628. Si Jesus Nagpakita sa iba't ibang mga tao sa iba't ibang mga lugar.

Abril 16 at 17, 1947.

1. Sa ina ni Annaleah.

¹Si Eliza, ang ina ni Annaleah, ay umiiyak nang walang tigil sa loob ng kanyang bahay, nakasarado sa isang maliit na silid, kung saan may isang maliit na kama na walang mga pansapin, maaaring higaan ni Annaleah. Ang kanyang ulo ay nakapatong sa kanyang mga braso, na, nasa ibabaw naman ng maliit na kama, na tila ibig niya itong yakapin lahat. Ang kanyang katawan ay dalang mabigat ng kanyang mga tuhod sa nakalaylay na hitsura. Walang anuman na malakas tungkol sa kanya bagkus ang kanyang mga luha.

Ang isang mahinang liwanag ang pumasok sa pamamagitan ng nakabukas na bintana. Ang araw ay kasisikat pa lamang. Ngunit may isang malakas na liwanag noong si Jesus ay pumasok. Sinabi ko: pumasok, ang ibig sabihin Siya ay nasa loob ng silid, habang kanina ay wala. At lagi kong sasabihin ang ganito na ang ibig sabihin ang Kanyang paglitaw sa loob ng isang nakasaradong lugar, nang hindi ko na uulitin ang aking sarili tungkol sa kung papaano Siya nagpakita mula sa likod ng isang dakilang kaliwanagan, na nakakatulad ang kaliwanagan ng Transpigurasyon, mula sa likuran ng isang maputing apoy – pahintulutan ang aking paghahambing – na tila tumutunaw sa mga pader at mga pinto upang makapasok si Jesus sa pamamagitan ng Kanyang tunay, humihinga, solido, maluwalhating Katawan: isang apoy, isang kaliwanagan na nagsasara ang sarili sa Kanya at itinatago Siya kapag Siya ay umaalis. Ngunit pagkatapos, kinukuha nito ang aspekto ng Nabuhay-na-Muling Guro, ngunit isang Tao, isang tunay na Tao, sandaang mas maganda kaysa noong bago ang Pasyon. Ito ay Siya, ngunit Siya Na maluwalhating Hari.

«Bakit ka umiiyak, Eliza?»

²Hindi ko alam kung papaano na hindi nakikilala ng babae ang di-mapagkakamalang tinig na iyon. Baka natatabunan siya ng kapighatian. Siya ay tumutugon na tila ang kausap niya ay isang kamag-anak, na maaaring bumisita sa kanya pagkatapos ng kamatayan ni Annaleah. «Napakinggan mo ba ang mga lalaking iyon kagabi? Siya ay wala. Kapangyarihan ng mahika, ngunit hindi dibino. At tinatanggap ko na ang kamatayan ng aking anak, iniisip na siya ay minahal ng Diyos, nasa kapayapaan... Sinabi Niya sa akin!...» umiiyak siya nang mas malakas.

«Ngunit marami ang nakakita sa Kanya na nabuhay nang muli. Tanging ang Diyos lamang ang makapagpapabangon sa Kanyang Sarili mula sa kamatayan nang Siya Mismo.»

«Iyan din ang aking sinabi kahapon sa mga taong iyon. Napakinggan mo ako. Nilabanan ko ang kanilang mga salita. Sapagkat ang kanilang mga salita ay ang kamatayan ng aking pag-asa, ng aking kapayapaan. Ngunit sila – napakinggan mo ba sila? – sinabi nila: “Iyon ay lahat pagkukunwari ng Kanyang mga tagasunod, upang hindi lumabas na sila ay mga tanga. Siya ay patay na, patay at nailibing, at naagnas, ninakaw nila at sinira  ang Kanyang labí, at ngayon sinasabi nila na Siya ay bumangon”. Iyan ang kanilang sinasabi... At iyan kung bakit ang Kataastaasan ay pinadala ang ikalawang lindol, upang maramdaman nila ang Kanyang galit para sa kanilang walang-pakundangan na kasinungalingan. O! Ako ay wala nang konsolasyon.»

³«Ngunit kung makita mo ang nabuhay-nang-muli na Panginoon sa pamamagitan ng iyong sariling mga mata, at nahipo mo Siya ng iyong sariling mga kamay, maniniwala ka ba?»

«Hindi ako karapat-dapat niyan... Ngunit tiyak na maniniwala ako! Magiging sapat na para sa akin na makita Siya. Hindi ako mangangahas na mahawakan ang Kanyang Katawan sapagkat, kung totoo ito, ito ay isang dibinong katawan, at ang isang babae ay hindi makalalapit sa Banal ng mga Banal.»

«Itaas mo ang iyong ulo, Eliza, at tingnan kung Sino ang nakatayo sa harapan mo!»

Ang babae ay itinataas ang kanyang ubanin na ulo, ang kanyang mukha nasira ang hitsura gawa ng mga luha, at nakikita niya... Napayuko pa siya nang mas malalim, kinukuskos niya ang kanyang mga mata, binubukas niya ang kanyang bunganga upang makasigaw, ngunit napipigilan ito sa kanyang lalamunan ng pagkamangha.

«Ako ito. Ang Panginoon. Hipuin mo ang Aking Kamay. Halikan ito. Isinakripisyo mo ang iyong anak sa Akin. Karapat-dapat ka nito. At sa kamay na ito damhin muli ang espirituwal na halik ng iyong anak. Siya ay nasa Langit. Siya ay pinagpala. Magsasalita ka sa mga disipulo tungkol diyan at tungkol sa araw na ito.»

Ang babae ay punung-puno ng kaligayahan na hindi niya magawa ang pinagagawa sa kanya, at si Jesus mismo ang nagdidiin ng Kanyang mga daliri sa kanyang mga labì.

«O! Kayo nga ay totoong nakabangon na!!! Masaya! Masaya ako! Pagpalain nawa Kayo sa pagpapaginhawa sa akin!» Yumuyuko siya upang halikan ang Kanyang mga paa, at hinahalikan niya, at siya ay nananatiling gayon.

Ang sobrenatural na liwanag ay binabalot ang Kristo sa kaliwanagan nito at Siya ay nawala na sa silid. Ngunit ang puso ng ina ay puno ng di-matitinag na katiyakan.

II. Kay Maria ni Simon sa Kerioth, kasama si Anna, ang ina ni Johanna, at ang matandang si Ananias.

⁴Ang bahay ni Anna, ang ina ni Johanna. Ang pangkabukiran na bahay kung saan ni Jesus, kasama ang ina ni Judas, ginawa ang himala ng pagpapagaling kay Anna. Dito rin ay may isang silid at isang babae na nakahiga sa isang kama. Isang babae na gawa ng labis na paghihirap ay nagbago ang hitsura hanggang sa hindi na makilala. Ang kanyang mukha ay hapô. Ang lagnat ang tumutupok dito, pinaaapoy ang itaas ng kanyang mga pisngi, na lubog na lubog. Ang kanyang mga mata, maitim ang paligid, namumula sa lagnat at luha, ay medyo nakasara sa ilalim ng kanyang namamagang mga talukap-mata. Kung saan walang pamumula gawa ng lagnat, ang kulay ng kanyang balat ay medyo dilaw, medyo berde, na tila ang apdo ay kumalat na sa kanyang dugo. An g kanyang payat na mga braso at manipis na mga kamay ay nakapahingalay sa ibabaw ng kama, na naitataas ng kanyang mabibilis na paghingal.

Malapit sa may-sakit na babae, na walang iba bagkus ang ina ni Judas, ay naroon si Anna, ang ina ni Johanna. Nagpupunas siya ng pawis at mga luha, nagpapaypay siya ng isang pamaypay na palmera, nagpapalit siya ng pampunas, na isinasasaw sa may gamot na suka, at pinapampunas sa noo at lalamunan ng may-sakit na babae, hinihilot niya ang kanyang mga kamay at inilaladlad ang mga buhok, na sa loob ng maikling panahon ay naging mas maputi kaysa maitim, sa ibabaw ng unan, at, basang katulad nito ng pawis, ay kumakapit sa kanyang mga tainga, na tila naging bagay na nasisinag. Si Anna rin ay lumuluha, bumibigkas ng nagpapaginhawang mga salita: «Huwag, Maria! Huwag! Tama na! Siya... ay nagkasala. Ngunit ikaw, nalalaman mo kung papaano ang Panginoong Jesus...»

«Manahimik! Ang Pangalan na iyan... sa akin... sinasabi sa akin... ay nalapastangan... Ako ang ina... ng Cain... ng Diyos! Ah!» Ang kanyang tahimik na pagluha ay nagiging makabagbag-damdamin na pagod na paghikbi. Sa pakiramdam niya siya ay nagbabara ang lalamunan, hinahawakan niya ang leeg ng kanyang kaibigan, tinutulungan siya habang isinusuka niya ang apdo.

«Kapayapaan! Kapayapaan! Maria! Huwag! O! Ano ang kailangan kong sabihin sa iyo upang makumbinsi ka na Siya, ang Panginoon, ay minamahal ka. Inuulit ko sa iyo! Sinusumpa ko sa mga bagay na pinakabanal sa akin: sa ang aking Tagapagligtas at sa ang aking anak. Sinabi Niya sa akin noong dinala mo Siya sa akin. Mayroon Siya para sa iyo ng mga salita at pangangalaga ng walang-hangganang pagmamahal. Ikaw ay inosente. Minamahal ka Niya. Natitiyak ko, natitiyak ko na ibibigay Niyang muli ang Kanyang sarili sa iyo upang mabigyan ka ng kapayapaan, kaawa-awang martir na ina.»

«Ina ng Cain ng Diyos! Napapakinggan mo ba iyon? Ang hangin na iyon, sa labas doon... Iyan ang sinasabi niyan... Ang tinig ay pumupunta sa buong mundo, at nagsasabi ito: “Si Maria ni Simon, ang ina ni Judas, ang nagkanulo sa Guro at nag-abot sa Kanya sa Kanyang mga tagapagpatay”. Napapakinggan mo ba iyon? Ang lahat ay nagsasabi ng ganyan... Ang ilog sa labas doon... Ang mga kalapati... ang mga tupa... Ang buong Lupa ay sumisigaw na ako nga... Hindi, Ayaw kong manumbalik ang aking kalusugan. Gusto kong mamatay!... Ang Diyos ay makatarungan at hindi Niya ako parurusahan sa susunod na buhay.  Ngunit dito, hindi. Ang mundo ay hindi nagpapatawad... wala itong iniiba... Ako ay nababaliw na, sapagkat ang mundo ay umaalulong... : “Ikaw ay ina ni Judas.»

Siya ay nanghihina na at hinimatay sa ibabaw ng mga unan. Si Anna ay inaayos muli ang kanyang pagkakahiga at lumabas upang ligpitin ang maruruming linen...

Si Maria, ang kanyang mga mata nakasarado, maputlang-maputla pagkatapos ng pagsisikap na kanyang ginawa, ay umuungol: «Ang ina ni Judas! Ni Judas! Ni Judas!» Siya ay humihingal, pagkatapos nagpapatuloy: «Ngunit ano si Judas? Ano ang aking pinanganak? Ano si Judas? Ano ang aking...»

Si Jesus ay nasa loob ng silid, na napaliwanagan ng isang nanginginig na liwanag, sapagkat ang liwanag ng araw ay malabo pa upang mapaliwanag ang malaking silid, sa dulo kung saan ay naroon ang kama, napakalayo mula sa tanging bintana. Tinatawag Niya siya nang magiliw: «Maria! Maria ni Simon!»

Ang babae ay halos nahihibang at hindi nagbibigay ng importansiya sa tinig. Ang kanyang isip ay nasa malayo, nadala ng ipuipo ng kanyang paghihirap, at inuulit niya ang mga idea na sumasagi sa kanyang isip, nang paulit-ulit, katulad ng tik-tak ng isang pendulo ng isang relos: «Ang ina ni Judas! Ano ang aking pinanganak? Ang mundo ay sumisigaw: “Ang ina ni Judas”...»

Dalawang luha ang bumukal sa mga sulok ng napakabanayad na mga mata ni Jesus. Ako ay nasorpresa nito, Hindi ko inisip na si Jesus ay luluha rin pagkatapos ng Kanyang resureksiyon...

Siya ay yumuko. Ang kama ay napakababa para sa Kanya Na napaka-tangkad! Inilalapat Niya ang Kanyang kamay sa mainit-init na noo, hinahawi sa tabi ang mga linen na basa ng suka, at sinabi Niya: «Isang kaawa-awang sawing-palad. Iyan at wala nang iba. Kung ang mundo ay sumisigaw, and Diyos ay tinatakpan nito ang sigaw ng mundo nagsasabi sa iyo: “Magkaroon ng kapayapaan, sapagkat minamahal kita”. Tingnan mo Ako, abang ina! Hawakan mo ang iyong nawawalang espiritu at ilagay iyan sa Aking mga kamay. Ako si Jesus!...»

Si Maria ni Simon ay ibinukas ang kanyang mga mata, na tila lumalabas siya mula sa isang masamang panaginip at nakita niya ang Panginoon, naramdaman niya ang Kanyang kamay sa kanyang noo, tinakpan niya ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang nanginginig na mga kamay at umungol: «Huwag akong isumpa! Kung nalaman ko lamang kung ano ang aking ipinanganganak, winasak ko sana ang aking sinapupunan upang napigilan siyang maipanganak.»

«At nagkasala ka sana. Maria! O! Maria! Huwag kang humiwalay sa iyong katarungan dahil sa kasalanan ng ibang tao. Ang mga ina na ginawa ang kanilang katungkulan ay hindi kailangan na isipin na sila ang may kagagawan para sa mga kasalanan ng kanilang mga anak. Nagawa mo ang iyong katungkulan, Maria. Ibigay mo sa Akin ang iyong kaawa-awang mga kamay. Maging kalmante, kaawa-awang ina.»

«Ako ay ang ina ni Judas. Ako ay hindi malinis katulad ng lahat na mga bagay na nahipo ng dimonyo. Ang ina ng isang dimonyo.» Iniiwasan niya ang dibinong mga Kamay na gusto siyang hawakan.

Ang dalawang luha ni Jesus ay bumagsak sa mukha niya na nangangapoy na muli sa lagnat. «Nilinis na kita. Maria. Ang Aking mga luha ng awa ay nasa iyo. Hindi Ko pinapatak ang Aking mga luha sa sinuman mula nang dinanas Ko ang Aking kapighatian. Ngunit Ako ay lumuluha sa iyo kasama ang lahat ng Aking nagmamahal na awa.» Nagtagumpay Siyang mahawakan ang kanyang mga kamay at Siya ay naupo, oo, talagang naupo Siya sa gilid ng kama, hinahawakan ang kanyang nanginginig na mga kamay.

Ang nagmamahal na awa ng Kanyang maniningning na mata ay hinahaplos, binabalot at pinagagaling ang kaawa-awang sawing-palad, na kumakalma umiiyak nang tahimik at bumubulong: «Wala ba Kayong sama-ng-loob laban sa aking?»

«Mayroon Akong pagmamahal. Iyan kung bakit Ako pumunta. Magkaroon ng kapayapaan.»

«Nagpapatawad Kayo! Ngunit ang mundo! Ang Inyong Ina! Kapopootan Niya ako.»

«Iniisip ka Niya bilang isang kapatid. Ang mundo ay malupit. Iyan ay totoo. Ngunit ang Aking Ina ay ang Ina ng Pagmamahal, at Siya ay mabuti. Kayo ay hindi makapaglilibot sa mundo, ngunit Siya ay pupunta sa iyo kapag ang lahat ay nasa kapayapaan. Ang panahon ay nagpapakalma...»

«Gawin akong mamatay, kung mahal Ninyo ako...»

«Kaunti pang panahon. Ang iyong anak ay hindi Ako nabigyan ng kahit ano. Bigyan mo Ako ng isang panahon ng iyong paghihirap. Ito ay magiging isang maikli lamang.»

«Ang aking anak ay nabigyan Kayo ng labis... Walang-hangganang kilabot ang naibigay niya sa Inyo.»

