o mapagpapa-umanhinan kung ito ay nagawa ng isang naniniwala, ay hindi nakakalampas nang hindi pinupuna kung ito ay nagawa ng isang pari, at ang hatol ng mga tao ay mahigpit. Ngunit ang inyong hinaharap ay kakanselahin nito ang inyong nakaraan. Ako ay hindi nagsalita sa inyo sa Golgotha, bagkus pinabayaan Ko ang mundo na magsalita. Pinagiginhawahan Ko kayo. Halina kayo, huwag umiyak. ¹⁷Kumain na ng kaunting pampalamig ngayon, at hayaang pagalingin Ko kayo. Kung gayon.» Hinihipo Niya nang kaunti ang kanilang nasugatan na mga ulo. Pagkatapos sinabi Niya: «Ngunit mas mabuti pang umalis kayo rito. Iyan kung bakit Ko sinabi: “Pumunta sa Mount Tabor upang magdasal”. Makatutuloy kayo sa kalapit na mga nayon at umakyat sa bundok tuwing umaga sa pagsikat ng araw hinihintay Ako.»

«Panginoon, ang mundo ay hindi naniniwala na Kayo ay nabuhay nang muli» sabi ni Tadeo sa mababang tinig.

«Kukumbinsihin Ko ang mundo. Tutulungan Ko kayo na matalo ang mundo. Maging tapat sa Akin. Wala na Akong ibang hinihingi pa. At pagpalain ang mga nagpapahiya sa inyo, sapagkat pinababanal nila kayo.»

Nagpipiraso Siya ng tinapay, Hinahati-hati Niya ito, inaalay Niya ito, pinamimigay Niya, nagsasabing: «Ito ang Aking biyatiko para sa inyo na mga aalis. Naihanda Ko na doon ang pagkain para sa Aking mga peregrino. Gawin din ang ganyan sa hinaharap, sa mga nasa pagitan ninyo na aalis. Maging makaama sa lahat na mga naniniwala. Ang lahat na Aking ginagawa, o ginagawa Kong gawin ninyo, gawin din ninyo mismo. Sa hinaharap, gawin din ang paglalakbay patungo sa Kalbaryo, nagninilay at ginagawa ang mga tao na magnilay sa mga istasyon ng Krus. Magnilay! Pagnilayan ang Aking mga kapighatian. Sapagkat sa pamamagitan niyan, hindi sa pamamagitan ng kasalukuyang kaluwalhatian, na nailigtas Ko kayo. Sa kabilang silid ay naroon si Lazarus kasama ang kanyang mga kapatid. Sila ay naparito upang magpaalam sa Ina. Maaari rin kayong pumasok, sapagkat ang Aking Ina ay malapit nang umalis sakay sa bagon ni Lazarus. Ang kapayapaan ay mapasainyo.» Siya ay tumayo at lumabas nang mabilis.

«Panginoon! Panginoon!» sigaw ni Andres.

«Ano ang gusto mo, kapatid?» tanong ni Pedro.

«Gusto kong itanong sa Kanya ang napakaraming bagay. Gusto ko Siyang bigyan-alam tungkol sa mga nagtatanong na mapagaling... Hindi ko alam! Kapag Siya ay nasa atin, hindi tayo nakapagsasalita ng kahit ano!» at siya ay tumakbo hinahanap ang Panginoon.

«Iyan ay totoo! Katulad natin ang mga taong wala sa sariling mga isip!» lahat sila ay sumasang-ayon.

«Gayunpaman napakabuti Niya sa atin. Tinawag Niya tayong: “mga anak” nang may labis na kabaitan na nabuksan niyan ang aking puso!» bulalas ni Santiago ni Alfeo.

«Ngunit Siya ay labis na Diyos na ngayon! Nanginginig ako kapag Siya ay malapit sa akin, na tila ako ay malapit sa Banal ng mga Banal» sabi ni Tadeo.

Si Andres ay bumalik: «Siya ay wala na rito. Ang espasyo, ang  oras at ang mga pader ay nasa ilalim ng pag-uutos Niya.»

«Siya ay Diyos! Siya ay Diyos!» sinasabi din nila, punung-puno ng pagpipitagan...

112612

 

 



Sunod na kabanata