«At ikaw ang iyong walang-hangganang kapighatian. Ang pangingilabot ay tapos na. Wala na itong naibibigay. Ang iyong kapighatian ay mayroon. Sinasamahan niyan ang mga sugat Kong ito, at ang iyong mga luha at ang Aking Dugo ay hinuhugasan ang mundo. Ang iyong mga luha at nasa pagitan ng Aking Dugo at ng mga luha ng Aking Ina at sa paligid ng mga ito ay naroon ang lahat ng kapighatian ng mga santo na maghihirap para sa Kristo at para sa mga tao, alang-alang sa Akin at alang-alang sa mga tao. Kaawa-awang Maria!» Inihihiga Niya siya nang dahan-dahan, pinagpapatong Niya ang kanyang mga kamay at binabantayan Siya habang siya ay kumakalma...

⁶Si Anna ay bumabalik at tumigil nang napatulalà sa pamasukan.

Si Jesus, Na ngayon nakatayo, ay tinitingnan siya nagsasabing: «Nakasunod ka sa Aking kagustuhan. May kapayapaan para sa mga masunuring mga tao. Ang iyong kaluluwa ay naintindihan Ako. Mamuhay sa Aking kapayapaan.»

Tinitingnan Niyang muli si Maria ni Simon, na tumitingin sa Kanya nang may dumadaloy na mga luha na ngayon ay mas kalmante na, at nginingitian Niya siyang muli. At sinabi Niya sa kanya: «Ilagay mo ang iyong pag-asa sa Panginoon. ibibigay Niya sa iyo ang lahat ng Kanyang kaginhawahan.» Pinagpapala Niya siya at Siya ay paalis na.

Si Maria ni Simon ay napasigaw nang madamdamin: «Sinasabi nila na ang aking anak ay pinagkanulo Kayo sa pamamagitan ng isang halik! Totoo ba ito, Panginoon? Kung ito ay totoo, pahintulutan Ninyo ako na hugasan ko ito sa paghalik ko sa Inyong mga Kamay. Wala na akong iba pang magagawa! Wala akong magagawang iba pa upang makansela... upang makansela...» Naramdaman niya ng matinding kirot ng kalooban.

Si Jesus, o! si Jesus ay hindi Niya binibigay ang Kanyang mga kamay sa kanya upang halikan, ang mga kamay na iyon kung saan ang malapad na mga manggas ng Kanyang niyebeng-kaputian na tunika ay umaabot pababa sa kalahatian ng Kanyang palad naitatago ang mga sugat, bagkus kinukuha Niya ang kanyang ulo at yumuyuko Siya at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong mga labì magaan Niyang dinidikitan ang umaapoy na noo ng pinaka di-masaya sa lahat na mga babae, at tumatayong muli sinabi Niya sa kanya: «Ang Aking mga luha at halik! Walang sinuman kailanman ang nagkaroon ng labis mula sa Akin. Kung kaya't maging nasa kapayapaan, sapagkat walang iba bagkus pagmamahal sa pagitan mo at Ako.»

Pinagpapala Niya siya at, pagkatapos na matawid nang mabilis ang silid, lumabas Siya sa likuran ni Anna, na hindi naglakas-loob na lumapit, o magsalita, bagkus umiiyak nang labis na naaantig ang damdamin.

Ngunit noong nakarating na sila sa koridor na naghahatid patungo sa pinakapinto, si Anna ay naglakas-loob na magsalita at itanong ang katanungang nasa kanyang puso: «Ang aking Johanna?»

«Sa loob ng labinlimang araw siya ay nagbunyi sa Langit. Hindi Ko binanggit ito sa kanya roon, sapagkat napakalaki ang kaibhan ng iyong anak sa kanyang anak.»

«Iyan ay totoo! Isang malaking pasakit! Sa palagay ko mamamatay siya gawa nito.»

«Hindi. Hindi kaagad.»

«Ngayon siya ay mas nasa kapayapaan. Napaginhawahan Ninyo siya. Kayo! Kayo Na mas higit pa kaysa sino pa man...»

«Ako Na naaawa sa kanya nang higit pa kahit sino pa man. Ako ang Dibinong Awa. Ako ang Pagmamahal. Sasabihin Ko sa iyo, babae: kung si Judas ay sumulyap lamang ng pagsisisi sa Akin, nakakuha sana aako ng kapatawaran para sa kanya...» Gaano kalungkot ang mukha ni Jesus!

Ang babae ay nagimbal nito. Ang mga salita at pananahimik ay naglalaban sa kanyang mga labì, ngunit siya ay isang babae, at ang pag-uusyoso ang nagtagumpay. Siya ay nagtanong: «Iyon ba ay isang... isang... Oo, ang ibig kong sabihin: ang kaawa-awang sawing-palad ba na iyon ay nagkasala nang bigla na lamang, o...»

«Maraming buwan na siyang nagkakasala at walang kahit anong salita Ko, o pagkilos Ko ang nakapagpatigil sa kanya, napakalakas ang kanyang kalooban na magkasala. Ngunit huwag mong sabihin sa kanya iyan...»

«Hindi ko sasabihin!... Panginoon! Dahil ngayon, noong si Ananias ay tumakbo sa Herusalem, sa pinaka-araw mismo ng Araw ng Paghahanda, nang hindi man lamang kinukumpleto ang Paskuwa, pumasok siya rito sumisigaw: “Ang iyong anak ay ipinagkanulo ang Guro at ibinigay Siya sa Kanyang mga kaaway! Nagkanulo siya sa pamamagitan ng isang halik. At nakita ko ang Guro na binugbog, pinunó ng mga durâ, hinagupit, kinoronahan ng mga tinik, pinadala ng isang krus, pinako sa krus at patay dahil sa kagagawan ng iyong anak. At ang ating pangalan ay nakakahiyang isinisigaw nang matagumpay ng mga kaaway ng Guro., at kinukuwento nila ang mga ginawa ng iyong anak, na, sa pamamagitan ng wala pa sa presyo ng isang kordero, ipinagbili niya ang Mesiyas at sa pamamagitan ng isang halik itinuro niya Siya sa mga guwardiya!”, si Maria ay bumagsak sa lupa, nangitim nang bigla na lamang, at ang sabi ng doktor ang kanyang atay ay pumutok at ang apdo ay kumalat at ang lahat ng kanyang dugo ay narumihan nito. At, ang mundo ay napakasamâ. Tama siya... Kinailangan ko siyang dalhin dito, sapagkat pumupunta sila malapit sa kanyang bahay sa Kerioth upang sumigaw: “Ang iyong anak ay isang mamamatay ng diyos at isang nagpakamatay! Binitay niya ang kanyang sarili! At kinuha ni Beelzebub ang kanyang kaluluwa, at kinuha rin ni Satanas ang kanyang katawan”. Ang kakilabutan ba na iyan ay totoo?»

«Hindi, babae. Siya ay natagpuan na patay, nakabitin mula sa isang puno ng olibo...»

«Ah! At sila ay sumigaw: “Ang Kristo ay bumangon at Diyos. Ang iyong anak ay pinagkanulo ang Diyos. Ikaw ang ina ng tagapagkanulo ng Diyos. Ikaw ang ina ni Judas”. Sa gabi, kasama si Ananias at ang isang tapat na katulong, ang tanging natitirang isa sa akin, sapagkat walang sinuman ang nagkagustong mapalapit sa kanya... dinala ko siya rito. Ngunit naririnig ni Maria ang mga sigaw na iyon sa mga ingay dito sa lupa, sa lahat.»

«Kaawa-awang ina! Nakapangingilabot ngang talaga.»

«Ngunit ang dimonyo ba na iyon ay hindi inisip ang lahat na ito, Panginoon?»

«Iyan ang isa sa mga dahilan na Ako kumilos, upang mapigilan siya. Ngunit walang mangyari. Lumayo si Judas nang husto hanggang kapootan ang Diyos, katulad na hindi niya kailanman minahal ang kanyang ama at ina o sino pa mang kapwa nang may tunay pagmamahal.

«Iyan ay totoo.»

«Paalam, babae. Harinawang ang Aking pagpapalà ay mapaginhawahan ka  na matanggap mo ang panunuya ng mundo dahil sa iyong awa para kay Maria. Halikan mo ang Aking kamay. Maipakikita Ko ito sa iyo. Makasasamâ nang labis na ipakita Ko ito sa kanya.» Nililinis Niya ang manggas, inaalisan ng takip ang nabutasan na pupulsuhan.

Napaungol si Anna dahil ang kanyang mga labi ay nasagi ang mga dulo ng Kanyang mga daliri.

Narinig ang ingay ng isang pinto na binubuksan at ang isang pigíl na sigaw: «Ang Panginoon!». Ang isang kung baga matandang lalaki ay pinagpapatirapa ang sarili at nananatiling gayon.

«Ananias, ang Panginoon ang mabuti. Naparito Siya upang paginhawahan ang iyong kamag-anak at paginhawahan din tayo.» sabi ni Anna upang mapaginhawahan din ang maedad na lalaki, na antig na antig ang damdamin.

Ngunit ang lalaki ay di maglakas-loob na gumalaw. Siya ay umiiyak nagsasabing: «Tayo ay mga tao ng nakapangingilabot na dugo. Hindi ko matingnan ang panginoon.»

Si Jesus ay lumapit sa kanya. Hinihipo Niya ang kanyang ulo, inuulit ang mga salitang sinabi rin Niya kay Maria ni Simon: «Ang mga kamag-anak na gumawa ng kanilang mga katungkulan ay hindi kailangan na isipin na may pananagutan ang kanilang mga sarili para sa kasalanan ng isang kamag-anak. Laksan mo ang iyong loob, lalaki! Ang Diyos ay makatarungan. Kapayapaan sa iyo at sa bahay na ito. Ako ay naparito at pupunta ka kung saan kita ipadadala. Para sa suplementaryong Paskuwa ang mga apostol ay pupunta sa Bethany. Pupuntahan mo sila at sasabihin na sa ika-labindalawang araw mula sa Kanyang kamatayan, nakita mo ang Panginoon sa Kerioth, buháy at totoo, sa Katawan at Kaluluwa at Dibinidad. Paniniwalaan ka nila, sapagkat nakasama Ko na sila nang matagal. Ngunit mapatitibay sila nito sa kanilang pananampalataya sa Aking Dibinong Kalikasan na malaman na Ako ay nasa kahit-saang lugar sa gayon din na araw. At bago iyan, sa araw mismong ito, pupunta ka sa Kerioth upang sabihin sa lider ng sinagoga na ipunin ang mga tao, at sa presensya ng lahat sasabihin mo na Ako ay nanggaling dito, at na kailangan nilang alalahanin ang Aking mga salita ng pagpapaalam. Tiyak na sasabihin nila sa iyo: “Bakit hindi Siya pumunta sa amin?” Ikaw ay tutugon nang ganito: “Ang Panginoong ay sinabi sa akin na sabihin sa inyo na, kung ginawa ninyo kung ano ang Kanyang sinabi sa inyo na inyong gawin sa inosenteng ina, pinakita sana Niya ang Kanyang Sarili sa inyo”. Nagkulang kayo sa inyong tungkulin ng pagmamahal, at iyan bung bakit hindi pinakita ng Panginoon ang Kanyang Sarili sa inyo”. Gagawin mo ba iyan?»

«Mahirap ito, Panginoon! Mahirap na gawin iyan! Ang tingin nila sa aming lahat ay mga pusong ketongin... Ang lider ng sinagoga ay hindi makikinig sa akin, at hindi niya ako pahihintulutan na magsalita sa mga tao. Maaari niya akong bugbugin... Subalit, gagawin ko ito. Dahil gusto Ninyo ito.» Ang maedad na lalaki ay hindi tinataas ang kanyang ulo. Nagsasalita siya nang nakatungo sa malalim na pagpapatirapa.

«Tingnan mo Ako, Ananias!»

Ang lalaki ay tumitingala nanginginig sa pagpipitagan.

Si Jesus ay kasing ningning at kisig katulad nang Siya ay nasa Mount Tabor... Ang liwanag ay binabalot Siya, itinatago ang Kanyang mga katangian at Siya ay ngumingiti... At ang koridor ay naiwang wala na Siya, nang walang pinto na ginagalaw upang Siya ay makaraan.

Ang dalawa ay sumasamba at sumasamba, dahil sila ay naging lahat pagsamba sa buong pangyayari ng manipestasyon.

III. Sa mga bata ng Juttah kasama ang kanilang ina na si Sarah.

Ang lootan ng bahay ni Sarah. Ang mga bata na mga naglalaro sa lilim ng madadahon na mga punungkahoy. Ang pinakabata nagpapagulong sa damo malapit sa makapal na hilera ng mga dahon ng baging, ang mas malalaki na naghahabulan nang may masasayang sigaw ng mga langaylangayan, naglalaro ng taguán sa likuran ng mga hilera ng halaman at mga baging.

Si Jesus ay nagpakita sa pinakamaliit kung kanino Kanyang binigay ang Kanyang pangalan. O! banal na kasimplihan ng mga inosente! Si Jesai ay hindi nasorpresa na makita Siya roon nang bigla na lamang, bagkus ibinuka niya ang kanyang maliliit na kamay, upang siya ay kargahin sana ni Jesus, at kinarga siya ni Jesus: ayón ang  pinaka malaking kasimplihan sa ginawa ng dalawa.

Ang iba ay dumarating tumatakbo – at sa muli ang banal na kasimplihan ng mga bata! – at na walang pagkamangha nilalapitan nila nang masaya si Jesus. Tila walang kahit ano ang nagbago para sa kanila. Maaaring wala silang nalalaman.

Ngunit pagkatapos na nahaplos na ang bawat isa sa kanila, si Maria, ang pinakamatanda at pinaka may gulang, ay nagsabi: «Kung gayon hindi na Kayo naghihirap, Panginoon, ngayon na Kayo ay nakabangon na? Ako ay labis na nalulungkot!...»

«Hindi na Ako naghihirap. Ako ay naparito upang pagpalain kayo bago Ako umakyat sa Aking Ama at inyo, sa Langit. Ngunit kahit mula roon pagpapalain Ko kayo, kung kayo ay laging mabait. Sasabihin mo sa mga nagmamahal sa Akin na nag-iwan Ako sa inyo  ngayon ng pagpapalà. Alalahanin ang araw na ito.»

¹⁰«Hindi ba Kayo pupunta sa bahay? Ang inay ay naroon. Hindi nila kami paniniwalaan» sabi muli ni Maria.

Ngunit ang kanyang kapatid na lalaki ay hindi nagtatanong. Siya ay sumigaw: «Inay, inay. Ang Panginoon ay naririto!...» at tumatakbo patungo sa bahay, inuulit niya ang kanyang sigaw.

Si Sarah ay nagmamadali, dumungaw siya sa bintana... tamang-tama lamang sa sandali upang makita si Jesus, napakakisig sa gilid ng lootan, na nawawala sa loob ng liwanag na sumisipsip sa Kanya...

«Ang Panginoon! Ngunit bakit hindi ninyo ako tinawag kanina pa?...» sabi ni Sarah kaagad noong siya ay nakapagsasalita na. «Ngunit kailan? Saan Siya nanggaling? Nag-iisa ba Siya? Gaano kayo katanga!»

«Natagpuan namin Siya rito. Kani-kanina pa lamang wala Siya rito... Hindi Siya nanggaling sa daan o sa pangkusinang hardin. At karga Niya si Jesai... At sinabi Niya sa amin na Siya ay naparito upang pagpalain kami at ibigay ang Kanyang pagpapalà para sa mga nagmamahal sa Kanya sa Juttah at upang tandaan ang araw na ito. At ngayon Siya ay patungo na sa Langit. Ngunit mamahalin Niya tayo kung tayo ay mababait. Gaano Siya kakisig! May mga sugat Siya sa Kanyang mga kamay. Ngunit hindi na Siya nito nasasaktan. Ang Kanyang ring mga paa ay may mga sugat. Nakita ko ito sa damuhan. Ang bulaklak na iyon doon ay nahipo ang sugat ng isang paa lamang. Kukunin ko ito...» lahat sila ay nagsasalita nang sabay-sabay, nananabik sa emosyon. Pinagpapawisan pa nga sila sa pananabik na makapagsalita.

Si Sarah ay hinahaplos sila bumubulong: «Ang Diyos ay dakila! Tayo na. Halikayo. Tayo na at sabihin sa lahat. Kayong mga inosente ang magsasalita. Makapagsasalita kayo ng tungkol sa Diyos.»

IV. Sa bata-pang si Jaia, sa Pella.

¹¹Ang bata-pang lalaki ay masigasig na nagtatrabaho paikot sa isang kariton. Nagkakarga siya rito ng mga gulay na pinitas sa malapit na hardin ng mga gulayin. Ang maliit na asno ay pumapadyak sa matigas na lupa ng daan ng kabukiran.

Noong siya ay tumalikod upang kunin ang isang basket ng mga letsugas, nakita niya si Jesus ngumingiti sa kanya. Nabitawan niya ang basket sa lupa at lumuhod, kinukuskos ang kanyang mga mata, di mapaniwalaan ang kanyang nakikita, at siya ay bumulong: «Kataastaasan, huwag Ninyo akong dalhin sa mga guniguni! Panginoon, huwag Ninyo akong pahintulutan na malinlang ni satanas sa pamamagitan ng huwad na nang-aakit na mga hitsura. Ang Aking Panginoon ay totoong patay na! At Siya ay nailibing na, at sinasabi nila ngayon na ang Kanyang labí ay ninakaw. Maawa, Kataastaasang Panginoon! Ipakita Ninyo sa akin ang katotohanan.»

«Ako ang Katotohanan, Jaia. Ako ang Liwanag ng Mundo. Tingnan Ako. Tumingin sa Akin. Iyan kung bakit binalik Ko sa iyo ang paningin, upang sana masaksihan mo ang Aking kapangyarihan at ang Aking Resureksiyon.»

«O! Ito ay totoong ang Panginoon! Kayo ito! Oo! Kayo ay si Jesus!» Kinakaladkad niya ang kanyang sarili nang nakaluhod upang halikan ang Kanyang mga paa.

«Sasabihin mo na nakita mo Ako at nakausap Ako at na Ako ay totoo ngang buháy. Sasabihin mo na nakita mo Ako ngayong araw. Ang Aking kapayapaan at Aking pagpapalà sa iyo.»

Si Jaia ay nananatiling nag-iisa. Siya ay masaya, nakalimutan niya ang kariton at ang mga gulay. Walang-mangyari sa asno ng papadyak-padyak sa daan at nag-iingay, nagpoprotesta sapagkat matagal ang paghihintay... Si Jaia ay labis na naliligayahan.

¹²May isang babae ang lumabas sa bahay malapit sa pangkusinang-hardin at nakita si Jaia roon, namumutla sa emosyon, ang kanyang mukha mayroong tingin na malayo. Ang babae ay sumigaw: «Jaia! Ano ang nangyayari sa iyo? Anong nangyari sa iyo?» Siya ay nagmadali patungo sa kanya at inuuga siya. Ibinabalik niya siyang muli sa lupa...

«Ang Panginoon! Nakita ko ang Muling-nabuhay na Panginoon. Nahalikan ko ang Kanyang mga paa at nakita ko ang Kanyang mga sugat. Mga kasinungalingan ang sinabi nila. Iyon ay totoong ang Diyos at Siya ay bumangon. Akala ko iyon ay panlilinlang. Ngunit Siya iyon! Siya iyon!»

Ang babae ay nanginginig sa emosyon at bumubulong: «Nakatitiyak ka bang talaga?»

«Ikaw ay mabait, babae. Alang-alang sa Kanya kinupkop mo kami ng aking ina bilang iyong mga katulong. Huwag tumangging maniwala!...»

«Kung nakakatiyak ka, naniniwala ako. Ngunit Siya ba ay talagang laman? Mainit ba Siya? Huminga ba Siya? Nagsalita ba Siya? Talaga bang may tinig Siya, o naisip mo lang iyon?»

«Nakatitiyak ako. Iyon ay ang mainit na laman ng isang buháy na tao. Iyon ay isang tunay na tinig, iyong ay hininga. Kasing ganda ng Diyos, ngunit Tao, katulad mo at ako. Tayo na, tayo na at sabihan ang mga naghihirap o nasa pagdududa.»

V. Kay Juan ng Nob.

¹³Ang matandang lalaki ay nag-iisa sa loob ng kanyang bahay. Ngunit siya ay panatag. Inaayos niya ang isang upuan dahil ang pako nito sa isang tabi ay umuusli, at siya ay ngumingiti sa kung anong panaginip na hindi ko alam.

Nagkaroon ng isang pagkatok sa pinto. Ang matanda, nang hindi na iniiwanan ang kanyang ginagawa, ay nagsabi: «Pasok. Ano ang kailangan mo, ikaw na dumating? Isa pa rin sa mga iyon? Napakatanda ko na para magbago! Kahit na kung ang buong mundo ay sumigaw sa akin: “Siya ay patay”, sasabihin ko: “Siya ay nabubuhay”. Kahit na kung ako ay kailangan na mamatay upang sabihin iyan. Kung gayon, pasok!»

Siya ay tumayo upang pumunta sa pintuan, upang tingnan kung sino ang kumakatok ngunit hindi pumapasok. Ngunit noong siya ay malapit na dito, ang pinto ay nagbukas at pumasok si Jesus.

«O! O! O! Ang aking Panginoon! Buháy! Naniwala ako! At dumating Siya upang gantimpalaan ang aking pananampalataya! Pinagpala! Hindi ako nagduda. Sa aking pamimighati sinabi ko: “Kung pinadala Niya sa akin ang kordero para sa bangkete ng kaluguran, ang ibig sabihin nito Siya ay babangon sa araw na ito”. Pagkatapos naintindihan ko ang lahat. Noong Kayo ay namatay at ang Lupa ay nauga, naintindihan ko ang hindi ko pa naintindihan. At akala nila ako ay baliw, sa Nob, sapagkat paglubog ng araw sa araw pagkatapos ng Sabbath, naghanda ako ng isang bangkete at lumabas ako at nag-anyaya ng ilang mga pulubi nagsasabing: “Ang ating Ama ay bumangon na!”. Sila ay nagsasabi na na iyon ay hindi totoo. Sinasabi nila na ninakaw nila Kayo sa loob ng  gabi. Ngunit hindi ko sila pinaniwalaan, sapagkat mula noong namatay Kayo naintindihan ko na Kayo ay namamatay upang bumangon muli, at na iyon ay ang tanda ni Jonah.»

Si Jesus, ngumingiti, ay pinababayaan siyang magsalita. Pagkatapos Siya ay nagtanong: «At gusto mo pa bang mamatay ngayon, o gusto mong manatili upang masaksihan ang Aking kaluwalhatian?»

«Anuman ang gustuhin Ninyo, Panginoon!»

«Hindi. Kung ano ang gusto mo.»

Ang matanda ay nag-iisip. Pagkatapos siya ay nagpasya: «Magiging maganda na lumabas sa mundong ito, kung saan Kayo ay wala katulad noong Kayo ay nandito dati. Ngunit palalampasin ko ang kapayapaan ng Langit upang masabi sa mga di-naniniwala: “Nakita ko Siya!”.»

Si Jesus ay pinapatong ang Kanyang kamay sa kanyang ulo pinagpapala siya at dagdag Niya: «Ngunit malapit na rin itong maging kapayapaan, at ikaw ay pupunta sa Akin na may ranggo ng kompesor ng Kristo...»

At Siya ay umalis. Sa kasong ito, baka dala ng habag para sa matandang lalaki, Siya ay hindi nagpakita o nawala sa isang magandang paraan, bagkus ginawa Niya ang lahat na tila Siya ay si Jesus ng mga nakaraang araw, kapag dati Siyang pumapasok o lumalabas ng isang bahay sa isang normal na pagkataong pamamaraan.

VI. Kay Matthias, ang matandang mapag-isang lalaki malapit sa Jabesh-Gilead.

¹⁴Ang matanda ay may ginagawa sa kanyang mga gulay at nagsasalita sa kanyang sarili: «Ang lahat na kayamanan na mayroon ako para sa Kanya. At hindi na Niya ito kailanman muli matitikman. Nagtrabaho ako nang walang katuturan. Naniniwala Ako na Siya ay ang Anak ng Diyos, na Siya ay namatay at bumangon na mag-uli. Ngunit hindi na Siya ang Guro, Na nauupo sa mesa ng mahirap o ng mayaman at bumabahagi sa pagkain nang may parehong pagmamahal, baka, walang katiyakan na mas malaking pagmamahal para sa mahirap kaysa sa mayaman. Ngayon Siya ay ang Muling-nabuhay na Panginoon. Siya ay nabuhay na maguli upang palakasin kami, Kanyang mga naniniwala, sa aming pananampalataya. At sinasabi nila na ito ay hindi totoo. Na walang sinuman ang kailanman ibinangon ang sarili. Walang sinuman. Wala. Walang sinuman na tao. Ngunit nagawa Niya. Sapagkat Siya ay Diyos.»

Pinapalakpak niya ang kanyang mga kamay upang mapaalis ang mga kalapati na mga bumaba upang nakawin ang binhi sa lupa na kahahasik pa lamang, at sinabi niya: «Wala nang kabuluhan ngayon na kayo ay dumami! Hindi na Niya kailanman malalasahan ang inyong mga supling muli! At kayo, mga walang pakinabang na pukyutan? Para kanino kayo gagawa ng pulot? Umaasa man lamang ako na minsan makasama ko Siya rito, ngayon na ako ay hindi na masyadong hirap. Ang lahat ay yumabong dito, pagkatapos na dumating Siya... Ah! Ngunit sa pamamagitan ng perang iyon, na hindi ko kailanman nagalaw, gusto kong pumunta sa Nazareth, sa Kanyang Ina, at sabihin sa Kanya: “Gawin Ninyo akong katulong, ngunit patirahin Ninyo ako kung saan Kayo naroroon, sapagkat Kayo ay si Jesus pa rin”...» Pinupunas niya ang isang luha sa pamamagitan ng likod ng kanyang kamay...

¹⁵«Matthias, mayroon ka bang ilang tinapay para sa isang peregrino?»

Si Matthias ay tumingala, ngunit, sa dahilan na siya ay nakaluhod, hindi niya makita kung sino ang nagsasalita sa likuran ng mataas na halamang-bakod, na pumapaligid sa kanyang maliit na ari-arian na nawawala sa berdeng nangungulilang lugar na ito sa ibayo ng Jordan. Ngunit siya ay tumugon: «Maging sinuman kayo, halika, sa ngalan ng Panginoong Jesus.» At tumayo siya upang buksan ang bakod.

Natagpuan niya ang kanyang sarili na kaharap si Jesus, at siya ay natigilan na ang kanyang kamay nasa panara, hindi makagawa ng pagkilos.

«Ayaw mo ba Ako bilang iyong panauhin, Matthias? Ginusto mong minsan. At ikaw ay nalulungkot na hindi mo na ulit magagawa. Ako ay naririto at hindi ka nagbubukas sa Akin?» sabi ni Jesus ngumingiti.

«O! Panginoon... Ako... Ako... Ako ay hindi karapat-dapat na ang aking Panginoon ay pumunta rito... Ako...»

Si Jesus ay inabot ng Kanyang kamay ang panara ng bakod nagsasabing: «Ang Panginoon ay pumapasok saan man ang Kanyang gustuhin, Matthias.»

Siya ay pumasok, nagpapatuloy Siya sa abang pangkusinang-hardin, nagpatungo sa bahay at sa pamasukan Siya ay nagsabi: «Kung gayon, maisasakripisyo mo ang maliliit na kalapati. Kunin ang mga gulay sa hardin at ang pulot sa mga pukyutan. Pagsasaluhan natin ang tinapay, at ang iyong ginawa ay hindi masasayang, at ang iyong minithi walang  mapupuntahan. At ang lugar na ito ay magiging mahal sa iyo, at hindi mo kakailanganin na pumunta sa lugar kung saan magkakaroon na naman ng katahimikan at pag-abandona. Ako ay nasa kahit saan na lugar, Matthias. Siya na nagmamahal sa akin ay laging kasama Ko. Ang Aking mga disipulo ay mapupunta sa Herusalem. Ang Aking Simbahan ay doon lilitaw. Tiyakin na ikaw ay naroroon para sa suplementaryong Paskuwa.

«Patawarin Ninyo ako, Panginoon. Ngunit hindi ako makatagal sa lugar na iyon at tumakbo ako. Dumating ako roon sa ika-siyam na oras sa araw bago ang Araw ng Paghahanda, at noong araw pagkatapos... O! ako ay tumakbo dahil ayaw kong makita Kayong  namamatay. Tanging dahil lamang diyan, Panginoon.»

«Alam Ko. At alam Ko na ikaw ay bumalik, at ikaw ang isa sa pinaka-una na umiyak sa Aking sepulkro. Ngunit Ako ay wala na roon noon. Alam Ko ang lahat. ¹⁶Dito, uupo Ako at magpapahinga. Dito Ako laging nagpapahinga... At ang mga anghel ay nalalaman iyan.»

Ang mamâ ay inaabala ang sarili, ngunit siya ay tila gumagalaw sa loob ng isang simbahan, napaka mapagpitagan siyang kumikilos sa paligid. Paminsan-minsan pinupunas niya ang isang luha, na malapit nang humalo sa kanyang ngiti, habang siya ay paparoo’t parito upang kunin ang maliliit na kalapati, pinapatay ito, hinahanda ito, dinadarang sa apoy, kinukuha at hinuhugasan ang mga gulay, at ilagay ang unang mga igos sa isang pinggan, at nilalatagan ang mesa ng pinakamagagandang gamit. Ngunit nang ang lahat ay nakahanda na, papaano siya makakaupo at kumain? Gusto niya makapaglingkod, na tila isang malaking bagay, at walang ibang gusto. Ngunit si Jesus, na pinagpala at naialay na ang pagkain, ay inaabutan siya ng kalahati ng kalapati, na Kanyang nahati, nilagyan ng karne sa ibabaw ng isang piraso ng tinapay, na Kanyang naisawsaw sa isang sawsawan.

«O! katulad sa isang paborito!» sabi ng mamâ, at siya ay kumakain, umiiyak sa lugod at sa emosyon, nang hindi inaalis ang kanyang tingin kay Jesus, Na kumakain... umiinom, sinasarapan sa mga gulay, sa prutas, sa pulot, at inaalok ang Kanyang kalis sa kanya pagkatapos na makasipsip ng alak. Dati lagi tubig ang Kanyang iniinom.

Ang pagkain ay tapos na.

«Ako ay tunay na buháy, katulad ng iyong nakikita. At ikaw ay masayang-masaya. Alalahanin na labindalawang araw ang nakaraan Ako ay namamatay sa pamamagitan ng kalooban ng mga tao. Ngunit wala ang kalooban ng mga tao kapag ang kalooban ng Diyos ay hindi sumasang-ayon dito. At mahigit pa diyan, ang kasalungat na kalooban ng mga tao ay nagiging isang aliping instrumento ng eternal na Kalooban. Paalam, Matthias. Katulad ng Aking sinabi na makakasama Ko siya na nagbigay sa Akin ng isang maiinom noong Ako ay isang Peregrino ang tungkol Kanino ang bawat pagdududa ay di-masama, kung gayon sasabihin Ko sa iyo: magkakaroon ka ng bahagi sa Aking selestiyal na Kaharian.»

«Ngunit ngayon Kayo ay nawawala na sa akin, Panginoon!»

«Sa bawat peregrino tingnan Ako; sa bawat pulubi, Ako; sa bawat may-sakit, Ako; sa lahat na nangangailangan ng tinapay, tubig at mga damit, Ako. Ako ay nasa bawat sinuman na naghihirap, at kung ano ang ginagawa sa mga naghihirap, ay ginagawa sa Akin.»

Inuunat Niya ang Kanyang mga kamay nagpapalâ at Siya ay nawala.

VII. Kay Abraham ng Engedi, na namamatay sa loob ng Kanyang mga Bisig.

¹⁷Ang liwasan sa Engedi: templong may kumakaluskos na mga haliging puno-ng-palmera. Ang pontanya: salamin para sa kalangitan ng Abril. Ang mga kalapati: isang mahinang bulong ng organo. Si Abraham ay dumaraan dito dala ang kanyang mga pantrabahong gamit sa kanyang mga balikat. Nagmumukha siyang mas matanda pa nga, ngunit panatag katulad ng isa na nakatagpo ng kaginhawahan pagkaraan ng isang marahas na bagyo. Dinaraanan din niya ang iba pang lugar ng bayan, at pumunta sa mga ubasan malapit sa mga pontanya. Ang magandang matabang mga ubasan, nangangako na ng isang masaganang ani. Pumasok siya at nagsisimulang magbungkal sa pamamagitan ng asarol, siya ay nag-iisip. Hinahaplos niya ang kanyang patriarkal na balbas, nagbubuntung-hininga siya, iniiling niya ang kanyang ulo, sa isang papaloob na pakikipagusap. 

May isang lalaki, balot na balot sa kanyang manta, ang papalapit patungo sa mga pontanya at sa mga ubasan. Sinabi ko: isang lalaki. Ngunit ito ay si Jesus, sapagkat iyon ay ang Kanyang damit at Kanyang paglakad. Ngunit para sa matanda ito ay isang lalaki. At ang Lalaki ay tinanong si Abraham: «Maaari pa Akong tumigil dito?»

«Ang ospitalidad ay sagrado. Hindi ko kailanman ipinagkait iyan sa sinuman. Halika. Pasok. Harinawang ang pagpapahinga sa loob ng lilim ng aking mga baging ay maging kaaya-aya sa iyo. Gusto mo ba ng ilang gatas? Ilang tinapay? Ibibigay ko sa iyo ang mayroon ako rito.»

«At ano ang maaaring maibigay Ko sa iyo? Wala Ako kahit ano.»

«Siya Na siyang ang Mesiyas ay nabigyan ako ng lahat, para sa bawat tao. At anuman ang aking maibigay, ay wala kompara sa naibigay Niya sa akin.»

«Nalalaman mo ba na ipinako nila Siya sa krus?»

«Alam Ko na Siya ay nakabangon nang muli mula sa kamatayan.. Ikaw ba ay isa sa mga nagpapako sa Kanya sa krus? Ako ay hindi pinahihintulutan na mapoot, sapagkat ayaw Niya ng poot. Ngunit, kung ako ay pinahintulutan, kapopootan kita kung ikaw nga.»

«Hindi Ako isa sa mga nagpapako sa Kanya sa krus. Huwag mag-alala. Kung gayon nalalaman mo ang lahat tungkol sa Kanya.»

«Oo, lahat. At si Elisha... Siya ay aking anak, alam mo? Si Elisha ay hindi na ulit bumalik mula sa Herusalem, at sinabi niya: “Pakawalan ninyo ako, ama, sapagkat iniiwan ko ang lahat ng aking kayamanan upang maituro ang Panginoon. Pupunta ako sa Capernaum upang hanapin si Juan, at sasamahan ko ang tapat na mga disipulo”.»

«Kung gayon ang iyong anak ay iniwan ka? Matandang-matanda na at nag-iisa?»

«Ang iyong tinatawag na pag-abandona ay kaluguran na aking matagal nang pinangarap. Ang aking anak ba ay hindi naipagkait sa akin ng ketong? At sino ang nagbigay sa akin muli ng aking anak? Ang Mesiyas. At siya ba ay nawawala sa akin sapagkat ituturo niya ang Panginoon? Siyempre hindi! Matatagpuan ko siyang muli sa eternal na buhay din. ¹⁸Ngunit nagsasalita ka sa pamamaraan na nagagawa akong magsospetsa. Ikaw ba ay isang sugo ng Templo? Naparito ka ba upang usigin ang mga naniniwala sa Muling-nabuhay na Guro? Humampas ka! Hindi ako tatakbo. Hindi ko gagayahin ang tatlong mago ng malayo nang mga araw. Mananatili ako. Sapagkat kung ako ay mamatay para sa Kanya, masasamahan ko Siya sa Langit at ang aking panalangin ng nakaraang taong ay matutugunan.»

«Iyan ay totoo. Sinabi mo noon: “Sabik akong naghintay para sa Panginoon, at napakinggan Niya ako”.»

«Papaano mo nalalaman? Isa ka ba sa Kanyang mga disipulo? Naririto ka ba noong nanalangin ako sa Kanya? O! kung ikaw ay gayon nga, tulungan mo akong makarating sa Kanya ang aking sigaw, upang sana maalaala Niya.» Pinagpatirapa niya ang kanyang sarili, iniisip na siya ay nagsasalita sa isang apostol.

«Ako ito, Abraham ng Engedi, at sinasabi Ko sa iyo: “Halika”. Inuunat ni Jesus ang Kanyang mga kamay patungo sa kanya, binubunyag ang Sarili, at inaanyayahan siya na ipahinga ang kanyang sarili sa Kanyang mga kamay, nagpapahingalay sa Kanyang Puso.

Sa sandaling iyon ang isang batang lalaki ay dumating sa ubasan. Siya ay sinusundan ng isang binatilyo at sumisigaw: «Ama! Ama! Naririto kami upang tulungan kayo.»

Ngunit ang matiling sigaw ng bata ay natatabunan ng malakas na sigaw ng matandang lalaki, isang tunay na sigaw ng pagkakalaya: «Naririto ako! Ako ay parating!» At si Abraham ay pinabagsak ang kanyang sarili sa loob ng mga kamay ni Jesus, sumisigaw muli: «Jesus, Banal na Mesiyas! Sa inyong mga kamay ipinauubaya ko ang aking espiritu!»

Isang banal na kamatayan. Isang kamatayan na kinaiinggitan ko! Sa ibabaw ng puso ng Kristo, sa panatag na kapayapaan ng mabulaklak na bayan ng Abril...

¹⁹Si Jesus ay inihiga nang dahan-dahan ang matandang lalaki sa mabulaklak na damuhan na umaalon sa ihip ng hangin, sa paanan ng hilera ng mga baging, at sinabi Niya sa mga bata, na, nagtataka at natatakot, ay malapit nang umiyak: «Huwag umiyak. Siya ay namatay sa Panginoon. Pinagpala ang mga namamatay sa Kanya! Lakas, mga bata, at sabihin sa mga tao ng Engedi na ang kanilang lider ng sinagoga ay nakita ang bumangong Panginoon at tinugunan ang kanyang panalangin sa Kanya. Huwag umiyak! Huwag umiyak!» Hinahaplos Niya sila habang pinasusunod sila sa labasan.

Si Jesus pagkatapos ay bumalik sa yumaong lalaki at inaayos ang kanyang balbas at buhok, isinara Niya ang Kanyang mga talukap-mata, na medyo nakabukas, itinutuwid Niya ang kanyang katawan, at sa ibabaw nito Kanyang inilalatag ang manta na inalis ni Abraham upang magtrabaho.

Siya ay nananatili roon hanggang nakarinig Siya ng mga tinig na paparating mula sa daan. Pagkatapos Siya ay tumayo. Ang ganda... Ang mga nagmadali roon ay nakita Siya. Sila ay sumigaw. Tumakbo sila nang mas mabilis upang abutan si Jesus. Ngunit Siya ay nawala sa kanilang paningin sa loob ng labis na liwanag na mas matingkad pa kaysa sa araw.

VIII. Kay Elijah, ang Essene ng Mount Cherith.

²⁰Ang marahas na pangungulila ng magaspang na bundok na sa ibaba nito ay naroon ang Cherith. Si Elijah ay nagdarasal, mas lalo pa ngang nangayayat at naging balbon, nakasuot ng isang delanang damit, na alangang kulay abo o kulay kape, at nagagawa siyang magmukhang katulad ng mga batong nakapaligid sa kanya.

Nakarinig siya ng isang ingay na nakakahawig ang ingay ng hangin o kulog. Siya ay tumingala. Si Jesus ay lumitaw sa ibabaw ng isang bato na nakausli sa ibabaw ng isang bangin, na sa ilalim nito ay naroon ang ilog.

«Ang Guro!» Nagpatirapa siya sa lupa, ang mukha nakaharap sa lupa.

«Ako, Elijah. Hindi mo ba narinig ang lindol noong Araw ng Preparasyon?»

«Oo, narinig ko, at bumaba ako patungong Jericho at kay Nike. Wala akong nakita na kahit sino sa mga nagmamahal sa Inyo. Nagtanong ako tungkol sa Inyo. Hinampas nila ako. Pagkatapos naramdaman ko na nanginig muli ang lupa, ngunit hindi kasing lakas, at bumalik ako rito upang magtika, iniisip na ang dike ng selestiyal na galit ay nagbukas.»

«Ng Dibinong Awa.  Ako ay namatay ay bumangon nang muli. Tingnan ang Aking mga sugat. Samahan ang mga lingkod ng Panginoon sa Mount Tabor at sabihin sa kanila na pinadala kita.»

Pinagpapala Niya siya at Siya ay nawala sa paningin.

IX. Kay Dorcas at sa kanyang anak sa kastilyo sa Caesarea Philippi.

²¹Ang maliit na anak na lalaki ni Dorcas, suportado ng kanyang ina, ay ginagawa ang kanyang unang mga paghakbang sa ibabaw ng lakarán ng muog. At si Dorcas, nakayukong katulad niya, ay hindi nakikita ang Panginoon na lumilitaw. Ngunit noong ang bata ay medyo pinababayaan nang kaunti, nakikitang nakapaglalakad na siya nang matatag at mabilis patungo sa isang sulok, itinuwid ni Dorcas ang kanyang sarili upang habulin ang bata at maalalayan pagdaan sa mga butas sa pader na pinaglalagyan ng mga armas. Dito nakita ni Dorcas si Jesus, Na kinakarga ang bata, idinidiin siya sa Kanyang puso at hinahalikan.

Ang babae ay hindi nangahas na gumawa ng kahit anong pagkilos. Ngunit sumigaw siya nang malakas. Isang sigaw na nagawa ang mga taong nasa mga korte na tumingala at dumungaw ang mga mukha sa mga bintana: «Ang Panginoon! Ang Panginoon! Ang Mesiyas ay naririto! Siya ay totoong nakabangon nang muli.» Ngunit bago makatakbo roon ang mga tao, si Jesus ay nawala na sa paningin.

²³«Ikaw ay baliw! Nananaginip ka! Ang paglaro ng mga liwanag ay nagawa kang makakita ng isang multo.»

«O! Siya ay talagang buháy! Tingnan kung papaano ang aking anak tumitingin doon at kung papaano may hawak siya ng isang mansanas na kasing ganda ng kanyang maliit na mukha. Nginangatngat ito ng kanyang maliliit na ngipin. Ako ay walang mansanas...»

«Walang sinuman ang may hinog na mansanas sa mga araw na ito, at sariwang-sariwa...» nagsasabi sila nang kung baga nagugulat.

«Ating tanungin si Tobias» sabi ng ilan sa mga babae.

«Ano ang gusto ninyong gawin? Halos hindi pa siya nakapagsasalita ng “inay”!» sabi ng mga lalaki nang may panunuya.

Ngunit ang mga babae ay niyukuan ang maliit na batang lalaki at nagsabi: «Sino ang nagbigay sa iyo ng mansanas?»

At ang mga labì, na halos hindi pa masabi nito ang pinakasimpleng mga salita, sa isang malugod na ngiti na nagpapakita sa kanyang maliliit na ngipin at kanyang wala-pang laman na gilagid, nang walang pag-aalinlangan ay nagsabi: «Jesus.»

«O!»

«Hoy! Tawag mo sa kanya Jesai! Nasasabi niya ang kanyang pangalan.»

«Si Jesus ikaw, o si Jesus ang Panginoon? Alin na Panginoon? Saan mo Siya nakita?» pamimilit ng mga babae.

«Doon, ang Panginoon. Si Jesus ang Panginoon.»

«Nasaan Siya? Saan Siya pumunta?»

«Doon.» Tinuturo niya ang kalangitan na puno ng araw at ngumingiti siya nang masaya at kinakagat ang kanyang mansanas.

At habang umaalis ang mga lalaki iniiling ang kanilang magulo, si Dorcas ay nagsabi sa mga babae: «Siya ay makisig. Siya ay tila nakadamit sa liwanag. At sa Kanyang mga kamay mayroon Siyang tanda ng mga pako, kasing pula ng mga batong-hiyas sa kaligiran ng labis na kaputian. Kitang-kita ko Siyang mabuti, sapagkat kinakarga Niya ang bata nang ganito» at ginagawa niya ang ginagawa ni Jesus.

²³Ang tagapamahala ay nagmadali roon, ginawa niya silang ulitin ang kuwento, siya ay nag-iisip, at naghinuha: «Ang salmo ay nagsasabi: “Sa mga labì ng mga bata at mga kargang sanggol inilagay Ninyo ang perpektong papuri”. At bakit hindi ito ang katotohanan? Sila ay mga inosente. At tayo... Ating tandaan ang araw na ito... Hindi! Pupunta ako sa nayon ng mga disipulo. Titingnan ko kung ang Rabbi ay naroroon... Datapwa’t... Siya ay patay na... Sino ang nakaaalam?...»

At sa pamamagitan ng “sino ang nakaaalam!» na ito na nagtatapos sa kongklusyon na panloob, ang tagapamahala ay umalis, habang ang mga babae, puno ng pananabik, ay patuloy sa pagtatanong tungkol sa bata, na tumatawa at inuulit ang: «Jesus, doon. Jesus Panginoon» at tinuturo niya ang lugar na kinaroroonan dati ni Jesus, pagkatapos tinuturo ang araw kung saan nakita niya Siyang nawala sa paningin, masaya, masaya.

X. Sa mga taong naiipon sa loob ng sinagoga ng Kedesh.

²⁴Ang mga mamamayan ng Kedesh ay naiipon sa sinagoga at kanilang pinag-uusapan ang huling mga pangyayari kasama si Matthias, ang lider ng sinagoga. Ang sinagoga ay kung baga medyo madilim, sapagkat ang mga pinto ay nakasarado at ang mga kurtina ng mga bintana ay nakababa, mabibigat na kurtina na halos hindi mapagalaw ng hingin ng Abril.

Ang isang kidlat ay napaliwanag ang silid. Iyon ay nagmumukhang isang kidlat, ngunit iyon ay ang liwanag na nauuna kay Jesus. At si Jesus ay pinakita ang Sarili, ginugulat ang maraming tao. Inuunat Niya ang Kanyang mga kamay at ang mga sugat sa Kanyang mga kamay at mga paa ay malinaw na kitang-kita, sapagkat pinakita Niya ang Kanyang Sarili mula sa huli ng tatlong baytang na maghahatid sa isang nakasaradong pinto. Sinabi Niya: «Ako ay nakabangon na mula sa kamatayan. Pinaaalalahanan Ko kayo tungkol sa pagtatalo sa pagitan Ko at ng mga eskriba. Binigyan Ko ang masamang henerasyon ng tanda na Aking ipinangako. Ang tungkol kay Jonah. Binibigay Ko ang Aking pagpapalà sa mga nagmamahal sa Akin at tapat sa Akin.» Wala nang iba pa. Siya ay nawala sa paningin.

«Ngunit Siya iyon! Saan nanggaling? Subalit Siya ay buháy! Sinabi Niya ang ganyan! Bueno! Ngayon naintindihan ko na. Ang tanda ni Jonah: tatlong araw sa loob ng mga bituka ng Lupa at pagkatapos resureksiyon...»

Isang kagulo ng mga komentaryo...

XI. Sa isang grupo ng mga rabbi sa Giscala.

²⁵Isang nakalalasong grupo ng mga rabbi na nagsisikap na makumbinsi ang ilang nag-aalinlangan na mga lalaki na gawin ang kanilang mga hinihiling. Gusto nilang pumayag ang mga lalaking iyon na pumunta kay Gamaliel, na nagkukulong sa sarili sa loob ng kanyang bahay at ayaw na may makitang sinuman.

Ang mga lalaking ito ay nagsasabi: «Sinasabi namin sa inyo na siya ay wala rito. Hindi namin malaman kung nasaan siya. Siya ay dumating. Nagbasa siya ng ilang rolyo. Siya ay umalis. Wala siyang sinabi kahit isang salita»; «Siya ay nakakatakot, balisang-balisa at tumanda» tugon ng iba.

Nang may masamang loob ang mga rabbi ay tinalikuran ang mga nagsalita at umalis sila nagsasabing: «Si Gamaliel din ay kasing baliw ni Simon! Hindi totoo na ang Galilean ay bumangon mula sa kamatayan! Iyan ay hindi totoo! Hindi totoo na Siya ay Diyos. Hindi iyan totoo. Walang totoo. Kami lamang ang nasa katotohanan.» Ang pinaka kirot na kanilang kinuha sa pagsasabing iyon ay hindi totoo, ay nagpapatunay na sila ay natatakot na iyon ay totoo, na kailangan nilang mabigyan ng katiyakan.

Nakapaglakad na sila sa tabi ng pader ng bahay at malapit na sila sa libingan ni Hillel. Laging inaatungal ang kanilang mga pagtanggi, itinataas nila ang kanilang mga ulo... at tumatakbo silang sumisigaw. Ang Jesus na labis na mabait sa mabubuting tao ay naroroon, nakapangingilabot na makapangyarihan, na ang Kanyang mga kamay nakabukas katulad noong sa krus... Ang mga sugat sa Kanyang mga kamay ay kasing pula na tila may mga dugo pang tumutulo. Wala Siyang binibigkas kahit isang salita. Ngunit ang Kanyang mga mata ay tinutuligsa sila.

Ang mga rabbi ay tumakbo, bumabagsak sila, bumabangon sila, sinusugatan ang kanilang mga sarili sa mga puno ng mga kahoy at sa mga bato, baliw, nagawang mga baliw ng takot. Kamukha nila ang mga pumapatay ng tao na iniharap sa kanilang mga biktima.

XII. Kina Joachim at Maria ng Bozrah.

²⁶«Maria! Maria! Joachim at Maria! Halikayo sa labas.»

Ang dalawa, na nasa loob ng isang tahimik na silid, naliliwanagan ng isang lampara, ang isa abala sa pananahi, ang isa sa pagkukuwenta, ay itinaas na kanilang mga ulo, tiningnan ang isa’t isa... Si Joachim namumutla sa takot, ay bumulong: «Ang tinig ng Rabbi! Iyon ay nanggagaling sa kabilang buhay...» Ang babae, natatakot, ay sinisiksik ang sarili sa kanyang asawa.

Ngunit ang tawag ay naulit at ang dalawa, mahigpit na magkayakap, upang makakuha ng lakas-ng-loob, ay naglakas-loob na lumabas, patungo sa direksiyon ng tinig.

Sa loob ng hardin, naliliwanagan ng hugis-suklay ng bagong buwan, ay naroon si Jesus, nagniningning sa isang liwanag na mas malakas pa kaysa sa maraming buwan. Ang liwanag ay napalilibutan Siya at ginagawa Siyang Diyos. Ang Kanyang napakatamis na ngiti at nagmamahal na mga mata ay ginagawa Siyang Tao: «Lumakad at sabihan ang mga taga-Bozrah na nakita ninyo Ako, tunay at buháy. At ikaw, Joachim, sabihin ang ganyan sa Tabor, sa mga nagkaipun-ipon doon.» Pinagpapala Niya sila at Siya ay nawala sa paningin.

«Ngunit Siya iyon! Iyon ay hindi isang panaginip! Ako... Bukas ako ay pupunta sa Galilee. Sinabi Niya sa Tabor, hindi ba?...»

XIII. Kay Maria ni Jacob, sa Ephraim.

²⁷Ang babae ay nagmamasa ng harina upang gumawa ng tinapay. Siya ay lumingon, noong marinig niya na siya ay tinatawag, at nakita niya si Jesus. Ibinagsak niya ang kanyang sarili sa sahig, ang mukha at mga kamay nasa sahig, sa tahimik na pagsamba, natatakot nang kaunti.

Si Jesus ay nagsalita: «Sasabihin mo sa lahat na nakita mo Ako at na Ako ay nagsalita sa iyo. Ang Panginoon ay hindi nakatalaga sa sepulkro. Ako ay bumangon mula sa kamatayan sa ikatlong araw katulad ng Aking sinabi. Magpursige, kayo na nasa Aking daan, at huwag pahintulutan ang inyong mga sarili na marahuyo ng mga salita ng mga nagpapako sa Akin sa krus. Ang Aking kapayapaan sa iyo.»

XIV. Kay Sintike, sa Antioch.

²⁸Si Sintike ay naghahanda ng isang bag ng paglalakbay. Gabi ngayon, sapagkat may sindi ang isang maliit na lampara, ang mahinang liwanag nito ay kumukurap-kurap, at nakalagay ito sa isang mesa malapit sa babae abala sa paglulupi ng ilang mga damit.

Ang silid ay matingkad na lumiwanag at itinaas ni Sintike ang kanyang ulo, nasorpresa, upang tingnan kung ano ang nangyayari, kung ano ang pinanggalingan ng gayong tingkad ng liwanag sa silid na iyon na ganap na nakasarado. Ngunit bago siya makakita, si Jesus ay inunahan siya: «Ako ito. Huwag matakot, Naipakita Ko na ang Aking Sarili sa maraming tao upang patibayin sila sa kanilang pananampalataya. Pinakikita ko rin ang Aking Sarili sa iyo, Aking masunurin na tapat na disipulo. Ako ay nakabangon na. Kita mo? Hindi na ulit Ako naghihirap. Bakit ka umiiyak?»

Ang babae, sa harapan ng kagandahan ng Maluwalhating Guro, ay walang makitang mga salita... Si Jesus ay ngumingiti sa kanya upang palakasin ang kanyang loob at dagdag Niya: «Ako ay ang parehong Jesus Na malugod na tumanggap sa iyo sa daan malapit sa Caesarea. Bagama’t hiyang-hiya ka noon, nagsalita ka sa Akin at hindi mo Ako nakikilala. At ngayon, hindi ka ba makapagsalita ng isang salita sa Akin?»

«O Panginoon! Paalis na sana ako... Upang pagaanan ang aking sarili ng labis na kabalisahan at kapighatian.»

«Bakit kapighatian? Hindi ba nila sinabi sa iyo na Ako ay nakabangon na?»

«Sinabi nila sa akin at tinanggihan ito. Ngunit ako ay hindi nabalisa ng kanilang mga kontradiksyon. Alam ko na hindi Kayo maaaring mabulok sa isang sepulkro. Umiyak ako dahil sa martiryo sa Inyo. Ako ay naniwala, kahit bago pa man nila sinabi sa akin, sa Inyong Resureksiyon. At nagpatuloy akong maniwala kahit may pumupunta sa akin na nagsasabi na ito ay hindi totoo. Ngunit gusto kong pumunta sa Galilee. Iniisip ko, hindi na ako makagagawa ng kahit ano pang kapinsalaan sa Kanya. Siya ngayon ay naging mas Diyos na kaysa Tao. Hindi ko alam kung ang aking sinasabi ay tama...»

«Naiintindihan Ko kung ano ang ibig mong sabihin.»

«At sinabi ko: Masasamba ko Siya, at makikita ko si Maria. Iniisip ko na hindi Kayo magtatagal na kasama namin, at pinagmamadali ko ang aking pag-alis. Madalas kong sabihin: kapag Siya ay nakabalik na sa Kanyang Ama, katulad ng Kanyang sinabi, ang Kanyang Ina ay magiging malungkot kahit na papaano sa Kanyang lugod. Sapagkat Siya ay isang kaluluwa, ngunit Siya rin ay isang ina... At susubukan kong mapaginhawahan ko Siya, ngayon na Siya ay nag-iisa na lamang... Ako ay mapagmalaki!»

«Hindi. Ikaw ay maawain. Paaalamin Ko ang Aking Ina tungkol sa iyong naiisip. Ngunit huwag pumunta roon. Manatili sa kinalalagyan mo at magpatuloy sa pagtatrabaho para sa Akin. Ngayon higit pa sa dati. Ang iyong mga kapatid, ang mga disipulo, ay kailangan ng pagtatrabaho ng lahat upang mapalawig ang Aking doktrina. Nakita mo na Ako. Si Maria ay ipinagkatiwala kay Juan. Huwag ka nang mag-alala pa. Mapalalakas mo ang iyong espiritu sa pamamagitan ng katiyakan ng pagkakita sa Akin at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Aking pagpapalà.»

Si Sintike ay nananabik na mahalikan Siya. Ngunit hindi siya maglakas-loob. Si Jesus ay nagsabi sa kanya: «Halika.» At nangangahas siyang kaladkarin ang kanyang sarili nang nakaluhod malapit kay Jesus at gumagawa ng pagpapahiwatig na hinahalikan niya ang Kanyang mga paa. Ngunit nakita niya ang dalawang sugat at siya ay hindi nangahas. Kinuha niya ang laylayan ng Kanyang tunika at hinahalikan ito umiiyak. At siya ay bumulong: «Ano ang kanilang ginawa sa Inyo!»

Pagkatapos siya ay nagtanong: «At si Juan-Felix?»

«Siya ay masaya. Wala siyang naaalaalang iba bagkus pagmamahal at namumuhay siya nito. Kapayapaan sa iyo, Sintike.» Siya ay nawala sa paningin.

Ang babae ay nananatili sa kanyang sumasambang aktitud, nakaluhod, ang kanyang mukha nakatingala, ang kanyang mga kamay nakaunat nang kaunti, mga luha sa kanyang mga mata, isang ngiti sa kanyang mga labì...

XV. Kay Zacharias, ang Levita.

²⁹Siya ay nasa loob ng isang maliit na silid. Si Zacharias, ang Levita, ay nag-iisip. Siya ay nakaupo, ang kanyang ulo nakasandal sa isa sa kanyang mga kamay.

«Huwag magduda. Huwag makinig sa mga tinig na nagpapabalisa sa iyo. Ako ang Katotohanan at ang Buhay. Tingnan mo Ako. Hipuin mo Ako.»

Ang bata-pang lalaki, na tumingala sa unang mga salita pa lamang at nakita na si Jesus, at nakaluhod na, ay sumigaw: «Patawarin Ninyo ako, Panginoon. Ako ay nagkasala. Tinanggap ko sa loob ko ang pagdududa tungkol sa Inyong katotohanan.»

«Ang mga nagsisikap na tuksuhin ang iyong espiritu ay mas makasalanan kaysa sa iyo. Huwag magpadala sa kanilang mga panunukso. Ako ay isang tunay na buháy na katawan. Pakiramdaman ang bigat at ang init, ang pagkasolido at ang lakas ng Aking kamay.»Hinawakan Niya siya sa ibaba ng siko at binubuhat siya sa pamamagitan ng Kanyang lakas, nagsasabi: «Bumangon at maglakad sa mga daan ng Panginoon, sa labas ng pagdududa at takot. At ikaw ay pagpapalain kung magpupursige ka hanggang sa katapusan.» Pinagpapala Niya siya at Siya ay nawala sa paningin.

Ang bata-pang lalaki, pagkaraan ng isang sandali ng pagtatakang di-makagalaw, ay tumakbong palabas sa silid sumisigaw: «Inay! Itay! Nakita ko ang Guro. Hindi totoo ang sinasabi ng iba! Ako ay hindi nababaliw. Huwag magpatuloy na paniwalaan ang kasinungalingan, bagkus pagpalain ang Kataastaasan kasama ko, dahil nagkaroon Siya ng awa sa Kanyang lingkod. Ako ay aalis. Pupunta ako sa Galilee. Makikita ko ang iba sa Kanyang mga disipulo. Sasabihin ko sa kanila na maniwala na Siya ay talagang nabuhay ng maguli.»

Wala siyang kinukuhang sako na may pagkain at mga damit. Isinuot niya ang kanyang manta at tumakbo, nang hindi binibigyan ang kanyang mga magulang ng panahon na makapanumbalik mula sa kanilang pagtataka at makialam na pigilin siya.

XVI. Sa isang babae ng kapatagan ng Sharon.

³⁰Isang daan sa baybayin. Baka ang isang nag-uugnay sa Caesarea sa Joppa, o isa pang daan. Hindi ko alam. Alam ko na nakikita ko ang isang kabukiran sa isang tabi at ang dagat sa kabila, isang madilim na asul na dagat sa kabila ng manilaw-nilaw ng linya ng baybayin. Ang daan ay tiyak na isang gawa ng Roma, katulad na ito ang pinatutunayan ng pagkakagawa.

Isang babae ang naglalakad dito sa maaagang oras ng isang maliwanag na umaga. Ang araw ay kasisikat pa lamang. Ang babae ay maaaring pagod-na-pagod, sapagkat maya’t maya ang kanyang pagtigil at pag-upo sa ibabaw ng isang milyahe o sa daan. Pagkatapos tatayo siya at magpapatuloy, na tila may isang bagay na nagtutulak sa kanya na magpatuloy, sa kabila ng kanyang labis na kapaguran.

Si Jesus, isang manlalakbay nakabalot sa isang manta, ay naglalakad sa tabi niya. Ang babae ay hindi Siya tinitingnan. Siya ay naglalakad nakalubog sa loob ng pagdurusa ng kanyang kalooban. Si Jesus ay tinanong siya: «Bakit ka umiiyak, babae? Saan ka nanggaling? At saan ka papunta nang nag-iisa?»

«Ako ay nanggaling sa Herusalem at ako ay pabalik sa aking tahanan.»

«Malayo?»

«Sa kalahatian ng Joppa at Caesarea.»

«Maglalakad?»

«Sa lambak, bago ang Modin, ilang mandarambong sa daan ang kumuha sa aking asno at kung ano ang nakasakay doon.»

«Hindi tama sa iyo na lumakad nang nag-iisa. Hindi kaugalian na lumakad nang nag-iisa sa Paskuwa.»

«Hindi ako pumunta para sa Paskuwa. Nananatili ako sa bahay, sapagkat mayroon akong, at sana nasa akin pa, ang isang bata na may sakit. Ang aking asawa ay pumunta kasama ang ibang mga tao. Pinauna ko siya at pagkaraan ng apat na araw ako ay umalis. Sapagkat sinabi ko: “Siya ay tiyak na nasa Herusalem para sa Paskuwa. Hahanapin ko Siya”. Ako ay medyo natatakot. Ngunit sinabi ko: “Ako ay walang ginagawang masama. Nakikita ng Diyos. Naniniwala ako. Alam ko na Siya ay mabuti, hindi Niya ako tatanggihan, sapagkat...”» Siya ay tumigil, na tila siya ay natatakot, sumulyap nang sandali sa lalaking naglalakad sa tabi niya, at na balot na balot na hindi makikita ng isa ang kanyang mga mata, ang di-mapagkakamalang mga mata ni Jesus.

³¹«Bakit ka tumahimik? Natatakot ka sa Akin. Sa palagay mo ba Ako ay isang kaaway Niya Na iyong hinahanap? Sapagkat hinahanap mo ang Guro ng Nazareth, upang hingin sa Kanya na pumunta sa iyong bahay at pagalingin ang bata habang nasa malayo ang iyong asawa...»

«Nakikita ko na Kayo ay isang propeta. Ganyan nga iyan. Ngunit noong dumating ako sa bayan, ang Guro ay patay.» Ang mga luha ay nagpapatigil sa kanyang pagsalita...

«Siya ay nabuhay ng maguli. Hindi mo ba iyan pinaniniwalaan?»

«Alam ko. Naniniwala ako diyan. Ngunit ako... Ngunit ako... Sa loob ng ilang mga araw umaasa ako na makita ko Siya mismo... Sinasabi nila na nagpakita Siya sa ilang mga tao. At inantala ko ang aking pag-alis... ang bawat araw ay isang pahirap, sapagkat... ang aking anak ay malubhang may sakit... ang aking puso ay nahahati... kung ako ay uuwi upang paginhawahan siya sa kanyang kamatayan... o mananatili sa paghahanap sa Guro... Hindi ko Siya inaasahan na pumunta sa akin bahay, bagkus mangako na pagagalinging siya.»

«At naniwala ka ba sana? Iniisip mo ba ang ganyan mula sa malayo?...»

«Naniniwala ako. O! kung sinabi Niya sa akin: “Humayo sa kapayapaan. Ang iyong anak ay manunumbalik ang kalusugan”, hindi ako magdududa. Ngunit hindi ako karapat-dapat nito, sapagkat...» siya ay umiiyak, dinidiin ang kanyang belo sa kanyang mga labì, upang mapigilan siyang magsalita.

«Sapagkat ang iyong asawa ay isa sa mga nag-aakusa at nagpapako sa krus kay Jesucristo. Ngunit si Jesucristo ay ang Mesiyas. Siya ay Diyos. At ang Diyos ay makatarungan, babae. Hindi Siya nagpaparusa sa inosenteng tao dahil sa isang nagkasala. Hindi Siya nagpapahirap sa isang ina dahil ang isang ama ay isang makasalanan. Si Jesucristo ay buháy na Awa...»

«O! Kayo ba kaya ay isa sa Kanyang mga apostol? Baka nalalaman ninyo kung nasaan Siya? Kayo... Baka pinadala Niya kayo sa akin upang sabihin sa akin ito. Nakarinig Siya, nakita Niya ang aking kapighatian, ang aking pananampalataya, at pinadala Niya kayo sa akin katulad ng pinadala ng Kataastaasan ang arkanghel na si Raphael kay Tobias. Sabihin sa akin kung ito ay ganito, at bagamat na ako ay pagod-na-pagod na magkakaroon ng lagnat, babalik ako upang hanapin ang Panginoon.»

»Ako ay hindi isang apostol. Ngunit ang mga apostol ay nananatili sa Herusalem nang maraming araw pagkatapos ng Kanyang Resureksiyon...»

«Iyan ay totoo. Natanong ko sana sila.»

«Kung gayon. Pinagpapatuloy nila ang Guro.»

«Hindi sa palagay ko nakagagawa sila ng mga himala.»

«Nagagawa pa nila ito...»

«Ngunit ngayon... Nasabihan ako na tanging isa lamang ang nanatiling tapat, at hindi sa palagay ko...»

«Oo. Sinabihan ka nang ganyan ng iyong asawa, tinutuya ka sa kanyang kahibangan ng huwad na pananagumpay. Ngunit sinasabi Ko sa iyo na ang tao ay maaaring magkasala, sapagkat Diyos lamang ang perpekto. At siya ay maaaring magsisi. At kung siya ay magsisi, ang kanyang lakas ay lalago, at palalakihin ng Diyos ang Kanya mga grasya sa kanya para sa kanyang pagtitika. Ang Diyos ba ay hindi pinatawad si David?»

³²«Ngunit sino kayo? Sino kayo na nagsasalita nang napakagiliw at napakadunong, kung kayo ay hindi isang apostol? Isang anghel kaya? Ang anghel ng aking anak. Siya kaya ay naputulan na ng hininga at naparito kayo upang maihanda ako...»

Si Jesus ay pinabayaan ang Kanyang manta na maalis sa Kanyang ulo at mukha, at nagbabago mula sa aspekto ng abang pangkaraniwan na peregrino patungo sa Kanyang kagandahan ng Diyos-Tao, nakabangon mula sa kamatayan, nang may mabait na karingalan sinabi Niya: «Ako ito. Ang Mesiyas na pinapako sa krus nang walang kabuluhan. Ako ang Resureksiyon at ang Buhay. Lakad, babae. Ang iyong anak ay nabubuhay, sapagkat ginantimpalaan Ko ang iyong pananampalataya. Ang iyong anak ay magaling na. Sapagkat, kung ang Rabbi ng Nazareth ay nakatapos na sa Kanyang misyon, ang Immanuel ay ipinagpapatuloy ang Kanyang misyon hanggang sa katapusan ng panahon para sa lahat na may pananampalataya, pag-asa at karidad sa Isa at Sang-tatlong Diyos, Dito kung saan ang nagkatawang-tao na Salita ay isang Persona, Na dahil sa dibinong pagmamahal ay iniwan ang Langit upang pumunta na magturo, maghirap, mamatay upang maibigay ang Buhay sa mga tao. Humayo sa kapayapaan, babae. At maging malakas sa pananampalataya, sapagkat ang panahon ay dumating na kung kailan sa isang pamilya ang asawang lalaki ay magiging laban sa kanyang asawa, ang ama laban sa kanyang mga anak, at ang mga anak laban sa kanya, dala ng pagkapoot o pagmamahal para sa Akin. Ngunit pinagpala ang mga tao na dahil sa panunuligsa ay hindi hihiwalay sa Aking Daan.»

Pinagpapala Niya siya at Siya ay nawala sa paningin.

XVII. Sa ilang mga pastol sa Great Hermon.

³³Isang grupo ng mga kawan at mga pastol. Sila ay tumigil sa ilang dalisdis na may magagandang pastulan. At sila ay nagsasalita tungkol sa mga pangyayari sa Herusalem. At sila ay naghihirap ang damdamin, nagsasabi sa isa’t isa: «Wala na tayo ng kaibigan ng mga pastol sa Lupa», at sinasariwa nila ang marami nilang pakikipagkita sa Kanya dito o doon... «Mga pakikipagkita» sabi ng isang matandang lalaki «na hindi na tayo muli magkakaroon.»

Si Jesus ay lumitaw na tila Siya ay papunta sa lugar na iyon mula sa likuran ng isang sabid-sabid na kahoy, kung saan ang matataas na punungkahoy ay pinaiikutan ng mabababang palumpong na nagtatakip sa landas.

Hindi nila Siya makilala sa nangungulilang lalaki, at nakikita Siyang nakabalot sa puting mga damit, sila ay bumulong: «Sino iyon? Isang Essene? Dito? Isang mayaman na Pariseo?» Sila ay naguguluhan.

Si Jesus ay tinanong sila: «Bakit ninyo sinasabi na hindi na ninyo makakatagpo ulit ang Panginoon? Sapagkat Siya, Na inyong pinag-uusapan, ay ang Panginoon.»

«Alam namin. Ngunit hindi ba ninyo alam kung ano ang kanilang ginawa sa Kanya? Ngayon ang ilang mga tao ay nagsasabi na Siya ay bumangon na, ang ilan ay nagsasabi na hindi. Ngunit kahit na kung Siya ay nakabangon na, na siyang aming mas gustong paniwalaan, Siya ay maaaring nakaalis na ngayon. Papaano Siya makapagmamahal at makapananatili sa pagitan ng mga tao na nagpapako sa Kanya sa krus? At kami, na nagmamahal sa Kanya, kahit na kung hindi lahat nakakikilala sa Kanya, ay nalulungkot sapagkat nawala na Siya sa amin.»

«Mayroon pang isang paraan na makasama Siya. Itinuro Niya ito.»

«O! oo. Sa paggawa ng kung ano ang tinuro Niya sa atin. Kung gayon nasa kanya ang Kaharian ng Diyos at nakakasama Siya. Ngunit ang isa ay kailangan munang mabuhay at pagkatapos mamatay. At Siya ay wala na sa atin upang paginhawahan tayo.» Iniiling nila ang kanilang mga ulo.

«Aking mahal na mga bata, para sa mga nabubuhay sa kung ano ang Kanyang tinuro, sinasabuhay ang Kanyang mga itinuro sa kanilang mga puso. Pareho rin ito na tila nasa kanilang puso si Jesus. Sapagkat ang Salita at Doktrina ay isang bagay lamang. Siya ay hindi isang Guro na nagtuturo ng mga bagay na hindi katulad Niya. Kung gayon, siya na ginagawa kung ano ang sinabi Niya, ay buháy si Jesus sa kanyang sarili at hindi nakahiwalay sa Kanya.»

«Ang sinasabi ninyo ay tama. Ngunit kami ay kaawa-awang mga tao at... gusto rin namin na makakita sa pamamagitan ng aming mga mata upang maramdaman ang aming lugod nang maayos... Hindi ko kailanman Siya nakita, ni ang aking anak, o si Jacob, o si Melkiah, o si Santiago, o si Saul. Kita ninyo, sa pagitan lang namin, ilan ang hindi pa nakakita sa Kanya? Lagi namin Siyang hinahanap, ngunit kapag kami ay makarating, Siya ay nakaalis na.»

«Kayo ba ay nasa Herusalem noong araw na iyon?»

«O! naroroon kami! Ngunit noong mapakinggan namin kung ano ang kanilang gustong gawin sa Kanya, tumakbo kami katulad ng mga baliw pataas sa mga bundok, at bumalik kami sa bayan pagkaraan ng Sabbath. Wala kaming kagagawan tungkol sa Kanyang Dugo., sapagkat kami ay wala sa bayan. Ngunit nagawa namin ang maling bagay sa pagiging mga duwag. Nakita man lamang sana namin Siya at nabati. Tiya na pinagpala sana Niya kami para sa aming mga pagbati... Ngunit talagang wala kaming lakas ng loob na tingnan Siya sa gitna ng mga pagpapahirap...»

«Pinagpapala na Niya kayo ngayon. Tingnan Siya Na ang Kaninong mukha ibig ninyong makilala.» Pinakita Niya ang Kanyang Sarili, dibinong magandang-maganda sa berde ng parang. Habang ang kanilang pagkagulat ay naitapon sila sa lupa, ngunit nakapako ang kanilang mga mata sa Kanyang dibinong Mukha, Siya ay nawala sa paningin sa loob ng katingkaran ng liwanag.

XVIII. Sa Sidon, sa maliit na batang lalaki na pinanganak na bulag.

³⁴Ang maliit na batang lalaki ay naglalarong mag-isa sa ilalim ng isang makapal na balag. May narinig siyang may tumatawag sa kanya at natagpuan niya ang kanyang sarili sa harapan ni Jesus. Ni hindi man lamang kahit kaunti na natatakot, tinanong niya Siya: «Ngunit hindi ba’t Kayo ang Rabbi Na nagbigay sa akin ng aking mga mata?» at kanyang itinititig ang kanyang malilinaw na mata ng isang bata, na kapareho ng asul na kulay ng kay Jesus, sa dibinong kumikislap na mga mata.

«Ako iyon, Aking bata. Ikaw ba ay hindi natatakot sa Akin?» Hinahaplos Niya ang bata sa ulo.

«Hindi, hindi ako natatakot. Ngunit ang aking ina at ako ay umiyak nang labis, noong ang aking ama ay bumalik bago ang oras at sinabi niya sa amin na siya ay tumakbo sapagkat hinuli nila ang Rabbi upang patayin Siya. Hindi siya nagdiwang ng Paskuwa at ngayon kinailangan niyang umalis ulit upang ipagdiwang ito. Kung gayon, hindi ba Kayo namatay?»

«Namatay Ako. Tingnan mo ang Aking mga sugat. Namatay Ako sa krus. Ngunit nakabangon na muli Ako sa kamatayan. Sabihin mo sa iyong ama na manatili nang matagal-tagal sa Herusalem, pagkatapos ng ikalawang Paskuwa, at mamalaging malapit sa Mount of Olives, sa Bethphage. May matatagpuan siya roon na magsasabi sa kanya kung ano ang kanyang gagawin.»

«Ang aking ama ay iniisip ang hanapin Kayo. Noong Kapistahan ng mga Tabernakulo hindi siya nagtagumpay na makapagsalita sa Inyo.  Gusto niyang sabihin sa Inyo na minamahal niya Kayo dahil sa mga mata na binigay Ninyo sa akin. Ngunit hindi siya nagtagumpay na magawa ito, maging noon o ngayon...»

«Magagawa niya iyan sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya sa Akin. Paalam, Aking mahal na bata. Kapayapaan sa iyo at sa iyong pamilya.»

XIX. Sa mga magbubukid ni Johanan.

³⁵Ang mga bukid ni Johanan nahahalikan ng buwan. Labis na katahimikan. Ang kaawa-awang mga bahay ng mga magbubukid, sa loob ng maalinsangan na gabi na napipilitan ang mga tao na pabayaan na bukas ang isang pinto man lamang upang hindi sila mamatay sa init ng mabababang silid, kung saan napakaraming katawan ang nagsisiksikan kompara sa kapasidad ng palasyo.

Si Jesus ay pumunta sa malaking silid. Ang pinaka buwan ay tila pinahahaba ang mga sinag nito upang makaporma ng isang maharlikang alpombra para sa Kanya sa sahig ng bugbog na lupa. Niyuyukuan Niya ang isang lalaki na natutulog, nakadapa sa mabigat na pagkatulog sa pagod. Tinatawag Niya siya. Lumipat Siya sa isa pa, sa isa pa ulit. Tinatawag Niya silang lahat, ang Kanyang kaawa-awang tapat na mga kaibigan. Dumaraan Siya nang suwabe at mabilis katulad ng isang anghel na nasa paglipad. Pumunta Siya sa isa pang mga kubo... Pagkatapos Siya ay lumakad upang maghintay para sa kanila sa labas, malapit sa isang grupo ng mga punungkahoy.

Ang mga magbubukid, medyo mga tulog pa, ay lumabas mula sa kanilang mga kubo. Dalawa, tatlo, isa lamang, limang magkakasama, ilang mga babae. Sila ay nagtataka na sila ay lahat tinawag nang gayon, ng isang kilalang tinig, na nagsabi ng gayon ding mga salita sa lahat: «Pumunta sa taniman ng mga mansanas». Pumunta sila doon, ang mga lalaki tinatapos ang pagsuot ng kanilang abang mga damit, ang mga babae inaayos ang kanilang mga tirintas na buhok, at sila ay nagsasalita sa mabababang tinig.

«Ang tunog nito sa akin ay katulad ng tinig ni Jesus ng Nazareth.»

«Baka ang Kanyang espiritu. Pinatay nila Siya. Napakinggan mo ba iyon?»

«Hindi ko ito mapaniwalaan. Siya ay Diyos.»

«Gayunpaman si Joel din ay nakita Siyang dumaan dala ang krus...»

«Ako ay sinabihan kahapon, habang hinihintay ko ang agwasil na mag-aasikaso ng kanyang pangangalakal na negosyo, na ilang mga disipulo ang dumaan sa Jezreel at sinabi nila na Siya ay totoong nabuhay na muli.»

«Manahimik! Alam mo naman kung ano ang sinabi ng panginoon. Ang sinuman na magsabi niyan, ay ipahahagupit.»

«Ay ipapápatay, baka. Ngunit hindi ba’t mas mabuti na iyan, kaysa maghirap nang katulad nito?»

«At ngayon Siya ay wala na rito!»

«At sila ngayon ay naging mas masasamâ, ngayon na nagtagumpay sila sa pagpatay sa Kanya.»

«Sila ay masasamâ, sapagkat Siya ay nabuhay ng maguli.»

Nagsasalita sila sa mabababang tinig habang patungo sa lugar na sinabi sa kanila.

³⁶«Ang Panginoon!» sigaw ng isang babae, ang una na lumuhod.

«Ang Kanyang multo!» sigaw ng iba, at ang ilan ay natatakot.

«Ako ito. Huwag matakot. Huwag sumigaw. Lumapit. Ito ay talagang Ako. Naparito Ako upang palakasin ang inyong pananampalataya, dahil alam ko na ang ibang mga tao ay naglalatag ng mga patibong para diyan. Kita ninyo? Ang Aking katawan ay gumagawa ng anino sapagkat ito ay totoong katawan. |Kayo ay hindi nangangarap. Ang Aking tinig ay isang tunay na tinig. Ako ay ang parehong Jesus na bumahagi sa inyong tinapay at nagbigay sa inyo ng pagmamahal. At ngayon din binibigyan Ko kayo ng pagmamahal. Ipadadala Ko sa inyo ang Aking mga disipulo. At iyan ay magiging Ako pa rin, sapagkat ibibigay nila sa inyo ang madalas Kong ibigay sa inyo at kung ano ang Aking ibinigay sa kanila upang maka-ugnay ang mga naniniwala sa Akin. Dalhin ang inyong mga krus, katulad na dinala Ko ang Akin. Maging matiyaga. Magpatawad. Sasabihin nila sa inyo kung papaano Ako namatay. Gayahin Ako. Ang daan ng kapighatian ay ang daan patungo sa Langit. Sundan ito sa kapayapaan at mapapasainyo ang Aking Kaharian. Walang ibang paraan bukod sa tanggapin kung ano ang kalooban ng Diyos, ng pagbibigay, ng pagkakawanggawa sa lahat. Kung mayroon ibang paraan, naituro Ko sana ito sa inyo. Ang daan na iyan ang Aking tinahak, sapagkat iyan ang makatarungan na daan. Maging tapat sa Batas ng Sinai, na di-mababago sa sampung kautusan nito, at sa Aking Doktrina. Ang Aking mga disipulo ay darating upang turuan kayo, upang kayo ay sana huwag mapabayaan sa mga intriga ng masasamang tao. Pinagpapala Ko kayo. Laging isipin na lagi Ko kayong minahal at na Ako ay nagpunta sa inyo bago at pagkatapos ng pagluluwalhati sa Akin. Sasabihin Ko sa inyong totoo na maraming tao ang may gustong makita Ako ngayon, at hindi nila Ako makikita. Maraming malalakas na tao. Ngunit pinakikita Ko ang Aking Sarili sa mga minamahal Ko at nagmamahal sa Akin.»

Ang isang lalaki ay naglakas-loob na magsabi: «Kung gayon... Ang Kaharian ba ng Diyos ay totoong naririyan? Kayo nga ba talaga ang Mesiyas? Iniimpluwensiyahan nila kami...»

«Huwag pakinggan ang kanilang mga salita. Alalahanin ang Akin, at tanggapin ang mga salita ng Aking mga disipulo na kilala sa inyo. Iyon ang mga salita ng katotohanan. At ang mga tatanggap sa mga nito at magsasabuhay nito, kahit na kung siya ay isang katulong o isang alipin dito, ay magiging isang mamamayan at kapwa-tagapagmana ng Aking Kaharian.»

Pinagpapalà Niya sila inuunat ang Kanyang mga kamay at Siya ay nawala sa paningin nila.

«O! Ako... ako ay wala nang kinatatakutan na kahit ano!»

«Kahit na ako. Napakinggan ba ninyo iyon? May lugar din para sa atin!»

«Kinakailangan na maging mabuti!»

«Magpatawad!»

«Magkaroon ng tiyaga!»

«Ang makatagal.»

«Ang hanapin ang mga disipulo.»

«Siya ay pumunta sa atin, mga abang mga lingkod.»

«Sasabihin natin sa Kanyang mga apostol.»

«Kung malaman ni Johanan!»

«At si Doras!»

«Papatayin nila tayo upang hindi tayo makapagsalita.»

«Ngunit tayo ay mananahimik. Sasabihin lamang natin sa mga lingkod ng Panginoon.»

«Micah, hindi mo ba kailangan na pumunta sa Sephoris dala ang dalahin na iyan? Bakit hindi ka pumunta sa Nazareth at sabihin...»

«Kanino?»

«Sa Ina. Sa mga apostol. Sila ay baka kasama Siya...»

Sila ay umalis. Binubulong ang kanilang mga plano.

XX. Kay Daniel, isang kamag-anak ni Helkai, ang Pariseo, kasama si Simon, ang miyembro ng Sanhedrin.

³⁷Si Helkai, ang Pariseo, ay nakikipagusap sa ilan sa kanyang mga kauri kung ano ang kailangan na gawin kay Simon, ang miyembro ng Sanhedrin, na naging baliw noong Biyernes Santo at ngayon labis na nagsasalita at napakaraming bagay ang sinasabi. May iba't ibang mga mungkahi. Ang ilan ay nagsasabi na siya ay kailangan na ihiwalay sa ilang disyertong lugar, kung saan ang kanyang pagsisigaw ay maririnig lamang ng isang napakatapat na lingkod, na nakakapareho ng kanilang isip, ang ilan, mas mababait, ay nakakasiguro, sa dahilan na iyon ay isang lilipas din na sakit, na sapat nang pabayaan siya sa kinaroroonan niya.

Si Helkai ay tumugon: «Dinala ko siya rito sapagkat wala na akong maisip na ibang lugar na mapagdadalhan sa kanya. Ngunit nalalaman ninyo na hindi labis pinagkakatiwalaan ang aking kamag-anak na si Daniel...»

Ang iba, na mas masasama pa kaysa kay Helkai, ay nagsabi: «Gusto niyang lumayas, sa pamamagitan ng dagat. Bakit hindi siya pagbigyan?»

«Sapagkat wala siyang kakayahan na kumilos nang matino. Nag-iisa sa dagat siya ay mamamatay, at wala sa atin ang may kakayahan kung papaano patakbuhin ang isang bangka.»

«At pagkatapos! Kahit na kung kaya natin! Ano ang mangyayari sa pagdadaungan, kung iisipin kung ano ang kanyang sinasabi? Pabayaan siyang isipin ang paraan... Sa presensya ng lahat, sa presensya rin ng inyong kamag-anak, hayaan na sabihin niya kung ano ang gusto niyang gawin, at mangyari ang gugustuhin niya.»

Ang mungkahing ito ay inaprobahan at si Helkai ay tinawag ang isang katulong at inutusan siya na dalhin si Simon at tawagin si Daniel. Kapwa ang dalawa dumating at, kung si Daniel ay nagmumukhang isang tao na hindi mapakali na kasama ang ilang mga tao, ang isa ay nagmumukhang katulad ng isang tanga.

«Makinig sa amin, Simon. Sinasabi mo na kinukulong ka namin dahil gusto ka naming patayin...»

«Kailangan. Sapagkat iyan ang utos.»

«Nahihibang ka, Simon. Manahimik at makinig. Saan sa palagay mo mapanunumbálik ang iyong kalusugan?

«Sa dagat. Sa dagat. Sa labas doon sa bukas na dagat. Kung saan walang tinig na maririnig. Kung saan walang mga sepulkro. Sapagkat ang mga sepulkro ay nagbubukas at ang patay ay lumalabas at sinasabi ng aking ina...»

«Manahimik! Makinig. Minamahal ka namin. Katulad ng isa sa aming dugo. Talaga bang gusto mong pumunta roon?»

«Tiyak na gusto ko. Sapagkat ang mga sepulkro rito ay nagbubukas at ang aking ina...»

«Pupunta ka roon. Dadalhin ka namin sa baybayin, magbibigay kami ng bangka at ikaw...»

Ngunit gumagawa ka ng isang pagpatay-ng-tao! Siya ay baliw! Hindi siya maaaring lumakad nang mag-isa!»  sigaw ng tapat na si Daniel.

«Ang Diyos ay hindi gumagawa ng karahasan sa kalooban ng tao. Magagawa ba natin ang hindi ginagawa ng Diyos?»

«Ngunit siya ay baliw! Siya ay wala nang isang kalooban. Siya ay mas tanga pa kaysa sa isang bagong panganak na sanggol! Hindi mo magagawa iyan!...»

«Manahimik. Ikaw ay isang magbubukid at wala nang iba pa. Alam namin... Bukas aalis tayo papunta sa dagat. Magsaya, Simon. Para sa dagat. Naiintindihan mo ba?»

«Ah! Hindi ko na maririnig ang mga tinig ng Lupa! Wala na ang mga tinig... ³⁸Ah!» isang mahabang sigaw, isang pagkahibang na paggalaw, ang mga mata at mga tainga sarado. At isa pang sigaw, ni Daniel, na tumatakbong nahihintakutan.

«Sino iyon? Ano ang nangyayari? Patigilin ang baliw na taong iyon at ang tangang iyon! Lahat ba tayo ay nawawalan na ng pangangatwiran?» sigaw ni Helkai.

Ngunit siya na tinatawag ni Helkai na isang “tanga”, ibig sabihin ang kanyang kamag-anak na si Daniel, pagkatapos na tumakbo nang mga ilang metro, ay pinagpatirapa ang sarili sa lupa, samantalang ang isa pa ay bumubulâ ang bibig, sa kanyang kinaroroonan, sa isang nakakatakot na kombulsiyon, at sumisigaw, sumisigaw: «Gawin Siyang manahimik! Siya ay hindi patay at sumisigaw Siya at sumisigaw at sumisigaw! Mahigit pa sa aking ina, mahigit pa sa aking ama, mahigit pa sa ginawa Niya sa Golgotha! Doon, doon, hindi ba ninyo makita roon?» Tinuturo niya ang lugar na kinalalagyan ni Daniel, panatag, ngumingiti, ang kanyang mukha nakatingala, pagkatapos na nakatungo ito sa lupa.

Si Helkai ay pinuntahan siya at inuuga siya nang marahas, nagngangalit katulad niya, nang hindi iniintindi si Simon, na gumugulong sa lupa at bumubulâ, gumagawa ng makahayop na mga sigaw sa gitna ng iba pang mga tao na nakatingin na nahihintakutan habang pinaliligiran nila siya. Si Helkai ay nagsabi kay Daniel: «Ikaw na walang-magawang nangangarap nang gising, maaari bang sabihin mo sa akin kung ano ang ginagawa mo?»

«Pabayaan ako. Ngayon kilala ko na kung sino ka. At ako ay lalayas sa iyo. Nakita ko, mabait sa akin, makamamatay sa iyo, Siya Na gusto mong paniwalaan ko na patay. Ako ay lalayas. Gusto ko protektahan ang aking kaluluwa kaysa pera at kayamanan. Paalam, ikaw na isang isinumpa! At kung magagawa mo, subukan na marapatin ang pagpapatawad ng Diyos.»

«Ngunit saan ka pupunta? Saan? Ayaw ko!»

«May karapatan ka bang gawin akong isang bihag? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na iyan? Iniiwan ko sa iyo kung ano ang mahal mo at susundan ko kung ano ang mahal ko. Paalam» tinalikuran niya siya at umalis, kasing bilis na tila hinihila siya ng isang mas malakas pa sa tao na kapangyarihan, pababa sa berdeng dalisdis ng mga punong-olibo at mga lootan.

Si Helkai ay nangingitim-ngitim sa galit, at hindi lamang siya ang nag-iisa. Ang galit ay sinasakal silang lahat. Si Helkai ay nagbabanta na maghihiganti sa kanyang kamag-anak, sa lahat na mga «na sa pamamagitan ng kanilang kahibangan”, sinasabi niya, pinangangatawanan na ang Galilean ay buháy. Gusto niyang sabihin, gusto niyang gawin...

May isa, hindi ko alam kung sino, ang nagsabi: «Gagawin natin, gagawin natin, ngunit hindi natin magagawang ipasara ang lahat na mga bunganga, ang lahat na mga mata, na nagsasalita, sapagkat nakikita nila. Natalo na tayo! Ang krimen ay nasa atin. Ngayon ay nandiyan ang pagbabayad-sala...» at dinadagukan niya ang kanyang dibdib, napanghahawakan ng gayong kalungkutan, na nagmumukha siyang isa na umaakyat sa mga baytang ng intablado ng bitayan. «Ang paghihiganti ni Jehovah» sinasabi rin niya, at ang lahat na matagal nang kinatatakutan ng Israel ay maririnig ulit sa kanyang tinig.

Sa pansamantala si Simon na nasugatan, bumubulâ ang bibig, natatakot, nahihibang ay sumisigaw katulad ng isang naisumpang kaluluwa: «Mamamatay ng magulang, sinabi Niya sa akin. Patahimikin Siya! Tahimik! Mamamatay ng magulang! Katulad ng salita ng aking ina! Kung gayon ang lahat bang patay ay pare-pareho ang sinasabi?!...»

XXI. Sa isang babaeng Galilean.

³⁹Ang buwan, na halos nasa punto na ng paglubog, ay malapit nang itago ang manipis na gasuklay nito sa likuran ng tuktok ng isang bundok. At ang liwanag nito, kung gayon, ay mahinang-mahina, at bago magtagal hindi na ito sisinag sa malapad na kabukiran.

Gayunpaman ang isang manlalakbay ay nasa nangungulilang daan, isang maliit na daan, isang landas sa pagitan ng mga bukid, higit pa man sa kung ano. Siya ay naglalakad bitbit ang isang simpleng lampara nakabitin sa isang singsing na bakal, isa sa mga lampara ng matagal ng panahon na sa palagay ko siyang madalas gamitin ng mga nagkakariton. Dahil ang salamin ay hindi pa pangkaraniwan noon – sa palagay ko ito ay ganap na hindi pa alam noon, dahil hindi pa ako nakakita nito sa kahit alin na bahay bilang isang baso, o isang plorera, o isang panakip sa mga bintana – ang apoy ng lampara ay protektado ng isang bagay, na maaaring mica o pergamino. Ang liwanag na nakakatagos ay napakahina, na maliit na espasyo lamang sa paligid ng lampara ang naliliwanagan. Ngunit habang ang buwan ay nawawala, ang liwanag ng kaawa-awang lampara ay tila lumalakas, napoporma ang isang malinaw na sumasayaw na pabilog sa kadiliman ng kabukiran.

Ang manlalakbay ay naglalakad, naglalakad... Ang bukang-liwayway ay nagsisimula nang magpakita sa kalangitan sa dulung-dulo ng kaligiran. Ngunit napakalabo nito, sa kasalukuyan, na wala itong naliliwanagan na kahit ano, at ang kaawa-awang lampara ay kailangan pa rin.

Isa pang manlalakbay, ganap na nakabalot sa isang manta, ang naghihintay o nagpapahinga malapit sa isang maliit na tulay.

Ang isa na may lampara, na papunta sa tulay, ay tumigil nang may pagdududang aktitud. Nag-aalinlangan siya kung daraan doon o babalik, patungo kung saan may malalaking bato na maaaring tulayan sa maliit na tubig upang makatawid.

Ang isang nakaupo sa pangkabukiran na barandilya, gawa sa katawan ng isang punungkahoy na may puting-berde pang balat, ay itinaas ang kanyang ulo, pinapanood ang isang tumigil. Siya ay tumayo at nagsabi: «Huwag matakot sa Akin. Lumapit ka. Ako ay isang mabuting kasama, hindi isang mandarambong sa daan.» Ito ay si Jesus. Nakikilala ko Siya sa tinig kaysa sa Kanyang hitsura, na natatakpan ng malabong liwanag.

Ngunit ang tao ay hindi gumagalaw, nagdududa pa rin.

«Halika, babae. Huwag matakot. Lalakad tayong magkasabay nang matagal-tagal sa daan at makakabuti ito para sa iyo.»

Ang babae, ngayon alam ko na na siya ay babae, ay lumalapit, nagtitiwala gawa ng kabaitan ng tinig o ng isang mahiwagang puwersa at iniiling niya ang kanyang ulo habang siya ay lumalapit, bumubulong: «Wala nang kabutihan para sa akin.»

Sila ngayon ay nagpapatuloy nang magkasabay sa isang landas, na napakalapad kung dalawang tao lamang ang daraan. Ang dumarating na bukang-liwayway ay pinakikita, sa isang tabi ng landas, ang isang malagong tanim ng mga trigo na naghihintay nang anihin. Sa kabilang tabi, ang trigo ay nagapas na at ang pinaggapasan ay tungkus-tungkos na nakahiga sa lupa.

«Maisumpa sana sila!» sabi ng babae sa mababang tinig, sumusulyap sa mga tungkos na nasa bukid.

Si Jesus ay tahimik.

Ang liwanag ng araw ay lumalakas, Pinatay ng babae ang kaawa-awang lampara at, sa paggawa nito, naalisan niya ng takip ang kanyang mukha na nasira ng mga luha. At itinaas niya ang kanyang ulo upang tumingin sa silangan, kung saan ang isang madilaw na rosas na linya ay binabalita nito ang tumataas na araw. Itinaas niya ang kanyang kamao na inuuga ito patungo sa silangan at sinabi niyang muli: «Maisumpa ka rin sana!»

«Ang araw? Ginawa iyan ng Diyos. Katulad na ginawa Niya ang butil. Sila ay mga pabor ng Diyos. Hindi sila dapat isumpa...» sabi ni Jesus nang may-kabaitan.

«At isinusumpa ko sila. Sinusumpa ko ang araw at ang mga tanim. At may rason ako para diyan.»

«Sila ba ay hindi naging mabuti sa iyo sa loob ng maraming mga taon? Ang una ba ay hindi pinahinog nito ang iyong pang-araw-araw na tinapay, ang mga ubas na nagiging alak, ang mga gulay at ang bunga ng pangkusinang-hardin, hindi ba ginawa ng araw ang mga pastulan na lumago upang mapakain ang mga tupa at mga kordero, na ang kanilang gatas at karne ay iyong kinakain at ang kanilang lana hinahabi mong mga damit? At ang butil ba ay hindi nagbigay ng tinapay sa iyo, sa iyong mga anak, sa iyong ama at sa iyong ina, sa iyong asawa?»

Siya ay napaiyak at sumigaw: «Wala na sa akin ang aking asawa! Pinatay nila siya! Siya ay nagtrabaho bilang isang arawán na trabahador, sapagkat may pitong anak kami at ang kaunting mayroon kami ay hindi sapat na mapatahimik ang pagkagutom ng sampung mga tao. At kagabi siya ay dumating at nagsabi: “Napapagod ako at hindi ko maintindihan ang aking pakiramdam” at ibinagsak niya ang kanyang sarili sa maliit na kama, umaapoy sa lagnat. Ang kanyang ina at ako ay tinulungan siya hangga’t magagawa namin, dahil balak namin na tumawag ng doktor sa bayan ngayon... Ngunit pagkatapos ng tilaok ng manok siya ay namatay. Ang araw ay pinatay siya. Oo. Ako ay pupunta sa bayan. Upang kunin kung ano ang kinakailangan. Pasasabihan ko ang kanyang mga kapatid pagbalik ko. Iniwan ko ang kanyang ina upang bantayan ang kanyang anak at ang aking mga anak... at umalis ako upang gawin kung ano ang dapat na gawin... At hindi ko ba kailangan na isumpa ang nanununog na araw at ang butil?»

Mapagtimpi nang labis katulad kanina, na hindi ko masabi kung siya ay isang babae, at higit sa lahat isang babaeng naghihirap ang kalooban, napalabas na niya ngayon ang pumipigil sa kanyang kapighatian, na umaapaw nang marahas. Sinasabi niya ang hindi niya masabi sa bahay «upang hindi magising ang mga batang natutulog sa katabing silid», ang nagpapabigat nang labis na sa pakiramdam niya ito ay sasabog. Ang mga alaala ng pagmamahal, ng pagkasira ng kinabukasan, ng kapighatian ng isang balo, ay lumabas nang may kaguluhan katulad ng mga eskombrong inaanod ng bumabahang ilog...

⁴¹Si Jesus ay pinababayaan siyang magsalita. Sapagkat alam Niya kung papaano kahabagan ang kapighatian. Pinababayaan Niya itong makalabas, upang ang tao ay gumaan ang pakiramdam, at ang kapaguran mismo, na sumusunod sa pagbuhos ng kapighatian, ay magawa sana siyang maintindihan kung sino ang nagbibigay sa kanya ng kaginhawahan. Pagkatapos sinabi Niya nang may-kabaitan: «Sa Nain at sa Nazareth, at sa mga lugar sa pagitan ng una at ng huli, ay naroon ang mga disipulo ng Rabbi ng Nazareth. Pumunta ka sa kanila...»

«At ano ang maaasahan mong magagawa nila? Kung Siya ay naririto pa!... Ngunit sila? Sila ay hindi mga santo! Ang aking asawa ay nasa Herusalem noong araw na iyon. At alam niya... O! hindi! Alam niya! Wala na siyang nalalaman pang kahit ano pa! Siya ay patay na!»

«Ano ang ginawa ng iyong asawa noong araw na iyon?»

«Noong ang kaguluhan sa kalsada ay ginising siya, tumakbo siya patungo sa terasa ng bahay na tinitirhan niya kasama ang kanyang mga kapatid at nakita niya ang Rabbi na dumaan, habang Siya ay dinadala sa Praetorium, at kasama ang ibang mga Galilean sinundan niya Siya hanggang sa Siya ay mamatay. Siya at ang iba pa ay pinagbabato, noong malaman ng mga tao na sila ay mga Galilean, sa itaas doon sa bundok, at pinalalayas sila hanggang sa ibaba pa. Ngunit sila ay naroroon hanggang sa ang lahat ay nangyari na. Pagkatapos... sila ay umalis... At ngayon siya ay patay na. O! kung nalalaman ko man lamang kung siya ay nasa kapayapaan dahil sa kanyang habag sa Rabbi!»

Si Jesus ay hindi tumutugon sa hiling na iyon. Ngunit sinabi Niya: «Nakita niya kung gayon na may ilang disipulo sa Golgotha. Ang lahat kayang mga Galilean ay katulad ng iyong asawa?»

«O! hindi. Marami, mga taga-Nazareth din, ang umabuso sa Kanya. Kahiya-hiya!»

«Kung gayon, kung maraming tao mga taga-Nazareth din ang hindi nagpakita ng pagmamahal para sa kanilang Jesus, subalit sa kabila nito pinatawad Niya sila, at marami ang magiging banal sa hinaharap, bakit gusto mong husgahan ang lahat ng mga disipulo ng Kristo na pare-pareho sila? Gusto mo bang maging mas mahigpit pa kaysa sa Diyos? Ang Diyos ay nagkakaloob ng labis sa mga nagpapatawad...»

«Ang mabuting Rabbi ay wala na! rito! Siya ay wala na rito! At ang aking asawa ay patay na.»

«Ang Rabbi ay binigyan ang Kanyang mga disipulo na magawa kung ano ang nagawa Niya.»

«Nakahanda akong paniwalaan iyan. Ngunit Siya lamang ang makatatalo sa kamatayan. Siya lamang!»

«At hindi ba natin nababasa na si Elias ay ibinigay ulit ang espiritu sa anak ng balo ng Zarephath? Sasabihin Ko sa iyong totoo na si Elias ay isang dakilang propeta, ngunit ang mga lingkod ng Tagapagligtas, Na namatay at nabuhay ng maguli sapagkat Siya ang Anak ng totoong Diyos at nagkatawang-tao upang matubos ang mga tao, ay may mas malaki pang kapangyarihan, sapagkat sa Krus pinatawad Niya sila ng kanilang mga kasalanan, at sila ang unang mga pinatawad, dahil nalalaman Niya, sa pamamagitan ng dibinong karunungan, ang kapighatian ng kanilang nagsisising mga espiritu, pinabanal Niya sila pagkaraan ng Kanyang resureksiyon pinatatawad silang muli, at inilagay Niya ang Banal na Espiritu sa kanila, upang Ako ay mairepresenta nila nang karapat-dapat kapwa sa pamamagitan ng kanilang mga salita at kanilang mga gawa, at ang mundo ay hindi sana manatiling nangungulila pagkaraan ng Aking pag-alis dito.»

⁴²Ang babae ay nabuhayang napahakbang nang paatras, tulala. Hinawi niya ang kanyang belo upang tingnan ang kanyang kasabay. Ngunit hindi niya Siya nakikilala. Iniisip niya na baka nagkamali siya nang pagkaintindi. Ngunit hindi na siya nagsasalita pa ulit...

«Natatakot ka ba sa Akin? Una akala mo Ako ay isang mandarambong sa daan na aagaw sa pera na tinatago mo sa iyong dibdib at gagamitin mo sa pagbili ng mga kakailanganin para sa paglilibing. At ikaw ay natatakot. Natatakot ka ba ngayon na malaman na Ako ay si Jesus? At si Jesus ba ay hindi ang Isa Na nagbibigay at hindi nanghihingi? Siya Na nagliligtas at hindi naninira? Bumalik ka, babae. Ako ang Resureksiyon at ang Buhay. Ang sudarium at mga pampabango ay hindi kinakailangan para sa kanya na hindi patay, na hindi na patay, sapagkat Ako ay Siya na tumatalo sa kamatayan at nagbibigay ng gantimpala sa may pananampalataya. Lakad! Umuwi ka! Ang iyong asawa ay buhay. Walang isang may pananampalataya sa Akin ang naiiwan na walang gantimpala.» Gumagawa Siya ng pagkilos ng pagpapalà sa kanya at Siya ay umaalis.

Ang babae ay nakapanumbalik mula sa kanyang paninigas. Hindi siy6a nagtatanong, hindi siya nagdududa... Wala. Bumagsak siya sa kanyang mga tuhod, sumasamba. Pagkatapos, sa wakas, binuksan niya ang kanyang bunganga at, naghahapuhap sa kanyang dibdib, binunot niya ang isang maliit na lukbutan, ang kaawa-awang lukbutan ng mahihirap na tao, sa kung kanino ang karukhaan ay nagkakait ng solemneng mga parangal sa kanilang mga patay, at inaalok ang kanyang lukbutan sinabi niya: «Wala na akong iba pa... wala nang iba pa upang sabihin sa Inyo ang aking pasasalamat, upang parangalan Kayo, upang...»

«Hindi na Ako nangangailangan ng pera, babae. Dadalhin mo iyan sa Aking mga apostol.»

«O! oo. Pupunta ako sa kanila kasama ang aking asawa... Ngunit ano ang aking maibibigay sa Inyo, aking Panginoon? Ano? Nagpakita Kayo sa akin... ang himalang ito... at hindi ko Kayo nakilala... at ako ay balisang-balisa... oo, di-makatarungan kahit na sa mga bagay...»

«Oo. At hindi mo inisip na sila ay mabuti sapagkat Ako ay mabuti, at na lahat na ginawa ng Diyos ay mabuti. Kung hindi nagkaroon ng araw, kung hindi nagkaroon ng butil, hindi ka magkakaroon ng kasalukuyang grasya.»

«Ngunit gaanong kapighatian!...» Ang babae ay umiiyak naaalaala ito.

Si Jesus ay ngumingiti at pinakikita ang Kanyang mga kamay nagsasabing: «Ito ang pinakamaliit sa Aking kapighatian. At tinanggap Ko ang lahat, nang hindi nagrereklamo, para sa kabutihan ninyo.

Ang babae ay yumukod sa lupa upang magtapat: «Totoo iyan. Patawarin ang aking lamentasyon.»

⁴³Si Jesus ay nawala sa paningin sa loob ng Kanyang liwanag, at nang siya ay tumingala nakita niya na siya ay nag-iisa. Siya ay tumayo, tumingin-tingin sa paligid. Walang nagpipigil sa kanya na makakita, sapagkat maliwanag na maliwanag na, at walang iba rito maliban sa mga bukid ng mga butil sa paligid. Ang babae ay nagsalita sa kanyang sarili: «Gayunpaman ako ay hindi nanaginip!» Baka ang dimonyo ay binubulungan siyang magduda, sapagkat siya ay nasa kalagayan ng di-nakatitiyak sa loob ng isang sandali, habang pinakikiramdaman niya ang kanyang lukbutan sa kanyang mga kamay.

Ngunit pagkatapos ang pananampalataya ang nanalo, at tinalikuran niya ang lugar kung saan siya dati patungo, binabalikan ang kanyang dinaanan, kasing bilis na tila dala-dala siya ng hangin nang hindi siya pinapagod, ang kanyang mukha nagniningning sa tuwa na mas malaki pa kaysa sa kahit ano pang lugod pantao, napakapayapa nito. Paminsan-minsan kanyang inuulit: «Gaano kabuti ang Panginoon. Siya ay talagang Diyos! Siya ay Diyos! Pagpalain ang Kataastaasan at Siya Na Kanyang pinadala.» Wala siyang masabing iba. At ang kanyang litaniya ay humahalo sa pag-aawit ng mga ibon.

Ang babae ay labis na nasa kanyang sarili na hindi niya napapakinggan ang mga pagbati ng ilang mga naggagapas na nakakakita sa kanya na dumaraan at nagtatanong sa kanya kung saan siya nanggaling sa maagang oras na iyon... Ang isa ay sinamahan siya at nagsabi sa kanya: «Si Mark ba ay mas mabuti na? Galing ka ba sa doktor?»

«Si Mark ay namatay pagtilaok ng manok at nakabangon mula sa kamatayan. Sapagkat ang Mesiyas ng Panginoon ay iyan ang ginawa» tugon niya, naglalakad nang mabilis lagi.

«Ang pamimighati ay nagawa siyang baliw!» bulong ng isang lalaki, at iniiling niya ang kanyang ulo sinasamahan ang kanyang mga kasamahan, na nagsimula nang maggapas.

Ang mga bukid ay napupuno nang napupuno ng mga tao. Ngunit ang pag-uusyoso ay napanghahawakan ang marami na nagpasyang sumunod sa babae, na mas pinabibilis pa nang lalo ang kanyang mga paghakbang.

Siya ay nagpapatuloy. May isang napaka maralitang bahay, mababa, nangungulila, naliligaw sa kabukiran. Patungo roon ang kanyang mga hakbang, dinidiin ang kanyang mga kamay sa kanyang puso.

Siya ay pumasok. Ngunit nang kaagad nakatuntong siya sa loob, ang isang matandang babae ay niyakap siya sumisigaw: «O! aking anak, anong grasya ng Panginoon! Laksan mo ang iyong loob, anak, sapagkat ang sasabihin ko sa iyo ay napakalaki, napakasaya, na...»

«Alam ko, inay. Si Mark ay hindi na patay. Nasaan siya?»

«Alam mo... Papaano?»

«Nakita ko ang Panginoon. Hindi ko Siya nakilala, ngunit nagsalita Siya sa akin at noong nagustuhan Niya nagsabi sa akin: “Ang iyong asawa ay nabubuhay”. Ngunit dito... kailan?»

«Kabubukas ko pa lamang ng bintana, at aking tinitingnan ang unang sinag ng araw sa puno ng igos. Oo, ganyang lamang. Ang unang sinag ay tumama sa puno ng igos pagkatapos, sa silid... noong mapakinggan ko ang isang malalim na pagbuntung-hininga, katulad ng isang gumigising. Tumalikod akong natatakot at nakita ko si Mark na nakaupo at kanyang itinapon sa likuran ang tela na aking inilagay sa ibabaw ng kanyang mukha, at tumingin siya nang may pagmumukha, isang pagmumukhang... Pagkatapos tiningnan niya ako a nagsabi: “Inay! magaling na ako!” Halos mamatay ako mismo, at tinulungan niya ako, at nabatid niya na siya ay naging patay na. Wala siyang maalaalang kahit ano. Sinasabi niya na naaalaala niya ang hanggang sa sandali na inihiga natin siya sa kama, at pagkatapos wala nang iba pa hanggang nakita niya ang isang anghel, isang klaseng anghel na nagmumukhang katulad ng Rabbi ng Nazareth at nagsabi sa kanya: “Bumangon!”. At siya ay bumangon. Noong mismong ang araw ay ganap nang nakataas.»

«Noong mismong sinabi Niya sa akin: “Ang iyong asawa ay nabubuhay”. O! inay, anong grasya ito! Gaano minahal tayo ng Diyos!»

⁴⁴Ang mga taong pumasok ay natagpuan silang magkayakap, umiiyak. At akala nila si Mark ay patay na at na ang kanyang asawa, sa sandali ng kalinawan ng isip, ay nabatid ang kanyang kasawiang-palad. Ngunit si Mark, noong marinig ang mga tinig, ay nagpakita, nakatinging panatag, may kargang bata, ang iba hinahawakan ang kanyang tunika, at nagsabi siya sa malakas na tinig: «Naririto ako. Ating pagpalain ang Panginoon!»

Ang mga bagong dating ay pinupupog siya ng mga katanungan, at katulad ng madalas tungkol sa mga bagay na pantao, ang pagkakaiba-iba sa kuwento ay nangyayari. Ang ilan ay naniniwala sa isang tunay na resureksiyon, at ang ilan, ang karamihan, ay nagsasabi na siya ay nakatulog lamang nang malalim, ngunit hindi siya namatay. Ang ilan ay tinatanggap na ang Kristo ay nagpakita kay Rachel at ang ilan ay nagsasabi na ang lahat ay malaking kalokohan, sapagkat ang ilan ay nagsasabi: «Siya ay patay na» at ang ilan: «Siya ay nabuhay ng maguli, ngunit Siya ay galit-na-galit, kailangan lamang, na hindi na Siya gagawa ng mga himala para sa Kanyang mamamatay-tao na sambayanan.»

«Masasabi ninyo anuman ang gusto ninyo» sabi ng lalaki nawawalan ng pasyensiya «at sabihin ninyo saan man ninyo gusto. Hangga’t iyan ay hindi ninyo sinasabi rito, kung saan ang Panginoon ay ibinangon ako mula sa kamatayan. At lumayas kayo, o sawing-palad na mga tao! At sana paliwanagan ng Diyos ang inyong mga ulo upang sana kayo ay maniwala. Umalis na kayo ngayon at iwanan kami sa kapayapaan.» Pinalayas niya sila at isinara niya ang pinto.

Dinidiin niya sa kanyang puso ang kanyang asawa at ang kanyang ina at nagsabi: «Ang Nazareth ay hindi malayo. Pupunta ako roon at ipapahayag ko ang himala.»

«Iyan ang gusto ng Panginoon, Mark. Dadalhin natin ang perang ito sa Kanyang mga disipulo. Tayo na at pagpalain natin ang Panginoon. Katulad lamang ng kung ano tayo. Tayo ay mahirap, ngunit Siya rin ay mahirap. At ang Kanyang mga apostol ay hindi tayo hahamakin.»

Inaabala niya ang kanyang sarili sa pagtatali ng mga sintas ng sandalyas ng mga bata, habang ang kanyang ina ay naglalagay ng mga baon sa isang bag at sinasara ang mga pinto at mga bintana, at si Mark ay umalis upang gawin ang kung ano na hindi ko alam.

Sila ay lumabas noong sila ay nakahanda na at naglakad nang mabilis, ang maliliit na bata karga nila, ang iba ay masaya at medyo nagtataka, pagawing silangan, patungong Nazareth, siyempre. Baka ang lugar na ito ay nasa kapatagan pa ng Esdraelon, ngunit ibang bahagi kaysa sa lugar ng ari-arian ni Johanan.

121312

 

 



Sunod na kabanata